february issue

4
SULYAP SA PAHINA A WARENESS DRIVE A NTIPOLO 1 V ALENTINES P ARTY 09 AT T ONDO 2 EDITORIAL 2 DUGO KO ALAY SA KAPWA KO KATUWANG NG CMO BN 3 PBM (N AGBIBIGAY NG N GIT SA MGA BATA ) 3 I NAUGURATION & CUTTING OF RIBBON OF NEW ROTC BDLG. OF PUP C OM- MONWELTHH. 4 A LAY L AKAD (WALK FOR L IFE) 4 BALITAAN SA BARANGAY FEBRUARY 2009 VOLUME 1, ISSUE 2 TUNGO SA ISANG MAUNLAD,MATIWASAY AT NAGKAKAISANG KOMUNIDAD Website: www.cmobn.com Friendster: [email protected] ONE COUNTRY...ONE PEOPLE...ONE ARMY ! INFORMATION DRIVE NG CMOBn SA CITY COLLEGE OF MANILA DINALUHAN NG MAYORYA NG NSTP STUDENTS Humigit kumulang sa isang libo’t tatlong daang (1,300) kabataang magaaral sa National Service Training Program (NSTP) ng City College of Ma- nila (CCM) ang dumalo sa gi- nanap na information drive ng Civil Military Operations Bat- talion (CMOBn) sa pangun- guna ng Operations Officer nito na si Cpt Mario Jose M Chico . Ginanap ang Informa- tion Drive sa Justice Cecilia Munoz Palma Hall nitong ika- 23 ng Enero taong kasaluku- yan. Naisakatuparan ang info drive dahil na rin sa ginawang pakikipagtulungan ng NSTP Director ng CCM na si Mr Joel Cam at Asst NSTP Coordinator Mr Shan Dave Tupaz. Dumalo din ang ilang guro ng nasabing kolehiyo. Nagkaroon ng dalawang sesyon ang information drive; isa sa umaga, at isa rin sa hapon. Layunin nito na ipaliwanag sa mga mag-aaral ang proseso ng pagrerekluta ng mga prenteng organisasyon ng CPP-NPA-NDF. Nakatawag pansin sa kanila ang mga kaalamang ibinahagi ni Cpt Chico at ang kasama nitong isang Rebel Returnee. Ayon kay Sheila, isang estudyante sa kursong Physical Ther- apy, ang kanilang natutunan sa information drive ay magagamit nila bilang isang gabay sa kanilang pagaaral at maging sa pagpili nila sa mga organisasyong pwede nilang masalihan sa paaralan. Sa open forum naman ay naging maliwanag sa mga estudyante ang proseso ng pa- grerekluta ng CPP-NPA-NDF, mga palatandaan na nirerekluta na sila, antas-antas na pagba- bago nang kanilang estado sa organisasyon at iba pang mahahalagang kaalaman at impor- masyon hinggil sa CPP-NPA-NDF recruitment na matagal nang nangyayari sa mga paaralan hindi lamang sa Metro Manila kundi sa buong kapuluan. Binigyang diin ni Cpt Chico na hindi layunin ng information drive o ng mga sundalo na pagbawalan ang mga kabataan na sumapi sa anumang organisasyon, kundi ang adhikain nito ay upang tulungan sila para maging mapanuri, mapang-aral, mapag-obserba at mapang-analisa sa mga prenteng or- ganisasyon na maaaring makasira sa pag-aaral nila. Dagdag pa niya na wala ni isang magu- lang ng mga mag-aaral sa CCM ang nagpa-aral ng kanilang mga anak sa nasabing insti- tusyon para ang maging layunin ay umakyat sila sa bundok at humawak ng armas. Sa se- syon naman sa hapon, naging mabunga ang ginanap na open forum dahil itinuon ng mga estudyante ang kanilang pagtatanong sa proseso ng pagrerekluta at kung paano naman sila mapalayo sa mga panlilinlang na maaaring gawin sa kanila. Sa pagtatapos ng programa ay nagkakaisang nanawagan ang mga estudyante sa mga namumuno ng mga prenteng organisasyon na sa halip na sila ay rekrutin, dalhin sa bundok at isama sa mga labanan ay tulungan na lamang umano silang makapagtapos ng kanilang pag-aaral upang magkaroon umano sila ng magandang kinabukasan. Ipinaabot din nila ang kanilang pasasalamat sa mga kasundaluhan ng CMO Bn dahil sa pagsisikap ng mga ito na maibahagi ang mga dagdag kaalamang kanilang natutuhan.

