Download - Mock research for sampling
Unibersidad ng Santo Tomas
Facultad ng Inhenyeriya
ANG DESALINATION PROCESS BILANG ALTERNATIBONG MAPAGKUKUNAN
NG MALINIS NA TUBIG SA KALAKHANG MAYNILA
Isang Pamanahong Papel na Inihanda Bilang
Pangwakas na Gawain sa Asignaturang Filipino 2
DELOS REYES, Joselito D.
RAMSAY, Derek H.
ALINDOG, Bogart John M.
DE LA BUENAVENGRANTURISMO, Michael Howard Eisner Jacob B.
CO, Kim O.
2-24
19 Marso 2011
Logo ng UST Logo ng Facultad ng Inhenyeriya
KABANATA I
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
INTRODUKSIYON
Nagpapabago sa buhay ng isang tao ang pagtataglay ng kasanayan sa
pagbasa. Nagagawa ng pagbabasang maging malaya at mabuksan ang pinto ng
oportunidad ng isang indibidwal na humarap sa mga paghamong inihahain ng
pagkakataon at sitwasyon. Ngunit hindi madali ang pagtataglay ng kasanayang
bumasa. Dahil hindi isinilang ang tao upang bumasa. Ipinanganak ang tao upang
makakita, gumalaw, magsalita at mag-isip, ngunit hindi ang bumasa. Maituturing
na bagong kasanayang pangkognitibo ang pagbasa. Naimbento lamang ang
pagsulat at pagbasa may 5,500 taon lamang ang lumilipas, na kung isasalin ay
maituturing lamang segundo sa milyong taon ng ebolusyon ng tao (Wolf at
Barzillai, 2009).
KONTEKSTONG PANDAIGDIG
Dahil nga hindi madali ang pagtatamo ng kasanayan sa pagbasa,
lumulunsad ang iba’t ibang suliranin mula sa iba’t ibang pananaliksik ukol sa
kasanayang bumasa ng indibidwal. Karaniwang nasa sa erya ng pag-unawa o
komprehensiyon, pananatili o retensiyon, o sa pananaw ng iba’t ibang dalubhasa,
sa erya naman ng pegde-decode ang mga suliraning pinagtutuunan ng pansin ng
mga pag-aaral.
Pahina 1 ng 68
Tahasang sinabi sa isang panayam ng Pambansang Alagad ng Sining at
dating Dekano ng Kolehiyo ng Arte at Literatura ng Unibersidad ng Pilipinas,
Virgilio S. Almario na mayroong malaking suliranin ang bansa hinggil sa
pagbabasa. Na ang Pilipinas, sa kasalukuyan ay nahaharap aniya sa isang krisis
pangkultura kung pagbabasa ng mamamayan ang pag-uusapan. Pagbibigay diin
pa ni Almario:
Hindi isang bagay na natural ang pagbabasa.
Kaya walang lahi o tribu sa mundo na tamad magbasa.
Sa halip, reading is cultured. Itinuturo ang pagbabasa.
Inaalagaan bilang bahagi ng kultura. Iniuukit sa isip at
puso ng bata, itinatanim sa buong pagkatao niya,
upang mahalin niya ang aklat na tulad ng isang hiyas at
masarapan niya ang pagbabasa tulad ng McDo o
Jollibee (Almario: 2005).
Buhat sa siniping pahayag, malinaw na may suliranin nga ang bansa kung
ang pagbabatayan ay ang kasanayan sa pagbasa. Ngunit taglay din ng pahayag
ng Pambansang Alagad ng Sining ang isang solusyon: “reading is cultured.”
Malaking bahagi ng pagkukulturang ito sa mga mambabasa ang paaralan.
Kung kaya maraming pag-aaral sa loob at labas ng bansa ang direktang nag-
uugnay sa kakayahan ng mambabasa at ang pormal na edukasyong kinikilusan ng
indibidwal, ang paaralan.
Pahina 2 ng 68
Sinabi pa ni Arrogante et al. (2005), na ang pagkilala sa mga simbolo at
pagkuha ng ideya sa mga nakalimbag na titik ang bumubuo sa halos walumpong
bahagdan ng ating kasanayan sa gawain (2005:120). Kaya marapat itong
lubusang pag-ukulan ng pansin at paunlarin. Ngunit hindi ito ganoong kadali.
Dagdag pa nga ni Almario hinggil sa suliranin ng pagpapabasa:
Napakabigat ng problemang ito. Hindi ito
malulutas sa isa [o kahit marami pang kumbensyong
ganito.] Wala ring nag-iisang institusyon sa lipunan na
dapat sisihin. Sa tingin ko nga, lahat ng institusyon
natin ngayon ay umaambag sa iba’t ibang paraan
upang magpatuloy at lumubha ang sakit sa loob ng
nakaraang isang siglo. [Nabanggit ko na kanina,] isang
problema itong pang-edukasyon. Ngunit hindi ito
problema lamang ng paaralan bagaman malaki ang
kinalaman ng paaralan sa paglubha nito (ng
pagbabasa).
Kaugnay ito ng nais sabihin ng sanaysay na may pamagat na “How
Teachers Make Children Hate Reading” ni John Holt, isang edukador at
mananaliksik sa Amerika. Sinasabi niya, at kaugnay ito ng sinasabi ni Almario, na
kasangkot ang institusyong humuhubog sa kasanayan sa pagbasa sa mismong
dahilan ng paglayo ng loob sa pagbabasa ng mga mag-aaral.
Hindi tatangkaing solusyonan ng pananaliksik na ito ang lahat ng suliranin
sa pagbabasa ng mga mag-aaral. Ni hindi nito tatangkaing solusyonan ang
Pahina 3 ng 68
suliranin sa pagbabasa sa Lungsod ng Lucena. Malinaw na naitanghal ng mga
nabanggit na dalubhasa ng wika na mayroong suliranin sa pagbasa sa konteksto
ng bansa.
Partikular, masasalamin sa pag-aaral ng isang Non-Government
Organization (NGO) na nagsasagawa ng pag-aaral sa pagtuturo ng wika, na
matutukoy sa suliranin ng pagbabasa at pag-unawa sa wika ang suliranin sa
pagkatuto (learning difficulties) ng humigit kumulang sa 85% ng mga batang mag-
aaral [http://www.sil.org/lingualinks/LANGUAGELEARNINGS].
Pinatunayan din ng datos na nabanggit na may parehong suliranin ang mga
mag-aaral sa Lungsod ng Lucena batay naman sa datos ng Philippine Informal
Reading Inventory (Phil-IRI) sa mga mag-aaral sa elementarya partikular ang mga
nasa ikaanim na baitang noong Hulyo 2007. Ang Phil-IRI ay isang assessment tool
na tumataya o nag-e-evaluate sa kakayahan sa pagbasa o reading proficiency ng
mga mag-aaral sa elementarya. Ito ang kauna-unahang validated na panukat na
naglalayong alamin ang kakayahan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa larangan ng
komprehensiyon kasama rin ang bilis ng pagbasa o reading speed na impormal na
sinusukat sa paraang qualitative at quantitative sa pamamagitan ng mga
babasahin gaya ng kuwento at sanaysay. Impormal na panukat ang Phil-IRI Oral
Test sa kakayahang kumilala ng mag-aaral sa salita, bokabularyo, at kakayahang
Pahina 4 ng 68
komprehensibo sa pagbasa nang malakas o oral. Binubuo ito ng mga pagbasa
mula una hanggang ikaanim na baitang.
Sinusundan ng lima hanggang pitong katanungang pangkomprehensibo
ang bawat babasahin sa partikular na baitang. Tanong na ikinakategorya sa tatlo:
literal, pagpapakahulugan o interpretative, at paggamit o applied. Ang mga
pagsusulit na ito ay ginagawa ng dalawang ulit sa isang taon, ang pangunang
pagsusulit o Pretest ay isinasagawa tuwing magbubukas ang klase (Hunyo-Hulyo)
samantalang sa katapusan ng taong panuruan (Pebrero-Marso) ang pangwakas
na pagsusulit o Post-test. Nagsisilbing batayan ang Pretest upang makapaghanda
ng school-based na programang makapagpapabuti sa kakayahan o proficiency sa
pagbasa ng mga mag-aaral.
KONTEKSTONG PAMBANSA
Samantala, ang resulta ng Post-test naman ang magiging sukatan ng
progreso o pag-unlad sa kakayahang bumasa ng mga mag-aaral sa buong taong
panuruan. Ang resulta ng Post-test ang nagsisilbing profile sa pagbabasa ng mga
mag-aaral hindi lamang sa Lungsod ng Lucena kung hindi sa buong kapuluan.
May magkakaibang datos ang bawat distrito sa Dibisyon ng Lungsod ng
Lucena. Ang pagkakaiba-iba o fluctuation sa ibang distrito ay maaaring sanhi ng
iba’t ibang salik na maaari ding maging lunsaran ng iba pang pag-aaral. Muli, hindi
nilalayong tugunan ng tesis na ito ang alamin ang sanhi ng pagkakaiba-iba o
Pahina 5 ng 68
fluctuation ng datos. Gayunman, kinikilala ng pananaliksik na ito na mayroon
ngang suliranin sa pagbabasa. At ang suliranin sa pagbabasa ang isa sa
napakalaking dahilan, kung hindi man pinakamalaking dahilan ng mabagal na
pagkatuto ng mag-aaral. Ang matukoy ang sanhi ng suliraning ito ang tatangkaing
tugunan ng pananaliksik.
