provider publications vol. ii no. 12

4
Pearl Pacada, Naghain na ng kanyang CoC bilang Bise Gobernadora Email: [email protected] VOL. II NO. 12 October 23 - 29, 2015 P10.00 / copy For more information or inquiries: Ronald Abaco Alborote 09227304122, 09485312672 TARLAC CITY – Pormal ng naghain ng kanyang Certificate of Candi- dacy (COC) ang tinaguriang Angel of the Airwaves, Ina ng lalawigang Tarlac at Darling of the Press na si dating Vice Governor Pearl Angeli Erguiza Pacada sa huling sandali ng itinakdang araw ng Commission on Elections (COMELEC) sa mga nagnanais na kumandidatong opisyal sa darating na 2016 National & Local Elections sa Mayo 9. Sa kanyang paghahain ng COC ay naputol ang usapin o agam-agam ng sambayanang Tarlaqueño kung ano ba talaga ang kanyang tatakbuhing posisyon, kung ano ang kanyang partido at kung sino ang kanyang makakatandem. Si Pacada ay kakandidato sa pagka-Bise Gobernadora sa ilalim ng kanyang parti- dong Lakas CMD ng walang piniling sinuman na maging kanyang Gobernador. Matatandaang si Pacada ay nagsilbi na sa lalawigang Tarlac bilang Bise Goberna- dora kung kaya’t sinasabing malaking advantage ito sa laban sa kanyang mga magiging katunggali na sina Paniqui Mayor Miguel “Dors” Rivilla at 3rd District Board Member Atty. Carlito “CASADA” S. David. Malugod na ipinakita ni Tarlac Vice Governatorial Candidate Pearl Angeli Erguiza Pacada ang kanyang Certificate of Candidacy (COC) sa PAPI Tarlac mata- pos itong magtungo sa Commission on Elections (COMELEC). Photo by: Norman Dann F. Domingo SBM Angeles, Naghain na ng CoC Para Alkalde ng Siyudad TARLAC CITY Pormal ng naghain ng kan- yang Certificate of Candi- dacy (CoC) si Senior Board Member Cristy Angeles noong ika-13 ng Oktubre na tatakbo bilang Alkalde sa Siyudad ng Tarlac sa il- alim ng partidong National People’s Coalition (NPC) na siyang partidong itina- tag ni dating Ambassador Eduardo “Danding” Co- juangco, Jr. noong 1992. Bago nagsumite ng kanyang kandidatura ay nagsagawa ng masay- ang parada ang grupo ni Angeles mula sa Tarlac Common Terminal na bumaybay sa F. Tanedo Street patungo sa Com- mission on Elections (COMELEC) na inan- tabayanan ng kanyang mga Konsehales sina Dr. Jerome Lapeña, Weng Quiroz, Eddie Tañedo, Arsenio ' Baby' Lugay (NPC); Vlad Rodriguez, Abel Basangan; Ricky Dio- lazo, Ana Aguas at Topey Delos Reyes (Liberal). Sila’y inantabayanan din ni Tarlac Governor Vic- tor A. Yap na siyang Chair- man ng NPC sa lalawigang Tarlac ang pagsusumiteng ito ng kandidatura ni An- geles. Sinabi ni Angeles, kung siya’y papalaring manalo bilang Alkalde ng Siyudad ay sisikapin ni- tong mapaunlad sa mabut- ing layunin ang Siyudad ng Tarlac na naghahangad ng tunay na pagbabago. Bukod dito ay inanta- bayanan din si Angeles ni incumbent City Vice May- or Ma. Antonette “Anne” I. Belmonte at dating City Vice Mayor Genaro “Aro” Sundan sa p. 3 In Tarlac politics, not all Cojuangcos created equal I lost my padrino (pa- tron),” says Tarlac Vice Gov. Enrique “Kit” Cojuangco Jr., referring to the demise of his father, Rep. Enrique “Henry” Cojuangco, early this year. And with this, he says, there is change in what he describes as the “balance of power” within his party, the Nationalist People’s Coali- tion (NPC). Cojuangco says he is prepared to run for represen- tative next year while his fa- ther would have run for governor. The slate would have had outgoing Gov. Victor Yap running for Tarlac City mayor and incumbent Rep. Susan Yap (second district) seeking reelection. This, too, is public knowledge in the province as the body language of key players in Tarlac politics move in that direction. But following his father’s death, Cojuangco says, for one reason or another, he was no longer part of the equa- tion nor was he even included in party discussions or ac- corded respect as an incumbent. Still, Cojuangco and other party members say he is still a member of the NPC even as others describe his ex- TARLAC Vice. Gov. Enrique “Kit” Cojuangco Jr. Bayung Capas Team, Buo at Solido BAYUNG CAPAS TEAM! Malugod na ipinakita nina Capas Mayor Antonio “TJ” Rodriguez, Jr. at Vice May- or Atty. Roseller “Boots” Rodriguez kasama ang walong Konsehal ang kanilang Certificate of Candidacy (CoC) matapos na maghain ang mga ito ng kanilang kandida- tura sa Commission & Elections (COMELEC). Capas MIO CAPAS, Tarlac – Hin- di matatawaran ang lakas ng Bayung Capas Team matapos na maging buo at solido ang paghahain ng mga ito ng kanilang Certifi- cate of Candidacy (CoC) sa Commission on Elections noong ika-16 ng Oktubre sa pangunguna ni incumbent Capas Mayor Antonio “TJ” Rodriguez, Jr. at ng Bise Al- kalde nitong si Atty Roseller “Boots” Rodriguez. Dumalo ang dala- wampung (20) Punong Barangay ng Capas sa pan- gunguna ni ABC President Arnold Arcilla upang ipaki- ta ang kanilang pakikiisa sa adhikain ng Bayung Capas Team, gayundin ang iba’t ibang sektor ng lipunan gaya ng Kebabaynan, mag- sasaka, kabataan, senior citizens, Gaybabaynan, mga TODA at JODA, mga business at religious sector, at iba pa. Dumating din sina 3rd District Congressman Noel Villanueva, 2nd District Congresswoman Susan Yap-Sulit at tatlong Bo- kal ng 3rd District na sina Henry “Tootsie” Cruz, Atty. Carlito “Casada” David at Saturnino “Boy” Mandal. Aabot sa mahigit isang libo katao ang dumalo sa isinagawang Misa na gi- nanap sa San Nicolas De Tolentino Parish Church sa ganap na alas 7 ng umaga na sinundan kaagad ito ng parade patungo sa Munici- pal Covered Court kung saan ay nagsagawa ang mga ito ng isang maikling pro- grama bago naghain ang mga ito ng kanilang CoC sa COMELEC. “Ang pagkakaisa ng lahat ng elected public of- ficials sa Capas mula sa barangay level, municipal level hanggang sa provin- cial level ay susi sa mabilis na pag-unlad ng aming Sundan sa p. 2 Sundan sa p. 3 Radio Corporation, Namahagi ng Relief Goods sa bayan ng Moncada TARLAC CITY Aabot sa 251 benepisaryo ang pinagkalooban ng re- lief goods ng Radio Cor- poration of the Philippines sa katauhan ng dalawang popular na Radio Station sa buong Central Luzon at ito ay ang DWXT One FM at DZTC 828 AM ka- makailan. Dahil dito, muling pinatunayan ng mga bu- mubuo sa naturang mga Radio Station na ang pag- bibigay ng Serbisyo Pub- liko ay higit na mahalaga lalo na’t sa panahon ng ka- lamidad. To Page 3 Sundan sa p. 4

