the milkmaid and her jug
DESCRIPTION
English and Tagalog Version ofthe milkmaid and her jug(ang maggagatas at ang kanyang pitsel)E-Book readingFor educational reading andfor Classroom Use OnlyCreated by:Paolyn ObienTRANSCRIPT
English Filipino
Choose a language:
Pumili ng Wika:
There was once a young woman who lived with her father in the farm. They had a milking cow for a pet.
One day, the father thought of selling in town some of their harvest of milk from their pet cow. He decided to send his daughter to town the next day.
So the next morning, the young woman set off, carrying the jug of milk balanced on her head.
On the road, the young woman thought to herself, “I’ll buy one hundred eggs from the sale of this milk.
Then I’ll have the eggs hatched and have a hundred chickens.
I’ll sell the grown chickens, and with the money I’m going to buy a piglet.”
The young woman continued walking and talking to herself.
“It won’t cost much to fatten the pig with leftover vegetables.
When it’s grown and fat, I’ll sell it and buy another cow.
Father and I will have two milking cows, so we will have twice as much milk to sell.
Soon, I will be very rich!”
The young woman rejoiced at the idea of becoming rich. She did a little jump of joy - and the jug on her head tilted and promptly fell to the ground!
Poor woman! The milk was completely lost as it quickly seeped into the ground. With it went the eggs, the chickens, the piglet, the cow, and the dream of becoming rich!
The young woman walked home sadly. She
thought that in the future, she would be
more careful.
The EndBack to Main Menu
English Filipino
Choose a language:
May isang dalagang nakatira sa bukid kapisan ang kanyang tatay. May alaga silang gatasang baka.
Isang araw, naisip ng tatay na ibenta sa bayan ang sobrang ani ng gatas mula sa kanilang alaga. Nagpasya siyang papuntahin sa bayan ang kanyang anak na dalaga kinabukasan.
Kinaumagahan, umalis ang dalagang sunung-sunong ang pitsel na gatas.
Sa daan ay naisip ng dalaga, “Bibili ako ng isang daang itlog ng manok mula sa pinagbentahan ng gatas. Palilimliman ko ang mga itlog, at kapag napisa ay magkakaroon ako ng isang daang manok. Paglaki ng mga manok, ibebenta ko sila at ang pera ay gagamitin ko pambili ng biik.
Patuloy sa pag-iisip ng dalaga habang naglalakad. “Hindi magiging magastos ang pagpapalaki ng biik kapag mga tira-tirang gulay ang ipapakain. Kapag malaki at mataba na siya, ibebenta ko siya at bibili pa ako ng isa pang baka. Magiging dalawa na ang gatasang baka namin ni tatay, at kapag nagkaganoon, doble ang aanihin naming gatas na ibebenta namin. Magiging mayaman na kami!”
Labis na nasiyahan ang dalaga sa isiping magiging mayaman na siya. Napatalon siya sa tuwa – at ang pitsel na nakapatong sa kanyang ulo ay tumagilid at tuluyang nahulog sa lupa!
Kawawang dalaga! Tuluyang naglaho ang gatas nang mabilis na sinipsip ito ng lupa. Kasama nitong naglaho ang mga itlog, ang mga manok, ang biik, ang baka, at ang pangarap na maging mayaman!
The EndBack to Main Menu
English Filipino
Choose a language: