Download - Thesis About Stem Cell Treatment
Kabisaan ng Stem Cell Treatment bilang Alternatibong Gamot sa Kanser ayon sa Pananaw
Ng mga piling Mag-aaral na kumukuha ng Kursong Medtech na nasa Unang Antas ng
Our Lady of Fatima University Quezon City
Isang pamanahong Papel na Iniharap
sa Departamentong Filipino sa Our Lady of Fatima University
Lungsod Quezon
Bilang Pagtupad sa isa sa mga Pangangailangan
ng Asignaturang Filipino 2A
Ipinasa nina:
Roiland A. Baybayon
Donalee Miles A. Reguindin
Patricia Ann B. Yutuc
Michelle Rona J. Zamora
MT 1A2-2
Marso 2013
ABSTRAKTO
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong masuri ang kabisaan ng Stem Cell Treatment bilang
isang alternatibong panggamot sa kanser sa larangan ng medisina. Gayundin ang pag-aaral kung
saan ito maaaring magmula.
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong magbigay ng sapat na kaalaman ukol sa Stem
Cell. Ito rin ay maaaring magsilbing gabay at magbigay ng sapat na impormasyon ukol sa
paksa at sa paraan ng mga gamutan na ginagamit ang nasabing proseso. Sa riserts ding ito,
ipinapahayag ang ilan sa mga naging epekto at bunga ng Stem Cell Treatment ayon sa mga taong
nakaranas at sumailalim na sa prosesong ito.
Layunin ng pananaliksik na ito na mabigyan ang mga mambabasa at mga mag-aaral ng
mga karagdagang impormasyon at mga kaalaman na may kinalaman sa proseso ng Stem Cell
Treatment.
Sa kabuuan, naipakita sa pamamagitan ng kumpletong impormasyon at mga datos ang
mga nais na kasagutan. Gaya na lamang ng unang datos na siyang nagpakita na ang mga mag-
aaral sa unang antas ng MedTech mula sa Our Lady of Fatima University Quezon City na may
tatlumpu’t-isa (31) mula sa kabuuang bilang na tatlumpu’t-pito (37) ang batid ang Stem Cell
Treatment bilang isang paraan ng panggagamot sa kanser na napapanahon ngayon. Naipakita rin
ang sapat na impormasyon sa mga sumunod na talahanayan gayundin ang kalakip na datos ukol
dito.
DAHON NG PAGPAPATIBAY
Bilang pagtupad sa isa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino 2A:
Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong papel na ito na
pinamagatang “Kabisaan ng Stem Cell Treatment bilang Alternatibong Gamot sa
Kanser ayon sa Pananaw ng mga Mag-aaral na Kumukuha ng Kursong Medtech
na nasa Unang Antas ng Our Lady of Fatima University Quezon City” ay inihanda
ng unang pangkat ng mga mananaliksik mula sa MT 1A2-2 na binubuo nina:
Roiland Baybayon Danica Joy Muyco
Marry Geal Capadosa Donalee Miles Reguindin
Cherry Mae Cortado Florence Talam
Joyce Ann Lomboy Patricia Ann Yutuc
Kayle Winnie Rose Miranda Michelle Rona Zamora
Tinanggap sa ngalan ng Kagawaran ng Filipino, Our Lady of Fatima
University, bilang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino 2A:
Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.
Gng. Rosalinda A. Jerusalem
Propesor ng Filipino 2
i
DAHON NG PASASALAMAT
Taos pusong pinasasalamatan ng mga mananaliksik ang mga taong naging
malaking bahagi sa pagsasagawa ng pananaliksik na ito. Unang-una ay sa Poong
Maykapal sa Siyang pinagmulan ng kanilang kaalaman at katalinuhan, ng lakas ng
katawan, at nagbuhos sa mga mananaliksik ng mga biyaya para sa ikatatapos ng
gawaing ito.
Nagpapasalamat din ang mga mananaliksik sa kanilang mga magulang sa
suportang pinansyal at sa pagpapatibay ng loob at panghihikayat na tapusin ang
nasimulang gawain.
Pinasasalamatan din ng mga mananaliksik si Gng. Rosalinda Jerusalem sa mga
payo at mga suhestiyong naibahagi sa kanila, sa pagtuturo ng mga bagay na dapat
isaalang-alang sa paglikha ng gawaing ito, sa oras at panahong iniukol upang ganap na
matapos ang pananaliksik na ito at sa pagmumulat kung ano ang tunay na dahilan sa
paglikha ng gawaing ito.
Kasama rin sa kanilang pinasasalamatan si Bb. Jocelyn Burabo sa tulong at sa
gabay upang mas lalong maging matagumpay ang resulta ng pag-aaral na ito, pati narin
kay Bb. Kim Villantes, ang tagapangasiwa sa silid-aklatan, na hinayaan kaming gamitin
ito bilang aming tunguhan sa paggawa at pagkalap ng mga kailangang impormasyon.
Gayundin, pinasasalamatan ng mga mananaliksik ang kanilang mga kamag-aral,
mga kaibigan, lalo na ang mga respondente na tumulong at nagbigay ng kanilang
mga ideya para sa ikatatapos ng pananaliksik na ito.