Upload: cmo-battalion

Post on 29-Mar-2016

226 views

Category:

Documents


9 download

DESCRIPTION

E DITORIAL 2 VOLUME 1, ISSUE 2 FEBRUARY 2009 SULYAP SA PAHINA PBM (N AGBIBIGAY NG N GIT SA MGA BATA ) I NAUGURATION & C UTTING OF RIBBON OF N EW ROTC BDLG . O F PUP C OM- MONWELTHH . A WARENESS D RIVE A NTIPOLO 1 V ALENTINES P ARTY 09 AT T ONDO 2 A LAY L AKAD (W ALK FOR L IFE ) 4 D UGO KO ALAY SA KAPWA KO KATUWANG NG CMO BN 3 3 4

TRANSCRIPT

Page 1: February Issue

S U L Y A P S A P A H I N A

AWARENESS DRIVE ANTIPOL O 1

VALENTI NES PARTY 09 A T TON DO 2

EDITORIAL 2

DUGO KO ALAY SA KAPWA KO

KATUWANG NG CM O BN

3

PBM (NAG BIBIGAY NG N GIT SA M GA

BATA)

3

INAUGURATIO N & CUT TING OF RIBBO N

OF NEW ROTC BDLG. OF PUP COM-

MONWELT HH.

4

ALAY LAKAD (WALK FOR L IFE) 4

B A L I T A A N S A B A R A N G A Y FEBRUARY 2009

V O L U M E 1 , I S S U E 2

T U N G O S A I S A N G M A U N L A D , M A T I W A S A Y A T N A G K A K A I S A N G K O M U N I D A D

Website:

www.cmobn.com

Friendster:

[email protected]

O N E C O U N T R Y . . . O N E P E O P L E . . . O N E A R M Y !

INFORMATION DRIVE NG CMOBn SA CITY COLLEGE OF MANILA DINALUHAN NG MAYORYA NG NSTP STUDENTS

Humigit kumulang sa isang libo’t tatlong daang (1,300) kabataang magaaral sa National Service Training Program (NSTP) ng City College of Ma-nila (CCM) ang dumalo sa gi-nanap na information drive ng Civil Military Operations Bat-talion (CMOBn) sa pangun-guna ng Operations Officer nito na si Cpt Mario Jose M Chico . Ginanap ang Informa-tion Drive sa Justice Cecilia Munoz Palma Hall nitong ika-23 ng Enero taong kasaluku-yan. Naisakatuparan ang info drive dahil na rin sa ginawang pakikipagtulungan ng NSTP Director ng CCM na si Mr Joel Cam at Asst NSTP Coordinator Mr Shan Dave Tupaz. Dumalo din ang ilang guro ng nasabing kolehiyo. Nagkaroon ng dalawang sesyon ang information drive; isa sa umaga, at isa rin sa hapon. Layunin nito na ipaliwanag sa mga mag-aaral ang proseso ng pagrerekluta ng mga prenteng organisasyon ng CPP-NPA-NDF. Nakatawag pansin sa kanila ang mga kaalamang ibinahagi ni Cpt Chico at ang kasama nitong isang Rebel Returnee. Ayon kay Sheila, isang estudyante sa kursong Physical Ther-apy, ang kanilang natutunan sa information drive ay magagamit nila bilang isang gabay sa kanilang pagaaral at maging sa pagpili nila sa mga organisasyong pwede nilang masalihan sa paaralan. Sa open forum naman ay naging maliwanag sa mga estudyante ang proseso ng pa-grerekluta ng CPP-NPA-NDF, mga palatandaan na nirerekluta na sila, antas-antas na pagba-bago nang kanilang estado sa organisasyon at iba pang mahahalagang kaalaman at impor-masyon hinggil sa CPP-NPA-NDF recruitment na matagal nang nangyayari sa mga paaralan hindi lamang sa Metro Manila kundi sa buong kapuluan. Binigyang diin ni Cpt Chico na hindi layunin ng information drive o ng mga sundalo na pagbawalan ang mga kabataan na sumapi sa anumang organisasyon, kundi ang adhikain nito ay upang tulungan sila para maging mapanuri, mapang-aral, mapag-obserba at mapang-analisa sa mga prenteng or-ganisasyon na maaaring makasira sa pag-aaral nila. Dagdag pa niya na wala ni isang magu-lang ng mga mag-aaral sa CCM ang nagpa-aral ng kanilang mga anak sa nasabing insti-tusyon para ang maging layunin ay umakyat sila sa bundok at humawak ng armas. Sa se-syon naman sa hapon, naging mabunga ang ginanap na open forum dahil itinuon ng mga estudyante ang kanilang pagtatanong sa proseso ng pagrerekluta at kung paano naman sila mapalayo sa mga panlilinlang na maaaring gawin sa kanila. Sa pagtatapos ng programa ay nagkakaisang nanawagan ang mga estudyante sa mga namumuno ng mga prenteng organisasyon na sa halip na sila ay rekrutin, dalhin sa bundok at isama sa mga labanan ay tulungan na lamang umano silang makapagtapos ng kanilang pag-aaral upang magkaroon umano sila ng magandang kinabukasan. Ipinaabot din nila ang kanilang pasasalamat sa mga kasundaluhan ng CMO Bn dahil sa pagsisikap ng mga ito na maibahagi ang mga dagdag kaalamang kanilang natutuhan.

