z p araling panlipunan...d. pamahalaan e. pamilihang pinansyal rubrics: puntos tama ang pagkakaguhit...

16
Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Araling Panlipunan Ikatlong Markahan- Modyul 3: Pambansang Kita Zest for Progress Zeal of Partnership 9 Name of Learner: ___________________________ Grade & Section: ___________________________ Name of School: ___________________________

Upload: others

Post on 25-Apr-2021

36 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Z P Araling Panlipunan...D. Pamahalaan E. Pamilihang Pinansyal Rubrics: Puntos Tama ang pagkakaguhit ng daloy ng pambansang ekonomiya at ang pagkakalagay ng mga sektor. 10 Tama ang

Republic of the Philippines

Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

Araling Panlipunan Ikatlong Markahan- Modyul 3:

Pambansang Kita

Zest for Progress

Zeal of Partnership

9

Name of Learner: ___________________________

Grade & Section: ___________________________

Name of School: ___________________________

Page 2: Z P Araling Panlipunan...D. Pamahalaan E. Pamilihang Pinansyal Rubrics: Puntos Tama ang pagkakaguhit ng daloy ng pambansang ekonomiya at ang pagkakalagay ng mga sektor. 10 Tama ang

2

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Bobby Jeric M. Pedraza

Editor: Kimberly Cler G. Suarez

Tagasuri: Allan S. Caballero

Ma. Angelica C. Epanto

Kimberly Cler G. Suarez

Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Bobby Jeric M. Pedraza

Tagalapat: Allan S. Caballero

Ma. Angelica C. Epanto

Kimberly Cler G. Suarez

Tagapamahala: Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI OIC, Schools Division Superintendent

Visminda Q. Valde, EdD

OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Raymond M. Salvador, EdD, CESE

OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Juliet A. Magallanes, EdD

CID Chief

Florencio R. Caballero, DTE

EPS - LRMDS

Alma L. Carbonilla, EdD

EPS – Araling Panlipunan

Page 3: Z P Araling Panlipunan...D. Pamahalaan E. Pamilihang Pinansyal Rubrics: Puntos Tama ang pagkakaguhit ng daloy ng pambansang ekonomiya at ang pagkakalagay ng mga sektor. 10 Tama ang

3

Alamin

Ang modyul na ito ay naglalayon na iyong masusuri ang pamamaraan at kahalagahan ng pagsukat ng pambansang kita.

Nasusuri ang pamamaraan at kahalagahan ng pagsukat ng pambansang

kita.

Balikan

Gawain I. IGUHIT MO KAMI!

Panuto: Iguhit ang dayagram ng paikot na daloy ng pambansang ekonomiya.Ipakita

ang iba’t ibang sektor sa iyong dayagram. Gawin ito sa iyong sagutang papel. Mga Sektor:

A. Bahay-Kalakal B. Sambahayan

C. Panlabas na Sektor D. Pamahalaan

E. Pamilihang Pinansyal

Rubrics:

Puntos

Tama ang pagkakaguhit ng daloy ng pambansang ekonomiya at ang

pagkakalagay ng mga sektor. 10

Tama ang pagkakaguhit ng daloy ng pambansang ekonomiya subalit may isa hanggang dalawang mali sa paglalagay ng mga

sektor.

8

Tama ang pagkakaguhit ng daloy ng pambansang ekonomiya

subalit may tatlo hanggang limang mali sa paglalagay ng mga sektor.

6

Mali ang pagkakaguhit ng daloy ng pambansang ekonomiya at may

isa hanggang dalawang mali sa pagkakalagay ng mga sektor. 4

Mali ang pagkakaguhit ng daloy ng pambansang ekonomiya at ang pagkakalagay ng mga sektor.

2

Page 4: Z P Araling Panlipunan...D. Pamahalaan E. Pamilihang Pinansyal Rubrics: Puntos Tama ang pagkakaguhit ng daloy ng pambansang ekonomiya at ang pagkakalagay ng mga sektor. 10 Tama ang

4

Tuklasin

Gawain 2: Pagsusuri sa Larawan

Panuto: Suriin ang ipinahihiwatig ng larawan sa abot ng iyong

makakaya. Matapos ang pagsusuri, punan ang pahayag sa ibaba.

