memoirs of a ruthless heart breaker 1 - copy

284
1 Memoirs of A Ruthless Heartbreaker I break hearts for cash. Sawa ka na ba sa boyfriend mong gαgo? Kating-kati ka na ba na gantihan ang ex mong tαrαntαdo? Pagod ka na ba sa syota mong manloloko? Gustong-gusto mo na bang turuan ng leksiyon ang jowa mo? E ang makipag-break sa kanya pero di mo alam paano? Well, worry no more. Akong bahala sa’yo. Revenge na hinahanap mo, Ako ang gagawa para sayo! Siguradong walang gusot. Lahat ng utos mo makakalusot. Asahan mong malinis ang bawat kilos. Walang bakas na maiiwan ang bawat haplos. Garantisadong walang butas. Siguradong uuwi siyang luhaan bukas. Ano, interesado ka ba? Kung oo, text na! Key in HRTBRKR [space] [name] [space] [problema] then send to 09175**41** Siguraduhin lang na kayang bayaran Dahil no money, no service, kabayan! 23 Nov 2009 - 11 Sept 2010 © sweetrax No plagiarism. Do not reproduce without the author’s consent.

Upload: jen-lafuente-guro

Post on 24-Oct-2014

163 views

Category:

Documents


2 download

TRANSCRIPT

Page 1: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

1

Memoirs of A Ruthless Heartbreaker

I break hearts for cash.

Sawa ka na ba sa boyfriend mong gαgo? Kating-kati ka na ba na gantihan ang ex mong tαrαntαdo?

Pagod ka na ba sa syota mong manloloko? Gustong-gusto mo na bang turuan ng leksiyon ang jowa mo?

E ang makipag-break sa kanya pero di mo alam paano?

Well, worry no more.

Akong bahala sa’yo.

Revenge na hinahanap mo, Ako ang gagawa para sayo!

Siguradong walang gusot.

Lahat ng utos mo makakalusot.

Asahan mong malinis ang bawat kilos. Walang bakas na maiiwan ang bawat haplos.

Garantisadong walang butas. Siguradong uuwi siyang luhaan bukas.

Ano, interesado ka ba?

Kung oo, text na!

Key in HRTBRKR [space] [name] [space] [problema] then send to 09175**41**

Siguraduhin lang na kayang bayaran

Dahil no money, no service, kabayan!

23 Nov 2009 - 11 Sept 2010 © sweetrax

No plagiarism. Do not reproduce without the author’s consent.

Page 2: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

2

Revenge 01

The Cheater's Mishap Target located. Pumasok na ako sa loob ng isang first class restaurant kung saan nandoon ang current target ko. As expected, kasama niya yung babae niya. Alright, the show’s about to start in 5 seconds. 5… Dire-diretso ako sa table nila. Looking at their faces, mukhang masayang-masaya silang dalawa. Wala silang kaidi-idea na in a matter of seconds, babaha ng luha dito sa restaurant na `to. 4… Nararamdaman ko ang bawat titig ng ibang customer dito sa restaurant. Wala namang kaso yun sa’kin. In fact, I’m about to give them a show—a very pleasant show. 3… Ilang hakbang na lang ang layo nila sa’kin. Still, mukhang absorbed pa rin sila sa sarili nilang mundo. habang papalapit ako ng papalapit, unti-unti ring lumalapit sa kanila ang malas. 2… Bahagyang napalingon sa’kin yung babae. Mukhang nakuha ko na rin ang atensyon niya. Ni-ready ko na ang sarili ko at lahat ng napag-usapan namin ng client ko. And 1… “What’s the meaning of this, Chris?” “Excuse me? Who are you?” mataray na sabi nung babae. Di naman ako nasindak. “I’m Elle, his girlfriend.” Napalingon sa’kin yung target ko—si Chris. Kunot na kunot yung noo niya. Siguro, sinusubukan niyang alalahanin kung sino ako. “Girlfriend? Paano mangyayari yun, eh, ako ang fiancée niya?” naiiritang sabi nung babae. “F-Fiancee? Pero sabi mo Chris, ako ang papakasalan mo?” “I-I’m sorry, Miss, pero I don’t know you!” “You don’t know me? Ganyan ka ba talaga kagαgo, Chris? Pagkatapos mo akong buntisin, iitsapuwera mo na lang ako?” Nagpa-panic na yung si Chris. Di siya mapakali sa inuupuan niya. Nakukuha na rin namin ang atensyon ng iba pang customers dito. The show’s getting intense, huh. “Totoo ba yun, Chris? Tell me!” sigaw nung babae. Halatang hindi niya nagugustuhan yung mga nangyayari. “Ano pa bang gusto mong malaman, Miss? Hindi pa ba sapat ang umbok na `to sa tiyan ko para patunayan na manloloko yang fiancé mo? Kita mo nga, tinu-two time na pala niya tayo! At balak niya pa tayong pakasalan pareho!” “What are you talking about?! I don’t even know you!” “Iyan ba ang gusto mong maging asawa mo, Miss? Pagkatapos kang buntisin, ide-deny ka na lang basta-basta dahil nakakita na siya ng bago niyang babae? Oh,

Page 3: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

3

c’mon! Don’t fall for his crap!” Tumayo yung babae sa pwesto niya tapos pinaghahampas-hampas ng bag si Chris. Umiiyak na rin yung babae. Poor girl. She fell for that bastard. “I hate you, Chris! You’re such an irresponsible guy! I can’t believe na papakasalan mo lang ako dahil tinatakasan mo ang responsibilidad mo sa kanya!” Hindi makapagsalita si Chris. Masyado siyang caught up sa mga nangyayari. Yung babae naman, pilit niyang tinatanggal yung engagement ring na kabibigay lang ni Chris sa kanya. “Hayan, ayan na yang fcking engagement ring na yan. Ayokong magpakasal sa’yo. At mas lalong hinding-hindi na rin ako magpapauto sa’yo!” The lady gave him one big slap then walked out of the place. Nagsimulang magbulung-bulungan yung mga tao sa loob. Shocking nga naman yung na-witness nila di ba? Well, it’s nothing new for me. “That serves you right, α-hole!” Sinampal ko rin siya. Para pantay naman di ba? Naglakad na rin ako palabas ng restaurant. Kaso, di katulad nung fiancée ni Chris, I walked out of the restaurant with a big smile on my face. Mission accomplished. Tinawagan ko kaagad si Maxie, yung client ko. “Hey, Maxie. The job’s done. Pretty easy, huh.” “Thank you, Alexis! I owe you one.” “You know what to do next, right?” “Oo naman. Bukas na bukas din, idedeposit ko yung fifteen thousand na napag-usapan natin.” Tinapos ko na yung tawag tapos pumasok na loob ng kotse ko. Grabe yung scene kanina. Ni hindi man lang nag-init yung pwet ko. Ang bilis natapos. Ang bilis kasi kumagat nung babae. I don’t care anyway. Ang mabuti, successful yung project kong yun. I’m fifteen thousand richer this time. Oh. Sorry for being rude. Hindi ko pa pala naipapakilala yung sarili ko. I’m Alexis Danielle Fernandez. People usually call me Alex. Alias ko lang yung Elle na yun kanina. I need to protect my identity. Mahirap na baka mabuking ako. The scene earlier? That’s my job—well, hobby actually. People hire me to do the job for them. Just like Maxie. She hired me to teach her ex-boyfriend a lesson. Nalaman kasi niyang niloloko na pala siya ng boyfriend niya which is Chris. How cruel of me, right? Kaya nga Ruthless Heartbreaker ang tawag nila sa'kin eh. I break other people's hearts even though they don't really mean a thing to me. Ni wala nga silang atraso sa'kin. I even ask them to pay me for my services. Oh, well, isang tao lang may kasalanan kung bakit ako nagkaganito. At hindi na siya dapat pang pag-usapan. Hindi ko pa rin kasi nakakalimutan ang ginawa niya sa'kin.

Page 4: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

4

If there's one thing he taught me about love, it's that Love can't exist without hurting others' feelings. And that's what I do. Oh, let me tell you this. He broke my heart for the sake of money. That's why, I break hearts for cash.

Revenge 02 The Unexpected Sighting `Seems like I’m going to be fifteen thousand richer tonight. May bago na naman kasi akong mission. Well, I never ran out of missions, anyway. Marami kasing babaeng natatauhan na at hindi na nagpapauto sa mga jerks na lalaki. Hindi naman sa nag-ge-generalize ako, ha? Marami lang talagang gagong lalaki. I had enough experiences with them so I know them first hand. Rock n’ Dine. This is where I usually do my missions. Convenient kasi para sa’kin yung place since my sister Ria owns it together with her boyfriend for six years na si Lex. Also, this is where I had my heart broken by that guy. Another reason why I do my business here. Gusto kong i-avenge ang puso ko. Hindi man directly sa kanya, at least, sa mgakatulad niya. I checked my watch and it says 10pm. Alright, the show’s about to start in a minute. I just can’t wait to have another heart broken. “Dan, isa pa ngang shot ng tequila,” sabi ko sa bartender. Kailangan ko `to. Pampalakas ng loob. Nang maramdaman kong umeepekto na yung nainom ko, nagsimula na akong maglakad papunta sa pwesto ng target ko. Confident akong naglalakad papunta sa pwesto ng target ko. I could even feel other guys watching me walk gracefully and even checking me out. Some guys really are jerks. Pero mukhang nawala ang poise ko nang makita ko siya—the guy who molded me to become the person I am today. All of a sudden, my whole world was frozen. The only thing that continues to move was him. He was making his way towards me. Sh.t, I’m not liking this feeling. I should hate him for playing with me and my heart. “Have you seen Ria?” Nalunok ko yata ang dila ko kaya umiling na lang ako. Bakit ba ako laging ganito kapag nakikita ko siya? Something’s really wrong with me. “See you around, Alex,” sabi niya tapos naglakad na palayo. Ako naman, ayun, na-stuck na dun. Pilit kong ibinalik ang composure kong nawala nang makita ko siya. Sh.t Matapos ang ilang minuto, nakabalik na ako sa reality. Back to business na ulit ako. Nilapitan ko na yung target. Madali ko nang nakuha yung atensyon niya. Sa suot ko ba naman ngayon,

Page 5: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

5

hindi ko pa makuha atensyon niya? “Mind if I join you?” “No, not at all,” sabay ngiti ng nakakaloko. “Thanks. Wala na kasing table na vacant eh.” That’s a lie. Sinabi ko lang yun para maisip niyang interesado ako sa kanya. “I’m Jane. You are?” “Earl. Nice meeting you, Jane.” “Thanks. Nice meeting you, too, Earl.” “The pleasure’s mine, pretty lady. So, you have someone with you?” “Nah. I’m very much single. How about you?” “Always available, honey.” May civil status na pala ngayon na ‘Always available.’ Akala ko single, in a relationship, married, widowed, at saka separated lang. Well, kung gusto niyo isama na rin natin yung ‘It’s Complicated’ ayon sa mga social networking sites. “Let’s dance.” “Sure.” Nauna siyang tumayo tapos hinawakan niya yung kamay ko. Hinila na niya ako sa dancefloor. Syempre, nu pa ba gagawin namin dun kundi sumayaw? Nung naughty songs na yung pinapatugtog, his hands were all over my body. Nakakabastos pero it’s part of the show. Masyadong mabilis si Kuya, ah. “I want a drink,” bulong ko sa kanya. Umalis na kami sa dancefloor tapos ginuide niya ako papuntang bar counter. While doing so, his hands were on my waist. Mabilis talaga dumiskarte si Kuya. Kakakilala pa lang namin, chumachansing na. “What do you want?” “Blue Margarita, please.” Habang umoorder siya dun, I took my phone and texted someone. The real show’s about to start. “So, where do you want to go after this?” “Hmm. I don’t know. It’s up to you,” sabi ko tapos kinagat ko yung lower lip ko. I looked at him dreamily. “Honey, don’t do that.” “Do what?” maang-maangan ko. Kunyari clueless sa sinasabi niya. “You’re tempting me.” I looked at him and saw him looking at my lips as if he was so hungry, he wants to devour it. I can also see desire in his eyes. Mukhang hindi na natiis ni Kuya ang desire niyang yun. His face was working its way towards me. Moments later, our faces were only a few centimeters apart. But then… “Earl?” Napaayos ng upo si Earl. Gulat na gulat yung expression niya. Para siyang bata na nahuling kumukupit ng barya sa bulsa ng damit ng nanay niya.

Page 6: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

6

Oops. Caught red handed. “Dayne. I c-can explain.” “You should. What’s that supposed to mean? Sino yang babaeng yan?” “She’s a nobody, okay.” Napataas naman ang kilay ko dun. I’m a nobody? Hoy, Mister, hindi mo ako kilala. Nobody pala ha. “She’s the one who initiated it, Dayne. She’s flirting with me!” “Hey, excuse me, ha? Wala nga akong ginagawa sa’yo eh. You’re such a liar!” “B!tch, ikaw kaya ang nakipag-flirt sa’kin.” “!@#$ ka pala eh. E bakit ka pumatol?” `Langya tong lalaking to. Lakas mang-akusa ah. Sarap durugin. “Ano ba?!” sigaw nung Dayne. “Please, Dayne, listen to me. Siya yung flirt!” “Pwede ba? Tigilan mo ako, Earl. Hindi pa ba sapat yung nakita ko para maputunayan kung ano talaga yung nangyari?” Natahimik naman si Earl. Kala niya siguro siya yung kakampihan nung Dayne. “At ikaw naman, Miss, ang kapal ng mukha mo. Pinapatulan mo ang boyfriend ng may boyfriend! Whore!” “You don’t know me so don’t you call me names!” Binalingan naman niya yung Earl. Kala siguro nun, nakaligtas na siya. “At ikaw, walang hiya ka! I’m so tired of understanding you! Palagi mo naman akong niloloko!” The guy received a well-deserved slap. Bakat pa nga yung marka nung palad nung Dayne. Hinablot nung Dayne yung inorder kanina ni Earl na Blue Margarita para sa’kin. Walang kaseremo-seremonyang binuhos niya sa’kin yung laman nun. Fckng sh.t. “Tama lang yan sa inyong dalawa! An a-hole and whore!” “I can’t stand this! I’m leaving. Oh, I have one last souvenir for you Earl.” I placed my hands on his shoulders and the next thing we knew he was aching in pain. `Serves him right. Oh, well, I just knocked his balls. Kala niya papatalo ako? No way. Iniwan ko na sila dun. Dire-diretso ako sa office ni Ria sa second floor. Nandun kasi yung bag at gamit ko. May CR naman dun plus shower kaya pwede akong maligo. Nanlalagkit ako dahil sa blue margarita na yun. Pumasok ako sa CR tapos inayos ko muna yung sarili ko. Tinggal ko yung grey colored contacts ko. Inalis ko rin yung make-up ko. Sinuklay ko muna yung straight hair kong kinulot para sa mission na ito.

Page 7: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

7

Kapag may missions ako, nagdi-disguise ako. I can’t afford to expose my identity. Walang nakakaalam na ako si Alexis Danielle Fernandez pag may mission ako aside from my client, my best friend-slash-promoter, and my sister, Ria. Matapos kong tanggalin lahat ng dapat tanggalin, I took a quick shower. Nagpalit din ako kaagad ng usual clothes ko. Jeans, shirt and chucks. I tied my hair loosely then wore my eyeglasses. In ordinary days, ordinaryo lang din akong tao. Estudyante sa isang kolehiyo. Nerd sa umaga, heartbreaker sa gabi. Paglabas ko ng CR, nandun na yung client ko. “Kamusta, successful ba?” “Yes at break na rin kami ngayon. Salamat talaga, Alex. Kung hindi dahil sa’yo baka hanggang ngayon, uto-uto pa rin ako kay Earl.” “Okay lang yun. At least natauhan ka na, di ba?” Nagreklamo kasi ang client ko na ilang beses na siyang pinagtataksilan ni Earl pero nagbubulag-bulagan lang siya. Mahal na mahal daw kasi niya. Pero napagod na siya kaya humingi siya ng tulong sa’kin para makipag-break sa lokong boyfriend niya. “Oo, masarap pa lang maging free. Sorry nga pala earlier.” “It’s okay. If you want to pull off a good stunt, you must do it. Ayos nga ang acting mo kanina eh.” “Thanks talaga. Eto na nga pala yung bayad ko. Fifteen thousand as promised.” She handed me a check worth fifteen thousand pesos. Another addition to my countless successful missions. “Thanks, Dayne. Sa uulitin. Remember the guidelines, okay?” The lady just gave me a curt nod then went out of the room.

Revenge 03

The Song That Says It All It’s Wednesday night. At tuwing Wednesday, pumupunta ako sa Rock n’ Dine as Alex. Nothing more, nothing less. Tuwing Wednesday kasi, nagpa-part time ako dun. Para naman ay extra cash pa ako aside sa nakukuha ko sa mga missions ko. So ayun nga, nasa RnD ako para sa part time ko. Si Ria na rin ang humingi ng pabor sa’kin na gawin ko to para naman may mapaglibangan naman daw ako dahil mula nang nangyari yun, nagbago na daw ako. Dahil mahal ko naman si Ria, pinagbigyan ko naman siya. Pero hindi niya alam na torture para sa’kin ang pagpunta-punta ko doon nung una. Alam niyo na kung bakit. “Good evening, everyone! Na-miss niyo ba ako?” sabi ko sa mga nandun sa bar. Hindi kasi ako nakapag-perform last week. School stuff. Acoustic night ngayon sa bar. I work part time as a singer. Mapilit si Ria kaya umoo ako sa kanya kahit ayaw ko talaga. Pero sometimes, what we hate comes in handy. “Alright, anyone interested to request a song and dedicate it to someone?” I eyed someone from the room. When our gazes locked, that person started to walk towards me. He handed me a piece of paper. “Wow, may first request na tayo!”

Page 8: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

8

I gave the person a quick smile then turned to the paper and read its content. “To Sapphire, this song’s for you. I hope you’ll like it. I prepared a video with it, too. From, Secret Lover.” Nagbulung-bulungan yung mga tao. Mukhang naexcite sila sa idea na may secret lover nga yung Sapphire. “This one’s for you, Sapphire. Face Down by The Red Jumpsuit Apparatus, acoustic version.” With that, my guitarist started strumming. Moments later, I was accompanying him with my voice. “Hey girl, you know you drive crazy. One look puts the rhythm in my head. Still I never understand why you hang around. I see what’s going down Cover up with make up in the mirror. Tell yourself, it’s never gonna happen again. you cry alone and then he swears he loves you…” Since maraming LCD TV na nakakabit sa loob ng bar, nakikita ko rin yung AVP na pinapalabas kasabay nung kinakanta ko. Sweet photos were shown. The couple looked happy in those photos. Hinanap ng mata ko yung Sapphire. Mukhang kilig na kilig siya sa nakikita niya. Abot tenga pa nga yung ngiti niya. Halatang natutuwa siya sa napapanood niya. “Do you feel like a man when you push her around? Do you feel better now, she falls to the ground? Well I tell you my friend, one day this world’s going to end As your lies crumble down, new life she has found…” Still, sweet photos of the couple were being shown. But towards the end of the chorus, not so sweet photos were put on view. Photos of the couple fighting and arguing were instead revealed. The Sapphire girl was appalled with what she’s seeing now. Her look was disgruntled and as if she’s about to burst. Nakakaramdam na siguro yung Sapphire ng hiya. “A pebble in the water makes a ripple effect Every action in this world bears a consequence If you wait around forever you will surely drown I see what's going down. I see the way you go and say you’re right again Say you’re right again Heed my lecture…” My gaze was fixed to Sapphire. As more arguing photos were shown, she was starting to get more embarrassed. She buried her face in her guy’s chest but the guy quickly pushed her away which made her taken aback. The guy she’s with was so furious, his face was so red. It’s as if he was about to burst but he’s struggling to keep his calm. Sapphire was still in the state of bewilderment, she doesn’t know what to do. Finally, she made an effort to look at the TV screen but looking at those pictures

Page 9: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

9

made her howl. Who wouldn’t feel embarrassed and furious if you see your girlfriend making out with another guy? Yes, the photos that were now being shown were Sapphire and another guy. Another guy aside from the guy she’s with. Based on the dates and time in the pictures, it just happened recently. In fact, the most recent photo was taken just yesterday night. “Do you feel like a man when you push her around? Do you feel better now, she falls to the ground? Well I tell you my friend, one day this world’s going to end As your lies crumble down, new life she has found…” “Stop singing! Stop that damn video! Stop it!” Sapphire was screaming at the top of her lungs but I don’t give a damn. I just continued my job there. I need to finish singing this song no matter what. “Face down in the dirt She said this doesn’t hurt She said I finally had enough… Face down in the dirt She said this doesn’t hurt She said I finally had enough… One day she will tell you that she had enough It's coming round again…” Sapphire was already making a scene, shrieking there in the middle of the room. Her guy was still struggling to keep his calm, evident in his reddened face. This time, sensual photos of Sapphire and again, another man were shown. Some photos were almost nude but were censored to hide the fact what they’re doing. “Please, stop it! It’s not funny anymore! I do not like it one bit! Please, I ask you, stop it!” “Do you feel like a man When you push her around? Do you feel better now as she falls to the ground? Well I'll tell you my friend one day this worlds going to end As your lies crumble down a new life she has found Do you feel like a man When you push her around? Do you feel better now as she falls to the ground? Well I'll tell you my friend one day this worlds going to end As your lies crumble down a new life she has found Face down in the dirt She said this doesn’t hurt She said I finally had enough…" When I finished the song, the crowd was murmuring about what just happened. Judging from their expressions, some were stunned, some were sympathetic, some were enjoying what they just saw, some couldn’t care less. “Good night, everyone! Hope you all had a great time!”

Page 10: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

10

I immediately went down the stage. I was about to go up the second floor, to Ria’s office, when somebody suddenly grabbed my arm. It was Sapphire. A shattered Sapphire, a begging Sapphire, a Sapphire who had just lost her wits. “Who gave that note? Sabihin mo!” “Hey, I was just asked to do that. There was no name attached to it. Binasa ko pa nga kung kanino galing di ba?” “Oh, please. I beg you! Sabihin mo kung kanino galing yun! I need to know! That person ruined everything! I was humiliated a while ago. I beg you to stop but you didn’t! Siguro kasabwat mo yung gumawa nito!” Next thing I knew, I was slapped. Not once, but twice. “You deserve it! Inconsiderate b!tch!” Hey, that hurts, huh. I continued my way to Ria’s office but then, somebody grabbed my arm again. Ayaw yata nila akong tantanan. “Ano na naman?” I snapped. “Are you okay?” T’was Lex. Ria’s boyfriend. And sigh… “You don’t have to act as if you really care, you know.” “I do care, Alex.” “Go fool yourself.” “C’mon, Alex, it’s been what? Years? Aren’t you over it yet?” I felt my blood rush to my head. How dare he do this to me? As if he knows everything. “Fck off. I don’t need you, liar.” I left him hanging there. Hindi ko na rin tinuloy ang pagpunta sa office ni Ria. Lumabas na lang ako ng RnD. I need some air. Paglabas ko, may nakita akong isang lalaki sa may parking lot. Nakasandal lang siya sa kotse niya tapos nakatingin siya sa’kin. Nung mapansin niyang nakita ko siya, nginitian lang niya ako. I almost forgot about this. “Nice job, Alex.” “Thanks, Nero. You liked it?” “Very much. No, erase that. I actually loved it.” “Then, good.” “Fifteen thousand as promised.” “Thanks. Guidelines, okay?” He gave me a victorious smile before he left. Sweet scent of success is in the air. The guy earlier? He’s Nero, Sapphire’s ex-boyfriend. Sapphire dumped him for another guy. He wants to take revenge for what she did by embarrassing her and exposing her deepest

Page 11: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

11

dark secrets. He asked me to do it and I gladly obliged. Another count for a successful task.

Revenge 04 Going Back To Reality You’ve seen me as a heartbreaker. Now, it’s time to go back to the real world. In the real world, Alexis Danielle Fernandez is an ordinary girl, pursuing her college degree, aspiring to be a Psychologist, wishing to understand why humans act the way they do, what triggers them to act in such a way. “Good morning, sleepyhead.” “`Morning, Ria. What’s up for breakfast?” “Pancakes. It’s your favorite,right?” “Mmm.” Ria and I live alone in the house Mom and Dad bought for us. It’s been quite a while since our parents left us here in the Philippines. They migrated in Canada already in order to manage their booming business there. They wanted us to come with them but both of us refused. Ria was in third year college that time so she can’t afford to leave the country. It would be such a waste if she’ll leave and start over again there. Also, she doesn’t want to leave Lex here. She loves him too much. As for me, we were still together that time. That guy was still my boyfriend and just like Ria, I felt like I can’t live without him. I love him too much that I can’t do what my parents want me to. I chose him over my parents. A decision I’ve been regretting until now. *DING DONG* Ria suddenly rushed to the door to see who’s behind it. `Seems like she’s excited to see her lover. As if they haven’t seen each other last night. “Hey there, gorgeous.” “Good morning, love.” There was complete silence after that greeting. I decided to peek to see what’s taking them so long. I shouldn’t have done it. Ugh. I really hate it when they do that. Snuggling, kissing, cuddling each other in front of me. I’m used to seeing them all mushy and stuff but it just brings back the pain. The pain that he left me. His souvenir for me. “HOY RIA! SUNOG NA YUNG NILULUTO MO!” I heard a loud bang coming from the living room. Parang may nahulog. Nahulog na tao. I decided to look again. I was right. Someone fell from the couch. It was Ria. “Ayan, kasi, ang aga-aga naglalampungan na.” I whispered to myself. Ria ran fast as she could to save her pancakes. Only to find out that there’s no burning pancakes in the stove. I just made it all up so they would stop their moment.

Page 12: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

12

“Asan na yung nasusunog?”

“Ha? Meron ba?” Her face was crumpled like a paper. `Looks like she doesn’t like that kind of prank.

“Ikaw talaga! Bakit mo ginawa yun?” I stood from my chair and walked towards the stairs. I’m going back to my room. I don’t want to see them here doing that couple stuff. “Wala lang. Trip. Bakit?” I went straight to my room and slumped on the bed. I guess being alone in this room is another wrong decision. Memories started to invade my thoughts. I tried hard to box them out but I just can’t. I feel so weak again. So vulnerable to the pain. In reality, I am a girl with a broken heart, trying to avenge myself from the pain I had experienced, fooling myself that I have moved on but in truth, my wounded heart is still fresh and raw. I didn’t notice the tears that were starting to fall from my eyes. I don’t want to cry. I don’t want to be weak again. I don’t want to remember the pain. However, crying is the only solution I have right now. I can’t undo the past. It keeps on haunting me `til this very day. No matter how much I convince myself that I’ve moved on, all I do is fool myself that I actually did. No matter how many missions I’ve accomplished, my heart still remains shattered. Right now, all I could do is hug my pillow tight as my tears cradled me to sleep.

Revenge 05 That Is How The Process Goes “Best friend, maga na naman mata mo.” “Clarise, puyat lang ako, no.” Hindi naman porke’t best friend mo ang isa tao dapat mo nang sabihin lahat ng sikreto mo di ba? Meron pa rin kahit ilang bagay na tinatago natin sa kanila. Ganun kasi ako. Malihim akong tao. Maraming bagay ang hindi ko binabahagi sa kapatid ko o sa best friend ko. Katulad na lang nung sinaktan niya ako. “Wala ka namang mission kahapon ah? Di ba nasa bahay ka lang?” “Oo, pero magdamag akong nanood ng TV. Dalawang oras lang ang tulog ko kaya namamaga ang mata ko.” Kung may ilang bagay na hustler ako, iyon ay ang pagtatago, pagsisinungaling at pag-arte. Kaya nga madali para sa’kin gawin lahat ng missions ko. Sanay na sanay na ako sa ganung bagay. Check the message on the screen now! Kinuha agad ni Clarise sa bag ko yung cellphone na ginamit ko para sa pagtanggap ng messages para sa missions ko. Dahil nagda-drive ako, hindi ko pwede basahin yun. Baka maaksidente pa kami. Safety first. “From Jessica Balmaceda. As usual, she’s up for revenge. Gusto daw niya ipamukha

Page 13: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

13

sa ex-boyfriend niya na hindi siya ganun kabilis idispatsa.” “Call her.” Kapag ganyang mga pag-contact sa mga clients, si Clarise ang bahala dun. Para ko siyang manager dahil siya yung humahawak sa personal relations. Siya yung magse-set ng meeting namin nung client, siya magsasabi sa client kung saan at kailan mangyayari. Ako, taga-execute ng plano lang ako, taga-tanggap ng bayad, taga-sigurado na walang mintis ang gagawin ko. Papasok lang ako sa eksena kapag guidelines na ang pag-uusapan. “Hello? Jessica? Yes… Just meet us at Sweet Escape… We’re on our way there now. Bye.” Dumiretso na kami ni Clarise sa Sweet Escape. Malapit na lang naman kasi kami dun kaya maaga kaming nakarating dun. Tinawagan ulit ni Clarise si Jessica para malaman namin kung sino siya dun. May tumayo na babae mula sa loob ng restaurant tapos naglakad papalapit sa entrance. That must be her. “Jessica?” Tumango na lang yung babae. Ginuide niya kami ni Clarise papunta dun sa pwesto nung girl kanina. Straight to the point kaagad kami ni Clarise. Pinag-usapan namin yung problema niya saka kung ano gusto niyang ipagawa. Ayaw ko kasi ng paliguy-ligoy pa. Saka may pasok pa kami pagkatapos nito. Hindi ako yung tipo ng estudyante na mag-aabsent para lang sa trabaho kong to. Mahalaga pa rin sa’kin ang makatapos. “So, are you really sure about this?” “Very sure.” “If you’re really interested, you must follow some guidelines. If you break any of them, I’m afraid you have to face the consequences of your actions.” “I accept it.” Inabot ko sa kanya yung folder kung saan nandun yung guidelines at yung parang kontrata. “First guideline, you must never divulge any information about what we’re talking about right now. No one must know about this except the three of us.” Sa lahat ng ayoko, yun ay yung bumabagsak at nabibigo kapag may mission. Kaya akong mag-leak yung information kasi baka may makaalam nito at makarating pa dun sa target. Mahirap na. Gusto ko lahat in secret. Walang nakakaalam kung ano ang gagawin ko. “Second guideline, you must never ever tell anyone about my identity. It is a must.” Kapag may nakaalam ng identity ko as the Heartbreaker, lagot na. Matatapos bigla ang career ko. Kahit na mag-disguise pa ako, malalaman at malalaman din nila na ako yun dahil exposed na ang identity ko. Mamaya resbakan pa ako ng inaway ko di ba? Saka pribado akong tao. As much as possible, restricted to business lang ang relation ko sa clients ko. “Third guideline, if you can’t pay, then I won’t do the job for you. Payment for the mission, no matter how big or small it is, is fifteen thousand flat. No more, no less. I don’t give discounts.” Payment. Ito ang guideline na pinakayoko pero kapag natanggap ko na, nagpapagaan ng loob ko. Kapag dinidiscuss ko kasi to, bumabalik na naman ang lahat. Nasasaktan pa rin ako kapag naaalala ko kung paano niya ako binasura nang dahil sa pera. Pero kapag natanggap ko naman, pakiramdam ko, naisahan ko na rin siya.

Page 14: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

14

“Lastly, the easiest one, if you think someone needs my help, don’t hesitate to refer them to me. Just don’t tell how we’re gonna do it.” Siyempre naman no. Kailangan ko ng marami pang clients. Sayang yung nakukuha ko sa fifteen thousand. Ten percent din yun. Kahit maliit yun, pera pa rin. “So, are we good?” “Yes. So, where do I sign?” Tinuro ko sa kanya kung saan siya dapat mag-sign. Napangiti na lang ako. I’m going to have another heart broken in no time. “Alam mo, Alex, matagal na natin tong ginagawa pero hanggang ngayon hindi ko pa rin makuha yung logic ng fifteen thousand at kung bakit ba natin talaga to ginagawa.” “Alam mo na naman yung dahilan kung bakit ko to ginagawa. Gusto kong ibangon ang mga naapi sa pag-ibig.” Tulad ko. “Alam ko naman yun. Pero yung fifteen thousand?” Isa sa mga sikreto ko na hindi alam ni Clarise ay ang tungkol sa lalaking yon. Wala akong pinagsabihan ng tungkol sa kanya. Tinago ko sa sarili ko yun kahit na nasasaktan na ako. Kahit bumagsak na yung buong pagkatao ko. Dahil sa kanya kaya ako natutong magpanggap, magsinungaling at umarte na ayos lang ako. “Personal reasons, Clarise.” “Pero best friend mo naman ako di ba? You can confide in me.” “Hindi lahat ng bagay sinasabi sa isang kaibigan. Minsan may mga sikreto na mas mabuti pang kimkimin na lang.” “Hindi ko naman ipagsasabi eh.” Hindi talaga niya ako titigilan no? “It wouldn’t be a secret anymore if I’ll tell anyone about it.”

Revenge 06 Exposed For Fun Sa lahat ng parties na inaattendan namin ni Ria, masquerade party ang pinakapaborito ko. Siyempre, may sense of mystery kasi lahat kayo nakasuot ng maskara. Hindi mo talaga makikilala kung sino ang yung mga nandun unless tanggalin nila yung mask nila. Though favorite ko siyang party, hindi naman palagi na nag-eenjoy ako. Katulad na lang ngayon. Medyo nabo-bore na ako dito dahil wala man lang exciting na magawa. May program naman pero hindi ako ganun kainteresado sa line up ng activities nila. I’ll just find someone to play with. Nilibot ng paningin ko yung buong function room. Napahinto yung mga mata ko sa bar sa loob ng room. Mukhang may nakita na akong makakalaro ngayon. Naglakad ako papunta dun sa bar. As usual, nararamdaman ko na naman na maraming tumitingin sa’kin. Kahit papaano naman, marunong akong manamit. May taste naman ako sa mga damit.

Page 15: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

15

Since masquerade nga ang theme ng party, I opted a black tube dress na medyo lagpas tuhod. Maganda yung fit nung dress sa’kin kasi tamang-tama siya sa curves ko. Umupo ako dun sa isang stool tas umorder ng isang cocktail drink. Lumingon ako sa left ko at nakita ko yung kalaro ko ngayon. Wow. Yummy! Huling-huli ko siyang naglalaway sa’kin. Kahit nakatitig na ako sa kanya, hindi pa rin niya inaalis yung mata niya sa’kin. Mukhang pwedeng-pwede sa laro tong lalaking to. “Staring is rude.” “Not if the one I’m staring at is as gorgeous as you.” Aba, pumapatol! Game na game nga si Kuya. “So you think I’m pretty?” “Gorgeous is a better term, honey.” “Why, thank you. You look dashing,” sabi ko sabay ngiti ng pagkatamis-tamis. “So, what’s your name, gorgeous?” “Adrienne,” sabi ko habang tinatanggal ko ang mask ko. “Nice to meet you, Adrienne. I’m Ethan.” Tinanggal din ni ethan yung suot niyang mask. Hindi ako nagkamali. He’s yummy. Mukhang may lahi siya kasi blue yung kulay ng mata niya. `Makes him even hotter. “So, can I buy you another drink?” Tinuro niya yung goblet ko na wala nang laman. Tumango na lang ako. Di ako tumatanggi sa libre. Nag-order din siya ng finger foods. Tamang-tama, gutom na ako. Di ako masyado nakakain sa dinner na hinanda ng nagpaparty kanina. “Hey, wait. You have some crumbs on the side of your lips.” I licked my lower lip as an initial reaction. “Meron pa?” “Yeah, let me do it for you.” He stood from his chair then went near me. He cupped my face then his thumb started to wipe away the crumbs on the side of my lips. As he continued to do that, memories of the painful past start to occupy my mind. I was frozen for a moment. I was left there staring at Ethan’s face but it’s not Ethan’s face that I could see. It was his. His gorgeous face. That’s why, when Ethan’s lips met mine, I did not even resist. He was the one that I am imagining. He was the one that I am kissing. He was the one I am sharing a precious moment with. We were both gasping for air when our kiss ended. I lightly shook my head as a sign of disbelief for what I had just imagined. Now’s not the right time to think about him. It should never happen again.

Page 16: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

16

“Let’s dance, princess.” “Sure.” Inviting me to dance was the perfect escape to that thought. However, it seems like this party doesn’t want me to escape at all. I 'm all out of love, I'm so lost without you I know you were right believing for so long I 'm all out of love, what am I without you I can't be too late to say that I was so wrong I buried my face on Ethan’s chest, hoping his scent can drive those thoughts away. “You’re beautiful.” “Thanks.” “Adrienne, look at me.” And so I did. His lips welcomed mine with a gentle kiss. A gentle kiss that slowly became an aggressive one. Moments later, we were having our own world in the middle of the dance floor. “Come with me,” he whispered. He offered his hand to me which I gladly accepted. We went out of the venue and headed to where his car was parked. As soon as we have settled inside his car, he cupped my face and kissed me again. I pulled away as I was gasping for air. “Let’s do this somewhere else.” “Mmkay. Put your seat belt on.” Looks like he’s hungry, eh? We reached his condo in a span of fifteen minutes. He was nearly dragging me to his unit when we left the elevator. As soon as we entered his unit, he pulled me down the sofa and started to kiss me again. I answered back and copied his moves but when he reached for my back to untie the laces of my dress, I lightly pushed him away. “What?” he said in an irritated voice. “Take a shower first.” “Fine. Don’t go okay?” “I won’t.” I won’t promise. He gave me a quick kiss before going to the bathroom. I was about to close my eyes when I heard his phone ring. I took the honor to answer it for him. I’ll just tell the caller to call back since he’s taking a shower. “Uhm. Hello?” “Hello? Is this Ethan’s number?” “Uh… yeah?” “Can I speak to him, please?” “Uhm. He’s taking a shower. Would you like me to tell him you called?” “Oh. Just tell him it’s Hana. Btw, who’s this?” “It’s… Adrienne.” “K, Bye.” I slumped myself back in the sofa. I wonder if Ethan’s like him.

Page 17: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

17

Ugh. Now I am comparing them. What the heck is my problem? I stood up and headed for the door. I need some fresh air. Yes, I guess I need fresh air. My mind has been polluted for a while. I was about to open the door when Ethan called my name. He was just covering his lower body with a towel. “Hey, going somewhere?” “I need fresh air.” I turned the knob and prepared myself to leave the place. Suddenly, a hand grabbed my arm. “I won’t go, okay? I just need some air.” “Then wait for me. I’ll just get dressed.” “I can’t wait any longer. Oh, a girl named Hana called.” “I don’t care. Wait for me.” What in the sentence ‘I can’t wait any longer’ can’t he understand? I was about to step out when he grabbed me again. “I said wait.” I can’t wait! An evil idea suddenly popped into my mind. He was just wearing a towel around his waist with nothing underneath, right? I saw an old lady and a couple of teenage girls walking towards us. I placed my hand on his towel’s knot and started to loosen it. I immediately pulled my hand away from him. Of course with the towel in hand. He was so shocked, he actually froze in his place. What an eye candy to those giggling teenage girls and to that blushing old lady. Oh well, who wouldn’t be so stunned to see a guy bearing it all out, right? I ran towards the elevator with his towel still in my hand. I blew him a kiss to bid him farewell. As soon as the elevator closes, I laughed my heart out. So much for playing tonight.

Page 18: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

18

Ethan had just revealed his manhood in front of an old lady, a group of teenage girls. And to

me, of course.

Ayan, napapala ng makulit

Revenge 07 A Vow and A Suicide

JAMIE’S POV Ngayon ang araw ng pag-iisang dibdib namin ni Anthony. Excited na ako dahil matapos ang sangkaterbang pagsubok na pinagdaanan namin, sa wakas, magkakasama na kami habang-buhay. Sa wakas matutupad na rin yung pangarap ko na makasal sa lalaking pinakamamahal ko. “Friend, excited na ako!” “Kung excited ka, ano pa ang maitatawag mo sa nararamdaman ko?” “Basta, Jamie, happy ako para sa inyo ni Anthony. Andami niyo nang sinuong na problema nang dahil sa ex niya. Sana talaga, this time, maging super happy na kayo.” “Thanks, friend!” Ilang minutes na lang talaga ang kailangan kong hintayin para maikasal kami. Kinakabahan ako na naeexcite. Kinakabahan kasi andito na ako tapos hinihintay na lang yung napag-usapang oras. Excited kasi siyempre, kahit civil wedding pa lang to, kasal pa rin. 1:30PM “`Ma, andyan na daw ba si Anthony?” “Wala pa, anak pero sabi ng mama niya, naghahanda na daw papunta dito.” Dahil mapamahiin ang pamilya namin, sinusunod namin yung bawal magkita bago ikasal yung mga ikakasal. Malas daw yun eh. Siyempre, takot akong hindi matuloy yung kasal kaya sumunod na lang kami. Nasa magkaibang room kami dito sa city hall para hindi magkita. “Wag kang mag-alala, anak. Alas dos pa naman ang kasal niyo. Mahaba pa ang oras ng paghihintay. Sisiputin ka naman siguro ni Anthony.” “Opo, `Ma. Excited lang po talaga ako.” Nginitian lang ako ni Mama tapos nakipagchikahan siya ulit sa mga amiga niyang nandun. Tama si Mama. May thirty minutes pa ako para maghintay. Sigurado namang sisiputin ako ni Anthony dahil mahal na mahal ako nun. Relax ka lang, Jamie. 25 minutes later… Five minutes na lang kasal ko na. Malapit na akong maging Mrs. Anthony Buendia. Pero… Bakit ganun? Parang may masamang pakiramdam ako sa mangyayari? Nagsimula na akong mag-panic. Hindi ako mapakali. Asan na kaya si Anthony? Nandyan na ba siya? “`Ma, ano pong sabi ni Tita? Nandyan na daw ba si Anthony?” “Kalma lang, anak. Wala pa daw pero baka na-traffic lang daw yun.” “`Ma naman eh. Ang lapit-lapit lang ng bahay nila dito. 15 minute drive lang yun mula sa condo niya.”

Page 19: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

19

“Nu ka ba, anak. Dadating yun. Magtiwala ka lang.” “Kinakabahan kasi ako eh. Hindi maganda yung pakiramdam ko.” “Wag kang mawalang tiwala. Dadating din yun.”

Asan ka na ba, Anthony?

ANTHONY’S POV Time check, 1:30PM. Tamang-tama. Two o’clock ang kasal ko kaya may sobrang oras pa ako para ayusin pa ang sarili ko. Malapit lang naman ang condo na tinutuluyan ko sa City Hall na pagdadausan ng kasal. Gusto kong maging mas presentable sa harap ni Jamie. Ang tagal naming hinintay `to. Sa wakas, nandito na. *KLANGK* SFX yan ng nabasag. lol. May narinig akong nabasag. Napatakbo naman ako sa may sala para tignan kung ano yun. Bukas kasi yung pintuan sa veranda tapos mahangin pa kaya posibleng may matumbang glassware. Pagtingin ko sa sala, wala namang nabasag. Chineck ko na rin pati kusina pero wala talaga. Baka sa kabilang unit. Balik na ulit ako sa pag-aayos. Malapit na rin kasi akong umalis para magpunta sa City Hall. Siguradong naghihintay na sila dun. Baliktad nga eh. Kung sino ang groom, siya pang nagpapahintay imbes na bride ang hihintayin ng groom. Nakarinig na naman ako ng nabasag pero hindi ko na pinansin. Sa kabilang unit sigurado yun. 10 minutes later… Kanina pa yung mga nababasag na yun pero hindi pa rin tumitigil. May naririnig na rin akong pagbagsak ng mga kaldero, plato, kawali at kung anu-ano pang gamit sa kusina. “AAAAAAAAAAAHHHHHHHH!” Teka, parang hindi na normal yung nangyayari sa kabila ah? Nag-decide akong pumunta sa kabilang unit para tignan kung ano na yung nangyayari dun. Mamaya nagpapatayan na pala dun. Bukas yung pintuan nung kabilang unit. Kumatok muna ako ng tatlong beses pero walang sumasagot kaya pumasok na rin ako. Gulong-gulo yung buong unit. Nakataob yung mga upuan. Nakakalat yung mga magazines pati yung mga throw pillows. Maraming basag na vases sa sahig. Parang dinaanan ng bagyo yung unit na yun. Nakarinig ako ng iyak galing sa kusina. Dun ako sumunod na pumunta. Para ding dinaanan ng bagyo yung kusina. Nakakalat lahat ng gamit dun. Marami ring basag na gamit. Hinanap ng mata ko kung nasaan yung umiiyak. Nakita ko ang isang babae na nakasiksik sa sulok, nakaupo sa sahig. May hawak siyang kutsilyo tapos nakatapat pa yun sa pulso niya. Sh.t, mukhang maglalaslas pa yata to. Dahan-dahan akong lumapit dun sa babaeng na yun para hindi siya mabigla sa paglapit ko. Baka kasi masaksak na lang niya yung sarili niya kung gugulatin ko siya. Mukhang napansin

Page 20: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

20

na rin niya ako. “S-sino ka?” “I’m Anthony. Sa kabilang unit ako nakatira at narinig kong kanina pa nagkakagulo dito kaya I went in to check.” “G.go k-ka rin ba katulad niya? Kung oo, umalis k-ka na! Hindi ko kailangan ng katulad n-niyo!” “Nagmamagandang loob lang ako, miss.” “Hindi ko kailangan ng tulong mo! Umalis ka na!” Broken hearted yata `tong babaeng `to. Sa hitsura niya ngayon, para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Magang-maga yung mga mata niya tapos iyak pa rin siya ng iyak. Para siyang hindi nauubusan ng luha. “Ano pang hinihintay mo? Umalis ka na!” “Pero baka maglaslas ka na dyan.” “ Pakialam mo ba?!” “Pero, miss, masama yang gagawin mo.” “Wala akong pakialam. Mas gugustuhin ko pang mamatay!” Uh-oh. Mukhang kailangan ko pang pakalmahin at patigilin ang babaeng to bago ako makaalis dito. Kailangan kong magmadali. “Look, miss, kahit pa anong problema mo, hindi maganda yang gagawin mo.” “Kung mawawala na rin lang ba siya sa’kin, ano pang silbi ng buhay ko? Mas mabuti pang mamatay na lang ako kaysa mangyari yun!” “Pero kahit na, miss. Hindi maganda yan. Masusunog pa ang kaluluwa mo sa impyerno.” “Wag mo nga akong utuin! Kahit ano pang sabihin mo, hindi ako makikinig sa’yo. Katulad ka rin niya!” “Nagsasabi lang ako ng totoo. Hindi lahat ng lalaki katulad ng hinayupak na yun.” “Ah, basta, kahit anong sabihin mo, mas gusto ko pa rin magpakamatay!” Diniin niya yung kutsilyo sa pulso niya tapos nagsimulang igalaw yun. tinakbo ko agad siya tapos mabilis na kinuha yung kutsilyo sa kanya. Buti na lang naagapan ko kundi duguan na siya ngayon. Hinagis ko palayo yung kutsilyo para hindi na niya maabot. “Ano ka ba naman, miss. Hindi porke’t nabigo ka sa isang lalaki, eh, magpapakamatay ka na. Sayang ka. Maganda ka pa naman. Siguradong may lalaking para sa’yo. Yung nanakit sayo, hindi yun siguro laan ng Diyos para sa’yo. Wag ka ngang tanga dyan na magpapakamatay lang nang dahil sa kanya. Baka pagtawanan ka lang nun kapag nalaman niya ang ginawa mo.” “Pero mahal ko siya eh. Hindi ko kaya nang wala siya!” “Pwes, masanay ka na. Marami pang iba dyan.” Unti-unti na siyang tumatahan. Mukhang natatauhan na rin siya. Akala ko kailangan ko pang iuntog ang ulo niya sa pader para tumino. Naagaw ng wall clock yung atensyon ko. Sh.t, alas dos na! Late na ako sa kasal ko! “Ah, miss, sorry ha? Pero kailangan ko nang umalis. Late na ako sa kasal ko!” “Pero, gusto sana kitang imbitahan kumain sa labas. Alam mo na, pasasalamat sa pagliligtas sa’kin sa katangahan.” “Next time na lang, miss. Late na late na talaga ako!” “Pe—” Hindi ko na pinatapos yung sasabihin niya kasi tumakbo na ako pabalik ng unit ko. Inayos ko ng konti yung damit ko tapos kinuha ko yung susi ng kotse ko.

Page 21: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

21

Pinaharurot ko yung sasakyan ko para makarating dun sa pinakamabilis na oras na posible kaso hindi yata umaayon ang tadhana sa’kin ngayon. Nagkaroon ng banggaan malapit sa City Hall kaya nagbara yun sa kalsada. T’ngna naman oh. Wala ngang ex-girlfriend na panira pero marami namang interruptions. Tumingin ako sa relo ko. 2:20PM na. Tae. Hihintayin naman siguro ako nila Jamie. Hindi niya hahayaan na hindi matuloy kasal namin. Kinapa ko sa bulsa ng pantaloon ko yung cellphone ko. Tatawagan ko sina Mama na sabihin na hintayin ako. Kaso tinamaan talaga ng malas, wala yung cellphone ko. Mukhang naiwan ko pa sa condo. Pucha. Bakit ba ang daming kamalasan? Pagkatapos ng napakatagal na minuto, nakarating na din ako sa City Hall. 2:50PM na nun. Tinakbo ko yung third floor ng City Hall. Dun kasi gaganapin yung kasal namin ni Jamie. Pagdating ko dun, wala nang tao. Nakasalubong ko yung secretary nung judge na dapat magkakasal sa’min. “Oh, Mr. Buendia, akala ko umatras na kayo sa kasal? Wala na sila dito. Kanina pa umalis nung tumawag yung Stella ba yun?”

Umatras? Tawag? Stella? Sh.t, si Stella! “Ano? Wala na kami ni Stella. Kaya nga magpapakasal kami ni Jamie di ba?” “Iyak ng iyak yung dapat na papakasalan niyo kasi niloko mo daw siya. Pinaasa mo daw. Ay, ewan ko sa inyo. Ang gulo niyo.” Umalis na yung secretary nung judge samantalang ako, napako na sa kinatatayuan ko. Wala na. Wala na ang pangarap namin ni Jamie. Umeksena na naman si Stella.

DAMN!

ALEX’S POV Pagkababa nung Anthony, lumabas na rin ako ng condo unit na inupahan ko. Tinawagan ko na rin yung maglilinis ng ginawa kong kalat dun. Sila na ang bahala dun. Escape mode na ako. Dinial ko ang number ni Stella para itanong kung nagawa niya ba yung dapat niyang gawin. “Hello, Stella? How was it?” “Thank you so much, Alex! He may hate me now pero it’s all worth it. At least nakaganti na rin ako sa kanila. Matapos nila akong ipagtabuyan at saktan ng ganun ganun na lang.” “Good. Kakaalis lang ni Anthony dito sa building. He’s off to the City Hall. Wala na naman siguro dun yung bride niya right?” “Wala na. I already called them na hindi sisipot si Anthony sa kasal nila. Like what he did to me.” “Alright. I gotta go. You know what to do, right?” “Yes, Alex. Thank you.” Whew. Heavy yung drama kanina. Kinailangan ko pang alalahanin ulit lahat para lang maging effective yung acting ko. Pero at least, may broken hearted na naman ngayon. Hindi lang isa,

Page 22: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

22

kundi dalawa. Nga pala, si Stella, ex-girlfriend nung Anthony. Dapat ikakasal na sila kaso nung araw mismo ng kasal, hindi sumipot si Anthony dahil nakipagtanan na pala kay Jamie, which happens to be Stella’s best friend. Saklap `no? Gusto niyang iparamdam yung naramdaman niya nang hindi siya siputin ni Anthony sa kasal nila dati. And that's where I enter. Ako ang gumawa ng trabaho para hindi makarating si

Anthony on time. Siyempre, with a little help na rin from Stella para mas convincing.

Oh, well. Another mission accomplished.

Revenge 08 Don’t Mess With The Heartbreaker Sabi nila, nobody’s perfect. Alam ko naman yun pero sa klase ng trabaho ko, bawal magkamali. Kailangan lahat tama, walang mali at bawal pumalya. Pero may mga pagkakataon na hindi talaga maiiwasan na may sumablay. Perfectionist ako. Gusto ko lahat tama, lahat nagagawa according sa plano. Kung hindi man totally perfect, ayos na yung close to perfect. Kaya naman kapag may isang bagay na nalihis sa plano, wala rin akong sinasanto. Kagaya ng wala akong sinasanto sa kung sino ang sinasaktan ko. “Alex, relax ka lang.” “Relax? How can I relax kung muntik na akong mabuking dun?” “Maybe it’s an honest mistake?” “Honest mistake, my @ss. Binigyan ko na nga siya ng guidelines pero hindi pa rin niya sinunod!” May mga missions din naman akong napupurnada. Katulad ngayon. Hindi natuloy yung mission nang dahil sa isang pasaway na kliyente. “Call her, Clarise. I want to talk to her.” Tinawagan naman agad ni Clarise yung pasaway na kliyente na yun. Nag-init talaga dugo ko Nang dahil sa nangyari. Tinawagan agad ni Clarise ang pasaway na kliyente ko. Ni-loudspeaker niya para marinig ko yung isasagot ng client naming. “Hello, Jessica? It’s Clarise. Uhm, Alex wants to talk to you.” “OMG. Please tell Alex, I’m so sorry. I didn’t mean to spill it.” “Just meet us at Sweet Escape. We’re here so please, make it fast.” “I’m really, really sorry. Please tell Alex.” Tinapos na ni Clarise yung call. Hindi ko talaga mapapalampas to. Unang beses na di ko maaaccomplish ang isang mission nang dahil lang sa kadaldalan ng Jessica na yun. --- Pumasok ako sa RnD. As usual, festive ang environment dito. May mga sumasayaw sa dancefloor habang kumakanta ng party songs yung banda na naka-schedule ngayon. Marami ring nakatambay sa bar counter na mas pinipiling makapiling ang mga alcoholic beverages na available dito. Napalingon ako sa bar. Nandun na yung lalaking sinabi sa’kin ni Jessica. Medyo wasted na

Page 23: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

23

yung hitsura niya kaya mas mapapadali siguro ang trabaho ko. Lumapit ako sa counter at naupo sa stool katabi ng inuupuan niya. “Hey, Miss. Kilala mo ba si Jessica?” sabi niya sa’kin pagkaupo ko. “Huh?” Siyempre idedeny ko. “Jessica. Jessica Balmaceda. Ex girlfriend ko.” “Sorry, di ko siya kilala.” Tumahimik sandali yung lalaki tapos back to business na siya. Nagpapakalunod na ulit siya sa alak. Ako naman umorder na rin ako ng cocktail drinks. Maya-mayang konti na ako kikilos. Pinapakiramdaman ko pa siya para mas madaling kumilos. “Alam mo, yung Jessica na yun, tumawag sa’kin kanina.” Napalingon ako sa lalaking `to. Makakakuha rin ako ng info para sa trabaho ko. Pinili kong makinig na rin sa kanya. “Sabi niya makakaganti na rin daw siya sa’kin.” Uh-oh. Mukhang may alam tong lalaking to. “May pupunta daw dito para maghinganti sa’kin. Kala naman niya natatakot ako.” “Talaga? Sinabi niya yun?” “Oo, uuwi pa nga daw akong luhaan eh. Maghanda na raw ako.” “Ano pang sinabi niya sa’yo?” May alam nga tong lalaki na to. Mukhang hindi napigilan ng Jessica na yun ang bunganga niya.

Sa lahat pa naman ng ayoko, yung hindi marunong sumunod sa napagkasunduan. “Bigla na lang daw may uupo sa tabi ko na magandang babae at boom! Iiyak na lang ako dahil sa gagawin niya sa’kin. Ikaw na ba yun, Miss? Ikaw na ba yung babaeng yun? Kung oo, hindi ako natatakot sa gagawin niyo. Pathetic talaga yang si Jessica.” “Pathetic talaga.” Lagot sa’kin yang Jessica na yan. Di ko papalagpasin tong ginawa niya sa’kin. That Jessica and her big, big mouth. “C’mon, Miss. Wag ka nang sumakay sa’kin. If you’re that revenge whatever, you’d better spill. Di ako natatakot.” “I’m the owner’s sister, okay? I’m not that revenge thingy you’re talking about.” “Ngayon nagsisinungaling ka pa.” “I really am the owner’s sister.” Buti na lang magaling akong lumusot at magsinungaling kundi kanina pa ako nabuking. Pahamak yang Jessica na yan. To my luck, dumaan bigla si Ria sa harapan namin. Napansin siguro niya na medyo nagkakainitan na kami dito ng isang customer. “Alex? Is there something wrong?” “Kilala mo ba to, Miss? Kine-claim niya na kapatid siya ng may-ari.” “I’m the owner here. And she’s my sister. So, back off.” Jessica’s gonna pay for this, bigtime. ---

Page 24: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

24

Fifteen minutes later, dumating na si Jessica. Mas lalong kumulo yung dugo ko. “I’m sorry, Alex.” “That won’t do. Hindi ako kasing bait ng iniisip mo. Hindi ako nadadaan sa pasorry-sorry na lang. You broke the rule so you have to face the consequence.” “I know that pero hindi ko lang talaga napigilan.” “Nakasulat sa kontrata na kahit ano pang dahilan ng pagbreak mo sa guideline, you have to face the corresponding consequence.” Sorry na lang siya. Nobody messes with me. Saka alam na naman niya yung guidelines pero hindi niya sinunod. I abide by my rules. Walang exceptions. “Sorry talaga, Alex. Hindi na mauulit.” “Talagang hindi na mauulit dahil wala nang next time, Jessica.” “Pero…” “Sana sa umpisa pa lang, naisip mo na ang posibleng mangyari kapag binali mo ang rules ko. Didn’t you know that you shouldn’t dare mess with the heartbreaker?”

Revenge 09 The Consequence One week nang natatrabaho si Jessica sa’kin as my personal assistant. Wala naman siyang reklamo nang sabihin ko sa kanya na iyon ang magiging kapalit ng ginawa niya. Bukod pa yun sa pagbabayad niya ng fifteen thousand kahit hindi naituloy yung plano. Mabait pa ako sa lagay na yan kaya simple lang yung hingi kong kapalit kay Jessica. Two weeks kong hiningi sa kanya yun. Pumayag naman siya dahil kasalanan naman daw niya yung nangyari. Speaking of Jessica, mautusan nga ngayon. Tinawagan ko siya agad habang naglalakad papuntang canteen. Vacant period ko ngayon kaya tatambay muna ako sa canteen. “Hello, Jessica?” “Alex! May ipapagawa ka?” “Yeah, meron nga. Can you buy a coffee for me?” “Ahm. May klase ako ngayon eh. Okay lang ba kahit mamaya ko pa maibigay?” “No. I need it now.” Tinapos ko na agad yung tawag kahit alam kong hihirit pa si Jessica. I don’t care anyway. Kailangan niyang gawin yung inuutos ko. Kaya nga siya ang personal assistant ko di ba? Tumunog yung cellphone ko. May message galing kay Jessica. From: Jessica Balmaceda Saan ka? To: Jessica Balmaceda Canteen. Susunod naman si Jessica sa’kin e. Takot lang niyang gawin ko yung binanta ko sa kanya. “Didn’t you now that you shouldn’t dare mess with the heartbreaker?” “Alam ko naman yun eh. I’ll do everything you want me to do.” “You really should!” Nag-iinit talaga ang ulo ko sa babaeng to. Pasalamat talaga siya na nakalusot ako sa lalaking yun. Kung hindi lagot na. Baka naresbakan na ako ng iba ko pang pinaiyak dahil malalaman

Page 25: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

25

na nila kung sino ako. Mabilis pa naman kumalat ang chismis. “Sorry talaga, Alex. Hindi na talaga mauulit. Gusto mo doblehin ko pa yung bayad ko sa’yo. Basta mapatawad mo lang ako.” “If you really want me to take your apology, you still need to pay the fifteen thousand service fee.” “Wag kang mag-alala. Bukas na bukas din makukuha mo yun.” Ngiting-ngiti pa siya na para siyang nabunutan ng tinik. Kung alam lang niya ang ipapagawa

ko sa kanya. “Oh, aside from that, you have to be my personal assistant.” “WHAT?!” “I said, you have to be my personal assistant.” “For how long?” “A month.” “Can I say no?” “Okay lang. Yan ay kung gusto mong malaman ng ex mo na gusto mo siyang pikutin.” Ako naman ngayon ang ngumiti. Isang mala-demonyong ngiti pero siyempre maganda pa rin

ako. Nakita ko si Jessica na patakbong pumapasok ng canteen. Mukhang nag-cut pa siya ng klase niya dahil hawak-hawak pa niya yung notebook at readings niya. Masunuring bata talaga.

Magiging magaling na secretary to balang araw. Pinanood ko si Jessica na takbuhin ang coffee shop na nasa likuran ko. Nagkandaugaga na siya sa pagbili dun dahil may kahabaan ang pila. Buti at napakiusapan niya yung mga nandun na paunahin siya. Sabi ko naman sa inyo eh. Ayos siyang maging secretary dahil efficient. Parang gusto ko yatang i-extend ang service niya? Lumapit na sa'kin si Jessica dala-dala yung kape na hinihingi ko sa kanya. Kung titignan siyang mabuti, makikita na maluha-luha na siya at tagaktak na ang pawis. Mabait-bait pa naman ako kaya pinaupo ko siya. "Nag-cut ka?" "Oo." "Saang building ka ba galing?" "Sa English department pa. Fifth floor." Kami ay nasa canteen ngayon. Ang English department ay nasa kabilang ibayo pa ng school namin. Kung baga, worlds apart ang drama ng buildings na yun. "Tinakbo mo?" "Oo. Natakot ako eh." "Hehehe. Sige, balik ka na sa klase mo. Masamang mag-cutting." Para namang pinagbagsakan ng langit at lupa si Jessica. Pinagod ko lang siya sa pagbili ng kape na ang tindahan ay nasa likod ko lamang. Tapos ngayon, pinapabalik ko na siya sa English department na nasa kabilang dulo pa ng canteen. Hindi naman kumontra si Jessica. Siyempre, takot siya sa panakot ko sa kanya eh. Tahimik ko

na lang na inenjoy ang kape ko.

Page 26: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

26

After three days... Hindi uso sa'kin ang karma pero mukhang tinatablan na ako nun ngayon. Heto ako, bagsak sa kama at hindi makatayo nang dahil sa matinding sakit ng ulo, sipon at pinakamasaya sa lahat, nilalagnat. 39.6 degree Celsius lang naman. Dahil PA ko pa rin si Jessica, tinext ko siya na ibili ako ng pagkain at gamot. Sabado naman ngayon kaya ayos lang na umalis siya. Siya lang maiistorbo ko ngayon dahil wala si Ria. As usual kasama boylet niya. Si Clarise naman ewan ko kung nasaan na yun. Nagbakasyon yata kasama ng parents niya. To: Jessica Balmaceda Jess, i'm sick. can you buy food and meds for me? Thanks. Pagkasend ko nun, hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Mga fifteen minutes siguro yun. Nagising na lang ako dahil may makulit na nagdo-doorbell sa labas ng condo namin. Imposibleng si Jessica yun dahil binigyan ko siya ng spare key. Sagabal sa pagpapahinga. Sinubukan ko na makatayo kahit umiikot talaga yung paligid ko. Mas lalong sasakit ang ulo ko kung hindi titigil sa kakapindot ng doorbell yung kung sino man yung nasa labas. Sinilip ko sa peephole kung sino yung nasa labas. Isang lalaki na may dalang pagkain ang nakatayo sa labas ng unit namin. Wala naman akong maalalang nagpa-deliver ako ah? Saka hindi naman mukhang delivery boy yung lalaki sa labas. Ang gwapo pa nga eh. Anyway, binuksan ko na lang para malaman kung sino siya. "Hi!"

"E-ETHAN?"

Page 27: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

27

Revenge 10 Forget Me Not “E-ETHAN?” Uh-oh. Mukhang kinakarma na talaga yata ako ah? Masyado na ba akong naging masama at mabilis na ang balik sa’kin ng karma? Nako naman. Mukhang kailangan ko munang mag-time out sa trabaho ko? “Hi Adrienne. I mean, Alex?” “Anong ginagawa mo dito?” “I brought you food and medicines.” Huh? Sa pagkakatanda ko, si Jessica yung inutusan ko ah? Pero bakit si Ethan yung nandito? Hindi naman ako na-wrong send kasi wala naman akong number ni Ethan. “Hindi naman kita inutusan ah?” “Hindi mo ba muna ako papapasukin?” Sigh. “Fine. Pasok.” Binuksan ko ng mas maluwag yung pinto para magkasya siya. Hindi naman ako ganun ka-rude para hindi siya papasukin. Baka hindi niya ibigay yung pagkain at gamot na dala niya. Kawawa naman ako. “Anong ginagawa mo dito?” ulit ko sa kanya. “Dinalahan nga kita ng pagkain at gamot.” "Hindi naman ikaw ang inutusan ko ah?" "Hindi nga pero yung kapatid ko, ako yung inutusan." Teka. Loading pa yung sinabi niya. Ang inutusan ko ay si Jessica. Inutusan siya ng kapatid niya kaya siya nandito. Ibig sabihin, kapatid niya si Jessica. Tama. Kapatid nga niya si Jessica. “Kapatid mo si Jessica?” “Yep! She’s my younger sister. May exam siya sa Tuesday kaya hindi siya makakarating dito. Ako na lang pinapunta niya dahil may usapan daw kayo.” Oh-kay. Sana naman nakalimutan na niya yung ginawa ko sa kanya. Gahd. Na-tripan ko lang naman yung ginawa ko sa kanya. Para hindi na niya maalala, kailangan ko nang mag-escape mode. Babalik na lang ako sa kwarto ko para matulog ulit. Masakit pa rin naman yung ulo ko eh. “Uh, sige, balik na ako sa kwarto ko. Sakit ng ulo ko eh.” Sana bumenta yung rason ko. “Hep! Kumain ka muna bago ka matulog.” “Eh. Masakit na ulo ko.” “Kaya masakit ang ulo dahil hindi ka pa kumakain.” “I’m too tired to eat.” “Then, I’ll feed you.”

Page 28: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

28

Ugh. Hindi naman talaga siya makulit ano? Mukhang hindi pa siya natuto sa ginawa ko sa kanya. Baka gusto niya ng part two? “Alam mo kaya ko naman yun gawin eh. Pero mamaya na lang pwede? Pagkatapos kong matulog?” “Kumain ka na lang, pwede?” “Eh. Tulog muna ako please?” Syaaaks. Hindi talaga magpapaawat to. “Kumain ka muna.” “Uwi ka na lang kaya?” “Hindi bumebenta sa’kin yang ginagawa mo.” Haay. Fine. Talo na ako. Suko na ako. Kung wala lang akong sakit, gagawan ko ng part two yung ginawa ko sa kanya dati eh! “Fine. Suko na ako.” Umupo na ako dun sa couch tapos pinanood ko siyang ayusin yung dala niyang pagkain. Binuksan niya yung congee na dala niya. Syaaks. Ang bango. Nagutom ako lalo. Hahayaan ko na nga lang siyang gawin ang gusto niya. Nag-scoop si Ethan ng isang kutsarang congee tapos tinapat sa bibig ko. Aba, gagawin yata

ako nitong baby ah? Sabagay, baby faced naman ako. Binuka ko naman yung bibig ko para hindi na siya manermon. Sumunod na lang ako ng sumunod kahit labag sa kalooban ko. Ayoko kasi ng ginaganito ako. Lalo pa’t lalaki. Naaalala ko lang yung dati. Bakit ba kapag si Ethan yung kaharap ko, lagi ko na lang naaalala yung nakaraan ko? Nakatitig lang ako sa mukha ni Ethan. Hindi talaga maitatanggi na gwapo siya. Kung siya siguro ang nauna kong nakilala, siguro hindi ako masasaktan. Wala kasi sa hitsura niya na nananakit siya ng babae. Parang lahat ng babae, ginagalang niya. Paano nga kaya kumilos si Ethan sa harap ng mga babae? Ganito kaya talaga siya ka-sweet? Ang swerte naman ng girlfriend niya. Kakainggit. Hey! Did I just say that? “Ano, nagwapuhan ka na ba sa’kin?” Bigla akong bumalik sa Earth. Nawindang ako sa sinabi ni Ethan. Nahuli siguro niya akong nakatitig sa kanya. Pero siyempre, deny! “Kapal mo!” “Asus. Aminin mo na. Kahit nung unang beses pa tayong nagkita, alam ko namang nagwapuhan ka na sa’kin.” Eh. Naaalala pa niya yun? Mygaaahd. Nakakahiya. Baka ipamukha niya sa’kin yung ginawa ko sa kanya. Wag naman sana. “Yeah, right. Whatever.” “If I know, kaya mo ginawa yun kasi gusto mo lang makita. Sana sinabi mo na lang. Madali naman akong kausap.”

Page 29: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

29

Inuungkat na nga ba talaga niya yung nangyari noon? Inuungkat na ba talaga niya yung ginawa ko? Pwede na ba akong magpalamon sa lupa ngayon? Kahit naman malakas ang loob ko na gawin yun, marunong pa rin naman akong mahiya eh. OMG. At nahihiya na talaga ako ngayon. “Pwede bang kalimutan na lang natin yung ginawa ko sa’yo?” “Well, kung gusto mong kalimutan ko talaga yung ginawa mo, you need to promise me one thing.” “Fine.” Papatulan ko talaga yun para kalimutan na niya yun. Ako ng kahihiyan! “Go out on a date with me.”

Revenge 11 Remember The Time “Girl, ang haba ng hair mo!” Nasa mall kami ngayon ni Clarise dahil bigla na lang niya akong hinila at kinaldkad papunta dito. Kinuwento ko kasi sa kanya na niyaya ako ni Ethan na mag-date. Pumayag naman ako kasi sabi ni Ethan, kakalimutan na daw niya yung ginawa ko sa kanya basta pumayag lang daw ako sa date na inaalok niya. Ayun nga, nandito kami ni Clarise dahil kailangan dawn a bumili ako ng bagong dress at magpaganda para naman daw hindi magmukhang kawawa si Ethan kapag nag-date na kami. Kailangan din daw na maganda ako para hindi daw ako ipagpalit ni Ethan sa iba. Duh. Para namang boyfriend ko si Ethan. Pinagbigyan ko na lang si Clarise sa gusto niya. Lumuwas pa kasi siya talaga ng Manila para lang ipag-shopping ako. Mas excited pa talaga tong babaeng to kaysa sa’kin. Pumasok kami sa isang boutique na puro dress ang tinitinda. Ang gaganda ng mga dress nila pero hinayaan ko na lang si Clarise ang mamili para sa’kin. Mas magaling kasi yang friend ko na yan pagdating sa fashion. Kung papayagan nga lang siya ng parents niya, sa Paris yan magka-college para kumuha ng Fashion Design kaso ayaw ng mommy niya dahil unica hija. “Alex, try this one. Bagay sa’yo to.” Kinuha ko naman yung binigay niya sa’king dress. Purple yung kulay nun. Tapos beaded one shouldered trim. Empire cut kaya free flowing yung from the waist pababa. Ang ganda. Tinignan ko naman yung sarili ko sa salamin pagkatapos kong isuot yung binigay ni Clarise. Tama yung sinabi niya. Bagay nga sa’kin. Mas na-emphasize yung skin color ko. Perfect din yung fit sa’kin nung dress. Kitang-kita yung shape ng katawan ko. Lumabas na ako ng fitting room para ipakita kay Clarise. “Gosh, Alex! Mag-model ka na lang kaya?” “Heh! Ano bagay?” “Oo! Siguradong luluwa ang mata ni Ethan niyan sayo!”

Page 30: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

30

“Loka! May iba ka pang ipapasukat?” “Wala na. Iyan na lang. Ang ganda talaga eh. Bagay na bagay sa’yo.” Bumalik na ako sa fitting room. Hinubad ko na rin yung dress at sinuot ulit yung jeans at shirt ko. Sanay naman ako magsuot ng mga dress pero mas komportable pa rin talaga ako sa jeans, shirt at chucks. Casual lang kasi ako. Binayaran na namin yung binili namin na dress. Nagyaya naman kaagad kumain si Clarise pagkalabas namin ng boutique. Pumayag na rin ako kasi medyo nagutom na rin ako. Si Clarise na yung umorder ng pagkain namin. Alam na rin naman niya kung ano ang gusto kong kainin. Sus, sa tagal ba naming magkaibigan, hindi pa niya malalaman yun? Habang naghihintay na i-serve yung pagkain namin, as usual, si Clarise hindi niya mapigilan ang bibig niya. Inintriga ako tungkol sa lovelife ko. Siguro naman tanda niyo pa na hindi alam ni Clarise yung tungkol sa ex-boyfriend ko di ba? Wala akong pinagsabihan kung sino yung hinayupak na lalaking yun. Kaya nga todo ratrat ng tanong si Clarise ngayon. “Friend, hindi mo pa rin ba nakakalimutan yung ex mong yun?” “Not again.” “Eh kasi naman. Ilang taon na ba yun? Four years na! Twenty ka na ngayon pero hindi ka pa rin nag-o-open up sa’kin about him.” “Hindi na kasi siya dapat pang pinag-uusapan.” Ganito ako lagi kapag si Clarise ang kausap ko tungkol sa lalaking yun. Lagi akong umiiwas. Ayoko nang maalala pero ewan ko. Bumabalik at bumabalik siya katulad ng isang bangungot. “Sige, hindi na kita kukulitin dyan dahil alam ko namang hindi mo rin naman ikukwento sa’kin yan.” “Buti alam mo.” “Pero si Ethan. Saan mo ba napulot si Ethan? Gusto ko rin makakita ng kasinggwapo niya! Mygaaaahd! Hindi ko pa siya nakikita niyan ha? What more kung face to face kami ngayon!” Natawa naman ako sa sinabi nitong si Clarise. Basta lalaki talaga ang pinag-uusapan, umuusok na ang tenga. Palibhasa, NBSB kaya grabe kung makapagpantasya sa lalaki. Strict kasi parents niyan. Kaya wag na kayong magtaka kung ganyan na lang reaksyon niyan nang ikwento ko yung tungkol sa pagyayaya ni Ethan ng date. Kinuwento ko na rin yung unang pagkikita namin ni Ethan. As in lahat-lahat. Yung paglalaro ko, sa pakikipag-flirt ko kay Ethan, yung kiss, yung pagpunta namin sa condo niya, yung muntik nang mangyari, yung pagsa-shower niya, yung pagdaan ng mga teenager at isang matandang babae hanggang sa pagtakbo ko na dala-dala ko yung towel niya. “OMG. Maglalaro ka na nga lang, yun pa yung naisipan mo.” “Eh ano naman gusto mong laruin namin?” “Pwede naman kayong magpatintero o kaya jackenpoy. Bakit mo naman hinubaran sa harap ng madlang people si Papa Ethan?” “Wala lang. Trip.” “Nako. Ikaw talaga! Pero hindi kaya destined kayo para sa isa’t isa?” Hala. Ano ba tong pinagsasasabi nitong si Clarise? May destiny destiny pang nalalaman. Nasobrahan na yata to sa panonood ng chick flicks eh. “Destined para sa isa’t isa?” “Oo. Kasi biruin mo, nagkita kayo ulit nang dahil kay Jessica.” “Ano naman?”

Page 31: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

31

“Wala lang. I find it nice kasi. Malay mo siya na pala si Forever Guy mo.” Sus. Romance naman pala ang tinutumbok ng babaeng to. Mula nang mabasag ang puso ko, hindi na ako naniniwala sa romance na yan. Somewhere along the way, may masasaktan lang sa’min kaya mas mabuti pang wag na lang pagtuunan ng pansin. Kaya nga ganito ako ngayon eh. Number one hater ng salitang pag-ibig. “Forever Guy? I don’t believe in such things. Ilusyon lang yan.” “C’mon, Alex. One day, kakainin mo rin lahat ng mga sinabi mo tungkol sa love na yan. You’ll realize na masarap magmahal.” “Saan mo naman natutunan yan eh, NBSB ka nga?” “Heh! Basta, believe me. Kakainin mo rin lahat ng yan.” “Whatever.” Nung dumating na yung inorder naming mga pagkain, kumain na lang kami ni Clarise ng tahimik. Hindi na rin namin inopen yung topic na pinag-uusapan namin kanina kahit nung pauwi na rin kami. Mas mabuti na rin yun kasi wala akong maisasagot sa kanya pag nagkataon. Nang makalabas ako ng elevator, dumiretso agad ako sa unit namin. May kabigatan kasi yung mga pinamili namin ni Clarise. Kaso pagdating ko dun, hindi ko inaasahan yung nakita ko. Si Lex. Nakaupo siya sa sahig, nakasandal sa dingding ng unit namin, nakapatong ang ulo sa dalawang tuhod niya. Para siyang batang nawawala sa hitsura niya. Naglakad ako papalapit sa kanya. Mukhang narinig niya yung mga yabag ko kaya napalingon siya sa’kin. Napansin kong medyo mamasa-masa yung mga mata niya. Umiyak ba siya? Agad naman siyang tumayo at inilang hakbang lang niya yung pagitan namin. Palibhasa matangkad at mahaba ang mga binti kaya within three big steps, nasa harapan ko na siya agad. Sa isa pang pagkakaktaon, hindi ko na naman inaasahan ang nangyari. Nabitawan ko na lang lahat ng bitbit ko. Buti walang babasagin dun kundi, basag na lahat ng yun. Nabitawan ko lahat ng dala ko dahil niyakap niya ako. Hindi ko na pinagana ang isip ko kaya niyakap ko na lang rin siya. “Alex,” bulong niya habang hinigpitan pang lalo ang pagkakayakap sa’kin. Na-miss kita. Gusto ko sanang sabihin. Pero hindi ko kaya. Bumalik lahat ng alaala at emosyon ko noon. The same giddy feeling of the yesteryears sets in. Memories of the past started to occupy my mind. Painful and sweet.

Revenge 12 Memories of the Past Love March 22. First year anniversary namin ngayon ng boyfriend ko na si Andy. Four years ang tanda niya sa’kin pero age doesn’t matter kapag mahal niyo ang isa’t isa. Marami na kaming pinagdaanan pero heto pa rin kami, going strong. Never yata niya akong sinaktan kaya siguro kami ganito nagtagal. Gusto kong matulad kami ni Andy sa relationship ni Ria at ng boyfriend niya. Though hindi ko

Page 32: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

32

pa nakikita yng boyfriend ni Ria, sigurado akong mahal na mahal niya yung kapatid ko. Tatagal ba sila ng halos three years kung hindi di ba? Sana katulad ng boyfriend ni Ria si Andy. Sana magtagal din kami. Sana nga forever na eh. Kung pwede lang. Papunta na ako ngayon ng Rock n’ Dine. Iyon yung bagong tayong resto bar ni Ria saka ng boyfriend niya. Graduate na kasi yung boyfriend niya tapos graduating naman si Ria. Humingi sila ng capital kina Mama at Papa maging dun sa parents nung guy para ipatayo itong bar. Ngayon nga yung opening ng bar. Siyempre, supportive ako sa ate ko kaya sa RnD na lang kami magkikita ni Andy at magse-celebrate ng anniversary namin. Narinig kong tumunog yung cellphone ko. Agad ko namang kinuha yun sa bag ko kasi baka si Andy na yung tumatawag. Hindi ko pa kasi siya nababati. Pagtingin ko kung sino yung tumatawag, agad kong sinagot yung call. Si Andy nga. “Hello, babe.” “Hey there, gorgeous.” “Saan ka na?” “I’m on my way. `Worried much?” “Of course. Ingat ka, okay?” “I will. Ikaw din. How `bout you? Saan ka na?” “Driving my way there. I’ll see you there, ok? I have a surprise for you.” “Sweet. I’m excited to see you. Can’t wait for the surprise. I’m sure I’ll love it. Syempre, galin sayo eh.” “Kaya mahal kita eh. Pinapataba mo ang puso ko. Happy Anniversary, Alexis Danielle Fernandez.” “Happy Anniversary, too, Alexander Lawrence Pierpont, my French guy.” “Hahaha. Ayan ka na naman sa French guy na yan.” “French ka naman eh.” Half-French kasi si Andy. His dad’s French and his mom’s Filipina. He grew up here in the Philippines pero every summer, he goes to France to spend time with his family. Siya na lang kasi ang nakatira dito. Sa France nakabase yung dad niya to manage their wine business. “I love you, Alex. I’ll see you in a bit, ok?” “Yes, I love you too. Happy anniversary, babe.” “Happy first anniversary, my Alexis.” “There’s more to come, right?” “Of course. I love you. Bye.” “I love you too. Bye.” Narinig ko lang boses niya pero parang na akong nakainom ng isang dosenang multivitamins na Centrum, complete from A-Z. Saka yung Enervon, more energy mas happy. Pero para sa’kin si Andy ang multivitamins ko. He makes me happy and complete. Wala pang fifteen minutes, nasa RnD na rin ako. Nakita ko si Andy na nakasandal sa kotse niya. Pagkababa na pagkababa ko ng taxi, pinuntahan ko agad siya. excited lang talaga akong makita siya. “Hey,” tawag ko sa kanya nung makalapit na ako. “Hey yourself, gorgeous.” “Happy anniversary, amour. Je t’aime.” “Aba, nagfe-French ka na ngayon ha? Joyeux anniversaire. Je t’aime trop.” “Syaaaks, nosebleed naman ako. Di ko naintindihan.” “Sabi ko, Happy anniversary. I love you.” Pagkasabi niya nun, hinalikan niya ako sa lips. Sandali lang yun pero yung epekto, long lasting.

Pang matagalan. Parang yung battery lang.

Page 33: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

33

“For my lady.” Inabot niya sa'kin yung isang bouquet ng tulips. Favorite flowers ko yun. Lalo na yung peach yung kulay. Kahit mahal yun, palagi niya akong binibigyan tuwing monthsary namin. “Tara, pasok na tayo.” “Thanks for this, ha? Let’s go.” Pumasok na kami sa loob ng RnD. Ang ganda ng interior ng bar. Homey yung dating. Parang ang sarap tumambay dun. Mukhang mapapadalas ako dito ah? Nakita ko si Ria na papalapit sa’min. naka-plaster sa mukha niya ang isang napakatamis na ngiti. Masaya siguro siya dahil opening ng restaurant plus, magkakakilala na sila ni Andy. Di ko pa kasi siya naipapakilala kay Ria. Mukhang ngayon na yung oras para dun. “Para sa’kin ba yan?” sabi ni Ria habang kinukuha yung bouquet ng tulips ko galing kay Andy. Siya kasi yung may dala dahil may dala akong regalo para kay Ria. Alam niyo na. Congratulatory gift. “Ang sweet talaga ng Lex ko,” sabi ni Ria sabay kiss kay Andy. Teka nga. Ano bang nagyayari? Bakit hinahalikan ng ate ko ang boyfriend ko? “`Seems like the two of you already know each other. Pero I want to introduce the two of you formally.” Ano bang sinasabi ni Ria? Bakit magkakilala sila? Ang daming tanong na bumabagabag sa’kin. “Alex, I want you to meet Lex.” Lex? Hindi ba’t Andy ang nickname ni Alexander Lawrence Pierpont? Ano bang nangyayari? “Lex, this is my sister, Alex. Alex, si Lex yung boyfriend ko for three years now.” Nilahad ni Andy/Lex yung kamay niya sa’kin. Tinanggap ko na lang kahit naguguluhan ako. “Hi, Alex. I’m Lex. Finally, we meet. Palagi kang kinukwento nitong si Ria.” OMG. Tell me. This is not happening. Ang Andy ko ay siyang Lex din ng Ate Ria ko?

Revenge 13 Memories of the Past Love II “Hi, Alex. I’m Lex. Finally, we meet. Palagi kang kinukwento nitong si Ria.” Kaya ba hindi niya ako sinasaktan kasi iniipon niya yun para kapag sasaktan na niya ako, isang bagsakan na lang? Yung tipong guguho talaga yung mundo ko? Kung ganun nga, pwes, sobra-sobra pa yung nararamdaman ko. Hindi lang buong mundo ko yung gumuho. Pakiramdam ko pati yung ibang planeta, yung araw, yung mga buwan, yung

Page 34: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

34

mga bituin bumagsak din sa harapan ko. Higit pa sa end of the world yung sakit na nararamdaman ko. “I’m so happy na finally nakilala mo na rin si Lex, sis.” Kitang-kita ko sa mukha ni Ria na masaya talaga siya. Excited pa nga eh. Kung alam lang niya. “Masaya rin ako.” Pinilit kong ngumiti kahit pinipigilan kong maiyak sa harapan nila. Sana hindi mahalata ni Ria ang namumuong luha sa mga mata ko. “Ay, wait. I have to check something sa office ko. Lex, ikaw muna bahala sa sister ko ha? Wag mo yang papaiyakin.” “Sure.” Pagkaalis ni Ria, tumakbo na rin ako palabas ng RnD. Hindi ko na napigilan yung pagbagsak ng luha ko. Ang sakit sakit. Sa totoo lang hindi ko talaga maipaliwanag yung tamang description para mailarawan yung sakit na nararamdaman ko eh. “Alex, wait!” Hindi ko pinansin si Andy o Lex o kung ano ba talaga ang pangalan niya. “Alex naman oh, please!” Nahablot na niya yung braso ko kaya napatigil ako sa pagtakbo. Pero yung mga luha ko, tuloy-tuloy pa rin sa pag-agos. Yung pagdugo ng puso ko, mukhang panghabang buhay na rin. “Please, let me explain everything!” “E-explain?” “Yes, Alex. Please, just listen to me.” Kailangan ko pa ba talagang marinig yung mga sasabihin niya? Hindi pa ba sapat na sa kapatid ko pa mismo nalaman na pinagsasabay niya kami? Ano pa bang kasinungalingan ang ipapakain niya sa’kin? Gusto pa ba niya akong magmukhang tanga sa kakapaniwala sa kanya na totoo lahat ng pinapakita niya at sinasabi niya? “Ano pa ba ang gusto mong sabihin, ha?” Hindi pa rin tumitigil ang pag-iyak ko. Mas lalo pang lumalakas habang patuloy na nakikita ko si Andy. Mas lumalalim yung sugat na ginagawa niya sa puso ko. “I’m sorry, Alex. For hurting you.” “Sa tingin mo mababawi lahat ng sorry mo ang sakit na binigay mo sa’kin?” “Alam ko nasaktan kita pero minahal din naman kita habang tayo pa, Alex.” “Ginagago mo ba talaga ako, Andy? Or should I say Lex? Tanga siguro ang tingin mo sa’kin kasi andali mo akong napaniwala sa’yo.” Lahat ng sa tingin ko ikatutuwa niya, ginawa ko. Tinalikuran ko mga magulang ko para lang makasama siya. Lahat ng hiningi niya sa’kin binigay ko. Buong puso at buhay ko nilaan ko sa kanya. Pinangarap ko ang future ko kasama siya. Kulang na lang pati paghinga ko, idepende ko sa kanya. Naniwala ako sa kanya na mahal niya ako pero anong ginawa niya? Pinaniwala niya ako na ako lang ang babae para sa kanya pero dalawa pala kami. At ang magaling pa dun, Ate ko pa ang karibal ko. Hindi lang yun, ako pa yung lumalabas na kabit sa’min ni Ria.

Page 35: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

35

Nagpakatanga ako para sa kanya kasi mahal na mahal ko siya. First love ko eh. Akala ko nga siya na yung Forever Guy ko. Pero turns out, siya pala yung lalaking magbibigay sa’kin ng kauna-unahang kasawian ko sa pag-ibig. First love naging first disaster. “Pero totoo yung sinasabi ko, Alex. I love you.” “Tama na, Andy. Ang sakit sakit na. Hindi pa ba sapat sa’yo si Ria kaya pati ako pinatulan mo?” “Hindi mo naman alam kung ano ang totoo, eh.” “Then tell me!” “Okay. On the rocks noon ang relationship namin ni Ria. Akala ko hanggang dun na lang yun kaya I started looking for a replacement for her.” T’ngna naman oh. The truth hurts pala talaga. Replacement lang pala ako. Siguro kung hindi sila nagkagulo, hindi rin ako lalabas sa eksena. Dakilang replacement lang pala ako all along. “That’s where you came in. Pero hindi ko alam na mapapamahal ka na talaga sa’kin.” “Pucha naman, Andy! Wag mo nga akong ginagago! Mapapamahal? Sigurado ka ba sa sinasabi mo? E ikaw na rin ang nagsabi na replacement lang ako!” “Totoo yun, Alex! Minahal talaga kita.” “Sabihin mo nga sa’kin ang totoo. Alam mo bang magkapatid kami ni Ria mula pa nung umpisa?” Mahabang katahimikan ang nangyari bago siya tuluyang tumango. Hindi ko na napigilan yung sarili ko. Pakiramdam ko sasabog na ako sa sobrang sakit at galit na nararamdaman ko. Hindi ko na napigil ang sarili kong sampalin siya. Ano bang nagawa ko para parusahan ako ng ganito? All along pinaglalaruan niya lang pala kami ni Ria. All along replacement lang pala ang tingin niya sa’kin. All along niloloko lang pala niya ako na mahal niya ako. All along naging tanga ako dahil nabulag ako masyado sa pagmamahal ko sa kanya. Ang sakit sakit talaga. Ang lalaking mahal na mahal ko ay ang siya ring lalaking mahal na mahal ng kapatid ko. Sa loob ng isang taon, iisang tao lang pala ang mahal namin pareho. Humahagulgol na talaga ako ngayon. Nararamdaman ko na rin ang paninikip ng dibdib ko. Bago pa ako tuluyang maghyperventilate sa harap niya, binigyan ko ulit siya ng isa pang sampal na talagang deserved niya. Ayoko nang magmukhang kawawa sa harap niya kaya pinara ko na yung unang taxi na nakita kong walang laman. Iniwan ko si Andy dun na nakatayo mag-isa. Tulala sa sampal na binigay ko sa kanya. Ako naman, eto, sakay ng isang malamig na taxi. Umiiyak nang dahil sa katangahan ko sa pag-ibig.