Page 2: February Issue

Page 2 B A L I T A A N S A B A R A N G A Y

B A L I T A A N S A B A R A N G A Y … T U N G O S A M A U N L A D , M A T I W A S A Y A T N A G K A K A I S A N G K O M U N I D A D !

O P I S Y A L N A B U W A N A N G P A H A Y A G A N G P A M G B A R A N G A Y N G C I V I L M I L I T A R Y O P E R A T I O N S B A T T A L I O N , C I V I L M I L I T A R Y O P E R A T I O N S G R O U P , P H I L I P P I N E A R M Y N A M A Y H E A D Q U A R T E R S S A J U S M A G V I L L A G E , F T . B O N I F A C I O , T A G U I G C I T Y . A N O M A N G K O M E N T O , S U H E S T I Y O N O K O N T R I -B U S Y O N N A N A I S I B A H A G I A Y P W E D E N G I P A H A T I D S A M G A S U -M U S U N O D : T E L E F A X : 8 4 5 - 9 5 5 5 L O C 6 4 3 3 E - M A I L : C M O B N . P A @ G M A I L . C O M C E L L P H O N E : 0 9 2 2 9 5 9 6 3 8 5 / 0 9 1 6 7 7 0 3 2 8 9

O N E C O U N T R Y . . . O N E P E O P L E . . . O N E A R M Y !

ARAW NG MGA PUSO

Ang Araw ng mga Puso (Valentine’s Day) ay ang pagdiri-wang ng kapistahan ni San Valentín, ang siyang tinaguriang patron ng mga magkakasintahan ayon sa katolisismo. Ito ay ka-dalasang ginaganap tuwing ika-14 ng Pebrero. Sa okasyong ito ipinapahiwatig ng mga magkakasintahan, mga mag-aasawa, at mga magkakapamilya ang kanilang pag-ibig at pagmamahalan sa isa't isa. Kadalasan nito ay nagpapadalahan sila ng mga bulaklak, kard o kaya’y regalo para ipadama kung gaano kaim-portante ang isang tao sa kanilang buhay. Itinuturing na nag-simula ang mga kartang pambati sa kapistahan ng Araw ng mga Puso. Noong sinaunang panahon, sa pagdiriwang ng Lu-percalia sa Roma tuwing Pebrero 15, nakaugalian ng mga batang kalalakihan ang pagguhit ng mga pangalan ng mga batang kababaihan sa mga malalaking urno o plorera, kung kailan nagiging kapareha ng isang batang babae ang batang lalaki sa panahon ng pestibal. Upang magkaroon ng Kristi-yanong kahulugan at mukha ang paganong selebrasyon, nili-pat ng Simbahang Katoliko ang Araw ng mga Puso mula Pe-brero 15 patungong Pebrero 14, ang araw kung kailan naging martir ang santo at paring si Valentino. Lumitaw ang mga unang papel na pambating tarheta magmula noong mga ika-16 daantaon. Ang mga ito’y naglalaman ng mga tula ng pag-mamahal at mga ginuhit na larawan ni Kupido, ang diyos ng pag-ibig, kasama ng kaniyang pamana at palaso. Naging tan-yag ang pagdiriwang ng Araw ng mga Puso noong mga kalagit-naan ng ika-19 daantaon, ang panahon kung kailan ipinakilala

sa madla ang mga sangkusing na postahe at mga sobre.