Mga Mananaliksik
ii
TALAAN NG NILALAMAN
Kabanata I, Ang Suliranin at Kaligiran Nito
Introduksyon-------------------------------------------------------------------------------1
Layunin ng Pag-aaral---------------------------------------------------------------------3
Kahalagahan ng Pag-aaral-------------------------------------------------------------- 3
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral--------------------------------------------------- 4
Depinisyon ng mga Terminolohiya-----------------------------------------------------5
Kabanata II, Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura----------------------------------6
Kabanata III, Disenyo at Paraan ng Pananaliksik
Disenyo ng Pananaliksik-----------------------------------------------------------------10 Mga Respondente-------------------------------------------------------------------------10Instrumentong Pananaliksik-------------------------------------------------------------10Tritment ng mga Datos------------------------------------------------------------------ 11
Kabanata IV, Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos---------------------------12
Kabanata V, Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon
Lagom------------------------------------------------------------------------------------- 18Rekomendasyon------------------------------------------------------------------------- 19Kongklusyon----------------------------------------------------------------------------- 19
Listahan ng mga Sanggunian----------------------------------------------------------------- 21
Apendiks
A. Sarbey-Kwestyoneyr A----------------------------------------------------------------- 22
iii
KABANATA I
Ang Suliranin at Sanlingan ng Pag-aaral
INTRODUKSYON/PANIMULA
Ayon kay Drews, “Nilikha ng Panginoon ang tao ayon sa kanyang imahe na
taglay ang angkop na talino” (2006). Isang bunga na nga ng kakayahang ito
ay ang pagkakaimbento ng Stem Cell Treatment na nilikha upang magsilbing
alternatibong paraan ng panggagamot sa ilang mga sakit tulad ng kanser.
Ang proseso ng Stem Cell Treatment ay karaniwang ginagamit ng mga ospital at
laboratoryo sa Europa at Amerika. Ang nasabing proseso ng panggagamot ay nagsimula
noong ikalabing-walong siglo. Ilan sa mga bansang nagpapatutupad ng mahigpit na
polisiya ukol sa Stem Cell ay ang mga bansang Australia, Belgium, China, India, Israel,
Germany, Ireland, Italy, Japan, Norway at Poland. Ang mga nasabing bansa ay
nagpupursiging ipanukala ang mga posibilidad na maaaring idulot ng Stem Cell.
Hinihikayat nila ang mga siyentipiko na magkaroon ng malawakang pag-aaral
ukol sa pinagmulan at kung paano isinasagawa ang proseso ng nasabing alternatibong
paraan ng panggagamot. Ayon naman sa librong Stem Cell for Dummies (2010) nina
Lawrence S.B. Goldstein, PhD at Megan Schneider, ang stem cell ay isang uri ng
cell na may dalawang mahalagang katangian: maaari itong mag “self-renew” para
sa mahabang panahon at maaari itong magbigay daan sa mga bago at mas
malulusog na cell.
Ayon naman sa Wikipedia, isa itong mahusay na pamamaraan ng pagbuhay ng
mga nasirang tissue. Maraming mananaliksik ang naniniwalang ang Stem Cell ay may
kakayahang baguhin ang persepsyon ng mga tao ukol sa paggamot ng mga sakit.
Umaasa ang mga mananaliksik na ang pag-aaral na ito ay lubos na
makatutulong sa bawat mambabasa na lalong maunawaan at malaman ang
kabisaan ng Stem Cell Treatment bilang alternatibong gamot sa mga piling
uri ng kanser.
Layunin at Suliranin ng Pag-aaral
Ang pamanahong papel na ito ay nagnanais na magbigay ng impormasyon ukol sa
kabisaan ng Stem Cell Treatment bilang isang alternatibong paraan ng panggagamot.
Suliranin
1. Ano ang Stem Cell?
2. Mabisa ba ang Stem Cell Treatment bilang alternatibong pang-gamot sa kanser
tulad ng:
a. Leukemia o kanser sa dugo
b. Breast Cancer
3. Sino ang mga maaaring sumailalim sa proseso ng Stem Cell Treatment?
4. Saan maaaring kuhain ang mga stem cell na maaaring gamitin sa
panggagamot?
5. Anu-ano ang mga posibleng magagandang epektong maidudulot sa katawan ng
stem cell makatapos sumailalim sa prosesong ito?
Kahalagahan ng Pag-aaral
Naniniwala ang mga mananaliksik na mahalagang maging bukas ang ating mga
isipan ukol sa ideya ng Stem Cell Treatment dahil ito ay may malaking epekto sa
kasalukuyang henerasyon ng medisina. At ganun din, magkaroon ng malawak na
kaalaman ang bawat mambabasa ukol sa Stem Cell Treatment.
Maliban dito, naniniwala din sila na maaari itong makatulong sa pagbibigay
linaw sa ilang mga katanungang naglalaro sa isipan ng mga mambabasa.
Saklaw at Limitasyon
Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangkang malaman ang kahandaan at
damdamin sa pananaliksik sa paksang “ Ang Kabisaan Ng Stem Cell Treatment Ayon Sa
Pananaw Ng Mga Piling Mag-aaral Sa Unang Antas ng Medtech ng Our Lady of
Fatima University Quezon City” sa taong 2012-2013.