Ang ekonomiya ng Pilipinas ay_______________________________________

__________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano kaya ang ipinahihiwatig ng larawan?

2. Ano ang naging batayan mo sa pagkompleto ng pangungusap?

3. Sa iyong palagay, ano ang mga ginagamit na panukat upang matukoy ang

kalagayan ng ekonomiya?

Aralin

2 Pambansang Kita

Page 5: Z P Araling Panlipunan...D. Pamahalaan E. Pamilihang Pinansyal Rubrics: Puntos Tama ang pagkakaguhit ng daloy ng pambansang ekonomiya at ang pagkakalagay ng mga sektor. 10 Tama ang

5

Suriin

KAHALAGAHAN NG PAGSUKAT SA PAMBANSANG KITA

Ayon kay Campbell R McConnell at Stanley Brue sa kanilang Economics

Principles, Problems, and Policies (1999), ang kahalagahan ng pagsukat sa pambansang kita ay ang sumusunod:

1. Ang sistema ng pagsukat sa pambansang kita ay nakapagbibigay ng ideya tungkol sa antas ng produksiyon ng ekonomiya sa isang particular na

taon at maipaliwanag kung bakit ganito kalaki o kababa ang produksiyon ng bansa.

2. Sa paghahambing ng pambansang kita sa loob ng ilang taon,

masusubaybayan natin ang direksiyon na tinatahak ng atng ekonomiya at malalaman kung may nagaganap na pag-unlad o

pagbaba sa kabuuang produksiyon ng bansa. 3. Ang nakalap na impormasyon mula sa pambansang kita ang magiging

gabay ng mga nagplano sa ekonomiya upang bumuo ng mga patakaran at polisiya na makapagpapabuti sa pamumuhay ng mga

mamamayan at makapagpapataas sa economic performance ng bansa.

4. Kung walang sistematikong paraan sa pagsukat ng pambansang

kita,haka- haka lamang ang magiging basehan na walang matibay na batayan. Kung gayon, ang datos ay hndi kapanipaniwala.

5. Sa pamamagitan ng National Income Accounting, maaaring masukat ang kalusugan ng ekonomiya.

PAGKAKAIBA NG GROSS NATIONAL INCOME (GNI) AT GROSS DOMESTIC

PRODUCT (GDP)

Ang Gross National Income o dating tinatawag na Gross National Product ay sinusukat ang kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng nabuong produkto at

serbisyo na ginawa sa loob ng itinakdang panahon. Mga mamamayan ng bansa ang nagmamay-ari ng mga salik ng produksiyong ito kahit saang bahagi ng daigdig ito

ginawa.

Mga Hindi Isinasama Sa Pagkuwenta Sa Pambansang Kita

1. Hindi na ibinibilang ang halaga ng hilaw na sangkap sa proseso ng

produksiyon upang maiwasan ang duplikasyon sa pagbibilang . 2. Hindi na isinasama ang mga pampamilihang gawain, kung wala

namang kinikitang salapi ang nagsasagawa nito. 3. Hindi rin isinasama ang mga produktong nabuo mula sa mga impormal

na sektor o underground economy sapagkat hindi ito nakarehistro at walang dokumentong mapagkukunan ng datos ng kanilang gawain upang ang halaga

ng kanilang produksiyon ay masukat.

Page 6: Z P Araling Panlipunan...D. Pamahalaan E. Pamilihang Pinansyal Rubrics: Puntos Tama ang pagkakaguhit ng daloy ng pambansang ekonomiya at ang pagkakalagay ng mga sektor. 10 Tama ang

6

4. Hindi rin kabilang ang mga produktong segundamano dahil isinama na

ang halaga nito noong ito ay bagong gawa pa lamang.

Ang Gross Domestic Product naman ay sumusukat sa kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng tapos na produkto at serbisyo na ginawa sa loob

ng isang takdang panahon sa loob ng isang bansa. Ibig sabihin lahat ng salik ng produksiyong ginamit upang mabuo ang produkto at serbisyo maging ito ay

pagmamay-ari ng mga dayuhan na matatagpuan sa loob ng bansa ay kasama dito.

