reading the qur'an (filipino)

Upload: famigo451

Post on 01-Nov-2015

261 views

Category:

Documents


1 download

DESCRIPTION

reading

TRANSCRIPT

MGA ADAAB SA PAGBABASA NG QUR-AAN- Ustaadh Abdul Wahid (Islamic University of Al-Madinah Al-Munawwarah)

MGA ADAAB SA PAGBABASA NG QUR-AAN- Ustaadh Abdul Wahid (Islamic University of Al-Madinah Al-Munawwarah)

Note: I already asked permission from ustaadh.

#PART_1Day: FRIDAY (october 24, 2014)Time Posted: KSA TIME (1:58pm) PINAS TIME (6:58pm)Subject: ADAABTopic: LESSON ONE "MGA ADAAB SA PAGBABASA NG QURAN"

ASSALAMU ALAYKUM WARAHMATULLAHI WA BARAKATUHU..

BISMILLAH!

Sinabi ni ALLAHswt sa suratu muhammad, 24:

" "

Hindi ba nila sinusuri ang mga pagpapayo ng dakilang Qur-an at pag-isipan ang mga katibayan nito? Oh di kaya naman sa kadahilanan ang kanilang mga puso ay nakasara na kaya hindi na nakakarating dito ang anumang payo mula sa Quran.

At sinabi rin ng ALLAHswt:" "

At bigkasin mo ang dakilang Qur-an nang marahan at mainahon. [Surah Muzzamil:4]

Sinabi ni Propeta Muhammad SALLALLAHU ALAYHI WA SALLAM sa kanyang hadith:

" "

Ang pinakamainam sa inyo ay yung tao na natuto ng Qur-an at itinuturo naman niya ito sa iba. [Bukhari]

Mga kapatid, alam ng bawat isa sa atin kung gaano kahalaga at kung ano ang katayuan ng Qur-an sa mga buhay natin. Kaya naman nararapat sa bawat isa atin na mga naniniwala kay ALLAHswt na magkaroon tayo ng magandang pag-uugali kapag babasahin o binabasa natin ito dahil ito ay SALITA ng dakilang tagapaglikha (ALLAHswt), kaya hindi nararapat sa sino man sa atin na palampasin ang pagkakataon na mapag-aralan na mabasa ito at matutunan ang MGA ADAAB SA PAGBABASA NITO:

1. ANG IKHLAS (sinseredad) o ang intensyon na gawin ang isang gawain para lamang sa ALLAHswt, ito ay kaylangan lalo na sa pag-aaral ng Qur-an at pagbabasa nito.

Sinabi ni Imam An-nawawiy (rahimahullah) "Ang Kauna unahang dapat iutos sa nagbabasa o nag-aaral ng Qur-an ay ang IKHLAS sa kanyang pagbabasa, na wala siyang nais kundi ang lugod ng ALLAHswt, na dapat wala siyang ibang gusto kundi iyun lamang.

2. ISABUHAY ANG DAKILANG QUR-AN.

Kung anuman ang HALAL dito ay ituring niya ito na ipinapahintulot, at kung anuman ang HARAM ay ituring niya ito na ipinagbabawal, na kung anuman ang IPINAGBAWAL dito ay kaylangan niya itong IWASAN, at kung anuman ang IPINAG-UTOS ay kaylangan niya itong sundin at gawin.

3. MANGAKO SA SARILI NA PALAGI NIYA ITONG BABASAHIN AT PALAGING HIHINGIN ANG PAYO NG DAKILANG QURAN.

Ito'y labis na kinakailangan lalo na sa pagsasaulo ng mga bersikulo nito dahil ang tao na nagsasaulo nito at hindi niya susundan ng pagrereview ang kanyang bawat na nasasaulo ay mabilis itong mawawala sa kanyang memorya.

4. KAPAG MERON KANG NAKALIMUTAN AY HUWAG MONG SABIHIN NA "NAKALIMUTAN KO (o nasito sa wikang arabic)" kundi ang tamang sabihin ay "MAY NAGPALIMOT SAKIN (unsito).

