the pinoy chronicle february first issue 2015

8
FEBRUARY 2015 1st Issue Free Newspaper PINOY LOCAL P.2 PINOY GLOBAL P.3 FOOD TRIP AT HOME P.4 TARA LET'S P.5 WEEKLY HOROSCOPE P.6 PINOY SHOWBIZ P.7 THE PINOY PNP-SAF MGA BAGONG BAYANI CHRONICLE News. Link. Life TEL # 03-4431-3500 FREE DIAL 0120-344-233 FREE! EVERYDAY NA! SEE PAGE 4 FOR MORE DETAILS PINOY NA PINOY: DID YOU KNOW? 7 PREHISTORIC ANIMALS THAT ONCE ROAMED THE PHILIPPINES Thinking of what to cook this week? Tara Let's Watch a Movie Chili Garlic Shrimp Stir Fry Movie Review: Fury (2014) Siguro nga mas madalas nang naririnig sa concert arena ang mga pangalan nina Sarah Geronimo, Christian Bautista at maging si Julie Ann San Jose . CONTINUE ON PAGE 4 CONTINUE ON PAGE 5 back-up plans for pacquiao if mayweather says no CONTINUE ON PAGE 3 GLOBAL PINOY story CONTINUE ON PAGE 7 pinoy-bizz story CONTINUE ON PAGE 2 COVER story MARTIN, GARY, LANI AT REGINE MAGSASAMA SA ISANG ULTIMATE CONCERT -- SPECIAL FEATURE -- WEEKLY HOROSCOPE abang ang lahat sa kapuluan ng Luzon at Visayas ay payapang nagpapahinga sa kani-kanilang mga tahanan ay lingid sa kaalaman ng lahat na mayroon na palang sagupaan na nagaganap sa pagitan ng mga rebeldeng MILF – BIFF at kapulisan ng gobyerno na mas kilala bilang Elite Forces PNP-SAF (Special Action Force). Habang pinapanood ko ang pelikulang Fury na pinagbibidahan nina Brad Pitt (Curious Case of Benjamin Button), Shia Labeuof (Transformers), Logan Lerman (The Perks of Being a Wildflower), Michael Peña (American Hustle) at Jon Bernthal... Tinapos na ng San Miguel Beermen ang laban kontra Alaska “Milkmen” Aces nang makabawi ang huli sa kanilang sagupaan noong Game 6 (87-76) para mapwersa na magkaron ng Game 7 para sa kanilang best-of-seven championship series. CONTINUE ON PAGE 2 pinoy-local story BEERMEN INANGKIN ANG ALL-FILIPINO CUP DELIVERY SA ASIA YAOSHO Is a quick and easy shrimp recipe that you can make at home. This dish can be compared to the chili shrimp that they serve in Dampa — the only difference is that you are the one who prepared it. anny Pacquiao has a plan if ever the fight between him and Floyd Mayweather fails. Bob Arum Pacquaio's promoter told ESPN that a back-up plan has been in placed if the anticipated May 2 blockbuster fight against the unbeaten US star Mayweather falls through is a fight four weeks later in Las Vegas, New York, London or Abu Dhabi. "A lot of places around the world want to host a Manny Pacquiao fight," Arum said. "He's an international icon, and I have been approached by a number of people looking to host a Manny Pacquiao fight." Photo from: http://america.aljazeera.com/content/dam/ajam/rebels_phil_1262015.JPG H

Upload: buzz-ng-japan-the-pinoy-chronicle

Post on 07-Apr-2016

236 views

Category:

Documents


11 download

DESCRIPTION

New.Link.Life The Pinoy Chronicle February First Issue 2015

TRANSCRIPT

Page 1: The Pinoy Chronicle February First Issue 2015

DaloyKayumanggi

Impormasyon ng Pilipino

FEBRUARY 2015 1st Issue Free Newspaper

PINOY LOCAL P.2 PINOY GLOBAL P.3 FOOD TRIP AT HOME P.4 TARA LET'S P.5 WEEKLY HOROSCOPE P.6 PINOY SHOWBIZ P.7

THE PINOY

PNP-SAF MGA BAGONG BAYANI

CHRONICLENews. Link. LifeTEL # 03-4431-3500

FREE DIAL 0120-344-233

FREE!EVERYDAY NA!SEE PAGE 4 FOR MORE DETAILS

PINOY NA PINOY:

DID YOU KNOW? 7 PREHISTORIC ANIMALS THAT ONCE ROAMED THE PHILIPPINES

Thinking of what to cook this week? Tara Let's Watch a Movie

Chili Garlic Shrimp Stir Fry Movie Review: Fury (2014)

Siguro nga mas madalas nang naririnig sa concert arena ang mga pangalan nina Sarah Geronimo, Christian Bautista at maging si Julie Ann San Jose .

CONTINUE ON PAGE 4 CONTINUE ON PAGE 5

back-up plans for pacquiao if mayweather says no

CONTINUE ON PAGE 3GLOBAL PINOY story

CONTINUE ON PAGE 7pinoy-bizz story

CONTINUE ON PAGE 2COVER story

MARTIN, GARY, LANI AT REGINE MAGSASAMA SA ISANG ULTIMATE CONCERT

-- SPECIAL FEATURE --

WEEKLY HOROSCOPE

abang ang lahat sa kapuluan ng Luzon at Visayas ay payapang nagpapahinga sa kani-kanilang mga tahanan ay lingid sa kaalaman ng lahat na mayroon na palang sagupaan na nagaganap sa pagitan ng mga rebeldeng MILF – BIFF at kapulisan ng gobyerno na mas kilala bilang Elite Forces PNP-SAF (Special Action Force).

Habang pinapanood ko ang pelikulang Fury na pinagbibidahan nina Brad Pitt (Curious Case of Benjamin Button), Shia Labeuof (Transformers), Logan Lerman (The Perks of Being a Wildflower), Michael Peña (American Hustle) at Jon Bernthal...

