filipino9 q2 mod6 carolasan-at-castillon … · 23 hours ago · 2. paano ba ang tamang pagtrato at...

16
Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Filipino Ikalawang Markahan - Modyul 6: Mga Akdang Pampanitikan ng Silangang Asya– Banghay ng Maikling Kuwento Zest for Progress Zeal of Partnership Name of Learner: ___________________________ Grade & Section: ___________________________ Name of School: ___________________________ 9

Upload: others

Post on 27-Jan-2021

11 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

  • Republic of the Philippines

    Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

    Filipino Ikalawang Markahan - Modyul 6: Mga Akdang Pampanitikan ng

    Silangang Asya– Banghay ng Maikling Kuwento

    Zest for Progress Zeal of Partnership

    Name of Learner: ___________________________

    Grade & Section: ___________________________

    Name of School: ___________________________

    9

  • Filipino – Ikasiyam na Baitang Supportive Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Ikalawang Markahan – Modyul 6: Panitikang Asyano: Banghay ng Maikling Kuwento Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

    InilimbagsaPilipinas ng Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City Zamboanga del Norte, 7100 Telefax: (065)212-6986 and (065) 212-5818 E-mail Address: [email protected]

    Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

    Manunulat: Melba A. Carolasan Closilda J. Castillon Editor/Tagasuri Lea Jane T. Lañoso /Alma R. Santiago Tagalapat: Kevien Ian I. Albon Tagapamahala: Virgilio P. Batan, Jr., CESO VI – Schools Division Superintendent

    Lourma I. Poculan – Asst. Schools Division Superintendent Amelinda D. Montero – Chief Education Supervisor, CID Nur N. Hussien – Chief Education Supervisor, SGOD Riela Angela C. Josol – Education Program Supervisor - Filipino Ronillo S. Yarag – Education Program Supervisor, LRMS

    Leo Martinno O. Alejo – Project Development Officer II, LRMS

  • 1

    Alamin

    Simulan natin ang ating aralin gamit ang inyong matang mapanuri! Inaasahan na pagkatapos ng ating paglalakbay ay matutuhan mo ang mga sumusunod:

    • Nasusuri ang maikling kuwento batay sa estilo ng pagsisimula, pagpapadaloy at pagwawakas ng napakinggang salaysay. (F9PN – IIe-f-48)

    • Naisasalaysay ang sariling karanasan na may kaugnayan sa kulturang nabanggit sa nabasang sa kuwento. (F9PS-IIe-f-50)

    • Nailalarawan ang sariling kultura sa anyo ng maikling salaysay. (F9PU-IIe-f-50)

    • Nagagamit ang mga pahayag sa pagsisimula, pagpapadaloy at pagtatapos ng isang kuwento.(F9WG-IIe-f-50)

    Ang lugar na ating lalakbayin ay hindi na bago sa inyo. Malaki ang naging impluwensya ng bansang ito sa ating kultura at tradisyon. Marami sa mga nagugustuhang pagkain ng mga Pilipino ay nagmula sa kanila tulad ng pansit, mami, siomai, siopao, lumpia at lechon. Mula sa pagkain, damit at mga kagamitan sa bahay, naging bahagi sila ng ating pang-araw-araw na buhay. May ideya ka na bas a bansang aking tinutukoy? Tama! Ang bansang Tsina. Nais mo bang malaman ang iba pa nilang kultura? Kilala ang mga Tsino sa pagpapahalaga sa kanilang pamilya. Makikita sa mga nakakaangat ng pamilya ang pagsasama-sama sa iisang bubong hanggang sa ikalimang henerasyon. Higit din nilang pinapahalagahan ang anak na lalaki kaysa sa babae dahil ang lalaki ang magdadalang apelyido pamilya. Lalaki rin ang inasaahang magtatrabaho para sa pamilya at ang babae naman ang mangngalaga sa tahanan.

    Handa ka na bang malaman ang kuwento ng Niyebeng Itim?

