yoyyooyo unuunnun gggg lolloolo vveeve · “sabi ni miggy aantayin daw nila tayo sa may gate...

37
YO YO YO YOUN UN UN UNG LO LO LO LOVE VE VE VE by MayGoddess Characters:

Upload: others

Post on 10-Sep-2019

1 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

YOYOYOYOUNUNUNUNGGGG LOLOLOLOVEVEVEVE by MayGoddess

Characters:

Chapter 1Chapter 1Chapter 1Chapter 1

I know what people say, don't get carried away

Say boy, you've got your whole life ahead of you.

But what am I suppose to do?

Young love is taking me over your love.

I'm losing control my heart stop, stops, when I get close to you,

Like lightening, striking out of the blue.

Young love, you're stealing my sleep, but so what?

If you're feeling me, put your hands up, hands up

All around the world, everybody in young love.

<Bea Gienel’s POV>

Yes… lyrics to ng kantang ‘Young Love’. Ganyan mismo ang feeling ng inlove, tulad ko.

By the way I’m Bea Gienel Lunde… “BG or Bigi” for short (pronounced as Bi-dyi). Bata pa lang kami love

ko na si Miggy, my childhood friend/sweetheart/bestfriend/crush/prince charming/future husband

(haha… sana..).

Real name niya ay Miguel Alonzo… and ang gusto niyang nickname ay “Migs” para daw cool. Pero ang

tawag ko sa kanya ay “Miggy”, nasanay na kasi ako.

Mga bata pa lang, magkalaro na kami. Magkapit bahay lang kasi kami at friends din ang parents namin.

Close nga kami ng mama niya eh, lagi niyang pinagbibilin na alagaan ko daw si Miggy (aba! Sureee~).

Classmates din kami mula elementary, highschool, at pati ngayong college na kami… pareho nga rin kami

ng course.

<Waiting shed malapit sa gate ng campus>

“Miggy let’s go! Umuwi na tayo…” aya ko sa kanya habang nakalink yung arm ko sa arm niya.

“Wait lang Bigi, isang game lang to…”

“Magdodota ka? Dota again? Sasabihin kita kay tita.”

“Hinde noh! Manonood lang ako, si Josh ang maglalaro.”

Humarap ako kay Josh.

“Josh!!”

“O, wait lang Bigi… labas ako dyan. Kayo ni Migs ang magusap.” –Josh

“You know what Josh… lagi ka nalang nandadamay!” parinig ni Leesh kay Josh

“Ako? Ano bang ginawa ko?” pa-cool niyang sagot

“Sandali lang talaga to… tapos uuwi na agad tayo… please Bigi.” –Miggy

Hayy… Dota na naman… Pero syempre hindi ko naman siya matitiis eh…

“Sige na nga… Basta bilisan nyo.”

Tapos ay dumeretso na agad sila sa loob ng computer shop.

“Aantayin ko pa si Miggy eh…” sabi ko kina Leesh at Celine

Si Leesh at si Celine ang new friends kong nameet ngayong college. Si Leesh… posh and popular yan,

pero love niya kaming mga friends niya. Si Celine… kind, caring and very positive. At kasama din syempre

si Josh… pa-cool, playboy at wala ng ibang ginawa kundi ang asarin si Leesh. Pero kahit ganun, love na

love ko yang mga yan.

“Alam mo girl, I really don’t get it. Why do you like Migs that much? Una sa lahat di niya naappreciate

ang mga efforts mo sa kanya… And mas inuna pa niya and dota kesa sayo.” –Leesh

“Leesh naman… para naman nating hindi friend si Migs niyan… Mabait naman siya, diba Bigi?” –Celine

“Oo naman! Mabait talaga. Tapos cute pa, saka lagi siyang nandyan para sakin. Naaalala ko nga kahit

noong mga bata pa kami… hindi niya ko iniiwan. Pag may gusto kong puntahan, sinasamahan niya ko.

Pag may gusto ako, gagawin niya yun kahit napipilitan lang siya. Pag pagod nako at hindi ko na kaya,

bubuhatin niya ko sa likod niya…”

Habang naaalala ko yung mga past memories namin ni Miggy together… hindi ko mapigilang hindi

mapangiti… at syempre KILIGIN.

“Basta I know… hindi ako niya ko pababayaan. Miggy is my prince charming.” Sabi ko habang

niyayakap ko ng mahigpit yung bag ko.

“Aww…” –Celine

“You know what? Ikaw na ang pinaka-cheesy na taong nakilala ko.” –Leesh

“Pero ikaw din ang pinaka-sweet.” –Celine

“Ganun naman talaga eh, love is cheesy.”

“Okay, so we all know you have feelings for Migs. I mean… kahit sino sa school pansin kung gaano mo

siya kagusto. But the problem is Migs. What if pinapaasa ka lang niya…” –Leesh

“Ha?”

“Baka naman hindi pa lang siya sure sa nararamdaman niya.” –Celine

“Ano ka ba Celine… More than 10 years na silang magkasama. Hindi naman manhid si Migs para hindi

mapansin ang efforts ni Bigi for him, diba Bigi?” –Leesh

“Umm…” Kunsabagay tama naman si Leesh eh…

“Naku Bigi, wag ka ganyan… mabait si Migs, hindi nun magagawang saktan ka. Magtiwala ka lang kay

Migs. Leesh naman… nasa-sad tuloy si Bigi.” –Celine

“Sorry… What if lang naman eh…” –Leesh

I trust Miggy pero I admit na tama din naman ang mga sinabi ni Leesh. Kahit noong mga bata pa kami

sinasabi ko na kay Miggy na gusto ko siya. Gusto ko siya ang bestfriend ko. Gusto ko siya lagi ang partner

ko. Gusto ko pagtanda ko siya ang pakakasalan ko. Pero lahat ng yun ako lang ang may gusto. Hindi ko

naman talaga alam kung ano ang nararamdaman niya eh… Ayaw naman talaga ng mga ginagawa ko,

madalas napipilitan lang siya o kaya naman hindi niya sineseryoso… Pero kahit ganun, nararamdaman ko

rin naman na pinahahalagahan niya ko. Miggy… Ano ba talaga ang nararamdaman mo?

< Gymnasium; bleachers>

“Ang tagal naman nila.” Sabi Miggy

Nakaupo kami sa bleachers ng gym habang inaantay namin yung iba.

“Oo nga, nagtext si Leesh tapos na daw yung class niya.”

“Bakit wala pa siya?”

“Ewan… Nangangalay na nga ako eh…” humarap ako kay Miggy tapos medyo nagpa-cute ako “pasandal

naman ako sa braso mo…”

“Ha? Bakit?” halatang ayaw niya

“Sige na.” Niyakap ko agad yung braso niya tapos ay sinandalan ko na siya. Hindi na rin siya nagsalita

kahit alam kong napilitan lang siya.

“Wow. PDA much?” –Leesh

Nagulat kami pareho ni Miggy kaya naghiwalay agad kami at humarap kami sa nagsalita sa likod namin.

“Ang sweet nyo naman.” –Celine

“Naks bro! Kala ko ba besprend lang, bakit umi-iscore ka na? Hahaha!” –Josh

“Gago. Nangangalay lang si Bigi kaya sumandal sakin. Tara na nga kumain.” Sabay tumayo na si Miggy

kaya tumayo na rin ako.

<School cafeteria>

“Umm… ang sarap nitong chocolate torte.”

Madalas may libreng food kami pag miryenda tulad nitong kinakain namin na chocolate torte. Galing to

sa isang admirer ni Leesh…

“You’re so pretty talaga Leesh… ang dami mong admirers eh.”

“Sus! Mas maganda pa rin si Hillary.” Parinig ni Josh

“Dream on Josh…” –Leesh

“Sino si Hillary?” –Celine

“Yung sissy ko.” –Leesh

Ang kulit talaga nila… Hahaha…

“Miggy ang sarap noh… Tikman mo oh…” sabay lapit ko ng spoon sa bibig niya

“Sige okay na ko…” –Miggy

“Isa lang to please Miggy… please…”

“Hindi Bigi, okay lang talaga ko. Busog na rin ako eh.” –Miggy

“Isang subo lang to promise.” Sabay taas ko pa ng hand ko.

