tula talata talambuhay balita

18
1 St. Augustine’s School of Iba, Inc. Iba, Zambales SY 2021-2022 INIHANDA NI: BB. ROSELLE S. ALFARO, LPT Tula Talata Talambuhay Balita IBA’T IBANG URI NG GRAPH

Upload: others

Post on 18-Mar-2022

29 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Tula Talata Talambuhay Balita

1

St. Augustine’s School of Iba, Inc.

Iba, Zambales

SY 2021-2022

INIHANDA NI: BB. ROSELLE S. ALFARO, LPT

Tula Talata

Talambuhay Balita

IBA’T IBANG

URI NG GRAPH

Page 2: Tula Talata Talambuhay Balita

2

CURRICULUM CONNECTIONS

LIFE PERFORMANCE OUTCOME 1: Mindful, Self-directed learners and Role Models

Ako ay may bukas na kaalaman, direksyong pansarili, mabuting huwaran at

isinasabuhay ang pananampalataya.

PROGRAM OUTCOME 2: Naipapaliwanag nang wasto at epektibo sa pamamagitan

ng pasalita at pasulat sa wikang Filipino kung paano ang pagpapalalim ng kanilang

pambansang pagkakilanlan, pagpapatibay ng pamana ng lahi, at pagpapalakas

ng ugnayang sosyal sa kapwa Pilipino ay nakakaapekto sa kanilang personal na

ideya, prinsipyo at adhikain sa buhay.

ESSENTIAL PERFORMANCE OUTCOME:

1.Nagpapatuloy sa paghahanap ng katugunan mula sa kaalaman ng

mapagtitiwalaang indibidwal sa ganap na kawastuan, kalinawan, katotohanan at

tono ng kanilang pakikipagtalastasan at magsanay sa pagrerebisa at muling

pagsasagawa hanggang maging katanggap-tanggap

2. Nailalarawan at naipaliliwanag ang mga bagong kakayahan na nalinang

bilang resulta ng mga nagawang proyekto at sariling kusang pagkatuto;

3. Pinag-iisipang mabuti ang pahayag pasalita man o pasulat upang matasa ang

kawastuan, pagkamakatotohanan at kalinawan sa mga bagay na ibabahagi

maging ang tono nito at kung paano ito dapat tanggapin at bigyang kahulugan

ng iba;

PAMANTAYANG NILALAMAN: Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang

kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan at ang tatas sa

pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin.

Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng teksto at napalalawak

ang talasalitaan

PAMANTAYAN SA PANGGANAP: Ang mga mag-aaral ay nakasusulat ng isang talata

tungkol sa isang isyu o paksa at nakasusulat ng isang maikling tula, talatang

nagsasalaysay, at talambuhay

MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES:

Nakasusulat ng isang maikling tula, talatang nagsasalaysay, at talambuhay

F5PU-Ie-2.2 F5PU-If-2.1 F5PU-IIc-2.5

Naipahahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggang balita, isyu

o usapan F5PS-Ia-j-1

Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di-pamilyar na mga salita sa

pamamagitan ng tono o damdamin, paglalarawan, kayarian ng mga salitang iisa

ang baybay ngunit magkaiba ang diin at tambalang salita F5PT-Ic-1.15 F5PT-Ij-

1.14 F5PT-IId-9 F5PT-IIe-4.3

Nabibigyang-kahulugan ang bar graph, pie, talahanayan at iba pa. F5EP-If-g-2

Page 3: Tula Talata Talambuhay Balita

3

ACTIVITY MENU

ARALIN 3: DAKILANG HANDOG

a. Tula

b. Talata

c. Talambuhay

d. Balita

ARALIN 4: Ang Mausisang Sisiw

a. Pamilyar at Di – Pamilyar

na Salita

b. Graph

Mula sa tulang “DAKILANG HANDOG”. Sagutin ang mga

sumusunod na tanong batay sa tulang binasa.

Piliin ang salitang hindi katugma ng salita sa kaliwa. Bilugan ang

iyong napiling salita.

Sumulat ng isa o dalawang saknong na tula tungkol sa paksang

pasasalamat at papuri sa mga bayaning Pilipino sa panahon ng

pandemya.

Sumulat ng talatang nagsasalaysay hinggil sa karanasan sa piling

ng mga Lolo at Lola.

Sa pagsulat ng talambuhay, gawing gabay ang nasa ibaba. Itala

ang mga impormasyong hinihingi tungkol sa sarili.