  • 2

    https://www.google.com/search?q=larawan+ng+ama+na+dapat+tularan&tbm=isch&ved=2ahUKEwih87mhn__sAhVQAaYKHRPaAuoQ2-cCegQIABAA&oq=larawan+ng+ama+na+dapat+tularan&gs_lcp=CgNpbWcQAzoECAAQQzoFCAAQsQM6AggAOgQIABAeOgYIABAIEB5Q0MsPWKiaEGCYnhBoAnAAeASAAfgBiAG-LZIBBjEuMzYuMpgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nsAEAwAEB&sclient=img&ei=0FauX6HLHNCCmAWTtIvQDg&rlz=1C1SQJL_enPH908PH908#imgrc=aoLUsG66EazAJM&imgdii=c1lbS7TVH02CiM Shttps://www.google.com/search?q=larawan+ng+lalaking+lasing&tbm=isch&ved=2ahUKEwjF5IPMof_sAhURNaYKHRabAWEQ2-cCegQIABAA&oq=larawan+ng+lalaking+lasing&gs_lcp=CgNpbWcQAzoFCAAQsQM6AggAOgQIABBDOggIABCxAxCDAToGCAAQBRAeOgYIABAIEB5Q-GNY_eQBYPLnAWgMcAB4BIABoQOIAYA7kgEKMC4zNy44LjAuMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nsAEAwAEB&sclient=img&ei=QlmuX8W7JpHqmAWWtoaIBg&bih=625&biw=1366&rlz=1C1SQJL_enPH908PH908#imgrc=9EBDSQeycFLB6ino

    1. Sino sa dalawang ama na nasa larawan ang dapat tularan? Bakit? ______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ 2. Paano ba ang tamang pagtrato at pagpapalaki ng isang ama sa kanyang anak? ______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Alam mo ba? Ang akdang iyong babasahin ay mula sa bansang Tsina – ang isa sa pinakamalaking bansa sa buong daigdig. Ito ay halos may sakop na 90 porsiyentong lupain sa Silangang Asya. Isang mapangaraping Tsino ang makikilala mo sa kuwentong babasahin. Ito ay isa sa mga magagandang katangian nilang nagpaangat sa kanilang buhay kasama ng kasipagan. Napatunayan na ito ng maraming beses maging ng mga Tsino na naninirahan sa ating bansa. katunayan ang pinakamayamang tao sa Pilipinas sa loob ng maraming taon hanggang sa kasalukuyan ay mula sa lahi ng mga Tsino.

    Balikan

  • 3

    Tuklasin Gawain 1. Paglalarawan sa kultura ng Tsino sa anyo ng maikling salaysay.

    Alamin natin ang baon mong kaalaman tungkol sa nakapaloob sa araling tatalakayin natin upang sa pagtatapos ay maipaliwanag mo kung gaano kabisa ang mga akdang pampanitikan sa Silangang Asya lalo na ang Tsina sa pagpapakilala ng kultura at kaugalian ng bansang ito. Sa ibaba ay may makikita tayong iba’t ibang larawan ng Tsina. Gagawin mong gabay ang mga larawan/imaheng ito. Panuto: Ilarawan ang sariling kultura ng Tsina sa anyo ng maikling salaysay.

    https://www.cctvmixz.com/index.php?main_page=product_info&products_id=33607

    ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

    Modyul 6

    Maikling Kuwento Niyebeng Itim

  • 4

    https://www.fluentu.com/blog/chinese/2014/07/15/chinese-food-vocabulary-word-list-dimsum/

    ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

    ________________________________________________________________

    https://www.vecteezy.com/vector-art/1222735-chinese-dragon-in-number-8-on-red-pattern

    ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

    ________________________________________________________________

  • 5

    https://www.emaze.com/@AZTFQCTL

    (Kuwento mula sa Tsina) salin ni Galileo S. Zafra

    Paparating na ang bisperas ng Bagong Taon. Nagpakuha ng litrato si Li Huiquan sa Red Palace Photo Studio, isang bagay na ayaw na ayaw niyang gawin, dahil pakiramdam niya, lalo pa siyang pinapapangit ng kamera. Sinabihan na siya ni Tiya Luo na sapat na ang apat na piraso, ngunit nag-order siya ng labinlima. Nagulat ang klerk kaya nasabi nitong hindi sila sigurado kung maganda pa rin ang litrato kapag ganoon karami. May pagkainis na sa kanyang boses at iyon lamang ang magagawa niya para mapigilan ang sarili na sumtukin ang pangang iyon. Nag-order siya ng kinse para hindi na siya bumalik pa sa susunod at ikinabuwisit niya ang ituring na kahangalan ang ganito. Nang bumalik siya para kunin ang litrato, mas kabado siya kaysa nang kunin niya ang mga abo ng kanyang ina sa crematorium. Tumalikod siya at lumakad papalayo dala ang balutang papel nang hindi pa muna sinusuri ang litrato, at nang nag-iisa na lamang, dinukot niya ang laman. Labinlimang magkakatulad na litrato ang hawak niya, bawat isa ay nakatitig sa kanya nang may pare-parehong hitsura. Sa kabuuan, mas maayos ang kinalabasan kaysa kanyang inaasahan. Parang mas manipis ang kanyang labi dahil nakatikom, nakatitig ang mga mata niya. Hindi mo masasabing pangit. Sa katunayan, mas guwapo siya kaysa sa maraming tao. Wala siyang reklamo. Dinala siya ni Tiya Luo sa komite sa kalye kung saan pinagpasa-pasahan sila. Nakipag-usap sila sa iba’t ibang tao hanggang sa isang may katandaang opisyal ang nagbigay rin sa kanya ng lisensiya para sa kariton. Hindi naaprobahan ang kanyang aplikasyon para sa lisensiya sa pagtitinda ng prutas dahil puno na ang kota. Ang mga kontak ni Tiya Luo ay hindi makatulong o ayaw nang tumulong. Mayroon na lamang lisensiya para sa tindahan ng damit, sombrero at sapatos. Wala nang pakialam si Li Huiquan kung anuman ang maaaring itinda. Ang mahalaga mayroon siyang magawa. Nabalitaan niyang mas madali ang pagtitinda ng prutas, mas mabilis ang kita; mas mabgal naman sa damit, at mas mababa pa ang tubo. Nabalitaan din niyang kailangan niya ng maayos na tindahan o koneksiyong black-market para talaga mapatakbo ito. Ngunit handa siyang sumubok. Kailangang palakasin niya ang kanyang utak, at di matatakot

  • 6

    magtrabaho, maaayos ang lahat. Kahit maliit ang kikitain niya, hindi naman liliit pa iyon sa natatanggap niya bilang alila, hindi ba? Bahala na. Ang tanging lisensiyang naroroon ay para sa tindahan ng damit, sumbrero at sapatos. Wala nang pakialam si Huiquan kahit anong itinda. Ang mahalaga ay may gawin kahit pa mas mahirap itinda ang damit kaysa prutas. Inimbita si Huiquan ng kaniyang Tiya na manood ng magandang palabas sa tv ngunit tumanggi ito sa kadahilanang marami pang gagawin. Ibinigay kay Huiquan ang pwesto sa may Timog ng silangang tulay. Wala man lang ni isa ang nagtangkang tumingin ng mga paninda niya. “Sapatos na tatak Perfection mula sa free economic zone! Sapataos tatak perfection gawa sa Shenzen...” ang sigaw niya. Mga blusang batwing! Halikayo rito!” muli niyang sigaw. Ngunit wala pa rin siyang nabenta. Siya ang huling tindahan na nagsara sa hanay ng mga tindahan na naroon. Sa sumunod na araw ay nakabenta siya ng muffler. Sa ikatlong araw ay wala siyang benta. Sa ikaapat na araw naman, wala pang kalahating oras nang magbukas ng kaniyang tindahan ay nakabenta siya ng damit na pang army sa apat na karpintero. Nang makarating ang mga karpintero sa Silangang tulay ay nagkulay talong ang labi nila sa lamif. Ngunit nailigtas naman ang kanilang balat ng kasuotang ibinenta ni Huiquan. Bago magtinda ay matamlay na hinarap ni Huiquan ang negosyo. Ngunit naging inspirasyonsa kaniya ang pagbili ng mga karpintero. Mas mabuting maghintay kaysa umayaw dahil hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay malas ka di ba?