MGA PARAAN NG PAGSUKAT SA GNI

Ayon kay Villegas at Abola(1992), may tatlong paraan ng pagsukat sa Gross National Income: (1) pamamaraan batay sa gastos (expenditure approach), (2)

pamamaraan batay sa kita ng sangkap ng produksiyon ( Income approach), at (3) pamamaraan batay sa pinagmulang industriya (industrial origin approach).

1. Paraan batay sa paggasta (Expenditure Approach)

Ang pambansang ekonomiya ay binubuo ng apat na sektor:

sambahayan,bahay-kalakal, pamahalaan, at panlabas na sektor. Ang pinagkakagastusan ng bawat sektor ay ang sumusunod.

a. Gastusing Personal (C) -napapaloob dito ang mga gstos ng mamamayan

tulad ng pagkain, damit, paglilibang, serbisyo ng manggugupit ng buhok at iba pa. Lahat ng gastusin ng mga mamamayan ay ksama rito.

b. Gastusin ng mga namumuhunan (I)- kabilang ang mga gastos ng mga

bahay-kalakal tulad ng mga gamit sa opisina, hilaw na sangkap o

materyales sa produksiyon, sahod ng manggagawa at iba pa.

c. Gastusin ng pamahalaan (G)- kasama rito ang mga gastusin ng pamahalaan sa pagsasagawa ng mga proyektong panlipunan at iba pang mga

gastusin nito.

d. Gastusin ng panlabas na sektor (X-M)- makukuha ito kung ibabawas ang iniluluwas o export sa inaangkat o import.

e. Statistical Discrepancy (SD)- ang anumang kakulangan o kalabisan sa pagkwenta na hindi malaman kung saan ibibilang. Ito ay nagaganap sapagkat

may mga transaksiyong hindi sapat ang mapagkukunan ng datos o impormasyon.

f. Net Factor Income from Abroad (NFIFA)- tinatawag ding Net Primary

Income. Makukuha ito kapag ibinawas ang gastos ng mga mamamayang

nasa ibang bansa sa gastos ng mga dayuhang nasa loob ng bansa.

Ang formula sa pagkuwenta ng Gross National Income sa pamamaraan batay sa paggasta o expenditure approach ay: GNI = C+I+G+ (X-M) +SD +NFIFA. Pag-aralan

at suriin ang talahanayan ng GNI at GDP ng ating bansa noong 2012-2013 na makikita sa ibaba.

Page 7: Z P Araling Panlipunan...D. Pamahalaan E. Pamilihang Pinansyal Rubrics: Puntos Tama ang pagkakaguhit ng daloy ng pambansang ekonomiya at ang pagkakalagay ng mga sektor. 10 Tama ang

7

Type of Expenditure Approach

At Current Prices At Constant Prices

2012 2013 Growth Rate

(%) 2012 2013

Growth

Rate (%)

