#rich 1

Upload: kristian-kenneth-angelo-reandino

Post on 09-Feb-2018

260 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

  • 7/22/2019 #Rich 1

    1/26

    ABSTRAK

    Carmel Mae D. Dava , Ronnel S. Delloro , Vincent A. Doroja , Blanca A. Duran ; Kwalipikasyon ng

    Mga Guro sa Asignaturang Filpino sa mga Mababang Paaralan ng Leyte at Samar. Ang mga mananaliksik

    ay mga mag-aaral ng Pamantasang Normal ng Leyte na sa taong panuruan 2011-2012.

    Ang pananliksik na ito ay naglalayong lubos na maunawaan ang mga kwalipikasyon ng mga guro

    sa asignaturang Filpino sa mga mababang paaralan ng Leyte at Samar. Ito ay binuo at ginawa sa

    pamamagitan ng talatanungan na nababtay sa mga kasagutan ng mga respondent ng mga guro sa mga

    mababang paaralan ng Leyte at Samar.

    Naging pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ang makapagbigay ng impormasyon hinggil sa

    mga kwalipikasyon ng mga guro sa asignaturang Filipino sa mga mababang paaralan ng Leyte at

    Samar.Sinuri ng mga manananaliksik ang mga kasagutan ng mga kalahok at pinangkat-pangkat ito

    gayundin ang mga katanungan . Pinag-isa ang mga sumagot ng Hindi gayundin sa mga sumagot ng Oo.

    Natuklasan ng mga mananaliksik , na lahat ng nagtuturo sa asignaturang Filipino ay lisensyado na

    nagtuturo ng asignaturang Filipino; Nakapagtapos ang mga guro sa pang-elementaryang kurso;

    Karamihan sa mga guro na nagtuturo sa asignaturang Filipino ay walang Masteral Degree na natapos;

    Karamihan sa mga guro na may Masteral Degree ay walang kaugnayan sa Filipino; Karamihan sa mga

    guro ay mayroong yunit sa programa ng masteral; Karamihan na may mga yunit sa masteral ay walang

    kaugnayan sa Filpino; Nahihirapan ang mga guro na mag-aral ng masteral dahil may tesis na kailangang

    mabuo o magawa bago makuha ang degri; Magkakaroon ng interes ang mga guro na mag-enrol sa LNU

    kung magbubukas ng progaramang Master in Filipino (walang tesis); Kalulugdan ng mga guro ng mag-

    raaral sa LNU sa programang Master in Filipino na walang tesis; nasasabik ang mga guro na mag-aaral sa

    LNU sa ilalim ng programang Master in Filipino na walang tesis; Pinili ng mga guro na mag-aral sa LNU sa

  • 7/22/2019 #Rich 1

    2/26

    ilalim ng programang Master in Filpino na walang tesis kayasa sa ibang paaralan na nagbukas ng

    snaturang programa; naniniwala ang mga guro na karapat-dapat ang LNU na magbukas ng Master in

    Filpino na walang tesis kaysa sa ibang paaralan na mayroon nang naturang programa; nakatitiyak ang mga

    guro na marami silang matutunan kung sa LNU sila kukuha o magpapaenrol ng Master in Filipino na

    walangb tesis kaysa ibang paaralan; Gusto ng mga guro ang programang Master in Filipino na walang

    tesis kaysa sa Master in Teaching Filipino na may tesis; Hindi gusto ng mga guro ang programang Master

    in Teaching Filipino na may tesis kaysa sa Master in Filipino na walang tesis.

  • 7/22/2019 #Rich 1

    3/26

    ABSTRAK

    Geneveva F. Ruiz, Carla Jane A. Lualla, Mark Wilson B. Yutrago, Nikki Rose C. Quintana, Justin

    Y. Lumamak, Rodilyn V. Villaflor ; MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA PAGKATUTO NG

    ASIGNATURANG FILIPINO SA MGA PILING PAARALANG SEKUNDARYA NG LEYTE. Ang mga

    mananaliksik ay mag-aaral ng Pamantasang Normal ng Leyte na nasa unang taon ng taong panuruan

    2011-2012.

    Ang pananaliksik na ito ay naglalayong matukoy ang mga salik na nakakaapekto sa pagkatuto ng

    mga mag-aaral ng asignaturang Filipino. Ang pag aaral na ito ay isinagawa ayon sa disesyon ng

    palarawang pananaliksik.

    Tinangkang ilarawan at alamin sa pag aaral na ito ang mga saloobin ng mga respondent hinggil sa

    mga salik na nakakaapekto sa pagkatuto ng mga mag aaral ng asignaturang Filipino.

    Sa sarbey-kwestyuner na ibinigay sa mga respondent, mayroong sampung katanungan na naging

    daan upang malaman ang mga salik na nakakaapekto sapagkatuto ng mga mag-aaral ng asignaturang

    Filipino.

    Sa pananaliksik na ito, napatunayan na maraming mga salik ang nakakaapekto sa pagkatuto ng

    mga mag-aaral ng asignaturang Filipino sa mga piling paaralang sekundarya ng Leyte.

    Sa isandaang respondente (100) may siyamputtatlo (93) ang nagsabing s ila ay interesadong

    matuto ng asignaturang Filipino. Samantala, pito (7) sa mga sumagot ang hindi interesado. Hinggil naman

    sa pananaw ng mga respondente kung mahirap ba ang asignaturang Filipino ay may pitongput isa (71)

    ang nagsabing Oo at dalawamput siyam (29) ang nagsabing Hindi. Animnaput walo (68) ang nagsabing

    madalas silang antukin tuwing klase nila sa Filipino at may tatlongput dalawa (32) ang nagsabing Hindi.

