february - march 2013

Upload: los-banos-times

Post on 17-Oct-2015

746 views

Category:

Documents


2 download

DESCRIPTION

February 14 - March 8, 2013

TRANSCRIPT

  • by Mary Joie Cruz and Danielle Marie Torralba27 out of the 33 electoral candidates signed

    a covenant on February 16 for a secure and fair elections (SAFE) on May 2013.

    Organized by the Los Baos Philippine National Police (PNP), in cooperation with the Commission on Elections (Comelec), the Peace Covenant Signing aimed

    to solicit the commitment of Los Baos candidates in ensuring secure and fair elections (SAFE) this year.

    The candidates promised that they will not hire militant groups to cast fear upon voters; commit violence in order to win the elections; and/or commit acts that may alter the results of the election in their favor. The candidates also pledged that they will treat the ballots as

    a sacred part of the elections and will cooperate with all the sectors of the community for a peaceful election.

    Maj. Conrado T. Masongsong, the Los Baos chief of police, said they are hoping that all the electoral candidates present at the Peace Covenant Signing will adhere to the agreement. Continued on page 3

    Serving Los Baos and nearby communities

    VOLUME XXXIII ISSUE 3 Php 10.00

    www.lbtimes.phFEBRUARY 14 - MARCH 8, 2013

    Local candidates give their commitment to a secure and fair elections on May 13. (Photo by Mary Joie Cruz)

    LB candidates pledge for a SAFE 2013

    MHO conducts free checkup

    The Los Baos Municipal Health Office (MHO) celebrated Valentines Day by conducting Wag ka masyado sweet: Please Be Careful with your Heart (plus teeth, lungs, liver, bones, and cervix), a free health checkup for 70 employees of the Local Government of Los Baos.

    Among the free health tests provided were fasting blood sugar (FBS), cholesterol level determination, bone screening, cervical cancer screening, and dental consultation.

    by Kamille Anne Anarna, Danielle Marie Torralba, and Ladylove May Baurile

    Continued on page 3

    BSP elects new boardFour board members of the Boy Scout of

    the Philippines (BSP) National Executive Board were elected last February 20, as part of their 57th Annual National Council Meeting.

    The elected officers were Vice President Jejomar Binay, former Congressman Harry Angping, BSP Senior Vice President Wendel Avisado, and Calaca, Batangas Mayor Sofronio Ona Jr.

    The election for the other positions in the BSP National Executive Board will be conducted during their first regular meeting in June.

    by Kathleen Mae Idnani and Mary Joie Cruz

    The newly elected members of the BSP National Executive Board (left to right: Jejomar Binay, Wendel Avisado, Harry Angping, and Sofronio Ona Jr.) take their oath during the 57th Annual National Council Meeting, February 20. (Photo by Mary Joie Cruz)

    A Los Baos local government employee undergoes bone scanning during the Valentines Day free health checkup.

    In an interview with Binay, also the incumbent BSP National President, he said it was a privilege to be a part of BSP, the national scout organization in the country. He also said that it was good to be back here in Los Banos. Nakakatuwang maging parte nito para sa paghahanda sa mga kabataan para sa kinabukasan, said Binay.

    The national council meeting was participated by 310 local BSP council officers.

    The BSP also conducted other activities at the Philippine Scouting Center for the Asia-Pacific Region at the Mt. Makiling Camp this February including the National Scout Youth Forum for Luzon, National Peace Jamboree and National Raffle Draw

  • MHO, nag-organisa ng bilateral tubal ligationni Ladylove May Baurile

    Kaakibat ang Marie Stopes Ligation, nag-organisa ang Municipal Health Office (MHO) ng libreng bilateral tubal ligation noong ika-8 ng Pebrebro para sa mga kababaihang may mga edad na 30 pataas sa Los Baos.

    Ang bilateral tubal ligation ay isang uri ng family planning method kung saan pinuputol o tinatali ang fallopian tube.

    Kailangan munang sumailalim sa pagsusuri ang mga kababaihang intresadong sa libreng bilateral tubal ligation. Ayon kay Dr. Alvin Isidoro, ang municipal health officer ng Los Baos, ang mga babaeng may edad 30 pababa at may anak na dalawang taong gulang pababa ay hindi hinihikayat sumailalim sa tubal ligation. Ang mga kahadahilanan tulad ng pagbabago ng desisyon ng mag-asawa, ang bilang kanilang mga anak, at ang peak ng reproduction stage ng babae ay binibigyang pansin.

    Maliban pa rito, ang mga babaeng may karamdaman katulad ng severe asthma at hypertension ay hindi pinapayagang sumailalaim sa bilateral tubal ligation upang maiwasan ang pagkakaroon ng impeksiyon. Kailangan ding sumailalim ang mag-asawa sa counseling at magbigay ng pormal nilang pagpayag. Ang mga nabanggit ang dahilan kung bakit sa 80 hanggang 100 na babaeng gustong sumailalim sa proseso ay 60 hangang 70 na porsyento lamang ang napipili.

    Yung mga mag-asawa na sa tingin nila hindi nila kayang tustusan ang magiging anak nila, they have a choice to do it pero we always tell them na merong ibang option, merong ibang way ng family planning and tubal ligation is only a part of it, paliwanag ni Isidoro.

    Ang aktibidad ay pinondohan ng Marie Stopes Ligation, isang non-government organization (NGO) na lumilibot sa buong mundo upang tumulong sa mga

    aktibidades na katulad ng bilateral tubal ligation. Dahil sa tulong ng nasabing NGO, libreng isinasagawa ng MHO ang nabanggit na aktibidad. Ayon kay Letty Acedillo, Nurse 3 at coordinator ng aktibidad,makakatipid ng hanggang P10,000 ang mga kababaihang sasailalim sa libreng bilateral tubal ligation.

    Mas malaki ang benepisyong nagagawa nito (tubal ligation) sa pamilya kasi kung maliit ang iyong pamilya mayroon kang ibang pag-gagastusan, sa education, pagkain, basic needs pati yung time na kailangan sa mga bata, maibibigay ng mga magulang, ani Acedillo.

    Ang MHO ay nagsasagawa ng bilateral tubal ligation dalawang beses kada taon mula pa noong 1968. Sa programang ito, humigit-kumulang 40 na mga kababaihan na ang natulungan ng MHO at ng Marie Stopes Ligation sa Los Baos.

    2 THE LOS BAOS TIMES NEWS VOL. XXXIII ISSUE 3BNCES feeding program now on its fifth month

    Students of Bernardo N. Calara Elementary School have been enrolled in a year-long feeding program to improve the health of underweight children in Brgy. Anos.

    Served weekly with a mixture of rice and corn for lunch were 140 students from kindergarten to grade six.

    The very factor kung bakit nawawala ang mga estudyante natin sa hapon kasi nag-uwian dahil mangangalakal sila para may makain. Mahina rin ang mga bata, Camacho explained when asked on the importance of the event.

    According to Ellen Camacho, teacher-leader of (BNCES), DepEd requires public schools to allocate 35% of their canteens income to implement feeding program in order to reduce the number of dropouts.

    Despite the allocation, the school is only able to give food to the students once a week. As such, it sought the assistance of the Bureau of Plant Industry which happened to be in need of respondents for its study on the effects of rice and corn mixture on nutrition. Aside from BPI, the Parents-Teacher Association (PTA) has also assisted in preparing the meals of the children.

    Kawawa kasi yung mga bata na gusto namin na talagang ma-enhance yung physical body nila. Dito kasi kulang ang pagkain ng bata. Mahirap talaga itong lugar

    at school na ito, ang mga bata kulang sa nutrisyon, Ursula Magpantay, nutrition coordinator of BNCES added.

    To assess the success of the program, the children are weighed every end of the month. The final weighing will be in March when the program will also end.

    by Ladylove May Baurile

    Kenneth Lahada, a grade three pupil, and Emma Mariano, a grade two pupil, both said that they have become more attentive in class because of the feeding program. Nag-e-enjoy po ako kasi masarap ang pagkain. Pampalakas, kaya nagpapasalamat ako, said Lahada.