Gamit ang disenyong deskriptiv, ang mga mananaliksik ay nag-disenyo ng
sarbey-kwestyoneyr na pinasagutan sa apatnapu’t walong (48) respondente na nasa
unang antas ng Medtech sa Our Lady of Fatima University Quezon City.
Definisyon/Kahulugan ng mga Terminolohiya
Para sa layunin ng ganap na pagka-unawa sa paksa, ang mga sumusunod na mga
terminolohiya ay minarapat na bigyan ng kaukulang siyentipikal na definisyon, kung
gayon, batay sa kung paano ginamit ang mga salita sa pamanahong papel na ito.
Bone Marrow- ay isang “flexible tissue” na matatagpuan sa loob ng buto.
Breast Cancer- uri ng kanser na nagmula sa “breast tissue” na ang kadalasang
nakararamdam nito ay ang mga kababaihan kumpara sa mga kalalakihan.
Cardiac Therapy- uri ng panggagamot sa taong nakararanas ng sakit sa puso at iba pang
problema mula rito.
Cord Blood- isang halimbawa ng dugo na kinukuha mula sa “umbilical cord” ng mga
bagong silang na sanggol.
Differentiated Cells- isang uri ng selula na nabubuhay muli habang nasa panahon pa ng
pag-usbong mula sa “fertilized egg”
Embryo- isang uri ng multi-selular o maramihang selulang diployd na kailangan sa
paglikha ng mga bagay na may buhay.
Leukemia- isang uri ng kanser sa dugo na nagpapakita ng hindi normal na pagdami o
pagtaas ng bilang ng white blood cells (WBC) sa katawan.
Protokol- listahan o talaan ng kasunduan.
Regenerate- mabuo o mabuong muli; mabuhay muli
Self-renew- may kakayahang sumailalim ng higit na siklo upang mabuhay.
Stem Cell- isang uri ng cell na may buhay na matatagpuan sa lahat ng multi-selular na
organismo na may kakayahang mag-parte sa iba’t-ibang uri ng selula.
Stem Cell Treatment- ay isang estratihiyang ginagamit sa pagpapakilala sa mga lumang
stem cells ng mga batang uri ng stem cells tungo sa mga nasirang tissue upang magamot
ang isang karamdaman o pinsala.
Tissue- bahagi ng organismo na naglalaman ng maraming selula na mayroong
pagkakatulad sa kaanyuan at gamit.
KABANATA II
Mga kaugnay na Pag-aaral at Literatura
Ang bahaging ito ay naglalaman ng akademiko, mga propesyonal na babasahin at
mga artikulong nailathala sa media sa nasabing uri ng pag-aaral. Nagbibigay rin ito ng
higit na kaalaman at impormasyon sa mga mambabasa batay sa mga literatura at mga
pag-aaral na nakapaloob sa pananaliksik na ito. Kasama rin ang ilang mga bahaging
makapag-bibigay impormasyon ukol sa kabisaan ng Stem Cell Treatment bilang
alternatibong paraan ng panggagamot sa mga piling uri ng kanser lalo na sa mundo ng
medisina.
Dayuhang Literatura
Ayon kay Goldstein, na may akda ng Stem Cell for Dummies (2010), ang mga
stem cells ay may malaking potensyal na baguhin ng lubusan ang mundo ng medisina,
hindi lamang upang gamutin ang iba’t-ibang uri ng mga sakit, kung hindi upang
ipaunawa ng lubusan kung paano ito nabubuo, na siyang nagbibigay daan sa
paglikha ng mas epektibong panggamot sa mga naturang sakit at nagbibigay
ng malaking oportunidad sa mga tao na mabuhay ng mas normal. Tiyak na marami
pang taon ang gugugulin ng mga eksperto bago ito mas maging katanggap-tanggap
bilang isang epektibong uri ng panggagamot.
Ayon sa dyornal na pinamagatang Understanding Stem Cells ng National
Academy of Sciences (2001), ang stem cell ay isang“specialized” at“differentiated” na
cell na nagsasagawa ng espesipikong gawain sa ating katawan. Ang stem cells
ay may kakayahang “mag-regenerate” o gumawa ng mga bagong espesyal na uri ng
cells. Ito ang dahilan kung bakit ito ay nakatawag ng pansin sa mga siyentipikong
nagnanais na makalikha ng panibagong paraan ng panggagamot na papalit sa mga
napinsalang selula.
Batay sa pananaliksik na isinagawa nina Ernest A. McCulloch at James E. Till
noong 1960, napatunayan nila na ang stem cell treatment ay isang paraan ng
panggagamot na gumagamit ng stem cells upang “ma-regenerate” ang mga
napinsalang selula na kadalasang sanhi ng mga delikadong sakit tulad ng kanser.
Isa sa mga uri ng kanser na maaari nitong malunasan ay ang leukemia o kanser sa
dugo na isa sa mga delikadong uri ng kanser. Isa sa mga patunay na epektibo ang Stem
Cell Treatment ay si Bill Matthaie na may plasma cell leukemia na matapos ang ilang
taong gamutan ay napagaling ng paraan ng panggagamot na ito.
