integrated development program for · pdf fileang ating mga panawagan ... pagkawala ng lupang...
TRANSCRIPT
UNITED CHURCHES OF CHRIST IN THE PHILIPPINES INTEGRATED DEVELOPMENT PROGRAM FOR INDIGENOUS PEOPLES
IN SOUTHERN TAGALOG (UCCP-IDPIP-ST)
I S A N G P R AY M E R H I N G G I L S A
PACIFIC COAST CITY
MGA N I LA LAMAN
i. Ano ang Pacific Coast City?
ii. Anu-ano ang mga siyudad sa
loob ng Pacific Coast City?
iii. Bakit may proyektong Pacific
Coast City?
iv. Sino ang nasa likod ng
proyektong ito?
v. Paano nagsimula ang
proyektong ito?
vi. Mga Banta at Epekto ng
Proyektong Pacific Coast City
vii. Ang Ating mga Panawagan
P A H I N A 2 P A C I F I C C O A S T C I T Y
Pahina 3
Pahina 4
Pahina 6
Pahina 6
Pahina 7
Pahina
P A H I N A 9
Tutulan at labanan ang Pacific Coast Project.
Ipatupad ang tunay na reporma sa lupa.
Lupa, kabuhayan, panlipunang serbisyo para sa
mga magbubukid at katutubong Dumagat.
Kilalanin, igalang, at itaguyod ang karapatan ng
pambansang minorya sa lupang ninuno at sariling
pagpapasya.
Itigil, tutulan, at labanan ang pandarambong at
pagwasak sa kalikasan, lupaing agricultural, at
yamang tubig.
Itigil ang militarisasyon. Katarungan para sa mga
biktima ng karahasan at paglabag sa karapatang
pantao.
ANG AT ING MGA PANAWAGAN
P A H I N A 8 P A C I F I C C O A S T C I T Y P A H I N A 3
Ang Pacific Coast City ay ang
grandiyoso at ambisyosong
“proyektong pangkaunlaran” na
magbubukas sa silangang baybayin
(eastern seaboard) ng Pilipinas at
magtatayo ng panibagong kapital
na pandistrito sa loob ng 20
hanggang 30 taon mula 2001.
Sakop nito ang 80,000 ektaryang
bahagi ng Aurora at ng General
Nakar, Quezon. Kasama sa
grandiyosong planong ito ang
pagtatayo ng mga agro-industriyal
na siyudad, siyudad at panirahan
ng mga manggagawa, siyudad ng
mga unibersidad, siyudad
pangpalakasan, siyudad para sa
mga resort, siyudad pangrelihiyon,
sentrong siyudad, pangkulturang
komunidad, at ang siyudad ng mga
daungan o ‘Pentaport’ --- daungan
ng eroplano, barko, gamit
pangkomunikasyon, daungan para
sa negosyo, at daungan para sa
ekoturismo.
Ang proyektong ito ay may 5
phases o bahagi. Ang ilan dito ay
naisakatuparan na ayon sa
itinakdang petsa habang ang ilan
ay patuloy na isinasakatuparan:
Phase I (1996-2000
Pagbubukas ng iba’t ibang sentrong
pangkaunlaran sa pamamagitan ng
pagpapaunlad ng lansangan sa
baybayin at pagbubuo ng bagong
daungan ng eroplano. Bahagi nito
ang pagbubukas ng kalsada
papuntang Infanta.
Phase II (2001-2005)
Pagpapalawak ng mga resort at
pagpapaunlad ng serbisyong
kuryente at telekomunikasyon, at
pagpapaunlad ng daungan sa
Dingalan.
Phase III (2006-2010)
Pagpapaunlad ng mga siyudad
pang-industriya,agpapalawak ng
serbisyong kuryente at
telekomunikasyon, at patuloy na
pagpapaunlad ng daungan sa
Dingalan.
Phase IV (2011-2015)
Pagtatapos ng kalsadang mag-
uugnay sa Maynila na siyang
magdudulot ng pag-unlad sa
paligid ng ilog ng Umiray, patuloy
na pagpapalawak ng serbisyong
kuryente at telekomunikasyon, at
pagbubukas ng daungan ng
eroplano.
Phase V (2016-2020)
Pagtatapos ng daanan mula
Maynila hanggang sa daungan ng
Dingalan, kasama ang bagong
daungan ng eroplano.
