office of the sangguniang dayan - santa rosa,...

4
fl ' Republic of the Philippines MUNICIPALITY OF SANTA ROSA Province of Laguna OFFICE OF THE SANGGUNI ANG DAYAN SIPI MULA SA KATITIKAN NG IKA-DALAWAMPU'T TATLONG PANGKARANIWANG PULONG NG SANGGUNIANG BAY AN NG SANTA-ROSA, LAGUNA NA IDINAOS SA ARAW NG MIYERKOLES, IKA-16 NG HUNYO, 1999 SA BULWAGANG PULUNGAN NG P AMAHALAANG BAY AN. Mga Dumalo: 1. Kgg. 0. RAMON L. LIJAUCO 2. Kgg. LUISITO B. ALGABRE 3. Kgg. PAULINO Y. CAMACLANG, Jr. 4. Kgg. LAUDEMERA. CARTA 5. Kgg. GIOVANNI T. BUSTAMANTE 6. Kgg. ERIC T. PUZON 7. Kgg. PETRONIO C. F ACTORIZA 8. Kgg. MARCELITO S. LASERNA 9. Kgg. RAUL P. AALA 10. Kgg. ROMEO P. AALA 11. Kgg. ARIES A. ALCABASA **************** - Pang. Punong-bayan-Namuno -Kagawad -Kagawad -Kagawad -Kagawad -Kagawad -Kagawad -Kagawad -Kagawad - Kagawad, Pangulo ng Samahan ng mga Punong-barangay - Kagawad, Pangulo ng Pambayang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan KAUTUSANG BAYAN BLG. 831-'99 (Akda ni Pang. Punong-bayan Lijauco) (Sa mungkahi ni Kag. Factoriza na pinangalawahan ni Kag Laserna) ANG KAUTUSANG BAYAN NA NAG-AATAS SA MGA NAGPAPAUNLAD/GUMAGAWA NG MGA BAGONG SUBDIBISYON, PAMAHAYAN, PANGKALAKALAN O PANG-INDUSTRIYAL AT MGA ESTABLISIMIYENTO NA A YUSIN ANG MGA KANAL NAP ALIWASANG- TUBIG SA KANILANG MGA PAP AUNLARIN/GAGA WING P ARSELA NG LUPAIN. SAPAGKA'T, kailangan ng bayan ng Santa Rosa, Laguna ang kaligtasan sa pinsala ng mga dagliang pagbaha; SAP AGKA'T, anumang kaunlarang industriyal, residensiyal o komersiyal ay dapat magkaroon ng sapat na pamamaraan ng liwasang tubig na angkop sa mga kondisyong umiiral sa kabayanang Santa Rosa, Laguna; SAP AGKA'T, kasama sa kalagayang umiiral ang mabilis na pag-tambak ng lupang banlik dahil sa pag-anod ng lupa mula sa matataas na lugar ng Cavite patungo sa kasalugan ng Lawang Laguna; . SAPAGKA'T, ang mga bukas na bambang o padaluyang tubig ay higit na madaling tanggalan ng burak at linisin kaysa mga nakabaong tubo lamang; ---------·~ · ··~-. ~- .,., ... '--- 7/21/11

Upload: others

Post on 30-Jan-2021

1 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

  • fl

    '

    Republic of the Philippines MUNICIPALITY OF SANTA ROSA

    Province of Laguna

    OFFICE OF THE SANGGUNIANG DAYAN

    SIPI MULA SA KATITIKAN NG IKA-DALAWAMPU'T TATLONG PANGKARANIW ANG PULONG NG SANGGUNIANG BAY AN NG SANTA-ROSA, LAGUNA NA IDINAOS SA ARAW NG MIYERKOLES, IKA-16 NG HUNYO, 1999 SA BULWAGANG PULUNGAN NG P AMAHALAANG BAY AN.

    Mga Dumalo:

    1. Kgg. 0. RAMON L. LIJAUCO 2. Kgg. LUISITO B. ALGABRE 3. Kgg. PAULINO Y. CAMACLANG, Jr. 4. Kgg. LAUDEMERA. CARTA 5. Kgg. GIOVANNI T. BUST AMANTE 6. Kgg. ERIC T. PUZON 7. Kgg. PETRONIO C. F ACTORIZA 8. Kgg. MARCELITO S. LASERNA 9. Kgg. RAUL P. AALA

    10. Kgg. ROMEO P. AALA

    11. Kgg. ARIES A. ALCABASA

    ****************

    - Pang. Punong-bayan-Namuno -Kagawad -Kagawad -Kagawad -Kagawad -Kagawad -Kagawad -Kagawad -Kagawad - Kagawad, Pangulo ng

