pal aug nay an

Upload: lesdymay

Post on 30-May-2018

258 views

Category:

Documents


1 download

TRANSCRIPT

  • 8/14/2019 Pal Aug Nay An

    1/27

    PALAUGNAYAN

  • 8/14/2019 Pal Aug Nay An

    2/27

    PALAUGNAYAN Ang bawat wika ay isang malaking sistema na binubuo ng

    ilang sistemang magkaugnay at hindi magkahiwalay. Sa linggwistika, sinisimulan ito sa paglalarawan ng mga

    komponent ng wika sa pinakamaliit na yunit, ang tunog. Sakop sa pag-aaral ng ponetiko ang mga tunog at kung

    paano nalilikha ang mga ito. kasunod nito'y ang pagtuklaskung aling yunit ng mga tunog ang makabuluhan sa isangwika, ito ang siyang tungkulin ng ponemiko.

    Saklaw nito ang kahalagahan ng pagbibigay ng diin sa isangpantig, ang pagtigil sa loob ng hulihan ng pangungusap patipagbaba at pagtaas ng tono rito.

    Ang susunod na sistema ay ang paraan ngpagkukumbinasyon ng mga ponema upang bumuo ng mgamakabuluhang yunit ng wika. ang huling sangay nglinggwistika istrakttural ay ang sintaks o palaugnayan.

  • 8/14/2019 Pal Aug Nay An

    3/27

    Ano nga ba ang Palaugnayan?

    Ang sintaks o palaugnayan ay pag-aaral ng mga uring pangungusap at ng iba pang kayarian. Ito aynagmula sa salitang Griyegong (syn,nangangahulugang "co-" or "together") at (txis,nangangahulugang "sequence, order, arrangement"),

    sa linggwistiks ito ay mailalarawan bilang isang pag-aaral ng mga tuntunin, o "patterned relations" napinamamahalaan ng kung papaano ang mga salita saisang pangungusap ay mapagsasama-sama. Ito aymay konsern sa kung papaano ang magkakaibangsalita (kung saan, kung babalikan ang sinabi ni

    Dionysios Thrax, ay mauuri bilang pangngalan, pang-uri, pandiwa, pang-abay, pang-ukol, atbp.aymapagsasama-sama bilang isang sugnay, na sakalaunanan ay magiging isang ganap napangungusap.

    http://eleap.ust.edu.ph/wiki/Dionysios_Thraxhttp://eleap.ust.edu.ph/wiki/Dionysios_Thraxhttp://eleap.ust.edu.ph/wiki/Dionysios_Thraxhttp://eleap.ust.edu.ph/wiki/Dionysios_Thrax
  • 8/14/2019 Pal Aug Nay An

    4/27

    Ang lipon ng pitong salitang: Ang isda sa mesa ay kinain ngpusa ay katutubo sa ating wika, bagama't maaari dingsabihing, Kinain ng pusa ang isda sa mesa na hindinagbabago ang kahulugan. Subalit, ng pusa ang isda sakinain mesa ay hindi maaaring tanggapin sa karaniwangpagsasalita.

    Kung gayon, masasabing ang isang wika ay binubuo ngmga sagisag na pangwika at ng mga tuntunin na dapatsundin upang ang sagisag na ito'y magamit nang wasto sapananalita. Ang bawat salita ay may kanya-kanyangtuntunin ng pagkakasunud-sunod ng mga sagisagpangwika, halimbawa ang "cried the baby" ay hindi tama sa

    Ingles subalit ang "umiyak ang sanggol" ay tama sa Filipino.Ang mga tuntuning ito ng pag-uugnay-ugnay ng mgasagisag na pangwika ay sinasaklaw rin ng sintaks opalaugnayan.

    Ano nga ba ang Palaugnayan?