  • 7/22/2019 #Rich 1

    4/26

    Animnaput anim (66) ang nagmungkahing hindi sapat ang kanilang mga kagamitang panturo sa Filipino

    habang may tatlongput apat (34) ang nagsabing ang kanilang mga kagamitang panturo sa Filipino ay

    sapat. Halos mangalahati naman ang opinyon ng mga respondenteng nagsabing gumagamit ang kanilang

    guro ng mga makabagong kagamitan sa kanilang talakayan sa asignaturang Filipino, limangput walo (58)

    ang nagsabi ng Oo, habang apatnaput dalawa (42) ang nagsabing Hindi. Ayon naman sa walongput

    siyam (89) na respondent madalas pumasok ang kanilang guro sa Filipino, samantalang may labing isa

    (11) ang nagsabing Hindi. Walongput isa (81) ang nagsabing naririnig nila ng maigi ang kanilang guro at

    labing siyam(19) ang nagsabing Hindi. Hinggil naman sa opinyon ng mga respondente, walongput apat

    (84) ang nagsabing maayos ang kanilang silid-aralan, habang labing anim (16) naman ang hindi sang ayon

    dito. Pitongput walo (78) ang nagmungkahi na tahasang ginagamit ang wikang Filipino sa kanilang

    talakayan sa asignaturang Filipino at dalawamput dalawa (22) ang nagsabing Hindi tahasang ginagamit

    ang wikang Filipino. Ayon naman sa siyamnaput tatlo (93) na respondent, ay nararapat lang ng magaling

    magsalita ang kanilang guro sa Filipino samanatalng pito (7) ang nagsabing Hindi.

  • 7/22/2019 #Rich 1

    5/26

    ABSTRAK

    Angelo R. Lampol, Jayson N. Lelimban, Ma. Melissa B. Valenzoro, John Philip P. Lampadong ;

    KADALASANG ESTRATEHIYANG GINAGAMIT NG MGA GURO SA PAGTUTURO NG ASIGNATURANG

    FILIPINO SA SEKUNDARYA SA MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA PATOC SA DAGAMI LEYTE.

    Ang payak na pananaliksik na ito ay pinamagatang KADALASANG ESTRATEHIYANG GINAGAMIT NG

    MGA GURO SA PAGTUTURO NG ASIGNATURANG FILIPINO SA SEKUNDARYA SA MATAAS NA

    PAARALANG PAMBANSA PATOC SA DAGAMI LEYTE na ibinatay sa mga kasagutan ng mga kalahok. Ito

    ay binuo, ginawa at sinuri sa pamamagitan talatanungan na nababatay sa mga kasagutan ng mga

    respondent na mga mag-aaral ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Patoc.

    Ang naging pangunahing layunin ng pag-aaral ang makapagbigay impormasyon hinggil sa

    mga estratehiyang ginagamit ng guro sa pagtuturo. Sinuri ng mga mananaliksik ang mga kasagutang

    ibinigay ng mga kalahok at pinangkat-pangkat ito gayundin ang mga kasagutan. Pinag-isa ang mga

    sumagot ng oo at pinag-isa rin ang mga sumagot ng hindi.

    Nalaman sa pag-aaral na ito na gumamit ng ibat-ibang estrtehiya tulad ng laro, dula-

    dulaan, dayalogo at iba pang mga guro sa Filipino ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Patoc. Madalas

    ginagamit ng mga guro ang ibat-ibang estratehiya sa pagtalakay ng mga paksa sa asignaturang Filipino.

    Simula pa ng klase ng Taong Panuruan 2011-2012, gumamit na ang mga guro ng ibat-ibang estratehiya.

    Hindi lamang gumagamit ang mga guro ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Patoc ng ibat -ibang

    estratehiya sa pagtuturo kapag mayroong panauhin tulad ng punungguro, at mga kinauukulan ng DepEd.

    Nakakalahok sa asignaturang Filipino ang mga mag-aaral kapag gumagamit ang guro ng ibat -ibang

    estratehiya sa pagtuturo.

  • 7/22/2019 #Rich 1

    6/26

    Nakakatulong talaga ang paggamit na ibat ibang estratehiya ng mga guro sa asignaturang Filipino

    sa pag katuto ng mga paksang tinatalakay. nagiging madali rin ang lahat ng paksa kung ang guro sa

    Filipino ay gumagamit ng ibat ibang estratehiya sa kanyang pagtuturo. nagiging masigla rin ang talakayan

    sa asignaturang Filipino kung gumagamit ang guro sa asignaturang Filipino ng ibat ibang estratehiya

    kaagad natatapos talakayin ang paksa sa asignaturang Filipino sa isang araw kapag gumagamit ang guro

    ng ibat ibang estratehiya. nalaman rin na medaling maunawaan ang paksa sa Filipino kapag may

    estratehiyang ginagamit ang guro sa pagtalakay. Nakakabagot ang mga paksa kapag naisasagawa ang

    talakayan kung HINDI gumagamit ang guro ng mga estratehiya. Ang madalas na estratehiyang ginagamit

    ng guro sa asignaturang Filipino tuwing magtatalakay ng mga paksa ay ang pag sasagawa ng dayalogo.

    Mula Lunes hanggang Biyernes, tatlong beses gumagamit ng estratehiya ang guro sa asignaturang

    Filipino.

  • 7/22/2019 #Rich 1

    7/26

  • 7/22/2019 #Rich 1

    8/26

    habang 88% naman ang hindi, sa pang-anim na tanong 84% ang sumang-ayon habang 15% ang hindi, sa

    pangpitong tanong 94% ang sumagot ng Oo, 3% ang hindi, sa pangwalong tanong 83% ang umooo,

    habang 17% ang hindi, sa pangsiyam na tanong 84% ang sumang-ayon, habang 16% ang humindi, sa

    pangsampung tanong 50% ang sumagot ng Oo, 49% ang hindi, sa panglabin-isang tanong 90% ang

    sumagot ng Oo, 9% ang hindi, sa panglabindalawang tanong 66% ang sumang-ayon habang 33% ang

    humindi, sa panglabintatlong tanong 87% ang umooo habang 11% ang humindi, sa panglabing-apat na

    tanong 42% ang sumagot ng Dayalogo na estratehiyang madalas gamitin ng kanilang guro at sa

    panghuling tanong 33% ang sumagot ng tatlong beses kung gumamit ng estatehiya an kanilang guro mula

    Lunes hanggang Biyernes.