Pagsama-samahin ang mga impormasyong iyong itinala sa itaas

para mabuo ang iyong talambuhay.

Basahin ang balita at sumulat ng sariling opinion o reaksiyon dito.

Isulat sa unang kahon ang damdaming ipinahihiwatig ng sitwasyon.

Isulat naman sa ikalawang kahon ang kahulugan ng salitang may

salungguhit.

Tingnan at suriin ang isang payak na surbey hinggil sa pagbabasa

ng mga mag-aaral sa Filipino. Tuklasin ang antas ng kawilihan nila

sa gawaing ito.

Page 4: Tula Talata Talambuhay Balita

4

TULA

ARALIN 3: DAKILANG HANDOG

a. Tula

b. Talata

c. Talambuhay

d. Balita

Sa araling ito, matatamo mo ang mga sumusunod na kasanayan;

Nakasusulat ng isang maikling tula, talatang nagsasalaysay, at talambuhay

Naipahahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggang balita, isyu o

usapan

Basahin ang tula na pinamagatang “DAKILANG HANDOG”. Buksan ang aklat (Baybayin) sa

pahina 86.

TANDAAN:

Ang ating mga magulang ay isang biyaya na bigay ng ating Panginoon. Sila ang

humuhubog at lumilinang ng ating pagkatao, ang nagsisilbing gabay natin kapag tayo ay

may problema. Kaya’t araw – araw nating ipadama sa kanila ang ating pagmamahal at

pasasalamat.

PANIMULA

BASAHIN NATIN

Ito ay isang anyo ng panitikan na binubuo ng linya o taludtod na siya naming

bumubuo ng saknong karaniwan itong may sukat at tugma.

Karaniwan din itong parang awit na may sukat at tugma. Layunin nitong may imaheng mabuo sa isip ng mambabasa.

Page 5: Tula Talata Talambuhay Balita

5

ANYO NG TULA

Ang mga anyo ng tula ay maaaring i-uri sa apat na anyo- malayang taludturan,

tradisyunal, may sukat na walang tugma, at walang sukat na may tugma.

Malayang taluduran – tulang hindi sumusunod sa bilang ng pantig, walang sukat at

tugma o sintunog, free verse poetry ang tawag nito sa Ingles.

Halimbawa: “Pandesal sa Umaga”

Tuwing umaga si Nena ay nagtitinda,

Isang araw, mabibili din kita, “sambit niya.

Tradisyunal - nagtataglay ng magkakatugmang salita sa hulihan o dulo ng bawat

taludtod o linya sa bawat saknong.

Halimbawa:

Aling pag-ibig pa/ ang hihigit kaya sa pagkadalisay/ at pagkadakila

Gaya ng pag-ibig/ sa tinubuang lupa?

Aling pag-ibig pa/ wala na nga, wala.

May sukat na walang tugma – pareho ang bilang ng pantig sa bawat taludtod ngunit

hindi magkasintunog ang bawat dulo o walang tugma.

Halimbawa: O, Laura kong maganda! Lagi kang nasa isip

Di man lamang nawaglit, Dahil ika’y inibig!

Walang sukat na may tugma - iba-iba ang bilang ng pantig sa bawat taludtod subalit

magkakasintunog ang huling bahagi ng bawat taludtod.

Halimbawa: Kay gandang pagmasdan,

Bughaw na kalangitan,

Paligid ay luntian,

Sadyang kaaya- ayang tingnan!

MGA ELEMENTO NG TULA

1. SUKAT - ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa

isang saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa.

Halimbawa: isda - is/da ito ay may dalawang pantig

is/da /ko /sa/ Ma/ ri/ ve/ les 8 (walong pantig)

Page 6: Tula Talata Talambuhay Balita

6

a. Wawaluhin - Is/da/ ko/ sa/ Ma/ri/ve/les

Na/sa/ lo/o b/ang /ka/lis/kis

b. Lalabindalawahin - Ang/ la/ki /sa /la/yaw/ ka/ra/ni/wa’y /hu/bad

Sa /ba/it /at/ mu/ni/, sa/ ha/tol /ay/ sa/lat

c. Lalabing- animin - Sa/ri/-sa/ring/ bu/ngang/ka/hoy/, hi/nog/ na/ at

/ma/ta/ta/mis

Ang/ na/ro/on/ sa/ lo/ob/ang/ may/ ba/kod /pa/ sa/

pa/li/gid

d. Lalabingwaluhin - Tu/mu/tu/bong/ mga/ pa/lay/, gu/lay/ at/ ma/ra/ming

/mga/ ba/gay

Na/ro/on/ din/ sa/ lo/ob/ang /may/ ba/kod/ pang/

ka/hoy/ na/ ma/la/bay

Imahe o larawang- diwa - tinatawag itong imagery sa Ingles. Ito ang mga salitang

kapag binabanggit sa tula ay nag-iiwan ng malinaw at tiyak

na larawan sa ispan ng mambabasa.

