the manila collegian volume 29 number 10

12
MORE INSIDE 02 EDITORIAL Berdugo 03 NEWS UPM University Council approves proposed GE reforms 06 CULTURE 07 FEATURES Langit, Lupa, Impyerno 11 OPINION Takas The Official Student Publication of the University of the Philippines Manila Volume 29 Number 10 February 23, 2016 - Tuesday

Upload: the-manila-collegian

Post on 26-Jul-2016

282 views

Category:

Documents


2 download

DESCRIPTION

The Manila Collegian Volume 29 Number 10 | The Official Student Publication of the University of the Philippines Manila | 12 pages | February 26, 2016, Monday

TRANSCRIPT

Page 1: The Manila Collegian Volume 29 Number 10

MORE INSIDE02 EDITORIAL Berdugo03 NEWS UPM University Council approves proposed GE reforms06 CULTURE 07 FEATURES Langit, Lupa, Impyerno11 OPINION Takas

The Official Student Publication of theUniversity of the Philippines Manila

Volume 29 Number 10February 23, 2016 - Tuesday

Page 2: The Manila Collegian Volume 29 Number 10

DESPERADO NA SI PANGULONG Aquino sa pagpapabango ng imahe ng kanyang

administrasyon – maging mga bata ay kaniya nang “pinapatulan.”

FAng pag-aresto at pagpapakulong sa mga kabataang mulat at kritikal sa tunay na kalagayan ng bansa ang isa sa mga taktikang ginamit ni Pangulong Aquino upang pagandahin ang imahe ng kanyang administrasyon sa kanyang termino. Nakita niyang mainam na istratehiya ang pagtatanim ng takot sa kabataan at sa lipunan sa pamamagitan ng pagdakip at pagsasampa ng mga gawa-gawang kaso laban sa kanila – mauubos ang kanyang mga “kalaban” dahil sa takot, at dadami ang kanyang mga “kakampi” dahil sa takot.

Noong nakaraang Enero 29, 2016, sa pangunguna ng Kabataan Partylist (KPL), College Editor’s Guild of the Philippines (CEGP), at League of Filipino Students (LFS), ay kinalampag ng mga kabataan ang Department of Justice (DOJ) para ipanawagan ang pagdinig sa kaso at pagpapalaya sa mga kabataang bilanggong politikal sa bansa. Ayon sa ulat ng CEGP, may 561 na bilanggong politikal sa bansa at 136 sa mga ito ay mga kabataang edad 18-35. Higit pa rito, 102 sa mga ito ay mga kabataang inaresto at ikinulong sa ilalim ng administrasyong Aquino.

Isa sa 136 na bilanggong ito ay si Maricon Montajes, na nakakulong ngayon sa Batangas City Jail. Si Montajes ay dating estudyante sa College of Mass Communication sa University of the Philippines Diliman, bago niya napagdesisyonang makipamuhay sa sektor ng mga pesante at magsagawa ng pananaliksik ukol sa kanilang pakikipagsapalaran. Noong Hunyo 3, 2010, habang nasa kalagitnaan ng fieldwork sa isang komunidad ng mga pesante sa Taysan, Batangas, ay sinalakay sila ng mga sundalo mula sa 743rd Combat Squadron ng Philippine Airforce. Inaresto si Montajes, pati na ang kanyang mga kasamang sina Romiel Canete at Ronilo Baes, kapwa mga kabataang edad 19 at 22, at isinailalim sa mental at psychological torture. Kalaunan ay kinasuhan si Montajes at ang kanyang mga kasamahan ng illegal possession of explosives at illegal possession of firearms and ammunition, pati ng reklamong paglabag sa firearm ban at Omnibus Election Code dahil sa panahon ng eleksyon nang mga panahong iyon. Tunay ngang lulong na ang presidente sa bisyo

ng pagpapabango ng kanyang administrasyon. Sa halip na harapin, bigyan ng pagkakataong magpahayag ng argumento, at maging kritikal tungkol sa diskurso, ay ginagantihan ng pangulo ng bala at pagbilanggo ang sinomang at anomang puna sa kanya. Tanging isang isip-batang pangulo lamang ang may kahihiyang lumaban nang ‘di patas sa kanyang mga kritiko at sa kanyang nasasakupan.

Ngunit para kay Pangulong Aquino, tila karakter lamang sa isang alamat ang mga bilanggong politikal bansa. Tulad na lamang ng pahayag ni Edwan Lacierda, noong giniit niya na wala raw katotohanan ang mga balitang may mga bilanggong politikal sa bansa. Kung magsusuri man sa mga “kwento” ng karahasan, binigyang-diin ni Lacierda na nararapat daw munang

magkaroon ng mas ispesipikong kwalipikasyon at depinisyon ng konsepto ng “karapatang pantao” sa bansa.

Ngunit, nakakalimutan yata ng pangulo at ng tagapagsalita nito, na ang Saligang Batas, na pinagsumikapang buuin ng kanyang ina na pangulo noong 1986, ay ang pinaka-konkretong manipestasyon ng karapatan na kanyang kasalukuyang nilalabag, at ang pinaka-sandigan naman ng mga bilanggong politikal na kayang itinatatwa. Higit sa lahat ng tao, si Pangulong Aquino ang siyang dapat na kumikilala sa mga probisyon sa konstitusyon na hindi lamang pumoprotekta sa mga karapatang pantao ng mga Pilipino, kundi sa mga probisyong nagpapahayag ng pangangailangang pandayin ang potensyal ng kabataan sa pagiging kritikal at matalas. Ang Pangulo ang isa siya sa mga pangunahing nakasaksi kung paano naging kritikal ang papel ng kabataan sa pagpapabagsak ng diktaturyang tumubos sa buhay ng kanyang ama at bumuhay sa gobyerno ng kanyang ina.Malinaw na nakapaloob sa Seksyon 1, 12, at 14, sa Artikulo III o Katipunan ng Karapatan ng Saligang

Batas ang mga karapatang dapat ay tinatamasa ng mga bilanggong politikal – bata man o matanda. Ngunit dahil sa mga prinsipyong kanilang pinaglalaban, sila ay itinuturing na agad na kriminal. Ang mga ganitong baluktot na polisiya ay pinagtitibay pa ng mga batas na laban sa karapatang pantao na hanggang ngayon ay hindi pa napapawalang-bisa sa ilalim ni Pangulong Aquino – isa na rito ang Human Security Act of 2007. Sa ilalim ng batas na ito, pinahihintulutan na detenehin ang sinoman na pinaghihinalaang “terorista” o “kalaban ng estado” sa loob ng tatlong araw. Maraming maaaring mangyari sa loob ng tatlong araw.

Paglabag din sa karapatang pantao ng mga kabataang bilanggong politikal ang mabagal na pagkilos ng DOJ sa kanilang mga kaso. Malinaw

na nakapaloob sa Seksyon 16, Artikulo III ng Saligang Batas na, “Dapat magkaroon ang lahat ng mga tao ng karapatan sa madaliang paglutas ng kanilang mga usapin sa lahat ng mga kalupunang panghukuman, mala-panghukuman, o pampangasiwaan.”

Hindi dapat nating hayaan ang estado ang magdesisyon ng hangganan ng karapatang pantao na dapat tamasahin ng kanyang mga nasasakupan. Kung hindi tayo aaksyon at kikilos para ipakita at iparating sa gobyerno ang pakahulugan ng taumbayan sa karapatang pantao, parang inilagay na rin natin ang kapangyarihan ng pag-alipusta at pagkontrol sa kanilang mga kamay. May kontrata tayo sa pamahalaan para pangalagaan ang ating karapatan, ngunit hindi natin isinuko sa kanila ang kapangyarihang hulmahin ang buhay natin ayon sa mga batayang alam nating patas at makatarungan para sa lahat.

Dahil sa huli, nasa makatarungang pagkilala lang muli sa ating mga karapatang pantao makakakita ng pag-asa sa bayan ang ating mga kabataan.

PAULINE SANTIAGO TIOSIN

BERDUGO

Tanging isang isip-baTang pangulo lamang ang may kahihiyang lumaban nang ‘di paTas sa kanyang

mga kriTiko aT sa kanyang nasasakupan.

02 EDITORIAL Volume 29 Number 10February 25, 2016 | Thursday

IllustratIon by JazmIne ClaIre martInez mabansag

The Cover

College Editors Guild of the Philippines

Solidaridad - UP Systemwide Alliance of Student Publications

and Writers’ Organizations

layout by Joma mIChIko Cruz kaImoto

E D I T O R - I N - C H I E FCarlo Rey Resureccion Martinez

A S S O C I A T E E D I T O R F O R I N T E R N A L A F FA I R S

Patrick Jacob Laxamana Liwag

A S S O C I A T E E D I T O R F O R E X T E R N A L A F FA I R S

Elizabeth Danielle Quiñones Fodulla

M A N A G I N G E D I T O RThalia Real Villela

A S S I S T A N T M A N A G I N G E D I T O RJennah Yelle Manato Mallari

N E W S E D I T O RAries Raphael Reyes Pascua

F E A T U R E S E D I T O RLiezl Ann Dimabuyu Lansang

C U LT U R E E D I T O RJose Lorenzo Querol Lanuza

G R A P H I C S E D I T O RLizette Joan Campaña Daluz

N E W S C O R R E S P O N D E N T SPatricia Anne Lactao GuerreroAdolf Enrique Santos Gonzales

Eunice Biñas HechanovaArthur Gerald Bantilan Quirante

Sofia Monique Kingking Sibulo

F E A T U R E S C O R R E S P O N D E N T SChloe Pauline Reyes Gelera

Katrina Maria Limpiada PerolinoAngelica Natividad Reyes

C U LT U R E C O R R E S P O N D E N T SJosef Bernard Soriano De Mesa

Pia Kriezl Jurado HernandezJamilah Paola dela Cruz Laguardia

Gabrielle Marie Melad Simeon

R E S I D E N T I L L U S T R A T O R SMaria Catalina Bajar Belgira

Jamela Limbauan BernasJazmine Claire Martinez Mabansag

Michael Lorenz Dumalaog RaymundoJose Paolo Bermudez Reyes

O F F I C E4th Floor Student Center Building,

University of the Philippines Manila,Padre Faura St. corner Ma. Orosa St.,

Ermita, Manila 1000

E M A I [email protected]

W E B S I T E Sissuu.com/manilacollegian

www.facebook.com/themanilacollegianwww.twitter.com/mkule

themanilacollegian.tumblr.com

M E M B E R

Page 3: The Manila Collegian Volume 29 Number 10

NEWS 03Volume 29 Number 10February 25, 2016 | Thursday

COLLEGEBRIEFS

The College of Dentistry (CD) posted a 100% passing rate (10 out of 10) in the December 2015 -January 2016 Dentist Licensure examination with Lara Rebekah Gimelo placing 8th with a score of 82.80 percent. On the other hand, the College of Pharmacy (CP) also garnered a 100% passing rate (37 out of 37) in the January 2016 Pharmacist Licensure examination. 5 CP students landed in the Top 10 with Holymn Faith Buan having clinched the top spot with 92.50 percent.

