edukasyon sa 1st generation modules - version 2...

20
Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 3.3 (Week 6) Lipunang Pang-ekonomiya 9 _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV 1ST GENERATION MODULES - VERSION 2.0

Upload: others

Post on 27-Jan-2021

9 views

Category:

Documents

0 download

TRANSCRIPT

  • Edukasyon sa Pagpapakatao

    Unang Markahan – Modyul 3.3 (Week 6)

    Lipunang Pang-ekonomiya

    9

    _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

    1ST G

    ENER

    ATION

    MODU

    LES -

    VERS

    ION 2.0

  • Edukasyon sa Pagpapakatao– Baitang 9 Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3.3 (Week 6)Lipunang Pang-ekonomiya

    Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

    Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

    Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

    Inilimbag sa Pilipinas ng:

    Department of Education, Region VII, Division of Cebu Province

    Office Address: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City

    Telefax: (032) 255-6405

    E-mail Address: [email protected]

    Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

    Manunulat: Diody Car P. Diamante

    Editor: Jane O. Gurrea

    Tagasuri: Chona B. Jumao-as

    Tagaguhit: Diody Car P. Diamante

    Management Team

    SchoolS Division Superintendent: Dr. Marilyn S. Andales, CESO V

    Assistant Schools Division Superintendent:

    Dr. Cartesa M. Perico

    Dr. Ester A. Futalan

    Dr. Leah B. Apao

    Chief, CID: Dr. Mary Ann P. Flores

    EPS in LRMDS: Mr. Isaiash T. Wagas

    EPS in EsP: Mrs. Jane O. Gurrea

    _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

    1ST G

    ENER

    ATION

    MODU

    LES -

    VERS

    ION 2.0

  • 9

    Edukasyon sa Pagpapakatao

    Unang Markahan – Modyul 3.3

    (Week 6) Lipunang Pang-ekonomiya

    _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

    1ST G

    ENER

    ATION

    MODU

    LES -

    VERS

    ION 2.0

  • ii

    Paunang Salita

    Para sa tagapagdaloy:

    Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng

    Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa modyul na Lipunang-Pang

    ekonomiya.

    Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga

    edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang

    gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang

    itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,

    panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

    Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa

    mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,

    bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang

    mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga

    pangangailangan at kalagayan.

    Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang

    kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

    Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang

    mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at

    itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling

    pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang

    mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

    Para sa mag-aaral:

    Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng Alternative

    Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Lipunang Pang-ekonomiya.

    Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin

    nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.

    Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

    Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

    Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

    _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

    1ST G

    ENER

    ATION

    MODU

    LES -

    VERS

    ION 2.0

  • iii

    Alamin

    Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga

    dapat mong matutuhan sa modyul.

    Subukin

    Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano

    na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.

    Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot

    (100%), maaari mong laktawan ang

    bahaging ito ng modyul.

    Balikan

    Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral

    upang matulungan kang maiugnay ang

    kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

    Tuklasin

    Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay

    ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad

    ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na

    suliranin, gawain o isang sitwasyon.

    Suriin

    Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

    pagtalakay sa aralin. Layunin nitong

    matulungan kang maunawaan ang bagong

    konsepto at mga kasanayan.

    Pagyamanin

    Binubuo ito ng mga gawaing para sa

    mapatnubay at malayang pagsasanay upang

    mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga

    kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto

    ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang

    susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng

    modyul.

    Isaisip

    Naglalaman ito ng mga katanungan o

    pupunan ang patlang ng pangungusap o

    talata upang maproseso kung anong

    natutuhan mo mula sa aralin.

    Isagawa

    Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong

    sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman

    o kasanayan sa tunay na sitwasyon o

    realidad ng buhay.

    _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

    1ST G

    ENER

    ATION

    MODU

    LES -

    VERS

    ION 2.0

  • iv

    Tayahin

    Ito ay gawain na naglalayong matasa o

    masukat ang antas ng pagkatuto sa

    pagkamit ng natutuhang kompetensi.