    BNCES students enjoy a nutritious lunch as part of the schools year-long feeding program. (Photo taken by Ellen Camacho).

    DSWD ups budget for 2013 feeding program budgetby Julianne Marie Leybag and Vina Vanessa Victorino

    An additional Php 600,000 or Php 3 per child has been alloted for the supplementary feeding program of daycare centers in Los Baos effective 2013. From a budget of Php 10 per child last 2012, the budget was increased to Php 13 per child.

    According to Luzviminda Alvarez, officer-in-charge of the Municipal Social Welfare Development Office (MSWDO), the 2013 budget for the supplementary feeding program has been increased from Php 1.6M to Php 2.2M so that the nutritional needs of children in Los Baos can be met better. Alvarez said that the budget increased because the government will now provide all the ingredients needed for the feeding program, unlike before when parents had to shoulder all the expenses needed for the feeding program.

    The feeding program is implemented in 18 daycare centers among the 14 barangays of Los Baos. It aims

    to teach the students the importance of having a well-balanced diet even at an early age by introducing them to healthy food and keeping them away from junk food. Alvarez also added that the meals prepared for the children are complete meals like rice, meat and/or fish and vegetables and not just mere soup.

    Lorie Reyes, one of the parents who prepare the meals of the children at the daycare center in Batong Malake, said that it is very cost-effective on their part since they do not have to think about their expenses with regard to buying the ingredients Lahat talaga galing sa gobyerno, pati yung pinggan, lutuan, kumpleto na. She also said that it is very beneficial to the pupils since most of the students have gained an additional weight of 2-3 kilograms. Malaki talaga yung idinagdag ng timbang ng mga bata, pati naeenganyo sila kasi madami silang kumakain, hindi yung sila lang, she said.

    Victoria Perez, who teaches the pupils at the daycare center in Batong Malake, said that in order to motivate her students to eat their food, she implements a reward system, wherein she stamps a star on the palms of students who finish their meals early.

    She also said that she coordinates with the parents in order to make sure that the meals prepared for the children are nutritious and well-balanced. Dito, talagang balanced diet yung hinahanda naming para sa mga bata, nilalagyan namin ng gulay gaya ng balatong o kaya kalabasa, tapos tokwa, para balanced talaga, Perez said.

    She also added that parents have learned various ways on how to make vegetables appealing to children, such as adding moringa (malunggay) to dishes such as tinola and including bits of beef in stir-fried bitter gourd (ginisang ampalaya). Parents have also learned that when dishes are colorful they will be encouraged to eat.

  • Red Cross-LB, nakilahok sa Million Volunteer RunMahigit 300 katao ang nakiisa sa programa

    ng Red Cross na Million Volunteer Run 2 noong Pebrero 10 sa University of Los Baos Baker Field. Ito ay bahagi ang programa ng kampanya ng Red Cross na mangalap ng pondo at mga boluntaryo para sa kanilang organisasyon.

    Ayon sa Chairman ng Red Cross na si Gloria Abadilla, layunin ng Million Volunteer Run na mag-enganyo pa ng mas maraming Pilipino na tumulong at makiisa sa kanilang mga adhikaing bolunterismo. Dahilan na rin sa layuning ito kung kayat awtomatik nang binibigyan ng Red Cross ang mga nakikiisa sa proyekto ng pagkakataong magkaroon ng libreng volunteer training sa ilalim mismo ng kanilang organisasyon. Aniya, Dapat kasi, may 43 volunteers per barangay. Para kung magkaroon man ng disaster, sila na ang ita-tap ng barangay nila. Hindi yung tatawag pa ng rescue sa malayo.

    Si Sonny Ongkiko, isang residente ng Los Baos, ay nagdesisyon na sumali sa proyektong ito ng Red Cross dahil sa siyay sumusuporta sa mga adhikain ng nito na

    tumulong at magligtas ng buhay. Naniniwala ako sa vision and mission ng Red Cross about volunteerism and preparedness to save lives. Sa disaster reliefs din kasi ako, sa Shelter Box International sa UK, ani Ongkiko.

    Ang paligsahan ay nahati sa dalawang kategorya: ang five-kilometer run kung saan si Greg Canape ang idineklarang panalo at ang three-kilometer run na pinangunahan naman ni Francis Reyes. Matapos ang patimpalak ay nagsagawa rin ang Red Cross ng maiksing raffle draw kung saan limang masuswerteng kalahok ang napili at nanalo ng Red Cross fan. Binigyan rin ang lahat ng nakitakbo ng sertipiko na siyang magsisilbing lisensya nila bilang mga bagong boluntaryo ng Red Cross.

    Ginanap ang pinakaunang Million Volunteer Run noong Disyembre 2011 kung saan humigit-kumulang 450,000 ang nakilahok sa ibat-ibang parte ng bansa. Ang nasabing programa ay isang malawakang aktibidad na inaasahang maisagawa taun-taon sa ibat-ibang munisipalidad ng bansa. Para sa taong ito, inaasahan ng Red Cross na umabot sa 1.1 milyon ang numero ng mga makikilahok sa nasabing patimpalak.

    Nakiisa ang mga miyembro ng PNP Los Baos sa patimpalak ng Red Cross na Million Volunteer Run noong Pebrero 10, 2013. (Kuha ni Mary Aizel Dolom)

    ni Mary Aizel Dolom

    ERRATA :On page 1 of Issue 2, in the article SK projects, apektado ng election ban, it was published that Shiela Callo is the SK Chairman of Brgy. Bayog instead of Brgy. Lalakay.

    BSP holds natl Peacejambby Nicolle Andrea Payuyo

    The Boy Scouts of the Philippines (BSP) held its National Peacejamb last February 22-28 in Makiling (Luzon), Cebu City (Visayas), and Davao City (Mindanao).

    With the theme Scouts: Messengers of Peace, the Peacejamb aims to promote the quest for peace among the young generation. Activities for the event were designed to improve leadership and holistic development among the scouts.

    To ensure the security of scout attendees in Los Baos, the road from the point of Magnetic Hills area up to the BSP-Delgado Gate along the PCARRD-Jamboree Road in Barangay Timugan, Los Baos was temporarily closed from February 21-28.

    Approximately 6,000 scouts attended the Peacejamb in Luzon while an estimated 5,000 scouts attended in Visayas and Mindanao. Starting dates are on February 22 (Luzon), February 23 (Visayas) and February 24 (Mindanao).

    Be a contributor. For submissions, comments, suggestions, or inquiries, email us at [email protected] or drop us a message at www.facebook.com/LbTimes or tweet us @LB_Times.

    3THE LOS BAOS TIMESNEWSVOL. XXXIII ISSUE 3Continued from page 1LB candidates pledge...

    Sana po ay ating isapuso kung ano man ang laman ng ating lalagdaan na peace covenant para sa isang mapayapa at patas na eleksyon, said Masongsong in his message to the candidates.

    Chief Masongsong also emphasized that LB PNP will be impartial to all the candidates regardless of their political parties. Wala kaming papaboran. Magiging patas kami. Hinding hindi kami magpapagamit, he said.

    Municipal Election Officer Randy Banzuela took the opportunity to remind the candidates and Los Baos residents present at the event about campagin guidelines, specifically pertaining to the designated posting areas, election poster sizes, and campaign budget limit for candidates. To avoid election fraud and discrepancy, Comelec already updated the list of registered voters in Los Baos aby removing the names of deceased voters and voters who have not voted for two consecutive times.

    Banzuela also encouraged Los Baos voters to actively participate in the elections by reporting cases of election-related violence and election fraud. Ang eleksyon ay hindi para sa mga kandidato, Ang eleksyon ay para sa mamayan, he said.

    Three religious leaders, namely Immaculate Conception Parish Priest Fr. Zaldy Fortuno, Lakas Angkan Ministry, Inc. Pastor Angel Sumague, and Saleh Labay Imam Ibrahilm Lomondot also gave their messages and advice to the electoral candidates. All three leaders offered prayers for the town and expressed their hope that the candidates will strictly follow election rules and regulations to maintain peace and order in the Los Baos community.