Tinapos na ng San Miguel Beermen ang laban kontra Alaska “Milkmen” Aces nang makabawi ang huli sa kanilang sagupaan noong Game 6 (87-76) para mapwersa na magkaron ng Game 7 para sa kanilang best-of-seven championship series.

CONTINUE ON PAGE 2pinoy-local story

BEERMEN INANGKIN ANG ALL-FILIPINO CUP

DELIVERY SA ASIA YAOSHO

Is a quick and easy shrimp recipe that you can make at home. This dish can be compared to the chili shrimp that they serve in Dampa — the only difference is that you are the one who prepared it.

anny Pacquiao has a plan if ever the fight between him and Floyd Mayweather fails. Bob Arum Pacquaio's promoter told ESPN that a back-up plan has been in placed if the anticipated May 2 blockbuster fight against the unbeaten US star Mayweather falls through is a fight four weeks later in Las Vegas, New York, London or Abu Dhabi. "A lot of places around the world want to host a Manny Pacquiao fight," Arum said. "He's an international icon, and I have been approached by a number of people looking to host a Manny Pacquiao fight."

Photo from: http://america.aljazeera.com/content/dam/ajam/rebels_phil_1262015.JPG

H

Page 2: The Pinoy Chronicle February First Issue 2015

2 DaloyKayumanggi

Impormasyon ng PilipinoPinoy-localpage 2

beermen inangkin ang all-filipino cup

DRIlon: milf isuko niyo ang pinuno ng biff kung tapat ang peace agreement niyo

mj lastimosa bigo na masungkit ang ms. u crownpacquiao at mayweather

txtmate na!

hustisYA: pnp-saf mga bagong bayani

cover story

february 2015 I first ISSUE

~

Habang ang lahat sa kapuluan ng Luzon at Visayas ay payapang nagpapahinga sa kani-kanilang mga tahanan ay lingid sa kaalaman ng lahat na mayroon na palang sagupaan na nagaganap sa pagitan ng mga rebeldeng MILF – BIFF at kapulisan ng gobyerno na mas kilala bilang Elite Forces PNP-SAF (Special Action Force).

Bunsod sa pagbobomba sa Zamboanga City noong nakaraang Enero 23, ay naatasan ang PNP-SAF na tuluyan nang arestuhin mula sa pinaghihinalaang kuta ng dalawang high ranking bomb expert na kapwa miyembro ng Indonesia-based terrorist group na Jemaah Islamiyah na sina Zulkifli Abnir aka Marwan, Zulkifli Bin Hir na isang Malaysian at Abdul Basit Usman na isa namang Pinoy at commander ng BIFF (Bangsamoro Islamic Freedon Fighters).

Ayon sa FBI-USA, kabilang si Marwan sa mga most wanted na may patong sa ulo na $5M samantalang si Usman naman ay may patong sa ulo na $1M mula sa talaan ng US-State Department. Tinatayang 43 miyembro ng PNP-SAF, isang civilian guide ang nasawi sa engkwentro habang 11 naman ang sugatan sa kampo ng gobyerno samantalang, napabalita naman na napatay ang teroristang si Marwan ngunit patuloy pa rin na kinukimpirma ito. Matatandaan na noong 2012 ay napabalita na napatay na si Marwan na pasabugin ang hinihinalang kubo nito ng Air Force katuwang ang Amerika na kinalaunan ay napagalamang nakatakas. Bagama’t nauna na nagpahayag ang MILF na ang nasabing engkwentro ay pawang self-defense lamang at “mis-coordination” bi lang tugon sa napagkasunduang peace agreement (Comprehensive Agreement on Bangsamoro) dahil hindi nakipag-coordinate ang SAF sa MILF hinggil sa nasabing operasyon. Kinundina naman ito ng sambayanang Pilipino na pinaniniwalang ang nangyari ay isang ambush, isang massacre. Ayon naman sa isang nakaligtas, brutal na pinagpapatay ang mga kapulisan, dahil bagaman patay na ay pagbabarilin pa ito ng paulit-ulit saka pagnanakawan. Isang larawan ang kumakalat sa social media, kung saan pinagyayabang pa ng BIFF ang mga nakuha nilang armas mula sa mga napatay na miyembro ng SAF. Isa raw itong patunay at bilang babala na walang sinuman ang kayang sumalungat sa kanila. Kilala ang BIFF na hindi sang-ayon sa peace agreement ng MILF at gobyerno. Sa kabilang banda, marami ang nagtatanong kung bakit magkasama ang MILF at BIFF sa nasabing kuta ng mga terorista, napagalaman na bagama’t tumiwalag ang BIFF sa MILF ang lugar na pinangyarihan ng sagupaan ay binubuo ng mga mag-anak na kapwa miyembro ng MILF at BIFF. Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang masidhing imbestigasyon hinggil sa trahedyang ito. Kung sino nga ba ang dapat managot, nagkulang nga ba ang kapulisan? Ang tanging hiling ng pamilya ng mga nasawi ay hustisya at nawa’y ipagdasal natin ang mga bagong bayani ng ating bayan.

T inapos na ng San Miguel Beermen ang laban kontra Alaska “Milkmen” Aces nang makabawi ang huli sa kanilang sagupaan noong Game 6 (87-76) para mapwersa na magkaron ng Game 7 para sa kanilang best-of-seven championship series.

Bagama’t lamang ang Beermen ng 23 puntos sa 2nd period ay bigla naman silang naalarma nang agawain ng Aces ang kalamangan na 74-68 advantage may 4:20 minuto na nalalabi sa fourth quarter. Ngunit desidido ang Finals MVP na si Arwind Santos na

nagpaulan ng tres para makalamang ng 79-78 sa 43.7 na nalalabing oras. Samantala nakatulong rin ang dalawang Free Throw shots ni Chris Lutz. Ani ni Head Coach Leo Austria “We’re fortunate because in the endgame, we were able to recover from their big rallies”, and I appreciate my players because they did not give up, especially Arwind and JuneMar na sinasabi nila sa akin, ‘Coach, this is ours”. Sa kasaysayan, ito na ang ika-limang All Filipino Cup title ng Beermen at pang-20 naman sa kabuuan na PBA titles.