EDITORYAL

Noong nakaraang ika-13 ng Pebrero 2009, ipi-nagdiwang ng Brgy 39 Zone 3, Tondo, Manila ang Araw ng mga Puso. Ang nasabing pagdiriwang ay pingangunahan ni Brgy Chairman Pedro N Castillo Sr, at ito’y sinuportahan ni Congressman Ian Nieva ng District 1 Tondo, Manila.

Naging kaugalian na ng mga taga Tondo ang pag-iimbita sa mga sundalo tuwing may okasyon sa kanilang lugar. Ito’y dahil nasaksihan nila ang pagiging matapat na hangarin ng mga ito na makapagbigay tulong sa mga tao lalo na sa mga mahihirap. Isa na dito ang pagtatanghal ng CMOBn Combo tuwing sila’y maimbitahan sa mga barangay para magbigay aliw at saya sa mga tao.

Ayon kay Brgy Chairman Pedro Castillo Sr., naging paborito ang CMOBn Combo sa mga pista sa mga barangay sa Tondo at maging sa mga lugar ng “urban poor” sa kalak-hang Maynila dahil bukod sa magagaling ang mga musikero’t bokalista nito ay libre pang handog para sila’y aliwin at damayan sa kanilang kasiyahan. Ang mga kantang tinutugtog ng banda ay halos paborito ng karamihan dahil hindi ito masyadong makaluma at marami ding mga maka-bagong tugtugin na kung tawagin ay “New Wave”. Ito’y naging patok na patok sa mga kabataan kung kaya’t naging matagumpay na naidaos ang pagdiriwang ng araw ng mga puso sa kanilang barangay.

Dahil dito, lubos ang pasasalamat ni Brgy Chairman sa presensiya ng mga sundalo. Giit pa niya, simula noong dumating ang mga sundalo sa kanilang barangay ay bumaba ang bilang ng biktima ng pagnanakaw, patayan at iba pang masasamang bagay. Wala din daw ang mga makaliwang organizasyon sa kanilang nasasakupan dahil ayaw nila ta-laga na sumali at sumuporta sa mga prenteng organisasyo ng CPP-NPA-NDF. Tahimik na daw at maayos na ang kanilang pamumuhay kung kaya’t hindi na nila kailangan ang tulong ng mga grupong kagaya ng Bayan Muna, Gabriela at ibpa. sa barangay nila.

VALENTINES PARTY 2009 ng Brgy 39 Zone 3 Tondo, Manila

Pagkatapos na maidaos ang Valentines Party ay pinaplano ulit ng pangkat ni Brgy Chairman na mag-organisa ng liga ng basketbol, at muli nilang inimbitahan ang grupo ng CMOBn Combo para magtanghalsa seremonya ng pagbubu-kas sa liga.

Page 3: February Issue

Page 3 V O L U M E 1 , I S S U E 2

O N E C O U N T R Y . . . O N E P E O P L E . . . O N E A R M Y !

