february 2012 issue

12
Vol.XXVI No.06 February 2012 FEBRUARY 23-24 STUDENT COUNCIL ELECTION. GO OUT AND VOTE! Balita Lathalain Opinion Ang itim na laso ay sumisimbulo ng pagkundena ng The Catalyst sa mahigit isang taong kawalan ng hustisya para sa mga biktima ng Maguindanao Massacre, kung saan 32 ay mula sa larangan ng pamamahayag. Vol. XXVI No. 06 February 2012 WHAT’S INSIDE THE 2012 Student Council Elections ELECTOWARS Public Presentation of candidates, held In search for the next PUP President Sa Mahigpit na Pagpapanatili ng Dose Pesos Bitter Pill CETERIS PARIBUS KUYOM

Upload: the-catalyst

Post on 12-Mar-2016

260 views

Category:

Documents


7 download

DESCRIPTION

Covers PUP Student Council Election 2012

TRANSCRIPT

Page 1: February 2012 Issue

Vol.XXVI No.06 February 2012

The Catalyst

FEBRUARY 23-24 STUDENT COUNCIL ELECTION. GO OUT AND VOTE!Balita Lathalain Opinion

Ang itim na laso ay sumisimbulo ng pagkundena ng The Catalyst sa mahigit isang taong kawalan ng hustisya para sa mga biktima ng Maguindanao Massacre, kung saan 32 ay mula sa larangan ng pamamahayag.

Vol. XXVI No. 06February 2012

WHAT’S INSIDE

THE

2012 Student Council

Elections

ELECTOWARS

Public Presentation of candidates, held

In search for the next PUP President

Sa Mahigpit na Pagpapanatili ng Dose Pesos Bitter PillCETERIS PARIBUSKUYOM

Page 2: February 2012 Issue

Vol.XXVI No.06 February 2012 Vol.XXVI No.06 February 2012

The Catalyst02Editoryal

2nd flr. Charlie del Rosario BuildingPUP Sta Mesa, ManilaTelefax: 7167832 loc. 637

MEMBER: Alyansa ng Kabataang Mamamahayag(AKM-PUP) College Editors Guild of the Philippines

(CEGP)

www.facebook.com/pupthecatalystwww.pupthecatalyst.deviantart.com

SENIOR STAFF

WRITERS KEI ADVINCULA | JUNEAH DEL VALLE | JUDD LABARDA | BENJAY ESPELIMBERGO ARTISTS CHRISTINE ALFONSO | LEE ROBERTSJUNIOR STAFF

WRITERS

The Catalyst Editorial Board -20122011

NEWS EDITOR JOEMAR VELASQUEZ | FEATURES EDITOR APRILLE JOY ATADERO | CULTURE EDITOR KRYZL MENDEZ | LITERARY EDITOR ANGEL AQUINOSPORTS EDITOR JENNIFER ESPEJO | COMMUNITY EDITOR ANGIELYN MORENO | CIRCULATION MANAGERS RODEL VALENZUELA JR., JONATHAN CAIÑA GRAPHICS EDITOR JAN RHOBERT MELENDREZ | LAYOUT ARTIST ERICSON CAGUETE, PETER JOHN CANLAS

SECTION EDITORS

EDITOR IN CHIEF MAYBELLE GORMATE | MANAGING EDITOR SIDLANGAN NATIVIDAD ASSOCIATE EDITORS CHRISTIAN MONFORTE (INTERNAL) | MARJO MAY MALUBAY (EXTERNAL)

JANICA AGPAOA | JOHN CHRISTOPER ORTIZ | ROMMEL AREOLA | JOHN ERICK AMI | ZANDRO SALAZAR | NATHANIEL PANGANIBAN | SHERYL FRANCISCO | PRINCESS JOY PIDLAOAN | JOHN BRYAN ULANDAY

Maybelle Gormate Maybelle Gormate

THERENCE RECAMATA | ARIANNE DOLAR | CHRISTINE JOANNE REYES | JONAS DOMANAIS | JOHN JEROME OLARTE DIANA TULAYLAY | MELVIN TIMBAL | DARYL CAGARA | MARTIN CALLEJA | LLO FRANCIS PASCO

ARTISTS

Dalawampu’t anim na taon nang tangan ng The Catalyst ang progresibo nitong oryentasyon. Dalawampu’t anim na taon

na rin nitong itinataguyod ang isang malaya at alternatibong pamamahayag na nananatiling nakakiling sa mga estudyante at masang kanyang pinaglilingkuran.

Hindi gaya sa mainstream media na komersyalisado at nakatali sa interes ng nag-mamay-ari dito, ang alternatibong pamamahayag ay higit na nakatuon sa mga isyung kinapapalooban ng bawat sektor sa lipunan.

Ipinamamamandila ng mainstream media ang pagiging obhektibo nila sa mga balita at pinangangatawanan ang pagiging ‘media’ na dapat ay nasa gitna lamang ng nagtutunggaliang mga panig habang kakatwang pinupuri ang mga sarili bilang tagapaglahad ng katotohanan at naglilingkod para sa masang uhaw sa kaalaman.

Subalit gaano ba kaepektibo ang ganitong uri ng pamamahayag na kuntento nang maglahad lang ng balita na hindi binibigyan ng malalim na

pagsusuri? Hindi maitatanggi na kakabit ng mainstream media ang komersyalisayon kaya nagagawa lamang nitong ilahad ang magagaang balita na may impluwensiya pa ng advertisement at tsismis sa showbiz.

Walang absolutong obhektibismo taliwas sa pilit idinidikta ng mga pamantayan na kung tutuusin ay idinesenyo lang naman upang ilihis ang mapanuring mamamayan mula sa pagsusuri sa sistema ng lipunan na kontrolado ng iilan. Hindi sapat ang pagsasalarawan lang ng kaganapan na hindi hinihimay ang katotohanan hanggang sa maipakita ang punu’t dulo ng mga problemang panlipunan.

Dahil ang balita ay hindi balita lamang kundi ito ay usapin na inanak ng lipunan, tama lamang na magpumiglas ang mga ahente ng kamulatan mula sa gapos ng mga pamantayan na pumipigil sa kanyang ipakita ang kalagayan ng lipunan maski sa pinakapangit nitong mukha.

Ang alternatibong pamamahayag na kadalasang sinusupil dahil sa mapangahas nitong

paglalahad ng mga kamalian sa umiiral na sistema ay hindi kailanman hihinto sa responsibilidad nito sa mamamayan na magmulat at magpakilos. Bansagan mang subersibo at biased, ang alternatibong pamamahayag na itinataguyod lalo na ng mga pahayagang pangkampus gaya ng TC ay hindi mangingiming ilantad at suriin ang kabulukan ng sistemang bumubulag sa mamamayan.

Kagaya ng iba pang pahayagan na yumakap sa ganitong oryentasyon, ang TC ay naninindigan na ang interes dapat ng masa ang binibigyang diin ng media dahil kahangalan na sabihin na ito’y nagsisilbi sa bayan kung takot naman itong maglahad ng kumprehensibong balita na magmumulat sa bayan. Hindi na rin kataka-taka na sa paglipas pa ng panahon ay magpapatuloy ang TC sa pagiging militante nito hindi lamang sa porma ng pagsulat kundi maging sa pakikiisa sa laban ng sambayanan para sa kanilang mga karapatan. Tiyak na madadagdagan pa ang dalawampu’t anim na taon ng malayang pamamahayag na hindi kumikilala sa pamantayan ng pagiging unbiased dahil sa pagitan ng tama at mali, may dapat kilingan.

Kagaya ng iba pang pahayagan na yumakap sa ganitong oryentasyon,

ang TC ay naninindigan na ang interes dapat ng masa

ang binibigyang diin ng media dahil kahangalan

na sabihin na ito’y nagsisilbi sa bayan kung takot

naman itong maglahad ng kumprehensibong balita na

magmumulat sa bayan.

Alternatibong Pamamahayag

Page 3: February 2012 Issue

Vol.XXVI No.06 February 2012

The Catalyst Bali ta 03Public Presentation of candidates, held

February 9—Despite controversies, the Polytechnic University of the Philippines conducted the Public Presentation and Forum for the PUP Presidential candidates, held at Bulwagang Balagtas, NALLRC Building.

The presentation was led by Dr. Emerlinda R. Roman, the president for the Search for President Committee. The candidates namely Dr. Theresita Atienza, Dr. Emanuel De Guzman, Dr. Orlando B. Molina, Dr. Adela Jamorabo-Ruiz and Dr.

Samuel M. Salvador were given 10 minutes to present their platforms to the public which include the PUP community employees, professors, students and the PUP Board of Regents.

Forum was then held after the presentation which featured representatives from employees, students, faculty and the alumni sector where each asked question/s to each of the presidential candidates.

“Mayroon na ngayong Student Representative sa search commitee, kaya naman makakaasa ang mga Iskolar ng Bayan na

In search for the next PUP President

mayroong magsisiwalat ng mga ginagawa ng mga presidentiables na ito labas pa sa mga paper credentials na pwede nilang ipakita, kahit gaano man iyan kahaba, kung nananatiling repressive o kahit kailan ay hindi dininig ang isyu ng mga estudyante ay hinding-hindi natin yan papaboran. Maliwanag pa rin na ang kailangan natin PUP President ay isang presidenteng maka-estudyante at maka-masa” said Hon. Fatima Villanueva, Student Representative of the Search Committee.

JOHN BRYAN ULANDAYANGIELYN MORENO

Pebrero 10, 2012, sama-samang kumilos ang iba’t ibang sektor sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) , kasabay ang pag-gunita sa ika-14 na taon ng pagsasabatas ng RA 8479 o ang Oil Deregulation Law.

Ang nasabing pagkilos, na isinagawa sa isang istasyon ng Petron sa kanto ng E. Rodriguez at Araneta Ave., ay upang ipakita ang pagkundena sa batas na ito na ayon sa Bayan ay naging sanhi ng walang

habas na pagtaas ng presyo ng langis.

“Hindi nagbigay ng kompetisyon ang deregulasyon sa langis at nagdulot ng mababang presyo dahil sa industriya ng kartel na dominado ng dayuhang transnasyunal na mga kompanya ng langis. Kaya hangga’t na narito ang ODL, walang aasahang ginhawa ang mga mamamayan,” pahayag ni Renato Reyes Jr., pangkalahatang lihim ng Bayan.

Ika-14 na taon ng ODL, sinalubong ng protestaAPRILLE JOY ATADERO

Kilos protesta ang naging tugon ng mga janitors ng PUP noong ika-16 Pebrero sa nakaambang pagtanggal sa kanila sa serbisyo.

Nasa 150 janitors ang apektado sa pagpapalit ng agency na namamahala sa kanila, na dating Unitrend at ngayon ay Care Best resulta ng isang bidding.