Revenge 14 For The Love of Ria “Ano ba, Lex?” Sa pagbabalik ng mga masasakit na alaala na yun, bigla akong natauhan at mabilis na tinulak palayo si Lex. Hindi dapat ako nagpapadala sa mga emosyon ko. Porke’t nakita ko lang siya ulit at niyakap ako, bumigay na kaagad ako. Nakalimutan ko na agad na sinaktan niya ako. Hindi yun tama. Sinaktan niya ako. Dapat galit ako sa kanya. Kinuha ko yung mga pinamili ko tapos naglakad na para buksan yung pinto. Hindi gumalaw si Lex sa pwesto niya. Nakayuko lang siya dun sa kinatatayuan niya. sa hitsura niya, para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa’kin ngayon pero

Page 36: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

36

may bahagi sa isip ko na sinasabi na lapitan siya at hilahin siya papasok ng unit namin. What’s wrong with me? I’m supposed to hate him but why am I actually being soft to him? Nilagpag ko muna sa loob yung mga pinamili namin. Lumabas ako ulit at nilapitan siya. Hinawakan ko ang isang kamay niya at dahan dahang hinila papasok ng unit namin. Pinaupo ko siya dun sa couch. Hindi pa rin niya tinataas yung ulo niya. narinig ko na lang siyang humihikbi. Kaya siguro siya malungkot kasi nag-away siguro sila ni Ria. Buti pa si Ria iniiyakan niya. Bakit nga ba hindi? Siguradong mahal na mahal niya yun. Aabot ba sila ng anim na taon kung hindi? Kaya nga si Ria ang pinili niya sa’min di ba? Sigh. Bitter pa rin ako. Pagkatapos kong kumuha ng tubig para kay Lex, umupo ako sa silya sa tapat niya. Umiiyak pa rin siya hanggang ngayon. Yung isip ko epal ngayon. Sabi sa’kin lumapit daw ako ulit at i-comfort siya. Si ako naman, tanga rin, lumapit nga at niyakap siya. “Alex, si Ria,” bulong niya habang yakap-yakap ko siya. Hanggang ngayon masakit pa rin pakinggan na si Ria ang pinili niya. “Si Ria. She turned me down. She left me. She chose another guy. She rejected my proposal. Alex, ang sakit sakit.” Kung nasasaktan siya, hindi ba niya naiisip na nasasaktan din ako. Na nasasaktan pa rin ako? Kahit apat na taon na yung nakalipas, hindi nawala yung sakit na dinulot niya sa puso ko. Apat na taon na rin akong namuhay nang walang pag-ibig at galit sa pag-ibig. Pero heto ako ngayon, parang tanga sa harap ni Lex. Nasasaktan na parang mahal na mahal ko pa rin siya. Kumalas na si Lex sa yakap ko. Hinawakan niya ako sa mga balikat ko at tinignan sa mata. “Alex, tulungan mo ako. Gusto kong ma-realize niya na mali yung ginawa niya. Mali yung taong pinili niya.” Kitang-kita ko sa mukha ni Lex na nalulungkot talaga siya. Determinado siyang mabawi si Ria. Mahal na mahal niya talaga si Ria. Ako kaya, minahal rin niya noon? “I know you’re into this revenge thing, Alex. Please help me get Ria back.” Bakit ba kapag nagkakaroon sila ni Ria ng hindi pagkakamabutihan, sa’kin siya tumatakbo? Mula noon hanggang ngayon replacement lang ako sa kanya? Para lang ba akong isang laruan sa kanya na kapag nasira yung totoo niyang gusto, bibilihin na lang niya ako bilang kapalit? Replacement na lang ba talaga ako? “Please, Alex, help me.” “Anong gusto mong mangyari?” “Magpanggap kang girlfriend ko para pagselosin si Ria. Para ma-realize niya na ako pa rin ang mahal niya.” Kahit kailan napaka-insensitive niya pero tanga pa rin ako. Hanggang ngayon nagpapagamit pa rin ako. Hanggang ngayon isa pa rin akong replacement.

Page 37: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

37

“Alex?” “Okay.”

Revenge 15 Loving Alex

ETHAN'S POV Ngayon yung date namin ni Alex. Pakiramdam ko para akong isang teenager na first time makaka-date ang long time crush niya. Dapat nga hindi ganito ang reaksiyon ko dahil muntik nang may mangyari sa’min kung hindi lang niya ako pinagtripan noon. Siguro kung hindi niya ginawa yun, natuloy pa yun. Ang weird nga eh. Imbis na magalit ako dahil pinahiya niya ako, mas matuwa pa ako. Hindi naman sa natuwa akong maraming nakakita ng pagkalalaki pero natuwa ako kasi may dahilan ako para makita ulit siya. Kaya naman nung nagkita kami ulit, ginamit ko na yung nangyaring yun para yayain siyang mag-date. Unang beses ko pa lang siyang makita, natameme na ako. Naglalakad pa lang siya nun papunta sa bar, nakuha na niya agad yung atensyon ko. Mas lalo akong napatunganga nang tanggalin niya yung mask niya nun. Ang ganda talaga niya. Lalo na yung mga mata niya. Kaso ang lungkot tignan ng mga mata niyang yun. Parang may iniindang sakit. Ako, sigurado akong hindi ko papaiyakin si Alex. She’s like a crystal. She’s too precious para paiyakin lang. Balik tayo sa date namin. Nasa stage si Alex ngayon kasi kakanta muna siya. Nasa Rock n’ Dine kami na pag-aari pala ng kapatid niya saka nung boyfriend nung kapatid niya. Every Wednesday pala nagpapart time singer siya dito dahil sa Ate niya. “Good evening, everyone! Kamusta naman kayo? Sana okay pa kayo. I’ll be performing just one song tonight. Sorry kung hindi ko mae-entertain yung mga requests niyo.” Nagkaroon ng sangkaterbang violent reaction galing sa audience. Mukhang gustong-gusto nilang naririnig kumanta si Alex. She must be a very good singer then. Na-excite naman akong marinig ang boses niya. “Alex, bakit isa lang?” “Oo nga! Namiss pa naman namin ang pagkanta mo! Pwede bang everyday ka na lang kumanta dito?” “Hahaha. Gusto ko man magtagal, hindi pwede. May date kami nung mamang yun.” Tinuro niya ako tas nag-wink pa siya. Kumaway na lang ako para makita naman ako ng mga tao. “Ay sige, Alex. Date na lang kayo ng papa mo!” “Pag nagbreak kayo, pwede akin na lang siya?” “Ano ka! Aagawan mo pa si Alex eh. Basta Alex, invited kami sa kasal ha? Kami

Page 38: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

38

naman kakanta para sa’yo.” Nakakatuwa naman yung audience ni Alex. Parang ngayon lang nila nakitang nakipag-date si Alex. Sa ganda niyang yan, walang magyayayang makipagdate sa kanya? I doubt it. “Joke ba yun? Hindi ko boyfriend si Ethan no! Kaya malayong magpakasal kami. Saka wala sa isip ko yang kasal na yan. Di pa nga ako graduate eh. Ay, kakanta na nga lang ako.” Masayahin rin pala si Alex. Pero bakit may lungkot pa rin yung mga mata niya? Nagsimula na siyang kumanta. Ngayon alam ko na kung bakit hinahanap hanap siya ng mga patrons ng bar na to. Heart felt kasi yung kanta niya. “I want somebody to share Share the rest of my life Share my innermost thought Know my intimate details Someone who’ll stand by my side And give me support And in return he’ll get support He will listen to me When I want to speak About the world we live in And life in general Though my views may be wrong They may even be perverted He’ll hear me out And won’t easily be converted To my way of thinking In fact he’ll often disagree But at the end of it all He will understand me Aaaahhhhh…” May bahid ng longing yung boses ni Alex. Parang naghahanap siya ng taong magmamahal sa kanya ng totoo. Yung tipong mamahalin siya dahil siya si Alex. Hindi ko alam pero pakiramdam ko, gusto ko ako yung lalaking yun. Gusto ko sa’kin niya makita yung taong yun. Gusto ko ako lang. I like Alex. I really like her. “I want somebody who cares For me passionately With every thought With every breath Someone who'll help me see things In a different light All the things I detest I will almost like I don't want to be tied To anyone's strings I'm carefully trying to steer clear of Those things But when I'm asleep I want somebody Who will put their arms around me

Page 39: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

39

And kiss me tenderly Though things like this Make me sick In a case like this I'll get away with it And in a place like this I'll get away with it Aaaahhhhh....” I want to be Alex’s ideal man. I want to be that guy in her song. Willing akong gawin lahat ng sinasabi sa kanta kung iyon ang gusto niya. Basta, lahat ng gusto niya, gagawin ko para magustuhan din niya ako. Mukhang tinamaan na talaga ako. “Thank you for listening! Sana nagustuhan niyo. Sige, may date pa kami ni Ethan.” Bumaba na siya ng stage at naglakad papalapit sa’kin. Maraming lalaki ang nagch-check out sa kanya. Sorry na lang sila kasi ako yung kasama ni Alex ngayon. “Lipat tayo ng bar,” sabi niya sa’kin nang makalapit siya. Sumunod na lang ako sa kanya kasi hinila na niya ako palabas. Nag-drive ako papunta sa Ambassador’s kasi yun yung pinakamalapit na bar dun sa RnD. Pagdating namin dun, dumiretso kaagad si Alex sa bar counter. Umorder kaagad ng scotch. Mukhang may balak maglasing. Nung nakatatlong baso na siya, nagsimula na akong pigilan siya. May tama na kasi siya. Dumadaldal na rin kasi. “Bakit ganun, Ethan? Palagi na lang ako yung replacement kay Ria? Hindi na ba talaga niya ako makikita as Alex? Bakit lalapit lang siya sa’kin kapag nagkakagulo sila ni Ria? Ano ako? Parausan? That’s bullsh.t.” Am I hearing things right? She’s actually confiding to me? “Ang insensitive talaga ni Lex. Hindi man lang niya naisip na nasasaktan din ako. G.go talaga siya kahit kailan. Pero kahit anong gawin ko, mahal ko pa rin siya eh. Tanga rin kasi ako. Akala ko wala na akong nararamdaman sa kanya pero nung niyakap niya ako, bumigay naman ako agad.” May karibal pala ako sa puso ni Alex. Di naman ako natatakot. Alam kong may laban naman ako. “Tanga ko talaga. Pumayag ako sa plano niya kahit alam kong masasaktan din ako. Pero wala eh. Mahal ko pa rin talaga siya. Kahit sobrang sakit nung ginawa niya, siya pa rin. Siya pa rin. Tell me, Ethan, will I ever escape him? Will I ever move on?” “You will, Alex. You will. I’ll help you move on.” Totoo yung sinabi ko. Tutulungan ko siyang mag-move on. Gagawin ko lahat para mapalitan yung Lex na yun sa puso niya. Hindi na ulit nagsalita si Alex. Nakasubsob na lang siya dun sa table. Nakatulog na yata. May tama na kasi. Inalalayan ko siyang makalabas ng bar. Late na masyado kaya sa condo ko na lang siya inuwi. Hindi ko naman siya gagalawin kaya safe siya. I respect her. Ayoko namang ma-turn off kaagad siya sa’kin. Hindi pa nga ako nagsisimulang manligaw, basted na agad ako. Ayoko. Tutulungan ko siyang mag-move on.

Page 40: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

40

Iisa lang kwarto dito kaya sa kwarto ko siya dinala. Inihiga ko siya sa kama tapos umupo ako sa gilid niya. Pinagmasdan ko siyang mabuti. Hindi talaga maitatanggi na napakaganda ni Alex. Sayang siya kung matatali siya sa lalaking sinaktan siya. Bigla kong naalala yung kanta ni Alex kanina. Sana ako na lang yung somebody na hinahanap niya. Gagawin ko lahat para sa kanya. Tinabihan ko siya sa kama. Akala siguro niya unan ako kaya napayakap siya sa’kin. Ewan ko ba, natuwa naman ako sa ginawa niya. Hinalikan ko siya sa forehead bago ako pumikit. I’ll do everything to make you mine, Alex. I promise I won’t hurt you if ever you’ll be mine. "I think I'm in love with you, Alex." ya naman boyfriend ko, si Ryan. Ikaw ba si Julie?” Kaya pala Adrienne ang sinabi niya sa’king name noon. She uses aliases para itago identity niya. “Oo, bakit?” “Ikaw ba yung girlfriend ni Tristan?” “Oo.” “Ah, miss, wag ka sanang mabibigla. Pero…” “Ano ba kasi yun?” “May asawa na kasi si Tristan. Pinsan ko siya at sana wag ka na naming mababalitaan na ginugulo o hinahabol habol pa si Tristan.” “A-ano?” Napansin kong tumulo na yung luha ni Julie. Inabot ni Alex yung brown envelope. Binuksan naman agad ni Julie at tinignan kung anu-ano yung laman nun. Totoo nga yung sinabi ni Alex na kasal na yung Tristan. Wedding pictures yung nakalagay dun. Meron pa ngang isa na buntis yung babaeng kasama ni Tristan. T-totoo ba to?” “Concerned lang ako sa pamilya ng pinsan ko. Ayokong masira yun nang dahil lang sa isang katulad mo. Kaya pwede lang, layuan mo na siya or else sa korte na lang tayo magkikita.” Tuloy-tuloy na yung pagdaloy ng luha ni Julie. Nasaktan na siya. Niloloko lang pala siya nung Tristan. Lumalabas na kabit siya ni Tristan dahil may asawa at magkakaanak na pala si Tristan. “P-pwede bang i-iwan niyo na a-ako? G-gusto kong m-mapag-isa.” “Sige, Miss, aalis na kami ng girlfriend ko. Concerned lang talaga kami sa’yo at sa pamilya ni Tristan.” Hindi na sumagot si Julie. Nagtatatakbo na siya papasok ng bahay nila. Grabe pala masaktan ang mga babae. “Tara na. Sa Power Club tayo.” Sinunod ko na lang yung utos ni Alex. Nakakaawa si Julie. Niloko siya. Si Alex kaya ganun din nung unang beses siyang nasaktan? Pinapangako ko talaga sa sarili ko na hindi ko hahayaang masaktan si Alex habang nandito ako. Ayokong magaya siya dun kay Julie. Habang bumabiyahe kami, tahimik lang kami. Walang imikan. Umingay lang yata nang tumunog yung cellphone ko. May tumatawag kasi. “Hello?”

Page 41: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

41

“Ethan, si Hana to.” “Napatawag ka?” “Busy ka ba? Let’s meet. Date naman tayo.” “Sorry, Hana. I’m with someone.” “Sige na please, Ethan? I miss you already.” “Sorry, Hana. I can’t.” Di ko na pinasagot pa si Hana. Tinapos ko na kaagad yung call. Makulit at mapilit kasi yun. Ayaw akong tantanan hangga’t hindi nakukuha yung gusto niya. Palibhasa spoiled brat.

“Sino yun?” “Si Hana.” “Hana? Siya yata yung tumawag nung first time tayong nagkita.” “Yeah, I remember.” “Kaanu-ano mo?” “Friend ko.” “Weh? Friend lang?” “Fine. Ex-girlfriend ko. Masyadong makulit. Pinipilit na makipagbalikan sa’kin kahit ilang beses ko nang binabasted.”

“Obsessed yata sayo eh.”

“Siguro nga. Gwapo kasi ako kaya hindi niya mapigilan.” “Lumamig yata dito.”

“Talaga? Di ko naramdaman eh.” Tumawa lang si Alex nun. Masarap din naman siyang kasama kapag masigla siya. Lalo tuloy akong naeenganyong kilalanin pa siya. “Ay, nandito na pala tayo.” Pinark ko yung sasakyan sa tapat nung resto. Hinawakan ni Alex yung kamay ko tas hinila ako papasok. Nagpatangay na lang ako sa kanya. Huminto kami sa tapat ng table ng dalawang babae at ng isang lalaki. Pinakilala naman ako ni Alex sa kanila. “Clarise, eto si Ethan. Siya yung sinasabi ko sa’yo.” “Hi Ethan! OMG! Ang gwapo mo pala talaga sa personal!” “Hehehe. Para naman akong artista niyan, Clarise. Teka, ano bang sinasabi sa’yo ni

Alex tungkol sa’kin?”

“Well, alam mo na yun!” ngumiti pa si Clarise ng nakakaloko.

Teka, alam kaya niya yung ginawa ni Alex sa’kin? “Nako, mamaya na nga kayo magkwentuhan. Kakausapin ko muna sina Tristan at Jacqui.” Umupo na si Alex sa tapat nila Tristan at Jacqui. Kung hindi ako nagkakamali, sila yung nasa pictures ni Alex kanina. Sila yung mag-asawa. “Thank you talaga, Alex.” “Wala yun. Ginagawa ko lang yung napagkasunduan natin.” “Eto na rin yung payment namin. Salamat talaga.” Inabutan ni Tristan si Alex ng isang tseke. “Salamat. Alam niyo na gagawin.” “Sige, una na kami.”

Page 42: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

42

Umalis na yung mag-asawa kaya kaming tatlo na lang yung naiwan. “Kamusta naman ang trabaho?” “Okay lang. Walang thrill. Pinakita lang namin yung pictures tas iyun na. Medyo na-bore ako.” “Namin? Ibig sabihin kasama mo si Papa Ethan? Alam na niya yung ginagawa mo?” “Oo. Hindi naman siguro madaldal tong si Ethan. Subukan lang niyang ipagkalat yun.” “Excuse me muna. Pasabat lang. Bakit ka ba inutusan nung mag-asawa na gawin yun?” Di naman sa chismoso ako. Curious lang talaga ako sa ginagawa ni Alex. Kinuwento naman sa’kin ni Alex at Clarise yung dahilan. Eto, ikukwento ko rin sa inyo. Matagal nang kasal sina Jacqui at Tristan. Magkakababy na rin sila. Tapos nalaman ni Jacqui na may kabit si Tristan. Dinare ngayon siya ni Jacqui na layuan na yung kabit niya which is Julie. Kaso, mapilit si Julie. Ayaw maniwala na kasal na si Tristan. Para makumbinsi nila si Julie, pinalabas nila na pinsan ni Tristan si Alex para pagbantaan si Julie. Kawawa si Julie pero mas mahalaga pa rin nga naman yung pamilya. Hindi ko talaga lubos maisip na makakagawa ng mga ganitong bagay si Alex. Siguro masyadong painful at traumatic ang experience niya noon kaya siya ganito ngayon. Mas lalo tuloy akong na-curious sa kanya. Mas lalo ko siyang gustong makilala. Ano ba talaga ang nangyari sa kanya noon?

Revenge 17 Selfish Side of Love

RIA’S POV Maybe it’s time to make my presence felt. It has been two days since I was left alone here in our condo. Alex has been staying at our cousin Patrick’s house for the past few days. We usually spend Christmas together but this time around, I’ll be flying to Canada to spend it with our parents. Alex refused to come and Mom and Dad said it’s fine. I really needed that trip to ease my mind. I’ve been deciding recklessly about some major decisions in my life. It was like I was neglecting the use of common sense lately. I make up my mind haphazardly without give it any second thoughts. I’ve been stupid, I’ve been selfish, I’ve been a moron—a moron to the nth degree. I’ve been the dumbest and the most selfish person for the past years. I went to my room then lay sidewards on my bed. The first thing that caught my eyes was the photos on my bedside table. In it were lots of photos of me and Alex when we were much younger, pictures of Lex and I when were so happy and in love. I raised myself slightly so I can reach my photo with Alex. I’ve been such a bad sister to her. I may not do anything wrong to her physically, but I am the cause of her emotional pains. I’ve been selfish to her. I’ve taken her happiness away. - “Aba, you seem happy, Alex.”

Page 43: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

43

“Happy talaga ako, Ria.” “Care to share, sis?” Alex, my one and only sister. From the moment our parents left for Canada, our bond as sisters strengthened. We became best friends, inseparable as hell. We were present in each others’ life, not hiding a secret from one another. “Tanda mo ba yung manliligaw ko na four years older sa’kin?” “Yup. Andy yung name niya, di ba?” “Uh-huh. I’m really, really happy, sis.” “Ano ba kasi yun, Alex? I’m getting excited too!” “Make a guess, Ria!” Hmm. Wait, let me decode it. My sister is happy, she speaks about that Andy guy. Wait. Kulang pa rin eh. “More clues, please, Ria.” “Magkasama kami kanina. Oh my gosh, Ria. I really am so happy!” “Teka, teka, mas lalo naman akong naeexcite, eh.” “Okay, last clue na ha. Hindi niya na ako nililigawan!” OMG. OMG. OMG. Does that mean sila na? “Kayo na?!?!?!” Tumango siya ng tumango. I rushed to her and hugged her. Gahd, I’m so happy for her! Alam kong first time niyang magka-boyfriend kaya I’ll support her all the way. - But I failed in giving the support I vowed to give her. I was engulfed by the selfishness I have in me. I let my pride go over me. I forgot about my sister, my best friend. I took away her happiness, her life for the moment. They never knew that I knew about their relationship. It knew it half way through. I knew about Alex and Lex being together. That’s why I purposely avoided meeting them together. Good thing I haven’t introduced Lex to Alex. I ripped them apart. I made Alex hate him so I can have Lex all for myself. - Ngayon ang opening ng bar na tinayo namin Lex. I’m excited. First venture ko ito sa business at kapartner ko pa ang love of my life ko. Sana siya na rin ang kapartner ko for life. Tumayo ako sa kinauupuan ko at sumilip sa bintana. Kita ko ang mga nangyayari sa labas, sa parking lot to be specific. Nakita ko si Lex na nakasandal sa kotse niya. Nagpapalipas siguro ng oras sa labas. Just in time, dumating din si Alex. Pagkababa niya ng taxi, may kinawayan siya from someone sa parking lot. Patakbong pinuntahan niya yun tapos nag-usap sila. It was Lex, my boyfriend, which happens to be Alex’s boyfriend, too. I knew about it months ago. I saw their pictures sa laptop ni Alex. I was shocked sa nakita ko pero I didn’t say anything about it. On the rocks ang relationship namin ni Lex sa mga panahong iyon kaya siguro naghanap siya ng iba. Ang sa akin lang, bakit ang kapatid ko pa? Pero kahit kapatid ko pa siya, hindi ko mapapalagpas yun. What’s mine is mine. Oo, selfish ako. Selfish ako dahil mahal na mahal ko si Lex. Akin lang si Lex. Hindi naman kailangang malaman ni Alex na alam ko. I’ll continue pretending I don’t know a thing.

Page 44: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

44

Binalik ko ang atensyon ko sa kanilang dalawa. Hinalikan ni Lex si Alex tas inabot niya yung bouquet kay Alex. Nagsimula na silang maglakad papasok sa bar. At iyon na rin ang cue ko para ipakita kung ano ba talaga ako sa buhay ni Lex. Nang makababa na ako ng office ko, nakita ko silang kakapasok lang ng bar. I plastered a sweet fake smile on my face. “Para sa’kin ba yan?” Tinutukoy ko yung bouquet na hawak ni Lex. It was the same bouquet that he gave Alex. I took it from him and pretended to smell it. Again, I gave them a fake smile. “Ang sweet talaga ng Lex ko.” I kissed him in front of Alex. Alam kong nagulat siya sa ginawa ko. Siguro iniisip niya bakit ko hinahalikan ang boyfriend niya. Ano namang masama dun kung boyfriend ko rin naman ang boyfriend niya? I’m just marking my territory. Lex is mine, mine and mine alone. “`Seems like the two of you already know each other. Pero I want to introduce the two of you formally. Alex, I want you to meet Lex. Lex, this is my sister, Alex. Alex, si Lex yung boyfriend ko for three years now.” I even emphasized the word three years. I want to let her know where she stands. Ako ang nauna kaya kahit ano pang gawin niya, ako pa rin ang original. “Hi, Alex. I’m Lex. Finally, we meet. Palagi kang kinukwento nitong si Ria.” They shook hands as if they met each other for the first time. I smiled victoriously. Seems like I won the match. Lex is still mine. “I’m so happy na finally nakilala mo na rin si Lex, sis.” “Masaya rin ako.” Masaya? But her face tells otherwise. Nangingilid na yung luha sa mga mata niya. Malapit na talaga siyang maiyak. Who wouldn’t right? Hindi ka ba maiiyak kung nalaman mong pareho kayo ng boyfriend ng ate mo? Manhid lang ang makakagawa nun. “Ay, wait. I have to check something sa office ko. Lex, ikaw muna bahala sa sister ko ha? Wag mo yang papaiyakin.” “Sure.” Wag paiiyakin? Ang lakas ng loob kong magsabi nun, eh, ako naman ang may kasalanan kung bakit umiiyak siya. Oo, guilty ako pero sorry na lang siya. Kahit kapatid ko siya, mahal ko si Lex at hindi ko kayang i-give up ang lalaking yun. He’s mine and I don’t have any plans to throw him away. - Hindi ko napansin na umiiyak na pala ako. Oo, alam ko naging selfish ako nang dahil sa pag-ibig. Para ko na ring pinatay ang kapatid ko. Pinagkait ko sa kanya yung tanging kaligayahan niya. Ako at ang madamot kong sarili. Ang tanga tanga ko. Mula noon hanggang ngayon. Ang sabi ko noon, hindi ko papakawalan si Lex pero malapit ko nang maabot ang pangarap ko, tinanggihan ko pa. Sabi nga nila, tinapay na naging bato pa. Niyaya na akong magpakasal ni Lex. Sa anim na taon na pinagsamahan namin, ngayon ko pa

Page 45: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

45

naisipan na subukin si Lex. After the episode with Alex, alam kong ako lang. Pero ano ba ang ginawa ko? Tinanggihan ko ang alok niya dahil gusto kong malaman ang sincerity niya. Gusto kong malaman kung ako na lang ba talaga. Naguguluhan na ako sa sarili ko. Binabalikan ako ng guilt na nararamdaman ko sa ginawa ko kay Alex. Nagdadalawang isip ako sa ginawa kong pagtanggi kay Lex. Ano ba talaga ang gusto mo, Marie Alixia Fernandez?

Revenge 18 Family Isn't An Exception Mag-iisang linggo na akong nakatira dito sa bahay ng pinsan naming si Kuya Patrick. Wala lang. Gusto ko lang tumira sa ibang bahay. Aalis kasi si Ria para mag-spend ng Christmas kasama sila Mommy at Daddy. Buti nga pumayag sila na kay Kuya Pat ako mag-stay. Nandito kami ngayon sa living room ng condo niya. Nagkukwentuhan kami habang nagpa-plantsa ako ng damit ko. Oo, marunong naman ako ng ilang gawaing bahay. Wala namang katulong sa bahay namin ni Ria kaya kami-kami na lang yung gumagawa ng sarili naming chores. “Kamusta naman ang puso mo, Alex?” “Ayun, nagpa-pump pa naman ng dugo.” Tumawa si Kuya Pat. Alam kasi niyang hindi ko sineryoso ang tanong niya. Alam ko namang lovelife ang tinutukoy niya pero alam niyo naman na ayaw ko sa mga ganung usapin. Pag-usapan na ang lovelife ng iba wag lang yung sa sarili ko. “Nakakatawa ka, Alex. Siguro malamig ang Pasko mo.” “Hindi ah? Mainit na mainit ang Pasko ko. Maraming nagmamahal sa’kin.” “Eh special someone, meron?” “Hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay ko.” “Woah. Parang ang bitter mo ah.” Nginitian ko lang si Kuya Pat. Oo, bitter na kung bitter. Tanga tanga na rin kung gusto niyo. Alam niyo na kung bakit. “Totoo naman yun, Kuya. Sakit lang ng ulo ang magka-boyfriend ngayon. Masaya na akong maging single.” Tinaas na lang ni Kuya yung dalawa niyang kamay na parang sinasabing suko na siya sa usapan. “Sige na. Di na nga ako magtatanong sa lovelife. Mukhang may ayaw kang alalahanin.” “Thank you, Kuya. Ikaw ba, walang girlfriend?”

“Girlfriend, wala. Stalker, marami.” “Ang gwapo mo kasi eh.” Totoo naman sinabi ko. Gwapo talaga pinsan ko. May isang babae pa ngang muntik nang pikutin siya. Buti na lang hindi nagpauto si Kuya. Halatang obsessed sa kanya yung babae.

“Matagal ko nang alam yan, Alex.” “Ay, lumamig yata dito? Full blast na ba yung aircon?” “Ewan ko sa’yo. Magplantsa ka na nga lang dyan. `Ligo lang ako.”

Page 46: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

46

Nakakatuwa talaga si Kuya Pat. Buti na lang dito ko napiling mag-stay pansamantala. Hindi ko kasi gaano ka-close yung iba naming pinsan. Ewan ko kung bakit pero hindi palagay ang loob ko sa kanila. Siguro kasi hindi naman kami sabay-sabay lumaki unlike Kuya Pat na nakakasama ko talaga nung mga bata pa kami. Ayun, balik tayo sa pagpaplantsa ko. In-offer ko kasi kay Kuya na in exchange ng pagtira ko dito for some weeks, ako gagawa ng house hold chores. Nagwo-work na kasi si Kuya kaya medyo busy siya. Ako naman, Christmas break sa school kaya walang ginagawa. Wala rin akong trabaho ngayon dahil mukhang mas gusto ng mga tao na magbigay ng pagmamahal kaysa bumasag ng puso tuwing Pasko. Namumulubi tuloy ako. Wala akong pambili ng regalo. Plantsa plantsa ang drama ko ngayon. Pawis na pawis pa ako. Kahit naka-aircon, tagaktak pa rin pawis ko kasi nakakapagod tas mainit pa yung singaw ng flat iron. Di ka ba pagpapawisan nun? Narinig kong tumunog yung cellphone ko. May tumatawag. Iniwan ko muna sandali yung ginagawa ko para kuhain yung nag-iingay kong cellphone. Pagkasagot ko ng tawag, binalikan ko yung plantsa. Baka masunog eh. “Hello?” “Alex, si Ethan to.” Aba, pansin ko this past few days, palagi akong kinukulit ni Ethan. Kung hindi basta basta na lang sumusulpot, bigla bigla na lang magtetext o kaya tatawag. Anong problema nito? “O, Ethan, anong kailangan mo?” “Wala naman. Gusto lang sana kitang i-invite.” “Saan naman?” “Birthday ko kasi sa 24 tapos Christmas naman sa 25.” “Tapos?” “Baka gusto mong sumama sa birthday celebration ko tapos tuloy na for Christmas Eve.” “Ah, gusto mo akong makasama for your birthday tas sabay tayong mag-celebrate ng Christmas?” “Uh… ganun na nga. Okay lang ba?” “Sige, okay lang.” “YES!” Hala, ano kaya yun? Sigawan daw ba ako sa telepono? “Ay, sigawan daw ba ako?” “Sorry, sorry. Naexcite lang ako. Pano, sa 24 na lang ha? It’s a date.” Ano daw?! Date? Akala ko birthday and Christmas celebration lang? Pano naging date? “Hoy! Anong da—” “Sigealexbye.” Na-bipolar ba si Ethan? Ang gulo niya ha. Ano naman kaya ang naisipan ng lalaking yun? Ay, ewan. Magpaplantsa na lang ulit ako. Nakailang damit rin ang naplantsa ko bago tumunog yung doorbell. Pinatay at tinanggal ko muna sa saksakan yung plantsa. Mahirap na. Baka masunog pa ang buong building na ito kapag pinabayaan ko. Tinakbo ko yung pintuan para pagbuksan yung nasa labas. “Anong kailangan mo, Miss?” sabi ko sabay punas ng pawis ko sa mukha. Ang init! “Sino ka? Anong ginagawa mo sa pad ng boyfriend ko? PAAAAAAAT!”

Page 47: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

47

Anong problema nito? “Hoy, Miss! Tinatanong kita, anong ginagawa mo sa pad ng boyfriend ko! At bakit ganyan ang suot mo?” “Bakit? Anong masama sa suot ko?” “Aba! Wag mo ngang sagutin ng tanong ang tanong ko!” Oops. Mukhang alam ko na ang ipinagpuputok ng butsi nitong babaeng to. Kasi naman po, suot ko ay isang short shorts na natatakpan ng isang white long sleeves ni Kuya Pat. Tapos dagdag mo pang pawisan ako. Mukhang akala niya may ginagawa kaming kababalaghan ni Kuya. Nginitian ko na lang yung babae. Mas lalong nalukot yung mukha niya. Namumula na rin yung mukha niya sa galit. Sorry ka na lang Kuya Pat kung girlfriend mo talaga tong babaeng to. Binuhay niya ang aking playful personality. Wala akong balak mag-explain sa babaeng to. Mukhang umaayon din sa’kin ang tadhana dahil bigla na lang lumabas si Kuya Pat ng CR. Nakatapis lang siya ng tuwalya. Nakita yun nung babae at umandar siguro ang pagkamalisyosa niya. “Alex, sino yan?” tanong ni Kuya Pat habang papalapit sa’min sa may pinto. “Hindi ko alam. Girlfriend mo daw.”

“Girlfriend?” Nagkibit balikat na lang ako. Malay ko ba sa kanila kung ano ang totoo. “Pat! Sino yang babaeng yan? Bakit ba siya nandito?” “Woah. Jannie, girlfriend ba kita para kuwestiyonin ako?” “Pero Pat sabi mo gusto mo ako?” “Miss, alam mo, magkaiba ang ‘gusto’ sa ‘mahal’. Mukhang ayaw naman sa iyo ni Pat kaya pwede umalis ka na? Istorbo ka eh!” Naningkit yung mata nung babae. Akmang sasabunutan niya na ako pero nahawakan ko agad yung kamay niya. “May balak ka pang saktan ako? Aba, kapal mo rin ano? Di ka naman girlfriend kaya wala kang karapatan. Umalis ka na nga. Wag ka na rin babalik kung ayaw mong magka-record sa pulis.” Pagkasabi ko nun, binalibag ko yung pinto. Tamaan man siya, pakialam ko. Di ko naman siya kaanu-ano. “Wow, Alex, maldita ka na pala ngayon.” “Just thank me for saving your butt there.” “Thank you. Di mo lang alam kung gaano ko kagusto na mawala na sa landas ko yang si Jannie. Feeling girlfriend kasi yung babaeng yun. Wag na sanang bumalik yun.” Napangiti naman ako dun. Mukhang nagkaroon ako ng instant mission dun ah? Kailangan singilin si Kuya Pat. Walang kama-kamag anak sa’kin. 15K is 15K. Mukhang kailangan kong yayain si Kuya Pat na magshopping para ma-redeem ko yung 15k ko ah? “Oy, Kuya, may bayad yun.” “Ganon? Di na lang libre?” “Wala nang libre ngayon.”

Page 48: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

48

“Sige ano ba gusto mo?” “Shopping tayo.” “Ngayon na?” “Oo!” “Sige. Bihis lang ako tas alis na tayo. I’ll buy anything you want. Kahit magkano pa. My way of gratitude for what you just did.” “Yey! I love you, talaga, Kuya!”

Mukhang hindi lang 15K ang makukuha ko ah?

Revenge 19 He’s My Reality “Akala ko ba iniinvite mo lang ako for your birthday? Bakit naging date?" “C’mon, Alex, pagbigyan mo na ako. Birthday ko naman ngayon, eh. Saka hindi lang naman tayong dalawa ang nandun.” Alam ko birthday ni Ethan ngayon pero hindi ko pa rin maiwasan na awayin siya. Kasi naman no, sabi niya, celebration lang for his birthday and for Christmas. Saan nanggaling ang salitang date doon? At saka napagbigyan ko na siya noon di ba? “Don’t tell me, for blackmail na naman to?” “Ano ka ba, nakalimutan ko na yung ginawa mo sa’kin,” sabi ni Ethan na may nakakalokong ngiti sa labi. I am so not loving that look. Baka mamaya may pinaplanong kung ano tong si Ethan. “Hey, wala akong balak na masama kung iyan ang iniisip mo. Saka wala nang atrasan. Malapit na tayo eh.” “May magagawa pa ba ako?” Bakit ganun? Kapag si Ethan ang ka-argue ko, hindi ako makakontra? Napapa-oo ako ng wala sa oras. Para bang ang helpless ko kapag siya ang kaharap ko. Parang ibang Alex ang nasa harap niya. Parang yung totoong Alex. Yung Alex way before the pain. May ibig sabihin kaya yun? “Sino bang kasama?” “College friends ko lang. Nandun na sila sa resort. Wala kasi sila Jess dahil nasa Spain sila ngayon. Doon sila kina Mamita magse-celebrate ng Christmas. ” Resort. Hindi ko alam kung paano niya ako napapayag sa isang swimming party. Hindi naman sa takot ako sa tubig. Ayoko lang talaga. Siguro kaya niyo nang hulaan kung bakit. Maraming ayokong alalahanin. “Matutulog muna ako ha? Napagod ako sa movie marathon namin ni Kuya Pat kagabi. Wag kang magulo. Gisingin mo na lang ako kapag nandun na tayo.” “Sleep well, princess.” Ano daw? Princezzz… Zzz… Zzz… Ilang oras na ba akong tulog? Bakit hindi na umaandar yung sasakyan ni Ethan? Dinilat ko yung mga mata ko para masagot yung mga tanong ko. 5:30 na pala ng hapon. Ibig sabihin mga dalawang oras na rin akong nakatulog. Naka-park na rin yung kotse ni Ethan. Pero bakit hindi niya ako ginising? I looked to my left. I caught Ethan staring at me. Was he watching me sleep? If yes, it’s

Page 49: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

49

embarrassing. “Ethan, how many times will I tell you, staring is rude?” “How many times will I tell you that it’s not if the one I'm staring at is as gorgeous as you?” “Wala namang court dito ah? Bakit nambobola ka?” “Ang corny mo naman, Alex,” sabi niya sabay pisil sa ilong ko. Aba, may papisil-pisil pa siya sa ilong na nalalaman. Hinampas ko tuloy siya sa balikat. Para fair. “Nandito na pala tayo. Gano na tayo katagal na nandito? Bakit hindi mo man lang ako ginising?” “Kanina pa tayo. Mga thirty minutes na siguro. Bakit kita gigisingin? E di nawalan ako ng magandang view?” Hindi ako madalas mag-blush pero pakiramdam ko napunta lahat ng dugo ko sa mukha. Ano bang meron kay Ethan at parang bumabalik ako sa dating ako? Hinihila niya ako pabalik sa reality na matagal ko nang tinatakasan. Ano bang meron sayo, Ethan Balmaceda? “Ang cute mo, Alex. Nagba-blush pala ang isang heartbreaker.” Pagkasabi niya nun, hinalikan niya ako sa pisngi sabay labas ng kotse niya. Naiwan ako sa loob ng kotse niya ng nakatunganga. Nayanig ang mundo ko sa ginawa niya. Ano bang ginagawa mo sa’kin, Ethan Balmaceda? Anong gusto mong mangyari. Tulala pa rin ako. Iniisip ko yung ginawa ni Ethan sa’kin. Naputol lang yung pag-iisip ko nang may kumatok sa bintana ko. Binaba ko naman agad yung bintana. Si Ethan lang pala. “Ano, papakabulok ka na lang ba diyan? Baka naman gusto mo lang halikan kita ulit?

This time sa lips naman.” “Magtigil ka nga, Ethan! Pasalamat ka, birthday mo ngayon kundi uulit ko yung ginawa ko sa’yo dati.” “E di thank you!” sabi niya habang binubuksan yung pintuan sa side ko. “Ewan ko sa’yo. Maghanap ka ng kausap mo.” Bumaba na ako at dumire-diretso sa isa sa mga cottage dun. Wala pang tao. Siyempre, alangan namang mauna pa ang bisita sa celebrant di ba? “Alex, joke lang naman yun.” Sinundan pala niya ako hanggang sa cottage. Dala-dala na rin niya yung mga gamit namin. “Alam ko. Di naman ako napikon.” “Whew. Kala ko nagalit ka eh.” “Di naman.” Isa pa yan. Kahit gusto kong magalit sa kanya, ewan. Hindi ako magalit-galit sa kanya. May kung ano kay Ethan na hindi ko matanggihan. Kung siya lang siguro ang una kong nakilala, hindi malabong magustuhan ko siya. Kaya lang, sorry na lang siya. Wala na sa bokabularyo ko ang pag-ibig. “O, matulog ka muna ulit dyan. Gigisingin na lang kita kapag nandito na sila.” “Sige, medyo inaantok pa nga ako.” “Sweet dreams, Alex.”

Page 50: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

50

Pagkahiga ko, bagsak agad mata ko. Pagod na pagod talaga ako. Zzz… Zzz… Zzz… May naramdaman akong mahinang pagtapik sa balikat ko. Dumilat ako para makita kung sino. Si Ethan pala. Oo nga pala, may party. Tumayo na ako at dumiretso papasok ng CR sa loob ng cottage na tinulugan ko. Inayos ko ang sarili ko. Paglabas ko, nandun pa rin si Ethan, naghihintay. “Tapos ka na?” Tumango na lang ako. Nilahad niya yung kamay niya sa’kin na tinanggap ko naman kaagad. Sa unang pagkakataon sa apat na taon, naglakad ako nang may ka-holding hands na maluwag sa loob ko, walang alinlangan, hindi dahil sa trabaho. “Gising na pala ang first lady mo, Ethan.” “Aba, marunong kang pumili! Ang ganda niya! Mas maganda pa kay Hana.” “Wag nga kayong magulo. Mamaya magwala tong si Alex sa sinasabi niyo.” “Loko ka! Anong akala mo sa’kin baliw?” Hinampas ko sa balikat si Ethan. Kanina pa niya ako niloloko ha. Nagtawanan naman yung mga kasama namin. Kahit papano mag-eenjoy din siguro ako dito. “Tara kain na tayo.” “Alright! Happy birthday, E.” “Thanks, man.” Oo nga pala, hindi ko pa nababati si Ethan. Kanina ko pa siya kasama pero ni hindi ko man lang siya binabati. Hindi naman ako ganun ka-rude. Mabait naman sa’kin si Ethan kaya dapat ko siyang batiin. “Ethan.” “O?” sabi niya pero hindi niya ako tinitignan. Kumukuha kasi siya ng pagkain namin. Oo, pagkain namin kasi siya ang nag-insist na maghati na lang kami. Ewan ko bakit hindi ako tumanggi. “Happy Birthday,” sabay kiss sa pisngi niya. Okay, pretend na hindi ko ginawa yun. Naglakad ako palayo at dun ako sa may kubo napadpad. Dun ako umupo at hinintay na mag-react si Ethan. Nakatayo pa rin kasi siya dun. Nagyelo na yata dun. Ano ba talagang meron dito sa Ethan na ito at nagagawa ko ang mga bagay na hindi ko naman ginagawa dati? Ginayuma ba ako nito para maging dating Alex ulit ako kapag kaharap ko siya? “ETHAN! TATAYO KA NA LANG BA DYAN?” Pagkasigaw ko, nun lang siya natauhan. Naglakad na siya palapit sa kubo. Para siyang ewan kasi may isang napakalaking ngiti sa mukha niya. Tuwang-tuwa yata sa ginawa ko. “Bakit ganyan ka makangiti?” “Chansing ka. May pa-kiss kiss ka pang nalalaman.” “Gusto mo naman.” “Pwede isa pa?” Hinilamos ko yung kamay ko sa mukha niya. Kulit talaga nitong lalaking to. “Kiss mo mukha mo.”

Page 51: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

51

“Kumain ka na nga lang. Gutom ka lang yata eh.” Hindi ko inaasahan yung sunod na ginawa niya. Kumuha siya ng isang slice ng pizza dun sa plato tas nilapit yun sa bibig ko. “Kain ka na.” “Uh… Ano yan?” “Pizza. Ayaw mo?” “Alam ko pizza yan pero bakit nasa tapat ko yan?” “Susubuan kita.” “Kaya kong kumain mag-isa.” “Alam ko pero gusto kong gawin to.” Sinubukan kong ilayo yung kamay niyang may hawak nung pizza kaso bumabalik lang ulit yun sa tapat ng bibig ko. Kaya ang ginawa ko hinawakan ko siya sa may pulso tapos kumagat ako ng malaki dun sa pizza. Hindi ko binitawan yung kamay tas hindi ko rin tinanggal yung pizza sa bibig ko. Pinandilatan niya ako ng mata nang dahil dun. Kung wala lang sigurong laman yung bibig ko, tatawa ako ng sobra. Para kasi siyang bata nung pinandilatan niya ako eh. “Pakipot pa kasi. Kakainin din naman.” “Babae ako. May karapatan akong magpakipot.” “Yeah, yeah.” Buti na lang nakaraos kami sa pagkain namin. Ang kulit pala namin kapag pinagsama kami. Nagsusubuan ng pagkain pero pareho namang pakipot. Aaminin ko, nag-eenjoy akong kasama si Ethan. Nakakalimutan ko yung mga nangyari sa’kin noon. Bandang 11PM nang matapos kaming kumain. Ang tagal no? Pahirapan kasi kami sa pagkain tas ang dami pa naming kinain. Lahat yata ng pagkain na hinanda nila, sinubukan namin. Kaming dalawa na lang din pala yung magkasama ngayon. Nagsialisan na yung mga bisita ni Ethan kasi sa kanya-kanyang pamilya nila sila magse-celebrate ng Christmas. Nagpalit na ako ng swimming attire. Sayang ang pool kung hindi magagamit. Dapat sulitin ang bayad dito sa venue. Umupo ako dun sa may gilid at nilublob yung paa ko sa tubig. Ang lamig ng tubig. Talagang naeenganyo akong lumangoy. Matagal-tagal na rin mula nang huli akong magswimming. After ten minutes, nakita kong nagbihis na rin si Ethan. Napanganga naman ako nang makita siya. Grabe, ang abs niya, ang sexy niya. Alam ko, alam ko, hindi ito ang kilala niyong Alex. Ang kilala niyo ay yung matapang, mataray, walang sinasanto. Pero gaya nga sabi ko sa inyo, pagdating kay Ethan, bumabagsak lahat ng defenses ko. “Tulala ka sa abs ko no?” Naupo siya sa tabi ko. “Kapal mo. Nakita ko na yan. Pati yung di dapat makita.” “Ang naughty mo,” sabi niya sabay pisil sa pisngi ko. “Alam ko naman yun.” Tumayo na ako at nagsimulang maglakad palayo. Pero mukhang wala siyang balak na tantanan ako dahil tumayo na rin siya at sinundan ako. Binilisan ko ang lakad kaya binilisan na rin niya ang lakad niya. Nung tumakbo ako, tumakbo na rin siya. Naging playground tuloy yung gilid ng swimming. Naghabulan kami dun hanggang sa maabutan niya ako. “Huli ka!” Niyakap niya ako mula sa likuran. Pinilit kong makawala kaso wala, masyado siyang malakas. Hindi na lang ako nagpumiglas dahil ako lang ang mapapagod. “Tara, swimming na tayo.”

Page 52: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

52

“Ayoko pa!” “Nag-two piece ka pa kung hindi mo rin naman pala gagamitin.” Nakayakap pa rin siya sa’kin. Kaya naman nung tumalon siya sa pool kasama ako. Pag-angat ng ulo ko, kumapit kaagad ako kay Ethan kasi hindi ko na abot yung sahig ng pool. “Twelve na pala. Merry Christmas, Alex.” “Merry Christmas, too, Ethan.” “I totally enjoyed my birthday. Salamat sa pagsama, Alex.” “Glad to make you happy, Ethan. Hindi ko alam kung anong meron sayo pero ibang-iba ako ngayon.” “Baka naman kasi you like me.” “Kapal mo ha. Ang dami mong yabang sa katawan.” “Pero hindi yabang kapag sinabi ko sa’yong I like you.” Pagkasabi niya nun, lahat nag-blur. Napapikit na lang ako dahil sa kakaibang sensation na gawa niya. Gawa ng lips niya. He was kissing me. Soft and sweet. On the pool. During Christmas. Ito na ba ang pinakamagandang regalong matatanggap ko ngayong Pasko? Si Ethan na ba? Siya na kaya?

Revenge 20 Friends with Benefits

{poster} Nakakapaso. Yan ang unang salitang naisip ko kapag naaalala ko ang halik na pinagsaluhan namin ni Ethan sa pool. Kung pwede nga lang sigurong mag-init yung pool, kumulo na yun at nagmistulang manok na kami na pinapakuluan. Instant ulam. Pagkatapos ng kiss na yun, ilang ulit pa niyang sinubukan na halikan ako. At si ako, nagpatangay at bumigay na naman. May kung an okay Ethan na kahit anong pilit kong tanggihan, hindi ko magawa. May kung ano sa kanya na nagpapaalala sa’kin kay Lex. Kaya siguro hindi ko siya matanggihan. Ayan ka na naman, Alexis Danielle. Kinukumpara mo na naman sila. Magkaibang tao sila, for Pete’s sake! “Alex, something wrong?” “H-Ha? Wala naman. May iniisip lang ako.” “Gusto mong mag-stargazing? Maganda ang night sky ngayon. Punong-puno ng stars.” Tumango na lang ako at tinanggap ang nakalahad niyang kamay. Inabot niya sa’kin yung T-shirt niyang nakasampay sa isang upuan para isuot ko. Tapos, nahiga kami dun sa blanket na nakalatag dun sa may garden ng resort na mukhang mansyon. Inunan ko yung braso niya saka tumingin dun sa stars. Madaling araw na pero kitang-kita mo pa rin ang mga stars. Ang lakas din ng trip namin no? Imbes na nagno-Noche Buena kami, paghahanap ng star ni Bro ang inaatupag namin. Sabagay, hindi naman sa pagkain nasusukat ang essence ng Pasko. It’s all about the love you can give. Love? Such a painful word for me.

Page 53: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

53

Tahimik lang kami ni Ethan. Walang kumikibo. Tila mas gusto naming lasapin ang mga sandali.

Pero mukhang di rin kinaya ni Ethan kasi bigla na lang siyang nagsalita. “Tell me about yourself, Alex.” “Ano bang gusto mong malaman? Saka bakit pa?” “Kasi naman, halik ako ng halik sayo pero wala naman akong alam sayo. Ni apelido mo yata di ko alam. Ang alam ko lang, ikaw si Alex, kung saan ka nakatira, ano ang cellphone number mo, at isa kang heartbreaker.” “Hahaha. Oo nga ano?” “Tell me. When’s your birthday, what’s your favorite color, movie? Stuff like that.” “Ano to, slumbook? Are we fifth graders or something?” “C’mon, Alex, don’t be a killjoy.” “April 24, violet, Home Alone cause I love Macaulay Culkin.”

“Childish Alex.” “Whatever. Your turn now.” Kinuwento naman ni Ethan yung childhood niya. Maaga palang namatay ang mommy niya. For sure miss na miss na niya mommy niya. Ako nga four years pa lang sa Canada parents ko pero miss ko na din sila. Nalaman ko din na half-sister pala niya si Jessica. Kaya pala hindi sila gaano magkamukha. Sinabi rin niya na okay naman yung trato sa kanya ng second family ng dad niya. In short, happy childhood. Hanggang ngayon naman ata happy siya. Pero ako, masaya childhood pero teenage years, malungkot. Nagkwentuhan pa kami ni Ethan doon habang nagsa-stargazing-kuno. Buong buhay na niya yata ang naikwento niya samantalang ako, ayun, tawa lang ng tawa at nakikinig sa kanya. Ayokong magkwento. At least, not now. Tinignan ko yung cellphone niya na nakalapag sa may gilid ko. Alas dos na pala. Kaya pala unti-unti na akong hinihila ng antok. “Sleepy?” Sakto namang, napahikab ako. “Yeah, but we can stay here for a while if you want.” Bigla akong siniksik ni Ethan palapit sa kanya. Yung tipong naaamoy ko na yung kilikili

niya. Umayos na lang ako ng pagkakahiga tapos pinikit ko mga mata ko. “You want me to sing for you? Para makatulog ka?” “Wow, may singing prowess ka pala?” “Actually wala pero para sayo magkakaroon.” “Sige nga, let’s see.” “Ehem ehem.” Aba, seryoso si Mister Balmaceda. “I don't wanna close my eyes I don't wanna fall asleep 'cause I'd miss you, babe, And I don't wanna miss a thing. 'cause even when I dream of you, The sweetest dream will never do I'd still miss you, babe, And I don't wanna miss a thing…”

Page 54: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

54

Aba, wala ngang singing prowess si Ethan pero malalaman mong galing sa puso ang kinakanta

niya. At effective ngang lullaby ang boses niya. “I don't wanna miss one smile I don't wanna miss one kiss I just wanna be with you, right here with you, Just like this I just wanna hold you close And feel your heart so close to mine And just stay here in this moment for all the rest of time…” Di ko na alam ang sumunod pang mga nangyari. Huli kong natatandaan, umangat ako sa hinihigaan namin tapos nilapag ako sa isang malambot na bagay. Nandun pa rin si Ethan. Ramdam ko na pinatong niya ang ulo ko sa balikat niya at hinapit ako palapit pa sa kanya. Zzz… Zzz… Zzz… Nakaramdam ako ng mahinang tapik sa pisngi. Dinilat ko mga mata ko at tumingin sa kanan ko. Ayun si Ethan, nakatingin sa’kin at nakangiti. Ay, nasa isang swing na pala kami. Dito siguro kami lumipat kanina. “Hi Ethan. `Morning!”

“Good morning! Wala bang morning kiss dyan?” Ngumiti lang ako sa kanya pero ang mokong, unti-unting binaba yung mukha at hinalikan ako sa lips. Aba, madaling araw pa lang pero chumachansing na agad? Ni hindi pa nga ako

nakakapag-toothbrush. Anu ba yan. “What a nice way to start this day. Nood tayo ng sunrise ha?” “Okay. Nandito na tayo eh.” Tahimik lang ulit kami habang hinihintay ang paglabas ni Haring Araw. At sa paghihintay na yun, nabigyan ako ng pagkakataon na mag-isip-isip. Oo, alam ko nagbago ako sa loob ng isang araw. Pero hindi ibig sabihin nun, babalik na ako sa dating ako. Yung Alex bago masktan. Kahit pa sabihin mong magkasama ulit kami ngayon, pumapayag na halikan ako, akbayan ako, hawakan ang kamay ko, hindi ibig sabihin nun na handa na ulit ako para sa isang relasyon. Hindi, ayoko, hindi ko pa kaya. Kaya bago pa siya mag-isip ng kung ano, uunahan ko na siya. Ayokong paasahin siya na may mapapala siya sa’kin. “Ethan, about sa’tin. Wag mo sanang isipin na porke’t pumapayag ako na halikan mo ako, at kung anu-ano pa, ibig sabihin may relasyon na tayo.” “What do you mean?” “Alam ko hindi ka dense na tao kaya naiintindihan mo ibig kong sabihin. Etong nangyayari sa’tin ngayon, hanggang ngayon lang to. Kung baga, after nito, wala na. Balik na tayo sa dati.” “Parang one night stand. No strings attached, huh.” “Parang ganun na nga.” “Ayaw mo pala ng parang friends with benefits.” Friends with benefits? Ayoko. E di parang walang pinagkaiba yun sa ginawa sa'kin ni Lex? Naaalala lang ako kapag kailangan ako. Para namang pinamukha sa’kin na hanggang ganung level lang ako. “Please, Ethan. Sana maintindihan mo. Kung gusto mo na magkaroon tayo ng

Page 55: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

55

relationship, friendship. Relationship pa rin naman yun di ba?” “Hahaha. It’s okay, Alex. Naiintindihan ko naman. Pero sana, wag mong kalimutan na I like you. I really really do. And that I’m willing to wait even if it takes forever. Andito lang ako palagi.” Haay… Ethan, Ethan, Ethan.

Revenge 21 A Wedding Parody Ilang araw pa lang nang tumanda ang mundo. Ilang araw pa lang ang nakakalipas pero heto ako, may raket na naman. Napakiusapan akong maging isang wedding singer. Pumayag naman ako since hindi pa naman nagre-resume ang klase namin. Panlibang na rin sa sarili ko dahil wala akong magawa. Ngayon yung araw ng kasal. Kadadating ko lang sa simbahan--simbahan na kulay pink. Pink kasi yung motif ng kasal at pink at white lang ang makikita mong kulay. Kung pagsasama-samahin lahat ng nasa loob, ako kaagad ang una mong makikita. Paano, ako lang naman ang naiiba ang kulay. All black ang suot ko. Mala-Marilyn Monroe ang style ng buhok ko at ala-Katy Perry naman ang style ng dress ko. Yung last outfit ni Katy Perry sa Thinking of You ang style ng damit ko. Stand out kung stand out. Ganyan naman talaga ako. Kaya naman pagpasok na pagpasok ko pa lang ng simbahan, lahat ng mata nakatutok sa'kin. Siyempre, hindi ako belong dahil naka-black ako, sila naka-pink o kaya naka-white. “Naligaw ba yan dito? Kasal `to. Hindi costume party.” “`Nu ba yan? Naka-all black yung suot! Di kaya malasin yung ikakasal niyan?” Mga Pilipino talaga, masyadong mapamahiin. Malas ba magsuot ng all-black ang isang guest? Well, kung oo, sorry na lang sila. Black ang gusto kong suotin. Lumapit sa'kin yung wedding coordinator na naka-pink din. Lahat yata required na magsuot ng kulay ng motif. Ni hindi man lang ako nasabihan. Oh well, kahit naman sabihan ako, black pa rin ang susuotin ko. Pasaway. Nalukot yung mukha nung coordinator nang makita yung damit ko. Pinasadahan pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa. As if naman mababago ng tingin niyang yun ang kulay ng damit ko. "Miss, ikaw ba si Alex? Yung wedding singer?" "Ako nga." "Pwesto ka na dun. Magsisimula na yung kasal." "Okay." Pumunta na ako dun sa pinupwestuhan ng mga choir. Nandun na rin yung pianist para sa wedding march. Nagpa-practice siya dun pero mahina lang. After five minutes, sinenyasan siya nung wedding coordinator na magsisimula na daw ang kasal. Bago siya tumugtog, binalingan muna niya ako. "Paano, ikaw na bahala para sa entrance ng bride, ha?" "Oo, akong bahala." Tapos tumugtog na siya. Ang ganda nga nung tugtog niya eh. Hindi yung usual wedding march lang. Mas sweet pakinggan yung tinutugtog ni Kuya. Parang maiisip mo na ang sarap magpakasal.

Page 56: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

56

Nakapasok na lahat except yung bride. Tumayo na si Kuya Pianist at ako naman ang umupo sa harap ng piano. Inayos niya para sa'kin yung mic bago siya umalis. "Sige, bahala ka na diyan." "Okay, salamat." Nagsimula na akong tumipa sa piano at kumanta. "Winter snow is falling down Children laughing all around Lights are turning on Like a fairy tale come true Sitting by the fire we made You're the answer when I prayed I would find someone And baby I found you... Nagsimula nang maglakad yung bride sa aisle. Mabagal at feel na feel niya yung paglalakad. Lahat ng tao nakatingin sa kanya, pinapanood ang bawat step niya habang papalapit siya sa altar. "All I want is to hold you forever All I need is you more every day You saved my heart From being broken apart You gave your love away And I'm thankful every day For the gift Ohh..." Without them knowing, I shifted keys. Syempre kabisado ko na to at napractice ko na rin. Di nila mahahalata na nag-iba ang tono. "Oh, oh, oh, oh, ohhhh, ohh-oh-e-ohh-oh-oh I'll get him hot, show him what I've got Oh, oh, oh, oh, ohhhh, ohh-oh-e-ohh-oh-oh, I'll get him hot, show him what I've got..." Nagtinginan naman sa'kin yung mga guests at buong entourage. Ako naman, tuloy lang sa ginagawa. Di ko pinansin yung mga questioning look nila. Can't read my, Can't read my No he can't read my poker face (She's got to love nobody) Can't read my Can't read my No he can't read my poker face (She's got to love nobody) P-p-p-poker face, p-p-poker face (Mum mum mum mah) P-p-p-poker face, p-p-poker face (Mum mum mum mah)" Napatigil yung bride sa paglalakad. Hello? Poker face for her bridal march?! Sinong hindi mapapatigil di ba? Matino pa nga ito dahil Piano version ang ginagawa ko.

Page 57: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

57

"I wanna roll with him a hard pair we will be A little gambling is fun when you're with me I love it) Russian Roulette is not the same without a gun And baby when it's love if it's not rough it isn't fun, fun Oh, oh, oh, oh, ohhhh, ohh-oh-e-ohh-oh-oh I'll get him hot, show him what I've got Oh, oh, oh, oh, ohhhh, ohh-oh-e-ohh-oh-oh, I'll get him hot, show him what I've got Can't read my, Can't read my No he can't read my poker face (She's got to love nobody) Can't read my Can't read my No he can't read my poker face (She's got to love nobody) P-p-p-poker face, p-p-poker face (Mum mum mum mah) P-p-p-poker face, p-p-poker face (Mum mum mum mah)" Ngumangawa na yung bride dun sa gitna. I'm feeling kind today kaya I ended the song. That's enough for today.

"Congratulations, dear. May you have a happy marriage. " Tumayo na ako at lumabas ng simbahan. I know what I did was cruel. Take note sa simbahan pa. At Catholic pa ako! I'd confess later na lang. Dear Lord, sorry for what I did. I promise to give the 15K to the needy. Pumasok na ako sa loob ng kotse at hinintay ang client ko. After 5 minutes, pumasok ang isang lalaking naka-barong. "Runaway groom, eh?" "Kinda. Thanks for the little scene. I didn't expect you to do that kind of stuff." "Well, I'm unpredictable. Hard to read." "Here's the 15K I promised." "Alright, thanks. You can go now. I'm off." "Thanks, Alex. You're my lifesaver."

"Right. Just do what you have to do. " That's the groom, alright. Gumaganti lang yan sa pagkapahiya niya dahil sa bride. Bigla-biglang sumulpot yung bride sa bahay ng parents nung groom at sinabing buntis daw siya at ayaw panagutan nung groom. Napahiya si groom sa parents niya. Napilitan siyang ipakasal. A former client told him about me. Kaya ayun, nangyari yung scene kanina. POKER FACE MOMENT. Ngayon ko lang naisip, bagay pala sa'kin yung kinanta ko. Poker face. Dahil mahirap akong

basahin. Di mo alam ang mga susunod kong gagawin.

Page 58: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

58

Revenge 22 Fraud Millionaire Romantic. Yan ang unang salitang pumapasok sa isip ko habang pinagmamasdan ang isang couple dito sa restaurant na tinatambayan ko. May special event sigurong nangyayari kasi may violinist pa na tumutugtog para sa kanila. Since nasa roof deck yung restaurant, lahat ng table may kandila sa gitna. Pero yung sa table nung couple, special. Though romantic ang tingin ko at interesado akong makita kung anong mangyayari sa dalawa, naiinip na ako sa kakahintay sa taong kausap ko ngayon. Nakaupo lang ako dito sa mamahaling restaurant na ito at binubusog ang sarili sa pag-inom ng complementary drinks. Hindi nga lang pala basta-basta ang restaurant na ito. Pang mayayaman lang tong lugar na ito at kinakailangan pang naka-reserve ka bago ka pumasok. Member kasi dito yung taong kakatagpuin ko kaya ako nakapasok. Mga socialite, milyonaryo, artista at kung sinu-sino pang bigatin na mga tao ang nandito sa restaurant na ito. Ambiance pa lang ng lugar, alam mo nang pang mayaman at mayaman lang ang nakaka-afford. Speaking of rich and famous people, nakilala ko na kung sino ang couple na pinagmamasdan ko. It was Joven Libutan, one of the most eligible bachelors in town. Yung kasama niya ay yung current girlfriend niya na si Jillian Chua, anak ng isa sa pinakamayamang business sa bansa. Talked about ang relationship nila dahil parehong kilala ang dalawa sa elite world. Napansin kong nag-ring ang cellphone ko at nakitang yung kausap ko pala ang tumatawag. Agad ko namang sinagot ang tawag na yun dahil baka importante. “Hello?” “Hey, Alex. I’m sorry, I’ll be a few minutes late. Na-traffic lang ako ng konti.” Boses pa lang ng kausap ko, halata na ang finesse niya. Oh well, di na nakakapagtaka yun dahil galing din naman sa mayamang pamilya `to. “Don’t worry, everything is well planned. Just text me if you’re near.” “Alright, alright.” Pagtapos ng pag-uusap namin, bumalik ako sa pinapanood kong power couple ng elite world. Nakita kong tumayo sina Joven at nilahad ang kanyang kamay para yayain magsayaw si Jillian. Tinanggap naman yun ni Jillian at nagsayaw sila dun malapit sa table nila. Nag-ring na naman ang cell phone ko. It was Clarise this time. “Friend, may gusto kumausap sa’yo. She’s interested sa work mo.” “Sige, I’ll talk to her after this. Diretso na ako sa condo mamaya. Dun niyo na lang ako puntahan.” “Okay. Kakaiba nga pala ang request niya.” “Sige, we’ll talk about it later.” “Puntahan ka na lang namin sa condo mo.” “K, bye.” Muli, binalik ko ang tingin kina Joven at Jillian. May hawak-hawak na mic si Joven habang napaupo naman si Jillian at nakatingin kay Joven. Ako naman, I started composing a message on my phone. Mabuti na ang handa. “Good evening, everyone. I would just like to invite you all to take part in this precious moment for me and my girl, Jillian. I want you all to witness how much I am willing to do everything to make her happy. I want you all to see how much I love her.”

Page 59: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

59

Pagkasabi niya nun, biglang may pumasok na mga babae’t lalaki na may dala-dalang folder. Pumwesto sila dun sa isang make shift stage at inayos ang mga sarili nila. “Ladies, and gentlemen, please welcome, the Philippine Harmonic Orchestra. Jill, please listen to their song carefully so you’ll know what this night is all about.” Nagsimula nang kumanta yung Philippine Philharmonic Orchestra. “Moon so bright, night so fine Keep your heart here with mine Life's a dream we are dreaming Race the moon, catch the wind Ride the night to the end Seize the day, stand up for the light I want to spend my lifetime loving you If that is all in life I ever do Heroes rise, heroes fall Rise again, win it all In your heart, can't you feel the glory?” Bigatin talaga tong si Joven Libutan. Biruin mo, Philharmonic pa ang kinuha para kantahan si

Jillian. Palibhasa mayaman—or not. “Through our joy, through our pain We can move worlds again Take my hand, dance with me I want to spend my lifetime loving you If that is all in life I ever do I will want nothing else to see me through If I could spend my lifetime loving you Though we know we will never come again When there is love, life begins Over and over again Save the night, save the day Save your love, come what may Love is worth everything we pay…” Iba talaga pag mayaman. Kahit anong gimik kayang gawin basta’t may pera. Parang si Lex lang. Noon. Naman, Alex. Lex na naman? Cut the crap already. “I want to spend my lifetime loving you If that is all in life I ever do I want to spend my lifetime loving you If that is all in life I ever do I will want nothing else to see me through If I can spend my life time loving you.” Pagkatapos kumanta ng PPO, lumapit si Joven sa harap ni Jillian at lumuhod. Ako naman, being the alert person that I am, sinend ko na yung message na kanina ko pa nai-compose.

Page 60: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

60

Pagbalik ng tingin ko sa kanilang dalawa, may kinukuhang kung ano sa bulsa ng coat niya si Joven. It was a velvet box. At ang velvet box ay para sa isang proposal. “Jillian Chua, will you spend your lifetime with me?” Napa-ooh at aaah ang mga tao sa roof deck. Ang cheesy pala ng bachelor na ito. “Oh, God. Of—” Ang supposed na kaligayahan nila ay naputol nang biglang magsipasukan ang mga pulis. Nagulat ang mga tao at nagbulung-bulungan. Nagiging hysterical na yung mga tao. Sino ba naman ang hindi magugulat kung may biglang papasok na mga pulis at lalapit sa nagpoprose? “Ikaw ba si Mr. Joven Libutan?” “Ako nga bakit?” “May warrant of arrest kami dito.” “Warrant of arrest? As far as I can remember, wala naman akong pinatay, ni-rape o kung anu man.” “Wala nga pero marami kang niloko.” “Niloko? If you’re talking about my escapades, then it’s not funny.” Aba, pilosopo pa tong Joven Libutan na ito. Nakipagsagutan pa ng ganun sa mga pulis. “Di kami nanloloko dito, Mr. Libutan. Inaaresto ka namin para salang estafa.” “Estafa?” “Oo, may nagreklamo na tumalbog lahat ng tseke na ni-release niyo at lumantad na rin yung mga niloko mo. Involved ka pala sa isang malaking scam at networking. Marami ang nagrereklamo na tinakbo mo daw ang pera nila.” “Pero—” “Wag ka nang umangal, Mr. Libutan. Sumama ka na lang sa’min.” “Jill! Please, don’t listen to them! They’re lying.” “I-I don’t know, Joven. I-I am s-sorry.” Dinala na ng mga pulis si Joven palabas. Bago sila makalabas, sakto namang pumasok ang isang matangkad at seksing na babae sa loob ng restaurant. Kitang kita ang grace and elegance sa paraan ng pagpasok niya at paglakad niya. Nang magkalapit na si Joven at ang babae, nagkatinginan sila sandali. Matalim yung pagkakatitig ni Joven dun sa babae pero yung babae naman, parang wala lang. Mukhang masaya pa nga siya e. Nilapitan naman nung kakapasok lang na babae si Jillian. Magkakilala pala sila. “Oh, my gosh, Jillian. I can’t believe what had just happened.” “Please, Xiara. Let’s not talk about this.” “Won’t you like to hear my story about that pathetic Joven? Ayaw mo bang marinig ang katotohanan kung bakit gusto ka niyang pakasalan?” “Please, Xiara. Stop it, already. I’m not in the mood to listen to your lies.” “C’mon, Jillian. Wag ka ngang tanga. Nagpapapaniwala ka dun, eh, pera lang naman ng tatay mo ang habol ni Joven.” Mukhang na-shock si Jillian sa sinabi ni Xiara. Hindi siguro niya inaaasahan ang mga narinig. Well, sino bang mag-aakala na isa palang estafador si Joven Libutan, one of the most eligible bachelors in town? Nakuha lang pala niya ang yaman niya sa panloloko ng kapwa. Tinatakbuhan pa nga ang mga pagkakautang. Tapos papakasalan lang pala niya si Jillian Chua, anak ng isang mayamang businessman, para lang sa pera. Hindi ba nakakahiya yun? Akala mo siya na pero manloloko lang pala at peperahan ka lang. “If I were you, Jillian, I won’t ever let that Joven guy fool me. Buti na lang hindi ako

Page 61: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

61

ang nakatuluyan niya. Buti na lang, I was smart enough to know his real motives. Gamitin mo utak mo, Jillian.” May inabot na envelope si Xiara dun kay Jillian. Tinignan naman ni Jillian ang laman. Napaluha naman si Jillian sa nakita. “You’re right. He’s a great manipulator. I won’t let him fool me anymore. I am a fool for loving a faux like him.” Ngumiti lang si Xiara at tumalikod na. Dahan dahan naman siyang naglakad papalapit sa table ko. Tumayo ako at nakipagbeso kay Xiara. “Wow, I didn’t expect you’re that good.” “Well, kailangan e. Pero, gahd. Isang manloloko lang pala yang si Joven. Good thing matagal nang tapos ang sa’min. How did you manage to dig information about him that deep? Talagang nahalungkat mo pa talaga ang deepest darkest secret niya.” “I am just good at this game. Sanay na ako about digging information about my prospects.” “Thank you, Alex. It feels good to finally avenge my heart. Gumaan na ang pakiramdam ko.” “I’m sure hindi na maihaharap ni Joven ang mukha niya kay Jillian. He’s a fraud millionaire.” “Oo naman, maging sa mga tao siguro hindi na niya kayang makiharap. His face will be all over the news tomorrow morning.” “Makapal na lang ang mukha niya kung magagawa niya yun.” “Oh well, you’re right. It’s nice doing business with you, Alex.” Tumayo na si Xiara at nakipagbeso ulit sa’kin. Bago siya umalis, inabot niya sa’kin ang tseke worth 15K. Ibang klase yung mission kong ito ngayon. I have to pull strings para lang mapahiya ng bongga si Joven. Pero it was worth it. Pagkalkal ng deepest, darkest secret niya, paghahanap ng mga taong pinagkakautangan niya, pagsusumbong sa pulis, paghihikayat na sampahan siya ng kaso, pagpapapunta sa mga pulis during his proposal. Lahat yan ako ang may gawa. Unbelievable? Well, nothing’s impossible if you know how to play the game. I’m in for more missions. Who’s next?

Revenge 23 Love Game PART I

MIGUEL

If not for my cousin Phoebe, hindi ako a-attend dito sa party na to. I’d rather stay at home and play with my precious PS3 or go clubbing with my friends. Saka pinagbigyan ko lang si Chariz na samahan siya dito dahil siya lang daw ang walang partner sa barkada niya. Nakakahiya naman daw. Para di na siya mag-inarte, pumayag na ako. Kapit na kapit sa braso ko si Chariz, ang current girlfriend ko. Pakiramdam ko, para niya akong aso na kailangan sumunod sa lahat ng pupuntahan niya. Kung makakapit siya para akong isang bata na makakawala at mawawala sa isang mall na punong-puno ng tao. Ang laki talaga ng pagkakaiba nila ni Rayne. Ibang-iba siya kay Rayne.

Page 62: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

62

Si Rayne? Siya ang first girlfriend ko. Mabait, maalalahanin, at sobrang mapagmahal nun. Napakamaalaga pa. Perfect girlfriend na siguro kung maituturing. Dagdag mo pang mala-anghel ang mukha niya pati na rin ang ugali. Madali siyang pakisamahan at palaging game sa mga kalokohan. Ibang-iba siya kay Chariz. Si Chariz, puro sosyalan, party at fashion lang ang iniintindi. High maintenance na babae, di katulad ni Rayne na kahit saan mo dalhin, game na game. Sa totoo lang, maarte, kikay, at demanding si Chariz. Siguro yung ganda lang niya yung nagpa-attract sa’kin. Kung papipiliin ako sa kanilang dalawa, si Rayne ang pipiliin ko. Si Rayne, minahal ko pero si Chariz, naakit lang ako sa mga suot niyang halos labas na ang boobs. Pagkapasok namin sa venue ng party, sa isang tao kaagad natutok ang paningin ko. Kay Rayne. May kasama siyang isang babae at lalaki. Sa kakatitig ko kay Rayne, hindi ko napansin na kinakausap pala ako ni Chariz. She still has the same effect on me. Napapatunganga pa rin ako. “Migs, can I leave you for a while?” Nilingon ko si Chariz. There goes her puppy-dog-eyes. Kapag ganyan na hitsura niya, you should just agree with her. Katakut-takot na pag-iinarte ang mangyayari kapag kinontra mo. “Okay. I’ll be around.” “Thanks, Migs.” Since wala na si Chariz sa tabi ko, I decided to go and talk to Rayne. You know, for some chitchat and might as well ask her for a dance. “Hi.” “Oh, Miguel. Ikaw pala.” Napalingon sa’kin yung dalawang kausap ni Rayne. “Yeah, ako nga.” “Asan si Chariz? Di mo kasama?” “She’s with some friends.” “Oh. Siya nga pala, Migs, this is Alex and Ethan. Guys, this is Miguel, my ex-boyfriend.” “Hi,” sabi nung Alex. “Nice to meet you, pare.” Nakipagkamay naman si Ethan.

“Paano, Rayne, we’ll see you later na lang? Ikot muna kami dito sa party.” “Sure thing. I’ll see you around.” Umalis na sina Ethan at Alex. Kaming dalawa na lang ni Rayne ang naiwan sa table na ino-

occupy nila kanina. “Kamusta ka na, Rayne?” “Never been better. Ikaw?” “Just right. You wanna dance?” “Okay lang.”

Page 63: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

63

Nilahad ko yung kamay ko sa kanya at tinanggap naman niya.

I remember the times we spent together on those drives. We had a million questions all about our lives. And when we got to New York, everything felt right. I wish you were here with me

tonight. “You’re still beautiful, as ever, Rayne. Still the same beautiful girl I fell in love with.”

“Ano ka ba, Migs, matagal na akong maganda. Mas lalo pa nga ngayon e.” “I agree. Ano bang ginawa mo at paganda ka ng paganda?” “Simple lang. I got rid of you.”

“Woah. That’s ouch.”

“Totoo naman e. I look best without you.”

I remember the days we spent together were not enough. And it used to feel like dreamin' except we always woke up. Never thought not having you here now would hurt so much

Tonight I've fallen and I can't get up. I need your loving hands to come and pick me up. And

every night I miss you, I can just look up and know the stars are holdin' you, holdin' you, holdin' you tonight

“Balita ko wala ka pa ring boyfriend?” “E ano naman sayo ngayon?” “I just happened to love you still. Ikaw pa rin.”

Biglang tumawa si Rayne na para bang may nakakatawa sa mga sinabi ko.

“What’s funny?” “Ikaw.” “Ako? Wala naman akong sinabing joke ah?” “Meron. Yung sabi mo mahal mo pa rin ako. May Chariz ka na, Migs.” “So?” “Anong `so’ ka dyan? Be a man. May girlfriend ka na.”

I remember the time you told me about when you were eight. And all those things you said that night that just couldn't wait. I remember the car you were last seen in and the games we would play. All the times we spilled our coffees and stayed out way too late. I remember the

time you told me about your Jesus and how not to look back even if no one believes us. When it hurt so bad sometimes not

having you here... Tawa pa rin siya ng tawa. Seems like she’s taking everything as a joke. Pero seryoso ako. I realized I still love her.

“She might be my girlfriend but it doesn’t mean that I love her.” Napangiti naman siya dun sa sinabi ko. Does this mean na pareho kami ng nararamdaman para sa isa’t isa? Does she love me too? “I may not have a new boyfriend after we broke up but it doesn’t mean that I’m still

in love with you.”

Page 64: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

64

Oh, c’mon. If I know, pakipot lang tong si Rayne. Ayaw lang niyang aminin na mahal pa din niya ako. Para magkaalamanan na, I slowly leaned forward while holding her cheeks. Siya naman, pinatong yung kamay niya sa balikat ko at lumapit ng konti para bumulong. “You want to kiss me? Alright.” Sabi na nga ba, pakipot lang tong si Ra—ARAAAAY! T’ngna. Napahawak ako sa pagitan ng mga binti ko. Tae, ang lupit talaga ng babaeng to. She just whacked my balls, for Pete’s sake! I looked around me and saw the guests looking at me with disgust. Nagmukha pa tuloy akong manyak. Fck. “Ano, naiintindihan mo na bang ayaw ko sa’yo?” “Fine, fine! I get it!” With that, she went away victoriously while I walk away looking like a limp. If she plans to make me feel embarrassed, well I am utterly embarrassed. PART II

CHARIZ

“Cha, punta lang kaming washroom ha?” “Sure, I’ll be around.” “Sige.” I’m bored. Well, not really. Labo ba? Ganito, the party is great. Great food, great music, great host, many hot boys around. Yun nga lang, puro may keychains. Kung hindi babae, lalaki. Kainis. Wala tuloy akong maka-flirt dito. I decided to roam around. Nagbabakasakaling may makadaupang palad na isang lalaki na walang keychain. Kung meron man, e di yung game sa mga laro at walang takot makipaglaro. Napagod lang ako sa pag-iikot. Marami akong nakausap kaso wala, hindi sila game. Hindi nila pinapatulan ang pangseseduce ko. Umupo na lang ako sa may bar counter at nagpakasaya sa pag-inom. Nang medyo tipsy na ako, nag-decide akong tumigil na. Pagtayo ko sa kinauupuan ko, may nabangga akong isang lalaki. Woah, amoy pa lang, alam mo nang hunk. “Oops. Sorry, miss.” “Okay lang. No harm done.” “Are you hurt or something?”

“Uh… a-ano, masakit na kasi ulo ko.” “Let me help you, then.” Okay, sa totoo lang, hindi ako nahihilo. I’m just acting. Ang gwapo kasi nitong lalaking to. Napangiti naman ako nang hawakan niya yung waist ko at alalayan ako paupo. Hindi lang siya gwapo, thoughtful pa. Nang makaupo na ako, akala ko aalis na rin siya pero mukhang sasamahan pa yata ako. “I’m Ethan nga pala.”

Page 65: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

65

“Chariz. You can call me, Cha.” “Nice name, Cha.” “Thanks, you too. Wala kang kasama?” “Meron pero she’s with a friend.” “Girlfriend mo?” “Well, she refused to be my girlfriend.”

“Ganon? Sayang naman. Don’t worry, marami pang iba dyan. Katulad ko.”

“Right. So, you wanna dance?” “Sure.” Tumayo na agad ako at naglakad papuntang dancefloor. Too late before I could even remember that I was faking a headache. Oh well, bahala na. Pagdating sa dancefloor, wala na akong paki kung nagpanggap akong masakit ang ulo. Todo hataw ako, making sure my assets are well flaunted. Kailangan ma-turn on siya sa’kin. Kaya naman kahit maluwag yung dance floor, todo siksik ako kay Ethan. He was standing behind me, holding my waist. As I sway my hips sideward, I make sure that my butt touches his thing. Hindi naman ako nabigo sa pagpapadala ng right signals sa kanya kasi moments later, he was becoming touchy too. I ran my fingers up to his chest, his neck, and his cheeks. I hooked my arms around his neck and lightly tugged him forward. I stood on tiptoe to reach his lips. The moment our lips met was epic. It’s as if there’s no tomorrow. It was hot, hard and long. When our lips parted, I was gasping for air. Damn. I want more. Gahd. I feel like I’m on fire. “Let’s go somewhere private,” he whispered seductively. Sayang naman kung mapuputol ang mood. Bahala na si Miguel umuwi. Malaki na naman siya. Magdadahilan na lang ako sa kanya na nauna na ako dahil sumama ang pakiramdam ko. Sayang naman tong hombre na to. Ang nasimulan, dapat tinatapos. “Mag-taxi na lang tayo so we can continue what we started.” Siyempre, pumayag naman ako. I like the idea of continuing what we started. So yun nga, pumara kami ng taxi. Ang swerte ni Manong Driver. Nakapanood siya ng live show sa loob ng taxi niya. We were making out inside the cab. Kissing endlessly as if there’s no tomorrow, touching each other’s burning skin. “Ma’am, Sir, saan po kayo?” “Pinakamalapit na motel manong.” Everything went so fast. Sunod na narealize ko na lang, nasa loob na kami ng ni-rent namin na room. I guess we were so into feeling and kissing each other. Narinig kong bumakas ang pinto pero hindi ko pinansin. I’m so consumed by the fire we made. I heard camera clicks but I pushed the thought of being caught on camera away. I am

Page 66: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

66

hungry—hungry for this guy that I forgot about the world. I positioned myself on top of him, guiding his hands towards the zipper of my dress. When I felt his hand pull the zipper down slowly, my hands made its way to his chest, feeling his broad chest before unbuttoning the buttons on his shirt. The kissing, and touching ensued. The fire consumed me even more. I forgot about logic and reasoning. All I ever want right at this moment was give myself to this guy—a guy I barely knew. More heat, more passion, more camera clicks. Hindi ko na pinansin kung saan ba nanggagaling yung mga shutter sounds na yun. I don’t give a damn anymore. Moments later, we were both bare, no any form of clothing covering our bodies. The fire grew even more. No need to guess what will happen next. I leave the rest for you to imagine. I say, the rest was history. --- Paggising ko kinabukasan, wala na si Ethan sa tabi ko. Ang nakita ko na lang ay isang note sa bedside table. Quote

Thanks for last night. It was one hell of a night. I took your number from your phone.

I’ll call you.

-E I am looking forward for that call, Ethan. Naligo na ako at nagbihis. Umuwi muna ako sa bahay para magpalit ng damit. Dumiretso na rin ako sa school pagkatapos. Pagkababa ko pa lang ng kotse ko, halos lahat ng estudyante na nandun, nakatingin sa’kin. Mukha na ba akong artista ngayon? “OMG, Chariz. Nakita mo na ba?” “Ang alin? Kakadating ko lang kaya.” “Girl, you better follow me.” Sumunod naman ako sa dalawang kaibigan ko. Dun kami sa may basketball court nagpunta.

Maraming taong nagkukumpulan dun. May pinagkakaguluhan sila dun. Ano kayang meron? “Excuse me!” sabi ng isang friend ko. Nahawi naman yung mga tao. People started to throw sharp glances and disgusting looks at me. Ano bang meron? “Chariz, wag kang mabibigla ha?” Then she pointed out what the people were ogling at. It’s a taurpaulin.

Page 67: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

67

“P.t’ngnga. Take that off!” I screamed and screamed and screamed but no one dared to move. This is so embarrassing. Much more, degrading. OMFG. This is not fcking happening! This bullsh1t isn’t true. Well if it is, then it’s not fcking funny!

Revenge 24 Love Game 2 PART I Nandito ako ngayon sa isang party. Kasama ko si Ethan na nagprisinta na maging date ko. Hindi naman talaga kami invited dito pero Rayne insisted na sumama kami sa kanya. Lively naman yung party at nag-i-enjoy naman ako. Ewan ko lang kay Ethan kung natutuwa siya. Mula kasi nang mag-usap kami kanina, hindi na maipinta yung mukha niya. “Alam mo, Ethan, kanina ko pa napapansin na parang gusto mong magwala any minute now.”

“Kailangan ko ba talagang gawin yun?” “E sino gusto mong gumawa nun? Ako? Mas kadiri kaya.” “That I can’t imagine.” Mukhang grossed out si Ethan sa naisip niya. Kahit ako, masusuka kahit isipin lang yung pinag-uusapan namin. Kaso no choice siya, kailangan niyang gawin yun or else, fail. At ayoko ng nagfe-fail sa kahit anong ginagawa ko. “Hi.” “Oh, Miguel. Ikaw pala.” sabi ni Rayne na kasama namin at tawa ng tawa sa usapan namin ni Ethan. Napalingon naman ako sa kausap ni Rayne. Nginitian ko siya tas ngumiti rin siya pabalik. Mukhang may something sa kanila ni Rayne ah? “Yeah, ako nga.” “Asan si Chariz? Di mo kasama?” “She’s with some friends.” “Oh. Siya nga pala, Migs, this is Alex and Ethan. Guys, this is Miguel, my ex-boyfriend.” “Hi,” “Nice to meet you, pare.” Nakipagkamay si Ethan kay Miguel.

“Paano, Rayne, we’ll see you later na lang? Ikot muna kami dito sa party.” “Sure thing. I’ll see you around.” Umalis na kami ni Ethan at nag-ikot ikot sa venue. Wala kaming ibang ginawa kundi mag-ikot ikot at napapagod na rin ako. Gusto ko sanang magreklamo dito kay Ethan kaso naunahan na ako. He offered me his hand and asked, “Will you dance with me, Alex?”

Page 68: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

68

Nginitian ko lang siya tapos tinanggap yung in-offer niyang kamay. I guess mas okay sumayaw kaysa maglakad ng maglakad di ba? “Do I really have to do that, Alex? Baka magselos ka?”

“Selos? Why would I be jealous? Tayo ba?”

“Hey, easy on the words. Hindi nga tayo pero I know you find me irresistible.” “Ang yabang mo talaga kahit kailan, Balmaceda.”

“Crush mo naman. Kahit ayaw mong aminin.” Hinampas ko siya ng pabiro sa balikat. Kahit kailan talaga, ang lakas ng bilib nito sa sarili niya. “Hampas hampas ka pa dyan, gusto mo lang chumansing, e. Sana sinasabi mo na

lang kasi madali naman akong kausap. Basta ikaw.” “Kung ano-ano naiisip mo.” Lolokohin pa sana niya ako kaso biglang may sumigaw at nag-eskandalo. Hinanap naman namin kung sino yun. At lo and behold, si Rayne at Miguel pala yun. Sa mga narinig naming usap-usapan, tinuhod daw ni Rayne si Miguel sa alam niyo na. Lupit talaga ng babaeng yun. “Ano, lolokohin mo pa ako? Baka gusto mong gayahin ko yung ginawa ni

Rayne?” “Hindi na. Baka mawalan pa ako ng future. Saka pag ginawa mo yun, hindi ko na

maitutuloy yung plano natin.”

“Ang sabihin mo, gusto mo lang tumakas sa usapan.” Hindi nakasagot si Ethan. Ma-pride din pala tong lalaking to. Ayaw pumatol sa kung sino-siino lang. “Kelangan ba talaga?” “Oo nga. Nakakahiya naman kay Rayne. Naka-oo ka na kaya sa kanya.” “Pasalamat ka, mahal kita kaya ko ginagawa to. Basta, wag kang magseselos ha?” “Tigilan mo nga ako, Ethan. Para namang may mangyayari talaga.”

“Malay mo, madala ako. Lalaki din naman ako no. I have needs.” “Hay nako. Umalis ka na nga. Simulan mo na yung usapan natin.” “Oo na.” “Punta na ako sa kotse ha? Bilisan niyo. Wag niyo akong paghintayin.” Nagsimula na akong maglakad palayo kaso si Ethan may pahabol na reklamo pa yata. Hinablot yung braso at hinarap ako sa kanya. At...

Hinalikan ako sa lips.

“Pampagana.” Magrereklamo sana ako pero nakapaglakad na siya palayo. Pumunta na lang ako sa kotse ko at naghintay dun hanggang sa makalabas siya. After siguro mga fifteen minutes, nakita ko na si Ethan na palabas na may kasamang isang babae. They were making out like they did not care about the world.

Page 69: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

69

Enjoy na enjoy ang mokong. Binuhay ko na yung makina ng kotse ni Ethan tapos sinundan yung taxi na sinakyan nila. Para tuloy akong isang stalker sa ginagawa ko. Pero hell, I have to follow them. Nung huminto yung taxi sa motel, huminto rin ako at nagpark. I took my bag then Ethan's keys. Sinundan ko sila kaso hinarang ako ng guard. “Ma'am sorry po pero hindi po kayo pwede sumunod sa kanila. SOP lang po.” “E Kuya, kasama nila ako.”

Eto lang ang sagot sa'kin ni Kuya: Oo nga naman, san ka nakakita ng nag-motel na may kasamang third party? Napilitin tuloy akong mag-rent ng room. Pero yung pinaka-mura lang. Sila Ethan kasi, suite yung ni-rent. Tinignan ko kung saan ang room nila at doon ako dumiretso. Dahan dahan kong binuksan yung pinto at na-shock ako sa ginagawa nila. Halos hubad na silang dalawa at masyado silang absorbed sa ginagawa nila. In state of shock pa rin ako pero ginawa ko na trabaho ko. I took out my DSLR camera, turned its flash off, and started taking photos of the two. I was careful not to take pictures with Ethan's face showing. Mahirap na. When I was satisfied with my shots, I took out a bottle of Jack Daniels and motioned it to Ethan when our gazes met. I placed it near the bedside table with two shot glasses. I turned my recorder on and hid inside the CR. I have to make sure Ethan makes the girl drunk before I leave. “Hey, Cha, wait. Let's have a drink first.” “Huh? Inom? Sure.” I heard footsteps and clinking of shot glasses. After a while, I heard the two talking gibberish. It's my cue to leave. I slowly went out of the room. The moment I closed the door, I ran down the lobby as fast as I could. After paying my room's rent, I went straight to Ethan's car and transferred the pics to my Macbook Air. I drove to the nearest Starbucks chain to access WiFi connection so I could send the pics to my trusted printing shop. After sending the pics, I called the store owner to notify them about my e-mail. “Hello? It's me, Alex.” “Oh, Alex, napatawag ka ng ganitong oras?” “I just want to inform you that I sent you a picture. I want it printed in the largest size possible for a tarp.” “Areglado, Alex. Saan namin ikakabit?” “Sa St. Mary's College of Meycauayan. Sa bandang gym nila para marami makakita.” “Okay. Makakaasa ka dyan, Alex.”

I can't wait for tomorrow to come. I wonder what that girl's expression would be. Part II Napalingon lahat ng dumadaan na mga estudyante, faculty at staff ng SMCM sa nagwawalang si Chariz. Mula nang makita niya yung tarpaulin na nakakabit sa bandang harapan ng gym nila, wala na siyang tigil sa kakamura at kakaabot ng tarpaulin na may picture niya na nakikipagmake out sa isang lalaki. Hiyang-hiya na siya dahil puro nandidiring tingin ang pinupukol sa kanya ng mga dumadaan. Sino bang hindi maaalibadbaran kung makakakita ng

Page 70: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

70

ganung banner? Isang babaeng halos hubad na yung pangtaas na parte ng katawan tapos kitang kita pa sa mukha niya na nag-eenjoy siya. “Cha, tama na yan. Tara na.” “Oo nga, Cha. Let's go, hayaan mo na yan. Siguro naman mamaya wala na yan.” “Pero I have to put that fcking tarpaulin down. Sira na ang image ko.” “Let's just go, Cha. Pabayaan mo na. I'll just ask some friends to take that down.” Hinila na nila si Chariz palayo sa gym. Habang naglalakad sila, may mangilan-ngilan pa rin na di maiwasang lumingon sa kanya. Dumiretso sila sa kotse ni Chariz at nag-drive palayo sa school. Dinala nila si Chariz sa condo nito para kahit papano mahimasmasan naman siya. “Kung sino man may kagagawan nun, walang hiya siya.” “Baka naman yung lalaking kasama mo kagabi ang gumawa nun?” “Imposible yang iniisip mo. Tignan mo nga nandun din siya sa picture. ” “Sabagay pero malay natin.” “Lagot sa'kin kung sino man ang gumawa nun.” Tumayo si Chariz mula sa pagkakaupo sa couch at nagpunta sa kusina para uminom ng tubig. Nang pabalik na siya ng sala, biglang nag-ring ang cellphone niya. Narinig rin niya ang gulat na sigaw ng isa niyang kaibigan. “Oh, gosh!” “Girl, you better not check your phone.” Napataas ang kilay ni Chariz sa sinabi ng kaibigan. Ano bang meron sa cellphone niya at bawal nang tignan? Besides, may nagtext sa kanya kaya dapat niyang mabasa yun.