Hindi man naiuwi ni Bb. Pilipinas-Universe Mary Jean Lastimosa ang titulo bilang 63rd Miss Universe, na ginanap sa Miami, Florida noong Enero 25 (Enero 26 PST) ay napatunayan naman niyang ang ganda ng lahing Pilipino.

Matatandaan na pinulaan si Mj sa kanyang National Costume na inihantulad sa isang cake, na isa ring itinuturong dahilan kung bakit hindi siya nakapasok sa Top 5. Pasok si Mj sa semifinals at nakasama niya sina Ms: Colombia, Italy, India, France, USA, Indonesia, Venezuela, Spain, Argentina, Jamaica, Ukraine, Brazil, Finland at Australia. Nanalo naman ng special citation sina Ms Nigeria (Miss Congeniality), Ms Puerto Rico (Miss Photogenic), Ms Indonesia (Natl. Costume Fan Vote). Ang mga masweswerteng finalist na pasok sa Top 5 ay sina: Ms USA, Ms Netherlands, Ms Ukraine, Ms Jamaica at Ms Colombia. Kabilang naman si Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa judges na nagtanong kay Ms USA sa Q&A portion ng Top 3. Pacman: “If you were given 30 seconds to deliver a message to a global terrorist, what would you say?” Ms USA: I would just say that I know as Miss USA I can always spread a message of hope and love and peace.” Sa huli, naiuwi ni Ms Colombia Paulina Vega ang titulo bilang 63rd Miss Universe habang si Ms USA Nia Sanchez ang kanyang 1st runner-up at Ms Ukraine Diana Harkusha sa 2nd runner-up. Samantala sina Ms Netherlands Yasmin Verhijen at Ms Jamaica Kaci Fennel and 3rd at 4th runners up.

Sa isang basketball event nagkita sa di inaasahang pagkakataon s i Manny Pacqu iao a t F loyd Mayweather na kapwa nanonood ng NBA game sa pagitan ng Miami Heat kontra Milwaukee Bucks. Ayon sa isang correspondent ng AP (Associated

Press) ay mismong si Mayweather pa ang lumapit kay Pacquiao upang ibigay ang number nito at pag-usapan ang nalalapit nilang laban. Ito raw ang unang pagkakataon na magkita ang dalawang boksingero kaya mas lalong tumindi ang pag-asa ng mga boxing fanatics na matutuloy na ang laban nila.

I to ang hamon ni Senate President Franklin Drilon sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) kaugnay na naganap na massacre sa Maguindanao na ikinasawi ng 44 Elite PNP-SAF nang pasukin nila ang kuta ng MILF-BIFF upang arestuhin ang hinihinalang most-wanted terrorist na sina

Usman at Marwan. Ayon pa kay Drilon, bilang kaisa ng gobyerno, nararapat lang tumulong ang MILF para makamtam ang kapayapaan sa pamamagitan ng pagsusuko sa BIFF chief na si Basit Usman. Dagdag pa niya na nananawagan siya sa sambayanang Pil ipino na huwag panghinaan ng loob na sa huli ay makakamtam din ang pinakaaasam na kapayapaan sa Mindanao. “Peace is never easy. Let us not give up” pagtatapos ng senador. Samatala, nag-withdraw sina Senator Alan Peter Cayetano at JV Ejercito bilang co-author sa Bangsamoro Basic Law (BBL) kasunod ng pagkamatay ng 44 miyembro ng Special

Action Force. Giit naman ng palasyo na hindi dapat maapektuhan ng insidente ang pagbuo sa BBL dahil ayon sa MILF mas lalala lang ang sitwasyon kapag hindi ito naipasa.

Page 3: The Pinoy Chronicle February First Issue 2015

3DaloyKayumanggi

Impormasyon ng Pilipino pinoy-globalpage 3

Filipinos gathered to St. Peter's Square for Pope Francis' weekly Angelus

7 Prehistoric Animals that once roamed the philippines

New york fil-am lawyer debut novel and gets rave reviews

back-up plans for pacquiao if mayweather says no

FEBRUARY 2015 I first ISSUE

Around 10,000 Filipinos gathered at St. Peter's Square for Pope Francis weekly Angelus, a week after the Pope's visit in the Philippines. A group of our Kababayans even sang "Tell the World of His Love" while waiting for the Pope. Some even prepared songs, while others brought banners and Philippine flags for Pope Francis.

It was almost 10,000 faithful Filipinos gathered at the Vatican to listen to Pope Francis' Angelus. For most Filipinos in Italy, it was a day to thank the Supreme Pontiff, who made a five-day visit to our country last January 15-19. When the Pope appeared at the balcony, our kababayans waved their flags to greet him. Most of the Filipinos who attended offered their prayers and petitions. In Pope Francis' message, he called for an end to violence in Ukraine after reports that pro-Russians rebels launched an offensive against the strategic port of Mariupol in Eastern Ukraine. According to Pope Francis, "I am following with deep concern the crisis of confrontations in Eastern Ukriane, which continue to cause numerous civilian casualities." Added with serious voice tone, "Whilst I assure all who are suffering of my prayers (for them), I repeat a heartfelt appeal that dialogue is resumed and to put an end to all hostilities." Pope Francis also praised our Kababayans for being cheerful and steadfast in their faith.

NOTE: Due to a lack of complete fossils or sketches thereof, we have instead used photos of the closest living relatives in some of the entries for comparison purposes only.

Did you know that aside from having one of the most diverse ecosystems in the world, the Philippines also once hosted animals you thought would be found elsewhere? As various fossil evidence would tell us, pre-

historic Philippines contained a wide range of amazing animals that sadly didn’t make it to the modern era. And with various excavations still ongoing, we can assume that more amazing discoveries are just waiting to be found somewhere out there.