Upload: ronald-alborote

Post on 24-Jul-2016

233 views

Category:

Documents


4 download

DESCRIPTION

 

TRANSCRIPT

Page 1: PROVIDER PUBLICATIONS VOL. II NO. 12

Pearl Pacada, Naghain na ng kanyang CoC bilang Bise Gobernadora

Email: [email protected]

VOL. II NO. 12 October 23 - 29, 2015 P10.00 / copy

For more information or inquiries:

Ronald Abaco Alborote09227304122, 09485312672

TARLAC CITY – Pormal ng naghain ng kanyang Certificate of Candi-dacy (COC) ang tinaguriang Angel of the Airwaves, Ina ng lalawigang Tarlac at Darling of the Press na si dating Vice Governor Pearl Angeli Erguiza Pacada sa huling sandali ng itinakdang araw ng Commission

on Elections (COMELEC) sa mga nagnanais na kumandidatong opisyal sa darating na 2016 National & Local Elections sa Mayo 9.

Sa kanyang paghahain ng COC ay naputol ang usapin o agam-agam ng sambayanang Tarlaqueño kung ano ba talaga ang kanyang tatakbuhing posisyon, kung ano ang kanyang partido at kung sino ang kanyang makakatandem.

Si Pacada ay kakandidato sa pagka-Bise Gobernadora sa ilalim ng kanyang parti-dong Lakas CMD ng walang piniling sinuman na maging kanyang Gobernador.

Matatandaang si Pacada ay nagsilbi na sa lalawigang Tarlac bilang Bise Goberna-dora kung kaya’t sinasabing malaking advantage ito sa laban sa kanyang mga magiging katunggali na sina Paniqui Mayor Miguel “Dors” Rivilla at 3rd District Board Member Atty. Carlito “CASADA” S. David.

Malugod na ipinakita ni Tarlac Vice Governatorial Candidate Pearl Angeli Erguiza Pacada ang kanyang Certificate of Candidacy (COC) sa PAPI Tarlac mata-pos itong magtungo sa Commission on Elections (COMELEC). Photo by: Norman Dann F. Domingo

SBM Angeles, Naghain na ng CoC Para Alkalde ng Siyudad

TARLAC CITY – Pormal ng naghain ng kan-yang Certificate of Candi-dacy (CoC) si Senior Board Member Cristy Angeles noong ika-13 ng Oktubre na tatakbo bilang Alkalde sa Siyudad ng Tarlac sa il-alim ng partidong National People’s Coalition (NPC) na siyang partidong itina-tag ni dating Ambassador Eduardo “Danding” Co-juangco, Jr. noong 1992.

Bago nagsumite ng

kanyang kandidatura ay nagsagawa ng masay-ang parada ang grupo ni Angeles mula sa Tarlac Common Terminal na bumaybay sa F. Tanedo Street patungo sa Com-mission on Elections (COMELEC) na inan-tabayanan ng kanyang mga Konsehales sina Dr. Jerome Lapeña, Weng Quiroz, Eddie Tañedo, Arsenio ' Baby' Lugay (NPC); Vlad Rodriguez, Abel Basangan; Ricky Dio-lazo, Ana Aguas at Topey Delos Reyes (Liberal).

Sila’y inantabayanan din ni Tarlac Governor Vic-tor A. Yap na siyang Chair-man ng NPC sa lalawigang Tarlac ang pagsusumiteng ito ng kandidatura ni An-geles.