Gagamitin bilang batayan ang datos na nakalap ng Phil-IRI kung saan ang
kaantasan sa pagbasa o reading level ay nasukat sa pamamagitan ng pagkilala sa
salita o word recognition, kakayahan ng mga mag-aaral at ang komprehensiyon na
ipinakita ng mga pagsusulit, Pre at Post-test man.
Masasabing may suliranin ang mag-aaral sa pagbabasa kung mabagal ang
pagbasa o mababa ang komprehensiyon nito. Karaniwan silang nagkakamali sa
pagkuha ng impormasyon sa binabasa, at nagkakamali sa pagtukoy ng mga titik at
salita. Kung taglay ng mag-aaral ang mga katangiang ito, maituturing na sila ay
mahihinang mambabasa o mayroong reading disability.
Sa dalawang nabanggit na kahinaan—nagkakamali sa pagkuha ng
impormasyon sa binabasa at nagkakamali sa pagtukoy ng mga titik at salita—
maikakategorya ang mag-aaral na mayroong kahinaan sa pagbasa. Matapos
matukoy kung ano ang tinataglay na kahinaan ng mag-aaral, makagagawa ng
karampatang hakbangin ang institusyon upang mabigyang pansin ang suliraning
ito sa pagbabasa, at nang sa gayon ay matugunan ito tungo sa mabisa at
epektibong pagtuturo at pag-aaral.
Pahina 6 ng 68
Sa kabuuan, ang pagbabasa ay hindi lamang pagkilala ng isang indibidwal
sa simbolo at salita. Higit pa rito, ang pagbabasa ay ang pagkuha ng
impormasyong ipinoproseso ng mambabasa na magbibigay ng kahulugan at ng
inaasahang aplikasyon sa kaniyang buhay. Sa madaling salita, ang pagbasa ay
ang pagdanas, pagkatuto, at pagkuha ng kaalaman. Kung makakamtan ito, dito pa
lamang matatawag na mambabasa ang isang indibidwal.
KONTEKSTONG LOKAL
Partikular, masasalamin sa pag-aaral ng isang Non-Government
Organization (NGO) na nagsasagawa ng pag-aaral sa pagtuturo ng wika, na
matutukoy sa suliranin ng pagbabasa at pag-unawa sa wika ang suliranin sa
pagkatuto (learning difficulties) ng humigit kumulang sa 85% ng mga batang mag-
aaral [http://www.sil.org/lingualinks/LANGUAGELEARNINGS].
Pinatunayan din ng datos na nabanggit na may parehong suliranin ang mga
mag-aaral sa Lungsod ng Lucena batay naman sa datos ng Philippine Informal
Reading Inventory (Phil-IRI) sa mga mag-aaral sa elementarya partikular ang mga
nasa ikaanim na baitang noong Hulyo 2007. Ang Phil-IRI ay isang assessment tool
na tumataya o nag-e-evaluate sa kakayahan sa pagbasa o reading proficiency ng
mga mag-aaral sa elementarya. Ito ang kauna-unahang validated na panukat na
naglalayong alamin ang kakayahan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa larangan ng
komprehensiyon kasama rin ang bilis ng pagbasa o reading speed na impormal na
Pahina 7 ng 68
sinusukat sa paraang qualitative at quantitative sa pamamagitan ng mga
babasahin gaya ng kuwento at sanaysay. Impormal na panukat ang Phil-IRI Oral
Test sa kakayahang kumilala ng mag-aaral sa salita, bokabularyo, at kakayahang
komprehensibo sa pagbasa nang malakas o oral. Binubuo ito ng mga pagbasa
mula una hanggang ikaanim na baitang.
Sinusundan ng lima hanggang pitong katanungang pangkomprehensibo
ang bawat babasahin sa partikular na baitang. Tanong na ikinakategorya sa tatlo:
literal, pagpapakahulugan o interpretative, at paggamit o applied. Ang mga
pagsusulit na ito ay ginagawa ng dalawang ulit sa isang taon, ang pangunang
pagsusulit o Pretest ay isinasagawa tuwing magbubukas ang klase (Hunyo-Hulyo)
samantalang sa katapusan ng taong panuruan (Pebrero-Marso) ang pangwakas
na pagsusulit o Post-test. Nagsisilbing batayan ang Pretest upang makapaghanda
ng school-based na programang makapagpapabuti sa kakayahan o proficiency sa
pagbasa ng mga mag-aaral.
LAYUNIN NG PAG-AARAL
Nilalayon ng pananaliksik na matukoy ang mga kahirapan sa pagbasa o
reading difficulties gaya ng itinatadhana ng datos ng Phil-IRI, at ang implikasyon
nito sa pagtuturo ng pagbasa. Partikular na tutugunan ng pananaliksik ang mga
layuning:
Pahina 8 ng 68
1. Matukoy ang persepsiyon ng mga guro sa pagbasa sa Phil-IRI bilang
mabisang instrumento sa pagtataya sa lebel ng kakayahan sa pagbasa
ng mga mag-aaral.
2. Malaman ang mga karaniwang kahirapan sa pagbasang kinakaharap ng
mga mag-aaral sa ilang piling paaralan sa Dibisyon ng Lungsod ng
Lucena.
3. Maihayag ang epektibong estratehiya o teknik ang maaari pang gamitin
ng mga guro bilang mungkahing solusyon upang matugunan ang mga
suliranin sa pagbasa.
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Nais tulungan ng mananaliksik ang mga taong nakararanas ng kahirapan sa
pagbasa patungo sa pagsasagawa ng ilang estratehiya sa pagtuturo ng pagbasa,
at ang pagpapaunlad sa kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa kabuuan.
Maaaring maghain ng ilang impormasyon ang pag-aaral na ito hindi lamang
sa mga mag-aaral kundi maging sa mga guro ng pagbasa, sa mga dalubhasa sa
pagbasa o reading specialist, sa mga magulang upang malaman ang iba’t ibang
kahirapan sa pagbasa ng mga mag-aaral at ang implikasyon nito sa pagtuturo ng
pagbasa.
Makatutulong ang pananaliksik sa paghahain ng tulong sa mga gurong
nakararanas ng mahirap na sitwasyon sa pagtuturo ng pagbasa.
Pahina 9 ng 68
Sa mga dalubhasa sa pagbasa, makatutulong naman ang pananaliksik sa
pamamagitan ng paglikha ng iba pang programang nakatuon sa pagpapaunlad ng
pagbasa.
Sa mga magulang, makatutulong ito upang maipamulat ang iba’t ibang salik
na nakakaapekto sa pagkatutong bumasa ng kanilang mga anak upang kung
nasa tahanan sila, magagabayan nang husto ng magulang sa pamamagitan ng
iba’t ibang estratehiya sa pagbasa.
SAKLAW AT LIMITASYON
Saklaw ng pananaliksik na ito ang ang mga guro at mag-aaral na may mga
suliranin sa pagbabasa sa ikaanim na baitang sa ilang piling paaralan sa Dibisyon
ng Lungsod ng Lucena.
Ginamit ng mananaliksik ang talatanungang matrix bilang instrumento sa
pagkuha ng mga datos. Inihanda ng mananaliksik ang mga talatanungan sa
pamamagitan ng konsultasyon sa mga dalubhasa, mula sa mga aklat, journal,
disertasyon, at internet. Mula rito, ang pagkalap sa datos ang sumusunod na
isinagawa ng mananaliksik. Ang balidasyon ng talatanungan ay isinagawa ng mga
dalubhasa sa pagbasa.
Pahina 10 ng 68
PAGBIBIGAY KAHULUGAN SA MGA KATAWAGANG GINAMIT
Upang lalong bigyang-linaw ang mga katawagan, ang mga sumusunod na
termino ay binibigyang kahulugan sa saklaw ng konsepto at paggamit sa
pananaliksik:
Applied Question o Katanungang Ginamit. Mga katanungang mula sa
pagkilala ng mga mag-aaral batay sa kanilang karanasang nakaugnay sa kanilang
binasa.
Estratehiya sa Pagtuturo ng Pagbasa. Tumutukoy sa iba’t ibang estilo ng
pagtuturo ng pagbasa.
Guro sa Pagbasa. Gurong nagtuturo ng pagbasa. Kinikilala rin bilang
gurong nagbibigay ng payo sa mga mag-aaral hinggil sa mga usaping may
kinalaman sa pagbasa.
Kahirapan sa Pagbasa. Mga suliranin sa pagbasang kinaharap ng mga
nasa ikaanim na baitang.
Kahirapan sa Pag-unawa. Ang suliranin na nakabatay sa kasanayan sa
pagde-decode; mga mag-aaral na mayroong suliranin sa pagde-decode ng mga
salitang mahirap unawain na galing sa kanilang mga binabasa.
Kahirapan sa Pagde-decode. Ang suliranin sa pagkilala ng mga
ponemang bumubuo sa mga salita.
Katanungang Interpretive. Mga tanong na humihikayat sa mag-aaral na
magbasa sa paraang intertekstwal o reading between the lines sa Ingles.
Pahina 11 ng 68
Lebel na Instruksiyonal. Lebel na makakakuha ng kaalaman ang mag-
aaral mula sa tekstong binabasa.
Lebel na Makapag-iisa. Ang pinakamataas na antas sa pagbasa.
Lebel ng Katanungan. Mga katanungan batay sa tekstong binasa na
inayos ayon sa lebel ng kasanayan.
Literal na Tanong. Mga tanong na ang kasagutan ay matatagpuan mismo
sa tekstong binasa.