1. RhinocerosRhinoceros in the Philippinesvia Wikimedia CommonsThe discovery of a fossilised upper jaw of a rh ino in Fort Bonifacio in 1965 is ev idence tha t endemic rhinoceroses once roamed the Philippines. Due to the lack of a complete skeleton, little is known about Rhinoceros philippinensis, other than that it lived during the Pleistocene era (2.588 million – 11,700 years ago) and that it was essentially the larger version of its modern cousin, the Sumatran rhino. 2. TigerTiger bones found in El Nido, Palawanvia campus.edublogs.orgA s e v i d e n c e d b y t h e discovery of toe bones in El Nido, Palawan, it is believed t h a t t i g e r s m a y h a v e settled in the area 420,000 – 620,000 years ago by swimming all the way from Borneo which at the time was separated from our island by a mere few kilometers of water. Later on, a small population of tigers became trapped in Palawan when the gap widened as a result of rising sea levels. This population gradually became extinct due to a combination of diminished prey, loss of habitat, and possible overhunting by our ancestors.

3. Pygmy BuffaloPygmy buffa loes in the Philippinesvia National GeographicOther than the world-famous Tamaraw, another species of dwarf buffalo is believed to have settled here in the Philippines, particularly on the island of Cebu between 10,000 – 100,000 years ago. Judging from fossils accidentally found on a hillside in Cebu, Bubalus cebuensis is estimated to be only 2.5 feet tall at shoulder height and weighed only 350 lbs. Scientists say its discovery is significant because it offered an insight into island dwarfism—an evolutionary phenomenon wherein animals become smaller over time in order to adapt to confined locations with meager resources.

4. DingoDingo in the Philippinesvia National GeographicCould it be our very own lovable askals descended from one

of Australia’s most well-known animals? Notwithstanding the two competing theories o f whe the r d ingos (o r their ancestors thereof) came from India or China thousands of years ago, it is believed that these hunter-gatherers who brought along these dingos may have done a stopover in the Philippines before going to Australia. Over time these dogs became less feral and ended up being fully domesticated by the inhabitants. The striking physical features between our askals and the dingo certainly add credence to this theory.

5. Dwarf ElephantDwar f e lephants in the Philippinesvia Wikimedia CommonsDwar f e l ephan ts we re believed to have lived in the Philippines—Luzon and Panay specifically—during the Pleistocene era. Discoveries of various fossils help support the theory that land bridges could have helped these animals cross over to the archipelago. Accordingly, it is also held that during the pre-Spanish era, a wild elephant population existed in Jolo, their parents being two elephants given as gifts by the Javanese ruler to the Sultanate of Sulu. The population continued to exist even with the coming of the Spaniards until it finally died out in 1850, most likely due to overhunting by the natives.

6. Stegodonstegodon via Wikimedia C o m m o n s S t e g o d o n s , the extinct subfamily of e l e p h a n t s , w e r e a l s o known to have roamed the Philippines during the Pleistocene era. Possess ing la rger skulls and lower crowned teeth than their counterparts, these massive animals were thought to have lived in different areas of Luzon and Mindanao, subsequently branching off into four distinct subtypes. As with their fellow pachyderms, unfavorable geographical conditions and human intervention may contributed to their demise.

7. AmmoniteAmmonite in the Philippinesvia Wikimedia CommonsOne of the oldest recorded fossils in the Philippines came from an ammonite specimen discovered in Mansalay town in Mindoro. Estimated to be 160 – 175 million years old, this specimen serves as the first-known evidence of animal life in the Philippines during the Mesozoic Era, better known as the “Age of Reptiles” (dinosaurs). Incidentally, ammonites are related to octopuses, squid, and cuttlefish and closely resemble today’s nautilus.

Manny Pacquiao has a plan if ever the fight between him and Floyd Mayweather fails. Bob Arum Pacquaio's promoter told ESPN that a back-up plan has been in placed if the anticipated May 2 blockbuster fight against the unbeaten US star Mayweather falls through is a fight four weeks later in Las Vegas, New York, London or Abu Dhabi. "A lot of places around the world want to host a Manny Pacquiao fight," Arum said.

"He's an international icon, and I have been approached by a number of people looking to host a Manny Pacquiao fight." Bob Arum also told the ESPN that Khan, a former welterweight champion, is the leading candidate, although Khan would also be a top contender to fight Mayweather if Pacquiao is not his choice. Pacquaio and Khan have also been sparring partners before in training camps run by trainer Freddie Roach while working with both fighters. Arum also mentioned in ESPN that former junior welterweight champion Russian Provodnikov and Argentina's Lucas Matthysse as possible foes to Pacquiao. But Bob Arum says all terms outlined in talks with Mayweather's camp have been covered and that fight would be his first choice.

Last Year- David Lat, a Filipino-American Lawyer and legal journalist published his debut novel, Supreme Ambiitons, which tells the story of Audrey Coyne, a bright young Filipino-American lawyer who is serving a law clerk to a powerful judge,

a coveted and highly prestigious position that David held himself after finishing from Yale Law School. According to The New York Times, “for an elite niche... Supreme Ambitions has become the most buzzed-about novel of the year.” The book has been favorably reviewed in The Washington Post, The National Law Journal, The American Lawyer, and the New York Law Journal, among other publications. The book offers a behind-the-scenes look at the operation of the federal judiciary. Shortly after its publication, Supreme Ambitions became the #1 new release under legal thrillers at Amazon. David is well known within the legal profession as the founder and managing editor of Above the Law, an award-winning legal website that reaches more than a million unique visitors a month, he also founded Underneath Their Robes, a blog about federal judges. David's writings has also appeared in The New York Times, Wall Street Jounal, Washington Post, New York Magazine, Washintonian magazine and the New York Obrserver.