Ano ang Pacific
Coast City?
1. Malawakang dislokasyon ng mga
mamamayan lalo na ang mga
katutubong Dumagat mula sa
kanilang lugar panirahan.
2. Pagkasira ng kalikasan at
pagkawala ng biodiversity o
pagkakaiba-iba ng buhay sa
kagubatan at kabundukan ng North
Quezon at Aurora.
3. Pagwasak sa malawak na lupaing
agrikultural na higit na magdudulot
ng suliranin sa seguridad sa pagkain,
pagkakait ng kabuhayan sa mga
magbubukid, at mga pambansang
minorya.
4. Higit na pagpapatindi sa
pangangamkam ng lupa dahil sa
ispekulasyon. Ayon mismo kay Romeo
Roxas, mula sa P200 halaga kada
metrong kwadrado ng lupa,
tinatayang tataas ito nang
hanggang P1,500 kada metro
kwadrado sa pagtatapos ng Pacific
Coast City.
5. Pagpasok ng operasyon sa
pagmimina at malakihang pagputol
ng kahoy bilang bahagi ng
“paglilinis” sa lugar.
6. Pagkawala ng lupang ninuno ng
mga katutubong Dumagat na siyang
batayan ng kanilang buhay at
kabuhayan.
7. Pagkawasak ng katutubong
kultura at paraan ng pamumuhay, at
paglilimita sa mga katutubo bilang
pang-akit lang sa mga turista.
8. Higit na magpapatindi sa
militarisasyon sa tabing ng layunin na
protektahan ang mga dambuhalang
sa mga “terorista” subalit nakatuon
sa pagsupil sa potensyal na
pagtutol at paglaban ng
mamamayan.
Mga Banta at Epekto ng Proyektong Pacific Coast City
P A H I N A 4 P A C I F I C C O A S T C I T Y P A H I N A 7
Anu-ano ang mga siyudad sa loob ng Pacific Coast City?
1. Siyudad Agro-Industriyal (Agro-industrial City)
Isang pook agro-industriyal ang planong itayo sa Brgy. Maigang, General Nakar, Quezon. Makikita dito ang malakihang produksyon at pagpoproseso ng pagkain na magsusuplay hindi lamang sa buong Pacific Coast City kundi maging sa buong bansa. Gagamit dito ng mga pinakabagong teknolohiya para mapalaki at mapabilis ang produksyon. Upang mahikayat ang mga mamumuhunan, ang mga pagawaang itatayo dito ay bibigyan ng insentibo sa buwis at suportang pampinansiya, gayundin upang maging globally competitive o makasabay sa ibang bansa. 2. Siyudad at Panirahan ng mga Manggagawa (Workers City and Residential Community) Malapit sa Siyudad Agro-Industriyal ay ang mga panirahan para sa mga manggagawa. Maaari umanong magtayo dito ng panirahan ang mga manggagawang nagtatrabaho sa mga pagawaaan sa loob ng Siyudad Agro-Industriyal. Magtatayo rin dito ng mga gusali na libangan at aliwan, mga pamilihan, at kainan. Itatayo ito sa Brgy. Canaway, General Nakar, Quezon.
3. Siyudad ng mga Daungan (Port City) Ang pangunahing ibinabandila ng proyekto ay ang pagtatayo ng Pentaport o pinagsama-samang airport (daungan ng eroplano), seaport (daungan ng barko), telecommunications po r t (d au ng an n g gam i t pangkomunikasyon), business port (daungan para sa negosyo), at ecotourism port (daungan para sa ekoturismo). Ito ay itatayo sa Dingalan Bay Seaboard at magsisilbing pandaigdigang daungan ng mga produkto at negosyo papasok sa bansa. Gagawin itong transhipment center
o bagsakan ng mga produktong pangarga para sa mga bansang Singapore, Taiwan, Hongkong, Japan, at North America. Napapanahon umano ito lalo sa pagtindi ng tunggalian ng Pilipinas sa bansang Tsina hinggil sa pagmamay-ari sa isla ng Spratlys. Dahil lahat ng daungan sa kasalukuyan ay nakaharap sa Dagat Tsina, magiging estratehiko ang pagtatayo ng daungan sa Dingalan, Aurora sa pagtindi ng tunggalian sapagkat ito ay nakaharap sa Dagat Pasipiko. Upang matuloy ito, nangangailangan ng pagtatayo ng mga imprastraktura gaya ng kalsada, tulay, at mga riles. Sinimulan na ang proyekto ng Dingalan Bay Seaboard sa pamamagitan ng konstruksyon ng 85 kilometrong mayor na kalsada na nag-uugnay sa Montalban, Rizal papuntang Dingalan, Aurora. Ito ay nasa ilalim ng mga kasunduan ng sangla (lease agreements) at tambalan ng dalawang indibidwal o kumpanya (joint ventures). Natapos na rin ang 129 km Marikina-Infanta Road o ang Marilaque Highway na proyekto ni Gov. Nantes at kasalukuyan nang nagagamit ng publiko. Kasalukuyan ring tinatapos ang Umiray Bridge na magdudugtong sa Barangay Umiray, General Nakar, Quezon at Dingalan, Aurora.