Meanwhile, the College of Allied Medical Professions (CAMP) also posted a 100% passing rate in the recently concluded February 2016 Physical Therapist and Occupational Therapist Licensure examination as 37 out of 37 Physical Therapists and 20 out of 20 Occupational Therapists passed the boards. Kevin Ralph Genoguin placed 9th in the PT boards while seven CAMP OT students landing in the top six of the OT boards, with Jay Allen Villon at the top spot with 84 percent.

The UP Manila Indayog Dance Varsity (Indayog) will hold their annual dance showcase event entitled “Sayaw Manila 12: Isyu” on February 27 and 28 at St. Cecilia’s Hall, St. Scholastica’s College Manila.

ORGANEWS

UPM University Council approves proposed GE reformsGE reform is “colonial” and “anti-Filipino”, student groups say

ADOLF ENRIQUE SANTOS GONZALES

The University of the Philippines Manila (UPM) University Council (UC) approved the proposed reforms to the university’s general education (GE) curriculum on February 9 in the College of Dentistry’s (CD) Conference Room. The said reforms aim to reduce the original GE curriculum from 45 units to just 24 to 36 units. However, the said reform was met by protest from various student groups as they claim it was a manifestation of the government’s plans to adhere to the demands of the global market, and is not the nationalist, scientific and mass-oriented education that the students need.

GraduaTes’ markeTabiliTy prioriTized

In September 2015, the UP Board of Regents (UP BOR) convened and presented several discussion points regarding the remodeling of UP’s GE curriculum. One of the points considered was that UP should modernize its curriculum to improve its international rankings and to conform to international standards. Additionally, through modernization, it entails the review, repackaging, and marketing of curricular programs. According to the reform’s proponents, courses under the GE curriculum should also be made interesting, attractive, competitive, responsive, and “sexier”.

In the current GE program, students are required to take a total of 45 units of GE courses in which 15 units are allocated for each of the following subject domains - Math Science and Technology (MST), Arts and Humanities (AH) and Social Sciences and Philosophy (SSP).

However, under the new GE Program, there will be two classifications of GE subjects – prescribed/core GEs and GE electives. For the case of the prescribed GEs, 6 core subjects totaling 18 units are required to be taken, namely:

“Ethics and Moral Reasoning in Everyday Life”, “Kasaysayan ng Pilipinas”, “Critical Perspectives in Communication”, “Wika, Kultura at Lipunan”, “Mathematics, Culture and Society” and “Science, Technology and Society”.

The UPM UC meeting on February 9 which approved the said reform reached a quorum of 115 faculty participants, with 91 in favor, 7 opposed, and 1 abstaining.

advanCinG sTudenT represenTaTion

Following the UC meeting, students held a dialogue with Professor Rosario Rubite, the UPM representative for the GE System Council, at the College of Arts and Sciences (CAS) Alumni Conference Room. During the said dialogue, students raised their concerns that the proposed GE reform compromises the holistic development needed by the students.

Meanwhile, Rubite explained that changes in the GE framework are set to be consolidated with each degree program and will include the revisions of the courses offered. Rubite further stated that the said proposal, set to be implemented in 2018, is not yet final for it still has to pass through the GE System Council, the UP President, and finally, the BOR.Rubite also clarified that once the reforms are approved, finer details such as trainings, material development, course outline polishing, and teacher retooling will follow.

“I think puwede pa mag-intervene sa department level but of course that proposal is up to the faculty if they would approve it,” Rubite stated.

assaulT on naTionalisT eduCaTion

In protest of the proposed GE reform, student groups in UP Manila staged a snake rally in CAS on February 12. Moreover, University of the Student Council (USC) Chairperson Cid Ryan Manalo asserted that as the students’ representative, they will push for more student consultations and dialogues whenever needed

On the other hand, according to the Rise for Education Alliance - UPM (R4E UPM), the GE reform, like the K to 12 program, are manifestations of the government’s focus on globalization. and the government’s obsession on it.

Additionally, Kabataan Partylist (KPL) assailed the university administration because it is more interested in being “attractive and marketable” rather than being responsive and relevant in addressing pressing social ills such as underdevelopment, massive inequality, degradation of language and culture, worsening inaccessibility of education and social services, among others.

Furthermore, KPL asserted that UP’s GE curriculum is the “soul and pride” of UP education as it breeds the attributes of UP students like being critical and creative, having broad perspectives, and a high sensitivity to the needs of the nation.

KPL also noted that the UP administration is discriminating courses taught in Filipino, with GE courses such as Komunikasyon I being removed from the curriculum.

Meanwhile, the student leaders at the front lines of opposing these proposed GE reforms continue to encourage the youth to join the National Day of Walkout on February 24.

The University of the Philippines’ (UP) 41st General Assembly of Student Councils, a system-wide assembly of all university and college student councils, adopted the resolutions to junk the Socialized Tuition System (ST System) and

Other School Fees (OSFs) on January 8-9 at the University of the Philippines Mindanao.

Students staged a snake rally to express their condemnation of the proposed reforms to UP’s general education (GE) program. Photo by Patrick Liwag.

Read and download MKule issues at

issuu.com/manilacollegian

Like us on Facebook:facebook.com/

themanilacollegian

Follow us on Twitter:@MKule

Page 4: The Manila Collegian Volume 29 Number 10

04 NEWS Volume 29 Number 10February 25, 2016 | Thursday

Mga kababaihan, lumahok sa OBR 2016 NIÑA KEITH MUSICO FERRANCOL

Sa pangunguna ng grupong GABRIELA, isinagawa ang One Billion Rising (OBR) noong Pebrero 14 sa Bantayog ni Lapu-Lapu,

Rizal Park, Maynila. Ikaapat na taon nang ginaganap ang OBR sa Pilipinas.

Dinaluhan ng daan-daang kababaihan, kalalakihan, at maging mga kabataan mula sa University of the Philippines Manila, Universidad de Manila, Polytechnic University of the Philippines, Kilusang Mayo Uno, at iba pang paaralan at grupo ang OBR na may temang One Billion Rising: Rising for Revolution 2016.

Panawagan sa programa ang paglaban sa abuso laban sa kababaihan at kabataan. Ayon kay Joms Salvador, punong kalihim ng GABRIELA, ang OBR ay bahagi ng sama-samang pagtindig laban sa karahasan sa kababaihan at mga bata.“Ito ay paglaban para wakasan ang matinding kahirapan at kawalang pananagutan ang mga nasa kapangyarihan at pwesto, na may pananagutang tiyakin ang kapakanan ng kababaihan at mamamayan,” pahayag ni Salvador.

Ayon naman kay Eve Ensler, ang sumulat sa librong “Vagina Monologue”, kasabay ng paglaban sa abuso ng kababaihan, tumitindig din siya para sa mga manggagawa, magsasaka, at mga katutubo. Nagpahayag rin si Ensler patungkol sa isyu ng mga Lumad.

“This government should stop and militarizing, killing, harrasing and exploiting these indigenous peoples who carry the future of the people and the Earth,” ani Ensler.

Naging bahagi rin ng programa ang mga tinaguriang “V-men” na sina Representative Neri Colmenares, Teddy Casino, Art Acuña, at iba pa.

panawaGan para sa paGbabaGo Naging bahagi ng programa ang mga

pagtatanghal-sayaw, tula, awit at dula. Isa sa mga nagtanghal ang satirist na si Mae Paner bilang “Congresswoman Gara Pal”, isang karakter na pumapanig sa administrasyong Aquino at nambabara sa mga grupong lumalaban para sa pagbabago ng lipunan.

Kasama niya sa pagtatanghal si Gabriela Women’s Party List Representative Emmi de Jesus na kumontra kay “Congresswoman Gara Pal”. Tinalakay ni de Jesus ang polisiya para sa Lupa para sa magsasaka, abot-kayang presyo ng pagkain, tubig, at pamasahe, badyet para sa basehang serbisyo, kalayaan at kasarinlan, at anti-diskriminsayon o LABKA. Ayon pa kay de Jesus, ito ang mga alternatibong polisiya at programa na dapat ipatupad ng gobyerno upang mapabuti ang kalagayan ng kababaihan sa iba’t-ibang sektor.

paTuloy na paGlaban

Ayon kay Monique Wilson, Global Director ng OBR, hindi lang pagtigil ng pang-aabuso ang hangarin ng OBR.

“Kahit na ang ating panawagan ay labanan ang pang-aabuso, kelangan tawagin din natin ang ating gobyerno sa kanilang accountability sa ginagawa nilang karahasan sa ating kababaihan at kabataan.”

“Ipagpapatuloy pa rin ang laban sa mga susunod na araw hanggang sa sa Pandaigdigang Araw ng Kababaihan sa Marso 8 at sa buong taon hangga’t marinig ng gobyerno ang hinaing ng mga kababaihan,” dagdag pa ni Wilson.

ISKOTISTIKSPAG-ALPAS

ARTHUR GERALD BANTILAN QUIRANTE AND SOFIA MONIQUE KINGKING SIBULO

Pagsuri sa patuloy na pagtaas ng matrikula sa mga kolehiyo

Kinondena ng mga lider-estudyante at ilang progresibong grupo mula sa iba’t ibang pamantasan, sa pangunguna ng Rise for Education (R4E) Alliance at National Union of Students of the Philippines (NUSP), ang hindi makatarunang pagtataas ng matrikula sa naganap na Consultative Forum on Regulation of Tuition and Other School Fees na isinagawa ng House Committee on Higher and Technical Education (CHTE) katuwang ang Kabataan Party-list noong February 3, 2016 sa House of Representatives, Batasang Pambansa Complex.

Ayon sa mga nasabing grupo, ang patuloy na pagtaas ng matrikula ay bunga ng lumalalang deregulasyon sa parte ng Commission on Higher Education (CHED).

buwan nG paGmamahalan

Ayon sa mga progresibong grupo, ang Pebrero ang itinuturing na buwan ng pagmamahal ng tuition dahil ito ang huling buwan ng pagsusumite ang mga paaralan at unibersidad ng kanilang mga proposal sa CHED ukol sa pagtataas ng kanilang matrikula at pagpapaabruba sa karagdagang paniningil ng Other School Fees (OSF).

Kaugnay nito, binigyang-diin ng hanay ng mga estudyante na tinatayang aabot sa 400 ang mga unibersidad at kolehiyo, kasama ang ilang state universities and colleges (SUCs) sa buong bansa ang magtataas ng matrikula at OSF sa darating napasukan na panahihintulutan mismo ng CHED.

“Dahil sa umiigting na deregulasyon ng sistema ng edukasyon sa Pilipinas, ginagawang malaking negosyo ang edukasyon sa kolehiyo sa bilyong-bilyong piso na tinutubo nito. Ipinapakita nito na ang sistemang pagkakamal ng malaking halaga mula sa mga mag-aaral at magulang ay lumalala sa ilalim ni Aquino,” ani Sarah Elago, Pambansang Pangulo ng NUSP at R4E Convenor.

