bag um bay an

16
th 8 INTERNATIONAL MATH AND SCIENCE OLYMPIAD Alo, bronze medalist ni: Nikka M. Hernandez Nag-uwi ng medalyang bronze si Kristiene Mae M. Alo sa kompetisyong 8th International Math and Science Olympiad (IMSO) na ginanap sa Camarines Sur, Naga City, Set. 2-6. Sumabak si Alo sa asignaturang Agham kung saan nakatanggap siya ng medalyang bronze. Kasama niyang dumalo sa nasabing kompetisyon si Gng. Evangelina Mercado, Superbisor sa Agham,Gng. Lorena M. Macahia, Pangalawang Gurong Tagapagsanay at iba pang mga batang kalahok bilang kinatawan ng Tanauan City. Nilahukan ang nasabing kompetisyon ng mga delegasyon mula sa 13 bansa sa Asya. Kabilang sa mga lumahok ay mula sa China, India, Iran, Malaysia, Nepal, Singapore, Sri Lanka, Thailand, Taiwan, Hongkong, Indonesia, Pakistan at Pilipinas. Si Alo ay hinasa ng kanyang Gurong Tagapagsanay, Gng. Rowena G. Batuhan. RETIRADONG PUNUNGGURO Mabuyo, binigyang parangal “Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na ito.” Ito ang namutawi sa labi ni Gng. Elena O. Mabuyo, punungguro ng Bagumbayan Elementary School nang bigyan siya ng parangal, BES, Agosto 18. “Hindi ko mapigilan ang pagluha, labis ninyo ako ng pinaligaya”, nasabi pa ng retiradong punungguro. Tuluyang nagpaalam sa paglilingkod ang punungguro sa edad niyang 63. Ang sorpresang palatuntunan ay bilang pagpaparangal sa kaniya kasabay na rin ang pagdiriwang ng kanyang kaarawan. “Likas lamang talaga akong tahimik at hindi palakibo” dagdag pa niya. Nabanggit ito ng punungguro bilang paghingi ng paumanhin kung sakali mang may mga tao siyang hindi napapansin kung minsan. “Ipagpatuloy nawa ninyo ang mahusay ninyong pagtuturo at pagtutulungan sa ating paaralan,” pagwawakas niya. ni: Lei Ann A. Salcedo Sinag OPISYAL NA PAHAYAGAN NG PAARALANG ELEMENTARYA NG BAGUMBAYAN Bagumbayan, Tanauan City, Batangas TAON XIII BLG. 1 HUNYO-OKTUBRE 2011 Obniala, unang pwesto sa Mathrathon Nanguna si Joshua Khian C. Obniala, nasa unang baitang sa Pansangay na kompetisyon sa Mathrathon na ginanap sa Paaralang Sentral ng Timog Tanauan, Set. 20. Lumahok sa nasabing paligsahan ang mga nanalo sa iba pang distrito gayundin ang mga batang nanalo sa pribadong paaralan. Mula sa apat na purok kabilang na ang pribadong paaralan kinuha ang pinakamataas na iskor at ginawaran ng sertipiko ng parangal nang araw ding iyon. Si Obniala ay tinuruan ng kanyang Gurong Tagapagsanay na si Gng. Abdolia M. Gonzaga. Staffers, kampeon sa District Presscon ni: Angela D. Mendenilla ni: Jean Lady Anne A. Juarez Lumahok ang Paaralang Elementarya ng Bagumbayan sa District Press Conference na ginanap sa Paaralang Sentral ng Timog Tanauan, Set. 17. Tinanghal na over-all champion sa Kategoryang Filipino at naka-tie naman ang paaralan sa Santor sa Kategoryang Ingles. Humakot ng panalo ang mga batang mamamahayag sa parehong kategorya. Kabilang sa naiuwing panalo sa Kategoryang Ingles ay ang 1st place ni Jean Lady Anne Juarez sa News Writing, Ma. Valerie Magpantay sa Feature at John Carlo De Torres sa Editorial Cartooning. Second placer naman si Kristiene Mae Alo sa Editorial rd Writing at 3 place si Mc Devin Joshua Juarez sa Sports. Sa Kategoryang Filipino st naman ay 1 place sina Princess Jane Ricablanca sa Editorial Writing, Kathleen Mae De Guzman sa Sports at Crissa Dancalan sa Photojourn/ Lay- nd outing. Nagwagi bilang 2 place si Abygail Dulay sa rd Editorial Cartooning, 3 place sina Nicole Bagaforo sa Copy Reading/Headline Writing at Kristel Pangilinan sa Feature, th samantalang 6 place naman si Nikka Hernandez sa News. Lalahok ang mga batang mamamahayag sa gaganaping Division Schools Press Conference(DSPC) sa Oktubre. MGA NILALAMAN p.2 p.3 p.15 p.16 IPAGMALAKI. Si Kristiene Mae at iba pang kinatawan ng bansa sa pagsisimula ng IMSO. EMOSYONAL. Ang mga guro habang umaawit ng ‘Happy Birthday’ para kay Gng. Mabuyo.

Upload: sampaguitar7166

Post on 24-Apr-2015

813 views

Category:

Documents


1 download

TRANSCRIPT

Page 1: Bag Um Bay An

th8 INTERNATIONAL MATH AND SCIENCE OLYMPIAD

Alo, bronze medalistni: Nikka M. Hernandez

Nag-uwi ng medalyang bronze si Kristiene Mae M. Alo sa kompetisyong 8th International Math and Science Olympiad (IMSO) na ginanap sa Camarines Sur, Naga City, Set. 2-6.

Sumabak si Alo sa asignaturang Agham kung saan nakatanggap siya ng medalyang bronze. Kasama niyang dumalo sa nasabing kompetisyon si Gng. E v a n g e l i n a M e r c a d o , Superbisor sa Agham,Gng. L o r e n a M . M a c a h i a , P a n g a l a w a n g G u r o n g Tagapagsanay at iba pang mga batang kalahok bi lang kinatawan ng Tanauan City.

Nilahukan ang nasabing k o m p e t i s y o n n g m g a delegasyon mula sa 13 bansa sa Asya. Kabilang sa mga lumahok ay mula sa China, India, Iran, Malaysia, Nepal, Singapore, Sri Lanka, Thailand, Taiwan, Hongkong, Indonesia, Pakistan at Pilipinas.

Si Alo ay hinasa ng k a n y a n g G u r o n g Tagapagsanay, Gng. Rowena G. Batuhan.

RETIRADONG PUNUNGGURO

Mabuyo, binigyang parangal

“Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na ito.” Ito ang namutawi sa labi ni Gng. Elena O. Mabuyo, punungguro ng Bagumbayan Elementary School nang bigyan siya ng parangal, BES, Agosto 18.

“Hindi ko mapigilan ang pagluha, labis ninyo ako ng pinaligaya”, nasabi pa ng retiradong punungguro.

Tuluyang nagpaalam sa paglilingkod ang punungguro sa edad niyang 63. Ang sorpresang palatuntunan ay bilang pagpaparangal sa kaniya kasabay na rin ang pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

“Likas lamang talaga

akong tahimik at hindi palakibo” dagdag pa niya.

N a b a n g g i t i t o n g punungguro bilang paghingi ng paumanhin kung sakali mang may mga tao siyang hindi napapansin kung minsan.

“Ipagpatuloy nawa ninyo a n g m a h u s a y n i n y o n g pagtuturo at pagtutulungan sa ating paaralan,” pagwawakas niya.

ni: Lei Ann A. Salcedo

SinagOPISYAL NA PAHAYAGAN NG PAARALANG ELEMENTARYA NG BAGUMBAYAN

Bagumbayan, Tanauan City, Batangas

TAON XIII BLG. 1 HUNYO-OKTUBRE 2011

Obniala, unang pwesto sa MathrathonNanguna si Joshua Khian C. Obniala, nasa unang

baitang sa Pansangay na kompetisyon sa Mathrathon na ginanap sa Paaralang Sentral ng Timog Tanauan, Set. 20.

Lumahok sa nasabing paligsahan ang mga nanalo sa iba pang distrito gayundin ang mga batang nanalo sa pribadong paaralan. Mula sa apat na purok kabilang na ang pribadong p a a r a l a n k i n u h a a n g

pinakamataas na iskor at ginawaran ng sertipiko ng parangal nang araw ding iyon.

Si Obniala ay tinuruan ng kanyang Gurong Tagapagsanay na si Gng. Abdolia M. Gonzaga.

Staffers, kampeon sa District Pressconni: Angela D. Mendenilla

ni: Jean Lady Anne A. JuarezLumahok ang Paaralang Elementarya ng

Bagumbayan sa District Press Conference na ginanap sa Paaralang Sentral ng Timog Tanauan, Set. 17.

Tinanghal na over-all champion sa Kategoryang Filipino at naka-tie naman ang paara lan sa Santor sa Kategoryang Ingles. Humakot ng panalo ang mga batang mamamahayag sa parehong kategorya.

Kabilang sa naiuwing panalo sa Kategoryang Ingles ay ang 1st place ni Jean Lady Anne Juarez sa News Writing, Ma. Valerie Magpantay sa Feature at John Carlo De Torres sa Editorial Cartooning. Second placer naman si Kristiene Mae Alo sa Editorial

rdWriting at 3 place si Mc Devin Joshua Juarez sa Sports.

Sa Kategoryang Filipino st

naman ay 1 place sina Princess Jane Ricablanca sa Editorial Writing, Kathleen Mae De Guzman sa Sports at Crissa Dancalan sa Photojourn/ Lay-

ndouting. Nagwagi bilang 2 place si Abygail Dulay sa

rdEditorial Cartooning, 3 place sina Nicole Bagaforo sa Copy Reading/Headline Writing at Kristel Pangilinan sa Feature,

thsamantalang 6 place naman si Nikka Hernandez sa News.

Lalahok ang mga batang mamamahayag sa gaganaping Division Schools Press C o n f e r e n c e ( D S P C ) s a Oktubre.

MGA NILALAMAN

p.2 p.3

p.15 p.16

IPAGMALAKI. Si Kristiene Mae at iba pang kinatawan ng bansa sa pagsisimula ng IMSO.

EMOSYONAL. Ang mga guro habang umaawit ng ‘Happy Birthday’ para kay Gng. Mabuyo.

Page 2: Bag Um Bay An

Samahan ng KALIPI, nakiisa

Dala ang mga walis – tingting, pandakot at kalaykay, nakiisa ang mga miyembro ng Kalipunan ng Liping Pilipina ( KALIPI ) ng Barangay Bagumbayan sa Operasyon Linis, Agosto 30.

ni: Gem P. Bandojo

Ang paglilinis ng daan , kapaligiran at mga kanal ay handog nila sa pamayanan upang makaiwas sa mga sakit tulad ng dengue.

