department of education edukasyon sa pagpapakatao 1

12
Department of Education Edukasyon sa Pagpapakatao 1 Pagiging Matapat, Isang Kanais-nais na Ugali Ikalawang Markahan- Ikaapat na Linggo Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940 Ma. Theresa C. Apil/Christine-Ann O. Pastrana / Jocelyn M. Borromeo Manunulat Cunegunda B. Mejica / Annie D. Pesito Tagasuri

Upload: others

Post on 04-Oct-2021

3 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Department of Education Edukasyon sa Pagpapakatao 1

Department of Education

Edukasyon sa

Pagpapakatao 1 Pagiging Matapat, Isang

Kanais-nais na Ugali Ikalawang Markahan- Ikaapat na Linggo

Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940

Ma. Theresa C. Apil/Christine-Ann O. Pastrana /

Jocelyn M. Borromeo

Manunulat

Cunegunda B. Mejica / Annie D. Pesito

Tagasuri

Page 2: Department of Education Edukasyon sa Pagpapakatao 1

2

Inaasahan

Pagkatapos mong mapag-aralan ang mga araling

nakapaloob sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang

magpapakita ng mga katangian ng pagiging tapat.

Nadadama ang kasiyahan ng kalooban sa

pagsasabi ng totoo

Naisasagawa ang mga katangian ng pagsabi ng

totoo sa lahat ng pagkakataon

Unang Pagsubok

Panuto: Basahin ang mga pangungusap sa tulong ng

magulang o tagapagturo. Suriin ang sarili. Lagyan ng

tsek () ang kahon kung ginagawa ang mga sumusunod

na sitwasyon.

Oo Hindi

1. Nagpapaalam kay nanay at

tatay kung saan pupunta.

2. Nagsasabi ng eksaktong halaga

ng perang hinihingi na

kakailanganin.

3. Isinasauli ang labis na sukli.

4. Humihingi agad ng tawad kapag

nakagawa ng kasalanan.

5. Iniiwasan na manguha ng gamit

na hindi pag-aari.

Page 3: Department of Education Edukasyon sa Pagpapakatao 1

3

B. Panuto: Iguhit ang kung ang sitwasyon ay

nagpapakita ng pagiging matapat at kung hindi.

_______1. May proyekto sa Filipino sina Karlo. Nagpaalam

ito sa magulang na pupunta sa bahay ng kaklase upang

gumawa ng proyekto ngunit namasyal lamang ito sa mall.

_______2. Binigyan si Lina ng P20.00 ng kanyang ama para

sa kanilang magkapatid. Ibinigay niya ang kalahati nito sa

kanyang bunsong kapatid.

_______3. May naiwang laruan ang iyong kalaro sa inyong

bahay at isinauli mo ito sa kanya.

_______4. Nagpaalam si Danny na pupunta sa bahay ng

kanyang pinsan ngunit nakipaglaro lamang ito sa parke.

_______5. Kinuha mo ang lapis ng iyong kaklase nang hindi

nagpapaalam.

Balik-tanaw

Lagyan ng ang mga pahayag na nagpapakita

ng pagiging magalang at kung hindi.

______1. Gumagamit si Lita ng po at opo kung

nakikipagusap sa nakatatanda sa kanya.

______2. Hindi pinansin ni Berto ang isang guro ng makita

niya ito sa pasilyo papasok sa silid aralan.

______3. Dumalaw sa bahay nina Mina ang kanyang lolo

at lola at nagmano siya sa mga ito.

Page 4: Department of Education Edukasyon sa Pagpapakatao 1

4

______4. Binigyan si Alex ng baon ng kanyang ina ngunit

nagmamadali itong umalis at hindi man lamang

nagpasalamat.

______5. Nag-uusap ang iyong nanay at lola sa may

pintuan. Nais mong pumasok sa loob at sinabing “Dadaan

ako”.

Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Sa tulong at gabay ng magulang o

tagapagturo, basahin ang kuwento.

Si Tinay Na Tapat

Sabado ng umaga. Magluluto ang

nanay ng adobong manok. Nakita niyang

wala ng toyo kaya inutusan niya si Tinay na

bumili sa tindahan sa kanto.

