office of the sangguniang...

7
4 y .-.. Republic of the Philippines MUNiCIPALITY OF SANTA ROSA Province of Laguna OFFICE OF THE SANGGUN I ANG DAYAN SIPI MULA SA KATITIKAN NG IKA-APATNAPU'T SIYAM NA PANGKARANIWANG PULONG NG SANGGUNIANG BAY AN NG SANTA ROSA, LAGUNA NA IDINAOS SA ARAW NG MARTES, IKA-28 NG DISYEMBRE, 1999 SA METROGATE SUBDIVISION, BARANGAY TAGAPO, SANTA ROSA, LAGUNA. Mga Durnalo: 1. Kgg. 0. RAMON L. LIJAUCO 2. Kgg. LUISITO B. ALGABRE 3. Kgg. PAULINO Y. CAMACLANG, Jr. 4. Kgg. LAUDEMERA. CARTA 5. Kgg. GIOVANNIT. BUSTAMANTE 6. Kgg. ERIC T. PUZON 7. Kgg. PETRONIO C. FACTORIZA 8. Kgg. MARCELITO S. LASERNA 9. Kgg. RAULP. AALA 10. Kgg. ROMEOP. AALA *************** - Pang. Punong-bayan-Namuno - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad, Pangulo ng Samahan ng mga Punong- Barangay - Kagawad, Pangulo ng Pambayang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan KAUTUSANG BAYAN BLG. 914-'99 (Sa mungkahi ni Kag. Bustamante na pinangalawahan ni Kag. Algabre) ANG KAUTUSANG BAYAN NA NAGSUSUSOG SA PAMBAYANG ALITUNTUNIN SA P AMAMASADA NG MGA TRICYCLE NA DE MOTOR SA BAYAN NG SANTA ROS~ LAGUNA NA PINAGTIBAY SA PAMAMAGITAN NG KAUTUSANG BAYAN BLG. 38-'92 AT PAGLILIMBAG SA KABUUANG KAUTUSANG SUSUSUGAN. I ARTIKULO I PAMAGAT NG KAUTUSANG BAYAN PANGKAT 1. - PANGKAT 2. - Ang Kautusang Bayan ay tatawaging Pambayang Alituntunin sa Pamamasada ng mga Tricycle na de motor sa bayang ito; J~ . N .. L , ,'--\ "'"' . "' -7 .. ,.;,o-· y yl\'~ Pagtatatag ng Municipal Tricycle Franchising Regulatory Commitee (MTFRC) na bubuuin ng isang chairman at mga kasapi na kabibilangan ng dalawang kagawad ng Sangguniang Bayan, Pambayang Ingat-Yaman at Kalihim ng Sangguniang Bayan.

Upload: others

Post on 17-Jan-2020

13 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: OFFICE OF THE SANGGUNIANG DAYANsantarosacity.gov.ph/file-manager/files/ORDINANCES/1999/914-1999.pdf · alituntunin sa p amamasada ng mga tricycle na de motor sa bay an ng santa ros~

4 •

y

.-..

Republic of the Philippines MUNiCIPALITY OF SANTA ROSA

Province of Laguna

OFFICE OF THE SANGGUNIANG DAYAN

SIPI MULA SA KATITIKAN NG IKA-APATNAPU'T SIYAM NA PANGKARANIW ANG PULONG NG SANGGUNIANG BAY AN NG SANTA ROSA, LAGUNA NA IDINAOS SA ARAW NG MARTES, IKA-28 NG DISYEMBRE, 1999 SA METROGATE SUBDIVISION, BARANGAY TAGAPO, SANTA ROSA, LAGUNA.