S a p a n g u n g u n a n g kanilang pinuno na si Gng. Noemi Javier ay winalis nila ang mga basurang nakabara sa mga kanal. Dinakot din nila ang mga ito at isinilid sa mga

sako upang hindi na muling kumalat sa daan. Inilagay nila ang mga ito sa lugar na madadaanan ng trak na kukulekta sa basura.

“ Kahit mahirap ang ginawa natin ay sulit naman dahil nakatulong naman tayo sa ating mga kababaryo,” wika ni Gng. Malou Carandang, kasapi ng samahan.

RSPC, gaganapinGaganapin ang Regional Schools Press Conference

(RSPC) 2011 sa Lucena City na may temang 'Promoting Digital Literacy Through Campus Journalism', Dec. 3-7.

Bilang paghahanda sa m g a m a n u n u l a t n a kakatawan sa ibat ibang sangay ng Region IV-CALABARZON para sa Panrehiyon na paligsahan, n a g d a r a o s n g m g a pagsasanay ang bawat

sangay upang mapaghandaan ang nasabing paligsahan.

Pangungunahan ang nasabing kompetisyon ni Dr. Anac le ta M. Cab igao , P u n o n g - Ta g a p a y o s a Pamamahayag, Sangay ng Tanauan City.

Mga batang kulang sa timbang, sinuportahan

Isandaan at apatnapu't walong (148) mag-aaral ang natutulungan sa isinasagawang Supplementary Feeding Program sa Paaralang Elementarya ng Bagumbayan.

Pinakakain ng mga mayaman sa karbohaydrata at mabitaminang pagkain ang mga mag-aaral na kulang sa timbang upang maging malusog at maiiwas sa anumang sakit na dulot ng malnutrisyon.

“Napakalaking tulong ng programang ito para sa

anak kong napakamapili sa pagkain. Sana ipagpatuloy ito dahil maraming bata ang nakikinabang”, sabi ng isang magulang.

Pinangungunahan ni Gng. Rebelyn C. Cabral, guro ng H.E. at tagapayo ng b a w a t s e k s y o n a n g pagpapakain.

ni: Jean Lady Anne A. Juarez

ni: Lei Anne A. Salcedo

ni: Nikka M. Hernandez

Austria, Imperial, nakilahok sa ULTRANakilahok sina G. Alejandro C. Austria at Bb.

Marilyn P. Imperial, mga guro sa Paaralang Elementarya ng Bagumbayan sa naganap na World Teachers' Day , ULTRA, Okt. 5.

Si Austria ay naging tagapagsanay kasama ng isa pang guro , G. Xander Castillo. Sinanay nila ang 32 guro para sa cheering bilang espesyal na bilang habang ipinakikilala ang bawat rehiyon nang nasabing okasyon.

Samantala, isa sa mga nasabing guro na sinanay ay si Imperial, kasama ng iba pang guro at ang pamunuan ng dibisyon ng lungsod. Sila ay umalis ng ganap na ika- 3 n.u. nang araw na iyon.

Sinaksihan nila ang mga bilang ng palatuntunang inihanda. Maraming naging panauhin. Kabilang na rito ang mga artistang sina Anne Curtis, Ogie Alcasid , Sam Milby. Sam Concepcion at iba pa.

Ang pagdalong ito ay i n a a s a h a n g m a g i g i n g inspirasyon upang ibahagi ng dalawang guro sa iba pang mga guro ang karanasan at a n g m g a p o s i t i b o n g pagpapahalaga para sa mga gurong katulad nila.

Enscima training, dinaluhan ng mga guro

Sa ikalawang pagkakataon, muling ginanap ang Enscima training sa Lungsod ng Tanauan, Mayo 2-14.

Pinamunuan ang nasabing pagsasanay ng City School Board sa pangunguna ni Kagalang-galang Mayor Sonia Torres- Aquino sa pakikipag-koordinasyon nito sa pamunuan ng Dela Salle University, Taft, Manila.

S a m a n t a l a , nakipagtulungan naman ang mga Pansangay na Tagamasid na sina Dr. Anacleta M. Cabigao sa Ingles, Gng. Gundalina

Gonzales sa Matematika at Gng. Evangelina Mercado sa Agham.

Layunin ng nasabing pagsasanay na paigtingin at madagdagan ang kaalaman ng mga guro .

Ginanap ang pambungad at pangwakas na palatuntunan sa n a s a b i n g u n i b e r s i d a d . Samantalang ang mga nalabing mga araw ay ginugol naman sa Tanauan para sa aktuwal na pagsasanay.

ni: Angela D. Mendenilla

2BalitaWORLD TEACHERS’ DAY

NAKIISA. Ang mga guro sa Tanauan ay lumahok sa selebrasyon sa ULTRA

TULUNG-TULONG. Nagkaisang maglinis ang samahan sa pamayanan.

NAGSASANAY. Nag-uusap-usap ang mga guro para sa gagawing aktibidad sa Matematika.

Page 3: Bag Um Bay An

Wikang Filipino, pinagyaman

Kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa na itinakda ng Proklamasyon Blg. 1041, nagdaos ang Paaralang Elementarya ng Bagumbayan ng palatuntunan na may paksang-diwang ' Ang Filipino ay Wikang Panlahat, Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landas'.

Para sa isang buwang pagdiriwang, ang paksa ay hinati-hati sa bawat lingo ng Agosto. Iba't ibang gawain an g a n g i n i h a n d a b i l a n g pagtugon sa memorandum ng kagawaran. Isinakatuparan ang mga gawain tulad ng pagsusulat ng pormal at di-pormal tungkol sa paksa at p a g d a r a o s n g m g a palatuntunan.

Naging bahagi rin ng programa ang pagtatanghal

ng Lakan at Lakambini ng Wi k a . N a g p a m a l a s n g angking galling sa pag-awit, pagtula, pagsayaw at pag-arte ang mga mag-aaral sa iba't ibang baiting. Itinanghal na Lakan ng Wika si Bjorn Castillo at Lakmbini ng Wika si Princess Ricablanca.

Si Gng. Juan M. Ondo, gurong tagapag-ugnay sa Filipino ang namahala sa isang buwang pagdiriwang ng Buwan ng Wika.

ni: Gem P. Bandojo

Curfew sa Barangay, ipinatupadni: Nikka M. Hernandez

Bunsod ng maraming reklamo ng mga magulang sa pag-uwi ng kanilang mga anak sa gabi, nagpatupad ang Pamunuan ng Barangay ng Bagumbayan ng curfew sa pamamagitan ng kanilang Ordinansa Blg. 602-2011 mula noong Okt. 1.

Ito ay naglalayon na maiwasan ang pag-uwi ng mga kabataan na may edad 18 pababa sa kani-kanilang bahay ng wala sa oras. Ang curfew ay mula ika-sampu ng gabi hanggang ikaapat ng

3Balita

umaga.Ayon sa pamunuan ng

barangay ang sinumang lumabag sa kautusan ay may nakalaang parusa at layunin lamang nila ang kabutihan ng mga kabataan.

Araw ng mga Guro, ginunitani: Angela D. Mendevilla

Sa layuning bigyang pagkilala ang kontribusyon ng mga guro sa lipunan at sa kauna-unahan ding pagkakataon, ginunita ang pagdiriwang ng World Teachers' Day sa buong Sangay ng Tanauan, Okt. 4.

S i n i m u l a n a n g pagdiriwang ng isang parada kasama ang lahat ng mga guro s a p a m p u b l i k o a t pampribadong paaralan sa Sangay ng Tanauan. Sinundan ito ng isang palatuntunan na isinagawa sa Gym 1, Tanauan City hall.

Dinaluhan ang nasabing programa nina Congressman Sonny Collantes, Mayor Sonia Torres- Aquino, Vice Mayor Julius Ceasar Platon, Chairman ng Edukasyon Atty. Epimaco Magpantay at iba pang mga konsehal sa lungsod.

Sinuportahan din ito ng S c h o o l s D i v i s i o n

Superintendent, Dr. Corazon B. Ocampo at mga Tagamasid ng Sangay ng Tanauan sa pangunguna ng Punong Abala sa gawain na si Dr. Anacleta M. Cabigao, Superbisor sa Ingles. Ang nasabing aktibidad ay programa ng Kagawaran ng Edukasyon upang mabigyang parangal ang mga guro sa lungsod pati na rin ang mga retiradong mga guro.

“Nararapat lamang na bigyang-kahalagahan ang ating mga guro dahil sa kanilang hindi matatawarang ambag sa kinabukasan ng mga kabataan”, wika ni Dr. C a b i g a o s a k a n y a n g talumpati..

Lakbay-aral, tagumpay na naisagawa

Pitumpu't tatlong mga mag-aaral sa Ikaanim na Baitang ng BES ang nabigayan ng pagkakataon na makapunta sa ilang lugar sa Lungsod ng Tanauan, Setyembre 6.

Sa pagtutulungan ng Deped- Tanauan City at ng pamahalaan ng Lungsod ng Ta n a u a n p a t u l o y n a isinasakatuparan ang lakbay-aral ng mga mag-aaral bilang bahagi ng paggunita sa ika-147 kaarawan ni Gat Apolinario Mabini.

Ilan sa mga pinuntahan ng mga mag-aaral ay ang Tanauan City Hall, Jose P. Laurel Ancestral House, Museo ng Tanauan, Tanauan City Library,

Hacienda Darasa at Mabini Shrine.

Nagkaroon muna ng orientasyon at pagtalakay tungkol sa Lungsod ng Tanauan na ginanap sa Gym I sa pangunguna ni Gng. Remie A z u l b a g o h i n a y a a n g mapuntahan ang mga nasabing lugar. Gayundin, tinalakay ni Gng. Olga Palacay ang talambuhay ni Gat Apolinario Mabini bago naglibot ang mga bata sa Mabini Shrine.

ni: Jean Lady Anne A. Juarez

PAGYAMANIN. Nagpapamalas ang mga mag-aaral ng katutubong sayaw.

IPAALAM. Nakikinig ang mga mag-aaral habang inaanunsyo ang curfew ng pamunuan ng barangay.

Dulay, nag-uwi ng ikatlong pwesto

Nag-uwi ng ikatlong pwesto si Abygail B. Dulay, mag-aaral sa ikalimang baitang sa katatapos na ‘Regional Level of the 2011 World Food Day Nationwide On- The-Spot Poster Making Contest, Lungsod ng Calamba, Set. 30.