“Ha? Ummm… Sayo na lang yan.” Bigla siyang tumayo “Ikukuha lang kita ng inumin.” Tapos ay umalis

agad siya kaya hindi ko na siya napilit.

“Hmmff.” *pout*

<sa Gymnasium habang naglalaro ng basketball yung boys>

“Go Miggy! Galingan mo Miggy!”

Oh my gosh! Pinasa na ni Josh kay Miggy yung bola… Sana hindi makuha ng kalaban!

“Last 10 seconds!” –coach

Ayan na malapit na si Miggy sa court! Isu-shoot na niya!

“Miggy!!!”

Dugdug. Dugdug. Dugdug.

“PASOK!” –Josh

“Yes!” –Miggy

“Waaahh!!!” sigaw ng mga nanonood

“Yehey! Miggy ang galing mo!” salubong ko sa kanya

“Haha… salamat.” –Miggy

“Ano Leesh, nakita nyo ba yun? Ang galing ko noh?” pagmamalaki ni Josh

“Anong magaling dun? Eh si Migs naman yung nag-shoot…” –Leesh

“Haha… oo nga, pinasa mo lang kay Migs yung bola.” Biro ni Celine

“Anu ba kayo? Kung hindi ko na-steal yung bola, hindi naman yung maisu-shoot ni Migs eh…” –Josh

“Oo nga… Hahaha…” –Miggy

“Miggy eto yung tubig oh…” sabay abot ko ng bottle ng mineral water

“Uy, salamat… Bumili ka pa talaga…” –Miggy

“Syempre naman… baka kasi madehydrate ka eh. Dapat may nakaready ka laging water.”

“Ha? Ah… natripan lang kasi namin ni Josh na maglaro…” –Miggy

“Ano ba yan Miggy puro pawis ka na…”

Kinuha ko agad yung towel niya at pinunas ko sa noo niya.

“Teka Bigi ako na…” sabay kuha niya sakin ng towel at siya na yung nagpunas sa sarili niya

Binuksan ko yung bag niya tapos ay kinuha ko yung extra shirt niya.

“Magbihis ka na agad Miggy baka matuyuan ka pa ng pawis, magkasakit ka pa.”

“Ayiieeh~” –Josh, Leesh, Celine

“Ang sweet naman…” –Celine

“Para na kayong married couple.” –Leesh

“Para ring mag-nanay… inaalagaan si bunso.” –Josh

“Baliw ka talaga Josh. Tara na ngang magpalit.” –Miggy

“Nakakatuwa talaga si Migs. Ang bilis niya mahiya pag binibiro natin siya.” –Celine

“Ang kulit nga niya eh… Paulit-ulit ko na nga sinasabihan na alagaan yung katawan niya, pasaway pa

rin.”

“Paano sinanay mo kasi na may nagaalaga sa kanya.” –Leesh

“Concern ako sa kanya eh.”

“Correction! In love…” –Celine

Chapter Chapter Chapter Chapter 2222

<Gate ng campus>

“Nasaan na yung mga boys?” –Celine

“Sabi ni Miggy aantayin daw nila tayo sa may gate eh…”

“Eh nasaan sila?” –Celine

“I’m sure hinila na naman ni Josh si Migs sa kung saan.” –Leesh

Nasaan na kaya yung mga yun?

“Ang cool nya pare noh?” –Miggy

“Oo nga eh… akalain mo magaling pala siyang maglaro?” –Josh

“Miggy!” tawag ko sa kanya

“Ayan na pala sila eh…” –Celine

“I thought so… sa comp shop na naman sila galing.” –Leesh

“Bakit namiss mo ko noh?” –Josh

“Shut up.” –Leesh

“Miggy tara na…” sabay link ko ng arm sa arm niya.

“Teka pare alam mo ba pangalan?” –Miggy

Teka? Dati nakikipagkulitan pa ko sa kanya bago ko mai-link yung arm ko sa kanya, bakit ngayon dedma

lang siya? Weird.

“Narinig ko tinawag siyang Alex nung kasama niya eh.” –Josh

“Alex? Siya pala si Alex. Ano daw course?” –Miggy

“Aba ewan! Teka nga, wag mo sabihing?” –Josh

“Oh bakit?” –Miggy

“Haha… Tinamaan ka na Migs.” –Josh

Ano kayang pinaguusapan nila? Saka sino si Alex? Bago nilang friend? Parang hangang-hanga si Miggy

dun sa Alex, siguro cool-guy yun.

<The next day…>

<School cafeteria>

“Alam mo pare inadd ko siya sa FB kagabi tapos inaccept niya agad. Kakatawa nga yung chat namin,

puro Anime at computer games ang usapan namin… pero masaya naman.” –Miggy

“Oo nga pala, may nagsabi sakin, IT yung course niya. Ahead siya sa atin ng 2 years.” –Josh

“Wait nga guys. Kanina pa kayo eh, actually kahapon pa nga eh… Sino ba yang pinaguusapan niyo?” –

Leesh

“Si Alex.” Sabay pa si Miggy at Josh

Ewan ko kung bakit pero parang hindi maganda yung kutob ko dito…

“Who’s Alex?” –Leesh

“Yung nakalaro ni Migs kahapon… Magaling yun. Napahanga nga nun si Migs eh…” –Josh

“Ang cool kaya niya.” –Miggy

“Wow. Mukha nga napabilib niya si Migs natin… nacurious tuloy ako kung sino yang Alex-guy na yan.”

–Celine

“Alex-guy? Hahaha…” sabay ulit sila

Ano kayang nakakatawa dun sa sinabi ni Celine?

“Sumama nalang kayo mamaya sa a-” –Josh

“Alex.” –Miggy

Napatingin kaming lahat sa tinitignan ni Miggy.

At last, makikilala na rin namin kung sino yung Alex-guy na… WAIT!

“Hi Alex.” –Josh

Si Alex ay isang… babae?

“Uy… Migs. Josh. Kayo pala yan.” –Alex

Kita ko si Miggy habang nakatingin siya kay Alex. Bakit ganun? Parang nagseselos ako. Siguro kasi ngayon

ko lang nakita si Miggy na humanga sa isang babae. Miggy…

“So mamaya na lang ulit?” –Alex

“Sure. Bumigay sayo tong pare ko eh. Tayo naman ang magtapat.” –Josh

“Haha… oo ba! Hindi kita uurungan.” –Alex

“Alam mo Alex gentleman naman ako eh, pero pagdating sa game ibang usapan na yan.” –Josh

“Haha… Bumawi kayo mamaya. Ikaw din Migs.” –Alex

“Oo nga Migs. Magpasikat ka naman kay Alex mamaya.” –Josh

“Ha? Ah… oo.” –Miggy

“Oh paano… later na lang. Bye.” Tapos ay umalis na siya.

<After class…>

<Waiting shed malapit sa gate ng campus>

“Napansin nyo ba na parang may iba kay Migs today? Parang may something…” –Leesh

“Ganun pa rin naman siya ah… masayahin pa rin. Diba Bigi?” –Celine

“Oo… Kasi mukhang humahanga talaga siya dun kay Alex.”

“Bigi…” –Celine

“Kahit naman ako noong nakita ko siya, natural lang siya, friendly, magaling makisama sa boys… Cool

nga siya eh…”

“Okay ka lang ba Bigi?” napansin kong nagaalala na sakin si Celine at si Leesh.

“Ayy… ano ba kayo? Okay lang ako. Bakit naman ako hindi magiging okay?”

“Don’t worry, I think tomboyish siya.” –Leesh

Pareho kaming natawa ni Celine “Leesh talaga oh.”

“Bigi!” napalingon agad ako sa tumawag sakin.

Si Miggy. Ang saya-saya niya habang papalapit siya sakin. Ang cute niya talaga pag nakasmile siya!

“Miggy! Tapos na kayo?”

“Oo. Tara ng umuwi?” –Miggy

Nag-nod ako habang naka-smile sa kanya. Tapos ay ini-link ko agad yung arms namin.

“Bye guys!!” paalam ko sa kanila

Tama… basta masaya si Miggy okay lang sakin. Pag masaya siya masaya na rin ako…

Magkasama pa rin kami ni Miggy habang naglalakad… malapit na rin kami sa bahat namin.

“Bigi…”

“Hmmm?”

“Ah… eh… Paano mo ba malalaman kung gustong gusto mo yung isang tao?”

