el filibusterismo deciphered - kabanata 17 - perya sa quiapo

12

Click here to load reader

Upload: daniel-mendoza-anciano

Post on 23-Sep-2014

638 views

Category:

Documents


81 download

TRANSCRIPT

Page 1: El Filibusterismo Deciphered - Kabanata 17 - Perya sa Quiapo

UNCORRECTED PROOF

Kabanata 17Ang Perya Sa Kiyapo

             Ang gabi’y maganda at ang anyo ng liwasan ay lubhang masaya.1  Sa pagsasamantala sa masarap na simoy at maningning na buwan kung Enero2 ay punung-puno ang perya ng taong ibig makakita, makita at makapaglibang.3  Ang mga musika ng mga kosmorama at ang ilaw ng mga

Inihanda sa pag-aaral na ito ang mapa ng Quiapo noong ika-19 na siglo, ito ay upang magawang makita ang pinagganapan ng kabanata upang mailapit ang mga mambabasa sa tunay na kailiguran nito.Mapapansin sa mapa ang dalawang pulo na dinadaanan ng estero, ito sa pag-aaral ng nagsasaliksik ang dalawang pulo na ito ay napasama sa kasalukuyang lupa ng Quiapo dahilan sa pagtatabon ng estero.Basahin sina Charles J-H MacDonald at Guillermo M Pesigan, Old ties and new solidarities : studies on Philippine communities

1 Ang liwasan ng Quiapo ay ang kinaroroonan ngayon ng Plaza Miranda

2 Ang kapistahan ng Quiapo ay sa mga unang araw ng Enero – makikita rito na halos sinusundan ni Rizal sa pagbuo ng mga pangyayari sa kaniyang mga nobela ang kalendaryo. Ang Noli ay pinasimulan niya sa bisperas ng Todos Los Santos at ang climax ay sa pagkamatay ni Elias sa bisperas ng kapaskuhan (samantalang si Rizal ay namatay isang araw, bago ang bisperas ng bagong taon). Ang Fili naman ay nagsimula sa bisperas ng pasko.3 Ang taong ibig makita ay katulad ng mga tao na nakikilahok sa isang malakihang pagdiriwang. Maging ang kapistahan ng Quiapo sa kasalukuyan ay nauuwi rin sa ganitong kalagayan – tama po ba ako Kabayan.

Page 2: El Filibusterismo Deciphered - Kabanata 17 - Perya sa Quiapo

parol ay siyang nagbibigay-galak at kasayahan sa madla.4  Mahahabang hanay ng mga tindahan,5 nagniningningang aliyamas at mga pangkulay,6 lantad sa tingin at may mga kumpol na pelota,7 mga maskarang nangakatuhog sa mata,8 mga laruang lata,9 mga tren, karong maliliit, kabayong maliliit na napagagalaw,10 mga sasakyan, mga bapor na may kani-kanilang maliliit na kaldera,11 mga maliliit na pinggan-pingganang, mga beleng mumunti na kahoy na pino, mga manikang gawa sa ibang bansa at gawa rito, ang mga una ay masasaya at bughaw, at ang mga huli ay  mga walang katawa-tawa at mapagnilay na waring maliliit na babaing may gulang, sa piling ng mga batang napakalalaki.12  Ang tugtog ng mga tambol na maliliit, ang kaingayan ng mga trompe-trompetahang lata, ang tugtuging ngongo ng mga kurdiyon at mga organilyo ay nagkakahalong wari’y tugtugan sa karnabal, at sa gitna ng lahat ng iyon ay paroo’t parito ang makapal na tao na nangagtutulakan. Nagkakabungguang ang mukha’y nangakalingon sa mga tindahan, kaya’t madalas ang untugan at kung minsan ay katawa-tawa.  Napipilitang pigilan ang takbo ng mga kabayo ng mga sasakyan, ang tabi ! t abi ! ng mga kutsero ay nadidinig na sunod-sunod;13 nangagkakasalu-salubong ang mga kawani, mga militar, mga prayle, mga nag-aaral, mga Insik, mga dalaginding na kasama ng kanilang mga ina at tiyahin, nangagbabatian, nangagkikindatan, masasayang nagtutudyuhan.

4 Ang cosmorama ay isang panoorin na mayroong larawan ng maraming mga pook at mga bansa na nakikita ng mga nanonood sa saliw ng mga ilaw at tugtugin.