Layunin ng nasabing pagsasanay na maimulat ang mga kabataan sa kakaiba at malikhaing kontribusyon upang mabigyan ng solusyon ang suliraning hinaharap ng ating bansa hinggil sa kahirapan sa buhay, sa m a l n u t r i s y o n a t s a

pagkagutom sa pamamagitan ng pagguhit.

Iba-ibang sangay ay lumahok sa timpalak at nagpakita ng kani-kanilang kakayahan at kahusayan sa pagguhit gamit ang mga bagay na may kaugnayan sa agrikultura at industriya.

ni: Lei Anne A. Salcedo

PAHALAGAHAN. Kinilala ang mga guro bilang tagapagtaguyod ng edukasyon.

Page 4: Bag Um Bay An

EDITORYAL

Piliin ang nararapat Sa Pilipinas, kontrobersyal ang Reproductive Health Bill (RH Bill) dahil ito ay di sinasang-ayunan ng maraming mananampalataya lalo na ang Simbahang Katoliko . Hanggang sa ngayon ay pinag- uusapan pa rin ang naturang batas .

Kung pag-aaralan, may kabutihan at di kabutihang naidudulot ang RH Bill.

Noong taong 2000, ang populasyon ng Pilipinas ay umabot sa 90M. Inaasahang ito ay madagdagan pa sa mga susunod na taon. Mapipigilan ang mabilis na paglaki ng bilang ng mga tao sa tulong ng RH Bill.

Ang batas na ito ay magtuturo sa bawat pamilyang Pilipino ng wastong paraan sa pagpaplano ng pamilya . Mababawasan ang bilang ng mga namamatay sa panganaganak dulot ng kakulangan ng kaalaman sa pagbubuntis.

Ang bahagdan ng kahirapan ay tiyak na malilimitahan sapagkat ang distribusyon ng tulong na ipamamahagi ng pamahalan ay sasapat. Uunlad ng bahagya ang ekonomiya ng bansa kung maipapatupad ang batas. Maraming makakapag-aral, magkakahanapbuhay at mabibigyan ng wastong pangangalaga ang mga mamamayan tungkol sa kalusugan.

Gayun pa man, di rin maipagkakaila na ang pag inom o paggamit ng artipisyal na medisina upang maiwasan ang pagdadalantao ay may masamang dulot sa kalusugan ng sinumang gagamit nito sapagkat ang pills, IUD, condom at maraming pang iba ay may mga kemikal na nilalaman na makasasama sa gumagamit nito.

Kailangan lamang maipabatid sa bawat mag-asawa ang responsableng pagpapamilya.

Matuloy man o hindi ang pagsasabatas ng Reproductive Health Bill, ang bawat mamamayang Pilipino ay malayang makapamili kung ano ang makakabuti at mas tamang gawin sa pagpaplano ng pamilya.

Limitahan ang paggamitHindi man maitatanggi na ang panahon

ay patuloy sa pagbabago dulot ng mga imbensyong magpapadali, maglilibang, magpapaginhawa at magsusulong tungo sa pag-unlad, malaki pa ring bahagi ang ginagampanan ng mga magulang upang ang pagkalulong ng mga kabataan sa paggamit ng mga makabagong gadyets ay magkakaroon ng limitasyon.

Sa panahong ito ay hindi lamang mayayamang magulang ang nagagawang ibili ng laptop, cellphone, PSP,digicam, i-pad at iba't iba pang mga modernisadong kagamitan ang kanilang mga anak. Sa kagustuhan ng sinumang magulang na maisunod ang kanilang anak sa bilis, ginhawa at bilang dulot ng mga gamit na nabanggit, kahit mga pangkaraniwang magulang ay naibibili na rin ang kanilang mga anak ng mga bagay na ito.

Subalit hinihikayat ng paaralan ang mga magulang upang sila ang gumabay sa mga kabataan upang ang paggamit ng mga gadyets na nabanggit ay hindi mauwi sa bisyo. Nararapat lamang na bigyan nila ng limitasyon ang oras ng paggamit ng mga kabataan. Nararapat lamang na matiyak ng bawat magulang na ang mga kagamitang bunga ng makabago at umuunlad na lipunan ay magamit lamang ng mga kabataan upang maisagawa ang kanilng mga takdang-aralin sa paaralan.

Disiplina... .disiplina... . . . . at disiplina ang kailangang maisagawa ng mga tahanan hinggil sa ekposyur ng mga kabataan sa makabago at naka-aaliw na mga kagamitang teknolohiya. Kung hindi ito gagawin, malamang na malibang ng husto ang mga kabataan hanggang sa malulong at maging bisyo na sa kanila ang paggamit sa mga ito.

Kung magagawa naman ito ng lubos, matitiyak na ang mga kagamitang ito ay sadyang magiging kapaki-pakinabang na gaya ng dahilan kung bakit ang mga ito ay tinuklas at ginawa.

4Opinyon

KRISTIENE MAE M. ALOPunong Patnugot

MA. VALERIE P. MAGPANTAYIkalawang Patnugot

JEAN LADY ANNE A. JUAREZLEI ANNE A. SALCEDO

NIKKA M. HERNANDEZANGELA D. MENDENILLA

OPISYAL NA PAHAYAGAN NG PAARALANG ELEMENTARYA NG BAGUMBAYAN

Bagumbayan, Tanauan City, Batangas

GEM P. BANDOJOTagapagbalita

KRISHA MAE C. PIAMONTEROSELYNE M. CARANDANG

KRISTEL M. PANGILINANPRINCESS JANE D. RICABLANCA

ERICA P. NAZARETHLathalain

EDMARK P. OPULENCIAANDREW ERICKSON B. GUIANG

MC DEVIN JOSHUA A. JUAREZKATHLEEN MAE A. DE GUZMAN

NICOLE P. BAGAFOROPalakasan

ABYGAIL M. DULAYALLIZA P. MILITAR

JOHN CARLO A. DE TORRESCRISS D. DANCALAN

Tagaguhit

ROMA CECILIA M. ARMENTAALEJANDRO C. AUSTRIA

JUANA M. ONDOANA RIZIE B. ORUGA

JUANITA L. PAMPLONAMga Gurong Tagapayo

MARIA LINDA P. OPULENCIAVIVIAN L. PETRASANTA

Konsultant

ELENA O. MABUYOPunungguro

Page 5: Bag Um Bay An

RATSADA

Sa gatas ng ina, may sustansiya

Sa pamamagitan ng Atas ng Pangulo bilang 491 ay naipabatid sa mga mamamayan higit sa mga ina at anak ang kahalagahan ng gatas ng ina sa mga sanggol.

Isulong ang Breastfeeding-Tama, Sapat at Eksklusibo(TSEK) ang naging tema ng buwan ng nutrisyon. Marami ang sumang-ayon na higit na kailangan ng mga sanggol ang gatas ng ina.

Ito ay isang paraan upang makatipid ang isang pamilya at magkaroon ng wastong nutrisyon.

Maiiwasan ang iba't ibang karamdaman mula pagkabata na isa sa nagiging hadlang sa pagkakaroon ng matalas na kaisipan.

Lahat ng bagay ay makakamit kung susunod tayo sa mga tamang panuntunan sa buhay at mga payo ng mga taong higit na nakakaalam sapagkat ika nga “Ang kalusugan ay kayamanan.”

Liham sa PatnugotMahal na Patnugot,

Magandang araw po sa inyo!Kapansin-pansin ang patuloy na pag-unlad

ng paaralan sa larangan ng kompetisyon. Matagumpay na naiuwi ng mga kalahok ang karangalan sa pagpupunyagi sa pagsali sa mga contest, pang-isports man o pang-akademiko.

Nais ko pong ipaabot sa pamamagitan ng inyong pitak ang pagbati sa pamunuan ng paaralan, mga guro at mga mag-aaral sa pananatili bilang isa sa mga paaralang nahirang bilang Performing Schools.

Gumagalang, Gng. Liza P. Militar

Mahal kong Gng. Militar, Natutuwa po kami sa patuloy ninyong pagsuporta sa ating paaralan. Makaaasa po kayo na ang inyong pagbati ay makakarating sa kinauukulan.

Marami rin pong salamat sa walang sawa ninyo pagtangkilik sa ating pahayagan at pagtitiwala sa patnugutan ng Sinag.

Pagpalain po kayo ng Poong Maykapal.

Patnugot

ni: Crissa D. Dancalan

KOMENTARYOni: Kristiene Mae M. Alo

Panahon na naman ng dengue. Parang sanay na tayong makarinig ng balita tungkol dito. Ngunit dapat pa rin tayong umalerto. Hindi dapat binabalewala ang pagkakataong dumating ito.

Ngunit marunong na nga ang mga tao ngayon. Dahil na rin sa malawakang programa ng Department of Health (DOH) kung ano ang dapat gawin sa ganitong sakit, madali ng nabibigyang lunas at naiiwasan na ang pagdapo ng Dengue. Kaakibat din dito ang pamahalaang lokal at komunidad sa pagtutulungan sa patuloy na paglilinis ng mga kanal at estero na siyang pinamumuguran ng nakamamatay na lamok.

Kasiya-siya ang pagkakaisa at pagtutulungan ng mga mamamayan. Sa palagay namin, natuto na ang ating mga kababayan at patuloy na ang pangangalaga sa ating kapaligiran.

TUTOKni: Ma. Valerie P. Magpantay

Famealy day ng mga PilipinoKaramihan sa pamilyang Pilipino ay parehong

naghahanapbuhay ang ama at ina upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga anak. Sa kadahilanang ito , lubhang nagiging abala ang mga magulang sa kanilang mga gawain .

Subalit hindi ito sapat upang magkahiwa-hiwalay ang mga kasapi ng pamilya. Hindi pa rin nila nalilimutan ang matandang kaugalian na nararapat na magkasalo-salo sa oras ng pagkain. Dahil dito, nagkakaroon ng oras na mapag-usapan ang mga bagay na mahahalaga at pagbibigay ng payo sa mga anak upang hindi maligaw ng landas.

Kung lagi lamang itong isasagawa makakatiyak ang lahat na ang pamilyang Pilipino ay mananatiling matatag kaya laging tutukan ang ganitong gawain.

ISANG PAALALA

5Opinyon

Pagkakapit-kamay Magtipid…..Ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo ay

lubos na nagpapahirap at dagdag pasakit sa mga mamamayan.

