eal of artnership filipino...1 binabati ko kayo mga mahal kong mag-aaral. napagtagumpayan na ninyo...
TRANSCRIPT
-
8
Republic of the Philippines
Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula
Zest for Progress Zeal of Partnership
Name of Learner: ___________________________
Grade & Section: ___________________________
Name of School: ___________________________
Filipino Ikalawang Markahan – Modyul 4
Sandigan ng Lahi…Ikarangal Natin (Kasingkahulugan at Kasalungat)
-
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Maristel E. Espiloa
Editor/ Tagasuri: Ronna B. Laranjo/ Michel P. Enero
Tagalapat: Lloyd Ivonn Mark Ordinaria
Tagapamahala:
Virgilio P. Batan Jr., CESO VI - Schools Division Superintendent
Lourma I. Poculan - Assistant Schools Superintendent
Amelinda D. Montero - Chief Education Supervisor, CID
Nur N. Hussien - Chief Education Supervisor, SGOD
Reila Angela C. Josol - Education Supervisor – Filipino
Ronilla S. Yarag - Education Program Supervisor, LRMS
Leo Martinno O. Alejo - Program Development Officer II, LRMS
Filipino – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 4: Kasingkahulugan at Kasalungat Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division
Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City
Zamboanga del Norte, 7100
Telefax: (065)212-6986 and (065) 212-5818
E-mail Address: [email protected]
mailto:[email protected]
-
1
Binabati ko kayo mga mahal kong mag-aaral. Napagtagumpayan na ninyo ang mga gawain sa nakaraang modyul. Natitiyak kong marami na kayong naimbak na kaalaman na magagamit mo sa modyul na ito.
Sa modyul na ito, ikaw ay malayang makapagbigay sa kahulugan ng
salita at ang kasalungat nitong kahulugan. Iba’t ibang gawain ang aking ihanda para sayo upang mas lalong
yumaman ang iyong kaalaman tungkol dito. Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
• Naibibigay ang kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng
mahihirap na salitang ginamit sa akda (F8PT-IIe-F-25)
Aralin 3
Kasingkahulugan at Kasalungat na Kahulugan
Sa ating araw-araw na pakikisalamuha, gumamit tayo ng iba’t ibang salita upang maiparating natin ang mga mensahe sa ating kausap.Hindi lingid sa ating kaalaman na ang mga Pilipino ay mayaman sa bokabularyo kaya dapat nating tandaan na may mga salitang kapag iniuugnay sa isa pang salita ay madaling maiintindihan.Kapag magkapareho ang kahulugan nito.May mga salitang kabaligtaran naman ang hatid nito.
Balikan
Gawain A: Sagutin Mo?
Panuto: Isulat sa loob ng bilog ang mga salitang maaaring
maipakahulugan.
Alamin
-
2
Tuklasin
Gawain B: Sulat ko, Bigkasin Mo!
Panuto: Basahin at unawain ang isang saknong ng tula sa ibaba at
isulat sa talahanayan ang mga salitang may pares o magkapareho ang
kahulugan na nasa taludtod.
Walang Sugat
-
3
Halimbawa: Maganda-marikit
Mabait-mabuti
Mahirap na Salita
Kahulugan
1. 2. 3. 4. 5.
Suriin
Sa parting ito ng modyul, ay iyong lilinangin ang mga kaisipan/kaalamang tutulong sa iyo upang higit na maintindihan ang paksang-aralin. Dito tinitiyak na ikaw ay maihahanda upang tiyak ang mga pang-unawa sa mga salita na nagtataglay ng iba’t ibang kahulugan. Sa bahaging ito ay magkakaroon ka ng mahahalagang interpretasyon sa pagbibigay-kahulugan ng salita batay sa iyong pang-unawa.Inaasahang magagabayan ka ng mga inihandang babasahin at gawain upang malalaman mo na ang salita ay magkasingkahulugan o magkasalungat.
Magkasingkahulugan
➢ Ang magkasingkahulugan ay dalawang salita na pareo o magkatulad ang kahulugan o ibig sabihin.
➢ Mahalagang malaman ang kahulugan ng isang salita upang madaling maibigay ang kasingkahulugan nito.
Masaya sa Nayon
Masaya sa nayon, maligayang tunay,
Dito ay tahimik, payapa ang buhay,
Sagana sa isda, marami ang gulay,
Sa lasang masarap, sadyang malinamnam.
-
4
➢ Kadalasan ang mga salitang magkasingkahulugan ay mga pang-uri o mga salitang naglalarawan sa isang tao,bagay, uri, anyo, kulay, laki, amoy at lasa.
Mga Halimbawa:
Maliit-pandak Dekorasyon-palamuti
Aksidente-sakuna Away-laban
Maingay-magulo Mayaman-mahirap Magkasalungat
➢ Ang kabaligtaran o kasalungat ng isang salita.Kadalasan ang mga salitang magkasalungat ay pang-uri o mga salitang naglalarawan ng isang tao, bagay,hayop, at pook o lugar. Maari ding katangian tulad ng uri, anyo, kulay, laki, amoy at lasa.
➢ Ang kasalungat na salita ay nangangahulugang naiba o kabaligtaran ang kahulugan ng salita. Ito ay isang paraan ng pagpapaunlad ng talasalitaan.
Mga Halimbawa :
Maganda-pangit Maliit-malaki
Masaya-malungkot Malawak-makipot Tahimik-magulo
Pagyamanin
Gawain C: Unawain Mo!
Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng mga
salitang may salungguhit.