Page 4: The Pinoy Chronicle February First Issue 2015

4 DaloyKayumanggi

Impormasyon ng Pilipinopinoy community

Distributer: Publisher:

Contributing Editor: Irene Tria [email protected] Sales and Marketing: jagger aziz [email protected] Ms. Oyee Barro 090-8507-9169 [email protected] Art Editor / Layout artist: Jagger Aziz 090-6511-8111 [email protected] jaggeraziz.wix.com/jaggeraziz Contributing Writers: Jane Gonzales [email protected] Ms. Oyee Barro Phoebe Dorothy Estelle FOR COMMENTS AND SUGGESTIONS PLEASE EMAIL US AT [email protected]

The views and opinions expressed in The Pinoy Chronicle are not necessarily those of the Editorial Team, the Management and the Publisher and any of its employees. While we try to ensure that the information that we provide is correct, mistakes do occur, if you do notice any mistakes then please let us know. and email us at [email protected].

The design of the newspaper is copyright of The Pinoy Chronicle and material from the newspaper should not be reproduced without prior permission. Photographs have been sought under license, and ownership (unless specified elsewhere) is that of the photograph’s original creator. Any complaints should be directed to the editor; contact us for details.

Telephone: 03-5611-8040 Fax: 03-5611-8044

Email: [email protected]

page 4

Chili Garlic Shrimp Stir Fry is a quick and easy shrimp recipe that you

can make at home. This dish can be compared to the chili shrimp that

they serve in Dampa — the only difference is that you are the one who

prepared it.

You can use shrimp with heads and shell because this is how I

remembered this dish to be. I find shrimp more tasty if its prepared

this way because the seasonings are kept within the head and shell; it

blends well with the natural flavor of the shrimp. I thought that it really

was a perfect combination. To support this statement, I had almost 3

cups of rice with only a few pieces of shrimp. It was really that good.

Aside from shrimp, you can also use prawns for this recipe. It does

not matter if you use salted or unsalted butter — as long as its butter,

not margarine or artificial butter. As for the banana ketchup, feel free

to use your favorite brand as long as it is banana ketchup. The sherry

cooking wine helps improve the overall flavor of the dish, so it is rec-

ommended.

Try this Chili Garlic Shrimp Recipe. Enjoy!INGREDIENTS• 2 lbs. shrimp, cleaned• 2 tablespoons minced garlic• ½ cup banana ketchup• 1 tablespoon Sriracha sauce (Chili Garlic Sauce)• 3 tablespoons butter• 3 tablespoon sherry cooking wine• Salt and ground black pepper to taste• ¼ cup chopped green onions

COOKING PROCEDURE• Melt butter in a pan.• Once the butter melts, continue to heat until hot.• Add the garlic. Cook for 1 to 2 minutes or until light

brown.• Put-in the shrimp. Cook for 2 minutes.• Pour-in the sherry. Continue to cook until the liquid

completely evaporates.• Add ketchup and Sriracha sauce. Continue to stir fry

for 1 minute.• Put-in the green onions. Add salt and pepper to

taste.• Transfer to a serving plate. Serve.• Share and enjoy!

Chili Garlic shrimp

stir fry

february 2015 I first ISSUE

Page 5: The Pinoy Chronicle February First Issue 2015

5DaloyKayumanggi

Impormasyon ng Pilipino TARA LET'sSEPTEMBER 2014 SECOND issue page 5february 2015 I first ISSUE

MOVIE REVIEW: FURY (2014)ni irene tria

Ha b a n g p i n a p a n o o d k o a n g pelikulang Fury na pinagbibidahan nina Brad Pitt (Curious Case of Benjamin Button), Shia Labeuof (Transformers), Logan Lerman

(The Perks of Being a Wildflower), Michael Peña (American Hustle) at Jon Bernthal (Shane Walsh; The Walking Dead Series) ay hindi ko maialis ang pag-aalala at pag-aagam. Ang Fury ay isang 2014 film tungkol sa limang tank crews na pinangungunahan ni U.S. Army Staff Sergeant Don “Wardaddy” Collier (Brad Pitt). Sina Wardaddy at ang kanyang crew lulan ang M4A3E8 76mm Sherman tank na pinangalanan nilang “FURY” ay naatasang sugpuin ang lupon ng mga Nazi’s sa buong Europa at protektahan ang “crossroads” kung saan daraanan ng mga tren na may dalang supply ng gamot para sa kampo ng Amerika. Sa kasamaang palad, habang patungo s a c r o s s r o a d s a y n a - a m b u s h s i l a n g isang heavily-armed German tank, ang

Tiger I. Bagama’t nagawang patumbahin ng Fury ang Tiger I, dalawa naman sa mga tanke na kasama ng Fury ang nasira. Bago pa man makarating sa crossroads ang Fury ay nasira na ito dahil sa tinamaang landmine. Habang pinipiliit itong ayusin ay saktong pagdating ng lupon ng mga Nazi’s. Nagmatigas si Wardaddy (Pitt) na hindi niya isusuko ang laban hanggang sa huli. Mas pinili rin ng mga kasamahan niya na sama-sama silang lumaban hanggang huli. Sabog dito, sabog doon, putok ng baril kabi-kabila, di ko mapigilan ang matulala, pakiramdam ko ay ako mismo ang tinatamaan ng bawat balang dumadaplis sa katawan ng bidang si Wardaddy (Brad Pitt).

Marahil nagtataka kayo kung bakit ang Fury ang naisipan kong gawan ng movie review, simple lang ang aking sagot, ang mga tagpo sa pelikulang ito ay walang ipinagkaiba sa naranasan ng mga bago nating bayani, ang mga miyembro ng PNP-SAF (Elite Force) na nasawi sa sagupaan nila sa Maguindanao. Sila na pawang mga bata pa, mga nagsisimula pa lamang ang buhay ay mas pinili na manindigan sa kani-kanilang sinumpaang tungkulin para sa bayan. Bagama’t marami ang mga naglalabasang side stories, kung sinu-sino ang itinuturong may kasalanan, nagsisisihan, sa huli kahit ilang beses nila dungisan ang pagkatao ng mga kapulisang ito, sa mata ng Diyos at sa mata ng sambayanang Pilipino, sila ay mga bayani na lumaban hanggang sa huli makamit lamang ang kapayaan. Tulad nila Wardaddy at Fury, lumaban sila, nanindigan at taas noong naglingkod sa kanilang bayan.