Dahil dito ay nangangailangan na maghigpit ng sinturon para magkasya ang pera sa mga gastusin. Alam nating lahat na kapag nadagdagan ang presyo ng langis ay kaakibat ang karagdagang halaga ng pangunahing bilihin.

Maging ang ibang bagay na kailangan sa bahay, pangangatawan, at mga kagamitang hinggil sa edukasyon kasama na ang mga bayarin sa paaralan ay kasabay sa pagtaas kaya nadadagdagan din ang alalahanin ng mga mamamayan lalo’t higit sa mga magulang na apektado sa ganitong suliranin.

Kaya nangangailangan tayo ng lubusang pagtitipid upang kahit na maliit ang badyet ay mapagkasya at matugunan ang ating mga pangangailangan.

ni: Gem P. Bandojo

Page 6: Bag Um Bay An

PULSODahil sa patuloy na pagkasira ng ating kalikasan,

nagpatupad si Pang. Benigno Aquino ng Executive Order No. 23 na naglalayon na maibalik sa dating sigla at ganda ang ating bansa. Hiningi namin ang opinyon ng ilan sa mga mag-aaral kung ano ang masasabi nila ukol dito. Ito ang kanilang pahayag.

“Para sa akin, makabubuti ito sa ating bansa dahil maiiwasan na ang pagbabaha. Alam naman natin na ito ay dulot ng pagpuputol ng mga puno”..Benedict P. Pamplona, Gr. VI-A

“Kung maisasagawa agad ito, masasagip din ang ating mga yamang-tubig. Maraming mga kababayan natin na pangingisda ang ikinabubuhay.” William F. Manzanilla, Gr. IV-C

“Makakaligo na ulit ako sa ilog kapag nalinis na ito ng tuluyan”.

Jenina Mae C. Jallores, Gr. V-A

“Magiging luntian na ulit ang kabundukan at magiging maganda na ulit tingnan”

Ivan Jay G. Lanting, Gr. VI-A

“Maipagmamalaki na ulit natin sa buong mundo ang natural na yaman ng ating bansa”

Dan Rhoel M. Tanyag, Gr. V-A

“Patuloy na mapoprotektahan ang pagkasira ng ating ozone layer.”

Rosan M. Parducho, Gr. V-B

AKSYON

PAGBULAY-BULAY

Ang mundo ay punung-puno na ng mga makabagong teknolohiya. Saan man ay makikita at mararamdaman ang modernong agham. Subalit sa kabila ng lahat ng mga pagbabagong dulot ng iba't ibang imbensyon, higit pa ring dapat manaig ang pundasyong naitatag sa bawat kabataan ng kaniyang mga magulang at mga guro.

Hindi pa rin maigugupo ng alinmang modernong kagamitan ang mga pagpapahalaga na naimulat ng mga magulang mula sa kamusmusan ng isang kabataan. Dapat manatiling masunurin, masipag, mapagmahal, magalang at maalalahanin sa tuwina. Ito ang mga naituro ng mga butihing magulang. Panatilihin ang wastong disiplina sa pag-aaral, kasipagan, pagsunod sa alituntunin at pagtupad sa mga pangako. Ito ang mga naituro ng mga guro. Sadyang anumang teknolohiya at modernisadong agham ay dapat gamitin lamang tungo sa pag-unlad at hindi upang mababago ang mabuting pag-uugali ninuman.

Dating kaugalian, huwagkalimutan

ALAMIN NATIN

IDOL KITA

Siya'y isang guro na hinahangaan ng mga mag-aaral na katulad ko. Simpleng tao, may dedikasyon sa trabaho at propesyonal.

Wala siyang sinasayang na sandali sa pagtatrabaho. Sa umaga, makikita siya sa gitna ng ground ng paaralan, pag hindi siya magmo-mower, manu-mano niyang pinuputol ang mga damo. Nagtatanim ng iba’t ibang uri ng gulay, may alagang bibe at iba pa. Maging ang mga basura sa paaralan inaayos din niya. Pag dumating ang oras ng klase niya, magtuturo naman siya. Ganoon ang routine niya araw-araw. Kapag may dapat i-repair sa paaralan andiyan na siya. Iyan si SIR JULIAN S. MAGPANTAY. Marunong din siyang tumingin sa pangangailangan ng mga kapwa ko mag-aaral. Nagpapayo sa amin kung ano ang kahalagahan ng pag-aaral.

Kaya naman ngayong Buwan ng mga Guro, si Sir Magpantay ang nagwaging Most Beloved Teacher. Nakita namin ang kabutihan niya. Itinuturing namin siyang pangalawang ama.

Most Beloved Teacher

6Opinyon

Tagumpay na ProyektoIsang tagumpay na proyekto ang pagsasaayos ng

bubong ng gym ng Paaralang Elementarya ng Bagumbayan at bintana ng silid-aralan ng Grade IV-B.

Pawang papuri ang ibinigay ng mga guro at magulang sa pamunuan ng lokal na pamahalaan ng Tanauan.

Naisagawa ang proyekto sa pamamagitan ng budget mula sa City School Board na ipinagkakaloob sa mga paaralan sa lungsod.

Hindi na rin mababasa ang sahig ng entablado tuwing uulan dahil wala ng butas ang bubong nito. malaking tulong ito kapag may gaganaping palatuntunan ang paaralan.

Labis na katuwaan lalo na ng mga bata dahil hindi na sila mangangamba na mabagsakan ng bubong at bintana.

Nawa ay magtuloy-tuloy ang ganitong proyekto at huwag magsawa sa pagsuporta sa mga paaralan ang lokal na pamahalaan.

Iwasan ang Junk FoodKapansin-pansin sa mga kabataan ngayon ang pagkahilig

sa pagkain ng 'junk food'. May kakaiba kasing lasa na parang hinahanap-hanap. Ngunit ano nga ba ang 'junk food'? Ito ay mga sitsirya o pagkaing walang nakukuhang nutrisyon at sustansya. Sa literal na kahulugan nito, patapong pagkain ang ibig sabihin.

Alam ba natin na sa patuloy na pagkain nito ay posible tayong magkasakit? Hindi nga ba't may naririnig tayong naospital dahil sa Urinary Track Infection (UTI) o sakit sa bato? Hindi gugustuhin ng ating mga magulang na mangyari ito. Huwag na nating hintayin.

Masustansyang pagkain gaya ng mga gulay, prutas, tinapay at iba pang mga pagkaing mayaman sa protina, bitamina at mineral ang ating kainin. Nakapagpapalusog na, nakapagpapaganda pa ng katawan. Iwasan ang 'junk food'.

ni: Mc Devin Joshua A. Suarez

ni: Nicole P. Bagaforo

ni: Alizza P. Militar

ni: Roselyne M. Carandang

Page 7: Bag Um Bay An

TINAPAY

NG

BUHAY

TINAPAY

NG

BUHAY

Malinaw na sinasabi ko, Hangga’t ginagawa ko ito sa iyo sa huling hininga ng aking buhay, ay gagawin mo din ito para sa akin at sa ibang tao.... Mt. 25:40

Ako ba ay nakatulong sa mga nangangailangan? Pinasaya ko ba ang mga nalulungkot? May ginawa na ba akong kabutihan sa mundong aking ginagalawan?

Ito ang mga katanungang m a d a l a s k u n g u l i t - u l i t i n . K a t a n u n g a n g s u m a i s i p a t napatunayang ako ay nabuhay sa isang magandang dahilan. Dahilan para tulungan ang aking kapwa na makita ang kagandahan ng buhay. Sa kabila ng mga kabiguan ay may mga pagkakataon pa rin na naghihintay tungo sa magandang bukas.

May mga pagkakataon para sa gawain . Maging mahalaga tayong instrumento ng bawat nilalang tungo sa pagiging mas mabuti at kapaki-pakinabang na tao. Katulad ng lagi nating inaasahan, oportunidad o pagkakataon sa ating dinaraanan. Kaya huwag nating palampasin ang pagsasabing sa susunod ay susubukan ko. sa halip ay gawin na. Ngayon ang tamang oras upang pagsilbihan ang iba. Tandaan, kaya nating magbago at sa pamamagitan ng ngiti ay maaalis natin na nakasakit tayo sa ating kapwa. Sa maliliit nating salita na m a g a g a n d a o m a b u t i a y nababawasan natin ang ibang sakit na dahilan ng iba. At sa simpleng pagsasama natin sa kanila sa ating mga panalangin ay napapanatili natin ang kanilang kaligtasan at maiwasan nila na malagay sila sa anumang kapahamakan.

Suriin natin ang ating sarili, kung nasaan tayo hangga’t nakatutulong tayo sa iba. Tayo ba ay nakatayo sa ating kinalalagyan? Minsan lang mabuhay sa mundo ang tao, kaya sa pamamagitan ng ating matulunging

mga kamay, pananalita at gawa ay gawin natin ang bawat isa na malaman na ang mabuhay sa mundo ay mahalaga kung ito ay ibabahagi natin sa ating kapwa. Gawin natin na makabuluhan ang mabuhay sa mundo at maging instrumento ng pag-ibig, pag-asa at paniniwala sa Diyos.

Panalangin:Panginoon naming Hesus, bigyan mo po kami ng

kapaumbabaan. Nawa’y maging daluyan kami ng pagpapala at panatilihing malakas ang katawan upang maging instrumento na magampanan ang aming gawain para sa iba.. Salamat po. Amen.

Pagsalamin sa sarili

BANTAY SARADOAng Kalinisan ay Kalusugan

Isa sa mga naipamana ng ating mga magulang mula sa ating mga ninuno ay ang paghalik sa kamay o pagmamano. Tanda ito ng paggalang at pagrespeto sa kanila. Ngunit tila maraming kabataan ngayon ang hindi na gumagawa nito. Dala marahil ito ng unti- unting modernisasyon ng kapaligiran. 'Corny' o baduy sabi nila. Ngunit sa tingin ko, hindi. Paano magiging corny ang paghingi ng pagpapala sa mga nakatatanda?

Tandaan nating mga kabataan na ang mga ginintuang-aral na nagmumula sa mga nakatatanda ay dadalhin natin hanggang sa tayo naman ang dumating sa punto na nangangaral sa mga susunod na henerasyon. Pakalimiin din natin na kung wala sila, wala din tayo dito sa mundong ating ginagalawan. Mag-isip-isip mga kaibigan. Hindi pa huli ang lahat upang magbago. Gawin ang nararapat at tama, ngayon.

Ang wastong pagtatapon ng basura ay akmang akma sa mga mag-aaral upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng paaralan.