Ang nasabing pagkilos ay upang ipakita ang kanilang pag-giit ng Total Unconditional Absorption na kung saan ang lahat ng janitors ay mananatili pa rin sa pagseserbisyo sa komunidad ng PUP sa kabila ng pagpapalit ng agency.

Sa ngayon, naitala nila ang tagumpay ng kanilang pagkilos sa pagbabawas ng mga requirements. Health clearance, Brgy. clearance, police clearance na lamang ang hinihingi ng pumalit na agency. Patuloy pa rin ang pag-uusap sa pagitan ng dalawang panig upang higit na igiit ang kanilang karaingan.

PUP Janitors, nagprotestaAPRILLE JOY ATADERO

Drums banging, lyres synchronizing, feet stomping, mouths shouting – It is that time of year when all are in a festive mood.

The Polytechnic University of the Philippines community plays hosts to 5 major college weeks slated February 13-17, 2012. These colleges namely College of Language and Linguistics (CLL), College of Economics, Finance and Politics (CEFP), College of Engineering (CoE), College of Science (CS), and College of Computer Management

and Information Technology (CCMIT).

The College of Language and Linguistics for one, paraded last February 15, 2012, celebrates its 25th year with this year’s theme: “Pinatatag ang Pagbibigkis ng mga bansa sa pamamagitan ng mga Wika at Komunikasyon.” They also organized events like TALEN-TODO SA 2ENTE 5INGKOa Concert/Variety Show held last February 10, 2012 at the PUP Gymnasium, and other events like CLL Family Day

and a Convocation with his excellency Benigno Simeon C. Aquino, III as speaker on February 21, 2012, at Bulwagang Balagtas, Ninoy Aquino Library and Learning Resources Center.

Other colleges like the College of Science paraded with the CLL, and celebrates with the theme “Only the Tough Survives” and College of Economics, Finance and Politics who had their parade of different concepts to inaugurate the festivities this 2012.

PUP Hosts 5 Major College WeeksBENJAY ESPELIMBERGO

Gabriela Building, Pinasinayaan

Pinasinayaan ang isang bagong gusali sa likod ng College of Engineering and Architecture Building noong Enero 25 upang pormal na itong buksan sa publiko.

Nagsagawa ng isang ribbon cutting ceremony sa lugar na dinaluhan nina Student Regent (SR) Rommel Teofilo Aguilar, representante mula Gabriela, dekano ng CE at CAFA, ilang mga Bise-Presidente at mga chairpersons ng nasabing kolehiyo.

“Bagamat kulang ang badyet sa PUP, may ginagawa pa rin tayo para sa pamantasan para matugunan ang mga pangangailangan ng unibersidad,” pahayag ni SR Aguilar sa panayam nito sa TC.

Ang Gabriela Building ay itinayo sa pagtutulungan ng Gabriela Women’s Party at ng Sandigan ng Mag-aaral para sa Sambayanan (SAMASA) Alliance.

UNAKA-PUP Elections held,Santiago elected PresidentHONEY JACE KEI ADVINCULAJANICA AGPOA

The Unyon ng Nagkakaisang Kawani-PUP (UNAKA-PUP) held its election last February 15 to elect a new set of officers.

Two parties vie for 15 Executive Committee positions, SANKAPA and STMNA. According to the final official Commission on Elections (COMELEC) tally, Samuel Santiago is elected as President of UNAKA-PUP. He garnered a total of 267 votes. Aside from him, 12

other positions were taken by the STMNA party.

Asked if the election is a success, COMELEC Chair Guillermo Noble stated that he was happy with this year’s election. “From the beginning, I made sure that the election would be fair and the clashes of the parties will be a healthy one,” he said.

From 608 estimated voters, only 401 exercised their right to vote.

PETER JOHN CANLASROMMEL AREOLA

Sigaw ng mga manggagawa: Absorption Ipatupad! Nagkaroon ng programa sa popeye ang mga manggagawa ng PUP para ipanawagan sa admin ang pagpapanatili nila sa subok at matagal na nilang serbisyo sa ating pamantasan. -Joemar Velasquez

Page 4: February 2012 Issue

Vol.XXVI No.06 February 2012 Vol.XXVI No.06 February 2012

The CatalystLathalain04

Ondoy, Sendong, Reming- few personified deluges famous of causing so much havoc to millions

of Filipinos. Experts say that an average of 20 storms per year regularly “visits” Philippines. These ungodly, often destruc-tive “visitors” have so much impact to the lives they affected. Some rose again in just a snap, some never get back what was lost. In the 1970’s, as the imperialistic influence to our society of the world’s economic behemoths became intensively felt by the people, anti-imperialists/national demo-cratic organizations spurred like mush-rooms. Protests happened almost every day, joining 15,000+ people across the metropolis, shouting social issues such as oil price increase, peso devalu-ation, US interven- tion, exponentially increas-ing public debt, and oust of then President Ferdinand Marcos. In the months January-March of 1970, this situation continuously rocked the government, the imperialists, and the society. Today, this significant event in our past is known as the First Quarter Storm, the renaissance of the peo-ple’s movement against the rule of the few in the Philippine Society. It was a series of multi-sectoral strikes that manifested the strong fight of the youth and the people against the aggravat-ing crises of the Filipino society in the 70’s.

Signal no. 1- Critical Economic SettinFirst Quarter Storm or FQS did not

happen without a probable cause, as a law student would say. FQS was a fruit of the worsening economic situation of the later 1960s. During that period, peso devaluated, inflation at its highest, public debt continu-ously increased, and uneven relationship between the Philippines and the imperialist countries became obvious.

Compared to the peso value now, the ex-change rate of dollar to peso is only 3 pesos per dollar at some point of that time. How-ever, because of the pro-US policies of the Macapagal regime, it had suddenly come down to 6 pesos a dollar. As a result of this, as we import almost all of our needs, infla-tion rate peaked to 7%, the highest since the establishment of the Third Republic. Their daily earnings had not met the everyday needs of a family. The poor had remained poor; the rich had always got richer.

Debt servicing is on a dollar basis. As the value of the dollar to peso doubled, the budget allocation for debt servicing also doubled. Social servicing was ignored ( as it is today), leaving the unattended, poverty-stricken citizens in the quagmire of help-lessness of their own government. Further-more, uncontrollable oil price hikes added to the bur-den of the peo-ple.

Not Just your Ordinary Storm

First Quarter Storm and its significance in the Philippine Social Transformation

These circumstances had lead to the upris-ing of the people during those times that bring about the FQS.Signal no. 2- Storming metropolis streets, 70’s way

January 26-The first of the series of mobi-lizations on the 1970 first quarter was joined by more or less 50,000 people who wanted to either Constitutional Convention or the radical change of the society. The former named “moderates” and the latter “revolutionaries”. Most of the protesters had come from the huge youth organizations like National Union of the Students of the Philippines (NUSP), Kabataang Makabayan(KM), and Samahan ng Demokratikong Kabataan. Violence had erupted as the Philippine Constabulary (PC) dispersed them.

January 30-Again, 50,000 had joined the indignation rally in front of the old Legislative Build-ing which is now National Mu-seum. After that, they marched to Malacanang Palace where they faced 2,000 elements of PC. 300 were arrested and had left four protest-ers lifeless.

February 4-A public meeting was held at Plaza Miranda. This is to show how the US

and other imperialists invade our country and the basic characteristics of the Filipino society. It ended by a march to the US Embassy.

February 12-An estimated 100,000 stu-dents, workers, and farmers convened at Plaza Miranda, championed the national democratic line, and shouted “Down with Imperialism, Feudalism, and Bureaucrat Capitalism!”

February 26-Another protest rally was held from Plaza Miranda to the US Embassy. A total of 1,000 elements of Metrocom hindered the people from achieving their goal. On the same day, the Philippine College of Commerce(now PUP) was raided.

March 3-20,000 joined the People’s March that called for a more intensive fight against the State’s fascism and the three fundamen-tal problems of the society. They endured a 6-hour, 63-kilometer march from Quezon City to Plaza Miranda.

March 17-Poor People’s March culminated the FQS. 100,000 joined that mobilization/public tribunal to try the Marcos regime, and the three evils of the society. That was held at the Plaza Moriones, Tondo.

Signal no. 3- Tre-mendous whirl-pool of People’s power

“The achieve-ments of the Philippine revolution since 1970 would not have been possible without this storm. We owe to it the

emergence and development of so many cad-res and mass activists and the growth of the revolutionary forces on a nationwide scale.” These are words said by Prof. Jose Maria Sison regarding the FQS.

As it proved its vital role in rekindling the people’s fight against the societal cri-ses, FQS never failed to teach lessons about social transformation from the experiences during that time. FQS taught us to love the cuts, wounds, bruises, pains, and other physical damages we could get from shouting our democratic rights. FQS taught us to “dance” to every move the imperialists and their local collabora-tors “chachacha” on. And the most important of all, as Sison put in words, is that the FQS of 1970 taught us to put forward the patriotic and progressive demands of the people against US imperialism and the local exploiting classes.

Signal no.4-Outburst the outcriesIf the worsening economic crises gave birth to the FQS of 1970s, today’s much worse situation of the economy will eventually lead to another first, or second, or third, or fourth quarter storm. 40 pesos to a dollar exchange rate is almost 700% higher than the 1970s rate. Inflation stood high at 11% versus 70’s 7%. Public debt is astounding at almost P1.5 trillion and US intervention became worse with the enactment of Visiting Forces Agreement. These facts manifested that the more time this system stays, the more difficult our lives will be.Now, if we will let this decaying system plun-der, dictate, and rule our country once and for all, amassing the wealth of our nation for their own sake, exploiting every human labor force they can squeeze out from us to produce large amount of fortunes that at the end go straight to their bottomless pockets, and ignoring our decades-old outcries that many had already sacrificed their lives for it, continuous hardships of the wide masses on their everyday struggle will become more difficult, and more sacrificial. Abuses will become more rampant. This will be the norm until everything will be taken from us. But, there is another NOW.Now, if we outburst our outcries, our interests, our needs, our rights, and our hunger for a system that serves the people, leave our classes and go to the masses and side by side voice-out our so long mute strata, then, and only then we can lose the chains tied on our tireless feet, and achieve the national liberation that we are aiming for almost 120 years now. Let us continue the militant and progressive

tradition the First Quarter Storm has passed down to us.