    Natuklasan at natiyak ng mga mananaliksik ang ibat-ibang estratehiyang ginagamit ng mga guro

    sa asignaturang Filipino sa Leyte Agro-Industrial School sa mga datos na na-tally at sa mabuting

    pagsisiyasat at pag-aaral.

  • 7/22/2019 #Rich 1

    9/26

    ABSTRAK

    Bebslyn V. Gargoles, Marites B. Espino, Shiela Marie Y. Gayon, Randy N. Gerente, Mae P.

    Gilbuena ; KAHANDAAN NG MGA MAG-AARAL SA IKA-APAT NA GURO SA PAGBABAYBAY NG MGA

    SALITA SA FILIPINO TAONG PANURUAN 2011-2012. Ang pag-aaral na ito ay pinamagatang

    KAHANDAAN NG PAGBABAYBAY SA FILIPINO NG MGA MAG-AARAL SA IKAAPAT NA TAON NG

    LEYTE AT SAMAR TAONG PANURUAN 2011-2012. Ito ay binuo at ginawa sa pamamagitan ng isang

    sarbey-kwestyoneyr sa mga respondente.

    Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay ang malaman kung ano ang antas ng kaalaman sa

    pagbabaybay ng mga mag-aaral sa Asignaturang Filipino. Sinuri ng mabuti at itinala ang lahat ng

    kasagutan ng mga respondent para malaman kung ilang bilang ng mga respondent ang nagbaybay na

    tama at bilang ng mali.

    Natuklasan sa pag-aaral na ito na may kakulangan pa ang mga mag-aaral sa pagbabaybay sa

    Filipino; sa pagbabaybay sa hiram na salitang banyaga na kudeta apatnaput walong porsyento (48%) lang

    ang nakabaybay ng tama sa isandaang (100) respondent; sa pagbaybay naman ng tsinelas walumput

    anim na porsyento (86%) ang nakabaybay ng tama; pitumput isang porsyento (71%) naman ang

    nakabaybay ng tama sa salitang kimono; masasabi naming nahirapan sa pagbaybay na salitang glasnest

    ang mga respondent dahil tatlumput pitong porsyento (37%) lang ang nakapagbaybay ng tama; sa

    pagbaybay naman na salitang blitzkrig dalawamput walong porsyento (28%) lang ang nakabaybay ng

    tama; samantala, sa pagbaybay naman ng katutubong salita na gahum limamput anim na porsyente (56%)

    lang ang nakabaybay ng tama; sa pagbaybay naman ng salitang haraya halos lahat ay nakabaybay ng

    tama dahil siyamput walong porsyento (98%) ang nakabaybay ng tama; karamihan naman sa mga

  • 7/22/2019 #Rich 1

    10/26

    respondent ay nakabaybay ng tama sa salitang bana dahil walumput walong porsyento (88%) ang

    nakabaybay ng tama; pitumput anim na porsyento (76%) naman ang nakabaybay ng katutubong salita na

    imam; sa pagbaybay ng salitang tanlag siyamnapong porsyento (90%) ang nakabaybay ng tama; at sa

    pagbaybay naman ng hiram na salita sa Kastila na tseke animnaput ta tlong (63%) ang nakabaybay ng

    tamap; sa pagbaybay naman ng litro walumput anim na porsyento (86%) ang nakabaybay ng tama; sa

    pagbaybay naman ng likido pitumput pitong porsyento (77%) ang nakabaybay ng tama; halos lahat naman

    ng mga respondent ay nakabaybay ng tama dahil siyamnaput walong poprsyento (98%) ang nakabaybay

    ng tama sa salitang edukasyon; sa pagbaybay naman ng kilatis pitumput pitong porsyento (77%) ang

    nakabaybay ng tama; samantala, higit kalahati ang nakasagot nsa salitang sentripal ng tama, sapagkat

    limamput dalawang porsyento (52%) nito ang naitala; sa pagbaybay naman ng hiram na salita sa Ingles na

    komersyal animnaput dalawang porsyento (62%) ang nakabaybay ng tama; sa pagbaybay naman ng

    salitang advertaysing kunti lang ang nakabaybay ng tama dahil tatlumput apat na porsyento (34%) lang;

    tig-aanimnaput apat na porsyento (64%) naman ang nakabaybay sa salitang ekonomiks at radikal.

    Mula sa nabuong konklusyon, buong nagpapakumbabang inirerekomenda ng mga mananaliksik

    ang sumusunod:

    1. Hikayatin ang mga mag-aaral na mag-aral ng mabuti sa pagbaybay sa asignaturang Filipino.

    2. Pahalagahan palagi ang pagbabaybay.

    3. Mahkaroon ng mga pagsusulit sa pagbabaybay ng Filipino ang mga mag-aaral.

    4. Bigyang pansin ang pagbabaybay sa asignaturang Filipino.

    5. Sanayin pa ng mabuti ang mga mag-aaral sa pagbabaybay.

  • 7/22/2019 #Rich 1

    11/26

    6. Maging masipag ang mga guro sa pagbibigay ng pagsusulit sa pagbabaybay.

    7. Panatilihin ng mga mag-aaral na umunlad ang kanilang kaalaman sa pagbabaybay.

    8. Ipagpatuloy ng mga mag-aaral ang kanilang pagsasanay sa pagbabaybay.

    9.Sikaping mabuti ng mga mag-aaral na tumaas ang antas ng kaalaman nila sa pagbabaybay sa

    asignaturang Filipino.