Pagbasa. Tumutukoy sa pagtatamo ng iba’t ibang impormasyon mula sa
mga babasahin upang makabuo ng kahulugan ang mambabasa batay sa sinasabi
ng teksto.
Pag-unlad sa Pagkatuto o Learning Development. Ang pagtatamo,
pagpapanatili, at aplikasyon ng kaalaman, kasanayan, gawi, paraan ng pag-iisip, o
iba pang tipo ng reaksiyon sa pagbasa.
Philippine Informal Reading Inventory (Phil-IRI). Isang set ng oral na
babasahin para sa elementarya upang malaman ang lebel ng pagbasa ng mag-
aaral sa elementarya.
Suliranin sa Retensiyon. Suliranin sa pagbabasa na inilalarawan ng
kahirapan sa pagde-decode at pag-unawa sa tekstong binabasa.
Talatanungang Matrix. Set ng tiyak o fixed na talatanungang sinasagot sa
paraang obhektibo.
Teksto. Set ng babasahin.
Pahina 12 ng 68
KABANATA II
REBYU NG KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
Kinakatawan ng kabanatang ito ang iba’t ibang teorya hinggil sa kasanayan
sa pagbasa at ang implikasyon nito sa pagkatuto ng isang mag-aaral. Layunin ng
rebyung ito na makapagtala ng iba’t ibang pananaliksik na susuporta sa suliranin
sa pagtataglay ng kasanayan sa pagbasa ng mag-aaral na makatutulong sa
pagtatamo niya ng karunungan.
KAUGNAY NA LITERATURA
Hindi na maiaalis ang kasanayang bumasa sa sinumang nagtamo nito.
Malaking bahagi ng gawaing pantao ang natutuhan mula sa pagbabasa kasama
na rito ang makipag-ugnayan at makisabay sa hamon na inihahain ng daigdig.
Susi itong nagbubukas sa pinto ng pagkatuto. Kung hindi matatamo ang
kasanayan sa pagbasa, magiging napakahirap ang pagkatuto ng isang tao.
Ayon sa pananaliksik ng Phil-IRI, isinasaad na may tatlong suliranin na
kasangkot sa pagbasa. Ito ay sa erya ng dekowding, komprehensiyon, at
retensiyon na malinaw na ipinahayag sa resulta ng Phil-IRI Oral Test.
Sinasabi ng manwal ng Phil-IRI (2008), maikakategorya ang mga suliraning
bilang Maling Pagbasa gaya ng maling bigkas, pagpapalit, hindi pagbigkas sa
salita, pagsisingit, pagbabawas, at pagbabaligtad. Ang suliranin sa Maling
Pahina 13 ng 68
Pagbasa ay itinuturing na nasa ilalim ng erya ng dekowding, isa sa pangunahing
suliraning nararanasan ng mga mag-aaral sa pagbasa. Ang susunod na suliranin
ay ang komprehensiyon. Kabilang sa suliraning ito ang pagbubukod sa literal,
pakahulugan o interpretiv, kritikal, at paggamit o applied. Ang mga suliraning ito ay
may kinalaman komprehensiyon at retensiyon na itinuturing bilang karaniwang
suliraning nararanasan ng mga mag-aaral.
Samantala, naririto ang ilang pagbibigay kahulugan ng mga dalubhasa sa
pagbasa:
Ayon kay Arrogante et al. (2005), “ang pagbasa ay pagkuha ng mga ideya
at kaisipan sa mga sagisag (o simbolong) na nakalimbag upang mabigkas nang
pasalita ang mga ito.” Idinagdag pa niya na ito “ay pag-unawa sa wika ng may-
akda ng mga nakasulat na simbolo. Ito ay paraan ng pagkilala, pagpapakahulugan
at pagtataya ng mga kagamitang nakalimbag.” (2005:119) Ganito rin halos ang
sinabi ni Espina et al. (2004) kasama na ang pagbibigay diin na ang pagbasa ay
gawaing mental kung kaya nararapat pag-ukulan ng pansin sa larangan ng
pagtuturo.
Katulad din halos nito ang sinabi ni Mendoza at Romero (2007), ngunit higit
na pinag-ukulang pansin ang maaring matamo sa pagbasa gaya ng ito ay isang
“tiket sa paglalakbay sa mga lugar sa buong daigdig” kung marapat linangin.
Bahagi ng paglinang sa kasanyang ito ang pagtugis sa mga suliranin upang
makapaghain ng solusyon dito.
Pahina 14 ng 68
Kung kaya mapag-iisa ang kahulugan ng pagbasa batay sa sinabi ng mga
dalubhasang ito bilang pagkilala sa mga nakasulat na simbolo, at pagkuha ng
ideya at kahulugan mula rito patungo sa tiyak na kapakinabangang matatamo ng
mambabasa. Ang pagtataglay ng kasanayan sa pagbasa ay sumasailalim sa iba’t
ibang hakbang, ayon na rin Kay Villafuerte et al. (2005) batay sa kaniyang pagsipi
kay Gray: persepsiyon o pagkilala sa simbolong nakasulat, pag-unawa o
komprehensiyon, kakayahan ng mambabasa na magbigay ng reaksiyon, at
asimilasyon o integrasyon ng teksto. Samantala, kaakibat ng mga hakbanging ito
ang sinasabin naman ni Badayos (2003) na kahandaan ng mga mambabasa: una
rito ang kahandaang pisikal, sumunod ang kahandaang mental, kahandaang
emosyonal, at huli ang aspekto ng personaliti ng mambabasa. Ipinagpapalagay ng
pananaliksik na ito na taglay na ng mga mambabasang sasaliksikin.
Lubhang mahalaga ang kasanayan sa pagbasa. Kailangang taglayin ito ng
kahit sino upang makasabay sa mabilis na pagbabago at pag-unlad ng daigdig.
Para sa mga mag-aaral, mahalagang instrumento ang pagkatuto ng pagbasa.
Magagamit ng mga mag-aaral ang kasanayang ito sa lalo pang pagtatagalay ng
kaalaman. Dahil kung wala ang kasanayan sa pagbasa, mahihirapan silang
makakuha ng impormasyon buhat sa napakaraming babasahing makakasalamuha
nila habang sila ay nag-aaral patungo sa pagtahak ng higit na malayong landas
upang mabuhay.
Pahina 15 ng 68
Ayon sa pananaliksik ng mga dalubhasa sa pagbasa, ang isang indibidwal
na papaloob sa pre-reading period ay hindi pa nagtataglay ng kaaalamang
ponemiko. Hindi pa rin taglay ng indibidwal na ito ang epektibong pagdedekowd na
nakaiimpluwensiya ng malaki sa pag-unlad ng kasanayan o skill at pag-unawa o
komprehensiyon sa pagbasa. Kung kaya naman, lubhang mahalaga na sa
pagsisimula ng pagkatuto, dapat matamo nang maayos ang kaalamang ponemiko
upang maging lunsaran ng komprehensiyon.
Malinaw na sinasabi ng sinundang pahayag na ang pagtatamo ng
kasanayan sa pagbasa ay may malinaw na prosesong sinusunod. At habang
matamang iniimbestigahan ang paglago ng kakayahang bumasa ng isang
indibidwal, dapat inilalangkap ang obserbasyong ito sa isang imbentaryo ng
pagbabasa—isang mabisang paraan upang masukat ang kakayahan ng isang
indibidwal.
Sinasabi ng manwal ng Phil-IRI (2008) na kayang tuklasin ng Phil-IRI oral
na pagsusulit ang kwantatibo at kwalitibong impormasyon hinggil sa kakayahan ng
mag-aaral sa pagbasa nang malakas. Ipinapakita ng Kwantatibong impormasyon
ang lebel ng pagbasa sa paraang: may malalim na suliranin sa pagbasa,
magagabayan, at nakapag-iisa. Samantala, ipinapakita ng Kwalitatibong
impormasyon ang kahinaan sa pagbasa bilang: pagkilala sa salita, pagtukoy sa
kamalian sa pagbigkas, kalakasan sa pag-unawa, at mga gawi at asal sa pagbasa
ng indibidwal. Ginamit ang mga impormasyong Kwantatibo at Kwalitatibo bilang
Pahina 16 ng 68
panukat sa mga datos na nakuha gamit ang isang estandardisadong pormula na
inilaan sa pag-iinterpret ng lebel sa kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral.
Ayon naman kay Bernales et al. (2008), maaaring ikonsidera ang
kakayahan ng mga mag-aaral sa ikaanim na baitang sa ilan pang dagdag na
Kwalitatibong palatandaan sa kasanayan sa pagbasa nang malakas. Idinagdag pa
ng may-akda na dapat ay: “Nakapag-aayos [na] ng napakinggang teksto at
naililipat ang impormasyon tungo sa iba pang anyo ng pagpapahayag.” (2008:103)
Ngunit sa kahabaan ng pananaliksik, mananatili na lamang ang pokus sa ilang
panukat na inihanda ng Phil-IRI.
Malinaw na binanggit din ni Jocson et al. (2005) na may mga suliraning
kinakaharap sa pagbasa ang mga mag-aaral. Bagay na sumusuporta sa panukala
ng Phil-IRI. Ayon pa kay Jocson, bagamat ang pananaw matapos magbasa ng
mga mag-aaral ay maituturing na tama, may pagkakataon na mayroong
kontradiksiyon naman batay sa inaasahang resulta ng pagkaunawa (2005:79).