Now, if we outburst our out-cries, our interests, our needs,

our rights, and our hunger for a system that serves the

people, leave our classes and go to the masses and side by side

voice-out our so long mute strata, then, and only then we can lose the chains tied on our tireless feet, and achieve the national liberation that we are aiming for almost 120 years

now. Let us continue the militant and progressive tradition the First Quarter

Storm has passed down to us.

n Joemar Velasquez

Page 5: February 2012 Issue

Vol.XXVI No.06 February 2012

The Catalyst 05Lathalain

KUYOMSa Mahigpit na Pagpapanatili ng Dose PesosNina: Aprille Joy Atadero at Angielyn Moreno

Dibuho nina: Maybelle Gormate at Jan Rhobert Mendez

Sa papel at lapis natin unang isinabuhay ang pinakasimpleng pangarap na makapagtapos ng

pag-aaral tulad na rin ng paulit-ulit na pangaral sa atin ng ating ama’t ina. Paulit-ulit man, mula elementarya hang-gang sa pagpasok natin sa kolehiyo, patuloy nating tangan ang kaisipang ang edukasyon ay may napakahalag-ang papel sa atin lalo sa isang lipunang edukasyon ang nakikitang solusyon upang tayo’y umunlad sa buhay at makaahon sa kahirapan. Bukod sa iba pang gastusin, ito ay pangunah-ing pinaglalaanan ng pinansya, na kadalasan pa nga’y iginagapang di lamang ng ating mga magulang kundi ng buong pamilya. Kung kaya’t ang mga pampublikong pamantasan ay nagiging kasagutan upang mapunan ang pangangailangan ng kabataan sa kanlungan ng edukasyon.

P12/yunit: Abot-kayang edukasyon

Dose pesos kada yunit—ito’y hindi lamang mga simpleng kataga para sa mga taong bahagi, naging bahagi at nais maging bahagi ng komunidad ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP). Maaaring ito’y mga numero lamang, o sa esensya’y usapin ng abot-kayang halaga ng salapi upang makapag-aral dito sa pamantasan.

Ngunit higit pa sa nalalaman natin, ang dose per yunit na ito ay matagal nang nananatiling matatag, upang patuloy na tuparin ang pangarap ng bawat kabata-ang Pilipino, mula sa alinmang antas ng pamumuhay, na makapag-aral.

Maraming beses nang tinangkang taasan ang matrikula sa PUP. Maram-ing beses nang muntik dumulas mula sa ating mga kamay ang pinanghaha-wakan nating pag-asa upang patuloy na makapag-aral.

Marso ng taong 2010, ipinahayag ng nakaraang administrasyong Gue-varra na magkakaroon ng 2000% na pagtataas ng matrikula. Mula sa P12 ay magiging P200 kada yunit ang babayaran ng incoming freshmen ng taong 2010-2011. Sama-samang pagkilos ang naging tugon ng mga Iskolar ng Bayan upang ipakita ang kanilang matinding pagtutol sa bantang pagtataas ng matrikula. Bunsod na rin ng pagbibingi-bingihan ng administra-syon sa hinaing ng mga estudyante na bawiin nito ang desisyon, ilang serye ng simbolikong aksyon ang naganap sa loob ng pamantasan. Umani ng iba’t ibang reaksyon ang paghahagis ng mga sirang pasilidad mula ikaanim na palapag ng main building hanggang sa pagsusunog ng mga ito. Mismong kay Dr. Dante Guevarra na nagmula ang pahayag na kinakailangang magtaas ng

matrikula dahil sa maliit na badyet na natatanggap ng PUP mula sa gobyerno. Sa kabila nito, nanatiling dose pesos pa rin ang matrikula. Isa lamang ito sa maraming patunay na ang sama-samang pagkilos ay walang ibang duduluhin kundi tagumpay.

Hambalos ng Budget CutAng problemang ito ay nag-uugat

sa kakulangan ng pondong inilalaan para sa edukasyon. Paulit-ulit o sadya man ay kinaliligtaan ng mga nailuluklok sa gobyerno ang nakasaad sa 1987 Saligang Batas ng Pilipinas Artikulo 14 Seksyon 5 Talata 5, “The state shall assign the highest budgetary priority to education and ensure that teaching will attract and re-tain its rightful share of the best available talent through adequate re-muneration and other means of job satisfaction and fulfillment.” Malinaw na sinasabi dito na ang edukasyon ay marapat lamang na maging pangunahing prayoridad ng gobyerno sa usapin ng Budget Allocation.

Ngunit sa bawat transisyon ng mga namumuno sa gobyerno, hindi kailan-man natamasa ng mga mamamayan, partikular na sa hanay ng mga kabata-an ang karapatan sa edukasyon. Una pa rin sa prayoridad ng gobyerno ang interes ng dayuhan at ng iilang nagha-haring uri sa bansa. Masasalamin ito sa balangkas ng alokasyon ng badyet ng gobyerno, kung saan binibigyan ng mas malaking pondo ang militarisasyon at utang-panlabas. Samantala sa sektor ng edukasyon ay may mga budget cut pa!

Komersyalisasyon: Piga ng badyet na kapos

“If you want quality education, you must be ready to pay for it.” –CHED Commissioner

“We are gradually reducing the subsidy to SUCs to push them toward be-coming self-sufficient and financially independent, given their ability to raise their income and to utilize it for their programs and projects.” –President Noynoy Aquino

Ang isda ay nahuhuli sa sarili niyang bibig.Ito ay hindi maka-mamamayan. Hindi

nagsisilbi sa interes at pangangailan-gan ng kabataan. At lalong hindi mai-tatanggi sa kasalukuyang mga hakbang ng estado ang patuloy na pag-aban-dona nito sa sektor ng edukasyon. Sa patuloy na pagkaltas ng badyet ng PUP, nagiging desperado ang mga nama-mahala rito na tugunan ang pangan-gailangan ng pamantasan sa pama-magitan ng pagsailalim ng edukasyon sa komersyalisasyon. Nakikita ang pagiging komersyalisado nito sa porma ng mga Income Generating Projects, pakikipagsosyo ng administrasyon sa mga pribadong korporasyon na isang

porma ng Public-Private Partnership (PPP) na hindi malayong tumungo sa tuluyang pagsa-sapribado ng mga SUCs kagaya ng naunang pahayag ni PNoy.Magiging malak-

ing dagok ang pagsasa-pribado sa mga SUCs lalo pa’t malawak na populasyon ng

mga kabataan, lalo na ang maralita, ay nakasandig sa murang matrikulang matatamasa sa mga pampublikong pamantasang tulad ng PUP.

Taas-kamao para sa P12/yunitAng halaga ng bawat sentimong

bumubuo sa dose pesos na ito ay di kailanman matutumbasan ng ano pa mang halaga. Katumbas nito ay pawis, dugo at ang pinakamatibay na prinsi-pyo ng pakikibaka para sa karapatang ipinagkakait sa mga Iskolar ng Bayan. Hindi tayo dapat na manatiling kimi sa mga panggigipit na ipinararanas sa atin ng mga mapagsamantalang uri sa lipunan.Tulad pa rin ng paulit-ulit na panga-

ral sa atin ng ating mga magulang na mag-aral nang mabuti at magtapos ng pag-aaral, atin itong tutuparin nang sama-sama. Ang ating pagkakaisa ang nagpanatili at patuloy na magpapanatili sa P12/yunit.Ang bawat hakbang nating mga ka-

bataang tunay, palaban at makabayan ay patuloy na lilikha ng kasaysayan hindi lamang para sa atin kundi para sa mga susunod pang magiging Iskolar ng Bayan.

Ngunit higit pa sa na-lalaman natin, ang dose per yunit na ito ay mata-

gal nang nananatiling matatag, upang patuloy na tuparin ang

pangarap ng bawat kabataang Pilipino, mula sa alinmang antas ng pamumuhay, na makapag-

aral.

Page 6: February 2012 Issue

Vol.XXVI No.06 February 2012 Vol.XXVI No.06 February 2012

The Catalyst

Tuloy-tuloy na ilunsad ang mga nasimu-lang hakbangin upang pagkaisahin ang komunidad ng PUP para labanan ang

pagkaltas ng subsidyo sa ating pamantasan at iba pang State Colleges and Universities. Pataasin ang ating pagkakaisa upang igiit ang mas mataas na subsidyo sa edukasyon. Sa ganitong paraan, maisasakatuparan ang ga proyektong pagpapaayos ng pasilidad at serbisyo.

Umaksyon at labanan ang anumang tangkang pagtaas ng matrikula at hindi makatarungang bayarin sa

Pamantasan. Buuin ang pinakamalawak na pagkakaisa ng mga iskolar ng bayan upang ipagtanggol ang ating karapatan sa edu-kasyon.

Nagkakaisang labanan ang papatinding komersyalisasyon at pribatisasyon sa edukasyon. Gawing libre at bukas

sa paggamit ng mga estudyante ang mga pasilidad. Ipatigil ang sapilitang pagbabayad g mga compulsory books, tickets, etc.

Aktibong pamunuan ang konseho upang tuloy-tuloy na ilunsad ang mga regular na student consultations at

student summit sa hanay ng mga iskolar ng bayan.

Yakagin ang mga iskolar ng bayan upang sama-samang kumilos para sa ating karapatan sa edukasyon.

Paunlarin ang mga daluyan ng parti-sipasyon ng mga aktibidad ng mga mag-aaral. Magsagawa ng mga

tangible projects at makiisa sa mga proyekto ng mga organisasyon ng mga mag-aaral, guro at kawani.

Alternatibong klase. Ilunsad ang mga fo-rum, seminar, symposium na nagtata-lakay ng iba’t-ibang isyu ng kabataan

at mamamayan na direktang kinasasangku-tan nating mga iskolar ng bayan,

Likhain at palakasin ang mga komite sa Sentral ng Konseho upang mabilis na makatugon , makapaglingkod at

makapamuno sa mga mag-aaral. Ito ay ang mga Student Rights and Welfare Committee, Education and Research committee, Public Information Committee at Sports Committee. Itayo ang Gender Issue Desk upang mala-banan at mapigilan ang anumang pang-aap-ing sekswal sa mga mag-aaral lalo na sa mga kababaihan . Bahagi rin nito ang paglulunsad ng gender assemblies upang maisulong ang karapatan ng mga bakla at lebiyana sa loob ng Pamantasan.

Ang konseho. Regular na ilathala ang opisyal ng pahayagan ng SKM para sa mga karagdagang impormasyon at

mga kaganapan sa PUP.

Bigkisin ang pagkakaisa ng community extension para sa kagalingang panli-punan. Sasaklawin nito ang ga relief

operations sa panahon ng kalamidad , mga medical at dental missions, at community organizing.

Anak-PUP.Palakasin ang Alyansa ng Nagkakaisang Konseho sa PUP. Maglunsad ng mga Leadership Training

Seminar na magpapaunlad sa kakayanan ng mga mag-aaral para sa epektibong pamu-muno.

Nagkakaisang paunlarin ang kalayanan ng mga iskolar ng bayan sa iba’t-ibang larangan tulad ng sports, sining at kul-

tura. Makipag-ugnayan sa Kabataan Partylist upang makapagbigay ng mga scholarship grants sa mga outstanding students ng PUP.

Makiisa sa pakikibaka ng mamamayan upang labanan ang mga anti-ma-mamayang polisya ng gobyernong

Aquino.