    10. Pagbutihan pa lalo ng mga mag-aaral ang kanilang pag-aaral batay sa palabaybayan sa

    asignaturang Filipino.

  • 7/22/2019 #Rich 1

    12/26

    ABSTRAK

    Roel M. Montezon, Rymar B. Mercado, Bonna I. Monbe, Reslee A. Novillo ; KADALASANG

    ESTRATEHIYANG GINAGAMIT NG GURO SA ASIGNATURANG FILIPINO SA TACLOBAN CITY

    NATIONAL HIGH SCHOOL. Ang pag-aaral na ito ay pinamagatang KADALASANG ESTRATEHIYANG

    GINAGAMIT NG GURO SA FILIPINO na nakabatay sa mga kasagutan ng mga respondenteng kalahok sa

    ibinigay na sarbey-kwestyuner. Ang pananaliksik na ito ay binuo at sinuri ng mga mananaliksik sa

    pamamagitan ng pamamahagi ng talatanungan na dapat sagutan ng mga piling mag-aaral ng Mataas na

    Paaralang Pambansang Tacloban mula Una hanggang Ikaapat na Taon.

    Naging pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ang pagtukoy sa kadalasang estratehiyang

    ginagamit ng guro sa kanyang pagtuturo sa asignaturang Filipino sa Mataas na Paaralang Pambansa ng

    Tacloban. Batay sa mga kasagutan ng mga respondent, nakalap ang mahahalagang impormasyon hinggil

    sa paksang pag-al na ito.

    Ginamit ang pamaraang deskriptiv analitik ang pag-aaral na ito kung saan nagbigay ng sarbey-

    kwestyuneyr ang mga mananaliksik sa mga respondente. Upang makuha ang mga karagdagang

    impormasyong kailangan at maipahayag ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralang Pambansa ng

    Tacloban Taong Panuruan 2011-2012, ang kanilang mga saloobin ay hindi sinadya ang pagpiling mga

    respondent sa pananaliksik na ito na kung saan mas kilala ito bilang purposive sampling na teknik.

    Sa isandaang (100) respondente, halos kalahati dahil apatnaput walong porsyento (48) ang

    nagsabing nakababagot ang paksa sa Filipino kapag naisagawa sa talakayan kung hindi gumagamit ng

  • 7/22/2019 #Rich 1

    13/26

    ibat ibang estratehiya ang guro ngunit limamput dalawang porsyento (52) parin ang nagsabing hindi

    nakababagot sa isang paksa kahit hindi gumamit ng ibat ibang estratehiya ang guro .

    Siyamnapung porsyento (90) naman ang nagsabing nagiging masigla ang talakayan sa loob ng

    silid-aralan kung gumamit ng ibat ibang estratehiya ang guro samantalang sampung porsyente (10%)

    lamang ang hindi sumang-ayon.

    Base sa resultang nakalap sa sarbey, apat ang natukoy na kadalasang estratehiyang ginagamit ng

    guro na kung saan limamput isang porsyentong (51%) mga respondente ang nagsabing dula-dulaan ang

    kadalasang estratehiyang ginagamit ng guro tatlumput pitong porsyento (37%) naman ang para sa

    dayalogo, sampung porsyento (10%) para sa laro at dalawang porsyento (2%) naman ang reporting ,

    apatnaput anim na porsyento (46%) naman ang nagsabing mula Lunes hanggang Biyernes dalawang (2)

    beses gumagamit ang guro ng ibat ibang estratehiya , samantalang dalawamput dalawang porsyento

    (22%) naman ang para sa apat (4) na beses at pitong porsyento (7%) ang nagsabing isang beses lamang

    gumagamit ang guro ng ibat ibang estratehiya sa loob ng isang linggong araw ng pasukan.

  • 7/22/2019 #Rich 1

    14/26

    ABSTRAK

    Jessa C. Horca , Bianca E. Garcia, Zyra P. Lacaba, Dahlvin Jay S. Jaro, Jessa A. Labra ;

    KAHALAGAHAN NG ASIGNATURANG FILIPINO SA LEYTE AGRO-INDUSTRIAL SCHOOL NG LEYTE,

    LEYTE TAONG PANURUAN 2011-2012. Ang pag-aaral na ito ay pinamagatang KALAGAYAN NG

    ASIGNATURANG FILIPINO SA LEYTE AGRO INDUSTRIAL SCHOOL LEYTE, LEYTE na ibinatay sa mga

    kasagutan ng mga respondenteng sumagot sa mga tanong na inilahad ng mga mananaliksik ukol sa

    nasabing pag-aaral.

    Naging pangunahing layunin ng pag-aaral ang makapagbigay ng impormasyon hinggil sa

    kalagayan ng asignaturang Filipino sa Leyte Agro Industrial School Leyte, Leyte partikular sa mga mag-

    aaral ng sekondarya sa nasabing paaralan. Sinuri ng mga mananaliksik ang mga kasagutan ng mga

    sumagot ng hindi at ganoon din sa mga sumagot ng oo.