    Present in the event were mayoral candidates, Marcelino De Guzman, incumbent Mayor Anthony Genuino, Francisco Lapis, and Juan Leron; and vice-mayoral candidates Procopio Alipon and incumbent Vice

    Mayor Josephine Evangelista. 21 of the 25 candidates for municipal councilor were also present: Benedicto Alborida, Rodrigo Aquino, Rollen Atienza, Ricardo Bagnes, Cesar Cabrera, Erlinda Cadapan, Armado Diaz, Francisco Diaz, Bryan Gahol, Domingo Galang, Antonio Kalaw, Leo Katimbang, Gudencio Macatangay, Cesar Moldez, Julius Moliawe, John Emmanuel Oliva, Felix Peligrina, Teodoro Reyes, Jay Rolusta, Eduardo Suplac, and Norvin Tamisin.

    Aside from their spoken oath, candidates also signed a written agreement that will be posted at the New Los Baos Municipal Hall.

    Government officials who served as witnesses to the peace covenant signing were Chief of Police Conrado Masongsong, Department of Interior and Local Government Officer Olivo Esquivel, Comelec Officer Randy Banzuela, Municipal Administrator Miraflor Tado,

    Municipal Jail Warden Marlon Ymballa, and Municipal Fire Marshall Renato Samson. Religious and non-executive leaders also served as witnesses to the event.

    Eugenia Aquino, a Los Baos resident, said she is positive about the peace covenant signing. Mabuti naman na nagkaroon sila ng ganun para naman ang mga tao alam kung anong dapat nilang gawin, she said.

    About a hundred residents of Los Baos witnessed the covenant signing. While the event is open to the public, the police barricaded the venue to prevent the supporters of the candidates from crowding the place.

    The peace covenant signing is a nationwide activity of the Philippine National Police under the leadership of PNP Police Chief Dir. Gen. Alan La Madrid Purisima. The local campaign period is on March 29 to May 11 while the election is scheduled on May 13.

    From the sidelines. Los Baos residents endure the 10 am heat as they bear witness to the peace covenant signing of the local candidates. (Photo by Danielle Marie Torralba)

    MHO conducts...Continued from page 1

    According to Municipal Health Officer Dr. Alvin Isidoro, although the free health check-up was open to all, municipal employees were prioritized.

    Municipal Councilor Antonio Kalaw, committee chair on social welfare and communication and Transportation, explained that it is important for the residents to become aware of their current health condition. He also emphasized the importance of regular checkup. In line with this, he said that he himself will readjust his lifestyle and avoid sweet foods, because the check up showed that he has high blood sugar.

    A 78-year-old passer-by was the only participant in the event who was not a municipal employee. Napadaan lang ako dito, nakita ko may libre, kaya sinubukan ko, she said.

    With the activity, MHO aims to promote health awareness and prevention of non-communicable

    diseases like hypertension, heart disease, diabetes, bone demineralization, and cervical cancer. According to Dr. Isidoro, the number of people suffering from such non-communicable diseases is increasing worldwide. In Los Baos, 364 cases have been recorded from hypertension alone.

    The annual free checkup was sponsored by Fontera (Anlene), Natraphram, and Sanoffe.

  • Committee Reports for 2012*

    One Barangay, One Project na magtatampok ng ibat ibang produkto ng bawat barangay ng Los Baos. Cow Dispersa ang pamamahagi ng munisipyo ng baka sa magsasaka na babayaran nila sa pamamagitan ng pagbibigay ng bisirong ipapanganak ng naturang baka. Pagbibigay ng mga bangkang de motor sa mga pulis para sa pagsusupil ang mangdadarambong sa palaisdaan.

    AGRICULTURE, LIVELIHOOD, AND COOPERATIVE

    Pagbibigay ng scholarship para sa mga estudyanteng nasa mataas na paaralan at kolehiyo na may magagandang marka. Pagtuturo sa mga out-of-school youth upang makakuha ng Accreditation and Equivalency Test ng DepEd na kung saan ang pagpasa ay katumbas na rin ng pagtatapos sa elementarya o hayskul.

    EDUCATION

    Pagkakaroon ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng UPLB, DENR-CENRO, PENRO, PNP, Municipality of Bay, City of Calamba, at Sto. Tomas Batangas para sa Protection of Wildlife Resources sa Mt. Makiling Ginanap ang kauna-unahang Tourism and Environmental protection Year-end Assessment Conference

    ENVIRONMENT

    Pagpapatayo ng Municipal Information OfficeGOOD GOVERNANCE

    Ipinatupad ang wide curfew hours kung saan ipinagbabawal ang mga menor de edadsa labas ng kanilang tahanan simula alas-10 ng gabi hanggang alas-kwatro ng madaling araw Pagbibigay impormasyon ukol sa mga klasipikasyon ng mga lupang sa Los Baos

    HOUSING AND LAND USE

    Pagbibigay ng oportunidad sa mga senior citizens na tumanggap ng part-time jobs sa ibat ibang business establishments sa Los Baos. Pagsasaad ng pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan sa Autism Society of the Philippines- Los Baos Chapter. Pagbubuo ng municipal advisory committee para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ng Los Baos. Pagbibigay ng libreng kopya ng mga dokumento o certification ng mga senior citizens at Person with Disabiltities (PWD) sa kanilang mga kamag-anak.

    SOCIAL WELFARE

    Ipinagpatuloy ang Buwan ng mga Kababaihan na nagsasaayos ng ilang programa katulad ng Araw ng mga Buntis, Binyagang Bayan, Special Medication for Women, job fairs, at mga seminars patungkol sa responsible parenting, kalusugan, ibat ibang mga sakit, at karapatan ng mga kababaihan.

    WOMEN AND FAMILY

    Pagpapagawa ng 20 na kalsada sa apat na barangay. Pagsasaayos ng mga eskwelahan sa bayan ng Los Baos

    Pagsasaayos ng mga sumusunod na gusali: bagong munisipyo sa Brgy. Bambang, BPSO headquarter sa Brgy. Maahas, mga tanggapan ng barangay, health centers, at Philippine Drug Enforcement Agency office. Paglalagay ng mga pulang parameter fences at street lights, at linya ng kanal at tubig sa ibat ibang barangay. Naglagay din ng 100 na hand pumps sa bawat barangay.

    PUBLIC WORKS AND INFRASTRUCTURE

    Paglalagay ng palatandaan katulad ng kulay at numero sa mga tricycles at pedicabs sa bawat barangay Pagdagdag ng mga requirements sa pagkuha ng prankisa katulad ng drug test na kailangang isumite ng mga drayber.

    COMMUNICATION AND TRANSPORTATION

    *Base sa mga ulat at mga panayam sa mga pinuno ng mga komite.

    Pagsasatupad ng regulasyon ukol sa pag-inom ng alak. Ang mga alcoholic beverages ay maaari lang ibenta mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng hatinggabi.

