year 13 number 802 city of puerto princesa november … · nanggaling ang nasabing mga basura...

1
Year 13| No. 802 P10.00 YEAR 13 NUMBER 802 CITY OF PUERTO PRINCESA NOVEMBER 12 - 18, 2018 DISMISSAL ORDER VS BISE...3 IPINATAW na ang pagpapababa sa pwesto sa Bise Alkalde ng bayan ng Quezon na si Eugene Ayod dahil sa kasong Serious Dishonesty and Grave Misconduct bunsod ng paggamit umano ng ibang tao nang kumuha ng Civil Service Exam noong 1997. Ipinataw ng Department of the Interior and Local Government (DILG)-Palawan ang dismissal order noong ika-30 ng Oktubre matapos na lumabas noong ika-18 ng Setyembre makaraang mabasura ang motion for reconsideration ni Ayod. Ang ipinatupad na kautusan ng DILG-Palawan ay ang Civil Service Commission Decision No. 150371 na may petsang Hunyo 10, 2015 ay iminungkahi ni G. Rogelio Lauros, isang residente ng bayan ng Quezon na nagmosyong iimplementa na iyon na sinusugan naman ng tanggapan. Napatunayan umanong guilty si PUERTO BAY, MULING NAGPOSITIBO SA RED TIDE KINORONAHAN Bilang 1st Subaraw Festival Queen si Candidate No. 18 Bb. Sahara Senta B. Wagner ng Palawan Hope Christian School sa ginanap na 1st Subaraw Festival Queen Grand Coronation Night sa Puerto Princesa City Coliseum noong ika-8 ng Nobyembre. Nasungkit din ni Wagner ang ilang parangal katulad ng Miss Photogenic Award, Sitel Choice Award, Best in Talent, Best in Costume at Best in Long gown na disenyo ni Johnny Abad ng Designers Circle of the Philippines (DCP). Tinanghal namang First Runner-Up si Candidate No. 17 na si Bb. Jessarie Dumaguing ng Brgy. San Jose na nakakuha rin ng ilang award tulad ng SM City Puerto Princesa Choice Award at Best in Swimsuit na disenyo ni Ivan dela Cruz ng DCP. Second Runner-Up si Candidate No. 10- Bb. Maria Veronica Sinajon ng Amos Tara Community Center na nakakuha ang South Sea Pearl Choice Award at ilan pang minor award. Nakuha naman nina Bb. Mariane Ignacio at Bb. Jessabelle S. Acosta ang DCP Choice Awards kaya parehong pambato ang dalawa ng Palawan at Puerto Princesa City sa darating na Metro Manila Catwalk 2019. Sa kabilang dako, ang koronang ipinutong kay Wagner ay nagkakahalaga ng mahigit P200,000 na gawa at bigay mula sa pamunuan ng South Sea Pearl Museum. Ipinutong kay Ms. Wagner ang naturang korona nina G. Roque Breboneria ng South Sea Pearl Museum, Puerto Princesa City Mayor Lucilo R. Bayron; Bb. Ariella Arida, Miss Universe BB. SAHARA WAGNER...3 ANG mga nagwagi sa kauna-unahang Subaraw Festival Queen competition sa isang photo opportunity matapos ang grand coronation night na sina (L-R) Second Runner-Up Maria Veronica Sinajon, Subaraw Festival Queen 2018 Sahara Senta B. Wagner at First Run- ner-Up Jessarie Dumaguing. (PHOTO//VEN MARCK BOTIN) Ni Diana Ross M. Cetenta REGULAR NA COASTAL CLEAN-UP SA MGA MALALAYONG ISLA, INIATAS NG LGU ARACELI DAHIL SA NAKUNANG MGA BASURA INIATAS na ng Alkalde ng bayan ng Araceli ang palagiang pagsasagawa ng coastal clean-up sa mga malalayong isla matapos na nag-trending sa social media ang tambak na basurang nakunan sa Madagsa Beach, Brgy. Calandagan. Ayon kay Mayor Noel Beronio, nang naiulat sa kanila ang ganoong kaganapan ay kanyang iniatas ang palagiang pagbisita sa naturang isla at sa mga kalapit pang mga isla sa kanilang bayan. Ngunit paglilinaw ni Mayor Beronio, gaya ng sinabi ng uploader na si Alo Lantin, hindi sa kanila nanggaling ang nasabing mga basura sapagkat may ipinatutupad ng Solid Waste Management Ordinance ang kanilang munisipalidad para sa tamang pagtatapon ng kalat. Iyon aniya ay naanod lamang mula sa laot, sanhi ng hangin at alon. Aniya, kung pagbabasehan ang lebel ng mga nakuhang plastik na bote ay makikitang buhat ang mga iyon sa iba’t ibang lugar. Ang Madagsa Beach ay isang nakahiwalay na malaking isla Ni Diana Ross M. Cetenta DISMISSAL ORDER VS BISE ALKALDE NG QUEZON, IPINATAW NA Ayod sa kinaharap na kasong Serious Dishonesty and Grave Misconduct nang makita sa seat plan na ibang tao ang kumuha ng eksaminasyon at hindi siya kaya napatawan ng dismissal ANG mga basurang nakunan sa Madagsa Beach, Araceli sa bahaging norte ng lalawigan.(CONTRIBUTED PHOTO// ALO LANTIN/WWF-PHILIPPNES) REGULAR NA COASTAL...3 VICE MAYOR EUGENE AYOD ( PHOTO/RMN-PALAWAN) SAHARA SENTA WAGNER NG HOPE CHRISTIAN SCHOOL, KINORONAHAN BILANG 1ST SUBARAW FESTIVAL QUEEN 2018 Ni Ven Marck Botin Ni Clea Faye G. Cahayag MULING nagpositibo sa red tide ang Puerto Bay base sa ibinabang Shellfish Advisory No. 26 ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) noong ika-8 ng Nobyembre.. Batay sa isinagawang monitoring activity ng mga kinauukulan, naobserbahan umanong mataas ang Paralytic Shellfish Poisoning (PSP) na umaabot sa 143.16 ugSTXeq/100g ang lebel ng toxin na nakolekta sa nasabing apektadong lugar. Matatandaang makalipas ang ilang buwan ding pagpositibo sa red tide ay tinanggal iyon noong ika-25 ng Setyembre sa pamamagitan ng ibinabang ng Shellfish Advisory No.25 na muli namang bumalik ngayong No-byembre o makalipas ang wala pang dalawang buwan. Sa muling pagpositibo ng baybayin ay pinaaabisuhan ang publiko na iwasan munang kumain, manguha, magbenta at mag-transport ng shellfish mula sa Puerto Bay hanggang sa maobserbahan PUERTO BAY, MULING...3