Bilang tugon dito, ang bawat bata sa silid-aralan ay may sistema ukol sa basura. Ang mga papel ay iniipon at ipinagbibili upang magamit ang pinagbilhan sa kapaki-pakinabang na bagay. Ang mga dahon na nawawalis sa bakuran ay ginagawang pataba sa mga halaman. Samantala, ang ibang basura ay isinisilid sa mga sako upang makuha ng trak ng basura tuwing Sabado.

Sa ganitong paraan ay napapanatili ang kalinisan sa paaralan na sinasabing mukha ng barangay.

Tunay na ang kalinisan ay kakambal ng kalusugan at ito ay maisasakatuparan sa bantay-saradong pagtutulungan ng mga guro at mag-aaral. Pamalagiin ang ganitong gawain sapagkat ang malinis na kapaligiran ay nagdudulot ng malusog na katawan at matalas na pag-iisip.

Batid ng lahat na ang paglalaro ang libangan ng mga batang paslit kagaya ng kindergarten. Bagamat nag-uumpisa silang turuan ng ABC at 123, nariyan pa rin at hinihintay ang oras na matapos ang kanilang pang-araw-araw na gawain. At pagkatapos nito, magtatatakbo at maglalaro sa labas ng kanilang klasrum.

Ang ganda sanang pagmasdan ang mga batang ito na naglalaro sa talagang angkop na lugar at tamang kagamitan para sa kanila. Isang palaruan na may see saw o swing. Siguradong lalong makikita sa kanilang mga mata ang tuwa at saya.

Opinyon lamang po, bakit hindi natin umpisahang magkaroon ng proyekto gaya nito? Hindi naman imposible diba? Napakatagal nang panahon na may kindergarten ang paaralan, sana'y mapansin ang mumunting pangarap na ito. Para rin naman ito sa ating mga mag-aaral.

7Editoryal

Maging magalang

ISANG PANAWAGANni: Kristiene Mae M. Alo

ni: Jean Lady Anne A. Juarez

ni: Ma. Valerie P. MagpantayOPINYON PO LAMANG

Pangarap ng Paslit

Page 8: Bag Um Bay An

8LathalainWalang Alinlangang Pananampalataya

Uhaaaa…..uhaaaaa….. ang bumasag sa katahimikan ng puting-puting silid ng pagamutan. Iyak ng sanggol ang aking naririnig na animo'y nagpapahiwatig ng bagong sigla at pag-asa sa dalawang nilalang na labis na nagmamahalan.

Sa musmos kong kaisipan, aking nasaksihan at napatunayan ang kakaibang kwento ng buhay ng aking nakatatandang kapatid. Tandang- tanda ko pa tatlong taon na ang nakalilipas……..

“Ate, bakit ba lagi kayong pumupunta ni kuya kay St. Jude? Ano ba ang kaya niyang ibigay sa atin? Bakit sa dinami-dami ng santo, sa kanya pa kayo nagsisimba?” tanong ko sa kanya.

At sa tuwing tatanungin ko siya, ang tangi niyan sagot ay “Mahal kong kapatid, naniniwala ako kay St. Jude. Papatnubayan niya ang aming pagmamahalan. Alam kong hindi niya kami bibiguin at pababayaan”.

Hindi nga nagkabula at humarap silang dalawa kay St. Jude upang magkaisang-dibdib. Ni katiting na alinlangan sa puso ng bawat isa na sumaksi ay di masisinag sa kanilang mga mukha. Pawang kasiyahan ang nadarama n g l a h a t p a ra s a d a l i s a y n a pagmamahalan.

N g u n i t a n g kaligayahang iyon na akala nilang walang katapusan ay nahalinhan ng pag-aalala at takot sapagkat napag- alaman nilang mag-asawa na maaaring hindi magka- a n a k s i A t e s a kadahilanang mahina ang kanyang puso at ang pagbubuntis ay maaari niyang ikamatay. Saksi a k o k u n g p a a n o yumangis ang aking kapatid. Wala siyang ibang hiling na sana ay mabiyayaan sila ng s u p l i n g . H i n d i s i l a sumuko sa pag-asang tutulungan sila at hindi bibiguin ni St. Jude.

Walang Huwebes ng hapon ang kanilang pinalipas na h i n d i n a n a n a l a n g i n a t humihingi ng awa na sana ay tulungan sila ng santong kanilang pinagkakatiwalaan.

Sa dami ng mga taong nagmamahal sa mag-asawa lalo na sa aking kapatid ni isa ay wala siyang pinakinggan na mag-ampon na lamang. Ang gusto pa rin niya ang nasunod, ang magkaroon ng sariling supling. Supling na nanggaling sa dugo at laman niya maging kapalit man ay buhay niya.

Parang kailan lang na ang lahat ng takot at pag-aalala ay napalitan ng galak sa pagdating ng munting anghel na nagsilbing katuparan ng pag-asam ng dalawang pusong labis na nagmamahalan. Dalawang nilalang na ngayon ay nakatunghay sa sanggol na umiiyak na tila ba nagpapahiwatig ng bagong pag-asa at walang hanggang pasasalamat.

At ngayon, hindi ko mawari kung bakit dinala rin ako ng aking mga paa kay St. Jude. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Ngunit batid ko sa aking puso ang paniniwala sa kanya. Napatunayan ko sa aking sarili na hindi ako dapat nag-alinlangan noon, ang walang katapusang pagtatanong ko sa aking ate tungkol sa himala ni St. Jude ay nagkaroon na ng kasagutan. Tama si Ate. Walang alinlangang pananampalataya ang kailangan upang magkaroon ng katuparan ang iyong mga hiling sa kanya. Ipagkakaloob niya ito sa pinakatamang panahon. Tanging hiling ko lamang kay St. Jude na sana ay patuloy niyang gabayan ang paglaki ng munting anghel na kanyang kaloob sa buhay ng aming pamilya. Nawa'y lumaki siyang mabuting tao. At kagaya ng aking kapatid, ituturo namin sa kanya ang pananampalatayang ito na tumulong sa paglikha ng pinakamamahal kong pamangkin, si EMMANUEL .

ni: Ericka P. Nazareth

“Mahal kong kapatid, naniniwala ako kay St. Jude. Papaynubayan Niya ang aming pagmamahalan. Alam kong hindi Niya kami bibiguin at pababayaan”.

Page 9: Bag Um Bay An

Riles…..daan ng buhay ‘Munti mang pangarap ay magkakaroon ng katuparan sa

pamamagitan ng pagtitiwala sa Maykapal'.Tsug.....tsug....tsug...., sa simula'y isa lang itong mahinang

tunog ngunit habang papalapit, ito'y isang tila makapangyarihang nilalang na nakakapagpapahinto sa mga taong nakapaligid dito sa likha nitong nakabibinging ingay na animo'y isang bombang sumasabog.

"Andyan na ang tren..........!", malakas na sigaw ng isang hubad na lalaki sabay bitbit ng kanyang upuan na kanina lamang ay nasa gitna ng riles. Abala na ang lahat sa tuwing maririnig nila ito, kanya-kanyang takbuhan para tumabi. Ang ibang may padyak ay hindi malaman

kung paano ito bubuhatin. Pangkaraniwan na ang ganitong sitwasyon sa mga naninirahang malapit dito sa riles sa tuwing may paparating at daraang tren.Sa pang-araw-araw nilang pamumuhay, makikita dito ang mga batang nagtatakbuhan na walang saplot sa katawan na di-inaalintana ang init ng araw. Ganundin ang larawan kapag tag-ulan, masayang mga naglalaro sa ilalim ng malakas na ulan. Mga tambay na nagtumpukan, ang iba'y abala sa inuman, may nagtotong-it at nagka cara y cruz ang karamihan. May makikita ka ding abala sa paghihingutuhan. May mga nanay at tatay na

walang inorasan ang bangayan.Sadyang napakahirap ng kondisyon ng mga taong naninirahan

dito ngunit sa kakaibang paraan ng kanilang pamumuhay umiikot ang kanilang buhay. Sa kanilang simple ngunit mahirap na buhay, mababanaag ang kasiyahan ng kanilang pagtigil dito.

Ngunit hindi si Dan.......isang sampung taong gulang na bata na kanina pa nagmamasid sa mga nangyayari sa kanyang paligid. Sa kanyang kalooban, hindi ganito ang buhay na kanyang pinapangarap para sa kanyang pamilya. Magulo........ Maingay.........Siksikan..... parang walang direksyon ang buhay. Sa kanyang murang edad, ipinangako niya sa kanyang sarili na aalisin niya dito ang kanyang nanay at apat na kapatid. Dito kasi naganap ang isang trahedya, sa pagsagip ng kanyang ama sa kanyang kapatid ay nahagip ito ng paparating na tren. Kitang-kita niya ang mga pangyayari ngunit wala siyang nagawa. Sa isang iglap, wala na ang kanyang ama.

Araw-araw, sa maliit na kapilya sa gilid ng riles, naglalaan siya ng oras upang hingin ang paggabay at pagpatnubay ng Poong Maykapal upang siya'y tulungan sa kanyang munting pangarap.....na mabigyan niya ng magandang buhay ang kanyang pamilya.

Isang mahinang tapik sa balikat ang nagpagising sa kanyang waring natutulog na isip. "Kuya Dan, halika na. Kanina pa naghihintay si Inay", wika ng kanyang bunsong kapatid.

Maraming taon na nga pala ang lumipas ngunit wala siyang makitang malaking pagbabago sa lugar na kanyang sinilangan maliban sa makabagong tren na kadadaan lang. Nalungkot siya para sa mga taong dati niyang kasa-kasama. Heto siya ngayon.....isang matagumpay na negosyante na nagmamay-ari ng ilan sa malalaking kumpanya sa bansa. Ang kanyang pamilya ay nabigyan na din niya ng maginhawang buhay. Natupad na ang mga pangarap niya dahil sa kanyang pagsisikap, pagtitiyaga at pagtitiwala sa Diyos.

Taun-taon, sa tuwing sasapit ang Kapaskuhan panata na niya ang magbigay ng regalo sa mga naninirahan sa riles. Ito ang kanyang paraan ng pasasalamat dahil ang panahon na inilagi niya sa riles ng tren ang naging sandata upang siya ay maging matatag at mapaunlad ang

kanyang sarili."Sige, tara na", sambit niya sa kanyang kapatid. Sa kanyang pag-alis, muli y nilingon niya ang lugar na

humubog sa kanyang pagkatao. Dito sa riles ng tren, nabuo ang kanyang munting pangarap. Patunay lamang na walang imposible kung ang lahat ng ating gagawin ay may kasamang panalangin at pagtiwala sa Diyos.