    Gawain 1. Pagpapalawak ng Kaisipan

    Panuto: Suriin ang sumusunod na kaisipang hango sa kuwentong binasa batay sa paggamit ng mga pahayag sa pagsisimula, pagpapadaloy at pagpapadaloy at pagtatapos ng napakinggang kwento.

    Kaisipang Hango sa Kuwento Suriin batay sa estilo ng pagsisimula, pagpapadaloy at pagwawakas ng

    napakinggang salaysay 1. Kailangang palakasin niya ang kanyang loob; kung ididilat lamang niya ang kanyang mata, paaandarin ang utak, at di matatakot magtrabaho, maaayos ang lahat.

    Binabati kita sa nagawa mong paglalarawan sa sariling kultura ng Tsina sa anyo ng maikling salaysay.

    Ngayon, alam kong may kaalaman

    ka na sa maikling kuwento dahil napag-aralan mo na ito noong nakaraang markahan kung saan sinuri ang kuwentong makabanghay.

  • 7

    2. Saanman siya magpunta, lagging may nagsasabi sa kanya kung ano ang dapat at di-dapat gawin; sa pagtingin sa kanya nang mababa, umaangat ang kanilang sarili.

    3. Gusto niyang lumaban, pero wala siyang lakas. Kaya mgpapanggap siyang tanga, umiiwas sa mga nagmamasid at nagmamatyag.

    4. Isa siyang basurahan o isa pirasong basaahn na nais magtago sa isang butas.

    5. Mas mabuting maghintay kaysa umayaw, dahil walang nakaaalam kung kalian kakatok ang oportunidad.

    Gawain 2. Kayarian ng Kuwento

    Panuto: Ilarawan ang tauhan, tagpuan, tema ayon sa sariling kultura sa anyo ng maikling salaysay.

    1. Sino ang mga tauhan sa kuwento?

    2. Ilarawan ang tagpuan sa kuwento? Sa iyong palagay, anong panahon naganap ito? Patunayan.

    3. Ano ang tema ng kuwentong binasa?

    4. Paano sinimulan ng may-akda ang kuwento?

    - Ano ang suliraning taglay ng angunahing tauhan?

    Natutuwa ako sa ipinakita mong kahusayan. Alam kong handa ka ng linangin at paunlarin pa ang kakailanganing pang-unawa sa tulong ng mga inilaang gawain.

  • 8

    - Paano hinarap ni Hiuquan ang kanyang problema?

    - Paano sinikap ni Hiuquan na malutas ang kanyang suliranin?

    - Ano ang mga hakbang na kanyang isinagawa?

    - Ano ang kinalabasan ng mga hakbang na ito?

    • Gawain 3. Maisasalaysay mo ba?

    • Panuto: Pag-aralang mabuti ang mga ilustrasyon. Isalaysay ang sariling karanasan na may kaugnayan sa kulturang nabanggit sa nabasang kwento na kinabibilangan ni Hiuquan gayundin ang kanyang kilos, , gawi at panininwala.

    Huiquan, habang nasa loob ng bilangguan. https://www.thenation.com/article/archive/rethinking-prison-from-the-inside-out/

    nagtitinda ng kasuutang panlamig

    https://www.amazon.com/MyGift-Mounted-Garment-Hanging-Clothes/dp/B01FEO0RCC

  • 9

    Suriin Upang higit na maging malinaw ang ating kaalaman, may dalawang

    bahagi tayong dapat matutuhan, at ito ay ang mga sumusunod:

    A. Panitikan

    Ang maikling kuwento - ay isang akdang pampanitikan na naglalayong magsalaysay ng

    isang mahalaga at nangingibabaw na pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan at nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa.

    - Isang uri ng masining na pagsasalaysay na maikli ang kaanyuan

    at ang diwa ay naglalaman sa isang buo, mahigpit at makapangyarihang balangkas na inilalahad sa isang paraang mabilis ang galaw.