    PEACE AND ORDER

    Marso ng taong 2012, nagkaroon ng isang basketball tournament na kalahok ang ibat-ibang barangay ng Los Banos. Ito ay ang 3 points Shoot-Out Barangay Tournament.Noong Abril ng nakaraang taon, nagkaroon ng Mayors Cup Basketball League. Noong nakaraang Disyembre, nagkaroon ng Skill Challenge para sa mga batang may edad 12 at pababa. Kasunod nito ay ang Gay Basketball-Pre Fiesta event na ginanap sa parehas na buwan. Binigyan din naman ng pagkakataon ang mga estudyante ng ibat-ibang eskwelahan sa Los Baos na makasali sa 3 points Shoot-Out School tournament. Itong proyekto na ito ay nagsimula noong Oktubre ng nakaraang taon at kasalukuyang nagaganap pa din. Ang pinaka bagong aktibidad para sa committee na ito ay ang Los Baos Basketball League (LLBL) na nagsimula noong ika-16 ng Pebrero 2013. SPORTS AND DEVELOPMENT

    LEGEND: Programa Ordinansa Resolution

    Matapos nating alamin ang mga proyektong isasagawa ng 14 barangay ngayong taon, ang aming mga reporter ay nangalap naman ng mga programa at ordinansang naipatupad ng bawat komiteng hawak ng ating Sangguniang Bayan:

  • E D I T O R I A L S TA F F

    KA Anarna LM Baurile GCC Bejarin MJC Cruz MA Dolom KM Idnani JMM Inciong KGR Jungco GH Lantican JM Leybag JG Nacorda EPI Paulmanal NA Payuyo MKT Soliven DM Torralba LB Varias LJ Verora VV Victorino Writers

    Aletheia Canubas and Ricarda VillarAdvisers

    Gumamela Celes BejarinEditor-in-Chief

    Danielle Marie TorralbaKathleen Mae IdnaniAssociate Editors

    Easter Paz Issa PaulmanalNews Editor

    Ma. Khrisma SolivenFeature EditorJoan Nacorda, Mary Joie Cruz, & Joshua Levi VeroraLayout Artists

    The Los Baos Times is produced by the students of DEVC 123 (Management and Production of a Community

    Newspaper) and DEVC 124 (Advanced Development Writing) class. No part of this paper may be reproduced or distributed in any form or by any means stored in a database or retrieval

    system without its prior information. All rights reserved.

    The Los Baos Times is located at Rm. 211 B, Department of Development Journalism, College of Development

    Communication, University of the Philippines Los BaosCollege, Laguna (536-2511 local 410 or 411)

    Email: [email protected] Website: http://lbtimes.ph

    Eco-Waste Processing Center ng Los Baos: Isang pangungumustaMakalipas ang halos 12 taon simula noong

    isulong ang malawakang pagpapatupad ng Municipal Ordinance 2001-08 o ang Anti-Littering and Waste Segregation Program sa bayan ng Los Baos, anu-ano na nga ba ang mga naging pagbabago sa bayan ng LB? Ating kumustahin kung ano na ang nangyari sa Eco-Waste Processing Center o EWPC na isa sa mga naging resulta ng pagpapatupad ng nasabing ordinansa.

    Malapit sila sa bagsakan ng basura. Bata pa lamang raw si Mang Rudy ay doon na sila nakatira. Paano nga ba ang buhay kung ang tirahan ay malapit sa minsang tinaguriang mountain of shame ng Los Baos?

    Sa edad na 57, madalas raw nakatambay si Mang Rudy sa dating dumpsite na ngayon ay tinatawag nang Eco-Waste Processing Center (EWPC) ng Los Baos. Doon, siya ay nag-aabang at nangunguha ng mga basurang maari niyang pagkakitaan. Katulad ni Mang Rudy, marami pang mga residente ng Los Baos ang nangunguha rin doon ng mga basurang maaring ikalakal.

    Ayon kay Teresita Abuyo, residente ng Los Baos mula pa noong 1969, grabe raw talaga noon ang problema sa basura ng Los Baos. Aniya, parang wala raw kasi noong pakialam ang mga residente sa tamang pagtatapon ng basura. Noong 2004, itinayo ang EWPC bilang parte ng malawakang pagpapatupad ng solid waste management program ng lokal na pamahalaan. Kaiba sa open dumpsite, kung saan maaring magtapon ng magkakahalong uri ng basura, sa EWPC ay tanging iyong mga basurang napaghiwalay ayun sa uri lamang ang maaaring dalhin.

    Ang EWPC ay itinuturing na isang Materials Recovery Facility o MRF, kung saan pinagbubukud-bukod muli ang mga basura ayun sa uri. Ginagawa rin doon ang composting o paggawa ng fetilizer, at shredding ng mga basura katulad ng plastik. Sa EWPC, ginagamit din ang mga basura para gumawa ng mga kagamitang katulad ng silya, lamesa, hollow blocks, at bubong.

    Ayon kay Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) Consultant na si Leo Pantua, ngayon raw ay hindi na ganoon kalaki ang problema ng Los Baos sa basura. Isa na raw marahil ang pagpapatayo ng EWPC sa mga dahilan kung bakit nabawasan ang

    problema sa basura. Dagdag pa ni Pantua, mayroon na raw maayos na sistema ng pagpapatupad ng Solid Waste Management program. Kailangan na lang daw itong ipagpatuloy.

    Mungkahi naman ni Dr. Antonio Alcantara, propesor sa Unibersidad ng Pilipinas Los Baos School of Environmental Science and Management (UPLB-SESAM) at dating miyembro ng Solid Waste Management (SWM) Committee ng Los Baos, kailangan daw magkaroon ng mas malaking lugar na paglalagyan ng dumaraming basura sa bayang ito.

    Sa lawak ng Los Baos na 5, 650 hektarya ay wala pang isang ektarya nito ang nasasakupan ng EWPC. Ayon kay Dr. Alcantara, ang kasalukuyang pasilidad para sa basura ay masyadong maliit para sa mga basurang idinudulot ng lumalaking industriya ng komersyo. Ayon sa datos mula sa website ng lokal na pamahalaan ng Los Baos, mayroong dalawang pampublikong pamilihan ang Los Baos at mayroon naman itong mahigit kumulang 2, 500 na establisyimentong pangkomersyo sa kasalukuyan. Ang mga ito ay ilan lamang sa mga nagdudulot ng basura na siyang dinadala sa EWPC.

    Ayon kay Dr. Alcantara, isa pang problema sa kinalalagyan ngayon ng EWPC ay ang katotohanan na ito ay parte ng Makiling Forest Reserve o MFR na nasasakupan ng UPLB. Ano na lang ang mangyayari kapag naisipan ng UPLB na magkaroon ng ibang paglalaanan sa kinalalagyan ngayon ng EWPC? Saan na mapupunta ang ating mga basura? tanong ni Dr. Alcantara.

    Ayon rin sa website ng Los Baos, tinatayang umabot na sa 109, 210 ang populasyon ng Los Baos mula 2008 hanggang 2011. Ito ay binubuo ng 21, 749 na kabahayan, ayon sa survey ng NSO noong 2007.

    Tinataya namang umabot sa 36 tonelada kada buwan o siyam na tonelada ng basura bawat linggo ang nadala sa EWPC noong taong 2010. Ayon sa datus ng MENRO, 60 bahagdan sa mga basurang iyon ay nabubulok at 40 bahagdan ang recyclable o mga basurang maari pang magkaroon ng ibang paggagamitan.

    Ang mga recyclable katulad ng plastik na bote at mga lata ay kinukuha ng mga residente at ipinagbibili. Ang mga nabubulok namang mga basura kagaya ng mga balat ng prutas, mga tirang pagkain at mga basang papel ay prinoproseso gamit ang shredding machine para

    gawing abono na maaring hingin ng mga residente ng Los Baos. Ang mga basura naman na hindi nabubulok at hindi recyclable ay dinadala sa isang pribadong landfill sa San Pedro, Laguna.

    Ang pagdadala ng basura sa pribadong landfill, pati na rin ang pangongolekta at pagproproseso sa mga ito para gawing kapakipakinabang ay may kalakip na gastos. Ibig sabihin, kapag mas marami ang basura, mas malaki ang magagastos para dito.

    Naimungkahi ni Dr. Alcantara na isang paraan para mabawasan ang problema sa basura ay ang pagkakaroon ng Extended Producer Responsibility kung saan magiging obligasyon ng ibat ibang establisyimento na siguraduhing hindi nakakalat lamang kung saan ang kanikanilang mga produkto.

    Kapag raw naipatupad ang nasabing batas ay magiging obligado na ang mga establisyimento na kolektahin ang mga basurang nanggaling sa kanila. Ayon kay Dr. Alcantara, ang batas na ito ay matagal nang ipinapatupad sa ibang bansa, ngunit hindi pa napag-aaralan sa Pilipinas. Kapag nagkataon raw, hindi na magiging mabigat na problema ng lokal na pamahalaan ang pangongolekta sa mga basura dahil magiging katuwang na nila ang pribadong sector.

    Ang EWPC ay mas maayos raw kung ikukumpara sa dating dumpsite. Aba, malaki talaga ang pinagbago nito, ani Mang Rudy na matagal nang naninirahan malapit sa nasabing lugar. Idinagdag pa niya na ngayon nga ay sementado na sa compound ng EWPC.