Kaya marapat lamang punan ng mga estratehiya upang mahimok sa tamang
pagbabasa ang mga mag-aaral. Ang mga estratehiyang ito ang magsisilbing
katuwang ng guro sa pagpapatnubay upang mag-ibayo at umunlad ang
kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbasa.
Gaya ng binabanggit ng aklat na “Pagtuturo ng/sa Filipino: mga Teorya at
Praktika” ni Bernales et al. (2008), ipinapabatid na mayroong dalawang
pangunahing uri ng estratehiyang magagamit sa pagbabasa. Mauuri ito sa tuwiran
Pahina 17 ng 68
at di-tuwiran. Na sinang-ayunan naman ng Stretegic Teaching and Learning
(2000), isang manwal para sa mga guro. Batay sa manwal, maaaring makatulong
ang pagsulat ng dyornal upang masubaybayan ang progreso ng mag-aaral sa
pagsulat bilang produkto ng pagbasa, ang pinatnubayang malakas na pagbasa o
guided oral reading para sa episyente at magaang pagbasa, directed reading
thinking activity (DRTA) na gagabay sa mag-aaral na maghinuha hinggil
kalalabasan ng kanilang binabasa, at ang estratehiyang know what learn (KWL)
upang malinaw na matukoy ang dahilan sa pagbasa, pagkuha ng impormasyon
buhat sa teksto, at pag-oorganisa ng impormasyong nakuha para balangkasin sa
isang awtlayn at pagbubuod. Dagdag pa rin sa mga estratehiyang ito ang mga
pantulong pang relasyon ng tanong at kasagutan o question and answer
relationship upang maging magaling sa pagsagot ng katanungang hango sa
tekstong binasa ang mga estudyante, paryadong pagbasa o paired reading na
nakatutok naman sa mga may suliranin sa pagkilala ng mga sa salita o
pagdedekowd, sight word study upang makilala nang mabilis ng mga mambabasa
ang mga madalas gamiting salita sa teksto, pamuling pagbasa o repeated reading
para sa mga mambabasang mabagal bumasa, semantic word map para naman sa
mga mambabasang may kahinaan sa pagpapakahulugan at pagkonekta ng
konsepto buhat sa iba’t ibang magkakatulad na babasahin. Kasama ng iba pang
estratehiya, tatangkain ng pananaliksik na tugunan ang mga suliranin sa pagbasa
Pahina 18 ng 68
ng mga mag-aaral upang magbunsod ng epektibong tugon sa bawat kategorya ng
mga suliranin sa pagbasa.
Binanggit ni Royo, ayon sa pagsipi ni Bernales (2008) na mayroong
estratehiya batay sa iba’t ibang uri ng suliranin at kahinaan sa pagbasang
nararanasan ng mga mag-aaral sa iba’t ibang antas ng pag-aaral, elementarya
man, sekondarya, o tersiyarya. Ang mahalaga, matukoy muna ang kahinaan
upang matukoy ang mga karampatang estratehiya na gagamitin upang
masolusyonan ang suliranin sa pagbasa.
Bilang paglalagom, madali lamang ang pagtuturo ng pagbasa sa bata,
ngunit may kaakibat itong suliranin batay sa kakayahan ng batang tuturuan sa
pag-unawa sa mga nakasulat na simbolo. Lubhang maraming paraan para
matugunan ang mga suliranin sa pagbasa, ang mahalaga lamang ay matukoy ang
pangangailangan ng indibidwal upang makasabay sa kaniyang kasanayan at lebel
ng pag-unawa sa teksto. Dulot nito ay madaling pagkatuto sa lahat ng saray ng
kaalaman na ibubunsod ng marami pang pagbabasa sa hinaharap.
Pahina 19 ng 68
KAUGNAY NA PAG-AARAL
Batid ng lahat na ang pagbasa ay susi para sa pinto ng oportunidad sa
paglago ng kaalaman ng isang indibidwal. Sa pagbabasa, nakakamit ang halos
siyamnapung porsiyento ng kaalaman sa buhay ng isang indibidwal (Arrogante,
2005). Madaling mahirap ang pagtatamo ng kasanayan sa pagbasa.
Nangangailangan ng isang maingat at matamang proseso. Isang malaking gawain
ang pagtuturo ng pagbasa sa isang mag-aaral. Kaakibat ng gawain ng isang
gurong magtuturong bumasa sa isang indibidwal ang mga pagsasanay at sariling
inisyatiba na gagamitin. Ngunit may mga pagkakataong sa kabila ng mariing
gawain ng guro sa pagtuturo sa isang indibidwal upang matutong bumasa, may
mga salik pa ring nakaaapekto sa paghina ng kakayahan ng isang indibidwal
upang matutong bumasa.
Sa Pilipinas, mula sa pag-aaral ni Milo buhat kay Villamin (1999) hinggil sa
mga disabilidad sa pagbasa sa mga pampublikong elementarya sa Kalakhang
Maynila, sinasabing nahuhuli ang nasa ikaapat at ikaanim na antas kung ang
pagbabatayan ay ang pambansang kalagayan. Pinatunayan ito ng isang pag-aaral
na nakasalig sa pagsusulit, obserbasyon, talatanungan, at panayam sa ilalim ng
Diagnostic Silent and Oral Reading. Idagdag pa ang pag-aaral na binanggit sa
panayam ni Almario (2005), maliwanag na mayroon ngang suliranin ang bansa
kung pagbabatayan ang paglago ng kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral.
Pahina 20 ng 68
Batay sa manwal ng Phil-IRI (2008), ang Philippine Informal Reading
Inventory ay isang varyasyon ng indibidwal na imbentaryo sa pagbasa o Individual
Reading Inventory. Isinasagawa ang pag-aaral na ito upang matukoy ang suliranin
ng mga mag-aaral sa pagbabasa nang sa gayon ay matukoy ng mga guro sa
pagbasa ang karampatang estratehiya na tutugon sa kahinaan o suliraning
pinatunayan ng pag-aaral ng Phil-IRI.
Sinasabi ni Villamin (1999) na maraming iba pang napatunayang kahinaan
o suliranin sa pagbasa, masidhi man o hindi. Naobserbahang mayroong mag-aaral
na tinutukoy ang suliranin sa pamamagitan ng mga reading clinician at sa mga
sikolohista upang mabatid lamang ang dahilan ng kanilang suliranin sa pagbasa.
Napatunayan ang mga karaniwang sanhi: suliraning emosyonal o pandamdamin,
suliraning pisikal partikular ang pandinig, at suliranin sa pagkilos ng indibidwal o
motor problem.
Sinasabi naman ni Snow at Shattuck (2004) na nakatutulong iba’t ibang
oportunidad sa pagbasa upang matugunan ang suliranin ng mga mag-aaral sa
pagbasa. Ang mga oportunidad na ito ay kinabibilangan ng pagdebelop sa
motibasyon sa pagbasa, oportunidad na matukoy ang pagdebelop sa kakayahang
ang gamit ng mga nakalathalang babasahin, oportunidad para madebelop ang
kasanayang panlinggwistika, at oportunidad upang maunawaan ang prinsipyo ng
alpabeto.
Pahina 21 ng 68
Ang mga oportunidad na ito ay naibibigay ng mga guro gamit ang iba’t
ibang estratehiya sa pagtuturo ng pagbasa gaya halimbawa ng pagtatalaga ng
isang sentrong pagbasa o lugar na sadyang idinisenyo para maging kaigaigaya
ang pagbasa sa loob ng paaralan, ang estratehiyang KWL o Know What Learn at
ginabayang estratehiya sa pagbasang oral para madebelop ang kasanayang
panlinggwistika.
Batay pa rin sa pananaliksik nina Snow at Shattuck (2004), na pinagtibay
naman ni Villafuerte (2005), hindi matututong magbasa ang isang bata kung wala
siyang kaalaman sa phonics o tunog ng mga simbolong tinatawag nating titik,
tinatawag itong Phonological Awareness sa Ingles. Binigyang kahulugan ni
Stanovich ang Phonological Awareness bilang malinaw na kakayahang matukoy
ang segmental na yunit ng ponema bilang tunog na higit pang maliit sa pantig.
Lubhang mahalaga ang kaalaman sa phonics dahil sa papel nito sa pagtataglay ng
kasanayan sa pagbasa. Kapag nakilala na ng mga nagsisimulang magbasa ang
katumbas na tunog ng mga ponema at ang katumbas na simbolong nakasulat na
kumakatawan sa mga ponemang ito, tumataas ang pagkilala sa wika ng mga
nagsisimulang mambabasang ito na karaniwang kilala bilang mga mag-aaral sa
mababang paaralan. [http://www.sil.org/lingualinks/LANGUAGELEARNINGS].
Batay sa pananaliksik, ang maagang pagtukoy sa mga suliranin sa pagbasa
ng mga mag-aaral, at ang maagap na solusyon buhat sa mga magulang, guro, o
maging mga doktor ay lubos na makatutulong sa pagpapataas ng tiwala sa sarili
Pahina 22 ng 68
ng mga mag-aaral, magpapataas sa kaalamang akademiko, at kasanayan sa
pakikipagkapwa. Ipinapakita lamang ng pananaliksik na ang maagang pagtukoy sa
suliranin sa pagbasa ay makapagbubunsod ng mabisang solusyon.
[http://www.schwablearning.org/articles?r.=37]
Inilarawan ni Miller (walang petsang nabanggit) ang Informal Reading
Inventory o IRI bilang impormal na instrumentong panukat hindi gaya ng
estandardisadong panukat sa kakayahan sa pagbasa. Sinimulan ni Emmett A.
