extension no.2. silage production
TRANSCRIPT
Wastong Paggawa at Pagpapakain ng Burong Damo o Silage 1Wastong Paggawa at Pagpapakain ng Burong Damo o Silage 1
Wastong Paggawa at Pagpapakain ngPhilippine Carabao CenterExtension Bulletin No. 2
burong damo (silage)Para sa mga Alagang Kalabaw
Extension Bulletin No. 2 | Binagong Edisyon 2014Philippine Carabao Center ©
Babasahing ginawa ng Applied Communication SectionKnowledge Management Division
Mga Patnugot: Eric P. Palacpac Anselmo S. RoqueTagapamahalang Patnugot: Chrissalyn L. Marcelo Katulong na Patnugot: Khrizie Evert Marcelo-PadreMay-akda: Daniel L. Aquino Disenyo: Chrissalyn L. MarceloPinunong Tagapagpaganap ng PCC: Arnel N. Del Barrio
Panimula
Isa sa pinaka-importanteng bagay sa pag-aalaga ng kalabaw ay ang pagbibigay dito ng wasto at masustansiyang pakain. Nguni’t, karaniwan, ito ay nagiging problema sa panahon ng tag-araw kung saan limitado ang mapagkukuhanan ng masustansiyang damo.
Sa ganitong pagkakataon, importante na subukang gumawa ng mga burong pakain na tulad ng mais, napier, sorhum at iba pa.
Gamit ang teknolohiyang ito, siguradong mabibigyan ng sapat at wastong sustansiya ang kalabaw kahit na sa panahon man ng tag-ulan o tag-araw ito ipakain. Kasabay ng tamang pagkakabigay ng sapat na pakain at nutrisyon sa alagang hayop ay ang mas magandang kita sa pag-aalaga ng kalabaw.
2 / Wastong Paggawa at Pagpapakain ng Burong Damo o Silage
silage TeChnology o ang Paggawa ng burong damo
Mga dapat malaman tungkol sa burong damo
Ang buro ay isang uri ng pagkain ng mga kalabaw o baka na inimbak sa selyadong lalagyan. Pagbuburo o “ensiling” ang tawag sa paggawa nito at ang tawag sa buruhan ay “silo”. Ang lahat ng klase ng damo o mga tirang pinag-anihan sa bukid na puwedeng kainin ng hayop ay puwede ring buruhin.
Wastong Paggawa at Pagpapakain ng Burong Damo o Silage / 3
ang PagPaPakain ng burong damo sa mga alaganghayoP ay mula Pa noong unang Panahon:
Sabi sa Bibliya, Isaiah 30:16-24
. . .24Ang mga baka at mga asnong nag-aararo ay kakain ng malinis at inasinang kumpay na inihagis sa kanila ng pala at kalaykay.
ang Paggawa ng burong damo ay:-Hindi namimili ng panahon-Pwedeng gawin ng “manu-mano” o ng makinarya-Pwedeng gawin ng sino mang may alagang hayop na maliit man o pangmaramihan-Hindi magastos gawin
mga Pakain sa hayoP na Puwedeng buruhin:1. Mga pakaing mayaman sa enerhiya -Napier, Paragrass, Guinea grass , Mais, Sorghum, atbp. -Mga tirang pinag-anihan sa bukid gaya ng dayami, bagaso ng mais at tubo
2. Mga pakaing mayaman sa protina -Legumbre: Ipil-ipil , Kakawate, Malunggay, Mani-manihan, Centrosema, Rensoni, Stylo, atbp. -Mga pagkaing galing sa planta: Sapal sa paggawa ng beer o "spent grain ", balat ng saging o pinya
4 / Wastong Paggawa at Pagpapakain ng Burong Damo o Silage
mga kailangan sa Paggawa ng burong damo
1. Lalagyan o buruhan ng damo gaya ng drum, plastic bag, o hukay sa lupa (pit).
2. Plastik na pangtakip
3.Pangdagan sa binuro gaya ng gulong at iba pang mabibigat na bagay
4. Damong buburuhin na may sapat na tubig o "moisture content" na 65% hanggang 70%
5. De-makinang panabas at pantadtad ng damo (chopper) o itak
6. Panghakot ng damong tinabas at tinadtad at mga kasamang gagawa ng buro
Wastong Paggawa at Pagpapakain ng Burong Damo o Silage / 5
Pamamaraan sa Paggawa ng burong damo
1.Alamin ang dami ng damong buburuhin base sa pangangailangan ng hayop kada araw. Alamin din kung kailan at gaano ito katagal ipapakain ang buro.
Timbang ng hayop 10% (ng timbang ng hayop) na pakain
Halimbawa:
-Timbang ng hayop: 500 kg-Kailangang pagkain ng hayop kada araw: 10 % ng kanyang timbang-Dami ng damo na kailangan ng hayop kada araw: 500kg x 0.10 = 50 kg
-Tagal ng tag-araw kung saan kulang ang supply ng sariwang damo: 6 na buwan (Enero hanggang Hunyo) o 180 araw-Dami ng damong buburuhin: 50 kg damo/araw x 180 araw (6 buwan) = 9,000 kg
6 / Wastong Paggawa at Pagpapakain ng Burong Damo o Silage
Mula sa isang ektaryang mais sa edad na 75-80 na araw kasama ang bunga ay makakaani ng 20,000 kg hanggang 30,000 kg na sariwang pagkain ng hayop.