9Lathalain

ni: Krisha Mae C. Piamonte

Page 10: Bag Um Bay An

Telesuri

“Kuha mo?”, iyan ang laging sambit ni Madam Ana Manalastas. Marinig mo lamang ang pangalan niya, ang lakas na ng dating, sophisticated at waring

napakataas, mahirap abutin.Ito nga marahil ang kanyang mga katangian noong nabubuhay pa siya, kaya naman ito din ang naging dahilan upang pagplanuhing wakasan ang

kanyang buhay. Marami kasing taong lihim na may galit sa kanya.Nasaan na ngayon si Madam Ana? Patuloy ang paglalakbay niya

patungong langit. Naritong muli siya sa mundo kung saan pinabalik siya ng Tagabantay sa langit upang bigyan ng pagkakataon na maituwid at maihingi ng tawad ang kanyang mga kamalian sa mga taong minsan niyang nasaktan, maging ang kanyang nag-iisang anak na si Sofia. Gagawin niya ang lahat ng ito bilang isang bata.

Sa buhay nating mga Pinoy, maraming nadadala sa mga eksena sa teleseryeng ito. Madali kasi tayong nakaka-relate sa kwento. Gaano man kaimposible na makabalik sa lupa ang mga taong namatay na, walang nagiging imposible kung may mahalagang aral tayong natutunan dito. Ipinapakita lamang na gaano man kalupit ang isang tao, may kabutihan pa ring naitatago sa kaibuturan ng kanyang puso. Pag may problema, akala natin kaya laging lutasin ng nag-iisa, ngunit hindi, ang totoo kailangan natin ang kaagapay, kaibigan at mga mahal sa buhay.

Sana'y malampasan ni Ana ang pagsubok na ito sa kanyang buhay. Sana rin sa totoong buhay nating mga Pinoy, maging

malakas at matatag tayo sa anumang suliranin at unos na ating kakaharapin.

100 Days to Heaven100 Days to Heaven

Hagdan ng Karunungan

Mula sa aking pagkabata at pagtuntong sa paaralanMaraming naging gabay upang mamulat sa kaalamanNariyan ang mga magulang, guro maging kaibiganSila ang nagtulung-tulong na mapanday ang kaisipan.

Malaking tulong din ang inihahatid ng mga aklatUpang magkaroon ng edukasyon ang isipan salatMga radio at telebisyon na may impormasyong sapatAt ng matugunang lahat karunugang walang katapat.

Matulin ngang lumipas mga araw na maaliwalasHindi na namalayan mga panahon ay lumipasMga dating kagamitan madali ring nagsikupasDagling napalitan ng kompyuter na walang wakas.

Naimbento ang internet kaya mga gawain ay napadaliMabilis nang magsaliksik upang di mapagod ang sariliModernong teknolohiya tanging handog upang makapiliAt ng ating makamtan lahat ng karunungang minimithi.

Hagdan ng KarununganMagsimula ka . . . . . . .

Anumang nais mong pangarap ngayon ay simulan naDahil may kasabihan tayo pag may hirap may ginhawaKaagad iplano ang lahat habang may oras at maaga paAt mga kayang gawain sana'y huwag ng ipagpabukas pa.

Katamaran mo'y iwaglit na at laging maging masigasigSapagkat ang mga ito ay walang puwang sa daigdigLahat ng nagiging tamad pawang gutom ang kapalitAt kung masipag ka naman makakamtan mo ay langit.

Pag-aralang maging masikap at mahalin ang gawainUpang ang kinang ng kapalaran ay iyong maangkinPanahon ay ginto at sana ay huwag itong sayanginKung iyan ay masusunod pag-unlad ay tatamuhin.

Kaya kumilos na at mga tamang landas ay tahakinDagliang mapapasaiyo ang lahat mong hinihilingMga ugaling masasama pagpilitan mong baguhinUpang sa darating na panahon tagumpay ay marating

Magsimula ka . . . . . . .

10Lathalain

ni: Krisha Mae C. Piamonte

ni: Kristel M. Pangilinan

Mula sa aking pagkabata at pagtuntong sa paaralanMaraming naging gabay upang mamulat sa kaalamanNariyan ang mga magulang, guro maging kaibiganSila ang nagtulung-tulong na mapanday ang kaisipan.

Malaking tulong din ang inihahatid ng mga aklatUpang magkaroon ng edukasyon ang isipan salatMga radio at telebisyon na may impormasyong sapatAt ng matugunang lahat karunugang walang katapat.

Matulin ngang lumipas mga araw na maaliwalasHindi na namalayan mga panahon ay lumipasMga dating kagamitan madali ring nagsikupasDagling napalitan ng kompyuter na walang wakas.

Naimbento ang internet kaya mga gawain ay napadaliMabilis nang magsaliksik upang di mapagod ang sariliModernong teknolohiya tanging handog upang makapiliAt ng ating makamtan lahat ng karunungang minimithi.

ni: Roselyne M. Carandang

Anumang nais mong pangarap ngayon ay simulan naDahil may kasabihan tayo pag may hirap may ginhawaKaagad iplano ang lahat habang may oras at maaga paAt mga kayang gawain sana'y huwag ng ipagpabukas pa.

Katamaran mo'y iwaglit na at laging maging masigasigSapagkat ang mga ito ay walang puwang sa daigdigLahat ng nagiging tamad pawang gutom ang kapalitAt kung masipag ka naman makakamtan mo ay langit.

Pag-aralang maging masikap at mahalin ang gawainUpang ang kinang ng kapalaran ay iyong maangkinPanahon ay ginto at sana ay huwag itong sayanginKung iyan ay masusunod pag-unlad ay tatamuhin.

Kaya kumilos na at mga tamang landas ay tahakinDagliang mapapasaiyo ang lahat mong hinihilingMga ugaling masasama pagpilitan mong baguhinUpang sa darating na panahon tagumpay ay marating

Page 11: Bag Um Bay An

Nasaan ang buto ng mga prutas? Nasa loob di ba? Ngunit ang kasoy ay kakaiba. Ang buto ay nasa labas. Alam ba ninyo kung bakit? Alamin natin sa sumusunod na kuwento.

Noong unang panahon sa loob ng kagubatan ay may kasayahang nagaganap. Lahat ng uri ng mga hayop ay naroroon. Sila`y masayang nagkakantahan at nagsasayawan. Sa di naman kalayuan ay may isang bagay na nakikinig at inggit na inggit sa kasayahang naririnig. Ito`y walang iba kungdi si KASOY.

"Sana`y makalabas ako sa aking kinalalagyan" ang pahimutok niyang nasambit. Patuloy ang kasayahan sa labas at patuloy din ang pagbabasakaling

sana`y may makarinig sa hinaing ni Kasoy. Sa oras ding yaon ay may isang engkantadang naakit sa kaingayan. Sumali siya sa kasayahan ng mga hayop at sa di kalayuan ay narinig niya ang paghingi ng tulong ng kasoy. "Sino kaya iyon?", ang tanong ng engkantada. Narinig ng kasoy ang tinig ng engkantada. "Para na ninyong awa mahal na engkantada, " pakiusap ng kasoy. "Gusto ko pong lumabas". Naawa ang engkantada at sa isang kumpas, lumabas ang buto ng kasoy.

Tuwang-tuwa ang kasoy sa kanyang nakita sa kapaligiran. "Ayaw ko ng bumalik sa aking pinanggalingan," pakiusap niya sa engkantada Pinagbigyan ng engkantada ang kahilingan ng kasoy at ang kasoy naman ay tuwang-tuwa.

Natapos ang kasayahan at ang mga hayop ay nagsi-uwian na. Ang kapaligiran ay naging tahimik. Pagkaraan ang langit ay nagdilim, humihip ng malakas ang hangin, kumidlat at kumulog. Pagkatapos ay bumuhos ang malakas na ulan. Ang buto ng kasoy ay takot na takot at basang-basa. Tinawag niya ang engkantada at humihingi ng tulong na ibalik siyang muli sa loob. Ngunit hindi siya narinig ng engkantada.

Tumigil ang ulan at ang engkantada ay muling nagpakita. Nakita niya ang buto na nakabaluktot at halos di na makapagsalita. "Ito`y isang aral sa iyo," ang sabi ng engkantada. "Ang lahat ng bagay ay may kanya-kanyang lugar, dapat nating tanggapin dahil ito`y kaloob ng Diyos sa atin." Pagkawika nito`y naglaho ang engkantada.

Magmula noon ang buto ng kasoy ay nasa labas ng prutas. (Halaw sa modersmal.net)

Alamat ng Kasoy

Rizal: Haligi ng Bayan

Ang ating pambansang bayani sa katauhan ni Dr. Jose Rizal ay nagkaroon ng malaking impluwensya sa pagkatao ng mga Pilipino. Nagsilbi rin siyang modelo sa bawat nabubuhay na Pilipino sa kanyang panahon hanggang sa kasalukuyan. Hindi lamang siya maituturing na bayani, mabuti siyang anak, kaibigan at higit sa lahat, mabuting mamamayan ng bayan.

Maraming magagandang halimbawa ang naiambag niya sa ating bayan.

Bata pa lamang ay kinakitaan na ng pagmamalasakit sa kapwa lalo na sa pamilya. May taglay na di pangkaraniwang talino na nagpakadalubhasa sa maraming bagay kasama na ang pag-aaral ng medisina para sa inang si Teodora Alonzo.

Sa paglipas ng panahon, hindi siya tumigil hangga’t hindi nakakagawa ng paraan upang maipagtanggol ang kanyang kababayan. Gumamit ng pluma upang mailabas ang sakit na

kanser ng kanyang lipunan na humantong sa pagkakadakip at pagpapatapon sa lugar na malayo sa kanyang kapamilya.

Kahanga-hanga siyang tao dahil sa ipinakita niyang katapangan at pagmamahal sa bansa na naging magandang imahe sa mga Pilipino. Lumikha ng mga nobelang gumising sa kamalayan ng bawat Pilipino. Hindi man siya gumamit ng dahas sa pakikibaka, malaki naman ang naging epekto nito sa damdamin ng ating lipunan.

Isang magandang ehemplo sa ating buhay ang bayaning si Rizal. Siya ay masasabing haligi ng ating bayan at maituturing na matibay na pundasyon na hindi matitibag sa kasaysayan ng Pilipinas. Modelo rin siya ng mga kabataan at may taglay na kakaibang karisma at pagmamahal sa kanyang mga kababayan.