    Natuklasan sa pag-aaral ng mga mananaliksik na ang kalagayan ng asignaturang Filipino sa

    nasabing paaralan ay nagagamit ng mabuti sa pag basa at pagsulat; may sapat na pasilidad at kagamitan

    na ginagamit ang mga mag-aaral para mapalawak at maintindihan ang asignaturang Filipino;

    pinahahalagahan ng mga mag-aaral ng Leyte Agro Industrial School ang kanilang mga natutunan sa

    asignaturang Filipino; Ang mga guro sa nasabing paaralan ay maagap sa pagtuturo ng asignaturang

    Filipino; ang mga itinuturo ng mga guro hinggil sa asignaturang Filipino ay naiintindihan ng mabuti ng mga

    mag-aaral ; ang mga guro ng Leyte Agro Industrial School ay may sapat na kaalaman sa pagtuturo ng

    asignaturang Filipino; ang bilang ng mga guro ay sapat na bilang ng mga estudyante ng Leyte Agro

    Industrial School; sapat ang iginugugol na oras ng mga guro sa pagtuturo ng asignaturang Filipino;

  • 7/22/2019 #Rich 1

    15/26

    nagagamit ng mga mag-aaral ang kanilang mga natutunan sa asignaturang Filipino sa kanilang pang araw-

    araw na pamumuhay; mga bagong kaalaman ang itinuturo ng mga guro sa asignaturang Filipino.

    Sa isandaang respondent (100%) siyamnaput pitong (97%) bahagdan ang nagsasabing

    nagagamit nila ng mabuti ang pagbasa at pagsulat sa asignaturang Filipino, habang tatlong (3%) bahagdan

    ang nagsasabing hindi. Ayon naman sa opinyon ng mga respondente kung kulang ba ang mga pasilidad at

    mga kagamitang ginamit para mapalawak at maintindihan ang asignaturang Filipino dalawamput limang

    (25%) bahagdan ang sumagot n goo at pitumput limang (75%) bahagdan ang sumagot ng hindi.

    Isandaang (100) bahagdan naman sa mga respondente ang sumagot n goo sa tanong na

    pinahahalagahan nila ang kanilang mga natutunan sa asignaturang Filipino habang wala (0%) ni isa ang

    sumagot ng hindi. Siyamnaput siyam (99%) na bahagdan naman ang nagsasabing maagap ang mga guro

    ng Leyte Agro Industrial School sa pagtuturo ng asignaturang Filipino habang isa ng (1%) bahagdan

    naman ang hindi sumang-ayon. Sa tanong naman kung naiintindihan bang mabuti ang asignaturang

    Filipino na itinuturo ng mga guro ng Leyte Agro Industrial School isandaang (100%) bahagdan ang

    sumagot ng oo habang walang (0%) sumagot ng hindi. Sa pananaw naman ng mga respondent kung

    sapat ba ang kaalaman ng mga gurong nagtuturo ng asignaturang Filipino isandaang (100%) bahagdan

    ang sumagot ng oo at wala (0%) ni isa ang sumagot ng hindi. Pitumpung (70%) bahagdan sa mga

    respondent ang sumagot ng oo sa tanong kung sapat ba ang bilang ng mga guro sa bilang ng mag-aaral

    habang tatlumpung (30%) bahagdan ang sumagot ng hindi. Labing-anim (16%) na bahagdan naman sa

    mga respondent ang nagsasabing kulang ang oras na iginugugol ng mga guro sa pagtuturo ng

    asignaturang Filipino habang walumput apat (84%) na bahagdan ang sumagot ng hindi.

    Ayon naman sa walumput walong (88%) bahagdan ng respondente nagagamit nila sa kanilang

    araw-araw na pamumuhay ang mga natutunan nila sa asignaturang Filipino samantalang labing dalawang

    (12%) bahagdan ang nagsasabing hindi nila nagagamit ang kanilang mga natutunan sa asignaturang

  • 7/22/2019 #Rich 1

    16/26

    Filipino. Karamihan sa mga respondent ang nagsasabing bago ang mga kaalaman na itinuturo ng mga

    guro hinggil sa asignaturang Filipino kungv saan pitumput anim (76%) na bahagdan ang sumagot ng oo

    habang dalawamput apat (24%) ang sumagot ng hindi.

  • 7/22/2019 #Rich 1

    17/26

    ABSTRAK

    Edgardo V. Balais ; MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA MGA MAG-AARAL NG UNANG TAON

    SA KOLEHIYO NG PAMANTASANG NORMAL NG LEYTE HINGGIL SA MATATAAS NA PAGGAMIT NG

    WIKANG PAMBANSA SA ASIGNATURANG FILIPINO. Ang pag-aaral na ito ay pinamagatang Mga Salik

    na Nakaaapekto sa mga Mag-aaral ng Unang Taon sa kolehiyo ng Pamantasang Normal ng Leyte Hinggil

    sa Mataas na Paggamit ng Wikang Pambansa sa Asignaturang Filipino na ibinatay sa mga kasagutan ng

    mga napiling respondente. Ito ay binuo, ginawa at sinuri sa pamamagitan ng talatanungan na nababatay sa

    mga kasagutan ng mga respondente na mga mag-aaral ditto sa Pamantasang Normal ng Leyte.

    Naglalayon ang pag-aaral na ito na makapaglahad ng mga episyenteng impormasyon o datos sa mga salik

    na nakaaapekto sa mga mag-aaral ng unang taon sa kolehiyo ng Pamantasang Normal ng Leyte hinggil sa

    matatas na paggamit ng wikang pambansa partikular sa aspeto ng pakikipagtalastasan sa klase ng

    asignaturang Filipino. Mabusising sinuri ng mananaliksik ang mga kasagutan ng mga napiling kalahok at

    pinangkat-pangkat ito gayundin ang mga katanungan. Bumuo ang mananaliksik ng mga klasipikong ng

    mga sagot nang sa gayon ay mailahad nito ang kaukulang bilang ng mga respondenteng tumugon o

    sumang-ayon sa naturang sagot. Ang mga sumagot ng Hindi at Oo ay pinag -isa gayundin ang mga

    espisifik o tiyak na kasagutan ng mga kalahok batay sa hinihingi ng aytem.