Betts at ng kaniyang mag-aaral sa doktorado na si Patsy A. Killgalon ang IRI
upang makagawa ng isang krayterya para sa accuracy ng pagkilala at pag-unawa
sa mga salita. Una ito ginamit sa apatnapung mag-aaral ni Killgalon.
Ang pagakatutong bumasa ay hindi natural na natutuhan ng mag-aaral,
kailangan ng isang sistematikong proseso para matamo ang makrong kasanayang
ito bukod sa maraming kasangkot na kasanayan upang ito ay matutuhan
(Villafuerte, 2005). Hindi matutuhan ang pagbasa kung wala munang pagkilala sa
mga ponema at tunog nito. Naisasagawa ito sa pamamagitan ng pag-uugnay sa
ponema at sa kumakatawang simbolo nito. Ang pagsasanay sa prosesong ito ay
nakapagpapabilis sa pagtatamo ng kasanayan sa pagbasa.
Samantala, salik din sa ikatututo ng mag-aaral ang genetics. Bunga nito ay
ang kakulangan sa kasanayan sa pagtukoy ng ponema, phonic development,
kasanayan sa mabilis na pagbasa, pag-unawa o komprehensiyon, o mga
kombinasyon nito (Gonzales, 2000).
Pahina 23 ng 68
Ngunit sa kabila ng katotohanang mayroon ngang mga suliranin sa
pagbasa, maiiwasan naman ito. Ang maagang pagtukoy sa suliranin—sa panahon
marahilo ng kindergarten o sa unang baitang—at ang karampatang solusyon dito
ay maaarning magdulot ng maayos na pagkatuto sa pagbasa. Idagdag pa rito ang
pangangailangan ng isang bata na magkaroon ng malalim na pundasyon sa
larangan ng pagbasa. Ang pundasyon, na gaya ng binabanggit ni Almario, ay
dapat na nagmumula sa tahanan kasama ang kasambahay lalong-lalo na ang mga
magulang. Hindi lamang guro ang may responsibilidad sa pagkatutong bumasa ng
isang bata. Bilang magulang, dapat nilang gampanan ang papel sa pagtuturo at
paghihikayat sa kanilang anak na bumasa. Ang maagang pagkamulat sa iba’t
ibang wika at sa masayang karanasan sa pagbasa ay maaaring magawa sa
tahanan (De Vera, 2008).
Pinagtibay ng Kagawaran ng Edukasyong Pang-elementarya noong 2004
na mayroon ngang mga suliranin ang mga mag-aaral sa pagbasa. Ang pag-aaral
na isinagawa ng Kagawaran ay tumutukoy na halos animnapung porsiyento ng
mga mag-aaral sa una hanggang ikaanim na antas sa elementarya ay may
suliranin sa pagbasa. Tanging ang 14-23% lamang ng mga mag-aaral sa
elementarya ang nakababasa ayon sa kanilang antas ng pag-aaral
(http://www.nbstores.com/nbsfoundation.asp/html). Nangyayari ito sanhi ng iba’t
ibang salik gaya ng bihirang pagbibigay ng literacy training sa mga guro at ang
mababang book-to-student ratio na 1:4 sa mga pampublikong paaralan. Idagdag
Pahina 24 ng 68
pa ang suliranin sa pagkilala sa leksikon o ang pag-alaala sa mga salita at ang
pag-uugnay sa mga salitang ito buhat sa iba pang salitang nakaimbak sa alaala,
sight recognition, dekowding, pisyolohikal na salik, intelektuwal na salik, sikolohikal
na salik, panlinggwistikang salik, at mga salik sosyolohiko ay ilan lamang sa mga
nakaaapekto sa mga suliranin sa pagbasa ng mga mag-aaral.
Batay pa rin sa pananaliksik ng Kagawaran, mailalarawan ang isang mag-
aaral na mayroong suliranin sa pagbasa kung taglay niya ang mga kahinaang
gaya ng mahinang kakayahan sa pagbasa, hirap sa pag-unawa o
komprehensiyon, maling basa at pag-unawa sa impormasyon, suliranin sa sintaks
at gramatika, nalilito sa pagkilala o napagpapalit ang mga magkakatulad ng
hitsurang titik. Ang mga kahinaang ito ang nagsasabing mayroon ngang suliranin
ang mag-aaral sa pagbasa.
Binabanggit ng manwal ng IRI na ang Phil-IRI ay isang instrumentong
panukat sa kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa elementarya. Ito ang
kauna-unahang kinilalang instrumento na may layuning sukatin ang lebel ng
komprehensiyon ng mga mag-aaral. Kwalitibo at kwantitibong sinusukat ang
kakayahan sa pagbasa—bilis, pagkilala, at pag-unawa—ng mga mag-aaral gamit
ang mga tekstong naglalaman ng kuwento. Sa dalawang erya kinakategorya ang
Phil-IRI. Una ang Phil-IRI Oral Assessment Tools. Ikalawa ang Phil-IRI Speed and
Comprehension Assessment Tools sa parehong Ingles at Filipino.
Pahina 25 ng 68
Ang oral asessment tool ay naglalayong sukatin ang lebel ng pag-unawa
kasabay ng kasanayan sa pagbasa sa konteksto ng malakas o oral na pagbasa ng
mag-aaral. Sa kabilang dako, ang apeed and comprehension asessment tool ay
naglalayong sukatin ang pag-unawa o komprehensiyon ng mag-aaral sa kaniyang
binabasa na itinatakda sa isang tiyak at sasandaling oras ng pagbasa. Ang resulta
ng panukat ay ang pagtukoy sa mga suliranin ng mga mag-aaral sa pagbasa.
Idinagdag naman ni Miller (hindi nabanggit ang petsa ng pag-aaral) na ang
iba pang layunin ng IRI maliban sa matukoy ang lebel ng kakayahan sa pagbasa
ay ang pagtataya ng kapasidad o potensiyal ng isang mag-aaral sa pagbasa, ang
pagpapangkat ng potensiyal na ito batay sa lebel, pagtukoy ng mga guro sa
mabisang babasahin para iba’t ibang antas ng mag-aaral, masundan ang progreso
ng mag-aaral sa larangan ng pagkilala ng mga salita, at ang huli, ang
makpagbigay sa guri ng malinaw na layunin upang malapitang obserbahan ang
mga mag-aaral sa iba’t ibang gawaing may kinalaman sa pagbasa batay sa
kanilang kakayahan.
Mula naman sa pag-aaral ni Tiangco (1984), ang mga materyal na
babasahin gaya ng mga aklat, magasin, at pahayagan ay mga salik na
nakatutulong din sa kasanayan sa pagbasa ng mag-aaral. Sinabi ng pag-aaral na
marapat na akma ang babasahin batay sa interes o hilig ng isang mag-aaral
upang mahikayat pa silang magbasa. Ang interes nilang ito ay may importanteng
papel sa kanilang pag-unald. Idinagdag din ni Almazan ang salik ng gawi o attitude
Pahina 26 ng 68
ng mga guro sa pagtuturo sa pagbasa gaya ng pagiging istrikto, ang paghikayat,
pagkilala o apresiyasyon, pagtatama sa mali, at masusing paggabay ay may
ginagampanang lubhang mahalagang salik sa ikatututo ng batang bumasa.
Ipinapakita lamang ng pag-aaral na napakahalaga ng papel ng guro sa pagkatuto
ng isang indibidwal.
Dagdag pa sa pag-aaral na ito ni Tiangco, sinasabi niya na higit na nagiging
interesado ang mag-aaral sa pagbasa kung bibigyan ang bawat isang mag-aaral
ng kanilang sari-sariling babasahin. Nakikita rin ng mag-aaral ang halaga ng mga
patnubay na tanong bago basahin ang teksto, mga patnubay na tanong na
ibinibigay ng mga guro. Gamit ang mga napatunayan sa pag-aaral ni Almazan,
masasabing ang isang indibdwal ay nabigyan ng isang babasahing kasama sa
kaniyang interes, malinaw na nakaaapekto ito sa kasanayan ng mag-aaral sa
pagbasa. At kasunod na nito ang pagtataglay ng kasanayan.
Samantala, sinabi naman ni Villamater (2004) na ang mga mag-aaral ay
higit na makiling sa kuwento kaysa sa mga ekspositoring babasahin gaya ng
pahayagan. Ang paraan kung paano inihahayag ang babasahin gaya ng sa
kuwento, kung paano ito nasulat, at ang pamilyaridad sa paksa ay nakaaapekto sa
mambabasa. Pinatutunayan lamang ng pag-aaral ni Villamater na dapat ding
ikonsidera ang babasahin upang makuha ang interes ng mga mambabasa.
Tinalakay naman ng pag-aaral ni Lalunio (2000) ang iba’t ibang dulog at
estratehiya ng guro sa pagtuturo ng pagbasa na makukuha sa madalas na
Pahina 27 ng 68
pakitang-turo at pagsasanay ay nakaaapekto sa kasanayan ng isang mag-aaral sa
pagbasa. Naia-update ng mga guro ang kanilang kasanayan at kaalaman hinggil
sa iba’t ibang estratehiya sa pagtuturong bumasa.
Guro ang pangunahing salik sa pagkatutong bumasa ng mag-aaral.
