mga halamang pakain sa kambing
TRANSCRIPT
ISSN 1655-2202CLARRDEC Leafl et 2009 No.3
Mga Halamang Pakain sa Kambing
Nagsaayos at nagprodyus:
Regional Applied Communication Offi ceCentral Luzon Agriculture and ResourcesResearch and Development Consortium
at
Extension Offi ceCentral Luzon State University
Science City of MuñozNueva Ecija 3120
Telefax: (044) 456-0609/ 456-5203
Copyright © 2010 by Central LuzonAgriculture and Resources Research
and Development ConsortiumCentral Luzon State University
PCARRD.1998.Raising Small Ruminants under Coconuts: A Training Module.Los Baños Laguna
PCARRD.2001.Community Facilitators’ Training Course on Integrated Approach to Goat Management.Los Baños Laguna
Halaman Klase ng Bulate Gabay sa Paggamit
Pakwan TapewormIpakain ang butohanggang kaya/adlibidum
Atis Karaniwang bulate
Ipakain ang butohanggang kaya/adlibidum
Makabuhay Karaniwang bulate
Ipakain ang isang basket ng dahon
Kamatsile Karaniwang bulate
Ipakain ang dahonhanggang kaya/adlibidum
Kakawate Karaniwang bulate
Ipakain ang dahonhanggang kaya/adlibidum
Aludig Karaniwang bulate
Pakuluan ang tangkay at ibigay isang beses sa isang araw
Langka Karaniwang bulate
Ipakain ang dahon ng isang beses sa isang linggo
Bunga/Nganga Liver Fluke
Ihalo ang bunga sa7 parte ng tubigpara sa hayop namay timbang na50 kg
Table 2. Mga Halamang Pakain at Pampurga
Pinagkunan ng Teknolohiya
Panimula
Ang punong legumbre tulad ng ipil-ipil, kakawate, katuray, akasya, kamatsile at iba pang halaman ay mainam na ipakain sa alagang hayop tulad ng kambing.
Taliwas sa akala ng iba, ang mga dahon, bulaklak at bunga ng mga ito ay nakabubuti sa kalusugan ng kambing.
Ito ay magandang suplemento o karagdagang pakain sa kambing upang tustusan ang pangangailangan sa protina at pangkalahatang nutrisyon nito.
Ang iba’t ibang klaseng puno ng legumbre ay mainam na ibigay tuwing p a n a h o n na kaunti ang damo o di kaya’y mataas ang k a r g a n g bulate ng h a y o p . Ang ilan sa mga ito ay nagtataglay ng “anthemic properties” o mga elemento na nakaaalis ng bulate. Kailangang hindi lalampas sa 30% ng kabuuang pakain ang dami ng ibibigay sa hayop upang hindi maging sanhi ng kabag o “bloating”.
Ang mga pinagtabasang kinahoy o punong pambakod ay maaaring pagkunan ng mga legumbreng pakain sa kambing. Isagawa ang unang pagputol kapag ang tanim na halaman ay may taas na 1.5-2.0 metro at kung mas marami na ang sanga kumpara sa dahon ang tubo nito.
Pagtatanim
Magtanim ng iba’t ibang klase ng punong legumbre at iba pang halaman na maaaring ipakain sa hayop sa lugar na napili. Bigyan ng karampatang pag-aalaga ang mga ito tulad ng pagdidilig, pagdadamo at pagbabakod upang mabuhay at dumami.
PagpapakainIbigay ang
dahon, bulaklak, at bunga ng punong legumbre o iba pang halaman sa dami na 30 porsiyento lamang ng kabuuang timbang ng sariwang damong dapat ipakain sa hayop ayon sa kanyang timbang.
Mga Kabutihan o Benepisyo
Ilan sa mga kabutihang maidudulot ng pagpapakain ng punong legumbre at iba pang halaman ay: (a) gaganda ang kalusugan at lalakas ang resistensiya laban sa sakit; (b) mababawasan ang bulate ng hayop dahil may mga punong legumbre o halaman na maaaring pamurga; (c) masisiguro ang supply o mapagkukunan ng pagkain sa buong taon; at (d) bukod sa pakain sa hayop, maaari din itong magsilbing pambakod o panggatong.
Punong Legumbre Bahagi na Maaaring Ipakain
Ipil-ipil Dahon
Kakawate Dahon
Katuray Dahon, Bulaklak
Akasya Dahon, Bulaklak
Kamatsile Dahon, Bulaklak
Halimbawa, ang isang kambing na tumitimbang ng 30kg ay nangangailangan ng 4.5kg sariwang damo (3% body weight). Ang tamang dami ng pakain na dapat ibigay dito ay 1.35kg lamang (30% of 4.5kg).
Table 1. Bahagi ng Legumbreng Maaarng Ipakain