Habang siya ay naglalakad pauwi ng bahay, nakita

niyang sobra ang sukli ni Aling Pacita. Kaya dali-dali siyang

bumalik at isinauli ang sobrang sukli. Tuwang-tuwa si Aling

Pacita sa ginawa ni Tinay at ikinuwento niya ito sa mga

bumibili sa kanyang tindahan. Simula noon tinawag na si

Tinay na Tinay na Tapat.

Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa guhit na

inilaan sa ibaba ng bawat tanong.

1. Ano ang iniutos ng nanay kay Tinay? ________________________________________________

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

ESP 1 LM pahina 67

Page 5: Department of Education Edukasyon sa Pagpapakatao 1

5

2. Ano ang natuklasan ni Tinay habang siya ay

naglalakad pauwi?

______________________________________________

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

____________________________________________________________________

3. Ano ang reaksyon ni Aling Pacita? ______________________________________________ - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

______________________________________________

4. Bakit siya tinawag na Tinay na Tapat? ______________________________________________

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

_____________________________________________

5. Kung ikaw si Tinay ganoon din ba ang iyong

gagawin? Bakit? ______________________________________________

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

_____________________________________________

Gawain

Panuto: Tingnan ang mga larawan. Gumuhit ng puso

sa katapat na kahon na nagpapakita ng

katapatan at pagkatapos ay kulayan ito.

.

1.

https://tinyurl.com/yxjcjwg6

Page 6: Department of Education Edukasyon sa Pagpapakatao 1

6

2.

3.

4.

5.

https://tinyurl.com/y66bkysw

https://tinyurl.com/yxvndpnl

https://tinyurl.com/yxpdz826

https://tinyurl.com/y3hwxc9v

Page 7: Department of Education Edukasyon sa Pagpapakatao 1

7

Gawain 2

Basahin sa tulong at gabay ng magulang o

tagapagturo. Isulat sa tamang kahon ang mga

sumusunod na sitwasyon na nakasulat sa ibaba.

1. Pagsasauli ng sobrang sukli sa tindera.

2. Pagpapaalam sa magulang kung saan pupunta.

3.Pag-angkin ng pitaka o anumang gamit na napulot.

4. Pagsasabi ng totoo sa magulang at kapuwa.

5. Pagkuha ng naiwang gamit ng hindi sa iyo.

Tandaan

Ang pagiging tapat ay pagsasabi ng totoo, hindi

lang sa iyong sarili kundi maging sa iyong mga gawi at nais

gawin sa buhay. Marami ang nagtutuwa at nagmamahal

sa isang batang matapat. Ang pagiging matapat ay

maituturing na isang kayamanan na hindi napapalitan.

Page 8: Department of Education Edukasyon sa Pagpapakatao 1

8

Ito’y isang ugali na hindi lahat ay mayroon. Huwag

matakot magsasabi ng katotohanan. Maging matapat sa

lahat ng oras sa iyong sarili, sa pamilya, sa kapuwa at higit

sa lahat sa ating Panginoon.

Pag-alam sa mga Natutuhan

A. Magtala ng limang bagay na nagpapakita ng iyong

pagiging matapat sa iyong pamilya o kapwa. Isulat sa

loob ng hugis puso ang iyong sagot.

“Ako ay Batang Matapat”

Page 9: Department of Education Edukasyon sa Pagpapakatao 1

9

B. Panuto: Kulayan ng berde ang kung

nagsasaad ng katapatan at dilaw sa kung hindi.

1. Nagpaalam si Eric na pupunta sa bahay

ng kaklase para tapusin ang kanilang

proyekto ngunit naglalaro lamang siya ng

kompyuter.

2. Nakapulot ng pitaka si Leo. Binuksan niya

ito at nakilala niya ang may-ari. Ito ay

kanyang isinauli.

2. Nabasag ni Rona ang plato habang

naghuhugas. Itinapon niya agad ito sa

basurahan para hindi makita ng kanyang

ina.