5 Ang mga tindahan na tinutukoy dito ay mga maliliit at pansamantala na inilalagay tuwing kapistahan. Sa Ingle ay tinatawag na booth.

6 Tinsel and gaud

7 Bolang laruan8

Ang mga maskara ay nakasabit sa labas ng maliliit na tindahan.

9 Ang popularidad ng mga laruang lata sa ating panahon ay katulad ng mga laruang plastic.10

Gumagalaw dahilan sa mayroong mga maliliit na makina na sinususian.11

Mapapansin sa salaysay dito ni Rizal na may mga moderno ng laruan sa kapanahunang iyon na ipinagbibili sa Pilipinas – ang maliit na caldera ng laruan tren ay isang pinaliit na bapor na katulad ng totoo. Sa ating panahon ay mga laruang elektroniko.12

Pinasimulan na ni Rizal ang pagbanat sa pamamagitan ng paglalarawan sa mga likhang sining.13

Ang eksenang ito ay katulad ngayon ng nararanasan ng mga nagmamaneho sa mga lugar kung saan ang mga tindahan ay nasa mga bangketa at ang makapal na bilang ng mga tao ay naglalakad sa kalsada. Ano ba ang bago, noon at ngayon?Mga nakakainis na ugali na minsang inalis ni Bayani Fernando at bumalik naman sa panahon ni Francis Tolentino.

Page 3: El Filibusterismo Deciphered - Kabanata 17 - Perya sa Quiapo

            Si Padre Camorra ay nasa karurukan ng kanyang kaligayahan sa pagkakita ng gayon karaming magagandang dalaga; napapatigil siya, napapalingon, itutulak si Ben-Zayb, mapapalatak, sumusumpa’t aniya’y:   “at iyan, iyan, manghihitit ng tinta, at doon sa isa, ano ang masasabi mo?”14  Sa kanyang kagalakan ay hindi na pinupupo ang kanyang kalaban at katunggali.  Tinitingnan siyang maminsan-minsan ni Padre Salvi,15 nguni’t hindi niya pinapansin si Padre Salvi, kundi bagkus pa ngang binubunggo ang mga dalaga upang masagi sila, na kinikindatan at tinititigan nang titig na may palaman.16

            “Puñales !   Kailan kaya ako magiging kura sa Kiyapo ?” ang tanong sa sarili.17

            Si Ben-Zayb ay biglang nakabitiw ng isang tungayaw, napalundag at pinigilan ang kanyang bisig; sa gitna ng kagalakan ni Padre Camorra ay kinurot siya.  Dumarating ang isang nakasisilaw na binibining pinagtitinginan ng lahat ng taong nasa liwasan; dahil sa hindi magkasya sa kagalakan si Padre Camorra ay pinagkamalang bisig ng dalaga ang bisig ni Ben-Zayb.           

Ang binibini’y si Paulita Gomez, ang makisig sa madlang makisig na sinusundan ni Isagani; sa likuran ay sumusunod si Donya Victorina.  Ang dalaga’y nagniningning sa kagandahan; ang lahat ay napapatigil, ang mga leeg ay bumabaluktot; napapahinto ang mga usap-usapan, sinusundan ng mga paningin, at si Donya Victorina ay tumatanggap ng mga magalang na bati.           

Ang suot ni Paulita Gomez ay baro’t panyong pinya na binurdahan, iba kaysa isinuot nang umagang iyon sa pagparoon sa Sto. Domingo.  Ang nanganganinag na habi ng pinya ay nagbibigay ng lalong ganda sa kanilang ulo, at ang mga Pilipinong nakakamalas ay iginagaya siya sa buwang 14 Tandaan sana na ang perya ng Quiapo ay lugar kung saan maaring tingnan at bilhin ang mga paninda. Si Padre Camorra ang pinagkakaabalahan ay ang pagpili ng mga magagandang babae.

15 Bakit tinitingnan ni Padre Salvi si Padre Camorra. Tandaan sana na sa panahong ito ay matanda na si Padre Salvi, nakita niya na sa hilig sa babae ay paparoon pa lamang si Padre Camorra at siya ay pauwi na. 16

Kung ang maraming mga tao sa perya ng Quiapo ay naroon para pumili, hawakan at bilhin ang mga itinitinda. Si Padre Camorra ay naroon para pumili at magsamantala sa mga magagandang dalaga sa pamamagitan ng pagsagi (chancing) sa mga ito. Ang makahulugang titig na may palaman ay isang anyo ng pag-aanyaya upang sukatin kung ang dalaga ay bibigay sa kaniyang makamundong alok.