Upload: haliem

Post on 29-Aug-2019

216 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: YEAR 13 NUMBER 802 CITY OF PUERTO PRINCESA NOVEMBER … · nanggaling ang nasabing mga basura sapagkat may ipinatutupad ng Solid Waste Management Ordinance ang kanilang munisipalidad

Year 13| No. 802

November 12 - 18, 2018 1

P10.00YEAR 13 NUMBER 802 CITY OF PUERTO PRINCESA NOVEMBER 12 - 18, 2018

COLORED SPREAD (PAGE 1&8)

DISMISSAL ORDER VS BISE...3

IPINATAW na ang pagpapababa sa pwesto sa Bise Alkalde ng bayan

ng Quezon na si Eugene Ayod dahil sa kasong Serious Dishonesty

and Grave Misconduct bunsod ng paggamit umano ng ibang tao nang

kumuha ng Civil Service Exam noong 1997.

Ipinataw ng Department of the Interior and Local Government (DILG)-Palawan ang dismissal order noong ika-30 ng Oktubre matapos na lumabas noong ika-18 ng Setyembre makaraang mabasura ang motion for reconsideration ni Ayod.

Ang ipinatupad na kautusan ng DILG-Palawan ay ang Civil Service

C o m m i s s i o n Decision No. 150371 na may petsang Hunyo 10, 2015 ay iminungkahi ni G. Rogelio Lauros, isang residente ng bayan ng Quezon na nagmosyong i implementa na iyon na sinusugan naman ng tanggapan.

N a p a t u n a y a n umanong guilty si

PUERTO BAY, MULING NAGPOSITIBO SA RED TIDE

KINORONAHAN Bilang 1st Subaraw Festival Queen si

Candidate No. 18 Bb. Sahara Senta B. Wagner ng Palawan

Hope Christian School sa ginanap na 1st Subaraw Festival Queen

Grand Coronation Night sa Puerto Princesa City Coliseum noong ika-8

ng Nobyembre.Nasungkit din ni Wagner ang

ilang parangal katulad ng Miss Photogenic Award, Sitel Choice Award, Best in Talent, Best in Costume at Best in Long gown na disenyo ni Johnny Abad ng Designers Circle of the Philippines (DCP).

Tinanghal namang First Runner-Up si Candidate No. 17 na si Bb. Jessarie Dumaguing ng Brgy. San Jose na nakakuha rin ng ilang award tulad ng SM City Puerto Princesa Choice Award at Best in Swimsuit na disenyo ni Ivan dela Cruz ng DCP.