    Natuklasan sa pag-aaral na ang karamihan sa mga mag-aaral ay nakikipagtalastalasan sa

    kanilang guro at kamag-aral ng asignaturang Filipino gamit ang wikang pambansa; sumasang-ayon ang

    mga mag-aaral na nahihikayat sila isakatuparan ang ganitong sitwasyon ng pakikipagtalastasan; ang

    kawilihan at interes na gamitin ang wikang Filipino sa angkop na pakikipagtalastasan; ang kawilihan at

    interes na gamitin ang wikang Filipino sa angkop na pakikipagtalastasan ang pinakamabisang paraan ng

  • 7/22/2019 #Rich 1

    18/26

    panghihikayat sa ganitong sitwasyon ng pakikipagtalastasan ang pinakamabisang paraan ng panghihikayat

    sa ganitong sitwasyon ng pakikipagkomunikasyon; karamihan ng mga mag-aaral ay hindi bihasa sa wikang

    Filipino; mas matataas ang mga mag-aaral sa kanilang unang wika o mother tongue kumpara sa wikang

    pambansa; ang wikang Waray ang pinakakaraniwang unang wikang ginagamit ng mga mag-aaral;

    karamihan sa mga mag-aaral ang may estratehiyang ginagamit para mapadali ang pagkatuto at

    mapahusay sa paggamit ng wikang Filipino; lubos na nakatutulong sa mga mag-aaral ang mga

    estratehiyang kanilang ginagamit para mapadali ang pagkatuto at pagiging matatas sa wikang Filipino sa

    ankop na sitwasyon ng pakikipagtalastasan; nakaaapekto sa mga mag-aaral ang kanilang atityud at

    pananaw sa wikang Filipino sa kanilang pagkatuto at pagkahusay sa pamamagitan ng naturang wika;

    nagbubunsod sa kanilang pagkatuto at paggamit ng wikang Filipino sa partikular na pakikipagtalastasan ng

    kanilang self-concept o sariling paunawa ng mga mag-aaral; karamihan sa mga mag-aaral ay

    kinakailangan pa ng mas masigasig na pagsasanay at pagkatuto sa wikang Filipino para maging matatas

    at mahusay sa naturang wika; at napakahalaga sa mga mag-aaral ang matutunan at maging matatas o

    mahusay sa wikang Filipino.

  • 7/22/2019 #Rich 1

    19/26

    ABSTRAK

    Connie O. Berino, Grace A. Bobares, Antonette C. Baylon, Marifel T. Basibas, Christopher K.

    Bidna ; MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA PAGKATUTO SA ASIGNATURANG FILIPINO NG MGA

    MAG-AARAL SA UNANG TAON NG KOLEHIYO SA PAMANTASANG NORMAL NG LEYTE TAONG

    PANURUAN 2011-2012. Ang pag-aaral na ito ay pinamagatang MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA

    PAGKATUTO SA ASIGNATURANG FILIPINO NG MGA MAG-AARAL SA UNANG TAON NG KOLEHIYO

    SA PAMANTASANG NORMAL NG LEYTE na ibinatay sa mga kasagutan ng mga kalakok. Ito ay binuo,

    ginawa at sinuri sa pamamagitan ng talatanungan na nababatay sa mga kasagutan ng mga respondent na

    mag-aaral dito sa Pamantasang Normal ng Leyte.

    Naging pangunahing layunin ng pag-aaral ang makapagbigay impormasyon hinggil sa mga salik

    na nakaaapekto sa pagkatuto sa Asignaturang Filipino particular sa mga mag-aaral sa unang taon ng

    kolehiyo sa Pamantasang Normal ng Leyte. Sinuri ng mga mananaliksik ang mga kasagutan ng mga

    kalahok at pinangkat-pangkat ito gayindin ang mga katanungan. Pinag-isa ang mga sumagot ng Hindi at

    ganoon din sa mga sumagot ng Oo.

    Natuklasan sa pag-aaral na isa sa mga salik ang pagpasok ng mga mag-aaral ng hindi kumakain

    kayat ang resulta ay hindi maintindihan ang itinuturo ng guro sa Asignaturang Filipino; limamput anam

    (56%) ang sumang-ayon na mga mag-aaral dito at apatnaput apat (44%) sa mga sumagot ang hindi

    sumang-ayon sa nasabing usapin; naging problema rin nlla ang mga taong nakakasalamuha araw-araw,

    limampu (50%) ang sumang-ayon at ganoon din sa mga hindi sumang-ayon \; animnapu (60%) ang

    nakaranas ng maubusan ng libro sa Asignaturang Filipino, samantalang, apatnapu (40%) ang hindi

    nakaranas ng maubusan ng libro sa Asignaturang Filipino; walumput isa (81%) ang nagsabing

  • 7/22/2019 #Rich 1

    20/26

    nakakaapekto rin sa pagkatuto ang mga maiingay na saakyan na dumaraan habang nagkaklase at may

    labing-siyam (19%) ang hindi sumang-ayon; animnaput anim (66%) ang hindi tinatamad na pag-aralan ang

    nasabing asignatura at tatlumput apat (34%) ang nagsasabing nakakatamad pag-aralan ang Asignaturang

    Filipino.; marami ang sumang-ayon na naglalaan sila ng oras sa Asignaturang Filipino; nakaranas ng

    makatulog o inantok sa paaralan dahil sa gabi ng natulog habang ang guro sa Filipino ay nagtuturo; may

    siyamnapu (90%) na mga mag-aaral ang interesadong matuto sa nasabing asignatura; hindi maituturing na

    suliranin ang katayuan sa buhay o kakulangan ng pera ng minsan ay hindi nakapasok sa paaralan;

    pitumpo (70%) ang hindi sumang-ayon na nakaranas nang mapahiya o mapagalitan sa klase kayat ninais

    na lamang na manahimik at hindi na binigyang pansin ang pagtuturo ng guro; palaging pumapasok ang

    guro sa Asignaturang Filipino; at higit sa lahat hindi hinahayaan ng guro sa Filipino ang mga mag-aaral

    niya na mag-ulat na lamang at hindi siya nag-bibigay ng kaukulang pagpapaliwanag

  • 7/22/2019 #Rich 1

    21/26

    ABSTRAK

    Nino Baltazar M. Caibog, Richeal Mae B. Camparo , Vanessa Joy Cabacaba, Charina O.