Mga Durnalo:

1. Kgg. 0. RAMON L. LIJAUCO 2. Kgg. LUISITO B. ALGABRE 3. Kgg. PAULINO Y. CAMACLANG, Jr. 4. Kgg. LAUDEMERA. CARTA 5. Kgg. GIOVANNIT. BUSTAMANTE 6. Kgg. ERIC T. PUZON 7. Kgg. PETRONIO C. FACTORIZA 8. Kgg. MARCELITO S. LASERNA 9. Kgg. RAULP. AALA

10. Kgg. ROMEOP. AALA

***************

- Pang. Punong-bayan-Namuno - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad, Pangulo ng

Samahan ng mga Punong­Barangay

- Kagawad, Pangulo ng Pambayang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan

KAUTUSANG BAYAN BLG. 914-'99 (Sa mungkahi ni Kag. Bustamante na pinangalawahan

ni Kag. Algabre)

ANG KAUTUSANG BAYAN NA NAGSUSUSOG SA PAMBAYANG ALITUNTUNIN SA P AMAMASADA NG MGA TRICYCLE NA DE MOTOR SA BAY AN NG SANTA ROS~ LAGUNA NA PINAGTIBAY SA PAMAMAGITAN NG KAUTUSANG BAYAN BLG. 38-'92 AT PAGLILIMBAG SA KABUUANG KAUTUSANG SUSUSUGAN.

I

ARTIKULO I PAMAGAT NG KAUTUSANG BAYAN

PANGKAT 1. -

PANGKAT 2. -

Ang Kautusang Bayan ay tatawaging Pambayang Alituntunin sa Pamamasada ng mga Tricycle na de motor sa bayang ito;

J~ .

~ N .. L

, ,'--\ "'"' . "'-7 .. ~ ,.;,o-· y yl\'~

Pagtatatag ng Municipal Tricycle Franchising Regulatory Commitee (MTFRC) na bubuuin ng isang chairman at mga kasapi na kabibilangan ng dalawang kagawad ng Sangguniang Bayan, Pambayang Ingat-Yaman at Kalihim ng Sangguniang Bayan.

Page 2: OFFICE OF THE SANGGUNIANG DAYANsantarosacity.gov.ph/file-manager/files/ORDINANCES/1999/914-1999.pdf · alituntunin sa p amamasada ng mga tricycle na de motor sa bay an ng santa ros~

'~

~

--..

Republic of the Philippines MUNICIPALITY OF SANTA ROSA

Province of Laguna

OFFICE OF THE SANGGUNIANG DAYAN

-2-

PANGKAT 3. - Ang MTFRC ay binibigyan ng kapangyarihan na siyang mangasiwa sa paggagawad · ng prangkesa o linya sa mga operator ng tricycle na de motor, bagama't ang anumang paghahabol ukol dito ay maaaring iharap sa Punong-bayan.

ARTIKULOII PANGANGAILANGAN NG LINYA/PRANKESA

PANGKA T 4. - Ang lahat ng nagmamay-ari ng pamasadang tricycle na de motor sa bayang ito ay dapat kumuha, hindi lamang ng kinakailangang "Mayor's Permit" kundi higit sa lahat ay ang kaukulang Linya/Prankesa bago sila makapamasada.

PANG KAT 5. - Ang maaari lamang pagbigyan ng linya/prankesa sa bayang ito ay ang mga naninirahan dito.

ARTIKULOill MGA KAILANGAN SA PAGKUHA NG LINY A/PRANKESA

P ANGKA T 6. - Sa pagkuha ng prankesa ay dapat na ang may-ari ng tricycle ay maghain ng kaukulang kahilingan o application sa Municipal Tricycle Franchising Regulatory Committee na ang gagamiting promu­laryo ay maaaring manggaling sa munisipyo

PANGKAT 7. - Ang kahilingan ay dapat lakipan ng kopya ng Certificate of Registration (CR) ng tricycle at ng kopya ng Official Receipt (OR) sa pagkakabayad ng rehistro ng tricycle at kopya ng anumang dokumento na nagpapatunay na ang aplikante ay isang Filipino. Ito ay maaaring Birth Certificate, Voter's ID o kaya'y Affidavit ng dalawang tao na hindi ka1J1ag-anak ng aplikante na nagpapatunay na siya ay Filipino, o kaya ay sertipikasyon ng Mayor o Barangay Captain na ang aplikante ay Filipino.