    Karagdagang Gawain

    Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong

    panibagong gawain upang pagyamanin ang

    iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang

    aralin.

    Susi sa Pagwawasto

    Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa

    lahat ng mga gawain sa modyul.

    Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

    Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

    1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang

    marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel

    sa pagsagot sa mga pagsasanay.

    2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing

    napapaloob sa modyul.

    3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

    4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at

    sa pagwawasto ng mga kasagutan.

    5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

    6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang

    sagutin lahat ng pagsasanay.

    Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,

    huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka

    rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino

    man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim

    sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

    Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng

    makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa

    kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

    Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng

    pinagkuhanan sa paglikha o paglinang

    ng modyul na ito.

    _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

    1ST G

    ENER

    ATION

    MODU

    LES -

    VERS

    ION 2.0

  • 1

    Alamin

    Ang karanasan ng pag-ibig ng magulang ay isang ekonomiya na hindi malayo

    sa ekonomiya ng lipunan. Kaya’t sabay nating ungkatin ang modyul na ito at nang

    maunawaang mabuti ang kahalahagahan ng lipunang pang-ekonomiya sa lipunan.

    Maaaring makatulong nang malaki sa iyo ang aralin sa modyul na ito at sa mga

    sumusunod pang mga modyul.

    Sa modyul na ito ay inaasahang masasagot mo ang Mahalagang Tanong na:

    Ano ang mabuting ekonomiya? Para saan ang ekonomiya?

    Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na

    kaalaman, kakayahan at pag-unawa:

    1.1 Nakilala ang mga katangian ng mabuting ekonomiya (EsP9PL -Ie -3.1)

    1.2 Nakapagsusuri ng maidudulot ng magandang ekonomiya (EsP9PL -Ie -

    3.2)

    1.3 Napatutunayan na:

    a. Ang mabuting ekonomiya ay iyong napauunlad ang lahat –

    walang taong sobrang mayaman at maraming mahirap.

    b. Ang ekonomiya ay hindi para lamang sa sariling pag-unlad

    kundi sa pag-unlad ng lahat. (EsP9PL-If-3.3)

    1.4 Nakakataya ng lipunang ekonomiya sa isang barangay/pamayanan

    at lipunan/bansa gamit ang dokumentaryo o photo/video journal(EsP9PL-Ib-

    1.4)

    _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

    1ST G

    ENER

    ATION

    MODU

    LES -

    VERS

    ION 2.0

  • 2

    Subukin

    Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang

    tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik nito sa

    sagutang papel.

    1. Ano ang katotohanan sa likod ng paniniwala na “ang tao ay pantay-pantay”?:

    a. Lahat ay may kani-kaniyang angking kaalaman.

    b. Lahat ay dapat mayroong pag-aari.

    c. Lahat ay iisa ang mithiin.

    d. Likha ang lahat ng Diyos.

    2. Ano ang kahulugan ng prinsipyo ng proportio ayon kay Sto. Tomas de

    Aquino?

    a. Pantay na pagkakaloob ng yaman sa lahat ng tao

    b. Angkop ang pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan ng tao

    c. Angkop ang pagkakaloob ng yaman ayon sa pangngailangan ng tao.

    d. Pantay na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan at

    pangangailangan ng tao

    3. Sa ating lipunan, alin sa sumusunod ang patunay na naitatali na ng tao ang

    kaniyang sarili sa bagay?

    a. Mas nararapat lamang na makatanggap ang isang tao ng tulong mula

    pamahalaan, kahit na kaya naman niya itong bilhin o kaya na hindi

    naman kailangan, dahil karapatan niya itong bilang mamamayang

    nababayad ng buwis.

    b. Hindi mabitawan ni Sheila ang kaniyang lumang mga damit upang

    ibigay sa kamag-anak dahil mayroon itong sentimental value sa kanya.

    c. Inuubos ni Jerome ang kaniyang pera sa pagbili ng mamahaling relo

    na sa ibang bansa lamang mahahanap. Ayon sa kanya, sa ganitong

    paraan niya nakukuha ang labis na kasiyahan

    d. Lahat ng nabanggit.