    Mga Bahagi ng Maikling Kuwento

    1. Panimula: Sa bahaging ito niya paaasahin ang mga mambabasa sa isang kawili-wili at kapana-panabik na akda; karaniwang inilalalahad ang mga katangian ng pangunahing tauhan at ang kaniyang suliranin na siyang magiging pokus ng tunggalian. 2. Saglit na Kasiglahan: Dito matatagpuan ang mga pagbabalik-tanaw at pagpapakita ng kung paano humantong sa ganoong punto ang sitwasyon. Makikita rin dito ang pagtatagpo ng mga tauhan na kabilang sa suliranin ng akda. 3. Paglalahad ng Suliranin:Sa bahaging ito magsisimula ang balakid ng pangunahing tauhan. Sa suliranin iikot ang mga pangyayari sa akda. Ang mga tauhang may malaking kahalagahan ay ang mga tauhang umiikot sa suliranin ng pangunahing tauhan. 4. Tunggalian: Dito makikita ang pakikipagtunggali ng mga tauhan na maaaring mula rin sa suliraning nailahad. Maaaring kalaban ng tauhan ang kapwa tauhan, ang sarili, ang kalikasan o ang lipunang ginagalawan ng pangunahing tauhan. 5. Kasukdulan: Ito ang pinakamasidhi o pinakamataas na yugto ng akda. Dito na rin matatagpuan ang kalutasan sa suliranin o ang katapusan ng tunggalian ng pangunahing tauhan. Makikita rin dito ang pinakamatinding pangyayari ng akda, kamatayan ng bida o tagumpay. 6. Wakas/Kakalasan: Ang katapusan ng akda. Dito na mapapayapa ang mga tauhan matapos malutas ang suliranin at humupa ang tunggalian.

  • 10

    Suriin ang estilo ng may-akda sa pagbuo niya ng kuwentong ito. Ano ang masasabi mo sa estilo niya sa pagsisimula, pagpapadaloy at pagwawakas?

    Suriin ang maikling kuwento gamit ang sumusunod na

    gabay na tanong:

    Pagsusuri ng Pagsisimula Ano ang masasabi mo sa estilo ng may-akda sa pagsisimula ng kuwento? Paano niya ito sinimulan? _________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

    Pagsusuri ng Pagpapadaloy Paano pinadaloy ng may-akda ang kuwento? Bigyang-puna ang estilo ng may-akda sa pagpapadaloy ng kuwento? _____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

    Pagsusuri ng Pagwawakas Paano winaksan ng may-akda ang kuwento? Naging epektibo ba ang estilo niya sa pagwawakas? Bakit? _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

  • 11

    Pagyamanin

    Kultura ko, Ibibida Ko!

    Ipagpalagay mong ikaw ay isang mamamahayag sa inyong paaralan .Inatasan kang sumulat ng maikling kuwento na naglalarawan ng sariling kultura sa anyo ng maikling salaysay.

    Panuto: Isalaysay at ilarawan ang sariling karanasan na may kaugnayan sa kultura na ginagamitan ng mga pahayag sa pagsisimula, pagpapadaloy at pagtatapos ng isang kwento sa anyo ng maikling salaysay.

    __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

    Ang isusulat na maikling kuwento ay tatayain gamit ang rubriks sa ibaba.

    3 – Napakahusay

    2 - Mahusay

    1 – Kailangan ng Tulong

    - Nailarawan nang buong husay ang kultura sa nabuong kuwento. - Orihinal at akma sa napiling paksa. - Kagiliw – giliw basahin at may kaisahan.

    - Nailarawan ang kultura sa nabuong kuwento. - Orihinal at akma sa napiling paksa. - madaling maunawaan at may kaisahan.

    - Hindi gaanong nailarawan ang kultura sa nabuong kuwento. - Hindi akma sa napiling paksa. - mahirap maunawaan dahil walang kaisahan.

    Isaisip Binabati kita sa layo ng iyong narating sa modyul na ito. Kayang-

    Kaya di ba? Ngayon, kahit na alam ko na lubos mo ng naunwaan ng lubos at nakuha na natin pareho ang layunin sa sesyong ito, ay bibigyan pa rin kita isa pang pagsubok na lalong magdudulot sa iyo ng walang kapantay na karunungan sa paksang ating sabay na nilakbay. Ang gagawin mo lang ay sasagutin mo ang iilang katanungan na ibibigay ko sa iyo..Pssst bawal ang bugnutin kaya…ngiti muna bago magsimula!