    Gayunpaman, nagiging problema ang hindi magandang amoy na resulta ng pagproproseso ng plastik sa EWPC. Ayon kay Maximo Erasga, pitong taon nang supervisor sa EWPC, napag-alaman daw na hindi maganda sa kalusugan ng mga manggagawa at mga residente doon ang ganoong amoy kaya naman itinigil nila ang kanilang operasyon noong nakaraang taon. Aniya, pinag-aaralan pa raw ng DOST ang mga kailangang gawin.

    Tungkol naman sa hindi kaaya-ayang amoy na nanggagaling sa tambak ng basura na dinadala sa EWPC, sinabi ni Erasga na sanayan na lamang daw ang solusyon. Buwan-buwan naman daw nagpapacheck-up ang mga trabahador doon, ayon pa kay Erasga.

    Ika rin ni Mang Rudy, Bale wala na sa amin iyong amoy.

    Ayon kay Maximo Erasga, pitong taon nang supervisor sa Eco Waste Processing Center (EWPC) ng Los Baos, wala naman raw nagkakasakit na trabahador dahil sa masamang amoy ng basura sa EWPC. Dagdag pa niya, buwan-buwan naman raw nagpapacheck-up ang mga ito sa Health Center. (Kuha ni Gumamela Celes Bejarin)

    ni Gumamela Celes Bejarin

    5THE LOS BAOS TIMESVOL. XXXIII ISSUE 3 FEATURE

    PEACE AND ORDER

  • Editorial: Bawat boto dulot ay pagbabago Ang pangangampaya at pagboto ay maihahalintulad sa

    panliligaw at pagsagot sa manliligaw. Sa simula ay puno ito ng mga matatamis na pangako at mga pangarap na walang katulad. Sa bandang huli, marami ang lumuluha at dumaranas ng pighati.

    Katulad ng isang masigasig na manliligaw, maraming diskarteng ginagawa ang mga pulitiko para lamang mapanalunan ang puso ng masang kanilang gusto. Nandiyan ang pagporma para magmukhang kagalang-galang at mapagkakatiwalaan. Madalas, gumagamit din sila ng mga tulay o ng mga kilalang tao na magrerekomenda sa kanila para sila ay gustuhin ng mga botante. Maraming pulitiko ang may kasamang mga artista sa kanilang pangangampanya. Sinasamahan din ng harana ang mga taktikang nabanggit. Ang mga campaign jingles na ginagamit sa pangangampanya ay talagang pinag-aksayahan ng panahon at pera para mahuli ang kiliti ng publiko. Kapag paulit-ulit na ginawa ang mga nabanggit na aksyon, samahan pa ng pagpapakita kuno ng mga magagandang gawi, baka mahulog na ang damdamin ng publiko sa kandidatong iyon.

    Maari rin naman na hindi gumana ang mga diskarteng nabanggit. Kapag naramdaman ng manliligaw na baka hindi siya sagutin ng nililigawan, may posibilidad na gumawa

    ito ng masama. Madalas lumabas ang mga balita o kwento tungkol sa mga pandarayang ginagawa ng mga pulitiko para lamang manalo. At kapag nakuha na nila ang kanilang gusto, hindi rin nila tutuparin ang kanilang mga ipinangako. Sa halip, nanakawan pa nila ang publiko.

    May mga nangyayari mang dayaan, may magagawa pa rin ang publiko para maiwasan ang kasamaang idudulot ng mga mapanlinlang na pulitiko. Pagiging mapanuri at maalam ang kailangan para hindi madaling malinlang. Makakatulong kung alam ng mga botante ang batas at ang kanilang mga karapatan at responsibilidad. Mahalaga rin na alam nila kung kelan may nangyaring paglabag sa batas.

    Ang pagsagot sa isang manliligaw na hindi mo naman gaanong kilala ay isang malaking sugal. Ganoon din pagdating sa halalan. Ang desisyong gagawin ay hindi dapat pabigla-bigla. Ibibigay ba natin ang ating matamis na oo sa pulitikong tinitibok ng puso natin o sa pulitikong pinilit lang tayo? Dapat ba nating iboto ang mga pulitikong sinusuportahan ng ating mga kakilala o iyong pulitiko na tingin natin karapat-dapat talaga? Hindi madaling pagpasyahan kung sino sinong mga kandidato ang dapat iluluklok sa puwesto.

    Ito ay pinag-iisipan ng mabuti kagaya ng dapat ginagawa kapag pipili ng mamahalin at magsisilbing katuwang tungo sa maginhawang buhay. Marami nang Pilipino ang nagkamali sa kanilang naging desisyon. Ngayon, sila ay nagsisisi. Ang ilan naman sa kanila ay tinatangkang ipinapahayag ang kanilang mga hinaing sa mga pulitikong nagwagi gamit ang ibat ibang paraan.

    Maraming mga pulitiko ang mahilig magpaasa. Tila halos lahat ng kanilang mga pangako ay napapako. Paulit ulit. Paulit ulit na naririnig ang mga ganyang hinaing sa TV man, sa may kalye, o sa kapitbahay lang. Kelan nga ba natin makakamit ang sinasabi nating pagbabago?

    Sa darating na halalan, bawat isa ay may karapatang humusga, bumoto ng tama, at makilahok para sa laban tungo sa totoong pagbabago. Ang hindi pagsagot o pag-iwas sa responsibilidad na bumoto ay isa ring pagsasayang ng oportunidad na makadulot ng pagbabago sa sistemang madalas inirereklamo. Maaga pa lang ay mag-isip na nang mabuti. Ayaw nating magsisi sa huli.

    Boboto ka ba? Magpapadala ka ba sa ibat ibang taktika ng mga pulitiko? Ayaw nating maging biktima.

    Upang mas mapalawak ang kaalaman ng mga mamamayan at mahikayat ang pakikiisa ng bawat sektor ng pamayanan sa mga programang pangkalusugang ipinatutupad sa bayan ng Los Baos, ang Tanggapang Pangkalusugan ay malugod na ipinapabatid ang ilan sa mga kasalukuyan at bagong serbisyong pangkalusugan na ibinibigay sa mga Rural Health Unit at Health Centers ng ating bayan.

    Expanded Program on Immunization(EPI) Ang pagbabakuna sa mga bagong silang na

    sanggol ay isang programa na naglalayong maiwasan ang mga nakakahawang sakit sa ating pamayanan tulad ng tuberculosis, dipteria, pertussis, hepatitis B, Haemophilus influenza infection, pagtatae at beke o mumps.

    Mahalagang maunawaan ng mga magulang ang kahalagahan ng kompletong pagpapabakuna ng kanilang mga anak upang maiwasan ang mga sakit na nabanggit na maaaring magdulot ng kumplikasyon o kamatayan sa kanilang mga anak.

    Ang lahat ng bakunang sakop ng EPI ay ibinibigay ng libre sa mga health centers ng bayan ng Los Baos tuwing araw ng Miyerkules.

    Free Newborn Screening (NBS)Ang free newborn screening ay isang programang

    naglalayong maiwasan ang mental retardation o kamatayan sa mga sanggol na maaaring nagtataglay ng inborn metabolic disease tulad ng Congenital Hypothyroidism, Congenital Adrenal Hyperplasia, Galactosemia, Phynelketunuria at G6PD deficiency.

    Ang libreng newborn screening ay isang pangkalusugang serbisyong ipinagkakaloob sa mga batang ang kanilang mga magulang ay residente ng bayan ng Los Baos at ang kanilang ina ay nakapagpa-pre-natal check-up sa mga health center ng tatlo o higit na beses.

    Pre and Post Natal Check-up Ang ligtas at maayos na pagbubuntis at

    panganganak ay isa sa masugid na pinagtutuunan ng pansin bilang pagtalima sa Millennium Development Goal na mapababa ang bilang ng mga namamatay na nanay at sanggol sa panahon ng pagbubuntis o

    panganganak. Maliban sa regular na check-up ng mga buntis, nagbibigay din ng libreng bitamina at basic laboratory services tulad ng eksaminasyon sa dugo at ihi.