Sinabi ni Angeles, kung siya’y papalaring

manalo bilang Alkalde ng Siyudad ay sisikapin ni-tong mapaunlad sa mabut-ing layunin ang Siyudad ng Tarlac na naghahangad ng tunay na pagbabago.

Bukod dito ay inanta-bayanan din si Angeles ni incumbent City Vice May-or Ma. Antonette “Anne” I. Belmonte at dating City Vice Mayor Genaro “Aro”

Sundan sa p. 3

In Tarlac politics, not all Cojuangcos created equal

I lost my padrino (pa-tron),” says Tarlac Vice Gov. Enrique “Kit” Cojuangco Jr., referring to the demise of his father, Rep. Enrique “Henry” Cojuangco, early this year.

And with this, he says, there is change in what he describes as the “balance of power” within his party, the Nationalist People’s Coali-tion (NPC).

Cojuangco says he is prepared to run for represen-tative next year while his fa-ther would have run for governor. The slate would have had outgoing Gov. Victor Yap running for Tarlac City mayor and incumbent Rep. Susan Yap (second district) seeking reelection.

This, too, is public knowledge in the province as the body language of key players in Tarlac politics move in that direction.

But following his father’s death, Cojuangco says, for one reason or another, he was no longer part of the equa-tion nor was he even included in party discussions or ac-corded respect as an incumbent.

Still, Cojuangco and other party members say he is still a member of the NPC even as others describe his ex-

TARLAC Vice. Gov. Enrique “Kit” Cojuangco Jr.

Bayung Capas Team, Buo at Solido

BAYUNG CAPAS TEAM! Malugod na ipinakita nina Capas Mayor Antonio “TJ” Rodriguez, Jr. at Vice May-or Atty. Roseller “Boots” Rodriguez kasama ang walong Konsehal ang kanilang Certificate of Candidacy (CoC) matapos na maghain ang mga ito ng kanilang kandida-tura sa Commission & Elections (COMELEC). Capas MIO

CAPAS, Tarlac – Hin-di matatawaran ang lakas ng Bayung Capas Team matapos na maging buo at solido ang paghahain ng mga ito ng kanilang Certifi-cate of Candidacy (CoC) sa Commission on Elections noong ika-16 ng Oktubre sa pangunguna ni incumbent Capas Mayor Antonio “TJ” Rodriguez, Jr. at ng Bise Al-kalde nitong si Atty Roseller “Boots” Rodriguez.

Dumalo ang dala-wampung (20) Punong Barangay ng Capas sa pan-gunguna ni ABC President Arnold Arcilla upang ipaki-ta ang kanilang pakikiisa sa adhikain ng Bayung Capas Team, gayundin ang iba’t ibang sektor ng lipunan gaya ng Kebabaynan, mag-sasaka, kabataan, senior citizens, Gaybabaynan, mga TODA at JODA, mga business at religious sector, at iba pa.

Dumating din sina 3rd

District Congressman Noel Villanueva, 2nd District Congresswoman Susan Yap-Sulit at tatlong Bo-kal ng 3rd District na sina Henry “Tootsie” Cruz, Atty. Carlito “Casada” David at Saturnino “Boy” Mandal.

Aabot sa mahigit isang libo katao ang dumalo sa isinagawang Misa na gi-nanap sa San Nicolas De Tolentino Parish Church sa ganap na alas 7 ng umaga na sinundan kaagad ito ng parade patungo sa Munici-pal Covered Court kung saan ay nagsagawa ang mga ito ng isang maikling pro-grama bago naghain ang mga ito ng kanilang CoC sa COMELEC.

“Ang pagkakaisa ng lahat ng elected public of-ficials sa Capas mula sa barangay level, municipal level hanggang sa provin-cial level ay susi sa mabilis na pag-unlad ng aming

Sundan sa p. 2

Sundan sa p. 3Radio Corporation, Namahagi ng Relief Goods sa bayan ng Moncada

TARLAC CITY – Aabot sa 251 benepisaryo ang pinagkalooban ng re-lief goods ng Radio Cor-poration of the Philippines sa katauhan ng dalawang popular na Radio Station sa buong Central Luzon at ito ay ang DWXT One FM at DZTC 828 AM ka-

makailan.Dahil dito, muling

pinatunayan ng mga bu-mubuo sa naturang mga Radio Station na ang pag-bibigay ng Serbisyo Pub-liko ay higit na mahalaga lalo na’t sa panahon ng ka-lamidad.

To Page 3Sundan sa p. 4

Page 2: PROVIDER PUBLICATIONS VOL. II NO. 12

2 October 23 - 29, 2015

PROVIDER PUBLICATIONS is an English-Filipino Regional Newspaper published every Friday to the entire province of Central Luzon with Editorial Of-fice at Blk 9 Lot 7, Salem Estates, Barangay Culipat, Tarlac City Cell. No. 09485312672, 09227304122, 09485574128 Email: [email protected]

Ronald Abaco AlboroteOwner/Founder/Publisher/Editor

Billy F. NuquiAssociate Publisher/Editor

Jyan S. AlboroteManaging Editor

Erlinda M. OrtizMarketing Manager

Lhen AlboroteNews Consultant

Leah A. RiveraBusiness Consultant

Jojo Pascual, Jerry Hernandez, Leng Tiamzon, Cristy R. Lansangan, Dhes Pangilinan,

Norman Dann F. DomingoContributors

Prescious Jairon S. AlboroteEditorial Consultant

Atty. Jose Jat Tabamo IV, Atty. Bienvenido PerezLegal Consultants

Member:

Publishers Association of the Philippines Inc. (PAPI)Philippine Science Journalist Association(PSciJourn)Bantay Bayanihan Tarlac Media Advocates for Peace

Alab ng Mamahayag (ALAM) - Region IIICentral Luzon Media Association (CLMA)

Tarlac Press and Radio Club (TPRC)

Advertising Rates:

Commercial Rates: P200.00/col. cmLegal Notices : P130.00/col. cmSubscription Rate : P10.00/copy

Note: The columnists’ opinion or news article in this pa-per is independent and does not necessarily reflect to the Publisher and the Editorial Board.