    Caboboy, Karen P. Cacereo ; MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA PAGKATUTO SA ASIGNATURANG

    FILIPINO NG MGA MAG-AARAL SA IKAAPAT NA TAON NG SEKONDARYA NG LEYTE AT SAMAR

    TAONG PANURUAN 2010-2011. Ang pag-aaral na ito ay pinamagatang MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO

    SA PAGKATUTO SA ASIGNATURANG FILIPINO NG MGA MAG-AARAL SA IKAAPAT NA TAON NG

    SEKONDARYA NG LEYTE AT SAMAR na binatay sa kasagutan ng mga respondenteng sumasagot sa

    mga tanong na inilahad ng mga mananaliksik ukol sa nasabing pag-aaral.

    Naging pangunahing layunin ng pag-aaral ang makapagbigay ng impormasyong hinggil sa

    kalagayan ng asignaturang Filipino sa ikaapat na taon ng sekondarya ng Leyte at Samar. Sinuri ng mga

    mananaliksik ang mga kasagutan ng mga respondente at pinangkat-pangkat ito gayundin ang mga

    katanungan. Pinag-isa ang mga sumagot n goo at ganoon din sa hindi. Natuklasan ng mga mananaliksik

    ang mga salik na nakaaapekto sa pagkatuto sa asignaturang Filipino ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon

    ng sekondarya ng Leyte at Samar. Karamihan sa mga respondente ay nagsasabing nakakaapekto ang

    teknolohiya sa pagkatuto ng asignaturang Filipino. Ang kakulangan ng mga batayang aklat sa Filipino ay

    lubhang nakakaapekto sa pagkatuto ng mag-aaral ng ika-apat na taon ng sekondarya. Isa rin sa mga salik

    ang guro na nakaaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino. Ito ay sa kadahilanang

    kulang sa kaalaman at kaukulang training ang mga guro. Karamihan sa mga mag-aaral ang sumasang-

    ayon na isa sa mga salik ang pagiging tamad na nakaaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa Filipino.

    Naniniwala ang mga mag-aaral na nakaaapekto ang istilo ng pagtuturo ng mga guro sa pagkatuto ng mga

  • 7/22/2019 #Rich 1

    22/26

    mag-aaral sa asignaturang Filipino. Karamihan sa mga respondente ay sumang-ayon na ang pagkahilig sa

    pagtetext ay lubhang nakaaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino.

    Sa isandaang respondent pitumput limang (75%) bahagdan ang naniniwalang isa sa mga salik

    ang makabagong teknolohiya na nakaaapekto sa pagkatuto nila sa asignaturang Filipino at dalawamput

    limang porsyento (25%) ang nagsabing hindi. Ayon naman sa opinyon na mga respondente kung

    nakaapekto ba ang kakulangan ng mga batayang aklat sa Filipino sa pagkatuto nila sa asignaturang

    Filipino ay walumput tatlong (83%) bahagya ang nagsabing oo at labing pitong (17%) bahagda naman ang

    hindi. Sa isandaang respondente animnaput pito (67%) bahagdan ang naniniwalang isa sa mga salik ang

    guro na nakaaapekto sa pagkatuto sa asignaturang Filipino samantalang tatlumput tatlong (33%)

    bahagdan ang nagsasabing hindi. sa isandaang respondente walongpu (80%) bahagdan ang sumang-

    ayon na isa sa mga salik ang katamaran ng estudyante na nakaapekto sa pagkatuto sa asignaturang

    Filipino samantalang (20%) porsyento naman ang hindi sumang-ayon . Ayon naman sa opinyon ng mga

    respondente kung nakaapekto ba ang istilo ng pagkatuto nila sa asignaturang Filipino animnaput dalawang

    (62%) porsyento ang sumang-ayon samantalang (38%) naman ang hindi. Sa isandaang respondente,

    (53%) ang hindi sumang-ayon na ang lokasyon ng kanilang paaralan ay nakaapekto sa pagkatuto nila sa

    asignaturang Filipino, samantalang (47%) porsyento naman ang nagsabing oo. Sa makatwid, hindi salik

    ang lokasyon ng paaralan. (71%) porsyento sa mga respondente ang nagsabing ang kahirapan ay hindi

    isang salik na nakakaapekto sa asignaturang Filipino samantalang (20%) bahagdan naman ang nagsabing

    ito ay isang salik. Samatwid, ang kahirapan ay hindi isang salik sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa

    asignaturang Filipino. Ayon naman sa opinyon ng mga respondente kung nakakaapekto ang pagkahilig sa

    pagtetext animnaput isa (61%) bahagdan ang sumang-ayon habang (39%) bahagdan naman ang hindi

    sumang-ayon. (54%) porsyento sa isandaang respondente ang nagsasabing hindi isang salik ang

    pagkakaroon ng barkada habang (46%) porsyento naman ang naniniwala na isang salik ang pagkakaroon

  • 7/22/2019 #Rich 1

    23/26

    ng barkada. Samakatwid, hindi salik ang pagkakaroon ng barkada sa pagkatuto sa asignaturang Filipino.