    4. Alin ang hindi naglalarawan sa lipunang pang-ekonomiya

    a. Maihahalintulad sa pamamahala ng budget sa isang bahay

    b. Pagkilos para sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan

    c. Pangangasiwa ng yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga

    panganngailangan ng tao

    d. Pagkilos upang masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa

    pamamagitan ng pangangasiwa ng yaman ng bayan

    _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

    1ST G

    ENER

    ATION

    MODU

    LES -

    VERS

    ION 2.0

  • 3

    Mga Tala para sa Guro

    Paalalahanan ang mga mag-aaral na maglaan ng

    Activity Notebook/Porfolio para sa modyul na ito.

    5. Sa lipunang pang-ekonomiya, ano ang pagkakaiba ng pantay sa patas?:

    a. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao

    sa lipunan, ang patas ay pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa

    kaniyag pangangailangan

    b. Ang pantay na pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao

    sa lipunan, ang patas ay pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa

    kaniyang kakayahan

    c. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao

    sa lipunan patas ay ang paggalang sa kanilang mga karapatan

    d. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao

    sa lipunan, ang patas ay pagtiyak na natutugunan ng pamahalaan ang

    lahat ng pangangailangan ng tao.

    _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

    1ST G

    ENER

    ATION

    MODU

    LES -

    VERS

    ION 2.0

  • 4

    Modyul

    6 Lipunang Pang-ekonomiya

    Napatutunayan na:

    a. Ang mabuting ekonomiya ay iyong napauunlad ang

    lahat – walang taong sobrang mayaman at maraming

    mahirap.

    b. Ang ekonomiya ay hindi para lamang sa sariling pag-

    unlad kundi sa pag-unlad ng lahat. (EsP9PL-If-3.3)

    Pantay-pantay nga ba ang tao?

    Ayon kay Max Scheler, isang pilosopo, “Bahagi ng pagiging tao ang pagkakaroon

    ng magkakaibang lakas at kahinaan. Nasa hulma nating katawan ang kakayahan

    nating maging sino.” At sabi rin ni Max Scheler na dahil na rin sa hindi

    pagkakapatay-pantay na ito, kailangang sikapin ang pagkakapantay-pantay sa

    pamamgitan ng pagbabahagi ng yaman ng bayan.

    Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9, Modyul Para sa Mag-aaral (Pasig

    City:Kagawaran ng Edukasyon, 2015), 36.

    Balikan

    Bilang pagbabalik-tanaw sa naunang modyul, sagutin ang tanong na ito: “Ano ang

    maidudulot ng magandang ekonomiya sa isang lipunan?”

    _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

    1ST G

    ENER

    ATION

    MODU

    LES -

    VERS

    ION 2.0

  • 5

    Tuklasin

    Alvin Baltazar. “Sitwasyon ng bansa vs. COVID-19, mas maging mahirap sana kung di nagging malakas

    ang ekonomiya.” RIP. April 21, 2020. http://www.radyopilipinas.ph/rp-one/articles/national/sitwasyon-ng-

    bansa-dahil-sa-covid-19-mas-naging-mahirap-sana-kung-di-naging-malakas-ang-ekonomiya

    Panuto: Basahing mabuti ang artikulo sa itaas at sagutin ang mga katanungan na

    nasa ibaba. Sagutin ito sa inyong kwaderno.

    Sitwasyon ng bansa vs. COVID-19, mas naging mahirap sana

    kung ‘di naging malakas ang ekonomiya

    By Alvin Baltazar April 21, 2020, 10:04 am

    Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, kung hindi dahil sa

    napakagandang performance ng ekonomiya ng bansa bago tumama ang COVID-19 ay

    baka lalo sanang naging mahirap ang kalagayan ng bansa sa ngayon.