Kaakibat nito, inilahad din ng R4E na halos 130 student councils, mga progresibong grupo, at organisasyon na ang nagreklamo tungkol sa mga illegal at labis-labis na pangongolekta ng paaralan sa mga estudyante, ngunit nanatiling bulag at bingi ang CHED sa mga pagtututol na ito.“CHED is merely a stamp pad of school administrators that illegally impose tuition and school fees increases. We have heard it right from the CHED horses’ mouths: their admission of the illegal collection of fees and their failure to monitor and take appropriate actions regarding our complaints,” dagdag ni Elago.

Bukod pa rito, inulat na naglalaro mula 5 hanggang 15 porsiyente ang nasabing pagtataas ng matrikula.

Ayon kay Charisse Bañez, pambansang tagapangulo ng League of Filipino Students (LFS), na naging talamak sa ilalim ni Aquino ang pagtataas ng matrikula na mas nagpapalaki lamang ng tubo sa mga paaralan at unibersidad na nabibilang na nga sa Top 1,000 Corporations sa bansa.

Kabilang sa mga pamantasang na nasa listahan ng mga pinakakumikitang korporasyon sa bansa ay ang Far Eastern University, University of the East, at Lyceum of the Philippines University kasama din ang patuloy pang kumukita ng malaki ang mga Katolikong institusyon na Ateneo de Manila University, De La Salle University, at University of Santo Tomas.

malinG paGmamahal

Dagdag rito, natuklasan ng KPL sa isang bagong pag-aaral na mula sa taong 2010 ay halos dumoble ang kita ng mga pinakamalalaking unibersidad sa Pilipinas.

Ayon sa kinatawan ng KPL na si Rep. Terry Ridon, “Aquino, and his alter ego in the Commission on Higher Education, Chairperson Licuanan, has allowed college education to become more unaffordable and inaccessible. This administration virtually did nothing to stop these increases”.

Higit pa rito, patuloy na lumolobo ang dami ng mga drop outs sa bansa. Walo mula sa sampung estudyante sa mataas na paaralan ang hindi na nakakapagtuloy patungo sa kolehiyo. Samantala, para sa mga nakakapasok naman ng kolehiyo, 20% lamang ang nakakapagtapos ng kanilang pag-aaral.

“At the heart of this issue is the extant policy of education deregulation – or that of allowing private school owners to set their own rates. It’s an act of surrender on part of the national government, since it lets private groups and individuals set how much education should really cost,” dagdag ni Rep. Ridon.

Ang NUSP, kasama ang iba pang mga progresibong mga samahan, ay naki-isa para manawagan sa kabataan na tutulan ang darating na pagtaas ng tuition. Sa darating na Pebrero 24 at Marso 11, magkakaroon ng pambansang walkout ang mga eskwelahan upang ipa-basura ang pagmahal ng matrikula at mga iba pang bayarin.

“Hindi matatakot ang kabataang Pilipino para ipanawagan at igiit ang karapatan ng lahat ng mamamayan sa edukasyon.Liliban tayo sa klase at lalabas ng lansangan upang sama-samang ipaglaban ang ating karapatan sa dekalidad at abot-kayang edukasyon,” iginiit ni Jose Mari Callueng, ang pambansang pangalawang pangkalahatang kalihim ng CEGP.

Nagkaroon rin ng mga protesta noong Pebrero 11 at 12 sa iba’t ibang unibersidad sa bansa na pinamagatang #AyokoMagmahal bilang paghahanda para sa nalalapit na pambansang walk-out.Sa patuloy na pagiging komersyalisado ng edukasyon, lalong nalulugmok sa kahirapan at kawalan ng kaalaman ang mga kabataan. At sa paninindigan ng CHED at ng administrasyong Aquino na magbula-bulagan at magbingi-bingihan sa panawagan ng sambayana, tanging pagkilos at paglaban ang natatanging paraan upang makaalpas sa kulungang ito.

School University of Sto. Tomas

De La Salle University

University of the East

Lyceum of the

Philippines University

Far Eastern University

Profit in 2010

914 Million 381 Million 352 Million 272 Million 713 Million

Profit in 2015

1.3 Billion 734 Million 463 Million 657 Million 1.08 Billion

Talaan 1. Kita ng mga nangungunang unibersidad sa mga taong 2010 at 2015

Year Tuition Income from Other School Fees

Total

Profit in 2010

5.3 Billion 2.6 Billion 7.9 Billion

Profit in 2015

8.1 Billion 4.7 Billion 12.8 Billion

Talaan 2. Kita ng mga SUCs mula sa mga estudyante sa 2016

Page 5: The Manila Collegian Volume 29 Number 10

NEWS 05Volume 29 Number 10February 25, 2016 | Thursday

AriesHuwag ka masyado nagpapaniwala sa mga

Tamang Panahon chenes ng AlDub. Sa kanila lang 100% na gagana yan kasi may script. IRL, mabuti

nang gumalaw na ngayon habang maaga at maluwag pa ang daan bago pa masungkit ng kapitbahay.

Huwag maging pabebe.

Lucky Number: Hasht5Lucky Color: Marlouminous Brown

Lucky Soulmate: ‘Yung block head niyoLucky Song: UP Naming Mahal

SagittariusTapos na ang three-month rule. Pakawalan

mo na ‘yang past mo at tigilan mo na rin ang pagshe-share ng mga heartbroken posts galing

Thought Catalog. Ipakita mo na sa mundo na you’re confidently beautiful with a heart. #char #nuks

#missuniverse

Lucky Number: Math 11Lucky Color: Grasa Gray

Lucky Soulmate: ‘Yung 33rd follower mo sa Twitter

Lucky Song: ‘Di Na Babalik by Ang Bandang Shirley Temple Run

Leo Oras na para magwagi sa pag-ibig. Pasimple

mong regaluhan ng Yandere Simulator ‘yung senpai mo para ma-notice ka na niya. Siguradong

matatako—matutuwa siya. Do it. Just do it. DO IT.

Lucky Number: Star Wars Episode VIILucky Color: Yoda Green

Lucky Soulmate: ‘Yung nagsabi ng “Live long and prosper” nung premiere ng The Force Awakens

#awtsuLucky Song: Hello by Adele Monte Pine-

apple Juice

LibraOras na para tigilan ang galawang ‘collect and select’. ‘Di ka naman earthworm na maraming

pusong kayang ibigay para sa mga taong pinupusuan mo, eh. Bawasan mo na ang paglalandi.

Lucky Number: Sa letrang G... baliktaran: 69!Lucky Color: Regla Maroon

Lucky Soulmate: Yung naka-moMOL mo sa UP Fair.

Lucky Song: Ang Kati Mo - Only Binay Movement

ScorpioSabi nila, “Kapag mahal ka, babalikan ka.” Kaya

wag kang mag-alala! Karirin mo na ‘yang pagiging abangers mo dahil babalik din ‘yang mahal mo,

baka na-traffic lang sa EDSA.

Lucky Number: 12:51 and I thought my feelings were gone

Lucky Color: Tokneneng OrangeLucky Soulmate: ‘Yung pangatlong taong hihingi

sayo ng 1/4th paper sa quiz. Lucky Song: Nandito Ako by Ogie Alcasid

(Kawayan Instrumental)

Taurus‘Wag nang maghintay sa wala. ‘Wag malung-

kot kung wala kang ka-partner bumili ng McDo couple meals o wala kang kahati, hayaan mo na,

isa na lang, aalis na ang jeep. Ikaw na, ikaw na ang mag-isa!

Lucky Number: Php 1,500.00/unitLucky Color: Puting Uwak (tulad ng hinihintay mo

na never naman darating)Lucky Soulmate: Yung nakapukaw ng pansin mo

pero may kaholding hands while walking Lucky Song: Huli Na Ang Lahat by Silent

Sanctuario de San Jose

AquariusFavorite subject mo ang history. Ang galing

mong magkabisa ng mga dates at tao. Alam mo kung kalian ka niya iniwan, kung sinong pinalit

niya sa’yo, etc. Ayan hindi ka tuloy maka-move on. Tapos naniniwala ka pa sa “history repeats itself ”. Kailan ka kaya magkakamit ng tunay na kalayaan?

Lucky Number: Base...3? HOME RUN!Lucky Color: Tigang Brown (see: dead leaves)Lucky Soulmate: Yung bestfriend mo (isugal

mo na!)Lucky Song: Lucky I’m Inlove with My Best-

friend – Jason Mars

GeminiButi pa ang weather may pag-asa, ikaw parang

wala. Hindi ka kasi si Poy o si Basha, wala ka talagang chance. Ibaling mo na muna ang aten-

syon mo sa isang bagay na matagal nang humihingi nito pero ‘di mo lang talaga pinapansin: thesis mo.

#AcadsBeforeLakads

Lucky Number: Bababa bababa 6 pesos lang ‘yanLucky Color: Libag Black

Lucky Soulmate: ‘Yung naka-red sa rally laban sa EDCA #HappyHunting

Lucky Song: Hate That I Love You by Rihanna Montana

Capricorn‘Wag kang malungkot na wala kang ka-cuddle for x years straight. Nandiyan naman lagi ang readings mo kapag kailangan mo ng kasama

24/7. Oras na para mahalin ang acads! Susi ‘yan sa pagbabago mo ng lipunang ginagalawan mo, oy.

#acads4lyf

Lucky Number: SULITXT15Lucky Color: Kalawang Red

Lucky Soulmate: Wala. Grumadweyt ka muna. #LaudeBagoLandi

Lucky Song: Ligaya by Eraserheads and shoulders

VirgoMararanasan mo ang One More Chance in

real life dahil may comeback na gagawin si ex! Life tip: ‘wag mong balikan, beh. ‘Di naman siya madrama tulad ni Popoy. ‘Di rin bagay sa’yo ang

hairdo ni Basha. Baka langawin lang ang sequel niyo. Give chance to others naman! ‘Dun ka na lang sa

may crush sa’yo.

Lucky Number: Ariel 7.50Lucky Color: Balakubak White

Lucky Soulmate: ‘Yung una mong makikitang nakatambay sa may Stone Tables.

Lucky Song: Dati by Sam Concepcion feat Tippy Dos Santos and Pitbull

CancerDahil pagod ka na, subukan mo kaya munang tig-ilan ang pagbabasketball. Or better yet, ‘wag puro

rebounding ang palaging pinapractice. Konting respeto naman sa sarili, please.

Lucky Number: 1 little 2 little 3 little IndiansLucky Color: Tartar Yellow

Lucky Soulmate: ‘Yung friend mong hourly ang pag-update sa Snapchat story niya

Lucky Song: Love Yourself by Justin Bieber (Death Metal ver.)

Pisces ‘Di big deal sa iyo ang pagiging single. ‘Di mo

naman kailangan ng jowa para maging masaya, rason mo sa sarili habang kumakain ng itlog na

maalat in hopes na ma-cancel out ang ka-bitteran mo. Dadating din yan sa ‘di mo inaasahang pagka-

kataon. Mabilis at matinik tulad ng surprise quiz sa Math 11. Watch out.