1. Household Final Consumption Expenditure

7,837,881 8,455,783 7.9 4,442,523 4,691,060 5.6

2. Government Final Consumption Expenditure

1,112,586 1,234,113 11.7 653,067 709,109 8.6

3. Capital Formation 1,950,524 2,243,714 15.0 1,168,386 1,381,256 18.2

A. Fixed Capital 2,047,957 2,332,663 13.9 1,280,042 1,430,348 11.7

1. Construction 1,047,169 1,236,436 15.1 517,184 573,475 10.9

2. Durable Equipment

751,133 874,079 16.4 630,084 720,598 14.4

3. Breeding Stock & Orchard Dev’t

181,123 178,032 -1.7 100,069 98,536 -1.5

4. Intellectual

Property Products 41,531 44,116 6.2 32,705 37,739 15.4

B. Changes in Inventories

-97,433 -88,949 -111,656 -49,092

4. Exports 3,254,460 3,332,196 2.4 3,054,071 3,077,984 0.8

A. Exports of Goods 2,120,180 2,124,279 0.2 2,426,493 2,428,474 0.1

B. Exports of

Services 1,134,279 1,207,917 6.5 627,578 649,510 3.5

5. Less: Imports 3,590,563 3,631,207 1.1 3,006,376 3,136,324 4.3

A. Imports of Goods 2,875,855 2,877,476 0.1 2,415,218 2,510,593 3.9

B. Imports of

Services 714,708 753,731 5.5 591,158 625,731 5.8

6. Statistical Discrepancy

0 -97,495 0 40,682

GROSS DOMESTIC

PRODUCT 10,564,886 11,546,104 9.3 6,311,671 6,763,767 7.2

Net Primary Income 2,043,843 2,284,037 1,184,875 1,296,710

GROSS NATIONAL

INCOME 12,608,730 13,830,140 9.7 7,496,546 8,060,477 7.5

Page 8: Z P Araling Panlipunan...D. Pamahalaan E. Pamilihang Pinansyal Rubrics: Puntos Tama ang pagkakaguhit ng daloy ng pambansang ekonomiya at ang pagkakalagay ng mga sektor. 10 Tama ang

8

2. Paraan batay sa pinagmulang Industriya (Industrial Origin/Value Added

Approach)

Sa paraang batay sa pinagmulang industriya, masusukat ang Gross Domestic

Product ng bansa kung pagsasamahin ang kabuuang halaga ng produksiyon ng mga pangunahing industriya ng bansa. Kinapapalooban ito ng sektor ng agrikultura,

industriya, at serbisyo. Sa kabilang banda, kung isasama ang Net Factor Income from Abroad o Net Primary Income sa kompyutasyon, masusukat din nito ang Gross

National Income (GNI) ng bansa.

Industry/Industry

Group

At Current Prices At Constant Prices

2012 2013 Growth Rate

(%) 2012 2013

Growth Rate (%)

Agriculture,

Hunting,

Forestry and

Fishing

1250616 1297903 3.8 698937 706647 1.1

Industry Sector 3284508 3582787 9.1 2022623 2213892 9.5

Service Sector 6029762 6665414 10.5 3590111 3843229 7.1

GROSS DOMESTIC

PRODUCT 10564886 11546104 9.3 6311671 6763767 7.2

Net Primary Income 2043843 2284037 1184875 1296710

GROSS NATIONAL

INCOME 12608730 13830140 9.7 7496546 8060477 7.5

3. Paraan Batay sa Kita (Income Approach)

a. Sahod ng mga manggagawa – Sahod na ibinabayad sa sambahayan mula

sa mga bahay-kalakal at pamahalaan.

b. Net Operating Surplus – inubo ng mga korporasyong pribado at pag-aari at pinatatakbo ng pampamahalaan at iba pang mga negosyo.

c. Depresasyon- pagbaba ng halaga ng yamang pisikal bunga ng pagkaluma bunga ng tuloy tuloy na paggamit at paglipas ng panahon.

d. Di-tuwirang Buwis- Subsidiya

1. Di-tuwirang buwis- kabilang dito ang sales tax, custom duties,

lisensya at iba pang di-tuwirang buwis.

2. Subsidiya- salaping binabalikat at binabayaran ng

pamahalaan ng hindi tumatanggap ng kapalit na produktoo

serbisyo. Isang halimbawa nito ang pag-ako ng pamahalaan sa ilang bahagi ng bayarin ng mga sumasakay sa Light Rail

Transit.

Page 9: Z P Araling Panlipunan...D. Pamahalaan E. Pamilihang Pinansyal Rubrics: Puntos Tama ang pagkakaguhit ng daloy ng pambansang ekonomiya at ang pagkakalagay ng mga sektor. 10 Tama ang

9

Pagyamanin

Gawain 3: PAWANG KATOTOHANAN LAMANG

Panuto: May tatlong pahayag na nasa ibaba tungkol sa paksang ating

tinalakay. Ilan sa mga pahayag na ito ay walang katotohanan.Basahing

mabuti ang mga pahayag at alamin kung alin sa mga pahayag ang may

katotohanan at walang katotohanan. Sagutin ang pamprosesong

tanong. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Pahayag 1. Ginagamit ang Gross National Income at Gross Domestic Product

upang masukat ang economic performance ng isang ekonomiya.

Pahayag 2. Tanging halaga ng mga tapos na produkto lamang ang isinasama sa

pagkuwenta ng Gross National Income.

Pahayag 3. Ang halagang mga nabuong produkto ng mga dayuhang nagtatrabaho

sa loob ng Pilipinas ay hindi ibinibilang sa pagkuwenta ng Gross

National Income ng bansang kanilang pinanggalingan.