    Pinagsisikapan din na maipatayo at masimulan ang isang Basic Emergency and Newborn Care o BEMONC facility na magbibigay ng wastong pangangalaga sa mga manganganak at bagong silang na sanggol. Sa kasalukuyan, ang bilang ng mga buntis na nanganganak sa bahay na sinusubaybayan ng mga traditional birth attendants o hilot ay umaabot sa limampung porsyento ng lahat ng nanganganak sa bayan ng Los Baos. Layunin ng BEMONC facility na mapababa ang bilang ng mga naganganak sa bahay upang maiwasan ang mga komplikasyon o kamatayan ng dahil sa panganganak.

    Single Visit Approach (SVA) for Cervical Cancer Prevention

    Ang cervical cancer ay pumapangalawa sa breast cancer na nagiging sanhi ng kamatayan sa mga kababaihan. Dahil dito, nagsasagawa ng libreng screening ng cervical cancer para sa mga kababaihang may edad 25 hanggang 45 taong gulang. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng Visual Inspection with Acetic Acid at ang resulta ng screening ay agad na malalaman.

    Maliban sa screening, ang Reproductive Health Clinic ng RHU1 o main center ay nagsasagawa din ng cryotherapy para sa mga kababaihang may positive na resulta sa cervical cancer screening upang maagapan ang nagsisimulang cancer sa cervix o kwelyo ng matres.

    Animal Bite Treatment ClinicAng MHO ay nakapagtatala ng mahigit sa

    apatnapung (40) kaso ng kagat ng hayop o animal bite ang naitatala kada buwan. Karamihan sa mga kasong ito ay dahil sa kagat ng aso na kadalasan ay gala o stray at walang kaukulang bakuna laban sa rabis.

    Dahil dito, ang Animal Bite Treatment Clinic na matatagpuan sa RHU1 o main center ng Los Baos ay nagbibigay ng abot kayang bakuna para sa mga nakagat ng hayop upang maiwasan ang nakamamatay na rabis.

    Social Hygiene ClinicIsa sa mga bagong service clinic na binuksan

    ay ang Social Hygiene Clinic na naglalayong mapangalagaan ang Reproductive Health at maiwasan o malunasan ang mga sakit na dulot ng pakikipagtalik o sexually transmitted infection.

    Maliban sa regular na smearing at laboratory services, ang Social Hygiene Clinic ay nagbibigay din ng counseling o pagpapayo tungkol sa HIV/AIDS at iba pang sexually transmitted infections.

    Programmatic Management of Drug-resistant TB (PMDT)

    Ang PMDT Satellite Treatment Center ang pinakabagong service clinic na binuksan sa pakikipagtulungan ng Philippine Business for Social Progress (PBSP). Layunin ng PMDT na makapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan sa mga pasyenteng may sakit na tuberkulosis o TB na hindi na gumagaling sa mga ordinaryong gamot (first line drugs) laban sa sakit na ito.

    Ang kagalingan at kalusugan ng pamayanan ay bunga ng sama-samang pagpapahalaga at pagkilos ng taong-bayan. Ito ang pananaw o vision ng MHO, kaya nararapat lamang na malaman ng bawat mamamayan ang mga programang pangkalusugan upang mahikayat ang pagtulong at pakiki-isa ng taong-bayan para sa mas ikagagaling at ikauunlad ng kalusugan ng pamayanan.

    ULAT BAYAN: MUNICIPAL HEALTH OFFICE (MHO)

    6 THE LOS BAOS TIMES OPINION VOL. XXXIII ISSUE 3

    ISIDORO

    PRA sa pagbaha, isinagawa sa Malintani Kathleen Mae Idnani at Easter Paz Issa Paulmanal

    Tatlumpong residente ng Purok I at II ng Brgy. Malinta ang nakilahok sa Participatory Rural Appraisal (PRA) na isinagawa noong Pebrero 16, 2013 ng mga graduate students na kasalukuyang kumukuha ng Participatory Extension sa College of Public Affairs sa Unibersidad ng Pilipinas Los Baos (CPAf-UPLB).

    Ayon kay Dr. Rowena Baconguis, Associate Professor sa CPAf, layunin ng aktibidad na ito na masolusyonan ang problema sa pagbabaha sa barangay, partikular na sa Purok I at II na lubos na naapektuhan ng Habagat noong nakaraang taon.

    Isa sa mga kalahok sa pagtitipon ay si Gng. Corazon Erroba na residente ng Purok II. Nabanggit niya na ang

    programa ay isang malaking tulong sapagkat nalaman nila ang ibat ibang mga bagay na may kaugnayan sa pagbabaha sa kanilang barangay. Ayon sa kanya, ngayon lamang nila nalaman na hindi pala kasama sa listahan ng mga barangay na binabaha sa Los Baos ang Malinta.

    Sa kasalukuyan, ang naturang barangay ay hindi kasama sa mapa na naglalahad ng mga barangay na madalas bahain sa Los Baos. Ito ang dahilan kung bakit isinasagawa ang naturang proyekto, ayon kay Baconguis. Dagdag pa niya, layunin ng programa na magkaroon ng isang dokumento na nagpapatunay na ang barangay ay maaaring masalanta ng mga kalamidad.

    Dagdag pa ni Erroba, nakatulong rin ang pagtitipon dahil nadagdagan ang kanilang kaalaman hinggil sa mga bagay na makakatulong sa panahon ng kalamidad.

    Bilang bahagi ng proyekto, ang mga graduate students katulong ang mga opisyal ng barangay at ilang mga residente ay nagsagawa ng village walk, participatory village mapping, at timeline ng mga bagyo, baha, at mga tulong na dumating sa kanilang barangay.

    Ang nasabing aktibidad ay isang bahagi ng pag-aaral ng mga graduate students kung saan sila ay nagsasagawa ng PRA tools and techniques na makakatulong sa mga residente ng mga barangay na may kinakaharap na suliranin

  • Isa lang ang gusto ko. Yung tapat sa tungkulin. Yung mag-isip ng mga bagay na kapakipakinabang, katulad ng mga pagkakakitaan ng mga tao.

    -Rodrigo Veloria, Baybayin

    Una sa lahat, maka-Diyos, kasi kapag ang isang tao may takot sa Diyos siyempre ang ano niyan, yung pinakabatas ng Diyos

    -Ana Elec, Tuntungin

    Yung malinis sa botohan. Yung makatao.Yun lang naman ang importante eh, makatao ka.Saka ang mga pinapangako mo, tutuparin mo.

    -Nancy San Valentin, Timugan

    Ang hinahanap ko sa isang kandidato ay yung maasahan, maka-tao, at hindi mayabang.

    -John Joseph C. Menia, Bayog

    Makadiyos. Makatao. Makabayan. Kapag makadiyos kasi, takot gumawa ng masama. Kapag makatao, handang tumulong sa tao at bayan. Kapag makabayan naman, yung paglilingkod niyay para talaga sa bayan at hindi sa sarili niya.

    -Anna Tapere, San Antonio

    Hinahanap ko sa isang kandidato, yung unang-una, maka-diyos, tapos yung may malasakit talaga sa kanyang kababayan, yung totoo na pagmamalasakit, yun lang.

    -Joey Maugabay, Batong Malake

    Yung mabait, marunong makisama sa tao, at alam ang problema ng Los Baos. Basta makatao siya at hindi corrupt.

    -Felicitas D. Magtibay, Timugan

    Siyempre yung tapat maglingkod, marunong sa gawa katulad ng paglilinis, para meron kaming makikitang kagandahan sa lugar. Bilang isang kandidato, sakripisyo niyang gawin yun. Siguro mas maganda kung magbigay sila ng trabaho sa mga tambay at magbigay sila ng mga campaign para sa paglilinis, nang sa ganoon, makilala sila, hindi lang sa Los Baos kundi sa buong bansa.