1 New MMS Subject: Chariz's Sзx Video

Pinanood ni Chariz yung video na galing isang anonymous sender. Isa ngang sзx video iyon. Siya nga ang nandoon dahil kilala niya yung lalaking mala-Hayden Kho ang trip sa buhay. It was Miguel's best friend. Pinatulan niya yung best friend ni Miguel dahil wala, bored siya sa buhay at kay Miguel.

Hindi na napigilan ni Chariz ang luha niya nang maka-receive ulit ng message galing dun sa

Page 71: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

71

sender ng video. From: TheBitchQueen Surprised? There's more surprises in store for you. I sent your special someone your `hottest’ video. Curious much? It's just your video with his brother. Enjoy! PS. I sent you a copy, too.

Agad agad niyang binuksan yung e-mail add niya, hoping na hindi talaga totoo yung sinasabi nung The B!tch Queen na yun. Kaso hindi. Meron talagang video at siya nga yun at ang kapatid ni Migs. Hindi niya malaman kung magse-self pity ba siya or magagalit.sa taong gumawa nun. Sinubukan ni Chariz na contact-in yung nagsend ng email pero palaging `The email address does not exist.’ Frustrated na frustrated na siya kaya naman nang muling mag-ring ang cellphone niya at isang unknown number ang magregister ay halos ibato na niya yun.

“What the hell do you want? ” “Hey, easy. It's me, Ethan. Remember me?”

“Sorry, Ethan. Of course I remember you. ” “Problem?” “Just some stuff going on.” “You want to come over? You know, para naman gumaan pakiramdam mo kahit konti. I might help you in some way.” “Sure!” sabi ni Chariz na para bang walang iniindang problema kan-kanina. Binigay naman ng kausap niyang si Ethan ang address ng bahay nito. Agad agad na umalis si Chariz at iniwan ang mga kaibigan niya nang walang paalam. Tsk.

--- “Nakausap mo na?” tanong ni Alex kay Ethan pagkaupo nito sa tabi niya. “Oo, para ngang walang epekto yung mga videos e. Pumayag agad nung sinabi kong pumunta siya dito.” “Ganyan yata talaga kapag flirt.” “O, anong balita kay Rayne?” “Nasa restaurant na daw. Sumunod na lang daw tayo kapag okay na.” Humiga si Ethan sa lap ni Alex at tinitigan si Alex ng mabuti. “Ang ganda mo. I love you.” “Hoy, tigilan mo nga ako. Napag-usapan na natin to.” “Alam ko pero hindi naman natin napag-usapan na bawal kitang sabihan ng I love

you.” “Ang arte mo. Umayos ka nga ng upo.” “Sungit mo. Meron ka ba?” Namula si Alex na first time yatang nangyari sa harap ni Ethan. Natawa naman si Ethan kaya

Page 72: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

72

pinisil siya ni Alex sa ilong. “Tigilan mo nga ako. Baka gusto mo ngayon pa lang basted ka na kahit di ka pa pumoporma.” “Aba, wala namang ganyanan. Saka nagpa-practice lang ako.” “Ilaglag kaya kita?”

“Kaya mo ba?”

DING DONG Biglang napatayo si Alex dahil nagulat siya kaya bumagsak at gumulong si Ethan sa sahig. Habang tinutulungan tumayo ni Alex si Ethan, wala siyang tigil sa kaka-sorry. “I'm sorry, Ethan. Nagulat lang ako.” “Okay lang. Di naman ako nasaktan. Macho yata to.” “Sorry.” “Okay nga lang. Ang kulit mo. Tignan natin kung sino yun? Baka siya na yun.” Tumango na lang si Alex tas lumapit sila sa may bintana. It was Chariz. Nakatayo yung babae sa may gate ng bahay habang palingon lingon sa paligid. “Alright, the show's about to start.” Bumalik silang dalawa sa may sala at naupo sa couch. Pumuwesto na silang dalawa habang hindi pa nakakapasok si Chariz. Si Chariz naman, inip na inip na sa kakahintay sa labas kaya naman binuksan na niya yung gate at pinapasok ang sarili sa loob ng bahay. “Tao po? Ethan?” Nakarinig ng mahinang tawa si Chariz. Ayos na sana eh. Kaso babae. May kasamang ibang babae si Ethan? “Ethan?” Sinundan ni Chariz yung narinig niyang mahinang tawa. Lakad, lakad, lakad. Hanggang sa makarating siya sa bungad ng sala. At nakitang...

Page 73: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

73

May babaeng nakaupo sa lap ni Ethan habang naghahalikan sila at naghahagikgikan. Biglang nagpuyos sa galit si Chariz at sinugod si Alex. Hinila niya sa buhok in short, sinabunutan niya si Alex hanggang sa makaalis na ito sa pagkakaupo nito sa lap ni Ethan. “Walang hiya ka!” Sinampal ni Chariz si Alex. “Bakit mo ako sinabunutan?” Sinampal din naman ni Alex si Chariz. “Ang kapal ng mukha mo! Bakit ka nakikipaghalikan kay Ethan? Hindi mo ba alam na akin siya?” “Hello?! Girlfriend ako ni Ethan!” “G-Girlfriend?” Namula bigla si Chariz. “Uh, sorry Cha. Biglang dumating girlfriend ko e.”

“Oh, gosh. This is so embarrassing.” “Sorry, Cha. Nakikipaglaro lang talaga ako sayo. Nagkataon lang na nungnangailangan ako, ikaw ang available.” “Gahd. Ano bang klaseng buhay to?” “Sorry pero mahal ko girlfriend ko.”

“Well?” Walang nagawa si Chariz kundi magtatakbo palabas ng bahay ni Ethan. So much for being

assuming. ---

Dalawang oras na si Miguel na naghihintay kay Rayne. Ngayon kasi niya balak magpropose kay Rayne para maging sila na ulit. Pinaghandaan niya to ng sobra. Ininvite niya pa talaga lahat ng close friends nila para ma-witness ang importanteng araw na ito. Tiwala siya sa sarili niyang kahit tinanggihan siya ni Rayne nung huli silang nagkita, mapapa-oo na niya si Rayne ngayon. Alam niyang mahal pa rin siya ni Rayne. Nang makita niyang pumasok si Rayne kasama yung dalawang kaibigan na kasama rin nito nung party, agad siyang pumuwesto sa may stage at naghanda ng sasabihin niya. “Good evening sa inyong lahat. Importante itong gabing ito para sa'kin. Nagmahal ako noon pero nagloko ako. Ngayon, na-realize kong siya pa rin pala ang mahal ko. Mahal ko talaga siya eh. Kaya kahit tinalikuran na niya ako, hindi pa rin ako titigil. Kaya, heto ako, binababa ang pride ko para sa kanya. Rayne, minahal kita, minamahal kita, at mamahalin kita. Sana pagbigyan mo ako ng isa pang beses.” Inudyukan ng mga tao na umakyat si Rayne sa stage. Pumayag naman si Rayne kaya andun na rin siya sa stage. Lumuhod siya Migs sa harap ni Rayne. “Rayne, can you be my girlfriend?”

“Migs, my answer is... no.” Pagkasabi nun, bumaba si Rayne at nagdire-diretso palabas ng restaurant. Sumunod si Ethan, Alex, at Migs. Naabutan ni Migs si Rayne kaya nahablot niya yung kamay ni Rayne. “Ano bang ayaw mo, Rayne?” “Ikaw. Ayoko sa'yo.”

Page 74: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

74

“Ano pa bang gusto mong gawin ko para tanggapin mo ako?” “Wala na. Ayoko na nga kasi sayo.” Biglang tumunog ang cellphone ni Migs. Agad niyang binuksan yun at binasa ang laman. 1 New MMS Subject: Chariz Səx Video Galit na galit si Migs sa nakita. Pati kapatid at best friend niya pinatulan ng girlfriend niyang si Chariz. At parang pinagtagpo-tagpo silang lahat, biglang dumating si Chariz. “Migs.” “Malandi ka talagang babae ka! Best friend at kapatid ko pinatos mo!” Pagkasabi ni Migs nun, sinampal niya ng pagkalakas-lakas si Chariz. “Migs naman.” “Pwede ba, wag ka nang magpakita pa sa'kin kahit kailan? Kung pwede nga lang sa Mars ka na lang tumira! Kasama ng mga kauri mong alien!” “Migs! Wag ka namang ganyan!” “Umalis ka na sa harapan ko! Ayokong makasalamuha ang mga malalandi!” Nagsimulang maglakad palayo si Migs. Kaso, hindi niya napansin yung isang malaking bato na nakaharang sa daan. Nadapa si Migs, una mukha. Kaso yung pinaglandingan ng mukha niya, hindi lang semento ang nandoon. May isang fresh na fresh na poop ng aso doon. Mamasa-masa pa at may langaw na umaaligid-ligid pa. Nang makabawi at makatayo, may nakadikit na poop ng aso sa mukha ni Migs. Naglakad na naman siya palayo kaso hindi talaga siya swerte sa araw na ito. Natalisod na naman siya. Pero this time, sa boobs naman ng isang may katabaang babae naglanding ang peys niya. “Manyak!” sabi nung babae sabay bigay sa kanya ng isang mag-asawang sampal. Na-turn down na ni Rayne, may tae na nga sa mukha, nakatikim pa ng sampal. Di rin naman

masyadong napahiya si Miguel ngayong araw na to no?

Revenge 25 Face Off February 14. Valentine's Day. Araw ng mga Puso. Araw ng mga nagmamahalan. Maraming couples na nagkalat sa mall para mag-date. Pero ako, eto, nakahiga sa couch, naka-pajamas, nanunuod ng Spongebob. Parang bata, alam ko. Pero mas pipiliin kong makasama si Spongebob at Patrick kaysa kung kani-kanino ngayong araw na ito.

DING DONG Parang kakasabi ko lang na gusto kong mag-isa ngayon, saka naman may dumating. Di na ako nag-abala pang magpalit ng damit kasi umaasa ako na isang delivery boy lang yung nag-doorbell. Delivery boy kahit wala naman akong pinapa-deliver. Pagbukas ko ng pinto, isa ngang delivery boy ang nasa labas. Isang gwapo na delivery boy. “Hey.” At Inglisero din.

Page 75: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

75

Joke lang. It was Ethan. May dala siyang isang kahon ng pizza galing Yellowcab. Inabot niya sa'kin yung hawak niyang DVD--DVD ng A Walk To Remember. Jusko, sa lahat pa ng dadalhin niya, iyon pa. Love story. Chick flick. Tearjerker. “Anong meron at nagpunta ka dito?”

“Anong meron dito? Ikaw. Bakit ako nagpunta? Valentine's Day.” “E ano naman kung V-day?” “Gusto ko kasama kita ngayon.” “Bakit?” “Gusto ko nga kasi. Teka, wala ka bang balak na papasukin ako? Sayang ang pizza

na dala ko.” Napabuntong hininga na lang ako. Wala talaga akong laban dito sa lalaking to. Masyadong makulit at hindi agad agad natitinag. Basta may gusto, pipiliting makuha in any way. Masyadong pasaway. Binuksan ko ng maigi yung pinto para makapasok siya. Kaso pasaway talaga siya. Bago siya pumasok, niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi. “Happy Valentine's Day, Alex. I love you. I can wait til you've opened your heart for me,” bulong niya sa'kin bago siya kumalas sa pagkakayakap. Nang pag-usapan namin ang tungkol dito. Aware siya sa gusto kong mangyari at pumayag naman siya. Pumayag siyang hintayin ako hanggang sa makapagbukas ulit ako ng pintuan para sa pag-ibig na yan. Umoo siya kahit gaano daw katagal abutin. Basta maghihintay siya. Alam ko parang pinapaasa ko siya dahil pumapayag akong gawin niya sa'kin ang mga bagay na ginagawa ng isang may relasyon. Alam ko mali. Alam ko parang nangyayari na yung kinaaayawan ko. Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na pagbigyan siya. Kapag nandyan siya, komportable ako. Bumabagsak ang matayog na pader na binalot ko sa sarili ko para makalayo sa mga bagay na may kaugnayan sa pag-ibig. Kaya nga ako nagtatrabaho para paiyakin ang iba kasi nakakaganti rin ako kahit papaano sa mga katulad ni Lex. Pero maging iyon, napasok na rin ni Ethan. Kasa-kasama ko na siya sa mga missions ko. Nagiging parte na siya ng buhay ko. Masyado na akong na-a-attach sa kanya. Natatakot ako dahil sa bandang huli, kapag iniwan na niya ako, ako rin ang lugi. Ako rin nang masasaktan. Ako na naman ang kawawa. “Alex, naistatwa ka dyan?” “Ha? Ano?” “Sabi ko naistatwa ka na dyan.” “Ah. Sorry, may iniisip lang.” “Maligo ka na nga tapos kainin natin tong dala ko habang nanonood tayo ng A Walk To Remember.” “Uh, sige.” Naligo na ako pero wala naman sa paliligo ang utak ko. Iniisip ko kung posible pa kayang magbukas yung puso ko para sa panibagong pag-ibig? Magmamahal pa ba ako ulit? Pero natatakot ako ulit masaktan. Ang ironic pala ng buhay ko. Ang lakas ng loob kong manakit ng damdamin ng ibang tao pero takot naman akong masaktan. Naupo ako sa tabi ni Ethan. Busy siya sa pagse-set up ng papanoorin namin. Pagkatapos niyang mag-set up, tumayo siya at kinuha ang pizza sa kusina. Pagbalik niya, nanood na kami. Tahimik kami pareho. Siguro siya, ninanamnam niya yung pinapanood namin pero ako, nasa malalim na pag-iisip. Kung si Ethan siguro nauna kong nakilala, wala akong problema. Kaso hindi eh. Kinailangan ko munang masaktan bago siya nagpakita. Hindi kaya siya na yung magbabago ng nasira kong pananaw sa pag-ibig?

Page 76: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

76

Sana nga. Pero ayokong umasa. Sinubukan kong mag-concentrate pero ayaw talaga tumatak sa isip ko yung pinapanood namin. Halos tulala na ako. Buti na lang nagkaron bigla ng distraction. May nag-doorbell. May bisita na naman. Si Ethan na yung nagprisinta na mag-bukas nung pinto at tignan kung sino yung tao sa labas. Sinundan ko lang siya ng tingin. Nang mabuksan na ni Ethan yung pinto, hindi ko inaasahan yung taong nakatayo sa labas. Ang saya naman. Sa araw ng Valentine's nagkita ang nakaraan at ang kasalukuyan. February 14. Nagkita si Ethan at si Lex. Dalawang lalaking may malaking kaugnayan sa'kin. “Hi. Is Alex here?” “Uh, yeah. Let me call her.” “Di na kailangan, Ethan. Lex, bakit ka nagpunta dito?” “I just want to talk about our deal. Remember that?” “Yeah, pasok ka.” Pumasok na si Lex at pinaupo ko sa couch. Si Ethan naman, nagpaalam na sa terrace na lang daw muna siya tatambay. Hahayaan daw muna niya kaming mag-usap. “Ano. Ethan, si Lex nga pala. Lex, si Ethan.” Nagkamay naman silang dalawa. “Sige, Lex. Dun muna ako sa may terrace habang nag-uusap kayo. Mukhang kailangan niyo ng privacy.” “Thanks, Ethan.” Pagkaalis ni Ethan, agad kong hinarap si Lex. As much as possible, gusto kong matapos kaagad ang pag-uusap namin. May kirot pa rin kasi akong nararamdaman habang tinititigan ko siya at nakikita ko sa mga mata niyang si Ria ang mahal niya--si Ria pa rin ang mahal niya. Ilang taon na ba ang nakalipas? Apat? Pero heto ako, nasasaktan pa rin. Siguro kasi may bahagi pa rin dito sa puso ko na umaasa na magbago ang isip niya at na mahal ko pa rin siya. Ewan ko, hindi ko alam. Mula nang lapitan niya ako para hingin ang tulong ko, bumalik lahat ng pakiramdam ko na pinilit kong tinaboy mula nang mangyari yung nakaraan ko. “Tuloy pa ba ang deal natin, Alex?” “Walang problema sa'kin. Ano bang gusto mong mangyari?” “Alam mo na ang gusto ko. Gusto kong ma-realize niya na mahal pa rin niya ako. Gusto kong bumalik siya sa'kin.” “Kaya gusto mong magpanggap tayo?” “Oo dahil alam kong mate-threaten siya kapag ikaw ang babae. After all, alam naman niya lahat.” Alam ni Ria ang lahat? Anong ibig sabihin ni Lex dun? Alam kaya ni Ria na naging kami ni Lex? Pero hindi ko naman sinabi sa kanya. “Anong alam ni Ria?” “Wala, wag mo nang intindihin yun.” Nag-iwas ng tingin si Lex. Ayaw nang umalis sa utak ko ang binitawan niyang salita. May alam ba si Ria na hindi ko alam? “Fine. Kelan mo gusto magsimula?” “Kung kelan pwede.” “Sige, pagbalik ni Ria galing Canada, pwede na tayong magsimula.” “Thank you, Alex.” Tumayo si Lex at niyakap ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nanghihina ako. Naiiyak

Page 77: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

77

ako. Matapos ang apat na taon, si Ria lang talaga ang minahal niya. Kailangan ko na talaga siyang kalimutan. Pagkatapos ng deal namin na ito, kakalimutan ko na talaga si Lex. Pipilitin ko ang sarili kong kalimutan siya at wag nang magpaapekto pa sa kanya. “Sure.” “Boyfriend mo si Ethan?” sabi niya pagkabitaw niya sa pagyakap sa'kin. “Hindi. Wala akong boyfriend.” “Sorry, akala ko lang kasi boyfriend mo. Bagay kayo. Mukhang may gusto siya sa'yo.” “Alam ko. Hindi mo na kailangang sabihin.” “Hanggang ngayon ba, galit ka pa rin sa'kin?” “Oo pero kahit papaano nabawasan na.” “I hope we can fix our differences, Alex. We could have been friends.” “May sasabihin ka pa ba? Kung wala na, pwede ka na bang umalis? May ginagawa pa kami ni Ethan.” “Sige, aalis na ako. Just contact me kapag magsisimula na tayo.” “Okay.” Hinatid ko sa may pintuan si Lex. Nakaalis na siya pero nakatayo pa rin ako dun sa may pintuan. Kung hindi pa lalapit si Ethan, baka hindi pa ako umalis dun. “You okay?” “Yup. Tara, nood na ulit tayo.” Nanood na ulit kami. Hindi ko maiwasang maiyak nang matapos na yung movie. Kapag kasama ko si Ethan, hindi ako naiilang na maglabas ng kahit anong emosyon. Tignan mo nga ngayon, umiiyak ako. “Tahan na, Alex.” sabi niya habang pinupunasan ang luha ko at niyakap ako. “Nakakaiyak kaya. Hindi ko akalain na mapapaiyak ako ng isang love story na

yan.” “Naintindihan at na-internalize mo kasi yung nangyari. Naging attached ka sa pinapanood mo kaya napaiyak ka rin.” Umiyak lang ako sa balikat ni Ethan habang yakap yakap niya ako. “Hypothetical question lang to ha. Paano pag nalaman mong may sakit din ako tapos mamamatay na rin ako. Iiyak ka rin ba katulad ng pag-iyak mo ngayon?” “Naman, Ethan. Wag ka ngang magtanong ng ganyan. Hindi maganda.” “Hypothetical lang naman e.” “Kahit na. Pero oo, iiyak din siguro ako. Kasi naging malapit ka na rin naman sa'kin.”Naramdaman kong humigpit yung pagkakayakap niya sa'kin. “Akala ko 'hindi' ang isasagot mo eh.” “Mabait rin naman ako kahit papaano.” “May tanong pala ako sa'yo.” “Ano?” “Di naman sa chismoso ako, ha? Pero sino ba si Lex? Bakit di mo maiwan yung pintong nilabasan niya kanina?” Kumalas ako sa pagkakayakap niya at tinitigan ng mabuti si Ethan. Nagtatanong yung mga mata niya. Siguro may karapatan din naman siyang malaman di ba? Dapat rin niyang malaman kung sino si Lex sa buhay ko. “Gusto mo talaga malaman?” Tumango lang siya nun bilang sagot. Humugot ako ng malalim na hininga bago sumagot.

Page 78: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

78

“Lex. He was my ex-boyfriend who happens to be my sister's boyfriend. We had the same boyfriend at the same time.”

Revenge 26 Can You Keep A Secret? “Lex. He was my ex-boyfriend who happens to be my sister's boyfriend. We had the same boyfriend at the same time.” Tahimik lang si Ethan. Hindi siya nag-react o kung anu man pero kita sa mga mata niya na hindi siya nasiyahan sa narinig niya. Kita ko sa mga mata niya na galit siya. Sino bang hindi magagalit kung malalaman mong pinagsabay kayong magkapatid di ba? “That Lex. He's stupid. Paano mo ba nakilala yang gagong yan?” “Third year high school ako nang makilala ko siya. Third year college naman siya nun. I used to study in their university since may high school dun. Si Ria naman sa ibang university nag-aaral nun.” --- Five thirty na pero hindi pa tapos yung training namin. Varsity ako ng soccer. Yun lang ang tanging ball game na nilalaro ko. Nag-eenjoy talaga ako sa pagsipa ng bola at pakikipagbalyahan sa ibang players. Pagkapito ng coach namin para i-signal na tapos na yung practice, umupo kami ng teammates sa damuhan. Nakakapagod pero enjoy naman. “Kelan ba next game natin, Suarez?” “Sabi ni coach, two weeks from now daw.” “Nako, bugbugan na naman tayo sa practice nito.” “Oo nga e. Semi-finals na kasi.” “Kaya natin yan. Last year nga, tayo ang champion.” “Fernandez! Tawag ka ni Coach Domingo.” “Sige, sandali lang ha.” Tumayo na ako at lumapit sa coach ko. May kausap siyang lalaki. Based dun sa suot nung lalaki, varsity rin siya ng soccer--college nga lang. Ang tangkad nung lalaki. Mas matangkad sa karaniwang Pilipino tapos ang puti pa ng complexion. May lahi siguro. “Coach, tawag niyo daw po ako?” “Ay, oo. Wala kasi ako for one week. Gusto ko sana ikaw muna ang bahala sa training ng team. Pinakiusapan ko na rin itong si Pierpont na tulungan ka sa paglilead sa team. Si Pierpont nga pala ang team captain ng men's soccer.” “Hi! Lex na lang. Masyadong formal ang Pierpont,” sabi nung lalaki sabay abot ng kamay niya sa'kin. “Alex Fernandez, team captain ng girls high school division.”

Page 79: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

79

--- Sa unang pagkakataon, nagawa kong magkwento tungkol sa masakit na parte ng nakaraan ko. Masakit pa rin kapag inaalala ko pero nakakagaan rin sa pakiramdam. Feeling ko kahit papaano, nababawasan yung bigat dahil nailalabas ko at nasasabi ko sa ibang tao. Siguro sign to na magiging ayos na ang lahat. “Mula nang araw na yun, palagi na kaming magkasama dahil nga sa training. Kahit lumagpas na yung isang linggo, nakikipag-usap at kwentuhan pa rin siya sa'kin. Sa buong team, ako ang naging pinakamalapit sa kanya. May mga pagkakataon na hinahatid niya ako sa may labas ng subdivision para daw di na ako magko-commute.” “All along hindi mo alam na boyfriend siya ng ate mo?” “Hindi. Wala naman kasi sinasabi si Ria kung sino boyfriend niya e.” --- Ang bilis lumipas ng panahon. Halos dalawang buwan ko na palang kasa-kasama si Lex. At aaminin ko, crush ko na siya. Ang bait kasi niya e saka gentleman. Sabi niya sa'kin wala siyang girlfriend ngayon pero may nagugustuhan na siya. Di ko maiwasang hilingin na sana

ako na lang yun. “Ano nga last name mo, Alex?” Nasa field lang kaming dalawa. Nagbibihis na yung mga ka-team ko kasi kakatapos lang namin mag-training. “Fernandez, bakit?” “Wala naman. May kapatid ka?” “Yup. Elder sister ko, si Ria.” “Ah. Dito rin siya nag-aaral?” “Hindi. Sa Hillsborough yun nag-aaral e.” Tahimik lang kami hanggang sa makabalik na yung ibang teammates ko. Nung halos nandun na silang lahat, tumayo na ako para ako naman ang magsa-shower at magpapalit ng damit. “Bibihis na ako ha?” sabi ko kay Lex habang inaayos yung mga gamit ko. Maglalakad na sana ako palayo kaso pinigilan niya ako. “Sandali lang. May itatanong sana ako sa'yo. Wag ka sana mabibigla saka wag kang magagalit.” “Ano ba yun? Saka bakit naman ako mabibigla at magagalit?” Napansin kong nagsisikuhan na yung mga ka-team ko tas naglakad sila dun sa may gitna ng field. May kinuha silang something dun. Kalokohan talaga nila. “Ano, kasi.” Humarap siya dun sa mga ka-team ko tas nag-thumbs up siya. Tinignan ko yung mga ka-team ko na may hawak-hawak na mga placards.

Page 80: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

80

Totoo ba tong nababasa ko? Totoo ba to? Matagal bago nag-sink in sa'kin yung mga salitang nandun. Grabe, di ako makapaniwala. Binasa ko ulit yung mga nakasulat.

Quote

Alexis Danielle Fernandez. Pwede bang manligaw sa'yo si Alexander Lawrence

Pierpont? --- “Ayun, pumayag akong magpaligaw sa kanya kasi nagustuhan ko na siya. Four months pa bago ko siya sinagot. Maganda naman yung naging relationship namin. Umabot kami sa one year kaso sa araw mismo ng anniversary namin, nalaman kong pinagsasabay niya pala kaming magkapatid.” “Iyon ba ang dahilan kung bakit naging isang heartbreaker ka?” “Oo pero hindi lang yun ang dahilan.” Oo, nasaktan ako dahil pinaglaruan ni Lex ang damdamin ko pero mas masakit yung ginawa niya sa'kin at ng mga kaibigan niya. Pinresyuhan niya yung pagmamahal na binigay ko sa kanya. Yung pagmamahal na binigay ko sa kanya, libre at walang time limit. Pero yung kanya, may presyo, may kapalit, may time limit.

“Ano pang ginawa sa'yo ng gagong yun?” “Two weeks after ng breakup namin, pumayag ako kay Ria na mag-part time ako sa bar nila ni Lex. After ng isang set, nag-break muna kami nung banda. Nag-CR muna ako. Palabas na sana ako kaso naabutan at narinig kong nag-uusap sina Lex sa may corridor malapit sa Men's CR.” --- “Hanga talaga ako sa'yo, Lex. `Lakas talaga ng kamandag mo. Biruin mo, nauto mo yung kapatid ni Ria.” “`Lol. Ayaw lang niyan na matalo sa pustahan. Sabi natin, pasagutin lang niya pero pinaabot pa ng isang taon.” “Kelan ba nagpatalo si Lex sa pustahan? Kahit naman mayaman yan ayaw niyan naglalabas ng malaking pera.” “Labas niyo na fifteen thousand niyo. Time to pay na. Mamaya takbuhan niyo pa tong si Lex eh.” Nagtawanan yung mga nag-uusap. Isang pustahan lang pala ang lahat. Isang laro. Fifteen thousand lang pala ang halaga ko kay Lex. Niligawan niya ako at pinaasang mahal niya ako nang dahil lang sa pera. Isang laro lang pala ako kay Lex. Pang pustahan na lang pala ang pagmamahal ko. Fifteen thousand. Lintek na fifteen thousand yan. Yan pala ang halaga ng pagkatao ko, ng pagmamahal ko, ng pagdudusa ko ngayon. Fifteen thousand. “Dude, ayos na ba kayo ni Ria?” “Oo, kami na ulit. Three months ago pa.” “Astig ka `tol. Galing mong magpanggap.”

Page 81: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

81

Di ko na kinaya ang mga narinig ko. Lumabas na ako sa pinagtataguan ko. Wala akong pakialam kung makita nila ako or hindi. Walang tigil ang pag tulo ng luha ko. Masakit sa damdamin. Masakit sa pride. Para akong tinakasan ng buong pagkatao ko. Pakiramdam ko ang baba ko. Wala akong kwenta. --- “Kaya pala nagkaganyan ka. Kaya pala takot ka na ulit magmahal. Kaya pala.” “Masakit. Sobra akong nasaktan e. Tapos hindi pa niya alam na alam ko yung tungkol sa pustahan nila. I kept it a secret. Di ko sinabi na alam ko. Please don't tell anyone about this. Walang nakakaalam nito. Ikaw pa lang ang napagsabihan ko.” “I promise. You have my word.” Pustahan. Pagpapanggap. Pera. Pananakit sa damdamin ng iba. Yan ang mga natutunan ko nang mahalin ko si Lex. “Ano pala ang sadya niya dito? Bakit pa siya nagpakita?” “Gusto niyang tulungan ko siyang mabawi si Ria. It sucks, I know.” Ngumiti ako ng pilit. “Mahal mo pa ba siya?” Hindi ko alam ang isasagot kay Ethan. Mahal ko pa nga ba si Lex? “...” “Alex?” “I-I don't know, Ethan. Siguro? Kasi hanggang ngayon, masakit pa rin yung ginawa niya. Kasi hindi pa ako totally nakakamove on. I'm sorry, Ethan.” “No need to be sorry, Alex. Determinado naman ako na agawin ka kay Lex. I'll do my best to have you. Di ako basta-basta susuko. At least, ngayon alam ko na kung sino ang `karibal ko.’” Ano ba tong nangyayari sa buhay ko? Masyado nang komplikado.

Revenge 27 Behind the Mask

{.poster.} It's a Saturday morning. Madalas, kapag Saturday nasa bahay lang ako, nanonood ng favorite TV shows ko o kaya naman inaayos ang requirements ko for school. Graduating student kasi ako at medyo hectic ang schedule. Marunong lang siguro akong mag-manage ng oras kaya hindi ako nagkakaproblema kahit may mga missions akong ginagawa. Unlike my usual Saturdays, nandito ako ngayon sa parking lot ng M. Stuart University. School fair nila ngayon kaya marami-rami rin ang tao at puno na ang parking lot. Buti na lang at medyo maaga ako nakarating kaya nakakita ako ng free spot. Believe it or not, after four years, nakapagsuot ulit ako ng uniform--HIGH SCHOOL UNIFORM. At for the first time, high school girl ang client ko. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang info tungkol sa ginagawa ko. Anyway, di ko naman tinanggihan dahil di naman ako choosy sa mga ginagawa. In fact, na-excite pa nga ako dahil first time ko sa ganitong environment. Madalas kasi mga ka-age ko ang mga clients ko.

Page 82: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

82

Sumandal ako sa kotse ko habang naghihintay kay Vana, ang client ko. Usapan kasi namin na magkikita kami dito sa parking lot para makapasok ako sa loob ng university. After mga five minutes, nakita ko siyang naglalakad papalapit sa'kin. Kumaway naman ako sa kanya para mapansin niya ako. “Hi! Kanina ka pa?” “Hindi naman masyado. Mga ten to fifteen minutes pa lang.” “Pasok na tayo?” “Sure.” Pumasok na kami ni Vana at buti na lang, hindi naghinala yung guard na hindi talaga ako estudyante dun. Actually, wala naman kasing pakialam yung guard. Busy kasi sa pagti-text. Sa Fair Grounds kami dumiretso. Ang daming tao. Halos magsiksikan na yung mga tao. Buti na lang at hindi kami dun dumiretso. Sa isang lounge kami nagpunta. Dun daw ang tambayan ng club nila. Dun din daw namin makikita si James, ang new target ko. Ex-boyfriend ni Vana si James. Nang contact-in ako ni Vana, sabi niya, nakipag-break daw agad sa kanya si James nang makakilala ng mas maganda at mas mayamang babae. Gusto daw maiangat ni Vana ang gumuho niyang pride. Andito naman ako para ibangon yun. Pagpasok namin ng lounge, may isang grupo ng lalaki ang nagpapractice ng instruments nila. Mukhang members sila ng banda. At infairness, lahat sila gwapo. Lalo na yung kausap ngayon ni Vana. “James, tutugtog kayo?” “Yeah, after lunch. Nood kayo, ha? Sama mo rin yung maganda mong kasama.” I see. Siya pala si James, ang crush ng bayan na sobrang palikero. “Siya nga pala, James, pinsan ko.” Tinuro naman ako ni Vana. “Hi! I'm Janelle,” sabi ko habang kinakawayan sila James.

“I'm James. Bagay tayo. J and J. Maganda ka, gwapo naman ako. Perfect.” “Bolero ka pala, James.” “I'm just telling the truth.” “Ganyan talaga si James, Janelle. Mahilig mambola yang lalaking yan.” “Gahd, Vana. Binubuking mo naman ako. Thou shall not spill a heartthrob's

secret!”

“Whatever you say.” “So, Janelle, saan ka ba nag-aaral? Sa pagkakaalam ko, ang uniform na yan ay sa Preston University?” “Yeah, that's where I study.”

That's where I used to study when I was still in high school. “Nailibot ka na ba ni Vana? I can show you around if you want. Para magkakilala na

rin tayo. We might just... click, you know?” Tinignan ko si Vana at nakakuha naman ako ng approving look galing sa kanya. Mukhang this

Page 83: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

83

is it na. “Aryt. No problem with me.” “Cool. Let's go?” In-offer sa'kin ni James ang kamay niya which I gladly accepted. Pagkatapos nun, tinour niya ako sa buong campus nila. Mula sa tambayan nila, sa fair grounds, sa outdoor fields, sa buildings, basta sa buong M. Stuart. Niyaya ako ni James na umakyat sa rooftop ng tambayan nila. Habang paakyat kami ng hagdan, yung kamay niya nasa lower back ko. Kung unang beses kaming makikita, aakalain mong may relasyon kami dahil intimate yung pagkakahawak niya sa'kin. Kaso hindi. Masyado lang talagang mabilis kumilos tong James na to. Nang makarating na kami sa tuktok, hinawakan niya naman yung kamay ko tapos sabay kaming naglakad palapit sa mga railings. Malaking flirt ang loko. Nilaro-laro niya yung mga daliri ko habang hawak-hawak pa rin niya. Di niya binitawan yun kahit magkausap kami. Nagulat na lang ako nang biglang humarap sa'kin si James at unti-unting bumaba yung mukha niya. Naramdaman ko na lang na lumapat na yung labi niya sa labi ko. Hinayaan ko na lang siya sa ginagawa. It's part of the game. “I like you, Janelle.”

Ngumiti lang ako sa kanya. Baka kung ano pa ang masabi ko. “Tara na, magsisimula na yung concert. Nood ka ha? Tutugtog ako.” “Sure.” Sa ikalawang pagkakataon, naramdaman kong lumapat yung labi niya sa labi ko. Pagkatapos ng little scene sa rooftop, dumiretso na kami sa concert grounds. Nandito kami ngayon, nakaupo sa VIP Section ng concert grounds. “Special” guest daw kasi ako ni James. Pagkatapos ng tatlong performers, nag-excuse si James na aalis muna sandali dahil sila na yung kakanta. Pumayag naman ako kasi baka magwala yung mga tao kapag hindi ko siya pinaalis. “Ahoy! What's up, people? Ready na ba kayo for Explosive Explosion? ” Naghiyawan yung mga tao. Ang dami talagang nagkakagusto kay James. Mataas naman ang face value niya kaya hindi na kataka-taka yun. “Bago ako magsimulang kumanta, gusto kong ipaalam sa inyo na ang inyong lingkod ay may bagong iniibig. Gusto kong malaman niyo na may girlfriend na ako. At para sa kanya ang kanta naming ito.” Kumanta siya ng You and Me. Pero bago pa niya matapos yung kanta, tumayo na ako at nagsimulang maglakad palayo. Wala akong balak na panoorin pa ang mga susunod na mangyayari.

Page 84: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

84

'Cause it's you and me and all of the people with nothing to do, nothing to lose. And it's you and me and all other people and I don't know why, I can't keep my eyes off of you and me and all other people with nothing to do, nothing to prove. And it's you and me and all other

people, and I don't know why, I can't keep my eyes off of you.

What day is it? And in what month? This clock never seemed so alive. Medyo malayo na ako sa concert ground pero rinig ko pa rin si James. Rinig na rinig ang mga sinasabi niya sa buong M.Stuart University. “I'd like to call my love, Janelle. Babe, please, samahan mo ako dito sa stage. I want to show how you mean to me. Alam ko parang ang bilis pero this is what I truly feel.” Naghiyawan yung mga tao. Nag-chant pa sila. Hindi nila alam, wala naman talagang Janelle na girlfriend ni James. After a few minutes, nagsimula nang mag-boo yung crowd. Sa mga sandaling iyon siguro, hiyang-hiya na si James. Iniisip siguro ng tao na nag-iimbento lang siya. Aryt. With this kind of job, getting 15K is so easy. Pahiya mo lang ng konti, solve na. Umalis na ako at naghanap ng may kalayuang CR. Medyo natagalan ako dahil di ako familiar

sa lugar. Nagpalit ako ng damit pero nagpatagal pa ako kasi maganda yung CR nila. Nang ma-satisfy na ako sa stay ko, I decide to go out. Pero napatigil rin ako nang makarinig ako nag-uusap. Di ko na sana papansinin at itutuloy na lang ang pag-alis kaso familiar talaga yung boses niya. I decided to peek sa mga nag-uusap para malaman ko kung sino ba may-ari ng boses na yun. Para kasing kay James yun e. Kaso parang anlambot. So yun nga, sumilip ako.

It was indeed James! Pero... pero... pero... May kasamang lalaki.

Nakasandal sa dingding yung lalaki habang naka-wrap sa bewang ni James yung mga kamay. Si James naman, halos maglambitin sa leeg nung lalaki. James was even pressing his body on the guy's body. Don't tell me... “Gahd! Bwisit na malandi yun! Pinahiya ako! The nerve of that b!tch.”

Page 85: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

85

“Relax, honey. Andito pa naman ako.” “I know, darling. Buti na lang nandito ka. But I really hate that b!tch. Pinahiya niya ako in front of everyone! I wanna pull all the hair in her body! D`mn. Biitch!” “Calm down, baby.” “I don't know what to do without you, darling.”

I hurriedly took my phone at vinideo-han yung nangyayari. OMG. This will be Vana's best revenge. At revenge na rin para sa lahat ng babaeng naloko nitong si James. You guys wanna know what he's doing? Well... JAMES WAS KISSING THE GUY TORRIDLY. I repeat, torridly. Hindi lang yun. Yung kamay ni James, nagsimulang bumaba hanggang dun sa `you know’ nung lalaki. Gahd, James is feeling the guy's `thing.’

Gross, I know, but I am not lying. Tumakbo na ako palayo at dumiretso sa kotse ko. Buti na lang hindi nila ako nakita. Pagkasakay ko sa kotse, agad kong sinend kay Vana yung video. I asked her to send the video to everyone else in M.Stuart University. Sometimes, looks can be deceiving. KINABUKASAN. Nakatanggap si Alex ng isang text message galing kay Vana. Vana The video was a hit, Alex! Thank you so much. Sobra pa yun sa revenge na hiningi ko. Ngayon alam na ng lahat ang totoong pagkatao ng James na yun. Gahd, niloko pala niya kaming lahat. Ang gwapo-gwapo niya tapos ganun pala siya. He's a user! Ginamit niya kami para pagtakpan pagkatao niya. Thanks, Alex! I'll deposit the payment on your account later. Much love. <3 Alex No problem, Vana. `Glad to help. Di rin ako makapaniwala na ganun siya. Haha. Thanks, too, Vana. Vana My pleasure. Oh, nasa headline pala ang news about James. It says:

CRUSH NG BAYAN: NABUKING! BADING! Oh well, at least we all learned a lesson. Hindi lahat ng gwapo, lalaki--minsan lalaking gustong

maging babae!

Revenge 28 Hidden Shadow

Page 86: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

86

Ixe's POV March 2009 Akala ko sa mga pelikula lang pwedeng mangyari ang mga romantic scenes. Hindi pala kasi ngayon mismo, pinatunayan ng boyfriend ko na si Terenz na pwede rin siyang mangyari in real life. "Happy 2nd anniversary, Babe," masayang bati ni Terenz sabay halik sa pisngi ko. "Happy anniversary din, Babe. Salamat sa surprise mo na `to. Napasaya mo talaga ako ng sobra." sabi ko naman sabay yakap ng mahigpit sa kanya. Totoo, hindi ko inaasahan na susurpresahin niya ako. Akala ko nga hindi niya maaalala na anniversary namin ngayon dahil pareho kaming busy sa mga trabaho namin. Interior designer ako at architect naman siya. Sa iisang firm lang kami nagtatrabaho pero minsan hindi kami nagkikita dahil sa sobrang dami ng ginagawa. Ang saya-sayo ko talaga dahil natupad ang isa sa mga kahilingan ko sa buhay. Mababaw lang akong tao kaya talagang masaya ako nang dalhin niya ako dito sa Manila Bay at sabay naming panoorin ang paglubog ng araw. "Babe, hindi ba pumapasok sa isip mo na magpatayo ng bahay para sa future mo?" "Naisip ko na yan. Simple lang ang gusto ko. Isang two storey house na may limang kwarto, isang malawak na garden at isang modern-equipped kitchen." "Sa tingin ko, kailangan na natin simulang planuhin yan. Alam mo na, for our

future." Teka, tama ba ang naririnig ko? Paplanuhin na namin ang future namin? Ibig ba nung sabihin gusto niya akong makasama in the years to come? "Seryoso ka ba dyan, Babe?" Tumango siya bilang sagot. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Tears of joy. "Oh, gosh! Hindi mo alam kung gaano ako kasaya sa mga sinasabi mo." "Hindi naman malabong mangyari, di ba? Architect ako, interior designer ka. We can build our dream house together." Sa araw na iyon, binuo namin ang plano para sa future namin. Ang dream house namin. 1 year later Terenz Espinosa Reverie St., Eastgrove Subdivision, Sta. Rosa, Laguna. 230 PM Napatingin ako sa relo ko at napansing ala-una na ng hapon. Ayon sa text message ni Terenz, 2:30 kami magkikita sa Eastgrove Subdivision. Dun kasi ang bagong project site niya. Dahil medyo may kalayuan dito sa office ko, nagpaalam na ako sa boss namin at umalis na para puntahan siya. After siguro mga one hour and a half, nakarating na ako sa lugar na sinabi niya. Madali ko nang nahanap yung lugar na sinasabi ni Terenz dahil nakita ko yung kotse niya sa tapat nung isang bahay. Pinark ko sa likod ng kotse niya yung kotse ko at bumaba. Tinignan kong mabuti ang bahay at hindi ko mapigilang humanga. Surprise na naman ba niya sa'kin `to? Eto mismo yung dream house na pinlano namin!

Page 87: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

87

Hindi ko na hinintay si Terenz. Agad akong pumasok ng bahay at tinignan yung kabuuan nung bahay. Grabe, ito talga yung dream house namin! Hindi ko inaakalang naipatayo na niya agad ito. "Ano, nagustuhan mo ba?" Lumabas ako ng bahay nang marinig ang boses ni Terenz. Syempre, gustong-gusto ko! Dream house yata namin to! "Para sa'yo talga yan, Cherry."

Cherry? Bagong endearment ba niya sa'kin yun? "It's so beautiful. I love it! Hindi ako nagkamaling piliin ka as my architect." "Nagustuhan mo ba ang dream house natin, babe?" "Oo naman babe! Thank you so much talaga!" sabi nung babae sabay halik sa pisnigi ni Terenz. Niloloko lang pala ako ng walangyang Terenz na to. Ang kapal ng mukha niyang gamitin ang mga designs ko para sa dream house namin na to. Tapos malalaman kong hindi naman para

sa'kin to. Para naman pala sa ibang babae!

Alex's POV On the way na kami sa isang subdivision na inaalok sa'kin ng isang architect na pinagtanungan ko kung saan maganda bumili ng bahay. Ang sabi niya sa'kin, ipapakita niya daw sa'kin yung isa sa mga masterpiece niya. Isasama pa daw niya yung boss niya para masigurado kong hindi niya ako niloloko. Pumayag naman ako at ngayon nga ay on the way na kami dun. "I'm sure magugustuhan mo ang subdivision na iyon, Ms. Fernandez. It's one of the best subdivisions in the South. Marami nang nag-purchase na mga artista at known personalities doon," panghihikayat ng boss ni Terenz, yung architect na kausap ko. "We'll see, Mr. Dominguez. I'm very certain when it comes to purchasing real estate properties." "Sinisiguro ko sayong magugustuhan mo iyon dahil ako mismo ang nag-supervise at gumawa ng blue print ng mga bahay sa subdivision na iyon. Tahimik kami hanggang sa makarating kami dun sa sinasabi nilang subdivision. Pinark ng driver ang kotse sa tapat ng isang mala-mansyong bahay. Aaminin ko, medyo napahanga ako sa ganda nung bahay na yun. Parang mansyon sa unang tingin.

E paano naman kaya kapag nasa loob na? "Wow, I'm quite impressed with this project, Espinosa. Well done." "Thanks, Sir Dominguez. Isa po ito sa mga pinagmamalaki ko. Let's take a look inside." Sabay-sabay kaming pumasok sa loob ng gate. Mr. Domiguez did the honor to open the door. At laking gulat namin nang biglang mag-collapse ang buong labas ng bahay! Gosh, isang painting lang pala ang front ng bahay! Isang parang pang-squatter na bahay ang totoong

Page 88: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

88

hitusra ng bahay! "Nagkakalokohan lang pala tayo dito, Mr. Espinosa and Mr. Dominguez! Big project na ba itong sinasabi niyo? E mas maganda pa ang bahay sa squatter kesa dito! I'm not buying any of your properties! Black-listed na kayo sa'kin!" "Alex, may mas magaganda pa akong nagawa kaysa dito! I promise, hindi ito ang project ko. There might be some sabotage going on here! Sir, mapapatunayan niyo yun kay Ms. Fernandez!" "I-I don't know, Terenz. I am very much disappointed with this. I'm sorry pero hindi ko mapapalagpas ang kalokohang ito! You are fired!" "Sir! Wag naman!" "Hindi na magbabago ang isip ko. Sa lahat ng ayoko yung ginagawang laro ang trabahong ito." Hindi na nakaimik pa si Terenz. Serves him right. Kalokohan lang pala ang ginagawa niya. He tricks girls into buying houses. He flirts with them to persuade them to buy the houses he made. Paano ko nalaman? Personal experience plus some background check. Lumayo ako ng konti sa kanila at tinawagan ang isang importanteng tao. Si Ixe, agn klieyente ko para sa mission na ito. "Hey, Ixe. It's me, Alex. Mission accomplished." "Thank you, Alex!" "Your boss fired him, too. Medyo hindi ko ineexpect na gagawin yun ng boss niya. Pero it was worth it anyway." "Thank you talaga Alex ah. Ang sakit lang talaga kasi ng ginawa niya sakin eh." "Oo, naranasan ko na rin yung sobrang sakit. Nagkataon pang mag-pinsan yung mga lalakeng sinaktan tayo." Yeah, Lex and Terenz were cousins. Their moms were sisters. Small world, right? "Kaya nga eh. Magkamag-anak talaga sila. Pero alam mo, masaya na rin naman ako ngayon." "Talaga? Thant's good for you." "May nakilala kasi akong tinutulungan akong-mag move on na kay Terenz... si E." "E?" "Si Eric." Weird, bigla kong naalala si Ethan habang nagse-share si Ixe. Ano baaaa.

Revenge 29 Family Ilang araw na lang ang natitira para sa buong college life ko. Ilang araw na lang matatapos na

Page 89: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

89

ang kalbaryo ko sa pag-aaral. Dahil malapit na ang graduation, tinatadtad kami ng mga professors namin ng mga last requirements para sa major subjects namin kaya naman ang isang araw na walang pasok ay heaven na para sa isang graduating college student na kagaya ko. Katulad ngayon, Sabado, walang klase. Ibig sabihin, mapapahinga ko ang utak ko at maipagluluksa ang mga brain cells na namatay dahil sa sobrang pagkapiga sa kanila dahil sa mga requirements na yan. Ang plano ko sa buong araw na ito ay matulog, kumain, matulog at kumain. Pero hindi yata umaayon sa'kin ang tadhana. Hihiga pa lang ako sa couch nang biglang may mag-doorbell. Sigurado naman akong hindi ito delivery boy at lalong hindi si Clarise `to dahil nasa Batangas ang babaeng yun kasama ng bago niyang boyfriend. Nagtungo ako sa pintuan at sinilip sa peep hole kung sino ang pasaway na sumira ng mga plano ko. Natunaw naman ang inis ko nang may masilip akong cute na cute na baby sa labas. Parang ang sarap tuloy mag-alaga at magkaroon ng baby. Ay, kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko. Binuksan ko na ang pinto para makita kung sino yung may dala dun sa super cute na baby na iyon at kung anong pakay ng may dala sa baby. Medyo nagulat naman ako nang makitang si Ethan at si Kuya Patrick ang nasa labas ng condo namin ni Ria. Si Kuya Pat yung may dala-dala dun sa baby. Ano ito, napikot na siya ng isa sa mga babae niya at kine-claim na naanakan niya? OMG, may pamangkin na ako! "Anak mo, Kuya Pat?" biro ko kay Kuya Pat na napataas naman agad ang kilay pagkarinig na pagkarinig sa mga sinabi ko. "Gaaago! Pinsan natin `to. Si Baby Arc, anak ni Tita Desiree," sagot ni Kuya Pat na may pagka-defensive ang tono. "Ah, kala ko naman napikot ka na. Ikaw, Ethan, napapadalas yata ang pagbisita mo?" "Akala ko nakalimutan mo na ako. Well, masama bang dalawin ang prinsesa ng buhay ko?" Binalingan ni Kuya Pat si Ethan at sinabing, "Tol, seryoso ka? May gusto ko dito sa pinsan kong `to? Alam mo bang napaka-manhater niyan? Kulang na nga lang ipakulam niya lahat ng lalaki sa mundo. Well, except sa lahi namin syempre." "Talaga? E bakit baliw na baliw sa'kin `tong pinsan mo na ito?" "Ang kapal naman ng mukha niyo pareho! Manhater, baliw na baliw. Tigilan niyo nga ako!" "`Kita mo na?" loko pa ni Kuya Pat. Pambubwisit lang yata ang gustong gawin nitong dalawang ito eh. "May balak ba kayong pumasok sa loob ng bahay o wala? Kasi kung wala, matutulog na lang ako dahil kailangang-kailangan ko ng pahinga." Nag-unahan naman sa pagpasok yung dalawa. Parang ewan lang silang dalawa eh. Parehong magulo. Kinuha ko kay Kuya Pat si Arc dahil feeling ko iyon naman talaga ang pinunta niya dito--ang ihabilin sa'kin si Arc dahil may date siya. "Wala ka namang klase ngayon, Alex, di ba?" pasimpleng banat ni Kuya Pat. Alam ko na ang mga gawain nito kaya huling-huli ko na siya.

Page 90: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

90

"Alam ko na gusto mong iparating, Kuya. Sige na, makakaalis ka na at baka naghihintay na ka-date mo." Nagliwanag yung mukha ni Kuya Pat pagkarinig niya nung mga sinabi ko. Alam ko namang mas gusto niyang makipagdate at makipagbolahan sa mga babae kesa mag-baby sit ng bata. "Thanks, Alex. Wag kang mag-alala, I'll treat you some other time. Promise ko yan." "Oo na, sige na. Dali at baka magbago pa ang isip ko."

"I love you, couz! Andyan naman si Ethan para tulungan ka." Dali-daling hinalikan ako ni Kuya Pat sa pisngi at si Baby Arc sa noo naman. Nakipagkamay siya kay Ethan bago lumabas ng pinto at magdisappear sa harap namin. "Close kayo ni Patrick no?" tanong ni Ethan pagkasarang-pagkasara ng pinto. Kinuha niya sa'kin si Baby Arc at nilaro-laro. Mukhang tuwang tuwa naman si Baby Arc dahil hagikgik ito ng hagikgik. "Yeah, para na kaming magkapatid kaya kilalang-kilala na namin ang isa't isa." "Itong si Baby Arc, kaninong anak naman?" "Akala ko kanina anak yan ni Kuya Pat. Pero anak pala siya ng bunsong kapatid ni Papa na si Tita Desiree," sabi ko sabay hikab. Hindi ko na napigil dahil inaantok talaga ako at idagdag mo na rin na pagod ako. "You sleep first, Alex. Ako na munang bahala kay Arc," sabi ni Ethan habang hinahawi gamit yung free hand niya yung mga buhok na tumabing sa mukha ko. Napahikab ulit ako. Antok talaga ako. Sumunod na lang ako sa utos ni Ethan at pinaubaya muna sa kanya si Baby Arc. Siya naman malalagot kapag may nangyari kay Baby Arc. Humiga ako dun sa may recliner sa tabi nung couch since sila Ethan yung nakapwesto sa couch. Pagkapikit na pagkapikit ko, hinila na kaagad ako ng antok. 2 hours later Naalimpungatan ako dahil nakaramdam ako ng gutom. Hindi pa nga pala ako nakakakain ng breakfast. Half awake, pumunta ako sa kusina at ni-raid ang sarili naming ref. Tinignan ko na lahat ng pwedeng paglagyan ng laman ng ref pero wala talaga akong makapa. OMG. Walang laman ang ref! Hindi pa nga pala ako nakakapag-grocery! "Alex, what are you doing?" Nagulat ako nang marinig yung boses ni Ethan kaya naisara ko nang wala sa oras yung pinto

ng ref. Naipit tuloy yung isa kong kamay. Ang sakit!

"Ouch." Nilapitan ako ni Ethan tas kinuha niya yung nasaktan kong kamay. Hinipan niya yun tas

hinalikan. Ano ako, bata? "There, much better?" "Adik ka ba? Ano namang tingin mo sa'kin, bata?"

Page 91: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

91

"Shhh! Wag kang maingay, baka ma-stress si Baby Arc." Doon ko lang napansin na karga karga pala niya si Baby Arc. Ang cute nilang tignan. Para silang mag-ama. Bagay kay Ethan maging daddy. "Oops, sorry." "Ano bang ginagawa mo dito sa kitchen? Akala ko tulog ka?" Saka ko lang naalala yung purpose ko sa pagpunta ng kusina. Tapos dagdag mo pang nagparinig ang pasaway kong tyan.

KRUUUG KRUUUG KRUUUG

kumakalam ang sikmura "Hehehe." Natawa na lang ako dahil hindi ko alam ang sasabihin pagkatapos niyang marinig yung pagkalam ng tyan ko. "Get dressed, we'll go to the supermarket and buy groceries. Kawawa naman ang bahay mo, walang laman." Lumabas na siya pagkasabi niya nun kaya dumiretso na rin ako sa kwarto ko at naligo, nagtoothbrush, nagbihis at nag-ayos ng sarili. After fifteen minutes, on the way na kami sa pinakamalapit na supermarket--SM. Since nagda-drive si Ethan, ako yung may karga kay Baby Arc. Ang cute cute talaga niya. Ano kayang feeling kapag ako na mismo yung may baby? Sino kaya magiging kamukha nung magiging baby ko? Ako o yung tatay niya? Naexcite naman ako sa naisip ko. Pero malabo pang mangyari yun. Matagal pa yun. May sapi yata si Ethan dahil pagkapasok namin ng SM, inakbayan niya ako since karga karga ko nga si Baby Arc. Dala-dala rin ni Ethan yung bag ng mga gamit ni Baby Arc. Ang dami tuloy tumitingin sa'min dahil sa ayos namin. Nakaakbay siya sakin habang dala yung gamit ng baby tas ako, dala-dala si Baby Arc. Para kaming ... one big happy family. Eto namang puso ko, parang ewan. Wala namang dapat ikakaba pero ang bilis ng tibok at ang lakas pa. Nakakabingi yung lakas. Buti na lang si Baby Arc umiyak kaya nadistract ako kahit papaano. Kung hindi siguro nagwala si Baby Arc, mabibingi na ako sa sobrang lakas ng pagtibok ng puso ko. Ano bang problema ko? Parang lately kasi madalas ganito ang reaksiyon ko kapag kasama ko si Ethan tapos kapag hindi ko naman siya kasama, bigla na lang siyang papasok sa isip ko tas para na akong tanga na mapapangiti. Anong problema? "Huy, Alex, you look lost. Are you okay?" "Ha? Yeah, I'm fine. Tara, bilisan na natin para makauwi na agad tayo." "Alright, you're boss," nakangiting sabi niya tas kinuha na naman yung free hand ko at hinawakan. Naggrocery kami nang magka-holding hands. Ewan ko pano niya nagawa yun pero nagawa naming makapamili nang magkahawak kamay. Nung nasa pila na kami, hindi pa rin binibitawan ni Ethan yung kamay ko. Ako naghihintay para turn namin pumila tas si Ethan naman busy sa pakikipaglaro kay Baby Arc. Yung babaeng nasa harapan namin, tingin ng tingin sa'min. Feeling ko any moment, kakausapin ako tungkol sa nakikita niya. "Excuse me, Miss," sabi nung babae sa harapan ko. Hindi rin niya natiis na kausapin ako. May future na rin ako sa panghuhula. Dalawang tao na ang nahuhulaan ko ang gagawin para sa araw na to. "Bakit po?" "Sorry ha, hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko habang tumitingin sa inyong tatlo. Nakakatuwa kasi kayo e. Parang ang saya-saya ng pamilya niyo. Nakakainggit tuloy."May nabasa akong parang lungkot sa mga mata niya. Parang inggit na inggit talaga siya sa nakikita niya. Kung alam lang niya na hindi naman talaga kami isang pamilya. "May pamilya ka na rin? Ang bata mong tignan! Pero bakit ka nainggit?" Oo na, chismosa na kung chismosa pero naku-curious talaga ako sa mga sinasabi niya. Tas yung

Page 92: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

92

mukha niya, parang lungkot na lungkot talaga siya. "Oo, maaga akong nagkaanak. Hindi kasi kami kumpleto. Basta, kumplikado masyado ang buhay ko." "Nako, pasensya ka na, naitanong ko pa yun." Ngumiti lang yung babae pero nandun pa rin yung lungkot. "Ayos lang yun. Alam mo, nakakatuwa kayong dalawa ng asawa mo. Bagay na bagay kayo tas mukhang in love na in love pa kayo sa isa't isa." "Nako, hindi naman kami mag-asawa. Malakas lang talaga ang topak ng lalaking yan kaya ganyan yan." "Oh? Mukha kayong mag-asawa! Ang sweet niyo kasi e. Pero bagay talaga kayo." "Ehem." Napatingin naman ako kay Ethan. Todo ngiti naman siya dahil syempre, pabor sa kanya yung mga naririnig niya. Tataas na naman ang self-confidence ng isang `to. "Nako, Miss, wag mo nang pansinin yang lalaking na yan. Pumapalakpak na naman yung tenga niyan dahil sa sinabi mo." Tawa na lang ng tawa yung babaeng kausap ko. Mukhang tuwang-tuwa talaga siya. Hanggang sa matapos siya sa pagbabayad hindi natapos yung pagkukwentuhan namin. Natigil lang kami dahil kailangan na niyang umalis. "O sige, una na ako ha? It was nice talking to you. Bagay talaga kayong dalawa.

Sana kayo magkatuluyan." Pagkaalis nung babae, siniko ako ni Ethan at inakbayan.

"Pano ba yan, bagay na bagay talaga tayo." "Heh! Maghanap ka ng kausap mo." Eto na naman ang puso ko, ang lakas ng kabog. Mabibingi na talaga ako. Nang maramdaman kong dumikit yung balat niya sa balat ko, parang may kuryenteng dumaloy sa spine ko. Ano yun? Anong ibig sabihin nun?

Revenge 30 Heaven Can Wait Bandang 8PM dumating si Tita Desiree, yung mommy ni Baby Arc, sa bahay para iuwi na siya sa kanila. Sa sobrang pagkabibo ni Baby Arc pareho kaming napagod sa pag-aalaga sa kanya. Super hyper niya pero keri naman ang pag-aalaga sa kanya. Pagkatapos naming mag-dinner, sabi ko kay Ethan na gagawa muna ako ng school requirements ko. Pumayag naman siya at sinabing tutulungan daw niya ako para matapos ako ng maaga. Hinayaan ko na lang siya sa gusto niya dahil mukhang magwawala siya kapag sinabi kong hindi. "Alam mo, Ethan, nakakahilo ka na. Kanina ka pa palakad-lakad diyan. Pumirmi ka nga!" Kanina pa kasi palakad-lakad at paikot-ikot si Ethan sa may harap ng TV. Para siyang may bulate sa tyan dahil wala siyang tigil sa kakalakad kahit sinaway ko na. "Wag mo na nga akong pansinin. Tapusin mo na yang ginagawa mo para maaga ka makapagpahinga." "Paano kaya ako makakapag-concentrate kung ikot ka ng ikot dyan?" "Basta, may iniisip ako." Pinabayaan ko na lang si Ethan dahil sa tingin ko ay hindi talaga siya titigil kahit anong gawin

Page 93: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

93

ko. Sinubukan ko na lang na mag-concentrate gaya ng sinabi niya. Nang hindi ako mapalagay dahil nadidistract ako sa kanya, lumipat ako ng pwesto. Sa study area ako pumuwesto para nakatalikod ako kay Ethan at nang hindi na ako madistract. Effective naman dahil marami na rin akong nagawa pagkatapos kong lumipat ng pwesto. Halos 11PM na nang matapos ko yung isang paper ko sa isang major subject. Thank God dahil nabawasan na rin ang mga gagawin ko. Napagpasyahan kong mag-rest muna kaya bumalik ako sa living room. Naubusan yata ng energy dahil nakatulog na siya dun sa couch. Napagod na rin siguro sa kalakad ng lakad. Ginising ko siya para makalipat siya sa guest room namin. Buti na lang at nagpagawa kami nun kundi hindi ko alam kung saan ko siya papatulugin. Matalino rin ang nagplano ng condo namin. "Hey, Ethan, lipat ka sa guest room para makatulog ka ng maayos," sabi ko sa kanya nang magising siya. "Huh? Nakatulog ako?" Medyo disoriented pa siya at nagkuskos pa ng mata. Para siyang

batang nawawala sa hitsura niya ngayon. Ang cute. "C'mon, lipat ka na dun. Dito ka na lang mag-spend ng night. Late na rin oh." "Tapos mo na ba ginagawa mo? Magbihis ka. Punta tayo ng bar." Nananaginip ba `tong si Ethan o talagang niyayaya niya akong mag-bar? "Seryoso?" "Oo. Dali baka di ko magawa yung dapat kong gawin." Sumunod na lang ako sa kanya at nagbihis. Ano naman kaya ang balak nito? Ito ba yung pinag-iisipan niya kanina? Bumiyahe kami papunta dun sa bar na sinasabi niya. Nag-offer pa nga ako na ako na lang ang magda-drive dahil mukhang inaantok pa siya. Mahirap na at baka maaksidente pa kami. Hindi naman sa pinagdududahan ko ang skill niya sa pagdadrive pero naninigurado lang ako. Alam

mo yun? Inaantok siya at gusto ko pang mabuhay. Huminto kami sa tapat ng bar na ang pangalan ay Thunder. Dun kami mismo sa tapat ng entrance ng bar huminto. "Baba na. Ayaw mo bang pumasok?" Nandun na pala si Ethan sa labas, sa side ko. "Ha? Di ka ba magpa-park?" "Valet parking," sabi niya sabay turo dun sa sign na nakadikit sa guard post. "Sabi ko nga." Bumaba na ako ng kotse niya at inalalayan naman niya ako papasok. Maraming tao dahil mukhang party night ang araw na yun. Syempre, Sabado eh. "Ethan! Ready ka na ba?" sabi nung isang kaibigan ni Ethan nang makalapit sa'min. "Goblet! Kinakabahan nga ako e. Alam mo namang wala akong talent." "Siya na ba yun?" tanung ni Goblet habang tinuturo ako. "Yeah, pare. Alex, si Goblet. Goblet, si Alex." "Hi Alex. Nice meeting you."

Page 94: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

94

"Nice meeting you, too." "Tara, sunod ka sa'kin. Ako munang bahala sayo habang may gagawing kababalaghan yang si Ethan." Tinignan ko si Ethan para humingi ng paliwanag kung anong nangyayari. Pero yung paraan ng pagkakatingin niya sa'kin, parang sinasabi nun na sumunod na lang daw ako kay Goblet. "Safe ka dyan kay Goblet. Takot lang niyan sa'kin." Sumama na lang ako kay Goblet dahil wala naman akong ibang kakilala dito. Ngayon lang ako nakarating dito sa bar na `to dahil Rock n' Dine lang naman ang madalas kong puntahan na bar. "Lagi ba si Ethan dito?" tanong ko kay Goblet. Naiilang ako pero I'll get myself acquainted na lang para kahit papaano makapag-adjust ako. "Sa Tito niya `tong bar na `to." "Matagal na kayong magkakilala?" "Barkada ko yan sa university." May sasabihin pa sana ako kaso narining kong nagsalita yung emcee. Medyo maingay kaya hindi ko masyado maintindihan yung mga sinabi niya. Nagulat na lang ako nang biglang lumabas si Ethan dun sa stage. "Hey, guys! Kamusta? Alam kong first time niyo akong nakita dito sa Thunder para mag-perform. Familiar naman siguro ako dahil palagi naman akong puma-party dito sa Thunder. Pero this night's an exception. Nandito kasi yung babaeng napakahalaga para sa'kin." Nasilaw naman ako dahil biglang tumapat sa'kin yung spot light at nagsitinginan naman yung mga tao. Sanay ako sa atensyon na binibigay ng mga tao pero hindi yung ganito. Hindi sa paraang tinitignan nila ako ngayon dahil may kakaibang meaning yung mga tingin nila. "Lagot sa'kin si Ethan pagkatapos niya dun!"

"Nah, I think mag-eenjoy ka sa mapapanood mo." Siguraduhin lang ni Goblet na mag-eenjoy talaga ako kundi pag-uuntugin ko silang dalawa! "Pakiramdam ko, mabibitin ako patiwarik nito pagkatapos ng mini act ko na ito. Grabe, ngayon lang nagsisink in ang pagkahiya pero para sa kanya, lahat gagawin ko. Pag pasensyahan niyo na lang yung boses ko. Wala talaga akong talent sa ganito pero nag-voice lesson naman ako sa mga kaibigan kong mga bokalista kaya pwede na." Lumingon siya dun sa drummer sa likod niya para siguro i-cue na magsimula na yung kanta. After a few seconds, pumailanlang na ang isang upbeat na kanta. "Alex, this is for you. Sana magustuhan mo." Naghiyawan yung mga tao. Ako, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nahihiya ako na ewan. Siyempre, ikaw kaya ang nasa pwesto ko, hindi ka man lang ba makakaramdam ng kahit

Page 95: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

95

konting hiya? Nagsimula nang kumanta si Ethan. I swear nagsisinungaling siya nang sabihin niyang hindi siya marunong kumanta. Ang galing niya kaya! Parang hindi siya yung Ethan na narinig kong kumanta noon.

Here's a song for the nights i think too much and here's a song when i imagine us together. here's a song for when we talk too much and i forget my words. Heaven

can wait up high in the sky. It's you and I. Heaven can wait deep down in your eyes. I'm yours tonight. Lay your heart next to mine, I feel so alive. Tell me you want me

to stay, forever 'cause heaven can wait. Habang kumakanta siya, titig na titig siya sa'kin. Pakiramdam ko malulusaw na ako sa kinauupuan ko. Dagdag mo pa tong puso ko na nagsisimula na namang tumibok ng pagkabilis-bilis. Matagal na nang huli kong maramdaman yung ganitong pakiramdam. Iyon ay noong mahal na mahal ko pa si Lex. Tumalon pababa sa stage si Ethan. Nagsimula siyang maglakad papalapit sa'kin. Nang nasa tapat ko na siya, inabot niya yung kamay niya sa'kin. "Tanggapin mo na, Alex!" udyok sa'kin ni Goblet. Nakisali na rin yung mga audience.

Here's a song for the one who stole my heart and ran so far, that cupid couldn't catch her. Here's a song for the kid who aims so high, he shot her down.

Tinanggap ko na yung kamay niyang nilahad niya sa'kin. Hinila niya ako papuntang stage. Mas lalo akong nakaramdam ng hiya. Hindi ako sanay sa ganito. Yung puso ko, mas nakakabingi yung lakas ngayon. Kahit anong deny ang gawin ko, alam ko sa sarili kong aware ako sa ganitong klase ng damdamin.

Heaven can wait up high in the sky, it's you and I. Heaven can wait deep down in your eyes. I'm yours tonight. Lay your heart next to mine. I feel so alive. Tell me you

want me to stay forever 'cause heaven can wait. Sige, sabihin na nating nagsisimula ko nang matutunang mahalin si Ethan. Pero pwedeng dahil lang yun sa palagi siyang nasa tabi ko at kung ano-ano ang ginagawa niya para sa'kin. Pero pwede ring simpleng pagmamahal lang ang dahilan. Ewan ko, naguguluhan ako. Hindi pwede `to. Ayoko pa. Hindi pa ako handa. Natatakot ako.

Here's a song for the nights i drink too much and spill my words. Heaven can wait up high in the sky. It's you and I. Heaven can wait deep down in your eyes. I'm yours tonight. Lay your heart next to mine. I feel so alive. Tell me you want me to stay,

forever cause heaven can wait. Pero sa ngayon, kahit anong gawin kong pagdedeny sa sarili ko, alam kong may nararamdaman na ako para kay Ethan. Hindi ko na maipagkakaila yun. Hindi na dahil evident na yun sa reaction ng puso ko kapag malapit siya.

Cause heaven can wait. Cause heaven can wait. Pagkatapos na pagkatapos ng kanta, niyakap ako ni Ethan ng mahigpit at hinalikan sa left

Page 96: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

96

temple. Gusto kong maiyak right then and there. Lalo lang kasing nagtatalo yung kalooban ko. Gusto ko siya pero natatakot ako. Gusto ko siya pero ayokong sumugal. Tama ang kanta, pwedeng pwede namang maghintay. Pwedeng maghintay hanggang sa maging handa ako sa mga ganitong bagay. Kung totoo ang intensyon sa'kin ni Ethan, kaya niyang maghintay para sa'kin. "Salamat po sa inyo. Alis na kami." Bumaba na kami ng stage at dire-diretso nang lumabas ng bar. Yung pagkanta lang pala niya ang purpose ng pagpunta namin sa bar. Pero kahit papaano, natuwa naman ako dahil lahat gagawin talaga niya para sa'kin. Sana kaya rin nyang maghintay para maging ready na ako. "Ikaw, kung ano-ano talaga naiisip mo." "Nakakahiya kaya yung kanina. Di naman ako marunong kumanta eh." "Hindi daw pero ang galing mo kaya. You were awesome." "Anything for you, Alex. Mahal kasi kita." "I--"

BZZZT. BZZZT. In-excuse ko sarili ko para basahin kung sino yung nagtext. Istorbo talaga oh. From: +63917xxxxxxx Hey, it's me. I'm back. Sana talaga kayang maghintay ni Ethan at sana matapos ko na lahat ng mga kailangan kong

gawin. Dito. Ngayon. Magsisimula pa lang ang tunay na dahilan ng kwentong ito.

Revenge 31 Between You and Me From: +63917xxxxxxx Hey, it's me. I'm back. Bakit ganon? Kung kelan malapit na akong sumaya, saka sumusulpot ang mga panggulo sa buhay ko? Bakit ngayon pa? Sana pala hindi na lang ako pumayag mula sa umpisa. Sana hindi na lang ako pumayag sa gusto niyang mangyari. Kahit saan mo titignan, ako ang palaging talo. To: +63917xxxxxxx Kelan pa? Asan ka? From: +63917xxxxxxx Kanina lang. Andito ako sa rest house sa Batangas. I won't be coming home until your graduation. May oras pa para pagplanuhan ang lahat. May isang buwan pa bago magsimula ang totoong kwento. Ria's giving me a month more to have everything planned. Kung tutuusin, advantage rin sa'kin itong one month na ito para mapag-usapan namin ni Lex kung ano ang mga plano namin para tumalab `tong gusto niyang mangyari. Pero siyempre, sa pagkakataong ito, di ko na hahayaan na ako ang maaargabyado. I should be the one controlling the game. After all, I am the one who's playing this game. I should not let Lex have the upper hand.

Page 97: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

97

"Okay ka lang? Bigla kang natahimik?" puna ni Ethan. Mula nang mabasa ko kasi yung text message na iyon ay hindi na ako masyadong nakapagsalita. "Okay lang ako. May iniisip lang." "Gusto mo bang matulog muna habang nagdadrive ako pauwi?" "Hindi, okay lang talaga ako. Do n't mind me." "Okay, sabi mo. Just tell me if you want anything." "Thanks, Ethan." Hanggang sa maihatid ako ni Ethan sa condo, tahimik lang ako. Ewan ko pero nahugot ng isang text message na iyon ang lahat ng lakas ko. Siguro kasi kung ako papipiliin, hindi ko na lang papauwiin si Ria para hindi na masimulan ang gustong mangyari ni Lex--ang gamitin ako ulit para lang pagselosin at makuha ulit si Ria. Oo, si Ria yung nag-text sa'kin kani-kanina lang. Nandito na siya ulit pero hindi pa ulit kami magkikita hanggang sa araw ng graduation ko. Kung bakit, hindi ko alam. Ipagpapasalamat ko na lang ang isang buwang taning na binigay niya para maisaayos ko ang lahat ng mga bagay na dapat kong ayusin. "Ingat ka, Alex. Sana nagustuhan mo yung ginawa ko kanina. Nakakahiya pero it was worth it." Nahihiya pa si Ethan habang sinasabi niya yun. "Ano ka ba? Bakit ka nahihiya e ang galing mo ngang kumanta eh. I loved it, Ethan,"pag-aassure ko naman sa kanya. Totoo naman ang sinasabi ko. Nagustuhan ko at talagang nag-enjoy ako sa napanood ko. Kung hindi lang siguro nag-send si Ria ng message, mahahalata talaga ni Ethan na masaya ako. "E bakit ganyan ang mukha mo? Para kang pinagbagsakan ng langit at lupa dyan. Baka naman sinasabi mo lang yan para pampalubag loob sa'kin." May bahid ng pagtatampo yung boses ni Ethan at may kung anong sakit akong naramdaman habang tinitignan at pinakikinggan ko siya. Tumingkayad ako para maabot ang mga pisngi niya. Hinawakan ko yun at masuyong hinaplos. Umaasa akong sa simpleng gesture na yun, mapapalis yung nakikita kong lungkot sa mga mata niya. "Nag-enjoy talaga ako, Ethan. Promise, totoo ang mga sinasabi ko. Di mo lang alam kung gaano kahalaga ang araw na `to para sa'kin." Natuwa naman ako nang magliwanag yung aura ng mukha niya. Hinawakan niya ng mariin ang mga kamay kong nakahawak sa mga pisngi niya. "That's good to hear. Sige na, pasok ka na. Magpahinga ka na. Alam kong pagod ka dahil sa dami ng ginagawa mo. Basta tawagan mo lang ako kapag kailangan mo ng tulong." Tumango na lang ako bilang sagot. Niyakap naman niya ako ng mahigpit at kinintalan ng marahang halik sa noo. Nagbigay na naman ng kakaibang reaksyon ang puso ko. Hindi na talaga maitatanggi na gusto ko na siya. "Uwi ka na. Mahirap nang magdrive ngayon. Ingat ka, ha? Text mo ako kapag nakauwi ka na." "Aba, parang girlfriend na kita kung umasta ka ah! Gusto ko yan! Sige, uwi na ako.

Sweet dreams, Alex."

"Sweet dreams, Ethan. Ingat ka ha." Hinintay kong makaalis si Ethan bago ako pumasok sa loob ng condo namin. Agad ko namang tinawagan si Lex pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng condo. Sigurado akong gising pa yun dahil hindi pa closing time ng Rn'D.

Page 98: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

98

Pagkatapos ng ilang ring, sinagot na rin ni Lex yung tawag ko. "Hello?" "Lex, si Alex `to." "Hey, what's up?" "Nag-text sa'kin si Ria kanina. Nakabalik na pala siya pero one month pa bago siya bumalik ng Manila," straight forward kong sagot, hindi pinapansin yung tanong niyang kamusta na ako. As much as possible, gusto kong tungkol lang sa business namin sa isa't isa ang pag-uusapan namin. Ayoko nang madamay ang personal na buhay ko o niya sa mga magiging usapan namin. "Talaga?" may bahid ng pagkadisinteresado yung boses niya. Bakit ganun? Akala ko gusto niyang mabawi si Ria pero mukhang di siya interesado na

nakabalik na si Ria? "Yeah, nasa rest house namin siya sa Batangas." "I see. So, anong plano mo?" "Interesado ka pa o hindi na ituloy itong plano mo? Kasi sa tono mo ngayon parang wala lang sayo ang lahat. Gusto mo pa bang ituloy `to? Sabihin mo lang dahil may

mga bagay na mas importante pa dito."

"I'm sorry, Alex. Of course, interesado pa ako. Pagod lang ako." "Fine, let's talk some other time. Yung hindi ka na pagod." Bahagya akong nainis sa inaasal ni Lex. "Wednesday, 7PM, Vallejo's." "Okay, bye." Parang gusto kong umatras sa usapan naming `to ni Lex. Pero hindi naman ako tumatalikod sa mga bagay na nasabihan ko na ng 'oo.' Paninindigan ko na lang kahit hindi ko malaman kung interesado ba o hindi talaga ang kausap ko. Wednesday, 7:48PM V a l l e j o ' s Malapit na talaga akong mainis ng sobra dito kay Lex. Halos mag-iisang oras na akong naghihintay sa kanya. Ang usapan namin alas-siyete pero mag-aalas otso na wala pa siya. Interesado pa ba talaga siya? Five minutes, Alex. Five minutes more. Kapag hindi pa siya dumating sa five minutes na palugit na iyon, aalis na talaga ako. Nang one minute na lang ang natitira, nagsimula na akong mag-countdown para naman mawala kahit konti ang pagkainip ko. 3... Inubos ko ang complimentary drink na binigay sa'kin ng waiter para naman masulit ko kahit konti ang service nila. 2... Tumayo na ako sa kinauupuan ko at naglakad ng kaunti palayo sa table ko. 1... "I'm sorry, I'm late, " hingal na sabi ni Lex habang hawak-hawak ang kaliwang braso ko para pigilan ako sa paglalakad. "Buti naman naisipan mong pumunta."

Page 99: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

99

Sabay kaming naglakad pabalik ng table na inookupa ko kanina. "Importante sa'kin to, Alex. Buhay at kaligayahan ko ang nakasalalay dito." "I see. So anong gusto mong mangyari?" sabi ko para hindi na kami magpaliguy-ligoy pa. Gusto ko na rin matapos ang usapang ito. "I want her back, Alex. Or if not, I want her to realize kung anong nawala sa kanya." "How are we going to do that?" "We'll pretend, right?" "I need concrete plans, Lex. Gusto ko pulido lahat ng gagawin. Kung gusto mong

mag-work to, tulungan mo ako. Hindi yung parang hindi ka interesado!" "I'm sorry if you think that I'm not interested." "Then show some interest. Anong gusto mong mangyari?" Nako, kung wala lang kami sa public place baka nasigawan ko na itong si Lex. Nakakainis na kasi e. Hindi naman siya ganito noon. Palagi siyang sigurado sa lahat ng mga gusto niyang gawin. Palagi siyang naka-ready sa lahat ng pwedeng mangyari. Masyado yata siyang naapektuhan ng break-up nila ni Ria. It's been months! Wag ka ngang magmalinis dyan, Alex. Ikaw ba, gaano ka katagal bago nakapag-move on? Four years! After a while, nagsimula na ring magkwento si Lex sa mga bagay na gusto niyang mangyari. He's back to his usual self. Siguro nga masyado lang siyang affected sa paghihiwalay nila ni Ria kaya para siyang lutang habang nag-uusap kami. Hindi pa siguro siya nakakapag-adjust. "I hope mag-work out iyang plano natin, Alex. I know naiilang ka pa sa'kin dahil sa mga nangyari noon," nakayukong sabi ni Lex. "I don't mix my personal life with my work, Lex. I value professionalism." Nung una siguro naiilang pa ako sa kanya pero not anymore. Not now that I have sorted my feelings already. Lex is slowly drifting away from my system. Konti na lang at pati ang galit ko sa kanya ay mawawala na. "That's good." "Bago ko makalimutan, gusto kong i-discuss sayo ang terms of payment ng trabaho kong ito." "Oh, right. Ikaw na ang bahala kung magkano ang gusto mong singilin." "15,000 ang initial payment. Since indefinite ang haba ng gagawin natin, 5,000 per date ang bayad. Is that okay?"

"15,000?" "Oo, may problema?" "Wala naman. I just remembered something." "Good, so are you fine with that? 15,000 for initial payment then 5,000 for every date?" "Sure, you're the boss." "Then sign this." Inabot ko kay Lex ang isang envelope na naglalaman ng kontrata. Siyempre, hindi mawawala ito sa mga missions ko. Hindi na binasa ni Lex kung anong laman nung kontrata na yun. Basta na lang niyang pinirmahan na lang niya iyon basta at binalik sa'kin. "Thanks, I guess we'll be stuck with each other quite a long time." "Wag ka sanang magsawa." "I don't think so. See you, Lex." Tumayo na ako at lumabas ng restaurant. Hindi ko na siya hinintay pa. What for? Tapos na ang kailangan ko sa kanya para sa araw na ito.

Page 100: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

100

Business 'partners' na lang kami ngayon.

Revenge 32 Step One Lex and I decideed to follow a five step plan to ensure the efficiency and success of our mission. Syempre, both of us wants to succeed kaya ngayon pa lang sinisimulan na namin ang step one. Step One: Release the tension. And his idea for releasing the tension is to have a bonding moment where both of us will enjoy. Sabi niya, siya na daw ang bahala. He knows the perfect getaway for this plan. Ewan ko lang kung totoong mag-eenjoy ako sa gagawin niya. "We're here," sabi niya pagka-park niya ng kotse niya sa isang parking space malapit sa Araneta Coliseum.

"Anong gagawin natin dito?" "Just wait, okay. I'm sure magugustuhan mo ito." Sumunod na lang ako sa kanya nang bumaba na siya ng kotse niya at naglakad papalapit sa entrance ng Araneta Coliseum. He showed two VIP tickets dun sa guard. Hindi ko lang alam kung anong para sa anong event ang ticket na yun. Nalaman ko na lang na para sa isang basketball game iyon nang makita kong may mga players na nagwa-warm up sa court. We sat near the players' spot since he was holding a VIP ticket. "I miss playing ball. Matagal-tagal na rin since I last played college basketball." He was a basketball varsity when he was in college. Ang totoo niyan, sa isa niyang game kami unang nagkakilala. Na scripted naman pala dahil parte iyon ng bet nilang magkakaibigan. "Bakit hindi mo niyayaya si Ria kung ganon mo kagusto na maglaro?" "She hates sports. You know that, Alex. The only sport she likes is swimming." That's true. Ria never liked any other sport than swimming. Ayaw na ayaw niya sa mga bola--sa mga lumilipad na bola to be specific. Madalas ko silang marinig na magtalo kapag niyayaya ni Lex si Ria na manood ng basketball game. In the end, si Lex rin ang nagpaparaya at pinagbibigyan si Ria. That's how much he loves my sister. "I know." "She never understood the mechanics of the game. She easily gets bored watching basketball kaya hindi ko na siya niyayaya na manood. Baka magalit lang siya sa'kin and I don't want that to happen." "You really love her that much, huh."

"I do. So much, Alex, that it hurts." I just smiled bitterly. Puro na lang si Ria. Alam ko matagal na kaming wala at kalokohan lang ang naging relasyon namin pero masakit pakinggan yung mga sinasabi niya tungkol kay Ria. Mararamdaman mo talagang mahal na mahal niya si Ria. Di ko maiwasang isipin at itanong sa sarili ko kung kahit minsan kaya minahal din ako ni Lex? Enough, Alex. Past is past, okay? Di na ako nagsalita pa hanggang sa makapagsimula yung game. Wala rin naman akong mapapala dahil puro si Ria din naman mapag-uusapan namin. I better shut up or else I'll be regretting it.

Page 101: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

101

"Funny, right? Yung first date natin noon was the same. We watched a basketball game, too." "That's our icebreaker right? Doon natin pareho nalaman na we both like basketball." "Yeah, we ended up arguing about our favorite teams, though."

Remembering that time, I can't help but laugh. Para kasi kaming ewan noong panahon na iyon. Iisang team lang pala ang pinag-uusapan namin. "It's nice to hear you laugh, Alex. Mula kasi noong alam mo na, puro sigaw at angil mo ang naririnig ko. I must really be a jerk for doing that."

"Buti alam mo." "I'm sorry for being such a jerk, Alex. I should have considered your feelings

too." Ayoko ng ganitong usapan. Alam kong dadating ang panahon na kailangan naming pag-usapan to pero huwag ngayon. Di pa ako handa. Hindi pa ako handa sa maraming bagay. "Let's not talk about this right now, Lex. Sayang ang game! Ayan oh, lamang na ang

Bellerose Univ ng five points! Go Auttenberg!" Hindi na nagsalita pa si Lex tungkol sa past namin. Yung game na lang yung pinag-uusapan namin. To be honest, I am actually enjoying this. Hindi ko inakala na mag-eenjoy ako dahil nga may hindi kami magandang nakaraan. Pero parang ngayon na kausap ko siya, nakalimutan ko na iyon at naka-focus ako sa present. Siguro nga, I am really moving on. Aba, dapat lang no. Apat na taon na ang nakakaraan. Nag-enjoy ako ng sobra sa game na yon. Nanalo yung team na gusto ko kaya masaya ako. Effective nga itong naisip ni Lex for releasing the tension. Somehow, I'm starting to warm up to him. Pagkatapos ng game, dumiretso kami sa isang restaurant at nag-dinner. Nung nasa restaurant kami, dun ko lang naramdaman yung gutom. Di ko na napansin na gutom ako dahil talagang nag-enjoy ako sa pinanood ko. After eating, akala ko ihahatid na ako pauwi ni Lex pero nagulat ako nang huminto siya sa isang lugar na palagi naming pinupuntahan noon. At aaminin ko, namiss kong puntahan itong lugar na `to. "Based on your reaction, I'm guessing na namiss mo `to?" "Grabe, I really do! Ngayon na lang ako nakapunta dito." "Then what are you waiting for? Tara na and let the screaming start!" Excited na bumaba ako ng kotse at tuloy-tuloy dun sa may gate. Si Lex na yung nagbayad ng entrance fee. Nung sinabi na nung nagbabantay na pwede nang pumasok, dire-diretso na ako sa isang stall at kumuha ng mga plato.

"Ano, game na?" "Alright, game on!" Pagkasabi niya nun, puro sigaw at tunog ng mga platong hinahagis sa pader ang maririnig. Grabe, sobrang namiss kong gawin to. Noon, nung kami pa, dinala niya ako dito nang minsan ma-depress ako ng sobra. Pagkatapos naming gawin to, lumuwag kahit papaano ang mga dala-dala ko sa dibdib. Nailabas ko kasi lahat ng hinanakit ko sa pamamagitan ng pagsigaw at

Page 102: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

102

pagbabasag ng mga plato. "I HATE YOU, ALEXANDER LAWRENCE PIERPONT FOR BREAKING MY HEART FOUR

YEARS AGO!" sigaw ko sabay hagis ng isang plato sa pader. Buti na lang naimbento itong Freedom Wall. Nailalabas ko lahat ng sama ng loob ko without others complaining kung anong nilalaman ng saloobin ko. Dito, free akong isigaw lahat ng iyon at wala akong pakialam kung may makarinig man o wala. Dito, pwede akong magbasag ng mga plato kahit ilan pa ang gusto ko without thinking na maubos lahat ng plato dito. "I'M SORRY, ALEXIS DANIELLE FERNANDEZ!"

"FVCK YOU, LEX!" "PLEASE FORGIVE ME, ALEX!" "GA-GO KA! PINAGLARUAN MO LANG AKO!" "SORRY NA TALAGA! MATAGAL DIN AKONG BINAGABAG NG KONSENSYA KO DAHIL DUN!" "ROT IN HELL, LEX! WALANGYA KA! GINAMIT MO LANG AKO!" "ANG TANGA TANGA KO DAHIL GINA-GO KO SI ALEX!" "ANG BOBO KO DAHIL NAGPAGAMIT NAMAN AKO KAY LEX!" "SANA MAPATAWAD NA AKO NI ALEX SA LAHAT NG NAGAWA KO!" "PU-T@NG-IN@ MO, LEX! SANA NAG-ISIP KA MUNA BAGO MO AKO GINA-GO! WALA KANG KASING SAMA! MAMATAY KA NA SANA! DEMONYO KA!" Nagtuloy-tuloy pa ang sigawan session namin ni Lex. Though pasigaw namin sinasabi ang mga bagay na nasa sa loob namin, at least naipaabot na namin sa isa't isa ang mga bagay na gusto naming iparating. Tama nga itong activity para sa Step One namin. Talagang mailalabas nito lahat ng tensyon na nararamdaman namin sa isa't isa. Sa ginawa naming iyon, kahit papaano, gumaan yung pakiramdam ko. Kasi sa apat na taon na nakalipas, wala ako pinagsabihan ng mga sama ng loob ko. Ngayon na nailabas ko na siya lahat, nabawasan yung burden na dinadala ko sa loob ko. Sana pala matagal ko na siyang kinausap ng ganito. "Grabe, nakakapagod yun ah?" sabi ko pagtapos naming maubos yung mga plato na binigay samin. Lagpas 20 plates yata ang naibato ko. At lahat ng sinabi ko dun, puro tungkol lang kay Lex. "Sobra but it kinda released all the burden in you. Grabe, ilang mura ang natanggap ko ah," natatawang sabi niya. "Yeah, gumaan yung pakiramdam ko. Thanks for this, Lex. Unknowingly, na-resolve ng konti yung issue natin about before. Nasabi ko na lahat ng galit at hatred ko sayo." "That's good to hear." Nang dahil lang sa basketball at Freedom Wall, nabawasan ang hinanakit ko kay Lex. Yung apat na taon na kinimkim kong galit in a span of four to five hours nabawasan at nagiging ayos na ang pakikitungo ko sa kanya.

"Thank you, Lex," sabi ko sabay yakap sa kanya. Nabigla si Lex pero naramdaman ko rin na gumanti siya ng yakap. Kahit naman ako nabigla sa ginawa ko pero I think this is right. After four years, I'm finally moving on. It took me so long pero I guess this is it. Step One: Release the tension - Accomplished.