Editorial Pearl Pacada, Naghain...(mula sa p. 1)

“Mas maganda ang la-banan kung magkakaroon ng tiyansa ang mga kaba-bayan nating Tarlaqueño na pumili ng kanilang nais na iupo bilang Bise Gober-nador ng lalawigang Tar-lac,” pahayag ni Pacada ng makausap ng Publishers Association of the Phil-ippines, Inc. (PAPI) Tar-lac matapos ang kanyang paghahain ng CoC.

POLITICAL CAREER

Nagsimula ang po-litical career ni Pacada ng manilbihan siya bilang Sangguniang Kabataan Provincial Federation Vice President, matapos ito ay nagsilbi siya ng tatlong termino (9 years) bilang Senior Board Member sa lalawigang Tarlac para sa unang distrito.

Makalipas nito, siya’y nanilbihan sa sambayanang Tarlaqueño bilang Bise Gobernadora ng lalawigang Tarlac mula 2010 hanggang 2013.

Sa kasaysayan ng la-lawigang Tarlac, siya ang naging kauna-unahang ba-bae na naging Bise Gober-nador sa lalawigan.

Sa kanyang termino bilang Bise Gobernadora ng lalawigang Tarlac kilala siya bilang industrious at top most respected servant leaders.

Sa kanyang unang 100 araw ng panunungkulan ay nilikha nito ang Sang-guniang Panlalawigan Re-search Team at sinimulan

nito ang LTS (Legislative Tracking System) Technol-ogy, kasama na dito ang mga legislative agenda ng Sangguniang Panlalawigan na tinaguriang P.E.A.R.L., People Empowerment thru Advocacy, Research at Legislation.

Dahil naniniwala si Pacada na ang tagumpay ng Lalawigang Tarlac ay makakamit sa pamamagi-tan ng mga ipinanunuka-lang batas na mayroong katuturan, napapanahon at makatotohanan sa mga pangangailangan ng mga tao.

Bilang Ina ng lalawi-gang Tarlac, Si Pacada ay higit pa sa legislative work ang kanyang nagagawa at sa halip ay marami itong programa at isa na rito ang kanyang adbokasiyang magsilbi para sa ikabubuti ng sambayanang Tarlaque-ño at ng lalawigan.

Ang kanyang tang-gapan ay nagsasagawa ng buwanang pagtatanim kung saan ay kanyang na-katuwang ang iba’t ibang organisasyon sa panganga-laga ng kapaligiran laban sa pagbabago ng klima kung saan ay aabot sa libu-libong seedlings ang naitanim sa iba’t ibang lugar ng probin-siya.

Si Pacada ang kuma-tawan sa mga kababaihan at mga bata kung saan ay kanyang hinawakan ang Komitiba ng Committee on Women, Children and Fam-ily Welfare. Kanya ring pi-nasimulan ang slogan na

Let us Protect, Educate, Assist, Rear & Love our Children. Bilang bahagi ng pagtataguyod para sa kabu-tihan ng mga bata ang pro-grama nitong ECCD (Early Childhood Care Develop-ment) kung saan ito’y in-umpisahan noong 2005 ha-bang siya’y nasa ikalawang termino ng kanyang pan-unungkulan bilang Board Member.

Katuwang ang Provin-cial Social Welfare and De-velopment Office ay nama-hagi ito ng lamesa at upuan sa mga day care centers sa lalawigan. Ang pamamaha-gi sa ECCD materials ay si-nadyang ipinaabot sa lahat ng 596 day care centers sa lalawigan ng Tarlac hang-gang 2013

PARANGAL

Sa kanyang panunung-kulan bilang Bise Goberna-dora ng lalawigang Tarlac noong July 1, 2010 hang-gang June 30, 2013 ay marami itong nakamit na award dahil sa kanyang Vi-sion for Good Governance.

Siya’y pinarangalan bilang Top Outstanding Vice Governor of the Phil-ippines sa isinagawang LVGP (League of the Vice Governors of the Philip-pines) 55th National As-sembly sa Metro Manila noong ika-6 ng Disyembre 2012.

Tumanggap din siya ng Gawad Parangal mula sa Central Luzon Media Association dahil sa kan-yang adbokasiyang pro-tektahan ang ating Mother Earth laban sa Climate

Change. Siya’y kilala sa buong lalawigan ng Tarlac sa adbokasiya niyang ito sa pamamagitan ng kanyang tree planting program na binansagang “STEP (Social Transformation through Environmental Program) to PEARL (Protect Earth Always Remember Life)”. Kung saan ay aabot sa ma-higit 2,000 seedlings na ang naitanim sa buong la-lawigan ng Tarlac na kan-yang naging katuwang ang mga estudyante, NGOs at LGUs na sadyang sumu-porta sa adbokasiya niyang ito.