    Samahan ng mga Punong-barangay

    - Kagawad, Pangulo ng Pambayang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan

    KAUTUSANG BAYAN BLG. 831-'99 (Akda ni Pang. Punong-bayan Lijauco)

    (Sa mungkahi ni Kag. Factoriza na pinangalawahan ni Kag Laserna)

    ANG KAUTUSANG BAYAN NA NAG-AATAS SA MGA NAGPAPAUNLAD/GUMAGAWA NG MGA BAGONG SUBDIBISYON, PAMAHAYAN, PANGKALAKALAN O PANG-INDUSTRIYAL AT MGA ESTABLISIMIYENTO NA A YUSIN ANG MGA KANAL NAP ALIW ASANG-TUBIG SA KANILANG MGA PAP AUNLARIN/GAGA WING P ARSELA NG LUPAIN.

    SAPAGKA'T, kailangan ng bayan ng Santa Rosa, Laguna ang kaligtasan sa pinsala ng mga dagliang pagbaha;

    SAP AGKA'T, anumang kaunlarang industriyal, residensiyal o komersiyal ay dapat magkaroon ng sapat na pamamaraan ng liwasang tubig na angkop sa mga kondisyong umiiral sa kabayanang Santa Rosa, Laguna;

    SAP AGKA'T, kasama sa kalagayang umiiral ang mabilis na pag-tambak ng lupang banlik dahil sa pag-anod ng lupa mula sa matataas na lugar ng Cavite patungo sa kasalugan ng Lawang Laguna;

    . SAPAGKA'T, ang mga bukas na bambang o padaluyang tubig ay higit na madaling tanggalan ng burak at linisin kaysa mga nakabaong tubo lamang; ---------·~· ··~-.~- .,., ...

    '---

    7/21/11

  • r' •'

    Republic of the Philippines MUNICIPALITY OF SANTA ROSA

    Province of Laguna

    OFFICE OF THE SANGGUNIANG DAYAN

    -2-

    SAPAGKA'T, ang kaunlaran sa mga dating lupang sinasaka o tinatamnan ay nakakabawas ng malaki sa pagsipsip ng lupa sa tubig ulan at dumadami ang tubig na kailangang haluwatin sa pamamagitan ng mga yaring paliwasang-tubig upang maiwasan ang peligro sa buhay at ari-arian;

    SAPAGKA'T, dahil sa umiiral na hugis ng lupang Santa Rosa, Laguna ang kailangang huguting tubig sa isang subdibisyon ay hindi lamang ang galing sa ulang pumatak sa mismong loteng pinaunlad kundi pati na ang bumabahang tubig na galing sa mas-mataas na lugar patungo sa kasalugan ng Lawang Laguna;

    NGAYON, SAMAKATUWID ay iniuutos na ang lahat ng mga nagsasagawa ng mga subdibisyon at establisimiyento na ayusin ang mga kanal na paliwasang-tubig sa mga loteng pinauunlad batay sa mga itinatakda ng kautusang bayang ito.

    ARTIKULO I. MGA SAKLA W NG KAUTUSAN

    Seksiyon 1. Saklaw ng kautusang ito ang lahat ng mga magsisigawa ng mga subdibisyon at establisimiyentong pang-industriyal, komersiyo o pamamahay mula sa lupang agrikultura o nakatiwangwang na walang gamit.

    Seksiyon 2. Ang mga sumusunod na kataga ay binibigyang-kahulugan;

    Subdibisyon - anumang pagpapaunlad na kabahagi ang paghahati ng isang lote sa dalawa o higit pang bahagi.

    Establisimiyento - anumang pagpapaunlad na ginagawa para sa gamit pang-negosyo, industriyal man o komersiyo na gumagamit ng bahagi o kabuuan man ng isang lote.

    ARTIKULO II. MGA ALITUNTUNING IPATUTUPAD

    Seksiyon 1. Sa pagkakataong may inihaing kahilingan ng pahintulot ng pagpapaunlad, ito'y ipapaalam ng Municipal Zoning Officer sa Pambayang Inhinyero na siya namang magsasagawa ng inspeksiyon ng lote upang matunton ang kabuuang kapasidad ng mga bambang na makikita sa nasabing lote.

    Ipararating naman ng Pambayang Inhinyero sa Municipal Zoning Officer · ang natunton na kapasidad ng kasalukuyang mga bambang sa loteng sinuri at ang

    *-------~--kailangang gawing kapasidad batay sa Seksiyon 2 ng Artikulo II.

