pakikilahok at bolunterismo para sa kabutihang panlahat · 2021. 1. 27. · 30 mga taon, kasama ng...
TRANSCRIPT
0 | P a g e
Republic of the Philippines
Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan - Modyul 8: Pakikilahok at Bolunterismo para sa
Kabutihang Panlahat
Zest for Progress
Zeal of Partnership
9
Pangalan: ___________________________
Baitang at Seksyon: ___________________________
Paaralan: ___________________________
1 | P a g e
Sa modyul na ito, pag-aaralan mo ang mga tungkulin para sa iyong
sarili,kapwa,at sa lipunan.
8.3 Napatutunayan na:
a. Ang pakikilahok at bolunterismo ng bawat mamamayan sa mga
gawaing pampamayanan, panlipunan/pambansa, batay sa
kanyang talento, kakayahan, at papel sa lipunan, ay
makakatulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat
b. Bilang obligasyon ng likas sa dignidad ng tao, ang pakikilahok ay
nakakamit sa pagtulong o paggawa sa mga aspeto kung saan
mayroon siyang personal na pananagutan. (EsP9TT-IIh-8.3)
8.4 Nakalalahok sa isang proyekto o gawain sa barangay o mga sektor
na may partikular na pangangailangan. (EsP9TT-IIh-8.4)
Sa nakaraang leksyon ay nalaman ninyo ang kagalagahan ng pakikilahok at bolunterismo sa pag-unlad ng mamamayan at lipunan.
Ngayon ay mas malaman ninyo ang kabuluhan ng bolunterismo na
isang pakikilahok na siyang mag-uugnay sa pag-unlad ng lipunang iyong
kinabibilangan at hahanga sa kuwento ng mga taong naglaan ng kanilang
buhay sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga taong lubos na
nangangailangan.
Panuto: Isulat sa loob ng puso ang mga natutunan sa nakaraang
aralin.
Pakikilahok Bolunterismo
BALIKAN
ALAMIN
2 | P a g e
Panuto: Basahin ang maikling kuwento at sagutin ang mga
katanungan sa ibaba.
Si Jarred ay isang volunteer worker sa Risk Reduction and Disaster
Management sa kanilang lungsod. Tumutulong siya sa pagdala sa mga
Locally Stranded Individuals (LSI) sa mga quarantine facility kung saan sila
mamalagi ng labing-apat hanggang dalawampu’t isang araw upang
masiguro na hindi sila positibo sa virus. Gustong-gusto ni Jarred ang
trabaho niya dahil para sa kaniya isa itong paraan upang mapaglingkuran
niya ang kaniyang kapwa. Ginugol niya ang kaniyang panahon at talento
upang maging epektibo ang kaniyang paglilingkod bilang bahagi ng
pagbobolunterismo at pakikilahok upang tuluyang maaagapan ang
panganib na dala ng pandemiya.
Isang araw, sumama si Jarred sa ambulansiyang kukuha sa isang
lalaking positibo sa virus upang ilipat ng ibang hospital para sa agarang
gamutan. Matapos noon ay sumailalaim siya sa 14-days quarantine
nagsimula siyang magpakita ng sintomas sa ikapitong araw at sumailalim
din siya sa swab test at pagkaraan ng pitong araw napag-alamang positibo
siya. Naging malala ang kalagayan ni Jarred hanggang sa tuluyang bumigay
ang kaniyang katawan at binawian ng buhay sa edad na 25 taong gulang.
Isa lamang si Jarred sa libo-libong mga Pilipino na nag-alay ng
kanilang buhay sa ngalan ng pagbobolunterismo at para sa diwa ng
pakikilahok ngayong panahon ng pandemya. Ang mga gaya nila ay ang mga
bayani ng makabagong panahon. Gumagawa sila ng mga bagay nang hindi
naghahangad ng anumang kapalit o gantimpala.
Mga katanungan:
1. Sa maikling kuwento na iyong nabasa, ano ang nagtulak kay Jarred na gawin ang
mga bagay na nais niya sa gitna ng pandemyang dulot ng COVID 19?