(Tiangco, 1984). Inaasahang taglay na ng guro ang mga kasanayan para sa isang
sistematiko at maayos na pagpaplano ng proseso ng pagtuturo na mahirap
maisagawa hangga’t hindi siya nabibigyan ng kaaalamang teknikal buhat sa
hayrarkiya ng edukasyon at institusyon.
Maibubunsod ng resulta ng Phil-IRI ang binabanggit ni tiangco na
sistematiko at maayos na pagpaplano ng proseso ng pagtuturo upang matugunan
ang iba’t ibang pangangailangan ng mga mag-aaral sa kanilang pagkatuto. Na
kaugnay naman ng sinasabi ng pag-aaral ni De Vera (2008) na may malaking
gampanin ang mga tagapamahala ng paaralan, na dapat nagtataglay rin ng
parehong sigasig ng mga guro sa pagnanais na matuguna ang suliranin sa pag-
aaral ng indibidwal. Maayos na makapaglilingkod ang mga guro kung kung taglay
rin ng mga tagapamahal ang parehong sigasig. Ang pagtulong at motibasyon mula
sa tagapamahal ay lubhang makatutulong sa mga guro na higit pang pagbutihin
ang kanilang ginagawa at higit na maging malikhain sa pagtuturo.
Samantala, batay sa kongklusyon ni Gonzales (2002), ang mga karanasan
bago bumasa ang mag-aaral ay lubhang nakaapekto sa pagtuturong sa mag-aaral
kung paano bumasa. Ipinakikita ng kaniyang pananaliksik na ang mga mag-aaral
Pahina 28 ng 68
na nagtataglay ng kahandaan sa pagbasa o reading readiness skills bago pa man
tumuntong sa pormal na edukasyon ay higit na madaling natututong bumasa.
Inirekomenda naman ni Sadorra (2002) ang pagpapatupad ng santaong
remedyal na programa sa pagbasa na may tuon sa kahinaan ng mambabasa, at
ang pagtatakda ng isang oras o peryod ng klase na nakatuon lamang sa pagbisita
sa silid aklatan. Ang estratehiyang ito ay makatutulong sa mag-aaral na ituon ang
kanilang pansin hindi lamang sa silid aralan kundi maging sa aklatan bilang lugar
na maaari silang makapagbasa. Kaugnay naman ng pag-aaral ni Sadorra, sinabi
ni Banal (2000) na dapat ay nakagabay ang mga tagapamahala ng paaralan sa
pagpapatupad ng programa para sa pagbasa, programang nakabatay naman sa
antas ng pangangailangang matuto ng mag-aaral. Dapat diumanong lumahok ang
mga tagapamahala ng paaralan sa programang nakatuon sa pagbasalalo’t higit sa
pagsasanay sa mga gurong magtamo ng kasanayan, kaaalaman, estratehiya sa
pagtuturo.
Mahalaga rin ang kontribusyon ni Gonzales (2002) sa pag-aaral na ito
sapagkat sinabi niya na, bukod sa mataas na antas ng kasanayan ng guro, ang
sapat na suplay ng mga babasahin at kagamitan ay nakatutulong ng malaki sa
ikauunlad ng kasanayan ng mag-aaral sa pagbasa. Hindi magiging lubos ang
kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbasa kung walang babasahin.
Nangangahulugan lamang na kahit anong galing o malikhain ng guro ay hindi
magiging mahalaga kung walang materyal na babasahin ang mag-aaral.
Pahina 29 ng 68
Pantulong lamang ang Phil-IRI sa pagsukat ng antas ng kasanayan sa pagbasa ng
mga mag-aaral, at magiging walang kabuluhan ang resulta ng Phil-IRI kung
walang materyal na pinakabatayang gamit sa pagpapaunlad ng kasanayan sa
pagbasa.
Binanggit ni Gonzales (2002) sa kaniyang rekomendasyon na dapat
maghanda ng mga programang tutuon sa pagbasa ang bawat paaralan bilang
panukat na rin sa kakayahan ng gurong magturo ng pagbasa nang sa gayon, hindi
lamang ang kakayahan sa pagbasa ng mag-aaral ang nasusukat kung hindi
maging ang kakayahan ng gurong magturo ng pagbasa. Ang mga programa sa
pagbasa ay nakabatay sa resulta ng Phil-IRI na ibinibigay sa bawat pagsisimula ng
taong panuruan.
Batay sa mga inihaing pagpapatunay sa mga pag-aaral na binanggit, ang
pagkatuto ng mag-aaral na bumasa ay hindi payak na gawain na puwedeng
isagawa ng kahit sino. Ang iba’t ibang salik sa pagtataglay ng kasanayan sa
pagbasa ay dapat lubusang ikonsidera. Ang sariling determinasyon ng mga mag-
aaral upang matutong bumasa, pagmakamalikhain ng mga gurong nagtuturo ng
pagbasa, kooperasyon ng mga magulang habang ang mga mag-aaral ay nasa
kani-kanilang tahanan, at ang pagiging bukas sa iba’t ibang paraan ng pagtatamo
sa ksanayang bumasa ay dapat na isagawa upang ang isang indibidwal ay maging
isang mambabasa sa pinakamakabuluhang kahulugan nito.
Pahina 30 ng 68
KABANATA III
METODOLOHIYA
Sa kabanatang ito, ang mga metodolohiya, disenyo ng pananaliksik,
kaligiran ng pananaliksik, populasyon at teknik sa pagpapakalat ng talatanungan,
instrumento sa pananaliksik, proseso ng pagkalap ng datos, at ang estadistika ay
ihahahin ng mananaliksik upang makamit ang kinakailangang datos sa
pagsasakatuparan ng mungkahing pag-aaral.
DISENYO NG PANANALIKSIK
Dahil ang pangunahing layunin ng pag-aaral ay ang matukoy ang mga
suliranin kinakaharap ng mga mag-aaral sa pagbasa sa ikaanim na baitang sa
ilang piling paaralang elementarya sa Dibisyon ng Lungsod ng Lucena at ang
implikasyon nito sa pagtuturo ng pagbasa, ang mananaliksik ay gagamit ng
pananaliksik na deskriptibo.
REPONDENTE NG PANAYAM
Joselito D. delos Reyes. Kasalukuyang Marketing Communications
Manager ng High Horizons Integrated Corporations, ang nangungunang
kompanya sa Asya-Pasipiko na gumagawa ng mga desalination plant. Kabilang sa
mga ginawang desalination plant ay matatagpuan sa Singapore at Brunei. Sa
Pahina 31 ng 68
Pilipinas, ang kompanyang ito rin ang naatasan ng pamahalaan na magsagawa ng
feasibility study hinggil sa desalination ng tubig na magmumula sa Laguna de Bay.
Bilang marketing communications manager, nakaatas kay delos Reyes ang mga
gawain ng komunikasyon partikular ang pagharap sa media at sa mga
mananaliksik. Ang kaniyang posisyon din ang inatasan ng kompanya na
magsagawa ng public hearing sa mga komunidad sa paligid ng Laguna de Bay.
Siya ang pangunahing tagapagsalita ng kompanya.
Bilang propesyonal, taglay ni delos Reyes ang dalawampung taon ng
karanasan sa public at media relations, events management, community
development sa parehong pampubliko at pampribadong kompanya. Naging public
relations manager muna siya ng Laguna Lake Development Authority at Vice
President for Corporate Communications ng Benguet Mining bago ang
kasalukuyan niyang posisyon sa High Horizons. Nagtapos siya ng journalism sa
U.P. Diliman at M.A. in Community Development sa nasabi ring unibersidad.
INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK
Dalawa ang instrumentong gagamitin sa pananaliksik. Una, ang archival o
ang pagkuha ng impormasyon gamit ang mga materyal sa aklatan, dyornal,
maging ang mga itinuturing maaasahang sanggunian buhat sa internet. Ikalawa,
malalimang panayam sa mga awtoridad gamit ang mga gabay na tanong ngunit
Pahina 32 ng 68
hindi isinasawalambahala ang mga kaugnay na tanong na maaaring mabuo sa
kahabaan ng panayam.
PROSESO SA PAGKALAP NG DATOS
May sinunod na proseso ang mananaliksik bago niya isagawa ang pagkalap
ng datos buhat sa mga respondente ng panayam.
Una, sinulatan ng mananaliksik ang mga tao na magbibigay ng permiso
upang maisagawa ang pananaliksik upang maiwasan ang problema. Ikalawa,
nagset ng iskedyul ang mananaliksik sa mga respondente ng panayam. At ikatlo,
sa napagkasunduang petsa at oras, isinagawa ng mananaliksik ang panayam
upang makakuha ng datos na kakailanganin sa pananaliksik.
Pahina 33 ng 68
KABANATA IV
PAGLALAHAD, PAGSUSURI, AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
Tinatalakay sa kabanatang ito ang paglalahad ng mga datos mula sa gabay
na tanong na ginamit ng mananaliksik batay sa tiyak na suliraning inilahad sa
Kabanata I. Sa pamamagitan ng mga talahanayan ay inilahad ang pagsusuri at
interpretasyon ng mga datos.
Ang unang bahagi ay naglalahad sa (unang layunin ng pag-aaral).
Inilalahad ng ikalawang bahagi ang mga (nakabatay naman sa ikalawang
layunin ng pag-aaral).
Ang huling bahagi ay hinggil naman sa maaaring (ikatlong layunin ng pag-
aaral).
Ang talahanayan 1 ay ang mga gabay na tanong kasama ang kasagutan ng
awtoridad at interpretasyon ng mga mananaliksik upang tugunan ang unang
layunin ng pananaliksik na ito.