Page 3: OFFICE OF THE SANGGUNIANG DAYANsantarosacity.gov.ph/file-manager/files/ORDINANCES/1999/914-1999.pdf · alituntunin sa p amamasada ng mga tricycle na de motor sa bay an ng santa ros~

'~

~

.-..,

~ Republic of the Philippines

MUNICIPALITY OF SANTA ROSA Province of Laguna

OFFICE OF THE SANGGUNIANG DAYAN

-3-

PANGKA T 8. - Bukod sa mga pangangailangang binanggit sa alinmang pangkat ay kailangan ding magharap ang sinumang aplikante ng kopya ng insurance ng tricycle at certification ng Municipal Engineer ( o sinumang opisyal ng bayan na piliin ng Sang­gunian) na nagpapatotoo na ang sasakyan ay "road worthy".

ARTIKULOIV MGADAPATBAYARAN

PANGKAT 9. - Sa sandaling maghain ng kahilingan ay magbabayad ang aplikante ng sumusunod na mga halaga:

a. Para sa Filing Fee - - - - - - - - - - - P 150.00 b. Para sa Legal Research Fund Fee - 10.00 k. Para sa Certification - - - - - - - - - 10.00 d. Para sa Supervision Fee - - - - - - - 40.00

PANGKAT 10. - Ang aplikante o franchise holder ay magbabayad din taun-taon, tuwing bago dumating ang ika-20 ng Enero ng Mayor's Permit sa halagang sumusunod:

Mayor's Permit - - - - - - - - - - - - - - P 40.00 Garage Fee - - - - - - - - - - - - - - - - - 10.00 Garbage Fee - - - - - - - - - - - - - - - - 20.00 Cost of Plate - - - - - - - - - - - - - - - - 90.00 (NOTE: P90.00 for plate for the 1st year; succeeding year is P40.00 for the sticker) Ang hindi magbayad ng nabanggit na halaga sa taning na panahon ay papatawan ng multang 50% ng halagang dapat bayaran.

ARTIKULOV MGA ALITUNTUNIN

Page 4: OFFICE OF THE SANGGUNIANG DAYANsantarosacity.gov.ph/file-manager/files/ORDINANCES/1999/914-1999.pdf · alituntunin sa p amamasada ng mga tricycle na de motor sa bay an ng santa ros~

,~

{

r' ........

. .un! Republic of the Philippines

MUNiCIPALITY OF SANTA ROSA Province of Laguna

OFFICE OF THE SANGGUNIANG DAYAN

-4-

PANG KAT 11. - Ang alinmang pamasadang tricycle ay dapat lamang ipamamasada o gamitin sa pagpapasada sa mga lansangan at rutang nakatakda o ibinigay sa kanila, at hindi iyon maaaring gumamit ng mga lansa­ngang nasyonal o national highway maliban sa pagbagtas o pagtawid <loon.

PANGKAT 12. - Walang driver na maaaring magpasada o magma­neho ng tricycle kung siya ay walang kaukulang Professional Driver's License.

PANGKAT 13. - Ang driver/operator ay dapat sumunod sa mga kautusan at alituntuning itinakda rito at sa lahat ng mga batas trapiko at mga regulasyon na may kinalaman sa pagpapatakbo ng mga sasakyang de motor.

PANGKAT 14. - Sa loob ng tatlumpung (30) araw simula sa pagtanggap na irehistro ang tricycle bilang pama­sada (for hire) sa Tanggapan ng L.T.0. na kung saan ang tricycle na iyon ay nakarehistro.