Ipinakita ni Rizal sa buong mundo ang kaibahan ng mga Pilipino, katalinuhang maipagmamalaki at kahusayan ng mga mamamayan. Kinatawan niya ang lahing Pilipino na hindi sumusuko sa laban at handang ibuhos ang pawis at buhay basta nararapat upang makamtan ng isang bayang nililiyag. Dahil sa mga ginintuang -aral at panulat ni Rizal, natanim sa isipan ng mga Pilipino na hindi hadlang ang kahirapan basta't nagtutulungan.

11Lathalainni: Princess Jane D. Ricablanca

ni: Roselyne M. Carandang

Page 12: Bag Um Bay An

Alibata, pamilyar pa ba kayo dito? Natatandaan ko pa ang sabi ni Lolo na tinuruan daw siya noon ng Tatay niya ng pagsulat. Alibata nga daw ang tawag dun. Di ko naman alam kung ano ang hitsura noon, basta iba raw ito sa mga letra ng ating alpabeto ngayon. Hindi na kasi ito ginagamit ngayon ng karamihan kumbaga eh luma na at pang history na lang.

Iba na kasi ang buhay ngayon, digital na daw, mas madali.......... mas mabilis. At kailangang sumunod tayo sa agos ng pamumuhay kundi ay mapapag iwanan tayo. Maki- uso.. . . . . . . . .maki-in.. . . . . . upang makahabol sa pag-inog ng makabagong mundo.

Maraming bagay na ang sa ngayon ay hindi na masyadong nagagamit dahil napalitan na ng mas bago at mas madaling gamiting mga gadget. Sa tulong ng Siyensya ay nakatuklas ng mga kagamitang pinipindot pindot lang eh makakagawa na ng maraming bagay. Nangunguna na sa listahan ang cellular phone. Hindi na kailangang maghintay ng matagal upang makatanggap ng mensahe mula sa inyong kaibigan o kapamilya. Isang pindot lang,,,,,,,,, Presto, naipadala mo na o nakatanggap ka na ng mensahe. Pwede mo pang makausap ang isang taong nasa malayo kahit sa ibang bansa pa. Pati pagpapadala ng pera di ka na aabutin ng siyam siyam. Sa mga Padala Centers itinetext na lang. Maging pagwiwidraw ng pera sa bangko anumang oras na naisin

mo ay maari ng magawa dahil sa mga ATM o Automated Teller Machines.

Sa mga paaralan at opisina ay malaking tulong din ang kaalaman sa teknolohiyang digital. Kung dati'y tagaktak na ang pawis at pudpod na ang daliri sa kamamakinilya, ngayon papindot pindot na lang at pwede pang mabura gamit ang laptop at desktop. Hindi na nahihirapan sina Ma'am sa paggawa ng test at pagkukwenta ng aming marka. Malaking tulong din ang mga computer sa paggawa ng aming mga takdang aralin dahil madali ng magresearch gamit ang internet. Si Papa nga na isang seaman ay parang lagi rin naming kasama dahil lagi namin siyang nakakausap gamit ang Skype. Si Mama na hindi dati marunong, sa kapipindot

lang aba'y natuto na at ngayon may Facebook account pa. Di naman daw kasi mahirap matutunan at madali lang pag-aralan.

Noong isang buwan nanggaling kami sa dentista. At alam nyo ba? Pati sila digital na. Madaling nakita ni Dra. ang sira ng aking ngipin at nabigyan kaagad niya ng lunas gamit lang ang kanyang makina na digital. Maging sa medesina, malaking tulong ang kaalaman sa paggamit ng mga kasangkapang digital. Mas napapadali ang paggaling ng pasyente dahil mas madaling natutukoy ang kanilang karamdaman. Salamat sa makabagong teknolohiya dahil sa ang mundong dati'y usad-pagong ngayon ay kaytulin na.

Ngunit hindi rin naman natin dapat kalimutan ang nakaraan sapagkat sila pa rin ang salamin ng ating kaunlaran. Manapa'y dapat silang itago sa sulok ng ating puso pagkat sa kanila nag-ugat ang ating buhay.

12LathalainD

IG

ITA

L

DIG

ITA

L KA NA BA?KA NA BA?

ni: Krisha Mae C. Piamonte

Page 13: Bag Um Bay An

13LathalainHigit pa sa GintoHigit pa sa Ginto

May hihigit pa ba sa ginto? Ito ang katanungang

pumasok sa aking isip nang makakita ako sa internet ng

larawan ng kayamanan ng pinakamayamang tao sa buong

mundo. Ang kanyang naglalakihang mansyon, magagarang

sasakyan, mamahaling kasangkapan at bunton ng salapi,

alahas at ginto ay palatandaan ng yamang kanyang

tinatamasa. Nakamit niya ang lahat ng iyon dahil sa

kanyang talino at kasipagan. Ngunit ito na ba talaga ang

ginto at di-mapapantayang kasiyahan sa buhay?

Sa aking pagmumuni-muni ay biglang sumagi ang

video ng isang taong nananawagan. Matagal na raw

niyang hinahanap ang isang taong naging susi sa kanyang

kayamanan. Kailangan daw niya itong makita upang lubos

na mapasalamatan. Ibig sabihin, talagang napakahalaga sa

kanya ng taong iyon upang pagbuhusan niya ng panahon sa

paghahanap kahit matagal ng panahon ang nakalipas.

Sino ba ang kanyang hinahanap? Ahhh…….ang kanyang

guro sa ikaanim na baitang, ang naging dahilan ng kanyang

pagyabong at pagyaman.

“Marahil si Ma'am ngayon ay uugud-ugod na.

Kulubut na ang balat at malabo na ang mata”, ang namutawi sa bibig ng taong nananawagan.. “Subalit

kahit maging ano pa man ang kanyang hitsura ngayon, alam kong mga pangaral at payo, katimpian at

pag-aaruga, katiyagaan at kasipagan ay patuloy pa ring nabubuhay sa kaibuturan ng aking

pagkatao”, dagdag pa niya. “Ako kasi ang masasabing pinakawalang

kwentang estudyante noon. Kumbaga eh 'Teachers Enemy No.1'. Grade

Six pa lang eh ang dami ko ng nagaawang kalokohan. Subalit sa kabila ng

lahat ng iyon ay buong-puso akong tinuruan at buong pagtitiyagang

sinubaybayan at inunawa ni Ma'am. Alam kong siya'y nahirapan pero

dahil sa kanyang dedikasyon at puso sa kanyang tungkulin , pilit pa rin

niya kaming ginabayan, tinuruan ng mga aralin at kagandahang-asal. At

ngayon nga ay nais ko siyang makita at makausap upang ang lahat ng

kanyang binhing itinanim na amin ay makita siyang hitik sa bunga.

'Ma'am ,Thank You Very much for making a difference in our lives',”

pagkatatapos niya.

Ngayon ay nabigyan ng kasagutan ang

aking katanungan. Ang guro ay isang kayamanan

na higit pa sa ginto dahil ang mga payo at pangaral

niya ay maaring baunin hanggang kabilang buhay

at di-kayang mabili ng gaano mang halaga sa

salapi. Ang mga aral at dunong na kanyang

itinanim ay maaring magpasalin-salin. Di tulad

ng ginto na mabilis maglaho at pwede pang

nakawin.

ni: Kristel M. Pangilinan

Page 14: Bag Um Bay An

Labang dapat ipanaloEDITORYAL

Sa larangan ng palakasan, bawat laro, oras at laban ay mahalaga, na sa pakikipagtunggali ay may katapat na malaking pagbabago sa buhay ng manlalaro. Sa pagtatapos may panalo at may talo. Tulad ng isang laro, ganito rin ang pag-aaral, nay nangunguna at may nahuhuli. Ano nga bang uri ng buhay ang masasabi natin sa isang atletang mag-aaral na kung saan mayroong dalawang laban na dapat niyang ipanalo? Dapat nga bang pagsabayin ang pag-aaral at isports para makamit ang rurok ng tagumpay sa buhay ng atletang mag-aaral? Ano nga ba ang sukatan kung gaano kagaling ang mag-aaral?

Batay sa pag-aaral, angking talino at galing sa partisipasyon, pagsusulit, dami ng napanalunang paligsahan at pakikibahagi sa mga organisasyon ang kailangang taglay ng mag-aaral upang manguna sa klase. Batayan na mas nakaaangat ang akademiko sa co-curricular activities.

Bagamat nakaaangat kailangan pa ring sumali sa anumang co-curricular activities upang mapaunlad at mapalawak ang kasanayan sa pansariling pag-unlad. Hindi naman masama kung pagsabayin ang akademiko at co-curricular bastat bibigyan lamang ng tamang oras ang bawat isa.

Hindi hadlang ang isports sa pag-aaral. Tamang balanse lamang ang kailangan upang maipanalo ang larong para sa magandang kinabukasan.

Laro ng Lahi:

Tumbang PresoAng Pilipino ay likas na mahilig maglaro. Sapul sa

pagkabata ay marunong nang maglaro gamit ang iba't ibang bahagi ng katawan upang maipakita ang bilis ng paggalaw, lakas maging talas ng pag-iisip.

Karaniwang nilalaro ang tumbang preso ng lima hanggang sampung bata. Ang mga bata ay mamimili ng taya sa pamamagitan ng kamay. Tinatawag itong “maiba taya” o “maiba alis”. Guguhit ng bilog sa palibot ng lata at ilalagay sa gitna . Ang taya ay tatayo sa may malapit sa lata at ang ibang manlalaro ay pipili sa manuhan na may layong apat na metro o hanggang saan nila gusto. Isa-isang titira ang mga manlalaro ng kanilang mga tsinelas. Pagtinamaan ng unang manlalaro ang lata, kailangan niyang kunin ang kanyang tsinelas at bumalik sa manuhan bago pa man maibalik ng taya ang lata sa puwesto. Pag hindi natamaan ng unang manlalaro ang lata ay tatayo siya sa lugar na kung saan nakalagay ang kanyang tsinelas at maghihintay sa pangalawang manlalaro na patumbahin ng lata. Kung mabilis ang lata ng taya at mabalik niya ito sa puwesto at maabutan ang manlalarong kumukuha ng tsinelas, ang manlalaro na nahuli ay siyang taya.

Hindi maaaring tayain kung hindi nakatama sa lata at pag hindi nahahawakan ang kanyang tsinelas. Hindi pwedeng bumalik sa manuhan kung hindi niya nakukuha ang kanyang tsinelas. Kung ang tsinelas ay nakapuwesto sa may guhit na bilog sa lata, maaring tapakan ng taya ang tsinelas sabay tapak sa lata. Sa ganitong paraan ang may-ari ng tsinelas na natapakan ay siyang magiging taya.