17 Ang parokya ng Quiapo ay isa sa mga mayayamang parokya sa Pilipinas noon. Ito ay dahilan sa ang Quiapo ay lugar na kinaroroonan ng mga bahay ng mga mayayamang pamilya sa Pilipinas.Ito rin ang dahilan kung bakit napakaraming magagandang babae sa nasabing distrito. Nangangarap si Padre Camorra na magkamal ng pera at magagandang babae.

Page 4: El Filibusterismo Deciphered - Kabanata 17 - Perya sa Quiapo

nalilibid ng maputi’t manipis na ulap.  Isang sayang sutla na kulay-rosas, na nagkakutun-kutong mainam ang ayos sa pagkakapigil ng kanyang munting kamay ay nagbibigay-dilag sa kanyang tuwid na ulo, na ang mga kilos na inaayusan ng malambot na leeg ay nagpapahayag ng pananagumpay na lubos ng kataasan at kalandian.  Si Isagani’y waring hindi nasisiyahang-loob; nayayamot siya sa gayong karaming mata, karaming mga talugigi na tumatanaw sa kagandahan ng kanyang iniibig:   ang mga tingin ay inaakala niyang nakaw, at ang mga ngiti ng dalaga’y inaari niyang pagtataksil.18

            Nang makita ni Juanito ang binibini ay pinaglalo ang kakubaan at

nagpugay:  sinagot siya nang pasumala ni Paulita, at tinawag siya ni Donya Victorina.  Si Juanito ang kanyang kinikilingan, at sa ganang kanya ay ibig pa ito kaysa kay Isagani.19

            “Anong gandang dalaga!  Anong ganda!” ang bulong ni Padre Camorra na sumilakbo ang kalooban.20

            “Padre, ang tiyan mo po ang iyong kurutin at bayaan ninyo kami!” ang payamot na sabi ni Ben-Zayb.21

            “Anong gandang dalaga!  Anong gandang dalaga!” ang ulit.  “At ang lumiligaw ay ang nag-aaral na kilala ko, ang nanulak.”

            “Mapalad siya at hindi tagaroon sa bayan ko!”22 ang patuloy, pagkatapos na lumingong makailan upang sundan ng tingin ang binibini, ibig-ibig nang iwan ang kanyang mga kasama at sundan ang dalaga.  Nahirapan si Ben-Zayb bago siya napahinuhod.

18 Nailarawan ni Rizal sa bahaging ito ang pagiging seloso ng mga kalalakihan sa Pilipinas.

19 Mas gusto ni Donya Victorina si Juanito Pelaez dahilan sa ang lalaki ay anak ng mayaman. Samantalang si Isagani ay mahirap lamang.

20 Sumisilakbo ang damdamin – nagkakaroon ng init sa loob ng katawan si Padre Camorra sa pagkakita sa kagandahan ni Paulita Gomez.21

Pansinin ang kalokohan ni Rizal – upang patunayan na nag-iinit na si Padre Camorra sa kagandahan ni Paulita ay kinukurot niya ang tiyan ni Ben-Zayb, nag-iimagine ang prayle na tiyan iyon ng dalaga.

Pero higit na ipinakita ni Rizal ang isang kapilyuhan sa pamamagitan ni Ben-Zayb ng sabihin na “Padre, ang tiyan mo po ang iyong kurutin at bayaan ninyo kami!” – na ang ibig sabihin ay “yan ng lang iyo ang hawakan mo, at ako naman ang sa akin. Bahala na kayong isipin kung ano ang gusto ring gawin ni Ben-Zayb.22

Tandaan na itinulak ni Isagani si Padre Camorra. Kung si Isagani ay nasa parokyang sakop ni Padre Camorra ay tiyak na mukukulong ang binata at ang magiging kapalit sa paglaya ay ang pagsasamantala sa dangal ng magandang si Paulita Gomez.