Kasi kapag sinabi ng isang muslim na nakalimutan ko ay parang nagpapatotoo lamang yun na pinabayaan niya mismo ang kanyang sarili na kalimutan ang Ayah ng ALLAHswt.

5. OBLIGADO NA MAGNILAYNILAY O PAG-ISIPAN ANG MGA AYAH NG DAKILANG QUR-AN.

Dahil ito ang unang paraan na tinahak ng mga SAHABAH (kasamahan ng mahal na propeta) na sila ay nag-aaral ng Qur-an mula sa Propeta Muhammad SALLALLAHU ALAYHI WA SALLAM ng sampung ayah (bersikulo) lamang, na dapat mapag-aralan muna nila ang karunungan sa sampung ayah na iyon at isabuhay, na kapag naisagawa na nila iyon ay mag-uumpisa sila ulit ng panibagong sampung ayah.

6. IPINAPAHINTULOT NA BASAHIN ANG QUR-AN KAHIT NA IKAW AY NAKATAYO O NAGLALAKAD O NAKAHIGA O DI KAYA NAMAN AY NASA BYAHE.

Sinabi ni ALLAHswt:

" "

Sila yung inaalala nila palagi ang ALLAHswt sa lahat ng pagkakataon na kahit sila ay nakatayo, nakaupo at nakahiga. [Al-imran:191]

Mula kay aisha (radiyallahu anha):

" "

Nakita ko ang sugo ni ALLAH, nung araw ng fathu Makkah na siya ay nagbabasa habang nasa kanyang sinasakyan na binabasa niya ang suratul fatiha. [Bukhari]

7. HUWAG HAWAKAN ANG QUR-AN NG WALANG WUDHU.

May isinulat si Propeta Muhammad at ipinadala niya ito kay Amar bin hazam at isa sa mga nakasulat dun ay "Huwag ipahawak ang Qur-an liban na lamang sa taong malinis"

Mga kapatid at ganun din hindi pwedeng ipahawak ang purong arabik ng qur-an (Mus-haf) sa non-muslim.

8. IPINAPAHINTULOT NA MAGBASA NG QUR-AN SA TAO NA NASIRA ANG KANYANG WUDHU SA MALIIT NA KADAHILANAN.

Halimbawa: May isang muslim na nasira ang wudhu dahil may lumabas na dumi sa maselang bahagi ng kanyang katawan o di kaya naman siya ay nakatulog, sa ganun klase ng tao ay pwede pa rin sa kanya na basahin ang qur-an mula sa kanyang mga nasaulo, pero hindi niya pwede hawakan ang Qur-an (Mus-haf). At dun sa taong JUNUB (ito po ang tao na kakatapos lamang ng relasyon sekswal mula sa kanyang asawa), ang taong junub ay hindi niya pwede basahin ang Qur-an mula sa kanyang mga nasaulo, lalo na ang magbasa siya mula sa Qur-an (mus-haf). Obligado sa kanya na siya ay maligo muna bago magbasa ng Qur-an. Wallahu ta'ala a'lam.

9. IPINAPAHINTULOT SA MGA BABAE NA MAGBASA NG QUR-AN (ung nasaulo na hindi hahawakan ang Qur-an [Mus-haf]) KAHIT NA SIYA AY MAY BUWANANG DALAW O KAKAPANGANAK PA LAMANG.

Dahil wala naman katibayan na nagpapatunay na ang pagbabasa ng Qur-an ay ipinagbabawal sa kanila, at sabi ng al-lajnah addaimah (fatwa council): Ang pagbabasa ng Qur-an sa may mga buwanang dalaw at kapapanganak pa lamang na hindi nila hahawakan ang MUS-HAF (ibig sabihin babasahin nila yung mga nasaulo nila) ay walang probelma dun at ito ay ayon sa mga ISKOLAR ng Islam,dahil wala naman naiulat mula sa Propeta Muhammad SALLALLAHU ALAYHI WA SALLAM na ipinagbabawal iyun.