OUTSIDE POLITICS

Sa tatlong taong kan-yang hindi panunungkulan siya’y naging Business-woman noong 2014 sa Quezon City, Manila; nag-ing bahagi din siya ng East-West Center ng bansang Hawaii; naging Vice Presi-dent for External Affairs ng Philippine International In-stitute for Leadership Gov-ernance & Performance noong June 1, 2015 sa Que-zon City.

Naging Pangulo din siya ng Girl Scout of the Philippines (GSP) Tarlac Chapter; Pangulo ng So-roptomist International; at iba pa.

Sa kanyang nakatak-dang pagbabalik sa Kapi-tolyo ay inaasahan ng sambayanang Tarlaqueño na muling magbabalik ang mga adbokasiyang ito kung saan ay malaki ang naitu-long sa buong lalawigan ng Tarlac. ulat ni Ronald A. Alborote

SBM Angeles, Naghain na...(mula sa p. 1)Mendoza na hindi muna naghain ng kanilang CoC noong araw na iyon at sa halip sila’y nag-file noong ika-16 ng Oktubre.

Samantala, niliwanag naman ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman Andres Bautista na hindi lahat ng magha-hain ng Certificate of Can-didacy ay awtomatikong

kandidato na para sa May 2016 national and local elections.

Sasalaing mabuti kung sinu-sino ang kuwalipikado at may sapat na resources para tumakbo sa halalan.

Ang pinal na listahan ng mga papayagang ku-mandidato ay ilalabas ng COMELEC sa Disyembre 10, 2015.

Malugod na ipinakita ng grupo ni Department of Agri-culture (DA) ASec Dennis Barantes ang kanilang Cer-tificate of Candidacy (CoC) matapos na maghain ito ng kanyang kandidatura bilang Alkalde ng Santa Ignacia, Tarlac sa Commission on Elections (COMELEC). Kan-yang makakatandem si 3 termer Mayor Saklulu Enrado (pang-apat mula kaliwa) bilang Bise Alkalde sa nalala-pit na 2016 National & Local Elections. Nasa larawan din sina Councilors Fe Leal Enrado, Neptali Bermudez, Henry Ibarra, Nathaniel “Bong” Tan, Orlando Cosme, Ernesto Gabriel, Roger Oliveros at Ricky SilverioBilly F. Nuqui

Buhay ay Iisa sa Drugs ay huwag Paiisa

Maagang pagsusuriOpisyal nang nagsimula ang paghahain ng

certificate of candidacy (COC) ng mga tatakbong kandidato sa 2016 national elections pero halos pi-tong buwan pa bago ang mismong araw ng halalan.

Gayunman, ngayon pa lamang kaaga ay uma-pela na ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa publiko partikular sa mga Katoliko na umpisahan na ang pagsusuri sa mga kandidato.

Kasabay ng panawagan ay binigyang-diin ni CBCP President Archbishop Socrates B. Villegas na dapat iwasan ng mga botante ang pagluklok sa mga pulitikong iniuugnay sa katiwalian bilang pagtalima sa naunang pahayag ni Pope Francis sa kanyang pagbisita sa bansa noong Enero.

Pero para sa simbahan, pinakamahalagang hakbang na dapat gawin ng taumbayan sa nalala-pit na halalan ay magdasal para magkaroon ang bansa ng lider na may puso para sa mahihirap at kabataan.

Sang-ayon tayo sa panawagan ng Simbahang Katolika, maha lagang ngayon pa lamang ay simu-lan na natin ang pagsusuri sa mga nakahilerang mga kandidato.

Ngayon pa lamang ay busisiin na natin ang mga tatakbong mga kandidato at isa-isahin natin ang mga ito kung pasok ba ang mga ito sa paman-tayan ng isang matinong lider na maglilingkod para sa kapakanan ng bayan at hindi para pagtak-pan ang kanilang mga naging mga kasalanan sa bayan.

Naniniwala kaming mas makakapamili tayo ng karapat-dapat na lider ng bansa kung ganito pa lamang kaaga ay pinag-aaralan na natin ang ku-walipikasyon ng bawat kandidato upang pagdat-ing ng panahong boboto na tayo ay wala tayong magawang pagkakamali at makapaghalal tayo ng karapat-dapat na pinuno ng ating bansa.

Malugod na inaabot ni DZTC at DWXT One FM Officer-in-Charge Ms. Dhes Pangilinan (pangalawa mula kaliwa) ang ipinamahaging re-lief sa mga residente ng Sta Lucia West, Moncada, Tarlac kamakailan habang nakaalalay naman sina Ms. Gina Hapitan, Ms. Alice Frio at Ms. Leng Tiamzon. Ronald Alborote

Page 3: PROVIDER PUBLICATIONS VOL. II NO. 12

MATIBAY NA BAHAY, PANATAG ANG BU-HAY! Ito ang pananaw ng sinumang homeowners na nakatira sa SALEM ESTATES na matatagpuan sa Barangay Culipat, Tarlac City.

Ito’y pinamamahalaan ni Pastor Manny Quizon sa ilalim ng Isle of Patmos (IOP) Builders & Devel-opers Corporation

Ang Salem Estates ay sumusunod sa isang cre-ative at mataas na kalidad ng proseso sa pagbuo ng iyong dreamhouse upang masiguro na ang sinumang nais na kumuha ng bahay ay

msigurong malakas at mataas ang standard ng bahay.

Nakatuon ang Salem Estates na matugunan ang pangangailangan ng iyong pamilya kung saan ay gi-nagarantiya nito maibigay ang isang mahusay na kag-inhawahan at kapayapaan ng isip sa isang komuni-dad.