DUGO KO ALAY KO SA KAPWA KO

Ang CMOBn ay nagalay ng Dugo sa “Blood Letting Ac-tivity” na ginanap sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center noong na-karaang ika-9 ng Pebrero 2009. Naisakatuparan ang nasabing programa dahil sa pakikipag ugnayan ng grupo ni MAJ NELSON L DELA CRUZ, Commanding Officer ng 1st CODE Coy, CMOBn, PA, Bb. Elvira Villanueva, Kawani ng Opisina ng Bise Mayor ng Manila, at Dr. Evangeline Morales, Direktor ng Ospital ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GAPMMC). Nag-simula ang programa bandang Alas 8:00 ng umaga at nagtapos bandang alas 12:00 ng tanghali. Ito’y dinaluhan ng mga taong interesadong mag-alay ng dugo para sa mga pasyenteng lubos na nangangailangan. Ilan sa mga nakilahok ay galling sa Brgy 17 at 20 Port Area Manila, Civilian volunteers, Philippine Na-tional Police (PNP) at mga “Reservists” ng Philippine Army. La-yunin ng aktibidad na maipakita at maipadama sa mga tao na ang gobyerno sa tulong ng Philippine Army ay aktibo sa mga gawaing makakatulong para sa kapakanan ng mga taong ba-yan. Naging matagumpay ang nasabing aktibidad dahil ang nasabing ospital ay nakaipon ng sapat na dugo para maitulong sa kanilang mga pasyente. Ayon kay Dra. Evangeline Morales, director ng nasa-bing ospital, taus-puso siyang nagpapasalamat sa CMOBn, Phil-ippine Army, at sa lahat ng nag-alay ng kanilang mga dugo. Uumaasa sila na sana’y tuloy-tuloy ang pagsuporta ng mga tao sa kanilang mga programa sa nasabing ospital.

Feeding Program at Sundalo ang Barbero Ko, Gi-nanap sa Brgy 737, Zone 80

Matagumpay na idinaos ang Feeding Program na di-naluhan ng mahigit 300 na mga bata hindi lamang sa Brgy 737, Zone 80 kundi ng anim (6) pang kalapit na mga barangay noong ika-1 ng Pebrero ‘09 sa Ortega Sports Complex, Mataas na Lupa cor. F. Munoz, Paco, Manila. Ang nasabing programa ay resulta ng pag-uugnayan ng mga barangay officials, mga kasundaluhan ng 6th Community Development Company, CMOBn sa pangunguna ni Cpt. Marcelo Valdez, at ni Konsehala Josie Siscar ng 5th District, manila na laging malugod na tumu-tugon sa mga programa sa mga barangay. Kasabay din nito ay kinapalooban din ng libreng gupit ang mga bata sa ilalim ng programang “Sundalo ang Barbero Ko” ng CMOBn. Humigit kumulang 100 bata ang nabiyayaan ng libreng gupit sa anim na barangay ng sona 80. Ang programang ito ay patunay lamang na sa nagka-kaisang komunidad, walang magugutom at makakamit ang wastong kalusugan sa mga bata.

PHILIPPINE BAND OF MERCY KATUWANG NG CMOBn

Ang CMOBn ay naging katuwang ng Philippine Band of Mercy sa pagbibigay ngiti sa mga batang bingot dito sa ating bansa. Ang Philippine Band of Mercy (PBM) ay isang pri-

bado at hindi pinagkakakitaang organisasyon na naitatag noong taong 1937 at nairehistro sa Securities and Exchange Commission (SEC) na may rehistro numerong 3156. Ang organisasyon na ito ay kinikilala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng Philippine Council for Non-Government Organization (NGO) bilang katuwang sa pagbibigay ng serbisyo sa mga kababayang nangangailan-gan ng tulong. Ang pangunahing serbisyo na ibinibigay ng or-

ganisasyon ay ang pagbibigay ng lunas o rehabilitasyon sa mga may kapansanan para maiaayos ang kanilang kala-gayan.

Ang nasabing organisasyon ay nagsasagawa din ng “Provincial Surgical Mission” sa mga probinsya para maka-paghatid ng serbisyo publiko sa mga batang nangangailan-gan ng tulong lalo na sa mga nakatira sa mga liblib na lugar.

Ang PBM ay kasalukuyang nagpapatayo ng kauna-unahang Craniofacial Center sa Pilipinas. Ito ay dalawang palapag na gusali na inaasahang matatapos sa kalagitnaan ng Abril 2009.