Mga Pamprosesong Tanong :

1.Ilan sa mga pahayag ang MALI at ilan ang TAMA?

2. Alin sa mga pahayag ang mali? Ipaliwanag kung bakit ito mali.

3. Alin sa mga pahayag ang tama? Ipaliwanag kung bakit ito tama.

Page 10: Z P Araling Panlipunan...D. Pamahalaan E. Pamilihang Pinansyal Rubrics: Puntos Tama ang pagkakaguhit ng daloy ng pambansang ekonomiya at ang pagkakalagay ng mga sektor. 10 Tama ang

10

Isaisip

Gawain 4: SUKATIN MO AKO!

Panuto: Sukatin ang GNI ng bansa gamit ang mga datos na nasa kahon.

Suriing mabuti kung anong paraan ng pagsukat sa GNI ang

naangkop na gamitin. Ipakita ang iyong proseso sa pagkuwenta

sa GNI. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Pamprosesong Tanong:

1. Anong mga datos ang nakita mo sa graph?

2. Gamit ang mga datos na ito, kuwentahin ang GROSS DOMESTIC PRODUCT ng

bansa sa taong 2012 at 2013.

3. Gamit ang mga datos na ito, kuwentahin ang GROSS NATIONAL INCOME ng

bansa sa taong 2012 at 2013.

4. Anong paraan ng pagsukat ang angkop na gamitin upang kumpyutin ang GDP

at GNI ng bansa?

Agriculture, Hunting, Forestryand Fishing

Industry Sector Service Sector Net Primary Income

2012 1,250,616.00 3,284,508.00 6,029,762.00 2,043,843.00

2013 1,297,903.00 3,582,787.00 6,665,414.00 2,284,037.00

1,25

0,61

6.00

3,28

4,50

8.00

6,02

9,76

2.00

2,04

3,84

3.00

1,2

97

,90

3.0

0

3,58

2,78

7.00

6,66

5,41

4.00

2,28

4,03

7.00

GROSS NATI ONAL I NCOME AND GROSS D OMESTI C PROD UCT : ANNUAL 2012 AND 2013 AT CURRENT AND CONSTANT 2000 PRICES, IN

MI LLI ON PESOS

2012 2013

Page 11: Z P Araling Panlipunan...D. Pamahalaan E. Pamilihang Pinansyal Rubrics: Puntos Tama ang pagkakaguhit ng daloy ng pambansang ekonomiya at ang pagkakalagay ng mga sektor. 10 Tama ang

11

Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing Mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang titik na tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat sa

sagutang papel ang mga sagot.

1.Ang mga sumusunod ay nagpapakahulugan sa GNI, alin dito ang tama?

A. Ang GNI ay dating tinatawag na Gross Domestic Product. B. Ang GNI ay sumusukat sa kabuuang pampamilihang halaga ng

lahat ng nabuong produkto at serbisyo sa loob ng isang bansa. C. Ang GNI ay sumusukat sa kabuuang pampamilihang halaga ng lahat

ng tapos na produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng isang takdang panahon sa loob ng isang bansa.

D. Ang GNI ay sumusukat sa kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng nabuong produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng itinakdang panahon.

2. Alin sa mga sumusunod na mga paraan ng pagsukat, ang HINDI ginagamit sa pagsukat ng GNI?

A. Economic Freedom Approach B. Expenditure Approach

C. Income Approach D. Industrial Origin Approach

3. Ano ang kahalagahan ng pagsukat ng Pambansang Kita? A. Ang pagsukat ng pambansang kita ay nagbibigay-daan para sa

kasalukuyang administrasyon upang makalikom ng suporta galing sa taong-bayan.

B. Ang pagsukat ng pambansang kita ay naglalayon na maging tanyag tay sa buong mundo.

C. Kapag nalaman na malaki ang kita natin, magiging tanyag ang kasalukuyag administrasyon.

D. Magkakaroon ng pagsubaybay sa direksyong tinatahak ng ating

ekonomiya.