Lokal na Literatura
Ang nasabing pamamaraan ay nakarating narin sa bansa at kasalukuyang inaalok
ng ilang mga institusyong medikal na may kapasidad na isagawa ang proseso ng nasabing
gamutan. Ilan na nga sa mga nakasubok nito ay ang mag-asawang Albert at Liezl
Martinez. Ayon kay Albert, ang stem cell treatment ang dahilan kung bakit naging
cancer-free ang kanyang asawa matapos sumailalim sa ganitong uri ng gamutan
sa The Medical City.
"If you give stem cells to a person, pumupunta naman talaga sila sa injured organ,
nakaka-repair na talaga sila, hindi na yun theory, meron nang ebidensya.", isang panayam
mula kay Dr. De Vera, isang espesyalista ng cancer at radiation therapy sa The Medical
City na nag-aalok nito simula pa nung taong 2005 at nagkaroon na ng humigit
kumulang sa 300 pasyente kung saan karamihan dito ay mga pasyenteng may kanser,
dahil dito mas lalong napatunayan ang kabisaan ng Stem Cell Treatment.
Isa pa ngang patunay sa kabisaan ng nasabing panggagamot ay ang pag-amin sa
isang interbyu sa INQUIRER.net ng dating senador na si Ernesto Maceda Jr., na may
edad 77, na siya ay sumailalim na sa nasabing paraan ng gamutan noong Marso 2012
sa Germany. Ayon sa kanya, nakatulong ng lubos sa kanyang paglakas at pagbuti ng
kalusugan ang pagpapagamot gamit ang proseso ng Stem Cell Treatment na ayon sa
kanya ay tatagal lamang ng halos dalawampung (20) minuto. Gayundin ang pag-
amin nina dating pangulong Joseph Estrada na may edad 75 at ni Senate President
Juan Ponce Enrile na may edad 88, na sila ay sumailalim narin sa ganitong uri ng
panggagamot.
Dayuhang Pag-aaral
Marami ring pag-aaral ang isinagawa sa ibang bansa upang matukoy kung
talagang epektibo ang stem cell. Ayon kay Thompson ng Unibersidad ng Wisconsin,
maaaring magbigay o makalikha ng iba’t-ibang uri ng cell sa pamamagitan ng
pagmamanipula sa mga tissue. Ang bone marrow ay may kakayahan ding lumikha ng cell
na maaaring gamitin sa gamutan.
Ayon kay Donald Orlic, isang dalubhasa mula sa National Human Genome
Research Institute, “Ang batang stem cell na maaaring makuha sa bone marrow may
kakayahang magbigay lunas at ayusin ang mga nasirang tissue”. Isang patunay na nga
rito ay ang paggamit ni Orlic at Taylor ng nasabing proseso sa isang pasyenteng
inatake sa puso. Naisaayos ang mga nasirang tissue sa puso sa pamamagitan ng paglipat
ng bone marrow sa sarili nitong stem cell. Nakumpirma ang protokol na ito sa Japan na
ang baradong ugat sa puso ay nagkaroon ng magandang daloy ng dugo sa
pamamagitan ng pagsasama ng bone marrow at stem cell sa isang pasyente.
Taong 2003 lumaganap ang panukala na ang pamamahala ukol sa stem cell ay
naisalin na ng Brazil sa Germany at sila na ngayon ang itinatanghal na namamahala
pagdating sa “cardiac therapy” gamit ang Stem Cell Treatment.
Lokal na Pag-aaral
Ayon kay DOH Secretary Enrique Ona, ang “consultative working task force” ng
kagawaran ay nagtipun-tipon upang pangasiwaan ang lumalagong popularidad ng
teknolohiya ng stem cell sa mga Pilipino.
Ipinag-utos ni Ona ang paglikha ng isang “task force” matapos niyang mapansin
ang lumalagong bilang ng mga pasilidad na pangmedisina na nag-aalok ng mga
serbisyong may kaugnayang sa stem cell treatment. Siya rin ay nababahala sa posibleng
paggamit ng mga “aborted fetuses” at “human embryos” para sa nasabing paraan ng
panggagamot.
Ang nasabing task force ay binubuo nina Dr. Kenneth Hartigan-Go, ang acting
director ng Food and Drug Administration, Dr. Jaime Montoya, ang director ng
Philippine Council for Health Research and Development at mga piling siyentipiko mula
sa National Institute of Health and Marine Science ng Unibersidad ng Pilipinas.
KABANATA III
Disenyo at Paraan ng Pananaliksik
Disenyo ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamaraang deskriptiv. Inilalarawan dito
na ang stem cell treatment ay isang alternatibong paraan ng panggagamot sa mga piling
uri ng kanser. Minarapat din ng mga mananaliksik na suriin at alamin ang persepsyon at
ang pagkaunawa ng mga mananaliksik sa nasabing paksa.
Respondente
Ang mga respondenteng ginamit sa pag-aaral na ito ay ang mga piling mag-aaral
ng Medical Technology sa unang antas ng Our Lady of Fatima University
(QC Campus). Ang mga napili at ang mga sumagot na respondente ay may kabuuang
bilang na apatnapu’t walo (48).
