playbook ng brand para sa mga ahensya
TRANSCRIPT
Playbook ng Brand para sa Mga Ahensya
2018
Kumpidensyal at Pinagmamay-arian 2
MGA NILALAMAN
03 Panimula04 Mga Miyembro ng Google Partners vs. Mga
Google Partner05 Mga espesyalisasyon ng kumpanya
06 Paano talakayin ang tungkol sa Google Partners
07 Paano talakayin sa iyong mga kliyente ang tungkol sa Google Partners
08 Paano talakayin sa iyong mga kliyente ang tungkol sa membership sa Google Partners
09 Mga panuntunan kapag tinatalakay ang tungkol sa Google Partners
10 Mga katagang dapat iwasan
11 Mga salitang dapat iwasan
12 Paano gamitin at ipakita ang badge13 Saan ginagamit ang badge
14 Google Partner badge
15 Static Partner badge
16 Pagpapatupad ng static badge
17 Hindi wastong paggamit
19 Mga panuntunan sa paggamit ng Google Partner badge
20 Online na placement
21 Profile sa social
22 Mga digital na asset na walang online na badge
Kumpidensyal at Pinagmamay-arian 3
Ano ang Google Partners?Ang Google Partners ay naghahatid ng mga mapagkukunan, pagsasanay at suporta sa mga kumpanya at propesyonal sa online na marketing upang makatulong sa mga advertiser na maging matagumpay online. Nakakatanggap ang mga ahensya ng access sa iba't ibang pakinabang kabilang ang mga libreng pagsusuri at certification ng produkto, kaganapan para sa pagsasanay, pampromosyong alok at reward, propesyonal na networking at iba pang mga tool.
Dapat magsikap ang mga miyembro ng Google Partners na makakuha ng Google Partner badge.
Sa playbook na ito, matututunan ng mga ahensya ang tungkol sa mga pakinabang sa Google Partner, malalaman nila ang paraan ng pagpapakita at pagtalakay sa badge at makakakita sila ng mga tip tungkol sa kung paano gamitin ang badge upang maipaalam sa mga potensyal na kliyenteng sila ay isang Google Partner.
PANIMULA
Kumpidensyal at Pinagmamay-arian 4
Mga Miyembro ng Google Partners vs Google PartnerHuwag tukuyin ang iyong ahensya bilang Google Partner maliban kung kwalipikado na ang iyong ahensya sa Google Partner badge o Premier Google Partner badge. Mangyaring sumangguni sa talahanayan sa ibaba para sa impormasyon sa mga kinakailangan ng mga miyembro ng Google Partners vs. Mga Google Partner.
PANIMULA
Mga Miyembro ng Google Partners Google Partner Premier Google Partner
Badge Hindi magkakaroon ng badge ang mga miyembro ng Google Partners hanggang sa maging kwalipikado sila bilang isang Google Partner.
Mga Kinakailangan Mga Indibidwal:Gumawa at kumumpleto ng isang indibidwal na profile sa Partners
Gawing affiliate ang iyong ahensya at magbukas ng isang Google Ads manager account upang makapag-access ng mga pampromosyong alok
Mga Kumpanya:Ipabukas at ipa-link ang profile ng iyong kumpanya sa unang taong nito sa isang Google Ads manager account
Ipa-verify sa pamamagitan ng email ang iyong website at Google Ads manager account
Gumawa at kumumpleto ng isang profile ng kumpanya sa Partners
Gumawa at kumumpleto ng isang profile ng kumpanya sa Partners
Bigyang-daan ang isang affiliate na miyembro na magkaroon ng certification sa Google Ads upang maipakita na ang iyong ahensya ay may advanced na kaalaman sa Google Ads
Mamahala ng hindi bababa sa US$10,000 na kabuuang nagastos sa Google Ads sa nakalipas na 90 araw upang maipakitang may mahusay na aktibidad sa paggastos ang iyong ahensya
Pagpapakita ng performance ng iyong ahensya sa pamamagitan ng paghahatid ng mahusay na kabuuang kita at paglago ng kita sa Google Ads, at pagpapanatili at pagpapalago sa iyong customer base
Gumawa at kumumpleto ng isang profile ng kumpanya sa Partners
Bigyang-daan ang dalawang affiliate na miyembrong magkaroon ng certification sa Google Ads upang maipakita na ang iyong ahensya ay may advanced na kaalaman sa Google Ads
Mamahala ng mas mataas sa kabuuang nagastos sa Google Ads upang maipakitang may mahusay na aktibidad sa paggastos ang iyong ahensya
Pagpapakita ng performance ng iyong ahensya sa pamamagitan ng paghahatid ng mahusay na kabuuang kita at paglago ng kita sa Google Ads, at pagpapanatili at pagpapalago sa iyong customer base
Kumpidensyal at Pinagmamay-arian 5
Ano ang mga espesyalisasyon ng kumpanya?Kapag nakakuha ka na ng Google Partner badge, maaari ka nang magkaroon ng mga espesyalisasyon ng kumpanya. Kinikilala ng mga espesyalisasyon ang mga may badge na ahensyang may isang na-certify na naka-affiliate na tao sa isang larangan ng produkto ng Google Ads, nagpapakita ng mas humusay na performance sa produkto at pagiging eksperto sa larangan ng produktong iyon at may minimum na 10K USD na gastos sa Google Ads sa loob ng 90 araw sa larangan ng produktong iyon. Maaaring magkaroon ang mga may badge na ahensya ng mga espesyalisasyon sa search advertising, mobile advertising, video advertising, display advertising at shopping advertising.