Persona - tumutukoy sa nagsasalita sa tula

SA PAGSUSURI NG TULA, MAHALAGANG SANGKAP

ANG MGA SUMUSUNOD:

2. SAKNONG - ito ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o

maraming linya (taludtod)

2 linya- couplet 3 linya- tercet 4 linya- quatrain 5 linya- quintet

6 linya – sestet 7 linya- septet 8 linya- octave

Ang pag-ibig ng Diyos ay nadarama

Sa init ng araw at yakap ng ina,

At sa pagmamahalan ng bawat isa,

Sa tanang pangyayari, ligaya o dusa.

Ang couplets, tercets at quatrains ang mga madalas na ginagamit sa mga tula.

3. TUGMA - ito ang pagkakahawig o pagkakapareho ng tunog ng huling salita sa

bawat saknong .

4. TEMA - ito ang paksa ng tula. Ito ay maaring tungkol sa pag-ibig, nasyonalismo,

kabayanihan, kalayaan, katarungan, pagmamahal sa kalikasan, Diyos,

bayan at marami pang iba.

URI NG TULA

TALUDTOD

SAKNONG

Page 7: Tula Talata Talambuhay Balita

7

Tono - ito naman ay ang namamayaning damdamin sa loob ng tula. Ito

ay nangungutya, nagagalit, nagdaramdam, nagdadalamhati,

naglalahad at natutuwa.

Simbolismo - ito ay mga makabuluhang salita na nagpapasidhi sa guniguni ng

mga mambabasa. Mga ginagamit na bagay na may isinasaad

na kahulugan.

Halimbawa: putting tela - kalinisan, kalapati- kalayaan.

A. Panuto: Mula sa tulang “DAKILANG HANDOG”. Sagutin ang mga sumusunod na tanong

batay sa tulang binasa.

1. Tungkol saan ang tula?

__________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________

2. Anong mga elemento ang nakapaloob sa tulang binasa?

__________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________

3. Ilang saknong mayroon ang tula?

__________________________________________________________________________________________

4. Angkop ba ang titulong “Dakilang handog” sa tula? Ipaliwanag.

__________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________

B. Panuto: Piliin ang salitang hindi katugma ng salita sa kaliwa. Bilugan ang iyong napiling

salita.

1. nanay ( tunay, magkamalay, ligaya, nagbigay)

2. tahanan ( bahay, sandigan, kinabukasan, nagmamahalan)

3. pangarap ( paglingap, yakap, hirap, liwanag)

4. tatay ( gabay, buhay, ligaya, karamay)

5. aral ( salamat, minamahal, marangal, Maykapal)

Panuto: Sumulat ng isa o dalawang saknong na tula tungkol sa paksang pasasalamat at

papuri sa mga bayaning Pilipino sa panahon ng pandemya.

_____________________________

PAMAGAT

____________________________________________________________

____________________________________________________________

____________________________________________________________

____________________________________________________________

PAGPALAOT

Malikhaing

pagsulat

SAKNONG 1

Page 8: Tula Talata Talambuhay Balita

8

TALATA

____________________________________________________________

____________________________________________________________

____________________________________________________________

____________________________________________________________

PAMANTAYAN:

1. Ang tula ay nagpapahayag ng pasasalamat at pagpuri sa mga bayaning Pilipino sa

ginagawa nila para sa bayan at sa mga kababayan.

2. Angkop ang pamagat sa isinulat na tula.

3. Makabuluhan, nakapupukaw ng atensiyon at nakahihikayat itong basahin..

4. Napapanahon at magkakaugnay ang mensahe nito.

SAKNONG 2

Ito ay binubuo ng isang pangungusap o lipon ng mga pangungusap na

naglalahad ng isang bahagi ng buong pagkukuro, palagay o paksang- diwa.

Ang talatang nagsasalaysay ay binubuo ng mga pangungusap na

naglalayong magkuwento ng karanasan, nabasa, nasaksihan, narinig o

napanood. Ito rin ay talatang nagsasaad ng mga pangyayari o karansan

upang makapgbigay ng damdamin sa mambabasa.