    Nilo B. Calcerada Jr., Baybayin

    Yung mapapaganda itong Los Baos, lalo na itong barangay ng Baybayin. Pagbutihan niya yung para mapaunlad niya itong Los Baos. Tulungan niya yung mahihirap. at mabigyan ng tulong yung may mga sakit, tulad ko.

    -Joel C. De Lara, Baybayin

    Yung lahat ng sasabihin nila, yung maibibigay nila ng pangangailangan ng tao, pagdating sa huli, ayaw na nilang tulungan, binabale wala nila. Dapat magkaroon sila ng isang salita, hindi lang yung laging sahod lang iisipin nila, yung kayamanan nila, isipin nila yung mga nangangailangan ng tulong, financial, pagkain, lahat.

    -Cecel Malibong, Maahas

    Siyempre wala namang hinahanap ang isang tao, isang mamamayan kundi ang tapat na maglilingkod sa bayan.

    -Gisselle Avila, San Antonio

    PESO Job Fair, ipagpapatuloyni Jose Miguel Martin Inciong

    Naantala ang programang job fair ng Public Employment Service Center (PESO) na nakatakdang ganapin noong Pebrero 7 at 11.

    Ayon kay Gliceria Trinidad, PESO manager, nagkaroon ng kakulangan sa anunsiyo ang kanilang mga serbisyo. May kakulangan din sa magagamit na sasakyan ang naturang ahensya na naging dahilan ng pagbagal ng pag-abot ng anunsyo patungkol sa job fair na ito.

    Isa pa sa mga programa ng PESO maliban sa job fair ay ang job referrals, skills registration system at local recruitment. Ang mga gawaing ito ay nagaganap araw-araw sa tanggapan ng ahensya.

    Ang naantalang job fair ay isasagawa na sa Pebrero 23, Abril 26, Mayo 31, Hulyo 26, Agosto 30, at Oktubre 25 ngayong taon. Maliban sa mga job fair na magaganap sa PESO Gabaldon Building ay magkakaroon din ng Quarterly Job Fair sa Los Baos New Municipal Building Corner PCARRD Rd., Timugan. Ito naman ay nakatakda sa Marso 22, Hunyo 28, Setyembre 27, at Nobyembre 29.

    Nagbibigay din ang PESO ng mga trainings para sa mga mamayan na nais pang palawakin ang kanilang mga kapasidad. Ibat-ibang larangan ang itinuturo dito tulad ng mga kasanayan sa paghihinang, paggamit ng computer, pagmamasahe, at marami pang iba.

    7THE LOS BAOS TIMESVOL. XXXIII ISSUE 3 FEATURE

    ANONG MASASABIMO?

    Anong hinahanap mo sa isang kandidato?

    Mula sa mga panayam nina Annally Humarang, Alyssa Bianca Stuart, Christine Mae Bernardo, Michelle Andrea Laurio, Lindsay Orsolino, Matthew David, Jose Alfonso Orestes Gaurano, James Arvin Gutierrez, Aire Beatrix Cimonix Desamero, Veronica Patricia Zarate, Monica Sunga, Mary Cris Tambunting, Maria Angelica Demdam, at Camille Alfonso.

    Mang Bogs: ELBIg Brother

    O ikaw na ateng naka-orange, wag mo nang subukan pang tumawid kung ayaw mong masagasaan diyan.

    Yan ang kadalasang maririnig mo mula sa malalakas na public audio system na matatagpuan sa Junction at Batong Malake Public Market. Samut saring mga panukala at babala, kasama na ang pananaway sa taongbayan ng Los Baos. Ang malalim at malakas na tinig na ito ay mula sa public announcer na si Rodolfo Padillo o mas kilala bilang Mang Bogs.

    Si Mang Bogs ay batikan na sa pagsasalita sa mga pampublikong lugar. Nagsimula siyang maging public announcer noong 2001 at hanggang ngayon ay aktibo pa rin siya sa pagbibigay impormasyon at pag-uulat.

    Ayon kay Mang Bogs, nagsimula ang lahat sa pulitika. Naging campaign manager daw siya ng isang pulitiko at doon nadiskubre ang galing niya sa pag-aanunsiyo. Sa ngayon ay mahigit isang dekada na siya bilang public annoucer.

    Lingid sa kaalaman ng marami, hindi lamang pag-aanunsiyo ang ginagawa ni Mang Bogs. Parte rin siya ng Task Force Kalinisan, ang komiteng nangangalaga sa kaayusan sa bayan. Nagsisilbi din siyang referee sa mga larong pampalakasan sa mga liga at kahit sa mga palaro sa loob ng UPLB. Siya din ang presidente ng Drivers Association at Vendors Association sa Los Baos.

    Hindi rin biro ang pinagdaanan ni Mang Bogs bago siya mapunta kung nasaan siya ngayon. Tubong Los Baos siya at sa murang edad ay natuto na siyang maghanapbuhay. Nung grade three ako, nagtitinda na

    ako, dagdag niya. Dito siya namulat sa kalakaran ng palengke. Bagamat hindi nakapagtapos ng high school, naging pangulo siya ng Los Baos Vendors Association sa edad na 17.

    Sa edad na 53, balo na si Mang Bogs. Ang kaniyang mga anak ay may sari-sarili naring pamilya. Kasama niya sa bahay ang isa niyang anak at tatlo niyang apo. Sa lagpas isang dekadang pagpapaalala ay hindi pa rin nagsasawa si Mang Bogs sa pagiging announcer.

    Nagsisimula ang araw niya sa pag-iikot sa bayan ng Los Baos upang siguruhin na maayos at segregated ang mga basura. Sila din ang nagmo-monitor kung sumusunod nga ba ang mga mamamayan sa mga ordinansa tungkol sa kapaligiran. Pagkatapos nito ay didiretso siya sa palengke ng Batong Malake upang mag-anunsyo ng mga ordinansa lalo na para sa kaayusan ng daloy ng trapiko.

    Nabanggit din ni Mang Bogs na hindi madali ang trabaho niya. Pinag-aaralan niyang mabuti ang mga ordinansa bago niya ito ilahad sa publiko. Dapat mauunawaan nila, maiintindihan nila sa pamamagitan ng pagpapaliwanag mo sa magandang paraan, paliwanag niya.

    Gayunpaman, hindi pa rin maiiwasan ang mga naiinis at nagagalit kay Mang Bogs. Ayon sa kanya, Sanay na sanay na ako at naniniwala naman ako na mas maraming natutuwa kesa naiinis sa akin.

    ni Ma. Khrisma Soliven at Licelle Varias

    Si Mang Bogs sa kanyang opisina. Sa loob ng higit isang dekada, patuloy ang pag-aanunsiyo ni Mang Bogs ng mga bagong ordinansang pambayan ay pagpapaalala para sa kaligtasan ng mga mamamayan ng Los Baos. (Kuha ni Ma. Khrisma Soliven)

    Ang lokal na pamahalaan ng Brgy. Bagong sliang ay nagsagawa ng isang tree planting activity noong Pebrero 8 bilang bahagi ng rehabilitasyon ng Nagtalaok Creek.

    Itinanim ang mahigit 705 na punla ng ibat-ibang puno gaya ng narra, kasuy, at langka mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR). Humigit kumulang isang daang residente, mga kagawad ng barangay, at mga barangay tanod ang nakilahok sa nasabing aktibidad.

    Upang masigurong mabubuhay ang mga punlang itinanim, buwan-buwan itong bibisitahin ng mga kawani ng CENRO-DENR na pamumunuan ng kanilang focal person na si Perfecto Talavera Jr. Ang lugar na pinagtaniman ay regular ring lilinisin at lalagyan ng pataba, ani Kapitan Rufino Maloles.

    Ayon kay Jovito Oandasan, officer-in-charge ng forestry management service ng DENR-CENRO, ang tree planting activity na isinagawa sa Bagong Silang ay bahagi rin ng National Greening Program (NGP) na proyekto ng kanilang ahensya. Dagdag pa niya, isa raw ang Bagong Silang sa mga napiling lugar kung saan magtatanim ng mga puno. Layunin ng NGP na makapagtanim ng1.5 bilyon na puno sa 1.5 milyong ektaryang lupa hanggang sa taong 2016.

