thesis.ekonomiks

Upload: cristina-l-jayson

Post on 29-May-2018

227 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

  • 8/8/2019 Thesis.ekonomiks

    1/2

    Pananaliksik ukol sa Pamumuhay ng 10 na napiling pamilyang Pilipino na naninirahan

    sa tabing tulay mula sa ika-pitong grupo ng IV-Service

    Introduksyon

    Isang realidad na sa bansang Pilipinas ang salitang kahirapan. Hindi ito

    mapagkakait dahil halos kahit saan ka tumingin ay mamumulat ang iyong mga mata sa

    kahirapan na dinadanas ng ating bansa. Maraming dahilan kung bakit mayroong

    kahirapan sa Pilipinas. Ang ilan sa mga kadahilanang nito ay malawakang korupsyon,

    kakulangan ng trabaho, malaking pamilya, kakulangan sa pinagaralan at katamaran.

    Kung mayroong kadahilanan, tiyak na mayroong epekto ito sa lipunan. Ilan sa epekto

    nito ay gutom, pagkakasakit, mataas na bilang ng karahasan, kakulangan ng pormal na

    edukasyon, walang mapapasukang trabaho at isang maling larawan ng bansang may

    malaking agwat sa pagitan ng mayayaman at mahihirap.

    Kung titingnan ng mabuti, maraming mahihirap na nakatira sa tabi ng tulay.

    Pagtutuunan namin ng pansin ang mga residenteng naninirahan sa tabi ng tulay sa

    Tubod, Iligan City. Isang kalunos-lunos na kalagayan ang mayroon ang mga taong

    namumuhay sa nasabing lugar. Ang kanilang mga salaysay ay ang magiging salamin

    sa masaklap na katotohanan ng buhay mahirap.

    Hindi basta-basta ang buhay lalo na sa gilid ng tulay. Ibat-ibang trahedya ang

    maaari mong maranasan. Maaari silang malunod sa baha kapag malakas ang ulan.

    Ngunit may ibat-ibang kadahilanan kung bakit sa kabila ng mga panganib na maaarinilang maranasan ay nanatili parin sila sa lugar na yaon. Hindi maiaalis ang mga

    mapuputik na daanan, bagamat di na nila iniintidi ang kanilang mga sarili, basta may

    matitirhan at makakain ay sapat na. Gayonpaman sa isang bansang may mga

    makukulay na kwento at karanasan ang mahihinuha. Bawat isang pamilya ay mayroon

    ding mga pangarap, ang iba ay nananatiling pangarap na lamang.

  • 8/8/2019 Thesis.ekonomiks

    2/2

    Haypotesis

    Sa pananaliksik na ito ukol sa pamumuhay ng 10 na napiling pamilyang Pilipino

    sa tabing tulay (Tubod, Iligan City) o sa residente sa tabi ng tulay. Nakita naming ang

    dulot ng kahirapan sa ating kapwa at masasabi namin na nahihirapan sila sa kanilang

    dinadanas at nahihirapan sila sa kanilang pamumuhay at uri ng pamumuhay mayroon

    sila lalo nang sila ay malapit sa anumang kapamahakan.

    Naisipan naming magbigay ng posibleng solusyon base sa aming pananaliksik

    ukol sa kanilang pamumuhay. Para kahit kauntiy nakapagbigay alam kami kung ano

    ang mga pwedeng kapamahakang mangyari kapag hindi nila masyadong batid ang

    mga kapamahakang maaaring maidudulot.

    o Sa panahon ng ulan at pagbaha, Maaari silang pumunta sa ibang lugar na

    pwede nilang masilungan hanggang sa ligtas ng puntahan ang kanilang mga

    tahanan o dumistansya na lamang sa daloy ng tubig sapa upang malayu-layo

    agos ng tubig.

    o Sa panahon ng labis na kakulangan ng pangangailangan lalo na sa malubhang

    kinahihinatyan, maghanap ng posibleng kabuhayan na maaaring pantubos sa

    pangaraw-araw na pamumuhay.

    o Sa panahon ng malubhang trahedya dulot ng pagpapapalit ng klima ng bansa,

    maaring lumapit at magpatulong sa mga inihalal na opisyante ukol sa

    problemang dinadamasa.

    o Kapag walang ibang malapitan at walang lakas ng loob na humarap sa mga

    opisyales at humingi ng tulong, maaaring kami ay gumawa ng liham para sa

    kapitan na sumasakop sa kanila, para bigyan sila ng kunting babala na kailangan

    nilang malaman.

    o Kapag di parin sapat o walang aksyon galing sa mga inaasahang tulong,

    pumunta o lumapit sa mga pahayagan at ipagbigay alam ang dalumhati upang

    magkaroon ng kamalayan at aksyon/tulong mula sa ibang opisyales at tao.