MGA BAHAGI NG TALATA

1. Panimulang Pangungusap o Introduksyon

Ang isang mabuting panimulang pangungusap ay nagtataglay ng mga sumusunod

na katangian:

a. Sinisimulan ang talata

b. Tumatawag ng pansin sa bumabasa

c. Nagpapahiwatig ng nilalaman ng talata

d. Humuhikayat sa bumabasa para magtanong tungkol sa paksa.

2. Gitnang pangungusap o Katawan

Ang mga pangungusap na may kaugnayan sa sumusunod sa panimulang

pangungusap.

3. Pangwakas

Ang pangungusap na ito ang nagbibigay ng huling detalye, buod ng talata o maaring

nagbibigay ng opinion sa paksa ng talata. Ang talata ay maaaring buoin ng isang

pangungusap lamang.

Page 9: Tula Talata Talambuhay Balita

9

Halimbawa ng talatang nagsasalysay:

Pistang- Bayan

Napakasaya ng pistang- bayan sa aming lalawigan. Tatlong araw bago pa man

dumating ang araw ng kapistahan ay pinaghahandaan na nag pagdiriwang na ito.

May mga tugtugan, awitan, sayawan at iba’t ibang palaro. May parade pa na

pinangungunahan ng banda. Kasama sa parade ang mga naggagandahang dalaga na

nakasakay sa karwahe. Sa ikatlong araw ay may misang- bayan.

Ang mga tao ay sabay- sabay na nagpupunta sa simbahan upang magpasalamat

sa mga biyayang natanggap. Sila rin ay nagdadasal sa Mahal na Patron para sa

kapayapaan sa aming lugar. Ang bawat tahanan ay may mga handang masaarap na

pagkain.

Panuto: Sumulat ng talatang nagsasalaysay hinggil sa karanasan sa piling ng mga Lolo at

Lola. Bilang isang apo, ano ang mga karanasan mo na kasama ang iyong lola’t lola.

Lagyan ito ng angkop na pamagat.

__________________________________________________________

PAMAGAT

Basahin ang TALAMBUHAY na pinamagatang “MATALINONG BAYANI”.

TANDAAN:

Ang ating binasang talambuhay ay naglalahad ng mga pangyayari sa buhay ng kilalang

bayani na si Emilio Jacinto na kilala bilang “Utak ng Katipunan”

IPAHAYAG MO

BASAHIN NATIN

Page 10: Tula Talata Talambuhay Balita

10

TALAMBUHAY

Matalinong Bayani

Maraming bayani ang nagbuwis ng buhay para lamang makamtam natin ang

minimithing kalayaan. Si Emilio Jacinto ay isa lamang sa mga bayaning nagpakita ng

katapangan. Siya ay itinuturing na pinakamatalinong bayani ng samahan sapagkat siya

ang "Utak ng Katipunan."

Si Emilio Jacinto ay ipinanganak noong Disyembre 15, 1875 sa Trozo, Maynila. Ang

kanyang mga magulang ay sina Mariano Jacinto at Josefa Dizon. Maliit pa siyang bata

nang mamatay ang kanyang ama. Ang kanyang ina ang nagtrabaho upang itaguyod ang

kanyang pag-aaral. Nang lumaon ay lumipat siya sa bahay ng kanyang tiyo, si Don Jose

Dizon na siyang sumuporta sa kanyang pag-aaral. Pumasok siya sa kolehiyo ng San Juan de

Letran. Sa Unibersidad ng Santo Tomas naman siya nag-aral ng abogasya.

Dahil na rin sa malupit na pamamalakad ng mga Kastila, si Emilio Jacinto ay sumali sa

KKK o Kataastaasan Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan noong 1896

kahit ito ay laban sa kagustuhan ng kanyang ina at tiya. Ang Katipunan ay isang lihim na

samahan na ibig lumaban sa mga Kastila upang mapaalis ang mga ito sa bansa.

Labingsiyam na taon pa lamang si Jacinto nang maging isa sa mga pinuno ng Katipunan.

Siya ay naging matalinong tagapayo sa mga gawain at pamamalakad ni Andres Bonifacio.

Siya rin ang sumulat ng Kartilya ng Katipunan na naglalaman ng mga tuntunin ng

Katipunan.

Ito ay uri ng panitikan na nagsasaad ng mga pangyayari tungkol sa buhay ng

isang tao. Hango ito sa mga totoong pangyayari, tala, at impormasyon.

Kadalasang nagpapakita rin ito ng mahahalagang pagsubok na nangyari at

napgtagumpayan ng isang tao.