Revenge 33 Mr. Brightside

Page 103: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

103

LEX

Step one with Alex was successful. Akala ko mahihirapan akong mapaamo siya pagkatapos ng lahat ng nagawa ko sa kanya. Buti na lang naging tama ang desisyon ko na dalhin siya dun sa Isdaan*. At dahil dun, nalaman kong galit talalga sa'kin si Alex. Masaya ako na nasabi niya na lahat ng mga sama ng loob niya sakin. Right now, I'm on my way to Alex's condo. Di ko sinabi sa kanya na ngayon ko balak gawin ang Step Two sa plan namin. Well, let's say na surprise. Sa totoo lang, naisipan ko lang rin na simulan na ang Step Two since wala naman akong ginagawa. I decided to call her to inform her that I'm coming. Ayoko namang biglain na lang siya ng pagdating ko dun. Originally, ang plano ko is to surprise her kaso sabihin na nating nagbago ang isip ko. Naisip kong kahit medyo ayos na kami, may certain things pa rin na kailangang i-consider. "Alex! Hi! Are you at home?" sabi ko pagkasagot na pagkasagot ni Alex ng phone niya. "Hey, nasa school pa ako pero I'm on my way home." "Just stay there. Susunduin na kita." "Ha? No need. Kaya ko na umuwi mag-isa. Thanks for the ride na lang." "C'mon, susunduin na kita. After all, pupunta rin naman ako dyan sa inyo." I continued persuading Alex to allow me to fetch her. Kahit todo tanggi siya nung una, napapayag ko rin siya. Magaling yata ako sa sales talk. Naging businessman pa ako kung hindi

di ba? "Alright, dito na lang ako sa Cielo's maghihintay. Alam mo naman kung saan yun di ba?" "Of course. I'll see you in a bit." Instead of going straight to her condo, nag-drive na ako papuntang Cielo's. Di pa rin siya nagbabago. She still likes to hang out sa Cielo's dahil mahilig siya sa cakes and pastries. When we were still together, I used to scold her for eating too many sweets. Pero hanggang ngayon walang effect sa kanya yun. I guess old habits die hard. --- "Andy, saan mo ba ako dadalhin? Alam mo gutom na gutom na ako." Nilingon ko si Alex na nakaupo sa passenger's seat ng kotse ko. Ang sabi ko sa kanya, kakain kami sa labas pero hanggang ngayon hindi pa ako makapagdecide kung saan kami kakain kaya drive lang ako ng drive hanggang sa makakita ako ng isang restaurant na pasado sa panlasa ko. Base sa hitsura niya ngayon, talagang gutom na gutom na nga siya. Lukot na lukot kasi yung mukha niya tapos naka-pout pa siya. Nevertheless, cute pa rin siyang tignan. "Wait lang, babe. Wag kang mag-alala. Papakainin kita. Di naman kita hahayaang magutom." "Sinabi mo yan ha? Pag ako nagka-ulcer ikaw ang may kasalanan." "Akong ba--" Di ko naituloy yung sasabihin ko kasi na-shock ako sa narinig ko. Akala ko may nangyaring di maganda sa kotse ko yun pala...

Page 104: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

104

KRUUUG KRUUUG KRUUUUG

sfx ng kumakalam ang sikmura "Ayan, nagrereklamo na tiyan ko! Pakainin mo na daw kami sabi ng mga alaga

ko!" Akala ko kung ano na. Yun pala yung tiyan ni Alex, nagra-riot na! Just in time, nakita ko na yung sinasabing pastry shop ng isang kabarkada ko. Sabi ng mga kaibigan ko, they serve the best cakes in town. Alex is a sucker for sweets kaya might as well bring her here. I'm sure magugustuhan niya dito. "Eto na po, eto na po." Nag-park na ako sa tapat ng Cielo's. I swear, Alex's face lit up pagkabasa niya ng salitang 'cakes and pastries.' Di na ako magtataka kung magka-diabetes to. "Let's go?" She nodded then we went inside the shop together. Para siyang bata na first time binigyan ng lollipop. I guess sweets talaga ang weakness niya. Kung baga kay Superman, iyon ang Kryptonite niya. Umorder na kami ng kakainin namin. Medyo nahirapan mag-decide si Alex pero she settled with one slice of Sans Rival and Dulce de Leche. I ordered for a Mango Tart since I'm not fond of cakes. Nag-take out pa siya ng one whole cake para daw may makain siya sa bahay. Gusto yata nitong mapadali ang buhay niya sa diabetes. "Babe, you should control your sugar intake. Baka magka-diabetes ka niyan." "Okay lang yun, wala naman sa lahi namin ang may diabetes," cool na cool na sabi niya. "Ano ka ba, kahit naman wala sa lahi niyo yun, pwede ka pa rin magkaroon nun. Just watch your intake, okay?"

"Oo na po, babe. Babawasan na po." --- Wow, that was a trip down memory lane. Ngayon na lang ulit since I last reminisced about my past with Alex. Oh well, it's not bad, I guess. After a few minutes of driving, nakarating na rin ako sa Cielo's. Nakita ko agad si Alex dahil doon siya sa labas nakapwesto. She was sipping on her drink when I saw her. Mukhang sinunod naman niya ang payo ko sa kanya noon na bawas-bawasan ang sweets dahil wala siyang cake sa table niya. Nilapitan ko kaagad siya at nag-hi. Medyo alangan pa ang pagkakasabi ko dahil hindi ko masyado alam kung paano ako aakto sa harapan niya ngayon. For four years, nasanay akong 'strangers' ang tingin namin sa isa't isa. Pero ngayong medyo okay na kami, di malaman kung aakto akong magkaibigan kami or what. "Hi! Kain ka muna," sabi ni Alex nang makaupo ako sa upuan sa tapat niya. Looking at her now, parang walang pinagbago sa kanya. Well, aside from the fact na mas lalo siyang gumanda ngayon. Ibang-iba ang hitsura niya kay Ria. Si Ria kasi siya yung tipong elegante tignan palagi. Si Alex naman, kahit simple lang, maganda pa rin. Though hindi siya katulad ni Ria na palaging nakaayos, makikita mo yung sa kasimplehan niya yung ganda niya. Kung baga, maganda na siya sa simplest form niya, what more kung mag-aayos pa siya.

Page 105: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

105

Sa nakikita ko, siya pa rin yung Alex na nakilala ko at nakasama ko noon. Ganun pa rin siya manamit. Isang simpleng plaid blouse, skinny jeans, at Chuck Taylor sneakers ang get-up niya. Hindi pa rin siya mahilig sa designer bags dahil isang messenger bag lang ang gamit nya. At hanggang ngayon, suot suot pa rin nya ang paborito niyang geek glasses. Woah, Lex. Comparing the past and the present Alex, huh? Get a life, man! Pasensya na. Hindi ko lang mapigilan ang sarili ko. Kahit naman gina-go ko si Alex noon, natutunan ko rin namang mahalin siya. Oo, totoo yun. "Tara na. Di pa ako gutom. I'm sure may laman naman ang ref niyo right?" "Alright, tara na." Natutunan kong mahalin si Alex, totoo yun. Naalala niyo ba yung surprise ko sa kanya nung first year anniversary sana namin? Dapat ipapakilala ko sana siya kay Ria as my girlfriend pero kabaligtaran yung nangyari. Kung sana naunahan ko si Ria, sana akin pa rin si Alex ngayon. Haay. Pero it didn't happen. I fell in love with Ria all over again. I guess first love never dies. Tignan mo nga ngayon, I'm like a dog begging for my master's attention. Pathetic, right?

ALEX

Nagulat ako nang tawagan ako kanina ni Lex para sabihing susunduin niya ako at pupunta siya sa bahay. Masyado talaga niyang dinidibdib tong mission na to. Kasi kung tutuusin, three days pa lang ang nakakaraan mula nang gawin namin yung Step One pero heto siya, mukhang excited na i-execute ang Step Two. "I hope you don't mind na ngayon natin gawin ang Step Two, Alex." "Wala na naman akong magagawa eh. Andito ka na oh. Makakatanggi pa ba

ako?" "We can do this some other time if you want." May bahid ng lungkot yung mukha niya. Nakakakonsensiya tuloy na umatras.

Kelan ka pa nakonsensya, Alex? "Ito naman, nagbibiro lang ako. Okay lang sa'kin. Alam ko namang you're so into

this." Nginitian lang niya ako pero makikita mo sa mga mata niya na nagbago yung expression niya. Natuwa talaga siya nang pumayag ako sa gusto niya. "So, ano? Shall we start?" "Okay." Step Two: Talk about the subject. So ayan ang step two namin. Basically, brainstorming lang ito. Pag-uusapan lang namin kung ano ang mga gusto at ayaw ni Ria at kung saan siya posibleng magselos. Madali lang siguro

Page 106: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

106

naming matatapos tong step na to. May time pa para gawin yung nakatambak kong requirements. "Just sit there, okay. May gagawin lang ako." Nagpunta sa kusina si Lex. Narinig ko na lang ang mga kalansing ng mga kitchen utensils, ang pagtunog ng microwave oven, at ang tunog ng nilulutong popcorn. Mukhang may binabalak tong isang to ah? Habang naghihintay kay Lex na matapos sa ginagawa niya, kinalikot ko muna yung cellphone ko para may mapaglibangan naman. Ayokong manood ng TV kasi wala lang. Ayoko lang. Napansin kong marami pala akong unread messages. Yung iba galing sa mga kaklase ko, yung iba galing kay Clarise, kay Ria at yung isa galing kay Ethan. Yung kay Ethan yung una akong binasa. From: Ethan Balmaceda Mi amor, cómo estás? Te echo de menos ya. Hala, ano naman ang pinagsasasabi ni Ethan? Yung unang part lang yung naintindihan ko e. Napa-reply tuloy ako nang wala sa oras. To: Ethan Balmaceda Hey, what's that all about? From: Ethan Balmaceda

Wala Punta ako dyan mamaya ha? See you! Hindi rin naman siya excited na magreply no? Ilang minutes lang after kong magtext sa kanya may reply na kaagad siya. Loko talaga si Ethan. Siguro naman kapag dumating si Ethan dito, tapos na kaming mag-usap ni Lex nun. I just hope na wag silang mag-abot. Ayoko lang na magkita sila. Hindi pa kasi alam ni Ethan na simula na ng mission namin ni Lex. Teka, bakit ba kailangan ko pang ipaalam kay Ethan yun? E hindi pa naman kami di ba? E paano ba magiging kami kung hindi pa naman siya nanliligaw di ba? Oh, well. Saka ko na poproblemahin yan. Eto munang kay Lex. To: Ethan Balmaceda Sige, I'll be up til 12AM. Maraming gagawin eh. Anong oras ka punta? Hindi ko na nabasa yung reply ni Ethan kasi bumalik na si Lex galing sa pagluluto ng popcorn. Sabi ko na eh. May balak gawin tong si Lex. Pagkabalik kasi niya, nilapag niya sa tabi ko yung popcorn tapos nagsalang ng DVD sa player. "Boring kung mag-uusap lang tayo kaya I decided na manood na rin tayo ng movie." "Ayos ka rin ha?" "Kahit naman noon, hindi tayo nag-uusap nang usapan lang di ba?"

"Yeah, mukhang movies ka kasi eh." "I know, I know."

Page 107: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

107

Teka, nalilihis na usapan namin. Dapat si Ria ang pinag-uusapan dito. Hindi dapat yung past namin. "So about Ria, anong gusto mong malaman pa tungkol sa kanya?" pag-iiba ko ng topic. Baka kasi imbes na si Ria ang pag-usapan namin, yung tungkol sa nakaraan namin yung maungkat namin. Nagsimulang magsalita si Lex tungkol sa mga gusto niyang malaman tungkol kay Ria. Buong pusong sinagot ko naman yung mga tanong niya. Inaalala ko lahat ng mga nalalaman ko sa kanya. Hindi naman ako nahirapan dahil close naman kami ni Ria. Marami rin akong nalaman tungkol sa kapatid ko. Hindi ko inaasahan yung iba sa kanila kasi hindi naman siya ganun pagdating sa'kin o sa'min nila Mama at Papa. "Alam mo bang ayaw na ayaw ni Ria na nakikita akong nakikipag-usap sa ibang babae? Masyado kasing selosa yun. Possessive din kung minsan pero hindi naman yung obsessed type." "Ganun talaga si Ria. Kahit noong mga bata pa lang kami, possessive talaga yun sa mga gamit niya. What more sa boyfriend niya di ba?" "Tama ka. Sobrang supportive at sweet rin nun. Kung ano-anong surprises ang ginagawa nun kapag monthsaries at anniversaries namin. Talagang all-out siya sa mga ginagawa niya." "Wow, hindi ko inakala na ganun si Ria. Reserved kasi siya pag nandito sa bahay e. Ni hindi ko nga naririnig yun na mag-I love you kina Mama at Papa." "Nga pala, bakit di mo tinatawag na 'Ate' si Ria?" "Feeling ko kasi magka-age lang kami e. Saka ayaw rin niya. Ewan ko kung bakit." Tuloy-tuloy pa yung kwentuhan namin about Ria. Talagang marami akong nalaman sa kapatid kong yun. Pati nga yung ibang private matters ni Ria naikwento na sa’kin ni Lex. Biruin mo, nalaman kong si Lex pala ang nakakuha ng pagkababae ni Ria at the age of seventeen. Ang

bata pa pala nila noon. Buti na lang ako, intact pa. Sa sobrang pag-eenjoy ko yata hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Zzz... Zzz...

ETHAN

From: Alex Fernandez Sige, I'll be up til 12AM. Maraming gagawin eh. Anong oras ka punta? Agad naman akong nagreply kay Alex na around 9PM ako makakarating sa kanila. Nahintay ako ng reply pero wala akong na-receive na reply. Busy na siguro siya sa mga ginagawa niya. Sige, hindi ko na lang siya guguluhin para matapos na niya lahat ng ginagawa niya dahil baka mas mawindang lang siya kapag narinig na niya yung mga sasabihin ko. Nung bandang 7:30 na, nag-shower na ako at nagbihis para naman pagdating ko kina Alex, fresh na fresh akong tignan para huwag naman agad akong ma-turn down. Baka kasi hindi pa

Page 108: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

108

ako nagsasalita ng speech ko, ma-turn off na agad siya kung magmukhang madungis ako. Kulang na nga lang, ipaligo ko yung pabango ko e. Nagdrive na ako papunta kina Alex. Medyo maaga pa pero may dadaan pa naman ako. Nag-stop over ako sa isang flower shop para bumili ng isang bouquet ng roses. "Hi, Sir! Welcome po! Ano pong maitutulong namin sa inyo?" "Hi! Gusto ko sanang bumili ng isang bouquet ng red roses. Yung fresh roses sana para hindi mukhang lanta na." "Don't worry, Sir. Fresh na fresh ang lahat ng roses namin dito." Ginuiede ako nung sales lady dun sa isang bucket ng red roses. Tinulungan niya akong mamili ng magagandang roses kaya medyo napabilis ang pagpili ko. "Sir, baka gusto niyong bumili din ng chocolates?" "Meron ba kayo dito?" "Yes, Sir." "O sige, bigyan mo ako ng isa." "Sir gusto mo yung may kasama nang bear? Bibigyan ko po kayo ng discount sa lahat ng purchase niyo kapag yung may bear yung binili niyo." Pinakita sa'kin nung sales lady yung chocolate na may kasamang bear. Nagustuhan ko naman kaya binili ko na rin.

"Thank you for coming, Sir! Balik kayo ulit!" Nagtuloy na ako papunta kina Alex. Sa kinamalas-malasan, inabot pa ako ng traffic. Kainis. 8:30 na at ayoko namang mahuli sa usapan namin ni Alex. Ang sabi ko sa kanya 9PM ako dadating pero mukhang mali-late pa ako. Buti na lang at nakakotse ako. Kung nag-commute siguro ako, mukhang haggard na ako. Dahil grabe ang traffic, bandang alas diyes na ako nakarating kina Alex. Patakbo akong pumunta kina Alex. Nakakahiya kay Alex dahil na-late pa ako sa usapan namin. Katok ako ng katok sa pintuan ng condo ni Alex pero walang sumasagot kaya ang ginawa ko, tinry ko na pihitin yung doorknob. Swerte kasi bukas pala yung pinto at hindi nakalock. Pumasok ako sa loob at hinanap kung nasaan siya. Nakita ko naman agad siya sa couch pero

sana hindi ko na lang siya nakita. Nakahiga siya sa lap nung ex-boyfriend niyang nanloko sa kanya. Tulog na tulog siya at mukhang sarap na sarap pa siya sa pagtulog. Ang sakit pala ng feeling na makita mo yung babaeng mahal mo na kasama yung ex niya. Tapos mukhang masaya pa sila. Aalis na sana ko kaso nagising yung ex ni Alex. "Kaibigan mo si Alex di ba?" "Yeah, ikaw yung ex niya di ba?" "Ah, alam mo pala. Oo, ako nga yun. May kailangan ka kay Alex?"

Page 109: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

109

"W-wala. Dumaan lang ako. Pwede bang pakibigay na lang sa kanya to at sabihin mo sa kanya na dumaan ako?" "Sige, makakarating." "Una na ako. Salamat." Mabigat ang mga paa kong lumabas ng condo ng alis. Gusto kong manuntok ng tao sa sakit na nararamdaman ko. Langya. Oo, nagseselos ako! At hindi ako natutuwa. Bakit naman sa lahat pa ng makikita ko silang dalawa pang magkasama?! T-ngina naman oh! Pagdating ko sa parking lot, nagmadali akong lumapit sa kotse ko at sinipa yung gulong. Tae,

oo, ganito ako kagalit. Nabubuwisit ako! Naisip kong wala naman akong mapapala sa pagsipa sa gulong ng sasakyan ko kaya sumakay na lang ako ng kotse at nagdrive palayo. I want to drive as far as I can. Masyadong masakit yung nakita ko. Alam ko simpleng bagay lang pero first time kong magselos. Ganito pala yung feeling na yun. Nag-decide ako na huminto sa may Manila Bay. Kahit naman polluted na yun, may calming effect pa rin naman yung tubig at yung hampas ng alon. Kahit papaano nahimasmasan ako. Sinubukan kong buksan yung radyo para magkaroon naman ako ng konting distraction para makalimot naman ako kahit papaano. Pero mukhang nananadya yata ang tadhana. Pati sa kanta, pinatatamaan ako.

And I just can't look - it's killing me. And taking control. Jealousy, turning saints into the sea. Turning through sick lullabies. Choking on your alibis. But it's just the price I pay. Destiny is

calling me. Open up my eager eyes. 'Cause I'm Mr Brightside. Sa sobrang inis ko, hinampas ko yung manibela. Langya naman kasi e. Sa lahat ng makikita ko, iyun pa. Argh! Nag-iinit talaga ang ulo. Wrong timing! Kung kelan naman balak ko nang sabihin kay Alex na gusto ko siyang ligawan saka pa sumabay yung eksena na yun. Maganda na sana yung gabi ko. Ayos lang na na-late ako sa usapan namin pero yung makita yung scene na yun? Langya. Walang kasing sama. Nag-drive ako ulit. This time papunta na sa pinakamalapit na bar. Idadaan ko na lang sa pag-inom yung sama ng loob ko. Baka sakaling mawala pa lahat ng sakit na nararamdaman ko. Pagdatin ko sa bar, diretso ako sa bar counter. Nagpakalango ako sa alak. At least ang alak, di ako sasaktan emotionally. Yung utak ko masyadong traydor. Kahit anong pagtataboy ang gawin ko, replay pa rin ng replay yung nakita ko. Okay lang naman sigurong makita yung eksena na yun. Yun e kung alam ko na kung sino ba ako kay Alex. Grabe, habang tumatagal lalo lang tumatatak sa isip ko e. Nakita ko lang siyang natutulog kasama yung ex niya, ganito na ako mag-react. Pero paano na kaya kapag nakita ko na yung lalaking yun ang pinili niya? PO-TA. Nagseselos talaga ako sa ex-boyfriend ni Alex. At least yung lalaking yun, alam kung anong estado niya sa buhay ni Alex. Pero ako, ano ba ako kay Alex? Sino ba ako sa buhay ni Alex?

Page 110: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

110

Revenge 34

She's That Girl

E T H A N

Hindi ko alam kung nakakailang bote na ako. Basta ang alam ko, kanina pa ako dito sa bar na to. Lasing na nga siguro ako kasi pati yung pangalan ng bar, hindi ko na matandaan. The best talaga tong mga alak na to. Kahit papaano, hindi ko na maramdaman yung sakit na nararamdaman ko kanina. "Another bottle of beer please," sabi ko dun sa bartender. Agad naman siyang kumuha ng beer. Painom na sana ako ulit kaso may pumigil sa braso ko kaya hindi natuloy ang pag-inom ko. "That's your nth bottle already, Mister. Masama yan sa kalusugan." Kinuha sa'kin nung babae, based on her voice, yung bote ng beer ko. Hinablot ko yung kamay nung babae at saka nilingon siya para pagsabihan sana na wag makialam kaso... "What the fu---Hana?!" Lasing lang ba ako o talagang si Hana ang babaeng nakikita ko? "Hi Ethan! Looks like fate brought us together, huh?"

"Quit fooling around, Hana." Hana's my ex-girlfriend way back my college days. Sa lahat ng mga naging ex-girlfriends ko, siya lang ang tumagal ng more than one year. Yung iba kasi pinakamatagal na yung one to two months. Okay sana si Hana kaso nung tumagal na kami, naging possessive at obsessed na siya. Nakakasakal na yung trato niya kaya umayaw na ako. Sayang kasi maganda siya,

enjoy kasama at magaling sa... "Para naman tayong walang pinagsamahan niyan, Ethan." "Sa kwarto lang naman tayo nagkakasama madalas, so spare me from those crap."

"Bastos! Ayan na beer mo. Isaksak mo sa baga mo. I'm going." Binalik niya sa'kin yung beer. Straight kong ininom yun agad at umorder ulit ng isa pa. Lumingon ako sa kanan ko at nakita kong nakatayo pa rin si Hana sa tabi ko. Makulit talaga tong babaeng to.

"Oh, akala ko aalis ka na?" "Am I not entitled to change my mind?" "Whatever." Tumungga ako ng beer at isinubsob ang ulo ko sa bar counter. Fcuk, nararamdaman ko na yung sakit ng ulo ko. I think I should stop drinking already. After all, nakakarami na rin ako. Inangat ko ulo ko at bahagyang minasahe. Tumitindi na rin kasi yung sakit. Moments later, naramdaman kong may malalambot na kamay na humahagod sa noo ko. Heaven ang pakiramdam habang ginagawa yun ng kung sino.

Page 111: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

111

"Enjoying, Ethan?" tanong ni Hana habang minamasahe yung ulo ko. Siya pala yun. Wala pa ring kupas sa pagmamasahe si Hana.

"Ye--ano ba, Hana?" Natauhan ako at tinanggal ko na agad yung kamay ni Hana. Baka kung hanggang saan umabot to. Mahirap na. "Bakit ba ayaw mo sa'kin, Ethan? To think na ako ang pinakamatagal na naging girlfriend mo, bakit ayaw mo na sa'kin?" May kataasan yung boses niya habang sinasabi niya yun kaya medyo napatingin yung ibang customer sa amin. Eskandalosa nga pala tong babaeng to. "You're making a scene, Hana. Nakakahiya!" "Wala akong paki. Just answer my question, Ethan. Ano bang ayaw mo sa'kin?" Hinila ko palayo sa bar counter si Hana. Sa may kaunting tao ko siya dinala para wala masyadong makarinig sa kanya if ever na magwala siya at mag-eskandalo. "Tigilan mo na ako, Hana. May iba na akong gusto. Ilang beses ko na bang sasabihin sayo na ayoko na?" "Hindi ko nga matatanggap yang sagot mo e. I won't stop, Ethan. You can't get rid of me easily."

"May mahal na nga akong iba, Hana! Mahirap bang intindihin yun?"

"Bakit kayo ba?" sabi ni Hana habang pinadaan yung kamay niya sa mukha ko. Ouch. Sapul ako dun ah? Kailangan ba talaga niyang ungkatin tong topic na to? Kung kelan naman nakalimutan ko na, saka pa niya ipapamukha sakin? Ang bait naman talaga ng tadhana ano? "Hindi pero mahal ko siya." May paninindigan kong sagot. "Mahal ka ba niya?" tanong naman ni Hana pabalik. Hindi ako makasagot kasi hindi ko alam kung ano ba ako kay Alex. "You see? You can't even answer me. I have every right to stand a chance. You know you can't shove me off that fast. Not when I'm so into you.

Remember that, okay?" Pinigil ko hininga ko kasi habang sinasabi ni Hana yung mga salitang yun, sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Ayokong ma-tempt at ayokong maging unfaithful kay Alex kahit hinid pa kami. Isang malaking temptasyon si Hana na dapat layuan. Pagkasabi ni Hana nun, tinalikuran na niya ako at naglakad palayo. Ako naman, bumalik sa bar counter at umorder ulit ng beer. Sa sandaling oras ng pag-uusap namin ni Hana parang nawala yung sakit ng ulo ko dahil sa sobrang bagsik niya. Naalog yata ang ulo ko dahil sa takot na mapalapit sa kanya. Inom lang ako ng inom hanggang sa sumakit na naman ang ulo ko. This time, bagsak na talaga ako. Di ko na maaninag yung nasa paligid ko. Malabo na nakikita ko. In fact, yung babaeng papalapit sa'kin ngayon, sa paningin ko si Alex. Kinusot-kusot ko pa yung mata ko pero si Alex pa rin yung nakikita ko. Ang ginawa ko, sinalubong ko siya. "Alex..." bulong ko sa kanya pagkalapit na pagkalapit ko sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit pagkatapos, walang kasere-seremonyang hinalikan siya sa labi. The kiss lasted for about a minute. It was explosive.

Page 112: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

112

Nakaramdam ako ng pagkahilo at pakiramdam ko, sa ano mang oras, masusuka na ako. Pinigil ko kasi nakakahiya naman kay Alex. Kinawit niya yung dalawang kamay niya sa leeg ko tas tinapat yung bibig niya sa tenga ko. "The name's Hana, baby. Just Hana." WTF? Si Hana yung hinalikan ko? Hindi si Alex? Oh, sh---

*UWEEE~!* sfx yan ng sumuka.

"WTF, Ethan? Mukha na ba akong inidoro ngayon?" "So---" I passed out.

Revenge 35 His Dream, My Confession Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa lap ni Lex. Hindi ko naman sinasadya na makatulugan si Lex lalo na't nagkukwento siya. I don't find our topic boring. It's just that I really am sleepy. Sige na, palusutin niyo na yang lame excuse ko na yan. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at hinarap si Lex para sana mag-sorry kaso naunahan na kaagad niya akong magsalita. "I know magso-sorry ka dahil nakatulog ka pero don't worry, okay lang yun sa'kin." "Thanks. Di ko mapigilan e. Super stressed lang talaga this past few days." Tumayo na ako at akmang pupunta ng kitchen nang makita ko ang isang malaking teddy bear, chocolates at bouquet ng roses sa la mesa. Kanino kaya galing yan? Kay Lex? Parang imposible naman. Napansin ni Lex na nakatitig ako dun sa mga nakalagay ng gamit sa la mesa. Siya na rin nag-explain kung bakit may ganoon dun ngayon. "That's from your friend. Dumaan siya kanina dito at pinapabigay niya yan sa'yo. Tulog ka pa nun kaya pinaabot na lang niya yan sa'kin." "Friend? Marami akong kaibigan, Lex." "Your guy friend. Yung nakita kong kasama mo before." "Si Ethan?" "I think so?" Tinignan ko kung may note na kasama yung flowers. True enough, galing nga kay Ethan yung flowers, chocolates at bear. Kinuha ko yung phone ko at tinawagan si Ethan. Magte-thank you lang sana ako para sa mga binigay niya. "Hello?" sabi nung nakasagot dun sa phone ni Ethan. Bakit ganun? Bakit babae yung nakasagot? Wrong number ba ako? Tinignan ko ulit kung tama ba yung number na tinatawagan ko. Tama naman pero bakit iba yung sumagot? "Uhm, hi, pwedeng makausap si Ethan?" "Tulog si Ethan e. May sasabihin ka bang importante? Anyway, who's this?" may pagkamataray na sagot nung babae. Ano naman kayang kalokohan ang ginawa nitong si

Ethan at bakit babae ang nakasagot ng tawag ko? "Si Alex `to, k-kaibigan niya." "Can you go here in Spark? Ethan's passed out."

Page 113: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

113

"Okay, I'll be there in a few minutes." Tinapos ko kaagad yung tawag. Humingi ako ng favor kay Lex na kung pwede, samahan niya ako sa Spark para sunduin si Ethan. Pumayag naman siya kaya mabilis lang kaming nakarating dun sa bar. Tinawagan ko ulit yung number ni Ethan. Ang sabi nung babaeng nakasagot sa'kin, nandun daw sila sa isang VIP lounge kaya madali na lang silang mahahanap. Pagkakita ko dun sa lounge, nakita ko si Ethan na tulog na tulog na nakahiga sa couch. Yung babae naman na kasama niya, nagpupunas ng suka dun sa damit niya. In fairness, kahit nasukahan na siya, maganda pa rin siya. "Excuse me, ako yung kausap mo sa phone kanina. I'm Alex," sabi ko pagkakatok ko sa glass door. "Hi, I'm Hana. Pwede bang ikaw na bahala kay Ethan? Kailangan ko nang umuwi dahil ayoko namang mangamoy suka dito," sabi nung girl, nagpupunas pa rin ng suka sa damit niya. "Sige, ako nang bahala sa kanya. Thank you." "Yeah, sure. I'm going." Pagkasabi nung girl nun, umalis na agad siya. Ako naman, tinawagan ko si Lex para magpatulog buhatin papunta ng kotse si Ethan. Mabigat kaya ang lalaking to at hindi ko kaya kung ako lang mag-isa yung magbubuhat. After a few seconds, nandun na si Lex at buhat-buhat na namin si Ethan papuntang kotse. Sa back seat ako umupo, katabi si Ethan. Nakapatong sa balikat ko yung ulo niya at nakaakbay naman ako sa kanya para di siya mahulog. Pinunasan ko na rin yung bibig niya na may konting traces pa ng suka. Sa hitsura niya ngayon, para siyang isang gusgusing bata--

isang cute na gusgusing bata. "You must like him that much, huh." Napatingin naman ako kay Lex nun. Di ko inaasahan yung sinabi niya. "I do, I really do." "Maswerte siya kung ganun." Nakita kong ngumiti si Lex pero parang may bitterness dun. "Talagang maswerte siya kasi mahal ko siya." Wala na ulit nagsalita sa'min hanggang sa makarating kami sa condo ko. Pagkalagay namin kay Ethan sa kama ko, nagpaalam na rin si Lex na uuwi na siya. Sa isang araw na lang daw namin ituloy yung mga plano namin. Pumayag naman ako. Nang makaalis si Lex, si Ethan naman ang pinagtuunan ko ng pansin. Pinunasan ko yung mukha niya pati yung upper body niya. Medyo nahirapan pa ako sa pagtatanggal ng T-shirt niya dahil una, mabigat siya at pangalawa, ang likot niya. Nang matapos akong punasan siya, humiga ako sa tabi niya at ginawa kong unan ang braso niya. Sumiksik ako sa kanya hanggang sa magdikit na yung mga mukha namin. Di ko inaasahan na magugustuhan ko yung ganitong proximity. Bago ko ipikit ang mga mata ko, binulong ko muna sa kanya ang mga bagay na gustong-gusto ko nang sabihin sa kanya. Sana lang marinig niya at matandaan niya pero kahit di niya matandaan, handa akong ulit-ulitin yun kapag dumating yung oras na alam ko na sa sarili kong kayang-kaya ko nang ibigay ng buong-buo ang puso ko. "I love you." --- Nagising ako sa marahang paghaplos ng mga kamay sa mukha ko at paglapat ng mga labi sa

Page 114: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

114

noo ko. Pagdilat ko ng mga mata ko, isang pares ng kumikinang na mata ang nasilayan ko. Isang pares ng mga matang kilalang-kilala ko at kahit kailan siguro ay hindi ko pagsasawaang titigan. "Good morning," masayang bati ni Ethan sa'kin. May isang malapad na ngiti sa mga labi niya. Napangiti naman ako nang makita yun. "Good morning din." Kahit gusto ko pang manatili sa tabi niya, tumayo na ako at dumiretso sa CR. Marami pang ibang pagkakataon para sa mga ganung bagay. Pagkatapos kong gawin ang morning rituals ko, lumabas na ako ng CR. Nakita kong nandun pa rin si Ethan sa kama, nakahiga at parang ang lalim lalim ng iniisip. "Anong iniisip mo?" tanong ko sa kanya. Bumangon siya sa pagkakahiga at sumandal sa headboard ng kama. Umupo naman ako sa kabilang dulo ng kama at sumandal din sa headboard. "Hindi ko kasi malaman kung panaginip lang ba yun o kung totoo talagang nangyari e." "Ang alin?" "Kagabi kasi feeling ko nanaginip akong binulong mo daw sa'kin na mahal mo ako." "Talaga? Baka naman nananaginip ka nga lang?" "Pero parang totoong nangyari eh."

"Nako, Ethan, malala na yan. Nag-iilusyon ka na oh." Kung alam mo lang, Ethan, hindi ka nanaginip. Totoong nangyari yun, kagabi. Hayaan mo, pag nagkalakas na ako ng loob na sabihin sayo, hinding-hindi ako magdadalawang isip na ipaalam sayo na mahal kita. For now, hayaan mo muna akong tapusin lahat ng kailangan kong tapusin.

Revenge 36 Just Don't Love You No More

Quote

To: 09175xx41xx

Fr : 0927255xxxx

HRTBRKR Beatrice Go Nahuli ko bf ko na may ibang babae. Ayoko na sa kanya gusto ko nang

makipagbreak sa kanya pero di ko alam papaano.

Oh wow. Mukhang client na naman ako ah? Kahit naman medyo nagkaayos na kami ni Lex, hindi pa rin ako titigil sa trabaho kong to. Ayoko na ng may taong nasasaktan nang dahil lang sa pag-ibig. Hindi worth it na pinapaasa at pinapaiyak lang ang isang tao. Tinawagan ko si Beatrice, yung bago kong client, para makipagkita sa kanya at para ma-discuss ko na rin sa kanya yung mga bagay na dapat pag-usapan. Napagkasunduan namin na sa Yellowcab sa TriNoma na lang kami magkita since pareho naman kaming nakatira malapit dun sa mall na yun. After siguro mga thirty minutes, nandun na ako sa meeting place namin ni Beatrice. Ang sabi niya, black dress yung suot niya. Isa lang naman ang babaeng nakablack dress dun kaya nilapitan ko na. "Excuse me. Are you Beatrice Go?" tanong ko dun sa babaeng naka-black dress.

Page 115: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

115

"Hi! Alex, right? I'm Beatrice." Kahit nakangiti si Beatrice, halatang umiyak siya dahil magang-maga yung mata niya. "Shall we get down to business? May class pa ako mamayang 2PM. I don't want to be late kaya let's go straight to the point." Pinag-usapan na namin kung anong mga gusto niyang mangyari. Sinabi na rin sa'kin ni Beatrice yung schedule ng boyfriend niya para magawan ko ng paraan sa schedule ko. "Thank you talaga, Alex. Buti na lang, nai-recommend ka ng isa sa mga kaibigan ko. Nasabi nila na kaya mo akong tulungan. Hindi pa man nagsisimula yung plano, alam kong di ako nagkamali sa paglapit sayo," malungkot na sabi ni Beatrice. Kitang kita sa mga mata niya yung lungkot na nararamdaman niya. "If you don't mind me asking, pwede bang ikwento mo sa'kin yung nangyari? You seem so affected kasi." Hindi naman sa chismosa ako o anuman. I feel her kasi. Alam ko yung pinagdadaanan niya. Huminga muna ng malalim si Beatrice bago siya nagsimulang magkwento. "Ganito kasi yun. Si Basti, yung boyfriend ko, lately, nagiging cold na siya sa'kin. Kinausap ko siya tapos ang sabi niya, busy lang daw siya at maraming ginagawa. Siyempre, naniwala naman ako. Kinukwento lahat ng yun sa best friend kong si Skye. Sabi naman ni Skye, hayaan ko lang daw muna. Sinunod ko sila. Wala naman akong kaalam-alam na something's going on behind my back. Nalaman ko na lang na may relationship na sina Skye at Basti nang makita sila ng isang common friend namin na sweet na sweet together." Kahit pigilan ni Beatrice yung pagbagsak ng luha niya, may mga ilang patak pa rin na kumakawala. "I confronted them but they just denied everything. Baka daw na misinterpret lang nung kaibigan namin yung gestures nila dahil close din naman daw silang dalawa. Naniwala ulit ako kasi may tiwala pa ako kay Basti nun pero yung ako na mismo nakita? Tanga na ako e. Magpapakatanga pa ba ako?" Dun na kumawala yung mga luhang kanina pa pilit pinipigilan ni Beatrice. Nilapitan ko siya at niyakap. Hinagod ko yung likod niya para kahit papaano, mai-comfort ko siya. Iyak lang siya ng iyak nun. "Shh, don't worry, I'll help you," sabi ko habang pinapatahan pa rin siya. Nang medyo mahimasmasan na siya, inabutan ko siya ng tubig para kumalma na siya. Nang sabihin na niya na okay na siya, saka ko inabot yung contract at pinapirmahan sa kanya. After discussing a few terms, the contract was sealed. "I'll keep you posted," sabi ko bago tuluyang umalis at iwan si Beatrice sa pwesto na inokupa namin sa Yellowcab.

--- Wednesday Night The Club Royale Hotel

Page 116: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

116

Sa lahat ng missions na nagawa ko, eto ang pinka ma-effort gawin. Bakit? Sa loob lang naman ng isang linggo kinailangan kong sundan si Basti para makakuha ng enough evidences para mapatunayan na niloloko lang nila ni Skye si Beatrice. Ngayon ang undercover pa rin ako at sinusundan ko sina Skye at Basti na kaka-check in lang sa hotel na to. Pagkaalis nila sa reception area, ako naman ang nagpa-book ng isang room. "Good evening, Ma'am. Welcome to The Club Royale Hotel. What can I do for you?" "Hi. I'd like to check in. If possible, yung malapit lang sa room nina Mr. Sebastian Sandoval." "Just a moment, Ma'am." Pinrocess na nung receptionist yung utos ko. Lucky enough, vacant yung room adjacent Basti's room. Pagkabigay sa'kin nung keycard, pumunta kaagad ako sa room na naka-assign sa'kin. Buti na lang nasa end ng hallway yung dalawang kwarto kaya walang makakakita sa'kin kapag sumilip ako sa room nina Basti. To tell you the truth, I backed out from the original plan. Supposed to be, dapat if-flirt ko si Basti then both Skye and Beatrice will catch us. Pero napag-isip isip ko, I want to give the spotlight to Beatrice. Mas gusto kong makita na naipamukha niya kina Basti na she's not some cheap girl na pwedeng-pwedeng paglaruan. Dinikit ko yung tenga ko sa pintuan ng room nina Basti. At first, yung sound coming from the TV pa lang yung naririnig ko pero moments later, moans of pleasure na yung nangingibabaw. Seems like the illegal couple's enjoying themselves while the real girlfriend is suffering.

Quote

To: Beatrice Go

Room 3208. ASAP.

After a few minutes, Beatrice's figure was visible from a far. She was half running. Nang makalapit na siya sa'kin, inabot ko sa kanya ang isang envelop na punong puno ng pictures nina Basti at Skye. Sweet pictures of them together. There's no denying that the two have a thing for each other. "You know what to do, right?" Beatrice nodded, her hands on the doorknob. Luck is on our side, the door burst open and Beatrice entered the 'war zone.' I stayed outside so Beatrice can really shine on her own. I heard a few footsteps and when the clinking sound stopped, a collective gasp and a crisp expletive roared inside the room. "BEA! What are you doing here?" "GAG0 KA, SEBASTIAN SANDOVAL. ANG KAPAL NG MUKHA MONG ITANGGI NA WALA KAYONG RELASYON NI SKYEIRA! YUN PALA HIGIT PA SA MAGKAIBIGAN GINAGAWA NIYO!" Kahit nasa labas ako ng room, rinig na rinig ko yung sigaw ni Beatrice. Well, who wouldn't be

Page 117: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

117

mad right? "Bea, I'm sorry. I didn't mean to lie to you." "Gag0 ka. Mukha ba akong tanga sayo? Ayan, mga ebidensya na ginagag0 mo lang ako. Ang kapal kapal ng mukha mo! Isa ka pa, Skye, akala ko best friend kita pero niloko mo ako! Kaya pala sabi mo pabayaan ko na si Basti kasi sayo pala siya mapupunta! GO TO HELL, BOTH OF YOU!" Hindi ko na tinapos yung sigawan dun sa hotel na yun. I've heard enough. Okay na yun para sabihing successful ang mission kahit hindi ako personally ang gumawa. At least ngayon, sure fire na ang break up ni Basti at Beatrice.

Quote

To: Beatrice Go

I guess break na kayo as of this moment. Just send me the payment through my bank account. Thanks. I guess I'll be doing one or two more missions. Namiss ko rin to e.

Revenge 37 The Boyfriend, The Girlfriend, The Ex PART ONE Tomorrow will be the big day. Big day as in my graduation in college and as in day one for my job as Lex’s new girl. Bukas rin ang dating ni ria pabalik sa Manila. She has been staying in Batangas for far too long. Usually, ang dapat gawin the day before graduation is to prepare—beauty rest for the ladies. But I dare to break that sort of tradition. Bakit? Kasi andito ako ngayon, papunta sa isang party imbes na mag-rest. “Hey are you ready?” asked Arron nervously as he pulls his black Lexus sedan into a halt. We had just arrived in Shangri-La Hotel, the venue for tonight’s party. “Relax, Arron. I can handle this just fine. Remember I am not Alexis. Call me Suzette or Sue, whichever fancies you. Remember, calm down, and leave it to me.” Arron gave out a heavy sigh. I can still sense his nervousness. His heavy breathing was enough to support my theory. To help him ease out, my hands snaked its way to his nape and pulled him closer. Our lips met lightly at first but it went deeper as seconds pass by. Before his passionate kiss might lead to something else, I pulled away and composed myself. Arron was still dazed, frozen in his seat. He was looking at me with a ‘that’s wicked’ expression. I smiled at him, and then tapped his cheeks. As if my hands were a magic wand, Arron rose to life but with the same expression he had earlier. “What was that for?!” he blurted out the moment he recovered from shock. I continued applying my red lipstick before I finally faced him. I took a sheet of tissue paper then reached for his face. “Practice, honey. Now, don’t move or else they’ll know how naughty you have been.” I winked as I finish wiping the smudges on his lips. After some retouching, he got down from his car then rushed to my side to open the door for me. He guided me as I slowly got out of his car. He, then, handed the keys to the valet and

Page 118: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

118

brushed off the unwanted particles in his suit. He took a couple of deep breaths as we got nearer the function hall's entrance. "Are you ready?" I asked him one last time. He took another deep breath before nodding at me. "Just follow my lead, okay?" I hooked my arm onto Arron’s arm just before we entered the function hall. Almost every pair of eyes inside the room was looking our way. I could even hear them whispering and mumbling things about Arron and me. “What is Arron doing here? Isn’t he Elle’s ex-boyfriend?” “Yeah, he’s got some guts, huh? He even brought his new girlfriend with him.” “Admit it, Arron’s new girl is a lot prettier than Elle.” I smiled at the last remark made by one of those nosy girls. “Stop gossiping about them. Elle has Jake already. Respeto naman sa birthday boy.” Natahimik yung tatlong babae dun sa comment nung isa nilang kasama. Well, talking about other people behind their backs is really bad. Waaay bad. Arron led me to a table and asked me to stay there for a while. “I’ll just go and talk to some friends. I’ll introduce you to Elle and Jake later so we can get this job done.” “Okay, I’ll just grab something to eat then.” He held me by the elbow then led me to the buffet table. He left right after seeing me put a little food on my plate. I went back to our table and finished my food. After a while, he came back with a lady donning a teal dress and black suede pumps. The woman has her arm hooked on Arron’s arm. And from Arron’s ‘this is it’ expression, I am assuming she’s Elle, the ex-girlfriend. They stopped in tracks just right in front of me. I flashed them a friendly smile; Elle did the same. She gave me her brightest smile, a fake one though. I can tell that she is threatened by my presence. I have made a single move, yet she’s scared of me already. What an easy prey. “Elle, this is Sue. Sue, this is Elle. She’s the one I am referring to with my stories.” “Hi Elle! I’m Sue. And yeah, Arron’s been telling a lot of stories about you.” I stood up and gave her a hug and a kiss on her cheeks. I felt her muscles stiffened the moment I held her. “Really? I hope it’s all good or else I’d kick Arron’s ass,” Elle said comically, pulling off another fake smile. “So, how are you related to Arron? You must be close to him the fact that he shares some stories about me. Are you his cousin? A close friend, perhaps?” Arron freed himself from Elle’s grasp. He, then, moved to my side and placed his arm behind me, his hand resting on my lower back. He pulled me closer to him, as intimately close as possible. I, in turn, gently laid my hand on his broad chest and the other on his lower back. If people who doesn’t know the real deal would probably say we are a couple.People like Elle and her crowd tonight. “No, I’m not his relative or a close friend,” I politely denied Elle’s assumption. Her brows formed a line but she immediately smiled when Arron’s gaze turned to her.

Page 119: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

119

“Sue is my girlfriend. We’ve been dating for five months now.” Though smiling, there was a hint of disbelief and disappointment in her eyes. More so, her eyes became misty, clouded with tears. “Yes, dear. Of course.” It’s a lie. Elle’s tears were on the brink of falling if not for the man on tux who had just arrived. He enveloped his arms around Elle’s tiny waist. He gathered her in his arms and awarded her a quick kiss on the lips. I felt Arron’s muscle tensed as if telling me to go on with the plan. But I stood there, motionless. My eyes were fixed on the couple in front of me. I am starting to be amused with their expression. Elle, almost crying because of she just heard. This man who had just arrived, suddenly become so protective of Elle. How touching. NOT. I swear, if not for this guy in tux, this lady would have cried. But it’s a good thing, though. If Elle cried, it would have spoiled the fun of seeing her being ruined into pieces. “What’s the matter, baby?” asked the guy. He took out his handkerchief and wiped the stubborn tears that fell on Elle’s precious face. “Nothing, baby. Some dirt must got stuck in my eyes. You remember Arron, right?” “Of course, I invited him.” The guy smiled at Arron then turned to my direction. “You are?” “Suzette. I prefer Sue, though,” I said, extending my hand for a handshake. “I am Jake, Elle’s boyfriend. Nice to meet you.” And it’s my pleasure to meet you, too, Jake. It’s a pleasure for The Heartbreaker to meet and greet with her Target. The four of us talked some more about random stuff. Though it was mostly about my‘relationship’ with Arron. Like how we met, how he courted me, and the likes. When the DJ started play slow songs, Jake offered his hand and invited Elle to dance with him. Elle accepted it at once and the two went to the center of the dance floor. Arron and I remained in our place. I was watching the dancing couple intently. From a far, they look so sweet and happy together. I wonder how they will react once I start my plan against them. I grabbed Arron’s arm and dragged him to the dance floor. I pulled him near the couple’s place. I was facing Elle so I saw how her forehead started to crease the moment our gazes locked. I gave Elle a sweet smile while she just raised her eyebrow on me. I continued smiling at her but the truth is, I wanted to laugh at that very instant. Her expression was just so amusing. “Why are you smiling, Alex? I mean Sue.” “Your ex-girlfriend is so amusing. I can tell she is very jealous right now. I haven’t even started.” “Selosa talaga yan. She’s very possessive of her ‘boys’” “Yeah, I can tell. So, shall we start?”

Page 120: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

120

Arron just nodded. I cupped his face as his face began to move towards mine. I closed my eyes and tried to imagine that he’s somebody else as our lips began to move. The kiss was getting deeper; I peeked at Elle’s expression. Though dancing, she stood there like pole, and her eyes were flooding with tears. Such a crybaby. I broke free from Arron’s kiss and whispered, “I’ll just go and get my things. Go and text Elle. You know what to do.” I winked at him before I left the dancefloor. Of course, I made sure Elle witnessed that wink. It will drive her crazy, I know. I rushed to Arron’s car and took my handy videocam from the glove compartment. I stayed inside his car for a while until I received a message from Arron saying that Elle was already with him. I was half-running as I went to the alley where we agreed on. True enough, the two of them was there. Elle was caressing Arron’s cheek while Arron was just standing there, pokerfaced. I opened my video camera and filmed everything that transpired. Of course, I was extra careful not to be noticed by anyone. I wouldn’t dare risk my identity. After what seemed like forever, the two finally let each other go. It was my cue to leave. I hurried back to the car and transferred everything in my laptop. After some editing, I burned everything in a disk. I’m all set for this mission. After securing everything I need, I took my paper bag and went straight to the washroom. I changed from my dress to my casual attire. I looked for the persons in charge for the whole program but I can’t find one so I asked some random people on I could reach them. “Ma’am, do you know where I can find the persons in charge for the program?” “Oh, just turn left…” The old lady was nice enough to tell me the directions for the control room. It seems like they were all camping there since the video presentations will start in five minutes. Just in time. “Uhm, excuse me po. Miss Elle Garcia wants to add this video clip after her first AVP. Pahabol lang po ito since it’s a surprise.” “Ganun ba? Sige, iwan mo na yan dito. Kami nang bahala.” “Thank you po.” I smiled triumphantly as I walk my way back to the function hall’s entryway. I didn’t bother looking for Arron anymore. I contented myself with leaning back on the wall as I watch the videos for Jake. The people were all greeting him ‘Happy Birthday’ and all. I am getting worked up as the minutes tick by. Then finally, Elle’s original video was aired. She looked so in love but will she still do if she happens to see my video? The host was about to speak when he was interrupted by the noise coming from an unexpected video.

Page 121: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

121

Oh well, this is it.

Quote

“Arron, can we talk?” said Elle grabbing Arron’s arm.

“Why? About what?”

“I’m jealous, Arron! For crying out loud, I am jealous!”

“We’re done, Elle. You left me for Jake, remember?”

“I don’t care, Arron. I still love you! I still do!”

People inside the function hall were making a big fuzz with what they just heard. People were talking here and there. Jake was standing beside the host, looking dumbfounded with what he just heard. Elle was covering her face with her hands as if she’s so scared that people might recognize her.

Quote

“Come on, Elle. You have Jake already. Be contented with it just for once! You can’t have

everything you want. I have Sue already so back off.”

“I don’t care about others’ feelings! I only care for my own.” Elle grabbed Arron by the nape and

kissed him forcefully. Arron just stood there, not responding to Elle’s persuasive kiss.

Arron lightly pushed Elle away and said, “You’re crazy.” With that, Arron walked out of the alley.

I heard some people cursed Elle. Some even talked about her as if she wasn’t present in the room. Oh, good life, the nature of human beings. One misconduct can erase all the good deeds you’ve harvested. I was about to leave but I stopped when I saw Jake grab the microphone from the host. Though far away, I can tell that he’s raging mad now. Oh, who wouldn’t right? “From this day on, I have no connections or relationship with Elle Garcia. Forget that I even had her as my girlfriend. I’m supposed to ask her to marry me tonight but I guess luck is on my side. This is the best and the worst birthday gift I’ve ever had. The best because the truth came out and the worst because I was humiliated on the day of my birthday. Good night everyone. I hope you all had a great time.”

Page 122: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

122

Aww, poor Jake. He dashed towards the door but Elle was quick enough to block him. However, Jake just shunned her away and continued walking away. Elle was left alone bawling her eyes out. I walked away too and proceeded to the parking lot. Arron was already there, standing beside his car. “Thank you, Alex. I feel so relieved now. A huge torn was lifted off my chest. At least she knows what I’ve felt before.” “You’re welcome, Arron. It was nice working with you.” Arron handed me an envelope containing the fifteen thousand pay for my act. I said my gratitude then waved goodbye. He offered me a ride but I refused. I hailed a cab and asked the driver to bring me to the nearest hotel. I don’t want to go home to that empty condo. The truth is, loneliness is killing me every time I go home without someone to welcome me home. I miss my parents. Tomorrow is my graduation day but my parents won’t be there. It would just be Clarisse and myself. And it

sucks.

Revenge 38 You Are Enough Puro pagbati ng ‘Congratulations’ ang maririnig sa buong auditorium kung saan humigit kumulang isang libong estudyante sa aking unibersidad ang nagsitapos. May ibang lumuluha, nagyayakapan at nagsasabi kung gaano nila mamimiss ang isa't isa. Lahat sila kumikilos samantalang ako, nakatayo lang sa pwestong inookupa ko sa loob ng ilang oras na seremonya. Wala naman akong lalapitan na mga magulang na magsasabi sakin kung gaano sila ka-proud sakin dahil graduate na ako o kapatid para yakapin dahil naging karamay ko siya sa pagpupuyat para sa mga requirements. Wala sila sa araw na importante para sakin. Nginingitian ko na lang yung mga bumabati sakin. Simpleng ‘Same to you’ na lang rin ang nasasabi ko sa mga naging kaibigan ko na bumabati sa akin. Dapat masaya ako e. Pero hindi kumpleto yung feeling dahil sa loob ng auditorium na yun, mag-isa lang ako. Wala akong pamilyang matatakbuhan. Matigas ang puso ko, oo, pero mahina ako sa pamilya ko. “Alex, congratulations! Graduate na tayo!” masiglang bati ng best friend kong si Clarise. Hindi ko napansin na nakalapit na pala siya sakin. Magkalayo kasi yung upuan namin. Fernandez ako, Tantuco naman siya. “Hehehe. Oo nga e.” Ang ganda ng sagot ko, parang ka-text ko lang si Clarise. “Hay nako, iniisip mo na naman ang parents mo no? Di ka naman nag-iisa, Bes. Andito ako oh, di ba sisters din tayo? Payakap nga!” Ni-outstretch ni Clarise yung dalawang braso niya na parang naghihintay na yakapin ko siya. Hindi na ako nagpakipot. Kilalang-kilala talaga ako ni Clarise. “Thank you, Clang. Thank you talaga.” Maluha-luha ako habang yakap-yakap ko ng mahigpit si Clarise. Naappreciate ko yung ginagawa niya ngayon. Kahit papaano naramdaman kong di ako nag-iisa. Hinayaan lang niya akong yumakap sa kanya. Hinahagod pa ni Clang yung likod ko na para akong isang ngumangawang bata dahil inagawan ng lollipop. Kumalas lang siya nang maramdaman niyang niluwagan ko na ang kapit ko sa kanya. May tinignan mula sa likod ko si Clang. Napangiti pa siya. Pero hindi ko na tinignan dahil baka ka-batch lang namin yun at binati siya.

Page 123: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

123

“Alam mo, punasan mo na yang luha mo. Papanget ka baka ipagpalit ka na ng Papa Ethan mo.” Biglang bumilis yung kabog ng dibdib ko pagkarinig ko sa pangalan na Ethan. Iba talaga epekto niya sakin. “Chismis ka, Clang.” “Asus, kunyari ka pa. Pero gusto mo siya makita?” “Wala siya dito. Nasa Guam, nagbabakasyon,” sabi ko sabay iwas tingin. Nahihiya akong mabasa ni Clang na gusto ko ngang makita si Ethan. “Paano pag nandito siya? Anong gagawin mo?” “Wala. Wag ka ngang mag-joke dyan. Nasa Guam siya, okay?” “Joke ka dyan. E nakikita ko kaya siya ngayon. Ayun oh.” Tinuro ni Clang yung likuran ko. Ako naman, napatingin din. Naningkit yung mga mata ko nang makita ko nga siya dun. May kalayuan pero alam kong siya yun. Ngiti pa lang, alam kong siya na yun. Napalitan ng ngiti yung pagkasimangot at pagkakunot ng noo ko. Mas lalong lumawak yung pagkakangiti niya nang makita niyang nakapamewang ako at nakakiling ang ulo sa kaliwa. Mukha akong bata na di makapaniwala sa nakikita. Totoo naman e. Pansin kong natawa siya ng konti tapos binuka niya yung mga kamay niya na parang nag-aanyaya ng isang mahigpit na mahigpit na yakap. Gusto kong sugurin si Ethan at yakapin siya ng sobrang higpit dahil nandito siya. Pero inuna ko ang isip ko. Nilingon ko si Clang na mukhang tuwang-tuwa sa napapanood niya ngayon. “Sige na, go na. Alam ko namang gustong-gusto mo nang lapitan e,” nakangiting sabi ni Clang habang sumesenyas na parang tinataboy ako. Bruha din tong kaibigan ko na to. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pwesto ni Ethan. Nang makalapit ako sa kanya, huminto muna ako sa tapat niya. Siyempre, konting pakipot muna. Mamaya mabuking pa ako. “Akala ko nasa Guam ka?” may pagkamataray kong tanong kay Ethan. Pero sa totoo lang, kinakabahan ako. Sa loob loob ko, hindi ako mapakali. Napakamot siya ng ulo sabay sabi, “Well, di ko kayang di ka makita lalo na't graduation mo ngayon.” Hindi ko napigilan ang sarili ko na hindi mapangiti. Na-touch ako dahil kahit na dapat nagbabakasyon siya, andito siya ngayon. Kahit hindi kami magkaanu-ano, andito siya para panoorin akong mag-martsa. “Kanina ka pa?” “Yeah, I've seen the whole ceremony. Bakit ba ang layo mo? Lumapit ka nga.” Lumapit nga ako pero may distansya pa rin. Nahihiya akong marinig niya yung malakas yung pintig ng puso ko. “Uhm, pwede bang mayakap ko na ang prinsesa ko?” Medyo natawa ako kasi namumula yung tenga niya tapos nahihiya pa siya habang sinasabi yun. Napakamot pa siya ng ulo niya. “Sino bang prinsesa mo?”

Page 124: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

124

“Sino pa ba? E di ikaw. Meron pa bang iba?” “Malay ko sayo.” “Ano ka ba, ikaw lang kaya. Sapat ka na para sakin. Di ko na kailangan pang maghanap ng iba. Kaya sagutin mo na ako,” malambing na sabi niya habang binabalot niya ako sa kanyang matitipunong bisig. Niyakap ko rin siya pabalik. Kasing higpit ng pagkakayakap niya sakin. Pwede bang wag nang matapos tong moment na to? “Thank you, Ethan. Medyo okay na ako dahil nakapunta ka. Kahit wala parents at kapatid ko, ayos na ako. Akala ko kasi mag-isa lang ako. You were there when I thought I had no one to hold onto.” Bumitaw siya sa pagkakayakap sakin. Hinawakan niya yung kamay ko at tinignan ako ng mabuti sa mata. “Wag mong isipin na nag-iisa ka ha? Andito kaming lahat para sayo. Halika, may surprise ako sayo.” Hinila na niya ako palabas tapos pinasakay sa kotse niya. Buti hindi ko dala yung kotse ko dahil nag-taxi lang ako. Kundi, mahihirapan pa akong iuwi yun kinabukasan. Tahimik lang ako habang bumabiyahe kami. Nang maging pamilyar yung dinadaanan namin, nagtaka na ako. Sabi niya may surprise siya pero bakit pabalik sa condo ko yung dinadaanan namin? “Akala ko may surprise ka? Bakit pabalik sa condo ito?” “Trust me, okay? Akong bahala.” Hindi na ako nagsalita pa hanggang sa makarating kami sa condo ko. Pagbaba ko ng kotse niya, nilapitan niya ako at piniringgan ang mga mata ko. Bumilis yung tibok ng puso ko at lumakas yung pagkabog. Anong meron? Bakit kailangan pang ganito? Pero kagaya ng sabi niya, trust him. At nagtiwala naman ako. Mula pagsakay ng elevator hanggang sa pagtigil namin sa isang lugar, kinakabahan ako. Pero tiwala. Kailangan ng tiwala. Bumukas yung pinto at inalalayan ako ni Ethan na makapasok. Tumigil kami tas naramdaman kong niluluwagan niya yung pagkakatali ng blindfold. Nang makalas yung blindfold, kasabay nun yung pagbukas ng ilaw. Nag-adjust pa yung mata ko nang may sumigaw ng... “SURPRISE!”

Revenge 39

Mark of the Beginning Nanlaki ang mga mata ko ng sobra dahil sa nakikita ko. Mind trick lang ba ito o andito talaga sila? Nilingon ko si Ethan at nakita siyang nakangiti. Sumisenyas siya sakin na lapitan ko sila pero di ko magawa kasi I’m too starstrucked to move. “Congratulations, anak,” said my Papa with his arms open wide. “I’m so proud of you.”

Page 125: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

125

Dun na ako bumigay. Napaiyak na ako nang marinig kong sinabi ni Papa yun. Hindi ko inaakalang maririnig ko sa kanila yun ng personal. Akala ko over the phone ko lang maririnig yun at hindi ko sila mayayakap pero andito sila ngayon—alive and kicking. “Mama! Papa!” Para akong bata na unang beses makita ang mga magulang matapos mawala sa mall. Tinakbo ko ang mga magulang ko at niyakap sila ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit. Umiiyak pa rin ako ng sobra. “Namiss ka namin, Alex. Ang laki-laki na ng bunso namin,” sabi ni Papa habang pinupunasan yung mga luha ko. “Namiss ko rin kayo ni Mama, Papa. I’m shocked you’re here!” “You should thank that man over there,” sabi naman ni Mama sabay turo kay Ethan. Kumalas ako mula sa pagkakayakap ng mga magulang ko para tignan si Ethan. Nakangiti lang siya sakin pero yung pakiramdam ko para akong matutunaw sa kinatatayuan ko. Dahan-dahan ko siyang nilapitan. “Thank you, Ethan. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon.” Tumingkayad ako at binigyan siya ng halik sa pisngi. Binalot niya ang mga kamay niya sa baywang ko at niyakap ako. Gumanti naman ako sa pagkakayakap sa kanya. “You know I’ll do everything for you.” Mas lalo niyang hinigpitan yung pagkakayakap niya sa’kin. Yumuko siya at nilapit ang bibig niya sa may tenga ko sabay bulong ng, “I love you.” Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at binigyan siya ng isang matamis na ngiti. “Oo nga pala, your sister prepared a party for you in her bar. Tara na at baka naghihintay na si Ria doon.” So we all left the condo para magpunta sa Rock n Dine. Sa kotse ni Ethan ako sumabay dahil, well, utos ng parents ko. They must be thinking that something’s going between us. Sorry to

burst their bubbles but there none. None at the moment.

--x-x-x— Maraming tao sa bar ngayon. Some of our relatives were there. Remember Kuya Pat? He was there too, with his girlfriend—err scratch that, fiancée should be right. Yeah, finally may nakapikot na sa kanya. My cousins were all hyped. Lahat sila nasa party mode. Lahat ng nakakasalubong ko binabati ako ng ‘Congratulations.’ Pero unlike kanina sa school auditorium, I was able to say ‘Thank you’ sincerely. Siguro kasi masaya na talaga ako ngayon. All thanks to Ethan. Lumapit ako sa banda na kasalukuyang nagpe-perform at pinakiusapan sila kung may music sheet sila ng kanta na gusto kong ialay para sa mga taong naging mahalaga sa’kin. Luck is on my side, meron nga sila nung kantang sinasabi ko. Binigay na sa’kin nung vocalist yung mic kaya pumuwesto na ako sa stage. “Hey, good evening, everyone,” agaw ko sa pansin ng lahat ng andun sa venue. “Thank you for being here with me, celebrating one of the most important moments in my life. You guys don’t know how much this means to me. Thank you really. I’d like to sing a song for all of you as a sign of my gratitude. Hope you’ll like it. This song is for

Page 126: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

126

my family, especially for my parents and for one special person. You know who you are.”Habang sinasabi ko yung huling sentence ko na yun, sa kanya lang ako nakatingin. Kay Ethan lang. Para sa kanya talaga tong kanta na ito. Thank you for teaching me how to love. Showing me what the world means. What I've been dreamin' of. And now I know, there is nothing that I could not do. Thanks to You Lex. Nang dahil sa kanya, naranasan ko kung paano ba magmahal at masaktan. Pinaranas niya sa'kin sa unang pagkakataon kung paano mahalin. Kahit na sinaktan at niloko niya ako, sa kanya ko unang beses naranasan ang saya na binibigay ng pag-ibig. Binigay niya lahat ng ilusyon ko sa pag-ibig noon. Nasaktan ako, oo, pero natuto ako nang dahil doon. For teaching me how to feel. Showing me my emotions. Letting me know what's real. From what is not. What I've got is more that I'd ever hoped for. And a lot of what I hope for is. Thanks to you. No mountain, no valley, No time, no space, No heartache, no heartbreak, No fall from grace. Can't stop me from believing. That my love will pull me through. Thanks to You Ethan. Nasaktan ako ng unang beses akong magmahal. Dinala ko yung sakit na yun sa apat na taon. Pero nang dumating siya sa buhay ko, hindi ko inaakalang magbabago ang pananaw ko sa buhay. Hindi ko inaakala na magmamahal ulit ako. Hindi ko inakala na kaya niya akong hilahin pabalik sa realidad. Tinuruan niya akong magmahal ulit. Hindi pa man nagsisimula, marami na kaming pinagdadaanan na pagsubok. Alam kong kakayanin namin to. In the right time, masasabi ko rin sa kanya lahat ng nasa puso ko. In the right time, magkakasama rin kami at magiging masaya kami. I just know because I believe in his love for me and I believe we can get through this together. There's no mountain, no valley. No time, no space, No heartache, no heartbreak, No fall from grace. Can't stop me from believing. That my love will see me through. Thanks to You, Thanks to You Habang kinakanta ko itong linya na to, hinagilap ng mga mata ko kung nasaan si Ethan. Nakita ko siya may bar counter at titig na titig siya sa'kin. Ganun din ako sa kanya. Mas lalo kong nadama yung kinanta ko. For teaching me how to live. Putting things in perspective. Teaching me how to give. And how to take. No mistake. We were put here together. And if I breakdown. Forgive me but it's true. That I'm aching with the love I feel inside. Thanks to You, Thanks to you. Mama & Papa. Kung hindi dahil sa kanila, wala ako ngayon dito. Kung di dahil sa kanila, hindi ko makikilala ang mga taong nagpabago ng buhay ko. Sila ang unang-unang nagturo sakin kung paano magmahal. Sila ang unang nagparamdam sakin ng pagmamahal--walang kamatayang pagmamahal. “Thanks everyone!” Bumaba na ako ng stage at sinalubong ako ng kapatid kong si Ria. Napansin kong iba ang aura niya ngayon. Parang mas blooming siya ngayon. Basta may iba sa kanya. “Alex, congratulations.” Yumakap siya sa’kin. “I’m so happy for you. Ang laki-laki na ng bunso namin. I’m very very happy for you.” Teary-eyed siya habang sinasabi niya yun. “Thanks, Ria.” Hindi ko alam pero ramdam na ramdam ko yung sincerity niya. Siguro kasi tanggap ko na yung past? Siguro nga.

Page 127: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

127

“Halika, Mom and dad has something to tell you.” Sumunod na lang ako kay Ria. Pagkalapit namin sa table nila Mama at Papa, andun si Ethan, si Clarise at si Lex. Nagulat ako ang makita ko si Clarise dun. Wala naman kasi siya sa RnD kanina. Humabol siguro. Si Lex naman, hindi ako magtataka kung andito siya. Syempre, siya may-ari ng bar na ito. Tumayo si Lex sa kinauupuan niya at niyakap ako. “Congratulations, Alex.” “Thank you.” Bumitaw ako mula sa pagkakayakap sa kanya at naupo sa tabi ni Clarise. “O hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa ha? Do you remember your Tita Lucy in Pagudpud?” “Of course, Mom. Why?” “She’s offering us to stay in her rest house in Ilocos for a week. I’d like to take it sana para sa vacation namin ng Papa mo. It’s our graduation gift din for you. I asked Ethan, Lex and Clarise to come with us.” “Sure, Mom. Thank you!” Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit kay Mama. I gave her a tight hug and a kiss on her cheek. “Welcome, anak. We’ll leave in two days time.” Lumingon ako kay Lex. Nakatingin din siya sa akin na parang sinasabing magsisimula na kami. Humugot ako ng isang malamin na hininga bago bumalik sa pwesto ko. Two days. Mayroon akong dalawang araw para ihanda ang sarili ko sa mga dapat mangyari.

Revenge 40 Right Love at the Wrong Time “Sa lahat ng ayoko sa lalaki, yung naninigarilyo,” sabi ko kay Ethan bago pa siya makahithit sa bagong bukas niyang sigarilyo. Kinuha ko mula sa kanya yung sigarilyo at pinatay iyon. Naupo ako sa tabi niya at tumingala sa langit. Pasado alas-diyes na ng gabi pero maliwanag pa rin dahil maraming bituin sa langit. Idagdag mo pang full moon kaya maliwanag ang paligid. “Kapag tinigil ko ba ang paninigarilyo ko, magugustuhan mo na ako?” sabi niya. Ramdam kong nakatingin siya sa’kin kahit nasa mga bituin sa langit ang atensyon ko. “Maybe, maybe not.” Hindi sumagot si Ethan nun. Sa halip, tumingala din siya sa langit at nagmasid sa mga bituin. Lumingon ako sa kanya at bahagyang napangiti. Hindi ko alam kung bakit pero napangiti talaga ako nang mga oras na iyon. Siguro masaya lang ako at kasama ko siya ngayon. Kasama ko siya ng malaya, walang restrictions, at walang komplikasyon. Tumingin ulit ako sa langit, bitbit bitbit pa rin yung ngiti sa labi ko. Narinig ko siyang bumuntong hininga. Pagkatapos, naramdaman ko yung mainit niyang kamay na nakapatong sa kanang kamay ko. Kinuha niya yun at hinawakan ng mahigpit—mahigpit na para bang ayaw niya akong mawala sa tabi niya. Mas lalong lumawak yung pagkakangiti ko. Hindi ko napansin na nakatingin na pala siya sa’kin. “Bakit ka nakangiti ng ganyan?” tanong niya habang nakayuko at nilalaro ang kamay ko.

Page 128: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

128

Kung tutuusin, pwedeng-pwede kong bawiin yung kamay ko na nilalaro niya pero hinayaan ko lang. Masarap kasi sa pakiramdam e. Nakakagaan sa pakiramdam yung ginagawa niya. Parang sa paraang yun, nari-reassure ako na pareho lang ang nararamdaman namin. “Masaya ako e.” Nilipat ko ang atensyon ko sa kanya. Nilingon ko siya at nahuli kong nakatingin pa rin siya sa’kin. Tinignan ko yung mga mata niya ng mabuti. Para akong kinakausap ng mga mata niya. Parang sinasabi sa’kin ng pareha ng mga matang iyon na aalagaan ako ng nagmamay-ari niyon. Na hinding-hindi ako magsisisi sa piling ni Ethan. Na kalimutan ko na lang ang kasunduan namin ni Lex at piliin na lang na makasama si Ethan. “Masaya ka dahil kasama mo ako ngayon?” tanong niya habang may isang nakakaloko at nakakatunaw na ngiti sa labi. “Kasi kasama ko na ulit yung mga magulang ko. Assuming ka naman masyado, Ethan.”Marahan kong tinapik yung pisngi niya. Babawiin ko na sana kaso hinuli niya iyon at kinulong sa mga kamay niya. Hinawakan niya din niya iyon ng mahigpit kagaya ng pagkakahawak niya sa isa ko pang kamay. “Buti naman masaya ka na. Dapat lagi kang masaya. Mas gumaganda ka kasi kapag nakangiti ka.” Napayuko ako sa mga sinabi niya. Pakiramdam ko, lahat ng dugo ko sa katawan ay umakyat patungo sa mga pisngi ko. Parang may ilang libong paru-paro ang nagliliparan sa loob ng tyan ko. Para akong dinaanan ng isang malamig na hangin dahil nagsitayuan ang mga balahibo ko. Sa edad kong ito, oo, kinikilig ako pero pilit kong itinago. “Thank you kasi nagawa mong pauwiin ang parents ko. Kahit hindi ko naman hiniling sayo, ginawa mo pa rin. Ni hindi ko nga maalala kung nasabi ko sayo na pangarap ko talaga yun,” pagi-iba ko sa usapan para hindi na siya mag-comment pa ng kung anu-ano. Baka mahalata niyang kinikilig ako at baka mabuking pa ako nang wala sa oras.

“Wala yun. Alam mo namang lahat gagawin ko para sa’yo. Malakas ka sa’kin e.” Hindi ako sumagot. Sa halip, lumingon ako sa kanya at unti-unti kong nilapit yung mga labi ko sa pisngi niya. Ginawaran ko siya ng isang magaang halik sa pisngi bilang pasasalamat sa ginawa niya. Mukha siyang nagulat sa ginawa ko pero ngumiti na rin siya matapos ang ilang sandali. Napayuko na naman ako para itago ang bahagyang pamumula at pagi-init ng pisngi ko. Ilang minuto na ang nakalipas pero wala pa ring nagsasalita sa’min. Nag-iisip ako ng maaaring sabihin sa kanya para mabasag ang katahimikan pero hindi na pala kailangan. Si Ethan na mismo ang nagsimula ng panibagong usapan. “What do you feel about me, Alex?” Bahagya akong nagulat sa tanong niya. Literal na nanlaki ang mga mata ko nang marinig mula sa kanya ang mga salitang iyon. Ito na ba ang tamang oras para sabihin sa kanya na mahal ko din siya? I don’t think so. Alam ko sa sarili kong gustong-gusto ko nang isigaw sa buong mundo yung nararamdaman ko pero hindi pa pwede. Masyado pang magulo ang buhay ko. Kailangan ko munang iresolba lahat ng gusot na pinasukan ko. Gusto kong magsimula muli in a clean slate. Yung walang inhibitions, walang restrictions, at lalong lalo na, walang nakaraan na hanggang ngayon ay hinahabol pa rin ako. “I like you… as a friend,” may pagka-defensive kong sagot. Sorry Ethan, kailangan kong magsinungaling. Para din naman sa iyo `to. Ayokong madamay ka pa sa gulo ko. “Hanggang friend na nga lang ba, Alex? Hindi ba pwedeng more than friends?” May

Page 129: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

129

lungkot akong nahimigan sa boses niya. Kung alam lang niya yung totoo, siguradong magtatatalon siya sa tuwa. “Ethan…” nanghihina kong sambit habang nakatingin sa kanya. Gustong-gusto kong haplusin yung pisngi niya para pawiin yung lungkot sa mga mata niya pero kailangan kong panindigan yung desisyon ko. May isa akong salita at hinding-hindi ko iyon babaliin. Maprinsipyo at mataas ang pride ko. “Hindi naman ako nagmamadali, Alex. Alam ko namang dadating din ang araw na lalagpas din tayo biglang magkaibgan. Nararamdaman ko yun dito.” Tinuro niya ang lugar kung saan nandoon ang puso niya. “Gusto ko lang malaman kung may pag-asa ba ako.” Mahabang panahon kaming nagtitigan. Ilalabas ko ba yung sinisigaw ng puso ko o magpapadala ako sa sinasabi ng utak ko? Bahala na. Sinunod ko ang gusto ng puso ko. Sumilay ang pinakamatamis na ngiti sa labi ko. Sana sa paraang iyon, naipaabot ko ang gusto kong sabihin. Sana lang naintindihan niya iyon. “Salamat, Alex. Papatunayan kong hindi ka nagkamali na bigyan ako ng pagkakataon. Pangako, ikaw lang.” Ngumiti lang ako. Masyado akong nalulunod sa matatamis na salitang binibitiwan ni Ethan. Minsan naiisip ko, masyado siyang perpekto para sa’kin. Too good to be true. May mga pagkakataon din na pinagdududahan ko kung tao ba talaga siya dahil masyadong surreal. Pinisil niya ng mahigpit yung mga kamay ko at saka inalalayan akong makatayo. Dinala niya ako malapit sa shoreline. Nahiga kami sa buhanginan at nagkwentuhan tungkol sa mga bagay bagay. Mas lalo ko siyang nakilala. Mas lalo ko lang siyang nagustuhan. Mas lalo lang akong na-in love sa isang Sean Ethan Balmaceda. Halos isang oras din kaming nagkwentuhan habang nakahiga sa buhangin. Medyo inaantok na ako kaya hindi ko napigilang ipikit ang mga mata ko. Nagkukwento lang si Ethan nun at tahimik lang akong nakikinig. Kalahati ng diwa ko ay natutulog na. Nang mapansin siguro ni Ethan na hindi na ako sumasagot, saka niya ako niyayang bumalik na sa bahay na tinutuluyan namin. “C’mon, I’ll take you to your room.” Dahil nga half awake, half asleep na ako nun, isang ungol na lang ang naisagot ko sa kanya. Dahan dahan niya akong binuhat at kinarga pabalik sa kwarto na inookupa ko. Habang naglalakad kami pabalik sa bahay ng Tita Lucy ko, isiniksik ko ang sarili ko sa kanya. Sa bawat paghinga ko, naaamoy ko yung panlalaking pabango na ginagamit niya. Hindi naman masyadong matapang iyon pero sapat na yun para unti-unting magising ang natutulog na diwa ko. Ingat na ingat niya akong ibinaba para mabuksan ang pintuan ng kwarto ko. Nakalock kasi iyon at nasa bulsa ko ang susi. Pagkabukas ko ng pinto, papasok na sana ako nang maalala kong magpasalamat kay Ethan. “Thank you sa paghatid. Nag-abala ka pa. Sige, balik ka na sa kwarto mo. Good night, Ethan,” sabi ko sabay talikod. Hahakbang na sana ako papasok ng kwarto nang magsalita siya. “Wala bang good night kiss dyan kahit sa cheeks lang?” “Abuso ka, mister,” natatawang sabi ko. Tumingkayad ako para bigyan siya ng good night kiss sa cheeks nang sa di inaasahang pagkakataon, medyo nadulas ako. Kaya naman imbes

Page 130: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

130

na sa pisngi lang yung good night kiss ko, napunta sa mga labi niya. Pareho kaming na-shock sa nangyari. Ilang segundong nanatiling magkalapat lang yung mga labi namin hanggang sa ipulupot na ni Ethan yung isang kamay niya sa baywang ko at yung isa naman ay napunta sa batok ko. Hinapit niya ako papalapit sa kanya at nagsimulang gumalaw ang mga labi niya. Dapat itulak ko siyang palayo pero hinayaan ko lang siya sa ginagawa niya. Natagpuan ko na lang yung sarili kong tinutugon at ginagaya ang ginagawa niyang mahika sa mga labi ko. Hindi ko maipaliwanang yung pakiramdam. Para akong sasabog sa nakakaliyong sensasyon sa loob ko. Para akong hinahabol ng mga elepante sa lakas ng kabog at tibok ng puso ko. Parang may nagrarambulang mga leon sa loob ng tyan ko sa nakakapanginig na kamalayang nadadama ko. Masarap, malambot, nakakapanghina, nakakapanghalina. Gusto ko pa pero kailangan nang tumigil. Pinagdikit niya yung mga noo namin at tinitigan akong mabuti sa mata. Ganun din ang ginawa ko. Para bang sa tinginang iyon, naiparating namin ang lahat ng bagay na gusto naming sabihin sa isa’t isa. Gusto ko mang magtagal na kasama siya, kailangan nang maputol iyon. Sabi nga nila, “All good things come to an end.” At iyon nga ang nangyari. “Good night, Alex. Thank you,” masuyong sabi niya pagkatapos ay dinampian ng halik ang noo ko. Pumikit ako para namnamin yung pakiramdam na iyon. Pero pagdilat ko, nakatalikod na siya at naglalakad na patungo sa silid na inookupa niya. Pumasok na rin ako at sumalampak sa malambot kong higaan. Nakatitig lang ako sa kisame. Kahit anong pikit ang gawin ko, paulit ulit na nagpeplay sa utak ko yung halik na pinagsaluhan namin kanina lang. Hindi naman iyon ang unang beses na nahalikan ko ng ganun si Ethan pero yung partikular na halik na iyon ay hindi mawala-wala sa isip ko. Walang kamalay-malay na nadampi ko ang mga kamay ko sa labi ko. Para bang nararamdaman ko pa yung malambot na labi ni Ethan sa mga labi ko. Nalalasahan ko pa yung tamis ng halik na pinagsaluhan namin. “Nababaliw na yata ako,” sabi ko sa sarili ko. Ilang oras din akong paikot ikot sa kama dahil sa kakaisip. At naghahallucinate na rin yata ako nang makarinig ako ng mahinang katok sa pinto. Pumikit ako ng mariin at nagbilang hanggang sampu pero may kumakatok pa rin sa pintuan. Minabuti kong tignan kung sino yun. Laking gulat ko nang makita sa labas ng kwarto ko ang taong dahilan kung bakit di ako makatulog. “Ethan anong gi—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hinapit na niya ako papalapit sa kanya at inangkin ang mga labi ko. Humulas na yata yung katinuan ko kaya walang kasabi-sabing tinugon ko yung mga halik niya. Sa sobrang intensity yata ng halik na yun, napasandal na ako sa dingding ng kwarto ko. Nanghihina ako sa bawat galaw niya. Parang sa anu mang oras babagsak na ako dahil talagang nanlalambot ang mga tuhod ko. Patuloy lang kami sa ginagawa namin. Humihiling na lang ako na sana walang magising sa mga kasama naman dahil siguradong mahuhuli kami. Sigurado naman akong kahit bahagyang liberated na ang pag-iisip ng mga kasama namin ay hindi pa rin maganda na makakita sila ng dalawang taong nagme-makeout lalo na’t wala namang relasyon.

Page 131: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

131

May ilang minuto rin ang tinagal ng halik na iyon ni Ethan. Pareho kaming hingal na hingal nang matapos yun. Ppinagdikit niya yung mga noo namin at sabay na hinabol yung mga hininga namin. “Sorry, hindi ko na napigilan ang sarili ko. I’ve been thinking about the kiss we had earlier and I can’t stop wishing to feel your lips again. I know it sounds gross but hey, I’m being honest. I’m trying so hard to control myself pero naka—” “Shh,” sabi ko habang nakalapat yung hintuturo ko sa labi niya. Hindi ko alam kung anong nangyari sa self control ko. Humulas na yata lahat ng iyon at nabalot na ako sa magic spell ni Ethan. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at tinitignan kong mabuti ang mga mata niya. Desire was clearly visible in his blue eyes. At base na rin doon, alam ko na kung ano ang kakahantungan ng ginagawa namin. It is something that I will be doing for the first time. Wala akong planong mag-back out. Gusto ko ito, ginusto ko ito at paninindigan ko ito. Hindi ko na alam kung paano kami nakapasok sa kwarto ko. Basta ang alam ko, nakahiga na ako sa kama at nasa ibabaw ko na siya. Masyadong mabilis yung mga pangyayari. Ang sunod ko nang nalaman ay halos wala kaming damit. “Are you sure about this, Alex?” bulong ni Ethan sa tainga ko. Nakabaon yung mukha niya sa balikat ko at binibigyan yun ng magagaang halik. “Never been this sure of myself, Ethan.” Masuyo niya akong tinignan pagkatapos ay hinalikan na naman niya ako sa labi. At sa halik na iyon, nakalimutan ko lahat ng inaalala ko. Nakalimutan ko ang sarili ko. Ako at si Ethan lang ang importante sa mga sandaling iyon. That night was full of passion and of love. That night was one special night. It was night when I offered myself to the man I love. It was the night when our two souls become one.

ETHAN Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa balat ko. Napangiti naman ako. Naalala ko yung mga nangyari kagabi. It was wonderful, pleasant. A memory worth remembering. Hindi ko inaasahang sakin ipagkakaloob ni Alex yun. Kinapa ko yung tabi ko. Napakunot ang noo ko nang wala akong nakapang tao. Agad akong lumingon sa kanan ko kung saan nakapwesto si Alex nang matulog kami pagkatapos ng ginawa namin. Wala na talaga siya dun. Bumangon na ako at isa-isang sinuot yung damit kong nakakalat sa sahig. Napangiti na lang ako nang makita ko yung ebidensya ng nangyari kagabi. Dahil dun, naassure akong mag-iiba na lahat between us. Maingat akong lumabas ng kwarto niya at nagpunta sa kwarto ko. Nakasalubong ko pa ang mommy ni Alex pero buti na lang hindi niya ako napansin na galing sa kwarto ni Alex. “Good morning po, Tita.” “Good morning din, Ethan. Halika, let’s go down. Breakfast’s ready. Si Alex pa mismo ang nagluto.” “Sige po, Tita, susunod na lang po ako. I’ll take a shower first.” “O sige, dalian mo at baka maubusan ka pa. Malakas pa namang kumain ang dalawang lalaki doon sa dining room.”

Page 132: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

132

Dalawang lalaki? Ang natatandaan ko lang naman na lalaking kasama namin ay ako at ang daddy ni Alex. Baka andun na yung pinsan ni Alex na si Rain. Nagmadali akong maligo para makababa agad ako. Pagkabihis na pagkabihis ko, lumabas agad ako ng kwarto at dumiretso sa dining hall. Sinaluhan ko yung mga kumakain doon na sina Clarisse, Ria, at yung parents nila Alex. Lumabas lang daw si Alex sandali dahil may sasalubungin. After a while, dumating yung pinsan ni Alex na si Rain kasama yung girlfriend nitong si Alyssa na napag-alaman kong three months pregnant na pala. Napaisip tuloy ako. Hindi imposibleng mabuntis ko rin si Alex. After all, hindi kami gumamit ng protection. We’ll cross the bridge when we get there na lang. Matatapos na akong kumain nang makita ko si Alex na papasok ng dining hall. Nakangiti siya pagpasok niya pero nang magtama yung mga mata namin, biglang nawala yung ngiti na yun. Bakit? Siguro naiilang pa siya sakin at hindi niya alam kung paano ako pakikitunguhan. Napansin kong nakasunod pala sa kanya si Lex. Nakangiti na naman siya this time. Pero sa tuwing magtatama talaga yung tingin namin, nawawala yung ngiti niyang yun. What the hell? Anong meron? Uminit ang ulo ko nang makita ko silang magkaholding hands na lumabas ng dining hall pagkatapos nilang kumain. Mas lalong nagatungan yung init ng ulo ko nang marinig kong nag-usap yung parents ni Alex at yung pinsan niya. “Tita, boyfriend po ba ni Alex yung lalaki?” tanong ng girlfriend ng pinsan niyang si Rain. “Ang sabi ni Alex sa’kin kanina, boyfriend niya daw si Lex. Yun pala yung matagal na niyang boyfriend. High school pa lang siya e sila na. Kaya nga hindi sumama sa’min yun sa Canada e,” pagkukwento ng mommy ni Alex. What? Pumayag si Alex na may mangyari sa’min tapos sila na pala ulit ng Lex naa yun? Ano to, lokohan? “Ang akala ko nga ay itong si Ethan ang boyfriend ni Alex. Biruin mo talagang kinumbinse pa kami na umuwi para sa graduation ni Alex.” “Nako, hindi ho kami ni Alex,” sagot ko sa daddy ni Alex. At mukhang hindi magiging kami dahil may Lex na siya. “Excuse me lang po.” Umalis na ako sa dining room dahil baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Pumasok na lang ako sa kwarto at tumambay sa terrace nun. Kumuha ako ng sigarilyo at sinindihan iyon. Kung minamalas nga naman ako, kitang-kita ko sina Alex at Lex na naghaharutan sa beach. Ang lakas din naman ng loob ni Alex na makipaglandian sa lalaking yun at wag akong pansinin matapos ng nangyari sa’min kagabi. Nang makabalik na sila sa table nilang malapit sa beach, kinuha ko ang cellphone ko at nagtext kay Alex. Ethan Kayo na pala ulit ni Lex. Kaya pala hindi mo na ako pinapansin. Matagal bago sumagot si Alex. Busy kasi siya dun sa Lex niya. Da’mn. Mas lalong nag-iinit ang ulo ko. Alex Hindi kami ni Lex. This is my job, Ethan. Ethan

Page 133: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

133

Right, so what about us, Alex? Something happened between us. Alex Let’s not talk about this right now, E. It doesn’t matter, okay. Normal lang yun. Lust. Ethan You call that lust? Heck, it was done out of love, Alex. I felt it that night. Alex Please Ethan? Intindihin mo muna ako. Ethan Paano naman ako, Alex? Paano kapag nahulog ka na naman dyan sa lalaking yan? Paano na ako? Etsapwera na lang, ganun? Alex Imposible yang sinasabi mo. Ethan It’s not, Alex. It can happen. Alex Talk to you later Ethan Fine. I’ve made up my mind. I don’t care if it messes with your plans. Desidido ako. I'LL COURT YOU Hindi ko na hinintay yung sagot niya. Kumuha ulit ako ng isang stick ng sigarilyo. Ganito ako kapag tensyonado, nagiging smoker. It’s a habit I’m trying to break slowly. After 5 minutes, nag-ring ang phone ko signaling a message. Tinignan ko kung kanino galing yun. It was from Alex. Alex I’m sorry Ethan pero my job’s much important right now. I like you pero I really have to finish my job first before I could go on a relationship with you. It’s like a right love at the wrong time. Hope you understand. Da’mn. Ang sakit. Right love at the wrong time. Ganun man ang desisyon niya, I won’t back down. I know I stand a chance. Desidido ako sa sinabi ko kanina. I’ll show her that I am much important than her job.

Revenge 41 Truth or Dare “Bakit mag-isa ka lang dito?” Nilingon ko yung pinanggalingan ng boses at nakitang nakatayo sa likod si Lex na may hawak na dalawang bote ng San Mig Light. Umupo siya sa tabi ko pagkatapos inabot sakin yung isang bote. Tumungga ako ng isang beses bago sinagot ang tanong niya. “Wala naman, nagmumuni-muni lang.” “Kanina ko pa napapansin na palagi kang spaced out.”