    •• ,,.,, .. .- - •• · ··- ·· •. _ .•..•. ,...-!"> I .- , ,.,;: Bf" ~ ~- i , , ·.~ ,' .;!.:i'li

    ~ ·. '-=:'._rw;:::· : ,:;._:·. .\ '-........ -~------- -- -) ·_

    ,-; u '· 7 . . . / 7 ' ,;, ~_:;;-~==-~o , . r\,.-.,,-___ .. .. _, . / . ..,,...:::- 7; 2- / 11·? ' • • .. ~ :· ,v .. , •• ' . . •

  • Republic of the Philippines MUNICIPALITY OF SANTA ROSA

    Province of Laguna

    OFFICE OF THE SANGGUNIANG DAYAN

    -3-

    Seksiyon 2. Ang nagsasagawa ng subdibisiyon o establisimiyento ay inaatasang gumawa ng bukas na konkretong bambang na katumbas ang 130% ng kapasidad ng kasalukuyang mga bambang ng loteng pinag-uusapan. Ang nasabing bambang o mga bambang ay magsisilbing daanan ng tubig baha mula sa mas mataas na karatig na lupa at palabas ng loteng pinag-uusapan patungo sa direksiyon ng Lawang Laguna. Ang lahat ng ito ay ipapaalam ng Municipal Zoning Officer sa aplikanteng tagapagpaunlad ng lote upang ang mga bambang na kailangan ay isama sa piano ng kaunlaran na ihahain sa Sangguniang Bayan upang pagtibayin at bigyang pahintulot.

    Seksiyon 3. Ang lahat ng nararapat na impormasyon tungkol sa kailangang bambang ay ilalakip ng Municipal Zoning Officer sa pag-ulat niya sa Sanggguniang Bayan kapag tinatalakay nito ang kapahintulutan ng kaunlaran.

    Seksiyon 4. Ang mga iniaatas na konkretong paliwasang-tubig na bambang ay kailangang matapos kasabay ng mga kalsada ng subdibisyon o di kaya'y mga pundasyon sa mga establisimiyento. Ang Pambayang Inhinyero ay manaka-nakang mag-iinspeksyon ng pinauunlad na lugar upang .maiseguro na tinutupad ang mga atas ng kautusang ito.

    Seksiyon 5. Kung sakaling ang pahintulot ng subdibisyon o establisimiyento ay masuspindi o pawalan ng bisa, ang Municipal Zoning Officer ay susulat at makikipag-ugnayan sa Housing and Land Use Regulatory Board upang malaman nito ang hakbang ng pamahalaang bayan.

    ARTIKULO ID. KAPARUSAHAN

    Seksiyon 1. Ang hindi pagsunod sa kautusang ito habang ginagawa ang kalsada ng subdibisyon o pundasyon ng establisimiyento, nangangahulugan ng pagsuspindi sa Development Permit.

    Seksiyon 2. Ang patuloy na pag-suway sa kautusang ito hanggang sa matapos ang kalsada ng subdibisyon o pundasyon ng establisimiyento ay maaring maging dahilan upang pawalan ng bisa ang pahintulot ng pagpapaunlad.

    ARTIKULO IV. PAGPAPAWALANG-BISA

    Ang lahat ng raga kautusang bayan, reglamento o mga bahagi nito na labag o sumasalungat sa kautusang ito ay pinapawalang-bisa o inaamyendahan.

    ~ ----~ . ~ ~7=;:I ;;~~

  • ~

    Province of Laguna

    OFFICE OF THE SANGGUNIANG DAYAN

    -4-

    ARTIKULO V. Ang Kautusang Bayang ito ay ipatutupad mula sa araw ng pinagtibay ng Sangguniang Bayan at paglagda ng Punong-bayan.

    BUONG PAGKAKAISANG PINAGTIBA Y.

    PATOTOO:

    Pinatotohanan:

    (Lgd) 0 . RAMON L. LIJAUCO Pang. Punong-bayan

    Pinagtibay:

    (Lgd) LEON C. ARCILLAS Punong-bayan ·

    Pinatutunayan ko na ang Kautusang ito ay sipi mula sa katitikan ng Ika-23 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Bayan ng Santa Rosa, Laguna noong Ika-16 ng Hunyo, 1999 .

    . -----·'°\ . ..__ .,. .. /~--- ) .

    ~~>------~;,--=j /7. 1· J, L__.-/ 7 l - /( Ci 1