paghahanda ng planosa isang gawain

9
E P P 5 Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA) Distance Education for Elementary Schools SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS PAGHAHANDA NG PLANO SA ISANG GAWAIN Department of Education BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION 2nd Floor Bonifacio Building DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City

Upload: miguel-wage-grande

Post on 29-Jan-2016

177 views

Category:

Documents


3 download

DESCRIPTION

plano

TRANSCRIPT

Page 1: Paghahanda Ng Planosa Isang Gawain

E P P

5

Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA)

Distance Education for Elementary Schools

SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

PAGHAHANDA NG PLANO SA ISANG GAWAIN

Department of Education

BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION 2nd Floor Bonifacio Building DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City

Page 2: Paghahanda Ng Planosa Isang Gawain

Revised 2010 by the Learning Resource Management and Development System (LRMDS),

DepEd - Division of Negros Occidental under the Strengthening the Implementation of Basic Education

in Selected Provinces in the Visayas (STRIVE).

This edition has been revised with permission for online distribution through the Learning Resource Management Development System (LRMDS) Portal (http://lrmds.deped.gov.ph/) under Project STRIVE for BESRA, a project supported by AusAID.

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides: “No copyright shall subsist in any work of the Government of the Republic of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.” This material was originally produced by the Bureau of Elementary Education of the Department of Education, Republic of the Philippines.

Page 3: Paghahanda Ng Planosa Isang Gawain

1

PAGHAHANDA NG PLANO SA ISANG GAWAIN

ALAMIN MO

Bago pa lamang umpisahan ang isang proyekto o gawain ay kailangan mo muna itong pagplanuhang mabuti. Napapadali ng plano ang anumang gawain. Ang plano ay karaniwang ginagamit ng mga arkitekto at inhinyero (engineer). Sila rin ang maingat na sumuri ng isang plano upang mapanatiling matatag at matibay ang gagawing proyekto.

Page 4: Paghahanda Ng Planosa Isang Gawain

2

PAGBALIK-ARALAN MO

• Muling isaisip ang mga pamantayan sa maingat na paggawa

• PAG-ARALAN MO •

Ang isang proyekto ay napapadali kung maihahandang mabuti ang disenyo at plano. Kaya bago simulan ang paghahanda sa iyong napiling proyekto ay pag-aralan muna ang sumusunod upang makatulong sa pagbuo ng isang maayos at mahusay na plano. Mga hakbang na dapat tandaan sa paggawa ng plano.

1. Pagpili ng Gawain ayon sa pangangailangan

Pumili ng proyekto o Gawain na may kapakinabangan, madalas gamitin at

naaayon sa pangangailangan sa pang-araw na buhay.

2. Pagpili ng mga materyales na may kakayahan

Maging maingat sa pagpili ng mga materyales na gagamitin upang maging

matibay ang gagawing proyekto.

3. Pagpili ng gamit na madaling hanapin at bilhin

Pumili ng kagamitan na madaling Makita o mabili upang hindi mahirapan sa

panahon ng pagbuon ng plano sa napiling proyekto.

Page 5: Paghahanda Ng Planosa Isang Gawain

3

Narito ang mga bahagin upang mabuo ang isang plano ng proyekto.

I. Pamgalan ng proyekto.

II. Layunin ng proyekto.

III. Talaan ng mga materyales.

a. Bilang

b. Yunit

c. Sukat at katangian ng materyales

d. Halaga ng bawat piraso

e. Kabuuang halaga

f. Pangkalahatang halaga

IV. Mga Kasangkapan

V. Disenyo o krokis ng proyekto

VI. Mga hakbang

Halimbawa ng isang plano ng proyekto

PLANO NG PROYEKTONG “EXTENSION CORD”

I. Pangalan ng Proyekto: “EXTENSION CORD”

II. Layunin ng proyekto:

Makagawa ng panibagong saksakan upang makaabot sa iba’t ibang bahagin ng tahanan.

III. Talaan ng mga Materyales

Bilang Yunit Sukat at Katangian ng Materyales Halaga ng

Bawat

Piraso

Kabuuang

Halaga

1 Piraso Saksakan (Outlet) P25.00 P25.00

5 Metro Kawad pang Elektrisidad “Duplex” # 16

Standard

P12.00 P60.00

1 Piraso Plug (Male) P8.00 P8.00

PANGKALAHATANG HALAGA P93.00

Page 6: Paghahanda Ng Planosa Isang Gawain

4

IV. Mga Kasangkapan:

1. Plais

2. Wire stripper

3. Disturnilyador

V. Disenyo o Krokis ng proyekto:

VI. Mga Hakbang:

1. Ihanda ang lahat ng mga materyales at kasangkapan sa paggawa.

2. Bago umpisahan ang Gawain kailangan munang isipin ang mga pamantayan sa

maingat na paggawa.

3. Gamitin ang disturnilyador at buksan ang “outlet”. Paluwagin ang dalawang

turnilyo na nasa loob.

4. Balatan ang dulo ng kable ng 2 sentimetro (2 cm.) at paikutin pakanan

“clockwise” upang lumapad pagkatapus ay higpitan ang turnilyo. Parehong

hakbang ang gawin, kunin ang takip at isara ang “outlet”.

Page 7: Paghahanda Ng Planosa Isang Gawain

5

5. Sa paglagay naman ng plug, paluwagin ang dalawang turnilyo, balatan ang dulo

ng kable ng 2 sentimetro (2 cm.) pagkatapos ay ilapat itp sa turnilyo at paikutin

pakanan o “clockwise” at higpitan ang turnilyo. Parehong hakbang ang sundin

sa kabilang turnilyo.

6. Tiyaking huwag magdikit ang dalawang dulo upang maiwasan ang anumang

kapahamakan.

7. Para sa karagdagang pa-iingat magpagabay sa nakatatanda bago isaksak ang

natapos na proyekto.

SUBUKIN MO

• Sa iyong sagutang kuwaderno pumili ng isang proyekto at gawan ito ng plano

• Mga proyektong mapagpipilian

Page 8: Paghahanda Ng Planosa Isang Gawain

6

TANDAAN MO

• Napapadali g anumang gawain kung ito ay napaghahandaan at may mahusay an

plano.

• Ang isang mahusay na plano ay nagdudulot ng magandang resulta sa anumang

gawain.

ISAPUSO MO

• Ano ang kahalagahan ng plano sa isang proyekto?

• Bakit kailangang maging maingat sa pagpili ng gagawing proyekto?

Page 9: Paghahanda Ng Planosa Isang Gawain

7

Binabati kita at matagumpay mong natapos ang dodyul na ito! Maari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.

GAWIN MO

Umisip ng isang proyekto na maaring gawan ng plano. Sundin ng

wasto ang mga hakbang sa paggawa nito at itala sa iyong kuwadernong

sagutan.

PAGTATAYA

• Kopyahin at sagutan ang mga tanong sa iyong sagutang kuwaderno. Lagyan ng tsek (√) Kung Oo at ekis (x) kung Hindi. Tanong Oo Hindi 1. Nakasunod ba ako ng tama sa mga hakbang sa paggawa ng plano?

2. Naging maingat ba ako sa paggawa ng plano? 3. Natapos ko ban g may kagalakan ang plano? • Basahin ang mga tanong at isulat ang sagot sa iyong sagutang kuwaderno.

1. Anu-ano ang mga bahagi ng isang plano? 2. Ano-ano ang mga dapat sundin sa paggawa ng plano? 3. Bakit mahalagang gumawa ng plano bago simulan ang isang gawain?