Ang grandyoso at ambisyosong
proyekto para sa pagpapaunlad ng Hilagang Quezon ay matagal ng nakonseptwalisa na nagsimula pa kay dating pangulong Ferdinand Marcos. Ilan dito ang grandyosong proyekto na Lungsod Silang, isang proyektong pabahay para sa mga empleyado ng gubyerno, at City of Man o pinaikling City of Manila para tukuyin ang pagpapaunlad sa Maynila upang maging destinasyon ng mga turista. Pansamantalang nahinto ang mga proyektong ito nang mapatalsik sa poder ang diktadurang Marcos. Nang maupo ang dating pangulong Corazon Aquino bilang presidente, ipinatupad ang proyektong MARILAQUE (Manila, Rizal, Laguna, Quezon). Mayor na komponente ng proyekto ang pagpapalawak ng pambansang lansangan, pagtatayo ng Kaliwa-Kanan Dam at pagpapaunlad ng Hilagang Quezon. Sa ilalim naman ng administrasyon ni Fidel Ramos unang tinukoy ang pagbubuo ng daungan sa Dingalan, Aurora. Kasama ito sa 25 taong plano ng Philippine Ports Authority noong 1995 dahil sa maganda nitong lokasyon. Idineklara ito bilang isang “National Flagship Project” o p a n g u n a h i n g p r o y e k t o n g pangkaunlaran ng bansa bagaman hindi nasimulan ang pagpaplano para dito. Mula dito higit na nabuo ang grandyosong Pacific Coast City. Noong Enero 2000, pinirmahan ng dating pangulong Joseph Estrada ang
Proklamasyon bilang 233 na nagsasaad na ang 30,560 ektarya sa Barangay Umiray, Dingalan, Aurora, at Barangay Umiray, General Nakar, Quezon ay isang special economic zone at tourism estate na nakaayon sa Republic Act 7916 o mas kilala bilang Special Economic Act of 1995. Pormal nitong idineklara Pacific Coast City bilang “Flagship Project” ng gubyerno na nangangahulugang prayoridad itong ipatupad dahil sa kaunlaran na maaari nitong idulot sa bansa. Inerekomenda rin ni Tourism Secretary Gemma Cruz Araneta na ideklara itong ecotourism estate o lugar para sa ekoturismo. Sa ilalim ng panunungkulan ng dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo, naglaan ang gubyerno ng P1.9 bilyong pondo para sa kalsadang magdudugtong sa Marikina hanggang Infanta at ang P14 B proyektong International Container Port na itatayo sa baybayin ng Gen. Nakar, Quezon at bubuksan para sa ibang bansa. Sa ilalim ng kasalukuyang administrayon ng pangulong Benigno “Noynoy” Aquino, isinagawa ang pagbubuo ng tulay na tumatawid sa ilog ng Umiray at nagdurugtong sa dalawang barangay mula sa dalawang probinsya na kapwa pinangalanang Umiray: ang Barangay Umiray, General Nakar, Quezon at Barangay Umiray, Aurora.
Paano Nagsimula ang Proyektong Ito?