Ang Konstruksiyon ng bahay ay walang shortcut, Natural ang lupa, at ang ginamit na lupa at hindi tambak at walang daya sa mga materyales.

Ang pamamaraan ng pag-gawa sa mga bahay ay sa pama-magitan ng “BUHOS” kung saan ito’y hindi ginagamitan ng hollow blocks kung kaya’t ginagarantiyang matibay ang bawat bahay na ginagawa sa naturang subdivision.

Sumusunod din ang Sa-lem Estates sa National Build-ing Code kung saan ay maaari mong tignan ang iyong bahay habang ito’y ginagawa kung saan ay open din ito sa im-provement and possibilities.

Bakit kailangang piliin ang Salem Estates?

1. Elegant Gate Entrance kung saan ay pagpasok mo pa lamang ay sasalu-bong sa iyo ang isang magalang, disente at unipormadong security guards.

2. High quality ang mga ba-hay kung saan ay gawa ito sa purong “BUHOS”.

3. 24 hour security 4. Enclosed Concrete Fence5. Flood Free Community kung

saan dalawang bagyo na ang nakalipas ay hindi ito binaha.

6. Local Water District Inter-Connection

7. Fully Maintaned Subdivision kung saan ay wala kang makikitang anumang kalat, walang nagkalat na mga alagang hayop.

8. Landscaped Parks/Playgorunds.

Ano-ano ang mga Awesome Ammenities?

1. Elegant Gate2. Basketball Court3. Tennis Court4. ManMade Lake5. Gazebo6. Melchizedek Hall7. RAQ Supermarket (to be constructed)8. 24/7 CCTV Monitored

Ano ang magandang Acces-sibility sa Salem Estates?

Ang magandang accessibility kapag ikaw ay nakakuha ng ba-hay sa Salem ay 5 mins form the market, groceries & drugstores; 10 mins away from SM City Tar-lac; 5 mins away from Schools at 10 mins away from the center of Tarlac.

3October 23 - 29, 2015

Feature Story!!!!SALEM ESTATES

Bayung Capas Team. Buo at Solido...(mula sa p. 1)bayan na aming nakamit at ang paglawak ng mga serbi-syo para sa mga Capaseño,” paliwanag ni Mayor Rodri-guez.

Si Mayor Rodriguez ay kakandidato sa kanyang pangatlo at huling termino. Sa kanyang administrasyon ang budget ng munisipyo ay lumaki ng 80% mula P156 Milyon noong 2009 at ngayon ay P278 milyon na o paglaki ng P122 mi-lyon. Sa susunod na taon ay

madodoble na ito at magig-ing P310 million na. Ang Capas na ngayon ang may pinakamalaking budget sa lahat ng mga munisipyo sa buong lalawigan ng Tarlac.

Ang mga local sources of revenue o kita ng mu-nisipyo ay lumaki ng P164 % mula P24 milyon noong 2009 na ngayon ay P63 milyon na. Ang Internal Revenue Allotment o IRA ay P240 milyon na ngayon kumpara sa P132 milyon

noong 2009 o 62% na pa-glaki. Consistent No. 1 din ang Capas sa real property tax collections.

Ang line-up ni Mayor TJ sa Sangguniang Bayan ay ang mga incumbent coun-cilors na sina Juliet Caba-gan, Ford Laxamana, Jake Lopez, Dan Dizon, Clarita Macaraeg, Benz Pineda, Alex Espinosa at dating Pu-nong Barangay Reynaldo Ramos. Capas MIO/Billy Nuqui

In Tarlac politics, not all Cojuangcos...from page 1clusion as a “constructive dismissal.”

While Yap is Tarlac’s NPC chair, the elder Cojuangco, when he was alive, exercised leadership of the party in the province.

Yap says he was given authority by the party to chair the province only in August. The late Cojuangco was the youngest brother of busi-nessman Eduardo “Danding” Cojuangco Jr., NPC chair emeritus.

Referring to the vice governor, Yap says, “Direk siya kay Uncle Danding (He has a direct communication line to Uncle Danding).”

But Cojuangco says he and his uncle, Danding, have not talked since his father died.Issues

Cojuangco says he has been vocal about not seek-ing reelection. “To do so is a redundancy. My objective is already done—that is to make meaningful change and make a difference. A standard at the Sanggunian is made, I hope it will not slide,” he says.

Senior Board Member Carlito David, who had served in Tarlac’s third district under at least four vice governors, agrees. “In this term of Vice Governor Cojuangco, we follow parliamentary rules and there is minimal call for executive sessions,” he says.

While Yap and Cojuangco are not at loggerheads, certain issues confronting the province and how these should be addressed by the executive and the legislative branches are the undercurrents.Two issues

For Cojuangco, two major issues come to mind: the Canadian garbage dumped in Tarlac and the 30-percent share allotted by the Philippine Health Insurance Corp. (Phil-Health) for the staff of the Tarlac Provincial Hospital (TPH). These issues are subjects of discussions at the national government level as these would impact on national policies.

“Still I was misunderstood,” says Cojuangco. “When I stood up against the Canadian garbage being dumped in the province, I was not ‘namumulitika’ as others say. I did so because it is the right thing to do,” he says.

“I did not want the Kalangitan landfill shut down; I want it regulated. The local leg-islature has done its job. If I scrutinize the province’s budget to its finest detail, I did so because it is the right thing to do because this is people’s money,” he says.