Page 5: El Filibusterismo Deciphered - Kabanata 17 - Perya sa Quiapo

            Si Paulita ay patuloy sa paglakad at natatanaw ang kanyang magandang anyo ang kanyang munting ulo, na mainam ang pagkakapusod, na malanding gumagalaw.

            Ang ating mga nagliliwaliw ay patuloy sa kanilang paglakad, na ang paring artilyero ay nagbubuntung-hininga, at nakasapit sila sa isang tindahang napapalibutan ng mga nanonood na madaling sila’y niluwagan.23

            Iyon ay isang tindahan ng mga maliliit na iskulturang kahoy na gawa rito, na nagpapakilala sa sari-saring laki at anyo ng mga ayos, lahi at mga paghahanapbuhay sa kapuluan, mga Indiyo, Kastila, Insik, mistiso, prayle, klerigo, kawani, kapitan sa bayan, nag-aaral, sundalo, atbp.   Dahil mandin sa mga artista ay may hilig sa mga pari, na ang mga kuton ng mga habito ay siyang naaayos sa kanilang mga kagawian sa pagyari, o dahil sa ang mga prayle, sa pakikihimasok nitong lubha sa mga lipunang Pilipino’y nakapagpapaulap sa pag-iisip ng eskultor , maging alinman sa dalawang kadahilanan ang katunayan ay marami ang kanilang kawangki, na mabuti ang pagkakayari, anyung-anyo, at itinatanghal sila sa mga dakilang sandali ng pamumuhay,24 baligtad kaysa ginagawa sa kanila sa Europa, na doo’y inilalarawan silang nakakatulog sa ibabaw ng mga bariles ng alak, nangagsusugal, tumutungga, nag-aapungot o hinahaplos ang sariwang mukha ng isang dalaga.25  Hindi, ang mga prayle sa Pilipinas ay kaiba:   mga makikiyas, malilinis, mabubuti ang bihis, mahusay ang gupit ng buhok, ang mga mukha’y ayos at maliwanag, ang mata’y mapagmasid, anyong banal, may kaunting pula sa pisngi, may tungkod na palasan sa kamay at sapatos na tsarol sa paa, na nakaaakit na sambahin sila at ilagay sa birina.   Kapalit ng mga sagisag ng katakawan at kahalayang taglay ng kanilang mga kapatid na nasa Europa, ang dala ng mga nasa Maynila ay ang aklat, ang crucifijo , ang sangang sagisag ng

23 Niluwagan ni Rizal ang mga tauhan ng nobela na namamasyal upang – higit na mahantad rito ang mga nilalako sa tindahan. Mga panindang puno-puno ng insulto.24

Pansinin ang estilo ni Rizal, ito ay sa pamamagitan ng pagpapakita niya ng malinis na anyo mga prayle sa iskulturang gawa ng mga manlilok na Pilipino. Subalit pansinin na bago niya ilarawan sa maayos na iskultura ang mga prayle ay mayroon na siyang unang sinabi ukol sa relasyon ng mga iskultor na Pilipino at mga prayle na ‘sa pakikihimasok nitong lubha sa mga lipunang Pilipino’y nakapagpapaulap sa pag-iisip ng eskultor . Ang ibig sabihin ay isang anyo ng sensura sa sining – tama po ba ako Mr. Mideo Cruz.25

Talagang maestro ng pang-iinsulto si Rizal – ginamit niya ang mga malalayang sining ng Europa na dumadagil at inilalarawan ang mga prayle sa marumi nilang pamumuhay, subalit ang tunay na pinatutungkulan ay ang mga prayle sa Pilipinas. Sabi nga ng aking ama noong nabubuhay pa ang estilong ito ay tulad ng pagpalo sa kalabaw at sa kabayo naman ang latay.

Page 6: El Filibusterismo Deciphered - Kabanata 17 - Perya sa Quiapo

paghihirap; kapalit ng panghahalik sa mga mangmang na babaing taga-bukid, ang mga nasa Maynila ay nagpapahalik ng kamay sa mga bata, sa mga taong may kagulangan na nangakayuko’t halos nakaluhod; kapalit ng paminggalang puno ng kakanin at mga kakanan na siyang tanghalan nila sa Europa, sa Maynila ay mga dalanginan, mesang paaralan; kapalit ng prayleng maralita na lumalapit sa mga bahay-bahay, na dala ang kanyang burro at ang supot upang manghingi ng limos, ang prayle sa Pilipinas ay nagsasabog ng dukut-dukot na ginto sa mga kaawa-awang Indiyo…”26

            “Tingnan ninyyo, narito si Padre Camorra!” ang sabi ni Ben-Zayb na dala pa ang singaw ng champagne .27

            At itinuturo ang larawan ng isang payat na prayle, na wari’y nag-iisip, nakaupo sa piling ng isang dulang, ang ulo’y nakapatong sa palad at sumusulat mandin ng isang sermon.   May isang lamparang nakapagpapaliwanag sa kanya.