Lucky Number: 8-MCDOLucky Color: Plema Yellow Green

Lucky Soulmate: Yung ikalabinwalong ini-swipe left mo sa Tinder

Lucky Song: Ang Sarap Maging Single (Pe ro Mahirap ang Mag-isa) -

Eevee

Horoscope

TH

E C

ULT

UR

E T

EA

M I

LLU

STRA

TIO

N B

Y M

ARI

A C

ATA

LIN

A B

AJA

R BE

LGIR

A

2016 Elections Campaign Period Kicks Off

EUNICE BIÑAS HECHANOVA

Following the launching of the campaign period, official candidates began their visiting towns and provinces last Tuesday, February 9, three months before the national elections on May 9. On the other hand, the campaign period for

candidates for the House of Representatives and other local government units will start on March 26.

However, campaigning will be temporarily banned from March 24-25 with the entire campaign period ending on May 7.

offiCial CandidaTes

Consequently, the Commission on Elections (COMELEC) announced that they have already eliminated nuisance candidates from the list of presidential aspirants who filed for candidacy in October 2015. A total of 5 candidates are running for the presidency, while there are 6 for the vice presidency. Meanwhile, 56 people are vying for the 12 vacant seats in the Senate.

Presently, running mates Senator Grace Poe and Senator Francis Escudero kicked off their campaign in Plaza Miranda, while Davao City Mayor Rodrigo Duterte and Senator Alan Peter Cayetano kicked off their campaign in Tondo, Manila.

Meanwhile, Liberal Party (LP) bets Senator Manuel Roxas and Camarines Sur 3rd District Representative Maria Leonor Robredo were accompanied by President Benigno Simeon Aquino in the start of their camopaign in Roxas City, Capiz.

Despite choosing social media as the main platform of her campaign due to health issues, Senator Miriam Santiago appeared with Senator Bongbong Marcos Jr. in Batac, Ilocos Norte.

Amid alleged accusations on corruption, incumbent Vice President Jejomar “Jojo” Binay, Sr. and his running mate Senator Gregorio “Gringo” Honasan II visited Mandaluyong City on the first day of campaigning. Lastly, independent Vice Presidential candidate Senator Antonio Trillanes IV began his campaign in General Santos City, South Cotabato.

CampaiGn Guidelines

To ensure honest and fair elections, the COMELEC provided several restrictions in campaigning such as the banning of guns and security personnel unauthorized by the poll body. In addition to this, COMELEC checkpoints have been set up in roads all over the country.

In line with these regulations, the Omnibus Election Code (OEC) obligated the Statements of Contributions and Expenditures (SOCE) for all candidates and current political groups. All expenses within the campaign period will be recorded and are liable to sanctions.

Furthermore, the Republic Act No. 9006, also known as the Fair Elections Act, supervises campaigning through different media. Moreover, local government units (LGUs) are to adhere to strict rules on opening of positions for and hiring of new employees, dispensing of public budget, and addition of salaries.

Page 6: The Manila Collegian Volume 29 Number 10

06 NEWS Volume 29 Number 10February 25, 2016 | Thursday

ITANONG KAY ISKO’T ISKA

Pwede ring ipadala ang inyong mga sagot sa pamamagitan ng pag-text sa 0917 510 9496 o sa 0917 539 0612! (Pero bawal textmate!)

1anong masasabi mo sa mga bagong imprasTrakTurang iTinaTayo sa

up manila, Tulad ng dormiTory, gym, aT library?

AY SIYEMPRE MASAYA, SANA LANG MAGAWA NANG MABILIS, MAGDAGDAG NA RIN NG CAFETERIA YUNG LEGIT!!! - xianlim, CD, 2014

Buti naman sa wakas nadelay na ako at lahat sa wakas naisip na nila yan – Red Hood, cd

Mas nabigyang tuon sana yung mga pasilidad na kailangan ng mga estudyante, hindi lang sa pag-aaral nila kundi pati na rin sa mga ibang aspeto ng kanilang pang-araw-araw na buhay. Sana rin ay magawa nilang ayusin yung mga pasilidad na halatang naghihingalo na, at dagdagan yung mga kakulangan sa kwarto. – sxr, dent

Excited. Sana pasok sa budget na kaya talaga ng mga nangangailangan at ng gipit at tsaka renovate din nila muna ung ibang buildings and rooms para magamit pa din kahit papano. – monolid, cd

BUTI NAMAN at natuloy na, may pics na nga sa f b na naggroundbreaking sila eh. Sana hindi mapaso at mabaliwala. Naturingang health sciences center, walang gym na matino. Ano kaya ‘yon?? Haha - MukhangBabaeBosesLalaki, 1908

Good for UP Manila. We deserve better. - waffle woman, 2014-9***7

Sana wala nang polisiya ng countersign. Granting, protocol sya, pero puta nawala ko form 5 ko di ako makapasok sa lib - i love me, gonna love myself don’t need nobody else, 2013-68***, CD

yay for progress but they should really work on renovating the infrastructures they have at the moment because upm facilities are crap HAHAHAHAHA - over it, 2013-5***3

Aba meron palang pinapatayong “gym”, “dormitory”, at library sa UPM. Hindi ko pa nakikita eh. Nasaan ba? Parang pagibig to hanggang ngayon hindi ko pa nakikita. - Bang! ladesh, CAS, 2012-26528

Naks naman ang daming plano. Sana naman bago matapos ang term ni

chancy fully functional na ang mga yan haha. - damingalam, 2014-xxxxx

para sakin, malaking improvement yung bagong structures sa UPM. sana lang maging mabilis yung construction and sana magtuloy tuloy na yung ganitong improvements - 2014-xx kamote

2 maTapos si leni robredo, sinong poliTiko ang gusTo mong sunod na maiTampok sa maalaala mo kaya?

SI MAR ROXAS, GUSTO KONG MALAMAN LOVE STORY NILA NI KORINA. - xianlim, CD, 2014

Si marcos - Red Hood, cd

Si Binay pero hindi drama ang theme. Horror para naman may thrill hehe - Matamisnacandy, CD, 20xx-xxxxx

Binay. Para malaman kung pano siya nasunog. - monolid, cd

Si Mar Roxas habang gumagamit ng tasa para sa maglagay ng kanin at tubig sa plato – DenTEETHa

duterte bc he’s a jerk and people need to see that (although I find mmk stupid and pretentious so uhm it might actually make people in favor of him pa) - over it, 2013-5***3

Gusto ko naman makita si Binay sa MMK. Baka may pagasa pa na maawa at maiyak ako. At kahit papano naman makunsidera ko sya sa aking iboboto. Ay teka! Kahit pala maiyak ako sa storya niya hindi ko pa din siya ikonsidera. - Bang! ladesh, CAS, 2012-26528

Gusto ko tungkol kay Enrile. Baka sakaling totoo ngang may agimat siya o totoo ang mga speculation na na-discover na niya ang fountain of life kaya ang haba ng buhay niya. O kaya naman si Mar, para maintindihan ko naman kung bakit siya hinahayaan ni Korina na magsuot ng gula-gulanit na damit sa bahay nila. - damingalam, 2014-xxxxx

Si Nognog! namimiss ko na makita sa TV yung ama niyang si Kokey. - kalaw, CAMP, 201xxxxxx

Duterte. His life seems interesting with all the womanizing and other stuff that he claims that he does. - jxlieyxnn, 2014, CD

Ola chikadora! Hartu hartu from Greece!!! Yerr smoking hot, tantalizing, laglag briefing Lola P is Pia Wurtzback na back with more chemerlut than evahhh!!!!! Kamustache nemern eng Valentine’s Day niyo, afow???????? Havey or waley????? But before aketch mag-ispluk ng sumvhongs niyow, gusto q muneng mag-apollogize for my looong absenting. Nag-emoterang palaka lungs ang Lola niyow sa Athens!!!!! Paano buh nemern, etong one en unli Lolo Upow niyow, nag-surprise beach sakin at dinala ang byutipul feslak ko dito

sa Greece!!!!!!!!!!! Kalurkey tuluguh si bae!!!! Chariz!!!

Pero dahil knowsung ko na hindi pinagpala sa lab lyf ang ilan sa inyo, I’ve decided na makiramay sa pagdidiwang ng aking mga afows ng single awareness day!!! Hihi. Anong thinking ng Lolo U niyo sa aketch??? Kailangan ko siya ol day, ebri day?????? Excusez-

moi!!! Strong, independent Lola ata itey noh!!! Boom pak ganern!!!!!!

Anywho, ngayon at Pia Wurzback na me in the bizness, let’s start spluk-ing the hinanakit sa layf ng mga afows ko sa YuFiEm!

Mga Fulung-Vulungan ng nagjijisang

Lola Patola

Diyosa leveling kalurkeyhan numbah wan:

Find the Hidden Froppy

Kaagitsung nemern diz!!! Sinetch itey froppy na pak na pak sa pagiging kabute, az in lulubog lilitaw na lang at wit niya sasabihin kung when! Spluk pa ni afow, one month na ang classes pero 3 times lungs nag-special appearance itong si froppuccino. Waley rin daw siyang plan magmake-up to them at tina-trust naman niyang babaesahin nuhlung dawsung ng pupils ang mahiwagang mowdule!!!!!

Juice ko lord, at wiz lang yan ang mga peg niya!!! I heard na layk na layk niya din mang-okray ng neyboring universities of YuFiEm!!!!! Calling them lower forms of life and many other thangss!!! Bakit ka nemern ganern, froppy????? Baka gusto mong i-sumvhong na kita kay Papi Zeus ko! Char.

Diyosa leveling kalurkeyhan

numbah tu: Maybe You Should Go and

Lublob Yourself

Aji gin-isa na namang supladito turned supladita froppy ang nagpapajirap ng layf ng aking mga afows!!! Di ko nakeriboom ang isplukembang ng isang afowcalypse kow na wiz daw tineach ni frop ang lesson at wiz din nagbigay ng copy ng presentashown niya, pero umasa-bells ang chaka na knows na ng class ang topiczzz!!! And as a punishment chorvaloo, hindi nag-giving ng score si froppy sa isang quizno’s!!!!! As in big fat eggnog ang natanggap ng aking pooritang afowz!!!!!!!!!!

Teka lungs, there’s mooooreee. Chenes na nga daw pumasok ng early bird si frop, peg pa nitong mag-transform to Angry Bird!!! Ibang levelings dawsung ang

THE GREEK GODDESS EDITION

bayolent words at diskrimineyshun na narereceive ng aking beloved grandchildren!!!!! At itong lurkey-lurkeyng chaka na itechiwa, biased dawsung sa Bachelor of Shokot at juice colored nemern makisama sa Bachelor of Artehhh!!!!! Anerng pinagfafighting natin, froppy?????? Pa-kidnap kita kay Hades diyan! Juzkelerd!!! Nawawarloo na in the mowment ang beauty ng Lola P niyow sa kaka-Mortal Kombat sa mga umaapi sa wonderful afowz ko!!!!! Haaaixt. Eenjoying Globe ko na muna ang us time namin ng Lolo U niyo!!! Hihihi. Aniwey haywey, just keep making padala your sumvhongs, oki???!!!!!! Hasta la bestida, afowz!!! ‘Til we meet again mga lovie dovies!!! Ahihihihi. Isang malaking kiss sabay hug tu ebri wan!!!!!!!

XOXO

Page 7: The Manila Collegian Volume 29 Number 10

FEATURES 07Volume 29 Number 10February 25, 2016 | Thursday

Sa isang laro kung saan tanging ang nakakataas ang palagiang nananalo, patuloy ang paghahabol ng masa para sa mga serbisyong dapat ay laan sa kanila.