    Katunayan dito ang pagpalo ng Growth Domestic Product o GDP growth ng 6.7

    hanggang 6.8 porsyento kada taon gayundin naman ang mataas na foreign direct

    investments, ani Roque.

    Bukod pa aniya dito ang napababang poverty incidence na isang record low at bumaba

    pa ng hanggang 16.6%.

    Dangan lang ani Roque ay sadyang apektado ang lahat dahil sa salot na dulot ng

    COVID-19.

    Ano ba ang naidudulot

    ng COVID 19 sa ating

    ekonomiya?

    Ilarawan kung paano

    ito nakaapekto sa ating

    bansa.

    _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

    1ST G

    ENER

    ATION

    MODU

    LES -

    VERS

    ION 2.0

    http://www.radyopilipinas.ph/rp-one/articles/national/sitwasyon-ng-bansa-dahil-sa-covid-19-mas-naging-mahirap-sana-kung-di-naging-malakas-ang-ekonomiyahttp://www.radyopilipinas.ph/rp-one/articles/national/sitwasyon-ng-bansa-dahil-sa-covid-19-mas-naging-mahirap-sana-kung-di-naging-malakas-ang-ekonomiya

  • 6

    Suriin

    Pantay o Patas? Pantay/ equality Patas /Equity

    Walang labis walang

    kulang

    Ang pagtuon ng

    pamahalaan sa

    pangangailangan ng

    tao o pagbibigay sa

    nararapat para sa mga

    tao

    Pantay pantay ang lahat dahil

    likha tayo ng Diyos

    Hindi pantay-pantay ang mga tao.

    May mga taog mananatiling nasa

    itaas, dinudungaw ang mga tao sa

    ibaba.

    Pantay-pantay nga

    ba ang tao?

    _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

    1ST G

    ENER

    ATION

    MODU

    LES -

    VERS

    ION 2.0

  • 7

    Prinsipyo ng Proportio

    Si Ronnie ay ang pinakamagaling sa Filipino ngunit hindi ito

    nangangahulugan na si Ronnie na lamang ang tuturuan ng guro. Pagsisikapan pa

    rin ng guro na ituro ang tuntunin sa Filipino sa mga mabilis na matuto at sa mga

    mag-aaral na kailangan ng ibayong pag-akay at gabay. Dahil si Elmer ay madaling

    matuto maaring bigyan siya ng karagdagang aktibidad na makakahubog pa lalo sa

    kanyang kakayahan. Ito ay angkop sa kasabihan ni Santo Tomas de Aquino na

    ang prinsipyo ng proportio,ang angkop na pagkakaloob ng naayon sa

    pangangailangan ng tao. Sa madaling sabi, hindi man pantay-pantay ang mga tao,

    may angkop para sa kanila. Kailangang maging patas ayon sa kakayahan ayon sa

    pangangailangan.

    Ang mga Pag-aari: Dapat Angkop sa Layunin ng Tao

    1. Ang halaga ng tao bago ang tinapay.

    Mayroon ka mang tinapay o wala. May halaga ka bilang isang tao. May

    yaman ka man o wala, may halaga ka bilang tao.

    2. Dahilan ng paggawa at pag-aari (ownership).

    Ayon kay Max Scheler bahagi ng

    pagiging tao ng tao ang o

    pagkakaroon ng mga magkakaibang

    lakas at kahinaan. Nasa hulma ng

    ating katawan ang kakayahan nating

    maging isang sino

    … Dahil na rin sa hindi

    pagkakapantay-pantay na ito,

    kailangang sikapin ang

    pagkakapantay-pantay sa

    pamamagitan ng pagbabahagi ng

    yaman ng bayan

    Max Scheler

    Ayon kay Santo Tomas de Aquino , ang

    pinsipyo ng proportion ay ang angkop na

    pagkakaloob ng naayon sa pangangailangan

    ng tao.

    Kung mayroon man tayong dalawang daang tinapay na dapat ipamimigay sa

    dalawang daang tao, ano ang pinakamabisang paraan sa pamamahagi nito?