  • 8/14/2019 Pal Aug Nay An

    5/27

    MGA URI NG PANGUNGUSAP SAFILIPINO

    Dalawa ang uri ng pangungusap saFilipino - predikatibo o angpangungusap na may simuno atpanaguri at ang pangungusap nawalang simuno o panaguri. Tinatawagna simuno ang bagay na pag-uusapan. Ito ang bahaging

    pinangungunahan ng ang o si o angkatumbas nito (panghalip pananong,palagyo o panghalip pamatlig napaturol).

    halimbawa: 1. Nalulungkot ang babae. 2. kayang-kayang gawin iyan. 3. May bagong damit si Angel. 4. Sa kanya ako titira. Ang panaguri ay maaaring pariralang

    nominal o pangngalan, pariralangpang-uri, pariralang pang-ukol atpariralang pandiwa. Ang bagay nasasabihin tungkol sa pinag-uusapangbagay ay tinatawag na panaguri.

    Pangungusap

    Panaguri Simuno

    Pariralang PangngalanPariralang Pang-uriPariralang Pang-ukolPariralang Pandiwa

  • 8/14/2019 Pal Aug Nay An

    6/27

    Karaniwan nang nauuna ang panaguri sa simuno at ito angtinatawag na karaniwang ayos. Kapag nauuna naman ang simuno,ang panaguri ay pinangungunahan ng ay at ito ang di-karaniwang ayos.

    Nahahati sa apat na uri ang pangungusap na may simuno atpanaguri ayon sa salitang pinakaulo (head) ng panaguri. Maaaring

    pangngalan ang ulo ng panaguri tulad ng nasa mga sumusunod napangungusap. Ang bata ang kumuha. Si Antonette ang ikakasal bukas. Ikaw ang pinatatawag ng dekana. Ito ang aking bag. Titser ang aking nanay. Ang pangngalang ulo ng panaguri ay maaaring may pantulong

    (1,2) o wala (5). Ang pang-uri ay maaari ring maging ulo ng panaguri gaya ng

    makikita sa mga sumusunod na halimbawa: Murang-mura ang bilihin sa palengke. Matalino ang guro.

    MGA URI NG PANGUNGUSAP SAFILIPINO

  • 8/14/2019 Pal Aug Nay An

    7/27

    Ang panaguring may pariralang pang-ukol bilang uloay may iba-ibang isinasaad paglalaan(reservational), pagtuturo sa lulan (locational), pag-aari (possesional), pagkatig o pagkiling (preferential).

    Halimbawa: (Para) sa akin ang pagkaing iyan. (paglalaan) Nasa loob ng kabinet ang damit na isusuot mo.

    (lunan) Kay Matet ang bag na naiwan. (pag-aari). Nasa bitag ng alanganin ang proyektong dapat na

    ipatupad. (kalagayan) Sa bandang kaliwa ang daan patungo sa kantina.

    (direksyon) Sa kanya pa rin ako. (pagkatig)

    MGA URI NG PANGUNGUSAP SAFILIPINO

  • 8/14/2019 Pal Aug Nay An

    8/27

  • 8/14/2019 Pal Aug Nay An

    9/27

    Kaganapang Tagaganap o Aktor (Actor Complement)

    Tagaganap ang gumaganap ng kilos o gawaingisinasaad ng pandiwa. Dalawa ang uri ng tagaganap ang tagaganap ng tahasang kilos napinangungunahan ng ang o si at siya ring simunong pangungusap at ang tagaganap ng balintiyak na

    kilos na pinangungunahan ng ng o ni.Matatagpuan ang kaganapang tagaganap sa mgapangungusap na ang pandiway nasa kabalikang tinig.

    Halimbawa: Kumuha ang mga mag-aaral ng pagsusulit sa Filipino. Nakipag-ayos si Atty. Jimenez sa kanyang

    kampanero. Kinain ng unggoy ang saging na ibinato sa kanya. Kinatagpo ni Buboy ang kanyang kasintahan.