PANGKAT 15. - Ang pamasahe na dapat singilin ng driver/ operator sa mga pasahero ay halagang P3. 00 para sa unang isang kilometro at may dagdag na P0.50 sa bawa't susunod na kilometro, maliban kung ang taripang ito ng pamasahe ay baguhin sa Sanggunian pagkata-· pos na iyon ay magkaroon ng Public Hearing sa kahilingan ng sinumang "interested party". Ang pamasahe ng mga estudyante/mag-aaral, elemen­tarya, high school at nasa kolehiyo ay kalahati ng itinatadhanang pamasahe. Sa pagpapatupad nito at may pagdududa ang driver ay maaaring hilingin ng mga driver na ipakita ng mag-aaral ang kanilang school Identification Card.

PANGKAT 16. - Ang Special Authority (SA) o prangkesa ay may bisa sa loob ng dalawang (2) taon simula sa pag­kuha nito at iyon ay maaaring ipagpatuloy o mag­renew pagkaraan ng naulit na taning kung sa pasiya ng Municipal Tricycle Franchising Regulatory Committee (MTFRC) ay maaaring iyon ay ma­renew. Ang kapasiyahan ng MTFRC ukol doon ay maaaring ipaghabol sa Punong-bayan.

Page 5: OFFICE OF THE SANGGUNIANG DAYANsantarosacity.gov.ph/file-manager/files/ORDINANCES/1999/914-1999.pdf · alituntunin sa p amamasada ng mga tricycle na de motor sa bay an ng santa ros~

,~

~

r-- ~

Republic of the Philippines MUNICIPALITY OF SANTA ROSA

Province of Laguna

OFFICE OF THE SANGGUNIANG DAYAN

-5-

PANGKAT 17. - Kung walang kaukulang pagtitibay (approval) ang MTFRC, ang driver/operator ay hindi pinahihintulu­tang magdagdag, maglipat o mag-alis ng tricycle at hindi rin siya pinahihintulutang tumigil sa o iwanan ang pagmamaneho (abandonement) o pamamasada. Kung gagawin niya ang alinman sa mga iyon na walang pahintulot angMTFRC ay maaaring kanse­lahin ang linya o prangkesa at mawawalan na siya ng karapatan ng _bigyang muli ng prangkesa.

ARTIKULOVI IBA PANG MGA ALITUNTUNIN

PANGKAT 18. - Lahat ng pamasadang tricycle ay dapat magkaroon ng sariling ruta alinsunod sa Kautusang Bayan Blg. 101-A-'94 at iba pang Kautusang nagtatakda nito na ang pinagtibay ay itinatala tulad ng sumusu­nod:

1. Poblacion - Market Area Terminal (Ibaba, Kanluran, Malusak)

2. Sinalhan - Market Area Terminal 3. Subdivision - Market Area Terminal

(Tatlonghari Street) 4. Aplaya - F. Gomez Street 5. Caingin - F. Gomez Street 6. Labas - Market Area Terminal 7. Pook - Market Area Terminal 8. Balibago - Balibago Terminal 9. Pulong Sta. Cruz - Balibago Terminal 10. Macabling - Balibago Terminal 11. Dila - Labas- Loob (Golden City) 12. Dita - Dita Terminal 13. San Lorenzo - Labas - Loob 14. Mabuhay - Dila- Labas (Mabuhay Homes) 15. Dila - Balibago - Sta. Rosa Complex 16. Dita - Malitlit - Sol Phase 1-C

Maliban sa itinakdang ruta ay ipinagbabawal ang pagbagtas sa ibang rutang ipinagkaloob sa mga namamasadang "Tricycle" maliban sa mga sumusunod:

Page 6: OFFICE OF THE SANGGUNIANG DAYANsantarosacity.gov.ph/file-manager/files/ORDINANCES/1999/914-1999.pdf · alituntunin sa p amamasada ng mga tricycle na de motor sa bay an ng santa ros~

I

,~

~

I""""' ,........

.~ Republic of the Philippines

MUNICIPALITY OF SANTA ROSA Province of Laguna

OFFICE OF THE SANGGUNIANG DAYAN

-6-

a. Kung ang pasahero ay mag-aaral b. Kung may sakay na kalakal o paninda k. Sa matinding pangangailangan o kung

mayroong "emergency"

at ipatutupad kung araw ng Lunes hanggang Biyemes sa ganap na Ika-6 ng umaga hanggang Ika-6 ng gabi.