Page 134: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

134

“May iniisip lang ako.” “Si Ethan ba?” makahulugang tanong ni Lex. Tinungga niya yung natitirang laman ng bote niya at tinignan ako ng mabuti sa mata. Tumango ako. Hindi ako makapagsinungaling. Alam kong magaling akong magtago pero may mga taong sadyang magaling manghuli ng sinungaling. At isa na si Lex doon. Titignan ka lang niya ng mabuti sa mata, malalaman niya kung nagsasabi ka ba ng totoo o hindi. “Anong problema? You know you can confide in me. Friends na naman tayo, hindi ba?” Ngumiti ako ng mapait nang marinig ko ang salitang ‘friends.’ Naalala ko si Ethan sa salitang yun. Magkaibigan kami pero alam namin parehong higit pa dun yung gusto namin. “Mahal ko siya, Lex. Sobra sobra.” pag-amin ko. Dito rin naman mapupunta tong usapan na to kaya mas mabuti pang aminin ko na rin. “Mukha namang mahal ka rin niya. Sabihin mo sa kanya para tapos na ang pinagmumukmok mo dyan.” “Hindi ganun kadali, Lex.” Uminom ako ulit ng kaunting beer. Umaasa akong bibigyan ako ng kaunting tapang ng inuming yon. “Bakit? Dahil hindi ka pa handa kasi natatakot kang masaktan ulit kagaya ng nagawa ko sayo noon? Tapos na yun, Alex. Iba ako sa kanya. Hindi naman niya gagawin yung surprise niyang pauwiin ang parents mo kung hindi siya seryoso di ba? Di naman yan mage-effort ng todo kung wala talagang gusto sayo. Give him a chance, Alex.” “Gusto ko man, mahirap gawin lalo na sa sitwasyon ko ngayon. Gusto ko kapag nagsimula ulit ako, yung malinis na ako. Yung iiwan ko na tong trabaho kong ito.” Natahimik sandali si Lex. Ilang minuto din bago siya nagsalitang muli. “Alam mo, kung nahihirapan ka dahil sa usapan natin, pwede ko namang bawiin to e. Masyado na kitang nasaktan noon. Kahit ito man lang ang bayad ko para sumaya ka naman. Alam kong ginagawa mo to para maka-move on ka na. Sa tingin ko naman ay hindi mo na kailangan na gumawa pa ng revenge plans dahil nagmamahal ka na ulit. At dahil yun kay Ethan.” Hinaplos ni Lex ang mga pisngi ko at pinunasan ang mga luhang hindi ko namalayang tumulo na pala. Hinila niya ako palapit sa kanya para yakapin ako. Habang yakap-yakap niya ako, hinahayaan lang niya akong umiyak sa balikat niya. Hindi ko inaasahan na ang dating bumasag sa puso ko ang siya pang magpapatahan sakin ngayon. Siguro nga tama si Lex. Hindi ko na kailangan ng ganitong trabaho dahil gaya ng sabi niya nagmamahal na ako ulit. Hindi na ako yung dating Alex na bato ang puso at walang konsensya na magpaiyak sa mga walang hiyang bumabasag ng puso ng mga nagmamahal sa kanila. “May nangyari na samin.” “E di mas kailangan na magkaayos kayo. Ibaba mo na kasi yang pride mo.” Nasa ganung pwesto (magkayakap) kami nang maabutan kami nina Rain, Alyssa, Ria at Ethan. “Ang sweet naman ng lovers na to. Inggit tuloy kami ng girlfriend ko. Babe, payakap nga.” Niyakap din ni Rain si Alyssa

Page 135: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

135

“Nako, ang inggitero mo talaga!” Hindi na bumitiw si Alyssa sa pagkakayakap kay Rain hanggang sa makaupo silang lahat. “Uy, may empty bottle. Laro tayo ng spin the bottle.” Kinuha ni Rain yung bote ng beer na ininuman ni Lex kanina. Pinalipat niya kami ng pwesto para tabi-tabi yung girls at sama-sama yung boys. Kung sinuswerte nga naman ako, katapat ko pa si Ethan. Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. Nahihiya ako matapos ng ginawa ko sa kanya. Naiilang ako sa mga tingin na binibigay niya sa’kin. Pakiramdam ko, matapos ng ginawa kong pagpili sa trabaho, hindi na ako deserving sa mga bawat titig niya. Nagsimula na yung laro pero wala dun yung isip ko. Nakikitawa na lang ako at nagpadala sa mga nangyayari. “Oh, Ria!” tumatawang sigaw ni Rain. Kay Ria kasi tumapat yung bottle. “Truth or Dare?” “Truth.” “Ay, ako. Gusto ko ako magtatanong kay Ria!” prisinta ni Alyssa. Medyo naka-close na niya si Ria sa ilang araw na pagstay namin dito. “Go, babe. Dapat pamatay yang tanong mo ha?” “Ehem, Ria, nagmahal ka na ba ng sobra tto the point na nakasakit ka ng kapwa?” Matagal bago nakasagot si Ria. Nagpalipat-lipat yung tingin niya samin ni Lex. Mukha pa ngang maiiyak na siya pero pinipigil niya. “Ria?” tawag sa kanya ni Rain. “Huh? Uhm, oo. And I regret doing it kasi talagang nasaktan ko yung girl. I wish I could say sorry to her and give back her happiness but it’s too late.” Habang binibigkas niya yung mga salitang yun, ilang beses ko siyang nahuling sumulyap sakin. May ilang luha na nakawala mula sa mata niya pero agad din niyang pinunasan yun. “O, spin ko na ha?” Medyo nagtaka ako kung bakit ako ang tinitignan ni Ria habang nagsasalita siya. Alam niya bang naging kami ni Lex noon? Alam na ba niya kahit noon pa na pinagsabay kami ni Lex? Alam niya ba ang lahat ng to all along? Nagtuloy-tuloy lang yung laro hanggang sa magkasawaan na. Napagkasunduan na yung spin na gagawin ni Lex ang huling spin ngayong gabi. Medyo late na rin kasi at masama para sa buntis ang matulog ng late. Kahit malalaki na kami, papagalitan pa rin kami ng mommy ni Rain dahil hinayaan namin magpuyat si Alyssa. “Lex, galingan mo mag-spin. Madaya si Alex hindi pa natatsambahan e,” reklamo ni Alyssa. Hindi pa nga kasi ako natatapatan nung bote kaya parang hindi rin ako kasali sa laro. “Swerte lang talaga ako.” Tumingala ako habang naghihintay ng paghinto ng pag-ikot ng bote nang marinig kong naghiyawan sila. “YES!” “Anong meron?” “Paano ba yan, naubos na yata ang luck mo, pinsan?” maangas na sabi ni Rain. Pinaikot

Page 136: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

136

ko lang yung mga mata ko in response. “Dare ako.” Sinagot ko na kaagad sila kahit di pa sila nagtatanong. Nakaramdam ako bigla ng kaba. Hindi ko alam kung bakit pero talagang kumabog yung dibdib ko. “Sino gusto mag-dare kay Alex?” Bago pa makapagsalita yung iba, naunahan na sila ni Ethan. At hindi ko inaasahan ang ipapagawa niya. “Between Lex and me, kiss the one you love most.” “Dapat sa lips!” Oh, Lord, ano bang gagawin ko? Can I just walk away from this game? Pero ayoko namang masabihan na weakling. Ano gagawin ko? Will I follow my heart that says go for Ethan or will I follow my mind that says go for Lex? Bahala na. Bumuntong hininga ako bago ako tumayo. Kulang na lang lumabas na yung puso ko sa sobrang kaba at halos mabingi na rin ako sa sobrang lakas ng pintig ng puso ko. Sinong pipiliin ko? Tinawid ko na yung pagitan namin. Unti-unti kong nilapitan yung napili ko at nag-squat sa harapan niya. Humugot ulit ako ng isang malalim na malalim na hininga. “I’m sorry,” bulong ko sa napili ko bago ko pagdikitin yung mga labi namin. Ilang segundo rin magkalapat yung mga labi namin. Naramdaman kong kumilos yung nasa tabi ko at sumigaw si Rain. “ETHAN! Saan ka pupunta?” Agad akong kumalas kay Lex at tinignan yung daang tinatahak ni Ethan. Si Ethan, nagwalk out dahil mas pinili ko si Lex kaysa sa kanya. Mas pinili ko ulit yung trabaho ko. Yumakap ako kay Lex habang umiiyak at sinasabing, “I’m sorry, Ethan. I’m so sorry.”

Revenge 42 Warning Naiwan kami ni Lex sa labas hanggang sa kumalma na ang pakiramdam ko. Nang mahimasmasan na ako, pumasok na kami sa loob ng bahay. Sa kitchen niya ako dinala para painumin ng tubig. Nanuyo kasi yung lalamunan ko sa sobrang pag-iyak kanina. Pupunta na sana ako ng kwarto ko nang biglang hablutin ni Lex ang kamay ko. Ipinaghila niya ako ng upuan at pinaupo doon. “Dyan ka lang muna,” utos niya. Sumunod naman ako dahil wala na akong lakas na makipagtalo pa. Naging mabait siya sa’kin ngayong araw na to kaya magiging mabait din ako sa kanya. Pinanood ko siya habang nagpe-prepare ng pagkain. Kumalat sa buong kusina yung amoy ng niluluto niyang seafood pasta. Naramdaman kong kumulo yung tyan ko. Doon ko lang naalala

Page 137: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

137

na hindi pala ako nag-dinner. Ang lakas ng loob kong uminom ng beer pero wala palang laman yung tyan ko. “Here, alam kong nanghihina ka ngayon kaya kailangan mong kumain,” sabi niya habang pinaglalagay ako ng isang serving ng pasta sa plato. “Thanks, Lex. I need this. I haven’t eaten dinner and it’s past two in the morning.”

“Indulge yourself.” Tahimik lang kaming dalawa sa kusina. Ako, kumakain. Siya, pinapanood niya akong kumain. Nakakailang pero pinabayaan ko na lang. Dumampot si Lex ng tissue at walang sabi-sabing pinunasan yung gilid ng labi ko. Nagulat ako sa ginawa niya kaya napatigil ako sa pagkain. “Hanggang ngayon ang kalat mo pa rin kumain,” komento ni Lex sakin. “Some things never change.” “Agree, like my feelings… .” Hindi ko masyado narinig yung huling sinabi ni Lex. Habang binibitiwan niya yung mga salitang yun, diretso siyang nakatitig sakin. May kakaiba dun sa paraan ng pagkakatitig niya sakin. Hindi ko lang malaman kung ano yun pero iba. Ibang-iba sa nakagawian. Nakakailang. “Right.” Hinayaan ko na yung iniisip ko tungkol sa titig ni Lex. Inubos ko na yung pagkain ko tapos dumiretso na ako sa lababo para hugasan yung pinagkainan ko. Pagkatapos kong hugasan yung ginamit ko, tinignan ko yung pinuwestuhan namin kanina pero wala na dun si Lex. Umakyat na siguro. Nasa may living room na ako nang mapansin kong may tao pala doon. Lalake, nakasandal yung ulo sa backrest ng upuan. Nilapitan ko yung lalake para sabihang lumipat na sa kwarto dahil mukhang nahihirapan na siyang matulog doon. Paglapit ko, si Lex pala yun. Hinihintay siguro akong matapos maghugas pero dahil medyo mabagal ako, nakatulog na siya sa paghihintay. “Lex, `lika lipat ka na sa kwarto mo.” Tinapik-tapik ko siya sa balikat para magising siya. mabilis din siyang dumilat, tanda ng mababaw na pagtulog. “Pagod ka na rin. Doon ka na sa kwarto mo magpahinga.” Tumango lang siya tapos sumunod na siya sakin paakyat ng second floor. Nasa may mga guest rooms na kami nang bigla siyang magsalita at nang mablangko ang utak ko. “Bakit ako ang pinili mo, Alex? Chance mo na yun kanina. Bakit ako ang hinalikan mo?” Bakit nga ba? Dahil sa lintek na pride kong pagkatayog-tayog? O dahil duwag lang akong aminin kay Ethan dahil nasaktan ko siya ng sobra? Pero either way, nasaktan ko pa rin siya. “Mas importante ang trabaho ko kesa sa ibang bagay.” Masyado ko na yatang na-master ang trabaho ko kaya napakadali na lang para sakin na magsinungaling. Magsasalita sana si Lex pero naunahan ko siya. Lumapit ako sa kanya at humawak sa baywang niya. Binulungan ko siyang akbayan ako at umaktong parang sweet na sweet kami sa isa’t isa. Nakita ko kasing palabas si Ria galing sa CR. Kung gusto talaga ni Lex na pagselosin si Ria, kailangan naming gawin to.

Page 138: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

138

“Tulog ka na, Lex,” malambing na sabi ko kay Lex nang marating namin yung kwarto ko. Nasa labas pa rin ng kwarto niya si Ria kaya umaacting pa rin kami. “Hmm, sige pero matulog ka na rin ha? Alam kong pagod na pagod ka na.” Hinaplos ni Lex yung pisngi ko na para bang alalang-alala siya sa’kin. Yun din ang nababasa ko sa mga mata niya. Mas magaling pa pala umarte si Lex sakin. “Thank you nga pala sa pasta ha? Nagustuhan ko ng sobra. Isa sa mga favorite ko yung niluto mo.” “Buti naman at nagustuhan mo. O sige, una na ako ha? Matulog ka na. Good night.” Humugot ako ng isang malalim na hininga bago pinakawalan ang mga salitang, “Good night. I love you.” “I love you too,” sagot niya sabay halik sakin sa lips. Smack lang yun pero iba ang epekto. Unlike kay Ethan na may kung anong kilig na hatid, yung kay Lex wala. Walang kilig. Walang epekto. Wala lang. Ngumiti lang sakin si Lex tapos kinurot ako sa pisngi. Pagkatapos nun, lumakad na siya papunta sa sarili niyang kwarto. Marahan lang siyang tumango kay Ria nang madaanan niya ang kapatid ko. Nang makapasok si Lex, pumasok na rin ako sa kwarto ko. Binagsak ko yung sarili ko sa kama. Nakatingin lang ako sa kisame at parang pirated CD na paulit-ulit nagplay sa isip ko yung nangyari nung nakaraang gabi. Pinipilit ko yung sarili ko na makatulog nang makarinig ako ng marahang katok sa pinto ng kwarto ko. Hindi ko dapat papansinin at magkukunwari na lang akong tulog na pero hindi nawala yung mga pagkatok. May kabagalan kong tinungo ang pintuan para malaman kung sino ang gustong makipag-usap sakin sa ganitong oras. “Can we talk?” bungad ni Ria pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto. “It won’t take long. Gusto ko lang malinawan sa ilang bagay.” “Sige, ikaw ang bahala.” “Kayo na ba ni Lex?” Seryoso yung hitsura niya habang tinatanong niya sakin yan. Ngali-ngali kong sabihin sa kanya na hindi pero nasimulan ko na tong palabas na to at wala akong balak umurong. “Oo, break na naman kayo di ba?” “Oo, mas pinili ko kasi yung isa kong manliligaw na mas mayaman kaysa sa kanya. Pero nakipagbreak na rin ako dun sa lalaking ipinagpalit ko sa kanya. Iba kasi si Lex. Iba yung may halos pitong taon na pinagsamahan.” Talagang inemphasize pa ni Ria yung katagang ‘pitong taon.’ “Sorry pero wala akong plano ipamigay ang akin na.” Ginagaya ko lang ang ginawa niya sa’kin noon. Oo, inaamin ko may konting sama pa rin ako ng loob sa kapatid ko. “Alex, mag-ingat ka. Baka pinaglalaruan ka lang ni Lex. Alam mo na, ganti sakin dahil iniwanan ko siya.” “Alam ko ang ginagawa ko, Ria. Malaki na ako. Kaya ko na ang sarili ko.” “Pinapaalalahanan lang kita, Alex. I’ve known Lex for half my life. You don’t know how he plays his game.”

Page 139: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

139

“Again, kaya ko na ang sarili ko, Ria. Salamat sa concern. Kung wala ka nang sasabihin pa, makakaalis ka na. Matutulog na ako.” Akmang isasara ko na ang pinto nang pigilan niya yun. Napilitan akong pagbuksan ulit siya. “Don’t say you weren’t warned, Alex. Concerned lang ako sa nag-iisa kong kapatid.”Walang ibang bakas ng emosyon kundi pag-aalala ang makikita sa mga mata niya. Alam kong nagsasabi siya ng totoo. Kung alam lang niya, siya ang minamanipula dito sa larong ito. Kung alam lang niya, wala siyang dapat ipag-alala. “Good night.” Sinara ko na ang pinto at binagsak muli ang sarili ko sa kama. Katulad kanina, nakatulala lang ako sa kisame. Habang hinihintay kong makatulog ako, bumalik na naman isip ko yung pagwo-walk out ni Ethan. Nalimutan ko agad yung mga pinag-usapan namin ni Ria. Si Ethan lang talaga yung inaalala ko ngayon. Kaya naman tuloy-tuloy na naman ang pagdaloy ng luha ko mula sa aking mga pisngi. Tuloy-tuloy ako sa pag-iyak hanggang sa makatulog ako ng may luha sa mga mata. Tama ba itong ginagawa ko?

Revenge 43

Home Alone Nagising ako sa pagdampi ng mainit na sikat ng araw sa mga pisngi ko. Tinignan ko yung orasan na nakapatong sa ibabaw ng bedside table ko. Nakaturo yung maliit na kamay ng orasan sa 7 samantalang sa 12 naman yung mahaba. Alas siyete pa lang ng umaga at halos tatlong oras lang ang tulog ko. Humiga ulit ako sa kama at pumikit ng mariin para makatulog agad ako pero iba yata ang plano ng tadhana para sa akin ngayon. Nag-ring ang cellphone ko, indikasyon na may tumatawag sa’kin. Kinapa ko yung kinalalagyan niya (bedside table) hanggang sa mahawakan ko na yung cellphone ko. Pikit mata kong sinagot yung tumatawag. Inaantok pa talaga ako. “Hello?” bati ko sabay hikab pagkatapos. “Anak si Mommy ito. Tumawag lang ako to check on you.” “Bakit, Ma, asan kayo?” “Nagpunta kami ng mga Tita Lucy mo sa bahay ng Lolo Genaro mo. Kasama ko yung mga pinsan mo at si Ria.” “Si Lex at Ethan, Ma? Kasama niyo rin?” “Si Lex pumunta ng bayan. Si Ethan naiwan dyan. Hindi mo pa ba siya nakikita?” Biglang nagising ang diwa ko sa sinabi ni Mama. Naiwan si Ethan dito sa bahay. Bukod sa mga kasambahay, kaming dalawa lang dito ngayon. Am I doomed or what?

Page 140: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

140

“Kagigising ko lang kasi, Mommy.” “O sige anak, breakfast ka muna. I’ll call you later. Kakadating lang namin sa bahay ni Papa. Ingat kayo dyan ha? Call me if you need something.” “I will, Mom. Say hi to Lolo for me. Bye!” Pinutol na kaagad ni Mommy yung tawag. Ako naman, nagtalukbong ng kumot at pumikit ng mariin. Pinilit ko yung sarili kong matulog ulit dahil hindi ko alam kung paano pakikiharapan si Ethan. Sa huli, nag-give up din ako sa pagpipilit na matulog ulit. Nanatili akong nakatalukbong ng kumot. After a while, narinig kong bumukas ang pinto pero hindi ko pinansin. Baka isang kasambahay lang at kukuha ng maruming damit. Pero hindi. Naramdaman kong lumundo yung isang side ng kama. May umupo sa tabi ko kaya napilitan akong tanggalin yung kumot na tumatakip sa mukha ko. “Oh my, God.” Magtatalukbong ulit sana ako kaso napigilan niya ako. Napigilan ako ni Ethan. “C’mon, get up. Gutom na ako so let’s eat breakfast.” “Kumain ka mag-isa mo.” Okay, I didn’t mean that. Naiilang lang talaga ako. “Don’t be so rude, Alex. I’m hurt, deeply hurt. C’mon, let’s eat breakfast. Kapag hindi ka pa tumayo dyan, bubuhatin kita hanggang sa breakfast nook. And I am not joking.” Sa paraan ng pagsasalita ni Ethan ngayon, parang wala lang yung nangyari. Nakangiti siya, kalmado siya, mukha siyang masaya. Total opposite of what I am feeling. Ako nakasimangot, ninenerbiyos, natetension, parang aatakihin sa puso at hindi mapakali. Paano niya nagagawang maging cool lang? Ugh, unfair. :| I stood up and followed him to the breakfast nook. Tahimik lang ako kahit salita siya ng salita. Hindi ko alam ang gagawin or sasabihin kaya deadma na lang. “You are so cold, Alex.” “Sorry,” I whispered. Nahihiya ako sa kanya. Alam ko kanina ko pa pinapaulit-ulit at nakakainis na. Naiinis na rin ako sa sarili ko. Nang maubos na namin yung pagkain, kinuha niya yung pinagkainan ko para magligpit. Nakaupo lang ako dun at nanonood sa kanya. Pagkatapos niyang maghugas ng plato, kinuha niya yung kamay ko. He locked our fingers then without saying a word, he dragged me out of the house. Naglakad-lakad kami sa shore. I gathered all my courage to speak out what I wanted to ask him. I am bothered with his actions. Parang may kakaiba sa kanya. Or paranoid lang ako? “How can you act like this, Ethan? You know something’s up between us yet you act so normal.” “You mean me, acting cool?” He put his pace on halt. Without taking his hand on mine, he

Page 141: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

141

positioned himself behind me then hugged me from behind. He rested his chin on my shoulder; I could feel his warm breath on the sensitive part of my neck. “I convinced myself to understand you. If I want to be with you, I should learn how to accept your job, your decisions, and your priorities. I haven’t accepted it fully, but yeah, I’m on the process.” “Why do you want to be with me?” “Simple lang. Mahal kita.” He kissed my shoulder tenderly. His reason. It was enough for me. “Thank you for understanding me.” Hindi na siya nagsalita pa. Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad sa dalampasigan. Hindi na awkward yung kkatahimikan na namamagitan samin. It was meaningful. Para bang sa katahimikan na yun nag-uusap yung mga puso namin, yung mga kaluluwa namin. Bumalik na kami sa bahay nang may kasikatan na yung araw. Takot kasi mangitim yung kasama ko kaya ganun. Hindi, biro lang. maghahanda pa daw kasi siya ng lunch namin. Pagdating namin dun, naunahan na kami ng kasambahay na magluto. Nagpasya na lang kaming tumambay sa kwarto niya para manood ng movie. May dala kasi siyang ilang DVDs na talagang ipinagmalaki niya sakin. “Bakit ka nag-walk out kagabi? You know, when I chose Lex over you.” “He was your ex-boyfriend, Alex. You loved him so much. Kaya nung siya yung pinili mo, I thought may feelings ka pa rin sa kanya. Pinangunahan ako ng sobrang selos.” “Paano kung may gusto pa nga ako sa kanya? Na siya pa rin ang mahal ko?” Natahimik bigla si Ethan. Lumungkot yung expression ng mukha niya. Alam kong na-bother siya sa mga sinabi ko. “Ang cute mo,” sabi ko na lang sabay pisil sa mga pisngi niya. Bahagyang nag-liven up yung mood niya kaya medyo nakahinga ako ng maluwag. Natapos namin yung pinapanood namin pero yung kasama ko nakatulog na. Nakahiga siya sa lap ko at sarap na sarap sa pagtulog. Hindi ko na napigilan yung sarili ko na marahang suklayin yung buhok niya gamit ang mga kamay ko. After doing so, sinandal ko yung ulo ko sa backrest ng couch at ako naman yung nakatulog.

--- Nagising ako bandang alas kwatro na ng hapon. Paggising ko wala na si Ethan sa kwarto at nasa kama na rin ako. Dumiretso ako sa kitchen para maghanap ng pagkain dahil nagrereklamo na yung mga alaga ko sa tyan. Buti na lang may natira pang pagkain kaya pinainit ko na lang yun. Nanood ako ng TV pagkatapos nun. Saka ko lang naalala yung cellphone ko. Baka tumatawag na si Mommy kaya dumiretso ako sa kwarto ni Ethan para kuhain yun. sakto namang nagri-ring yun nang kuhain ko. Pero hindi si Mommy ang tumatawag kundi si Ethan.

Page 142: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

142

“Where are you?” bungad ko sa kanya pagkasagot ko ng tawag niya. “Just around. Where are you?” “In your room.” “Silip ka sa terrace please?” Sumunod naman ako. Nakita ko siyang nakatayo sa ilalim ng puno ng niyog. Saka ko lang napansin yung sulat sa buhangin. Nagulat ako ng sobra sa nakasulat. Simple lang yung words pero talagang tumatak sa puso ko. ‘Alexis Danielle Fernandez, will you let me prove to you how much you mean to me?’ “Judging by your expression, I’m pretty sure you’ve seen it already. So, what’s the verdict?” “Teka, anong ibig sabihin nito?” Naguguluhan ako kahit sa totoo lang kinikilig ako. Kahit ako di ko maintindihan sarili ko. Will I agree to my heart this time? O pride ko na naman ang paiiralin ko? Kaya ko bang makitang masaktan si Ethan? Masyado ko na siyang naaargabyado dahil sa pinaggagagawa ko. Will I let myself be happy? “Hmm, in layman’s term, pwede bang manligaw sa’yo Alex?” This is my chance at happiness. I nodded.

Revenge 44 Players of the Game ALEX Right after our Pagudpud trip, my parents decided to have a trip down south. May reservations na pala sina Mommy at Daddy sa isang kilalang resort dito sa Batangas. Gusto daw kasi nilang sulitin ang bakasyon nila sa Pilipinas dahil di daw nila alam kung kelan sila ulit makakabalik dito. Nakaupo ako sa kama at nagbabasa ng isang libro nang may kumatok sa pintuan ng cabin na ino-occupy ko. “Pasok,” sabi ko na lang dahil masyado akong engrossed sa binabasa ko. It has been a while since I last read a good book. “The Alchemist by Paulo Coelho,” pagbasa ng pumasok sa librong pinagpipiyestahan ng mga mata ko . Hindi ko na kailangan tignan kung sino yung pumasok. Boses pa lang, alam ko na kung sino yun. Pamilyar na pamilyar na sa’kin ang boses na yun. No doubt, it was Ethan. “Is it good? I mean, the book.” Tumango lang ako. Ganito ako kapag seryoso sa ginagawa. Lalo na kapag nagbabasa ako. Kaya medyo lumabo ang mga mata ko dahil kahit hatinggabi at patay ang ilaw, nagtatiyaga ako sa ilaw mula sa bedside lamp. Kumilos si Ethan para makaupo sa tabi ko. Sinandal niya yung ulo niya sa balikat ko at nakibasa. Pero di rin nagtagal, na-bore siya at nagsimulang kulitin ako.

Page 143: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

143

Kinuha niya yung isa kong kamay at nilaru-laro iyon. Siguro napagod siya kaya hinawakan na lang niya yun ng mahigpit. Kahit nagbabasa ako, nakikikta ko mula sa peripheral vision ko na titig na titig siya sa mukha ko. Di kalaunan, nagsimula siyang mag-hum ng isang kanta hanggang sa kantahin na niya ng tuluyan. “I hung up the phone tonight. Something happened for the first time deep inside. It was a rush, what a rush. ‘Cause the possibility That you would ever feel the same way about me It’s just too much, just too much Why do I keep running from the truth? All I ever think about is you You got me hypnotized, so mesmerized And I’ve just got to know” Hindi ko alam kung nananadya si Ethan o nagkataon lang pero masyado akong tinamaan dun sa kanta na yun. Lalo na sa part na, “Has it ever crossed your mind ehen we’re hanging, spending time girl, are we just friends? Is there more, is there more? See it’s a chance we’ve gotta take ‘cause I believe that we can make this into something that will last. Last forever, forever” “O, why did you stop reading?” tanong niya sa akin nang mapansin niyang nakikipagpaligsahan ako ng titigan sa kalawakan. Kinaway niya pa sa mukha ko yung kamay niya para matauhan ulit ako. “Na-distract ako.” Totoo naman eh. Na-distract ako sa message ng kanta niya. Saktong sakto kasi sakin. Minsan grabe rin maglaro ang tadhana, no? kung ano pa yung iniiwasan ay siya pang nagpaparamdam satin. Malakas din man-trip ang tadhana ano? “Let’s swim, princess.” Nilaro na naman niya yung kamay ko. Somehow, I felt relaxed and calm. “I’m busy, Ethan. I’m reading a book, remember?” Okay, I’m just acting up. Pakipot kung baga. The truth is I want to be with him. The best decision I’ve made so far was when I allowed him to prove himself to me. I’ve never been happier since that day. “C’mon, let’s spend some time together. Mamaya si Lex na ulit kasama mo.” May himig ng pagtatampo sa boses niya pero di ko pinapansin. He looks cute when he’s jealous and I’m enjoying it. “He’s my boyfriend so he deserves all my attention.” He groaned in frustration.

“He’s not your boyfriend. He’s your pseudo boyfriend. I’m your boyfriend.” Natawa naman ako sa sinabi niya. He’s too confident and so full of himself. Well, he has every reason to be one, though. “What makes you think you are my boyfriend?” “I can feel it, honey. I know you find me so irresistibly hot and that deep inside you, you love me as much as I do love you.”

Page 144: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

144

Hindi ako sumagot sa halip, tinuon ko ang atensyon ko sa binabasa ko. I did it because I don’t want him to see how I struggle in suppressing my smile. “You’re being cold again, Alex. Di mo na naman ako pnapansin.” He pouted and batted his eyelashes like a kid asking his mom to buy him a toy. “Ang cute mo.” Kinurot ko siya sa pisngi. Babawiin ko na sana yung kamay ko kaso nahuli niya ako. Kinarga niya ako na parang pang bagong kasal at walang kahirap-hirap na dinala sa pool. Binaba niya ako pero hawak pa rin niya yung isa kong kamay kaya wala pa rin akong kawala. He took off my cover up, revealing my skimpy black two-piece bikini. Bigla akong nakaramdam ng hiya. Binuhat niya ako ulit tapos naglakad siya dun sa may malalim na part ng pool. Uh-oh, I think alam ko na ang gagawin niya. napakapit ako ng mahigpit sa leeg niya habang nagka-countdown siya. “3,2,1” Bumuwelo siya sabay talon. And I was like, “Oh my gosh, Ethan!” LEX I was sitting on one of the pool benches, enjoying the morning sun, and drinking my freshly squeezed orange juice when I saw Ethan carrying Alex like a newlywed. From the looks of it, the two were having a good time. Alex looked genuinely happy whenever she’s Ethan. The kind of happiness that she’ll never experience with me for her heart belongs to that guy. Lucky him, if only he knew how much Alex loves him. “How can you bear to look at them like that? Hindi ka man lang ba nagseselos?” “No because I trust my girl.” There was no reason to be jealous at all. Hindi naman kasi totoo ang relationship namin ni Alex. It was all for the lady beside me. Or so I thought. “Do you really love my sister, Alexander?” Her voice was firm and commanding. Whenever she calls me by my real name ‘Alexander,’ it means she’s serious about the topic we’re talking about. And I could sense she’s serious at the moment. “Of course I do.” “Are you sure?” “What makes you think I am not?” I turned to her and saw sadness in her hazel eyes. Does this mean our plan is working? “I don’t know, just an intuition. Kapag niloko mo ang kapatid ko, Lex, ako ang makakalaban mo. I know I’m not the best person to warn you about this but she’s still my sister, my only sister. I’ve seen her crumble down when I took you away from her. She was so devastated during those times and I feel so fvcking guilty about it. I want her to be the same Alex I knew, the Alex that was so outgoing and happy-go-lucky.” If only Ria knew that her sister was slowly transforming to the Alex that she once knew. All thanks to Ethan, the man that her sister loves the most. “I’ve learned from my mistakes, Ria. I’ve hurt her so much before, too. It pains me to see her in a gloomy state. She deserves to be loved and to be happy. I assure you,

Page 145: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

145

I love her with all that I am.” “I trust you on that one, Lex. Take good care of my sister. I’m sure you and Ethan can make a good team of babysitting my sister.” I chose not to answer Ria on that one. I fixed my gaze on Ethan and Alex who were having fun at the pool. Alex was laughing as if it was her first time to hear a very hilarious joke. With that, her beauty radiated through her whole being. Her blue eyes were sparkling just like the brightest star in the night sky. No doubt, she’s happy. “Speaking of Ethan, what do you think about him?” “Well, she’s Alex’s best friend. He’s nice. He cares for Alex so much.” Best friend. That’s what everyone thought about Ethan’s relationship with Alex. But I know better. Ethan loves Alex and she feels the same way about him. On our last night in Pagudpud, we had a heart to heart talk. I did not expect her to pour her heart out to me that night. She confessed to me that Ethan was already courting her and I told her that it was okay. Though it wasn’t. Not when I realized the tables have turned. “Having a boy best friend is good for Alex. At least panatag na ang loob kong hindi na siya indifferent sa mga lalaki.” “I think Ethan’s doing a good job in that aspect.” “No offense meant ha? Pero nung una akala ko sila ang may relationship. They were so sweet kasi.” “None taken. I believe that Alex and I are not the PDA-loving couple.” “You never were a fan of PDA. You hated it.” I glanced at Ria who was looking afar, lost in deep thought. I took the silence as a chance to reminisce about my relationship with Ria. We were the perfect couple according to our friends. We started as high school sweethearts then turned into real life lovers. We shared seven years of our lives together but just like any other story, we went through storms that rocked our lives. And one of which was named Alex Fernandez, Ria’s own sister. Alex showered me with the love that Ria has been forgetting to pamper me with. It was easy to love her; after all, she’s one lovely girl. I seriously fell for her. I was determined to break my bonds with Ria but things got out of hand. Ria knew about my affair with Alex and she made sure that I won’t get away. We broke Alex’s heart, which resulted to her personality overhaul. When we got back, Ria became extra attentive to my needs which made me fall for her over again. I know I’m acting like a jerk. Moron. Dumb. Stupid. Ruthless. Playboy. That’s what I am. I hate myself for hurting Alex then falling for her all over again. Feeling ko tuloy, hindi na ako makuntento sa isa. My thoughts were cut by Ria’s words. “If ever given a chance, would you give us another shot?” I would have said yes right away if things have not changed. I don’t know how or when did I realize that it was Alex whom my heart was beating for. Maybe the feeling wasn’t lost. The feeling was still there. I don’t know. Continuing this plan was a risk when even at the beginning, I was having doubts whether I should proceed or not. I wanted Ria back, I am sure

Page 146: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

146

of that, before. But if you ask me now, I’m not sure either. I took a deep breath to calm my edgy mind. Lies are often woven to protect the truth. But this time, I would be honest. I don’t want to hurt another soul. I’ve caused enough damage. “I’m sorry, Ria but I love Alex more than you’ll ever think of.” She stood up and patted my back. “I understand. Take care of my sister for me, okay? I’ll kill you if you hurt her.” “You don’t have to remind me. That’s what I am going to do.” With heavy steps, Ria walked away without looking back at me.

Revenge 45

Like We Used to RIA I can feel her breath as she's sleeping next to me, sharing pillows and cold feet. She can feel my heart, fall asleep to it's beat, under blankets and warm sheets. If only I could be in that

bed again; If only it were me instead of him Dumungaw ako sa glass panel ng opisina ko sa Rock n Dine. Mula sa pwesto ko, kitang-kita ko ang kabuuan ng bar na sabay naming pinundar at pinalago ni Lex. Parang anak namin ito ni Lex dahil talagang hands on kami sa pagpapatakbo nito. Dahil sa bar na ito, mas lalo kaming naging close, mas lalong tumibay yung relationship namin hanggang sa ilang ulit na sinubok yun. At dun sa huling pagsubok, naging marupok ako at iniwan siya para sa pag-asang mas guminhawa ang buhay ko. Nakita ko si Alex na kumakanta sa stage. Regular na siyang singer dito sa bar mula nang maka-graduate siya two months ago. Eto ang pinagkakaabalahan niya ngayon habang naghihintay siyang matanggap sa Master's Degree niya. Ganyan niya kagusto ang course niya kaya balak niyang ituloy hanggang PhD. Bata pa lang kami, pangarap niya na yun. Palagi niyang sinasabi sa'kin yun noon. Ngayon, ni isa sa mga pangarap niya, hindi na niya mabahagi sa'kin. Sinarado na niya yung pintong nagko-konekta sa'ming magkapatid mula nang masaktan siya ng sobra-sobra. At aaminin ko, selfish man ako, namimiss ko rin yung dating closeness namin ng kapatid ko.

Does he watch your favorite movies? Does he hold you when you cry? Does he let you tell him all your favorite parts when you've seen it a million times?

Does he sing all your music while you dance to purple rain? Does he do all these things like I used to?

Napansin kong nakatayo sa may likod ng club si Lex. Titig na titig siya kay Alex habang kumakanta yung kapatid ko. Hindi nakaligtas sa mga paningin ko yung ngiti sa mga labi niya. Mukhang tuwang-tuwa siya sa pagkanta ni Alex. Maganda naman kasi talaga ang boses ng kapatid ko. Bigla kong naalala kung paano ako pilitin ni Lex noon na kumanta para sa kanya. Hindi niya ako titigilan hangga't hindi ako kumakanta. Naaalala ko rin kung gaano niya ako purihin na gustong-gusto daw niya yung boses ko. Pero ngayon iba na. Hindi ko na maririnig

Page 147: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

147

mula sa kanya yun. Hindi ko tuloy maiwasang tanungin ang sarili ko, "Hindi ba pwedeng ako na lang yun?"

14 months and 7 days ago. Oh, I know you know how we felt that night. Just your skin against the window. Oh, you took it slow and we both know.

It should have been me inside that car; It should have been me instead of him, in the dark Gusto kong magalit sa sarili ko. Seven years. Seven fvcking years! Pitong taon na pagsasama ang winasak ko. Nang dahil sa pansariling pangarap, iniwan ko yung taong sobrang mahal na mahal ako. Kaya heto, sobrang pinagsisisihan ko yun. Kung sana tinanggap ko na lang yung proposal niya noon na magpakasal na kami. Siya lang naman ang gusto kong makasama habang buhay e. Alam kong iyon din naman ang gusto niya pero nabulag ako sa personal worth ng isang tao. Mas inisip ko kung saan giginhawa buhay ko. Nasa harap ko na yung opportunity pero pinabayaan ko. Sinayang ko lang. Kaya heto, patanaw-tanaw na lang ako sa kanila. Heto ako, umaasam na sana ako na lang si Alex.

Does he watch your favorite movies? Does he hold you when you cry? Does he let you tell him all your favorite parts when you've seen it a million times?

Does he sing all your music while you dance to purple rain? Does he do all these things like I used to?

Nagpasya akong bumaba ng office ko para makausap si Lex ng personal. Bago man lang ako mag-concede, susubukan ko muna kung may pag-asa pa. Alam kong sa gagawin kong ito, pwede kong masaktan ang kapatid ko. Pero di ba, 'All is fair in love and war' naman? Di ako maggi-give up agad nang walang ginagawa. Susubok lang ako. Wala namang masama dun di ba? Nagbabakasakaling pwedeng maging ako na lang ang kasama niya sa buhay.

I know love (I'm a sucker for that feeling). Happens all the Time, love (I Always end up feeling cheated). You're on my mind, love (Oh, darling I know I'm not needed).

And that happens all the time, love "Lex," sabi ko pagkalapit ko sa kanya. "Hey, Ria. What's up?" "Pwede ba tayong mag-usap?"

Page 148: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

148

"Sure. Anong problema?" Huminga ako ng malalim bago nagsalita. Umaasa akong sa ginawa kong iyon, magkalakas ako ng loob para sabihin kay Lex ang lahat ng saloobin ko. "I know I may sound pathetic but I just can't take it anymore. I told you to take care of my sister but I guess I'll be the one who'll break her heart. Again. I love you, Lex. I still love you. I love you so much it hurts. Can't we have another chance?" "Ria, I'm sorry." Naramdaman kong tumulo ang mga luha ko. Ang sakit pala kapag sa taong mahal mo nanggaling ang rejection. Parang hinihiwa yung puso ko nang walang anesthesia man lang. Ang hapdi, ang sakit sakit. "Kahit konti man lang ba, wala ka nang nararamdaman? Kahit katiting na pagmamahal wala man lang naiwan?" Nagmamakaawa na ako. Hindi sumagot si Lex. Nakayuko lang siya at nanatiling nakatayo sa harapan ko. At naiintindihan ko ang ibig sabihin ng katahimikan na yun. Eto na ba ang karma ko sa lahat ng pinaggagagawa kong mali? Eto na ba yung bayad para sa mga taong nasaktan ko dahil sa pagka-selfish ko? Eto na ba yun? Nanatili lang kami sa ganung pwesto nang walang umiimik. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Nang marinig kong magpasalamat si Alex sa mga tao sa bar, nagpasya akong sumubok ulit. huling-huling subok bago ako magparaya nang tuluyan. "Can I kiss you for the last time, Lex? Before I let you go, I mean. For old times' sake?" Ngumiti siya ng bahagya. Iyon na yung cue na hinihintay ko. Sinarado ko ang distansya sa pagitan namin at tumingkayad para maabot ng labi ko ang mga labi niya.

Will he love you like I loved you? Will he tell you everyday? Will he make you feel like you're invincible with every word he'll say?

Can you promise if this one's right don't throw it all away? Can you do all these things? Will you do all these things like we used to, oh, like we used to?

"Oh! I'm sorry." Biglang kumalas si Lex nang marinig namin yung boses na yun. Of course he would. It was Alex's voice. "Sorry for interrupting. Pwede niyo nang ituloy yung ginagawa niyo." Pagkasabi ni Alex nun, dire-diretso siyang naglakad palabas ng bar. Nasaktan ko na naman ang kapatid ko. Susundan sana ni Lex ang kapatid ko pero napigilan ko siya. "Lex..." nagmamakaawang sabi ko. Oo, pathetic na kung pathetic.

Page 149: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

149

"I'm sorry Ria. My girlfriend needs me." Habang binibitawan niya ang mga katagang yun, dahan-dahan niyang kinakalas ang pagkakahawak ko sa kanya. Kusa ko na rin siyang binitawan. Alam ko na kung sino ang pinipili niya. Kahit di siya magsalita, naiintindihan ko. At muli, parang hinihiwa ang puso ko. D`mn. Sinundan niya palabas ng bar si Alex. Talo ako. Pinili niya si Alex.

Revenge 46

Obvious Symptoms From: Lex Pierpont I'll drop by your house. You want something? To: Lex Pierpont Abodong atay, please? Thank you. Ilang araw na akong nagke-crave sa kung ano-anong pagkain. Dala siguro ng pagod since full-time na ako sa bar. May nabasa kasi ako na kapag puyat, may tendency na mas lalong mag-crave sa pagkain leading to weight gain. Siguro nga ganun ang nangyayari sakin. Medyo napapansin ko na rin kasing unti-unti akong nagge-gain ng weight. Habang hinihintay si Lex na dumating, pinapak ko yung mga hilaw na mangga na pinabili ko kay Clarisse kahapon. Lately nahihilig ako dito, lalo na yung maasim na maasim. Though, matagal na akong mahilig sa hilaw na mangga, excessive lang yung pagkagusto ko ngayon. At kung dati sa alamang ko sinasawsaw, ngayon naman sa asukal at toyo. Sarap na sarap ako dun. Weird ng taste buds ko ngayon. Nang maubos ko na yung pang-dalawa kong serving ng mangga, binuksan ko yung TV at naghanap ng mapapanood. I settled with the re-run of an episode from my favorite TV series, Vampire Diaries. Nang matapos yun, naghanap ako ng ibang show na mapapanood, pero na-bore lang ako kaya mas minabuti ko nang matulog na lang. Nainip na rin ako sa kakahintay kay Lex. Humiga ako sa couch at pagkapikit ko, hinila na ako agad ng antok. After three hours...

DINGDONG! Pumikit ako ng mariin, umaasang sa panaginip lang yung makulit na taong pindot ng pindot ng doorbell sa labas ng condo namin.

Page 150: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

150

DINGDONG! DINGDONG! DINGDONG! Argh, pinilit ko ang sarili kong bumangon pero sana hindi ko na lang ginawa. Parang binibiyak yung ulo ko sa sakit. Nang makatayo ako, biglang naging mabuway yung paglakad ko. Umikot kasi bigla yung paningin ko. Kailangan ko na yatang magpa-check up. Nagiging sakitin na yata ako nitong nakaraang ilang araw. "Hey, Alex," bungad sa'kin ni Lex nang pagbuksan ko siya ng pinto. "Ikaw pala. Kanina pa kita hinihintay bakit ngayon ka lang?" Napakamot ng ulo si Lex. "Ang hirap kayang maghanap ng adobong atay. Here." Inabot niya sa'kin yung isang tupperware. Must be the adobo. Pinapasok ko si Lex habang tuloy-tuloy naman ako sa kusina. Kukuha sana ako ng mga plato para maghain kaso bigla na naman akong nahilo. Buti na lang nakasunod pala sakin si Lex at naagapan niya bago ako tumumba. "Are you sick or something?" tanong niya habang ipinagpapatuloy yung paghahain. "Hindi naman. Baka stress lang to." "Pa-check up ka na. Para maagapan kung ano man ang nararamdaman mo." "Sa isang araw siguro. May job interview ako e." "Alright, c'mon let's eat." Pagkalapag ni Lex nung tupperware ng adobo, nakaamoy ako ng hindi maganda. Panis yata tong dala ni Lex e. "Ano ba yan, Lex. Panis naman yata yan. Ang baho!" sabi ko habang tinatakpan yung ilong ko. Grabe, ang pangit ng amoy talaga. Kinuha ni Lex yung tupperware at inamoy. "Hindi naman ah?" Tinikman pa niya yung pagkain. "Ako kaya ang nagluto nito. Fresh from the market pa nga ito e. Kaya ako natagalan dahil ako talaga ang nagprepare nito." "Eh, basta, take that away from me. Ang baho talaga." Hindi nakinig si Lex sa'kin. Siya pa yung kumain nung adobong atay. Halos masuka-suka ako habang pinapanood ko siyang kumain. Mukhang sarap na sarap pa talaga siya sa kinakain niya. "Excuse me." Tumakbo ako papuntang CR at inilabas lahat ng laman ng tiyan ko. Suka ako ng suka hanggang sa makaramdam ako ng panghihina. Naupo ako sa tiled floor ng CR habang humihingal na nagpahinga sandali. After a while, umikot na naman yung sikmura ko at nagsuka na naman ako. Nahuli pa ako ni Lex sa ganung pwesto nang sundan niya ako sa CR. Lumuhod siya sa likod ko at hinagod. Suka pa rin ako ng suka pero mas okay na rin ang pakiramdam ko. "Okay ka lang? Anong nangyari sayo? Food poisoning? Ano ba huli mong kinain?" "Hindi pa ako nagbe-breakfast. Wala pa akong food intake ngayong araw. Tubig lang ang huling sumayad sa lalamunan ko," pagpapaliwanag ko habang marahas na pinupunasan ang bibig ko. Natahimik lang si Lex, nahulog sa isang malalalim na pag-iisip. Napalingon siya sa kalendaryo

Page 151: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

151

tapos dun sa rack ng toiletries namin. "Tell me, kelan may nangyari sa inyo ni Ethan?" "Two months ago?" "Missed your period?" "I think... hindi ako nagkaroon last month... and delayed na ako for this month..." "Are you, by any chance..." nagdadalawang-isip na tanong ni Lex. Parang nahihiya pa siyang tanungin yun. Well, hindi naman ako tanga para hindi maintindihan kung ano ang gusto niyang iparating. Oh god, ganun nga kaya iyon? "I don't know..." Hindi naman ako malungkot pero natagpuan ko na lang ang sarili kong umiiyak. Niyakap ako ni Lex ng mahigpit at hinayaan na lang akong umiyak sa dibdib niya. Oh, god. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ano ba ang dapat gawin?

Revenge 47 Kiss and Make up RIA Nagising ako sa lagaslas ng tubig galing sa CR ng condo namin ni Alex. Nilingon ko ang orasan na nakapatong sa bedside table ko. Pasado alas otso na ng umaga. Bumangon ako ng kama at tumuloy sa kusina para doon gawin ang morning rituals ko since gumagamit si Alex ng CR. Naghanda na rin ako ng breakfast (good for two) pagkatapos kong maghilamos at magtoothbrush. Naubos ko na yung pagkain na kinuha ko pero nandoon pa rin yung lagaslas ng tubig. Hindi ko pinansin dahil iniisip kong baka masiyahan sa pagligo ang kapatid ko. Bandang alas diyes na nang umaga pero nandun pa rin yung paglagaslas ng tubig. Doon na ako naalarma. Tinungo ko ang CR para malaman kung ano nang nangyari kay Alex. "Alex?" Kumatok ako sa pinto pero walang sumasagot. Nilapat ko yung tenga ko sa pinto para mapakinggan yung nangyayari sa loob. Pero walang nagawa yun dahil masyadong malakas yung pagbuhos ng tubig. Sinubukan ko ulit na kumatok pero kagaya ng nauna, wala akong natanggap na sagot. Medyo kinabahan na ako nun. Tumakbo ako papuntang kitchen at inisa-isa yung drawers dun para hanapin yung master copy ng mga susi. I was fumbling with the keys kaya hindi ko ma-shoot sa keyhole ng pinto. Nakakakaba. Hindi ko mapigilan yung isip ko na mag-isip ng morbid. Baka kung ano nang nangyari sa kapatid ko. Nang bumukas ang pinto, agad hinanap ng mga mata ko ang pwesto ni Alex. Nakasandal siya sa tub habang may hawak hawak na kung ano. Umiiyak siya. At ang unang pumasok sa isip ko ay yakapin siya ng mahigpit.

Page 152: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

152

Naalala ko tuloy yung nangyari noon. Ganito din yung hitsura niya nung malaman niyang boyfriend ko rin si Lex. "Hush now, Alex. Anong problema?" sabi ko habang hinahagod yung likod niya. Pulang pula na yung mga mata niya at namumugto na rin yun sa sobrang pag-iyak. Umiiling lang si Alex tuwing tinatanong ko siya. Naiilang siguro siya sa'kin dahil may invisible wall na pumapagitan sa amin. At bilang 'Ate Ria' niya, kailangan may gawin ako para matibag yung pader na yun. Hindi siya mag-o-open up sa'kin hangga't nandun yun. "Alam ko galit ka sa'kin, Alex. Naiintindihan ko kung bakit ayaw mong magkwento sa'kin. Pero can we forget that already? Ilang taon na rin yung nakakalipas at mas makakabuti siguro kung mag-move on na tayo. Kung alam mo lang kung gaano ko pinagsisisihan yun. Dala-dala ko yung guilt na yun hanggang ngayon. Will you forgive me, Alex? Mapapatawad mo pa ba ako sa lahat ng nagawa kong mali sayo?" Hindi sumagot si Alex. Sa halip, niyakap niya ako ng pagkahigpit-higpit. Sa mga balikat ko niya ibinuhos lahat ng nararamdaman niya. Sa paraang iyon, bumalik kahit papaano yung bond namin as sisters. "I'm sorry, too, Ria," sabi niya in between sobs. Kumalas siya sa pagkakayakap sa'kin at inabot yung hawak-hawak niya. "I'm sorry for breaking your trust, Mom's trust and Dad's trust." Tinitigan ko yung inabot niya sa'kin. Pregnancy test. May result na rin yun. Two pink lines. "Oh, god. You're pregnant. Alam na ba niya to?" I was pertaining to Lex. Umiling lang siya. "Let's go to my room. Dun tayo mag-usap." Inayos ko yung buhok niya saka siya inalalayan papunta sa kwarto ko. "This isn't Lex's child, Ria. Alam kong iyon ang iniisip mo." Hindi kay Lex? May iba pang boyfriend si Alex? "If it's not Lex, then who?" Bigla na lang parang may bumbilyang nagliwanag sa isip ko nang ma-realize ko kung sino ang posibleng maging daddy ng baby ni Alex. "Si Ethan, di ba? Si Ethan ang daddy ng baby mo." Tumango siya bilang pagkumpirma sa hinala ko. "You're having an affair with your best friend? How could you?" Hindi ako makapaniwala sa nagawa ni Alex. Pinagsabay niya ang best friend niya at ang boyfriend niya. Eto ba ang naidulot ng kagagahan ko noon? Eto ba ang consequence ng ginawa ko sa kanya? "Don't judge me as if you know me, Ria! Wala kang alam sa mga nangyayari!" Tumaas na yung boses ni Alex kaya hindi ko na rin napigilan ang mapasigaw sa kanya. "Then enlighten me! Paano kita makikilala kung sa loob na apat na magkasama tayo, nagtayo ka ng pader sa pagitan natin?!"

Page 153: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

153

"Kasalanan mo, Ria! Pinaglalaruan niyo ako ni Lex noon! Akala mo hindi ko alam na pinagpustahan nila ako dahil nagkakalabuan kayo? Narinig ko lahat, Ria. Alam ko

lahat! Tanga rin naman ako dahil nagpaloko ako."

"Hindi sapat na dahilan yan para pagtaksilan mo ang boyfriend mo!" "Wala akong boyfriend, okay?! Hindi ko boyfriend si Lex. Hindi ko rin best friend si Ethan." Medyo mahinahon na yung boses ni Alex pero mababasa pa rin sa mga mata niya na galit siya. Ako naman, mas lalo lang naguluhan. "Anong ibig mong sabihin?" "I was working with Lex to make you jealous. It was a mission. Ethan's the one I love. He's the father of my baby." Ipinaliwanag ni Alex ng buo ang mga nangyari. I crashed on the bed, crying my heart out. It was just an act. Every thing was just an act. How come, hindi ko naisip man lang yun? Bakit hindi ko man lang nakita yun? Ganun na ba ako kabulag? "I'm sorry, Ria. For fooling you, for toying with your feelings. I know you still love him. Tinapos na namin ni Lex yung mission namin na ito. Mahal na mahal ka ni Lex. Hindi naman niya gagawin to kung hindi di ba?" Napangiti ako ng mapait. The tables have turned. "Noon siguro, oo pero hindi na ngayon, Alex. Ikaw na ang mahal ni Lex. Nakita, naramdaman at narinig ko yun mula sa kanya nang huling beses kaming magkausap. Believe me, Alex, ikaw na ang mahal niya. I'm conceding. Tanggap ko nang wala na kaming pag-asa." "Pero Ria..." "Okay lang ako, Alex. Wag mo akong alalahanin. I know I'll get by. Iba ang nakalaan para sa akin. Siguro oras na para pahalagahan ko ang sarili ko at ikaw. Gusto kong maibalik yung dati nating samahan, Alex. Namimiss ko na yun."

"Namimiss ko na rin yun, Ate Ria." Did I hear her right? Tinawag niya akong 'Ate Ria'? That's the first time in ages na tinawag niya akong 'Ate.' Ibig bang sabihin nito, okay na kami? "Tama ba ang narinig ko? Tinawag mo akong 'Ate'? As in Ate Ria?" "Oo naman, Ate. Namiss ko ring tawagin kitang Ate." "Hindi mo lang alam kung gaano ko hinintay na tawagin mo ulit akong Ate Ria." "Well, eto na yun." Niyakap ko siya ng mahigpit dahil sobra-sobrang kasiyahan yung nararamdaman ko ngayon. Hindi maipapaliwanag kung gaano ako kasaya. Sa wakas, after four years, unti-unting bumabalik sa dati yung samahan namin. "I'm sorry, Alex. Sana mapatawad mo ako sa lahat ng nagawa ko sayo. Salamat sa chance na ibinigay mo para magkaayos tayo. Basta tandaan mo, andito lang ako palagi. I'll be here to guide you, to watch over you. You can always count on me."

Page 154: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

154

"Kalimutan na natin yung nakaraan, Ate. Let's start anew. Ako, ikaw at etong si Baby. Thank you rin sa chance. I love you, sis." "I love you too, sis." Bigla kong naalala yung memento box ko. Kumalas ako kay Alex at kinuha iyon mula sa drawer ng bedside table ko. "Here, keep this. Buksan mo lang kapag sa tingin mo iyon na yung right time." Kung nagawa ni Alex na sabihin yung totoo sa'kin, kaya ko rin. Nasa memento box na yun ang lahat-lahat. Nasa box na yun ang katotohanan.

Revenge 48 Shards of Glass Huminga ako ng malalim at kinondisyon ko ang sarili ko para sa agenda ko sa araw na ito. Kaya ko ito, sabi ko sa sarili ko. Akmang kakatok na ako sa pintuan nang bumukas iyon at iniluwa ang pinakagwapong nilalang sa paningin ko. Nabitin sa ere ang mga kamay ko na siyang kinulong ng nagmamay-ari ng pinakamaaliwalas na asul na mata sa dalawang palad niya. “Looking for me?” tanong ni Ethan. Bago pa man ako makasagot ay hinila na niya ako papasok ng unit niya. Inalalayan niya ako paupo sa itim na leather couch sa living area ng unit niya. Inilibot ko ang mga mata ko sa kabuuan ng lugar niya. Halos ganoon pa rin yung hitsura maliban sa ilang bagay na na-rearrange. Biglang bumalik sa’kin yung alaala ng unang beses naming magkakilala. Tanda ko pa din kung anong kalokohan ang ginawa ko. Napagkatuwaan ko lang si Ethan noon. Hindi ko inakalang dadating kami sa puntong magkakalapit kami, matututunan ko siyang mahalin, at ngayon nga ay magkaka-baby na kami. Nang mga sandaling yun, pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa mga pisngi ko. Natural nang mapula ang pisngi ko pero mukhang kamatis yata ako ngayon sa pagkapula. “Ang aga aga mukha ka nang kamatis dyan.” "Bakit ang sama mo?" Sumimangot ako at nag-pout. Pero wala yatang epekto yun sa kanya kasi kinurot niya ako sa pisngi. E di lalo akong naging kamatis ngayon? "Wag ka ngang sumimangot. Lalo kang papanget nyan." Inakbayan niya ako at

sumiksik sa tabi ko. Tinampal ko yung tyan nyang may six pack abs ( ) dahil sa frustration. Bakit lagi na lang niya akong pinagti-tripan. Kung dati, wala lang to sakin ngayon halos maluha-luha na ako sa panunukso niya. Haay, hormones nga naman. Tumahimik na lang ako sandali para pigilan yung mga luhang gustong kumawala sa mga mata ko. Ang hirap maging buntis! Sobrang vulnerable at napaka-emotional. "Galit ka? Ang tahimik mo." Lalo pa niyang siniksik yung sarili niya sa'kin. Biglang sumama yung panlasa ko. "Naligo ka na ba? Ang baho mo."

Page 155: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

155

"So ganyanan na ngayon? Gumaganti ka?" Kumalas siya mula sa pagkakaakbay sakin at tumayo sa harap ko. "Promise, Ethan, hindi ko gusto amoy mo." "Seryoso ka? Kakaligo ko lang." Nilapit niya yung katawan niya sa mukha ko. Nalanghap tuloy ng ilong ko yung amoy niya. Ugh, ayoko ng pabango niya! Ang baho! Ang tapang ng amoy. "Ano ba Ethan?! Ang baho sabi eh!" Hindi ko napigilan yung pagtaas ng boses ko. Medyo naitulak ko rin siya kaya medyo kumunot yung noo niya. Baka inaakala niyang galit na ako sa kanya. "You don't have to shout, you know." Bakas sa mukha ni Ethan yung pagkagulat, pagkainis, at pagka-hurt. Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad palayo. D`mn. What have I done? Nagalit tuloy si Ethan sa'kin. Napagtaasan ko kasi siya ng boses eh. Syempre maiisip niya na galit din ako sa kanya. Nakakailang hakbang na siya nang makaisip ako ng gagawin. Wish ko lang effective tong gagawin ko. Tinawid ko yung distansya na nakapagitan samin. Hinawakan ko ng mahigpit yung kamay niya. "I'm sorry, hindi ako galit. It's just that it's not the time of the month." I mean what I said. Well, except sa last line. D`mn hormones. Humarap siya sa'kin tas kinalas yung pagkakahawak ko sa kamay niya. "Just... just go home, Alex. Baka mag-clash lang tayo kung magtatagal ka pa." One step forward. Two steps forward. Three steps forward. "Ethan! I'm sorry na! I love you!" There. I've said it. Mukhang effective kasi napahinto siya sa paglalakad at lumingon sa'kin. Nakakunot yung ulo niya pero nakangiti siya. I bit my lips then flashed my lopsided grin. "Did I hear you right? You actually said, 'I love you?'" Unti-unti siyang naglakad palapit sakin. I just shrugged. Pakipot muna kunyari. "Oh, c'mon. You love me, don't you?" "What if I do?" Huminto siya sa harapan ko at hinawakan ang mga pisngi ko. "Then I'm going to do this to you." Binuhat niya ako at nagpaikot-ikot sa ere. Titig na titig ako sa mga mata niya. It was so alive. Sobrang nagssparkle yun dahil sa sobrang kaligayahan. I guess I made the right decision. This is my chance at happiness. "Put me down now. Nahihilo na ako." Sumunod naman siya pero di ko ineexpect yung sunod niyang ginawa. He gathered me in his arms and showered my face with feathery kisses. On the forehead, on the nose, on the cheeks, then on the lips. His kiss was gentle and full of love. Sa kiss na yun, ramdam ko kung gaano niya ako

Page 156: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

156

pinapahalagahan, kung paano niya ako kamahal. I can't help but smile while answering his kiss back. "I love you," marahang sabi niya habang tinitignan ng mabuti yung mukha ko. Para bang kinakabisado niya ang bawat feature nun. I love how he looks at me this way. "I love you, too, so much." I gave him a peck on the lips then hugged him tight. Ang gaan gaan sa pakiramdam ngayong nasabi ko na sa kanya yung nararamdaman ko. Yung condition ko na lang ngayon yung kailangan kong sabihin. "Akin ka na nga? Girlfriend na kita?" "Ayaw mo yata eh." Kunyari nagtatampo ako pero deep inside kinikilig ako. "Anong ayaw? Gustong-gusto ko nga eh. I'll remember this day forever. Kaso ang pangit naman kapag natapat sa Friday ang monthsary natin. Friday the 13th!" "Ano ka ba! Kung ano ano iniisip mo. Nasa tao lang yan kung iisipin niyang mamalasin siya o hindi." "Tama. Sa tingin ko naman, hindi ako mamalasin dahil nasa tabi na kita." Niyakap niya ako ng mas mahigpit. Ganun din ginawa ko. "Sus, nambola ka pa." "Let's go out, babe. Let's celebrate our day." "Asus, may pa-babe babe ka pang nalalaman. Halika na nga!" --- Mabilis lumipas yung araw pero sobrang nag-enjoy ako. Kumain lang kami sa labas at nanood ng sine. Simple lang yung ginawa namin pero super worth it yun. "Ethan, pwede mo ba akong samahan next week? May appointment kasi ako sa doctor nun eh." "Sure. Just remind me when, okay?" Umupo siya sa tabi ko at inakbayan ako. Humilig ako sa dibdib niya. Rinig na rinig ko ang pintig ng puso niya. Puso niyang tumitibok para

sa'kin. Naalala ko yung memento box na binigay ni Ate Ria sa'kin. Isang linggo na rin nakatambak yun sa kwarto ko. I think ngayon na yung right time para buksan yun. I'll open it with Ethan. Sa bagong simula na ito, ngayon na rin yung time para i-let go yung past. Tumakbo ako sa kwarto ko para kuhain yung memento box ni Ria. Pagbalik ko, pinatong ko sa lap ni Ethan yun. "What's this?" "Memento box ni Ria. Sabi niya bukas ko daw kapag ready na ako. I think it's time. Let's open this together, Mcdo?" Coke at Mcdo ang tawagan namin. Napagkatuwaan lang namin dahil yan ang drinks at kinakain namin kanina sa sinehan. Ako si Coke at siya si Mcdo. Parang 'Open Coca-Cola, Open Happiness' tapos 'Love ko `to.' Sige, kami na ang corny. In love eh.

Page 157: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

157

"Sure, Coke." Tinanggal ni Ethan yung takip ng box. Maraming envelopes dun na nakalabel as pictures, Alex, Lex. Letters siguro yung may 'Alex' at 'Lex.' Tinignan ko yung pictures sa loob ng envelope. Puro kami ni Ria yun noong mga bata pa lang kami at nung high school pa lang siya. Naiyak ako sa mga nakitako. Kahit pala nagkagulo kami, mahal pa rin niya ako. Kinuha ko yung isang picture dun na favorite namin noon. Pinalitan ko yung isang picture frame. Nang ibabalik ko na yung frame, bigla na lang yun nadulas sa kamay ko. Sa di malamang kadahilanan, bigla akong kinabahan. Nanlamig ako na parang isang malakas na hangin ang humapas sa balat ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Tinignan ko yung piraso ng salamin na nabasag. Totoo kaya yung sinasabi nila? Natakot ako bigla. "Coke, what's the matter?" Nakita niya yung mga bubog. Agad siyang pumunta sa kitchen para kumuha ng walis at dustpan. Pagkatanggal niya ng mga piraso ng salamin na nabasag, inalalayan niya ako paupo. "Mcdo, kinakabahan ako." "Shh, wala naman sigurong masamang mangyayari." "Sana nga wala. Sana wala." Niyakap ako ni Ethan ng mahigpit at doon ako umiyak para lumabas yung tensyon na nararamdaman ko. Nang mabasag yung salamin sa picture frame, siya kaagad naisip ko. Si Ria.

Revenge 49

Angel of Death

Quote

March 22. That was the day when Mama, Papa, and I were very thankful to the Almighty Father for giving

us a very charming baby girl. Though Mama had a hard time during her pregnancy, particularly the first

trimester, we never thought of the baby as a burden. We treated her as an angel, a wonderful gift from

up above. Mama and Papa named her Alexis Danielle, a name fit for a princess like her.

Page 158: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

158

As we grew up, Alex and I became very tight. Sharing secrets to one another, helping the other with her

home works and projects, the usual bonding sisters do. Despite the four-year-age gap, we became closer

everyday. We were more than sisters; we were best friends, too. We treated each other as our diary,

telling even the tiniest moments that we had.

I love my sister so much. I know she loves me in the same manner as I do.

Looking back at those days made me bawl my eyes out. Remembering those happy days were like a taboo

ever since I tainted her wonderful life with gloom and sadness.

She was the epitome of a woman in love when she met Andy, her first boyfriend. She was blooming

everyday, her eyes were twinkling like the brightest star in the night sky. One could truly see that she is in

love and she is so happy about it. I was happy for her, too. I was even supportive of her when she refused

our parents’ offer to live with them in Canada. I promised our parents to take care of my little sister, that I

will not allow anyone to hurt her. But I broke my promise. I was the reason why she hated life.

When Mama and Papa migrated to Canada, my boyfriend and I started to argue a lot. I tried so hard to

keep our relationship but he wanted off. I gave him what he wanted; I was confident that he would come

back to me after a day or two. However, I was wrong. I learned that he and his friends made a bet on my

sister. I know I should do something to prevent it but my pride took over. I’ll let him play his game, I said

to myself. I forgot about my sister and focused on my pain.

One time, I was searching through my sister’s stuff when I stumbled upon a picture. The couple was sitting

side by side, the girl wearing big, bright smile on her face. The man had his arms around the girl, his lips

was pressed on her cheeks. Though he wasn’t looking at the camera, happiness could be hinted from his

eyes.

It was Alex and Lex. They look so in love with each other.

It was my cue to do something. I have to take Lex back. After all, he was originally mine. I know he was

just playing around with my sister.

I purposely did everything to break them apart. Out of greed, out of envy. I purposely shoved into my

sister’s face that Lex was mine and will always be mine. I was happy, but she was not. I caused her pain. I

took away her life.

Since then, my sister gave me the cold shoulder. She won’t speak to me unless it’s important or about her

Page 159: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

159

job. She shut me out of her life. And I sincerely regret for taking her for granted.

I miss my sister. I miss Alexis Danielle, my best friend, our family’s angel.

The day before I set out to Baguio, I talked to Lex. I asked for forgiveness. He was kind enough to let go of

the past. I told him to take good care of my sister, that I’ll be watching him. For the last time, I hugged him

tight then said my goodbyes. I love Lex so much to the point that I’m willing to sacrifice my own happiness

for his sake.

It’s time for my sister to be happy. It’s my time to let go and just watch from the sidelines.

Alex, I know you are reading this. Please forgive me for all the things that I’ve done, for all the pain I’ve

caused you. I’m so sorry, sis. I know we’ve been through a lot, but please find it in your heart a chance to

start over again. I love you, sis. I know you know that. I miss you more than you can imagine.

I will always be here for you. I will be watching over you.

Thank you, sis. I’m sorry for everything. I love you.

-Ria

Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko habang tinutupi ko ang sulat ni Ria para sa’kin. Hindi pa huli ang lahat. May pagkakataon pa para magbago. Nasaan man siya, nandito siya lagi sa puso ko. Alam kong pinapanood niya ako ngayon. Alam kong nasa tabi ko lang siya. “I love you, too, Ria,” mahinang sambit ko.

Page 160: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

160

You’re forvigen, sis. May your soul find the peace that you are looking for.

Revenge 50

Past and Present

Quote

“Magandang gabi po, Ma’am. Dito po ba nakatira si Ms. Marie Alixia Fernandez?”

“Opo, dito nga po. Bakit po?”

Dalawang unipormadong pulis ang nakatayo ngayon sa harap ko at tinatanong ako tungkol sa

nakakatanda kong kapatid. Ayaw ko mang mag-isip ng hindi maganda, hindi ko naman mapigilan ang

sarili ko. Ano pa ba ang maiisip ko kung hindi iyon di ba? Na may nangyaring masama sa kapatid ko.

“Kaanu-ano mo si Ms. Fernandez, Ma’am?” tanong ng pulis na may hawak ng papel.

“Kapatid ko po siya.”

“Wag po sana kayong mabibigla, Ma’am.” Nagsimula nang tumahip ang dibdib ko. Niyakap ko ang

sarili ko nang parang isang malamig na hangin ang dumaan. Dumadagundong ang pintig ng puso ko.

Kinakabahan ako. “I’m sorry, Ma’am, pero hindi po siya pinalad na makaligtas sa aksidenteng

kinasangkutan niya.”

Ilog ng luha yata ang bumagsak mula sa mga mata ko nang marinig ko ang mga iyon. Hindi ko alam kung

maniniwala ba ako sa kanila o magbibingi-bingihan sa narinig ko. Hindi pwedeng mangyari yun. Masyado

pang maaga para mawala si Ria. Hindi pa ngayon. Hindi pa ngayong nakaayos na kami.

Inalalayan ako ng dalawang pulis na makaupo sa couch. Habang ipinapaliwanag nila sa akin ang naging

cause ng aksidente, walang patid ang pagluha ko. Masyadong masakit. Hindi ko kayang tanggapin.

“Bumangga po ang sinasakyan niyang itim na Honda Civic sa isang truck. Ayon po sa mga

nakakita, bigla daw nag-overtake yung truck at hindi napansin ng driver na may kasalubong

itong sasakyan. Nang makausap namin yung driver ng truck, nakatulog pala siya at huli na para

maiiwas yung truck dun sa sasakyan ng kapatid ninyo. Mabuti na lang at may dumaang patrol

kaya naalis kaagad sa loob ng sasakyan yung kapatid ninyo pero hindi na ho inabot ang ospital.

Dead on arrival na po dahil masyadong maraming dugo ang nawala. Nagkaroon din po pala ng

Page 161: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

161

hemorrhage dahil sa concussion na natamo nito.”

“Sumama na lang po kayo sa’min para makita niyo at ma-identify niyo kung siya nga po ang

kapatid ninyo.”

Naputol ang pagbabalik tanaw ko nang marinig ko ang boses ni Ethan. "Smile naman dyan, future Mrs. Balmaceda." Lumingon ako kay Ethan. Pinilit ko ang sarili kong ngumiti kahit alam kong hindi bukal sa puso iyon. Totoo pala yung kasabihan na nasa huli ang pagsisisi. Kasi ngayon ako nanghihinayang na matagal kinain ng pride ang pagkatao ko. Kung sana noon pa kami nagkabati, e di sana noon pa lang ay maayos na kami. Sana noon pa kami nagkapatawaran para masaya kami bago man lang siya nawala. "Kailan ko kaya ulit makikita yung magandang ngiti ng girlfriend ko? Nakakamiss kasi e." Mahigpit akong binalot ako ni Ethan sa mga braso niya. Yun yung tipo ng yakap na makakalimutan mo yung mga problema mo. Pakiramdam ko safe na safe ako kapag siya yung kasama ko. "Sorry, E. Namimiss ko kasi si Ria e. Alam mo na, ngayon lang kami nagkaayos tas mgayon pa siya nawala." "It's okay, Alex. I perfectly understand what you're going through. One week pa lang since the accident pero sana you won't forget to smile. Marami pang nagmamahal sayo." "I know. Thanks, Mcdo. I love you." Ginawaran ko ng isang halik sa pisngi si Ethan. Hinapit naman niya ako sa baywang at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Gumanti naman ako ng isang mas mahigpit na yakap. "I love you too, Coke." Tahimik lang kaming dalawa habang ninanamnam ang intimacy ng yakap namin. Sapat na yun para ipadama na mahal namin ang isa't isa. "Ay, naalala ko lang. May appointment pala ako sa doktor two days from now. Free ka ba? Gusto ko sanang samahan mo ako magpa-check up." Gusto ko kasama ko si Ethan kapag kukumpirmahin na ng doktor na buntis nga ako. Surprise ko sana sa kanya yun. "Sige, susunduin na lang kita dito para sabay na tayo magpunta sa doktor. Coke, date tayo. Para di ka na magmukmok dito." Hinila niya ako patayo pero di ako nagpadala sa kanya. Nanatili lang akong nakaupo sa couch. "Sasama ako sayo pero in one condition." Tumaas ang kilay niya, nagtatanong ang mga mata. Ngumiti ako at tinuro ang mga labi ko. Nawala ang pagtatanong sa mata niya. Sa halip,

Page 162: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

162

napalitan iyon ng kasiyahan at pagmamahal. "Sana kanina mo pa sinabi. Ibibigay ko naman agad sayo e." Hinila niya ulit ako patayo. This time, nagpatangay na ako sa kanya. Hinawakan niya yung mukha ko gamit ang dalawa niyang kamay at masuyong hinaplos ang mga pisngi ko gamit ang kanyang hinlalaki. Unti-unting bumaba ang mukha niya papalapit sa akin. Nang maglapat na ang mga labi namin, parang may ilang daang paputok ang sumabog sa sistema ko. It was a wonderful feeling. Hindi siguro ako magsasawa sa ganitong pakiramdam. "I love you," bulong ko kay Ethan matapos ang halik. Hindi siya sumagot. Kinintalan lang niya ng halik ang noo ko. "Tara na." Inalalayan na niya ako palabas ng condo.

--- Naggagala kami ni Ethan sa department store nang mahagip ng mga mata ko ang baby section. Hinila ko si Ethan papunta doon at naghanap ng mga cute na gamit ng baby. Napansin ko ring medyo naaliw si Ethan sa kakatingin dahil panay ang dampot niya ng mga ilang gamit dun. Kung alam lang niya, siguradong all out si Ethan sa pamimili ng maganda para sa baby namin. “Tignan mo to, Mcdo. Ang cute di ba?” Pinakita ko sa kanya yung isang kulay pink na booties na nagandahan ako. Secretly, hinihiling ko na sana baby girl yung baby namin ni Ethan. Gagawin kong isang Barbie doll ang baby ko. “Cute yan kung sa para sa baby ko yan. Anyway, what’s with all these baby stuff ba, Coke?” “Wala lang.” Isang napakatamis na ngiti ang sumilay sa aking mga labi habang sinasabi ko iyon kay Ethan. Inakbayan niya ako pagkatapos ay bulong, “Hmm, pakasal na kaya tayo para pwede na

tayo magkababy?” “Baliw.” Kinurot ko siya ng marahan sa tagiliran. Pinuno ng tawa niya ang pandinig ko. “Ikaw kasi e. Dinala mo ako dito sa baby section. Gusto ko tuloy magkaroon ng baby.” “Malay mo malapit na.” “HAHA! Ewan ko na. Tara na nga, kumain na lang tayo.” Lumabas na kami ng department store. Dumiretso kami sa isang Chinese restaurant. Gusto sana ni Ethan sa isang Italian restaurant pero nag-crave ako for Chinese food kaya dito niya ako dinala. Nagtalo pa nga kami dahil dun. Nag-iinsist kasi siya na gusto niya ng pasta pero di ako nagpatalo. Pumayag siya na Chinese food na lang kasi nangingilid na yung mga luha ko.

Minsan pala, advantageous ang pagiging buntis. Sa may sulok ng restaurant kami pumuwesto dahil ayoko ng masyadong maraming tao sa paligid. Naiirita ako kapag nakakarinig ng sobrang ingay. Dun kami sa may sulok kasi tahimik

Page 163: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

163

doon at wala masyadong taong nakapwesto doon. Nakahilig ang ulo ko sa mga balikat ni Ethan habang nakaakbay naman siya sa’kin at pinapadaanan ng mga daliri niya yung braso ko. “E, pwede magtanong?” “Hmm?” “Kung magkakababy ka, anong gusto mo? Girl or boy?” Pinulupot ko yung mga kamay ko sa baywang niya. Hinapit naman niya ako papalapit. “Pwede twins na lang?” “Adik mo, Mcdo. Girl or boy lang.” “Boy sana gusto ko para may junior na ako. Pero kung ano yung ipagkakaloob ng Diyos, e di yun na. Di naman ako mapili na tao eh.” “Hmm. Ano gusto mong pangalan?” “Syempre junior ko. Maganda kasi pangalan ko eh. Sean Ethan. Pag babae naman, gusto ko Alessandra. Syempre, named after you.” “Sus, binola mo pa ako.” Dumating na yung inorder ni Ethan na pagkain kaya natigil na kami sa pagkukulitin. Hinihintay ko yung in-order kong noodles nang biglang may lumapit sa table namin. Tinawag ng isang babae si Ethan. Kaibigan siguro ni Ethan kasi tumayo siya at nakipag-beso dun sa babae. Pinakilala ako ni Ethan dun sa babae. Mukha namang mabait pero may pakiramdam ako na hindi kami magkakasundo. “Oh, Ethan, kasama ko nga pala si Hana. Have you seen her already?” Napansin kong sinulyapan ako nung babae. Nung ginawa niya yun, may nabuong urge sa loob-loob ko na dukutin yung mga mata niya. Napakataray kung makatingin. “I have no plans on seeing Hana. Baka magselos tong girlfriend ko.” “Why? May dahilan ba para magselos siya?” Inirapan na naman ako nung babae. Nako, ang sarap talagang dukutin ng mata. Maya-maya lang ay may dumating na naman na babae. Familiar yung mukha niya pero di ko maalala kung saan ko siya nakita. Nilapitan niya si Ethan tas hinalikan sa pisngi. Kumunot yung noo ni Ethan pero hindi pinansin nung babae. Gusto ko sanang magreact kasi napaka-touchy nung babae. “Hi! You must be Ethan’s current playmate. I’m Hana, his former girlfriend.” At talagang ini-stress pa nung Hana yung salitang ‘girlfriend.’ Sasagot sana ako pero naunahan na ako nung bruhang babae. “Excuse me lang muna ha? Kakausapin ko lang sandali si Ethan.” As usual, hindi na ako nakasagot dahil kinaladkad na nung babae si Ethan. Buti na lang at dumating na yung noodles na inorder ko kaya naabala ako for a while. Palingon-lingon ako dun sa pwesto nila Hana. Dun din sila sa restaurant na yun kumakain. Kasama nila si Ethan, nakikipag-usap dun sa ibang kasama nila. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Ex-girlfriend siya ni Ethan. May pinagsamahan sila. Matagal din siguro yun. Samantalang kami, ilang linggo pa lang kami.

Page 164: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

164

Paano pag biglang magbago isip niya? Paano pag na-realize niya na mahal pa rin niya si Hana? Paano na ako? Paano na yung baby namin? Humugot ako ng isang malalim na hininga para makalma naman yung sistema ko. Nagseselos ako. :| “Ang lalim yata ng iniisip mo, Coke?” “Andyan ka na pala.” Hindi ko man lang napansin na nakabalik na siya. Ang lalim kasi ng iniisip ko. Haay. “Wag mong pansinin sina Hana, Alex. Alam mo naman kung gaano ka kahalaga sa’kin di ba?” Ngumiti ako ng mapait. Hindi maalis sa sistema ko na magselos. Hanggang ngayon, takot pa rin ako magtiwala ng buong buo. Ganito pala kalala ang heartache ko noon. Palaging yung nakaraan ang kalaban ko. Iba pa rin kapag naiinsecure ka sa nakaraan. Pero kailangan kong pagkatiwalaan si Ethan. At alam kong may tiwala ako sa kanya. Mahal niya ako. Hindi naman siya nagkukulang na iparamdam sakin yun. “Ano ba yang sinasabi mo? Bakit ako magseselos? Nakaraan na siya. Ako ang present at future na rin sana.” “That’s my girl.” Niyakap ako ng mahigpit ni Ethan at hinalikan ang ulo ko. Trust, Alex. You need to trust Ethan. Trust him the way he trusts you.

Revenge 51

Barging In “Come on, Ethan, pick up the phone.” Kanina pa ako tawag ng tawag kay Ethan pero ni isa sa mga tawag ko ay hindi niya sinasagot. Ngayon dapat niya ako sasamahan papunta sa ospital para magpa-check up pero mukha yatang kailangan ko magpunta dun ng mag-isa. Alas diyes kasi yung appointment at pasado alas nuebe na. Hindi ko ikaaila na nalulungkot ako dahil hindi ko makakasama si Ethan para marinig yung good news. Kahit alam ko nang positive yung resulta, mas maganda pa rin na kumpirmahin yun ng doktor. At mas magiging maganda kung sabay naming maririnig mula sa doktor na magiging parents na kami. Pero malabong mangyari ang inaasahan ko. Hindi sinasagot ni Ethan ang tawag ko. Sana lang mas importante pa sakin at sa magiging baby namin ang dahilan kung bakit siya wala ngayon. Sa huling pagkakataon, sinubukan ko ulit na tawagan si Ethan. Baka sakaling masagot na niya ang tawag ko. Pero walang pinagkaiba iyon mula sa mga naunang tawag ko. Walang sagot galing kay Ethan. Napagpasyahan ko na tumulak na paalis ng bahay dahil ayoko namang ma-late. Pagkabukas ko ng pinto, nabungaran ko naman si Lex na akmang magdu-doorbell sana. Nabitin sa ere ang kamay niyang pipindot sana sa doorbell.

Page 165: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

165

“Oh, Lex, ikaw pala,” magaang bati ko sa kanya. Ibinaba niya ang kanyang kamay pagkatapos ay ginawaran ako ng isang halik sa pisngi. “Good morning, Alex. Paalis ka?” “Yup. Napadaan ka?” “Well, kakamustahin sana kita after you know, Ria’s death. Are you coping up with her loss?” Mababakas ang concern sa mga mata ni Lex. Siguro apektado rin siya sa pagkawala ni Ria. Somehow, naisip ko na parang sayang yung mission namin dahil hindi rin sila nagkatuluyan. Namatay si Ria at naiwan namang mag-isa dito si Lex. Ang sabi naman ni Lex, nagkausap na raw sila ni Ria before ito mawala. Naayos na daw nila yung kung ano mang meron sa kanilang dalawa. “I’m trying to. Mahirap pero kakayanin ko.” Ngiti lang ang isinagot ni Lex. Napatingin ako sa suot kong wristwatch. Kailangan ko nang umalis. Malapit nang mag-alas diyes. “Uhm, Lex, hindi naman sa itinataboy kita pero kailangan ko na kasing umalis. Male-late na ako sa appointment ko.” “Saan ka ba pupunta? Baka pwede kitang masamahan. Well, if you like.” Sinarado ko na ang pinto ng condo at chineck ang lock bago ko sinabi kung saan ako pupunta. “I would really appreciate a ride, Lex,” sabi ko habang pasakay kami ng elevator na magdadala sa amin sa ground floor at lobby ng building na ito. “Dapat kasi ay si Ethan ang kasama ko ngayon pero hindi ko naman mahagilap.” “Buti na lang pala at naisipan kong dumaan sa place mo. At least may kasama ka na magpa-check up ngayon.” Nginitian ko na lang si Lex. Tuloy-tuloy na kami sa kotse niya nang makalabas kami ng building ko. Tahimik lang kami habang bumibiyahe kami. Sa totoo lang, kinakabahan ako. Hindi ko alam kung ano magiging reaction ni Ethan kapag nalaman niya. Nasabi niya nung nakaraan na gusto na niyang magkababy pero mukha namang joke yun. Natatakot ako na baka hindi pa pala niya gusto magkaanak tapos baka itakwil niya pa at hindi kilalanin yung baby. Alam ko hindi ganun yung dating ni Ethan pero malay ko ba. Marami pa akong dapat malaman tungkol sa kanya. Dala-dala ko ang isipin na iyan hanggang sa makarating na kami sa ospital. Inalalayan ako ni Lex habang papasok sa opisina nung doktor. Kilala na ako nung doktor kasi asawa siya ng kapatid ni Mama. May pinasagutan lang na medical record form yung nurse tas tinawag na ako para simulan na yung check up. “Ma’am, mas maganda po sana kung isasama niyo si Sir para makita niyo pareho yung baby niyo,” pagsa-suggest nung nurse habang papasok na ako sa loob ng office ni Tita Grace, yung doktor. Si Lex yung tinutukoy nung nurse. Napagkamalan niyang si Lex yung

Page 166: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

166

daddy ng baby ko. “Gusto mong sumama sa loob?” tanong ko kay Lex. Hindi ko na tinama yung iniisip nung nurse. It doesn’t matter anyway. Sumunod na lang sa’kin si Lex nang pumasok ako sa loob. “Bakit hindi mo tinama yung iniisip nung nurse?” “Di naman mahalaga yun eh. Okay lang yun, ano ka ba.” Hindi na ako tinanong pa ni Lex tungkol sa bagay na yun. Pumasok na rin kasi si Tita Grace at nagsimulang i-check up ako. Kinamusta niya muna kami tungkol sa pagkamatay ni Ria. Tinanong rin niya ako kung alam na ba nila Mama at Papa ang tungkol sa pregnancy ko. Ang sabi ko hindi pa pero may balak akong sabihin na sa kanila iyon. “Magiging masaya ang parents mo kapag nalaman nilang magkakaapo na sila. I’m sure makaka-cope up sila sa pagkawala ni Ria kapag nandyan na ang baby. It’s a blessing, Alex. Kaya wag na wag niyo sanang maisipan na ipalaglag iyan, ha?” “Nako, Tita, wala sa isip ko yang abortion na iyan. Baka sumunod ako kay Ria nang wala sa oras.” Kumuha si Tita Grace ng blood sample tas tinest na rin yung HCG level ko. Naghintay kami ng ilang minuto para sa results nun. At confirmed nga, buntis ako. Tinanong ako ni Tita Grace kung gusto ko daw makita yung baby. Syempre, umoo naman agad ako. Nagpatuloy na si Tita Grace sa gawain niya. Nung nilalagyan na niya ng gel yung tyan ko for the ultrasound, lumakas at bumilis yung tibok ng puso ko. Makikita ko na yung baby ko, yung baby namin ni Ethan. Naeexcite ako na kinakabahan. Grabe, di ko alam yung feeling. “I guess you’re having twins, Alex.” Tinuro ni Tita Grace yung dalawang bilog dun sa monitor. Dalawang heartbeat din yung na-detect ng ultrasound. Nangilid yung luha ko habang tinitignan yung dalawang maliit na bilog na yun. Grabe, magiging mommy na ako. Hindi lang ng isa, kundi dalawa. Sobra-sobrang kaligayahan yung nararamdaman ko. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Masyado akong masaya. Pinisil ni Lex yung kamay ko habang pinupunasan yung mga luhang tumulo. Hinalikan niya pa yung noo ko. Hindi ako magsisinungaling at sasabihin kong umaasa ako na sana si Ethan na lang yung kasama ko ngayon. Sana siya yung kasama kong marinig tong good news na ito. Sana siya yung may hawak-hawak sa kamay ko ngayon. Sana siya na lang yung humalik sa noo ko. “Thank you,” piping pasasalamat ko kay Lex. Hindi niya binitawan yung kamay ko. Napansin kong nakangiti si Tita Grace. Iniisip din siguro niya na si Lex yung daddy ng baby. Pero gaya nung una, hindi ko na itinama. “Don’t forget to take the vitamins, Alex. Wag ka din dapat maka-miss ng monthly check up, okay? Call me if you need anything.” Inabot sa’kin ni Tita Grace yung reseta ng

Page 167: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

167

gamot na dapat inumin. Tumayo na ako para mag-ready sa pag-alis. “Yes, Tita Grace. Maraming salamat po.” Nagbeso kami tapos lumabas na kami ni Lex ng clinic ni Tita Grace. Nakaalalay si Lex sakin habang papalabas kami ng Obstetrics/Gynecology Department nung ospital. At sa lahat pa ng makakasalubong namin, yung bruhang si Hana pa ang nakasalubong namin. Lalagpasan ko sana siya pero nilapitan niya ako at binati. Hindi naman ako rude na tao kaya pinakiharapan ko siya. “Hi! You’re Ethan’s girlfriend, right? I’m Hana.” Nilahad sa’kin ni Hana yung kamay niya for a handshake. Tinanggap ko naman yun, halfheartedly. Masama talaga ang pakiramdam ko sa babaeng ito. “I’m Alex. By the way, this is Lex, friend ko.” Nagtanguan lang sila para bang wala silang pakialam sa isa’t isa. “What’s that you’re holding, Alex? Do you mind?” Tinuturo niya yung envelope na hawak ko. Yung result ng ultrasound yung laman nun. “Yes, I do. It’s something personal, Hana. I hope you don’t mind.” Pero persistent yata talaga itong babaeng ito. Walang awat sa kakatanong. “Are you from the Obstetrics and Gynecology Department, Alex? Buntis ka? Oh my gosh, does Ethan know? I wonder kung ano magiging reaction ni Ethan kapag nalaman niya yan. My, my, I’m excited!” Pilit akong ngumiti bilang sagot. Isang salita na lang galing sa babaeng `to, huhulas na lahat ng pasensya ko sa katawan. Nako, umiinit talaga ang dugo ko sa babaeng to. Ano bang nagustuhan ni Ethan sa babaeng ito at naging girlfriend niya ito? “Hana, una na kami ha? Marami pa kasi kaming kailangang asikasuhin eh.” Hindi ko na hinintay ang sagot ni Hana. Hinawakan ko sa braso si Lex for support at hinila ko na siya paalis ng ospital. I don’t care about impressions. Ang mahalaga lang sa’kin, makaalis na sa lugar na iyon dahil ilang sandali na lang sasabog na ako sa pagkainis sa babaeng yun.

--- Quote

7 missed calls

Coke - Alex Fernandez

Sh`t. I totally screwed up. Ngayon yung usapan namin ni Alex na sasamahan ko siya sa doktor. That was supposed to be 10AM pero it’s 2PM na. Blame my hangover for this. Bigla kasing nagkayayaan ang barkada ko nung college na mag-inuman. Matagal-tagal na rin since nagkasama-sama kami kaya pumayag ako. Hindi ko naman inakala na mapapainom ako ng

Page 168: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

168

sobra sobra. Oh well, time flies when you’re having fun. Binalingan ko yung nag-iingay na cellphone ko. Kung pwede lang ihagis yun, ginawa ko na. Lalo lang sumasakit ang ulo ko dahil sa pag-iingay nun.

Quote

Incoming Call

Hana Rodriguez “What?” pabalang kong sagot kay Hana. Siya ang may kasalanan kung bakit napasobra ako ng inom kagabi. Pinilit ba naman akong inumin lahat ng shots na para sa kanya. Ako naman si tanga, pumayag naman. “Hey there, sleepyhead. What’s up?” “I’m having a bad case of hangover, thanks to you.” “You’re welcome. I saw your girlfriend few hours ago.” “Really?” “Yeah, she’s with someone named Lex. Galing sila ng ospital.” Mental note: give thanks to Lex for escorting Alex to the hospital, instead of me. Medyo nakakaselos pero kasalanan ko rin naman. After this call, didiretso ako sa condo ni Alex para mag-apologize at para bumawi. “She should be with me if you didn’t shove all your drinks on me last night.” Hindi pinansin ni Hana yung remark ko na yun. Instead, she said, “She came from the Obstetrics Department of the hospital. I asked her if she was pregnant, she just smiled. Sa tingin mo, buntis siya?” “What are talking about Hana?” Bakit bigla akong nainis? Biglang may pagdududang bumangon mula sa dibdib ko. “Do you think it’s your child, E? Or baka naman kay Lex yun? Maybe they were doing something behind your back?” “Shut up, Hana.” Tuluyan na akong nainis. Bakit kailangan magsabi ng ganito ni Hana? Ano gusto nyang palabasin? Darn, hindi ko rin maiwasang magduda. Alam kong kami na ni Alex at pinaparamdam naman niyang mahal niya ako pero pagdating talaga kay Lex, naiinsecure ako. Damn, unti-unting kinakain ng curiosity ang sistema ko. Gusto kong magduda pero ayoko naman. Masyadong nilalason ni Hana ang utak ko. I should resist this but the urge to know dominates my mind. Damn. This. Is. Not. Good. “I have an evidence, Ethan. Meet me at Café La Rosa, 3PM. That’s if you’re interested.” Hindi na ako hinintay ni Hana na makasagot. Pinutol niya na yung tawag. Hindi ako mapakali. Paroo’t parito ako. Naikot ko na yata yung kabuuan ng kwarto ko sa kakaisip kung pupunta

Page 169: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

169

ako sa sinasabi ni Hana. Bumuntong hininga ako. Kinuha ko ang susi ng kotse ko, ang wallet ko, ang cellphone ko bago ako lumabas ng kwarto at nagtuloy-tuloy sa garahe. Ilang sandali pa, pinasibad ko na ang kotse ko.