            Ang pagkakaiba ng anyo’y ikinahalakhak ng marami.28

            Naramdaman ang tukoy ni Padre Camorra, na nalimutan na si Paulita, at siya namang tumanong:

            “At sino naman ang kamukha ng larawang ito, Ben-Zayb?”

            At tumawa ng kanyang tawang paleto.

            Ang larawan ay isang matandang babaing bulag ang isang mata, gusgusin, na nakalupasay sa sahig, gaya ng mga anito ng mga Indiyo, na namimirinsa ng damit.   Ang kasangkapan ay nagayahang mabuti; tanso, ang dingas ay palara at ang alimpuyo ng usok ay marurumi’t pinilipit na bulak.

            “Hoy, Ben-Zayb, hindi hangal ang nakamunakala, ano?” ang tanong na tumatawa ni Padre Camorra.29

26 Sa pamamagitan ng paglalarawan ni Rizal sa mga hindi makatotohanang iskulturang gawa ng mga Pilipino ay nagawa niyang batikusin ang mga prayle sa pamamagitan ng isang matandang kasabihan sa batas ng mga Romano na PAPURING HINDI TOTOO AY ISANG TAGONG PANG-IINSULTO.27

Pansinin palagi ang istilo ni Rizal na ang kaniyang mabibigat na parunggit ay itinatakda niya sa mga tauhan na nasa kakaibang estado ng pag-iisip.28

Itong bahaging ito ang magpapatunay na ang lahat ng mga papuri ni Rizal sa magagandang iskultura ng mga prayle ay isang insulto.

29 Hindi hangal ang gumawa ng larawan ang sabi ni Padre Camorra – ibig sabihin ay matalino ang lumiha ng sining na larawan (o lalo ang ang naglarawan sa pamamagitan ng panulat na si Rizal). Ito ay dahilan sa napakasimbolikal ng larawang ito na simbulo ay ipapaliwanag sa mga susunod na anekdota sa ibaba

Page 7: El Filibusterismo Deciphered - Kabanata 17 - Perya sa Quiapo

            “Hindi ko malaman ang ibig tukuyin!” ang sabi ng manunulat.      

            “Nguni’t puñales, hindi ba ninyo nakikita ang pangalan, la prensa filipina?  Ang kasangkapang iyan na ipinamimirinsa ng matandang babae ay  tinatawag ditong prinsa.”30

            Lahat ay nagtawanan, at si Ben-Zayb man ay

humahalakhak din.           

Dalawang sundalong guwardiya sibil na may tandang mga sibil, ay nalalagay sa likuran ng isang taong nakatali ng matitibay na tanikala at ang mukha’y natatakpan ng sumbrero; ang pangalan ay Ang Lupain Ng Abaka, at waring babarilin.31

30 Ang larawan ay ukol sa isang babaeng namamalantsa ng damit sa pamamagitan ng kasangkapang prinsa. Ang prinsa ay pabilog na tanso na nakapalibot sa paligid at bukas sa itaas at sa ilalim ay ang makinis nitong bahagi. Ang bukas na bahagi ay nilalagyan ng uling at ang ilalim ang ipinapa-plantsa sa damit. Ang hitsura nito ay higit na isang maliit na kawali at malayo sa hitsura plantsang de uling na bakal ginagamit pa noon ng mga Pilipino hanggang 1960’s bago ang elekripikasyon ng malaking lugar ng ating bansa.