May posibilidad bang gamitin at inumin ng Kalakhang Maynila ang tubig na
dumaan sa prosesong desalination?
Pahina 34 ng 68
Tinalakay ni Joselito delos Reyes na “imminent” o nakatakda nang
mangyari ang paggamit at pag-inom ng tubig buhat sa prosesong desalination
dahil mura na lamang ang teknolohiyang ito at kayang balikatin maging ng mga
maliliit na munsipyo at lungsod sa loob at labas ng Kamaynilaan. Binigyan niya ng
limang taon at magagamit na ang tubig na magmumula sa mga desalination plant
sa paligid ng Laguna de Bay. Ayon pa sa kaniya: “Metro Manila is, figuratively,
pushed against the wall. Our dam can no longer accomodate our need for safe
and clean drinking water. So it is very imminent. Five years. Maybe less.”
Ngunit ayon naman kay Engr. Nicasio Jazul, bagamat napakaposible
ngang gamitin ang desalination plant para sa pangangailangan ng tubig sa
Kalakhang Maynila, matagal pa diumano ito para mangyari. Hindi niya nakikita sa
darating na sampung taon na gagamit ang Kalakhang Maynila ng tubig buhat sa
prosesong desalination. Lubha umanong marami ang burukrasya sa pamahalaan
para maipatupad ang malakihang proyekto ng pagpapatayo ng desalination plant,
at lubha namang magmamahal kung itatayo ang mga planta sa pamamagitan ng
build-operate-transfer (BOT), isang paraan ng pagtatayo ng malakihang proyekto
gamit ang pondo ng pribadong sektor kapalit ang pamamahala dito ng huli sa loob
ng mapagkakasunduang matagala na panahon gaya ng sa mga expressway sa
bansa.
Pahina 35 ng 68
Higit na binibigyan ng timbang ng mananaliksik ang inihayag ni delos Reyes
dahil sa mas malawak niyang karanasan sa pagtatayo ng mga desalination plant
sa rehiyong Asya-Pasipiko, ngunit makukurong tama rin ang sinabi ni Jazul dahil
tunay ngang komplikado at mahaba ang burukrasya sa pamahalaan upang
maipatupad ang proyektong desalination plant. Magkagayunman, parehong
sumasang-ayon ang dalawang awtoridad sa puntong gagamit at iinom ng tubig
ang Kalakhang Maynila buhat sa prosesong desalination bagamat sa magkaibang
pagtingin sa hinaharap: limang taon o higit na mas maikli pa rito ayon kay delos
Reyes, at higit sa sampung taon naman para kay Engr. Jazul.
Pahina 36 ng 68
KABANATA V
PAGLALAGOM, KONGKLUSYON, AT REKOMENDASYON
Sa kabanatang ito inilalahad ang paglalagom ng pananaliksik, kongklusyon,
at rekomendasyon kaugnay sa isinagawang pag-aaral.
PAGLALAGOM
Nilalayon ng pananaliksik na matukoy ang mga kahirapan sa pagbasa o
reading difficulties ng mga mag-aaral sa ikaanim na baitang sa ilang piling
pampublikong paaralan sa Dibisyon ng Lungsod ng Lucena gaya ng itinatadhana
ng datos ng Phil-IRI, at ang implikasyon nito sa pagtuturo ng pagbasa.
Nilayong sagutin ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod na tiyak na
layunin:
1. Ano ang persepsiyon ng mga guro sa pagbasa sa Phil-IRI bilang mabisang
instrumento sa pagtataya sa lebel ng kakayahan sa pagbasa ng mga mag-aaral?
2. Ano-ano ang mga karaniwang kahirapan sa pagbasang kinakaharap ng mga
mag-aaral sa ilang piling paaralan sa Dibisyon ng Lungsod ng Lucena?
Pahina 37 ng 68
3. Ano-anong epektibong estratehiya o teknik ang maaari pang gamitin ng mga
guro bilang mungkahing solusyon upang matugunan ang mga suliranin sa
pagbasa?
Napatunayan ng pag-aaral ang mga sumusunod:
1. Ang pagkilala sa persepsiyon ng mga pampublikong guro sa Phil-IRI bilang
mabisang instrumento sa pagtataya sa lebel ng kakayahan sa pagbasa ng mga
mag-aaral.
Sa kabuuan, ang labintatlo sa labing-apat na tanong hinggil sa persepsiyon
ng pampublikong guro sa Phil-IRI ay sinasang-ayunan ng mayorya ng mga
respondent maliban sa tanong bilang ikalawa na nagsasaad na nakatutulong sa
pagkilala ng antas ng pagbasa ng mga mag-aaral ang Phil-IRI na lubos na sinang-
ayunan ng mga respondent.
2. Ang pagtukoy sa karaniwang suliranin ng mga mag-aaral sa ikaanim na baitang
sa mga pampublikong paaralan sa Dibisyon ng Lungsod ng Lucena na nahahati sa
dalawang klasipikasyon. Una ang Maling Basa, at ikalawa ang Suliranin sa Pag-
unawa o Komprehensiyon.
Pahina 38 ng 68
3. Mga mungkahing solusyon upang matugunan ang mga suliranin sa pagbasa
Mula sa sa dalawampung mungkahing solusyon, labindalawa ang lubos na
sinasang-ayunan ng mga gurong respondent bilang mga posibleng mabisang
solusyon sa suliranin sa pagbasa. Ito ay ang mga sumusunod: (a) Pagsasagawa
ng remedial na gawain sa pagbabasa na may tuon sa mababagal o hindi
nakakabasa; (b) Each-One, Teach-One upang mabigyan ang bawat isa ng ka-
partner sa pagbabasa na makatutulong sa mga gawaing pagbabasa; (c)
Ginabayang pagbasa nang malakas o guided oral reading upang malinang ang
galing at kasanayan ng mag-aaral sa pagbabasa; (d) Directed Reading Thinking
Activity (DRTA) upang ang aktibong proseso sa pagbabasa ay makapagbigay ng
hinuha hinggil sa binabasa; (e) Know What Learn (KWL) upang malinang ang
kakayahan ng mag-aaral na magtakda ng layunin sa pagbabasa, makakalap ng
impormasyon mula sa teksto, maiorganisa ang impormasyon sa grapikong
awtlayn, at makapagbuod mula sa mga grapikong awtlayn; (f) Relasyong tanong-
sagot upang malinang ang kakayahan ng mag-aaral sa pagsagot sa mga tanong
na may kinalaman sa nilalaman ng teksto; (g) Pagbuo ng reading corner/ center sa
loob ng silid-aralan; (h) Magkapares na pagbasa o paired reading na magbibigay
ng pagkakataong mag-ensayo sa mga may suliranin sa pagbasa sa isang
mapanghikayat na kapaligiran kasama ang isang mayroon nang kasanayan sa
pagbasa; (i) Pagtunghay sa mga salita o sight word study sa Ingles, upang
makilala nang madali at mabilis ng mga mag-aaral ang mga salitang madalas
Pahina 39 ng 68
gamitin sa teksto; (j) Pag-uulit sa pagbasa o repeated reading upang mapataas
ang kasanayan at pagkukusa para sa mabagal at pahinto-hintong mambabasa, at
upang higit na makapagpokus sa binabasa ang mag-aaral; (k) Dulog na wikang
dinanas o Language Experienced Approach (LEA) upang malinang ang
kakayahan ng mag-aaral sa pagbubuo ng konsepto at pagpapalawak ng
bokabularyo habang naghahain ng makahulugang karanasan sa pagbabasa; (l) at
Semantic word map upang makapagtamo nang mas malinaw na kahulugan ng
isang konsepto sa pamamagitan ng pag-aaral sa ilang magkakaugnay na salita.
KONGKLSUYON
Batay sa mga napatunayan ng pag-aaral, ang mga sumusunod na
kongklusyon ay nabuo:
1. Sa pagkilala sa persepsiyon ng mga pampublikong guro sa Phil-IRI bilang
mabisang instrumento sa pagtataya sa lebel ng kakayahan sa pagbasa ng mga
mag-aaral.
Mabisang instrumento ang Phil-IRI sa pagtataya ng lebel ng kakayahan sa
pagbasa ng mga mag-aaral.
Inilalahad ng Phil-IRI sa mga guro ng pagbasa ang komprehensibong
profayl ng kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbasa.
Pahina 40 ng 68
Ang mga impormasyong makakalap gamit ang Phil-IRI ay maaaring maging
lunsaran ng pamantayan ng bawat paaralan sa kakayahna ng kanilang mga mag-
aaral.
2. Ang pagtukoy sa karaniwang suliranin sa pagbasa ng mga mag-aaral
2.1. Maling Basa
Batay sa impormasyong nakalap, nasa erya ng dekowding ang mga
pangunahing suliraning nararanasan ng mag-aaral. Ang mga suliranin sa
pagededekowd na ito ay ang maling bigkas sa salita; pagpapalit ng salita sa isa
pang salita na hindi naman taglay ng tekstong binabasa; pagsisingit ng ibang
salita, titik, o pantig na hindi naman kasama sa tekstong binabasa; pagtatanggal
ng salita na nasa teksto; pag-uulit sa pagbigkas ng salita; at pagbabaligtad ng
pagbasa, i.e. patalon-talon at pagbalik-balik sa pagbasa ng salita na taglay ng
teksto.