Bigla akong napatigil sa paglalakad, at humarap ako kay Miggy.

Paano malalaman kung gusto ko yung isang tao?

“Kapag hindi siya mawala sa isip ko… Pag gusto kong lagi siyang nakikita… lagi siyang nakakausap…

lagi siyang kasama… Tapos makita ko lang siyang nakangiti, napapangiti na rin ako… Masaya na ko

makita ko lang siyang masaya… Gusto ko siyang pasayahin, alagaan, …mahalin. Gagawin ko ang

lahat…”

“Bigi…”

Naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko…

“Miggy…”

Hinawakan niya bigla ang mga kamay ko. Dugdug. Dugdug.

“Lahat ng sinabi mo… lahat yun nararamdaman ko.”

“Ta- Talaga?” May nagugustuhan na si Miggy?

“ Kaya naman nagdesisyon nako… Kailangan niyang malaman yun…”

At mukhang seryoso na siya… Kinikilig ako >_<

“Bigi…” huminga siya ng malalim

Eto na… Baka hindi ko to kayanin…

“Liligawan ko si Alex.”

“H-ha?”

Si Alex? Liligawan niya si Alex? Hhh.. baka nga ba hindi ko yun naisip. Si Alex ang dahilang kung bakit siya

masaya lately. Si Alex…

“Ummm… Bigi?”

“Ha? Ah… Si Alex…”

“Oo at alam mo ba ang dami naming similarities. Nagkakasundo agad kami.”

“Umm… Miggy sure ka ba?”

“Oo naman. Bakit, hindi mo ba siya gusto?”

Hindi naman sa ayaw ko sa kanya… pero masakit kasi sakin eh…

“Hindi naman sa ganun… Ma-masaya nga ko para sayo eh…” ang hirap sabihing masaya ko para sa

kanya “…gusto mo bang tulungan kita?” Ano ba tong mga sinasabi ko?

“Talaga Bigi? Thank you!” tapos ay niyakap niya ko.

Ngayon niya lang ako niyakap ng dahil sa masaya siya. Niyayakap niya lang kasi ako dati pag kino-

comfort niya ko eh…

<The next day…>

“What?!” –Leesh

“Sure ka na ba dyan?” –Celine

“Oo… naka-oo na rin ako sa kanya eh.”

“Are you a masochist?” –Leesh

“Ano ka ba Leesh… diba dapat iko-comfort natin si Bigi…” –Celine

“Sorry… eh kasi naman eh…” –Leesh

“Teka ayan na sila.” –Celine

“San kayo galing?” –Leesh

“Saan pa ba? Eh di gumawa na si Migs ng kanyang first move…” –Josh

“First move?” –Leesh

“Kamusta yung ginawa mo Miggy? Nagustuhan ba ni Alex?” tanong ko kay Miggy habang nakangiti

“Bigi…” –Celine

“Ha? Hindi ako sigurado eh… pero nagpasalamat siya dun sa flowers…” –Miggy

Ang dami pang sinasabi ni Miggy pero hindi ko na siya naiintindihan. Tinitignan ko na lang kung gaano

siya kasaya habang nagkukwento siya. Sabi ko naman diba… pag nakikita ko siyang masaya, masaya na

rin ako.

<After class>

<Sa loob ng campus; pathway>

“Nasaan na sila Miggy?”

“Diba magpapalit lang daw sila ng shirt…” sabi ni Celine. Katatapos lang kasing maglaro ng basketball ng

mga boys.

“Eto oh, Josh messaged me. Nasa field daw sila…” –Leesh

“Bat kaya sila nagpunta dun?” –Celine

“I dunno. Baka gusto naman nilang maglaro ng soccer…” –Leesh

“Maglalaro ulit sila? Baka naman mapagod sila ng sobra. Tara puntahan natin sila.”

<Field>

“Ayun sila Miggy…”

Lumapit agad kami sa kanila

“Anong ginagawa nyo dito?” –Celine

“Si Alex kasi naglalaro… nanonood lang kami.” –Josh

Napatingin sakin si Celine at si Leesh

“Wag nyo nga kong tignan ng ganyan.”

Lumapit ako kay Miggy

“Miggy oh… tubig.” Alam ko kasing pagod pa siya at kailangan ng body niya ng water.

“Salamat Bigi…” kinuha sakin ni Miggy yung bottled water.

“Miggy na kay Alex yung bola!” –Josh

Lahat kami napatingin kay Alex. Sporty talaga siya at magaling pa. Nai-goal nya yung bola.

“YES!” sigaw ni Miggy

“Alex” tawag ni Miggy sa kanya tapos ay nilapitan niya pa si Alex.

Inabot ni Miggy kay Alex yung tubig na binigay ko.

“Tubig oh… Alex” –Miggy

“Thanks Migs.” –Alex

“Ang galing mo kanina.” –Miggy

“Salamat.” –Alex

“Tama yan bro. Sundin mo lang yung mga tinuro ko.” Sabi ni Josh sa sarili niya

Pinalo siya ni Leesh sa braso.

“Aray. Bakit?” –Josh

“Ikaw pala ang nagtuturo ng mga kalokohan kay Migs.” –Leesh

“Anong kalokohan?” –Josh

“Bigi okay ka lang?” –Celine

Tumango lang ako.

“Bigi sorry…” napatingin kami kay Josh… siya ba talaga yung nagsasalita? Ngayon ko lang siya nakitang

sincere “…alam kong nangunguna ako sa pangaasar kay Migs pag magkasama kayo kaya medyo

naiilang na tuloy siya sayo. Pero yung kay Alex, si Migs talaga yung unang naging iteresado sa kanya.

Hindi naman ako bulag para hindi makita kung ano si Migs para sayo Bigi… Pero bilang lalaki,

naiintindihan ko rin si Migs at bilang kaibigan gusto ko rin siyang tulungan pagdating kay Alex. Kaya

sorry talaga Bigi…”

“Ayyyh… Naiiyak tuloy ako sa inyo…” pinunasan ko yung namumuong tears sa eyes ko. “Noong una si

Celine at si Leesh, tapos ngayon pati ikaw Josh. Masyado kayong nagaaalala sakin. Okay lang ako, diba

nga pag masaya si Miggy masaya na rin ako. Pero thank you sa inyo, true friends talaga kayo.”

“Aww… sabi ko na nga ba eh… Sensitive ka rin Josh.” –Celine

“Tss… syempre noh… Kahit kaming mga cool guys, sensitive din.” Biro ni Josh at napatawa naman niya

ko.

“Hmmf.” parinig ni Leesh “Migs uuwi na kami, bilisan mo!”

Patuloy pa rin ang panliligaw ni Miggy kay Alex. Mas madalas na si Alex na rin ang kasama niya. Aaminin

ko… namimiss ko na si Miggy, yung dating Miggy.

Chapter Chapter Chapter Chapter 3333

<Sa loob ng campus; pathway>

“Gutom na ko, tara na sa cafeteria…” –Josh

“Miggy anong gusto mong kainin?” sabi k okay Miggy sabay yakap ko sa arm niya

“Kahit ano basta mabubusog ako.” sagot nya habang pinpilit niyang tanggalin yung kamay ko sa arm

niya… pero hindi naman harsh yung way niya.

“Miggy naman… hawak lang eh…”

“Baka kasi makita tayo ni-”

“Oh! Hi Migs, hi Josh…” napatingin ako sa kasalubong namin

“A-alex!” –Miggy

Napatingin si Alex sa akin. Bigla namang tinanggal ni Miggy yung kamay ko sa arm niya.

“Alex papunta kami sa cafeteria… gusto mong sumama?” aya ni Miggy

“Naku sorry Migs… may klase pa kasi ako. SIguro next time na lang. Bye.” –Alex

“Sige… bye.”

<Harap ng gate ng campus>

“Sure ka uuna ka ng umuwi kay Migs?” –Celine

“Where’s Migs ba?” –Leesh

“Tinawag kasi siya ni Alex kanina… eh mukhang matagal pa sila kaya uuna na kong umuwi…”

“Okay… Maaga pa naman kaya hindi pa masyadong nakakatakot uumuwi mag-isa.” –Celine

“Saka sabay-sabay naman tayo hanggang sa may kanto diba?”

“Oo” –Leesh

“Bigi!”