Alyansa. Ipagpatuloy at lalo pang palakasin ang UMAKSYON-PUP bilang pinakamalapad na alyansa sa hanay

ng mga mag-aaral, kaguruan, kawani, mga janitor at mga administrador. Sasaklawin nito ang iba’t-ibang mga isyu na makakaapekto sa ating pamantasan at lipunan.

Kumilos at ipaglaban ang mataas na sahod at karampatang benepisyo ng guro, empleyado, at kawani ng Paman-

tasan. Ipaglaban ang kanilang seguridad sa trabaho.

Abutin ang malawak na pagkakaisa kasama ang mga batayang sektor sa lipunan upang labanan ang patuloy na

pagtaas ng pamasahe at pangunahing bilihin.

Bigkisin ang pagkakaisa upang tutulan ang lumalalang pasismo ng estado, militarisasyon sa kanayunan at kalun-

suran. Kondenahin ang pagpapatuloy ng pampulitikang pamamaslang at pagdukot sa mamamayang lumalaban. Igiit ang hustisya sa mga biktima ng pasismo ng estado.

Aktibong maglunsad ng Basic Masses integration at fact-finding mission sa mga komunidad sa kanayunan habang

tuloy-tuloy na nakikiisa sa pananawagan ng mga magsasaka para sa pagpapatupad ng tunay na repormang agraryo sa bansa na siyang tungtungan para sa pambansang industriyalisasyon.

Yanigin ng malalaking pagkilos ang Rehimeng US-Aquino dahil sa patuloy nitong pag-abandona at pagsa-

sawalang-bahala sa mga batayang serbisyo para sa mamamayan.

Akayin ang malawak na hanay ng mga kabataang estudyante upang matibay na maikawaing ang ating mithiin para

sa makamasa, siyentipiko, at makabayang sistema ng edukasyon sa panawagan at paki-kibaka ng iba’t-ibang sektor ng lipunan.

Nasa ating sama-samang pagkilos ang tagumpay. Tuloy ang laban sa loob at labas ng pamantasan!

Raven Desposado

GeneralProgram ofAction

The Catalyst (TC) : Ano sa pananaw ninyo ang dapat maging tungkulin ng mga maihahalal na lider-kabataan sa ating pamantasan?

Raven Desposado (RD):Ang isang tu-nay na lider-kabataan ay hindi lamang dapat naglilingkod sa interes ng mga mag-aaral kundi maging ng sambay-anan. Isang lider-kabataan na mani-nindigan sa mga isyung kinakaharap ng mga Iskolar ng Bayan , magtatanggol sa kanilang karapatan para sa abot-kaya at de-kalidad na edukasyon, at magtataguyod ng esensya ng pagiging tunay na Iskolar ng Bayan na hindi nagpapakupot sa apat na sulok ng silid-aralan kundi lumalahok at nakikiisa sa laban ng lahat ng sektor ng lipunan. Dahil naniniwala ang SAMASA na hindi nalalayo ang kalagayan ng pamantasan sa isyung kinakaharap ng lipunan. Sa madaling sabi, ang isang lider-kabataan ay hindi lang talaga yung pang-lobby kundi lumalahok at nakikipaglaban para sa ating sintang paaralan at sambay-anan. Higit sa lahat, ang edukasyon na dapat tiyakin ng lider-kabataan ay edukasyon na para sa lahat.

TC: Paano ninyo lalabanan ang bantang Tuition Fee Increase (TFI) sa PUP?

Ang panayam na ito sa mga Standard Bearer (SB) ng magkabilang partidong tatakbo sa Student Council Elections (SCE) ay tradisyon na ng The Catalyst (TC) tuwing maglalabas ng special issue tungkol sa SCE. Hinihingi ang pahintulot ng magkabilang partido na matanong tungkol sa isyu dito sa loob at labas ng ating pamantasan at hanggat maaari ay on the spot itong sasagutin ng SB sa TC. Ito ay para matulungan ang mga estudy-ante na mapili at makilatis ng husto kung sino ang iboboto nilang magiging susunod na presidente ng Sentral na Konseho ng Mag-aaral dito sa PUP.

Ngayong election issue ng TC, tanging SAMASA lamang ang nagpaunlak ng panayam sa amin. Paulit ulit na sinubukan ng TC na makuha ang panig ng Kilos! ngunit bigo ang aming staff sa kabila ng mga ginawang paraan. Humihingi kami ng paumanhin sa mga Iskolar ng Bayan na boboto kung hindi ninyo malalaman ang panig ng Kilos! sa mga isyu ng pamantasan at panlipunan.

RD: Sa 30 taon ng paglilingkod ng SA-MASA, maraming beses nang nagkaroon ng bantang TFI sa ating unibersidad at maraming beses na rin nating napatu-nayan na sa sama-samang pagkilos ay mapagtatagumpayan natin ang anumang hakbang ng gubyerno na isapribado ang PUP at iba pang SUCs sa bansa. Ang TFI ay mariing tinututulan ng SAMASA dahil ito ay magdudulot lamang ng dagdag pahirap sa mga estudyante. Hindi kailan-man papayagan ng SAMASA ang anumang tulak ng gubyerno na itaas ang matrikula ng pamantasang kumakanlong sa mga kabataang piniling mag-aral sa PUP dahil sa abot-kayang matrikula. Sa anumang porma ng pakikipaglaban at pagtutol sa TFI at Budget Cuts, lagi’t laging nandito ang SAMASA upang ipagtanggol ang karapatan ng mamamayan sa edukasyon at maging sa ibang serbisyong panlipunan.

TC: Anong magagawa ng konseho sa lumalalang komersyalisasyon partikular na sa College of Technology (CT)?

RD: Sa simula’t simula pa lamang ng pagkakatatag ng CT, hindi tumitigil ang konseho sa pamumuno ng SAMASA, na labanan ang matinding komersyalisasyon partikular sa CT na may 250/yunit na

THE 2012 Student Council ElectionsELECTOWARS

Page 7: February 2012 Issue

Vol.XXVI No.06 February 2012

The Catalyst

PUPians, GET INVOLVED: LEAD, CHANGE, & INSPIRE!

LEAD Kilos is a dynamic organization which is a training ground of servant-leaders. We believe in the capacity of every student to be of service to others and to university through their innate talent, intellect, and ability. We LEAD to SERVE. In line with this, we aim to: 1. Enhance the leadership capacity of every student through camps, trainings, immer-sions and simulations of real-life challenges (e.g. Inter-collegiate youth camp etc.)2. Lead PUP students in advocating stands in relevant socio-political issues that affect the studentry (e.g PUP Budget+, STRAW Act or Magna Carta for Students, RH Bill, and FOI Bill).3. Unleash the PUP spirit and pride through developing our competitiveness in global

and national arena (e.g. Promote the culture of Research and Development, Exposure in international and national academic fora, and Linkages with other institutions).4. Help graduating (and non-graduating) students to find employment and internship opportunities through organizing its annual job fairs, career orientation seminar etc.

CHANGE Mahatma Gandhi famously said, “You must be the change you want to see in the world.” We believe that change starts from within ourselves then in the greater context, in which we live in. We aspire to promote holistic change in the university and the studentry through the following: 1. Reform the student government that thrives in destructive and violent activism.2. Promote transparency and accountability in the Central Student Council (e.g. Regu-lar issuance of Financial Statements, and Releasing of Accomplishment Reports every semester).3. Strengthen the capacity of student bodies such as Commission on Election, Student Disciplinary Board, and etc (e.g. Automated Elections).4. Establish a responsive student govern-ment through setting up an efficient griev-ance mechanisms.

INSPIRE Kilos’ main thrust is to empower and inspire the students to actively engage in various university activities that promote civic and social awareness, academic excellence, en-vironmental sustainability, talents and skills development. We aim to: 1. Greatly acknowledge and recognize PUP Students who have joined and won from various competitions.2. Recognize distinguished PUP Alumni who excelled on their respective fields and seek support from them (e.g. Support Student Athletes, Provide small scale scholarship and research grants).3. Conduct charity events, outreach pro-grams, mobilize volunteers in times of calam-ity and natural disasters, etc.4. Promote eco-friendly and environmental awareness projects (e.g. Styro-free Univer-sity, Cleanup Drive, Fun Run sa Kalikasan).5. Support and serve as a linkage to cultural organizations that promote talent and skills development (e.g. PUP Film Fest, Support Himig Serenata etc.).

Vinouel JohnLim

GeneralProgram

ofAction

EXERCISE YOUR RIGHT!BRING YOUR REGISTRATION CARD ON FEBRUARY 23-24.

GO OUT AND VOTE!The Catalyst

Ang panayam na ito sa mga Standard Bearer (SB) ng magkabilang partidong tatakbo sa Student Council Elections (SCE) ay tradisyon na ng The Catalyst (TC) tuwing maglalabas ng special issue tungkol sa SCE. Hinihingi ang pahintulot ng magkabilang partido na matanong tungkol sa isyu dito sa loob at labas ng ating pamantasan at hanggat maaari ay on the spot itong sasagutin ng SB sa TC. Ito ay para matulungan ang mga estudy-ante na mapili at makilatis ng husto kung sino ang iboboto nilang magiging susunod na presidente ng Sentral na Konseho ng Mag-aaral dito sa PUP.

Ngayong election issue ng TC, tanging SAMASA lamang ang nagpaunlak ng panayam sa amin. Paulit ulit na sinubukan ng TC na makuha ang panig ng Kilos! ngunit bigo ang aming staff sa kabila ng mga ginawang paraan. Humihingi kami ng paumanhin sa mga Iskolar ng Bayan na boboto kung hindi ninyo malalaman ang panig ng Kilos! sa mga isyu ng pamantasan at panlipunan.

tunay na hindi makatarungan dahil ang CT ay bahagi ng PUP at dapat na pantay ang binabayaran ng mga mag-aaral rito. Sa pangunguna ng partidong SAMASA, marapat nating pagkaisahin ang mga estudyante upang igiit ang pagpapababa sa tuition sa CT at tutulan ang anumang porma ng komersyalisasyon sa loob ng ating pamantasan.

TC: Ano sa tingin ninyo ang dapat na pa-rusa kay Gloria Macapagal-Arroyo?

RD: Hindi maitatanggi ang pahirap na dinanas ng mamamayan sa loob ng siyam na taong panunungkulan ng isang pangulo na hindi kailanman naglingkod para sa kapakanan ng mamamayan sa halip inuna pa ang interes ng dayuhan. Si Gloria-Ma-capagal Arroyo ay nagkasala sa mamama-yang Pilipino at dapat managot at mapa-rusahan na sang-ayon pa rin sa magiging desisyon ng Korte Suprema. Ang malinaw lamang ay hindi siya dapat binibigyan ng special treatment. Hindi natin dapat kalimutan na sa panahon na nakaupo sa pwesto ang pangulong ito ay lalo lamang niyang inilugmok sa utang ang bansa, lumala ang disempleyo, at nanatiling bulok ang sistema ng edukasyon. Marami ang pinaslang sa ilalim ng mapanupil niyang

Oplan Bantay Laya 1 at 2 at nararapat na parusahan siya sa mga pagkakasalang ito sa taumbayan. Ito ang mainam na panahon upang lalo pang magkaisa ang mamama-yan na manawagan na panagutin ang dat-ing pangulo at tiyak na kaisa ang SAMASA sa panawagang ito.