Revenge 52

Impulsive Decisions Naalimpungatan ako nang marinig ko ang sunod-sunod na pagri-ring ng cellphone ko. Sarado pa yung mga mata ko habang kinakapa ko yung center table para maabot yung cellphone ko. Sa sofa kasi ako nakatulog pagkahatid sa'kin ni Lex dito sa bahay. Ewan ko ba, pakiramdam ko pagod na pagod ako. Minulat ko yung isang mata ko para tignan kung sino yung tumatawag.

Quote

Incoming call

Jessica Balmaceda Agad ko namang sinagot yung tawag dahil minsan ko na lang makausap si Jess. Saka baka importante itong tawag na ito. "Hello?" Medyo groggy pa ako at mahahalata sa boses ko na inaantok pa ako. "Hey, Alex, are you busy?" May urgency sa boses ni Jess. Parang hindi siya mapakali dahil panay ang buntong hininga niya. "Bakit, may problema ba?" "Si Kuya kasi eh." She was pertaining to Ethan. Only sister si Jessica ni Ethan. In fact, may role din si Jessica kung paano kami nagkalapit ng Kuya niya. Bigla kong naalala na dapat nga pala ay nagtatampo ako sa Kuya ni Jessica ngayon. Hindi siya tumawag or nagpakita man lang para i-explain kung bakit hindi siya sumipot sa usapan namin kanina. Dapat si Ethan yung kasama ko sa doktor pero hindi siya dumating. Buti na lang dumaan si Lex kaya may nakasama ako. "Anong problema ng kuya mo?" "Hindi ko rin alam, Alex. Umalis siya kaninang tanghali tapos pagbalik niya dito around 5pm, dire-diretso siya dun sa bar counter. Mula pa nung pagdating niya, umiinom na siya. Wala atang balak tumigil e. Tinatanong ko siya kung may problema ba, tinataboy lang niya ako." Lalong tumindi yung anxiety sa boses ni Jess. Nalusaw naman lahat ng inis ko nang marinig ko kung anong nangyayari kay Ethan. I should be the good girlfriend that I should be. May pinagdadaanang problema yung boyfriend ko kaya ibababa ko yung pride ko at pupuntahan ko siya. Ito siguro yung dahilan kung bakit di siya nakasipot sa usapan namin.

Page 170: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

170

"Wait for me, Jess. I'll be heading out in a few minutes. Bantayan mo muna si Ethan, okay? Keep me posted." "Thank you, Alex. Nag-aalala na kasi ako kay Kuya e." "No problem, Jess. I'll see you later." Nag-toothbrush at nagpalit lang ako ng damit pagkatapos ay lumabas na ako at nag-drive papunta sa bahay nila Ethan. Habang nagda-drive ako, yung tibok ng puso ko, dumoble sa bilis. Para bang hinahabol ng isang pulutong ng mga leon. Hindi naman ako yung morbid na type ng tao pero kung anu-ano ang naisip ko. Baka mamaya ang problema pala ni Ethan ay nakapatay siya ng tao, nakasagasa at tinakbuhan niya yun. Basta ganyan yung mga naiisip ko. Pagdating ko sa bahay nila, nakita kong inaabangan ako na ako ni Jess sa labas. Palakad-lakad siya dun sa front porch ng bahay nila. Basta basta ko na lang pinark yung kotse ko. Tumakbo ako palapit kay Jess at niyakap siya ng mahigpit. Alam ko, walang nangyaring masama kay Ethan pero nag-aalala lang talaga ako. Sabay kaming pumasok ni Jess. Sinamahan niya ako hanggang sa bar counter. Nabasag ang puso ko nang makita ko si Ethan na nakasandal sa counter, nakasalampak sa sahig. Magulo yung buhok niya na para bang sinabunutan ng isang grupo ng mga babae. Bukas yung polo niya na basang-basa sa pawis. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. "Ethan." Lumapit ako sa kanya. Kukunin ko sana yung bote ng alak na iniinuman niya pero marahas na tinabig niya yung kamay ko. "Get lost." Hindi ko inaasahan na sasabihan niya ako ng ganyan. Pero hindi ko pinansin yun at sinubukan ko ulit na kuhain yung hawak niyang bote. "I SAID GET LOST, ALEX! ARE YOU DUMB?!" sigaw niya sa'kin pagkatapos ay binato niya yung bote na hawak niya. Napasinghap ako sa gulat. Ngayon lang ako sinigawan ni Ethan. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Sobrang tindi ba ng problema niya at nagagawa niyang sigaw-sigawan ako? "Ethan, anong problema?" "Ikaw ang problema, Alex! Ang sabi ko, umalis ka na! Tanga ka ba para hindi maintindihan yun?!" Hindi na siya sumisigaw pero galit yung tono ng boses niya. Isang malakas na sampal ang natanggap ni Ethan mula sa kapatid niya. Base sa pagkakakunot ng ulo niya ngayon, lalo niyang ikinagalit yun. "Ano bang problema mo, Kuya? Ikaw na nga inaalala ng girlfriend mo tapos gaganyanin mo lang? Ikaw ba ang tanga ha, Kuya? Umayos ka nga!" "Jess... Ethan..." "Paano ako aayos kung ang inaakala kong girlfriend ko, ginagago pala ako?! Sabihin mo nga, Jessica? Paano?" "Ano bang pinagsasasabi mo, Kuya?" "Yang babaeng yan, malandi yan! Siguro kaya niya ako sinagot kasi alam na niyang buntis siya at natatakot siyang hindi panagutan ng exboyfriend niya. Buntis si Alex, Jessica. At hindi ako ang tatay ng dinadala niya." "NO! That's not true, Ethan!" Marahas na umiling ako habang nag-uumpisang tumulo ang

Page 171: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

171

mga luha ko. Ang sakit. Para akong bumabalik sa panahon na ipinamukha sa akin ng kapatid ko na siya ang mahal ni Lex. Pero mas masakit yung ngayon. Kasi sinabihan ako ng taong mahal ko na manloloko, na ginagago ko siya, na malandi ako. It's just so much to take. Pasuray na tumayo si Ethan para lapitan ako. Pinadaan niya ang isang daliri sa mukha ko, na para bang tine-trace niya yung mukha ko. Pagkatapos ay marahas niyang hinawakan ang mukha ko gamit ang isang kamay. Sa higpit nun ay mas lalo akong napaiyak. Hindi ko inakalang may tendency palang maging ganito si Ethan. Ibang-iba siya sa Ethan na nakilala ko. Yung Ethan kasi na alam ko, malambing at maalaga. Ibang-iba sa Ethan na nasa harap ko ngayon--bayolente at galit. Hindi ko pa pala talaga siya kilala. "Wag ka nang mag-deny, Alex. Nakausap ko yung nurse sa ospital na pinuntahan mo. Si Lex ang ama ng batang yan, di ba? Si Lex at hind ako! That fcking ba$tard! Kung hindi pa sinabi ni Hana sa'kin di ko pa malalaman." "Ethan..." Patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko. Masyado na akong nasasaktan."Fine, believe what you want! Di ka rin naman maniniwala sa'kin kahit magsabi ako ng totoo di ba?!" Pero natuto na ako di ba? Di na ako magpapakatanga. Di na ako magpapaapekto. Ayoko nang masaktan kagaya ng dati. "Pero alam mo, Alex, wala naman akong pakialam e. Kasi hindi naman talaga kita minahal. Magaling lang siguro akong umarte kasi napaniwala kita na may gusto talaga ako sa'yo. It's all part of the game, Alex. Gumaganti lang din ako sa ginawa mo sa'kin dati." Inipon ko ang lahat ng lakas ko para maitulak si Ethan. Ngumiti ako ng mapait habang pumapalakpak na para bang hangang-hanga ako sa kanya. "I salute you, Ethan." Sumaludo pa talaga ako sa kanya. Hands down ako dahil napaniwala niya ako. Pagkasabi ko nang mga salitang iyon ay walang lingon likod na lumabas ako ng bahay na yun. Hinding-hindi na ako babalik sa bahay na yun. Masyadong masakit para sa'kin ang mga alaalang ibabalik ng bahay na yan. Nang makasakay na ako sa kotse ko, doon ko hinayaan ang mga luha ko na tumulo ng walang humpay. Ang sabi ko hindi na ako magpapaapekto pero hindi ko magawa. Masyado ko siyang minahal. Yung tipong nakalimutan ko na ang sarili ko. Palagi na lang ba akong ganito? Palagi na lang ba akong paglalaruan? Hindi ba ako worth it mahalin man lang? Hanggang pagpapanggap na lang ba ang kayang ibigay ng mga tao sa'kin? Akala ko natuto na ako pero hindi pa rin pala. Akala ko hindi na mauulit ang nangyari sa'kin noon pero mas malala pa ngayon. Akala ko, akala ko, akala ko. Sana nakakamatay na lang ang umasa para kahit papaano hindi ko na kailangan danasin pa ang lahat ng ito. Para hindi na ako masaktan. Everything was just a game. Since then, it was just a game. Ang mga lalaking pinag-alayan ko ng buong puso ko, walang ginawa kundi durugin lang iyon at paglaruan na para bang walang halaga yun. Nakakatakot nang magmahal. Sana pala hindi ko na lang pinakinggan ang puso ko nang makilala ko si Ethan. Maayos na ang buhay ko eh. Tahimik na ako pero ginulo niyang lahat ng yun. Sa laro ng pag-ibig, palagi na lang akong talunan. Kailan kaya ako mananalo?

Page 172: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

172

Kinuha ko sa bag ko ang cellphone ko at dinial ang number ng best friend kong si Clarisse. "Alex, napatawag ka?" "Do we have any clients?" "Hey, are you crying?" Hindi ko pinansin ang best friend ko. Sa halip eto ang sagot ko, "I badly need to do a mission, Clang. Find me one. The most challenging probably. And I want it, ASAP. Kailangan kong ibangon ang natapaktapakan kong pride at puso."

Revenge 53

Blood and Destruction Inom dito, inom doon. Sayaw dito, sayaw doon. Make out dito. Make out doon. Basically, iyan ang mga makikita sa bar na kinaroroonan ko ngayon. I’m used to it though. Pero I’d like to erase from my subconscious mind, the thought of making out with Ethan on this bar, just like any other couples out here. Sinasaktan ko lang sarili ko sa pag-iisip ng ganun. We’re over. He said I’m a slut, I am a flirt. He said he never did love me, that he was just doing his revenge for what I did to him before. It hurt like hell. It was like I was going through the same heartbreak when Lex toyed with my feelings. Only this time, the pain was twice painful from the first time. Inubos ko ang laman ng hawak kong shot glass. Nakisali ako sa mga taong busy magpawis sa pamamagitan ng pagsayaw. Sayaw kung sayaw. Wala akong pakialam kung sobrang wild o sobrang naughty na ng mga galaw ko. Hindi ko iniisip na six weeks akong buntis. Nung una ginusto ko na lang magpa-abort dahil ano pang saysay ng pagbubuntis ko kung wala si Ethan? Pero naisip ko, kawawa naman ang magiging anak ko. Nadamay pa sila sa katangahan ko. Mag-iisang oras na rin siguro ako sa dance floor. May ilan na ring nakipagsayaw sa akin pero itong kasayaw ko ngayon, mas touchy kumpara sa mga nauna kong nakasayaw. Kung kanina, hindi ko tinitignan yung mga kasayaw ko, ngayon hindi ko mapigilan na hindi siya tignan. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako o kung totoo talaga itong nakikita ko. The man standing in front of me looks like Ethan. As in sobra silang magkamukha. Kumurap ako ng ilang beses pero nandun pa rin yung mukhang iyon. I stood still to look at this man's face intently. Si Ethan nga ba ito or nagha-hallucinate lang ako? "Baby, what's wrong?" nakakunot noong tanong sa'kin nung lalaki. Doon ko nakumpira na hindi pala siya si Ethan. Their voices were different. Baritono pero malambing yung boses ni Ethan pero yung sa lalaking kaharap ko, overconfidence ang nahihimigan ko. He's totally not Ethan. "What's your name?" "Evan. You?"

Page 173: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

173

Nag-isip ako nang matagal bago sumagot. "Danielle." "Bagay sa'yo pangalan mo. Beautiful name for a gorgeous lady." Bigla akong may naalala kung bakit ako nandito. Same face, same name, same description. It has to be this guy. Etong lalaking ito ang dahilan kung bakit ako nandito sa bar na ito. I tried to be as alluring and as inviting as possible. Kahit pinipilit ko ang sarili ko, mukha namang interesado sa'kin ang lalaking ito. To make him more drawn to me, I pulled his head for a life-shattering kiss. Binuhos ko lahat ng emosyon ko sa halik na yun. Pain, anger, frustration, sadness. It was more of a punishment than a pleasure. I was giving my all in that kiss pero I didn't close my eyes. It was open the whole time we sucked the life out of each other. My gaze was fixed to the couple a few feet from us. The girl was sitting on the guy's lap while the guy was holding the girl, his hands roaming around her body. Just like Evan and I, they were passionately making out on one of the bar's couches. Doon na naglandas ang mga luha ko sa mga pisngi ko. Why? Dahil ang babae't lalaking tinitignan ko ay walang iba kung hindi si Ethan at Hana. Ang sakit isipin na hindi nila maialis ang kamay nila at ang mga bibig nila sa isa't isa. Maybe, si Hana talaga ang gusto ni Ethan all along. Siguro nga I'm the type of girl na mukhang madaling mauto. Siguro nga walang magseseryoso sa akin. Baka sa mga panahong inaabala ni Ethan ang sarili niya sa akin ay sila parin ni Hana. Biglang natigil si Evan sa paghalik sa akin. Siguro nalasahan niya yung mga luha ko. "Hey, baby, what's wrong?" Evan cupped my face then wiped away my tears using his thumbs. "W-wala, napuwing lang ako." Kinuha ni Evan yung panyo niya tapos pinunas niya yun sa mukha ko. It was a sweet gesture. Siguro kung hindi ako nasasaktan ngayon, magugustuhan ko si Evan. He seemed so sweet. Pero hindi nga pala dapat nagpapadala sa mga sweet na lalaki. Mamaya pinaglalaruan lang pala tayo. Pinaapaasa tapos kapag nakuha na nila yung gusto nila, they will drop us like a hot potato. "Let's get some drinks." Sumunod lang ako kay Evan papuntang counter. Pinilit ko ang sarili kong huwag tumingin kina Ethan at Hana nang madaanan namin sila. Hindi naman nila ako napansin na dumaan dahil busy pa rin sila sa ginagawa nila. Tumambay lang kami ni Evan sa bar counter, umiinom at nagkukwentuhan. He was telling me about himself, his work, his family, his hobbies pero wala naman doon ang atensyon ko. "Don't you think na pathetic ang mga taong kumukuha ng mga taong kamukha ng mga ex nila? Like they can't move on?" I know that voice. How can I forget? It's the !@#$'s voice. The !@#$ who ruined my life.

Page 174: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

174

She was now sitting on the stool next to Evan. Kasama niya si Ethan pero tahimik lang ito at umiinom lang ng drinks niya. "That sure is pathetic. Kawawa naman yung tao kasi hindi talaga siya iniisip ng partner niya." "Agree ako dyan, Mister. How about you, Miss?" Bumaling sa'kin si Hana at hinintay ang isasagot ko pero I chose to keep quiet. Kunyari ay hindi ko na lang siya narinig. "Can we go now?" pag-agaw ko sa atensyon ni Evan dahil kausap na niya si Hana. Mukhang enjoy na enjoy sila sa pag-uusap kaya nakalimutan na nila na may kasama sila. Kinuha ni Evan ang kamay ko at sabay kaming naglakad paalabas ng bar. Akala ko mananahimik na si Hana pero may pahabol pa siya. "Move on, girl! Get a life." Hindi ko na pinansin yung pahabol ni Hana. I have a life. Inagaw lang nga lang niya. "Where do you wanna go, baby?" Evan hugged me then buried his face on my shoulder. He began leaving wet kisses on my shoulders and on my neck. I would have pushed him away kaso I have to endure this so I could do what I have to do. "Anywhere. It's your call, babe." "Alright." Excited na binuksan ni Evan yung pinto ng kotse at inalalayan niya akong sumakay. Halos paharurot ang pagpapaandar niya sa kotse niya. Halatang may gustong gawin tong lalaking ito. At hindi naman ako nagkamali kasi dinala niya ako sa condo niya. Nung nasa elevator kami, he pinned me on the wall then kissed me hard. I was kissing back but less passionate than his kisses. Pagpasok na pagkapasok namin sa unit niya, inihiga niya agad ako sa sofa at ipinagpatuloy ang ginagawa niya sa elevator. Unti-unti na niyang ina-unbotton yung mga butones ng blouse ko pero marahan ko siyang tinulak palayo. "What?" "Shower." "Right. Wait for me here." Dali-dali siyang tumakbo papuntang CR, hinahagis sa dinadaanan niya yung damit niya. Nanatili akong nakahiga sa sofa. Pikit matang sinarado ko ang blouse ko. Deja vu. Hindi, higit pa ito sa isang deja vu. Nangyari na ang ganito sa'kin dati. Ganitong-ganito kung paano kami unang nagkita at nagkakilala ni Ethan. We hooked up from the bar; he brought me to his place; he took a

Page 175: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

175

shower; I played with him. [reference] Naulit ang lahat ng iyon ngayon. This time, it was Evan. I took a deep breath then dialed the number of my latest client. "Hey, Alex! What's up? Successful ba ang operation mo with Evan?" "Ana. The reason why I called is that I'm pulling out. Hindi ko na kayang gawin ang gusto mong ipagawa." "What?! You can't do this, Alex! I fcking paid you fifteen thousand pesos tapos hindi mo magagawa?" "I'll send it back to you, ASAP. I just can't go on with this, Ana. You don't know how hard this is for me." Muli na namang tumulo ang mga luha ko. Oo, nahihirapan akong tapusin itong mission na ito dahil bumabalik sa akin ang mga alaala ni Ethan. Masyadong mapaglaro ang tadhana na kailangan pang maulit ang bagay na ito. Masyadong mapaglaro na kailangan pang kamukha niya ang target ko. Masyadong masakit para sa akin yun. Bato ang pagkatao ko pero mula nang makilala ko si Ethan naging malambot na iyon. "I don't care! I want the job to be done!" "I'm sorry but I can't do it, Ana!" Pinatay ko na ang cellphone ko para hindi na makipag-argue pa si Ana. Kahit ano pang sabihin niya, hindi ko na tatapusin ito. Call me a coward, a sissy, a loser or whatever you want to call me. I don't care. I just want to escape this pain. "Do what?" Napapitlag ako nang marinig ang boses ni Evan. Kunot na kunot ang noo niya na para bang hindi siya makapaniwala sa mga narinig. Hawak na niya ngayon ang braso--mahigpit na para bang hindi ako maaaring umalis hangga't hindi ko nasasagot ang mga nais niyang malaman. "I'm sorry but please let me go." Hindi niya binitawan ang kamay ko. Mas lalo pa niyang hinigpitan iyon. Mas lalong maraming luha ang umagos mula sa mga mata ko. Medyo nag-soften ang hitsura ni Evan pero hindi pa rin niya ako pinakawalan. "Bakit kilala mo si Ana? Paano mo nakilala ang ex-girlfriend ko? Anong gusto niyang ipagawa sayo?" Wala akong nagawa kundi sagutin siya. Ikinuwento ko ang gustong mangyari ni Ana. For the first time in four years, nag-fail ako sa trabaho ko. For the first time, hindi ko tinapos ang trabaho ko. For the first time, I lost. Kahit nasagot ko na ang mga tanong niya, hindi pa rin niya ako pinapakawalan. Nag-isip ako ng pwede kong gawin para makawala. "I'm sorry but I have to do this." I punched hard on the face which made him disoriented. Then I knocked his balls. Napahawak siya sa manly jewels niya kaya nabitawan niya ako. I ran

Page 176: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

176

fast as I could. Kahit palabas na ako ng building na yun, tumatakbo pa rin ako. I don't know why pero pakiramdam ko may humahabol sa'kin. I was about to cross the street when a bright light blinded my eyes. Because of that, I wasn't able to see the speeding car that was coming my way. I froze in shock, in fear. I felt something hit my legs, my torso. I even heard my head kissed the ground. "Ethan..." Those were the last words I uttered before everything turned black. ---

Quote

Incoming Call

Unknown Number "Hello?" "Ethan, this is Lex. Please go to St. Luke's right away. Alex needs you." Yun lang ang sinabi ni Lex pero agad agad kong iniwan si Hana at pinaharurot ang sasakyan ko papuntang St. Luke's. I don't know why, pero kinakabahan ako ng sobra.

Revenge 54

Pain, Denial, and Rejection

E T H A N

D A Y O N E

Himbing na himbing sa pagtulog si Alex. Para bang wala siyang iniindang sakit dahil sa mga pasa, at sugat na natamo niya mula sa aksidente. Payapang-payapa ang mukha niya. Hindi ko napigilan ang sarili kong haplusin ang pisngi niya. Kahit may benda sa ulo, may neck brace, at maraming benda sa katawan, sa paningin ko, hindi nabawasan ang ganda niya. Hinawakan ko ng mahigpit ang kaliwang kamay niya pagkatapos ay hinalikan iyon. Hindi ko binitawan ang kamay niyang iyon kahit pa nakaupo na ako sa tabi ng hospital bed at nakasubsob ang mukha ko sa free space sa tabi niya. Nasa ganoong posisyon kami nang pumasok ng suite si Lex kasama ni Dr. Gonzales. May result na siguro yung tests na ginawa kay Alex. I hope hindi ganun kalala yung nangyari sa kanya.

Page 177: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

177

"Doc, kamusta po si Alex?" tanong ko sa doktor pagkatayo ko mula sa upuan. Hindi ko pa rin binibitawan yung kamay ni Alex. Natatakot ako na kapag binitawan ko yun, mawala na lang siya bigla sa'kin. Alam ko, nasaktan ko siya, pero hindi ko naman kayang mawala siya sa'kin ng ganito. Tinignan nung doktor yung dala niyang patient’s chart bago ako sinagot. "Based on the test results, wala namang dapat ipag-alala sa condition ni Ms. Fernandez. It may take awhile bago ulit siya magising dahil sa pagtama ng ulo niya sa semento. She has to undergo a therapy para makalakad siya ulit ng maayos." Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko yun. Hinalikan ko ulit yung kamay ni Alex pagkatapos ay hinaplos ang pisngi niya. I'm glad na wala masyadong nangyari sa kanya aside from some cuts, bruises, and a bone fracture. "What about her baby, Doc? Okay ba sila?" Buntis nga pala si Alex at si Lex ang ama. Kaya naman ganyan kalaki ang concern ni Lex para sa mga bata. Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na magkakaanak na sila. Laking panghihinayang ko nang sabihin sa akin ni Hana na nakita niya sina Alex at Lex na magkasamang lumabas ng ospital. Pero ang ipinagtataka ko, bakit gusto ni Alex na samahan ko siya sa doktor nang araw na iyon kung papanagutan naman pala siya ni Lex? "Sino ba sa inyong dalawa ang partner ni Ms. Fernandez?" Nagpalipat-lipat ng tingin yung doktor sa aming dalawa ni Lex. "Siya." Napakunot ang noo ko nang ituro namin ni Lex ang isa't isa. Bakit ako ang itinuturo niya, eh, siya itong tatay ng bata? "Sino ba talaga, mga Mister?" "Siya po, Doc. Si Ethan po talaga ang partner ni Alex." Lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo ko. Bakit ako? Hindi ba si Lex, kagaya ng sinabi ni Hana? O baka naman pinaglalaruan lang ako ng babaeng yun? "Hindi ba ikaw ang daddy ng mga bata, Lex? Why are you pointing at me?"

Page 178: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

178

"Ikaw ang ama ng dinadala ni Alex, Ethan. Believe me. We'll talk about it later."Binalingan ulit ni Lex ang doktor. "Doc, what about the babies?" "I'll go straight to the point, Sir. Miss Fernandez had a miscarriage. Masyadong na-i-stress ang katawan niya plus the fact na nabangga siya ng isang kotse na mabilis ang pagpapatakbo. Mahina pa ang kapit ng mga bata dahil 6 or so weeks pa lang sila. I'm sorry." Tinapik ng doktor yung balikat ko bago siya nagpaalam sa amin. Para akong namatayan sa narinig ko. Nanghihinang napaupo ako sa sahig at napasandal sa bedside table. Tatay na ako. Andun na eh, kaso nawala pa. Kinuha agad sa akin, sa amin, kahit hindi pa namin nakakasama. Eto siguro ang kapalit ng masasakit na salitang nasabi ko kay Alex dahil nakinig ako sa Hana na iyon. Nawalan ako ng tiwala kay Alex at nakinig na lang basta kay Hana. Kung si Alex siguro ang pinakinggan ko, hindi mangyayari ito. "Pare, can we talk?" pagbasag ni Lex sa nakakabingi at nakakatulirong katahimikan. Ilang beses ko munang ihinilamos ang palad ko sa mukha ko. Oo, ganito ako ka-frustrated sa nangyari. Masyado akong nagpadala sa emosyon ko kaya nahusgahan ko si Alex nang wala sa katwiran. Masyado akong nagalit sa ginawa niya. At nang mga panahong iyon, tama yung sinabi ni Alex. Kahit anong gawin niyang paliwanag ay hindi ko pakikinggan. Masyado akong nilamon ng insecurities ko kay Lex. Sa sobrang selos ko sa kanya, naging irrational ako. "Ethan?" Saka lang ako tumayo. Kinintalan ko muna ng mabining halik sa noo si Alex bago ko sinunndan si Lex palabas ng suite. Sa isang coffee shop sa vicinity mismo ng ospital kami tumuloy. Patapos na naman ang visiting hours kaya't baka dumiretso na kami pauwi. Sabi ni Lex ay ang Tita Grace na lang daw ni Alex ang bahalang magbantay dito ngayong gabi. Naitawag na rin daw sa parents ni Alex ang nangyari. “Ano bang gusto mong pag-usapan natin, Lex?” pag-uumpisa ko sa totoong dahilan ng pag-uusap naming ito. "Based on your reaction earlier, I guess hindi nasabi sa'yo ni Alex na she's pregnant with your child." Nilahad ni Lex ang mga dapat kong malaman. Mula sa pagpapanggap nila ni Alex hanggang sa araw ng pagpunta ni Alex sa ospital. Nakita pala sila ni Hana na lumabas galing sa Obstetrics Department. Kung anu-anong assumptions daw ang sinabi ni Hana pero binalewala lang iyon

Page 179: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

179

ni Alex. Pero nilinaw naman sa akin ni Lex na walang nangyari sa kanila ni Alex. Na sa akin daw talaga ang bata. Binahagi ko rin kay Lex ang dahilan kung bakit hindi ako nakarating sa usapan namin ni Alex. Na nalasing ako nang gabing yun kaya hindi ako dumating sa oras na tinakda namin ni Alex. Sinabi ko rin na imbes na puntahan si Alex ay si Hana ang pinuntahan ko para liwanagin ang mga sinabi niya sa akin nang tumawag siya nang araw na iyon. Dahil doon, nagkaroon kami ng di pagkakasundo ni Alex na nagresulta sa pakikipaghiwalay ko sa kanya at pagsasabi ko ng mga masasakit na salita sa kanya. Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin bago namin napagpasyahan na umalis na ng coffee shop na iyon. Nasa tapat na ako ng kotse ko nang tumigil si Lex ilang hakbang mula sa kinatatayuan ko at pagkatapos ay lumingon sa gawi ko. “Hindi porke't sinabi ko sa'yo ang totoo, ibig sabihin pinapaubaya ko na si Alex sa'yo.” Isang pagkunot ng noo lang ang naging sagot ko sa kanya. Anong ibig niyang sabihin? “I’m in love with her.” “What?” Narinig ko ang sinabi ni Lex pero pilit kong pinaniwala ang sarili ko na nagkamali lang ako ng pagkakadinig. “Mahal ko si Alex, Ethan. Mahal ko siya hindi lang bilang isang kaibigan. I love her the way you love her. You can’t stop me from courting her once she recovers. Technically, break na naman kayo eh. I just want to be honest with you.” Tinapik muna niya ako sa balikat bago siya naglakad patungo sa sarili niyang sasakyan. Samantalang ako, nanatili lang na nakatayo sa tapat ng sasakyan ko. Nang magsimulang pumatak ang ulan, saka ko lang naisipan na umalis na. Alex is a very beautiful woman. Talagang hindi maiiwasan ang mga kakompetensiya sa kanya. At mayroon na ngang lumitaw na isa sa katauhan ng ex-boyfriend niyang si Lex. Ganun pa man, I won’t back off. “I’ll give him a good fight.”

***

Page 180: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

180

D A Y T W O Pagkagising na pagkagising ko, nag-ayos kaagad ako ng sarili para makapunta agad sa ospital kung saan naka-confine si Alex. Baka sakaling gising na siya. At kapag ganun nga ang nangyari, ‘Sorry’ ang unang-unang sasabihin ko sa kanya. Magso-sorry ako hindi dahil nate-threaten ako kay Lex at gusto kong i-secure si Alex para sa sarili ko. Magso-sorry ako dahil nakita ko na ang pagkakamali ko at inaamin kong mali ako. Dumaan muna ako ng isang flower shop malapit sa St. Luke’s para bumili ng paboritong bulaklak ni Alex. Gustong-gusto niya ang peach Holland tulips kaya alam kong matutuwa siya kapag nakatanggap siya niyon. Lakad-takbo ang ginawa ko para marating agad ang suite ni Alex. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng suit niya; kumakabog-kabog pa ang puso ko sa nerbiyos. Parang bumagsak ang puso ko nang makitang natutulog pa rin si Alex nang mga sandaling iyon. Hindi pa rin siya nagigising. “Good morning po, Sir,” magiliw na bati ng nurse habang pinapalitan ko ang mga bulaklak sa vase na nakapatong sa bedside table. “Hi. Kamusta na siya?” Nilapitan ko si Alex at hinaplos ang mukha niya. “Okay naman po ang vital signs niya kaso nasa comatose state po siya ngayon.” Tumango na lang ako bilang sagot. Nang matapos na ng nurse ang gagawin niya ay nagpaalam na itong lumabas. Walang kasama sa kwarto si Alex. Marahil ay umalis na ang Tita Grace niya para magtrabaho. Kinintalan ko ng isang halik ang parte ng ulo niya na walang benda. I sat beside her then gently stroked her hair with my hand. Ang sabi nila, kapag kinausap mo ang isang taong nasa isang comatose stage, maririnig pa rin niya iyon. Makakatulong din daw iyon sa pagrecover ng pasyente. I guess I’m pushing my luck nang magsimula akong kausapin si Alex kahit hindi ko alam kung totoo ba talaga iyon o hindi. “Hi, Alex. Kamusta ka na? May masakit ba sa’yo? Dalawang araw ka na ring natutulog dyan. Sana gumising ka na. Gusto ko na ulit makita yung nakakatunaw mong ngiti. Nami-miss ko na rin yung nakakahawa mong tawa. Ilang araw pa lang tayong nagkakalayo pero sobrang miss na miss na kita. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung tuluyan na tayong magkakahiwalay. Sobrang miserable ako nang mga panahong iyon, Alex. Wala akong ginawa kundi magmukmok sa isang sulok o kaya magpunta sa iba’t ibang bar para magpakalunod sa alak.” Para akong nasa mga impiyerno nang mga araw na iyon. Para bang unti-unti akong pinapatay habang lumilipas ang mga oras, ang mga araw na hindi ko nakikita si Alex. Pinilit ko na lang ang sarili ko na paniwalaan na gusto ko iyong nangyari. Pinilit ko ang sarili ko na wag habulin siya nang tumakbo siya palayo sa’kin. Matayog din naman kasi ang pride ko eh. Lalaki ako. May ego akong pinapangalagaan. At nang mga sandaling iyon, nilamon ako ng buhay ng ego na iyon.

Page 181: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

181

“Alam mo ba? Nung araw na maaksidente ka, dapat makikipag-ayos ako sa’yo noon dahil hindi ko na kayang patagalin yung mga oras na hindi kita kasama. Sasabihin ko dapat sa’yo na tatanggapin ko yung baby kahit hindi ako yung totoo niyang daddy. Sinundan kita hanggang sa makarating ka dun sa bar. Oo, ganun ako ka-desperado na makipag-ayos sa iyo. Dumistansiya muna ako para hindi mo ako makita saka nag-iipon pa ako ng lakas ng loob humarap sayo matapos kitang sabihan ng mga masasakit na salita. Nasa may bar ka noon, lalapitan sana kita kaso biglang lumapit yung lalaki sa’yo. Ang sweet niyo tignan kaya kinain na naman ako ng selos. Tinawagan ko agad si Hana para papuntahin siya dun sa bar. Buti na lang nandun din si Hana kaya mabilis kong nagawa yung plano ko. Naisip ko noon, kung nagagawa mo nang makipag-date sa iba, kaya ko rin. Kaya naman nang makita kitang nakikipaghalikan dun sa lalaking yun, hinalikan ko rin si Hana. Alam ko kasi nakikita mo kami kaya ginawa ko yun.” Siguro si Alex na nga yung karma ko. Dati kasi, napakapalikero ko. Kapag nagsawa sa isang babae, hahanap agad ako ng bago. Wala akong pakialam sa nararamdaman nila. Isa akong typical playboy bago ko nakilala si Alex. Nasanay akong babae ang humahabol sa akin. Pero pagdating kay Alex, ako humabol-habol sa kanya. Ako ngayon etong nagmumukhang tanga, kinakausap ang himbing na himbing na si Alex kahit hindi niya ako naririnig. Masyado kasi akong tinamaan eh. Mahal na mahal ko talaga siya. Kung may gusto man akong makasama sa buong buhay ko, si Alex na iyon. “Sinundan ko kayo nang umalis kayo ng bar. Sobrang nanghina yung loob ko nang makita ko kayong pumasok sa loob ng building na iyon. Pinaharurot ko agad ang kotse ko paalis kasi hindi ko na kaya pa yung nararamdaman kong sakit. Dumiretso ako sa bahay namin. Hindi ko pinapansin si Jessica kahit kinukulit niya ako. Nagmumukmok lang ako sa kwarto ko. Saka ko naalala na sa bar din nga pala tayo unang nagkakilala. Ganung-ganon iyong scenario ang naisip ko. Kung anu-anong tanong ang naisip ko. Sobra akong kinabahan nang tumawag sa’kin si Lex at nang sumugod ako dito. Nang makita kita, para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Sobra akong nag-alala, Alex. Natakot akong mawala ka sa’kin.” Napangiti ako nang maalala ko yung unang beses na nakita ko siya. Talagang literal na hindi ko maialis ang mga mata ko sa kanya. Naka-maskara pa siya nun pero malakas ang pakiramdam ko na sa likod ng maskara na iyon, isang magandang babae ang makikita ko. Hindi naman ako nagkamali. Isa ngang napakagandang babae ang nakita ko. Maganda siya, inside and outside. "I'm sorry, love. Nasabihan kita ng masasakit na salita. Hindi dapat ako nagpadalos-dalos. Pinakinggan sana kita. Sana paggising mo, mapatawad mo ako sa mga nagawa. Kasi mahal na mahal kita, Alex. Gagawin ko lahat ng hihilingin mo mula sa akin. Kasalanan ko naman kung bakit ka nagkaganito eh. Sinaktan kasi kita. Pero sana talaga mapatawad mo ako. Hihintayin ko yung araw na yun." Naramdaman kong may mainit na likido na gumapang pababa ng pisngi ko. Umiiyak na pala ako. Sabi ng ilan, kapag umiyak daw ang lalaki, mahina siya or worse, bading. Pero hindi ba tao lang din kaming mga lalaki? May nararamdaman din kami. Siguro kaya hindi kami palaging naglalabas ng emosyon dahil na rin sa ego at sa takot kaming mabansagang mahina o binabae. Pero para sa'kin, a man crying is not a sign of weakness, hence it is a sign of acceptance. Acceptance in the sense that we acknowledge our faults and be man enough to be repentant for it.

Page 182: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

182

Pinahid ko ang mga luha ko pagkatapos ay pinagpatuloy ang paghagod sa buhok ni Alex. Kahit papaano ay nakalma ako sa ginagawa kong iyon. Pinalipas ko muna ang ilang minuto bago ako muling nagsalita. "Nasabi na pala ni Lex sa akin ang totoo. I would have been a proud father had our twins survived. Sayang, magkaka-junior na sana ako. Pero we should move on, right? Hayaan mo, kapag magaling ka na, we'll get married then have a dozen of babies. Sigurado ako magiging magaganda at gwapo sila. Siyempre, mana sila sa atin eh. Kaya, Mcdo, pagaling ka na ha? Magpapakasal tayo agad pagkagaling mo." Napakamot ako ng ulo sa naisip ko. Ang lakas ng loob kong magbitaw ng mga ganyang salita pero hindi ko pa sigurado kung mapapatawad niya pa ako. Siguro kasi umaasa pa rin ako na kahit kaunti ay may natitira pa siyang pagmamahal sa akin. "I must be so deeply in love with you because here I am, proposing to you while you're in coma." Dinampian ko ng isang masuyong halik sa labi si Alex. “Maghihintay ako hanggang sa araw na saguin mo ako. I love you, Mcdo. I love you so much.” Bumaba ako mula sa pagkakaupo sa tabi ni Alex. Inilapit ko sa kama ang monoblock chair at isinalampak ang sarili ko doon. Nakatitig lang ako kay Alex, umaasang magigising na siya pero nabigo lang ako. Unti-uni na akong iginupo ng antok. Isinandig ko ang ulo ko sa kama. Doon na ako ipinaghele ng katahimikan.

***

“I love you.” Naalimpungatan ako dahil pakiramdam ko may nagbulong niyon sa akin. Kinusot ko ang mga mata pagkatapos ay pupungas-pungas na lumingon sa paligid. Wala namang nandoon bukod sa amin ni Alex at sa papasok na nurse. Panaginip lang siguro. Tinignan ko ang orasan na nakasabit sa tapat na dingding sa kama ni Alex. Lagpas tanghalian na. Ibig sabihin ilang oras na rin akong nakatulog. “Magandang tanghali po ulit, Sir.” Siya rin yung nurse na nakausap ko kaninang umaga. “Good afternoon din sayo.” Umisod ako ng kaunti para makalapit yung nurse kay Alex. Tinignan niya yung dextrose ni Alex pagkatapos ay nagsulat dun sa dala niyang chart. “Girlfriend niyo po si Ma’am Alex, Sir?” Nginitian ko yung nurse. “Ex-girlfriend pero paggising niya yayayain ko agad siyang magpakasal.” Parang tumaas ang energy level ko nang banggitin ko ang salitang ‘kasal.’ “Nako, Sir, sana um-oo si Ma’am Alex! Nakakatuwa naman. Kayo po yung tatay nung

Page 183: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

183

baby?” “Oo eh. Sayang maaga silang nawala sa amin. Pero hindi bale, sa susunod, iingatan ko na siya ng mabuti.” “Ipagdadasal ko kayo, Sir.” “Salamat.” Ngumiti ulit ako sa kanya. “Krizza. Ako po si Krizza, Sir.” “Ako naman si Ethan.” Nilahad ko ang kamay ko para makipagkamay. Tinanggap naman niya iyon. Nagkuwentuhan pa kami habang binibigyan niya ng sponge bath si Alex. Nang matapos na niya ang gawain niya ang nagpaalam na siya sa akin. Nang makaupo na ulit ako, pinagmasdan kong mabuti si Alex. Dalawang beses akong kumurap para siguraduhin na hindi ako nagkakamali. Bahagyang gumalaw ang index finger ni Alex. Malapit na siyang gumising!

***

D A Y T H R E E

Gustuhin ko mang magpunta sa ospital agad-agad, hindi ko naman maiwan ang trabaho ko. Nakakahiya naman sa boss ko na kabago-bago ko pa lang, palpak na agad ako. Kaya naman, tinapos ko ng mabilis ang trabaho ko para makapunta ako ng ospital. Ngayong araw din pala ang pagdating ng mga magulang ni Alex. Si Lex na ang nagprisintang sumundo sa kanila sa airport. Pumayag ako dahil nga kailangan kong asikasuhin ang mga blueprints na sa akin naka-assign.

Page 184: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

184

Nag-aayos na ako ng gamit ko nang makatanggap ng text message mula kay Lex.

Quote

From: Lex Pierpont

Gising na si Alex. Maiksi lang yung laman ng text na iyon pero sapat na para magpasirku-sirko ang puso ko sa kaligayahan. Para akong tanga na isang malaking ngiti ang nakapaskil sa mukha ko habang dali-daling inayos ang mga gamit ko. Kahit nang magpaalam na ako sa manager namin ay nandun pa rin ang ngiting iyon. “O, mukhang masaya ka yata, Ethan?” tanong ng kasamahan kong si Lynne. Kasabay ko siyang sumakay ng elevator. “Gising na daw kasi yung soon-to-be-fiancée ko.” Pakiramdam ko kumikinang-kinang pa ang mga mata ko nang sabihin ko yun. Hindi ko lang talaga maitago ang sayang nararamdaman ko. “Ah, siya ba yung naikwento mo kahapon nung dumaan ka?” Tumango na lang ako. Nang makarating kami sa ground floor ay kumaway na lang ako kay Lynne. Nagmamadali akong nagmaneho papuntang ospital. Gustong-gusto ko na talagang makita si Alex at mayakap siya. Lakad-takbo ang ginawa ko para makarating agad sa suite ni Alex. Pagdating ko sa kwarto niya, nagkukumpulan sila sa may kama ni Alex kaya hindi nila napansin nang pumasok ako sa loob. Gustong-gusto kong sugurin ng yakap si Alex kaso bigla akong tinamaan ng hiya. Bumilis ang kabog ng dibdib ko. Ang kaninang sobrang tuwa ay napalitan ng sobrang kaba. Nanatili lang akong nakatayo sa may pintuan, pinapanood si Alex habang nakaupo sa kama niya. Ngumi-ngiti na ulit siya. “Hijo, nandito ka na pala. Halika.” Dahan-dahan akong lumapit sa kanila. Parang sumisikip yung mundo sa bawat hakbang ko. Lalong bumibilis ang bawat tibok ng puso ko. “Alex…” bulong ko nang makalapit sa kanya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Binalot ko siya sa mga bisig ko. Niyakap ko siya ng mahigpit na para bang kay tagal naming hindi nagkita. “I’m sorry, Mcdo. Forgive me please?” Pinakawalan ko si Alex para tignan ang expression niya. Bumagsak ang balikat ko nang makitang nakakunot ang noo niya. Walang sense of recognition sa mga mata niya. Pagtataka lang nandoon sa mga matang iyon.

Page 185: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

185

Galit pa rin siguro siya sa’kin. Bahagyang lumayo ako para bigyan siya ng space. Siguro ayaw pa rin niya akong kausapin matapos ng mga sinabi ko sa kanya nang makipaghiwalay ako sa kanya. “Andy, sino siya?” nagtatakang tanong ni Alex kay Lex. Is she denying me now? Dinedeny na ba niya ang existence ko dahil sa sobrang sakit ng nagawa ko sa kanya? “He’s Ethan, Alex. He’s your… friend.” “Friend? Bakit hindi ko siya maalala, Andy?” Napakunot ang noo ko pati na rin ang noo ng mga kasama ko. Tila pare-pareho ang tumatakbo sa mga isipan namin ngayon. “Why do you keep on calling me Andy, Alex?” “Why? Don’t I call you ‘Andy,’ babe?” Puno pa rin ng pagtataka ang mga mata ni Alex na unti-unti nang napalitan ng frustration. “Ano bang problema niyo. I’m sorry talaga, Mr. Whatever-your-name- is. I really can’t remember you. You seem familiar pero I can’t recall your name.” Doon ko na napagtagni-tagni ang mga pangyayari. Unti-unti akong napaatras hanggang sa makaupo ako sa sofa. Inihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko dahil sa frustration sa mga nangyayari. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa na desidido na ako sa gusto kong mangyari? Masyado namang mapaglaro ang tadhana. Bakit ngayon pa ako nakalimutan ni Alex? Ganun na lang ba ang sakit na naidulot ko sa kanya? Bakit ako pa? Una, nawala ang anak namin. Ngayon naman, pati si Alex maaari pang mawala sa’kin. Ganun ba ako kasama? Bakit ngayon pa niya kailangang makaranas ng ganito? Bakit ngayon pa siya nagka-amnesia? At sa lahat pa ng makakalimutan niya ay ako.

Revenge 55

White Lies

A L E X

Panglimang araw ko na sa ospital pero hindi pa rin ako nakakalabas. Ang sabi ng doktor,

Page 186: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

186

aabutin pa raw ng ilang araw ang pananatili ko sa ospital para i-monitor ang body activities ko. Wala namang problema iyon dahil kahit naman pauwiin na ako ay wala rin akong magagawa dahil nakasemento ang kanang paa ko. Kasama ko si Mama ngayon sa loob ng kwarto at matiyaga niyang ikinukwento sa akin ang mga pangyayaring nabura sa alaala ko. Kaming dalawa lang ang magkasama dahil si Papa ay umuwi muna sa condo para magpahinga. Siya kasi ang nagbantay sa akin buong araw kahapon. "Nagugutom ka na ba, Alex?" tanong sa akin ni Mama. Hindi ko namalayan na tapos na pala siyang magkwento. "No, Ma. Mamaya na lang po." Nahiga na lang ako ng maayos sa kama at tumitig sa puting pintura ng kisame. Kung saan saan napunta ang isip ko. Dahil doon, naalala ko yung ikinuwento sa akin ni Mama. In a span of one month, dalawang beses akong nawalan ng mga taong importante sa buhay ko--ang kapatid kong si Ria at ang soon-to-be-twins ko sana. Iyak ako nang iyak nang malaman ko ang mga balitang iyon. Ang totoo niyan ay kahit ngayon, nag-uumpisa na naman tumulo ang luha ko. Nalulungkot ako sa pagkawala nilang pareho pero sobra kong pinanghihinayangan ang pagkawala ng babies ko. Ang sabi nila Mama, nabangga daw ako habang tumatawid ako sa kalsada. Pero may umuukilkil sa isipan ko na may iba pang dahilan kung bakit nangyari iyon. Hindi ko lang maalala kung ano iyon. O baka naman pilit na kinakalimutan dahil sa sakit na dulot niyon? Pinahid ko agad ang mga luhang kumawala bago pa iyon makita ni Mama. Masyado na silang nag-aalala sa akin kaya't ayokong makita pa niya akong umiiyak. Kahit hindi nila sabihin alam kong nasasaktan din sila sa nangyari sa akin. Alam kong kahit kaunti ay may hinanakit sila dahil nagkaroon ako ng anak nang hindi pa ikinakasal. Biglang tumunog ang cellphone kong nakapatong sa ibabaw ng cabinet sa tabi ng hospital bed. Inabot ko iyon para tignan kung sino ang nagtext.

Quote

Fr: Clarise Go

Page 187: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

187

A lie may take care of the present but it has no future.

Good morning. God Bless. Pagaling ka, best friend. I miss you na. Parang isang malaking bato ang dumagan sa dibdib ko nang mabasa ko ang unang message na iyon ng best friend ko. Walang kahihinatnan ang pagsisinungaling. Isang balde yata ng luha ang tumulo mula sa magkabilang mata ko habang inaabsorb ko ang mensahe na iyon ni Clarise. Hindi ko na naitago mula kay Mama ang mga luha ko. Bago pa ako makapagpahid ay nakita na niya akong lumuha habang hawak-hawak ang cellphone ko. Agad namang tumayo si Mama mula sa pagkakaupo niya dun sa couch. Nilapitan niya ako at pinahid ang mga luha kong walang tigil sa pag-agos. "What's wrong, Alex? May masakit ba sayo? Tell me!" Hindi mapakali sa Mama sa kakatanong at kakapunas ng luha ko. Wala kasi akong sinasagot sa mga tanong niya. Nang medyo mahimasmasan ay saka ko lang sinagot ang tanong ni Mama. "I'm fine, Ma. May naalala lang akong kaunti." Naupo si Mama sa tabi ko para yakapin ako. Hinagod lang niya yung likod ko habang tahimik akong umiiyak. "Mama, pwede ba akong magtanong?" "Ano iyon?" "Magagalit ka ba sa akin kapag nalaman mong nagsinungaling ako sa'yo?" "Depende kung gaano ka-grabe ang pagsisinungaling mong iyon. Kung mababaw lang, siguro palalagpasin lang namin ng papa mo iyon. Pero kung umabot sa puntong nag-alala talaga kami, siguro ay magagalit kami pero mapapatawad ka rin namin. Anak ka namin eh. Siguradong may dahilan kung bakit mo nagawa iyon. Pero hindi mo maiaalis na masaktan kami siyempre, itinago mo yung totoo sa amin." "Sa tingin mo, Ma, kapag nalaman ng iba na may tinatago akong sikreto o kaya nagsinungaling ako sa kanila, mapapatawad din nila ako? Maiintindihan ba nila kung bakit ko nagawa iyon?" "Kung mahal ka talaga nila, oo, siguro mapapatawad ka nila. Pero alalahanin mo na hindi agad-agad iyon. Bakit mo naitanong, anak?" "Wala naman, Ma."

Page 188: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

188

"Alam mo, anak, wala kang mapapala kung magsisinungaling ka. Sa umpisa siguro, makakalusot ka sa isang kasalanan o sa kung ano ang kinasasangkutan mo. Pero tandaan mo, walang patutunguhan iyan. Hindi maganda ang magsinungaling, anak. Though it may hurt, you need to tell the truth. Malaking relief ang pagsasabi ng totoo kaysa itago mo yung totoo." Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko. Naramdaman kong gumaan ang tabi ko. Nawala rin ang mga kamay ni Mama na nakayakap sa akin. Bumalik na siya sa couch at ipinagpatuloy ang pagbabasa ng isang pocketbook. Ilang minuto ng katahimikan ang nakalipas. Nag-isip akong mabuti bago ako nagkalakas ng loob na tawagin ulit si Mama. "Mama..." "Yes, anak?" Binitawan ni Mama ang binabasa niya at naupo ulit sa tabi ko. Humugot akong muli ng isang malalim na hininga at inipon ko ang lahat ng lakas ng loob na mayroon ako bago nagsalita. "I have to tell you something. I want you to know the truth."

Revenge 56 Wishful Thinking

E T H A N “Oh, hi Ethan!” masiglang bati sa akin ng Mama ni Alex nang maabutan ko siyang palabas ng hospital suite ni Alex. “Hi, Tita, good morning po.” “Buti naman at dumalaw ka ulit. Ilang araw ka rin hindi magpakita mula nang magising ulit si Alex. Pasensya ka na ha? Nakakalungkot isipin na nakalimutan ka niya. Aside from Clarise, ikaw pa man din ang best friend niya. Hayaan mo, dadating din siguro yung araw na babalik sa kanya lahat ng memories niya. Intindihin mo na lang muna siya sa ngayon.”

Page 189: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

189

“Sana nga po, Tita.” Mga apat na araw din akong hindi dumalaw dito kay Alex. Apat na araw mula nang magising siya at mula nang malaman kong nakalimutan niya ako. Kung iisipin, ang babaw ng dahilan ko para magtago mula sa kanila. Pero masisisi niyo ba ako? Nasaktan din naman ako sa nangyari at hindi ko matanggap na sa lahat pa ng makakalimutan niya ay ako. “O sige, maiwan ko muna kayo ha? Uuwi muna ako sa bahay para makapagpahinga. Gusto mo bang ikaw muna ang magbantay kay Alex?” “Kung pwede po sana, Tita. Babawi po ako sa ilang araw na pagkawala ko.” “Sige, ikaw na ang bahala sa kanya. Tawagan mo na lang kami kapag may kailangan ka.” Binigay ni Tita ang cellphone number niya para madali ko silang ma-contact. Pagkabigay niya ng number niya ay nagpaalam na siya sa akin at naglakad na palayo. Pumasok na ako sa loob at nakita ko si Alex na nagbabasa ng isang novel. Dahan dahan kong inilapat pasara ang pinto at saka naglakad papalapit sa kanya. Hindi niya napansin ang presensya ko hanggang sa magsalita ako. “Hi,” may kahiyaang bati ko. Para akong nangangapa sa dilim dahil hindi ko alam kung paano ko pakikiharapan si Alex gayong alam ko na sa paningin niya, isa akong ‘stranger.’ “Goodness! You startled me!” Hawak hawak ni Alex ang dibdib niya; halatang nagulat siya nang magsalita ako. “Akala ko ay mag-isa lang ako sa kwarto kaya talagang nagulat ako.” “Sorry kung nagulat kita.” Hindi ko napigilan ang sarili kong haplusin ang mukha ni Alex at hawiin ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha niya. Agad ko rin namang binawi ang kamay ko nang mapansin ko ang reaksyon niya sa ginawa ko. Nakakunot ang noo niya at nakataas ang isa niyang kilay. Para bang sinasabihan niya ako na “Sino ka para gawin iyan sa’kin?” “Pasensya na, hindi ko lang mapigilan ang sarili ko. I’m Ethan, by the way.” Umaliwalas ang mukha niya. Mula sa pagkakasimangot kanina ay maluwang na ang kanyang pagkakangiti. Kahit papaano ay may hint of recognition na sa mga mata niya. “I know.” Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Napansin siguro niya iyon kaya agad naman niyang nilinaw iyon. “I mean, I know you because my mom told me you’re my best friend.”

Page 190: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

190

Nalaglag ang mga balikat ko nang marinig ko ang mga salitang ‘best friend.’ Gusto ko sanang itama iyon at sabihing boyfriend niya ako. Ex-boyfriend to be exact. Pero mahirap kontrahin ang sinabi ng parents niya. After all, iyon naman talaga ang pagkakakilala nila sa akin at si Lex ang alam nilang boyfriend ni Alex. Tumango na lang ako at hindi na nagkumento pa. Tahimik kong pinalitan ang mga bulaklak sa vase ng mga dala kong fresh tulips. Si Alex naman ay pinagmamasdan lang ako habang inaayos ko ang mga bulaklak. Nang matapos na ako sa ginagawa ko, humila ako ng isang upuan at naupo malapit sa kama. Binalik na ni Alex ang atensyon niya sa pagbabasa pero mukhang hindi siya mapakali dahil minu-minuto ay nililingon niya ako. Para bang may gusto siyang sabihin pero hindi niya malaman kung itutuloy ba niya o hindi. “Pwede mo ba akong samahan sa garden?” pagbasag ni Alex sa nakakabinging katahimikan na namamagitan sa amin. Kahit papaano, relieved ako dahil kinausap niya ako kahit sandali. “Sure. Tatawag lang ako ng nurse para tulungan kang makababa.” Lumabas ako at tumawag ng nurse para maisakay si Alex sa isang wheelchair. Yung nurse na rin ang naghatid sa amin papunta sa garden. Nagrequest si Alex na umupo sa garden swing. Ako naman ay nakaupo sa stone bench sa tapat niya. Pinagmamasdan ko siya habang nakatingin siya sa langit at pinapanood ang mga ibon na malayang lumilipad sa ere. “Matagal na ba tayong magkakilala, Ethan? Sorry ha? Ito kasing isip ko piniling kalimutan ang mga nangyari sa akin lately. Hindi tuloy kita matandaan.” Nagbaba ng tingin sa akin si Alex at ngumiti ng mapait. Kung tama ang pagkakabasa ko sa mga mata niya, punong-puno iyon ng pagsisisi at kalungkutan. “Hindi naman masyado. Over a year siguro.” Ikinuwento ko kay Alex kung paano kami nagkakilala. Tawa naman siya ng tawa habang ikinukuwento ko sa kanya ang ginawa niya sa’kin dati sa condo unit ko. Binanggit ko rin sa kanya kung paano kami nagkalapit nang dahil sa kapatid kong si Jessica. “Hindi ba ako nakakaabala sayo, Ethan? I mean, kahit naman mag-best friend tayo may sarili ka ring buhay di ba? Hindi ba nade-delay ang trabaho mo nang dahil sa pagbisita mo sa akin? Baka magalit ang girlfriend mo na imbes siya ang pinupuntahan mo ay ako ang kasama mo.” Nakayuko si Alex habang sinasabi niya ang mga salitang iyon. “Maiintindihan naman ng boss ko kung bakit nandito ako ngayon. As for my girlfriend, mas matutuwa siguro siya na dinadalaw kita. Marami akong kasalanan sa kanya kaya kailangan kong bumawi. Isa ito sa mga paraan ko para maiparating sa kanya na mahalaga siya sa’kin. Na mahal ko siya. Mahal na mahal.” Hindi nawala ang pagkakatitig ko kay Alex habang nilalahad ko ang mga salitang iyon. Umaasa akong sa paraang iyon, kahit papaano maaalala niya ako. “Ang swerte naman ng girlfriend mo. Naramdam kong mahal na mahal mo siya.”Ipinakita sa akin ni Alex ang ngiting hinding-hindi ko makakalimutan—ang ngiting

Page 191: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

191

inaasam-asam kong makita ulit. Ikaw ang babaeng iyon, Alex. Sana maramdaman at maalala mo iyon. Nabalot ulit ng katahimikan ang paligid. Tanging ang mga busina ng mga sasakyan sa kalsada ang maririnig. Walang nagsalita mula sa aming dalawa. Para bang sa katahimikan na iyon ay nagkaintindihan na kami. “Ang layu-layo mo naman, Ethan. Parang ang hirap mo tuloy abutin. Halika nga rito at sa tabi ko ikaw maupo.” Tinapik-tapik ni Alex ang space sa tabi niya. Sumunod naman ako at naupo sa tabi niya. Inipinulupot niya ang mga braso niya sa baywang ko pagkatapos ay inihilig niya ang ulo niya sa dibdib ko. Iniakbay ko naman sa kanya ang kamay ko at hinapit siya papalapit sa akin. Hindi ko maiwasang isipin ang mga pagkakataon na ganito kami noon—mga panahon na akin pa siya at naaalala niya pa ako. “Alam mo, pakiramdam ko sobrang ligtas ako kasi yakap-yakap mo ako. Para bang walang mangyayaring masama sa’kin basta nandyan ka. Siguradong mamimiss ko ito kapag umalis na ako.” Napakunot ang noo ko sa narinig ko. Saan siya pupunta? Hindi naman siguro siya mawawala gaya ng iniisip ko hindi ba? “Umalis? Anong ibig mong sabihin?” Yumuko ako para tignan si Alex. Nakapikit ang mga mata niya pero nakangiti siya. Parang ang gaan gaan ng pakiramdam niya. Parang walang problema. Pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang mga luhang nagbabadyang tumulo mula sa dulo ng kanyang mga mata. “Hindi naman ako mawawala as in mawawala. Mga ilang taon lang siguro.” Hindi ko pa rin naintindihan ang mga sinasabi niya. Pero kahit papaano napanatag ang loob ko na hindi naman niya ako iiwan sa paraang ayaw ko pang mangyari—sa ngayon. “Bakit? Saan ka pupunta?” Pinahid ng mga daliri ko ang ilang luhang naglandas sa mukha niya. “Kapag na-discharge na ako dito sa ospital, maghihintay na lang ako ng ilang araw bago kami umalis papuntang Canada. Sasama na ako kina Mama at Papa. Ayaw kasi nila akong maiwan mag-isa. Ang sabi ko naman sa kanila andito naman si Andy para alagaan ako pero pinipilit talaga nila ako eh. Doon na daw ako magpa-therapy.” Tahimik lang akong nakikinig habang ikinukwento ni Alex ang naging desisyon niya at ng kanyang mga magulang. Pinilit kong itago ang sakit na naramdaman ko nang banggitin ni Alex si Lex bilang boyfriend niya. Ako dapat iyon. Ako dapat iyon kung hindi lang siya naaksidente. Kasalanan ko kasi eh.

Page 192: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

192

“Gaano ka katagal mags-stay doon? Babalik ka pa ba dito?” Iiwan mo na ba ako? “Mga three to five years siguro. Hindi ko pa alam, Ethan. Siguro kapag nagustuhan ko doon ay hindi na ako babalik.” Gusto ko mang sabihin sa kanya na wag na siyang umalis, hindi ko na kinontra pa ang kagustuhan ni Alex na umalis ng bansa. Siguro makakatulong din sa kanya yun para maka-recover sa lahat ng nangyari. Kung pwede lang na ipatigil ang oras sa mga sandaling ito ay ginawa ko na. Ayoko siyang umalis pero wala akong magagawa. Wala akong kapangyarihang ihinto ang oras. At saka hindi naman ako ganoon ka-selfish para i-deprive si Alex sa mga bagay na nararapat sa kanya. Her happiness will always come first. “Will you sing for me, Ethan?” maya-maya ay sabi ni Alex. Humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Ganoon din ang ginawa ko. “Ano bang gusto mong kantahin ko para sayo?” “Ikaw. Kung ano ang nararamdaman mo ngayon.” Hindi na ako nag-alinlangan pa nang sabihin ni Alex iyon. Ibinuhos ko ang lahat ng damdamin ko sa kantang napili ko. Sa paraang iyon, maipaparating ko sa kanya kung ano ba ang nararamdaman ko sa mga sandaling iyon. “I could stay awake just to hear you breathing. Watch you smile while you are sleeping, far away and dreaming. I could spend my life in this sweet surrender. I could stay lost in this moment forever. Well, every moment spent with you is a moment I treasure…” Huminto ako sa pagkanta nang marinig ko ang boses ni Alex na nakikisabay sa pagkanta ko. Hinayaan ko lang siyang kumanta habang siya ay nakapikit. Siguro ay ninanamnam din niya yung mensahe ng kanta. “…I don't wanna close my eyes; I don't wanna fall asleep cause I'd miss you, babe and I don't wanna miss a thing. Cause even when I dream of you, the sweetest dream will never do. I'd still miss you, babe and I don't wanna miss a thing. I don't wanna miss one smile; I don't wanna miss one kiss. Well, I just wanna be with you right here with you, just like this. I just wanna hold you close, feel your heart so close to mine. And stay here in this moment for all the rest of time…” Biglang bumalik sa akin ang mga alaala namin noong inimbitahan ko siyang i-spend ang birthday ko at ang Christmas na magkasama kami. Tandang-tanda ko pa. Ito rin ang kantang kinanta ko para sa kanya para makatulog siya. Nagkunwari pa akong hindi marunong kumanta para matawanin siya. Sana nga lang, naaalala din ni Alex iyon. Isa iyon sa mga pagkakataong hinding hindi ko makakalimutan. Yun nga lang, hindi niya naaalala. Sinabayan ko siyang kantahin ang natitirang verses ng kanta. Nang patapos na ang kanta ay naramdaman kong bumigat si Alex. Sinilip ko siya at nakita kong nakatulog na pala siya. Nakakatawa, ganito rin ang nangyari noon nang unang beses ko siyang kinantahan.

Page 193: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

193

Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakaakbay sa kanya para hindi siya mahirapan at para hindi siya mahulog. Hindi ko napigilan ang sarili kong kinatalan siya ng isang masuyong halik sa ulo. Masakit isipin na puro panakaw na sandali lang ang mayroon ako para magawa ito sa kanya samantalang dati kahit anong oras ay pwedeng-pwede kong gawin ang mga ito. Nasa huli talaga ang pagsisisi. “Mahal na mahal kita, Alex. Hindi kita pipigilan sa gusto mo. It’s the least I can do para sa lahat ng nagawa kong masama sayo. Ito na siguro ang kapalit ng lahat ng sakit na naidulot ko sayo. Kung pwede lang na tumigil ang oras sa panahong ito, hiniling ko na. Pero kahit masakit para sa akin, hahayaan kita. If this makes you happy then I have no right to object.” Bahagya kong idinuyan ang swing para madistract ako. Konting-konti na lang ay tutulo na ang mga luha ko. Tumingala na lang ako sa langit at pinanood ang mga ibong naglalaro sa himpapawid. Buti pa ang mga ibon, malayang gawin ang mga bagay na gusto nila. Samantalang ako, heto, nagtatiyaga sa ilang oras para lang makasama siya. Muling humigpit ang pagkakayakap ni Alex. Bahagya siyang gumalaw para ayusin ang pwesto niya. Napaungol siya nang tulungan ko siyang ayusin ang pwesto niya. Hindi ko alam kung nananaginip ba siya o sadyang tinatanong niya ako pero nanigas ako sa kinauupuan ko nang bigla-bigla ay nagsalita siya. “Hmm… Five years lang… Will you wait for me?” Ako ba ang kausap niya? Para sa akin ba iyon? Sana oo. Pero biglang pumasok sa isip ko na baka nananaginip lang siya at si Lex ang kausap niya doon. Baka si Lex ang tinatanong niya, hindi ako. Haay… so much for assuming. Isang wishful thinking lang siguro ang isipin na hinihiling ni Alex na hintayin ko siya. Of course it was Lex she was referring to. Siya naman kasi ang ‘boyfriend’ at ako? Isa lang akong ‘best friend.’

Revenge 57 Seeing Through the Lies

Page 194: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

194

Bandang hapon na nang magpaalam umalis si Ethan. Tinawagan kasi siya ng head ng department nila kaya napaaga yung pag-alis niya. Masaya siyang kasama kaso parang may kakaiba. Nag-eenjoy akong kasama siya pero may parte sa'kin na parang sobrang ilag sa kanya. Kung bakit, hindi ko alam. Mag-isa lang ako ngayon sa kwarto. Tinext ako ni Papa na pupunta daw sila dito kaso sinabi ko na huwag na silang mag-abala. Magpahinga na lang sila dahil ilang araw na rin silang naaabala. Sabi ko mag-date na lang sila ni Mama. Nagbabasa ako ng libro na dala ni Mama nung may kumatok sa pintuan. Isang matangkad na lalaki ang nakasilip mula sa kaunting bukas ng pinto. "Hi Alex," nakangiting bati ni Andy sa akin. Inabot niya sa'kin yung dala-dala niyang bulaklak at paper bag. Kinuha ko yung laman ng paper bag at nakitang favorite food ko pala iyon. "Wow, pizza! Thanks, Lex!" Bahagyang napahinto si Andy sa ginagawa niya. Pati ako nanigas sa pwesto ko. Doon ko narealize ang pagkakamali ko. "Lex?" nakakunot-noong tanong niya sa'kin. "I mean, Andy. Madalas ko kasing naririnig na Lex ang tawag sa'yo," pagdadahilan ko.

"Really?" Hindi ako nakasagot sa sinabing niyang iyon. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isagot sa kanya. Sasabihin ko ba o hindi? Ito na ba yung tamang oras para itigil ko na yung ginagawa ko? "Stop pretending, Alex. I know you know me or even Ethan." Ngumiti ako ng mapait. Nahalata pala ni Lex yun. Pero bakit si Ethan hindi? Ganun na ba ako kagaling magtago kaya hindi niya napansin? O masyadong nabulag ng guilt si Ethan kaya hindi na niya alam ang totoo sa hindi? "Kelan pa?" tanong ko kay Lex. Itinabi ko yung binigay niyang paper bag pagkatapos ay hinarap siya. "Mula nang itanggi mo si Ethan. Hindi lang ako ganoon kasigurado pero malakas ang kutob ko na hindi totoo yun."

Page 195: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

195

Hindi na ako tatanggi. Oo, nagpapanggap lang akong nagka-amnesia ako. Unang araw pa lang nang dahlin ako sa ospital ay gising na ako. Hindi ako na-comatose gaya ng sinabi ng doktor at nurse. Nakiusap lang ako sa kanila na iyon ang sabihin. Alam ng mga magulang ko ang ginawa kong ito. In fact kaya nga sila nag-offer na sumama na lang ako sa kanila sa Canada ay dahil sa dahilan ko ng pagpapanggap. Gusto ko sanang i-turn down ang offer ng mga magulang ko pero hindi ko nakuha ang sign na hinihingi ko. "Aalis na pala ako papuntang Canada kapag na-release na ako dito sa ospital." Yumuko ako para iwasang tignan si Lex sa mata. Natatakot akong mabasa niya ang mga nararamdaman ko. Siguro kasi hanggang ngayon vulnerable pa rin ako. Sa sakit, sa kirot, sa lahat. "Bakit kailangan mong gawin `to?" Nasa boses ni Lex yung lungkot, pait, at pagmamakaawa. Pero wala nang makakapigil sa'kin. "Ayoko na kasing masaktan eh. Masyado nang nabugbog ang puso ko nang dahil sa mga nangyari. Siguro mas mabuti kung lalayo muna ako pansamantala. O baka hindi na rin ako bumalik. Hindi ko alam." Siguro panahon na para sarili ko naman ang intindihin ko di ba? Makakatulong ng sobra `tong pag-alis ko para gumaling naman ako. Pisikal man o emosyonal. "Paano naman ako? Kami? Mahal kita, Alex." Nasa hitsura ni Lex yung pagmamakaawa habang binabanggit niya yung mga salitang yun. Sa totoo lang, hindi na ako nagulat nang bitawan niya yung mga salitang iyon. Kung wala naman siyang pakialam sa'kin kung wala naman siyang nararamdaman sakin di ba? Pero kahit anong pilit ang gawin nila sa'kin, hindi ako mapipigilang umalis. "Dalawang beses na akong nasaktan. Suko na siguro ako. Mas mabuti pang magpaka-ermitanyo na lang ako kesa masaktan ulit sa pag-ibig. Nakakapagod rin pala. I'm sorry." "Pero Alex..." "Tama na, Lex. Pagod na talaga ako. Hayaan mo na ako. Hayaan niyo na akong umalis. Nasabi ko na kay Ethan `to at wala naman siyang sinabing kung ano. Ang sabi pa nga niya kung saan ako masaya, doon din daw siya. Sana... sana ikaw din." Isang malalim na buntong hininga ang kumawala mula kay Lex. Naupo siya dun sa couch pagkatapos ay hinilamos ang kamay sa mukha.

Page 196: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

196

"Kailan ang alis mo?" May pagsuko ang tono ng boses niya. "Five days from now."

Revenge 58

Unexpected Visitor

A L E X

Four days na ang nakakaraan mula nang huli kong makausap si Lex at mula nang makalabas ako ng ospital. Bukas, aalis na ako papuntang Canada. Doon na ako titira for five years or more. Kung gaano talaga katagal, hindi ko alam. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Si Alexis Danielle Fernandez pa rin naman ang nakikita ko pero isang naghihingalong Alex ang nakita ko. Naghihingalo dahil sa mga sakit na pinagdaanan niya. Nagtataka ako kung paano nakakaya ng puso na patuloy na tumibok kahit na pagod na pagod na ito. Kung paano nito nakakayanan ang sakit na tinatamo sa bawat pagkabasag nito. At kung paano nito nakakayang mahalin ang mismong taong bumasag dito. Bakit? Kasi hanggang ngayon, ang pangalan pa rin ni Ethan ang sinisigaw ng puso ko. Tinignan ko ulit ang sarili ko sa salamin. Isang sugatang Alex ang nakikita ko. May neck brace; may cast sa paa; may bandage sa noo. Mga pisikal na sugat na natamo ko matapos ang aksidente ilang araw na ang nakakaraan. Gagaling din naman ang mga ito pero ang sugat sa puso? Hindi ko alam. Tinanggal ko ang neck brace na nakakabit sa akin. Hindi ko na kailangan nito. Wala naman talaga akong injury sa may ulo kundi ang ilang sugat na natamo ko nang bumagsak ako sa kalsada nang maaksidente ako. Inalis ko rin ang cast na nakalagay sa paa ko. Wala akong bali sa buto. Ilang galos lang talaga ang natamo ko sa aksidente. Hinimatay ako bago pa tumama yung sasakyan sa katawan ko. Mabuti na lang iyon lang ang nangyari. Kung hindi, hindi ko na alam ang nangyari sa akin. Baka nagkatotoo na nagka-amnesia ako.

Page 197: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

197

Isang malakas na katok sa pinto ang pumukaw sa atensyon ko. Sinundan iyon ng malambing na tinig ni Mama. "Alex, anak, pwede ba akong pumasok?" "Sure, Ma. Bukas yan." Pumasok si Mama at naupo sa kama. Nanatili akong nakatayo sa harap ng salamin kahit kinakausap ako ni Mama. "Tapos ka na bang mag-empake, Alex?" "Yes, Ma, nung isang araw pa po." Tinuro ko sa kanya ang isang maleta at isang hand-carry na bag. Iyon na lahat ng gamit na pwede kong dalhin. Yung ibang naiwan, ipinaubaya ko na kay Clarise. Siya na yung bahala na magbenta niyon. Gusto daw niya kasi i-try mag-garage sale. Pati itong condo na naging tirahan ko for almost four years, ibebenta na rin. "Sure ka na ba talaga na gusto mo sumama sa amin ng Papa mo?" Lumapit sa akin si Mama at tumayo sa likod ko. Nagkatitigan kami sa salamin. Kitang-kita ko sa mata niya ang pagkaawa. Pagkaawa dahil kailangan ko i-give up lahat. "Mama, napag-usapan na natin ito di ba? Saka buo na desisyon ko. Kailangan ko ito." "Pero paano na sina Lex at Ethan?" Hinarap ko si Mama pagkatapos ay niyakap siya. "Nakausap ko na si Lex, Ma. Apparently, first day pa lang, alam na niyang nagpapanggap lang ako. As for Ethan, I don't know. Hindi pa rin niya alam hanggang ngayon." Mama tucked the loose strands of hair behind my ears then looked at me lovingly. "Don't you think Ethan deserves to know the truth? Why don't you spend the rest of the day with him? Who knows what will happen in five years?" Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap kay Mama. Tama naman siya eh. Dapat malaman ni Ethan yung totoo. He deserves to know everything despite what happened. Kahit siya pa ang dahilan ng lahat ng ito. Kumalas sa pagkakayakap si Mama sa akin. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat tapos ay tinitigan ng mabuti sa mata. "Alex, five years. Maraming pwedeng mangyari sa loob ng limang taon. May

Page 198: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

198

possibility na hindi na kayo magkita. Wag mo ipagkait sa kanya ang karapatan niya lalo na sa kondisyon mo ngayon." Hinawakan ni Mama yung tyan ko pagkatapos ay ngumiti. Napabuntong hininga na lang ako. "I guess you're right, Ma."

---

E T H A N

Sobrang hectic ng schedule ngayon sa opisina. Maraming mga blueprints na kailangan tapusin at kailangang ipasa bago ang deadline. Katulad na lang ngayon, tatlong design ang hawak ko. "Balmaceda, tapos mo na yung blueprint ng Cuerquis model?" tanong ni Rose Jane, colleague ko dito sa architectural firm na pinagtatrabahuhan ko. "Oo, kakatapos ko lang. Kukuhain mo na ba?" Kinuha ko yung isang roll na may tag na Cuerquis at inabot kay Jane. "Ako na magpapasa nito kay Boss. 'Nga pala, may bisita ka daw. Sa office ni Sir Gonzales ka na lang daw magpunta." Ang sinasabi ni Jane na Sir Gonzales ay ang EVP ng buong kompanya. Kung tatanggap ako ng bisita, bakit sa room pa ng big boss namin? Puno ng tanong ang isip ko habang tinatahak ang daan papunta sa nasabing office. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago ako pinapasok sa loob. "Sir?" sabi ko nang makaupo sa bakanteng silya sa harap ng desk ni Sir Gonzales. Nakatalikod ang swivel chair niya sa akin dahil nakatanaw siya sa nagtataasang building na

Page 199: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

199

malapit sa opisina namin. Umikot muna siya para harapin ako. "Ethan!" masiglang bati ni Sir Gonzales. "How are you, boy? Kamusta ang projects na hawak mo?" "I'm fine, Sir. Actually tapos ko na po ang Cuerquis Model. Nakapagsimula na po ako sa Rydberg Model at nakausap ko na po yung clients natin for the King Model." "Very well then," walang kainteres interes na sabi ni Sir Gonzales. "Hindi business o trabaho ang dahilan ng pagpapapunta ko sayo dito. Nalaman ko na naging girlfriend mo pala ang pamangkin ng asawa ko." Nagtaka ako sa sinabi ni Sir Gonzales. Nag-isip ako ng mga naging girlfriend ko na may apelyidong Gonzales pero wala naman akong matandaan. Hana is Hana Fortaleza, Ashley is Ashley Hernandez, Danna is Danna Casing, Danni is Danni Gardaya, and so on and so forth. "I see you're confused. Does 'Alexis Danielle Fernandez' ring a bell?" "Yes, sir. Of course." Mabilis ang pagkakasagot ko kay Sir Gonzales. Hindi ko alam na related pala sila. "Alright, then please proceed to the ground floor lobby. May package na naghihintay para sa'yo doon." Hindi na ako nagtanong pa. Pagkatapos kong magpaalam ay lumabas na ako sa opisina ni Sir Gonzales at nagtungo na sa reception area. Isang maliit na kahon at isang card ang natanggap ko. Walang nakasulat kung kanino galing yung box. Basta lang nakalagay:

Quote

Summer Solstice @ thirteen hundred hours

"Buksan niyo yung box, Sir Ethan," sabi ni Princess, yung receptionist. Ginawa ko naman yung sinabi niya. Bigla kong naalala si Alex nang makita ko yung laman ng box. Isa iyong silver necklace na may white gold ring na nakasabit. May naka-inscribe na

Page 200: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

200

message dun sa singsing:

Quote

I love you when we're together, love you when we're apart. Si Alex lang ang laman ng isip ko habang binabasa ko ang message na iyon. Linya iyon mula sa favorite song niya na 'I Will' ng The Beatles. Posible kayang siya ang nagbigay nito? Pero paano? Ni hindi nga niya ako maalala di ba? Tinititigan kong mabuti iyong necklace at ring nang tumunog ang telepono sa reception desk. "Sir Ethan, pinapasabi ni Sir Gonzales, you can take the day off. It's an order daw po." Napakunot ang noo ko nang marinig iyon. Ano bang meron ngayon at ang weird ng EVP namin? Nevertheless, sinunod ko ang utos niyo na iyon. Nagbiyahe ako papuntang Summer Solstice, isang garden inspired restaurant. Kabubukas lang niyon at malapit lang sa opisina namin. Ten minutes before one o'clock ay nandoon na ako. "Good afternoon, Sir. Do you have a reservation?" tanong ng babaeng sumalubong sa akin pagkapasok na pagkapasok ko ng main gate nila. Dahil wala akong maisagot, ipinakita ko na lang sa kanya yung card na kasama ng box nung necklace. Ngumiti iyong babae pagkatapos ay iginiya niya ako sa pinakasecluded na parte ng restaurant. Iyon daw yung Jardin de Forever. May sinabi yung babae over the two way radio. Parang inaalert yung mga kasamahan niyang nandun nga sa loob ng garden. Nang matanaw ko na yung arc ng Jardin de Forever, nakarinig ako ng instrumentals ng 'I Will,' isang kanta sa isang Japanese game na Muv-Luv. Para akong nasa langit nang mga sandaling iyon dahil napakaganda ng pagkakatugtog ng pianista doon. "Enjoy the day, Sir," nakangiting sabi nung babae habang binubuksan yung double door papasok sa make-shift garden. Natawa ako sa sarili ko nang maisip kong para akong bride na magmamartsa sa papuntang altar. Imbes na ako yung naghihintay sa kabilang dulo, ako pa yung maglalakad papunta sa unahan. Yun nga lang, there is no altar. May table set for two lang. At sa isang banda ay may isang bench na mahaba kung saan may isang babaeng maiksi ang itim na buhok ang nakaupo doon. Her back profile looks like Alex's. Haay, Sean Ethan Balmaceda, nag-iilusyon ka na.

Page 201: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

201

Malapit na ako sa table nang mag-iba yung tugtog. It was Oliver James' The Greatest Story Ever Told. Only it was a woman's voice that sang the song. Nevertheless, the same emotion was conveyed. And an awfully familiar voice was singing that song. "And if I lived a thousand years you know, I never could explain the way I lost my heart to you that day. But if destiny decided I should look the other way, then the world would never know the greatest story ever told..." Tumayo na yung babaeng nakaupo sa bench. For a moment, nag-freeze ako sa kinauupuan ko. The familiar voice has a familiar face. It was Alex. My Alex. Wala na siyang neck brace at cast sa paa. Isang benda na lang sa ulo para sa sugat niya sa noo. Isang malapad na ngiti ang isinalubong niya sa akin nang humarap siya sa akin. Pakiramdam ko nasa langit na talaga ako. Nasa ngiti at mata niya ang pagkakilala sa akin--hindi bilang si Ethan na best friend kundi bilang ako mismo. Wala na sigurong hihigit pa dun sa feeling ng maalala ka niya pagkatapos ng pagkalimot niya sa'yo. "And if I tell you that I love you tonight..." Niyakap ko ng pagkahigpit higpit si Alex. Natatakot ako na anu mang oras maglaho na lang siyang parang bula. Na baka panaginip lang ito o isang malakas na power trip ng tadhana sa akin. Ilang beses ko pang kinurot ang sarili ko bago ko sabihing totoo nga. Si Alex nga itong yakap-yakap ko ngayon. Siya nga at wala nang iba. Tinapik tapik ako ni Alex sa likod. "Ethan, di na ako makahinga." Agad kong pinakawalan si Alex sa takot na mamatay siya dahil sa suffocation. Pero hindi iyon nakabawas sa kaligayahang nararamdaman ko. "Teka, naaalala mo na ba ako?" Natawa si Alex sa mga sinabi ko. "Silly, I remember everything since day one." "You mean your memories came back?" Ipinulupot ni Alex ang kanyang mga braso sa leeg ko pagkatapos ay dinampian ako ng isang halik sa pisngi.

Page 202: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

202

"No, hindi ako nagka-amnesia. It was just an act." Isang malalim na kunot ang nabuo sa noo ko. Nagpapanggap lang siya na nagkaamnesia siya? Pero bakit? Nabasa yata ni Alex ang tanong kong iyon sa sarili ko. "I needed to do that to protect myself from future pain. Alam mo na. Baka si Hana talaga ang mahal mo at hindi ako." "That's not true, Alex. Ikaw lang talaga ang para sa akin." "Alam ko. Narinig ko na ang lahat-lahat." Sumilay ang isang nakakalokong ngiti sa mga labi ni Alex. Saka ko naalala yung araw na nagmonologue ako sa kwarto niya dahil akala ko na-comatose siya. Teka, na-comatose nga ba talaga siya? Doon na nag-sink in lahat sa akin. Narinig niya ang ka-cheesy-han ko nang araw na iyon! Man, nakakahiya. Pero proud ako sa sarili ko na nasabi ko ang mga bagay na yun. Yun nga lang, pinagsamantalahan ko ang pagkaka-comatose niya na hindi rin naman pala totoo. "You heard everything?" "Oh, I did. Gusto ko ngang tumawa nang mga panahong iyon eh. Di ko maimagine na cheesy ka rin pala." Yumakap si Alex sa akin ng mahigpit. Napasimangot naman ako sa sinabi niya. Seryoso ako tapos pagtatawanan niya lang? "Ang sensitive mo naman. Joke lang yun. Ang totoo niyan pinipigilan ko sarili ko na umiyak habang nagsasalita ka. Kaso di ko rin napigil. Nung nakatulog ka, binulungan kita ng 'I Love You.'" Ngumisi si Alex na para bang isang bata na nahuling gumagawa ng kalokohan. "So it wasn't a dream after all." Napangisi na rin ako sa tuwa. Kung titignan siguro kami ngayon, para kaming ewan. Pero kahit ganun, masaya ako nandito na siya ulit. Niyaya na ako ni Alex na kumain. Sayang naman daw ang reservation na ginawa niya kung hindi rin namin gagamitin. Nabanggit niya sa akin na ang pinsan pala ni Lex ang may-ari ng lugar na iyon kaya mabilis siyang nakakuha ng reervation. Sagot daw ni Lex ang gastos. Sinabi sa akin ni Alex na alam daw pala ni Lex ang lahat sa umpisa pa lang. Napaisip naman

Page 203: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

203

ako. Bakit hindi ko nahalata na hindi totoo ang lahat ng iyon? Siguro ay dahil masyado akong nabulag ng guilt at hindi ko na maidentify ang tama sa hindi. Sinisi ko ang sarili ko nang sobra dahil sa nangyari. Nawalan na ako ng pakiramdam. Pagkatapos kumain ay nag-ikot ikot kami ni Alex sa kabuuan ng Jardin de Forever. Para talaga iyon malawak na garden. May isang parte na man-made lake kung saan pwedeng sumakay at mamangka. May roon ding wooden bridge para makatawid sa kabilang parte ng hardin. May mga makukulay na bulaklak na nakatanim kahit saang parte ka tumingin. Pwede na ngang sabihin na iyon ang Earth's version ng Paradise. Kulang na lang ay makakita ka ng anghel na lumilipad. "Tito mo pala ang EVP ng kompanyang pinagtatrabahuhan ko," pagbubukas ko ng topic habang bumabiyahe kami ni Alex papunta sa rest house namin sa Batangas. Nakasakay kami sa isang bus dahil gusto daw ni Alex na magbiyahe na lang kami. Iniwan namin yung sasakyan namin sa Summer Solstice. Si Lex na daw ang bahala doon. Nakasandal si Alex sa balikat ko habang nakaakbay naman ako sa kanya. Hawak-hawak niya ang kamay ko at nilalaru-laro iyon. "Si Tito Manolo? Yes, daddy siya ni Kuya Patrick. Remember yung sa babaero kong pinsan?" "Ang weird lang kasi niya kanina. Para bang alam niya na mangyayari ito. Tinawag niya ako sa office niya tas pinaalis din ako agad. Pinag-undertime pa nga ako ngayon eh." Umangat ang tingin ni Alex sa akin. Namumula yung pisngi niya tapos nakangisi na naman siya. Nahihilig yata siya sa ganoon? "The truth is pinakiusapan lang namin ni Mama si Tito Manolo na makipagkuntsabahan sa amin. Katakut-takot na diskusyon ang nangyari. Buti nga at over the phone lang iyon eh. Nakakatakot pa naman si Tito Manolo." "Buti napapayag niyo si Sir." "Well, I told him na importante na makausap kita kaya pumayag siya." "And what's that important thing you have to tell me?" "Secret. I'll tell you once we get to your farm in Lipa." Wala nang nagsalita pa sa amin ni Alex. Nakatulog na pala siya. Hinapit ko siya papalapit sa akin para hindi siya mahirapan. Niyakap naman niya ako ng mas mahigpit. Akala siguro unan niya ako. Pinagmasdan ko ng mabuti si Alex. Kahit may gauze pa iyong noo niya, hindi yun nakabawas

Page 204: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

204

sa ganda niya. Gentle pa rin siyang tignan. Ang ironic hindi ba? May sa tupa ang pagkaamo ng mukha niya pero may sa leon naman ang bangis ng personality. Isipin mo nagagawa niyang paiyakin ang mga tao dahil sa trabaho niya. An extraordinary woman, I must say. Kinuha ko sa bulsa ko ang necklace na binigay niya sa akin. Tinitigan ko ulit ng mabuti iyon. Dahil sa ginawa kong iyon, naalala ko ang mga salitang binitiwan niya kanina. Ang mga pag-amin niya sa akin na nagpapanggap lang siya. Sa umpisa, nagulat ako at the same time nasaktan. Siyempre nagsinungaling siya sa akin. Sobra akong nag-alala sa wala. Pero tinago ko iyon. Pilit ko siyang inintindi. Kasalanan ko naman kung bakit niya nagawa iyon eh. Pinoprotektahan lang niya ang sarili niya mula sa sakit na maaari kong maidulot. Kahit naman ganoon ang nangyari, pinatawad ko pa rin siya sa pagsisinungaling niya. Wala eh, mahal ko siya. At saka, sasama ba ako sa kanya kung hindi ko siya napatawad. Kasali na siguro ako sa iilang lalaki na martir sa pag-ibig. Ginising ko si Alex nang malapit na kaming bumaba. Sumakay kami sa isang tricycle na maghahatid sa amin sa farm ng pamilya namin. Medyo mahal ang singil dahil special trip pero iyon lang talaga ang makakapaghatid sa amin doon dahil walang jeep na dumadaan sa bahaging iyon ng bayan. Inilibot ko si Alex sa kabuuan ng farm. Unlike sa Summer Solstice, walang man-made lake at wooden bridge doon. Ang meron lang ay ang mga nagtataasang puno ng mangga, santol, saging at niyog. Kahit ganoon, makakaramdam ka pa rin ng peace doon. Naupo kami sa ilalim ng lilim ng punong mangga. Nakasandal ako sa puno habang nakasandal naman sa akin si Alex. Yakap-yakap ko siya mula sa likuran. Ramdam ko yung pagva-vibrate niya kapag nagsasalita siya. "Hmm, Ethan. Anong gagawin mo kapag five years mo akong hindi nakita?" "Five years? Hindi ko alam. Baka mabaliw na ako kung mangyari iyon. Bakit?" "Promise me, hindi ka magagalit sa sasabihin ko." Hinigpitan ni Alex ang pagkakahawak sa mga kamay ko. Nagtataka man, nangako ako na hindi ako magagalit. "Kasi bukas, aalis na ako. Bukas na ang flight namin papuntang Canada. I'm sorry kung ngayon ko lang sinabi. I'm scared, Ethan. Natatakot akong harapin ka para sabihin ang totoo. Kung hindi lang ako pinilit ni Mama--" "Kung hindi ka pinilit, hindi mo pa sasabihin sa akin, ganun ba iyon?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Bahagyang tumaas ang tono ng boses ko. Pinipilit kong kontrolin ang sarili ko pero bigla na lang lumabas ang mga salitang iyon sa bibig ko. Humarap si Alex sa akin. Yung mukha niya ay parang nagmamakaawa. Na para bang siya lang yung nahihirapan sa mga nangyayari. Paano naman ako? Nasasaktan din naman ako ah? Ilan

Page 205: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

205

pa bang kasinungalingan niya ang kailangan kong malaman? "Ethan, you promised me. Sabi mo hindi ka magagalit." "May magagawa pa ba ako? Ikaw na mismo ang nagsabi, nangako ako. Ginagawa ko naman, Alex. Hindi ako galit. Nasaktan lang ako." Bumuhos ang pagmamakaawa sa mga mata ni Alex. Pagmamakaawa na intindihin ko siya. At ako naman si tanga, nagpadala na lang. "Ethan, please? Kailangan kong gawin ito. Mahal kita pero kailangan ko munang lumayo. Masyado nang nabugbog ang puso ko. Inaamin ko hindi ko pa rin makalimutan ang masasakit na salitang sinabi mo sa'kin. Pero kita mo naman, andito ako kahit may sugat pa rin ang puso ko. Kasi alam kong deserving ka na malaman ang totoo." Hindi ba pagiging selfish ang gusto mong iparating, Alex? Sarili mo lang ang inaalala mo. Paano naman ako? Iiwan mo ako dito mag-isa. Ni hindi mo man lang inaalala kung ayos lang ba ako o hindi. Pero anong gagawin ko? Hahayaan kita kasi alam kong iyon ang magpapasaya sa iyo. Na hanggang ngayon bitbit bitbit ko pa rin ang guilt sa dibdib ko. Gusto kong sabihin sa kanya ang mga salitang iyan. Pero buong loob kong pinigil ang sarili ko. Ayoko siyang saktan. "Alam mong ang kaligayahan mo ang priority ko. Kung nakapagdesisyon ka na, wala akong karapatan na mag-object." Naguluhan ako nang makita ang lungkot sa mga mata ni Alex. Akala ko ba gusto niyang umalis? Bakit ngayong pinapakawalan ko na siya ay hindi siya masaya? Gusto ba niyang pigilan ko siya? Ano ba talaga ang gusto niyang mangyari? Pilit na ngumiti si Alex. Bumalik siya sa pagkakasandal sa akin at pumikit. "Thanks, Ethan. I'm sorry kung I sound selfish pero I want to give myself a time to heal. Masyadong maraming nangyari recently. I'm a bit overwhelmed." "What do you want me to do during those five years, Alex? That's quite a long time,"seryosong tanong ko sa kanya. Maraming pwedeng magbago sa loob ng mahabang panahon na iyon. Hindi ko alam kung ano ang magiging buhay ko sa mga panahong iyon.