DALAWANG URI NG TALAMBUHAY

Biography - ang talambuhay na sinulat ng ibang tao.

Autobiography - ang talambuhay na sinulat tungkol sa sarili.

Page 11: Tula Talata Talambuhay Balita

11

A. Panuto: Bawat tao ay may talambuhay. Ito ay ang pinagsama-samang impormasyon

tungkol sa buhay natin mula sa pagsilang hanggang sa kasalukuyan. Sa pagsulat ng

talambuhay, gawing gabay ang nasa ibaba. Itala ang mga impormasyong hinihingi tungkol

sa sarili.

Pangalan: ____________________________________________________________

Lugar ng kapanganakan: ____________________________________________________________

Petsa ng kapanganakan: ____________________________________________________________

Mga magulang at kapatid: ___________________________________________________________

Tirahan: ____________________________________________________________

Paaralan at baiting: ____________________________________________________________

Ilang mahahalagang pangyayari:

____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

B. Panuto: Pagsama-samahin ang mga impormasyong iyong itinala sa itaas para mabuo

ang iyong talambuhay. Isulat ang iyong talambuhay sa makalaang espasyo sa ibaba.

Malikhaing

pagsulat

Page 12: Tula Talata Talambuhay Balita

12

BALITA

Basahin ang isang BALITANG PANGKAPALIGIRAN. Ito ay pinamagatang Manila Bay

Dumpsite: Pinasasara ng mga Samahang Pangkapaligiran.

Manila Bay Dumpsite: Pinasasara ng mga Samahang Pangkapaligiran

Maynila, Pilipinas Ipinasasara at ipinatitigil ng mga pangkat na environmentalist ang

operasyon ng ilegal na dumpsite sa baybayin ng Manila Bay noong Huwebes ng umaga.

Pinagbawalan ang pagpasok at paglabas ng mga bangkang barge na lulan ang

mga basura. Isinagawa ito ng mga kasapi ng Greenpeace Southeast Asia at Ecotrade

Condition.

Matapos maisara ang ilegal na dumpsite, ipinakita ng mga aktibista sa kanilang

plakard na isinasaad, "Sira na ang dumpsite na ito."

Nanawagan ang mga samahan sa mabilisang pagsara ng dumpsite at ang paglilinis

at rehabilitasyon nila.

Ayon kay Aileen Lucero, koordineytor ng EcoWaste Condition, "Hindi katanggap-

tanggap na ipagpatuloy ang dumpsite ng mga basura dahil sinusuway nito ang mga batas

sa Pilipinas"

"Hinahamon at ginigiit namin ang lahat ng mga ahensiya at mga yunit ng

pamahalaan lalo na ang Lungsod ng Maynila na sumunod at isara na permanente ang

Piyer 18 at ang iba pang mga dumpsite o mga tapunan ng mga basura," dugtong niya.

Si Vince Cinches, tagapagtaguyod ng Greenpeace Southeast Asia Ocean, na unang

hakbang sa pagsasaayos ng rehabilitasyon ng Manila Bay ang pagsasara ng Piyer 18.

Mga ulat ito tungkol sa isang mahalaga at napapanahong pangyayari sa loob

at labas ng bansa.

Sumasagot sa mga tanong na- ano, sino, saan, kalian, bakit, at paano nagana

pang mga pangyayari o paksa.

Naririnig natin sa radio at telibisyon.

BASAHIN NATIN

OPINYON

Isang haka- haka

Kongklusyon Maaring hindi totoo at panasrili lamang ang pinapahalagahan nito.

Page 13: Tula Talata Talambuhay Balita

13

A. Panuto: Basahin ang balita at sumulat ng sariling opinion o reaksiyon ukol dito.

“MGA SANGKAP NA TOXIC SA MGA PAMAGAT NG NAKABOTENG INUMIN”

Inatasan ng isang samahang pangkapaligiran (environmental) ang mga

kumpanyang gumagawa ng mga inuming nakabotelya na huminto sa paggamit ng

pinturang toxic sa mga label nito. Natuklasan ng grupo na may mataas na antas ng lead,

cadmium, antimony, at arsenic ang label ng soft drink.

Ayon sa pagsusuri ng EcoWaste Condition, may milyon- milyong lead sa pinturang

ginagamit sa label ng produkto. Nabatid din nila na may toxic na kemikal sa de-lata ng

dalawang fruit soda.