4. Alin sa mga sumusunod na formula ang tamang pagkwenta ng GNI batay sa expenditure approach?

A. GNI=C+G+(X+M) +SD+NFIFA B. GNI=C+G+I+(X+M) +SD+NFIFA

C. GNI= C+I+G+ (X-M) +SD+NFIFA

D. GNI= C+I+G+ (X-M) – SD+NFIFA

5. Alin sa mga sumusunod na formula ang tamang pagkuwenta upang makuha ang Gross Domestic Product ng Pilipinas gamit ang expenditure approach?

A. GDP= C+G-I+ (X-M) +SD+NFIFA B. GDP= C+G+I+(X-M) +SD+NFIFA

C. GDP= C+G+I+(X-M) +SD

D. GDP= C+G+I+(X-M) + NFIFA

Page 12: Z P Araling Panlipunan...D. Pamahalaan E. Pamilihang Pinansyal Rubrics: Puntos Tama ang pagkakaguhit ng daloy ng pambansang ekonomiya at ang pagkakalagay ng mga sektor. 10 Tama ang

12

6. Ang GDP ay masusukat gamit ang Value Added Approach o pagsasama-sama ng kabuuang halaga ng produksyon ng mga pangunahing industriya ng bansa. Kapag

isinama ang Net Primary Income sa kalalabasan ng kompyutasyon sa pagsasama-sama ng kauuang halaga ng produksyon ng mga pangunahing industriya sa bansa

ay hindi natin masusukat ng tama ang GNI ng bansa. A. Ang dalawang pahayag ay mali.

B.Ang dalawang pahayag ay tama. C. Ang unang pahayag ay mali at tama ang pangalawa.

D. Ang unang pahayag ay tama at mali ang pangalawa.

7.Isang paraan ng pagsukat ng pambansang kita ay ang batay sa kita o Income

Approach, sa paraan na ito isinasama ang Net Operating Surplus sa pagkwenta upang makuha o malaman ang Pambansang kita. Ang sahod ng mga manggagawa

ay hindi kabilang sa paraan na ito. A. Ang dalawang pahayag ay mali.

B.Ang dalawang pahayag ay tama.

C. Ang unang pahayag ay mali at tama ang pangalawa. D. Ang unang pahayag ay tama at mali ang pangalawa.

8. Ang tatlong paraan ng pagsukat ng Gross National Income ay iminungkahe nina

___________________ noong taong 1992. A. Abola at Campbell

B.Campbell at Brue C.Karl Marx at Stanley Brue

D. Villegas at Abola

9. Ang mga produktong nabuo mula sa impormal na sector ay hindi na ibinibilang

sa pagkuwenta ng GNI, sa anong kadahilanan? A. Maliliit lamang ito na Negosyo

B. Mumurahin lamang ang ibenebenta C. Hindi kayang bilangin ng pamahalaan ang dami ng mga produktong

galing sa impormal na sector. D.Hindi nakarehistro at walang dokumentong pagkukunan ng datos

10.Si Rodel ay isang Pilipino na nagtrabaho sa bansang Japan ng limang taon. Sa tagal ng kanyang pamamalagi roon ay nakapagpatayo siya ng isang negosyo na

talaga namang pumatok sa panlasa ng mga naninirahan roon.Alin sa mga sumusunod ang tama patungkol sa sitwasyong ito?

A. Hindi kasama sa pagkwenta ng GDP ng bansang Japan ang kanyang kita.

B. Hindi kasama sa pagkwenta ng GNI ang kanyang kita.

C. Kasama sa GNI ng bansang Pilipinas ang kanyang kita D. Kasama sa pagkwenta ng GDP ng bansang Pilipinas ang kanyang

kita.

11. Gamit ang mga datos ng Agriculture, Hunting,Industry sector at Service sector anong paraan ang gagamitin mo upang masukat ang GDP ng bansa?

A. Economic Freedom Approach B. Expenditure Approach

C. Income Approach

D. Industrial Origin Approach

Page 13: Z P Araling Panlipunan...D. Pamahalaan E. Pamilihang Pinansyal Rubrics: Puntos Tama ang pagkakaguhit ng daloy ng pambansang ekonomiya at ang pagkakalagay ng mga sektor. 10 Tama ang

13

Gamit ang sumusunod na datos sagutin ang mga susunod na mga katanungan.