Second Runner-Up si Candidate No. 10- Bb. Maria Veronica Sinajon ng Amos Tara Community Center na nakakuha ang South Sea Pearl Choice Award at ilan pang minor award.

Nakuha naman nina Bb. Mariane Ignacio at Bb. Jessabelle S. Acosta ang DCP Choice Awards kaya parehong pambato ang dalawa ng Palawan at Puerto Princesa City sa darating na Metro Manila Catwalk 2019.

Sa kabilang dako, ang koronang ip inutong kay Wagner ay nagkakahalaga ng mahigit P200,000 na gawa at bigay mula sa pamunuan ng South Sea Pearl Museum. Ipinutong kay Ms. Wagner ang naturang korona nina G. Roque Breboneria ng South Sea Pearl Museum, Puerto Princesa City Mayor Lucilo R. Bayron; Bb. Ariella Arida, Miss Universe

BB. SAHARA WAGNER...3

ANG mga nagwagi sa kauna-unahang Subaraw Festival Queen competition sa isang photo opportunity matapos ang grand coronation night na sina (L-R) Second Runner-Up Maria Veronica Sinajon, Subaraw Festival Queen 2018 Sahara Senta B. Wagner at First Run-ner-Up Jessarie Dumaguing. (PHOTO//VEN MARCK BOTIN)

Ni Diana Ross M. Cetenta

REGULAR NA COASTAL CLEAN-UP SA MGA MALALAYONG ISLA,

INIATAS NG LGU ARACELI

DAHIL SA NAKUNANG MGA BASURA

INIATAS na ng Alkalde ng bayan ng Araceli ang palagiang

pagsasagawa ng coastal clean-up sa mga malalayong isla matapos na nag-trending sa social media

ang tambak na basurang nakunan sa Madagsa Beach, Brgy.

Calandagan. Ayon kay Mayor Noel Beronio,

nang naiulat sa kanila ang ganoong kaganapan ay kanyang iniatas ang palagiang pagbisita sa naturang isla at sa mga kalapit pang mga isla sa kanilang bayan.

Ngunit paglilinaw ni Mayor Beronio, gaya ng sinabi ng uploader na si Alo Lantin, hindi sa kanila nanggaling ang nasabing mga basura sapagkat may ipinatutupad ng Solid Waste Management Ordinance ang kanilang munisipalidad para sa tamang pagtatapon ng kalat. Iyon aniya ay naanod lamang mula sa laot, sanhi ng hangin at alon.

Aniya, kung pagbabasehan ang lebel ng mga nakuhang plastik na bote ay makikitang buhat ang

mga iyon sa iba’t ibang lugar.Ang Madagsa Beach ay isang

nakahiwalay na malaking isla

Ni Diana Ross M. Cetenta

DISMISSAL ORDER VS BISE ALKALDE NG QUEZON, IPINATAW NA

Ayod sa kinaharap na kasong Serious Dishonesty and Grave Misconduct nang makita sa seat plan na ibang tao

ang kumuha ng eksaminasyon at hindi siya kaya napatawan ng dismissal

ANG mga basurang nakunan sa Madagsa Beach, Araceli sa bahaging norte ng lalawigan.(CONTRIBUTED PHOTO// ALO LANTIN/WWF-PHILIPPNES)

REGULAR NA COASTAL...3

VICE MAYOR EUGENE AYOD ( PHOTO/RMN-PALAWAN)

SAHARA SENTA WAGNER NG HOPE CHRISTIAN SCHOOL, KINORONAHAN BILANG 1ST SUBARAW FESTIVAL QUEEN 2018

Ni Ven Marck Botin

Ni Clea Faye G. Cahayag

MULING nagpositibo sa red tide ang Puerto Bay base sa ibinabang

Shellfish Advisory No. 26 ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources

(BFAR) noong ika-8 ng Nobyembre.. Batay sa isinagawang monitoring

activity ng mga kinauukulan, naobserbahan umanong mataas ang Paralytic Shellfish Poisoning (PSP) na umaabot sa 143.16 ugSTXeq/100g ang lebel ng toxin na nakolekta sa nasabing apektadong lugar.

Matatandaang makalipas ang

ilang buwan ding pagpositibo sa red tide ay tinanggal iyon noong ika-25 ng Setyembre sa pamamagitan ng ibinabang ng Shellfish Advisory No.25 na muli namang bumalik ngayong No-byembre o makalipas ang wala pang dalawang buwan.

Sa muling pagpositibo ng baybayin ay pinaaabisuhan ang publiko na iwasan munang kumain, manguha, magbenta at mag-transport ng shellfish mula sa Puerto Bay hanggang sa maobserbahan

PUERTO BAY, MULING...3