Page 6: The Pinoy Chronicle February First Issue 2015

6 DaloyKayumanggi

Impormasyon ng Pilipinopinoy na pinoy

Iwasan pumasok sa isang usapan o kontrata na hindi ka siguradong napag-aralang mabuti. Maigi na ang tumagal ka sa pag-aanalisa kaysa mag-madali ka at pagsisihan mo nang malaki ang iyong nagawa. Subalit, hindi naman ibig sabihin nito ay puputulin mo ang koneksyon sa iyong kapwa, sa

halip pa nga ay ipagpatuloy mo ang pakikipag-usap para mas makilala pa nila ang iyong pinanggagalingan at mga gustong magawa sa hinaharap.

Scorpio - Oct. 24 - Nov. 22

Ika nga time is gold, kapag nariyan na ang panahon at pagkakataon ay kunin mo na. Huwag ka nang magpatumpik-tumpik na baka may susunod pa dahil madalas ang mga magagandang pagkakataon ay hindi nauulit at nakukuha agad ng iba. Kaya bilisan mong magdesisyon at kapag tinanggap mo ang hamon ay panindigan mo. Samantala, kung may-

roon ka namang ginagawa na tumatagal sa panahon na iyong inaasahan, makabubuting analisahin mo kung bakit at gawan mo rin kaagad ng aksyon nang matapos na.

Aquarius - Jan. 21 - Feb. 19

Kapag in love ka para bang nababalot nang hiwaga at mahika ang iyong paligid. Ang taong sentro ng iyong pagmamahal ang siyang hari o reyna ng iyong kaharian . Siya rin ang nagtatakda ng iyong desisyon kahit para lang naman sa maliit na bagay. Okay lang naman ito, pero kilala mo ba talaga siya? Hindi naman masama ang pagkilala sa iyong

tinatangi, pero makakatulong ito sa inyong relasyon para mas alam mo siyang pakibagayan at alam mo ang tunay na gusto niya sa iyo.

Taurus - April. 21 - May. 21

Huwag kang magpadala sa pangako na puro salita lamang ang patunay sa kanilang tagumpay. Imbes na ibaling ang iyong interes sa mga bagay na sila lamang ang magdidikta kung kailan at paano ka yayaman, doon ka sa alam mong sigurado kang hindi matatalo. Katunayan, ang hindi mo alam ay ang totoong susi sa iyong pagyaman ay ang iyong sariling lakas at talento.

Kailangan mo lamang pagsikapan kung paano mo malilinang ang mga ito at magagamit sa iyong kabuhayan.

Leo - July. 23 - August. 22

Sa umpisa pa lamang ay klaruhin mo na kaagad ang anumang tanong na naglalro sa iyong isipan tungkol sa isang kasamahan. Kapag wala kasing pagkakaintindihan ay hindi lamang nito na nasisira ang inyong tiwala sa isa’t isa, kundi maging ang matiwasay na daloy ng trabaho. Subukan mong

maging bukas sa suhestyon at personalidad ng iba dahil hindi naman laging kung ano lang ang tingin mong nararapat ay iyon na nga ang dapat na nasusunod.

Virgo - Aug. 23 - Sept. 23

Malaki ang magagawa nang pagiging mapagkumbaba at tiyaga para maging mahinahon ang sitwasyon. Ang pagiging agresibo at padalos-dalos na aksyon ay magiging mitsa lamang ng iyong pagbagsak kong hindi mo naman maipapanalo ang laban. Kaya naman, subukan mong kontrolin ang

iyong emosyon na sa maraming pagkakataon ay pinagsisihan mo lang sa bandang huli. Sa halip na damdamin lamang ang iyong paganahin, tambalan mo ito ng lohika.

Libra - Sep. 24 - Oct. 23

Mapagtatanto mo na lamang na ang sagot pala sa iyo ay nariyan lamang at mabuti na lang ay naging mapagmasid ka kaya mo nakita. Madalas kasi ay nadadala ka sa kung ano lang nakasanayang gawin at kung ano ang pinani-niwalaan ng marami. Hindi ganoon siyempre sa halos lahat ng pagkakataon, ikaw naman ay simple lamang at maraming talento na wala ang iba. Kaya

naman huwag kang mahiyang sumubok, pagyamanin at ipagpatuloy lamang ang iyong nais. Kung ano man ang sasabihin nila ay hindi na mahalaga, ang importante ay ikaw.

Sagittarius - Nov. 23 - Dec. 21

Hindi naman kataka-taka na may oras na pakiramdam mo ay pagod na pagod ka at tinatamad na gawin pa ang iyong trabaho. Sadya rin naman na masipag ka at binibuhos ang iyong atensyon sa oras ng iyong karera. Ayaw mo man na ganito, may iba ka na-man maiisip na mapagbalingan para mailabas ang iyong stress. Dito na papasok ang

natatagong sining sa iyong katawan na kasabay na lumalabas kapag gusto mong pagpahingahan ang iyong pagod na damdamin at hinaing ng iyong isipan.

Aries - March. 21 - April. 20

Lumalawak ang iyong pananaw sa buhay lalo na kapag masigasig kang matututo at may marating sa buhay. Ipagpatuloy mo lamang kung ano ang iyong nasimulan, para tuloy-tuloy din ang iyong pag-unlad sa isip, sa salita at sa gawa. Alam mo ba ang isa pang magandang hatid nito? Nakakaengganyo ka ng paghanga at koneksyon sa iba’t ibang

tao. Malay mo iyong matagal mo nang hinihintay na pag-ibig ay kusa na palang lalapit sa iyo dahil lamang sa mas naging bukas na ang iyong loob.