2. Bakit ang mga gaya ni Jarred ay itinuturing na makabagong bayani?
3. Paano isinabuhay ni Jarred ang diwa ng bolunterismo at pakikilahok sa
kaniyang buhay?
TUKLASIN
3 | P a g e
Nagkakaroon ng kasiyahan ang isang tao kapag siya ay naglilingkod,
nagkakaroon siya ng personal na paglago, nagkakaroon din siya ng
kontribusyon o bahagi sa pagpapabuti ng lipunan, nagkakaroon siya ng
pagkakataon na makabuo ng suporta at relasyon sa iba at nagkakaroon
siya ng panahon na higit na makilala hindi lamang ang iba kundi pati na
ang kanyang sarili.
Sa pakikilahok, nagiging konsiderasyon ang personal na interes o
tungkulin. Kailangan mong gawin dahil kung hindi, mayroong mawawala sa
iyo. Sa bolunterismo, kailangan mong gawin dahil kung hindi, mayroong
mawawala sa iyo. At kung hindi mo ito gagawin, hindi ka apektado, kundi
yaong iba na hindi mo tinutulungan. Kung ikaw man ay managot; ikaw ay
mananagot sa iyong konsensya sapagkat hindi ka tumugon sa
pangangailangan ng iyong kapwa. Hindi lahat pakikilahok ay may aspekto
ng bolunterismo pero lahat ng bolunterismo ay may aspekto ng pakikilahok.
Pang-pangkatang Gawain: Basahin at unawaing mabuti ang kuwento,pagkatapos
ay gagawa ng repleksyon gamit ang mga gabay na katanungan.
GOOD NEWS
Ipinanganak siya bilang Agnesë Gonxhe Bojaxhiu (binabaybay ding Agnes
Gonxha Bojaxhiu) sa Skopje, Albanya (kasalukuyang nasa Masedonya ang Skopje).
Nag-aral siya sa Irlanda. Nagturo siya sa Kalkuta, Indiya.
Isang gabi, habang nakasakay sa isang tren, narinig niya ang isang tinig na
nagsasabing iwanan niya ang kanyang kinaroroonang kumbento upang tulungan
ang mga maralita. Habang nasa Kalku (Calcuta), nakasuot siya ng sari at
nakatapak sa pinakamahihirap na pook.
Noong 1948, pinahintulutan siya ng
Simbahang Katoliko na magtatag ng isang bagong
samahan ng mga madre, ang Mga Misyonera ng
Kawanggawa (Missionaries of Charity). Sa loob ng
30 mga taon, kasama ng kanyang mga madre,
nakapagsagip si Nanay Teresa o Inay Teresa ng mga
sanggol mula sa mga basurahan, nag-alaga ng
mga ketongin, at nag-alaga ng mga may
karamdaman at mga malapit nang mamatay.
(A&E Television Networks, ―Mother Theresa‖, April 2, 2014,
https://en.https://en.m.wikipedia.org/wiki/Motm.wikipedia.org/wiki/Moth)
SURIIN
ESSON)
PAGYAMANIN
4 | P a g e
Pagsapit ng 1979, nagkaroon ang kanyang samahan ng 200 mga sangay sa
buong mundo. Biniyayaan siya ng Gantimpalang Nobel para sa Kapayapaan.
MGA GABAY NA TANONG:
1. Ano ang naramdaman ninyo matapos basahin ang kuwento? Ano ang
sinasabi nito sa inyo bilang isang panlipunang nilalang?
2. Ano ang pagkaunawa mo sa ginawang pagtulong ng tauhan sa ating
kuwento?
3. Anong talento ang kaniyang taglay? Ginamit ba niya ito ng
kakabuluhan?
4. Anong karanasan ang nakaimpluwensiya sa kaniya na nag-udyok
upang tumulong sa kaniyang kapwa?