Napalingon ako sa familiar na boses na tumawag sakin

“Saglit, antayin nyo kami!” sigaw ni Josh habang tumatakbo sila ni Miggy papalapit samin.

“Saan kayo papunta?” –Josh

“Pa-uwi na kami.” –Celine

“Ba’t di nyo kami inantay?” –Josh

“Eh kasi baka busy pa kayong makipag-chat kay Alex eh…” sabi ni Leesh habang ine-emphasize yung

Alex

“Niyayaya lang kami ni Alex ng isang game. Kaso wala akong budget ngayon para sa paglalaro eh…

may pinag-iipunan kasi ko…” –Miggy

“At saka hindi daw pwedeng hindi sila sabay ni Bigi pauwi…” parinig ni Josh, siniko naman siya ni Miggy

“Bigi, balak mo bang umuwi mag-isa?” –Miggy

“Nagsasanay lang…”

“Ha?” medyo nagulat at natigilan si Miggy

“Hahaha… wala!” nag-smile na lang ako sa kanya “Tara ng umuwi.”

<Sunday>

<Space for rent sa tabi ng computer shop>

Nandito kami ngayon sa may tabi ng computer shop na nilalaruan nila Miggy. Pinarerentahan to ng may-

ari sa kung sino mang interested na mag-open ng business like comp-shop or coffee-shop or store o

kung ano pa man. Pero nakiusap si Miggy na rentahan itong space na to for a day. Bukas kasi yung day

na pinaghahandaan at pinag-iipunan niya, bukas MAGTATAPAT NA SIYA KAY ALEX. And nandito kami ng

mga friends niya para tumulong magprepare… gusto niya kasi anime-style pero romantic pa rin yung

ambiance.

“Saan ba tong garland? Dito ba to sa wall ilalagay?” –Leesh

“Hinde Leesh, dun sa bubong sa labas para hindi makita.” –Josh

“I’m not talking to you Josh.” Sabay irap pa ni Leesh.

Ikinakabit ni Leesh yung garland sa may wall pero mukhang nahihirapan siya.

“Ako na nga…” sabay agaw ni Josh dun sa garland at siya na ang nagkabit “…nahihirapan na ang

prinsesa eh”

“Eh di ikaw na. Hmmf…” –Leesh

“Ang cute niyong dalawa…” nakakatuwa talaga tong dalawang ito… kahit lagi silang nag-aaway feeling

may something sa kanila… kakakilig >_<

Biglang dumating si Miggy

“Miggy nasan yung table? Para mai-set na rin natin.” –Celine

“Table? Ah may nahiram na ko diyan sa eatery sa tabi. Josh tara…” –Miggy

“Ako pagbubuhatin mo? Yung gwapo kong ito?” –Josh

“Bilisan mo!” –Miggy

“O sige… but you owe me bigtime bro.” sagot ni Josh at sumunod na rin siya kay Miggy palabas

Kaming mga girls nalang ang naiwan…

“Sure ka ba dito Bigi?” –Leesh

“Oo naman.”

“Okay ka lang talaga?” –Celine

“Oo.”

“Girl, hindi kita mag-gets. This is suicide.” –Leesh

“Okay ba talaga sayo Bigi na tumulong dito?” –Celine

“Oo naman… anything for Miggy.”

“Bigi hindi mo naman kailangang itago samin eh… alam ko masakit.” –Celine

“Wala naman akong choice eh…”

Bigla akong niyakap ni Celine at ni Leesh…

Buti na lang may mga friends akong nandito for me…

<Miguel’s POV>

Hapon nagsisimula na ring dumilim. Kinakabahan ako para sa gagawin ko bukas. Sana magustuhan ni

Alex. Pero bago yun, eto muna…

Naiwan pa sina Celine doon na nag-aayos ng mga gamit. Bigla kasing nawala si Bigi at kanina pa siyang

hindi bumabalik. Tumwag ako kay tita (sa mama ni Bigi) pero wala pa rind aw siya sa bahay. Kaya naman

naghahanap ako ngayon…

Nagpunta ako dito sa may park… may lake kasi dito na madalas puntahan ni Bigi pag malungkot siya.

Tulad noong mga bata kami noong namatay yung lola niya na close talaga siya, nagpunta siya dito at

nakita ko siyang iyak ng iyak…

At hindi nga ako nagkamali… naka-upo siya sa may damuhan sa tabi ng lake habang nakayuko.

“Bigi…” tawag ko sa kanya

Nakatungo siya pero kita kong pinunasan niya yung mga mata niya. Para bang umiyak siya…

“Bakit umalis ka na naman mag-isa?”

Hindi siya sumagot at hindi pa rin siya natingin sakin… nayuko pa rin.

“Kung pupunta ka dito dapat sinabi mo, para nasamahan kita.”

*sniff*

Hindi ako sure pero parang narinig ko siyang humikbi… Umiiyak pa rin ba siya?

“Gabi na… tara nang umuwi?” inabot ko sa kanya ang kamay ko para alalayan siyang tumayo pero hindi

niya ko pinansin.

Tumayo siya mag-isa pero hindi pa man siya nakakatayo ng tuwid ay napa-upo na ulit siya.

Tingin ko pagod na pagod na si Bigi. Parang nakonsensya ako bigla.

Naupo ako sa harapan niya… “Halika na… bubuhatin na kita sa likod ko…” (Piggy-back-ride style)

Mukhang alam niyang hindi niya kaya mag-isa kaya pumayag na rin siya.

Tamihik lang si Bigi habang buhat ko siya sa likod ko. Ayoko rin namang magtanong kasi mukhang alam

ko na naman kung bakit siya nagkakaganito… lalo lang akong nakokonsensya.

“Alam mo ba, kanina noong ang tagal mo at hindi ka pa nabalik… nag-alala silang lahat sayo…

syempre pati ako. Naaalala mo ba noong mga bata pa tayo… nangako tayo na lagi nating hindi natin

iiwan ang isan’t isa…”

<Flashback>

“Basta mag-promise tayo…”

“Na ano?”

“Na walang iwanan.”

“Tss… ayoko nga. Pambabae lang yan.”

“Hindi noh! Ginagawa to ng mga magkaibigan… Sige na…”

“Oo na…”

“Yehey… pinky promise!”

<End of flashback>

“Ayoko pa nga noong una eh… pero pinilit mo ko…”

*sob*

Naramdaman kong medyo basa yung balikat ko.

“Bigi… nagdrool ka ba sa damit ko.” Biro ko sa kanya

Pero instead na tawa, nakarinig ulit ako ng sob.

“Miggy…” sabi niya. Sa boses niya, halatang pinipigilan niyang umiyak.

Kinakabahan ako sa sasabihin niya… Siguro kasi hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin…

“Miggy…” ulit niya

“Gusto talaga kita…” ngayon alam kong umiiyak na siya “Ikaw lang ang gusto ko Miggy… ikaw lang.”

Hindi ako sumasagot.

“Miggy…”

“Hmmm?”

“I love you…” *sob* “I love you Miggy.”

.

.

.

.

“I know Bigi… nararamdaman ko.”

Pagkatapos nun… hindi na ulit nagsalita si Bigi hanggang makarating kami sa bahay nila. Kalmado na rin

siya.

Papasok na si Bigi sa loob kaya naglakad na rin ako palayo.

“Miggy…”

Napalingon agad ako ng tinawag ako ni Bigi… Halatang pagod na ang mga mata niya sa pag-iyak.

“Kung alam mo talaga… bakit…” nagsimula na naman siyang umiyak “…bakit…”

“Tama na Bigi…”

“Kulang pa ba? Kulang pa ba yung mga ginagawa ko?”

“Hindi…”

“Pwede ko naman pag-aralan yung nilalaro niyo eh… Mag-aaral din akong mag-soccer.”

“Bigi…”

“Pwede ko rin kahiligan ang anime… o kaya-”

“Bigi tama na!”

Natigilan siya bigla. Kahit ako nagulat din sa ginawa ko. At alam kong mali yun…

Magso-sorry sana ako pero bigla siyang nagsalita.

“I hate you…” Mahina pero narinig kong sinabi niya.

“…I HATE YOU MIGGY!!!” tapos bigla niyang sinarado yung pinto.

At aaminin ko, tinamaan ako dun sa sinabi niya.