Pisces - Feb. 20 - March. 20

Natural kang praktikal na tao at karamihan ng iyong disisyon ay base sa palagay mong karapat-dapat na gawin. Subalit minsan may mga sitwasyon na kailangan mong mag-isip ng kahit anong solusyon, kahit na ba iyong parang hindi ordinaryo. Sa puntong ito, siguro nga ang nagtutulak sa iyo para mag-

dalawang isip na gawin ang isang ideya ay dahil sa sinasabi ng iyong puso na tama ito. Subalit tandaan mo rin na hindi lahat ng praktikal ay ang tamang sagot.

Capricorn - Dec. 22 - Jan. 20

Kahit na may ideya ka at kahit papaano ay gusto mo rin naman, bakit nga ba mayroon ka pang agam-agam? Kung nag-aalinlangan ka sa pagdedesisyon ay mabuti na ngang humingi ka ng payo sa iyong kaibigan o sa mga taong eksperto sa larangan na iyong pinasok. Ang pangalawang boses na kukumpirma sa iyong sa magandang plano ay

makakabuti rin naman para lumakas ang iyong loob. Isa pa’y nakakadagdag din ang mga suhestyon para mas maunawaan mo pa hindi lamang ang mabuti at masama nito, kundi upang makilala rin ang iyong sariling kahinaan at kalakasan. Sa totoo lang, minsan mas kilala ka pa ng ibang tao kaysa sa sarili mo.

Gemini - May. 22 - June. 21

Kung nakakaramdam ka ng pagkabagot, takot o katamaran sa iyong ginagawa o gagawin pa lamang ay baka mayroon ngang kakaiba rito. Alamin mo kung bakit ganito ang iyong pananaw sa bagay na ito dahil baka nga pinipilit mo lamang ang iyong sarili kahit ayaw mong gawin. Tingnan mo ang bawat anggulo, kung pera lang ang katapat

nito pero malaking oras naman para sa pamilya mo ang kapalit. Puwede rin namang pinangungunahan ka lang ng negatibong pag-iisip kaya ka nagkakaganyan.

Cancer - June. 22 - July. 22

page 6 february 2015 I first ISSUE

Page 7: The Pinoy Chronicle February First Issue 2015

pinoy-BiZz

jennylyn, iko-concert ang pag-iisa sa valentine's day

sharon cuneta, babalik ng dos?

p02 neil perez, handa na sa mister international ngayong pebrero

on again? andi eigenmann aat jake ejercito muling nagkakamabutihan

page 7 february 2015 I first ISSUE

martin, gary, lani at regine magsasama sa isang ultimante concert

Pero bago pa man sila dumating sa eksena ay matagal nang itinuturing na royalties pagdating sa kantahan sina Asia’s Nightingale lani Misalucha, Mr. Pure Energy Gary Valenciano , Asia’s Songbird Regine Velasquez at Concert King Martin Nievera. Sa Pebrero 13 at 14 ay magsama-sama ang apat sa entablado ng Mall of Asia Arena para sa tinaguriang Ultimate Concert. Ang powerhouse musical na show na ito ay sa direksyon ni Rowell Santiago at produced ng Starmedia Entertainment at I-Music Entertainment na pag-aari ng nakababatang kapatid ni Regine na si Cacai Mitra. Para mabuo ang bigating concert na ito, inamin din ni Martin na bahagya silang nagbaba ng talent fee. Alam daw niyang marami ng bagong singers ngayon na magagaling pero gusto pa nilang ipagpatuloy ang kanilang guston gawin. “The one thing that we four have in common is we love what we do,” saad ng dating asawa ni Pops Fernandez sa panayam ng pep.ph “You’l l be surprised with the amount of money that we wou ld s ing fo r because we love what we do so much. ” Natalakay din dito ang ticket price ng concert na may kamahalan pero paliwanag ni Gary ang mapapanood ng mga tatangkilik sa kanilang concert ay higit pa sa kanilang ibabayad. “Sana maging priceless ang figure na ‘yon dahil sa ibibigay namin sa kanila. I’m speaking not just us being together on stage but even us as individual performers. I think that’s something engraved in our minds, that we give them more than what they came to see.”

Bali-balitang nagkakamabutihan na ulit ang on and off sweethearts na sina Andi Eigenmann at Jacke Ejercito. Kinumpirma naman ito ng dalaga sa pamamagitan ng kanyang Twitter account . Anang dalaga

hindi biro ang apat na taon nilang pinagsamahan. “4 yrs isnt a joke. There’s no harm in being human enough to not throw it all away and learn to be friends. #letitrainchillpills,” mensahe ng anak ni Jaclyn Jose sa namayapang actor na si Mark Gil. Makulay ang takbo ng relasyon ng dalawa na may ilang buwan pa lamang ang nakararaan ay nagkasiraan di umano dahil sa non-showbiz girl na nauugnay sa binata. Dagdag pa rito ay ang hinanakit umano ni Andi sa anak ni Manila Mayor Joseph Estrada kay Laarni Enriquez dahil sa kawalan nito ng suporta noong nagdadalamhati siya sa pagkamatay ng kanyang ama. Balitang hindi umusad ang relasyon ni Jake sa non-showbiz girl na halos isang buwan lang tumagal at gusto na nitong makipagbalikan kay Andi. Samantala, na-link din ang bida ng Galema: Anak ni Zuma sa PBB star na si Brett Jackson noong nagkalabuan sila ng dating kasintahan.