    705 punla, itinanim sa Bagong Silangni Kathleen Mae Idnani at Easter Paz Issa Paulmanal

  • BITIK ng Manukan sa TimuganNasubukan mo na bang kumain ng adobong bibe o ginataang bibe? O

    di kayay kinulob na itik o pritong itik? Kung sa tingin mo ay masarap ang mga ito, paano pa kaya kung silay pinagsama? Yung tipong roasted bitik? Nakakatakam di ba? Halinat ating alamin ang nadiskubreng bitik ng Timugan.

    Ang bitik ay isang hayop kung saan pinaghalo ang bibe at itik sa iisang lahi. Sila ay naninirahan kasama ng mga manok sa Manukan ng Timugan. Ang manukan sa Brgy. Timugan ay isa sa mga pangkabuhayang proyekto ng barangay. Isa si Brgy. Kapitan Florencio Bautista sa mga nakaisip na ipagsama ang mga bibe at itik sa iisang kulungan upang tignan kung silay maaaring magkalahi.

    Ang kasalukuyang livelihood committee head na si Lilia Catelo at ang caretaker ng manukan na si Domeng Unde ang patuloy na nangangalaga sa mga bitik. Si Mang Domeng ay maagang gumigising araw-araw upang pakainin ang mga bitik ng tatlong beses sa isang araw. Feeds ang malimit niyang ipakain sa mga alaga pero dahil may kamahalan ang feeds, ginagawang alternatibong pakain ni Mang Domeng ang mga gulay at sapal para sa mga ito.

    Sa kabilang banda, maikukumpara ang paglaki ng mga bitik sa mga itik at bibe kung kayat patuloy pa rin ang pagpaparami nila Aling Lilia at Mang Domeng sa mga ito. Inaabot ng mahigit isa o dalawang taon ang paglaki ng mga ito. Samantala, kung

    ikukumpara mo ang hugis at laki ng itlog ng mga itik, bibe at bitik, ang bitik na ang may

    pinakamaliit sa kanilang tatlo. Ang mga itlog ng bitik ay inilalagay sa

    incubator ng mahigit 30 araw at doon na namimisa ang mga ito.

    Ayon sa eksperto sa poultry production and management na si Veneranda Magpantay ng Animal and Dairy Science Cluster mula sa Department of Agriculture ng UP Los Baos, ang mga bitik ay hindi na maaaring mangitlog pa sapagkat silay mga sterile o baog.

    Ibinase ni Magpantay ang kaniyang paliwanag sa

    mga resulta ng pananaliksik ng ekspertong si Dr. Angel

    Lambio ng animal breeding quantitative genetics poultry.

    Panahon ng 90s nang maisipan ni Dr. Lambio ipaglahi ang Mallard

    duck at Muscovy duck na nagresulta sa pagkakaroon ng mule duck. Hindi nagkakalayo

    ang resulta ng mule duck at bitik sapagkat sila ay parehas na walang kapasidad mangitlog dahil sa magkaibang hayop na sinubukang pinaglahi.

    Sa ngayon, ang bininabalak ng Brgy. Timugan ay paramihin ang lahi ng mga bitik at saka na lamang nila pagpaplanuhan ng magandang pangkabuhayan para sa mga residente. Dagdag pa dito, susubukin ni Aling Lilia na ibenta ang itlog ng bitik bilang mga balot.

    Ayon rin kay Mang Domeng, ipapamigay nila sa piling residente ang mga bitik kapag ang mga itoy may sapat na dami na. Kailangan lamang na may kakayahang mag-alaga sa mga ito. Sadyang mahirap ring alagaan ang mga ito lalong lalo na kapag silay mga nakaalpas. Mahilig kasing manuka at mangain ng mga halaman at gulayan ang mga bitik lalong lalo na kapag sila ay napabayaan sa tabing dagat. Maiiwasan ang paggawa ng mga bitik ng ganito kung silay nakalagay sa maayos at malinis na kulungan.

    Sagana ang Brgy. Timugan sa proyektong pangkabuhayan para sa mga residente. Hindi pa man nagagawang pangkabuhayan ang bitik, ang pagkilala at pagpaparami sa lahi nito ang sinisimulan muna ng barangay. Dahil kapag naparami na ang mga ito, tiyak na may bagong pangkabuhayan ang dulot nito hindi lamang sa mga residente ng Timugan pero sa mga ibat ibang barangay ng Los Baos. Siyempre prayoridad natin ang mga residente ng Timugan. Pero kapag magsusuccess ito magandang hanapbuhay lang rin naman ito. Ipapakalat namin ito sa ibat ibang barangay sa lugar ani Catelo.

    ni Gretzel Lantican

    For more news and updates, visit www.lbtimes.ph

    www.facebook.com/LbTimes

    @LB_Times

    Soilless Urban Gardening sa LBNHS ng Batong Malake

    Sinong mag-aakala na ang pagtatanim ng ibat ibang uri ng gulay ay maaari nang patubuin ng hindi gumagamit ng maraming lupa?

    Maari nang makapagtanim ang mga mamamayan ng Los Baos ng ibat ibang uri ng gulay sa kanilang mga bakuran sa pamamagitan ng urban gardening gamit ang vermiculite, buhangin at bunot. Ang vermiculite ay isang uri ng mineral na maaaring pamalit sa lupa bilang tradisyunal na pinagtataniman. Ang mineral na ito ay sinasabing malinis, madaling gamitin, magaan, walang amoy at higit higit sa lahat ay hindi nakakasama sa kapaligiran. Dahil dito, isinusulong ng Bureau of Agricultural Research ng Department of Agriculture (DA-BAR), ang paggamit ng mineral na ito sa pagtatanim upang maisakatuparan ang soil less urban gardening.

    Ang soil less urban gardening ay isang uri ng paghahalamanna kung saan ay hindi ginagamit ang lupa bilang tradisyunal na kasangkapan sa pagtatanim. Sa halip ay ginagamit ang mga alternatibo katulad ng vermiculite upang maisulong ang pagtatanim sa mga pook urban na limitado ang espasyo para sa pagtatanim. Ayon kay Midie Pearubia, Research Assistant ng isang proyekto na pinondohan ng DA-BAR noong Hunyo ng nakaraang taon at inaasahang matatapos sa 2014.

    Nais ng proyektong ito na magtatag ng mga demo sites sa mga paaralan upang maihanda ang mga titser at estudyante na magturo sa kani-kanilang mga kumonidad. Sa Laguna, napili ng Tree Care at DA-BAR ang Los Baos National High School (LBNHS), habang pinag-uusapan pa ang mga plano para sa Sta. Rosa.

    Dagdag pa ni Pearubia, ang paggamit ng vermiculite ang sinusulong ng proyektong ito dahil ito ay mainam pagtaniman dahil ito ay isang sterile mineral. Dahil dito, maiiwasan ag pagkakasakit at pagkabulok o pagkasira ng halaman. May mataas din itong water and nutrient holding capacity o yung kakayahan na humawak sa tubig at sustansiya para sa halaman. Para siyang sponge na nag-aabsorb ng tubig. Pag nababasa, hindi agad nagda-dry at dahan-dahang inirerelease sa tanim ani Pearubia.

    Ayon sa ilang estudyante ng LBNHS, nais nilang maibahagi sa mga mamamayan ang mga dulot ng soil less urban gardening. Kung maaari, magtuturo kami sa ibat ibang lugar, sa mga barangay. Magtuturo kami kung paano magtanim, kung bakit kailangan, paano siya makakatulong sa lipunan at sa ating katawan, ani Lowil Maquiza, isang 4th year high school student din sa LBNHS.

    Ang proyektong ito ay pinangungunahan ng Tree Care and Maintenance Services Foundation, Inc. (Tree Care) sa pagtutustos ng DA-BAR.

    ni Kezia Grace Jungco at Licelle Varias

    Mga natatanging kwento ng Los Baos

    8 THE LOS BAOS TIMES VOL. XXXIII ISSUE 3

    Photo by: Manuel Lester Niere