● Nakakatulong ang mga espesyalisasyon sa Mga Partner na magpakita ng partikular na kaalaman sa produkto upang magkaroon ng bagong negosyo at mas maipakilala ang kanilang sarili sa market.
● Nagbibigay-daan ang mga espesyalisasyon sa mga advertiser na matukoy ang Mga Partner na may kasanayan sa larangan ng produkto ng Google Ads kung saan sila nangangailangan ng tulong.
PANIMULA
Paano talakayin ang tungkol sa Google Partners
Kumpidensyal at Pinagmamay-arian 7
PAGMEMENSAHE
Ang sasabihin mo sa iyong mga kliyente tungkol sa mga miyembro ng programa ng Google Partners:
Ang mga miyembro ng Google Partners ay may access sa libreng pagsasanay at mga pagsusulit upang makakuha ng mga certification sa mga produkto sa pag-a-advertise ng Google Ads, nakakasali rin sila sa mga kaganapang pang-edukasyon at nagagawa nilang makipag-ugnayan sa ibang Mga Google Partner.
Maaari ding makakuha ang mga miyembro ng Google Partner badge upang maipakita nila ang kanilang pagiging eksperto sa Google Ads.
Ang sasabihin mo sa iyong mga kliyente tungkol sa Mga Google Partner:
May kaalaman ang Mga Google Partner sa mga makabagong konsepto sa paggawa, pamamahala, pagsukat at pag-o-optimize ng mga produkto sa pag-a-advertise ng Google Ads.
Nakuha rin nila ang Google Partner badge sa pamamagitan ng pagpasa sa mga pagsusulit sa certification na may kaugnayan sa mga produkto ng Google Ads.
Ang sasabihin mo sa iyong mga kliyente tungkol sa Mga Premier Google Partner:
Nakapasa ang Mga Premier Google Partner sa mga pamantayan sa pagkamit ng status na Google Partner at natugunan din nila ang mga kinakailangan na mas mataas na paggastos, karagdagang certification at sa performance ng kumpanya.
Ang sasabihin mo sa iyong mga kliyente tungkol sa mga espesyalisasyon:
Kapag nakakuha ang isang ahensya ng Google Partner badge, maaari na nilang itampok ang partikular na kaalaman sa produkto ng Google Ads na may kasamang mga espesyalisasyon at maaari na rin silang kumonekta sa mga potensyal na kliyente na interesado sa kanilang mga iniaalok.
Paano talakayin sa iyong mga kliyente ang tungkol sa Google PartnersKapag gusto mong maglarawan ng mga partikular na elemento ng Google Partners, narito ang ilang handa nang gamiting ideya.
Kumpidensyal at Pinagmamay-arian 8
PAGMEMENSAHE
Paano talakayin sa iyong mga kliyente ang tungkol sa membership sa Google PartnersKapag gusto mong i-promote ang iyong ahensya sa mga potensyal na kliyente, narito ang ilang handa nang gamiting ideya.
Ang sasabihin mo sa iyong mga kliyente kung miyembro ka ng Google Partners:
Ang sasabihin mo sa iyong mga kliyente kung nakuha mo na ang Google Partners Badge:
Ang sasabihin mo sa iyong mga kliyente kung nakuha mo na ang Premier Google Partner Badge:
Ang sasabihin mo sa iyong mga kliyente tungkol sa mga espesyalisasyon:
Matutulungan ka naming mapalago ang iyong negosyo online.
Kailangan mo ba ng tulong sa pamamahala sa iyong pag-a-advertise online? Nasanay at na-certify kami ng Google upang matulungan ang mga negosyong katulad ng sa iyo.
Nakuha na namin ang Google Partner badge.
Ipinapakita ng Google Partner badge na nagpamalas kami ng advanced na kaalaman sa mga produkto sa pag-a-advertise ng Google Ads na nakakatulong sa aming maghatid ng mga resulta at makabuo ng mga pangmatagalang ugnayan sa aming mga kliyente.