Nagbunga ng bulung-bulungan ang hindi agarang pagpirma ni John Lloyd Cruz nang mapaso na ang kontrata nito sa ABS-CBN at mauunsyami ang pagsama nito sa teleseryeng Bridges. Matatandaang dapat kabilang siya sa cast ng programang ito na bida rin sina Maja Salvador at Jericho

Rosales pero nasilat at napunta na ngayon sa dating Kapuso star na si Paulo Avelino. Nito lamang Enero 22 ay pumirma na ang bankable actor ng 3-year contract sa ABS-CBN patunay na Kapamilya pa rin ito. Sinasabing ilan sa nakapaloob rito ay ang pagbabalik tamabalan niya kina Bea Alonzo at Sarah Geronimo.  “At this point, kakapirma lang natin. I’d like to show my bosses na nasa top priority natin ngayon ang trabaho and gusto natin ma-achieve yung content ng kontrata, maka-deliver tayo sa pinirmahan natin, sa commitment natin sa network.” “Bihira na sa kagaya ko na medyo matagal na rin sa industriya at nabibigyan ng ganitong klaseng tiwala from the network. I guess ang kasunod nun is kung ano yung opportunity na binibigay sa ‘yo, mas mahalaga na ma-achieve ko muna yung gusto ko munang ma-achieve in terms of the content of the contract,” saad ng actor sa panayam sa kanya ng The Buzz. Samantala, ayaw naman daw nito pa-pressure sa usong kasalan at marriage proposal sa mga artista. Matatandaan na last year ay nagpakasal ang mga celebrity na sina Drew Arellano at Iya Villania, Bianca Gonzalez at JC Intal, at Marian Rivera at Dingdong Dantes noong isang taon. Samantalang nakatakda naman ngayong taon ang kasalan ni Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero, gayon din sina John Prats at Isabel Oli. “Alam mo, baliw kaming pareho, kanya-kanya kami. Sino ba naman ang hindi gustong lumagay sa tahimik? Pero kung ang paglagay sa tahimik ay ihahalintulad mo sa kasal agad, maraming paraan para lumagay sa tahimik,” saad pa nito sa The Buzz.

john lloyd cruz, selyadong kapamilya ulit

Pagkatapos ng kanyang pamaaalam at pagputol sa l imang taong ekslusibong kontrata niya sa TV5 ay sinasabing niluluto na ang pagbabalik sa ABS-CBN ni Sharon Cuneta. Sa panayam kamakai lan sa

panganay ng Megastar na si KC Concepcion tila himig nga itong magbabalik Kapamilya ito. “Siguro, hopefully, kasi home niya naman talaga ito. Dito rin naman ako lumaki and siya. I think yung first million ng ABS, she was with them. She was here when ABS really earned their first million and billions, so it’s really her family. It felt like a divorce nga raw nung umalis siya, kasi really big part of her life itong Kapamilya,” saad ni KC sa interview kanya ng Pep.ph at Cinema News. “I don’t think she can ever leave the Kapamilya network, and I don’t think the Kapamilya network can really let her go that easily. Mahaba pa naman ang buhay, and sana talaga magkasama uli kami dito.” Taong 2011 nang magdesisyon ang Megastar na mangibang bakod sa TV5 kung saan di umano ang offer sa kanya ay 1 bilyong piso. Ilan sa kanyang naging programa rito ay Sharon: Kasama mo, Kapatid at Madam Chairman, at The Mega and the Songwriter kasama si Ogie Alcasid.

Naghahanda na ang pambato ng Pilipinas para sa Mister International sa katauhan ni PO2 Mariano Flormata Jr o Neil Perez. Aminado ito na kabado rin siya at mas sanay sa pagsasalita sa wikang Filipino

kaya nagbabalak itong kumuha ng interpreter. Ang pageant ay gaganapin sa Seoul, South Korea sa Pebrero 2. Sa panayam ng press sa matipunong staff ng Aviation Security Group ng Philippine National Police sa send-off party nito sa One Esplanade, Pasay City ay ipinahayag nito ang kanyang pangako na gagawin niyang ang lahat ng makakaya para mag-uwi ng karangalan sa Pilipinas. Samantala, kahit umano ay nakakapaghanda na siya mula sa paglakad at question and answer portion ay pinag-iisipan pa rin niyang magdala ng interpreter sa entablado. Aminado ang 29-taong gulang na binata na mas kumportable siya sa pagsasalita ng wikang Pinoy at mas maipapahayag niya ang sagot gamit ito. “Natural lang, kung ano lang yung nilalaman ng puso at is ip ko, yun ang isasagot ko,” sa p a n a y a m s a k a n y a n g P e p a t G M A N e w s .

Para sa mga single sa darating na Araw ng mga Puso, hindi kayo nag-iisa dahil kahit ang magandang si Jennylyn Mercado ay ganito rin ang status. Katunayan, ito ang gimik ng kanyang darating na concert na

pinamagatang Oo Na! Ako Na Mag-isa! Samahan N’yo Naman Ako! na itatanghal sa SM Skydome sa February 13 sa SM Skydome. Ang katagang “Oo na! ako na Mag-isa” ay isa sa punchline ni Jennylyn sa last film niyang English Only Please sa Metro Manila Film Festival. Sa comedy film na ito na nakapagbigay sa kanya ng kauna-unahang best actress trophy ay nakasama niya sina Kean Cipriano, Cai Cortez, at ang Kapatid hunk actor na si Derek Ramsay na lahat ay guest niya sa naturang concert. Bago maging single ay may ilan ding sikat na karelasyon si Jennylyn simula nang manalo siya sa Starstruck, kung saan nanalo siya bilang Female Ultimate Survivor. Dito niya natagpuan ang unang artistang boyfriend niya na si Mark Herras na sinundan nina Patrick Garcia na ama ng kanyang anak na si Alex Jazz, Dennis Trillo at Luis Manzano. Noong panahon ng kanyag pagsali sa Starstruck

ay nakitaan na ng galing sa pag-awit ang dalaga at nabigyan siya ng ilang album under GMA Records. Pero dahil naging sunod-sunod ang kanyang TV roles at pelikula ay mas napapansin ang kanyang pag-arte kaysa husay sa pagkanta.

Mula Pahina 1

Page 8: The Pinoy Chronicle February First Issue 2015