    Bibigyan ba ang lahat ng tig-iisang tinapay o bibigyan ang bawat tao ng

    naaayon sa kanilang hinihingi?

    _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

    1ST G

    ENER

    ATION

    MODU

    LES -

    VERS

    ION 2.0

  • 8

    Gumagawa at nagmamay-ari ang tao hindi upang makipagbangayan, manira o

    makipagkompetisyon sa ibang tao kundi gumagawa ang tao upang maipamalas at

    mahubog ang kanyang angking galing Nagtratrabaho siya upang maging

    produktibo ang kanyang sarili.

    Hindi Pantay Pero Patas:Prinsipyo ng Lipunang Pang-ekonomiya

    Ekonomiya – Ang salitang ito ay galing sa Griyegong salita na “oikos” (bahay) at

    “nomos” (pamamahala) -. Ang ekonomiya ay maiihalintulad sa pamamahala ng

    bahay. Mayroong nakatayang budget na kailangang pagkasyahin sa lahat ng

    gastusin o bayarin sa bahay.

    Lipunang Pang-ekonomiya – ang mga pagkilos na masiguro na ang bawat bahay

    ay magiging tahanan. Pinapangunahan ito ng estado na nangunguna sa

    pangangasiwa ng patas na pagbabahagi ng yaman ng bayan.

    Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9, Modyul Para sa Mag-aaral (Pasig

    City:Kagawaran ng Edukasyon, 2015), 36.

    Nagtatrabaho ang

    tao hindi para sa

    pera kundi para sa

    buhay na inaasam at

    hinahanap niya.

    Ang buhay ng tao ay

    pagsisikap na

    ipakilala ang sarili sa

    pamamagitan ng

    paggawa hindi ng

    yaman.

    Ang tunay na

    mayaman ay ang

    taong nakikilala ang

    sarili sa bunga ng

    kaniyang paggawa.

    _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

    1ST G

    ENER

    ATION

    MODU

    LES -

    VERS

    ION 2.0

  • 9

    Pagyamanin

    Word Search Puzzle. Hanapin at bilugan ang salitang nailalarawan sa ibaba.

    A L P H A B Y

    E N A F G U J

    K I T E P N C

    O P A N T A Y

    N I S O L B K

    O M K J D P I

    M T N O M O S

    I B C I S G A

    Y D E G R O P

    A S T A Y B E

    1. Isang salitang Griyego na ang ibig sabihin ay bahay.

    2. Salitang maihahantulad sa pamamahala ng bahay.

    3. Isang salitang Griyego na ang ibig sabihin ay pamamahala.

    4. Salitang nangangahulugang walang labis walang kulang.

    5. Salitang nangangahulugang sa pagtuon ng pamahalaan sa

    pangangailangan ng tao o pagbibigay sa nararapat para sa mga tao.

    _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

    1ST G

    ENER

    ATION

    MODU

    LES -

    VERS

    ION 2.0

  • 10

    Isaisip

    Panuto: Gamit ang talahanayan sa ibaba, sagutin ang mga tanong sa ibaba.

    Ano-ano ang konsepto at

    kaalaman na pumukaw

    sa akin?

    Ano ang aking

    pagkaunawa at

    reyalisasyon sa bawat

    konsepto at kaalamang

    ito?

    Ano-ano ang hakbang na

    aking gagawin upang

    mailapat ko ang mga

    pang-unawa at

    reyalisasyong ito sa

    aking buhay?

    1. Tungkol

    pagkapantay-

    pantay

    2. Tungkol sa

    pagiging patas

    3. Tungkol sa

    Lipunang-Pang-

    ekonomiya

    Isagawa

    Pagpapaliwanag: Ipaliwanag ang ugnayan ng pag-unlad ng sarili at pag-

    unlad ng bayan. Gamitin ang format na nasa ibaba.

    Ang ugnayan ng pag-unlad ng sarili at pag-unlad ng bayan ay. . .