10. LABIS NA IMINUMUNGKAHI NA LINISIN ANG BIBIG SA PAMAMAGITAN NG SIWAK BAGO MAGBASA NG QUR-AN.

Walang duda na isa ito sa pinakamainam na gawin bago magbasa ng Qur-an dahil nagpapakita ito ng lubos na paggalang at pagrespeto sa salita ni ALLAHswt.

11. ANG PAGSASABI NG ISTIADHA (a'udhu billahi minash shaytanir rajeem) at BASMALLAH (bismillahir rahmanir raheem) BAGO MAGBASA.

Sinabi ni ALLAHswt:

" "

At kapag binasa mo ang Qur-an ay magpakupkop ka sa ALLAHswtmula sa sinumpang si satanas [An-nahl:98]

In sha Allah, mga kapatid sa unang lesson po na ito ay siyam lamang po muna ang ating babanggitin. In sha Allah.. Kung sinuman po sa inyo ang nahahabaan sa aking pinost ay magsabi lamang po kayo upang aking mabawasan. Shukran wa barakallahu fikum.. WAL ALLAHU WALIYUT TAWFIQ WAL HIDAYAH.. ASSALAMU ALAYKUM WARAHMATULLAHI WA BARAKATUHU..

______________

#PART_2Day: FRIDAY (october 31, 2014)Time Posted: KSA TIME 3:40pm PINAS 8:40pmSubject: ADAABTopic: LESSON 1 (part2) MGA ADAAB SA PAGBABASA NG QURAN

Bismillah.. Ngayon ay muli natin pag-uusapan ang tungkol sa mga ADAAB sa pagbabasa ng QUR-AN, subalit bago tayo magpatuloy ay magbanggit tayo ng dagdag kaalaman na may kinalaman sa pang 11 adaab..

KATANUNGAN: Ano ang hatol ng Islam sa pagsasabi ng "SADAQAL ALLAHUL ADHEEM" sa tuwing pagkatapos magbasa ng Qur-an.

KASAGUTAN: Ayon sa FATWA COUNCIL NG SAUDI ARABIA: Ang pagsasabi ng sadaqal allahul adheem sa kanyang sarili ay tama, pero kung lagi niya iyong sasabihin sa tuwing natatapos siya magbasa at palagian niya itong ginagawa ay ito ay BID'AH (innovation), kasi hindi ito nangyari o sinabi ng Propeta Muhammad sallallahu alayhi wa sallam at ng kanyang mga kasamahan lalo na ang mga 4 na pinuno ng Islam (Abu bakr, Umar, Uthman, Ali) radiyallahu anhum. Na alam natin na sila yung mga tao na palagiang nagbabasa ng qur-an. (na naiulat mula kay Uthman radiyallahu anhu na tinapos niya basahin ang QUR-AN sa loob lamang ng isang gabi). At binanggit ng Propeta sa kanyang hadith "KUNG SINUMAN ANG GUMAWA NG GAWAIN NA ITO AY HINDI KABILANG SA AMING IPINAG-UTOS AY ITO AY HINDI TATANGGAPIN" wallahu taala a'lam..

Ngayon ay banggatin naman natin ang mga natitirang ADAAB sa pagbabasa ng QUR-AN:

12. IMINUMUNGKAHI ANG PAGIGING MAHINAHON SA PAGBABASA NG QUR-AN AT HINDI KAAYA-AYA ANG PAGBASA NG MABILIS NA HINDI NA NABABASA NG MAHUSAY ANG MGA LETRA NITO.

13. ANG PAGGAMIT NG MADD (PROLONG SA PAGBASA).

In sha Allah ang topic na ito patungkol sa prolong sa pagbabasa ay matatalakay nio sa subject na TAJWEED.