5. Ikaw, mayroon ka na bang nasimulang gawaing tulad ng mga ito? Ano
ang kaya mong simulan gamit ang sarili mong talento?
Gawain 2: Mga Personalidad na Nakiambag sa Lipunan Panuto: Gumupit ng mga larawan ng mga personalidad na naglaan ng panahon at buhay sa pakikilahok at pagboboluntaryo sa kawang -gawa.
Idikit ang mga larawan sa kahon at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1.
2.
3.
5 | P a g e
Mga tanong: 1. Ano-ano ang naiambag nila sa lipunan?
2. Ano ang nagtulak sa mga tauhan para sa pagboboluntaryo? 3. Para sa iyo,paano ka makikilahok sa isang programa upang magiging
instrumento ka sa iyong kapwa?
Gawain: STARBURST
Si Peachy Breteña ay isang long-time advertising executive at dating
instructor sa Mint International College-University of the Philippines at
nanguna sa Martsa ng Milyong Katao sa Pilipinas kung saan layunin nitong
buwagin ang Priority Development Assistance Fund o Pork Barrel dahil sa
Pork Barrel Scam. Ang panawagan sa kilos protesta ay umikot sa social
media kagaya ng facebook at twitter upang magsagawa ng malawakang
protesta sa 26 ng Agosto 2013 sa Liwasang Rizal sa Maynila at sa iba pang
mga lungsod sa Pilipinas as sa ibang bansa. Isang pahina sa Facebook ang
ginawa na may pamagat sa ―Abolish Pork Barrel‖ o ―Buwagin ang Pork
Barrel‖ kung saan nag-imbita ng mga kalahok para sa protesta. Sinabi ng
isa sa tagapangasiwa na si Peachy Rallonza-Bretana, na walang
pangunahing grupong nag-organisa, ang protesta ay parang bola ng niyebe
na mabilis na kumalat. Isang araw bago ang protesta, 18,000 katao ang
nauna ng dumating sa Liwasang Rizal.
PANUTO: Batay sa talambuhay ni Peachy Breteña, punan ng angkop na
sagot ang mga sumusunod na bituin. Sagutin sa inyong sagutang papel.
ISAISIP
Sino si
Peachy
Breteña?
Ano ang
kanyang mga
talento at
kakayahan
ginamit sa
ppakikilahok?
Ano papel
ang kanyang
ginampanan
sa lipunan?
6 | P a g e
Sagutin:
Maituturing bang bolunterismo ang ginawa ni Peachy Bretena sa
ginawa niyang pagpo-post sa facebook tungkol sa protesta sa pork
barrel noong Agosto, 2013?
ISAGAWA
Gawain: Pakikilahok sa isang Proyekto
Panuto: Magtala ng mga proyekto sa iyong barangay,pagkatapos ay sumulat ng
isang sanaysay kung paano ka nakikilahok.
___________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang
pinakaangkop na sagot at isulat ang titik sa iyong sagutang papel.
1. Ano ang isa sa mga palatandaan ng pakikilahok at bolunterismo?
A. pagmamahal, malasakit at talento
B. panahon, talento at kayamanan
C. talento, panahon at pagkakaisa
D. kayamanan, talento at bayanihan
2. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang hindi nagpapakita ng
bolunterismo?
A. Sumali si Jen sa isang organisasyon sa kanilang barangay na may
layuning mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng kanilang barangay.
B. Si Amy ay likas na maawain at matulungin. Tuwing walang pasok lagi
siyang nasa center ng kanilang lugar upang makatulong sa mga
programa ng barangay lalo na sa pagtuturo sa mga batang hindi
marunong bumasa at sumulat.
C. Tuwing may programa sa eskwelahan, sinisiguro ni Axel na maayos
niyang nagagampanan ang kaniyang tungkulin bilang pangulo ng
student council.
D. Sa mga panahon na may sunog at kalamidad sa bayan ni Cel, hindi
niya nakakaligtaang magbahagi ng kaniyang donasyon maliit man ito
o malaki bastat ang mahalaga ay makatulong siya sa kanyang kapwa
nangangailangan.