Matamis ang tagumpay na dala ng Social Security System (SSS) Pension Hike Bill para sa mga mamamayan. Ang panukala, na naglalayong taasan ng P2000 ang kasalukuyang pensiyong natatanggap ng mga SSS pensiyoner,ay siya sanang tutulong sa buwan-buwang pangtustos ng mga pamilyang Pilipino upang mabuhay. Subalit, nauwi lamang sa naunsyaming pag-asa ang pagpapatupad nito nang hayagang dinaya ng gobyerno ang mga SSS pensiyoner sa pamamagitan nang walang habas na pag-veto ni Pangulong Benigno Aquino III sa panukala.

Bagamat patuloy ang pagtaya ng masa sa mga benepisyong ipinangako ng gobyerno, ay paghihikahos lamang ang walang-sawang idinudulot ng administrasyon sa mga mamamayan.

Ang Langit

Mala-langit ang pangakong kaginhawaan na dala ng SSS sa lahat ng pensiyoner nito.

Ang pagtatag ng ahensiyang SSS noong 1957 ay ibinase sa Ikalawang Seksyon ng Republic Act 8282, o Social Security Law—isinasaad ng batas na ito na mandato ng estado ang magtatag, magpaunlad, at magtaguyod ng isang panlipunang sistema ng seguridad. Pangunahin sa mga layunin nito ay ang magbigay ng insurance, tulong pinansiyal, at iba pang mga benepisyo sa mga empleyado ng mga kompanyang kabilang sa pribadong sektor.

Ilan sa mga benepisyong ito ay ang mga nakahandang tulong pinansyal kapag sila ay nagkakasakit, naaksidente, nanganak, nagretiro, pumanaw o namatayan. Lalo na sa mga matatandang benepisyaryo, mahalaga rin ang pagtanggap sa SSS pension bilang pantustos sa pambili ng mga gamot, pagkain, at tulong na rin para sa mga iba pang bayarin.

Bagamat marami ang nabanggit na benepisyong naisaad para sa mga mamamayang nagbabayad para rito, makikita pa rin ang matinding kakulangan ng ahensiya sa pagtingin sa mga pangangailangan ng mga pensiyoner na angkop sa kasalukuyang panahon. Dahil ang pagtanggap ng mga benepisyo ay nakaayon sa bilang ng mga taong nagbabayad ang isang empleyado, ang pinakamababang nakukuha ng karaniwang pensiyoner kada buwan ay nagkakahalaga sa P1, 200, para sa 10 taon ng kontribusyon sa SSS Fund. Subalit kung susuriin ay kakarampot lamang ang naitutulong nito sa mga mamamayan—malayong-malayo sa poverty threshold na itinalaga ng National Statistics Coordinating Board na umaabot sa P8, 022 kada buwan. Kung ikokompara rin sa nagtataasang bilihin sa merkado ay napakaliit pa rin ng halagang natatanggap ng mga mamamayan, lalo na’t hindi pa nagbabago ang SSS rates mula noong 1997.

Para sa layuning madagdagan ang pensiyon ng halos 2.15-milyong benepisyaryo ay naghain ang mga kinatawan ng panukala sa pamumuno nina Bayan Muna Representatives Neri Colmenares at Carlos Isagani Zarate. Nakasaad sa House Bill No. 5842 o SSS Pension Hike Bill ang P2000 na dagdag sa pensiyong

matatanggap ng mga pensiyoner, at matapos ng halos limang taon pagsusuri at paglilitis ay naipasa ito sa Kongreso at sa Senado.

Ngunit ayon kay Pangulong Aquino, hindi niya maaring payagang maisabatas ang panukala dahil malapit na ‘di-umano mabangkarota ang ahensiya.

Ang Lupa

Sadlak sa lupa ang ginawang pagsasalansang sa mga karapatan ng mga pensiyoner nang ibasura ang SSS Pension Hike Bill.

Ang panukala ay nakatakdang isabatas noong Enero 15 ngunit bago pa man ito maging ganap na batas, ay agarang hinarang at ibinasura na ito ni Aquino noong Enero 10. Sa depensa ng gobyerno, ang ginawang pag-veto sa pension hike ay isa umanong pangmatagalang solusyon para sa kabutihan ng 30-milyong benepisyaro ng SSS sa hinaharap. Depensa rin ng gobyerno na walang kapasidad ang SSS na pondohan pa ang P2000 na dagdag sa pensiyon - na tinatalang aabot sa P56 bilyon ang buong halaga - sapagkat nakabanta umanong mabangkarota ang ahensiya sa taong 2029 kung itutuloy man ito. Nanganganib din umanong masadlak sa utang ang SSS kung sakaling suportahan ang pension hike, sapagkat kinakailangang galawin ng SSS ang Investment Reserve Fund (IRF) nito upang sustentuhan ang mas mataas na pensiyon ng mga manggagawa.

Ayon sa mga pag-aaral ng gobyerno tungkol sa isyu ay kinakailangang dagdagan ang kontribusyon ng mga manggagawa upang punan ang nasabing dagdag sa pensiyon,

ngunit ipinapakita ng datos mula sa Ibon ang kakayahan ng gobyerno na sustentuhan ang P2000 na dagdag sa pensiyon. Ilan lamang sa mga maaaring pagmulan ng pondo ay ang higit P780 bilyon na potensyal na kita mula sa mga buwis ng mga naglalakihang korporasyon. Ngunit dahil sa kawalang-bahala at kapabayaan ng ahensiya, P371 bilyon lamang ang nakolekta ng Bureau of Internal Revenue (BIR) mula rito. Naiulat naman ng Anakpawis na may kita rin ang SSS mula sa mga nangungupahan sa 102 na yunit ng mga condo nito. Tinatalang aabot naman sa P198.2 milyon hanggang P447 bilyon ang hindi nakolektang kita mula sa mga nasabing yunit—isang malaking halaga na maaaring ipangtustos sa kasalukuyang pondo ng SSS. Makikita na maraming maaaring ayusin upang masuportahan ang panukala, ngunit sa sitwasyon ding ito nahihinuha kung sino talaga ang pinagsisilbihan ng gobyerno. Malinaw ang sagarang panggagatas ng administrasyon sa mga manggagawa, habang patuloy nitong pinagsisilbihan ang interes ng mga korporasyon sa pamamagitan nang bulok nitong pamamalakad.

Sa huli, ay nabalewala ang layunin ng SSS bilang batas na itaguyod ang mga karapatan ng mga pensiyoner at benepisyaryo nito.

Ang Impyerno

Sa huli’t huli, ang tanging ginhawang ipinangako ng gobyerno sa pamamagitan ng SSS ay naging impyerno lamang sa mga manggagawang Pilipino.

Mula sa mga datos na nakalap ng Anakpawis, ang kakulangan sa

Langit, Lupa, Impyerno

Isang Pagsisiyasat sa Isyu ng SSS Pension Hike CHLOE PAULINE REYES GELERA DIBUHO NI DANIE RODRIGUEZ

IPAGPATULOY SA PAHINA 10

Page 8: The Manila Collegian Volume 29 Number 10

08 CULTURE Volume 29 Number 10February 25, 2016 | Thursday

Alpha & OmegaSabi nila, sakit daw ng sino mang nagmamahal ang pag-aakala na ang kanyang unang pag-ibig ay ang kanya ring magiging panghuli—na ito ay magtatagal panghabambuhay.

Habang basa ang mga pisngi at namamaga ang mga mata sa paggunita ng ating nakaraan, sinulyapan ko ang kalangitan ngayong gabi—ang parehong mga bituin at buwang nakaupo sa kalangitan noong gabing una kong natikman ang tamis ng iyong pagmamahal. Niyakap kita mula sa likod, ibinalot ko ang aking mga braso sa hubog ng iyong nag-iinit na katawan. Sa mga sandaling iyon, tila ba’y walang takot akong sumugal sa paniniwalang totoo nga ang pag-ibig na walang hanggan.

Ngunit kung gaano kainit ang inihatid ng mga yakap at halik ko sa’yo, ay iyon naman ang ikinalamig ng

unti-unti mong pagtaboy sa akin. Bibihira ka na lang mag-text at

tumawag, at kung sasagot

ka man sa mga pm ko sa’yo ay sobrang late na.

Minsan naman, nakakalimutan mo

na akong kausapin dahil sabi mo sobrang

“busy” ka na sa sa pag-aaral. Napapansin ko na

ring medyo naiilang ka na sa paglalambing ko sa’yo,

at sa tuwing tatanungin ko kung anong problema, ang lagi mong sagot ay “wala naman”. Sa panahong ‘yon, ‘di ko maiwasang mapuyat kakaisip kung ano nga ba ang ating problema at kung ano na nga ba ang lugar ko sa buhay mo. At ‘di na nga nagtagal, iniwan mo ako nang walang malinaw na paliwanag. Nalaman ko na lamang sa mga kaibigan mo na nay iba na palang nagbibigay ng mga pangangailangan mo.

Sabi ng mga kaibigan ko’y hayaan na lamang kita dahil lahat naman daw ng bagay ay may katapusan, at kahit ang pag-ibig ay may wakas din. Darating din naman daw ang panahong may bagong papalit na mas mamahalin ko at mas mamahalin ako. Ireserba ko na lang daw ang aking pag-ibig para sa nag-iisang taong karapat-dapat na makatanggap nito. Ngunit ano nga ba ang mas tamang paniwalaan ko: na ang pag-ibig ay may hangganan, o na ang pag-ibig ay walang katapusan? Siguro para sa akin, naniniwala ako sa parehas.

Kung ang pag-ibig, tulad nga ng sabi ng iba, ay may hangganan, dapat pala’y minahal kita nang parang isang beses lamang sa buong buhay natin magkukrus ang ating kapalaran. Dapat pala’y nilasap ko ang bawat sandaling tayo’y magkasama na para bang kinabukasan ay gigising tayong magkahiwalay sa magkabilang dulo ng mundo. Ngunit naniniwala rin ako na ang pag-ibig ay hindi nakapinid sa konsepto ng oras, dahil kahit ang bawat segundong kasama mo ang iyong minamahal ay maaaring maging mga alaalang dadalhin mo pang habambuhay—mga alaalang lakip pa rin ang tindi ng inyong pagmamahalan at kailanma’y hindi kukupas.

Sa pagtatapos ng pagninilay-nilay ko ngayong gabi, isang bagay ang aking napagtanto. Kung ako man ay muli mong pagbibigyan, handa kong ipagpalit ang lahat ng aking oras para lamang makapiling ka nang kahit isang araw lamang. Dahil ang isang araw na iyon katumbas sa akin ay isang pag-ibig na pang habambuhay.

Agape“Bakit ba yan ang pinili mong maging jowa? T*ngina mukhang in-abort pero ‘di natuloy!” ‘Yan ang asar sa’kin ng mga kabarkada ko sa’yo. Last week nga no’ng niregaluhan kita ng isang boquet ng bulaklak, banat nung mga siraulo kong kaibigan e dapat ‘di na lang daw kita binigyan—imbis na ikinaganda mo raw, nagmukha ka raw na tindera. Ang lagi nga nilang hirit sa’kin eh, “Love is blind talaga ‘no?” Bagamat mahilig akong asarin ng mga kaibigan ko, todo suporta pa rin naman sila sa’kin—true love raw kasi.