Instrumento ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay ginamitan ng sarbey sa pamamagitan ng paggawa ng
mga talatanungan na pinasagutan sa mga napiling respondente, na may layuning
makapangalap ng sapat na datos upang masuri ang damdamin at ang pagkaunawa ng
mga respondente sa nasabing paksa. Bukod pa rito, ang mga mananaliksik ay
nangalap ng mga impormasyon sa silid-aklatan, sa internet at sa mga piling
babasahin mula sa aklat, dyornals, at mga artikulong may kaugnayan at kontribusyon
sa aming paksa. Minarapat din ng mga mananaliksik na gumamit ng diksyunaryo
upang makatulong sa pagsasalin ng mga salitang Ingles sa Tagalog.
Paraan ng Pag-aaral
Ang pamanahong papel na ito ay isa lamang sa mga pangangailangan sa
asignaturang Filipino 2A: Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, kaya’t minarapat
ng mga mananaliksik na walang gawing pagtatangka upang suriin ang mga datos sa
pananaliksik na ito na gamit ang mga matataas at mga kumplikadong istatistikal
na pamamaraan ng pananaliksik.
Bilang o dami lamang lamang ng mga pumili sa bawat tanong na may pagpipilian
batay sa sarbey-kwestyoneyr ang inalam ng mga mananaliksik. Samakatwid, pagta-tally
lamang at pagkuha ng porsyento sa bawat sagot ng mga respondente ang minarapat
na gawin ng mga mananaliksik. Sapagkat apatnapu’t walo (48) lamang ang kabuuang
bilang ng mga repondente kaya’t naging mas madali para sa mga mananaliksik na gawin
at kuhain ang porsyento ng bawat datos sa pananaliksik.
Tritment ng mga Datos
Ang mga datos na nakalap mula sa mga respondent ay isinaayos sa sistematikong
paraan upang matamo ang mga tamang impormasyon na may kaugnayan sa bawat
elemento ng target na populasyon.
Ang istatistikal na tritment ng mga datos na ginamit upang makamtan ang
kabuuang porsyento ng mga kasagutan ayon sa pananaw ng mga respondente sa bawat
katanungan ay ang paggamit ng percentage formula tulad ng ipinapakita sa ibaba:
P= FN
× 100
Kung saan ang:
P = porsyento
F = bilang ng mga sumagot
N = kabuuang bilang ng mga respondente
KABANATA IV
Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos
Natuklasan sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na datos at impormasyon:
Grap Blg. 1
98%
2%
Pananaw ng mga Respondente ukol sa kung ano ang Stem Cell
Isang uri ng "cell' na may kakayahang mag-"regenerate" o gumawa ng isang espesyal na uri ng cellIsang uri ng "cell" na walang tu-long sa katawanIba pang sagot
Ipinapakita sa grap blg. 1 ang pananaw ng mga respondente ukol sa kung
ano ang Stem Cell. Sa apatnapu’t walong (48) respondente, apatnapu’t pito (47) o
siyamnapu’t walong bahagdan (98%) ang sumagot na ang Stem Cell daw ay isang uri ng
"cell” na may kakayahang mag-"regenerate" o gumawa ng isang espesyal na uri ng
cell, wala (0%) naman ang sumagot na ito raw ay isang uri ng "cell" na walang tulong sa
katawan, habang isa (1) o dalawang bahagdan (2%) naman ang may ibang kasagutan
tulad ng “isang uri ng kemikal na galing sa tupa”.
Grap Blg. 2
Ipinapakita sa grap blg.2 ang pananaw ng mga respondente ukol sa kabisaan ng
Stem Cell Treatment bilang panggamot sa Leukemia. Sa apatnapu’t walong (48)
respondente, tatlumpu’t tatlo (33) o animnapu’t siyam na bahagdan(69%) ang sumasang-
ayon na mabisa ang Stem Cell Treatment bilang panggamot sa Leukemia, labing-isa (11)
o dalawampu’t tatlong bahagdan (23%) ang sumagot ng hindi, habang apat (4) o walong
bahagdan (8%) naman ang may ibang kasagutan tulad ng “maari” at “hindi sigurado”.
Oo69%
Hindi23%
Iba pang sagot8%
Pananaw ng mga Respondente ukol sa Kabisaan ng Stem Cell Treatment bilang
Panggamot sa Leukemia
Grap Blg. 3
Embryo Cord Bone Marrow Iba pang sagot0.00%
10.00%20.00%30.00%40.00%50.00%60.00%70.00%80.00%90.00%
100.00%
47.90%
37.50%
14.58%
Pananaw ng mga Respondente ukol sa mga Maaaring Pagkuhaan ng Stem Cell na
Gagamitin para sa Panggagamot
Porsyento ng mga Responden-teng Sumagot
Ipinapakita sa grap blg. 3 ang pananaw ng mga respondente ukol sa mga maaaring
pagkuhaan ng stem cell na gagamitin para sa panggagamot.