Pansinin na ang maaring ang tunay na pangalan ng larawan ay La prinsa Filipina (Ang plantsa ng Pilipinas), subalit sa inilitaw ni Padre Camorra ang salitang La Prensa Filipina (Ang pamamahayag sa Pilipinas). Isang palaisipan kung sadyang minali ni Padre Camorra ang pangalan upang magkaroon ng katuwaan o talagang mali ang pagkakasulat ng pangalan na imbes na La prinsa Filipina ay ang naisulat ng may gawa ang La Prensa Filipina (Katulad ng nagbebenta ng isang uri ng kama na double deck na ang naisulat ay double dick).

Dahilan sa ang neobela ay isang panunudyo ay alamin natin ang mga simbolismo ng mga elemento na nakapaloob sa larawan na itinitinda sa Peya ng Quiapo.Namamalantsa – inaayos ang mga gusot o kaya ay maaring makasunogMatandang babae – isa sa chauvinistiko pagtanaw noon sa mga kababaihan ay ang kahinaan ng loob. (Na para naman kay Rizal ay pinahina ng mga prayle – kadalagahan sa Malolos)Bulag ang isang mata – bilang mga mamamahayag ay maari nilang talakayin ang mga bagay na gusto nila at pikit ang mata sa iba pa.Nakalupasay sa sahig – mababa ang tunay na kalagayan sa lipunan ang iba sa kanila ay maaring mga bayaran (balikan si Sr. Gonzales na tinitingnan ng paalipusta ni Tsino Quiroga)Gaya ng mga anito ng mga Indiyo – nakahandusay ngunit sikat, iginagalang at kinatatakutan ng mga karaniwang tao.Tanso ang kagamitan – walang tibay kung ikukupara sa bakal ng mga makapangyarihang sektor.ang dingas ay palara – lahat ng pag-uulat ay paglalarawan lamang ng totoo na katulad ng totoo dingas sa malamig na palara.alimpuyo ng usok ay marurumi’t pinilipit na bulak – nagpapakita sa resulta ng pag-uulat at pamamaraan ng pag-uulat na pinilipit ayon sa sariling kagustuhan ng mamamahayag o ng mga padrino na nagbabayad sa kaniya.

31 Ang abaka ang isa pangunahing panluwas ng Pilipinas sa mga huling taon ng ika-19 na siglo. Ginagamit itong materyales sa paggawa ng tali. Isang pagbibiro ni Rizal ng tawagin niyang Lupain ng Abaka ang isang sining, sa pamamagitan ng paggamit ng pangunahing

Page 8: El Filibusterismo Deciphered - Kabanata 17 - Perya sa Quiapo

          Hindi naibigan ng marami sa ating mga dalaw ang tanghalan.  Pinag-uusapan ang tuntunin ng Arte, humahanap ng pagkakatimbang-timbang ng laki, ang sabi ng isa’y walang pitong ulo ang larawang gayon , na ang mukha’y kulang ng isang ilong, wala kundi tatatlo, bagay na ikinapag-isip nang kaunti ni Padre Camorra na di makahulo kung ba kit upang maging ayos ang isang larawan ay dapat magkaroon ng apat na ilong at pitong ulo ;32 anang isa’y kung bakit malitid, sa, ang mga Indiyo ay hindi gayon; na kung yaon ay matatawag na escultura o carpinteria , atbp.; bala na’y nagpahayag ng kanyang panunuligsa at upang di naman mapahuli sa iba si Padre Camorra ay nangahas humanap ng tatlumpung hita sa bawa’t manika.33  Kung makahihingi ng ilong ang iba ay bakit nga naman hindi siya makahihingi ng hita?  At doon din nangagtatalo kung ang Indiyo’y may katalinuhan sa pag-iiskultor,34 kung nararapat palusugin ang gayong arte, at sinimulan na ang pagtatalong sabay-sabay na pinutol ni Don Custodio sa pagsasabing ang mga Indiyo ay may katalinuhan, nguni’t ang paggawa lamang ng santo ang dapat harapin.35

produkto ng Pilipinas bilang instrumento ng pisikal na kaapihan.

32 Isang paglalabo ni Rizal sa hitsura ng sining, subalit malinaw ang kaniyang sinulat na pitong ulo.

And the dragon stood on the shore of the sea. And I saw a beast coming out of the sea. He had ten horns and seven heads, with ten crowns on his horns, and on each head a blasphemous name. (Rev. 13:1 NIV)

Hindi mawari ni Padre Camorra kung ano ang pinag-uusapan na pigura na may pitong ulo.