“Nakakabagabag ito sa pampublikong kalusugan dahil ang mga botelyang soft drink ay

nagunguna sa pinakamabiling produkto sa bansa. Ibig na ibig inumin ito ng mga bata at

malawakang itinitinda sa mga tindahan,” banggit ni Thony Dizon. Koordineytor ng Eco

Waste Project Protest.

MAGSURI AT

SUMULAT

Page 14: Tula Talata Talambuhay Balita

14

ARALIN 4: Ang Mausisang Sisiw

a. Pamilyar at Di – Pamilyar

na Salita

b. Graph

Sa araling ito, matatamo mo ang mga sumusunod na kasanayan;

Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di-pamilyar na mga salita sa

pamamagitan ng tono o damdamin,

Nabibigyang-kahulugan ang bar graph, pie, talahanayan at iba pa.

Basahin ang kuwentong pinamagatang “Ang Mausisang Sisiw”. Buksan ang aklat (Baybayin)

sa pahina 33.

A. Panuto: Isulat sa unang kahon ang damdaming ipinahihiwatig ng sitwasyon. Isulat naman

sa ikalawang kahon ang kahulugan ng salitang may salungguhit.

1. Nagmamadali si Susie sa pagkalaykay ng lupang nilalakaran upang agad na

makahanap ng pagkain.

PANIMULA

BASAHIN NATIN

PAGPALAOT

DAMDAMIN:

KAHULUGAN:

Page 15: Tula Talata Talambuhay Balita

15

GRAPH

2. Mahigpit ang pagkakadakot ni Susie sa supot ng pagkain dahil sa takot na agawin ito ng

ibang bata sa kaniya.

3. Namangha si Susie sa laki at tayog ng punong nakita niya sa daan.

4. Maraming gusting malaman si Susie kaya inuusisa niya ang lahat ng bagay sa paligid.

5. Marahil, sa pagod at init ng panahon, mabilis ang paglagok ni Susie sa tubig na iniinom.

Naglalarawan ng iba’t ibang kaalaman tungkol sa paksa.

May mga bilang at bahagdan ito upang maipakita ang pagkakaiba ng

kaalaman.

Maaring palarawan, anyong bar o linya ang graph.

KAHULUGAN:

DAMDAMIN:

KAHULUGAN:

DAMDAMIN:

KAHULUGAN:

DAMDAMIN:

KAHULUGAN:

DAMDAMIN:

Page 16: Tula Talata Talambuhay Balita

16

1. LINE GRAPH - Ito ay gumagamit ng

mga linyang nagkakabit sa mga

tuldok na kumakatawan na bawat

bahagdan ng datos.

2. BAR GRAPH - ito ay gumagamit ng

mga guhit na pahalang o pataas

sa pagsasalarawan sa bawat

bahagdan ng mga datos.

3. PIE GRAPH - ito ay gumagamit ng

bilog na hugis na pinaghati- hati sa

iba’t ibang bahagi upang

kumatawansa kabuuan.Ang bawat

hati nito ay kumakatawan sa bawat

bahagdan ng mga datos.

4. PICTOGRAPH - ito ay isang uri ng

graph na nagtataglay ng mga

datos sa pamamagitan ng mga

larawan.

IBA’T IBANG URI NG GRAPH

Page 17: Tula Talata Talambuhay Balita

17

5. TALAHANAYAN O TABLE –

gamit ang dibisyon at kolum,

mabilis nitong

maipaghahambing ang

mga paksa at bilang.

Panuto: Tingnan at suriin ang isang payak na surbey hinggil sa pagbabasa ng mga mag-

aaral sa Filipino. Tuklasin ang antas ng kawilihan nila sa gawaing ito.

MAGSURI AT

ilahad

GULANG NG MGA MAG-AARAL:

3% - 3-5 TAON

20% - 6-8 TAON

50% - 9-12 TAON

27% - 13-15 TAON

Page 18: Tula Talata Talambuhay Balita

18

1. Anong paksa ng sarbey ang inilalarawan ng graph?

2. Anu- anong gulang ang isinama sa sarbey?

3. Anong nabuo mong kongklusyon? Itala sa ibaba.

REFERENCES

DE Laza, Crizel Sicat et al. (2018). Baybayin 5. Paglalayag sa Wika at Pagbasa. Sampaloc

Manila: Rex Book Store Inc. (RBSI)

Raflores, Ester V. (2019). Pinagyayamang Edisyon Binhi 5. Wika at Pagbasa para sa

Elementarya. Dalandanan, Valenzuela City: JO-ES Publishing House, Inc.

Ang mga litrato at clipart ay hango mula sa https://www.google.com