Maging sa sarili mo, inaamin mo rin namang hindi ka nabiyayaan ng itsura. Pati ikaw nga mismo ay nagtataka kung paano nga ba ako nagkagusto sa’yo, pero ang lagi ko namang sagot sa’yo ay “hindi ko alam, basta mahal na mahal kita.” Madalas malungkot ka, pakiramdam mo kasi ay nagkukulang ka para sa’kin. Iginigiit mo sa’kin na dapat humanap na lang ako ng iba na may mas itsura kaysa manatili akong kasama ka’t magdusa sa pang-aasar ng iba. Masakit para sa’kin na marinig ang mga ganitong klase ng linya mo. Hindi mo lang alam ngunit dinadaya kita sa ang aking pag-ibig—dalawa kasi ang mahal ko: ikaw, at ang iyong mga imperpeksyon.

Pangamba mo, masyado ka nang tumataba at baka hindi na kita magustuhan. Pangamba mo, masyado ka nang tampuhin at baka mapagod na lang ako’t bigla kang iwan. Pangamba mo, masyado ka nang clingy at baka maubos mo na ang lahat ng oras ko. Alam ko na ang lahat ng ‘to, kabisado ko na ang lahat ng mga

“pagkukulang” at imperpeksyon mo. Pero kung iisipin mo, hindi naman

ako nagmamahal na ang tanging layunin ay ang makahanap

ng isang perpektong taong inaasam din ng marami.

Siguro para sa iba, ang “perpekto” ay ‘yung

mayaman,maganda ang kutis, matalino, at mabait.

Pero para sa’kin, simple lamang ang ibig sabihin ng pagiging

perpekto—‘yung kaya kang punan, ‘yung kaya kang iharap

sa mundo bilang ang kanyang perpektong kabiyak kahit alam mo sa

sarili mo na marami kang pagkukulang. Ngayon alam mo na kung bakit kita pinili.

Dahil katulad ko ikaw ay imperpekto, ngunit nag-iisa ka lamang sa mundo na kayang

bumuo sa’kin—na kaya akong gawing perpekto.

Wala na akong pake kung magmukha kang tindera gaya ng sabi nila. Hindi ako katulad ng anino mong nariyan lang sa tabi mo kapag ika’y nagniningning, at lilisanin ka naman sa tuwing ika’y mababalot ng dilim. Sasamahan at mamahalin pa rin kita sa mga pinakamadidilim mong katayuan sa buhay. Mahal kita dahil imperpekto ka, ngunit tandaan mong nagiging perpekto ka para sa katulad kong tunay na nagmamahal sa’yo.

NumbersIsang daang porsyento ng aking pagmamahal ang kaya kong ibigay sa relasyong ito, ngunit sana ay may nagsabi sa akin na ang kailangan mo pala ay isang daa’t isa.

Malinaw sa akin ang pinasok kong relasyon kasama ka – kalahati na ako ngayon ng isang panibagong kabuuan; karugtong ng tadhana ng isang panibagong buhay. Ngayon, bukod sa mga panghalip na “ako” at “ikaw”, meron nang “tayo” na kailangang pangalagaan. Kaya naman sinigurado kong higit sa mga konkretong patunay gaya ng couple shirts, o couple rings, ay lagi mong nararamdaman n a nasa tabi mo ako upang buhayin ang ating

“kabuuan” – pinupunoan ko ang iyong pagkukulang; tinatanggap ko ang lahat

ng sobra sa iyong mga pangarap, emosyon, at ideya.

Ngunit paano tayo bubuo ng isang “kabuuan” kung para sa paningin mo pala ay ako ang “kulang” – ang parteng laging humihila parababa sa ating sinumpaang pagmamahalan?

Ikinumpara mo ako sa isang balon – sabi mo, ikaw ang

tubig na pumupuno sa aking kawalan. Ngunit, puna mo, sa

lahat ng tubig na ibinuhos mo sa akin, nanatili pa rin akong isang

balon – malamig, matigas, at ‘di masukob. Sabi mo, ikaw ang apoy at

ako ang posporo – pinapanatili mo ang liwanag at init sa aking buhay. Ngunit

anong pighati, daing mo, dahil kinakain lamang ng walang pasubali ng kahoy ang

sakripisyong iyong ginagawa.

Pagod ka na, sabi mo – gaya ng pagkatuyo ng tubig sa balon; gaya ng pagka-upos ng kahoy sa

posporo. Lagi’t lagi na lang ikaw ang kumukumpleto sa “kabuuang” ito, puna mo. Hindi ka Diyos para

magbigay ng biyaya at magsakrispisyo nang walang kapalit, dahilan mo. Ang konsepto mo ng pag-ibig ay lubog sa konsepto ng “balanse” – walang-iwanan, sabi mo; walang lamangan, depensa mo. “Hindi pwede ‘yong pareho tayo ng oras ng trabaho at natatanggap na sahod, pero mas marami akong nagagawang mga produkto sa’yo – dapat kung anong kaya ko, kaya mo rin; kung anong kaya kong i-sakripisyo, kaya mo ring i-sakripisyo” – ang paliwanag mong dinaan mo sa pagkukumpara sa isang pabrika kung bakit sa tingin mo’y hinihila ko ang relasyon natin pababa.

Marahil nga para sa’yo ay dinaya kita sa relasyong ito; na pinagdamutan kita ng katarungan at sa halip ay binigyan ng krus na pasanin. Ngunit sana makita mo na ang pag-ibig na gusto kong ialay sa iyo ay isang uring hindi kailangang masukat sa isang paligsahan; sa isang pagkwekwentahan ng dami ng halik na ibinigay, tindi ng yakap na ibinalik, o hapdi ng mga sugat na tinanggap. Hindi tayo parehong “buo” noong pinasok natin ang relasyon na ito – kung mas buo ang iyong pagkatao, at kulang naman ang sa akin, ay hindi isang trahedya. Tayo ay magkasintahan sa isang relasyon na sabik sa pagmamahalan; tayo ay hindi magkasosyo sa isang korporasyon na sabik sa balik ng puhunan. Pumasok tayo sa isang “relasyon” at hindi sa isang “kombinasyon.”

Humihingi ako sa’yo ng patawad sapagkat hindi kita minahal sa paraang gusto mo . Ngunit hindi ko ihihingi ng kapatawaran ang bersyon ng “pagmamahal” na alam ko – ang bersyon kung saan buhay na entidad ang pag-ibig, nagsasabog ng pagmamahal saan man, kailan man, at kanino man; walang kinikilalang oras, o hangganan.

Page 9: The Manila Collegian Volume 29 Number 10

CULTURE 09Volume 29 Number 10February 25, 2016 | Thursday

NumbersIsang daang porsyento ng aking pagmamahal ang kaya kong ibigay sa relasyong ito, ngunit sana ay may nagsabi sa akin na ang kailangan mo pala ay isang daa’t isa.

Malinaw sa akin ang pinasok kong relasyon kasama ka – kalahati na ako ngayon ng isang panibagong kabuuan; karugtong ng tadhana ng isang panibagong buhay. Ngayon, bukod sa mga panghalip na “ako” at “ikaw”, meron nang “tayo” na kailangang pangalagaan. Kaya naman sinigurado kong higit sa mga konkretong patunay gaya ng couple shirts, o couple rings, ay lagi mong nararamdaman n a nasa tabi mo ako upang buhayin ang ating

“kabuuan” – pinupunoan ko ang iyong pagkukulang; tinatanggap ko ang lahat

ng sobra sa iyong mga pangarap, emosyon, at ideya.

Ngunit paano tayo bubuo ng isang “kabuuan” kung para sa paningin mo pala ay ako ang “kulang” – ang parteng laging humihila parababa sa ating sinumpaang pagmamahalan?

Ikinumpara mo ako sa isang balon – sabi mo, ikaw ang

tubig na pumupuno sa aking kawalan. Ngunit, puna mo, sa

lahat ng tubig na ibinuhos mo sa akin, nanatili pa rin akong isang

balon – malamig, matigas, at ‘di masukob. Sabi mo, ikaw ang apoy at

ako ang posporo – pinapanatili mo ang liwanag at init sa aking buhay. Ngunit

anong pighati, daing mo, dahil kinakain lamang ng walang pasubali ng kahoy ang

sakripisyong iyong ginagawa.

Pagod ka na, sabi mo – gaya ng pagkatuyo ng tubig sa balon; gaya ng pagka-upos ng kahoy sa

posporo. Lagi’t lagi na lang ikaw ang kumukumpleto sa “kabuuang” ito, puna mo. Hindi ka Diyos para

magbigay ng biyaya at magsakrispisyo nang walang kapalit, dahilan mo. Ang konsepto mo ng pag-ibig ay lubog sa konsepto ng “balanse” – walang-iwanan, sabi mo; walang lamangan, depensa mo. “Hindi pwede ‘yong pareho tayo ng oras ng trabaho at natatanggap na sahod, pero mas marami akong nagagawang mga produkto sa’yo – dapat kung anong kaya ko, kaya mo rin; kung anong kaya kong i-sakripisyo, kaya mo ring i-sakripisyo” – ang paliwanag mong dinaan mo sa pagkukumpara sa isang pabrika kung bakit sa tingin mo’y hinihila ko ang relasyon natin pababa.

Marahil nga para sa’yo ay dinaya kita sa relasyong ito; na pinagdamutan kita ng katarungan at sa halip ay binigyan ng krus na pasanin. Ngunit sana makita mo na ang pag-ibig na gusto kong ialay sa iyo ay isang uring hindi kailangang masukat sa isang paligsahan; sa isang pagkwekwentahan ng dami ng halik na ibinigay, tindi ng yakap na ibinalik, o hapdi ng mga sugat na tinanggap. Hindi tayo parehong “buo” noong pinasok natin ang relasyon na ito – kung mas buo ang iyong pagkatao, at kulang naman ang sa akin, ay hindi isang trahedya. Tayo ay magkasintahan sa isang relasyon na sabik sa pagmamahalan; tayo ay hindi magkasosyo sa isang korporasyon na sabik sa balik ng puhunan. Pumasok tayo sa isang “relasyon” at hindi sa isang “kombinasyon.”

Humihingi ako sa’yo ng patawad sapagkat hindi kita minahal sa paraang gusto mo . Ngunit hindi ko ihihingi ng kapatawaran ang bersyon ng “pagmamahal” na alam ko – ang bersyon kung saan buhay na entidad ang pag-ibig, nagsasabog ng pagmamahal saan man, kailan man, at kanino man; walang kinikilalang oras, o hangganan.

Adam & Eve“... dahil hindi tayo para sa isa’t-isa,” sabi mo na agad ko namang sinang-ayunan – mahirap nga naman kasing “pagbigkisin” ang dalawang taong tila “langit” at “lupa.”