TC: Bakit kayo ang dapat na iboto ng mga Iskolar ng Bayan?

RD: Dahil tanging ang Partidong SA-MASA lamang ang representante ng mga Iskolar ng Bayan at handang isantabi ang pansariling interes para sa interes ng nakararaming mamamayan. Kasama ang mga PUPian, magpapatuloy ang 30 taon ng pakikipaglaban ng SAMASA para sa pagtataguyod ng karapatan sa edukasyon, trabaho, hustiyang panlipunan na dapat lang naman ay natatamasa ng bawat mamamayan.Sa bawat isang boto para sa SAMASA ay ang boto para sa pagpapanatili ng dose per yunit na pinakamababa pa ring matrikula sa buong bansa. Isang boto na magtitiyak na may konseho tayong lalaban ‘di lamang sa pormang legal kundi maging sa extra-legal. Muli nating iboto at ihalal ang tunay, palaban, makabayang konseho na tiyak na maninindigan para sa kapakanan ng bawat Iskolar ng Bayan.

THE 2012 Student Council ElectionsELECTOWARS

Page 8: February 2012 Issue

Vol.XXVI No.06 February 2012 Vol.XXVI No.06 February 2012

The CatalystKultura08TED PYLON’S

KUMEMBOT EXPOSEHalf-man, half-marble from Romblon

ValenTED Edition

Nene D’ Freshman Maybelle Gormate

Kahit buma-bagyo, sinuong ito ni Nene para pu-munta sa ComShop malapit sa kanila

Naiyaksya dahil

nakapasa sya sa

PUPCET!

letse baha!

panira ng moment.

...kumapit lang tayo, malalampas-

an din natin ang unos na ito...

...nandito lang kami para suportahan

kayo..

cge. bye

penge releif goods!

ok na moral support. Napagastos

na ako sa date ko e.

magiging aktibista ako pagpasok ko sa PUP!

hindi kita masisi.

Mapulang-mapula ang paligid. Kahit saan lumingon si Ted ay kulay pula ang nakikita niya. Wala rin siyang ibang marinig kundi ang tila tunog ng tambol. (sfx: lubdub. lubdub.lubdub.)Pero dahil sa likas na malikot ang imahinasyon niya, agad naisip ni Ted na nasa loob siya ng puso. Para malibang ng kaunti ang sarili ay pinili niya na maglibot-libot muna. Maya-maya ay may narinig siyang tinig.“never mind i’ll find someone like yo-ouu.....”Unti-unting naging itim ang paligid. Nalungkot si Ted. Hindi dahil wala siyang ka-date sa V-day kundi dahil naisip niya na maraming tao ang hindi nagmamahalan. Madami pa ding mga estudyante ang pinagbabayad ng kung anu-ano ng kanilang mga propesor. Hindi pa din pinahahalagahan ng gubyerno ang edukasyon kaya madami pa din ka-bataan ang napagkakaitan ng karapatan

sa pag-aaral. Kung may

nagmamahal naman ay puro lang presyo ng mga bilihin,

pamasahe at kung anu-ano pa.Magpapaka-emo sana si Ted pero bi-glang may ideyang pumasok sa kanyang marmol na utak.“Tama. Gagawin kong masaya ang mga tao. Wala nang malulungkot. I’l make ebriwan fol in lab. wahaha”

At yun na nga, sa araw ng mga puso ay nag-iba ang get-up ni Ted. Tila magic na nagkaroon siya ng bow and arrow na match na match sa kanyang mala-hagis at mala-ikyu na diaper. Pinana ni Ted si manong ermingguard sa gate para hindi na magpowertrip sa mga estudyante na walang i.d. Hindi rin niya pinalampas ang mga propesor na mahilig magbenta ng compulsory books. Lahat ng panain ni Ted ay automatikong lumalambot ang puso at nagiging mabait. May nadaanan din siyang magjowang nageelkyu pero naging sweet na sweet ulit dahil sa kanyang qupidpower.Tuwang-tuwa si Ted dahil nagagawa niyang magmahalan ang mga tao. Pero muli ay may narinig siyang tinig.“sometimes it lasts in love but some-time it hurts instead...”Bumalik sa dati ang lahat. Nawala ang

bow and arrow ni Ted at pati ang suot niyang diaper. Wala pala siyang ka-pangyarihang gawing okay ang lahat. Hindi niya magagawang pabaitin ang mga propesor na mapang-api sa mga iskolar ng bayan. Pinatay niya ang music sa kanyang bagong pulot na ipod dahil kanina pa siya na e LSS sa kanta ni Adelle. Inaasahan sana niya na maka-katanggap siya ng valentine card pero hindi,sumbong ang kanyang natanggap.

Case 01Series of 2012

Hi PUP Catalyst!

I know it’s late in the evening but I just had this sudden urge to tell you guys, Ted specially, about this certain profes-sor named Elaine Bautista- Economics teacher. I’ve been dying to ask some-body for help ever since the day she had given me and 8 of my blockmates a failing grade. You know I’ve read your recent writings and there I had the idea of confiding what I know. So here it goes, Elaine was our teacher in Economics. She was never a good example of a teacher. Most of the time, she’s absent. She teaches in English fluently but really never mind if we do understand what she’s saying. She has this soft voice

which makes us want to go to sleep. What I hated the most was the fact that she chose to have this once-in-a-life-time attendance kung kelan suspended ang klase that day. She gave a long quiz after being absent for 2meetings. She didn’t even let us know our class stand-ing before the semester ended. I admit that I was never a good student to her. I missed some of her lessons. Never paid much attention to her but I listened to her anyway. I failed some of the quizzes but still I believe that that’s not a reason for not giving us a chance to pass her subject. For Pete’s sake, hers was just a minor subject!! Ayoko talaga sa mga prof na pa-major ang drama! I saw her once and tried to talk to her but all she did was tell me to meet her in her class. What the eff! I didn’t even know where her next class is!! Call me Exaj or O.A but we’ve been students for so long and we totally know which ones are really deserving to be called TEACHERS. I hope matauhan siya at ma-realize nya ang kag***han nya. I hated her for being such an irresponsible teacher. Dahil sa kagaya nya kaya nasisira ang mga natatanging guro e.

Thanks for being here Catalyst :)

Boy Pick-up

Case 02Series of 2012

Yung biological science namen sobrang kurakot as in! Her name’s Mam Amy Nuguid. Hindi ako sure kung Amy talaga name nya,basta yon. So rumor has it that she really loves to be such a kurakot queen- from selling us booklets worth P87 na puro xerox at bondpaper lang naman and then if you didn’t pay for her book, you need to pass 2 h.works each meeting,her book costs P395. Kapag may quiz, P5 ang isang booklet na xerox copy lang naman kung tutuusin, mas mura pa ung tinitinda sa west na P3 lang colored na. May project sya na trivias pero kapag binili mo un P50 na trivia booklet nya, di mo na kailangang gawin ung project na yon. So far, di pa sya ulit nagdagdag ng ultimatum nya. Aside from those things, gumastos pa kami sa printed body parts na individually ang pagpasa sa kanya. o diba?bongga!

Boy Pick-up (ulit)

https://www.facebook.com/TedPylon

Ang Parusa Jerome Olarte

Pakis

ab

iJe

rom

e O

larte

Page 9: February 2012 Issue

Vol.XXVI No.06 February 2012

The Catalyst Komunidad09

focu

sR

YA

N

WI

LA

B

“TU

LA

Y”

catapost

Campus Life

https://www.facebook.com/pup.thecatalyst

Q1: Ano ang masasabi mo sa impeachment ni Corona?

Q2: Sa pagpapalit ng agency janitorial services, pabor ka ba sa abosption ng mga janitor na matagal nang naglilingkod sa PUP?

A1. Kung kasama siya sa katiwalian at kung mapapatunayan na mali siya ay dapat lang siyang panagutan. Pero kung pinepersonal lang nila si Pnoy parang kinakalaban niya ang Hudisyal.

A2. Hindi dapat sila paalisin yung mga matagal ng nasa serbisyo. Kahit wala silang high school diploma at lagpas na sila sa age limit at least nagagawa nila ang gawain nila ng maayos.Raymark MM 1-4

A1. Nonsense, Hindi lang sya. Halos lahat ng politician ay may anumalyang ginagawa. Nonsense kung siya lang.

A2. Matagal na silang naglilingkod dito eh. Hindi nila kasalanan ang pagpapalit ng agency.Grace PUP-Taguig

A1. Wala akong masyadong alam doon e. Kasi hindi ako TV freak.

A2. May part na yes, may part na no. Yung mga luma subok na sa gawain nila. Tapos yung mga bago ay subukan din natin kung papaano sila magserbisyo.Maclene ABE 2-2

A1. Naglolokohan lang sila! Ang galing ni Mirian doon.

A2. Oo naman kawawa sila. Go lang kami.BSBA-MM-4-3deeRocks

Mabini SessionsIII

Are you a PUPian? A poet? Essayist? Short story writer? And currently enrolled? We are inviting all PUPians who love to write poems, essays and short stories, in English or Filipino, to join the Mabini Sessions III Literary Contest. Entries will be accepted until March 29, 2012. For more details, please like the Mabini Sessions fanpage on Facebook at https://www.facebook.com/MabiniSessions

Prizes: 1st prize: P 5,000, certificate, complimentary copy of MS III literary folio, MS t-shirt

2nd prize: P 3,000, certificate, complimentary copy of MS III literary folio, MS t-shirt3rd prize: P 2, 000, certificate, complimentary copy of MS III literary folio, MS t-shirt*Prizes are subject to change without prior notice.

We are also accepting graphic and photograph contributions. Contributions must be related to the theme of MS III. Complimentary copy and a t-shirt will be given to anyone whose work of art is published in MS III.

“DOSE: Ang pagtindig upang makamit ang isang de-kalidad, pantay-pantay at mapagpalayang edukasyon sa PUP”

“DOSE: The stand to achieve quality, equality and liberating education in PUP”

Paano bumoto:Step 1:Hanapin ang mga presinto ng COMELEC sa inyong kolehiyoStep 2:Ipakita ng iyong Registration Card nung 1st o nitong 2nd semester ngayong school year. Kung nawawala ang iyong Registration Card, ang iyong I.D. ay pwede din magamit upang bumoto.Step 3:Bibigyan kayo ng balota para sagutan at maiboto ang gusto niyong maihalal na kandidato.Para sa College Student Counsel, kailangan lang na isulat ang pangalan ng mga kandidato o ang pangalan ng partido kung Block Vote.Para sa Sentral na Konseho ng Mag-aaral, itsek lang ang hugis kahon sa tabi ng pangalan o partido.Step 4:Ibigay ang balota sa Comelec Commmissioner na nag-babantay ng presinto. Ihulog ang balota sa ballot boxes. At opisyal ka ng nakaboto sa eleksyon.