Nakuha na namin ang Premier Partner badge.
Ipinapakita ng Premier Google Partner badge na kinikilala kami bilang isang nangungunang ahensya sa paggawa at pagpapanatili ng mga matagumpay na campaign sa online na pag-a-advertise para sa mga negosyo.
Magagawa naming ibigay ang tulong na iyong kailangan.
Nakuha namin ang Google Partner badge sa pamamagitan ng pagpapamalas ng kaalaman sa partikular na mga produkto sa pag-a-advertise ng Google Ads. Bukod pa rito, may access kami sa mga eksklusibong pagsasanay na nakakatulong sa aming matulungan ka.
Kumpidensyal at Pinagmamay-arian 9
PAGMEMENSAHE
Mga panuntunan kapag tinatalakay ang tungkol sa Google PartnersHuwag tawagin ang iyong ahensya bilang Google Partner maliban kung kwalipikado na ang iyong ahensya sa Google Partner badge o Premier Google Partner badge.
Huwag magpahiwatig ng kaugnayan, affiliation, sponsorship o endorsement sa Google o gamitin ang salitang “partnership.”
Huwag ipahiwatig na ang editoryal na content ay isinulat ng o kinakatawan ang mga pananaw ng Google o kawani ng Google.
Kumpidensyal at Pinagmamay-arian 10
Mga katagang dapat iwasan at kung ano ang maaaring gamitin
PAGMEMENSAHE
Huwag sabihin ang Sabihin ang
Pinagkakatiwalaan kami ng Google
Mga eksperto kami sa mga produkto sa pag-a-advertise ng Google
Kami ang isa sa pinakamahusay na ahensya sa produkto sa pag-a-advertise ng Google
Mayroon kaming internal na impormasyon na nagbibigay sa amin ng bentahe
Pinagkakatiwalaan kaming magbigay-daan sa mga pinakamahusay na resulta
Inihayag kaming kwalipikado ng Google
Taglay namin ang kaalaman tungkol sa produkto sa pag-a-advertise ng Google
Nakapasa kami sa certification sa Google Ads
Mayroon kaming access sa pagsasanay at suporta mula sa Google
Bilang Google Partner, matutulungan ka naming mapahusay ang iyong campaign
Kumpidensyal at Pinagmamay-arian 11
Mga salitang dapat iwasan at kung ano ang maaaring gamitin
PAGMEMENSAHE
Huwag sabihin ang Sabihin ang
isang Google partner / Na-certify na Google Partner
Google Partners badge
Partner Badge
affiliate na ahensya / pinagkakatiwalaang Google Partner
mga espesyalisasyon ng award / kumuha ng mga espesyalisasyon
maging espesyalista
Search / Mobile / Video / Display / Shopping search / mobile /
video / display / shopping
YouTube
isang Google Partner
Google Partner badge
Partner badge
may badge na Google Partner
makakuha ng mga espesyalisasyon
maging espesyalista sa
search advertising / mobile advertising / video advertising /
display advertising / shopping advertising
mga video ad/ video advertising (sa paglalarawan ng mga espesyalisasyon)
Paano gamitin at ipakita ang badge
Kumpidensyal at Pinagmamay-arian 13
PAGGAMIT NG BADGE
Magagamit mo ang Google Partner badge sa iyong mga materyales sa marketing (sa iyong website, mga social page, mga email) upang maipakitang kwalipikado ka bilang Google Partner at nagkaroon ka na ng mga espesyalisasyon.
Saan hindi maaaring gamitin ang badge
Hindi mo maaaring ipakita ang Partner badge sa anumang website o item na lumalabag sa anumang batas o regulasyon, o kung hindi naman ay lumalabag sa mga patakarang pang-editoryal ng Google.
Saan gagamitin ang badge
Kumpidensyal at Pinagmamay-arian 14
Ipinapakita ng dynamic Google Partner badge ang pangalan ng iyong ahensya at mga espesyalisasyon kapag nag-ii-scroll ang mga user sa mga tuldok sa kanang sulok. Available ito para sa iyong website at ipapatupad bilang snippet ng code sa halip na isang static na larawan.
Para sa iba pang mga digital na asset, gaya ng iyong signature sa email, pakigamit ang static badge.
Panatilihin ang laki na hindi bababa sa 180px na lapad at gumamit ng “rt” sa Partner bilang isang minimum na clearance sa batayang pag-eespasyo. Dahil interactive ang badge na ito, ginagamit ang clearspace sa default na katayuan ng badge nang hindi lumalabas ang pop up na menu kapag nasa katayuang may naka-hover dito.