<Tuesday>

“Oh… bat ganyan yung mga mukha niyo?” si Celine “Tayong tatlo na lang? Paunti na tayo ng paunti

ah… kahapon si Bigi ang wala, ngayon pati si Leesh wala din. Nasan na siya?”

“Nandoon kasama yung ‘friend’ niya…” –Josh

“Friend?” –Celine

“Yung classmate niya noong highschool.” –Josh

“Bat parang bitter ka?” biro ni Celine

“Hinde no! Ako? Bakit naman? Baka eto pang si Migs…”

Hindi ako sumagot… wala ako sa mood eh… Paano kasi kahapon, binasted ako ni Alex…

<Flashback>

<Monday>

Ready na ang lahat… kaharap ko na rin si Alex… Sasabihin ko na sa kanya ang nararamdaman ko ng bigla

kong naalala yung mga sinabi sakin ni Bigi kahapon…

“Oh bakit parang malungkot ka?” tanong sakin ni Alex

“Ah wala… naalala ko lang si Bigi…”

“Bigi?”

“Kaibigan ko… yung lagi kong kasama. Yung makulit pero sweet.”

“Ahh… bakit anong nangyari sa kanya?”

“Ah wala naman… wag mo ng masyadong isipin. Yun nga palang gusto kong sabihin sayo… Ang totoo

kasi…”

“Wait Migs… bago mo sabihin yan pwede bang ako muna?”

“Sure…”

“Ang totoo kasi, alam ko naman kung anong sasabihin mo eh. Pero sana maintindihan mo rin na…

hindi pa ako ready na pumasok sa isang relationship… And if ever man, mas gusto ko sana yung same

age ko o yung older sakin… Pero hindi ibig sabihin na ayoko sayo. Gusto kita… bilang kaibigan. Sana

maintindihan mo Migs…”

<End of flashback>

Ang saklap lang diba…

“Tama na nga yang pagmumukmok nyo… Kumain na lang tayo…” –Celine

“Mabuti pa!” –Josh

“Ikaw Migs?” –Celine

“Kayo na lang wala ako sa mood…”

“Dahil heartbroken ka magpapakagutom ka?” –Josh

“Tigilan mo nga muna ko…”

“Dahil ba yan sa kay Alex?... o… kay Bigi?” –Celine

Napatingin ako kay Celine. Bat ang dami niyang alam?

“Ewan.”

“Magsorry ka na kasi kay Bigi… hindi ka naman nun matitiis… mahal ka nun eh…” –Celine

<Harap ng bahay nila Bigi>

Gabi na… nandito ako sa harap ng bahay nila Bigi… kanina ko pa siya tinatawagan sa phone pero hindi

naman niya sinasagot…

Alam kong nagalit talaga siya sakin, nasaktan ko kasi siya eh… pero hanggang kelan?

Tinext ko siya… ‘Labas k nmn. Mgusap tayo.’

Napansin ko siyang lumabas sa may balcony nila sa second floor. Mukhang ayaw niya pa rin akong

makaharap. Sapat lang kasi yung layo namin para makita ko yung expression niya pero malayo na para

magkarinigan kami.

Tinawagan ko siya sa phone niya… Kita kong napatingin siya sa kamay niya at mukhang hawak niya lang

yung phone niya… Pero mukhang ayaw niya rin sagutin.

Inulit ko ang pagtawag. “Please sagutin mo Bigi…”

This time sinagot na niya ko. Magkaharap kami pero sa phone kami mag-uusap.

“Bigi… sorry…”

Nakatingin lang siya sakin at hindi sumasagot.

“Bati na tayo… please?”

“Bakit pa?”

“Kasi…” galit pa rin siya sakin “… miss na kita eh.”

“Hindi mo naman ako dapat mamiss eh… may Alex ka na.”

“Ano ka ba? Syempre hindi pwede yun… besprend kita eh.”

Hindi na naman siya sumagot… hindi ako sure pero parang may kuminang sa mata niya. Pina-iyak ko na

naman ba siya?

“Bigi diba sabi mo-”

“Sorry.” Bigla niyang putol sa sinasabi ko.

“Ha?”

“Ayaw na kitang maging bestfriend… *sniff* …hindi ko na kayang… maging bestfriend mo lang.”

Natigilan ako sa sinabi niya. Wala akong maisagot sa kanya.

“Pagod na ko Miggy.” Yun ang huling salitang sinabi niya sakin bago niya ibaba ang phone niya at

pumasok sa loob.

<The next day…>

<Sa loob ng campus>

“Uy pare.” Bati sakin ni Josh

“Uy.”

“Josh. Migs. Good morning.” Bati ni Celine noong makita niya kami

“Good morning!” naramdaman kong may humawak sa balikat ko.

Lumingon agad ako at “Big-…” pero mali ako ng akala… “Leesh ikaw pala.”

“Anong update Migs? Nakausap mo ba si Bigi?” –Leesh

“Oo… pero saglit lang.”

“Paano yan? Pag di pa siya pumasok ngayon, 3 days na siyang absent…” –Celine

<Cafeteria>

“Tingin nyo tatagal yan?” –Josh

“Buong araw siyang wala sa sarili at tahimik lang.” –Celine

“Baka mamaya magka-mental breakdown na siya.” –Leesh

Napatingin ako sa kanilang tatlo na nakitingin lahat sakin.

“Sinong nagsabing wala ako sa sarili ko? Naririnig ko kaya kayo…”

“Talaga? Eh bakit dalawa yang binili mong shake?” –Josh

Napatingin ako sa table… dalawa nga yung nabili ko. Nasanay na kasi ako.

Napatingin ako sa katabi ko… “Para kay Celine.”

“Wow… Migs ang sweet mo naman. Kaso busog na ko eh, hindi mo naman kasi sinabi na manlilibre ka

ng shake.” Panlalaglag sakin ni Celine

“Eh di para kay Leesh.”

“Thanks, but no thanks. Hindi ko type ang pandan flavor.” –Leesh

“Sayo pare…” sabi ko kay Josh

“Ha? No offense pare… pero hindi tayo talo.” –Josh

“Baliw.”

“Miss mo na si Bigi noh?” –Celine

<Harap ng campus gate>

“Migs tara… isang game lang.” –Josh

“Pass muna ko.”

“Alam mo iinom na lang natin yan.” –Josh

Pinalo siya ni Leesh sa braso. “Ano ka ba? Di ba ayaw ni Bigi na umiinom si Migs.”

“Sus.” –Josh

“Don’t worry Migs… baka kailangan lang ni Bigi ng time… Magkakaayos din kayo.” –Celine

“Maayos naman si Bigi… si Migs lang naman ang malabo.” –Leesh

“Leesh…” saway ni Celine

“What? I’m just telling the truth.” –Leesh

“Pano mo nasabi eh hindi mo naman alam ang side ni Migs.” –Josh

“Halata naman diba?” –Leesh

“Alam mo, hindi mo kami naiintindihang mga lalaki.” –Josh

“Leesh. Josh. Tama na yan! Hindi naman tayo nakakatulong kina Migs at Bigi ng ganyan eh…” –Celine

<On the way pauwi ng bahay ni Migs>

Pati mga kaibigan namin nagkakagulo na ng dahil samin. Natigilan ako at napaisip. Bigla kong naalala

yung mga sinabi ni Bigi.

<Random flashbacks>

“pasandal naman ako sa braso mo…”

“Miggy ang sarap noh… Tikman mo oh…”

“Go Miggy! Galingan mo Miggy!”

“Miggy eto yung tubig oh…”

“Syempre naman… baka kasi madehydrate ka eh. Dapat may nakaready ka laging water.”

“Magbihis ka na agad Miggy baka matuyuan ka pa ng pawis, magkasakit ka pa.”

“Miggy tara na…”

“Kapag hindi siya mawala sa isip ko… Pag gusto kong lagi siyang nakikita… lagi siyang nakakausap…

lagi siyang kasama… Tapos makita ko lang siyang nakangiti, napapangiti na rin ako… Masaya na ko

makita ko lang siyang masaya… Gusto ko siyang pasayahin, alagaan, …mahalin. Gagawin ko ang

lahat…”

"Ma-masaya nga ko para sayo eh… gusto mo bang tulungan kita?”

“Kamusta yung ginawa mo Miggy? Nagustuhan ba ni Alex?”