Sa apatnapu’t walong (48) respondente, lumalabas na dalawampu’t tatlo (23) o
47.9% ng kabuuang bilang ng mga respondente ang nagsabing ang embryo cord ay
maaaring pagkuhaan ng stem cell para sa gamutan, labingwalo (18) o 37.50% ang
nagsabing maaari ring kumuha ng stem cells sa bone marrow at pito (7) o 14.58% ang
nagbigay pa ng ibang kasagutan.
Grap Blg. 4
Gumaling sa Karamdamang
Kanser77%
Walang Magandang Epekto
4%
Iba pang sagot19%
Pananaw ng mga Respondente ukol sa Posibleng Maging Epekto sa Katawan Mat-
apos Sumailalim sa Stem Cell Treatment
Ipinapakita sa grap blg. 4 ang pananaw ng mga respondente ukol sa posibleng maging
epekto sa katawan matapos sumailalim sa stem cell treatment.
Sa apatnapu’t walong (48) respondent, tatlumpu’t pito (37) ang naniniwalang
gagaling sa karamdaman tulad ng kanser ang maaari nitong maging epekto sa katawan
matapos sumailalim sa tritment na ito, dalawa (2) o 4% ang nagsabing wala itong
magandang epekto sa katawan at siyam (9) o 19% ang nagbigay ng iba pang kasagutan.
Grap Blg. 5
Oo77%
Hindi15%
Iba pang sagot8%
Porsyento ng mga Respondenteng Sang-ayon sa Stem Cell Treatment
Ipinapakita sa grap blg.5 ang porsyento ng mga respondenteng sumasang-ayon
sa Stem Cell Treatment. Sa apatnapu’t walong (48) respondente, tatlumpu’t pito (37)
o pitumpu’t pitong bahagdan (77%) ang sumasang-ayon sa proseso ng Stem Cell
Treatment , pito (7) o labinlimang bahagdan (15%) ang sumagot na hindi sila
sumasang-ayon sa proseso, habang apat (4) o walong bahagdan (8%) naman ang may
ibang kasagutan tulad ng “neutral” at “depende”.
KABANATA V
Lagom, Rekomendasyon at Kongklusyon
Lagom
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong ipakita ang lahat ng mga mahahalagang
datos na nakalap na may kahalagahan sa pananaliksik.
1. Kasarian – Ang mga respondente ayon sa kanilang kasarian ay halos mga babae
na may 81% at ang mga lalaki naman ay 19%. Ang kabuuang bilang ng mga
respondente ay apatnapu’t walo (48).
2. Edad at Bilang- Ang mga respondente ayon sa edad ay mula 16-25. Ang mga
respondenteng edad 16 ay may bilang na labintatlo (13) o 27.08% ng kabuuang
bilang ng mga respondente. Ang mga respondenteng edad 17 ay may bilang
naman na dalawapu’t apat (24) o 50% ng kabuuang populasyon. Ang mga may
edad 18 ay may bilang na pito (7) o 14.58% ng kabuuang bilang ng mga
respondente. Ang mga respondenteng may edad 22 ay may bilang na dalawa (2) o
4.16% ng buong populasyon. Ang mga may edad 24 at 25 ay parehong may
bilang na tig-isa o parehong may 2.08% na bilang mula sa kabuuang populasyon
ng mga respondente.
3. Interpretasyon – Ayon naman sa mga datos na nakalap mula sa katanungan na
kung ano ang kanilang pananaw ukol sa proseso ng Stem Cell Treatment,
tatlumpu’t pito (37) o 77.08% ng mga respondente ang sang-ayon sa proseso ng
paggamit nito, pito (7) o 14.58% nito ang hindi sang-ayon ukol dito at apat (4) o
8.33% ang meron pang ibang ideya ukol sa usaping ito.
Rekomendasyon
Kaugnay ng mga kongklusyon ay buong pagpapakumbaba na mabigyang pansin
ang mga rekomendasyon ng mga mananaliksik sa mga sumusunod:
Para sa mga mambabasa, nawa’y mas lalong pag-igihan at maging bukas ang
kaisipan ukol sa ideya ng Stem Cell Treatment. Nawa’y mas maging masikap pa
sa pagbabasa ng mga libro at iba pang mapagkukuhaan ng sapat na impormasyon tungkol
sa stem cell at ang mga prosesong nakapaloob dito.
Para sa may mga sakit, tulad ng leukemia, breast cancer at iba pang uri ng kanser,
nawa’y huwag matakot na subukan ang mga bagong teknolohiya sa panahon ngayon
lalo na ang stem cell treatment dahil ito ay makatutulong ng lubos sa kanilang
mga karamdaman. Bagamat ito ay may kamahalan ngunit may ilang mga testimonya
naman na kung saan ay nagpapatunay na ang Stem Cell Treatment ay isang mabisang
alternatinong gamot para sa kanser.
Para naman sa mga taong nakatuklas ng ganitong pamamaraan. Nawa’y
paghusayan at pag-igihan pa ang pagsusuri sa Stem Cell Treatment nang sa gayon ay
marami pa sa ating mamamayan ang matulungan ng nasabing pamamaraan ng
panggagamot.
Para sa mga doktor na nag-poproseso ng ganitong uri ng panggagamot, nawa’y
mas lalo pang ibuhos ang kanilang mga kaalaman at mga kakayahan para sa ikabubuti
ng mga taong sasailalim pa sa ganitong uri ng gamutan sa hinaharap.