TAYAHIN
7 | P a g e
3. Tiyak na makakamit ng lipunan ang ______________ kung ang bawat isa
ay magsasagawa ng pakikilahok at bolunterismo?
A. pag-unlad
B. pagkakaisa
C. pagmamahalan
D. kabutihang panlahat
4. Nagbigay ng pagpulong ang iyong barangay ukol sa mga dapat gawin sa
oras ng pagbaha o sakuna dahil isa sa inyong lugar sa mga binabaha
tuwing malakas ang ulan.Nagbabala ang PAGASA na magkakaroon ng
bagyo sa susunod na araw.Ano ang dapat mong gawin?
A. Susundin ko ang bilin ng aking tatay.
B. Gagawa ako ng sarili kong diskarte dahil mas alam ko ang lugar
namin.
C. Susundin ko ang mga ibinilin sa amin ng mga tauhan ng barangay.
D. Susundin ko ang mga ibinilin sa amin ngunit hindi ako lilikas
hanggang hindi pa mataas ang tubig.
5. May pagsasanay sa inyong paaralan para sa mga nais tumulong sa
feeding program ng barangay.Nanaisin mo bang lumahok at tumulong?
A. Pag-iisipan ko muna.
B. Hindi,dahil nakakapagod ito.
C. Susubukin kong tumulong.
D. Tutulong na lamang ako kapag oras na ng feeding program.
6. Naglunsad ang iyong barangay ng lokal na programang Greening
Program.Hinihikayat ang bawat pamilya sa inyong barangay na magkaroon ng isang narseri sa bakuran.Ano ang iyong gagawin?
A. Masayang makilahok sa programa. B. Magsawalang-kibo upang hindi mapansin. C. Sabihin sa barangay na hini ka marunong magtanim.
D. Magpalista sa barangay ngunit hindi gagawa.
7. Sa_____________,nagiging konsiderasyon ang personal na interes o tungkulin.
A. Bolunterismo B. Pagpapasya C. Pakikilahok
D. Pagsusuporta
8 | P a g e
8. Sa bolunterismo, kung hindi mo ito gagawin, hindi ka apektado, kundi yaong iba na hindi mo tinulungan. Ang pahayag ay ____________. A. tama, sapagkat maraming tao ang nangangailangan ng iyong tulong.
B. mali, sapagkat ang hindi mo pagtulong ay isang bagay na maaaring
makaapekto sa iyo.
C. tama, sapagkat maaari kang managot sa iyong konsensya sapagkat
hindi ka tumugon sa pangangailangan ng iyong kapwa sa mga
sandaling yaon.
D.mali, sapagkat hindi maaaring pilitin ang tao sa kaniyang gagawin. Ito
dapat ay manggaling sa puso.
9. Nagkaroon ng programang Remedial Reading sa inyong
paaralan.Ianyayahan ka ng iyong guro na makilahok sa pagtuturo sa
mga kamag-aral mong mahinang bumasa. Ano ang iyong gagawin?
A. Magtuturo ako pero sandali lang.
B. Hindi ako sasali dahil hindi naman ako guro.
C. Sasabihin ko sa aking guro na ibang bata na lamang ang kanyang
kunin.
D. Masayang tatanggapin ang imbitasyon dahil makatutulong ako sa
aking mga kamag-aral.
10. Si Susan ay nag-aaral sa isang pampublikong paaralan.Libre ang
kanyang pag-aaral dito.Ano ang dapat niyang gawin?
A. Mag-aral ng mabuti hanggang makapagtapos.
B. Maaari siyang hindi pumasok araw-araw dahil libre naman ito.
C. Humingi ng malaking halaga ng baon sa magulang dahil libre naman
ang pag-aaral.
D. Masiyahan na sa mababang marka basta’t makapasa.
11. Alin ang taglay ng tao kaya siya ay karapat-dapat sa pagpapahalaga at
paggalang ng kaniyang kapwa?