Kahit kailan ay hindi ko maiintindihan kung bakit noong gabing iyon ay tiniis mong mamaos ang iyong boses para lamang maidiin sa aking kukote na hindi ako ang para sa’yo. Siguro dapat ay nakinig ako nang mabuti nang mabanggit mong hindi ka nakaramdam ng panlalambot ng iyong mga tuhod ng una mo akong makita. O mas nakiramdam nang dumalaw ako sa inyo’t hindi man lang ako dinulutan ng kahit isang titig ng iyong mga magulang. Lahat pala ng mga iyon ay may katumbas na kahulugan; lahat pala ng mga kilos ko ay isang pagsusuri para makita kung ako ang taong nakatadhana para sa iyo.

Naalala mo pa ba ang tila job interview nating unang pagkikita? Hindi mo alam pero nasulyapan ko ang pagkunot ng iyong mga kilay nang sabihin kong sa’yong hindi ako nakatapos ng kolehiyo. E noong pinakilala kita sa aking mga magulang sa probinsiya? Hindi mo alam pero nagpabili pa ako ng bagong kutson kala nanay dahil hindi ka makapaniwalang sa banig tayo matutulog. Siguro’y tanda mo pa nang maungkat mo ang tungkol sa pagpapakasal? Lingid sa kaalaman mo’y nakita ko ang paghigpit ng daliri mo sa kwintas mong krus nang sabihin kong wala akong pinaniniwalaang relihiyon. At tanda mo pa ang nangyari nang makipagkita tayo sa iyong mga kaibigan? Hindi mo rin alam pero naramdaman ko ang paghihimagsik sa hawak ng iyong kamay sa aking braso nang makipagtalo ako sa kaibigan mong pinandidirihan ang LGBT community.

At ito na nga ang kinalabasan ng husay mo sa diskriminasyon at pagkilatis – ang husga mo’y hindi ako ang taong para sa’yo. Ilang pagsusuri pala ng aking karakter ang iyong ginamit, at sa huli’y hindi ako nakapasa. Sandaling panahon pa lamang tayo nagkasama, pero sa pamamagitan ng iyong mga pagsubok, tila ba nahulaan mo nang masasayang lamang ang pagmamahal mo sa akin; tila ba nahinuha mo nang hindi ako karapat-dapat pagsayangan ng oras, panahon, at pag-ibig.

Ngunit, mahal ko, sa mga pagsusuring ginamit mo, ang karakter ko lamang ang iyong sinuri at hindi ang karakter ng pagmamahalan nating dalawa;

ang kakayahan ko lamang ang iyong sinubok, ngunit hindi ang kakayahan ng relasyon nating dalawa. Sana

mapagtantong mong ang pag-ibig ay hindi isang minsanang pagsusulit kung saan may “pumapasa”

o may “bumabagsak”; bagkus, isa itong walang hanggang paggawa at pakikipagsapalaran sa pagitan ng dalawang tao tungo sa isang kinabukasan. Hindi mo matitiyak ang kahihinatnan ng ating relasyon, kung hindi mo ito bibigyan ng tsansang subukan – wala kang malalasap na tamis o pait ng pag-ibig kung hindi ka mag-aalay ng oras, ng panahon, ng oportunidad, at ng kasawian para hayaan itong yumabong at mabuo. At kung wala

kang tapang para makipagsaparalan, hindi mo malalaman na walang pinagkaiba ang

“tama” at “maling” tao sa larangan ng pag-ibig, dahil sa mata ng nag-iibigan, ang lahat ng uri ng

pagmamahalan ay “tama.”

Sa huli mahal ko, parehong tama, at mali ka – tama kang hindi ako perpekto, pero mali ka sa

hinala mong hindi “perpekto” ang pag-ibig na kaya kong ialay at buuin kasama ka. Sana malaman

mong ang isang taong ‘di perpekto ay kaya pa ring mag-alay ng isang buong pagsinta.

Get hsemaneWalang panganib o takot ang makakapasok sa utak ng mga tulad kong bulag, bingi, at ignorante sa pag-ibig. Kaya nama’y handa akong sumubok sa kahit anong panganib at handang itaya ang lahat ng meron ako kapalit ang kahit mumunting pag-asang mapagbibigyan mo ako.

Sa umpisa’y napakabata pa ng mundo—walang kaproble-problema at punong-puno ng sigla. Nung una kitang nakita, halos lumabas ang puso ko mula sa aking tadyang. Nangangatog pa ko sa tuwing saglit kang napapadaan. Sa tapang ng aking mga kaibigan, iniugnay nila ang tulay na akala ko’y hindi maitatayo. Sa pagtawid natin sa gitna ng tulay, tinangka ko pang tumalon sa kaba. Tinawanan mo lang ako. Sinubukan mo ‘kong pakalmahin ngunit ang pagdampi ng iyong mga daliri sa aking braso ay lalo lang nagpanginig sa aking tinig. Hindi naglaon ay lumalim ang pagkakakilala natin sa isa’t isa.

‘Di baleng maubusan ng pamasahe sa malalayong lugar o matuyuan ng ipon

sa samut-saring kainan, may saysay ang lahat ng ‘to dahil kasama

kita. Kapag nagkukuhanan tayo ng litrato, ibang usapan ang

bubungad kapag inilagak na sa Internet. Pinatitiyak ng kanilang likes at comments ang ating pagkakaibigan—realidad ko na ang noo’y pantasya. Mabuti nga’t

madali kang ayain, ngunit hindi pa rin makikita sa panlabas ang

yumuyurak sa pundasyong sabay nating itinaguyod: pinipigilan mo ang

iyong nararadaman bunsod ng pinsala ng dating minahal. Tiniyak ko naman

na wala akong ibang papangarapin kung hindi ang iyong kaligayahan, na ako ang

makakapagpahilom sa sugat ng kahapon.

Halos hindi ako makatulog at makakain nung nagpakalayo ka upang magnilay. Ikaw

na rin naman ang nagsabing magkakambal ang ating nararamdaman, ngunit sa kabila nito’y

desidido ka pa ring layuan ako. Dinagdag mo pang walang maibububungang maganda ang ating relasyon

sakaling maging tayo, kundi kirot lamang. Naniniwala kang isa sa atin ang unang makakadama ng puwang--ng pagkupas ng pag-ibig. Kinulong mo ang iyong puso sa takot na muli itong madurog. Naniwala kang mahahanap lamang ang taong tunay na magmamahal sa’yo sa tamang panahon at pagkakataon. Pero heto ako’t pilit na binubuksan ang iyong mga mata, at nagsasabi sa’yong wala nang mas gagandang pang panahon upang umibig kaysa ngayon.

Tama ka, mahirap ang masaktan sa pag-ibig, ngunit ito ang pinakamasarap na sakit na iyong mararanasan dahil kaakibat pa rin nito ang tanging lunas na makakapaghilom sa pusong minsan na ring nasugatan ng pag-ibig. Nagkamali ka noon at nasaktan, ngunit sinasabi ko sa’yo na hindi masama ang magkamali sapagkat ang mga mapapait na karanasan lamang ang makakapagturo sa tamis ng pag-ibig. Sa totoo nga niyan, noong ikinuwento mo sa’kin kung gaano katindi ang pagmamahal na ibinigay mo noon sa dati mong karelasyon, humanga ako sa’yo. Matapang ka, handa mong ibigay ang buong pagmamahal mo nang walang kapalit, basta’t sa huli nama’y alam mong hindi ka nagkulang.

Nakakalungkot na makita kang nakakulong pa rin sa iyong nakaraan, ngunit umaasa pa rin ako na sana’y buksan mo ang iyong puso’t tahakin ang landas ng pag-ibig kasama ako. Gusto kong ipayakap sa’yo ang matamis na realidad na nandito ang isang tulad kong handang ibigay ang buong pagmamahal makalaya ka lamang mula mga gapos ng iyong napakapait ng nakaraan.

KismetMga Daloy ng Tadhana ng Isang

Rebolusyonaryo sa Pag-ibig

THE CULTURE TEA M DIBUHO NINA JAZMINE CLAIRE MARTINEZ

MABANSAG AT JOSE PAOLO BERMUDEZ REYES

Page 10: The Manila Collegian Volume 29 Number 10

10 CULTURE Volume 29 Number 10February 25, 2016 | Thursday

Signos

PAGODKyla Pasicolan

pondo ng SSS ay bumaba mula P314.5 bilyon noong 2010 sa P46.5 bilyon na lamang noong 2015. Gayunpaman, ang P268 bilyon na bawas sa kakulangan ng pondo ay hindi nadama kailanman ng mga SSS pensiyoner. Bagkus, ito ay naging daan upang lalong makinabang ang mga mapagsamantalang opisyal ng gobyerno.

Isa na rito ay ang pagtanggap ng mga opisyal ng SSS ng P10 milyon bilang bonus na binase sa kanilang trabaho at bilang insentibo mula sa mga pribadong korporasyon. Nakababahala rin ang naging pagsisiwalat ni dating Iloilo Kongresman Augusto Syjuco na nagsabing umabot sa P116-milyon ang natanggap ng 34 na opisyal. Ayon rin kay Kong. Colmenares, habang nakatatanggap ng mga naglalakihang bonus ang mga opisyal ng SSS ay naghihirap namang magbayad ang mga miyembro nito para sa kanilang seguridad. Klarong-klaro ang patunay na sa pananatiling maliit ng pensiyong natatanggap ng kalakhang porsiyento ng mga benepisyaryo ay siya namang patuloy na pagtaba ng mga bulsa ng mga nasa nakatataas.

Mula rito ay uusbong ang tanong kung para kanino at ano ba talaga ang SSS, na unti-unti nang nagiging isang programa na nagbabalatkayo bilang isang uri ng tulong pinansyal sa mga mamamayan. Sa likod ng maskara nito, ay itinuturing na lamang itong negosyo, kung saan tanging ang may kapangyarihan lamang ang may benepisyo at nananalo, habang

ang kalakhang porsiyento ng mga Pilipino, benepisyaryo man o hindi, ay nananatiling talo.

Ang SSS ay isang responsibilidad ng gobyerno at hindi isang institusyong maaaring pagkakitaan. Kung tutuusin, ang lahat ng pondong nakakalap ng SSS ay mula sa mga bulsa at pagod ng mga manggagawang Pilipino. Ngunit sa halip na magamit ng mga trabahador na ito ang mga pondo sa kanilang pagtanda at pagretiro, ang pondo ng SSS ay dumidiretso sa bulsa ng mga gahamang opisyal nito. At sa huli, ay naiiwang nakasadlak sa kagipitan ang mga tunay na dapat pagsilbihan ng ahensiyang ito.

Sa huli, malinaw na ang mga indibidwal na kontribusyon ng bawat miyembro ay hindi kailanman magiging sapat upang tustusan ang lumalaking bilang ng mga SSS pensiyoner. Ang pagtanggal sa bulok na pamamahala ng SSS ang dapat bigyang pansin, upang mapatagal ang buhay ng pondo nito. Marapat lamang na tigilan na ang sobra-sobrang pagpapasuweldo sa mga likong opisyal at ibigay ng maayos ang mga pangangailangan ng mga benepisyaryo nito.

Ngunit hangga’t hindi naipapasakamay sa masa ang serbisyong dapat lamang nilang makamit ay hindi titigil ang laban patungo sa tunay na tagumpay—kung saan ang mga bayan ang magwawagi.