Page 10: February 2012 Issue

Vol.XXVI No.06 February 2012 Vol.XXVI No.06 February 2012

The Catalyst

10OpinionBitter PillJOEMAR VELASQUEZ

CETERIS PARIBUS

“ ”

Minsan ko nang nagamit ang katagang “bitter pill” sa aking pagsusulat ng

isang liham para sa aking sinisin-ta. Iyon ang mga panahong magkagalit kami. Sabi ko sa kanya, “I’ll swallow continuously the bitter pill of sorrow until the time comes that it had already healed your wounded heart.” Drama di ba? Pero ganun talaga, kahit hindi ako siguradong gram-matically correct un, at least, magagamot nun ang dinulot na sakit sa kanya.

Ngayon, gagamitin ko uli ang katagang yaon sa panggaga-mot ng isang mas malala ng 100x10000 raise to the power of 10 at nabubulok na sakit ng ating lipunan, lalo na sa sektor ng edukasyon.

Mula 1980’s pa ang 12/unit ng PUP. Maraming mga pagtatangkang itaas ito ngunit lahat, bigo. Bakit? Dahil iyon sa sama-samang pagkilos ng sambayanan upang tutulan ito. Ang pagod, init, ngalay ng binti, paos sa pagsigaw sa lansangan, palo ng kapulisan, pagbomba ng mapanghing tubig ng mga bombero at iba pang mga sakripisyo, bukod pa sa pagliban pansamantala sa klase, ang pilit nilang tiniis sa abot ng kanilang makakaya upang maprotektahan lamang ang abot-kayang tuition na ito. Ito ang masasabi nating bitter pill na kinailangang lunukin ng mga naunang mga Iskolar

upang gamutin ang sakit ng sek-tor ng edukasyon sa bansa. Nga pala, parehong bitter pill din ang iginamot natin sa ating paghingi ng makatarungang badyet para sa PUP na dalawang bilyon.

May mga nagsasabing hindi na daw epektib ang ating bitter pill. Mas magsumikap na lang daw tayo sa ating pag-aaral upang mapansin ng gobyerno ang PUP at bigyan ng mataas na badyet. Mas kilala daw tayong pamantasan ng mga aktibista, dapat daw ay pamantasan ng mga intelektwal.

Pero…

Makakapag-aral ba tayong mabuti kung una, kulang ang mga pasilidad. Walang maayos na laboratoryo, walang maayos na bentilasyon sa mainit at masikip na mga klasrum, kulang na mga silya na Trip to Jerusalem araw-araw,kulang na libro sa library, etc. Pangalawa, sirang pasilidad. Tumutulo na kisame, comfort room na laging out of order, et.al. Pangatlo, hindi nag-iimprove na mga pasilidad. Ilan lamang yan sa mga balakid upang tayo’y makapag-aral mabuti.

Isa pa, hindi pa ba sapat na halos palaging may kasamang PUPian sa top ten ng mga board exams lalo na sa College of Engineering at Accountancy, na umaariba sa international scene ang Banda Kawayan at

laging may gintong uwi ang mga PUPian sa PISCUAA, SCUAA-NCR, iba’t ibang quiz bees at competitions upang ipakita sa gobyernong ito na PUP is aca-demically and non-academically excellent? Kung talagang sa kaparaanang binabanggit nila tayo makakakuha ng mas mataas na badyet, e di sana matagal na itong ibinigay ng gobyerno. At hindi rin pumapalya ang ating sintang paaralan na lumikha ng mga nationalist and competent graduates kada taon.

Sa sinasabi namang paman-tasan tayo ng mga aktibista, kung susumahin, mas mataas na pagkilala ito kaysa sa sina-sabi nilang pamantasan ng mga intelektwal. Ang mga aktibista, mulat sa tunay na kalagayang panlipunan ng sambayanan at may ginagawa upang mapatid ang gapos ng kahirapan sa lipunan. Hindi tayo nagpa-pakupot lang sa kung anong sinasabi sa akademya, bagkus, mas pinapaunlad pa natin ang mga ito sa pamamagitan ng pag-sasapraktika ng mga natutunan natin. Aktibista nga di ba? Aktib, hindi lang nakaupo sa loob ng klasrum kundi lumalabas din upang igiit ang mga batayang

karapatan ng mga mamamayan, isa na ang sa edukasyon at two billion budget ng PUP. Ang mga intelektwal, kadalasan, walang pakialam sa mga kababayan nilang naghihirap. Mas pansarili ang tunguhin ng kanilang mga pangarap. Halos simpatya lang ang naibibigay nila o di naman kaya’y mga band-aid solution sa kahirapan tulad ng pantawid pamilya program. Ang mga akti-bista, sama-sama kung kumilos. Ang mga intelektwal, paganda-han, pabonggahan, pabaitan, pabanalan at kanya-kanya kapag kumilos, palaging may kompeti-syon sa kanilang hanay. Iyan ang isa sa mga malalaking pagka-kaiba ng aktibista at intelektwal.

Kung ititigil natin ang paglulon sa bitter pill at magpapagupo na lang sa sakit ng lipunan o di kaya’y hintayin itong gumaling ng kusa (o sa madaling sabi, ibigay ng gobyerno ang ating mga hil-ing, na imposibleng mangyari), malaki ang posibilidad na mas titindi at lalala ang sakit na ito na maaaring pumatay sa ating mga natitira pang mga karapa-tan. Kung hindi tayo tutungo sa lansangan at sa Mendiola upang ipaglaban ang ating mga karapa-tan, para na lang din tayong nag-

aantay ng ating kamatayan.

Ika nga, hangga’t hindi pa magaling ang sakit, patuloy lang sa paggamot dito. Hangga’t patuloy ang pagsasamantala, pang-aabuso at pangingibabaw ng iilan sa lipunang Pilipino, patuloy din ang sakripisyo at paglaban upang mabura na sa ating makinang na landas ang mga pahirap na ito. Minsan pa, kailangan ding taasan ang dos-age ng gamot sa ating lipunan. Sa paglala ng krisis sa lipunan, dapat tumataas din ang antas ng ating pakikibaka para sa pam-bansang pagpapalaya. Okay ba?

Hindi tayo titigil hangga’t hindi nagwawagi. Ang bitter pill na ating iniinom ay tiyak na sa kalauna’y magiging pinaka-masarap. Pinakamasarap dahil natupad na natin ang ating mithin. Pinakamasarap dahil sa wakas, paglaya ang naging kapalit nito. Pinakamasarap dahil sa wakas, gumaling na ang sakit ng lipunan at nagtagumpay ang pakikibaka ng sambayanang Pilipino.

Nga pala, bati na kaming dalawa at patuloy pa rin sa pakikibaka.

Aktibista nga di ba? Aktib, hindi lang nakaupo sa loob ng klasrum kundi lumalabas din upang igiit ang mga batayang karapatan ng mga mamama-

yan, isa na ang sa edukasyon at two billion budget ng PUP.

Puso o MasaROMMEL AREOLA

LUCIFERUS

Buwan ng Pebrero. Buwan ng mga Puso. Lahat ng mga labid-

abs ay corny mode na na-man. At emo motif na naman ang mga SMP(Samahan ng mga Malalamig ang Pebre-ro). Biruan dito, kantyawan diyan, o kaya’y pagandahan at pabataan ng syota, o pamahalan ng mairereg-along bulaklak kahit inutang lang ang ipinambili. At nung isang araw, may natang-gap akong text message na huwag daw mabahala sa nangyaring lindol sa Negros island, dahil kinikilig lang daw ang Earth sa nalala-pit na araw ng mga puso. Nakakatuwang isipin na idinadaan na lang ng mga Pinoy ang mga nangyayar-ing dagok na dumadaan sa kanilang mga buhay. Ngunit sa nangyaring sakuna sa Negros, na sinalanta ng 6.7

magnitude na lindol, hindi natin maikakaila na daan-daang mga kapwa Pilipino ang naghihinagpis dahil nawalan ng matitirhan. At ang mas masaklap, natabu-nan at naglahong parang bula ang ilang kapamilya ng mga mamamayan ng Planas Village.

Laman ng diyaryo at telebisyon ang trahedyang kumitil sa humigit-kumulang 35 na buhay at hanggang ngayon ay pinaghahanap pa ng mga awtoridad ang mga hindi pa natatagpuang labi na tinatayang aabot sa 70. Ang nakakainis lamang, habang ang mayoridad ng mga balita sa telebisyon ay nag-uulat tungkol sa mga humahagulgol na sawimpal-ad, parang epal naman ang ating mismong Pangulo na nakangiti at parang walang iniindang sakit ang kanyang

nasasakupan. Hindi nga naman masamang sumabay sa agos, lalo na’t Buwan ng mga Puso ngayon at patok ang mga usaping may kaug-nayan sa pag-ibig. Ngunit kung ikaw ang tumatayong pangalawang ama ng mga libong nagugutom at nama-tayan dahil sa sakuna, hindi ko maubos maisip na ka-kayanin mo pang ngumiti at lumandi sa dalagang pwede mo nang maituring na anak.

Maaalala nating unang nagkita sina Pangulong Noynoy at ang Koreanang si Grace Lee sa inagurasyon ng Korea Electric Corpora-tion Power Plant sa Cebu kung saan dumalo ang Pan-gulo. At doon nagsimula ang mala-fairytale romance story ng isang 51 anyos na binata at 29 anyos na dalaga. At ang sabi nga ng ilan, masu-wete raw si PNoy dahil dual

purpose si Grace sa buhay niya: ka-loveteam at anak. Sabagay, age doesn’t matter nga naman. Sabi pa ulit ng mga tsismosa, ginagamit lang daw ng Pangulo si Grace para ipakitang kaya pa niyang magmahal muli, na hindi lamang si Shalani ang babae sa mundo(whew korni). Haka-haka lang naman, ngunit malamang sabihin niyang “past is past”. At kung isusunod nilang punain ang pagiging ‘taksil’ ng Pangulo sa lahing Pilipino dahil sa pagiging Koreana ni Grace, baka ipauso na ni PNoy ang kasabihang “na-tionality doesn’t matter”.