33 Ang paghahanap ng manika na may 30 hita ay isang paglalarawan ni Rizal sa pagiging mahilig ni Padre Camorra sa babae at ang kaangkupan sa kaniya ng piguratibong pitong ulo (anti-Cristo) o maari rin sa pitong motal na kasalanan na inaangkin ng prayle sa nobela1. pagmamataas 2. katakawan sa pera (kayamuan) 3. Inggit

4. galit5. Libog 6. Katakawan 7. Kupad

34 Ang pagtatanong ng mga tauhan sa kabanatang ito nobela ay maaring kinuha ni Rizal sa mga alinlangan ng mga Espanyol, ito ay pinatunayan niya sa mismong gawa pagkat siya ay isang iskultor na ang isa sa mga gawa ay makikita sa isa sa mga larawan sa itaas na pinamagatang Orate Frantes (Let us pray brethren).35

Para kay Don Custodio ang kahusayan ng mga Pilipino sa iskultura ay dapat lamang iukol sa paggawa ng mga santo. Tandaan mo iyan Mr. Mideo Cruz – iyan ang pananaw ang mga konserbatibo ng Pilipinas noon at ikinalulungkot ko na buhay pa ang mga inapo ng mga konserbatibong ito.

Page 9: El Filibusterismo Deciphered - Kabanata 17 - Perya sa Quiapo

            “Kahit sino ay magsasabi,” ani Ben-Zayb, na nang gabing yaon ay naging mapanudyo, “na ang Insik na iyan ay si Quiroga, nguni’t kung pagwawariing mabuti ay kamukha ni Padre Irene.”36

            “At ano ang masasabi ninyo sa Indiyo-Ingles na iyan?  Nahahawig kay Simoun!”

            Umalingawngaw ang pamuling halakhakan.  Hinaplos ni Padre Irene ang kanyang ilong.

            “Tunay nga!  Tunay nga!  Siyang-siya!”

            “Datapwa’t nasaan si Simoun?  Bilhin ni Simoun!”

            Si Simoun ay nawala, walang nakakita sa kanya.           

“Puñales!” ang sabi ni Padre Camorra, “napakakuripot ang Amerikano!  Natatakot na pabayaran natin sa kanya ang kaupahan ng lahat sa pagpasok sa patanghalan ni Mr. Leeds.”           

“Hindi!” ang sagot ni Ben-Zayb, “ang ipinangangamba ay ang magipit siya.  Nahuhulaan na ang masamang birong aabot sa kanyang kababayang si Mr. Leeds, kaya’t nagmamaang-maangan.”           

At nangagpatuloy ng lakad ang magkakasama upang panoorin ang nababantog na ulo, na walang biniling anumang kahit masamang laruan.           

Humandog si Ben-Zayb na siyang makikipag-usap:  hindi maaaring hiyain ng Amerikano ang isang mamamahayag na mangyayaring maghiganti sa pamamagitan ng isang mapanirang lathala.           

“Makikita ninyo’t pawang kagagawan lamang ng salamin,” anya, “sapagka’t tingnan ninyo…”           

At muling nagsimula ng isang mahabang pagpapaliwanag, at sa dahilang wala siyang kaharap na salamin na makasisira sa kanyang sinasabi ay idinugtong nang lahat ang kabulastugang matuturan, hanggang sa kahuli-hulihan ay hindi na matumpakan ang sinasabi.

36 Bakit magkamukha ang larawan ni Tsino Quiroga at Padre Irene. Ito ay dahilan sa kapwa sila matakaw sa salapi at ang pagiging tuso ay nakakabit bilang sterotype ng kanilang mga lahi. Si Quiroga ay Tsino at si Padre Irene ay isang Hudyo.Ayon sa isang palasaliksik ni Prof. Teodoro A. Agoncillo, si Padre Irene ay hinuwad ni Rizal sa isang hudyo na nagpapanggap na pari at nakapagturo pa sa UST. Nang may malaking halagang napailalim sa kanyang pag-iingat, siya na di naman talagang pari at kalaban pa nga sa pananalig (Hudyo) ay nawala. Sinasabing bumalik sa Europa at nagbuhay Don Juan doon. (Ongoco)

Page 10: El Filibusterismo Deciphered - Kabanata 17 - Perya sa Quiapo

            “At makikita rin ninyo kung pawang pagkasira lamang ng paningin.”