Kongklusyon
Batay sa mga inilahad na mga datos mula sa pananaw ng mga napiling
respondente, ang mga mananaliksik ay nagbigay ng mga pagpapatibay ng mga
kongklusyon:
A. Ang stem cell ay isang uri ng selula na may kakayahang “mag-regenerate” o
gumawa ng isang espesyal na uri ng cell.
B. Ang Stem Cell Treatment ay isang mabisang alternatibong panggamot sa
leukemia o kanser sa dugo batay narin sa mga kasagutan ng mga respondente.
C. Ang Stem Cell Treatment ay mabisa rin sa pagbibigay lunas at pagpapagaling
ng mga taong may sakit na kanser tulad ng Breast Cancer.
D. Ilan sa mga maaaring mapagkuhaan ng stem cell na maaaring gamitin sa
gamutan ay mula sa embryo cord at bone marrow.
E. Ang mga taong maaaring sumailalim sa proseso ng Stem Cell Treatment ay
ang mga taong may mga sakit tulad ng leukemia at breast cancer at ang mga
taong nais naring magpabata.
F. Ang ilan sa mga magagandang maidudulot ng pagsailalim sa proseso ng Stem
Cell Treatment ay ang paggaling sa mga naturang sakit lalo na sa mga may
leukemia at breast cancer, gayun din ang mga nais na bumata ang mga mukha.
G. Ang Stem Cell Treatment ay isang mabisang uri ng panggagamot sa mga
piling uri ng kanser tulad ng leukemia o kanser sa dugo at sa breast cancer.
Listahan ng mga Sanggunian
Aklat
Laurence S.B. Goldstein, PhD, Meg Schneider ; Stem Cell for Dummies,
Indianapolis,Indiana
Taner Demirer 2013. Innovations in Stem Cell Transplantation
Journals
Dr. Clark Wolf, Michael A. Stanfield; Case Study; Stem Cell Research Spring 2009
Kristin Matthews PhD.; A Science and Policy Overview Updated, September 2009
Internet
http://gslc.genetics.utah.pdu
www.stemcelltreatment.org. (The New Age of Stem Cell Therapy Transplant Treatment Financing)
http://en.wikipedia.org/wiki/Stem_cell_treatment
http://www.stembook.org/node/709
http://www.interaksyon.com/article/47728/doh-to-issue-guidelines-on-stem-cell-treatment-in-philippines
www.pep.ph/news/35576/albert-martinez-claims-stem-cell-therapy-cleared-wife-liezl-martinez-of-breast-cancer
APENDIKS
Talatanungan ukol sa Stem Cell
Panuto: Punan ng angkop na impormasyon o datos ang mga kasunod na patlang. Kung may pagpipilian, bilugan lamang ang letra ng iyong sagot.
1. Pangalan : _________________________________________2. Kasarian: _______________________________________________
Edad: _________________________________________________
3.Sa iyong palagay ano ang Stem Cell?A. Isang uri ng cell na maaaring mag regenerate o gumawa ng isang espesyal na uri ng