Page 206: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

206

"I want you to do whatever you want, Ethan. Wag mong ikulong ang sarili mo sa akin. Find someone to love. Yung makakahigit sa akin. Be happy. I want you to be happy. Kung tayo talaga ang para sa isa't isa then love will find a way for us to be together. Kung hindi, then it has been a good time to be with you. You'll always be in my heart." Her words seem like goodbye. Pero I refuse to think about it that way. Pinigil ko ang sarili kong maluha. May tendency talaga siyang gawin akong mahina paminsan-minsan. Ganito talaga epekto niya sa akin. "Don't waste your time waiting for me if you can't do it. Basta tandaan mo, minahal kita, mahal kita at mamahalin kita. I'll try to do those things too. Hayaan na lang natin na ang tadhana ang gumawa ng paraan para sa atin." Dinampian ko ng halik ang ulo niya pagkatapos ay niyakap siya ng pagkahigpit-higpit. Nilapit ko ang mga labi ko sa kanya at bumulong, "I love you too. Always remember that." "Do you have the necklace and the ring?" Bilang tugon ay nilabas ko mula sa bulsa ng pantalon ko ang kahon na naglalaman ng kwintas at singsing. "Wear this always, okay? Don't take it off unless you found the woman you'd like to spend the rest of your life with. Syempre except from me. When you find her already, keep it and return it to me when we see each other again. Promise?" Sinuot niya sa akin ang kwintas at singsing habang tinutugon ko ang tanong niya sa akin. "Promise." Yumakap ulit siya sa akin ng mahigpit. Gumanti din ako ng isang mahigpit na yakap--yakap na mararamdaman niya kung gaano ko siya kamahal. "Anong oras ang flight mo bukas?" "Seven in the evening."

Page 207: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

207

Sinulyapan ko ang wristwatch ko. Four-thirty na ng hapon. May humigit kumulang twenty six hours pa ako para makasama siya. "Gusto mo bang ihatid kita sa airport?" "Gusto mo bang makita akong umalis?" "I have to even if it hurts. I want to see you off. Wag ka na kumontra, okay?" "Okay." Humalik sa pisngi ko si Alex. Bilang ganti ay hinalikan ko naman siya sa mga labi. Isang matamis na ngiti ang lumabas sa mga labi ko nang matapos ang halik na iyon. Susulitin ko na ang panahong kasama ko pa siya. Kinuha ko ang cellphone ko pagkatapos ay itinutok iyong camera nun sa amin. Believe it o not, iyon yata ang unang picture na meron kami na magkasama. It's a picture I'm going to keep. Baka first and last na iyon. "Pahiram nga ako ng phone mo, Ethan." Inabot ko naman sa kanya iyon. She kept on typing something pero kapag tinitignan ko iyon ay tinatakpan naman niya. "May sinave akong file sa drafts mo. Open it when you feel like you're ready. But don't do it when I'm around." Tumango lang ako bilang tugon. Hindi na ulit nagsalita pa si Alex. Nakatulog na pala siya ulit. Ako naman ay pumikit na rin. Unti-unti na akong hinila ng antok. May isang oras din siguro akong nakatulog. Paggising ko ay wala na si Alex sa tabi ko. Hinalughog ko ang bahay pero hindi ko na siya nakita. Ang sabi ng isang kasambahay ay may sumundo daw sa kanya at sumama siya doon. Umuwi siya nang walang paalam. Masama ang loob kong nagpunta sa kwarto ko dito sa rest house. Binagsak ko ang sarili ko sa malambot na kama. Sakto namang tumunog ang cellphone ko. Binasa ko ang message pagkatapos ay dinelete iyon. Wala akong ganang magtrabaho sandali. Kinapa ko ang leeg ko. Hindi panaginip ang nangyari kani-kanina lang. Kasama ko talaga si

Page 208: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

208

Alex dahil nakasuot sa akin ang kwintas na bigay niya. Binasa ko ulit ang mensaheng nakaukit sa singsing.

Quote

I love you whenever we're together, love you when we're apart.

Saka ko naalala ang message na sinave ni Alex sa drafts ng cellphone ko. Agad kong binuksan iyon. Sobrang nagulat ako sa nakasulat doon. Siyam na salita lang iyon pero sapat na iyon para dalhin ang kalooban ko sa iba't ibang emosyon.

Quote

You're going to be a daddy in six months. Tama ba ang desisyon kong hayaan na lang siyang umalis? O kailangan ko siyang pigilan para sa magiging pamilya namin?

Revenge 59

Goodbye "Alex, halika na. Kailangan three hours before our flight nasa airport na tayo," paalala sa akin ni Adelina Fernandez, ang aking ina. Kinuha ko na ang gamit ko at sumunod kay Mama palabas ng condo. Tahimik lang ako habang sakay kami ng elevator hanggang sa ilagay na namin ang gamit sa kotse. Kahit habang binabagtas namin ang daan papuntang airport ay wala akong imik. Para akong naputulan ng dila. Kung hindi pa siguro ako kinausap ni Mama nang makarating kami sa airport ay pinanisan na ako ng laway. "Saan mo gusto kumain, Alex? We need to eat before we ride the plane." "Kayo na ang bahala, Ma. Hindi pa naman ako masyadong gutom eh." "O sige, halika na. Naghihintay na sa atin ang Papa mo. Nandun din daw si Lex."

Page 209: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

209

Muli, tahimik lang akong sumunod kay Mama hanggang sa makarating kami doon sa area na maraming food stalls. Nandun nga si Lex, kasama si Papa, at may dala-dala rin siyang mga maleta. "Hi Alex," bati ni Lex sa akin nang makalapit kami sa kanila. "Hi, ang dami mong dala ah. Maglalayas ka?" biro ko sa kanya. Naupo ako sa tapat ng kinauupuan niya. Sina Mama at Papa naman ay nakapila para umorder ng kakainin namin. "Hindi, sasama ako sa inyo," ganting biro niya. "Babalik akong France. Ito na siguro yung time para bisitahin ko naman yung isa ko pang hometown. Baka sakaling matagpuan ko na din yung para talaga sa akin." Ngumiti si Lex pero may pait sa ngiti niyang iyon. Para bang itinatago niya sa ngiting iyon ang tunay niyang nararamdaman. "I'm sure makikita mo na siya doon, Lex. Hindi ka man naging matagumpay katulad ko, dadating rin siguro yung talagang para sa atin." Kumunot ang noo ni Lex. "You mean, nakipag-break ka na ng tuluyan kay Ethan? Alam ba niyang aalis ka na?" "As a matter of fact, yes, kasama ko siya kahapon. Alam na rin niyang hindi totoo ang lahat. At higit sa lahat, alam niyang buntis pa rin ako." "Hindi ka niya pinigilan?" napapantastikuhang tanong ni Lex. Base sa hitsura niya ngayon, hindi siya makapaniwala na aalis pa rin ako kahit alam na ni Ethan ang lahat. Ang totoo niyan, ilang beses tumawag si Ethan sa akin kagabi pero ni isa sa mga tawag niya ay hindi ko sinagot. Ayokong marinig niya na umiiyak ako. Ayokong magmakaawa sa kanya na pigilan niya akong umalis. Umaasa kasi ako na sa oras na magkasama kami kahapon ay magkukusa siyang pigilan ako. Kasi kapag ginawa niya iyon, baka magbago ang isip ko. Pero namuti lang ang buhok ko sa kakahintay. Hindi ko narinig ang mga salitang gusto kong marinig. "Hindi direkta," malungkot na sabi ko. "Ang sabi niya kung saan daw ako masaya doon daw siya. Priority daw niya ang kaligayahan ko. Pero di ba niya naisip na siya iyon?" "Alam mo sa tingin ko nagkakahiyaan kayong magsabi ng talagang nararamdaman niyo. Nagpapadala na lang kayo basta-basta. Kung ako siguro si Ethan, gagawa ako

Page 210: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

210

ng paraan para pigilan ka lalo na ngayon at magkakaroon na kayo ng pamilya." "Wala na rin naman siyang magagawa, Lex. Nandito na ako eh. Aalis na ako in three hours. Nakumbinsi ko na ang sarili ko na magpapakalayo-layo muna ako. Saka gaya ng sinabi ko sayo, kailangan ko ito. Malay mo ma-realize namin na hindi pala talaga kami ang para sa isa't isa. Sa five years na iyon, baka makakita pa siya ng talagang mamahalin niya." Umiling-iling lang si Lex. Alam kong hindi niya gusto ang mga sinasabi ko. Kahit naman ako ay hindi ko rin gusto ang mga salitang lumabas sa bibig ko. Halatang pilit lang ang mga iyon. Halatang kinukumbinsi ko ang sarili ko na maniwala na makakabuti iyon sa akin. Nang makabalik na sina Mama ay natahimik ulit ako. Pinilit ko na naman ang sarili ko na gawin ang bagay na hindi naman bukal sa loob ko. Kumain at inubos ang pagkaing ibinigay sa akin kahit hindi naman talaga ako gutom. Pakiramdam ko isa akong robot nang mga sandaling iyon. Ginagawa ko ang mga bagay na naka-program para sa akin na gawin. Wala akong pakialam kung gusto ko ba talaga iyong ginagawa ko o hindi. Bandang five-thirty ay nagpaalam na si Lex sa amin. Mauuna kasi siyang umalis at kailangan pa niyang mag-check in para sa flight niya. Bago siya umalis ay kinausap muna niya ako. "Tawagan mo ako kapag may kailangan ka okay? Kahit na malayo ako, gagawa ako ng paraan para matulungan ka. Kahit pa tungkol kay Ethan yun." "Thank you, Lex. Salamat talaga ng sobra. Nakakatawa ano? Parang dati lang galit na galit ako sayo dahil sa ginawa mo pero ngayon para tayong mag-best friend." Pinahid ni Lex ang ilang luhang pumatak mula sa mga mata ko. Niyakap niya ako ng mahigpit at inalo sa pag-iyak ko. "Kaya nga eh. Siguro si Ria ang may kagustuhan na maging malapit tayo. Saka ayos na rin ito no. Kaysa naman yung may malaking galit ka sa akin di ba?" Gumanti ako ng yakap kay Lex. Sa mga pagkakataon na sobrang kailangan ko ng karamay, parati siya yung nasa tabi ko. Siguro paraan niya iyon ng pagpapakita na mahal niya ako. Ngayon naiisip ko na hindi niya deserve ang isang katulad ko. Wala akong ibang ihihiling sa Diyos na makahanap siya ng isang babae na magmamahal talaga ng totoo sa kanya. I wish him happiness. "Tahan na, Alex. Magkikita pa tayo, okay? Basta Ninong ako ng kambal ha?"

Page 211: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

211

"Oo naman, no!" "I love you," bulong niya sa akin bago siya kumalas ng pagkakayakap sa akin. Hinalikan niya ako sa ulo pagkatapos ay nagsimula nang maglakad palayo. Nang nakasakay na siya sa escalator ay kumaway siya hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin ko. Bumalik na ako sa pwesto namin nila Mama. Tinignan ko ang cellphone ko. Walang kahit isang tawag o text mula kay Ethan. Ibig bang sabihin, wala na siyang balak na pigilan man lang ako for the last time? Akala ko ba ay ihahatid niya ako paalis? Kung nasa matinong estado lang siguro ako, tinawanan ko na sarili ko. Napaka-contradicting ng mga sinasabi ko. Kahit ako di ko na malaman ano ba talaga ang gusto ko mangyari. Bandang 6:00pm ay nag-confirm na kami ng flight namin. There's no turning back now. Paninindigan ko na itong desisyon ko na sumama kina Mama at Papa sa Canada. After all, walang Sean Ethan Balmaceda na dumating para pigilan akong umalis kahit binigyan ko na siya ng mga rason para pigilan ako. Too bad, umasa ako sa wala. "Good evening, ladies and gentlemen. This is your captain speaking. I would like to welcome you aboard Philippine Airlines Flight IX 892 service from Manila, Philippines to Vancouver, Canada. Once we get airborne today, our flight time will be 16 hours and 30 minutes. Once again, we thank you for choosing to fly with us today and we hope you enjoy your flight.” Umalis ako ng Pilipinas na may dala-dalang sakit ng puso at mga luha.

--- Kung mamalasin ka nga naman. Sa lahat pa ng araw na dadapuan ka ng sangkatutak na kamalasan ay ngayong araw pa. Kung kailan pa ako nagmamadali para maabutan si Alex ay saka pa kung anu-ano ang nangyari sa akin. Alas kwatro pa lang ng hapon ay umalis na ako sa rest house sa Lipa para maabutan ko si Alex bago siya sumakay ng eroplano. Wala namang problema hanggang sa makarating ako sa SLEX. Bandang Alabang ay nagsimula nang mag-traffic. Nilipat ko sa AM station yung radio para malaman kung bakit nagka-traffic. Nagkaroon pala ng isang car accident sa may Sucat, Paranaque kaya grabe ang traffic. Akala ko ay mabilis lang iyon pero inabot na ako ng alas sais ay kakaunti pa lang ang naigagalaw ng sasakyan ko. Nagsimula na akong magpanic. May isang oras na lang ako para makarating ng airport.

Page 212: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

212

Hinagilap ko ang cellphone ko pero wala akong nakapang cellphone sa bulsa ko. Saka ko naalala na hindi ko pala natanggal iyon sa slacks na suot ko kahapon. Unti-unti nang uminit ang ulo ko. Nilipat ko ulit sa FM station ang radio. Pero sana di ko na lang ginawa dahil lalong kumulo ang dugo ko. Pinatatamaan pa ako ng kanta. Grabe talaga maglaro ang tadhana. "Cause this angel has flown away from me. Leaving me in drunken misery. I should have clipped her wings and made her mine for all eternity. Now this angel has flown away from me. Thought I have the strength to set her free. If what I did is because I love her so, will she ever find her way back home to me?" Makakasama ko pa ba si Alex? Makikita ko kaya ang magiging anak namin? Ang daming tanong na naglalaro sa isip ko. Kung masasagot ang mga iyon, only time will tell. Bandang alas siyete y media na ako nakarating airport. Umaasa na baka ma-delay ang flight nila kahit papaano. Pero nabasag ang pag-asang iyon nang makita ko ang flight schedules.

Destination (YVR) Vancouver

Flight IX 892

Airline Philippine Airlines

Scheduled Departure 7:00PM

Actual Departure 7:10PM~

Revenge 60

New Life Five years later… "Miss Alex, Andro and Eros are asleep already. I'm going now," paalam ng babysitter ng kambal na si Juleanne. "Thanks, Juleanne. Til next time." Inabot ko kay Juleanne ang napagkasunduan naming bayad tuwing magbe-babysit siya sa kambal. Mula nang umangat ang pwesto ko sa kompanyang pinagtatrabahuhan ko, having a babysitter came in handy. Binalikan ko ang mga resume ng mga bagong nurses na nag-apply sa nursing home na pinapasukan ko. I work as a manager at talagang hands on ako sa ginagawa ko. Pero kahit busy ako, I make sure na hindi ko napapabayaan yung kambal ko.

Page 213: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

213

Nagpunta ako sa kwarto ng kambal para bigyan sila ng good night kiss. Naging gawain ko na iyon at walang araw na nakakaligtaan ko iyon. Kapag nasa bahay sila ng lolo't lola nila ay tinatawagan ko sila bago sila matulog. Sa loob ng limang taon, umikot ang buhay ko sa kambal. Di ko alam kung maganda na walang nakuha ang kambal kay Ethan except sa mga mata nila. Kapag tinitignan ko sila ay parang si Ethan ang nakikita ko. Iyon siguro ang nagdala sa akin sa loob ng limang taon. Oo, hanggang ngayon si Ethan pa rin. Siya pa rin ang laman ng puso ko. Ilang beses akong sumubok na maghanap ng bagong mamahalin pero wala ni isa ang nagtagal. Palaging may kulang sa kanila kahit na ba parang perfect na ang projection nila. May kulang sa kanila kasi hindi sila si Ethan. Siya lang talaga ang hinahanap ng puso ko. I kissed my boys good night bago ako bumalik sa kwarto ko. Nilunod ko ang sarili ko sa trabaho hanggang sa makaramdam ako ng pagod at antok. Nag-shower muna ako bago natulog.

***

Nagising ako sa mahinang hagikgikan sa magkabilang tabi ko. Nagkunwari akong tulog para malaman kung ano ang gagawin ng kambal para gisingin ako. "Ikaw na magkiss kay Mommy, Andro! Ako nagkiss sa kanya yesterday. Ikaw naman dapat ngayon," pag-uutos ng nakakatandang si Eros. He's older than Andro by two minutes. Mas outgoing si Eros kay Andro. May pagkamahiyain kasi si Andro. "O sige na nga. Pero isa lang ha? Mommy looks tired maybe she needs some more sleep." Kahit mahiyain si Andro, mas malambing naman ito sa kuya niya. "Okay!" Hinintay kong lumapat sa pisngi ko ang labi ng bunso ko pagkatapos ay hinuli ko siya at niyakap ng mahigpit. Nagsisigaw naman sa gulat yung dalawa na ikinatawa ko naman. The three of us cuddled in bed hanggang sa magreklamo na yung dalawa na gutom na daw sila. "What do you guys want for breakfast?" tanong ko sa kanila nang makababa kami sa kitchen. "Bacon!" "Hotdog!"

Page 214: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

214

Halos sabay nagsalita yung dalawa kaya natawa na naman ako. When it comes to my boys, lahat kinatutuwa ko. "Alright, Mommy will cook both na lang para fair, okay? You go wash up so we can go to Lolo and Lola's house after we eat." "YEHEEEEY~!" Nagsitakbo yung kambal paakyat sa kwarto nila para maligo. Basta talaga galaan, game na game ang mga iyon. Nang matapos akong maghain ng breakfast namin ay saktong bumaba na yung kambal. Patakbo silang lumapit sa la mesa at pumuwesto sa kanya-kanyang upuan. Nagdasal muna sila bago maganang inubos ang pagkain. Tahimik lang akong nanonood sa kanila habang umiinom ng kape ko. Mula nang ipanganak ko sila, nag-iba ang pananaw ko sa buhay. Marami ring nagbago sa akin. Mas naging bukas ang isipan kko sa mga bagay-bagay dahil kailangan kong i-consider ang kapakanan ng mga anak ko. I guess having kids brings out the best in me. "Eros, your daddy Ethan will chat with you later after we eat. Ikaw na bahala mag-open ng laptop ni Mommy. I'll just go and take a bath." "Yes, Mommy!" Nang magligpit na ako ng pinagkainan namin ay tumakbo na sa office ko yung dalawa. It has been a month mula nang makausap nila ang daddy nila. Hindi ko pinagkait kina Eros at Andro ang karapatan nilang makilala ang daddy nila. Ayokong lumaki sila nang hindi nila nakikilala si Ethan. Pero kahit madalas makausap ng dalawa si Ethan, hindi ako nakikialam pa sa buhay niya sa Pilipinas. Oo mahal ko pa rin siya pero hanggang dun na lang iyon. Naniniwala pa rin ako na kung kami talaga, ang tadhana na ang bahala doon. Pagkatapos maligo ay tinawag ko na yung dalawa para makapag-ayos na kami sa pag-alis. Nagpaalam na sila sa daddy nila tapos ay sumunod na sa akin sa kotse. "Mommy, daddy looked so rugged. Di na siya kasing gwapo nung picture niyo sa cellphone mo," pagsusumbong ni Eros sa akin habang nagbibiyahe kami. "Oo nga po, Mommy. Dami nang hair ni daddy sa chin niya. Hindi bagay!" segunda naman ni Andro. Ngayon lang siguro nila nakita si Ethan nang hindi malinis yung hitsura. Ang alam ko, ayaw niyang tinutubuan siya ng balbas. Pero you know what might happen in five years. "Baka busy lang si Daddy niyo kaya nakalimutan niyang mag-shave? Don't worry next time clean na ulit si Daddy."

Page 215: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

215

"Eros, napansin mo ba yung girl na nag-pass sa likod ni Daddy kanina?" "Oo nga, Andro! Dapat i-ask ko si Daddy kaso nagba-bye na siya eh. Mag-si-sleep na daw siya kasi gabi na daw doon sa Philippines." Napukaw ng usapang iyon ang interes ko. Sino nga kaya iyong babaeng iyon? Girlfriend niya kaya? Baka naman si Jessica lang iyon. Nang marealize ko ang ginagawa ko ay agad kong pinagpag ang ideyang iyon sa isip ko. Hindi dapat ako makialam sa affairs niya kagaya ng hindi niya pakikialam sa mga nangyari sa buhay ko. Sina Eros at Andro lang ang concern namin sa isa't isa. Pagdating namin sa bahay nila Mama at Papa ay agad na pumasok sina Eros at Andro sa loob. Malamig kasi sa labas dahil malapit nang magwinter. Humalik ako sa pisngi nila nang maabutan ko silang nanonood ng TFC sa living room. Nandoon na rin sina Eros at Andro, nakasiksik sa tabi ng grandparents nila. "Anak may package para sa'yo. Nilagay ko iyon sa may breakfast nook," paalala ni Papa. Uminom muna ako ng orange juice bago kinuha yung package. Naupo ako sa tabi ni Mama bago binuksan yung package. "Kanino daw galing?" Iniscan ko yung laman ng package. Dalawang envelope iyon pero sa iisang sender lang galing. "Galing lahat kay Clarise, Ma." "Bakit daw?" Binuksan ko iyong isang envelope at tumambad sa akin ang isang wedding invitation. Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang pangalan ko doon. "It seems like she's getting married and I'm the maid of honor."

Revenge 61 The Decision Tumawag agad ako sa personal number ni Clarise. Bahala na kahit long distance at mahal ang singil nito. Mula nang umalis ako papuntang Canada, hindi na ganun ka-constant ang communication naming mag-best friend. Minsan minsan na lang kami mag-usap. Pareho na kasi kaming naging busy. Ipinagpatuloy kasi ni Clarise yung pangarap niyang maging doctor. Currently, intern na siya sa isang ospital sa Philippines.

Page 216: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

216

“Hello, Clarise Go speaking,” pormal na bati ni Clarise nang sagutin niya yung tawag ko. “Sosyal ka naman, Clang. Doktor na doktor na ang dating mo ah!” “Alex? Ikaw ba to?” “Sino pa ba ang inaabangan mong international call?” Kahit hindi niya nakikita, ear-to-ear na ang pagkakangiti ko. Sobrang namiss ko na talaga siya. Three months ago ko pa yata siya huling nakausap at two years ago ko siya huling makita nang magbakasyon siya kasama ng first boyfriend niya na soon-to-be husband na niya. “OH MY GOSH! BRUHA KA! NAMISS KITA~!” I swear, sinigaw talaga niya yan directly sa mouthpiece ng phone. Nilayo ko ang cellphone ko sa tenga ko sandali dahil baka mabasag ang eardrums ko. “Ang ingay mo, friend. Nawindang ang buong kabahayan nila Mama at Papa nang marinig ang boses mo.” “Oops, sorry naman. Ikaw kasi bruha ka! Bakit ngayon ka lang tumawag?” “E kasi po ngayon ko lang natanggap yung letter mo.” “Very good! So ikaw ang maid of honor ko ha? Kapag hindi ka pumayag, ipopostpone ko ang kasal ko para lang kumbinsihin kitang umuwi dito sa Pilipinas at maging maid of honor ko!” Natawa ako sa sinabi ni Clarise. Hanggang ngayon kasi ganun pa rin ang ugali niya. Kapag may gusto siya, hindi niya tatantanan iyon hangga’t hindi niya nakukuha. Gagawa at gagawa siya ng paraan para ma-achieve niya yun. Malakas kasi ang fighting spirit niya at iyon ang isa sa mga magagandang impluwensiya niya sa akin. Kahit papaano tumaas ang self-esteem ko nang panahon sobrang lumagapak iyon nang dahil sa nangyari sa amin ni Lex. “Teka, may atraso ka pa nga sa akin eh! Hindi mo pa kinukwento sa akin kung paano nagpropose sa’yo si Jake.” Kunwari ay nagtatampo ako sa kanya. Todo sorry naman siya sa akin. Hindi pa yata siya titigil kung hindi ko pa sinabing magkwento na siya. As usual, punong-puno ng excitement yung boses niya. Kahit hindi ko siya nakikita, naiimagine ko na kung ano hitsura niya habang nagkukwento siya. Hindi ko maiwasang mainggit kay Clarise habang sinasabi niya sa akin kung gaano ka-romantic yung pagpopropose ni Jake sa kanya. Kung hindi siguro ako umalis five years ago, baka naunahan ko pa si Clarise na magpakasal. Ganito rin siguro ako ka-excited na magkwento sa kanya kung paano ako niyaya ni Ethan magpakasal sa kanya. Oh well, nasa huli din talaga ang pagsisisi pero hindi ko masasabing nagsisisi ako sa naging desisyon kong umalis. Naging maganda rin naman ang buhay ko, namin, nang magpunta kami ng Canada.

Page 217: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

217

Nawala sa loob ko na may kausap nga pala ako sa telepono. Kung hindi pa ako ginulat ni Clarise ay hindi ko pa maaalala. Masyado akong nadala ng mga ‘what ifs’ at ‘would have beens’ ko. “Lumilipad na naman yang isip mo ano?” “Sorry naman, ikaw kasi nang-iinggit ka pa eh.” “Don’t worry, best friend, makikita mo rin yung para sa’yo.” May halong lungkot yung pagkakasabi niya nun. Bakit kaya? “Sana nga.” “O, ano ikaw na ang maid of honor ko ha?” sabi niya na pinipilit baguhin ang emosyon ng boses niya. Para bang may alam siya pero pilit niyang tinatago sa akin. Parang may gusto siyang sabihin pero nagdadalawang isip siya kung itutuloy ba niya o hindi. “Oo na.” Tuwang-tuwa si Clarise sa narinig niya. Nagkwento na naman siya tungkol sa kanila ni Jake pero wala doon ang isip ko. Napaka-generic ng mga sagot ko sa kanya palibhasa ibang bagay ang laman ng isip ko. Napunta kay Ethan. Mula nang tumungtong ako ng Canada, hiniling ko kay Clarise na huwag akong balitaan ng kahit anong tungkol kay Ethan. Kinumbinsi ko rin ang sarili ko na huwag magtanong ng kahit anong tungkol sa kanya unless para iyon sa kapakanan ng mga bata. Pero ngayon, parang gusto kong sirain ang pangako kong iyon sa sarili ko. Gustong-gusto kong malaman kung a-attend rin ba si Ethan sa kasal ni Clarise, o kung parte rin ba siya ng entourage. Nang makita ko kasi ang pangalan ko ay hindi ko na tinignan pa yung iba pang kasali. “HUY!” Napapitlag ako sa ginawang iyon ni Clarise. Para bang hindi ilang libong milya ang pagitan namin sa isa’t isa. “Sorry, ano iyon?” Pumalatak si Clarise. “Sabi ko kung okay lang na gawing ring bearer at bible bearer yung kambal.” “Ah, okay lang. Sige, para naman makarating sila ng Pilipinas.” Magpapaalam na sana si Clarise dahil malapit na magsimula yung shift niya pero pinigilan ko siya. Eto na, sisirain ko na yung pangako ko sa sarili ko. Isang tanong lang. O baka dalawa. Kuntento na ako sa ganun. “K-kamusta na siya, Clang?” Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko pagkatapos

Page 218: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

218

lumabas ng mga salitang iyon sa mga bibig ko. Tama ba ito? “Si Ethan?” Ilang segundo ring natahimik si Clarise bago siya sumagot. “He’s doing well, Alex. Two years na rin yung company na tinayo niya and I heard it’s earning well. Kilala na yung pangalan niya sa business sector. One of the most eligible bachelors in town rin siya according sa isang lifestyle magazine.” Masaya akong marinig na naging maganda yung buhay niya nitong nagdaang five years. At least hindi siya yung katulad ng ibang tao na kapag iniwanan ay napapariwara. Proud ako sa naging kinalabasan ng buhay niya. At least ngayon, alam ko na talagang masaya siya. “A-attend ba siya sa kasal, Clang?” Pangako, huling tanong na talaga iyon. “Alam mo, Alex, hindi maiiwasan na magkita kayo. Siyempre may mga anak kayo eh. Dadating ang panahon na kailangan niyo ulit magkita for the sake of your kids. Alex, I hate to say this but I got to go. Magsisimula na ang shift ko. See you in a month, okay?” “Okay. See you.” Tama si Clarise. Dadating ang panahon na magkikita kami. At nalalapit na iyon. In a month’s time, babalik na ako sa Pilipinas at hindi maiiwasan na magkita kami ng ama ng mga anak ko, ng lalaking mahal na mahal ko pa rin hanggang ngayon—si Ethan Balmaceda.

Revenge 62

Her Return, His Arrival “Ladies and gentlemen, we have just arrived at the Ninoy Aquino International Airport. ” Bandang alas-diyes ng umaga lumapag sa NAIA ang eroplanong sinakyan ko galing Singapore. Doon kasi ako sumakay ng connecting flight pabalik ng Manila. Naghintay muna ako sa arrival area ng airport para sa sundo ko. Napag-usapan kasi namin ni Lex na sa kanya muna ako makikituloy sa loob ng three months kong bakasyon dito sa Pilipinas. Looking back, ang daming nagawa ng five years sa buhay ko. May ilang friendships na bahagyang naputol pero may iba namang mas tumibay pa. May iba na tuluyan nang nawala at hindi ko alam kung maaari pang maibalik. Yung sa amin ni Clarise, bahagyang nawala pero okay na ulit ngayon. Pero yung sa amin ni Lex, naging maganda yung naidulot ng five years dahil mas naging maganda yung relasyon namin bilang kaibigan. At take note, hindi lang friends kundi best friends pa. Hindi ko inakala na yung dating nanloko pa sa akin yung magiging karamay ko ngayon.

Page 219: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

219

So ayun nga, si Lex ang susundo sa akin ngayon pero mag-aalas dose na ay wala pa siya. Baka hindi na naman niya napansin ang oras dahil sa sobrang pagka-busy niya. Marami na kasing business yung lalaking iyon eh. Bukod sa Rock n Dine, may ilan pa siyang binuksan na restaurants mula nang bumalik siya galing France. Nagbukas din siya dito ng ilang branch ng business nila sa France. Super successful na iyon ngayon. Milyonaryo na pero loveless naman. Lumingon ako sa paligid ko. Medyo kakaunti na yung taong naghihintay doon dahil pulos may sundo sila or dumating na yung sundo nila. Naagaw ang atensyon ko ng isa ding balikbayan. Yung babae yung dumating. Pagkakita niya doon sa sundo niyang lalaki, agad siyang yumakap doon ng mahigpit tapos hinalikan niya sa lips. Miss na miss siguro nila yung isa’t isa. Hindi ko inalis yung mga mata ko sa kanila hanggang sa maglakad na sila papunta dun sa sasakyan nung lalaki. Ewan ko kung anong nangyari sa akin pero parang kahawig ni Ethan yung lalaki. Tas coincidence din na yung kotse nung lalaki ay kapareho ng kotse ni Ethan noon. Hoy, Alex, nagha-hallucinate ka lang. Naiinggit ka lang sa kanila kasi wini-wish mo na sana si Ethan din yung sumusundo sa’yo ngayon. Napangiti ako ng mapait. Kung anu-ano na ang pumasok sa isip ko. Hinintay kaya ako ni Ethan? Ako pa rin kaya yung mahal niya? May pamilya na kaya siya ngayon? Naputol ang pag-iisip ko nang may isang lalaking confident na lumapit sa akin. Through my shades, tinignan ko muna siya mula ulo hanggang paa. Matangkad siya at maputi. Medyo magulo yung maiksi niyang buhok tapos nakasuot din siya ng shades. Pero kahit medyo natatakpan yung halos kalahati ng mukha niya, masasabing may hitsura yung guy. Hindi rin siya mukhang bading dahil sa suot niya. Nakadagdag pa nga sa pagkalalaki niya yung porma niya. “Excuse me, Miss. Are you, by any chance, Alex Fernandez?” tanong sa akin nung lalaki. Napataas ang kilay ko. Hindi ko inakala na itong lalaking medyo rugged na gwapo ay may malamig at malambing na boses. Wala sa hitsura niya. Hala, Alex, ano bang nangyayari sa’yo? “U-uhm, yeah. I’m Alex Fernandez. Why?” “I’m Lex’s cousin and I am here to fetch you. Let’s go?” Isang nakakatunaw na ngiti ang sumilay sa mga labi niya. Parang di niya alintana na ilang oras akong naghintay dito para sa kanya. “Teka, nasaan si Lex?” tanong ko dun sa lalaki pagkakuha niya dun sa maleta ko. Hinabol ko pa siya dahil nauna na siyang maglakad sa akin.

Page 220: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

220

“Bacolod. Di ba niya nasabi sayo?” Napakunot ang noo ko. Nasa Bacolod si Lex? Parang nung isang araw lang sabi niya ay siya mismo ang susundo sa akin. “Obviously not. Hop in, Miss. Sabi niya ako muna ang bahala sa’yo.” Pagkasakay ko ay umalis na agad kami ng airport. Para talagang hindi ako naghintay ng ilang oras sa kanya. Ni wala man lang akong narinig na ‘Sorry pinaghintay kita ng matagal’ galing sa kanya. Mukhang may pagka-antipatiko ang ugali nitong pinsan ni Lex na ito. At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung anong pangalan niya. mamaya kidnapper pala ito at nagpapanggap na pinsan ni Lex. “Excuse me lang ha? Kasi kanina pa tayo magkasama pero I don’t even know your name.” “Does it matter?” medyo naiiritang sabi niya. Nako nagsisimula nang kumulo ang dugo ko dito sa lalaking ito. Hindi na lang ako nagsalita dahil baka kung ano ang masabi ko sa kanya. Habang bumabiyahe kami tahimik lang ako at nakikiramdam. Napangiwi ako nang makita kong tumigil kami sa tapat ng Summer Solstice. Kailangan ba talagang ipaalala sa akin ito? Kasi bumalik lahat ng memories namin ni Ethan dito. “What?” naiiritang tanong na naman niya nang makita niyang nakangiwi ako. “I know you’re hungry plus I work here. It’s like hitting two birds with one stone.” Hitting two birds with one stone, your face. Mukha mo i-hit ko ng stone dyan eh! Gusto ko sanang sabihin sa kanya yun pero pinigil ko sarili ko. Kumukulo talaga dugo ko sa lalaking ito. Wala naman siyang ginagawang masama pero nakakapang-init ng ulo ang ugali niya! Bumaba na lang rin ako ng kotse at sinundan siya papasok ng restaurant. Malaki na ang pinagbago ng Summer Solstice from the last time I went here. Pero gaya pa rin ng dati, patok pa rin iyong restaurant na iyon. Sigurado milyonaryo na rin yung pinsan ni Lex na may-ari nun. “Good afternoon, Ma’am. Good afternoon, Sir Franco,” masiglang bati sa amin nung crew na nagbukas ng pinto para sa amin. Nginitian ko lang yung crew tapos yung kasama ko naman tinanguan lang siya.

Page 221: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

221

Lumapit dun sa pinsan ni Lex yung manager ng restaurant. Mukhang bigatin ang posisyon nito dito. Akala ko nang sinabi niyang dito siya nagta-trabaho, general manager lang siya pero mukhang mas mataas pa doon ang pwesto niya. “Sir Franco, nasa table niyo na po yung mga kailangan pirmahan. Tumawag rin po ang Mama ninyo at hinahanap kayo.” So, Franco pala ang pangalan niya. Nice name. Hindi pinansin ni Franco yung sinabi nung crew. Sunod-sunod na utos ang sinabi niya dun sa crew na para bang wala nang bukas para gawin iyon. Pagkatapos ng mahabang listahan ng utos na iyon ay bumaling sa akin yung tingin ng dalawa. “She’s Alex. Give her what she wants. It’s on the house.” Pagkasabi niyon ay tuloy-tuloy na si Franco na pumasok doon sa isang opisina. Laglag ang mga panga ko sa ginawa niya. On the house? Joke ba iyon? Ang mahal kaya ng pagkain dito tas on the house lahat ng oorderin ko? Siya ba ang may-ari nito para maging ganun siya kagalante? Nilapitan ako nung crew na pinagbilinan ni Franco. Yen pala ang pangalan niya at siya pala ang secretary ni Franco. Ginuide niya ako papunta dun sa isang bahagi ng restaurant. Hindi ito yung part ng restaurant na puro garden. Dun ako sa kabilang annex dinala. Dun sa restaurant-style talaga. Kinuha ni Yen ang order ko. Bago siya umalis, tinanong ko muna siya kung anong posisyon ni Franco. Nagulat talaga ako nang sabihin niya na si Franco pala ang may-ari nitong restaurant na ito. Kung ganoon, siya pala si Juan Francisco de Vera. Akala ko noon matanda na iyon dahil tunog matanda yung pangalan pero two years lang pala ang tanda niya sa akin. Nang dumating na yung pagkain ko, magana akong kumain. Noon ko lang na-feel na gutom na gutom pala ako. Dalawang oras din naman kasi akong naghintay sa airport di ba? Gusto ko sanang gantihan tong si Franco dahil sa tagal ng pinaghintay ko kaso hindi naman ako ganun kasama para orderin lahat ng mahal na pagkain nila dito. Okay na ako dun sa medyo may

kamahalan. Pero mahal talaga pagkain dito. Kinakain ko na yung dessert kong blueberry cheesecake nang magring yung cellphone ko. Open kasi yung roaming nun kaya pwedeng makareceive ng calls and texts.

Quote

Page 222: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

222

Incoming call

Home 2 (Landline) Agad kong sinagot yung tawag dahil number iyon sa bahay nila Mama at Papa. Sila muna ang bahala sa kambal habang hindi pa babiyahe papunta dito sina Eros at Andro. “Hello?” “Mommy!” sabay na bati nina Eros at Andro pagkasagot ko ng phone. Bigla akong nakaramdam ng pagkamiss sa kanila. Parang gusto kong bumalik agad sa Canada para makita sila. “Hi baby! How are you?” “We’re fine, Mommy. Ikaw po? We miss you already. Kami ni Eros, Mommy.” Parang nag-init yung gilid ng mga mata ko. Miss ko na mga anak ko! Pinahid ko yung mga luhang nagbabantang tumulo. After two weeks, makikita ko rin naman sila eh. Two weeks na lang at pupunta na sila dito. “Aww, I miss you too, baby. Kayo ni Eros. Bakit hindi pa kayo tulog?” Narinig kong inabot ni Andro yung phone kay Eros. “Kasi Mommy we can’t sleep. Kasi miss ka na namin.” “Don’t worry, malapit na naman kayong umuwi dito eh. Promise pagpunta niyo dito, we’ll travel.” “Talaga?” Bakas na bakas yung excitement sa boses ni Eros. Pati tuloy ako naeexcite na. “Yes, baby.” Narinig kong ikinuwento ni Eros kay Andro yung sinabi ko. Narinig ko pang sumigaw ng ‘Yes!’ si Andro. Naiimagine ko tuloy siyang nagtatatalon sa kama habang tuwang-tuwa. Natawa tuloy ako. “Pwede rin po ba natin puntahan si Daddy, Mommy? Nagkita na ba kayo?” “Hindi pa eh.Pero once you get here, pupuntahan natin si Daddy.” “YEHEEEEY~! Thanks, Mommy! You’re the best!” “Sige na, tulog na kayo. Behave kayo diyan kina Lola, okay? Kiss Lolo and Lola for me.”

Page 223: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

223

“Yes, Mom! Good night! I love you! Nakatulog na po si Andro eh pero I’m sure he loves you too.” “Good night, baby. I love you too. See you soon.” Pagkatapos niyon ay in-off ko na yung cellphone ko. Itutuloy ko na sana ulit yung pagkain ko kaso nagulat ako nang may ‘umubo’. Nilingon ko kung sino iyon at nakita si Franco na nakatayo sa daanan malapit sa pwesto ko. “Ilang oras ka pa lang dito pero miss mo na kaagad ang boyfriend mo?” sabi niya habang naglalakad papalapit sa akin. Naupo siya sa bakanteng upuan sa tapat ko. “Hindi ko boyfriend yun, Mister. Mga anak ko yun.” Napa-‘ooh’ yung hitsura niya. Nagulat siguro siya na may anak na ako. Well, at 26, hindi na bago yun. Marami nang mga mas bata pa sa akin ang nagiging isang ina. “Ah, sila ba sina Eros at Andro? I’ve seen their pictures in Lex’s house. Naikukwento niya sa akin minsan.” Nginitian ko lang si Franco at pinagpatuloy na ang pagkain. Natahimik naman siya sandali pero yung expression ng mukha niya ay parang may nakalimutan siyang gawin pero hindi niya talaga maalala. Hanggang sa unti-unting umayos ang mukha niya at nakita ko na naman ang nakakatunaw na ngiti niya. “Ngayon ko lang naalala na hindi ko pa pala naipapakilala ang sarili ko. I’m sorry for being rude. Nabuburyong lang talaga ako dahil pinatawan ako ng Mama ko ng isang ultimatum. Okay, enough of that. I’m Juan Francisco de Vera but you can call me Franco.” Inabot niya sa akin yung kamay niya para sa isang handshake. Tinitigan ko muna iyon pansamantala bago tinanggap. Normal handshake lang iyon pero iba yung feeling. Ewan ko, nag-ha-hallucinate lang siguro ako or nostalgic lang itong place na ito. Hinintay ni Franco na matapos akong kumain bago siya nagyaya na ihatid ako sa bahay ni Lex. Habang nagbibiyahe kami, kwento lang siya ng kwento tungkol sa sarili niya at sa business niya. Ako naman, tahimik lang na nakikinig at nag-oobserve sa kilos niya. Mabait at charming naman siya pero first impression lasts talaga. Hindi maiaalis na may pagka-antipatiko siya. Medyo naaliw na ako sa kwento niya lalo na nang ikwento niya na binigyan nga siya ng Mama niya ng isang ultimatum. Pag hindi pa rin daw siya nagpakilala ng kahit isa man lang na seryoso niyang girlfriend ay ang Mama na niya mismo ang maghahanap ng posible niyang maging girlfriend. “Si Mama kasi feeling niya mamamatay na siya anytime kaya ayun, nagde-demand

Page 224: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

224

na bigyan ko na daw siya ng apo. Buti kung apo lang, madali lang gumawa nun pero yung babaengmakakasama for the rest of your life? Damn, ang hirap maghanap nun!” Natawa naman ako sa mga sinabi ni Franco. Para bang allergic na allergic siya sa salitang love at kasal. Sabagay kapag bachelor nga naman gusto ng freedom at ayaw matali sa mga commitments. Si Ethan kaya ganun na rin ang paniniwala? Haay, Alex, umayos ka nga! Puro ka na lang Ethan! Dahil nga sa pagkaaliw ko sa mga kwento ni Franco tungkol sa Mama niya ay hindi ko namalayan na pumasok na pala kami ng isang subdivision at nagpark na siya sa tapat ng isang magandang bahay. Bumaba na rin ako ng sasakyan nang bumaba na siya. Sinundan ko siya at naisip kong hindi naman iyon ang bahay ni Lex. “Teka, this isn’t Lex’s house, right?” paglilinaw ko kay Franco. Tumigil siya mula sa pagbubukas ng front door para humarap sa akin. Pareho na kami ngayong nakakunot ang mga noo. Parehong nagtataka sa mga nangyayari. “Hindi sinabi sa’yo ni Lex?” Umiling ako. Ano ba ang dapat niyang sabihin? “Nako, pagbalik niyang pinsan ko na yan, lagot yan sa’kin. Nagpapasa ng responsibilidad sa’kin pero hindi man lang ipinaalam sayo? I’m really going to strangle him when he comes back!” Halatang medyo uminit ang ulo ni Franco. Well, kung ako rin naman ang nasa posisyon niya, ganun din mararamdaman ko. “Baka naman pwedeng ihatid mo na lang ako sa bahay ni Lex? Dun na lang ako maghihintay. Nakakahiya naman sa’yo.” Para kasing napipilitan lang si Franco na tanggapin ako. Yun bang wala na siyang choice dahil siguro paalis na si Lex nang ihabilin niya ako dito sa pinsan niya. “Imposible. Tatlong buwan si Lex sa Bacolod dahil gusto daw niyang asikasuhin ang bago niyang business venture doon. Kaya whether you like it or not, you’re staying here with me for the rest of your vacation.” Binalikan na ni Franco ang pagbubukas ng pinto. Nang mabuksan niya iyon ay humarap siya sa akin at well, buong-pusong winelcome ako sa bahay niya. “I guess you’re stuck here with me for three months.” “And I guess I have no choice.”

Page 225: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

225

Sana lang ay maging matiwasay ang tatlong buwan ko sa poder ni Franco. And I hope he likes kids.

Revenge 63

Living with Franco "Di ka dapat kumakain ng taba," pangangaral sa akin ni Franco habang nagla-lunch kami sa bahay niya. Adobo ang ulam namin ngayon at siya ang nagluto. "You're not my mom, Franco, so mind your own business." "But this is my house so I call the shots." Ganito kami ni Franco halos araw-araw. Ayaw bati, nag-aangilan, pinapansin ang bawat galaw ng isa't isa. Para kaming mga high school students na binubully ang isa't isa. Di ko nga alam kung bakit natatagalan ko siya e. Kahit kasi yung pinakamaliit na bagay pinapansin niya. Kagaya na lang ngayon. Pati pagkain ko ng baboy pinag-iinitan. "Pero buhay ko ito so don't tell me what to do." Ngumiti ng nakakaasar si Franco. Ang sarap ihagis nung candleholder sa mukha niya. Yung ngiti kasi niyang iyon, nakakairita. Alam na alam mong fake tapos sarcastic yung dating. "Buhay mo nga iyan pero nasa bahay kita. Ibig sabihin, sagutin ko kapag may nangyari sayo kaya pwede, sumang-ayon ka na lang sa akin kapag sinabi kong hindi ka kakain ng taba. Mamaya atakihin ka pa dyan, malalagot pa ako sa pinsan ko at sa buong angkan niyo." Mababakas sa paraan ng pagsasabi niya niyon ang authority. Na para bang bawal humindi sa mga sinasabi niya. Sanay na sanay siyang sumusunod ang lahat ng tao sa lahat ng gusto niya. I perfectly understand why. Palibhasa siya ang may-ari ng ilang chain of restaurants kaya dapat laging nakasang-ayon sa kanya. But I'm different. Di niya ako empleyado. I'm a guest here! Magsasalita sana ako kaso inunahan na niya ako. Nako, sarap talagang hambalusin nitong lalaking ito. Nakikinita na siguro niyang sesermonan ko pa siya kaya inunahan na ako.

Page 226: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

226

"Here, eto dapat ang kinakain mo," sabi niya habang inilapit sa pinggan ko ang platter ng sweet and sour fish. "Lagot talaga sa'kin yang pinsan mo pagbalik niya dito sa Manila. Lalong lumalaki ang kasalanan niya sa'kin!" buong puso kong pahayag. Kasalanan ni Lex to! Pwede namang sa hotel na lang muna ako tumuloy kaso itong magaling na Lex, nagbilin na huwag akong patuluyin doon. At sa lahat pa ng paghahabilinan niya ay dito pa sa pinsan niyang saksakan ng sarcastic at ng... gwapo. Oo, kahit naiinis ako kay Franco, di ko maitatangging gwapo nga siya at lalo akong naiinis dahil dun. "I can help you wring his neck, if you want." Tinignan kong mabuti si Franco. Nagkibit-balikat lang siya tapos ay nagpatuloy sa pagkain. "You know what?" bulalas ko. "No, what is it?" Kita niyo na? Sarcastic tong taong to. Nakakainis! "About wringing Lex's neck. That's the first time na sumang-ayon ka sa akin." True. Sa isang linggo kong pamamalagi sa mansyon na 'to, kanina lang nag-jive ang mga

opinyon namin. Hindi ko inakalang pareho kaming may murder plans for Lex. "Okay, and then?" Titig na titig si Franco sakin. Yung mukha niya para bang sinasabing 'Magsalita ka na. You're wasting my precious time.' Hari yata to ng kaarogantehan eh! Sino bang hindi maaasar sa kanya? Ngumiti ako ng pilit na pilit. "Nothing. Mabulunan ka sana." Pabulong lang yung pagkakasabi ko ng huling sentence. Mamaya bigla na lang niyang damputin yung tinidor niya tapos saksakin ako. May sa murderer ata to eh. "Pardon? Pakiulit ng sinabi mo," authoritative na wika ni Franco. Kunot na kunot noo niya habang hinihintay akong magsalita. "Sabi ko 'nothing,'" painosenteng sagot ko. Baka anytime saksakin na niya ako ng tinidor. Jusko, kawawa naman ang kambal ko pag nangyari yun. Wag naman sana. Naningkit yung mata ni Franco. Halos wala na nga siyang mata eh. Di na makita yung blue

Page 227: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

227

niyang mga mata. Naging black na yata sa galit at inis. Ha! Kala niya siya lang marunong mang-asar, ako rin no! "You whispered something. What was that?" Wala pa rin siyang mata. Magkadikit na ata yung kilay niya sa sobrang kunot. "Hala, Franco, magpaalbularyo ka na. Nakakarinig ka na ng kung anu-ano, oh. Baka nadedemonyo ka na!" Pigil na pigil ko yung tawa ko habang pinapanood si Franco at ang kanyang mga reaksyon. Kanina wala na siyang mata pero ngayon sobrang mulat na mulat na. After a while, narealize niyang pwede nang pumasok sa bibig niya yung mga langaw kaya inayos na niya sarili niya. Akala ko pa naman stiff talaga tong lalaking to. Takot din naman sa mga katulad niyang fallen angels. Devil in disguise kasi siya. "Whatever, Alex. Kumain ka na lang dyan." Nang yumuko siya, nag-make face ako at inulit ang mga sinabi niya. Agad naman akong ngumiti nang magtaas na siya ng tingin. "Sarap kumain, no?" sabi ko na lang. Natahimik na kaming dalawa at pinagpatuloy ang pagkain. Ngayon lang din nangyari na tahimik ang dining room dahil di kami nagbabangayan. Ano bang meron ngayon at napakaganda ng araw na ito? Pagkatapos kumain ay ako na ang nagprisintang magligpit ng pinagkainan namin. Tumulong na rin ako kay Manang Ludi habang naghuhugas siya ng mga plato. Si Franco naman, ayun, nanonood ng TV sa sala. Haring-hari ang dating. "Manang, buti natitiis niyo ugali ni Franco," di ko napigilang ikomento habang naghuhugas si Manang at ako naman ay namamapak ng hilaw na mangga at sinasawsaw yun sa patis. "Mabait naman si Franco, Alex. Di ko nga alam kung bakit ganyan siya sa'yo eh. Close siya sa mga kasambahay." Nasa boses ng matanda ang fondness para sa amo niya. Si Manang Ludi kasi ang nagpalaki kay Franco. "Mabait yon? E grabe nga kung awayin ako nun."

Page 228: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

228

"Hayaan mo, babait din yun sa'yo. Ganyan din siya dati sa kaisa-isa niyang girlfriend, si Laura. Away bati rin pero nain love si Franco kaya bumait din. Magpapakasal na sana sila noon kahit twenty-three pa lang siya at twenty naman si Laura. Kaso namatay si Laura. May brain cancer na pala siya pero di niya sinabi kay Franco. Mula noon, naging palikero na ang anak-anakan ko." Natahimik ako sa mga narinig ko. Kawawa naman pala si Franco. Siguro sobra niyang dinadamdam yung nangyari. "Alam mo, Alex, nung una kitang makita akala ko nabuhay ulit si Laura. Pero alam kong imposible yun. Siguro ipinadala ka Niya para sumigla ulit ang alaga ko." "Nako, Manang, di po mangyayari yan. May mahal po akong iba at umaasa pa rin po akong magkakabalikan kami." Todo tanggi ako sa mga sinabi ni Manang Ludi. Di naman sa ayaw ko kay Franco pero isang tao lang ang gusto ko. Si Ethan lang. Siya lang at wala nang iba. "Ganun ba? Pasensya ka na, ha? Kamukha mo talaga kasi siya kaya naaalala ko sayo si L--" "Sino Manang?" Muntik nang mahulog ni Manang Ludi yung pinggan nang marinig namin pareho yung boses ni Franco. Narinig niya kaya ang usapan namin ni Manang Ludi? Pero mukha namang walang alam si Franco kaya napanatag loob ko. "Yung anak ko, hijo. Namimiss ko na yung bunso ko." Ayaw din mabuking ni Manang Ludi oh. "Ah, gusto niyo paluwasin ko dito, Manang?" naupo si Franco sa stool katabi nung inuupuan ko. Dumampot siya ng manggang kinakain ko. Parang wala lang lasa yung kinakain niya kasi walang reaksyon yung mukha niya. Samantalang ako ngumingiwi kapag kumakagat dahil ang asim nung mangga. "Wag na, anak. Pag bakasyon na lang. Kauumpisa pa lang ng pasukan." "Sabi niyo eh." Sumubo na naman ng isang piraso si Franco. Balewala talaga yung asim nung mangga. Humarap siya sa'kin at ako naman ang kinausap. "What's your plan for

Page 229: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

229

today?" Naghihimala yata talaga ang langit ngayon. "Wala, watch TV the whole day or sleep." "Boring. You wanna come with me?" Is he really asking me if I want to come with him? O nabibingi lang ako? "You're asking me out?" di makapaniwalang tanong ko. "Meron pa bang iba? Unless gusto ni Manang Ludi na sumama." Literal na napanganga ako sa mga nangyayari. Di lang talaga ako makapaniwala na niyayaya ako ng taong to na sumama sa kanya. As far as I can remember, iisang beses pa lang nagtutugma ang mga gusto namin. May something siguro talaga sa langit ngayon. "Ano? Sasama ka ba?" naiinip na tanong niya. Para bang within thirty seconds at di pa ako sumasagot ay mag-e-expire na ang offer niya. "Saan ka ba pupunta?" sabi ko sabay subo ng mangga. "May interview ako para sa isang lifestyle magazine. Wala personal assistant ko kaya naisip ko ikaw na lang muna. I won't pay you, though." Napasimangot naman ako doon. Gagawin lang pala ako nitong personal assistant. Akala ko naman nagkakagulo na sa langit kaya masyadong maraming himala ang ipinamumudmod ngayong araw na 'to. Devil in disguise pa rin tong bakulaw na to. "Tse! Personal assistant lang pala. Akala ko naman bumait ka na." Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko ng mangga. Si Manang Ludi nagpaalam na para makapagsiesta naman daw siya dahil sobrang pagod na siya trabaho. Eto namang si Franco, inaagawan ako ng pinapapak kong mangga. Daig pa yung naglilihing buntis dahil ang lakas kumain.

Page 230: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

230

"Ano nga? Sasama ka ba? I'll leave in 30 minutes." Mukhang persistent si Kuya na isama ako ah? Di naman niya ako yayayain kung ayaw niya di ba? "Kung magde-decline ba ako, lulubayan mo na kami ng mangga ko?" Mas marami pa kasi yung nakain niya kaysa sa akin. Sobrang namiss ko lang kumain ng manggang hilaw na malutong at maasim. Mayroon naman sa Canada pero gusto ko pa rin yung galing Pilipinas. "No, I'll drag you pa rin so you better fix yourself. Naaawa ako sa'yo dahil nilalamon na ng radiation ang mukha mo. You need a change of environment." Mabait din naman pala si Franco. Biruin mo, concerned din siya sa akin. Napansin siguro niya ako na bored na bored na dahil isa akong dakilang tambay sa mansyon niya. Niligpit na niya ang pinagkainan namin ng mangga pagkatapos ay hinugas ang mga kamay kong amoy patis. Hinila niya ako paakyat sa second floor. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kwarto ko pagkatapos ay tinulak paloob. Nanatili siyang nakatayo sa labas habang nagbibigay ng utos. "Dress up. Semi-formal would be fine. Be ready in fifteen minutes." Pagkasabi niyon ay bumaba na siya ng hagdan at naghintay sa akin. Yung usapan na fifteen minutes lang ay naging one and a half hour. Di naman ako papayag na siya lang ang masaya. The revenger attitude in me is still intact. Nakuha ko naman ang reaksyong gusto ko dahil inip naa inip si Franco sa kakahintay sa akin. Iyan kasi, lokohin daw ba ako? Naghintay tuloy ng isa't kalahating oras.

--- "Franco!" bati nung babaeng naghihintay sa reception area ng hotel na pagdadausan ng interview. Tumayo yung babae tapos nakipagbeso kay Franco. "I was worried nung tumawag ang secretary mo sa akin kanina. Akala ko hindi ka na dadating." "Of course not. I keep my word. Na-delay lang ng kaunti dahil nagka-problema kami ng kasama ko." Franco shot a deadly glance at me. Kung nakakamatay lang talaga ang tingin na iyon, nakakulong na siguro si Franco sa salang murder. Noon lang din napansin nung babaeng reporter na may kasama pala si Franco. Nginitian ko

Page 231: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

231

lang siya habang pinapakilala niya sarili niya. Her name's Sheldon at nagtatrabaho siya para sa isang local franchise ng isang sikat na international magazine. "So what's your relationship with Franco, Alex?" tanong agad ni Sheldon pagkapasok na pagkapasok namin sa loob ng suite na pinareserve ni Sheldon. Doon kasi magaganap yung interview. "Nothing," blunt na sagot ko. E sa wala naman talaga kaming relasyon ni Franco eh. Sometimes, I really hate reporters. Por que ba magkasama na, may relasyon na kaagad? C'mon, cut the crap. "Really? Bakit kayo magkasama ngayon?" Malisyosa yung tinging ipinukol ni Sheldon sa'kin. Tinignan ko si Franco para iparating sa kanya na tulungan akong sagutin tong reporter na to. Buti naman at na-gets ng lalaking iyon ang gusto kong mangyari. "You see, Shel, Alex is a private person. Sinama ko lang siya dito para naman makalabas siya ng bahay. She just came from Canada." Kung pwede lang, kanina ko pa dinukot ang mata nitong reporter na to eh. Napakamalisyosa. Di na ako magtataka kung may lalabas na lang na blind item tungkol sa amin ni Franco. Sana pala nagpaiwan na lang ako sa bahay kung ganito lang din ang mapapala ko. At least sa bahay tahimik ang mundo ko. Naupo na lang ako sa isang wicker chair na nakapwesto sa harap ng TV. Nag-channel surfing na lang ako para maialis sa isip ko ang pagdukot sa mga mata ni Sheldon na ilang metro lang ang layo mula sa akin. Ibinalik ko sa TV ang atensyon ko. Natigil ako sa paglilipat ng channel nang makita ko ang isang napakagandang babae. Di ako tibo, okay? Nakakainggit lang yung ganda niya. Mala-anghel yung mukha niya at napakaamo. Pag pinagtabi kami ay walang-wala ako. Na-mesmerize ako sa ganda niya. Swerte ng mapapangasawa niya. Sabi kasi sa news, engaged na daw ito at ikakasal na in two months. Di ko maiwasang hilingin na sana ako na lang siya. Sobrang ganda kasi niya. Naputol ang pagde-daydream ko nang maramdaman kong nagvibrate cellphone ko. Nang tignan ko, may isang mensahe galing sa isang unknown number. FR: +091546643** I'm sorry about Sheldon. I hope di ka na-offend or nailang. -Franco

Page 232: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

232

TO: Franco de Vera It's okay but if I get another malicious look from her, I swear I'm gonna take her eyes out. FR: Franco de Vera

I'll help you with that. She's getting on my nerves too. You look tired. Sleep on the bed first. I'll wake you up when we're done. Seriously, araw ba ito ng pagpapakabait ni Franco? Kasi since this morning parang ang bait bait niya sa akin. Which is weird kasi lagi niya akong inaaway this past few days. Na-realize niya bang naging masama siya sa akin at na hindi maganda ang pagtrato niya bilang isang bisita? TO: Franco de Vera Don't mind me. Tapusin mo na lang yang interview mo para makaalis na tayo dito. Baka kung ano pa magawa ko sa kausap mo. Inabala ko na ulit yung sarili ko sa panonood ng TV. Hindi na yung magandang babae yung ini-interview. Nawala na yung interes ko kaya nag-channel surfing na lang ulit ako. Lumipat ako sa kama dahil sayang naman kung hindi magagamit. Pagsayad na pagsayad ng likod ko sa kama ay nakaramdam ako ng pagod at antok. Biglang naging kaanya-anyaya yung malambot na kama at unan. Para akong ipinaghehele ng mga anghel. Sinubukan kong ipikit ang mga mata ko. Nang gawin ko iyon, nagpatuloy na sa dream land ang pag-iisip ko.

--- Isang marahang tapik sa balikat ang nagpagising sa akin. Pagdilat ng mata ko, mukha kaagad ni Franco ang nakita ko. Napaupo naman ako dahil hindi ko inaasahan na mukha ni Franco ang bubungad sa akin. “Mantika mo matulog. Kanina pa kita ginigising.” Ayun na naman yung naiiritang boses niya. Akala ko mabait na siya today pero hindi pa rin pala. “Well I’m sorry for being like that.” “C’mon, I have to go to Summer Solstice. May problema yata sa deliveries ngayon.” Kung babae lang tong si Franco, I’d say sobrang moody niya. Daig pa niya yung babaeng nagpi-PMS sa bilis niyang mag-shift ng mood. Kasi ngayon mabait na naman siya. Inabot niya sa akin yung kamay niya para tulungan akong bumangon mula sa kama. Tinanggap ko naman

Page 233: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

233

agad iyon dahil baka magpalit na naman siya ng mood at baka bugahan na ako ng apoy. Hinayaan ako ni Franco na mag-ayos ng sarili ko sandali bago kami bumaba sa lobby ng hotel. Nasa may reception area na kami nang makaramdam ako ng pangangailangan na gamitin ang comfort room. Nagpaalam muna ako kay Franco bago naglakad papuntang washroom. Pagpasok ko ng washroom, medyo nag-freeze ako sa kinatatayuan ko. Unusual for me ang ma-starstruck pero iyon ang nararamdaman ko ngayon. Parang kanina, pinapanood ko lang siya sa interview niya pero ngayon nasa harapan ko na siya. Nakatingin din siya sa akin tapos nakangiti. “Uhm, excuse me,” magalang na sabi niya, nakangiti pa rin. Doon ako biglang natauhan. Nakaharang pala ako sa pintuan at palabas na siya. Agad naman akong tumabi, hindi pinapahalata na na-starstruck ako sa kanya. Hindi pa ako nakakakita ng taong kasing ganda niya. Nakaramdam ako ng insecurity. Ewan ko ba, pagdating sa babaeng to, ang unang salitang pumapasok sa isip ko ay insecurity. “Of course.” Ngumiti muna siya ulit sa akin tapos ay tuluyan nang lumabas ng washroom. Ako naman ay ginawa na ang business ko sa CR. Nag-retouch muna ako bago bumalik sa kinaroroonan ni Franco. Habang tinitignan ko ang sarili ko sa salamin, tila nagbalik sa akin ang lahat ng alaala ko. Mula nang makilala ko si Lex hanggang sa ngayon na may anak na ako. Ganito rin kaya ang naging buhay ng babaeng yun? Marami din kaya siyang pinagdaanan na problema. Stop it, Alex. You’ve become a sissy. Masyado ka nang weak. What happen to the Alex na palaban? Nakilala mo lang si Ethan, nagbago ka na. Grow up, Alex! Binago talaga ni Ethan ang buhay ko. Balik na ako dun sa dating Alex. Yung Alex bago masaktan. Yung Alex na sobrang na-in love. Yung Alex na nabulag dahil sa pag-ibig. Ngayon nag-evolve ako. Ganun pa rin naman pero may nadagdag. Ako na si Alex na napakamartir. Limang taon na yung lumipas pero iisang tao pa rin yung laman ng puso. Bago pa tumulo ang mga luha ko, lumabas na ako ng washroom at pinuntahan si Franco. Napansin kong may kasama siya. Nag-excuse muna ako sa kanila nang makalapit ako sa kanila. Business kasi yung pinag-uusapan nila kaya nakakahiya naman na istorbohin sila. “Alex, nakabalik ka na pala,” sabi ni Franco pagkatapos ay inakbayan ako. Pinakilala niya ako dun sa mga kausap niya. Napag-alaman kong mga business partners pala niya iyon. Aside from his restaurants, stockholder din pala siya sa business ng father niya. Nag-usap pa sina Franco at yung mga kasama niya. Ako naman, nakatayo lang sa tabi ni Franco, nakikinig sa usapan nila. Nakita ko na naman yung babae kanina. Lumapit siya sa amin at nakipagbatian sa mga kasamahan ko. Most likely, kakilala ni Franco yung girl.

Page 234: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

234

Di katulad kanina, di na ako na-starstruck. Nagawa ko nang ngumiti sa kanya at makipagkamay sa kanya nang ipakilala ako sa kanya ni Franco. “Alex, this is Louise. Louise, this is Alex, my friend.” “Hi Alex. It’s nice meeting you again,” nakangiting bati sa akin ni Louise. “You know each other?” nagtatakang tanong ni Franco. Masama bang nagkita kami ni Louise bago ako ipakilala ni Franco? “Uhm, not really. We bumped into each other a while ago. Sa washroom,” paliwanang ni Louise na hindi yata marunong sumimangot man lang. Hanggang ngayon ay nakangiti pa rin siya. “I see. Well, alam mo ba Alex, itong si Louise, Bb. Pilipinas 20xx yan. Kaso na-in love kaya nagbusinesswoman na lang para laging kasama yung boyfriend niya.” Franco rolled his eyes as he uttered his last sentence. “Do you really have to spill that, Franco?” nahihiyang sabi ni Louise. Nagba-blush na rin siya ngayon, making her more beautiful. “Oops, bawal ba?” pagbibiro ni Franco. Mischief was written in his blue eyes. Napansin kong kuminang yung mga mata. What’s with Louise? “Andyan na yata sundo mo, Louise. Hinahanap ka na ng workaholic mong boyfriend,”sabad nung isang kasama nila Franco. Tinnuro niya yung isang kotse na nakaparada sa may entrance ng hotel. May nakatayo doon na isang lalaking naka-business suit at nakasuot ng shades. Kumaway yung lalaki sa direksyon namin. Tinignan ko si Louise; kinakawayan din niya yung lalaki. Iyon siguro yung suwerteng lalaki na nakabihag ng puso niya. “Paano ba yan? Mauna na ako sa inyo. May usapan pa kasi kami ng boyfriend ko. It was nice meeting you, Alex. Sana masundan pa itong pagkikita nating ito.” Ayun na naman yung maganda niyang ngiti. Nagsisimula na naman akong pagdudahan ang sarili ko, physically. Tinignan ko si Louise habang naglalakad siya palapit dun sa boyfriend niya. Nang makalabas siya ng hotel, patakbo niyang sinalubong yung boyfriend niya. Niyakap niya ito pagkatapos ay hinalikan siya sa noo. Inakbayan siya ng boyfriend niya hanggang sa makasakay sila dun sa kotseng naghihintay sa kanila. Ganyan din kaya si Ethan sa akin kapag nagkita na ulit kami? “Alex, are you okay?” Nagulat ako sa pagtawag sa akin ni Franco. Masyado akong nalunod sa panonood kay Louise at sa boyfriend niya. Aaminin ko, naiinggit ako. Pero wala akong magagawa. Kasalanan ko naman eh.

Page 235: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

235

“Uhm, yeah. Aalis na ba tayo?” Tumango lang si Franco pagkatapos ay naglakad na kami papunta dun sa kotse niya. Tahimik lang kami nung bumabiyahe. Si Louise at yung boyfriend pa rin niya yung iniisip ko. Kung gaano ako kainggit sa kanilang dalawa kasi ang sweet nila samantalang ako, eto, single. Nakakamiss din pala yung may nag-aalala sayo at may nag-aalaga sayo bukod sa magulang mo. Nakakamiss rin yung alam mong may taong gusto kang makita kahit pa dis oras na ng gabi. Na may taong nagmamahal sayo ng sobra. Kung saan saan napunta yung isip ko. Hanggang sa makarating kami sa Summer Solstice. Bigla kong naisip na nakita ko na si Louise. Pilit kong inaalala kung saan ko siya unang nakita. Pagkapasok na pagkapasok ko sa Summer Solstice, tila may bumbilyang umilaw sa aking isipan. Tama. Siya nga iyon. Si Louise at yung babae sa airport ay iisa.

Revenge 64

Remember the Magic "This song is for my girl best friend, Clarise and to the love of her life, Jake. Congrats sa inyong dalawa. Ninang ako ng first baby ha?" Sinenyasan ko ang live band para umpisahan na ang pagtugtog ng kanta na regalo ko para sa kasal ng best friend ko. 'In your eyes' ang napili kong kanta para sa kanila. Bakit? Simple lang. Dahil mababakas sa mga mata nila kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Kapag tinignan mo sila sa mata, hindi maitatanggi kung gaano sila kasaya dahil natagpuan nila ang isa't isa. Pabalik na sana ako sa kinapupwestuhan namin ng mga kambal nang may isang kamay ang lumitaw sa harapan ko. Nakatitig lang ako sa panlalaking kamay na iyon hanggang sa marinig ko ang boses ng nagmamay-ari niyon. "May I have this dance, gorgeous?"

Page 236: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

236

Pinigil kong mapaluha nang marinig ko ang pamilyar na boses na yun. Ang boses na kay tagal ko nang inasam na marinig. Pinilit kong kumbinsihin ang sarili ko na hindi lang ito panaginip. Totoo ito. At nangyayari ito ngayon. Nag-angat ako ng tingin mula sa kamay ng lalaking nasa harapan ko patungo sa kanyang mukha. Ang mukhang iyon. Ang mukhang lagi akong dinadalaw sa panaginip ko. Ang mukhang gustong-gusto ko nang haplusin. Ang mukhang kay tagal kong ginustong makita. Nang tinanggap ko ang kamay niyang iyon, tila nawala ang lahat ng bagay sa paligid. Kaming dalawa lang ang nandoon. Ni hindi ko na namalayan kung sino sa aming dalawa ang yumakap sa isa. Basta ang mahalaga ay nandito na kami. Sa piling ng isa't isa. Sa yakap niyang iyon, para akong lumulutang sa alapaap. Napakagaan sa pakiramdam. Para bang nanggaling ako sa isang mahabang biyahe pagkatapos ay nakarating na ako sa kinasasabikan kong tahanan. Nag-uumapaw sa ligaya ang puso ko. Nakita ko na ulit ang kalahati ng puso ko. Kasama ko na ulit siya. Kasama ko na ulit si Ethan. "Welcome home, Alex," malambing na bulong niya sa akin. Nakayakap pa rin siya sa akin ng mahigpit. Hindi ko na napansin kung paano kami nakarating sa kumpulan ng mga nagsasayaw sa gitna ng dancefloor. Basta ang mahalaga, yakap-yakap ko siya. "Thank you, Ethan. It has been a while." Isinandal ko ang ulo ko sa dibdib ni Ethan. Ramdam at rinig ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Ganoon din ang ritmo ng puso ko. Kasabay ng bawat pagtibok ng puso niya ang tibok ng puso ko. "Sana tinawagan mo ako para nasundo kita sa airport. O kaya kahit ang mga bata man lang." Nag-init ang pisngi ko nang dahil sa narinig. Gusto pa rin pala niya ako makita. May pag-asa pa. "Akala ko kasi ay busy ka kaya di ko na muna ipinaalam sayo. Saka nakakahiya naman sayo. Alam mo na..." "Sshh..." Inilapat ni Ethan ang kanyang hintuturo sa mga labi ko. "Di ka dapat mahiya, Alex. Kayo ang pamilya ko. Ako, ikaw, si Eros at si Andro." "Tungkol sa ating dal--"

Page 237: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

237

Hinaplos ni Ethan ang pisngi ko para patigilin ako sa pagsasalita. Pinagdikit niya ang mga noo namin habang nanatili sa mga pisngi ko ang kanyang mga kamay. Ako naman ay mahigpit na nakayakap pa rin sa kanya. "Hindi ito ang tamang panahon para pag-usapan yan, Alex. Gugustuhin mo bang agawin sa best friend mo ang spotlight? Mamaya makakita sila ng maid of honor na umiiyak sa gitna ng dancefloor." Eto ang Ethan na nakilala ko. Palabiro. Kahit seryosong bagay nagagawa niyang pagaanin. At sobrang na-miss ko ito sa kanya. Lahat naman ay na-miss ko sa kanya. Tahimik kaming nagsayaw kasama ng ibang magkapareha sa gitna ng dancefloor. Hindi ko napigilan ang pagngiti nang ma-realize na bagay pala sa amin ang kantang pinatutugtog ng live band. Humigpit ang pagkakayakap ni Ethan nang bandang chorus na ang tinutugtog.

Remember the night; remember the feeling; remember the magic in our lives Pumikit ako at dinama ang bawat nota sa kanta. Bumalik sa alaala ko ang mga pagkakataon na magkasama kami ni Ethan limang taon na ang nakakaraan. Ang tagal na rin pala non, ano?

You opened up my eyes to a new life revealing, so remember the magic. Just remember the magic one more time.

"I missed you, Alex. I missed you so much," bulong ni Ethan. Mababakas sa boses niya yung helplessness at sincerity. "I missed you, too, Ethan. I miss you more than you can imagine," buong puso kong pahayag. Hindi matutumbasan ng salita ang pagka-miss ko sa kanya. Para akong bumalik sa pagiging high school student nang maramdaman kong lumapat ang mga labi niya sa noo ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. Para bang may ginaganap na karera ng cheetah sa loob. Ilang libong nagliliparang paru-paro ang lumukob sa tiyan ko, dahilan para bahagyang manlambot ang mga tuhod ko. Parang tinubuan ng pakpak ang mga paa ko dahil pakiramdam ko ay lumulutang ako sa ere. Kay tagal ko nang hindi nakakaramdam ng ganitong klaseng kasiyahan. Siya lang, si Ethan lang naman ang nagpaparamdam sa akin ng ganito. At masaya akong kasama ko na ulit siya ngayon. Natapos na yung kanta pero nagpatuloy lang kami ni Ethan sa pagsasayaw. Kumalas na kami sa pagkakayakap pero nanatili sa baywang ko ang kamay niya at sa balikat niya ang kamay ko. Mataman kaming nakatitig sa mga mata ng isa't isa.

Page 238: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

238

"Saan kayo nags-stay ng mga bata? Gusto mo ba sa aki--" Pinutol ko ang mga sinasabi ni Ethan. Nginitian ko siya pagkatapos ay inilapat ang hintutro ko sa mga labi niya. Katulad ng ginawa niya kanina. Naramdaman kong ngumiti din siya. "Sshh... Hindi ito ang tamang panahon para pag-usapan natin ito, Ethan," nakangising panggagaya ko sa kanya. Bahagya naman siyang natawa sa ginawa ko. "Right. Pagod ka na ba? Gusto mo nang maupo?" Umiling lang ako bilang pagtanggi. Nagsayaw pa kami ng isa o dalawang romantic songs bago nagtungo sa pwesto ng kambal. Kasama nina Andro at Eros ang isang kasambahay na hiniram ko mula sa bahay nina Franco. "Hi kids, may surprise ako sa inyo," masayang bati ko sa kambal na kasalukuyang nagdidinner. Bago ko pa nasabi kung ano ang surprise ko ay nagsibaba na sila sa upuan at nagtakbuhan sa likuran ko kung saan nakapwesto si Ethan. "DADDY ETHAN!" sabay na sigaw nung dalawa at sinugod ang daddy nila. "Hey kiddos! Ang lalaki niyo na ah! The last time I saw you, you were still this small."Iminuwestra ni Ethan kung gaano kaliit sina Eros at Andro nang huli niyang makita ang kambal. Lumuhod si Ethan para tanggapin ang yakap ng dalawa. Kinarga niya sina Eros at Andro ng walang kahirap-hirap. Pinigilan kong maiyak sa nakikita kong scene. Na-touch ako sa mga nangyayari. Parang nagkaroon kami ng instant reunion dito sa kasal ni Clarise. Sana… sana ganito na lang kami palagi. Sana simula na ito ng pagkakabuo ulit ng pamilya namin. Hindi na umalis sa tabi namin si Ethan. Hyper na hyper silang tatlong mag-aama. Puro sila tawanan, kulitan at kwentuhan. Nakaka-relax silang panuoring tatlo. Para bang nawala lahat ng mga agam-agam ko ngayon dahil nakikita ko silang masasaya at magkakasama. Sana lang talaga, hindi lang dito matapos ang kasiyahang ito. Sana panghabangbuhay na. Bandang alas onse ng gabi ay nagpaalam na kami sa mga bagong kasal. Nagprisinta si Ethan na siya na lang ang maghatid sa amin sa bahay ni Franco. Hindi na ako nakatanggi dahil nagpumilit yung kambal. At saka… gusto ko rin namang makasama siya ng matagal. Inihinto ni Ethan ang sasakyan sa tapat ng gate ni Franco. Himbing na himbing sa pagtulog sina Eros at Andro. Maging yung kasambahay ni Franco na isinama ko, naubos din ang energy dahil sa kambal. Sobrang hyper kasi nila talaga kanina nang makita nila yung daddy nila.

Page 239: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

239

Ngayon ko lang sila nakitang kasing saya tulad ng kanina. Masayang-masaya talaga sila nang makita nila si Ethan. Baby pa sila nang huli nilang makasama ng personal si Ethan. "Ano kaya kung sa bahay ko na lang kayo tumira pansamantala? Para magkakasama talaga tayong lahat. Buo pamilya natin," suhestiyon ni Ethan habang nakatigil kami sa harap ng bahay ni Franco. "Kung gusto ng mga bata, bakit hindi? Don't worry, tatanungin ko sila agad bukas na bukas din." Lumingon ako kay Ethan at nginitian siya ng matamis. Ginagap niya ang mga kamay ko at tinitigan akong mabuti sa mga mata. "I really miss you, you know? Ikaw pa rin yung Alex na nakilala at minahal ko noon. You're still beautiful as before. In fact mas lalo ka pang gumanda. Kung pwede nga lang ikukulong na kita sa bahay ko para di ka na makaalis pa ulit." Napayuko lang ako sa deklarasyon ni Ethan. Ayokong makita niya ang mga emosyong naglalaro sa mga mata ko. Ayoko. Nahihiya ako sa kanya. Marami siyang pinagdusahan dahil sa akin pero heto pa rin siya sa tabi ko. Gusto kong kuwestiyunin ang sarili ko. Deserving pa ba ako sa pagmamahal niyang ito? May kasiguraduhan ba na magbalik ang kung anu mang mayroon kami noon? Is it worth another chance? Hindi ko man naisatinig ang tanong na iyon at tila nabasa ni Ethan ang isip ko. Hindi siya nagbigay ng konkretong sagot. Sa halip, ipinakita niya sa akin ang isang matibay na ebidensya na pwede pa. Na worth it kung susubok ulit kami. Hinawakan ni Ethan ang baba ko. Itinaas niya ang tingin ko para magpantay ang mga mata namin. Ngayon ay kitang-kita ko sa mga mata ang labis na pagmamahal. Pero may isa pang emosyon na nakarehistro doon pero di ko mabasa. Unti-unting lumapit ang mukha ni Ethan sa akin. Napapikit ako nang maramdaman kong lumapat ang malalambot na labi niya sa mga labi ko. Parang nagkaroon ng nakakaliyo at nakakakilig na pagsabog sa loob ng sistema ko nang banayad na gumalaw ang mga labi niya against sa mga labi ko. He tasted sweet like honey. Ayoko nang matapos ang sandaling ito. Kung kanina ay lumulutang ako, ngayon naman ay nasa langit na ako dahil sa halik niyang iyon. Mas passionate at may longing sa halik niyang iyon. Hinding-hindi ko ito makakalimutan. Pinalibot ko ang mga kamay ko sa batok niya upang hapitin siya papalapit. Nang maghiwalay ang mga labi namin ay pinagdikit ko ang mga noo namin. Tinignan ko siyang mabuti sa mga mata. Naroon pa rin ang pagmamahal na nakita ko kanina. Napangiti naman ako dahil doon. At hindi ko na napigilan ang sarili kong sabihin ang mga salitang kanina ko pa gustong ipahayag. "Ethan?"

Page 240: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

240

"Hmm?" "I love you." Isang mahabang katahimikan ang bumalot sa amin pero hindi pa rin kami nagbabago ng pwesto. Magkadikit pa rin ang mga noo namin at nakapalibot pa rin ang mga kamay ko sa batok niya. Lumipas na ang ilang minuto pero wala pa rin akong naririnig na sagot mula sa kanya. Ako na mismo ang kumalas sa kanya. Ginising ko na ang mga kasama namin para sabihan silang pumasok na ng bahay. May mga luhang gustong tumulo mula sa mga mata ko pero pinigilan ko. Ayokong makita niyang nasasaktan ako. Akala ko mahal pa rin niya ako pero hindi na siguro iyon katulad ng dati. Hindi na niya kayang sabihin ng direkta sa akin. Bumaba ako ng kotse niya at sumunod sa kambal papasok ng bakuran ng mansyon. Nakakailang hakbang pa lang ako ng tawagin ni Ethan ang pangalan ko. "Alex..." May halong pagsusumamo at pagsisisi ang boses niya. Nagpatuloy ako sa paglakad at hindi siya pinansin. "Alex, wait. Please?" pagtawag niyang muli sa akin. This time, huminto na ako pero hindi ko siya hinarap. Nanatili akong nakatalikod sa kanya hanggang sa maramdaman ko ang presensya niya sa likod. "Alex..." bulong niya sa akin habang niyayakap niya ako mula sa likuran. Naramdaman kong nanghina ang mga tuhod ko dahil sa pagkakalapit naming iyon. Napapikit ako para pigilan ang mga luhang nagbabantang tumulo. Kumalas din kaagad si Ethan mula sa pagkakayakap niya. Maglalakad na sana ulit akong palayo pero nahagip ng kamay niya ang braso ko. Marahan niya akong hinila kaya napasadlak ako sa dibdib niya. Rinig na rinig ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Kagaya ng sa akin. Mabilis na mabilis. Animo'y hindi mapakali. Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi at tinitigan ng mabuti sa mata. "Alex, mahal kita. Mahal na mahal kita. Mahal kita kahit sobra akong nasaktan nang umalis ka. Mahal pa rin kita kahit na mas pinili mo akong layuan kaysa ayusin natin ang mga di pagkakaintindihan natin. Mahal kita kahit na ang layu-layo mo sa akin. Mahal kita dahil ikaw ang ina ng mga gwapo kong anak. Mahal kita dahil ikaw si Alex. Mahal kita. Naiintindihan mo ba? Mahal kita. Mahal na mahal na mahal kita." Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Agad naman iyong pinunasan ni Ethan. Niyakap

Page 241: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

241

niya ako ng mahigpit habang walang humpay na sinasabi na mahal niya ako. Bakit nga ba ako nagduda kahit isang sandali? Mahal ako ni Ethan. Ginantihan ko ng yakap si Ethan. Iyong tipo ng yakap na ayaw ko nang bumitaw. Iyong yakap na para bang wala nang bukas. Yung yakap na ayaw mong matapos. "Mahal kita, Ethan," masuyong bulong ko sa tainga niya. "Mahal din kita, Alex. Tandaan mo yan palagi. Mahal na mahal kita. Ikaw lang at wala nang iba."

Revenge 65 What the Future Holds “Saan ba kasi talaga tayo pupunta?” Pang-ilang libong beses ko na sigurong tinanong iyan kay Ethan mula nang hilahin niya ako sa bahay ni Franco kaninang tanghali. Akala ko ay mamamasyal kami kasama nila Eros at Andro pero hindi pala. Dumaan kami sa bahay nila para ihabilin kay Jessica ang kambal para naman makilala daw ng mga anak niya yung Tita ng mga ito. “Chill ka lang dyan, Alex. Don’t worry, di kita ipapahamak. Kaya ko ba naman gawin yun?” sabi niya sabay kindat sa akin. Nag-init ang mga pisngi ko sa ginawa niya. Epekto siguro ito ng ilang taong hindi pagkikita kaya parati akong nanlalambot kapag nasa malapit lang siya. Lahat ng simpleng ginagawa niya ay nagpapatambol ng malakas sa puso ko. Kulang na lang magka-heart attack ako sa sobrang kilig. Hindi na ako umangal pa dahil naniniwala naman ako sa sinabi niya. Sa isa pang pagkakataon, binibigay ko ng buong-buo ang puso at tiwala ko sa kanya. Umaasa akong mahihigitan namin yung pagsasama namin noon, lalo na't may Eros at Andro na kaming dalawa. Siguro naman ay mature na kaming pareho para malaman kung ano ang tama sa mali.

Page 242: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

242

Wala mang label o wala mang opisyal na salita mula sa isa't isa, alam ko sa sarili ko na nagkabalikan na kami. Sapat na sa'kin yung alam kong mahal pa rin niya ako at mahal ko pa rin siya. Para bang pinulot lang namin ang mga alaalang naiwanan namin dito sa Pilipinas limang taon na ang nakakaraan. Ito na siguro yung sinasabi nilang true love. “Ang lalim naman ng iniisip mo.” Napalingon ako sa direksyon ni Ethan. Nakaharap siya sa akin na para bang walang alintana kahit nakahinto kami sa kalsada. Lumingon ako paligid ko. Doon ko napansin na nakahinto pala kami sa parking lot ng isang mall. Siguro nga ay malalim masyado ang iniisip ko kaya hindi ko na napansin ang paligid ko. “Ha? Hindi naman masyado.” “Baka naman mas malalim pa sa Marianas Trench yan?” “Ang korni mo na.” Pinisil ko ang tungki ng ilong ni Ethan at pinanggigilan yun. Namula yung ilong niya kaya mukha tuloy siyang Rudolph the Red Nose Reindeer. Pareho na lang kaming natawa sa sinapit ng matangos niyang ilong. “`Lika ka nga. Baka matuluyan akong maging reindeer nito.” Pumasok na kami sa loob ng mall. Akala ko magkasama kaming maglilibot pero naghiwalay din kami kasi may kailangan daw siyang daanan doon sa isang branch ng furniture shop niya dito sa mall. Sinabihan na lang niya akong bumili ng makakain dahil wala daw pagkain dun sa pupuntahan namin. Sinunod ko naman yung sinabi ni Ethan. Halos isang oras din akong nagpaikot-ikot sa grocery para maghanap ng pwedeng kainin o lutuin. Pulos chichirya, biscuits, at soft drinks in can ang laman ng cart ko. Iniisip ko, hindi naman kami magtatagal kaya iyon lang ang binili ko. Nasa counter na ako nang ma-realize ko na sumobra yata yung nabili ko. Kaya ko namang buhatin pero medyo may kabigatan. Nang aabutin ko na mula sa bagger yung mga pinamili ko, may lalaking lumapit dun sa bagger at sinabing siya na daw ang magbibitbit. “Gusto ko ng Japanese food. Bili tayo ha?” sabi nung lalaki pagkatapos ay inakbayan ako. Nakayuko kasi ako dahil binabalik ko sa bag ko yung wallet ko kaya hindi ko nakita kung sino yung umakbay sa akin. Agad ko namang tinignan kung sino yung umakbay sa’kin. Nahampas ko sa tiyan nung umakbay sa’kin. Kinabahan kasi ako at baka masamang tao yung umakbay sa akin. Yun pala si Ethan lang yun. Pinakaba pa ako ng sobra.

Page 243: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

243

“Nakakainis ka! Pinakaba mo ako ng sobra. Akala ko kung sino na yung basta umakbay sa akin.” “Balde baldeng kape yata pinapainom sa’yo ni de Vera eh.” “Kilala mo personally si Franco?” “Oo naman, kliyente ko yun. Nagpa-design ng building ng bago niyang restaurant.” “Ang yaman naman talaga ni Franco.” “Bakit? Milyonaryo din naman ako ah?” Kunwari ay nagtatampo din siya. Niyakap ko sa baywang si Ethan pagkatapos ay tumingala sa kanya. “Ikaw naman love ko.” Kitang-kita sa mga mata ni Ethan ang saya nang marinig ang mga salitang binitawan ko. Ginawaran niya ako ng isang halik sa noo. Bumalik na kami sa kotse niya at nagpatuloy sa daan. Medyo ginabi na kami kaya nakatulog ako sa biyahe. Ginising na lang ako ni Ethan nang makarating na kami sa sinasabi niyang pupuntahan daw namin. Pagbaba ko ng kotse niya, isang two-storey house ang bumulaga sa akin. Brightly lit yung paligid niyon. Hinila ako ni Ethan papunta sa backyard. May swimming pool sa isang banda tapos may garden swing malapit sa pool. Sa wooden swing ako dinala ni Ethan. Naupo kami doon at tumingala sa langit. Ang daming bituin sa langit ngayon at sobrang kita sila. “Etong bahay na ito ang unang bahay na ipinagawa ko mula nang lumago yung kompanya na sinimulan ko. Dream house ko itong bahay na `to. Gusto ko dito titira yung magiging asawa ko at yung mga magiging anak namin. Dito namin papalakihin at mamahalin ang mga magiging anak namin. Pupunuin namin ang bahay na to ng mga magagandang alaala.” Humilig ako sa balikat ni Ethan. Tumingin ako sa malawak na langit at naghintay ng shooting star. Gusto kong humiling na sana ako yung babaeng makakasama niyang tumira sa bahay na ito. Gusto ko ako at sina Eros at Andro ang makakasama niyang gumawa ng magagandang alaala. Gusto ko magkasama naming aalagaan ang mga anak namin at mga magiging anak pa. Sana ako yung babaeng yun. Sana ako yung babaeng gustong makasama ni Ethan habang buhay. Dahil ako, siya lang ang gusto kong makasama hanggang sa huling hininga ko. “Ang swerte naman ng mapapangasawa mo kung ganun. Sigurado kong magiging punong-puno ng pagmamahal ang bahay na yan.” Natahimik kami sandali. Pero yung katahimikan na yun, may awkwardness. Pinilit ko na lang na ibahin ang mood para mawala yung nakakailang na katahimikan na yun. Kinain na lang namin yung dala-dala naming pagkain. Buti na lang at nagbalik na sa dati yung mood. Masaya

Page 244: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

244

na ulit at nagtatawanan kami. Maya-maya, niyaya ako ni Ethan na lumipat sa may veranda kung saan nandoon ang ipinagmamalaki niyang hammock. Nahiga kami doon ng magkayakap. Kita pa rin yung mga bituin sa langit. “Ethan?” “Po?” “Kung ikaw ang masusunod, ano pa ang mga bagay na gusto mong mangyari?” “Bukod sa mga sinabi ko kanina dun sa swing, wala na siguro. Kasi successful na ako, maalwan na ang buhay ko, secured na ang magiging pamilya ko. Yung sariling pamilya na lang talaga ang hihilingin ko. Pero hindi ko na kailangan pang maghanap kasi nandito na kayo ni Eros at Andro.” Lumundag ang puso ko nang marinig ang mga pahayag ni Ethan na iyon. Masaya ako na kasama kami sa mga plano niya. Na kahit maraming nangyari, pamilya pa rin ang turing niya sa amin. Masaya ako na iniisip rin niya ang kapakanan nina Eros at Andro. “Thank you, Ethan.” “Para saan?” “Sa pagtanggap sa kambal, sa pagmamahal pa rin sa akin kahit marami nang nangyaring kaguluhan sa atin. Na kahit limang taon na yung lumipas na hindi tayo nagkita, andito ka pa rin para sa akin. Basta salamat sa lahat.” “Wala yun, Alex. Salamat rin dahil binigyan mo ako ng Eros at Andro. Sobrang masaya ako na bumalik kayo dito at nakasama ko sila kahit sa maiksing panahon lang. Sana makasama ko pa sila, ikaw ng mas mahaba. Pero hindi natin alam ang pwedeng mangyari bukas o sa hinaharap.” Pumihit ako paharap kay Ethan at niyakap siya ng mahigpit. Tama siya. Walang nakakaalam kung anong mangyayari sa susunod na pagkikita namin. Maraming maaaring magbago sa isang iglap. Napaka-uncertain ng future. Pero hindi ko muna dapat isipin iyon dahil mas mahalaga ang ngayon kaysa bukas. Take one step at a time nga di ba? “Sshh. Wag mo munang isipin yung future, Ethan. Ang isipin mo ay yung ngayon. Mas mahalaga yung ngayon. Yung mga desisyon mo ngayon ang magdedetermine ng hinaharap. Alam mo ba kung ano ang isang dahilan kung bakit alam kong magiging maganda ang hinaharap ko at ng mga bata?” “Bakit?”