“Nagsasanay lang…”

“Ikaw lang ang gusto ko Miggy… ikaw lang.”

“I love you Miggy…”

“Kulang pa ba? Kulang pa ba yung mga ginagawa ko?”

“…I HATE YOU MIGGY!!!”

“Ayaw na kitang maging bestfriend …hindi ko na kayang… maging bestfriend mo lang.”

“Pagod na ko Miggy.”

<End of flashbacks>

Kahit noon pa nandyan na lagi si Bigi sa tabi ko.

Bigla ko ring naalala yung mga sinabi nila sakin.

<Random flashbacks>

“Dahil ba yan sa kay Alex?... o… kay Bigi?”

“Magsorry ka na kasi kay Bigi… hindi ka naman nun matitiis… mahal ka nun eh…”

“Tingin nyo tatagal yan?”

“Miss mo na si Bigi noh?”

“Don’t worry Migs… baka kailangan lang ni Bigi ng time… Magkakaayos din kayo.”

“Maayos naman si Bigi… si Migs lang naman ang malabo.”

<End of flashbacks>

Pero hindi ko yun napapansin until mawala siya sa tabi ko.

Tapos naalala ko rin yung huling sinabi ni Alex sakin pagkatapos niya kong i-reject.

<Flashback>

“Sorry ulit Migs…” si Alex

“Okay lang… naiintindihan kita.”

“Pero naisip ko lang… sure ka ba na ako ang gusto mo? Hindi mo pa kasi ako ganoong kakilala… saka

yung friend mo…”

“Ha?” Friend ko? Si Bigi?

“Alam mo kasi hindi normal na may other girl kang maaalala sa kalagitnaan ng pagtatapat mo sa

isang girl, unless… yung other girl na yun ay mas importante para sayo. Pero opinion ko lang naman

yun…”

<End of flashback>

Ba’t nga ba ngayon ko lang na-realize…

Si Bigi…

Tumakbo ko ng mabilis hanggang sa makakaya ko papunta kina Bigi. Kailangan ko siyang makausap. May

mahalaga kong sasabihin sa kanya.

Pagdating ko sa bahay nila Bigi… ang mama ni Bigi ang humarap sakin.

“Ikaw pala yan Miguel.” ang mama ni Bigi

“Tita si Bigi po?”

“Nasa loob siya… masama pa rin ang pakiramdam niya eh.”

“Po?”

“Miguel… meron ba kayong hindi napagkasunduan ni Gienel ko? Sana kung meron man ay maayos

niyo na agad. Sa ngayon kasi hindi pa siya handang humarap sayo.”

“Sige po tita… mag-aantay nalang po ako hanggang sa maging handa na siya.”

“Oh paano Miguel, papasok na ko sa loob.”

At tulad ng sinabi ko… mag-aantay ako kay Bigi. Kaya naman pag-uwi ko, lagi akong pumupunta kina Bigi

kahit madalas na nasa labas lang ako nag-aantay.

Chapter Chapter Chapter Chapter 4444

<After a week>

<Loob ng campus>

“Bigi? Bigi!” –Josh

“Kamusta kayo?” –Bigi

Tama ba ang narinig ko… si Bigi…

“Girl! I missed you.” –Leesh

“Okay ka na ba? One week ka rin nawala ah…” –Celine

“Ang dami ko bang na-miss?” –Bigi

“Madami talaga! Pero dito may naka-miss din sayo ng sobra…” –Josh

Tumingin sila sakin na parang nang –aasar…

“H-Hi.” Bati ko sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit pero ngayong kaharap ko na siya bigla akong naging speechless.

“Hi.” sagot sakin ni Bigi pero sandali lang at umiwas na agad siya.

“Leesh, Celine. Samahan niyo naman ako sa dean ko… ibibigay ko lang tong excuse letter para may

excuse ako noong absent ako.” –Bigi

“Okay… tara.” –Celine

“Pano ba yan bro, parang naka-moved on na si Bigi sayo.” –Josh

“Ewan. Pero parang may iba sa kanya…”

“Oo nga. Mas blooming siya ngayon…” –Josh

“Hindi yun, meron talaga eh.”

Buong araw kaming magkasama ni Bigi… syempre classmates kami eh. Pero di tulad dati parang malayo

na siya sakin. Kung may choice siya sa upuan, hindi na siya tumatabi sakin. Hindi na niya ko inaakbayan.

Hindi na rin niya ko masyadong kinakausap.

<Cafeteria>

Habang kumakain kami, ibinili ko rin si Bigi ng inumin.

“Bigi oh.” Inabot ko sa kanya yung drink.

“Thanks.” Parang nag-aalangan pa siya noong una pero kinuha na rin niya. Tapos ay hindi na ulit niya ko

pinansin. “Leesh ano nga ulit yun?”

“Haha.. parang baliktad na yata ngayon ah…” bulong sakin ni Josh

“Anong baliktad?”

“Ganyan ka rin kaya dati…” bulong din ni Celine

Ganun ba ko talaga ko? Hindi ko ba talaga pinapansin ang mga ginagawa niya para sakin?

<Uwian na…>

Nakita namin ni Josh ang mga girls na nag-aantay sa tapat ng gate. Pero parang kulang sila…

“Leesh. Celine. Nasan na si Bigi?”

“Umuna na siyang umuwi…” casual na sagot ni Celine

“Hinayaan nyong umuwi mag-isa?” –Josh

“Oo… maaga pa naman eh… di pa masyadong nakakatakot sa daan.” –Celine

“And besides, malaki na si Bigi noh. Kaya na niyang umuwi mag-isa.” –Leesh

“Ang kulit niya talaga oh… Sabi ko ng wag siyang umalis mag-isa.”

“Alam mo Migs, kaaalis lang niya. Pwede mo pa siyang habulin.” –Leesh

“O sige, baka abutan ko pa siya.”

Hindi pa siya masyadong nakakalayo kaya inabutan ko pa siya. Buti na lang hindi pa siya sumasakay.

“Bigi!”

Lumingon siya sakin… pero ng makita niya ko lalo niyang binilisan ang paglakad. Kaya tumakbo nako

para abutan ko siya.

“Bigi sandali!”

Noong malapit na ko sa kanya hinawakan ko siya sa braso niya.

“Bigi!”

Tumigil naman siya.

“Sabay na tayo…”

Dumeretso siya sa paglakad. Sumunod naman ako sa kanya.

“Bat hindi mo ko inantay? Uuwi ka ng walang kasama?”

“Sino bang may sabi na kailangan ko ng kasama pauwi?” sabi niya ng hindi tumitingin sakin.

“Ha?… Edi ang mama mo! Ipinagbilin ka ni tita sakin. Diba sabi niya mahirap na ang panahon ngayon,

delikado kaya dapat lagi tayong sabay.”

Tapos hindi na ulit siya nagsalita.

Pag sakay namin ng jeep, naupo talaga siya dun sa maraming naka-upo para hindi ako makatabi sa kanya.

“Bayad po.” Sabi niya sabay abot ng 100 pesos sa driver.

“Bigi eto na oh, manong dalawa po.”

Pero hindi niya ko pinansin at iniaabot pa rin sa driver yung bayad. “Bayad po.”

Aabutin na ni manong yung bayad ni Bigi pero sumingit agad ako.

“Hinde eto na lang, dalawa na po dito…”

“Manong ito yung bayad ko.” Pilit niya

“Dalawa po dito.”

Pansin kong naguguluhan na samin si manong pero kinuha niya akin… barya kasi eh.

Hanggang makababa kami hindi pa rin niya ko kinakausap.

Tahimik lang siya… chance ko na to para sabihin sa kanya.

“Bigi… sorry ulit dun sa-”

“Si Alex?”

“Ha?” Bat bigla niyang naitanong? “Ah… eh… ayun… basted ako.”

“Kaya bumabalik ka sakin ngayon?”

Napatigil ako sa paglakad, pero deretso pa rin siya.

“Hindi yung ganun Bigi. Yung kay Alex… nagkamali ako. Oo humahanga ako sa kanya, pero hanggang

dun lang yun, hanggang paghanga lang. Late ko na kasi narealize na…” tama… kailangan ko ng sabihin

to… “na ikaw ang gusto ko.”

Napatigil din siya sa paglakad. Kahit nakatalikod siya sakin alam kong narinig niya.