PAGGAMIT NG BADGE
Google Partner badge
180px
Minimum na laki at clear space
Kumpidensyal at Pinagmamay-arian 15
Dapat lang gamitin ang static badge sa mga naka-print na materyales at digital na asset kung saan hindi naaangkop ang animation ng Partner badge.
Kung wala pang nakuhang mga espesyalisasyon ang iyong ahensya, gamitin ang static badge nang walang mga espesyalisasyon.
PAGGAMIT NG BADGE
Static Partner badgeStatic badge na may mga espesyalisasyon
Static badge na walang mga espesyalisasyon
Kumpidensyal at Pinagmamay-arian 16
Naglalaman ang folder ng mga .eps, .jpg at .png file para sa digital (RGB) at naka-print (CMYK) na paggamit.
● Placement at pagtatalaga ng laki○ Para sa mga naka-print na application, panatilihin ang laki na hindi
bababa sa 2.5 pulgada ang lapad at gumamit ng “rt” sa Partner bilang isang minimum na clear space.
○ Ang font ng mga espesyalisasyon ay hindi dapat mas maliit sa 6 na laki ng font
● I-mirror ang online na badge ○ Maglista lang ng mga espesyalisasyon na nakuha mo at nasa iyong
online na badge○ Gamitin ang mga terminong ito: Espesyalista sa, Mga search ad, Mga
mobile ad, Mga video ad, Mga display ad at Mga shopping ad
Dapat manatili sa English at hindi dapat maisalin sa ibang wika ang static badge.
PAGGAMIT NG BADGE
Pagpapatupad ng static badge
2.5 pulgada
Minimum na laki at clear space
Kumpidensyal at Pinagmamay-arian 17
PAGGAMIT NG BADGE
Hindi wastong paggamit
Huwag alisin, sirain o baguhin ang anumang elemento sa badge.
Huwag isalin sa ibang wika ang salitang Partner na nasa badge.
Huwag baguhin ang aspect ratio o mga kulay ng badge.
Huwag gamitin ang logo ng Google Partner. Iba ito sa badge at maaari lang itong gamitin ng Google.
*Maaari mong gamitin ang naisaling bersyon ng “Partners” o “Premier” sa kopya sa text lang, ngunit hindi sa mismong larawan ng badge. Dapat manatili ang “Google” sa English sa lahat ng pagkakataon.
Huwag isalin sa ibang wika ang salitang Premier na nasa badge.
Kumpidensyal at Pinagmamay-arian 18
PAGGAMIT NG BADGE
Hindi wastong paggamit
Huwag baguhin ang disenyo ng badge. Huwag gayahin ang disenyo ng badge o website ng Google Partners para sa anumang iba pang mga elemento ng disenyo.
Huwag ipakita ang badge na mas malaki o mas kapansin-pansin kaysa sa logo ng ahensya, hindi kasama ang mga espesyalisasyon.
Kumpidensyal at Pinagmamay-arian 19
PAGGAMIT NG BADGE
Mga panuntunan sa paggamit ng Google Partner badge
Huwag ipakita ang badge hanggang sa maging kwalipikado ka bilang isang Google Partner.
Huwag ipakita ang badge sa paraang masasabi ng Google na ito ay nakakapanloko, nakakasira ng imahe ng iba, lumalabag, mapanirang-puri, nakakapanliit, nakakabastos o kung hindi naman ay sumasalungat sa Google.
Huwag ihiwalay ang badge sa pangalan ng iyong negosyo, domain, produkto o serbisyo, o sa iyong logo, disenyo, slogan o iba pang mga trademark.
Huwag ipakita ang badge sa mga site na lumalabag sa batas, patakaran ng Google o feature na pang nasa hustong gulang na materyales.
Hindi mo maaaring gamitin ang badge sa anumang iba pang paraan, maliban sa tinukoy sa mga alituntuning ito. Ang hindi pagsunod sa mga tagubiling ito ay magpapataw sa iyo ng paglabag sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google Partners.
Kumpidensyal at Pinagmamay-arian 20
MGA HALIMBAWA
Placement online
Gamitin ang dynamic badge nang may mga espesyalisasyon, kung posible.
Mga halimbawa: sa iyong website o sa anumang placement na maaaring mag-embed at magpakita sa dynamic badge.
Maaari mo ring i-link ito sa iyong pampublikong profile na page ng Google Partners.
Kumpidensyal at Pinagmamay-arian 21
Mga digital na asset na hindi tumatanggap sa online badge
MGA HALIMBAWA
Isama ang static Google Partner badge sa iyong mga pakikipag-ugnayan sa email upang maipaalala sa iyong mga kliyente ang iyong pagiging eksperto.
Gamitin lang ang static badge sa mga asset na hindi tumatanggap ng online na bersyon, katulad ng sa mga signature sa email.