To Page 4

2015 Christmas Centerpiece ng SM City Tarlac...(mula sa p. 1)pangalan ng tren ay tina-tawag na Neptune. Ang makina ng replica ng tren ay gawa sa bakal, blended, tradisyonal kupol rivets, ang mga sheet nito ay gawa sa bakal. Ito ay tinapos sa pamamagitan ng Urethance paint, high-gloss-top coat. At ginamitan din ng bom-bilyang LED na accent.

Gamitin ang hashtag na #MerrySMChrist-mas2015 kapag ikaw ay magpost ng iyong pictures sa iyong Social Media Ac-counts.

Dumalo sa naturang launching sina SM City

Tarlac Assistant Mall Man-ager for Adminsitration Jet Liwanag-Reyes; Marketing and Communications Man-ager Elmer Ulanday; Mar-keting Officer Christina Bernal Mugot; Marketing Officer at SM City Tarlac at Shopping Malls Serafin “Seff” Morales, Jr. (na si-yang naging Master of Cer-emony); H.R. Manager Ms. Ley Ann Paguio; SM Re-gional Operations Manager Mr. Cesar Bondoc; Assis-tant Vice President for Mar-keting Mr. TJ Cuenca; DTI Tarlac Ms. Anna Marie S. Tabamo; Tarlac City Police

Station P/Supt Felix Verbo, Jr. na nirepresentahan ni P/Supt. Palmyra Guardya, PCR Officer; at iba pa.

Pinasalamatan din ni Assistant Mall Manager Jet Reyes ang kanilang Media Partners na walang sawa-ng sumusuporta sa mga event ng SM City Tarlac na kinabibilangan ng GMA 7; Provider Publications; DZTC at DWXT One FM; The Watchman; Punto Cen-tral Luzon; Asenso Pinoy; Philippine Daily Inquirer; Manila Star; Manila Bulle-tin at Sun Star. Ronald A. Alborote

Masayang nagpakuha ng lar-awan ang mga bumubuo ng SM City Tarlac kasama si Santa Claus matapos na isagawa ang launching ng 21015 Christmas Centerpiece kamakailan. Nasa larawan sina SM City Tarlac As-sistant Mall Manager Jet Liwan-ag-Reyes, Regional Operations Manager Cesar Bondoc, AVP for Marketing TJ Cuenca, SM City Tarlac Marketing and Communi-cations Manager Elmer Ulanday.

Page 4: PROVIDER PUBLICATIONS VOL. II NO. 12

Read and Advertise

Provider Publications

Cell. 09485312672, 09227304122 October 23 - 29, 2015

PROVIDER PUBLICATIONS welcomes editorial contributions including properly cap-tioned photographs, must be typewritten/com-puterized, double-spaced. The editors reserve the right to reject or abridged submitted materi-als in keeping with editorial policy and space. Opinionated manuscripts should bear the au-thor’s signature.

Ka-Anib Association of Concepcion, Nanumpa na sa TungkulinCONCEPCION, Tarlac – Pormal ng nanumpa sa tungkulin ang mga itinalagang Interim Officers ng Ka-Anib Association of Concepcion na ginanap sa Lapus Sports Complex noong ika-8 ng Oktubre.

Layunin ng naturang grupo ay upang mapagbuk-lod ang samahan ng mga 3rd Sex o Bakla sa bayan ng Concepcion at maging sa ibang bayan ng Probinsi-yang Tarlac na may temang “Dream, Believe & Sur-vive! “Star-Gays”.

Magugunitang nauna ng naglunsad ang bayan ng Capas kung saan ay suportado ito ni Capas Mayor Antonio “TJ” Rodri-guez, Jr. at ang mga ito ay

tinawag na Gaybabaynan.Sila’y nanumpa sa ha-

rapan ni Tarlac 2nd District Congresswoman Susan Yap-Sulit na sinaksihan ni 3rd District Board Member Saturnino “Boy” Mandal at Atty. Carlito “CASADA” David.

Dumalo din sa na-turang okasyon sina Vice Mayor Danilo “Dan” Da-vid, Councilor Bidong Es-trada, ABC President Anto-nio “Ton” Villanueva.

Ang mga nanumpa sa tungkulin ay sina President Wilfredo Go; Vice Presi-dent Ricky de Guzman; Secretary Roy Manaloto; Treasurer Norman Galura; Auditor Laurence Liwa-nag; Business Manager Benigno Figueroa Aquino; P.R.O. Benigno Guinto; Executive Director Raffy Yabut; Board of Directors Egay Itturalde, Domingo Santos at Joseph Tabulia. Jyan Alborote

Nanumpa sa harapan ni Tarlac 2nd District Congresswoman Susan Yap- Sulit (pan-gatlo mula kaliwa) ang mga grupo ng Ka-Anib Association of Concepcion (Gay Com-munity Pride) habang nakamasid sina 3rd District Board Members Saturnino “Boy” Mandal at Atty Carlito “CASADA” David. Ronald Alborote

In Tarlac politics, not all Cojuangcos...from page 3

As to the PhilHealth and TPH issue, Cojuangco says, “Imagine what hap-pens to our public health system if the amount is not given to the doctors and the medical community as a whole? Don’t they deserve that?” he asks.

In July, the 90 doc-tors and more than 200 nonmedical staff of TPH protested the move of the provincial government to cut their PhilHealth incen-tive from 30 percent to only 2 percent.