  • 8/14/2019 Pal Aug Nay An

    10/27

    Kaganapang Tagatanggap (Goal Complement)

    Kung ang pangngalan ang tumatanggap ngkilos o gawaing isinasaad ng pandiwa atitoy karaniwang pinangungunahan ng

    panandang ng, ito ang tuwirang layon(direct object).

    Halimbawa : Naglinis ang mga bata ng kanilang silid. Sumali siya sa rally. (may tuwirang layon

    na hindi tumatanggap ng panandang ng).

  • 8/14/2019 Pal Aug Nay An

    11/27

    Kaganapang Ganapan (Locative Complement). Ang tao o lunang pinangyarihan ng gawaing isinasaad

    ng pandiwa ay tinatawag na ganapan (locative) atitoy pinangungunahan ng sa o kay.

    Halimbawa:

    Nag-iwan siya ng pera sa may ibabaw ng mesa. Namili sila ng gamit sa SM. Pumunta ang mga tao sa EDSA

    Mendiola

    amin

    Quiapo

  • 8/14/2019 Pal Aug Nay An

    12/27

    Kaganapang Kaalanan (Benefactive Complement)

    Di-tuwirang layon (indirect object obenefactive) ang pangngalangnakikinabang sa gawaing isinasaad ng

    pandiwa at itoy pinangungunahan ngpariralang para sa o para kay.

    Halimbawa:

    Bumili siya ng pagkain para sa amin. Gumawa siya ng paraan para kayAmy.

  • 8/14/2019 Pal Aug Nay An

    13/27

    Kaganapang Pangganap (Instrumental Complement)

    Kasangkapang (instrument) ang tawag sakaganapang nagsasaad ng bagay naginagamit sa gawain o kilos na isinasaad ngpandiwa. Ang panandang ginagamit ay (sapamamagitan ng / ni o ng panandangng/ni.

    Halimbawa: Isinulat niya ang kanyang mensahe sa

    pamamagitan ng dugo. Hinalo niya ang ulam sa pamamagitan ng

    sandok na kahoy.

  • 8/14/2019 Pal Aug Nay An

    14/27

    Kaganapang Kadahilanan (Causative Complement)

    Ang pangngalang nagsasaad ng sanhio dahilan ng kilos na isinasaad ngpandiwa ang kadahilanan (causative)

    at ang pananda ay ang (dahil) sa. Halimbawa: Hindi natuloy ang programa dahil sa

    pag-ulan. Nagkagulo ang mga sundalo dahil sapagkakaalis ng kanilang komandante.

  • 8/14/2019 Pal Aug Nay An

    15/27

    Kaganapang Resiprokal (Reciprocal Complement)

    May ilang pandiwa na nagsasaad ngtuwangan o gantihang kilos at ang mgaitoy may kaganapang tinatawag nakatuwang (reciprocal) itoy maaaring tao ohayop at pinangungunahan ng sa o kay.

    Halimbawa: Nakipag-away ang bata sa kanyang

    kaklase. Nakipagbati siya kay Amy. Nakipaghabulan ang daga sa pusa.

  • 8/14/2019 Pal Aug Nay An

    16/27

    Isa o higit pa sa mga kaganapang ito ay matatagpuansa mga pangungusap na ang simuno ang siyanggumaganap o may kinalaman sa pagkaganap (doer oinitiator ng aksyon). Alinman sa mga ito ay maaaring

    gamiting simuno ng pangungusap. Sa gayoy nag-iibaang panlaping ginagamit sa pandiwa at anggumaganap o may kaalaman sa pagkaganap ay hindipinangungunahan ng ang o sikundi ng ng o nio angkatumbas nito (kita, ko, mo, niya, natin, ninyo, nila,niri, nito, niyan, noon).

    Ang ikalawang uri ng mga pangungusap ay walangsimuno o panaguri. Kaunti ang mga ito kaysa mgapangungusap na predikatibo ngunit marami angdiwang isinasaad.