A. Bolunterismo
B. Dignidad
C. Pakikilahok
D. Pananagutan
12. Siya ay nakatira sa Calcutta at nagpakita ng napakalalim ng antas ng
pamamalasakit sa mga mahihirap.
A. Cris valdez
B. Roger Salvador
C. Joey Velasco
D. Mother Teresa
9 | P a g e
13. Ano ang maaaring maidulot kung hindi ka tumugon sa pangangailangan
ng iyong kapwa?
A.Makokonsensiya
B.Mananagot
C.Magkasala
D.Mahihirapan
14. Ang pakikilahok ay nakakamit sa pagtulong o paggawa sa mga aspekto
kung saan mayroon siyang personal na_______________.
A.Responsibilidad
B.Kakayahan
C.Panangutan
D.Ugnayan sa Kapwa
15. May inilunsad na programa tungkol sa Proper Waste Disposal sa inyong
paaralan.Mga honor students lang muna ang sasali, ngunit isa sa
kanila ay hindi makakapunta.Makikilahok ka ba sa programa ng
paaralan o hindi?
A.Oo,dahil parte ako ng paaralan.
B.Hindi,dahil hindi naman ako honor student.
C.Oo,dahil may pananagutan ako.
D.Hindi,dahil hindi ko naman kasalanan kung wala ang kaklase ko.
10 | P a g e
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian Aklat
Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Modyul para sa
Mag-aaral, DepEd-BLR, Muling Limbag 2017, pp 111 – 128
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Rhemibey S. Malabas, SST-I
Basilan NHS, Isabela City Division
Editor: Jonathan Gilbert E. Cruz, SST-II
Tagasuri: Aimee A. Torrevillas, SST-III
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Julieto H. Fernandez, OIC-SDS
Maria Laarni T. Villanueva, OIC-ASDS
Eduardo G. Gulang, SGOD Chief
Henry R. Tura, CID Chief
Elsa A. Usman, LR Supervisor
Violeta M. Sta. Elena, ADM Module Coordinator
TAYAHIN
1.A
2.C
3.D
4.C
5.D
6.A
7.C
8.C
9.D
10.A
11.B
12.D
13.A
14.C
15.C
11
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land Here the trees and flowers bloom Here the breezes gently Blow,
Here the birds sing Merrily, The liberty forever Stays,
Here the Badjaos roam the seas Here the Samals live in peace
Here the Tausogs thrive so free With the Yakans in unity
Gallant men And Ladies fair Linger with love and care
Golden beams of sunrise and sunset Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX
Hardworking people Abound, Every valleys and Dale
Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos, All of them are proud and true
Region IX our Eden Land
Region IX Our..
Eden... Land...
My Final Farewell Farewell, dear Fatherland, clime of the sun caress'd Pearl of the Orient seas, our Eden lost!, Gladly now I go to give thee this faded life's best, And were it brighter, fresher, or more blest Still would I give it thee, nor count the cost. On the field of battle, 'mid the frenzy of fight, Others have given their lives, without doubt or heed; The place matters not-cypress or laurel or lily white, Scaffold or open plain, combat or martyrdom's plight, T is ever the same, to serve our home and country's need. I die just when I see the dawn break, Through the gloom of night, to herald the day;
And if color is lacking my blood thou shalt take, Pour'd out at need for thy dear sake To dye with its crimson the waking ray.
My dreams, when life first opened to me,
My dreams, when the hopes of youth beat high, Were to see thy lov'd face, O gem of the Orient sea From gloom and grief, from care and sorrow free; No blush on thy brow, no tear in thine eye. Dream of my life, my living and burning desire, All hail ! cries the soul that is now to take flight; All hail ! And sweet it is for thee to expire ; To die for thy sake, that thou mayst aspire; And sleep in thy bosom eternity's long night. If over my grave some day thou seest grow, In the grassy sod, a humble flower, Draw it to thy lips and kiss my soul so, While I may feel on my brow in the cold tomb below The touch of thy tenderness, thy breath's warm power. Let the moon beam over me soft and serene, Let the dawn shed over me its radiant flashes,
Let the wind with sad lament over me keen ; And if on my cross a bird should be seen, Let it trill there its hymn of peace to my ashes.