14. PAGANDAHIN ANG BOSES AT LAGYAN NG TONO ANG PAGBABASA NA ANG TONO NA ITO AY DAPAT HINDI SIYA KATULAD NG AWITIN O MUSIKA.

15. ANG PAG-IYAK SA PAGBABASA NITO AT SA TUWING MAKIKINIG.

Sinabi ni ALLAH azza wa jalla:

Ang ALLAH ang siyang nagbaba ng Pinakamabuting salita, na ito ay ang dakilang Qur-an, na magkakaparehas ang ganda nito at pagtutugma nito na hindi nagkakasalungatan, inuulit ang mga kwento at ang mga alituntunin ng batas na kapaloob dito, at ang mga katibayan at ang paglilinaw, na nanginginig ang mga balat at natatakot ang nakakarinig nito na may takot sa ALLAH. At dahil dun manlalambot sa takot ang kanilang mga balat at mga puso ng dahil sa pagalaala sa ALLAH.

16. ANG PALAKASIN ANG PAGBASA KUNG HINDI ITO MAGDUDULOT NG KAPINSALAAN O MAKAISTURBO SA IBA.

Kaylangan sa nagbabasa ng QUR-AN na pansinin niya ang kanyang lugar baka meron nagrereview o di kaya naman natutulog. At sa babae naman ay huwag niya itaas ang boses niya sa pagbabasa ng QUR-AN kapag may lalaki sa paligid niya na hindi niya mahram dahil maging sanhi ito ng fitnah.

17. IMINUMUNGKAHI NA SIKAPIN ANG LAHAT NG MAKAKAYA NA MATAPOS NIYA BASAHIN ANG QUR-AN.

Kahit na ito ay sa loob ng dalawang buwan, o isa. o di kaya naman sa loob ng 10 araw o isang linggo. Hingin natin kay ALLAH na mapasama tayo sa mga tao na laging binabasa ang QUR-AN sa araw man at sa gabi, aameen..

18. ANG PINAKAMAINAM NA GAWIN KAPAG INANTOK NA AY ITIGIL MUNA ANG PAGBASA.

Dahil maging dahilan ito upang hindi niya mabasa ng tama ang salita ng ALLAH, na ayon nga sa atin nabanggit na dapat maging mahinahon upang mabasa ng tama ang mga letra.

19. PINAKAMAINAM NA IPAGPATULOY ANG PAGBABASA AT HUWAG ITO PUTULIN NG WALANG SAPAT NA KADAHILANAN.

20. KABILANG SA SUNNAH NA KAPAG NABASA NIYA ANG AYAH NA MERON PAGLUWALHATI SA ALLAH ay sabihin niya SUBHANALLAH, at kapag naman ayah na meron kaparusahan ay MAGPAKUPKOP SIYA SA ALLAH mula sa parusa na iyon.

21. KAPAG NAPADAAN SA AYAH NA MAY SUJOOD (pagpapatirapa) AY KAYLANGAN NIYA MAGSUJOOD at ang QUR-AN ay meron 15 na sajdah..

22. KINAMUMUHIAN ANG PAGHALIK SA MUS-HAF AT PAGLAGAY NITO SA NOO.

Sinabi ng fatwa council: Wala kaming alam na katibayan na ipinapahintulot ang PAGHALIK sa dakilang QUR-AN, dahil ang QUR-AN ay ibinaba upang BASAHIN at INTINDIHIN at ito ay ISABUHAY.

23. KINAMUMUHIAN ANG PAGSABIT O PAG DISPLAY NG MGA AYAH NG QUR-AN SA MGA PADER O DINGDING NG BAHAY O DI KAYA NAMAN SA MGA TINDAHAN.

Alhamdulillah at natapos na natin ang isang kabanata ng ating subject at may 20 pa na susunod, in sha Allah..

In sha Allah next friday po ay pag-usapan naman natin ang patungkol sa mga ADAAB ng PAGBIBIGAY NG SALAM..

Assalamu Alaykum Warahamatullahi Wabarakatuhu...