P A H I N A 5 P A H I N A 6 P A C I F I C C O A S T C I T Y
4. Siyudad ng mga Unibersidad (University City) Ito ay tatayuan ng mga luma at bagong unibersidad mula sa Maynila. Ang mga programa ng paaralan ay magkakaroon ng mahigpit na k o o r d i n a s y o n s a m g a pangangailangan ng mga pagawaan sa Agro-Industriyal na Siyudad. Magtatayo rin umano ng paaralan hinggil sa wastong pagpapalaki ng mga anak at paaralan hinggil sa pagiging mabuting Pilipino. 5. Siyudad Pangpalakasan (Olympic City) Magtatayo dito ng pasilidad na maaaring paglunsaran ng malalaking palaro at pagsasanay ng larong pampalakasan na gumagamit ng tubig. Magtatayo rin dito ng pabahay para sa manggagawa sa loob ng siyudad, para sa mga atleta at iba pang bisita. Matatagpuan din dito ang mga pamilihan ng mga produktong pangpalakasan. 6. Siyudad para sa mga Resort (Resort City) Ang beach resorts ay itatayo sa 80 kilometrong baybayin sa loob ng 10,000 ektaryang saklaw ng Resort City. Inaasahan itong magdadala ng 10 hanggang 20 milyong turista kada taon. 7. Siyudad Pangrelihiyon (Ecumenical City) Para sa ispiritwal na pangangailangan ng mga nakatira sa Pacific Coast City, maglalaan ng dalawang tig-200 ektaryang lupa para sa mga
komunidad na pangrelihiyon. Ang mga miyembro ng komunidad na pangrelihiyon ay pahihintulutang magmay-ari ng mga lupa, magtayo ng mga bahay, at gumawa ng mga proyektong pagkakakitaan sa lugar. Para sa maliliit na sekta, magtatayo ng mga ecumenical centers sa 100 ektarya lupa. 8. S e n t r o n g S i y u d a d
(Government/Capital City) Dito matatagpuan ang lahat ng opisina ng gubyerno mula sa lokal hanggang sa pambansa. Ginaya ito mula sa isang siyudad sa bansang Australia at Estados Unidos kung saan lahat ng opisina ng gubyerno ay nakasentro lang sa isang lugar.
9. Pangkulturang Komunidad (Cultural Communities) Isang komunidad kung saan pagsasama-samahin ang mga katutubong Dumagat upang maging isang pangkulturang komunidad. Isa ito sa magiging atraksyon sa lugar at pang-akit sa mga turista. Itatayo ito sa Barangay ng Sablang at San Marcelino sa General Nakar, Quezon.
Ang proyekto umano ang magiging
sagot sa lahat ng problemang
dulot ng pagdami ng populasyon
sa Maynila—masikip na kalsada,
kakulangan ng tubig na inumin,
pagdami ng basura, kawalan ng
disenteng bahay, pagbaha at
sakit, kriminalidad, polusyon, at
mababang kalidad ng pamumuhay
sa kamaynilaan. Ang Pacific Coast
City ang magsisilbing bagong
kapital na pandistrito at siyudad na
panirahan sa bansa.
Gayundin, ang maambisyong
daungan sa Dingalan, Aurora ay
inaasahang magdulot umano ng
maraming negosyo, trabaho at
potensyal na kita sa bansa.
Ang Roxas’s Green Circle
Properties and Resources, Inc. at
ang Green Square Properties
Corp., sa pamumuno ni Attorney
Romeo Roxas, ang mga nasa likod
ng proyektong ito. Si Romeo Roxas
ang direktor ng Philippine Veterans
Bank at nagmamay-ari ng ilang
negosyo kabilang ang 1,000
ektaryang lupain sa Tagaytay.
Ang plano para sa Pacific Coast
City ay idinesenyo ni Robert
Lambhart, kasama ang isang
Pilipinong arkitekto na si Felino “Jun”
Palafox.
May 31, 000 ektaryang pagmamay
-ari ang Green Circle sa Quezon at
Aurora na nabili kay Roberto
Guaponsoy Sr. noong 1995.
Samantala, ang 50,000 ektarya ay
malaon nang idineklarang
timberland na nangangahulugang
hindi ito maaaring pagmay-arian
ninuman. Ito rin ay nasa
pangangalaga ng Proclamation
1636 at dineklarang national park
and bird sanctuary. Subalit
nagpetisyon ang Green Square
para dito na sinasabing para sa
“kaunlaran” ang gamit ng lupang ito
kung kaya muling ikinonsidera ang
pagtititulo nito.
Bakit may proyektong
Pacific Coast City?
Sino ang nasa likod ng proyektong ito?