    Ayon sa opinyon ng mga respondente, (71%) porsyento ang naniniwalang ang pagkakaroon ng kasintahan

    ay hindi nakakaapekto sa pagkatuto sa asignaturang Filipino samantalang ang sumang-ayon ay

    nagtataglay lamang ng (29%)

  • 7/22/2019 #Rich 1

    24/26

    ABSTRAK

    Barlene I. Catenza , Jeffrey D. Consultado, Jesusa G. Caibog, Rona P. Dacallo, Demi M. Daga ;

    SALOOBIN NG MGA MAG-AARAL SA MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA NG GREGORIO C.

    CABENZA HINGGIL SA PARAAN NG PAGTUTURO NG MGA GURO SA ASIGNATURANG FILIPINO.

    Ang pag-aaral na ito ay pinamagatang SALOOBIN NG MGA MAG-AARAL SA MATAAS NA PAARALANG

    PAMBANSA NG GREGORIO C. CATENZA na ibinatay sa mga kasagutan ng mga kalahok. Ito ay binuo,

    ginawa sa pamamagitan ng talatanungan na nababatay sa mga kasagutan ng mga respondente na mga

    mag-aaral sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Gregorio C. Catenza.

    Naging pangunahing layunin ng pag-aaral ang makapagbigay impormasyon hinggil sa mga

    saloobin ng mga mag-aaral sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Gregorio C. Catenza. Sinuri ng mga

    mananaliksik ang mga kasagutan ng mga kalahok at pinangkat-pangkay ito gayundin ang mga

    katanungan. Pinag-isa ang mga sumagot ng hindi gayundin ang mga sumagot ng oo.

    Natuklasan sa pag-aaral na marami ang naniniwala na ang asignaturang Filipino na ang

    asinaturang Filipino ay pangunahing asignatura sa mga Mataas na Paaralang Pambansa; sumasang-ayon

    at naniniwala naman ang mga mag-aaral na gumamit ng ibat ibang estratehiya sa pagtuturo ang kanilang

    guro; hindi rin nakakaantok ang making sa guro kahit mahina ang boses at palaging nakaupio ang guro;

    hindi rin nakakawalang ganang pag-aralan ang asignatura kahit hindi pinakikinggan ng guro ang mga

    opinyon ng mga mag-aaral; may epekto rin ayon sa kanila ang kakulangan at hindi sapat na aklat o

    referens sa pagkatuto ng mag-aaral; sinisiguro rin ng kanilang guro na naiintindihin ang kasalukuyang

    paksa bago lumipat o magpatuloy sa susunod na aralin kaya nahihikayat ang mga estudyante na pag-

    aralan ito; sang- ayon din sila sa sa mga sinasabi o itinuturo ng kanilang guro; naniniwala din sila na pag

  • 7/22/2019 #Rich 1

    25/26

    mabisa ang pagtututro ng guro, mas maiintindihan at mahihikayat ang mga mag-aaral na pag-aralan ang

    asignatura at higit sa lahat, pinapahalagahan ng mga mag-aaral ang asignaturang Filipino.

    Ang pag-aaral na ito ay naglalayong makapagbigay ng impormasyon hinggil sa saloobin ng mga

    mag-aaral sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Gregorio C. Catenza hinggil sa paraan ng pagtuturo ng

    guro sa asignaturang Filipino.

    Sa isandaang respondente (100%), walumput apat (84%) ang nagsasabing pangunahing

    asignatura ang Filipino sa Mataas na Paaralan. Samantalang labing anim (16%) sa mga sumagot ay hindi

    sumang-ayon sa nasabing usapin. Napansin naman ng siyamnaput anim (96%) na respondente na

    gumamit ng ibat ibang estratehiya ang kanilang guro sa pagtuturo at apat (4%) naman ang nagsabing

    hindi gumagamit ng mga estratehiya ang kanilang guro. Ayon naman sa pitumput siyam (79%) na

    respondente ang sumagot na hindi nakakaantok making sa guro kahit mahina ang boses nito at palaging

    nakaupo. Samantala, dalawamputb isa (21%) naman ang sumagot na nakakaantok makinig sa guro kapag

    mahina ang boses nito at palaging nakaupo. Hinggil naman sa walumput apat (84%) na respondente,

    silay naniniwalang matuto kapagmabisa ang pagtuturo ng guro at labing-anim (16%) ang hindi sumang-

    ayon. Ayon naman sa siyamnaput tatlong (93%) respondente, hindi nakakawala ng ganang pag-aralan

    ang asignaturang ito kahit pinakikinggan ng guro ang opinyon ng mga mag-aaral. Samantala, pito (7%)

    naman ang nagsabing nakakawala ng ganang making kapag hindi pinakikinggan ng guro ang mga opinyon

    ng mga mag-aaral. Ayon naman sa walumput apat (84%) respondente, walang epekto sa pagkatuto ang

    kakulangan o hindi sapat na mga aklat om reference, subalit labing anim (16%) sa kanila ay nagsabing

    may epekto ito. Ayon din sa siyamnaputt dalawa (92%) ang nahihikayat mag -aral kung siniguro ng mg

    guro na naiintindihan ng mga mag-aaral ang kasalukuyang paksa bago bago magpatuloy sa susunod.

    Samantala, walo (8%) naman ang nagsabing hindi. Ayon sa mga opinyon ng mga respondente,

    siyamnaput tatlo (93%) ang sang-ayon sa mga itinuturo o sinasabi ng guro. Hinggil naman sa saloobin ng

  • 7/22/2019 #Rich 1

    26/26

    siyamnaput pitong (97%) respondente, naniniwala sila na kapag mabisa ang pagtuturo ng guro, mas

    maiintindihan at mahihikayat ang mga mag-aaral na pag-aralan ang asignaturang Filipino. Samantala, tatloi

    (3%) ang hindi naniniwala ditto. Para naman sa siyamnaput tatlong (93%) respondente ang nagsasabing

    pinapahalagahan ang asignaturang ito.