Noong nakaraang ika-anim ng Pebrero, nakipag-ugnayan ang mga sundalo ng CMOBn sa PBM para sa pro-gramang “Smile Train”. Ang layunin ng programang ito ay para maiayos ang pisikal na anyo o kondisyon ng mga batang bingot. Sa ngayon ay meron nang nagpakonsulta sa nasabing progarama. Sila ay sina Daniel Desuasido, pitong buwang gulang at Emmanuel Eleazar, sampung taong gu-lang. Sila’y nakatakdang maoperahan sa susunod na ika-7 ng Marso 2009. At para sa lahat na nais mabiyayaan ng tulong, lu-mapit lang po sa mga unit ng CMOBn na nakahimpil sa ka-maynilaan at kumpletuhinletuhin ang mga sumusunod na kakailangan: CBC, Platelet count, urinalysis, Chest x-ray, stool examinations, ECG, CP clearance, Blood type at RH.

Page 4: February Issue

Page 4 B A L I T A A N S A B A R A N G A Y

TAWA NAMAN DIYAN!!!

Because

laughter is

the best

medicine!

O N E C O U N T R Y . . . O N E P E O P L E . . . O N E A R M Y !

Inagurasyon at Ribbon Cutting sa Bagong Tayo na ROTC Office Building Ginanap sa PUP Commonwealth Quezon City. Nagkaroon ng ribbon cutting sa PUP Commonwealth para sa inagurasyon ng bagong tayo na ROTC Office Building. Ang proyektong ito ay magkasamang binuo nina Dir. Pas-cualito B Gatan, director ng PUP Commonwealth at ni Col. Buenaventura C Pascual INF (MNSA) PA, Commanding Offi-cer, Civil Military Operations Bn (CMOBn), Philippine Army. Ang dalawang ginoo ay naniniwalang malaki ang maitutulong ng ROTC program sa paghubog sa mga estudyante na may potensyal na maging lider. Sila ay maaring makapagbigay ng malaking benepisyo sa gobyerno at sa pamayanang Pilipino upang maisulong ang katatagan at kapayapaan ng ating bansa. Ang ROTC building na ito ay sama-samang itinayo ng mga sundalo na nagmula sa Headquarters and Headquarters ser-vice Company, CMOBn. Sinumulan ang nasabing pagpa-patayo noong ika-28 Agosto hanggang ika-09 Oktubre 2009 sa pamumuno ni Cpt Germelo A Calma (QMS) PA, Head-quearters Commandant. Ang inagurasyon ng nasabing gusali ay ginanap noong ika-13 Pebro 2009. Nagkaroon ng maikling programa sa sere-monyang ito na nagsimula ganap alas-dyes ng umaga. Si Ca-det 1LT Rizzalyn V Velasco ang nanguna sa pagkanta sa pam-bansang awit at si Col. Pascual naman ang nagbigay ng opening remarks. Pagkatapos nito ay ginanap na ang ribbon cutting na pinangunahan nina Col Pascual at Director Pas-cualito B Gatan. Sumunod dito ang pagpirma ng deed of do-nation nina Dir. Gatan at ng CMOBn. Bago natapos ang se-lesbrasyon ay nagkaroon muna ng konting salo-salo na ini-handog ni Col Pascual para sa mga bisitang dumalo.

ALAY LAKAD “WALK FOR LIFE” SA ARAW NG MGA PUSO

Ang mga sundalo ng CMOBn, Philippine Army, ay sumali sa alay lakad na pinamagatang HERO (Health, Education, Reform, Order) noong ika-14 ng Pebrero 2009.

Ang alay lakad sa te-mang “Walk for Life 09” ay isang aktibidad na pinamu-munuan nina Manila City Mayor Alfredo Lim at Vice Mayor Francisco Domagoso. Dumalo din sa nasabing okas-yon ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP), mga LGU’s at NGO’s, at mga estudyante ng ibat-ibang paaralan sa lungsod ng Maynila. Ang alay lakad ay nagsimula sa Rizal Monumento sa Luneta hanggang sa Rajah Solaiman Plaza, Ermita, Manila.

Ang nasabing alay lakad ay Masaya at mapayapang idinaos at walang masamang insidenteng nangyari sa mga dumalo bagkus ay sila’y nabiyayaan ng magandang eher-sisyo na lubos na makakatulong sa kanilang kalusugan at katawan.

Ang Alay Lakad ‘09 ay nagbunga ng malakas at magan-dang samahan at pagkakaunawaan ng mga kasundaluhan, mga LGU’s ng lungsod ng Maynila at ng mga ibat-ibang or-ganisasyon na nagsuporta sa nasabing programa.