    _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

    1ST G

    ENER

    ATION

    MODU

    LES -

    VERS

    ION 2.0

  • 11

    Tayahin

    Matching Type: Piliin sa Hanay B ang mga hinihingi sa Hanay A. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong kwaderno.

    Karagdagang Gawain

    Bumuo ng batayang konsepto ng aralin:

    Ang mabuting ay iyong ang lahat ay

    walang taong sobrang at maraming

    . Ang ekonomiya ay hindi susi para lamang sa sariling

    sa pag-unlad ng lahat.

    A B

    1. Lipunang pang-ekonomiya

    a. Pamamahala

    2. Max Schemer b. Bahay

    3. Prinsipyo ng proportion c. Nagsisikap na pangasiwaan ang yaman ng bayan

    4. Oikos d. Angkop na pagkakaloob ng ayon sa pangangailangan ng tao

    5. Nomos e. Bahagi ng paggiging tao ng tao ang pagkakaroon ng magkakaibang lakas at kakayahan

    f. Ekonomiya

    mahirap ekonomiya mayaman

    pag-unlad napapaunlad

    _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

    1ST G

    ENER

    ATION

    MODU

    LES -

    VERS

    ION 2.0

  • 12

    Susi sa Pagwawasto

    Mga Tala para sa Guro

    Personal na suriin ang sagot ng mag-aaral. Maaaring

    magkakaiba ang sagot ng mga estudyante sa mga gawain.

    Subukin

    1.D 2.C 3.A 4.B 5.A

    Tayahin

    1.C 2. E 3. D 4.B 5.A

    _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

    1ST G

    ENER

    ATION

    MODU

    LES -

    VERS

    ION 2.0

  • 13

    Sanggunian Aklat:

    Alagbate Nestor R., et.al. “Lipunang Pang-ekonomiya, edited by Luisita B. Peralta,

    36-49.FEP Printing Corporation, 2005.

    Mula sa Internet:

    Teach Pinas. “MELCs:Edukasyon sa Pagpapakatao.” May 27, 2020. https://www.teachpinas.com/download/melcs-edukasyon-sa-pagpapakatao/ Davao City National High School. “LMs and TGs.” 2005. https://sites.google.com/a/davaocnhs.edu.ph/davaocnhs/lms-and-tgs

    Slideshare. “Modyul 3 Lipunang Pang-ekonomiya.” Justice Emilio Angeles Gancayco Memorial High School SHS. August 8, 2015. https://www.slideshare.net/jomarienel/modyul-3-lipunang-pang-ekonomiya-51411555

    Baltazar Alvin. “Sitwasyon ng bansa vs. COVID-19, mas maging mahirap sana kung

    di nagging malakas ang ekonomiya.” RIP. April 21, 2020.

    http://www.radyopilipinas.ph/rp-one/articles/national/sitwasyon-ng-bansa-dahil-sa-

    covid-19-mas-naging-mahirap-sana-kung-di-naging-malakas-ang-ekonomiya

    _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

    1ST G

    ENER

    ATION

    MODU

    LES -

    VERS

    ION 2.0

    https://www.teachpinas.com/download/melcs-edukasyon-sa-pagpapakatao/https://sites.google.com/a/davaocnhs.edu.ph/davaocnhs/lms-and-tgshttps://www.slideshare.net/jomarienel/modyul-3-lipunang-pang-ekonomiya-51411555http://www.radyopilipinas.ph/rp-one/articles/national/sitwasyon-ng-bansa-dahil-sa-covid-19-mas-naging-mahirap-sana-kung-di-naging-malakas-ang-ekonomiyahttp://www.radyopilipinas.ph/rp-one/articles/national/sitwasyon-ng-bansa-dahil-sa-covid-19-mas-naging-mahirap-sana-kung-di-naging-malakas-ang-ekonomiya

  • Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education, Region VII Division of Cebu Province

    Office Address: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City

    Telefax: (032) 255-6405

    Email Address: [email protected]