ARTIKULO VII TRANSITORY PROVISIONS

PANGKAT 19. - Sa sandaling mapagtibay ang kautusang ito, ang MTFRC ay mag-iimbentaryo ng dami ng bilang ng tricycle sa bayang ito, kaya iping-uutos sa lahat na may pamasadang tricycle dito na sila'y magreport kaagad sa MTRFC upang sa paggagawad ng prangkesa sa mga kinauukulan ay mapabilang sila sa mga dapat bigyan.

PANGKAT 20. - Pagkatapos ng imbentaryo ng mga tricycle ay ang MTFRC ay gagawa ng masusing pag-aaral upang tiyakin ang bilang ng tricycle na dapat ipamasada · sa bayang ito upang iyon ay irekomenda sa Sanggu­niang Bayan at makapagpasiya naman ito ukol sa ilan ang dapat pahintulutan na makapamasada at upang sa gayon naman ay mabigyan ng proteksyon, hindi lamang ang mga pasahero o "riding public" kundi gayon din ang mga may-ari ng tricycle, sa pamamaraang hindi naman sila malulugi sa kanilang pamumuhunan sa pagkabili ng tricycle.

PANGKAT 21. - Pagkatapos din ng naulit na imbentaryo at maitakda ng Sanggunian ang bilang ng mga tricycle na dapat mamasada ay itataning ang takdang panahon na dapat magreport ang mga may-ari ng tricycle ukol sa kanilang pagkakaroon ng prangkesa. Kung sa loob ng naulit na taning ay hindi sila makapag­report at nagkataon na ang takdang bilang na dapat mabigyan ng prangkesa ay napunan na ay hindi na maaaring magdagdag pa ang MTFRC ng maibibi­gay na prangkesa sa susunod pang aplikante.

Page 7: OFFICE OF THE SANGGUNIANG DAYANsantarosacity.gov.ph/file-manager/files/ORDINANCES/1999/914-1999.pdf · alituntunin sa p amamasada ng mga tricycle na de motor sa bay an ng santa ros~

. ' r- ~

Republic of the Philippines MUNICIPALITY OF SANTA ROSA

Province of Laguna

OFFICE OF THE SANGGUNIANG DAYAN

-7-

ARTIKULO VIII PARUSA SA MGA PAGLABAG

PANGKAT 22. - Ang sinumang lalabag sa mga alituntuning nakasaad dito ay parurusahan ng multa na P 1,000.00 pagkabilanggo ng hindi bababa sa 15 araw o kaya ang dalawang parusang ito ayon sa pasya ng huk:uman bukod pa sa parusang nakasaad sa ilalim ng kinauuk:ulang tadhana dito.

PANGKAT 23. - Ang Kautusang ito ay magkakabisa matapos na ito ay mapalathala sa pahayagang may sirk:ulasyon sa Lalawigan ng Laguna at matapos na ipaskil sa mga hayag na lugal.

P ANGKA T 24. - Ang lahat ng batas na kataliwas ng itinatadhana ng Kautusang ito ay ipinawawalang-bisa samantalang ang iba pang batas na napagtibay na may kinalaman sa pinapaksa ay maybisa at patuloy pa ring ipatutupad.

BUONG PAGKAKAISANG PINAGTIBA Y.

PATOTOO:

Pinatotohanan:

(Lgd) 0. RAMON L. LIJAUCO Pangalawang Punong-bayan

Pinagtibay:

(Lgd) LEON C. ARCILLAS Punong-bayan

Pinatutunayan ko na ang Kautusang ito ay sipi mula sa katitikan ng Ika-49 na Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Bayan ng Santa Rosa, Laguna noong Ika-28 ng Disyembre, 1999.

~~j

CYN .GOMEZ P yan Kalihim