Yap had said he in-troduced this reform to in-crease the financial capac-ity of TPH to help more poor people.Family first

The NPC will field Su-san Yap for governor with David as her running mate. Governor Yap will run for representative of the second congressional district while Rep. Noel Villanueva of the third district will seek a sec-ond term.

In the province’s first district, supposedly the bai-liwick of Cojuangco, the NPC candidate will be his first cousin, former Negros Occidental Rep. Charlie Cojuangco, son of Dand-

ing.“Uncle wants Charlie,

the benefits are clear,” Co-juangco says.

He says he wanted to pursue his father’s legacy. “I have prepared my certifi-cate of candidacy and I am ready any time, but for the sake of family unity, I will file that COC only if Char-lie will not run. [But] I be-lieve that he will,” he says. “I can step back and give a chance for the family to unite. If the people clamor for me, there is always the future.”

He continues: “I know I will do a good job [in Congress] because I will do what is the right thing to do. But it is another thing to win and get there. I am ready to be a congressman but doing the job and get-ting there are two different things at nawala sa akin ‘yan (and these were lost in me) when Dad died.

“I do not want history repeating itself: Cojuangco versus Cojuangco. It hap-pened twice. The first be-tween Uncle Danding and Uncle Peping (Danding’s cousin, Jose Cojuangco Jr.) and the second between my Dad and Tita Tingting

(Peping’s wife, Margarita).“I do not want this to

happen in our generation … Charlie is the unifying factor here right now.”

In Bacolod City, Char-lie announced that he is running for congressman of the first district of Tarlac.

“I am running in the 2016 elections for a seat in congress representing the first district of Tarlac, where I have been a resi-dent in the last two years,” Charlie said on Tuesday.

He said Negros would always be home for him, but it is time to also do something for the province of his paternal roots.

“I am moving on proud and happy in the thought that I have done something for the fourth district of Ne-gros Occidental, that during our watch, we improved things for the district and our people,” he said.

“So much more need to be done, obviously and it is time for the incumbent leadership and the one our people will choose next year to do what needs to be done,” he said. Tonette Orejas, With a report from Carla P. Gomez, In-quirer Visayas

Radio Corporation, Namahagi ng relief...(mula sa p. 1)

Sa pangunguna nina Dhes Pangilinan, OIC ng nasabing radio stations; Leng Lopez Tiamzon, Alice Frio, Leandro M. Alborote, Gina Hapitan, Ronald Ab-aco Alborote at iba pa ay nagtungo ang mga ito sa Barangay Sta. Lucia West, Moncada, Tarlac at sila'y namahagi ng relief goods sa mga naapektuhan sa nakali-pas na bagyong Lando.

Ang pag-alalay ay sinu-

portahan din nina Senators Grace Poe, Chiz Escudero, Police Regional Office 3 General Rudy L. Lacadin; Ladies Club sa PRO3; Tar-lac Press and Radio Club; Central Luzon Media As-sociation (CLMA) Tarlac Chapter; DSWD Moncada at Provincial Disaster Risk Reduction and Manage-ment Council (PDRRMC).

Nagpasalamat naman ang mga barangay officials

ng Sta. Lucia West, Monca-da, Tarlac sa pangunguna ni Barangay Chairman Willy Dulay sa ginawang pag-alalay ng radio corporation sa Tarlac at iba pa na laging nakaantaabay pagdating sa serbisyo publiko.

Nabatid din kay Kapi-tan na ito ang kauna-unah-ang pamamahagi ng relief goods mula ng sila’y ma-salanta ng bagyong lando. ulat ni Jyan Alborote

INTERWORLD College of Science & Technology

Foundation, Inc.

MAGANDANG BALITA!Lahat ng Transferees ay may 50% Tuition Fee Discount*

* Subject to existing guidelines and promo mechanics.

BS CriminologyBS Hotel & Restaurant ManagementBS Business AdmnistrationAsso. in Hotel & Restaurant ManagementBS Computer Science

BS Elementary EducationBS Secondary EducationAsso. in Computer Science

COURSES OFFERED:

MS. ADELAIDA SAMONTEDirectress

2015 Christmas Centerpiece ng SM City Tarlac, Inilunsad

TARLAC CITY – Matagumpay na inilunsad ng SM City Tarlac ang kanilang 2015 Christmas Centerpiece train sa Mall Atrium, Upper Grandfloor noong ika-6 ng Nobyem-bre.

Ang naturang Christ-mas Centerpiece ay open na sa publiko upang kumu-ha ng kani-kanilang mga sariling selfie pictures at ito’y magtatapos sa Janu-ary 03, 2016.

Ito ay isang Christmas

Rush kung saan si Santa ay abala sa paggawa ng kan-yang pinakamahusay na re-galo na kanyang ihahatid sa mga bata sa buong mundo kung kaya’t siya’y gagamit ng christmas express tren upang umabot ang lahat ng ito sa deadline.

Ngunit sa hindi inaasa-hang pagkakataon ang tren ay naantala dahil sa mga nagyeyelong railroad trail. Salamat sa limang penguin na dumating upang siya’y tulungan at ginawa ang la-

hat paraan para kay Santa upang makarating sa ta-mang oras ang mga regalo.

Sa taong ito, ang Christmas Centerpiece ay isang larawang kaakit-akit na mga kuwento, ang mul-ing paggawa ng Merry SM Christmas ngayong 2015 ay muling magpapasaya sa mga bata at matatanda.

Ang disenyo nito ay batay sa pinagmulan ng unang steam locomotives – kung saan ang lumang

Sundan sa p. 3