Sabi nga, hindi masamang sumabay sa agos. Ang ma-hirap lang isipin ay ang su-masabay ka sa agos habang nakikita mong nalulunod sa laot ng trahedya ang iyong mga anak. Sa mga date nina PNoy at Grace Lee, hindi naman posibleng tigbi-bente lang o singkwenta ang ginugugol ng Pangulo. Umaabot iyan sa libo, na

kung iipunin, ay malaking tulong na sa mga nasalanta ng lindol upang maipangkain lamang o maidagdag sa dalawang latang sardinas sa maghapon ng ilang pamilya. At malaking pampalubag-loob na rin sa mga kapwa Pilipinong nasalanta kung ang mga matatamis ng ngiti ng Pangulo ay sa kanila na lang niya ibinigay sa halip na sa mga babae.

Hindi naman natin masa-sabing mali ang umuusbong na relasyon nina pangulong PNoy at Grace. Karapatan nila iyon. At mas lalong hindi wastong sabihin na nag-kulang o iresponsible ang Pangulo sa kanyang nasa-sakupan dahil nagpadala na siya ng mga rescue team sa Negros. Hindi nga naman siya nagkulang, sumobra lang. Sumobra sa atensiyong iginugugol sa lovelife niya kaysa sa masa. Hayaan na lang natin siya ngayong tu-mimbang kung alin ang mas mahalaga sa kanya: kung puso ba o ang masa.“ Sabi nga, hindi masamang sumabay sa agos. Ang mahirap lang isipin

ay ang sumasabay ka sa agos habang nakikita mong nalulunod sa laot ng trahedya ang iyong mga anak.

Page 11: February 2012 Issue

Vol.XXVI No.06 February 2012

The Catalyst 11OpinionUtak-liberalKRYZL S. MENDEZ

Hindi itinuro sa atin ng kasaysayan na ang pagbabago ay

dapat magsimula sa sarili. At mas lalong hindi rin nito itinuro na ang paglaya ng sarili ay magiging paglaya din ng bayan mula sa dagok ng kahirapan at kaalipinan. Ang ganitong kaisipan ay malinaw lamang na nageen-ganyo sa atin na isipin na lamang ang sarili natin, ang sarili nating kapakanan, at tuluyan nang isantabi ang mga hamo’t problema na dapat ay kolektibo nating hi-naharap. Mismong mga utak liberal na din ang nagpaki-lala ng kanilang sarili bilang mga taong naniniwala sa ideolohiyang nagpapahalaga sa indibidwal at sa mga pan-sarili lamang nitong interes. Maaaring sila yung mga taong makakadebate mo sa klasrum pero sa huli ay sas-abihing ‘tutal magkaiba kayo ng paniniwala kaya igalang niyo na lang ang mga panini-wala ng bawat isa.’ O maaari rin naman na sila yung tipo

ng tao na hindi nauunawaan ang esensya ng sama-samang pagkilos bilang pangunahing anyo ng paki-kipaglaban para sa karapa-tan ng bawat-isa. Naniniwala sila na hindi dapat idaan sa “bayolenteng paraan” ang paghingi ng pagbabago. Na ang pagbabago ay dapat sa sarili nagmumula.

Sa unang tingin, nakaka engganyo naman talaga na paniwalaan ang ganitong ideolohiya lalo na’t nan-gangako ito ng mataas na pagpapahalaga sa indibid-walismo at hindi kataka-taka dahil likas na makasarili ang tao na ibinunga ng burgis na kultura. Bakit ka pa nga ba lalahok sa mga pagkilos gayong pumasok ka sa es-kwela para mag-aral? Bakit hindi ka na lang mag-aral ng mabuti para ‘pag kagradu-ate mo magkaroon ka ng maayos na trabaho at nang sa gayon ay hindi ka mag-ing pabigat sa lipunan. Sa madaling salita, bakit mo pa pag-aaksyahan ng pana-

hon ang mga problemang panlipunan? Unahin mo na lang ang sarili mo. Ano bang pakialam mo sa iba?

Masakit isipin pero ganito tayo mag-isip. Makasarili. Liberal. Naghahangad tayo ng paglaya mula sa bulok na sistema sa pamamagitan ng pagpapalaya sa ating sarili na kasing kahulugan na rin ng pagtakas sa mas malak-ing problema. Hindi natin nauunawaan na ang prob-lema ay mismong lipunan kaya anumang pilit nating simulan ang pagbabago sa sarili sa huli ay magtatapos lang din ito sa sarili.

Gasgas na nga ang ar-gumento na tao ang bumuo ng lipunan kaya tao din ang dapat sisihin dahil siya din ang bumuo ng sistema. Pero hindi, ang sistemang

umiiral noon hanggang sa kasalukuyan ay dikta lamang ng pwersang nakapangiba-baw at patuloy na nagdi-dikta sa magiging takbo ng kapalaran ng bansa. Hindi natin nakikita ang malaking problema dahil sinanay na tayo ng lipunan na tingnan na lamang ang sarili nating problema. Hindi natin nakita na hindi pa din malaya ang ating bayan dahil nakatuon lang tayo sa sariling paglaya mula sa sarili nating pagkak-abilanggo sa kahirapan. Ano pa nga bang aasahan natin sa ganitong lipunan lalo na sa kasalukuyan na pinagha-harian at pinamumunuan ng mga taong liberal mag-isip? Magsikap ka kung gusto mong umasenso pero paano magsisikap ang isang tao na sa simula pa lang ay

pinagkaitan na ng mga karapatan na mabuhay na ayon sa nararapat? Paano uunlad ang sambayanan kung mismong sila ay alipin sa sarili nilang bansa? At kung mga simpleng serbi-syong panlipunan pa nga lang ay ipinagkakait na ng estadong hindi na natuto sa kasaysayan ng maigting na pakikibaka ng mamamayang napagsasamantalahan.

Ito ang malinaw na itinu-turo sa atin ng kasaysayan: Na ang pagtakwil sa indi-bidwalismo at ang pangin-gibabaw ng pagkakaisa at kolektibang paggampan sa tungkulin natin bilang mga anak ng bayan ang tunay na magiging mitsa ng pagba-bago. Dahil sa paglaya ng lipunan lamang magsisimula ang paglaya ng tao.

“ “

Dahil sa paglaya ng lipunan lamang magsisimula ang paglaya ng tao.

TEAR GAS!ANGIELYN G. MORENO

Minsa’y sinusubukan kong ilagay ang sarili ko sa sitwasyon ng mga

mamamayang naging biktima ng marahas na demolisyon, partikular na sa Brgy. Corazon de Jesus, San Juan na nasaksihan namin mismo. Sinusubukan ko, kahit papaano’y nahihinuha kong nararamdaman ko ang nararam-daman nila pagkat nalulungkot ako at nagagalit. Ngunit alam kong hindi ko pa rin lubos na madarama kung ano ang nara-ramdaman nila. At sa totoo lang, hindi ko mailapat sa mga salita ang nararamdaman ko. Hindi ko alam. Tila ba sukdulan lang ta-laga kaya hindi ko maipaliwanag nang sapat.

Makikita mo ang mga mukhang humahanap ng mahuhugutan ng pag-asa. Sa paglalakad namin noo’y may nagtanong na isang residente, “Taga-PUP kayo?” ang tanong niya at sinagot namin ng oo. Binaling ko na ang tingin ko sa daraanan namin at nagpatu-loy maglakad nang bigla niyang inihabol ang mga katagang “Salamat ha..” sabay ng ngiting inusbungan ng pag-asa.

Matagal pang nanatili ang barikada ng mga mamamayan sa tapat ng bawat kantong papa-sukan ng mga pulis at demoli-tion team. Kailangang maging matatag ang barikada upang hindi matuloy ang demolisyon. Dumating rin sa punto ng pag-abante ng hanay ng mga pulis. Nakahanda na ang fire truck at sa tapat mismo ng barikada ibubuga ang tubig nito, na hindi namin alam kung saan galing, kung sa ilog man o kung saan, kung

madumi o hindi. Sa pagbaklas ng mga pulis sa kahoy na barikada, pilit pa rin namin itong hinawakan upang di mabuwag ang hanay. Napakalakas ng buga ng tubig at nawasak nito ang marupok nang barikada. Sabay pa ng pagmaso ng demolition team rito. Nabuwag ang hanay at nakaabante ang mga pulis.

Nagsimulang pulutin ang mga bato, pati ang mga bote. Nagsimu-lang protektahan ng mamamayan ang kanilang sarili at ang kanilang mga tirahan sa pamamagitan ng pag-opensa. Dahil wala silang laban sa mga pulis na may mga batuta at truncheon, sa demoli-tion team na may mga maso, martilyo at kung anu-ano pang harmful something na pangwasak ng mga pinto, bintana at haligi ng bahay, pangsira rin ng buhay ng bawat pamilyang mawawalan ng tahanan. Nag-alab ang bawat bato at ang mga hagupit ng bote sa mga truncheon na hawak ng mga takot na ring pulis, literal, nag-alab sa apoy.

Nagkaroon ng pagdiriwang, mga ngiting labas ang ngipin, mga hiyawan, taas-kamao. Ang bawat isa’y tumanaw sa kanilang mga kapit-bahay na ngayo’y kasama nila sa pakikibaka.

Pagharap ay may lumilipad na parang latang may lumalabas na usok. Natigil ang hiyawan, ibinaba ang mga kamay, ang lahat ay napatingin sa taas. TEAR GAS!

Dinampot nang sapilitan ang mga residente at miyembro ng mga progresibong organisasyon na kasamang dumepensa sa hanay. Dinampot sila, sapilitang

hinuli, kahit na hindi na sila lumala-ban. Duguan man, sugatan man o hindi, basta’t kanilang dinampot. Nagtago ang iba, ang lahat ay umatras. Natuloy ang demolisyon. Hindi makatao, sobrang marahas.

Hindi lamang pagod ang nararamdaman ng bawat isa, kundi damdaming wasak at mga diwang halos takasan ng pag-asa. Mga bahay na sira, mga buhay na walang kasiguraduhan.

Kailanman ay hindi naging tama ang demolisyon. “Hindi naman kasi sa kanila yang lupa kaya hindi nila dapat pagtayuan ng barung-barong o anu pa man.” Ito’y pahayag ng ubod, nuknukan at sagad hanggang langit ang pagka-makasarili. Ipaliliwanag ko sa iyo sa mga simpleng salita kung bakit. Namnamin mo.

Ang lahat ng bagay ay mag-kaugnay. Bakit may mga informal settlers sa syudad? At bakit napa-karami ng populasyon nila? Bun-sod ito ng kawalan ng hanapbu-hay sa kanayunan. Maaaring may magsasaka, tapos ay kinamkam ng asyendero ang kanyang lupa, nawalan ng kabuhayan, at dahil na rin sa mentalidad na nasa lunsod raw ang kaginhawaan ay dito siya magtutungo. Taliwas sa inakala ay

mas masidhi ang kalagayan dito sa syudad. Walang matuluyan, kaya’t tumira sa squatters’ area, naging informal settler.