LANGIT, LUPA, IMPYERNO FROM PAGE 07

Waywaya 2016 is the literary folio of The Manila Collegian. Visit tinyurl.com/Waywaya2016Guidelines to find out how you can submit your own entries.

Page 11: The Manila Collegian Volume 29 Number 10

muling pagpaparamdam ko, pero kahit ang pinakamatigas na bakal ay natutunaw rin. Alam kong napagod ka. Hindi man malinaw kung ano tayo, alam kong minahal mo ko, at maniwala kang minahal rin kita. Patawad.

Halos tatlong taon na. Bilib na bilib ako sa’yo. Sa tinagal-tagal ng panahon, kinausap mo ‘kong muli. Kinabahan pa nga ako’t baka isumbat mo ang kasalanang ginawa ko sa’yo, pero mali ako. Kinumusta mo lang ako, isang taong nasasabik sa mga pangyayari sa buhay ng kanyang matalik na kaibigang matagal na niyang hindi nakakausap. Hindi ko alam kung anong ihip ng hangin ang tumama sa’yo at hiniling mo na samahan kita.

Itinakas ako ng pagkakataong ‘yon mula sa gulo ng buhay.

Masaya ako nang gabing ‘yon. Katabi kita, nakikinig sa musikang hatid ng magagaling na manunugtog at mangangawit. Para bang tayo lang ang hinahandugan nila ng mga letrang nagpapahiwatig ng sakit, pagmamahal, at pangalawang pagkakataon. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat mo at isinandal mo rin ang ulo mo sa akin. Nagsusulyapan tayo ng tingin at ngiti. Mangilang beses mong pinisil ang ilong ko at ginulo ang noo’y magulo ko nang buhok,

TAKASCLOCK STRUCK TWELVEMarilou Hanapin Celestino

Gusto kong patigilin ang mundo, at manatili sa kagandahan ng lugar na ‘yon. Gusto kong mapako sa gayong perpektong oras habang ako’y nasa tabi mo.

Maraming taon na ang lumipas matapos kitang iwan sa ere. Alam kong kapwa tayo nagsambit ng mga pangako sa isa’t isa, pero patawad kung nauna akong bumitaw habang ika’y buong lakas na kumapit sa kung anumang mayroon tayo noon.

‘Di ko malilimutan ang mga pagkakataong sabay tayong kumakain, magkukwentuhan, at maglalakad tuwing uwian. Sa mga pagkakataong humahaba ang oras ko sa paaralan, inaantay mo ko dahil alam mong wala akong kasabay umuwi. Marunong kang maghintay, kahit gaano katagal.

Batid kong natatandaan mo pa, pero maaaring hindi na, binigyan mo ako ng regalo sa Araw ng Pagtatapos. Nabigla pa ako nang lapitan ako ng mga magulang at ng ate mo. Kilala pala nila ko dahil ako nga raw ay bukambibig mo. Mabait ka, maalaga, maalalaanin, maunawain, magalang, at mapagmahal. Ikaw na nga ata ang pinakaperpktong taong kilala ko. Sa mundong magulo’t kinagagalitan ko, ikaw ang huling taong gugustuhin kong saktan.

Dumating ang yugto na kailangan nating tumahak ng magkaibang landas. Inaamin kong naging gago ako para sa isang anghel na kagaya mo. Iniwasan kita. Dinedma ko ang mga text mo. Inisnab ko ang mga tawag mo. Alam kong sinubukan mong magpasensya, maghintay sa

katulad ng dati. Lalong tumatak ang paghawak mo sa aking kamay na para bang nagsasabing wala akong dapat ipangamba. Inaamin kong may kung anong tibok ang minalas ng puso ko, pero pamilyar ‘yon

Patapos na ang oras natin sa ilusyong pinagdalhan mo sa akin, alam kong matatapos na ang saya at kailangan ko nang harapin na huli na ang lahat. Tinignan ko pang muli ang mga ilaw sa ating paligid, ang tsubibo, at ang mga ngiti mo. Pinakinggan ko ng mabuti ang musika, ang ingay ng paligid, at ang boses mo. Marahil ang mga alaala na lang ng gabing ‘yon ang babaunin ko bilang paalala na minsan sa buhay ko, hindi lang ako ang nasaktan, nakasakit rin ako. Paalala na sana’y matuto akong magpahalaga sa kung anong mayroon ako.

Kasalanan ko, napagod ka sa paghihintay sa taong hindi na ninais pang manatili. Ngayon ay lumilipad ka na sa puso ng iba. Sabihin mang totoo ang pangalawang pagkakataon, hindi ako karapat-dapat doon.

Ikaw ang mga paru-parong minsang lumipad sa tiyan ko. Hinayaan kang makawala’t ngayo’y nagbabalik, hindi ang mga paru-paro, ngunit tanging hangin lang na dulot ng mga pakpak mo.

Siguro nga hindi tayo itinakdang mag-ibigan sa ngayon, o kahit kailan pa sa hinaharap. Nagpapasalamat na lamang ako at nabigyan pa ako ng pagkakataon na muli kang makasama, kahit na minsan lang, kahit na sandali lang.

STARTING OVER AGAINHIRAYA MANAWARIAngelica Natividad Reyes

Famous Last WordsAriA HernAndez

YESTERDAY*

There was a time when I had gathered all my strength and placed all my cards on the table. And still, I lost.

A few months ago, I found out that the person I liked has been in love with someone else. It hurt. I felt like everything was falling apart. I felt unsure, insecure, and devastated. I wanted to cry but my sister was near me, and I wanted to avoid her prying so I held it back. I wanted to act strong even when all I wanted to do was to let my tears fall and curse him for my misery. But I didn’t. I couldn’t.

It was so unlike me. I had been in a relationship before. I knew what love and loss felt like as I have said in my previous article. But the thing is, my experience did nothing to make this easier. It felt like I handed my heart on a silver platter only to find out that he would stomp on it - breaking it into pieces. I hoped for that so-called forever yet I gained nothing in return.

Frankly, I was aware that I hardly stood a chance. I risked everything for him because he was like my best friend. He made me happy and I could always count on him to make intelligent conversations. He was also the type of person who could say a sarcastic quip and still notice when I’m feeling out of sort. He never gave up on me.

While I was not expecting anything, I could not help but feel saddened by this surprising turn of events. I mean, there’s always a tiny part of me that keeps on hoping despite the odds. Sadly, the odds were definitely not in my favor. So, from then on, I wished that our paths would never cross again.

The succeeding months had been a struggle. While we never really had a relationship, everything just fell apart when he started dating the girl that he was in love with. We no longer spent much time together and we just saw each other in class. I realized it was over and I had to move on.

After a while, I started to feel again. My friends told me that I should have confessed my feelings and gave him the chance to decide. If I had done so, we might have gotten together and I wouldn’t have spent Valentine’s Day alone. Maybe, things would have been different. Who knows? But I already made my choice.

The thing is, it does not really matter. I was afraid of rejection. However, I no longer want to consider the “what-ifs.” I have gained a lot of experience and valuable information in the last few months. I learned to love writing. I used to think that I was a bad writer. I could not be more happy and grateful for The Manila Collegian for proving me wrong. I now have another purpose. This is something I would not sacrifice or relinquish to gain his love. As they say, some things are better left unsaid.

And so, I will just keep living. Maybe someday, I’ll find someone who would take a leap of faith and would be willing to go through hell and back with me.

*Apologies to The Beatles

OPINION 11Volume 29 Number 10February 25, 2016 | Thursday

“Madali sa kalagitnaan, kung kailanga’y madali rin naman tapusin. Pero ang pagsisimula’y parang paghihintay sa bagay na ni hindi naman umalis.”

Pahayag ito ng isang kaibigan sa isa sa kanyang mga Twitter posts. Noong una ay agad akong sumang-ayon. Ang pinakamahirap nga yatang parte sa paggawa ng kahit anong bagay ay ang pagsisimula. Halimbawa, sa pagbuo ng thesis o kahit ng simpleng paper para sa isang kurso, pinakamahirap ang magsimula. Puno kasi ng kalitohan at pangamba ang pagsisimula. Bagaman marami kang ideya, hindi mo alam kung paano ito isasakatuparan; lito ka sa kung paano ito aanggulohan. Ganoon din sa usapin ng pag-ibig. Mahirap magsimula. Kahit gaano na ito kalalim, mahirap umamin ng damdamin. Wala kasi itong kasigurohan. Sa pag-big, ang simula ay maaaring katapusan na rin.

Ngunit nalaman kong may higit pa palang mahirap sa pagsisimula, at ito ay ang pasisimulang muli. Iyon bang tipong nasimulan mo na noon, ngunit dahil sa hinihingi ng pagkakataon ay kailangan mong simulan muli. Iyon bang malayo na ang narating mo, pero dahil sa mga pangyayaring ‘di

inaasahan ay kailangan mong bumalik sa umpisa. Ang mas mahirap pa, kung hindi ka na maaaring bumalik sa umpisa, bagkus ay kailangan mong magsimula nang panibago. ‘Di kasi tulad sa pagsisimula na ang kalaban mo lamang ay ang pangamba sa hinaharap, sa pagsisimulang muli, naroon na rin ang bagabag na dulot ng nakaraan. May mga oras nang nasayang, may mga damdamin nang nasaktan. May mga relasyon nang nalamatan na hindi mo na matatapalan ng simpleng paumanhin lamang.

Dagdag pa, mahirap magsimulang muli kung sa katotohanan ay hindi mo pa rin tanggap na nagwakas na ang yugtong nagdaan. Mahirap magsimula muli kung mayroon pang mga tira tirang hinanakit mula sa nakaraan. Gustohin mo mang bumalik sa kalagitnaan upang punan ang parte kung saan ka nagkulang,

ang nakalipas ay nakalipas na. At ang tanging magagawa mo na lamang ay ang matuto sa nakaraan.

Mahirap maging positibo kung matinding unos ang pinanggalingan mo. Ngunit nagpapatuloy ang buhay at hindi ka maaaring magpaiwan sa nakaraan. Siguro nga’y wala talagang pagsisimulang muli. Sapagkat ang ginagawa naman talaga natin ay pawang pagpapatuloy. Pagkilos mula sa kung saan tayo natigil. Sa katotohanan ay hindi naman talaga maaaring itapon nang tuluyan ang nakaraan. Ang nakaraan ang tungtongan ng ating kasalukuyan, at ang katotohanang nalagpasan natin ang mga kalungkotang naidulot nito ay ang paghuhugotan natin ng lakas ng loob upang harapin ang kawalang kasigurohan ng bukas.

Kung mali man ako at mapatunayang sa konteksto nating dalawa, ang pagpapatuloy at pagsisimulang muli ay hindi na magkasingkahulugan, asahan mong hindi na muli akong agad agad na bibitiw.

Wala naman sigurong mawawala kung magsisimula tayong muli.

kasalanan ko, napagod ka sa paghihinTay sa

Taong hindi na ninais pang manaTili.

ganoon din sa usapin ng

pag-ibig. mahirap magsimula.

Page 12: The Manila Collegian Volume 29 Number 10