Let the sun draw the vapors up to the sky, And heavenward in purity bear my tardy protest Let some kind soul o 'er my untimely fate sigh, And in the still evening a prayer be lifted on high From thee, 0 my country, that in God I may rest. Pray for all those that hapless have died, For all who have suffered the unmeasur'd pain; For our mothers that bitterly their woes have cried, For widows and orphans, for captives by torture tried And then for thyself that redemption thou mayst gain And when the dark night wraps the graveyard around With only the dead in their vigil to see
Break not my repose or the mystery profound And perchance thou mayst hear a sad hymn resound 'T is I, O my country, raising a song unto thee.
And even my grave is remembered no more
Unmark'd by never a cross nor a stone Let the plow sweep through it, the spade turn it o'er That my ashes may carpet earthly f loor, Before into nothingness at last they are blown. Then will oblivion bring to me no care As over thy vales and plains I sweep; Throbbing and cleansed in thy space and air With color and light, with song and lament I fare, Ever repeating the faith that I keep. My Fatherland ador'd, that sadness to my sorrow lends Beloved Filipinas, hear now my last good -by! I give thee all: parents and kindred and fr iends For I go where no slave before the oppressor bends, Where faith can never kil l, and God reigns e'er on high! Farewell to you all, from my soul torn away, Friends of my childhood in the home dispossessed!
Give thanks that I rest from the wearisome day! Farewell to thee, too, sweet friend that l ightened my way; Beloved creatures all, farewell! In death there is rest!
I Am a Filipino, by Carlos P. Romulo
I am a Filipino–inheritor of a glorious past, hostage to the uncertain future. As such I must prove equal to a two-fold task–the task of meeting my responsibility to the past, and the task of performing my obligation to the future.
I sprung from a hardy race, child many generations removed of ancient Malayan pioneers. Across the centuries the memory comes rushing back to me: of brown-skinned men putting out to sea in ships that were as frail as their hearts were stout. Over the sea I see them come, borne upon the billowing wave and the whistling wind, carried upon the mighty swell of hope–hope in the free abundance of new land that was to be their home and their children’s forever.
I am a Filipino. In my blood runs the immortal seed of heroes–seed that flowered down the centuries in deeds of courage and defiance. In my veins yet pulses the same hot blood that sent Lapulapu to battle against the first invader of this land, that nerved Lakandula
in the combat against the alien foe, that drove Diego Silang and Dagohoy into rebellion against the foreign oppressor.
The seed I bear within me is an immortal seed. It is the mark of my manhood, the symbol of dignity as a human being. Like the seeds that were once buried in the tomb of Tutankhamen many thousand years ago, it shall grow and flower and bear fruit again. It is the insignia of my race, and my generation is but a stage in the unending search of my people for freedom and happiness.
I am a Filipino, child of the marriage of the East and the West. The East, with its languor and mysticism, its passivity and endurance, was my mother, and my sire was the West that came thundering across the seas with the Cross and Sword and the Machine. I am of the East, an eager participant in its spirit, and in its struggles for liberation from the imperialist yoke. But I also know that the East must awake from its centuried sleep, shake off the lethargy that has bound his limbs, and start moving where destiny awaits.
I am a Filipino, and this is my inheritance. What pledge shall I give that I may prove worthy of my inheritance? I shall give the pledge that has come ringing down the corridors of the centuries, and it shall be compounded of the joyous cries of my Malayan forebears when first they saw the contours of this land loom before their eyes, of the battle cries that have resounded in every field of combat from Mactan to Tirad Pass, of the voices of my people when they sing:
―I am a Filipino born to freedom, and I shall not rest until freedom shall have been added unto my inheritance—for myself and my children and my children’s children—forever.‖