Upang matugunan ang pangangailangan ng 1 hayop sa loob ng 6 na buwang tag-araw:
Luwang ng tatamnan = 0.5 ektaryang mais
Sukat ng buruhan (pit silo): 1m taas x 3m lapad x 10m haba =30 m2
Kung plastic bag na may kapasidad na 20 kg hanggang 30 kg, ang gagamiting buruhan, ang kailangan ay 500 na piraso
Wastong Paggawa at Pagpapakain ng Burong Damo o Silage / 7
2. Bumuo ng isang grupong gagawa ng buro at pag-usapan kung kailan ito gagawin.
3. Ihanda ang lalagyan (silo), pang tadtad, plastic atbp.
4. Anihin ang damo (45-55 araw) o mais (75-80 araw) sa tamang gulang.
8 / Wastong Paggawa at Pagpapakain ng Burong Damo o Silage
5.Tantiyahin ang dami ng tubig o "moisture content" ng damo . Kung basa ang damo (mahigit 70% ang tubig) hayaan o ibilad ito ng 1-2 araw bago hakutin at tadtarin.
buhaghag kung kulang sa 65% ang taglay na tubig
makatas kung mahigit sa 70% ang taglay na tubig
makabubuo ng bola kung tama ang taglay na tubig
6. Tadtarin ang damo ng 1-2 senti metro ang haba gamit ang de-makinang pantadtad (chopper) o itak
Wastong Paggawa at Pagpapakain ng Burong Damo o Silage / 9
7. Punuin ng mabilis ang "silo" o buruhan
Paggawa ng buro para sa maliit na kawan o ilang hayop lang (Plastic bag sa loob ng sako; 20 kg hanggang 30 kg na kapasidad)
Paggawa ng buro na pangmaramihan (Malaking plastic bag 600 kg hanggang 700 kg kapasidad)
10 / Wastong Paggawa at Pagpapakain ng Burong Damo o Silage
8.Siksiking mabuti ang damo sa lalagyan upang maalis ang hangin
Paggawa ng buro para sa maliit na kawan o ilang hayop lang
Paggawa ng buro na pangmaramihan
Wastong Paggawa at Pagpapakain ng Burong Damo o Silage / 11
9.Isalansang mabuti ang binurong damo at selyuhang mabuti ang mga bahagi ng silo na pwedeng pasukan ng hangin o tubig-ulan. Lagyan ito ng pabigat o dagan sa ibabaw.
Paggawa ng buro para sa maliit na kawan o ilang hayop lang
Paggawa ng buro na pangmaramihan
12 / Wastong Paggawa at Pagpapakain ng Burong Damo o Silage
10. Pagkaraan ng 3 Iinggo, puwede nang ipakain ang buro sa hayop. Kung ang hayop ay may 6 na buwan ang edad o higit pa ay puwede na itong pakainin ng buro.
Kapag binuksan ang buro, siguraduhing tuluy-tuloy ang pagpapakain hanggang sa maubos ito. Laging isauli ang takip ng buruhan pagkatapos kumuha ng buro.
mahalagang Tandaan:
Wastong Paggawa at Pagpapakain ng Burong Damo o Silage / 13
Presyo ng bawa’T kilo ng burong mais(base sa aktuwal na presyo ngayong 2014)
Pagkakagastusan mga kailanganhalaga (Php)
a. gastos sa pagtatanim ng mais dami unit1. Buto ng mais 2 sako/bag 9,4002. Paghahanda ng taniman (Pag-aararo, pagrorostilyo at pagtutudling)
1 beses makina/tao 3,000
3. Pagtatanim ng mais (kontrata kada ektarya)
15 tao 2,250
4. Pataba Upa ng tao Triple 14 (14-14-14) Urea 0-0-60
2 beses12522
taosako/bagsako/bagsako/bag
1,8005,4001,8402,700
5. Patubig Upa ng tao Krudo at langis
6 beses12100
taolitro
1,8004,240
6. Pagbubusbos 1 makina/tao 1,5007. Mga gamot Upa ng tao Pamatay damo
22
taolitro
300735
b. gastos sa paggawa ng buro8. Gasolina ng chopper 20 litro 7009. Pag-aani o paghahakot 10 makina/tao 1,50010. Plastik na pantakip 10 kilo 90011. Buruhan (plastic silo) 40 piraso 15,00012. Upa ng tao sa pagbuburo 6 tao 4,50013. Iba pang gastusin 1,000k. kabuuan ng gastos 58,565d. dami ng mais kada ektarya 30 toneladak. halaga ng 1 kilong buro 1.84
14 / Wastong Paggawa at Pagpapakain ng Burong Damo o Silage
Wastong Paggawa at Pagpapakain ng Burong Damo o Silage / 15
Timbang ng hayop
(kilo)
Kailangan Rehiyon 1 Rehiyon 2 Rehiyon 3
Timbang (%)
Tuyong pakain kada araw (kilo)
Purong burong
mais (kilo)
Napier (70%)
Darak (30%)
Buro, bagaso ng mais
(kilo)
Darak (kilo)
300 2.4 7.2 21.7 28.8 1.7 14.4 1.7350 2.3 8.1 23.0 32.4 1.9 16.2 1.9400 2.2 8.1 24.7 35.2 2.0 17.6 2.0450 2.1 9.5 26.0 38.0 2.2 19.0 2.2500 2.0 10.0 27.7 40.0 2.3 20.0 2.3
huling TaTlong buwan ng PagbubunTis
18 / Wastong Paggawa at Pagpapakain ng Burong Damo o Silage
National Headquarters and Gene PoolScience City of Muñoz, 3120 Nueva EcijaPhilippines Tel. No.: (63) 044.456.0731 to 34Fax No.: (63) 044.456.0730Email: [email protected]
Manila Liaison Offi ce5F, DCIEC Building, NIA Complex, EDSADiliman, Quezon City, PhilippinesTel. No.: (63) 02.921.3863Fax No.: (63) 02.926.7077Email: [email protected]
www.pcc.gov.ph