Industry/Industry Group 2012 2013

Agriculture, Hunting,

Forestry and Fishing 1,250,617 1,297,904

Industry Sector 3,284,509 3,582,788

Service Sector 6,029,763 6,665,415

GROSS DOMESTIC PRODUCT ? ?

Net Primary Income 2,043,844 2,284,038

GROSS NATIONAL INCOME ? ?

12. Gamit ang datos sa itaas, ano ang GDP ng bansa taong 2012? A. 10,564,889

B. 11,546,107 C. 12,608,733

D. 13,830,145

13. Gamit ang datos sa itaas, ano ang GDP ng bansa taong 2013? A. 10,564,889

B. 11,546,107

C. 12,608,733 D. 13,830,145

14. Gamit ang datos sa itaas, ano ang GNP ng bansa taong 2012?

A. 10,564,889 B. 11,546,107

C. 12,608,733 D. 13,830,145

15. Gamit ang datos sa itaas, ano ang GNP ng bansa taong 2013? A. 10,564,889

B. 11,546,107 C. 12,608,733

D. 13,830,145

Page 14: Z P Araling Panlipunan...D. Pamahalaan E. Pamilihang Pinansyal Rubrics: Puntos Tama ang pagkakaguhit ng daloy ng pambansang ekonomiya at ang pagkakalagay ng mga sektor. 10 Tama ang

14

Susi sa Pagwawasto

Gawain 3: PAWANG KATOTOHANAN LAMANG

1. Mali- 1; Tama- 2 2. Pahayag 3; iba-

iba ang sagot

3. Pahayag 1 at 2;

iba-iba ang sagot

Gawain 4:Sukatin mo Ako

1. maaaring iba-iba ang sagot

2. 2012= 10,564,886

2013= 11,546,104 3. 2012= 12,608,729

2013= 13,830,141 4. Industrial Origin /Value Added

Approach

Tayahin

1.D 2.A

3.D

4.C 5.C

6.D 7.D

8.D 9.D

10.C 11.D

12.A

13.B 14.C

15.D

Page 15: Z P Araling Panlipunan...D. Pamahalaan E. Pamilihang Pinansyal Rubrics: Puntos Tama ang pagkakaguhit ng daloy ng pambansang ekonomiya at ang pagkakalagay ng mga sektor. 10 Tama ang

15

Sanggunian: Ekonomiks Araling Panlipunan ,Modyul para sa Mag-aaral,pp245-249

https://images.app.goo.gl/ZZFpNF9AJtYHQiCt8

Page 16: Z P Araling Panlipunan...D. Pamahalaan E. Pamilihang Pinansyal Rubrics: Puntos Tama ang pagkakaguhit ng daloy ng pambansang ekonomiya at ang pagkakalagay ng mga sektor. 10 Tama ang

16

Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom

Here the breezes gently Blow,

Here the birds sing Merrily,

The liberty forever Stays,

Here the Badjaos roam the seas

Here the Samals live in peace

Here the Tausogs thrive so free

With the Yakans in unity

Gallant men And Ladies fair

Linger with love and care

Golden beams of sunrise and sunset

Are visions you’ll never forget

Oh! That’s Region IX

Hardworking people Abound,

Every valleys and Dale

Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,

Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,

Ilongos,

All of them are proud and true

Region IX our Eden Land

Region IX

Our..

Eden...

Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer One night I had a dream. I dreamed

that I was walking along the beach

with the LORD.

In the beach, there were two (2) sets

of footprints – one belong to me and

the other to the LORD.

Then, later, after a long walk, I

noticed only one set of footprints.

“And I ask the LORD. Why? Why?

Why did you leave me when I am sad

and helpless?”

And the LORD replied “My son, My

son, I have never left you. There was

only one (1) set of footprints in the

sand, because it was then that I

CARRIED YOU!

I think that I shall never see

A poem lovely as a tree.

A tree whose hungry mouth is prest

Against the earth’s sweet flowing

breast;

A tree that looks at God all day,

And lifts her leafy arms to pray;

A tree that may in Summer wear

A nest of robins in her hair;

Upon whose bosom snow has lain;

Who intimately lives with rain.

Poems are made by fools like me,

But only God can make a tree.