Salita
Kasingkahulugan
Kasalungat
1. mayaman sa buong
nayon
2. malinis na ilog
3. malawak na lupain
-
5
4. mabilis tumakbo
5. magandang babae
6. dumulog sa simbahan
7. sigurado sa desisyon
8. panatag ang kalooban
9. malambing na bata
10.likas ang pagakatao
Isaisip
Gawain D:
Panuto: Punan ng angkop na salita upang mabuo ang diwa ng pangungusap.Pagkatapos itala ang salita sa talahanayan at ibigay ang
kasingkahulugan at kasalungat nito.
malakas kaakit-akit matalino maganda mabilis
1. Masyadong ___________ang hanging habagat.
2. Siya ay_________na dalaga.
3. Maraming magawa ang________tao. 4. Ang suot niyang damit ay __________tingnan.
5. Hindi maunawaan ang kanyang pagsasalita dahil ______ ito.
-
6
Salita Kasingkahulugan Kasalungat
1. 2. 3. 4. 5.
Isagawa
Gawain E.1. Sagutin Mo!
Panuto: Isulat sa bilog ang kasingkahulagan ng salita.
1.
2. 3.
4.
makitil
malinis
Maliwanag
Mayaman
-
7
5.
Gawain E. 2: Ibigay ang kahulugan!
Panuto: Ibigay ang kasalungat na kahulugan ng mga salita. Isulat sa inyong kuwaderno.
1. Malaki-
2. Malapit- 3. Bago- 4. Malawak-
5. Mainit-
Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang letrang tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot. 1. Aling pares ng salita ang magkasalungat?
A. mahirap-mayaman C. mapurol - matalas B. mahirap-kurap D. madali - matalas
2. Ano ang kasingkahulugan ng salitang tanyag?
A. hinahangaan C. magaling B. kinatatakutan D. popular
3. Alin pares ng salita ang magkasingkahulugan?
A. kalumbayan-kalungkutan C. liwanag - dilim B. saya-lungkot D. ahas - hayop
4. Ano ang kasalungat na kahulugan ng salitang nakasulat ng pahilig sa pangungusap na mga unang tao ang mga Aeta?
A. huli C. sinauna B. luma D. ninuno
Karunungan
-
8
5. Ano ang kasingkahulugan ng salitang watak-watak sa pangungusap na watak-watak ang mga Pilipino.
A. sabay-sabay C. hiwa-hiwalay B. sama-sama D. bigkis-bigkis
6. Sa pangungusap na pandak ang mga bebe ni Nene. Ano ang kasalungat na kahulugan ng salitang pandak?
A. maliit C. matangkad B. mataba D. mabilog
7. Malapit sa dagat at ilog ang tirahan.Ano ang kasalungat sa salitang malapit?
A. malayo C. matangkad B. mataas D. mabilog
8. Ano ang kasalungat na kahulugan ng salitang nagpaulit-ulit? A. nagpipirmi C. nagpapalapit B. nagpapalayo D. nagpabalik-balik
9. Magiting si Jose Rizal. Siya ay________.Ano ang tamang kasingkahulugan
sa salitang magiting? A. mabilis C. mayaman B. matapang D. matipid
10. Ano ang Kasingkahulugan ng salitang makislap? A. madilim C. mabagal B. makinang D. matulin
11. Ano ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap na” si Kabesang Tales ay may dala-dalang rebolber?
A. baril C.itak B. kutsilyo D. palakol
12. Ano ang kasingkahulugan ng salitang salungguhit na ginamit sa
pangungusap na si Karlo ay maligaya sa kanyang nakuhang parangal?
A. masaya C. malungkot B. malumbay D. masigasig
13. Ano ang kasalungat na kahulugan ng salitang malumbay ang buhay?
A. masaya C. mabuhay B. malungkot D. mamatay
14. Ano ang kasalungat na kahulugan sa salitang payapa na lungsod? A. tahimik C. masalimuot B. maingay D. masaya
15. Ano ang kasalungat ng salitang may salungguhit sa pangungusap na masyadong malakas ang pagkasampal sa mukha kaya ang lakas ng iyak?
A. mabilis C. mayaman B. matipuno D. mahina
-
9
Karagdagang Gawain
Gawain 1:
Panuto: Magbigay ng sampung salita. Ibigay ang kasingkahulugan at
kasalungat na kahulugan.Isulat sa inyong kwaderno.
Gawain 1.1
Panuto: Sumalat ng isang saknong ng tula na may apat na taludtod. Gamitan
ng mga salitang magkasingkahulugan at kasalungat na kahulugan tula.
Pamantayan ng Pagmamarka
15 10 5
Pagkakabuo
Angkop at
wasto ang mga salitang ginamit sa pagbubuo.
May iilang
salitang ginamit na hindi angkop at wasto.
Walang
kaugnayan at hindi wasto ang mga salitang ginamit.
Nilalaman
Mabisang naipahayag ang mensahe ng tula.
Hindi gaanong naipahayag ng mabisa ang mensahe ng tula.
Hindi naipahayag nang mabisa ang nilalaman ng tula.
-
10
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
AKLAT:
Ikalawang edisyon Pinagyamang Pluma 8
Bulwagan 8 (Kamalayan sa Gramatika at Panitikan)
Panitikang Pilipino 8
INTERNET:
www.Fhk.usm.ac.id
https://brainly.ph
https:www.slideshare.net
https:lesson worksheet.com
Pagtataya
1. A 2. D 3. A 4. A 5. C 6. A 7. A 8. D
9. B 10. B
http://www.fhk.usm.ac.id/https://brainly.ph/