“Mahal din kita Bigi… ikaw lang.”

Sa wakas nasabi ko na!

.

.

.

“Hindi na kita gusto.”

Pagkatapos niyang sabihin yun ay iniwan na niya ko.

Masakit pala… ganito ba kasakit ang ginawa ko sa kanya dati…

<The next day…>

<Vacant class room>

“Talaga, sinabi mo na kay Bigi?! Eh anong sabi?” –Josh

“Di na daw niya ko gusto.”

“Weh? Tingin ko sabi niya lang yun.” –Josh

“Kahit ano pa… basta ayaw na niya sakin. Arrgg! Wala talaga kong kwenta!”

“Relax ka lang bro. Baka may alam yung mga girls.” –Josh

Sakto namang pumasok sina Celine at Leesh sa room. Lumapit naman agad si Josh sa kanila.

“Magsabi nga kayo ng totoo… Anong balak nyo kay Migs?” –Josh

“What are you talking about?” –Leesh

“Siguro gusto niyo siyang pahirapan para makaganti si Bigi… Umamin ka na Leesh.” –Josh

“Bakit namin gagawin yung kay Migs? And if may gusto man akong pahirapan, ikaw yun para

mabawasan naman yang kayabangan mo.” –Leesh

“Wala ba talaga Celine?” pati ako nacurious na

“Wala talaga. Totoo yun.” –Celine

“Kaya ganyan si Bigi kasi gusto na niyang mag-move on. And as friends, we support her.” –Leesh

“Oo… kaya sorry Migs kung ganito rin kami ha… Pero gusto pa rin naman namin na magka-ayos kayo

eh. Matagal nagantay sayo si Bigi… siguro time naman para ikaw ang mag-antay sa kanya hanggang

maging okay siya.” –Celine

Iniiwasan pa rin ako ni Bigi pero hindi naman ako sumusuko sa pag-suyo sa kanya. Kahit nilalayuan niya

ko, tumatabi pa rin ako sa kanya. Kahit ayaw niya, tinutulungan ko siya. Kahit tinatanggihan niya, binibili

ko siya ng miryenda. Kahit tinatakasan niya ko, sinusundan ko siya.

<On the way pauwi ng bahay>

Gabi na at katatapos lang ng klase namin. Pauwi na rin kami at tinakasan na naman ako ni Bigi. Mabuti

na lang at di pa siya nakakalayo.

Naglalakad siya mag-isa ng madaanan niya yung tatlong batang lalaki na pinagtitripan siya.

“Miss may pick-up kami sayo…” –boy1

“Miss… anghel ka ba?” –boy2

“Ayaw sumagot…” –boy3

“Sabihin mo miss bakit.” –boy1

“Bigi!”

Tumakbo agad ako at hinila ko siya palayo.

Noong malayo na kami sa mga batang tambay, hinila niya yung kamay niya na hawak ko.

Kita kong nagpipigil lang siyang maiyak. Mukhang natakot talaga siya.

“Diba sabi ko antayin mo ko. Pano pag may nangyari sayo?”

“Eh ano naman sayo?”

“Ano ka ba… syempre Bigi mahalaga ka sakin at hindi ko makakaya pag may nangyari sayo.”

“Tama na nga. Tigilan mo na din ako… pati yung mga ginagawa mo. Wag mo na kong sundan, lapitan o

kausapin pa.”

“Ginagawa ko to kasi mahal kita.”

“Pero hindi na nga kita gusto, sinabi ko na sayo diba? Tama na.”

“Hindi ako naniniwala. Mahal kita at mahal mo din ako.”

“Di porke matagal na kitang gusto, eh hindi na yun magbabago. Ayoko na sayo!”

“Mahal mo ko at hindi na yun magbabago! At hindi din ako titigil hanggang sa maramdaman mo ulit

yun.”

Natigilan siya sa sinabi ko.

“Naaalala mo ba noong nangako tayo sa isa’t isa na walang iwanan… Bago yun may sinabi ka sakin…

Sabi mo ‘Sana maging tulad tayo ni Cholo at Jodi ng Stairway To Heaven… maliban lang sa ending’.

Tapos sabi ko ‘Bakit naman?’. Tapos sabi mo…”

<Flashback>

“Sana maging tulad tayo ni Cholo at Jodi ng Stairway To Heaven… maliban lang syempre sa ending.”-

Bigi

“Bakit naman?”-Miggy

“Ang ganda kaya ng love story nila! Mga bata pa lang friends na sila tapos love rin nila yung isa’t isa.

At kahit nagkalayo sila ng matagal, hindi pa rin nagbabago yung feelings nila for each other. Kahit

nagka-amnesia si Jodi, ginawa pa rin ni Cholo ang lahat para maalala siya ni Jodi. Nakakalimot man

ang utak pero sa puso nanatili ang pagmamahal.”

“Hahaha… ang corny Bigi…”

“Ang sweet kaya… Basta ako pag may nangyari sakin, kunyari maaksidente ako at magka-amnesia

pilitin mong ipaalala sakin na ikaw ang gusto ko. Pag nilalayuan kita, lapitan mo lang ako. Kapag

hindi kita pinapansin, mageffort ka lang . Kasi kahit anong mangyari ikaw lang gusto ko, hindi na yun

magbabago.

“Haha… Paano mo nasabing ako pa rin ang gusto mo?”

“Alam ko lang… kahit tumanda na tayo, kahit may iba kang gusto, kahit saktan mo pa ko… gusto pa

rin kita.”

“Alam mo… nasobrahan ka na sa panonood ng mga drama at telenobela…”

“Basta mag-promise tayo…”

“Na ano?”

“Na walang iwanan.”

“Tss… ayoko nga. Pambabae lang yan.”

“Hindi noh! Pang magkaibigan to… Sige na…”

“Oo na…”

“Yehey… pinky promise!”

<End of flashback>

“Di ba sabi mo pag may nangyari sayo, pilitin kong ipaalala na ako ang gusto mo. Pag nilalayuan mo ko,

sabi mo lapitan lang kita. Kapag hindi mo ko pinapansin, mageffort lang ako. Kasi kahit anong

mangyari… ako lang ang gusto mo, hindi na yun magababago.” Pinipigilan ko man pero naiiyak nako…

Bigla siyang tumungo. Pinaiyak ko na naman siya. “Nakakainis ka…”

Nilapitan ko siya at niyakap. “Bigi..”

“Nakakainis ka… Nakakainis ka…” paulit-ulit niyang sinabi sakin habang pinapalo niya ko sa balikat.

“Tama ka… hindi na yun magbabago… pero… pero…” Niyakap ko siya ng mahigpit.

“Alam kong nasaktan kita ng sobra… at pinagsisisihan ko yun. Pero Bigi… pagbigyan mo naman ako…”

Kung pagbibigyan niya ko… hindi ko na hahayaang masaktan siya ulit. And this time…

“…Hayaan mo namang ako ang mag-alaga sayo ngayon.”

Chapter Chapter Chapter Chapter 5555

“…Hayaan mo namang ako ang mag-alaga sayo ngayon.”

Pagkatapos ng sinabi ko sa kanya noong gabing yun, kahit hindi siya sumagot… alam kong pinatawad na

niya ko. At kahit hindi agad, alam kong magiging maayos din ang lahat sa aming dalawa.

Ilang weeks na din ang dumaan… Siguro nakukulitan na rin siya sakin, o kaya hindi niya talaga ko kayang

tiisin, o sa kung ano pa mang dahilan. Basta ang mahalaga sakin ay bumabalik na ulit kami ni Bigi sa

dati……………… unti-unti.

Kung dati hindi niya ko kinakausap, ngayon nakikipag-kwentuhan na ulit siya sakin. Dati iniiwasan niya

ko, pero ngayon tumatabi na ulit siya sakin. Dati tinatakasan niya pa ko pag uuwi na siya, pero ngayon

magkasabay na ulit kami. At kung dati tinatanggihan niya yung mga binibigay ko, ngayon tinatanggap na

ulit niya…… ng nakangiti.

Halos bumalik na ulit kami sa dati… Bumalik na ang Bigi na kilala ko… na kababata ko… na minahal ko…

at mamahalin ko pa.