14Isports

Kaalaman sa Chess, pinalawakni: Mc Devin Joshua A. Juarez

Sa pagtutulungan ng Department of Education (DepEd) na pinamununuan ni Gng. Rosario R. Tolentino, EPS I_MSEP at SK Federation sa pangunguna ni Kgg. Gileen Canobas, nagkaroon ng libreng pagsasanay sa chess na ginanap sa Tanauan City Event Center, Agosto 13, 20, 28.

L a y u n i n n i t o n a madagdagan, mahasa ang kasanayan at maihanda ang bawat manlalaro sa larangan ng chess.

Pinangunahan ito ni Prospero Pichay, Presidente n g C h e s s F e d e r a t i o n ka tuwang ang t a t l ong grandmasters na sina Eugene Torre, Wesley So at Mark Paragua Gonzales.

Nilahukan ang naturang p a g s a s a n a y n g m g a manlalarong kakatawan sa Sangay ng Tanauan City. Kabilang dito ang tatlong manlalaro ng Paaralang Elementarya ng Bagumbayan na sina Mark Daniel Garcia, Godwin Oswald Roxas at Theresa Yvonne De Guzman kasama si Bb. Mildred C. Cacao, gurong tagapagsanay.

EV ENTSYELLOW

TEAMRED TEAM

BLUE

TEAM

W HITE

TEAM

V OLLE Y B A LL B oys 3 rd 2nd 4 th 1s t

Girls 2nd 4 th 1s t 3 rd

S E P A K TA K RA W B oys 2nd 4 th 3 rd 1s t

B A DM INTON S INGLE A B oys 3 rd 4 th 2nd 1s t

Girls 3 rd 4 th 2nd 1s t

B A DM INTON S INGLE B B oys 1s t 3 rd 2nd 4 th

Girls 2nd 4 th 1s t 3 rd

B A DM INTON DOUB LE B oys 1s t 2nd 4 th 3 rd

Girls 3 rd 4 th 1s t 2nd

CHE S S B oys 4 th 3 rd 1s t 2nd

Girls 1s t 4 th 2nd 3 rd

CHE S S B oys 2nd 1s t 4 th 3 rd

Girls 3 rd 2nd 1s t 4 th

100-M B oys 4 th 3 rd 1s t 2nd

Girls 1s t 4 th 2nd 3 rd

200M B oys 3 rd 4 th 1s t 2nd

Girls 1s t 4 th 2nd 3 rd

Javelin Throw B oys 4 th 2nd 3 rd 1s t

Girls 2nd 4 th 1s t 3 rd

Page 15: Bag Um Bay An

KOMIK ISTRIP ni: John Carlo A. De Torres

Palarong Pampaaralan, ginanap Upang lalong madagdagan ang kasanayan at

kaalaman ng bawat manlalaro, ginanap at pinasigla ang palarong pampaaralan sa Paaralang Elementarya ng Bagumbayan, Agosto 5.

Pinasimulan ng isang maikling palatuntunan ang i s i n a g a w a n g p a l a r o n g pampaaralan na agad namang sinundan ng iba’t ibang laro.

Animo ay piyesta sa hindi magkamayaw na hiyawan ang lahat ng manonood dahil sa ipinamalas na lakas at tibay

ng loob ng mga manlalaro sa pasimula pa lamang ng laro.

Bumandila ang Blue Team sa iba’t ibang laro laban sa ibang koponan.

Naging matagumpay ang palaro at bawat isa ay may uwing ngiti nang maidaos ang paligsahan.

Blue Team, pinataob ang White Team, 25-16

Napuno ng malalakas na sigawan ang Paaralang Elementarya ng Bagumbayan sa ipinamalas ng mga manlalaro sa volleyball, Agosto 5.

Gamit ang nag-aapoy na depensa a t matal inong taktika, nagpakitang-gilas agad ang Blue Team sa unang s e t p a l a m a n g s a pamamagitan ng malalakas na serbis para sa kanilang katunggali na White Team. Hindi naman nagpadaig ang White Team at bumawi ang mga ito ng malabombang serbis kaya naging pareho

ang kanilang iskor na 25-25.Sa ikalawang set ay hindi

na pumayag ang Blue Team na matalo. Nagpakawala ang koponan ng makalaglag matang laro na nagpataob sa White Team sa iskor na 25-16.

N a k i p a g k a m a y a n g White Team sa Blue Team bilang tanda ng pagiging isports.

Magpantay, tinanghal na Miss IntramsTinanghal na Miss Intrams si Ma. Valerie P.

Magpantay sa Paaralang Elementarya ng Bagumbayan sa ginanap na Palarong Pampaaralan, Agosto 5.

Masigabong palakpakan ang pumailanlang sa pandinig ng mga manlalaro at ibang mga manonood habang rumarampa sa entablado si Magpantay sa kanyang kasuotan. Nabihag ng kanyang kagandahan at matatamis na ngiti ang mga hurado na naging panlaban niya sa

kanyang mga katunggali mula sa iba pang team.

A n g m g a g u r o s a paaralan, ilang opisyales ng PTA at barangay ang mga nagsilbing hurado sa nasabing paligsahan. Si Magpantay ang l a l a h o k p a r a m a g i n g kinatawan ng paaralan sa Palarong Pampurok.

HANDA NA KAMI. Ang mga mag-aaral at mga guro sa pagbubukas ng School Intrams.

15Isports

ni: Kathleen Mae A. De Guzman

ni: Edmark P. Opulencia

ni: Nicole P. Bagaforo

KAYA NATIN ITO. Ang mga manlalaro ng volleyball na nagpapalakasan ng palo sa bola.

GANDA NG NGITI. Si Ma. Valerie Magpantay ang nagwagingMiss Intrams.

Page 16: Bag Um Bay An

BES, namayagpag sa palarong pampurok Nanguna ang Paaralang Elementarya ng

Bagumbayan sa nakaraang Pampurok na Palaro na ginanap sa Tanauan City High School, Set. 9-10.

Humakot ng parangal ang mga manlalaro ng paaralan sa iba’t ibang larangan ng isports. Bumandila sa unang pwesto ang mga manlalaro sa Badminton doubles boys, sepak takraw at 800 m-dash.

Nagkamit naman ng

ikalawang pwesto ang chess girls, 1500 m-dash girls at 400 m- dash girls.

L a l a h o k a n g m g a nagkamit ng unang pwesto sa Pansangay na palaro kaya ibayong pag-eensayo ang kanilang pinaghahandaan.

Kickers, inilampaso ang Bombers, 15-19, 15-6

Napuno ng nakabibinging tilian ang covered court ng Tanauan City High School nang masungkit ng Kickers ang pagkapanalo sa ginanap na Palarong Pampurok, Set. 9.

S a u n a n g s e t a y nagpakitang-gilas agad si Edmark P. Opulencia ng Bagumbayan Kickers. Hindi naman nagpadaig si Carlo Rivera ng South Bombers. S a p a m a m a g i t a n n g malakidlat at malapader na s i p a a y n a g m i s t u l a n g lantang gulay ang mga bombers. Hindi alintana ng Kickers ang lakas ng hangin sa pagpapamalas ng mga

pamatay na sipa laban sa katunggaling koponan na umungos ng 6 puntos sa iskor 15-9.

Sa ikalawang set, higit na naging maingat at tiyak ang bawat sipa ng Kickers na nagpasuko sa kanilang k a l a b a n . P i n a k a i n n g alikabok ang Bombers at walang sinayang na tira ang Kickers na siyang nagpataob sa Bombers sa iskor na 15-6.

Smashers, pinulbos ang Netters

Gamit ang malakidlat na smash at nakamamatay na serbis, nagawa ng kahanga-hangang Bagumbayan Smashers na ibasura ang TSCS Netters sa Badminton sa ginanap na Palarong Pampurok sa Tanauan City High School, Set. 9.

Sa umpisa pa lamang ay nagpakitang gilas na ang mga manlalaro ng Smashers dahilan upang makalamang sila ng tatlo, 14-11. Ginamit naman ng Netters ang kanilang lakas at puwersa upang lumamang ng dalawa, 14-16. Hindi nagpatalo ang Smashers at sinungkit ang unang set, 21-16.

S a i k a l a w a n g s e t , nagsimula agad mag-init sina Ace Llorca at Mc Devin

Juarez na kapwa manlalaro ng Smashers. Nagpamalas sila ng walang katulad na galing upang makaungos ng lima, 15-10. Nagpakita ang Netters ng kakaibang enerhiya upang makahabol ng dalawa, 17-12. Ngunit nananatili pa ring matatag ang Smashers na nagbunga ng kan i l ang pagkapanalo, 17-12.

“Pinaghandaan talaga namin ang araw na ito”, ani Juarez.

Reyes, umani ng dalawang panalo

Nag-uwi ng dalawang karangalan si Abigail Reyes sa ginanap na Palarong Pampurok sa Tanauan City High School, Setyembre 9.

Taglay ang lakas ng pulso, tikas at liksi ay napataob ni Abigail Reyes ang kanyang katunggali kaya nasungkit niya agad ang minimithi ng unang puwesto sa Javelin Throw.

G u m a m i t d i n n g malakidlat na bi l is a t humaharurot na puwersa

nakamit niya ang ikalawang puwesto sa discuss throw.

Sa pasimula pa lamang ng paligsahan ay nagpamalas na siya ng sigla kaya nakapag-uwi ng dalawang karangalan.“Ipinakita ko lang ang aking makakaya upang masungkit ang tagumpay,” ani Reyes

ISP RTSISP RTSISP RTSSinag

ni: Mc Devin Joshua A. Juarez

ni: Edmark P. Opulencia

ni: Andrew Erickson M. Guiang

ni: Nicole P. Bagaforo

LAKAS NG LOOB. Determinasyon ang puhunan ng koponanupang maiuwi ang kampeonato.

TALAS NG MATA. Sina Devin at Ace habang hinihintay ang papaluing shuttle cock.

SPORTS TRIVIA

.

Si Allan Caidic ang may record ng Most Points Scored in One Game para sa isang Filipino player sa PBA. Nakagawa siya ng 71 points noong ika-21 ng Nobyembre, 1991

Si Allan Caidic ang may record ng Most Points Scored in One Game para sa isang Filipino player sa PBA. Nakagawa siya ng 71 points noong ika-21 ng Nobyembre, 1991.