Page 245: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

245

“Kasi andito ka. Nakakasama ka namin at pinapakita mo sa kanila kung gaano mo kamahal sina Eros at Andro. Kasi masaya ako na kasama kita ngayon. Kuntento na ako sa ganito. Kahit walang label o kung ano. Basta kasama ka, alam kong maganda ang kalalabasan nito.” Hindi man malinaw ang hinaharap sa mga oras na ito, malinaw naman ang kasalukuyan. Malinaw na masaya ako. Masaya ako na kasa-kasama ko siya sa mga sandaling ito. At hinding-hindi ko ipagpapalit sa kahit ano pa man ang mga panahong kasama ko siya—katulad ngayon. “Hindi man ako ang unang girlfriend mo, okay lang. Hindi man ako ang future wife, okay lang din. Bakit? Kasi yung ex-girlfriend, matagal nang tapos. Yung future wife, hindi pa nangyayari. E yung ngayon? Ako yung kasama mo. Ako yung pinagtutuunan mo ng pansin. Ako yung niyayakap mo ng mga sandaling ito. At higit sa lahat, ako yung mahal mo. Ako yung mahal mo ngayon.”

Revenge 66 Unexpected Turn of Events “Mommy, kailan po natin makakasama sa house si Daddy?” tanong ni Eros habang nagba-bike kaming tatlo sa isang park malapit sa bahay ni Franco. Naisipan ko kasing ipasyal ang kambal dahil mukhang nababagot na sila sa bahay. “Oo nga po, Mommy. Some of our classmates in school live with their daddies. Bakit po kami ni Eros, di naming kasama si Daddy sa house?”segunda naman ni Andro. Hindi ko inaasahan na itatanong sa akin iyon ng mga anak ko. Akala ko sapat na yung nakakasama nila si Ethan pero iba pa rin pala kapag kasa-kasama nila sa bahay at kasama nila itong lumaki. Akala ko sapat na ako lang yung kasama nila pero iba pa rin yung pinalaki sila ng isang ama lalo na’t lalaki sina Eros at Andro. It’s not like ayaw kong makasama nila yung daddy nila. In fact, gusto ko iyon. Gusto ko na magkakasama kaming apat na gumawa ng magagandang alaala. Pero sa ngayon malabo pang mangyari iyon kahit pa sabihing inalok ni Ethan na sa bahay niya muna kami manatili. Kahit gusto ko, hindi ako papayag. Gusto ko munang maayos naming kung ano ba talaga ang namamagitan sa amin. Ayokong umasa ang mga bata. Ayokong masaktan sila kapag dumating yung araw na bigla na lang kaming aalis dahil napagtanto namin ni Ethan na hindi pala kami ang para sa isa’t isa. Masakit para kina Eros at Andro iyon. Pero mas masakit sa akin na makita silang nasasaktan. “Well, you see, babies, Mom and Dad aren’t really together. Sure, we love each other but things are complicated. Hindi pwede na basta-basta na lang tayong tumira kasama siya. Yung mga classmates niyo sa Canada, their parents are married. Pero sina Mommy and Daddy, hindi kaya di sila pwede tumira together.” Tumigil kami sandali sa isang banda ng park. Naupo kami sa damuhan pagkatapos ay inakbayan ko ang dalawa. Ipinaliwanag ko sa kanila ang sitwasyon sa paraang maiintindihan nila kung bakit hindi kami pwedeng tumira kay Ethan. Masaya ako na madali nilang nakuha ang ibig kong sabihin.

Page 246: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

246

“Sana, Mommy, one day isang buong family na tayo, ha? Nakakainggit din po kasi yung ibang family na complete. Yung may mommy, daddy at mga children.” Nasa boses ni Eros ang matinding paghahangad sa bagay na iyon. Nilingon ko ang kakambal nitong si Andro na ntahimik lang na nakaupo sa kanan ko. Hindi man siya nagpapahayag ng komento tungkol sa gustong mangyari ng Kuya Andro niya, alam kong gusto rin niyang matupad ang kahilingan na iyon ni Andro. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pag-asam na makasama ang Daddy Ethan niya. Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga. Ngayon ko naiintindihan ang sarili kong ina tuwing nag-uungot kaming magkapatid ng mga bagay na gusto namin. Ipaiintindi muna sa amin na hindi namin makukuha agad agad ang bagay na iyon. Pero gagawa at gagawa ng paraan si Mommy para maibigay sa amin iyon. Ngayon ko siya mas lalong na-a-appreciate dahil tulad niya, isa na rin akong ina. Lahat gagawin ko para sumaya lang ang mga anak ko. “Mommy, I want ice cream. Bili po tayo, please?” request ni Andro habang pasakay siya ulit ng bike niya. Lumingon ako sa gawi ni Andro at nginitian siya ng matamis. “Sure, baby. Dadaan tayo sa ice cream shop pag-uwi natin.” Ngiting-ngiti si Andro sa narinig. Pati si Eros ay tuwang-tuwa. Isinauli muna naming ang mga bike sa pinagrentahan namin nito pagkatapos ay sumakay na kami sa dala kong sasakyan. Hiniram ko muna kay Clarise yung kotse niya habang nasa Caribbean cruise siya para sa honeymoon nilang mag-asawa. Nang mabilhan ko ng ice cream yung kambal, para akong naka-jackpot sa lotto nang makita ko yung malalaking ngiti sa mukha ng mga anak ko. Makita ko lang silang masaya, kuntento na ako. Sila ang nagpabago ng buhay ko. At masaya akong kasama ko silang dalawa. “Mommy can I borrow your cellphone? I’ll play some games po,” pagpapaalam ni Eros. Inabot ko sa kanya ang cellphone ko pagkatapos kong patayin ang makina ng sasakyan. Kinuha ko ang dala-dala naming bag mula sa compartment tapos ay sumunod sa kambal papasok ng bakuran ng bahay ni Franco. Bahagya kong itinulak ang pinto na bahagyang nakaawang. “WHAT THE HELL! GET A ROOM!” malakas na sigaw ko. Agad kong tinakpan ang mga mata nina Eros at Andro para hindi nila makita ang nangyayaring kababalaghan sa couch ng living room ni Franco. It was Franco, making out with a girl on the couch on his living room. Tila walang pakialam ang mga ito kahit marami ang makakita. Kung hindi pa ako sumigaw ay hindi pa sila matatauhan.

Page 247: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

247

Tila binuhusan ng malamig ang dalawang taong nahuli sa akto ng paggawa ng milagro—or nearly there. Napatayo silang dalawa sa pagkagulat. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang kasama ni Franco na gumagawa ng kalandian in broad daylight. “Louise?” di makapaniwalang sabi ko. Hindi ba’t may boyfriend si Louise? Are they having an affair? For Pete’s sake, kawawa naman yung lalaki! “Uhm, hi Alex. Are they your kids?” nahihiyang sabi ni Louise. Well, dapat lang siyang mahiya. Nagtataksil siya sa boyfriend niya na akala ko ay mahal na mahal niya. Bumaling si Louise sa mga anak ko. Nag-squat siya para magkakapantay silang tatlo. “Hi, I’m Louise. What are your names?” “Hi Tita Louise! I’m Eros Nathaniel.” “Stephen Alessandro po ang name ko. Nice meeting you, Tita Louise.” “Manag Ludi! Pakisamahan nga po muna paakyat itong mga bata.” Agad na sumulpot mula sa kung saan si Manang Ludi at hinatid ang mga bata sa tinutuluyang kwarto. Ako naman ay hinarap ang mga taong caught in the act. “Alam kong wala ako sa posisyon para sabihin ito pero sana man lang sa isang private place niyo ginawa yan. Di ba kayo nahihiya na may makakita sa inyo?” “I’m sorry, Alex. Please don’t tell anyone about this. Hindi matutuwa ang daddy ko at ang boyfriend ko kapag nalaman niya ang tungkol dito.” Sana naisip ni Louise iyon bago niya hinalikan si Franco. Bakas na bakas ang pagkabahala sa mukha ni Louise. Kung hindi ako nagkakamali ay nangingilid na ang mga luha niya. Sinulyapan ko si Franco na prenteng-prenteng nakaupo sa sofa. Parang normal na lang sa kanya yung nangyari. Mukhang bored na bored pa siya sa lagay na ito. “Hindi naman sa hinuhusgahan kita pero how could you do this thing? Hindi ba’t may

boyfriend ka? Are you and Franco having an affair?” Nanlaki ang mga mata ni Louise at mabilis na sumagot. “No! No, we’re not having an affair. Believe it or not, ngayon lang nangyari ito. You see, Alex, mahal ko ang boyfriend ko. As in sobrang mahal na mahal ko siya. What happened between Franco and I was just a spur of the moment. I’m pretty sure hindi na ito mauulit. So, please, wag mong ipagsabi kahit kanino ang nakita mo.” Napailing na lang ako. Mahal niya boyfriend niya pero nagagawa niya ang bagay na ito? I’m sorry but I can’t understand her. Pero hindi siya dapat mabahala dahil di ko naman ipagsasabi ang mga nakita ko. I was just shocked with what I saw. Hindi lang ako makapaniwala na si

Page 248: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

248

Louise at Franco ay nahuli ko sa isang mainit na tagpo. “Just go, Louise. Hindi naman niya kilala ang boyfriend mo kaya wala kang problema.”May bahid ng pagkairita ang boses ni Franco. Nag-alangan muna si Louise bago siya tuluyang lumabas ng bahay ni Franco. Naiwan kami ni Franco na nagtititigan sa living room ng bahay niya. Hindi ko na natiis ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nainis sa kanilang dalawa. Siguro dahil naranasan ko nang mapagtaksilan at mapaglaruan noon. O di kaya’y nakikisimpatya ako sa boyfriend ni Louise na walang kaalam-alam sa nangyari. Nandito pa rin pala yung batang Alex na nasaktan noon. Mahina pa rin ang loob ko sa mga taong niloloko. Kung nangyari ito five years ago, ako pa mismo ang magvo-volunteer na gumanti para sa boyfriend ni Louise. At iyon ang gusto kong gawin ng mga sandaling ito. Akala ko nawala na iyon sa loob ng limang taon pero hindi pala. A part of me was still Alex the heartbreaker. “Nahihibang ka na ba, Franco? Alam mong may karelasyon si Louise pero pinatulan mo pa rin? Are you crazy?” inis na inis na sabi ko kay Franco. Gusto ko siyang sampalin dahil walang kaemo-emosyon ang pagtitig niya sa akin. Para talagang wala siyang pakialam na nakasakit siya ng tao. “It was nothing, Alex. Nadala lang kami sa pinag-uusapan namin.” “Bakit s3x life niyo ba ang pinag-uusapan niyo kaya di niyo na napigilan ang mga sarili niyo?” “Ano bang pakialam mo? Buhay niya at buhay ko naman ito.” Wala pa ring emosyon ang kabuuan niya. “I care okay? Dito kami pansamantala nakatira. I care for my children’s innocence! Paano kung sa susunod ay mahuli ako para takpan ang mga mata nila kapag naabutan ulit naming kayong nagmimilagro dyan sa tabi-tabi? Masyado pa silang bata para makita ang mga ganung bagay!” “Then I’m sorry for putting your kids’ innocence in danger! Wag kang mag-alala, sa susunod sasabihin ko na kay Louise na sa kwarto namin ipagpatuloy ang naudlot na ginagawa namin.” Bahagya nang tumaas ang boses ni Franco. Isang patunay na unti-unti na siyang nagagalit sa akin dahil sa mga sinasabi ko. Concerned lang ako sa mga anak ko. Hindi maganda na madaan-daanan lang nila ang mga ganung eksena. Umangat na rin ng isa pang notch ang inis ko. Sa sinasabi ni Franco, pinaparating niya na may susunod pa silang ‘session.’ Doon na talaga ako nainis. Naaawa talaga ako sa boyfriend ni Louise. Lingid sa kaalaman niya ay pinagtataksilan na pala siya. “Marami pang ibang babae dyan, Franco! Wag ka naming pumatol doon sa may sabit na! Oo, gwapo ka nga pero hindi mo na kailangang patunayan yun sa pamamagitan ng pag-agaw ng girlfriend ng may girlfriend! Ano ka, high school student na inagawan ng girlfriend? Magtino ka nga! Hindi mo kailangan mang-agaw ng girlfriend para lang may maipakita sa Mama mo na girlf—”

Page 249: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

249

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil tumayo na si Franco. Akala ko magwo-walk out na siya pero…

“Sa susunod alamin mo muna kung kalian dapat tumahik para makinig sa pinapangaralan mo. Hindi mo naman alam ang nangyari eh.” “W-what’s… that f-for …” Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Nagkanda-utal utal na rin ako. Tila nayanig ang pagkatao ko sa nangyari. Para saan ang halik na yun? At bakit ganito ang epekto sa akin?

“Matuto kang makinig sa sasabihin ng iba.”

Revenge 67 One Family

Page 250: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

250

Tahimik kong pinagmamasdan ang nagkukulitan na sina Eros, Andro at Ethan. Bakas sa kilos nila ang tuwa habang nagsasabuyan sila ng tubig sa dagat. Hindi ko napigilan ang mapangiti dahil sa nasasaksihan ko ngayon. Wala nang hihigit pa sa kasiyahang dulot na makita mo ang pamilya mo na magkakasama. "Mommy! Look may sea star na nakuha si Daddy sa shore!" sigaw ni Andro habang tumatakbo papalapit sa kinauupuan ko. Hila-hila niya ang kapatid at si Ethan. Inilapag ko sa tabi ang librong 'Love in the time of cholera' na kanina ko pa sinusubukang basahin ngunit hindi ko matapos dahil inaagaw ng tatlong importanteng lalaki sa buhay ko ang atensyon ko sa pagbabasa. Magkatabing naupo sa kanan ko ang kambal na sina Eros at Andro samantalang si Ethan ay nahiga sa kaliwa ko. Nakatukod ang siko niya sa beach mat at nakaharap sa akin. "Sea star? Di ba starfish ito?" "No, Mommy! Teacher Alyssa told us that it should be called sea star not starfish. Di daw po kasi fish ito eh." "Really? Ngayon ko lang nalaman yan, ah?" Eager na eager na tumango si Andro. Hinila naman ni Eros si Andro sa buhanginan para gumawa ng sand castle. Tahimik na pinanood ko ang kambal. Sa mga oras na yun, parang everything is perfect. May mommy, may daddy at may mga anak. Buo at masaya yung pamilya namin. Oo nga, may mommy at daddy pero hindi naman kasal. Ibig sabihin hindi talaga totoong buo yung pamilya. Ayoko namang pangunahan si Ethan na magdesisyon para sa amin. Sabi ko nga sa kanya, dapat makuntento kami sa kung anong meron kami sa kasalukuyan. Mas mabuti na iyon kaysa wala, hindi ba? Napabuntong hininga ako. Lately, napapansin kong napapadalas ang pag-iisip ko ng malalim. Mula nang magkita ulit kami ni Ethan ay punong-puno na ng katanungan ang isip ko. Madalas nga kaming magkasama at nagba-bonding kasama sina Eros at Andro pero walang kasiguraduhan yun. Hindi naman sa pinagdududahan ko yung pagmamahal niya pero may something na bumabagabag sa’kin. At hindi ko alam kung ano iyon. Isang malalim na buntong hininga na naman ang kumawala mula sa bibig ko. “Napapadalas ata ang buntong hininga mo?” sabi ni Ethan. Umayos siya ng upo. Inakbayan niya ako at inihilig ang ulo ko sa dibdib niya. Rinig na rinig ko ang banayad na pagtibok ng puso niya. Hindi na tulad ng dati na parang may tumatambol sa loob. Pati ba naman iyan ay binibigyan ko ng kakaibang dahilan? “Ah, wala may iniisip lang ako.” Pilit kong inalis ang naisip ko kani-kanina lang. Hindi dapat ako magduda. Wala namang binibigay na dahilan si Ethan para pagdudahan ko siya.

Page 251: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

251

Napa-paranoid lang ako. “Ano naman ang iniisip mo?” “Yung mga bata. Baka ayaw na nilang bumalik sa Canada dahil mukhang nag-e-enjoy sila dito.” Totoo iyong sinabi ko kay Ethan. Nagpapahiwatig na yung mga bata na gusto nilang manatili dito sa Pilipinas at tumira kasama si Ethan. Pero hindi totoo na iyon ang iniisip ko. Si Ethan at ang totoong estado ng relasyon namin ang iniisip ko. Kung talagang mahal pa niya ako o kung para sa ikakasaya ng mga bata itong ginagawa niyang paglapit sa akin. Pilit kong pinalis ang mga isiping iyon. Walang magandang maidudulot ang pagdududa. Kailangan kong isabuhay ang mga paniniwala ko. At isa na dyan ang pagpapahalaga sa kasalukuyan. Live one day at a time. Hindi iyong kinabukasan kaagad ang iniisip ko. “We can always talk about it.” “Hindi ko alam, Ethan. I mean, gusto ko rin naman na magkakasama tayo pero gusto ko munang ayusin ang mga bagay na dapat ayusin.” “Alright, if that’s what you want.” Para hindi na ulit namin pag-usapan, nahiga na lang ako sa kandungan niya at ipinagpatuloy ang pagbabasa ng librong kanina ko pa sinusubukang tapusin. Kahit may librong nakapagitan, ramdam na ramdam ko ang intense na pagtitig ni Ethan sa akin. Sinusuklay niya gamit ang kanyang mga daliri ang mahaba at tuwid kong buhok. “Mamaya ka na magbasa. Hindi ko makita yung mga mata mo.” Kinuha ni Ethan ang librong hawak ko. Inilapag niya iyon sa likod niya kung saan hindi ko maaabot dahil nakahiga ako sa kandungan niya. Pinalibot niya yung isang braso niya sa may baywang ko para hindi ako makatayo. Practically, tinrap niya ako. Yung isang kamay niya ay marahang hinahaplos ang pisngi ko. Para akong sumakay ng time machine at bumalik sa panahon na una akong sinabihan ng lalaking gusto ko na maganda ako. Tila may kuryenteng dumaloy sa katawan ko nang haplusin ni Ethan ang ibabang labi ko. May mga paru-parong nagliparan sa tiyan ko at lumilikha iyon ng kakaibang pakiramdam sa katawan. Para akong kinikiliti sa loob. “I’ve always loved your eyes. I can really see through you whenever I look at these blue gems. Lagi akong nawawala sa sarili ko kapag tinitignan ko ang mga mata mo. Tulad ngayon…” Unti-unting bumaba ang mukha ni Ethan palapit sa akin. Gusto ko sanang hilahin na lang siya

Page 252: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

252

pababa para magdikit na ang mga labi namin kaso magmumukha akong atat. Natawa naman ako ng bahagya sa naisip ko. Nang sa wakas ay lumapat na ang mga labi ni Ethan sa mga labi ko, kusa akong napapikit. Isang bagay na sana ay hindi ko na lang ginawa. Marahan kong itinulak si Ethan. Bahagya siyang nabigla sa ginawa kong iyon. Agad akong nag-iwas ng tingin para hindi niya mabasa ang mga emosyong mababakas sa mga mata ko. “Hey, what’s wrong?” nag-aalalang tanong ni Ethan. “Wala, baka makita kasi tayo ng mga bata,” pagdadahilan ko na lang. Pero hindi iyon ang totoong dahilan kung bakit bigla ko na lang siyang tinulak. “Right.” Halata sa boses ni Ethan ang disappointment. Ngayon ko lang kasi siya tinanggihan pagdating sa bagay na ito. Pilit kong c-in-ompose ang sarili ko. Umayos ako ng upo pero nasa likod ko pa rin si Ethan para hindi niya makita ang mga mata ko. Sa lahat pa ng maaalala ko, bakit iyon pa? Bakit siya pa? Bakit nang maglapat ang mga labi namin ni Ethan ay ang mukha ni Franco at ang alaala ng halik niya ang nakita ko? Anong ibig sabihin nito? Totoo, ilang araw din akong hindi nakakilos ng maayos sa bahay ni Franco mula nang bigla na lang niya akong halikan. Alam ko wala namang malisya iyon at ginawa lang niya iyon dahil nainis siya sa akin. Pero hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang naging epekto sa akin. Na hanggang sa paghalik ni Ethan sa akin ay si Franco ang parang kabuteng lumitaw sa isipan ko. Hindi. Imposibleng in love ako kay Franco. Sigurado ako sa bagay na iyan. Alam ko sa sarili kong si Ethan pa rin ang laman ng puso ko. Hindi ako magkakamali sa bagay na ito. At saka, hindi kami magkasundo ni Franco kaya imposible itong naiisip ko. “Are you okay, Alex?” Naputol ang pag-iisip ko nang magsalita si Ethan. Lumingon ako sa kanya at pilit na ngumiti. “Yeah, I’m fine.” Pinilit kong gawing normal ang kilos ko pero naapektuhan na iyon ng mga alaalang nagpupumilit bumalik. Tuwing sinusubukan ni Ethan na halikan ako, umiiwas ako dahil natatakot akong baka muling lumitaw ang mukha ni Franco. Natatakot ako na baka magduda sa akin si Ethan. Pero dahil sa ginagawa kong pag-iwas ay mas lalo siyang nagtaka sa mga kinikilos ko. Habang nanonood kami ng Toy Story 3 sa suite ng hotel resort na inupahan namin, napansin kong nagbubulungan sina Ethan, Andro at Eros. “Kayong boys ha? May secret kayo pero di niyo ako sinasali.” Kunwari ay nagtatampo

Page 253: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

253

ako sa kanila. Nakita ko na namang bumulong si Ethan kay Eros at Andro. Nakangisi ang tatlo habang nakatingin sa akin. May plano siguro ang mga ito. “Mommy, do you love daddy?” biglang tanong ni Eros. Namula naman ako sa tanong ni Eros na iyon pero kahit ganoon ay sinagot ko naman ng totoo iyon. “Oo naman, baby. Bakit mo naitanong?” Nakatingin ako kay Ethan habang sinasagot ang tanong ni Eros na iyon. Hindi pinansin ni Eros ang balik-tanong ko. Si Andro naman ang nagtanong; this time si Ethan naman ang tinanong nito. “Daddy, ikaw po, how much do you love Mommy?” Gaya ko, nakatingin din ng mataman sa akin si Ethan habang sinasagot niya ang tanong na ito ni Andro. “Ang pagmamahal ko sa Mommy niyo ay ang pinagsama-samang dami ng mga buhangin sa mga dalampasigan at mga bituin sa kalangitan.” Napayuko ako sa narinig ko. Hindi dapat ako nagduda kay Ethan. Wala siyang binibigay na dahil para maiparamdam sa akin na nagbago na siya. In fact, ginagawa niya ang lahat para mabawi ang limang taong nasayang namin. “Mommy, mommy! Prove mo nga na love mo si Daddy!” “Paano ko naman po ipu-prove na love ko si Daddy?” Tumayo sina Eros at Andro sa harap namin. Gamit ang mga kamay, minosyon nila ang mga kamay nila na tila naghahalikan. Nilingon ko naman si Ethan. Naka-puppy dog eyes pa talaga siya habang tsini-cheer siya ng mga anak niya. “KISS! KISS! KISS!” paulit-ulit na pagtsa-chant nina Eros at Andro. “O, Mommy, kiss daw sabi ng mga babies natin.” “Oo nga, Mommy! Dali na kiss mo na si Daddy!” “Don’t worry Mommy, nagtoothbrush pa talaga si Daddy para daw di siya bad breath!” Natawa naman ako sa sinabi ni Eros. Talagang ibinuking pa niya ang daddy niya. Umakto

Page 254: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

254

akong nag-iisip. Naningkit pa ang mga mata ko nang tignan si Ethan. Kumunot ang noo ko pero agad din naman napalis iyon at napalitan ng ngiti. “Sige na nga. Pero isa lang ha?” “YEHEY!” Tinapunan ko ng tingin si Ethan at ngumiti ng matamis. Ganun din ang ginawa niya. Unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin hanggang sa maglapat ang mga labi namin. “Ayieeeeeeeeeee~!” Napangiti ako nang marinig ko ang kantiyawan nina Eros at Andro. Naramdaman ko din na napangiti rin si Ethan. Kung kanina, si Franco ang unang pumasok ko, ngayon si Ethan at ang magagandang alaala namin ang nagbalik sa akin. This just proves that I’ve got nothing to worry. Hindi dapat ako nagdududa sa mga bagay-bagay. Di dapat ako nag-iisip ng kung anu-ano. I have Eros, Andro and Ethan. I have my family to think about. Kung ano man ang nangyari noong mga nakaraang araw, dapat di ko na masyadong pagtuunan ng pansin. Mas mahalaga nga ang present hindi ba? I have to focus on my family. Sila ang kasama ko ngayon. Di dapat kung saan saan napupunta ito. After the kiss,tumakbo papalapit sa amin sina Eros at Andro. Tig-isa naming kinarga ang kambal pagkatapos ay binalot sila sa mga braso namin. I felt safe in that hug. Parang walang makakaputol sa bond namin as a family. “YEHEY! I’m so happy!” “Bakit super happy ang baby ko?” “Kasi we’re one big happy family!” Indeed we are. And I’m happy we are one.

Revenge 68 Dead Air “Sorry kung biglaan ang pagyaya ko sa'yo na kumain tayo sa labas,” hinging paumanhin ni Ethan habang papasok kami sa isang fine dining restaurant. “Doesn't matter. Bakit mo pala naisipang yayain ako ngayong gabi?”

Page 255: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

255

Natahimik sandali si Ethan. Para bang binubuo pa niya yung mga salitang dapat niyang iparating. Nakaupo na kami sa reserved seat namin nang sagutin niya ang tanong ko. “Gusto lang kitang makasama.” Tipid na ngumiti si Ethan. Sincere naman yung pagkakasabi niya ng mga salitang iyon pero parang may kakaiba pang ibig sabihin yun. Tumango na lang ako at itinuon ang tingin sa menu para umorder ng makakain. Tahimik lang kaming naghihintay na dumating yung mga inorder namin. Sa katahimikang iyon, parang may kakaiba. Parang may isang malaking-malaking bagay na mangyayari. Ito na ba yung isa sa mga bagay na hinihintay kong dumating mula nang magkita kami? Nasabik ako sa naisip ko. Pero agad ko din iyong pinilit alisin sa isipan ko. Aaminin ko, hinahangad ko na muling sabihin sakin ni Ethan na gusto niya ako makasama hanggang sa pagtanda namin. Pero ayokong umasa. Marami pa akong hindi nalalaman sa kanya mula nang magkahiwalay kami five years ago. Agad akong nagpaalam kay Ethan na pupunta sa washroom para mag-ayos. Naramdaman mo na ba yung tipong nagtatalo yung kalooban mo? Yun bang may gusto kang mangyari pero natatakot ka na baka hindi matupad? Pero sa huli, kahit anong pigil mo ay nananaig pa rin yung kagustuhan mo na matupad iyon? Di mo na alintana kahit masaktan ka pa o hindi. Tipong bahala na basta mangyari. Iyan. Iyan ang nasasaloob ko ngayon. Gusto kong magpropose na si Ethan sa akin pero ayoko namang umasa na matutupad iyon. Magulo. Napakagulo. Siguro ay mas makakabuti kung hihintayin ko na lang na siya mismo ang magbukas ng paksang iyon. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Isang Alexis Danielle Fernandez na marami nang pinagdaanan ang nakita ko. Isang babaeng nakatayo sa ilang beses nang nadapa. Isang babaeng hindi sumuko at naging matatag sa lahat ng unos na pinagdaanan niya. Pero nakita ko rin ang isang Alexis Danielle Fernandez na mahina. Isang babaeng nag-aasam na makamit ang gantimpala niya mula sa mga pagsubok na dinaanan niya. Isang babaeng umaasa na mahal pa rin siya ng lalaking nagmamay-ari ng puso niya, gaya ng madalas nitong sabihin sa kanya noon at ngayon. Pagkaraan ng ilang minuto ay nagbalik na ako sa kinauupuan namin ni Ethan. Malapit na ako sa pwesto namin nang mapansin kong may lalaking nakatayo sa harap niya at mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. Huminto muna ako sandali para bigyan sila ng privacy. Hindi naman sa nakikinig ako sa pinag-uusapan nila pero hindi nakaligtas iyon mula sa pandinig ko. Ngayon ko lang din nalaman na si Franco de Vera pala ang kausap niya. At mukhang pareho silang seryosong-seryoso, base na rin sa expression ng mukha ni Ethan at sa pormal na boses ni Franco. “Matagal mo na dapat ginawa ito, Ethan. Dapat nung nag-usap tayo noon ay sinubukan mo na.”

Page 256: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

256

“Hindi ganun kadali yun. Mahirap ang gusto mong ipagawa, de Vera.” “Kailan mo gagawin?” “Ako na ang bahala dun. Mind your own business, de Vera.” “It is my business! Remember ako ang inata--” “Hindi mo kailangang ipaalala. Alam ko na ang bagay na yan.” Babalik sana ako sa washroom kaso pagpihit ko patalikod ay nakabanggaan ko ang isang waiter na may dala-dalang isang watermelon shake. Natapon ang shake sa suot kong white dress. Nagkaroon ng kulay pulang mantsa ang damit ko. “Ma'am, I'm sorry po,” hinging paumanhin ng waiter na nakabanggaan ko. Dahil sa may kalakasan ang pagkakasabi niyon, naagaw namin ang atensyon ng ilang diners na malapit sa kinatatayuan namin. Pati ang seryosong sina Franco at Ethan ay napalingon sa aming dalawa nung waiter. Mas mabilis akong dinaluhan ni Franco dahil mas malapit ito sa kinatatayuan ko. Agad niya akong nilapitan pagkatapos ay tinulungan akong punasan ang sarili ko. Medyo nailang ako sa ginawa ni Franco. Nang pinupunasan ni Franco ang mukha ko, napatingin ako kay Ethan. Nakatayo siya sa likod ni Franco at may lungkot akong nabasa sa mga mata niya. Binalik ko ang atensyon ko kay Franco nang marinig ko siyang tanungin ako. “Are you okay? May spare dress ka ba? The stain looks bad. Kailangan malabahan agad iyan para hindi masira ang damit mo.” May pag-aalala sa boses ni Franco. Bahagya akong naninibago sa pag-uugali niya. Madalas ay wala siyang pakialam sa akin at palagi kaming nagbabangayan pero bakit ngayon ay nagmimistula siyang concerned sa akin? “I’m okay, Franco. You don’t need to worry about me.” “Gusto mo bang samahan kitang bumili ng dress? May alam akong dress shop na malapit lang dito.” Doon na sumingit si Ethan sa usapan. Tinapik niya sa balikat si Franco. Napatingin naman si Franco kay Ethan. Mararamdaman sa mga kilos nila ang tension sa pagitan nila. Para silang may unspoken misunderstanding na kahit tahimik lang sila ay maituturing nang nagtatalo sila. “Ako nang bahala kay Alex, de Vera. It is my business dahil ako ang nagdala sa kanya dito.” Diniinan ni Ethan ang pagkakabigkas sa salitang ‘my.’ Parang sa ginawa niyang iyon ay minamarkahan niya ako bilang pag-aari niya. At bahagya akong nainis sa inasal

Page 257: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

257

niyang iyon. Kahit mahal ko si Ethan at may understanding kami, hindi niya dapat ako tinuturing na isang bagay. Tao rin ako at may sarili akong kakayahan para magdesisyon para sa sarili ko. Kung may problema sila ni Franco ay huwag nila akong idamay. Nilingon ako ni Franco at tinignan na para bang tinatanong kung gusto ko bang sumama kay Ethan o sa kanya ako sasama. Pero nanatili akong tahimik. Napatingin na rin si Ethan sa akin. Pareho silang naghihintay ng sagot pero ni isa sa kanila ay wala akong tinugon. Ilang minuto rin kaming nanatiling nakatayo. Wala akong pakialam kahit pagtinginan kami ng maraming tao o kung masira man ang suot kong damit dahil sa mantsa. Sa loob ng ilang minuto ay nabalot kami ng isang nakakabinging katahimikan. Kahit maingay ang paligid ay nangibabaw ang katahimikan sa aming tatlo. Ngunit hindi maganda ang pakiramdam ko sa katahimikan na iyon. Mararamdaman ang tensyon sa pagitan nina Franco at Ethan. Samantalang ako ay na-o-awkward-an sa kanilang dalawa. Naputol lang ang katahimikang iyon nang tumunog ang cellphone ni Franco. Agad na nagpaalam siya sa amin. Bago siya umalis ay binalingan niya muna ako. “I’ll see you later. I’ll be around when you need me.” Tinapunan niya ng tingin si Ethan pagkatapos ay tuluyan ng umalis. Hindi ko na pinansin ang hidden message sa mga salita ni Franco. Ilang sandali pagkaalis ni Franco ay niyaya na rin ako ni Ethan na umalis. Pina-cancel na lang niya ang mga in-order namin pagkatapos ay walang kasali-salitang naglakad palabas ng restaurant. Tahimik na lang akong sumunod sa kanya. Pinauna ko siyang maglakad para may pagkakataon akong obserbahan siya. Mula nang makausap niya si Franco ay naging uneasy siya. Para siyang kinakabahan. Nararamdaman kong may gusto siyang sabihin pero hindi niya alam kung paano niya sisimulan. Dinala ako ni Ethan sa isang boutique para bumili ng damit. Medyo nanlalagkit na rin kasi ako sa suot. Nang makabili na kami ay nag-drive na pauwi si Ethan sa bahay nila. Doon na lang daw ako mag-shower at magbihis. Pumayag naman ako. Habang nagbi-biyahe kami ay hindi ko na napigilan ang sarili kong kausapin si Ethan. Kahit naman nainis ako sa kanya kanina ay hindi ko rin siya matiis. “May problema ba, Ethan?” Kumapit ako sa braso niyang nakahawak sa kambyo ng sasakyan. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago sumagot.

Page 258: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

258

“I’m sorry, Alex. Na-stress lang ako sa mga nangyayari ngayon sa buhay ko. Dumagdag pa si Franco.” “You can always tell me if something’s bothering you.” Inakbayan ko siya at hinagod ang likod niya. Naramdaman kong nag-loosen up siya ng kaunti. “Thank you, Alex.” Sa buong durasyon ng byahe ay nakahilig ako sa braso ni Ethan. Naramdaman ko pang dinampian niya ng halik ang ulo ko. Napangiti naman ako sa ginawa niya. Nang makapag-park na siya sa tapat ng bahay nila ay nagbaba siya ng tingin sa akin. “Sorry ha? Dapat sa isang fine dining restaurant tayo kakain pero mukhang na-demote tayo sa bahay namin.” Lumayo ako ng kaunti sa kanya. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at tinignan siya ng mabuti sa mata. Ngumiti ako ng matamis at siniguradong umaabot sa mga mata ko ang sayang nararamdaman ko. “Kahit saan mo pa ako dalhin, basta kasama kita, okay na okay sa’kin. Kahit sa fine dining restaurant o sa fish ball stand man yan, kapag ikaw kasama ko, masaya na ako.”

Revenge 69

For Me "Sigurado ka ba sa gagawin natin, Ethan? Pwede ba talaga tayo dito?" nag-aalalang tanong ko kay Ethan. Nginitian lang niya ako. Bumaba na siya ng kotse kaya napilitan na rin akong bumaba kahit kinakabahan ako ng sobra sobra. Kinuha niya ang kamay ko para sabay kaming maglakad papalapit sa pintuan ng simbahan. "Sigurado ka pwede talaga?" pag-uulit ko. Mas lalo akong kinabahan dahil nasa tapat na mismo kami ng pintuan. Tumawa ng mahina si Ethan; napasimangot naman ako. Nagawa niya pa akong tawanan gayong kulang na lang ay tumalon ang puso ko sa kaba. Kung may sakit lang siguro ako sa puso, kanina pa ako inatake dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Pinisil ni Ethan ang kamay ko. Ginawa niya marahil iyon upang i-assure ako na walang

Page 259: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

259

mangyayaring masama sa amin. Na dapat magtiwala ako sa kanya. Ang ikinatatakot ko lang naman ay yung mapagkamalan kaming magnanakaw dahil halos hatinggabi na rin. Tahimik na ang paligid, tanda ng nahihimbing na ang buong baranggay. Maging ang simbahan ay patay na ang mga ilaw maliban sa poste sa magkabilang gilid. "Chill ka lang, okay? Akong bahala sa'yo." Dinampian niya ng halik ang noo ko. Kinuha niya mula sa bulsa ng pantalon niya ang cellphone niya. Maya-maya lang ay lumayo siya sandali para kausapin ang taong nasa kabilang linya. Ilang minuto rin ang lumipas bago siya magbalik sa tabi ko. Naghintay kami sandali bago may matandang lalaking nagbukas ng pinto ng simbahan. Nagmano si Ethan sa matanda at ganoon rin ang ginawa ko. "Pasensya na po sa abala, Tito Joe." Ipinakilala ako ni Ethan kay Tito Joe, ang tiyuhin niya at ang parish priest din ng lugar na ito. Pinapasok niya kami sa loob ng simbahan. Agad din namang nagpaalam si Tito Joe sa amin para makapagpahinga na daw siya. "Gabayan ka sana ng Panginoon sa gagawin mo, Ethan." "Salamat po, Tito." Mukhang may alam si Tito Joe sa gagawin ni Ethan. Ano kaya iyon? Hinawakan ulit ni Ethan ang kamay ko pagkatapos ay ginabayan ako papunta sa ikalawang bangko mula sa harapan. Lumuhod siya doon at nagdasal. Naupo lang ako ng ilang minuto hanggang sa naisipan ko na rin lumuhod para magdasal. Panginoon, heto na naman po ako sa harapan Ninyo, humihiling at nagdadasal para sa mga pangarap ko sa buhay. Sana po ay hindi Ka magsawa sa paulit-ulit kong mga dasal. Panginoon, sana po ay makamit ko na ang kaligayahang matagal ko nang pinapangarap. Abot kamay ko na po siya pero parang masyado pa siyang mailap. Gusto ko lang naman po na sumaya ang mga anak ko--ang mga anak namin. Alam ko pang may tamang panahon para sa lahat ng bagay. At handa naman po akong maghintay doon. Kayo na po ang bahala sa mga nais Niyong mangyari sa buhay ko. Alam ko namang hindi Ninyo ako bibigyan ng pagsubok na hindi ko kakayanin. Pilit kong gagawin ang alam kong

Page 260: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

260

tama at ang alam kong makakabuti. Kayo na po ang bahala sa akin. Bumalik na ako sa pagkakaupo. Napansin kong ang tahimik ni Ethan. Nakatingin lang siya sa imahe ni Jesus na nakapako. Ilang minuto rin ang lumipas bago siya ulit nagsalita. "Alam mo, napakaespesyal ng simbahang ito para sa akin. Bata pa lang ako nangako ako sa harap Niya na dito ko papakasalan ang babaeng napili kong makasama habang buhay." Lumingon ako sa gawi ni Ethan. Sa altar pa rin siya nakatingin kahit patuloy lang siya sa pagkukwento. "Madalas kasi noong mas bata pa ako, dito ako tumatakbo para kausapin Siya. Siya ang madalas kong hingan ng tulong at madalas kong pagsabihan ng problema ko. Alam ko kasing alam Niya kung paano ko masosolusyonan ang mga bagay-bagay." Hindi ko inakala na ganito pala kalaki ang pananampalataya ni Ethan sa Diyos. Hindi ko naisip na ang isang tulad niya ay malapit sa Diyos. Marami pa rin pala akong hindi nalalaman tungkol sa kanya. "Katulad ngayon, binigyan Niya ng crossroad ang buhay ko. At nahihirapan akong magdesisyon kung aling daan ang tatahakin ko. Doon ba ako sa binubulong ng isip ko o sa isinisigaw ng puso ko? Sa totoo lang nahihirapan akong magdesisyon dahil parehong importante sa akin ang magiging konsekwensya ng pipiliin ko." Lumingon si Ethan sa akin. Nakangiti siya pero hindi umabot sa mga mata niya yung saya. Halatang nagtatalo ang kalooban niya. Bigla kong naramdaman ang kagustuhan na yakapin siya ng mahigpit hanggang sabihin niyang ayos na ulit ang pakiramdam niya. "Alam kong kaya mong lagpasan ang kahit anong problemang pinagdadaanan mo ngayon. Kung kailangan mo ng mapaghihingahan, andito lang ako. Alam kong alam mo yan." Niyakap ako ng mahigpit ni Ethan pero kumawala din siya agad. "Salamat, Alex. Salamat talaga." Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa pagitan namin ni Ethan. Walang nagsasalita sa amin. Pero hindi katulad ng mga naunang tagpo kung saan nakakailang yung eksena, ngayon ay napaka-peaceful ng katahimikan.

Page 261: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

261

"Alex, will you forgive me?" "Para saan?" puno ng pagtatakang tanong ko kay Ethan. "Para sa mga pagkakataong nasaktan kita, sinasaktan kita at sasaktan kita. Gusto kong malaman mong hindi ko sinasadyang gawin ang mga iyon. At wala talaga akong intensyon na gawin iyon. Kung mayroon man akong gustong gawin iyon ay ang makita ang isang masayang ikaw." "Kung ano man ang nangyari noon, kalimutan na natin yun. Saka kung ang Diyos nga kayang magpatawad, ako pa kaya? Basta ang mahalaga, magkasama ulit tayo ngayon at masaya tayo." "Thanks, Alex." Tipid na ngumiti si Ethan pero gaya kanina hindi rin umabot sa mata niya yung ngiti niya. Sa katunayan, malungkot yung mata niyang iyon. May gusto siyang sabihin pero hindi niya magawa. "Halika na. Ihahatid na kita sa inyo. Masyado nang late at baka hanapin ka pa nina Eros at Andro." Tumango na lang ako at sumunod sa kanya.

--- Mula nang ihatid ako ni Ethan galing sa simbahan ay hindi siya nagparamdam sa akin o maski sa mga bata. Halos isang linggo rin siyang hindi nagpakita sa amin. Inisip ko na lang na baka busy siya sa trabaho. Kaya naman ng magtext siya kaninang umaga ay talagang nagulat ako. Gusto niyang magkita kami sa isang restaurant malapit sa opisina nila. May gusto daw siyang sabihin sa akin. Agad naman akong nagpunta sa sinabi niyang restaurant. Pagkadating ko ay nandun na siya at naghihintay sa akin. Sinalubong niya ako mula sa pintuan ng restaurant at iginiya patungo sa reserved seats namin. "I'm glad you came. I'm sorry hindi kita tinawagan or kinontak man lang for a week. I took a break from everything to decide on certain things."

Page 262: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

262

"Okay lang, Ethan. I understand. Mahalaga rin naman ng trabaho." "Thanks for understanding, Alex." Nginitian ko lang si Ethan. Lumapit na yung waiter sa amin. Hinayaan ko na lang si Ethan ang pumili ng kakainin namin. Habang naghihintay ng pagkain, napansin kong medyo hindi mapakali si Ethan. Panay ang tingin niya sa cellphone at relo niya. Nagmamadali ba siya o kaya ay may hinihintay na tawag? "May problema ba, Ethan? Pansin ko medyo hindi ka mapakali." "Wala naman." Saktong dumating ang waiter dala dala ang pagkain namin. Ibinuhos ko na lang ang atensyon sa pagkain. Sinusulyapan ko ng paminsan-minsan si Ethan. Bahagyang namumuo ang mga butil ng pawis sa kanyang ulo. Ano ba ang sasabihin ni Ethan para pagpawisan siya ng ganito. Imposible namang dahil mainit sa pwesto namin dahil fully airconditioned naman itong lugar na ito. "Ethan, ano ba ang gusto mong sabihin? Bakit mo ako niyaya dito?" Nagpakawala muna ng isang buntong hininga si Ethan bago sumagot. "About that..." May kinuha mula sa bulsa si Ethan pagkatapos ay nilapag sa gitna ng la mesa. May inabot din siya mula sa kanyang bag at nilagay iyon sa tabi ng maliit na kahon. Ano ba ang mga nilagay ni Ethan sa gitna ng la mesa? It was a velvet box--a familiar-looking velvet box. And an invitation.

Page 263: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

263

Kinuha ko ang mga iyon at binuksan. Inuna kong tignan ang invitation... "I won't rush you, Alex. Pag-isipan mong mabuti ang desisyon mo." Masyado akong nagulat sa mga nababasa ko. Totoo ba ito? O nananaginip lang ako? Nag-init ang pisngi ko at pinilit kong huwag munang tumulo ang mga luhang nagbabadyang kumawala mula sa mga mata ko. Sunod kong binuksan ang pamilyar na velvet box para kumpirmahin kung tama nga ang hinala ko. Pagbukas ko ng velvet box, tumambad sa akin ang isang makinang na bagay. Isang bagay na sobrang pamilyar sa akin. "Alex..." Doon na kumawala ang mga luha ko.

Revenge 70

Fate's Choice

A L E X

Page 264: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

264

Pumailanlang ang isang malamyos na musika sa paligid. Naghatid iyon ng kakaibang pakiramdam sa lahat ng dumalo sa pagtitipong nagaganap. Ang mga bisita--bata man o matanda--ay may nakapaskil na maluwang na ngiti sa mga labi. Lahat sila ay inaabangan ang gaganaping pagtitipon sa simbahan. Punong-puno ang simbahan ng mga tao mula sa iba't ibang antas ng buhay. Ngunit lahat sila ay nagkakaisa upang saksihan ang isang mahalagang bagay. Nagsimula nang maglakad ang mga batang babae na nakasuot ng berdeng bestida. Kasabay nilang maglakad ang kapareha nilang mga batang lalaking nakasuot ng barong. Sa bawat hakbang ay may naiiwang talulot ng pula at puting rosas. Napangiti ako nang makitang magkasunod na lumakad sina Eros at Andro papunta sa unahan. Bitbit ni Eros ang simbolo ng walang hanggang pagmamahalan samantalang bitbit ni Andro ang simbolo ng pagtatalaga sa Diyos bilang sentro ng isang relasyon. Bakas sa kanilang murang edad ang kainosentehan. Bagama't wala pa masyadong alam sa mga nangyayari, makikita kung gaano sila kasaya para sa kasalukuyang nagaganap. ”Talaga Mommy? Kasali kami sa wedding?” tuwang-tuwang tanong ni Eros nang ibahagi ko sa kanila ang isang magandang balita. ”Yes, baby, part kayo ni Andro ng wedding two months from now.” ”Yehey! Excited na ako, Mommy! Si Daddy ba kasama rin?” atat na tanong ni Andro. Tumatalon-talon pa siya para bigyang diin kung gaano siya kasabik sa mangyayari. ”Of course, anak. Daddy Ethan will be there.” Tuwang-tuwang nagsiyakap ang kambal sa akin. Masaya akong makita silang ganito. Sana ay palagi na lang silang masaya. At lahat gagawin ko para mangyari iyon. Nagsimula na ring maglakad ang mga abay hanggang sa mga ninong at ninang. Nang marating ng maid of honor ang altar, nagsilingunan sa may pintuan ang mga bisita maging ang mga nauna nang maglakad sa harap. Bakas na bakas sa mukha ng groom--si Ethan--ang pinaghalong mga emosyon para sa nalalapit na pag-iisang dibdib. Kasal. Napakahalaga ng okasyong ito para sa isang babaeng katulad ko. Sa seremonyang ito, ipapangako ko sa harap ng maraming tao at sa harap ng Diyos ang walang hanggang

Page 265: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

265

pagmamahal ko para sa isang lalaki--para kay Ethan. Masasaksihan nila kung paano namin isinuko ang aming mga sarili sa isa't isa at sa Diyos. Sa araw ng kasal ang bride ang pinakamaganda. Siya ang center of attraction. Siya ang inaabangan ng lahat. Nangingibabaw ang kagandahan niya sa lahat. Marahil dahil iyon sa kaligayahan na nararamdaman niya dahil sa wakas ay makakasama na niya nang panghabangbuhay ang minamahal niya. Pero iba ako sa karaniwang bride. Hindi ako nakasuot ng puting gown at wala rin akong belo na tumatabing sa mukha ko. Sa halip, isang itim na bestida na bahagya lamang lumagpas sa may tuhod ang suot ko. Isang vintage aviator shades ang tumatakip sa mga mata kong halos hindi na makita. Kung may makakakita man sa akin ngayon, sasabihin nilang mas nababagay akong dumalo sa isang lamay o libing kaysa sa isang kasalan. ”You're giving it back.” ”Alex, I'm sorry,” mahinang sabi ni Ethan. Nakayuko lang siya samantalang ako ay hindi magkandaugaga kung paano pahihintuin ang walang humpay na pagtulo ng mga luha ko. Tinitigan ko lang ang invitation at ang velvet box na pinaglagyan ko ng kwintas at singsing na ibinigay ko sa kanya. Ibinabalik na niya iyon. Tandang-tanda ko na sinabi ko sa kanya na isauli lamang niya iyon kapag nakita na niya yung babaeng talagang para sa kanya. At nangyayari na iyon ngayon. Nakita na niya yung babaeng gusto niyang makasama habang buhay. At hindi ako iyon. ”Kailan ang kasal?” Marahil ay gamay na gamay ko na talaga ang pagpapanggap matapos ang ilang taong pagtatrabaho bilang isang heartbreaker. Kahit walang tigil ang pagtulo ng mga luha ko, nagawa ko pa ring makapagsalita ng diretso. ”Alex...” Naglakas ako ng loob na tignan sa mata si Ethan. Para siyang isang batang nahuling gumagawa ng kalokohan. May pagsisisi sa mga mata niya pero huli na ang lahat. Sinaktan na niya ako. Bigla kong naalala ang mga pagkakataon na magkasama kami mula nang bumalik ako galing

Page 266: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

266

Canada. Palabas lang pala ang lahat ng iyon. Mas magaling pa siyang umarte sa akin dahil napaniwala niya akong mahal na mahal pa rin niya ako. Na ako pa rin hanggang ngayon. Marami pa rin pala akong hindi alam tungkol sa kanya. ”Kung gusto mong maging bahagi sina Eros at Andro sa kasal mo, go ahead. Anak mo rin naman sila. Walang problema sa akin. Kung wala ka nang sasabihin, aalis na ako.” Marahas kong pinunasan ang mga luha kong hanggang ngayon ay walang tigil sa pagtulo. Tumayo na ako pagkatapos ay nilapitan ko si Ethan. ”Huwag mo nang ibalik sa akin ang singsing at kwintas na yan. Hindi ko kailangan niyan. Thanks for everything, Ethan. Thanks for giving me my children. At least they love me unlike their father.” Walang lingong likod na umalis ako ng restaurant na iyon. Bawat hakbang ko ay parang unti-unting pinipiga ang puso ko. Sa ikatlong pagkakataon ay nasaktan na naman ako nang dahil sa pag-ibig. Kailan ba ako sasaya? Nag-umpisang maglakad ang bride papasok ng simbahan. Lahat ng tao ay nakamasid sa kanya. Nasa mga mata nila ang paghanga sa kagandahan niya. Tunay ngang center of attraction siya sa okasyong ito. Bawat hakbang niya papalapit sa altar ay ang unti-unting pagkawasak ng puso ko. Ang bawat yabag niya papalapit kay Ethan ay sinabayan ko ng mga yabag palayo sa lalaking pinag-alayan ko ng buong pagkatao, buong puso ko. Bawat hakbang ng bride papalapit sa altar ay siyang paglabas ko ng simbahan. Sinipat ko ang relo ko. May ilang minuto na lang para makarating ako sa airport. Ngayong araw din ay lilipad ako pabalik ng Canada. Wala nang rason para manatili pa ako dito. At saka tapos na rin yung tatlong buwan na leave ko sa trabaho. Si Lex na muna ang bahala kina Eros at Andro. Nangako siyang ipapasyal ang mga bata. Naintindihan naman ako ng kambal kaya ayos lang sa kanila. Pagdating din kasi ng September ay babalik na ulit sila sa Canada. Pasakay na ako ng kotse ko nang marinig ko ang boses ng pari.

Page 267: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

267

”Brothers and sisters, we are gathered here today to witness the union of our beloved Louise Villavieja and Sean Ethan Balmaceda.” Muli, kumawala na naman ang mga luhang pilit kong pinipigilan.

---

E T H A N

”Kung mayroon mang nais tumutol sa kasalang ito, ngayon pa lang ay magsalita na kayo. Or you will forever hold your peace.” Dumagundong ang malakas na tibok ng puso ko. Kahit ilang piraso ng damit ang suot ko ay parang nakabukas na gripo kung tumulo ang pawis ko. Anu mang oras ay parang matutumba na ako dahil sa sobrang kaba. Pakiramdam ko ay walang hanging pumapasok sa loob ng katawan ko dahil napakasakit ng dibdib ko. Nagbilang ako hanggang lima para kalmahin ang sarili ko. Five... Nagdadalawang isip ako kung ako na ba mismo ang tatalikod sa nakatakdang kasal na ito? Four... Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Sasabihin ko na ba sa pari na gusto kong iurong ang kasal? Three... Nilingon ko si Louise. Dalawang taon na rin ang relasyon namin na trabaho ang naging pundasyon. Minahal ko naman si Louise pero bilang isang matalik lang na kaibigan. Two... Mahal ko pa rin si Alex. Ayokong itali si Louise sa isang panghabang buhay na pangako para lang sa pansarili kong mithiin. Mapapalago ko pa ang kompanya ko kahit hindi ko hingin ang tulong ng magulang ni Louise. Huminga ako ng malalim. Handa na akong magsalita para tumutol sa kasal na ito.

Page 268: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

268

One... ”ITIGIL ANG KASAL!” Sabay kami ni Louise na napalingon sa likod namin. Isang pamilyar na lalaki ang nakatayo mula sa likod ng simbahan. Hawak-hawak niya ang mga tuhod niya na para bang tinakbo niya ang papuntang simbahan na ito. ”Father, hindi ko ho papayagan na matuloy ang kasal na ito. Not when I know na hindi naman talaga nila mahal ang isa't isa!” Unti-unting naglakad papalapit ng altar ang lalaki. Nagkaroon ng malakas na bulung-bulungan mula sa mga bisita. Kitang-kita ko sa mga mata ng mga magulang ni Louise ang pagkagulat at disgusto sa mga nangyayari. Kahit naman ako ay nagulat din sa tumutol. Nang makalapit na ang lalaki sa altar, doon ako nagkaroon ng mas malinaw na tingin sa lalaking sumagip ng buhay ko. Laking gulat ko nang makilala kung sino siya! Hindi ko inaasahan ang bagay na ito. Ang lalaking tumutol sa kasal namin ni Louise ay walang iba kundi si Franco de Vera! ”Excuse lang po pero kailangan ko munang kidnappin itong dalawang ito.” Pagkasabi niyon ay hinila ni Franco ang kamay naming dalawa ni Louise. Tumakbo kaming tatlo hanggang sa marating namin ang isang naghihintay na kotse sa tapat mismo ng pintuan ng simbahan. Sumakay sina Franco at Louise sa back seat samantalang ako ay sa front passenger seat naman naupo. ”Wow, ngayon lang ako nakakita ng tumatakbong bride at groom. Astig ang naisip mo, pinsan!” Nakipag-high five si Franco doon sa driver. Saka ko lang napansin na si Lex pala ang driver ng sasakyan. ”Tito Lex! Can we show up now?” Nakilala ko agad ang maliit na boses na iyon. Boses ng anak kong si Eros iyon! ”You can show up now, kids,” pag-uutos ni Franco sa dalawang bata. Lumingon ako sa likod at nakita kong nasa pinakalikod ng sasakyan ang mga anak ko. Saka ko lang din napansin na isang van pala ang sinakyan namin. ”Hi Daddy!” masiglang bati sa akin ni Andro.

Page 269: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

269

”Hey kids, where's your mom?” kinakabahang tanong ko sa mga anak ko. ”She's in the airport na po, Daddy.” ”AIRPORT?!” Nakakunot noong tanong ko sa kanila. Bakit nasa airport si Alex kung nandito ang mga anak namin? Bigla kong naalala ang huling pagkikita namin. Nasaktan ko si Alex. Sobra ko siyang nasaktan nang malaman niyang magpapakasal kami ni Louise. Kaya lang naman ako magpapakasal kay Louise ay dahil humingi ako ng tulong sa mga magulang ni Louise para sa expansion ng kompanya ko. Ang hiniling ng mga magulang ni Louise ay pakasalan ko muna ang kanilang anak bago sila pumayag. Dahil sa kagustuhan kong iyon, sumang-ayon ako sa gusto nila. Nilingon ko si Franco at nakitang nasa isang mainit na tagpo sila ni Louise. Napansin ko ring humahagikgik ang kambal habang pinapanood ang naghahalikang sina Franco at Louise. ”Goodness, man! Mamaya na kayo maglampungan diyan! May mga bata oh. Paano ang iniwan nating kasal?” “Wag mong isipin yung kasal, Ethan. Nakausap ko na ang mga magulang ko. Sinabi ko na rin sa kanila ang tungkol sa amin ni Franco. Don't worry about your company, Ethan. Nag-promise sina Mommy at Daddy na tutulungan ka pa rin nila.” “Thank you, Louise! I could kiss you for that!” Sobrang nawalan ng tinik ang dibdib ko sa sinabing iyon ni Louise. Malaya na ako sa lahat ng mga bagay na pumipigil sa’kin para ipakita ang pagmamahal kay Alex. “No Daddy! Bawal mo i-kiss si Tita Louise! You can’t kiss another girl aside from our Mommy! Sige ka, magka-cry na naman siya because of you.” Nakonsensya naman ako sa sinabing iyon ni Andro. Ilang beses ko na bang binigyan ng sakit si Alex? Ilang beses ko na bang nasaktan at dinurog ang puso niya? Ilang beses na ba siyang umiyak nang dahil sa akin? Ganoon na ba ako kagag0? “Lalim ng iniisip mo, dude,” untag ni Lex sa akin. Nakatutok pa rin ang mga mata niya sa daan habang kinakausap ako. “Naisip ko lang si Alex. Makakawala na naman yata siya sa akin.”

Page 270: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

270

“Anong oras na ba?” “Alas-otso pa lang, bakit?” “Hindi pa nakakaalis yun.” “Anong ibig mong sabihin?” “Nasa airport pa lang siguro si Alex. May oras pa para mahabol mo siya.” “Pero paano?” “Alas-otso pa lang oh. Alas dose ang flight niyo.” “Flight namin?” Tumaas ang isang kilay ko sa narinig ko. “Buksan mo iyang glove compartment sa harap mo tapos kuhain mo yung envelope.” Ginawa ko naman ang inutos ni Lex. Binuksan ko ang glove compartment at kinuha yung brown envelope na naandun. Tinignan ko yung laman ng envelope. Isang passport at ticket papuntang Canada. Nagtatakang nilingon ko si Lex. Nginitian lang niya ako. “Ano? Ayaw mo bang sundan si Alex papuntang Canada? Alas dose flight niyo, SR 910.”

---

A L E X

Eksaktong alas-dose ng tanghali lumipad ang eroplanong sinasakyan ko papuntang Canada. At mula nang umalis ako ng simbahan hanggang sa mga oras na ito ay walang tigil pa rin ang pagtulo ng luha ko. Sa mga oras na ito ay siguradong kasal na si Ethan kay Louise. Si Ethan pala talaga ang nakita ko sa airport noon nang umuwi ako sa Pilipinas. Silang dalawa pala talaga ni Louise. Lalo lang lumakas ang pag-iyak ko nang maisip ko ang bagay na iyon.

Page 271: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

271

Napalakas na yata yung paghikbi ko kaya’t napalingon na sa akin yung katabi kong lalaki. Nakasuot siya ng isang bull cap at natatakpan ng malaking antipara ang mga mata niya. Tahimik lang siya mula nang lumipad yung eroplano pero nararamdaman kong sinusulyapan niya ako. Marahil naiingayan at naiistorbo na siya sa kakaiyak. Hindi siguro siya makapagconcentrate kahit may naka-earphones siya. “Are you alright, Miss?” tanong sa akin nung lalaki. Hindi na siguro niya napigil ang sarili niya. Masyado na siguro talaga siyang naiingayan sa akin. “I’m sorry, Sir. Am I making you uncomfortable? I could ask the crew if they have an empty seat so I could transfer there.” “No, no, no. It’s fine with me. Here, you can have this.” Inabot niya sa akin ang isang panyo. Nang hindi ko tanggapin ang panyong iyon ay yung lalaki na mismo ang nagpunas ng mga luha ko at ipinatong ng panyo sa kamay ko. Nagpasalamat ako sa lalaki pagkatapos ay itinuon sa mga ulap ang atensyon ko. Pinilit ko ang sarili kong makatulog ngunit hindi ko magawa. Kapag pumipikit ako ay ang mukha ni Ethan ang nakikita ko. Lalo lang akong napapaiyak. Lalo lang akong nasasaktan. Hindi ko tuloy maiwasan itanong sa sarili ko kung ano bang nagawa ko para makaranas ng ganitong sakit. Dahil ba ito sa pagiging isang heartbreaker ko? Pero matagal ko nang tinalikuran iyon. Siguro ay may mga tao lang talaga na hindi swerte sa pag-ibig. At marahil ay isa na ako doon. Hindi lang talaga siguro para sa akin ang pag-ibig. Nang i-announce ng piloto na stable na ang lipad ng eroplano, nakita kong tumayo mula sa kinauupuan niya ang lalaking katabi ko. Lumapit siya sa isa sa mga crew at kinausap ito sandal. Pagkatapos niyon ay nagsalita ang isang flight attendant. “Good afternoon, ladies and gentlemen. We have a special request from one of our passengers. Here he is, Mr. B!” Natigil ako sa pag-iyak dahil napukaw ng Mr. B na iyon ang atensyon ko. Nahihibang lang yata ako dahil naisip kong kasing tangkad niya si Ethan at magkakulay din sila. Pareho din silang ‘B’ ang simula ng apelyido. Haaay, nag-iilusyon na talaga siguro ako. “I know there are foreign passengers here but I really need to express this message

Page 272: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

272

in my native tongue so that the person I’m talking about could understand me perfectly.” Umani ng iba’t ibang reaksyon ang sinabing iyon ni Mr. B pero wala na silang nagawa nang magsalita si Mr. B ng Tagalog. Kasabay ng pagsasalita niya ay pinatugtog ang kanta ng Boyz II Men na ‘On Bended Knees.’

Darling I, I can't explain where did we lose our way; Girl it's driving me insane; And I know I just need one more chance to prove my love to you; And if you come back to me, I'll

guarantee that I'll never let you go. “Para sa babaeng nakapukaw ng puso ko kahit noong unang beses pa lang naming nagkita, gusto kong humingi sa’yo ng tawad. Alam kong hindi ko madadaan ito sa isang simpleng paghingi ng tawad pero gusto kong malaman mong galing sa kaibuturan ng puso ko ang paghingi ko ng tawad na ito. Alam ko nasaktan kita nang huling beses tayong magkita pero sinisigurado ko sayo na hindi ko ginusto iyon.” Nag-umpisa na naman tumulo ang mga luha ko. Masyado akong nakakarelate sa mga sinasabi ni Mr. B. Hindi ko ikakaila na naisip kong baka si Mr. B at si Ethan ay iisa. “Hindi mo lang alam kung paano nagtalo ang kalooban ko kung ang puso ko ba o ang pride ko ang paiiralin ko. Sa huli, pride ko ang pinairal ko kaya nasaktan kita ng labis. At sobra kong pinagsisisihan iyon. Kaya nga heto ako ngayon, humihingi ng tawad sa’yo; humihingi ng isa pang pagkakataon.” Can we go back to the days our love was strong; Can you tell me how a perfect love goes wrong; Can somebody tell me how to get things back the way they used to be; Oh God, give me the reason, I'm down on bended knee. Naglakad si Mr. B papunta sa may kinauupuan namin. Huminto siya sa tapat mismo ng upuan namin. “I know you’re my other half, Alex. I know you’re the one for me. I can feel it since the day we first met. Maayos naman ng lahat mula nang bumalik ka galing Canada pero I really messed up. Pinairal ko talaga ang pride at katangahan ko. Willing akong gawin ang lahat ng gusto mo para lang mapatunayan sayo na ikaw pa rin ang mahal ko. Na ikaw lang ang mahal ko. I’m willing to do anything to prove to you that, Alex. Kahit anong gusto mong ipagawa, gagawin ko. Kahit magmukha pa akong tanga or whatever. I love you, Alex. I really love you.” Walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko. Nang tanggalin ni Mr. B ang suot niyang shades,

Page 273: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

273

tumambad sa akin ang mukha ng lalaking sobrang mahal na mahal ko. Ang mukha ng isang lalaki na ilang beses na akong sinaktan pero siya pa rin ang tinitibok ng puso ko. Ang mukha ni Sean Ethan Balmaceda.

I'll never walk again until you come back to me. I'm down on bended knee. Lumuhod si Ethan sa harapan ko at hinawakan ang isang kamay ko. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay kong iyon. Parang takot na takot siyang bumitiw. Parang iyon ang lifeline niya na kapag bumitaw siya ay mawawalan siya ng buhay.

I'm gonna swallow my pride, say I'm sorry, stop pointing fingers, the blame is on me; I want a new life, and I want it with you; If you feel the same, don't ever let it go; You gotta believe in

the spirit of love; It will heal all things, won't hurt any more. No I don't believe our love's terminal. I'm down on my knees, begging you please, come home.

“Marami akong nagawang kagaguhan sa’yo. At inaamin kong kasalanan kong lahat ng iyon. Pero can we leave the past behind and start anew? Let’s start all over again, Alex. You, me, Eros and Andro. Magsimula ulit tayo, Alex. For our kids, for me, for you.”Hindi ko na napigil ang sarili ko. Hinila ko patayo si Ethan at niyakap siya ng mahigpit. Ngayon ko pa ba lolokohin ang sarili ko? Alam ko naman sa sarili ko na mahal na mahal ko pa rin siya. Alam ko naman na kahit anong gawin ko, siya pa rin.

Can we go back to the days our love was strong; Can you tell me how a perfect love goes wrong; Can somebody tell me how to get things back the way they used to be; Oh God, give

me the reason, I'm down on bended knee. “I’m so sorry, Alex. Will you still accept me after hurting you so bad?” “Hindi ba dapat nasa kasalan ka?” Pinahid ni Ethan ang mga luhang walang humpay sa pag-agos. “Walang kasalanang magaganap kung hindi lang din ikaw ang bride ko.” “Pero paano si Louise? Di ba siya ang dapat mong papakasalan?” “Dapat pero nandito na ako.” Tinaas niya ang kaliwang kamay niya. Walang wedding ring na nakasuot doon. “Walang kasalanang nangyari dahil tumutol si Franco. Sa totoo lang ay tututol na rin sana ako kaso naunahan ako ni Franco. Ilang buwan na rin pala sila ni Louise pero hindi lang nila sinasabi dahil iniisip nila ang kapakanan ko. Alam kasi nila ang totoong rason ng pagpapakasal sana naming ni Louise.”

Page 274: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

274

“Ano nga ba ang rason bakit mo siya niyayang magpakasal?” Parang gusto kong pagsisihan na tinanong ko pa iyon. Bakit ba niya yayayain kung hindi niya mahal hindi ba? “Sa totoo lang, it was like an arranged marriage. Magpapakasal kami nang dahil sa isang business venture. Nangako sa akin ang papa ni Louise na tutulungan ako kapag pinakasalan ko si Louise. Dahil thriving pa lang ang business ko noon, pinatulan ko. Isa lang naman akong businessman na handang gawin lahat para umunlad ang sinimulan ko.” “Did you love her?” “I did but only as a best friend.” “But she loved you.” “Yes, she did but she has Franco now. At saka mas masaya akong kasama ang babaeng kasama ko ngayon.” Tumulo na naman ang mga luha ko. This time, tears of joy na.

Wanna build a new life; Just you and me; Gonna make you my wife; Raise a family. “I love you, Alex. I love you when we’re together. I love you even when we’re apart.” “I love you, too, Ethan. Ikaw lang, all along. Wala nang iba.” Bumitaw si Ethan mula sa pagkakahawak sa akin at lumuhod. May kinuha siya sa bulsa niya at nilingon ako. Binuksan niya ang isang maliit na maliit na kahon. Tumambad sa akin ang isang makinang na bagay. Isang bagay na matagal ko nang inaasam. “Hindi ako mangangako ng kahit ano. Basta tandaan mong mahal kita. At papatunayan ko sa’yo kung gaano kita kamahal kahit gaano pa katagal. Kahit hanggang sa huling araw na masisilayan ko ang mga mata at ngiti mo. O kahit higit pa.” “Ethan…”

Page 275: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

275

“Alexis Danielle Fernandez, would you like to spend the rest of your life with me, Sean Ethan Balmaceda?” Doon na talaga ako napahagulgol. Nagtinginan na rin yung ibang pasahero sa amin. Kanina pa nila kami pinapanood pero nakarinig na ako ng mga bulung-bulungan. Napatayo ng di oras si Ethan at niyakap ako ng mahigpit. Sa mga balikat niya ay walang tigil ako sa kakaiyak. Hindi ako umiiyak dahil malungkot ako. Umiiyak ako dahil masaya ako. Para akong lumulutang sa ere. May isang napakabigat na bagay ang natanggal mula sa dibdib ko. Lumabas lahat ng negatibong enerhiya sa katawan ko. Ilang beses ko bang hinangad na mangyari ang tagpong ito? Ilang beses ko pang ipinagdasal na lumigaya ako? “Let’s get married, Alex.” “Sure we will, Ethan. As soon as possible.” Kumalas sa pagkakayakap si Ethan. Binigyan niya ako ng isang nakakatunaw na ngiti na siya rin namang ginantihan ko ng pantay na intensidad. Unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin. Ilang sandali pa ay magkalapat na ang mga labi namin. Wala na kaming pakialam kahit maraming nakakakita sa amin. What matters is we’re both happy. Sobrang dami na naming pinagdaanan. At masaya akong nalagpasan naming dalawa ang mga iyon. Ilang beses na akong nasaktan. Ilang beses ko na rin naisip na baka hindi talaga para sa akin ang pag-ibig. Pero pinatunayan ni Ethan na mali lahat iyon. Na maaari pa akong sumaya. Pinatunayan niya na ang mga nauna kong kabiguan ay para ihanda lang ako sa mga maaaring mangyari sa hinaharap. Maraming beses man akong nasaktan, okay lang. Natuto ako kung paano bumangon mula sa ilang beses na pagkakabagsak. Okay lang dahil isang Ethan Balmaceda naman ang naging gantimpala ko sa lahat ng iyon. Kung papipiliin ako kung may gusto akong baguhin sa buhay ko, ang isasagot ko ay wala. Dahil kung mayroon akong babaguhin, hindi ako magiging kasing saya katulad ng nararamdaman ko ngayon. “Will you love me forever, Ethan?” “Count all the sands in the Earth and the stars in the sky then add them together. That’s how long I will love you, Alex.” “That’s a long time.” “That's forever and until eternity, Alex. My endless love.”

Page 276: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

276

Marami man kaming pinagdaanan, happy ending pa rin pala ang kalalabasan namin. Kung may isang wish man ako, iyon ay sana katulad ng mga fairytales, 'And they lived happily ever after' din kami.

Epilogue

E T H A N

“You may now kiss the bride,” masiglang sabi ni Father Ruther na siyang nagdiwang ng kasal namin ni Alex. Bakas na bakas sa mukha ng batang pari ang kasiyahan , base na rin sa maluwang na ngiti sa kanyang mga labi. Binalingan ko si Alex na nakaupo sa wheelchair niya. Bagama’t may iniinda siyang sakit ay masasalamin sa kanyang magandang mukha ang kasiyahan para sa isang milestone sa buhay naming dalawa. Dahan-dahan akong dumukwang para maglapat ang mga labi namin. Mainit, maingat, at puno ng pagmamahal ang halik na iyon, di alintana kahit ilang taon na ang nakalipas mula nang unang magtago ang mga labi naming. Para pa ring unang beses ko siyang hinalikan ang pakiramdam ko tuwing hinahalikan ko siya. Narinig ko ang masigabong palakpakan ng mga bisita namin para sa okasyong ito. Sa aming tahanan—ang dream house namin ni Alex—ginanap ang napakahalagang okasyong iyon sa buhay namin. Kapiling an gaming mga anak na sina Eros, Andro, at ang bunsong si Jenara, mas lalong naging solemn ang pagtitipon. “Congratulations, Mommy and Daddy,” masiglang bati sa amin ni Eros. Yumakap siya sa akin pagkatapos niyang dampian ng masuyong halik sa noo ang kanyang ina. “Salamat, anak. Thanks for making this possible,” nanghihinang sambit ni Alex. Bukal pa rin sa puso niya ang pagngiti kahit na sa kalooban niya ay nahihirapan na siya. “No, Mommy, thank you. We owe everything to you.” Napangiti ako sa sinabing iyon ni Eros. Ang mga taong nagdaan ay naging maganda para sa kanya. Kasama si Andro ay silang dalawa na ang namamahala sa kompanya na itinatag ko noon. Mas naging malago pa iyon mula nang hawakan nila iyon. Sumunod na lumapit sa amin ang bunsong si Jenara. Kasama niya ang kanyang asawang si Ken. Humalik silang pareho sa amin ni Alex.

Page 277: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

277

“Happy golden anniversary, Mommy and Daddy!” bati ng unica hija naming si Jenara. “Salamat, baby girl,” tudyo k okay Jenara. Kahit katulad ng relasyon naming ni Alex ay 50 years old na rin, baby pa rin ang tingin ko sa kanya. “Dad, 50 years old na ako. Tignan mo nga’t may apo na ako sa tuhod!” Nagtawanan naman kaming lahat. Lumapit ang anak ni Jenara na si Jianne, dala-dala ang five years old na si Jesha. Pati ang panganay ni Eros na si Juleanne, kasama si Daniel na asawa nito ay humalik at yumakap sa amin. Limampung taon nna ang nakalipas. Lumaki na rin ang pamilya naming. May mga apo na rin ang mga anak namin. Maraming taon man ang lumipas, heto pa rin kami ni Alex, magkasama pa rin kahit ilang pagsubok ang aming pinagdaanan. Lahat ng iyon ay nalagpasan namin maliban sa isa na tatlong taon na naming pinaglalabanan—ang colon cancer ni Alex. Dahil lagpas setenta (70) na ang edad ni Alex, mahina na ang kanyang katawan. Hindi na masyadong umeepekto ang mga gamot sa kanya. Siya na rin mismo ang tumangging ipagpatuloy ito. Anumang oras ay malapit na siyang mawala sa amin. Sa akin. Masaya akong nakikihalubilo sa mga apo ko. Si Alex ay tahimik lang na nanonood sa amin. Kung wala lang siyang sakit na iniinda ay siguradong siya mismo ang makikipaglaro sa mga apo niya. Kumukuha ako ng pagkain ni Alex nang may humila sa laylayan ng suot kong polo shirt. Si Rona iyon, ang anak ni Lisette na anak nina Eros at Crystal. “Tatay Ethan, sabi po ni Nanay gusto daw po niyang magpunta sa beach at manood ng sunset.” Iniwan ko ang pagkaing kinukuha ko at agad na nilapitan si Alex. “Mahal, gusto kong makita ang paglubog ng araw ngayon,” mahinahong hiling ni Alex. Bakas sa mukha niya ang pagod pero nanatiling maaliwalas ang mukha niya.

Page 278: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

278

Kinausap ko ang mga anak naming tungkol sa gusto ng Mommy nila. Pumayag naman sila na ipahatid kami sa rest house namin sa Batangas. Alam kong nararamdaman na rin nila nab aka ito na ang huling pagkakataon na makasama namin si Alex. “Mommy, salamat po sa pagmamahal niyo sa amin. I love you, Mom,” mangiyak-ngiyak na sambit ni Andro. “I love you, Mom. I love you very much. I’ll see you soon, okay?” bulong ni Jenara sa Mommy niya. “Mom, thanks for everything. Thank you for taking care of us and for loving us. We love you, Mom. We love you from the bottom of our hearts.” Pigil na pigil ang pagpatak ng mga luha ko. Alam kong malapit na mawala si Alex pero hindi pa ako handa para doon. Pero wala naman akong magagawa. Kaya gagawin ko ang lahat para mapasaya sya hanggang sa huling sandali.

---

click to listen Pana-panahon ang pagkakataon Maibabalik ba ang kahapon? “Kay tagal na pala talaga nating magkasama ano? Biruin mo, umabot tayo ng golden anniversary. Masaya ako’t naabot ko pa itong okasyon na ito kasama ka.” Sumandal si Alex sa dibdib ko; binalot ko siya sa aking mga bisig habang umiihip ang malamig na panghapong hangin sa paligid. Nakaupo kaming dalawa sa buhanginan at nakatunghay sa kawalan. Nag-aagaw na ang kulay ng langit, tanda ng papalubog nang araw. “Kung pwede lang ulit isulat ang buhay ko, gugustuhin kong mawala itong sakit ko para mas makasama pa kita ng mas matagal. Kaso hindi maaari, Ethan. Malapit na. Nararamdaman ko na.” Mababakas sa boses ni Alex ang panghihina ngunit hindi niya alintana iyon. Pinipilit niyang lumaban. Pinipilit niyang maging malakas para hindi ko siya makitang nanghihina. Kahit

Page 279: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

279

matanda na siya at nanghihina na ang katawan niya ay naroroon pa rin ang matatag niyang personalidad. “Sshh, wag ka nang magsalita, Alex. Baka mapagod ka lang.” Halos mabasag ang boses ko nang magsalita ako. Pilit ko pa ring pinipigil ang mga luha ko. Kung kaya niyang maging malakas, kaya ko rin. “Hayaan mo na ako sa pagkakataong ito, Ethan. Huling pagkakataon ko na ito para masabi sayo ang lahat ng nararamdaman ko.” Natatandaan mo pa ba Nang tayong dal’wa ang unang nagkita? Panahon ng kamusmusan Sa piling ng mga bulaklak at halaman Doon tayong nagsimulang Mangarap at tumula “Alam mo, noong una tayong magkita, hindi ko naisip na ikaw pala ang lalaking nakatadhana para sa akin. Masyado kasi akong nakatutok sa sugatan kong puso noon. Sa totoo lang, kaya kita nilapitan noon ay dahil gusto ko lamang aliwin ang sarili ko. Pero may kung ano sa iyo na hindi ko matanggihan.” Nakatitig lang siya sa karagatan, pinapanood ang mga bangkang dumaraan at ang mga batang nagtatampisaw sa tubig. Yumuko ako para sulyapan ang mukha niya. Nakangiti siya. Iyong tipo ng ngiti na kuntento na sa buhay at wala nang pinoproblema. “Tanda mo yung ginawa ko sa iyo? Ginawa ko iyon dahil natatakot akong baka hindi kita matanggihan sa gusto mong mangyari. Namamagneto ako sa iyo. Ano nga ba ang meron sa iyo at ang hirap mong bitawan? Kahit ngayon ay natatakot akong iwanan ka.” May isang luhang kumawala sa mata ko. Mula sa kaliwang mata ko. Ang sabi nila ay luha daw iyon ng lungkot. Oo, malungkot ako. Oo, natatakot akong mawala sa akin ang babaeng pinakamamahal ko. “Pero salamat sa pagkakataong iyon, nakilala kita. Salamat sa iyo, natuto akong magmahal muli.” Natatandaan mo pa ba Inukit kong puso sa punong mangga At ang inalay kong gumamela

Page 280: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

280

Magkahawak-kamay sa dalampasigan Malayang tulad ng mga ibon Ang gunita ng ating kahapon “Nakakatuwa rin ang tadhana hindi ba? Sino bang mag-aakala na ikaw pala ang kapatid ng isa kong naging kliyente?” Paano ko makakalimutan iyon? Kung hindi dahil sa kapatid kong si Jessica ay hindi ko muli makikita at makakasama si Alex. Iba sana ang kwento namin ngayon. Hindi siya ang makakatuluyan ko. Hindi siya ang magiging ina ng mga anak ko. Hindi siya ang magiging sentro ng buhay ko. Hindi siya ang mamahalin ko. Sa pag-aalala ko sa mga nangyari noon, hindi ko maisip kung paano na ang buhay ko kung hindi siya ang nakasama ko. Hindi siguro ako magiging kasing saya kung ibang babae ang nakasama ko. “We owe it to her, Ethan. We owe our love story to Jessica. Kapag wala na ako, sabihin mo sa kanya na nagpapasalamat ako sa kanya dahil kundi sa kanya ay walang magiging Alex at Ethan. Walang mabubuong Eros, Andro at Jenara. Hindi makukumpleto ang buhay ko.” Hinawakan ko ang kamay ni Alex. Mainit pa iyon, tanda ng buhay. Hinawakan ko iyon ng mahigpit na tila maaari kong pigilan ang nalalapit niyang paglisan sa pamamagitan niyon. Naramdaman kong pinisil iyon ni Alex ngunit mahina lamang. Talagang mahina na ang sistema niya pero masaya na rin ako kahit papaano dahil nagagawa niya pa iyon. “Huwag kang mag-alala, Alex. Sasabihin ko sa kanya iyan. Ipapaalala ko sa kanya palagi kung gaano ka nagpapasalamat sa kanya.” Dinampian ko ng mabining halik ang ulo niya. May kumawala na namang luha mula sa kaliwang mata ko. Ang mga puno’t halaman Ay kabiyak ng ating gunita Sa paglipas ng panahon Bakit kailangan ding lumisan? “Nakikita mo ba ang mga dahon sa punong iyon?” Itinuro ni Alex ang isang puno sa gilid ng bahay. Marami nang dahon ang nalagas at nagkalat sa lupa. “Anong mayroon sa kanila?”

Page 281: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

281

“Isipin mong isa akong dahon. Nagsimula ako sa maliit at mababa hanggang sa tuluyan akong lumago. Kasama ng iba pang mga dahon, nagtrabaho ako para bigyang buhay ang puno at ang mga tao. Pero lumilipas din ang buhay ng isang dahon. Dadating ang puntong malalanta na ito at mahuhulog sa lupa. At ang buhay ko ay nasa ganoong punto na. Tapos na ang tungkulin ko sa mundo at nalalapit na akong kumalas sa kinakapitan kong tangkay at mahulog sa lupa.” Tuluyan ko nang hindi napigilan ang pagtulo ng luha ko. Ito na ba ang pagpaparamdam niya sa akin na anumang oras ay lilisanin na niya ako? Ito na ba ang huling pamamaalam niya sa akin? Pitumput-isang taong gulang na siya pero parang napakaikli pa rin ng mga panahong nakasama ko siya. Maaari ko bang ibalik ang panahon? “Huwag mo akong iyakan dahil malapit na akong lumisan, Ethan. Sa halip dapat kang maging masaya dahil makakasama ko na ang Lumikha. Isipin mong mapupunta na ako sa mas maginhawang buhay. Ayokong malungkot ka, mahal.” Tuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha ko. Naramdaman kong dumampi ang mga malalambot na labi ni Alex sa kamay kong hanggang ngayon ay hawak pa rin niya. Pana-panahon ang pagkakataon Maibabalik ba ang kahapon? “Sa totoo lang, ayoko pang umalis. Ayoko pang iwanan ka. Hindi ko kaya pero sinusundo na Niya ako. At gusto ko na ring sumama sa Kanya. Ipinangako Niya sa akin na gagaan na ang pakiramdam ko. Huwag kang mag-alala, sandali lang akong mawawala. Magkikita pa ulit tayo—ikaw at ng mga anak natin.” Tila isang talon ang mga mata ko sa walang humpay na bugso ng mga luha ko. Heto na talaga. Malapit na siyang umalis. Hindi man ako handa, kailangan ko na siyang pakawalan. Kinukuha na siya sa akin. Wala akong laban. Ngunit kahit iwanan man niya ako ngayon, baon baon ko ang mga alala naming magkasama—masaya at nagmamahalan. Ngayon ikaw ay nagbalik At tulad ko rin ang iyong pananabik Makita ang dating kanlungan Tahanan ng ating tula at pangarap Ngayon ay naglaho na Saan hahanapin pa?

Page 282: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

282

“Masaya akong ako ang pinili mong makasama noon, Ethan. Inakala ko noon ay iiwan mo na ako pero binalikan mo ako. Dahil sa pagbalik mo ay nabuo ulit ako. Nabuo muli ang mga pangarap ko. Binigyan mong katuparan ang lahat ng iyon. Alam mo kung bakit? Dahil ikaw lang ang pinangarap ko. Ikaw ng katuparan ng mga pangarap ko sa buhay.” Naramdaman ko ang pagpatak ng mga luha ni Alex sa kamay ko. Bahagyang bumagal ang paghinga niya. Naging putol-putol na rin ang pagsasalita niya, tanda ng nahihirapan na siyang magsalita. Sumikip na rin ang dibdib ko dahil sa walang humpay na pag-iyak. Hinapit ko siya ng mas malapit sa akin para marinig ko ang paghinga niya. Isinubsob ko rin ang mukha ko sa balikat niya. “Kapag mamimiss mo ako, lagi mo lang panoorin ang paglubog at pagsikat ng araw. Sa paraang iyon, lagi mo akong maaalala bago magsimula ang araw at bago iyon magtapos.” “Tama na, Alex. Ako naman ang pakinggan mo.” Lumilipas ang panahon Kabiyak ng ating gunita Ang mga puno’t halaman Bakit kailangang lumisan? Pana-panahon ang pagkakataon Maibabalik ba ang kahapon? “Salamat sa mahigit limampung taong pagsasama natin, Alex. Salamat sa walang sawang pagmamahal mo sa akin kahit ilang beses mo na dapat akong iniwanan. Salamat dahil tinanggap mo pa rin ako. Salamat sa pagbibigay sa akin ng tatlong mababait na anak. Lumisan ka man sa piling ko ngayon, palagi pa rin kitang maaalala dahil sa kanila. “Hindi ko alam kung paano ako magsisimulang muli kapag umalis ka na. Pero kakayanin ko. Para sa iyo, para sa mga anak at apo natin. Pipilitin kong maging matatag kagaya ng pagiging matatag mo. Kung maaari ko lang talaga pigilan ang oras ay hindi pa kita ibibigay sa Kanya. Pero kailangan kong magparaya. Gusto ko nang matigil ang paghihirap mo dahil sa sakit mo. Ayokong makita kang nahihirapan. “Magkikita pa tayo. Ipangako mo iyan sa akin. Magkikita pa tayo sa kabilang buhay. Hahanapin kita. Ikaw lang ang gusto kong makasama kahit sa ilang cycle ng buhay pa ang magdaan.

Page 283: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

283

“Salamat sa pagmamahal, Alex. Mahal kita, minamahal kita at mamahalin kita hanggang sa kamatayan ko. Mamahalin kita maging sa kabilang buhay.” Lumilipas ang panahon Kabiyak ng ating gunita Ang mga puno’t halaman Bakit kailangang lumisan? “Mahal na mahal din kita, Ethan. Ikaw lang at wala nang iba.” Sa huling pagkakataon ay dinampian ko ng mabining halik sa labi ang babaeng minahal, minamahal ko at mamahalin ko hanggang sa kabilang buhay. Naramdaman ko ang pagtaas ng mga sulok ng labi niyang iyon. Nang pakawalan ko siya ay nakatingin siya sa langit at nakangiti. “Ayan na Siya, Ethan. Sinusundo na Niya ako. Mahal kita, mahal. Hanggang sa susunod na pagkikita natin.” Pumikit siya. Nandoon pa rin ang ngiti sa mga labi niya. Isang luha ang tumulo sa mga mata niya. Mula sa kanang mata. Isang luha ng kaligayahan. “Magpahinga ka na, mahal. Hanggang sa susunod nating pagkikita.” Niyakap ko siya ng mahigpit habang nakatunghay ako sa paglubog ng araw. Kasabay ng paglisan ng Haring Araw ay siyang paglisan din ng babaeng pinakamamahal ko. Wala na siya. Kasama na niya ang Lumikha. Pana-panahon ang pagkakataon Maibabalik ba ang kahapon? Maraming taon na ang lumipas. Ilang beses ko siyang hinanap-hanap. Gaya ng sinabi niya, pinapanood ko lang ang araw at nakikita ko siya. Nakikita ko siyang nakangiti sa akin at binubulong kung gaano niya ako kamahal. Hindi ko na maibabalik ang mga oras na nagdaan. Ngunit naghihintay na lang ako ng oras

Page 284: Memoirs of a Ruthless Heart Breaker 1 - Copy

284

para magkasama kaming muli. Ilang taon na ang nakalipas pero ang paghanga, pagmamahal, at ang pag-ibig ko sa kanya ay katulad pa rin ng unang beses ko siyang nakita, tulad ng unang beses kong ipinahayag ang damdamin ko sa kanya, tulad ng unang beses kong ipinangako sa Diyos na si Alexis Danielle Fernandez-Balmaceda lamang ang mamahalin ko. ”Wait for me, Alex. Malapit na tayong magkitang muli.” Maraming taon na ang nakalipas ngunit siya pa rin ang nagmamay-ari ng puso ko.

•Fin•

sweetrax © 11 September 2010