cell.B. Isang uri ng cell na walang tulong sa katawan
Iba pang sagot: ___________________________________
4. Mabisa ba ang Stem Cell Treatment bilang alternatibong panggamot sa leukemia o kanser sa dugo?
A. OO
B. Hindi
Iba apang sagot: _________________________________
5. Mabisa ba ang Stem Cell treatment bilang alternatibong panggamot sa breast cancer?
A. OOB. Hindi
Iba pang sagot: ______________________________________
6. Saan maaring kuhain ang mga stem cell na maaring gamitin sa panggamot?
A. Embryo CordB. Bone marrow
Iba pang sagot :____________________________________
7. Sino ang maaring sumailalim sa proseso ng Stem Cell Treatment?
A. Mga taong nakararanas ng kanserB. Mga matatanda lamang.
Iba pang sagot : _____________________________________
8. Ano ang mga posibleng epektong maidudulot sa katawan ng Stem Cell Treatment makatapos sumailalalim sa proseso nito?
A. Gumaling sa karamdaman tulad ng kanserB. Walang magandang Epekto
Iba pang sagot : ____________________________________
9. Sang -ayon ka ba sa proseso ng Stem Cell Treatment?
A. OoB. Hindi
Iba pang sagot:____________________________________
Michelle Rona J. Zamora 31 Jocson St. San Pedro5 Tandang Sora Quezon City E-mail Address: [email protected] Contact number: 0935-798-6383
PERSONAL INFORMATION:
Present Address: 31 Jocson St. San Pedro5 Tandang Sora Quezon City
Permanent Address: Blk 96A Lot9 Ph IV Mabuhay City Dasmariñas Cavite
Date of Birth: July 15, 1995
Place of Birth : Quezon City
Sex: Female
Age: 17 y/o
Citizenship: Filipino
Civil Status: Single
Height: 5’1 Weight:
Religion: Catholic
Name of Father: Ronald Zamora
Occupation: Government employee
Name of Mother: Mary Jane Zamora
Occupation: House Wife
Language: Tagalog
EDUCATION:
Primary Level: Holy Redeemer School Year Graduated: 2006-2007
Address: Phase IV Blk 57 Lot 1 to 25 Mabuhay City
Secondary Level: Holy Redeemer School Year Graduated: 2010-2011
Address: Phase IV Blk 57 Lot 1 to 25 Mabuhay City
Tertiary Level: Our Lady of Fatima University
Address: #1 Ezperanza St., Hilltop Mansion Heights, Lagro, Quezon City
Course: Bachelor of Science in Medical Technology
CHARACTER REFERENCES:
Name: Delfin Pugal Contact number: 0928-981-9396
Occupation: Business Man
Name: Aurea Diamante Contact number: 0920-500-3514
Occupation: Photo Editing
Name: James Tejada Contact number: 0929-875-7724
Occupation: Professor `
I hereby certify that the above informations are true in the best o my knowledge and ability.
Michelle Rona J. Zamora
Roiland A. Baybayon #10 Quezon St., Dona Faustina Subd., San Bartolome, Novaliches,
Quezon CityE-Mail Address: [email protected]
Contact number: 09284873496
PERSONAL INFORMATION:
Date of Birth: April 26, 1996
Place of Birth: San Bartolome, Novaliches, Quezon City
Sex: Male
Age: 16 y/o
Citizenship: Filipino
Civil Status: Single
Religion: Catholic
Height: 5’3” inches Weight: 47 kilograms
Father: Rubin D. Baybayon
Occupation: Laborer
Mother: Miriam P. Atienza
Occupation: Overseas Filipino Worker
Language: English, Tagalog, Caray-a
EDUCATION:
Primary Level: Dumangeña Bible Baptist Christian Academy Year Graduated: 2008
Address: Dumangeña, Narra, Palawan
Secondary Level: San Francisco Javier College Year Graduated: 2012
Address: Narra, Palawan
Tertiary Level: Our Lady of Fatima University
Address: #1 Ezperanza St., Hilltop Mansion Heights, Lagro, Quezon City
Course: Bachelor of Science in Medical Technology
CHARACTER REFERENCES:
Name Occupation Address
Ms. Carmencita E. Nolan Teacher San Francisco Javier College, Narra, Palawan
Sr. Marilyn N. Cula, A.R Dean San Francisco Javier College, Narra, Palawan
Mr. Alfred A. Alegado Teacher San Francisco Javier College, Narra, Palawan
`
I hereby certify that the above informations true in the best of my knowledge and ability.
Roiland A. Baybayon
Patricia Ann B. Yutuc 957 Jasmin St., Bo. San Jose, Tala, Caloocan City E-mail Address: [email protected]
Contact number: 09198717428
PERSONAL INFORMATION:
Date of Birth: September 12, 1996
Place of Birth: Angeles City, Pampanga
Sex: Female
Age: 16 y/o
Citizenship: Filipino
Civil Status: Single
Religion: Catholic
Height: 5’3” inches Weight: 55 kilograms
Father: Arnel R. Yutuc
Occupation: Overseas Filipino Worker
Mother: Gloria B. Yutuc
Occupation: Housewife
Language: English, Tagalog
EDUCATION:
Primary Level: Sto. Niño Elementary School Year Graduated: 2008
Address: Bagong Silang, Caloocan City
Secondary Level: Holy Rosary College Foundation Year Graduated: 2012
Address: Tala, Caloocan City
Tertiary Level: Our Lady of Fatima University
Address: #1 Ezperanza St., Hilltop Mansion Heights, Lagro, Quezon City
Course: Bachelor of Science in Medical Technology
CHARACTER REFERENCES:
Name Occupation Address
Mrs. Haina B. Borela Teacher Tala, Caloocan City
Mrs. Nora B. Nucum Teacher Tala, Caloocan City
Ms. Jennifer B. Nucum, RN Registered Nurse Tala, Caloocan City
`
I hereby certify that the above informations true in the best of my knowledge and ability.
Patricia Ann B. Yutuc
Donalee Miles A. Reguindin B9 L33 Tudela St., Tierra Nova Royale 3A, Bagumbong, Caloocan City E-mail Address: [email protected] Contact number: 09075265802
PERSONAL INFORMATION:
Date of Birth: July 8, 1990
Place of Birth: Caloocan City
Sex: Female
Age: 22 y/o
Citizenship: Filipino
Civil Status: Single
Religion: Born Again
Height: 4’11” inches Weight: kilograms
Father: Manuel P. Reguindin
Occupation: Jeepney Driver
Mother: Monserath A. Reguindin
Occupation: Sales Agent
Language: English, Tagalog
EDUCATION:
Primary Level: Bagbaguin Elementary School Year Graduated: 2007
Address: Bagbaguin, Myc., Bulacan
Secondary Level: Bagumbong High School Year Graduated: 2011
Address: Rainbow Vill. 5, Bagumbong, Caloocan City
Tertiary Level: Our Lady of Fatima University
Address: #1 Ezperanza St., Hilltop Mansion Heights, Lagro, Quezon City
Course: Bachelor of Science in Medical Technology
I hereby certify that the above informations true in the best of my knowledge and ability.
Donalee Miles A. Reguindin