  • 8/14/2019 Pal Aug Nay An

    17/27

    Pangungusap na Temporal

    Ang unang pangkat ay nagsasaad ng panahon maaaring bahagi ng araw o panahon (season) obahagi ng tao. Karaniwang itong anyo ng pangngalanat maaaring may kasamang pang-abay napamanahon.

    Halimbawa: Gabi na. Maaga pa. Tag-ulan na naman.

    Pasukan na. Bakasyon na naman. Martes kahapon. Pista sa Enero.

  • 8/14/2019 Pal Aug Nay An

    18/27

    Pangungusap na Penomenal

    Bagamat binubuo ng pandiwang banghaysa um ang mga pandiwang nagsasaadng mga pangyayari sa kalikasan, walang

    simuno o panaguri ang mga sumusunod napangungusap.

    Halimbawa: Umuulan kahapon.

    Gumuho ang lupa. Baha na naman sa UST.

  • 8/14/2019 Pal Aug Nay An

    19/27

    Bagamat binubuo ng pandiwang banghaysa um ang mga pandiwang nagsasaadng mga pangyayari sa kalikasan, walang

    simuno o panaguri ang mga sumusunod napangungusap.

    Halimbawa: Umuulan kahapon.

    Gumuho ang lupa. Baha na naman sa UST.

  • 8/14/2019 Pal Aug Nay An

    20/27

    Ang mga pakiusap ay karaniwangbinubuo ng pandiwang may lapingpa o pakio makiat maaaringsundan ng pang-abay at/o tuwiranglayon.

  • 8/14/2019 Pal Aug Nay An

    21/27

    May mga pangungusap na nagsasaadng pagyaya o pagyakag.

    Halimbawa: tayo na. Halina.

  • 8/14/2019 Pal Aug Nay An

    22/27

    Mga pangungusap na may Pandiwang Ka- Itoy mga pangungusap na may pandiwa at may

    tagaganap ngunit ang anyo ng tagaganap ay hindiang simuno. Ito ang tinatawag na katatapos nagawain (recent perfective) at binubuo ng ka + pag-uuli ng unang pantig ng salitang ugat + salitang-ugatat maaaring may pa subalit palagiang may lang olamang at ang tagaganap nito ay maaaring pawatasna anyo ng pandiwa.

    Halimbawa: Kaaalis pa lamang niya. Kakain lang namin kanina. Katatapos lamang nilang manood.

  • 8/14/2019 Pal Aug Nay An

    23/27

    Ang mga padamdam ay nabibilang sauring ito ng pangungusap.

    Halimbawa: Aray! Naku po!

  • 8/14/2019 Pal Aug Nay An

    24/27

    Ang mga tawag ay wala ring simunoo panaguri.

    Halimbawa: Magandang umaga po. Paalam.

    Makikiraan po.

  • 8/14/2019 Pal Aug Nay An

    25/27

    May mga anyo ng pasukol na hinditumatanggap ng simuno tulad ng:

    a. pagka+ pag-uulit ng salitang ugat +salitang ugat.

    b. napaka + salitang ugat c. ang + salitang ugat ( at maaaring ulitin

    ang salitang ugat) d. kay - + pag-uulit o hindi ng salitang

    ugat+ salitang ugat at sinusundan ngpariralang pangngalan na pinangungunahanng ng.

  • 8/14/2019 Pal Aug Nay An

    26/27

    Halimbawa: Pagkamahal-mahal ng bilihin ngayon.

    Ang gulo-gulo naman ng mga bata. Ang hirap pakisamahan ni Gino. Kaysungit-sungit ng babaeng iyan!

  • 8/14/2019 Pal Aug Nay An

    27/27

    Ang pangungusap na Eksistensyal

    Itoy binubuo ng mga katagang mayo wala na sinusundan ngpangngalang pambalana.

    Halimbawa: May tao sa bahay. Walang katau-tao sa silid. May pusa ba? Mayroon ngang klase sa Martes.