3. Natamaan ni Bryan ng bola ang

kanyang kapatid. Humingi siya ng tawad

sa kanyang nagawa.

4. Humingi ng eksaktong pera si Lorraine sa

kanyang nanay upang ibili ng proyekto

nila sa Math.

Page 10: Department of Education Edukasyon sa Pagpapakatao 1

10

Pangwakas na Pagsusulit

Sa tulong at gabay ng magulang at tagapagturo, basahin

ang mga sumusunod na sitwasyon. Piliin at isulat ang letra

ng tamang sagot sa loob ng kahon.

1. Aksidenteng nabasag mo ang pinggan. Ano

ang gagawin mo?

A. Sasabihin ang totoo sa nanay.

B. Ililigpit ang nabasag na pinggan.

C. Magtago sa silid at umiyak lamang doon.

D. Sasabihing ang kapatid na bunso ang nakabasag.

2. Sobra ang naibigay na sukli sa iyo ng tindera. Ano

ang iyong gagawin?

A. Pababayaan na lamang ito.

B. Ibabalik sa tindera ang sukli.

C. Itatago ang sobrang sukli upang may baon.

D. Ibibigay sa kapatid upang makabili ng pagkain.

3. May napulot kang pitaka na may lamang pera.

Ano ang iyong gagawin?

A. Itago ito sa iyong bulsa.

B. Pabayaan na lamang ito.

C. Ibigay ito sa may-ari.

D. Ibigay ito sa iyong kaibigan.

Page 11: Department of Education Edukasyon sa Pagpapakatao 1

11

4. Nakita mo na nahulog ang pencil case ng iyong

kaklase habang papasok sa paaralan. Ano ang iyong

gagawin?

A. Pabayaan lamang ito.

B. Itago ito sa iyong bag at dumiretso sa paglalakad.

C. Sabihin sa kanya na nahulog ang kanyang baong pera.

D. Kunin ito at ibili ng pagkain sa kantina.

5. Niyaya ka ng iyong kalaro na pumunta sa parke

upang maglaro. Natatakot kang magpaalam sa iyong

tatay dahil bawal pinagbabawalan ka niya na pumunta

doon na walang kasamang matanda. Ano ang gagawin

mo?

A. Sabihin sa tatay na may tatapusin kayong aralin sa

bahay ng iyong kaklase.

B. Sabihin sa tatay ang totoong pupuntahan.

C. Sumama sa paglalaro sa parke.

D. Hindi sasama sa kalaro.

Page 12: Department of Education Edukasyon sa Pagpapakatao 1

12

Susi sa Pagwawasto

Sanggunian:

1. Most Essential Learning Competencies (MELCS)

2. ESP 1 Kagamitan ng Mag-aaral, pahina 116-124

3. Larawan ng bituin (Nakuha mula sa 3D Shapes-MS Word)

4. Larawan ng buwan (Nakuha mula sa 3D Shapes-MS Word)

5. Larawan ng puso (Nakuha mula sa 3D Shapes-MS Word)

6. Larawan ng kahon (Nakuha mula sa 3D Shapes-MS Word)

7. Google.com

https://tinyurl.com/yxjcjwg6 https://tinyurl.com/yxpdz826

https://tinyurl.com/y66bkysw https://tinyurl.com/yxvndpnl

https://tinyurl.com/y3hwxc9

Gawain 2

Matapat

1. Pagsasauli ng

sobrang sukli sa tindera.

2. Pagpapaalam sa

magulang kung saan

pupunta.

4. Pagsasabi ng totoo

sa magulang at

kapuwa.

Hindi tapat

3. Pag-angkin ng pitaka

o anumang gamit

na napulot.

5. Pagkuha ng naiwang

gamit ng hindi sa iyo.

Gawain 1

1.

2.

3.

4.

5.

Unang Pagsubok

A.

1. Oo

2. Oo

3. Oo

4. Oo

5. Oo

B.

1.

2.

3.

4.

5.

Balik-tanaw

1.

2.

3.

4.

5.

Gawain 1

4.

5.

6.

4.

5.

Pangwakas na Gawain

1. A 4. C

2. B 5. B

3. C