Yun nga lang… minsan parang nahihiya siya sakin na naiilang…

Ayaw niya pag tinititigan ko siya… Ayaw niya rin ng naiiwan kaming magkasama, yung kaming dalawa

lang… At kung dati lagi niyang inaakbayan o kaya niyayakap yung arm ko, ngayon kahit holding hands

lang wala rin.

Mula din noong nagalit siya sakin at kahit ngayong bati na ulit kami, hindi na ulit niya sinabing mahal

niya ko. Kahit paulit-ulit kong sabihing “I love you.” hindi siya sumasagot.

“Kuya pahiram naman ng calcu…” sabi ng nakababata kong kapatid na si Jas.

“Ah… Jas.”

“Bakit?”

“Maaga ang uwi niyo sa Friday diba?”

“Oo.” Highschool pa lang si Jas at dun siya napasok sa school na pinasukan namin ni Bigi dati.

“Edi wala ng estudyante at teachers sa school niyo sa hapon?”

“Oo… si mang Jun nalang maiiwan, yung guard. Bakit kuya?”

“Madali na yun. Teka, marami kang kaibigan diba?”

“Ha? Madami-dami rin.”

“Sakto. Kailangan ko ng tulong niyo.”

<Bea Gienel’s POV>

Bati na ulit kami ni Miggy!! Di ko naman kasi siya kayang tiisin eh… Tama naman lahat ng sinabi niya,

mahal ko talaga siya at di na yun magbabago. Pero ang nagpasaya talaga sakin ay ang malamang naalala

niya pala lahat ng mga sinasabi ko sa kanya. At syempre ang malamang MAHAL NIYA RIN AKO.

Mas sweet na sakin si Miggy ngayon. Ummm… may pagka-sweet din naman siya dati, pero extra-sweet

siya ngayon. Alam ko medyo nagtataka siya sakin ngayon… paano ba naman kinikilig kasi ako sa kanya at

hindi ko alam kung paano magrereact.

Ayoko naman kasi na mahal ko siya, mahal niya ko tapos ganun na lang. Mas gusto ko pa rin syempre

yung OFFICIAL kami. Inaantay ko lang naman kasi siyang…

“Bigi!!” –Celine

“Celine. Leesh. Bakit kayo nandito?”

“Tara, gala tayo.” –Celine

Di ko alam bakit naisipan nilang maggala at kung bakit dito nila naisipang magpunta…

“Anong ginagawa natin sa dati kong school?”

“So dito ka pala nag-highschool?” –Leesh

“Oo. Pero bakit ba tayo nandito?”

“Malalaman mo mamaya.” Sagot ni Celine sabay hinila niya ko papasok sa loob.

Wala ng mga estudyante, siguro kasi maaga silang umuwi. Mga outsider kami kaya bawal dapat kaming

pumasok pero masaya rin akong balikan ang highschool memories ko… at syempre part nun si Miggy.

“Ano ba talagang gagawin natin dito?”

“Aattend tayo ng costume party.” Sagot ni Leesh sabay pinakita niya sakin ng mga paper bags niya ng

damit.

“Costume party? Saan? Dito? Invited ba kayo?”

“Ummm… hinde, mangge-gatecrash tayo.” –Celine

Hindi malinaw sakin ang lahat pero wala akong choice kundi isuot itong costume na binigay nila sakin.

Pero ang weird… bakit ito yung costume ko.

“Girls okay na ba kayo?” tanong ni Celine. Tigisa-isa kasi kami ng cubicle sa CR. “Sabay-sabay tayong

lumabas ha… 1… 2… 3!”

Nagtataka na ko sa suot kong costume pero paglabas ko mas nagulat ako sa suot nilang dalawa.

“Wow. Bigi you’re so pretty.” –Leesh

“Right. Bagay sayo.” –Celine

“Teka? Bakit ang suot niyo ay uniform namin noong highschool?”

“This is our costume. Ang cute ng uniform niyo ha.” –Leesh

“Pero bakit pareho kayong dalawa? Tapos ako naka wedding dress?”

Ang daya! Syempre gusto ko rin ma-try isuot ulit yung old uniform ko. Bakit ba ko naka wedding dress?

“Don’t worry hahanapan ka rin namin ng partner…” -Leesh

“Since ready na tayo, tara na…” -Celine

[AN: Ang sunod na scene ay based sa movie na ‘Jeni, Juno’. Not my own idea.]

Tapos dumeretso kami sa gymnasium namin noong highschool. Tinakpan muna ni Leesh yung eyes ko

tapos si Celine naman ang nag-guide sakin papasok. Pagpasok ko, biglang may tumonog na music at

parang may naririnig akong ibang mga tao. Tinanggal na ni Leesh ang kamay niya sa mga mata ko at na-

amaze nalang ako sa nakita ko.

Madilim sa loob pero sa gitna ay may mga estudyanteng naka-uniform tulad ng kina Leesh at Celine, at

may hawak silang mga flashlights na wine-wave nila. Nakaform sila ng circle at sa gitna ay may mga

flowers naman na naka-form ng heart.

Nilapitan ko sila at pinapunta nila ko sa gitna. Pinalibutan nila ko at patuloy pa rin ang pagwe-wave nila

ng lights. Pati si Leesh at Celine nakisama na rin. Pati si Josh nakita kong nakauniform din tulad ng old

highschool uniform ni Miggy. Nakita ko rin si Jas na isa sa mga highschool students na naka-ikot sakin.

“Jas!”

“Hi ate Bigi.”

“Nasan ang kuya mo?”

Nagsmile lang siya sakin tapos tumuro siya sa taas. Tapos pati yung iba itinutok sa taas ang mga

flashlights nila. Tumingala ako pero dahil madilim, wala akong masyadong makita. Bigla namang

bumukas ang mga ilaw at lumiwanag sa buong gym. Tapos ang daming balloons ang nalalaglag mula sa

taas. Pero hindi ko na yun masyadong napansin dahil kasabay ng mga balloons ay pababa rin si Miggy

habang naka-upo siya sa parang swing(duyan). At kung naka-wedding dress ako, siya naman naka-groom

attire. Siya pala yung sinasabi nilang partner ko. Ang masasabi ko lang… MAGICAL.

Pagbaba ni Miggy nag-cheer na silang lahat.

“Nagustuhan mo ba?” tanong niya sakin

Napatango nalang ako sa sobrang speechless ko. Naiiyak pa nga ako sa sobrang saya ko eh.

“Miggy thank you dito, sa lahat ng ginawa mo.”

“Mas higit pa dito ang gagawin ko. Diba sabi ko, ako naman ang mag-aalaga sayo. Aalagaan kita,

pasasayahin kita, mamahalin kita… lahat gagawin ko para sayo. Payag ka ba?”

This time hindi ko na napagilang umiyak.

“Ikaw lang naman ang inaantay ko eh. Syempre oo.”

Tapos bigla niya kong niyakap ng mahigpit na mahigpit. At lalo ding lumakas ang pagchi-cheer ng mga

nakapalibot sa amin.

“Magpromise ulit tayo, tulad noong highschool tayo.” Sabi niya bigla tapos inangat niya yung pinky

finger niya “Nangangako ako na mamahalin, aalagaan, pasasayahin, poprotektahan, lahat gagawin ko

para sayo Bea Gienel Lunde. At kahit anong mangyari, ikaw lang ang mamahalin ko at hindi na yun

magbabago.”

Alam ko may pagka childish to pero… “I promise na mamahalin ko din, aalagaan, pasasayahin at lahat

ay gagawin ko rin para sayo Miguel Alonzo. At kahit anong mangyari, kahit matulad ang love story

natin sa mga palabas sa t.v. at movies, ikaw lang ang mamahalin ko at never na yung magbabago.”

Tapos ay nag pinky promise kami. “Pangako.”

Ako naman ang yumakap sa kanya.

“Miggy…”

“Hmm?”

“I love you.”

“I love you too Bigi.”

Tapos unti-unti niyang inilapit sakin ang mukha niya. Oopps! Nilagay ko agad ang index finger ko sa lips

niya tapos umiling ako. Napatingin siya sa paligid, mukhang na-gets niya ang gusto kong sabihin. Hindi

pwede mag-kiss sa harap nila.

“Akala ko pa naman perfect yung plano ko.” Biro niya.

“Perfect to para sakin.”

Then he kisses me on the forehead.

The EndThe EndThe EndThe End