Sa kanilang lugar ay mag-kakaroon ng demolisyon. Ang gobyerno’y mangangako ng mas mainam na buhay sa reloca-tion areas. Ngunit taliwas ulit sa pinaniwalaan ay mas malala ang kalagayan sa relocation areas. Malayo sa mga batayang serbisyo tulad ng mga ospital. Wala ring matatagpuang kabuhayan pagkat malayo sa kabihasnan. Walang tubig, walang kuryente. Wala. Walang pag-asang matatagpuan. Wala talaga. Makapagtayo lamang ng apat na haligi at bubong, ayos na sa gobyerno, parang bahay-bahayan, hindi angkop sa pangan-gailangan ng tao.

Ang iba’y nangangahas na lamang na ibenta ang bahay na inilaan sa kanila sa relocation area at nakikipagsapalarang muli sa kung saanman. Minsa’y prosti-tusyon ang nagiging solusyon ng mga residente upang magkaroon ng pera.

Sa kabilang banda, ano ang mangyayari sa lupang tinayuan ng mga tirahan, pinagbukluran ng bawat pamilya at pagkatapos ay

na-demolish? Ano na ang magig-ing silbi nito?

Mapupunta sa mga kamay na nagpapakasasa sa salapi, sa mga kamay na may bahid ng dugo ng mga maralita. Ang lupa’y tatayuan ng mga building. Mga gusaling pupugaran ng aliw, ng mga mapagsamantala. Magiging business district, mall, bagong city hall, gagawing komersyalisado upang magluwal ng maraming-maraming salapi. Samantalang ang mga pinalayas na mamama-yan, walang pera, walang bahay, sirang buhay.

Naipaliwanag ko ba nang mabuti? Isipin mo rin kasi.

“Ngunit lagi niyo kaming pinapalayas, ang tahanan nami’y winawasak. Pinalipat-lipat kung saan-saan. Kung ilang beses na ay hindi ko na alam.” Ito ay mga linya mula sa isa sa mga paborito kong awitin.

Tutulan ang marahas na demoli-syon ng tahanan ng mga maralita. Lupa, sahod, trabaho at karapatan sa paninirahan, ipaglaban!

Hindi ko malilimutan ang sigaw na iyon bago kami tumakbo... “TEARGAS!”

“ Hindi lamang pagod ang nararamdaman ng bawat isa, kundi damdaming wasak at mga diwang halos takasan ng pag-asa. Mga bahay na sira, mga buhay na walang kasigu-

raduhan

PEN PEN DE SARAPEN

MARIA KUAWA

Page 12: February 2012 Issue

Vol.XXVI No.06 February 2012 Vol.XXVI No.06 February 2012

The CatalystAccomplishment Report12 The Catalyst

In accordance to republic Act No. 8292, also known as Higher Education Modernization Act of 1997, under Section 3, vii, the Student Regent is the Official Repre-

sentative of the Student sector to the highest governing body of the University, the Board of Regents. This regent represents the 68,000 Iskolar ng Bayan, the biggest stake-holder of this institution.

It is tasked to promote a meaningful representation of the students to the highest policy-making body of the university.

In line with this, I am proud to report the salient points of the accomplishment and activities of this office.

A. Alyansa ng Nagkakaisang Konseho sa PUP (ANAK-PUP) - the System Wide Student Council Federation launched its 14th Congress last April 6- 8, 2011 at Rosman Beach Resort, at Nasugbu Batanggas. This Congress has been attended by 25 presidents of different colleges, branches and extension Student Council Presidents where this current Student Regent has been selected by the Federation to be their President, thus, giving him the authority represent the student population. It also provides leadership training seminars, on Student Council Manage-ment, Mass Campaign and Struggle, Fund Management, Speakers Training, Table Battle and Negotiation and Basic Parliamentary Procedures.

B. Student Trustees and Regents Federation-STAR FED-We are part of convening this federation to promote unity among the student leaders and trustees in order to persue a meaningful representation of the students to the Board of Regents and Trustees. PUP Student Regent was elected as the Chairman for Luzon of the Adhoc Com-mittee.

C.Board of Regents Meeting- this Regent has at-tended almost 4 regular Board Meetings and 4 Special Board meetings that tackles of the following concerns that this Office fought for, in cooperation with SAMASA Alliance:

-Tuition Fee Increase at the Graduate School, from P100.00 per unit to P400.00 per Unit

Status: Deferred-Illegal and Compulsory books inside the UniversityStatus/remarks: for investigation-Mandatory ROTCStatus: to be resolved by the PUP Management-Amalgamation/dissolving PUP Gen. LunaStatus/remarks: MAY AMALGAMATE and be absorbed by PUP Mulanay, but for further deliberation-Issues on PUP PresidencyStatus/remarks: the previous president has expired his

term then prevented by an Injunction and a Temporary Restraining Order then was defying by the Board. Appar-ently, the Court of Appeals issued a resolution to lift the injuction.

-Student Representative to the Search CommitteeStatus: Ms. Ma. Fatima Joy B. Villanueva was appointed as the representative to the search committee-Increase for the Student Assistance Allowance from P20 per hour to P25 per hour:Status: Approved and to be implemented on School Year 2012-2013-Implementation of Different Infrastructure and Main-tenance project Status/remarks: deferred but some of the project hasbeen approved through a referendum.

D.Lobbying on Senate and House of Representatives with various Senators and Representatives with regards to

PUP and Education Budget issues and Campaign.E.Dialogue and conversation with different personali-

ties and dignitaries regarding different issues like Budget Fight, Education Issues and Justice for Atty. Augustus Cezar

-Vice President Jejomar Binay-Senator Miriam Defensor Santiago-Bishop Deogracias Inigues-Senator Ramon Bong Revilla -Senator Alan Peter Cayetano-Senator Pia Cayetano-Gov. Vilma Santos RectoF.This office serve as the Strong Campaign Center of

Student’s and People’s Issue in cooperation with SAMASA Alliance:

-Strike for Higher State Subsidy to Education and Other Social Services

-Students Rights and Welfare-Against Budget cut on Education and other social

services -P2 billion PUP Budget-Against Rationalization and Commercialization on

Education-Janitors, Employee and Faculties labor issuesG.Branches and Extension Hopping, Visitation and

Consultation on:-PUP Sto. Tomas -PUP Ragay-PUP Lopez -PUP Sta. Maria-PUP Maragundon

H.Media Landing and Appearance based on certain issues.

-TV guesting, appearance and Interview-Radio Interview-Broadsheet and tabloid news landingI.Infrastructure and Scholarship Grants in Cooperation

with SAMASA Alliance-Gabriela Silang Student Development Center

located at CEA Building- worth of P8,000,000 charged to SARO of Congresswoman Luzviminda Ilagan of Gabriela Women’s Party

-Renovation of Gabriela Silang Hall- worth of P 1,400,000 charged to SARO of Congresswoman Luzvim-inda Ilagan of Gabriela Women’s Party

-Kabataan Partylist Scholarship and Financial Grants- worth of P 1,200, 000

-Renovation of PUP Laboratory Highschool building - P2,000,000 chargeable to the PDAP of Anakpawis Partylist Office of Rep. Rafael Mariano.

These reports will not be possible without the sup-

port of the broad masses and students of this University! Together, we are united to reach our common goals for a Nationalist, Scientific, and Mass Oriented System of Education! Tuloy ang laban, sa loob at labas ng Pamantasan! Sama-samang Kumilos at Manindigan! Sama-samang Magtagumpay!

For the students I remain,

ROMMEL TEOFILO FORBES- AGUILARPresident, College of Nutrition and Food Science

Student CouncilPresident, ANAK-PUP Student Council FederationPUP Student Regent

Office of the Student RegentAccomplishment Report

Pagpupugay sa lahat ng mga Iskolar ng Bayan! Sa termino ng tunay, palaban, makabayang konseho SKM 2011-2012, isang taon na naman na muli

nating napahigpit ang pagkakaisa at paglaban sa tumit-ingding komersyalisasyon sa edukasyon. Ang SKM, sa pamumuno ng SAMASA Party ay nakapa-glunsad ng iba’t ibang matatagumpay na aktibidad na batay sa interes ng mga estudyante sa kabila ng kawalan ng pondo. -SKM Information Booth (April-May) -General Freshmen Orientation and Concert Night (July 1) -Alternative Classroom Learning Experience on Climate Change and Imperialism (July & September) -Basic Masses Integration-pakikipamuhay sa mga magsasaka at manggagawang bukid sa Hacienda Luisita Inc. (July) -Kultura PUP (August)- isang buwang selebrasyon ng nasyunalismo at kultura nating mga Pilipino. -Leadership Training and Seminar (Sept/Oct) -PUP Summit I and II (Sept/Nov) -October Foundation Week-magarbong selebrasyon ng 107th pagkakatatag ng PUP -Himigsikan: Himig ng kalayaan, musika para sa bayan Battle of the Bands -PUP Idol VII -October Revolution

Gumawa ng mga mapamaraan upang maabot at maiupdate ang mas malawak na bilang ng mga Iskolar ng Bayan -Regular na pagpapatawag ng all presidents’/ officers’ meeting, all organization’s meet sa pamamagitan ng Commission on Student Orgs Accreditation (COSOA) -Paglulunsad ng mga forum, symposium, summit at iba pa upang magtalakay ng mga pinakamainit na isyu sa unibersidad at sa bansa -Online SKM. www.facebook.com/skmPUP

Kumatawan ang SKM sa mga mahahalagang kapulun-gan sa unibersidad at sa buong bansa. -Student Representative para sa Search Committee for President -Student Representative para sa Committee on Decorum and Investigation -Aktibong myembro ng Student Council Assembly at Alyansa ng Nagkakaisang Konseho PUP (ANAK PUP) -delegado ng National Union of the Students of the Philippines

At palagiang pinangungunahan ang laban ng mga Iskolar ng Bayan at ng mga mamamayan -Muling pagpapabalik sa admin ng pagkolekta ng SC at TC fee -Pagtutol sa ‘No Shifting Policy’ sa halip ay college empowerment para sa pagpapanatili ng mga estudyante sa kanilang kurso -Pagpapatigil sa patuloy na pagbebenta ng illegal at compulsory na libro. -Pagpapalakas ng UMAKSYON-PUP bilang pangunahing alyansa na magtatanggol para sa mas mataas na badyet sa edukasyon -September Strike – Unity Walk, etc -Nov Strike -“WTF? WTF! Where’s The Fund, We Want Transfer of Fund” campaign para sa agarang paglalabas ng mga pondo ng konseho at publikasyon.

Maraming maraming salamat, mga kapwa PUPians! Sa ika-30 taon ng selebrasyon ng suporta at pakikiisa sa masa, SAMA-SAmang kumilos at manindigan, SAMA-SAmang magtagumpay!

Sentral na Konseho ng Mag-aaral

Term-End Report