  • 12

    1. Kung ikaw si Hiuquan, paano mo maipapakita sa iba na sa kabila ng pagsubok na iyong naranasan ay kaya mo pa ring bumangon sa iyong kinasadlakan?Ipaliawanag.

    2. Paano mo bibigyang pagpapahalaga ang mga taong tumulong sa iyo upang makabangon?

    3. Ano ang ginintuang aral na natutunan mo sa kuwento na magagamit mo sa pang-araw –araw na buhay?

    4. Ano ang mensahe na nais ipabatid ng may-akda sa mga mambabasa?

    Pagtataya Gawain D. Gaya-gaya .. Ang Saya-saya!

    Panuto: Isalaysay ang sariling karanasan na may kaugnayan sa kulturang nabanggit sa nabasang kuwentong Niyebeng Itim.Gawin ito sa paraan ng pagsulat ng liham na kahalintulad ng” Maalaala Mo Kaya”

    Dear Ate Closi,

    _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

    RUBRIKS SA PAGMAMARKA SA PAGSULAT NG LIHAM

    Mga Krayterya 10 7 4 2 PUNTOS

    Pagkamalikhain

    Labis na nagpamalas ng pagkamalikhain sa pagsulat ng

    liham

    Naging malikhain

    sa pagsulat ng liham

    Hindi gaanong naging

    malikhain sa pagsulat ng

    liham

    Walang ipinamalas na pagkamlikhain sa pagsulat ng

    liham

  • 13

    Malinaw ang mensahe ng

    liham

    Malinaw na malinaw ang mensahe ng

    liham

    Naging malinaw

    ang mensahe ng

    liham

    Hindi gaanong

    malinaw ang mensahe ng

    liham.

    Hindi handa at hindi tapos

    ang liham.

    Naipakita ng maayos ang layunin ng

    liham

    Maayos na maayos na

    naipakita ang layunin ng

    liham

    Naging maayos na naipakita

    ang layunin ng liham

    Hindi gaanong

    maayos ang layunin ng

    liham.

    Hindi ganap na maayos ang layunin

    ng liham

    Kaangkupan sa paksa

    Angkop na angkop ang

    paksa ng liham

    Angkop ang paksa ng

    liham

    Hindi gaanong angkop ang paksa ng liham.

    Hindi angkop ang layunin ng liham.

    (mula kay Teacher Alma Santiago ang rubriks na ito )

    Karagdagang Gawain

    Alam kong mahilig kang manood ng telenobela. Pumili ng paborito mong telenobela na iyong napapanood gabi-gabi sa telebisyon.Kung wala kang telebisyon, pumili ka ng paborito mong nobelang iyong nabasa. Panuto: Isulat ang maikling buod nito gamit ang mga pahayag sa pagsisimula, pagpapadaloy at pagatatapos ng isang kwento.Kung wala kang tv, yung nobela na lang na iyong nabasa. Batayan ng pagmamarka: Pahayag sa pagsisimula......................................................50% Pagpapadaloy ng kwento.....................................................30% Pagtatapos ng kwento..........................................................20% Kabuuan............................................................................100%

  • 14

    Susi sa Pagwawasto Iba-iba ang sagot depende sa kakayahan ng mag-aaral. (Tatayain ang mga gawain gamit ang rubrik sa itaas) Sanggunian Pinagyamang Pluma – Ikalawang Edisyon Ailene G. Baisa Julian; Mary Grace G. del Rosario; Alma M. Dayag Panitikang Asyano 9 Google.com https://zingnews.vn/bao-luc-gia-dinh-o-chau-a-duoc dung-duong-trong-nen-van-hoa-nam-tri-post983958.html https://365psd.com/istock/dad-son-balloons-577057

    https://www.cctvmixz.com/index.php?main_page=product_info&products_id=33607

    https://www.fluentu.com/blog/chinese/2014/07/15/chinese-food-vocabulary-word-list-dimsum/

    https://www.vecteezy.com/vector-art/1222735-chinese-dragon-in-number-8-on-red-pattern

    https://www.emaze.com/@AZTFQCTL https://www.amazon.com/MyGift-Mounted-Garment-Hanging-Clothes/dp/B01FEO0RCC https://www.thenation.com/article/archive/rethinking-prison-from-the-inside-out/