2.2. Suliranin sa Pag-unawa o Komprehensiyon
Ang sumusunod na suliranin ay napatunayang nararanasan ng mga mag-
aaral batay sa impormasyong nakalap ng mananaliksik: hirap sa pagsagot sa mga
detalyeng katanungang sumasagot sa sino, ano, saan, at kailan na malinaw na
nakalagay sa tekstong binabasa; hirap sa pagsagot sa katanungang paano na
mahihiwatigan o implicit na nakalagay sa tekstong binasa; hirap sa pagtukoy sa
Pahina 41 ng 68
pinapatungkulan ng panghalip panao; hirap sa paghusga batay sa personal na
karanasan at obserbasyon; hirap sa paglikha ng konklusyon batay sa ibinigay na
obserbasyon.
3. Mga mungkahing solusyon upang matugunan ang mga suliranin sa pagbasa
Nangunguna sa mga lubos na sinasang-ayunang mungkahing solusyon ang
mga sumusunod: Pagsasagawa ng remedial na gawain sa pagbabasa na may
tuon sa mababagal o hindi nakakabasa; Each-One, Teach-One upang mabigyan
ang bawat isa ng ka-partner sa pagbabasa na makatutulong sa mga gawaing
pagbabasa; Ginabayang pagbasa nang malakas o guided oral reading upang
malinang ang galing at kasanayan ng mag-aaral sa pagbabasa; Directed Reading
Thinking Activity (DRTA) upang ang aktibong proseso sa pagbabasa ay
makapagbigay ng hinuha hinggil sa binabasa; Know What Learn (KWL) upang
malinang ang kakayahan ng mag-aaral na magtakda ng layunin sa pagbabasa,
makakalap ng impormasyon mula sa teksto, maiorganisa ang impormasyon sa
grapikong awtlayn, at makapagbuod mula sa mga grapikong awtlayn; Relasyong
tanong-sagot upang malinang ang kakayahan ng mag-aaral sa pagsagot sa mga
tanong na may kinalaman sa nilalaman ng teksto; Pagbuo ng reading corner/
center sa loob ng silid-aralan; Magkapares na pagbasa o paired reading na
magbibigay ng pagkakataong mag-ensayo sa mga may suliranin sa pagbasa sa
isang mapanghikayat na kapaligiran kasama ang isang mayroon nang kasanayan
Pahina 42 ng 68
sa pagbasa; Pagtunghay sa mga salita o sight word study sa Ingles, upang
makilala nang madali at mabilis ng mga mag-aaral ang mga salitang madalas
gamitin sa teksto; Pag-uulit sa pagbasa o repeated reading upang mapataas ang
kasanayan at pagkukusa para sa mabagal at pahinto-hintong mambabasa, at
upang higit na makapagpokus sa binabasa ang mag-aaral; Dulog na wikang
dinanas o Language Experienced Approach (LEA) upang malinang ang
kakayahan ng mag-aaral sa pagbubuo ng konsepto at pagpapalawak ng
bokabularyo habang naghahain ng makahulugang karanasan sa pagbabasa; at
Semantic word map upang makapagtamo nang mas malinaw na kahulugan ng
isang konsepto sa pamamagitan ng pag-aaral sa ilang magkakaugnay na salita.
REKOMENDASYON
Batay sa resulta, interpretasyon, at kongklusyon ng pag-aaral, nabuo ang mga
sumusunod na rekomendasyon:
Para sa mga guro ng pagbasa:
1. Pahalagahan ang Phil-IRI bilang mabisang instrumento sa pagtataya sa
lebel ng kakayahan sa pagbasa ng mga mag-aaral. Ihayag sa mga mag-aaral na
sasailalim sa pre at post-test ng Phi-IRI na mahalaga ang pagtatayang isasagawa
sa kanila upang masukat ang kanilang kakayahan.
Pahina 43 ng 68
2. Maging masinop sa pagsasagawa ng pre at post-test Phil-IRI dahil kritikal
ang magiging resulta na maglulunsad ng mga programa sa pagbasa sa loob at
labas ng paaralan.
3. Maglaan ng iba’t ibang gawain upang mahikayat ang mga mag-aaral na
bumasa nang may pagkagiliw sa teksto at upang malinang ang interes ng mga
mambabasa.
4. Bigyan ng pagkakataong isagawa ang mga mungkahing solusyon sa mga
suliranin sa pagbasa na napatunayang lubos na sinasang-ayunan ng maraming
guro sa pagbasa sa pampublikong paaralang elementarya sa Dibisyon ng
Lungsod ng Lucena.
5. Bumuo ng indibidwal na profayl sa pagbasa ng kani-kanilang mag-aaral
na nagtataglay ng kahinaan, kasama na ang mga suliranin, at kalakasan ng mag-
aaral sa pagbasa upang maging halimbawa sa ibang may parehong suliranin.
Para sa mga dalubhasa sa pagbasa:
1. Magsagawa ng mga pag-aaral at pagsasanay para sa mga guro ng
pagbasa upang maging kaagapay ng Phil-IRI sa pagtataya ng lebel ng kakayahan
sa pagbasa ng mga mag-aaral.
2. Pagbuo ng iba pang mungkahing solusyon sa mga suliranin sa pagbasa.
Pahina 44 ng 68
Para sa mga magulang:
1. Alamin pang lalo ang kahalagahan na malaman ang lebel ng pagbasa ng
kanilang mga anak upang matukoy kung anong materyal ang makatutulong sa
pagbasa nila.
2. Maging aktibong kabahagi sa pag-aaral ng mga mag-aaral habang nasa
bahay.
3. Maghanda ng ibang materyal sa pagbasa na aakma sa kakayahan ng
kanilang mga anak.
4. Sabayang magbasa ang kanilang anak upang mahimok pang lalo ang
mga bata sa pagbasa.
5. Gawing pang-araw-araw na gawain ang pagbasa sa loob ng bahay
upang maging bahagi ng kultura sa paglaki ng bata.
Para sa mga magsasagawa ng mga kasunod na pananaliksik
1. Magsagawa ng pag-aaral na may deskriptibong korelatibo upang
matukoy kung nakabatay sa kasarian, katayuan sa buhay, edad ang kasanayan sa
pagbasa.
2. Ipagpatuloy ang pag-aaral hinggil sa pagbabasa at gawing delimitasyon
ang iba’t ibang lokalidad sa loob at labas ng lalawigan ng Quezon.
Pahina 45 ng 68
3. Magsagawa ng iba pang pananaliksik na mayroong iba pang
mungkahing solusyon na hindi kabilang sa pananaliksik na ito.
4. Isagawa ang mga mungkahing solusyon sa pamamagitan ng
pagdedebelop ng mga modyul na ipagagamit sa mga guro sa pagbasa upang
masukat ang efficacy ng mga mungkahing solusyon.
Pahina 46 ng 68
BIBLIOGRAFI
Aklat
Almario, Virgilio S. (2008). Filipino para sa Pilipino. Lungsod ng Pasig: Anvil
Publishing.
Arrogante, Jose A. et al. (2005). Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.
Lungsod ng Mandaluyong: National Bookstore.
Badayos, Paquito B. (2003). Filipino 2 para sa Kolehiyo at Unibersidad. Lungsod
ng Makati: Grandwater Publications.
Bernales, Rolando A. et al. (2008). Pagtuturo ng/sa Filipino (mga Teorya at
Praktika). Lungsod ng Valenzuela: Mutya Publishing House, Inc.
Gonzales, F.S.C., Andrew B. ___ Pagpaplanong Pangwika at Intelektwalisasyon.
___________________________________________ .
Holt, John. (2005). How Teachers Make Children Hate Reading. nasa The Norton
Reader. New York: W.W. Norton and Company, Inc.
Lalunio, Ph. D. Lydia P. (2000). Kahusayan sa Pagbabasa ng mga Mag-aaral sa
Elementarya at Hayskul: Pagsusuri at Implikasyon. nasa Filipino at
Pagpaplanong Pangwika. Lungsod ng Quezon: U.P. Sentro ng Wikang
Filipino.
Nunan, D. (1987). The teachers as curriculum developer. An investigation of
curriculum processes within the adult migrant education program. Adelaide,
S.A.: AMEP.
Pahina 47 ng 68
_______ . (1990). Designing tasks for the communicative classroom. Cambridge:
Cambridge Univerity Press.
Pratt, D. (1980). Curriculum. Design and development. New York: Harcourt
Brace
ovanich, Inc.
Ramos, Victoria N. (2006). Modyul sa Komunikasyon sa Akademikong Filipino.
Maynila. Mindshapers, Inc.
Richards, J., & Rodgers, T. (1986). Approaches and Methods in Language
Teaching. Cambridge, MA: Cambridge.
Richards, J. C. (1990). The language teaching matrix. Cambridge: Cambridge
University Press.
___________. (2001). Curriculum development in language teaching.
Cambridge: Cambridge University Press.
Villafuerte, Patrocino V. et al. (2005). Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.
Lungsod ng Makati: Lorimar Publishing Company, Inc.
Villamin, Araceli M. et al. (1999). Developmental Reading. Lungsod ng Quezon:
Phoenix Publishing.
Manwal, Magasin, at Dyornal
Delos Reyes, Joselito D. (2009). Ang Wika Bilang Economic Policy. nasa Alinaya,
Opisyal na Newsletter ng Departamento ng Filipino. Maynila: Pamantasang
De La Salle.
Pahina 48 ng 68
Department of Education. (2000). Strategic Teaching and Learning. __________.
____________________. (2008). Philippine Informal Reading Inventory Manual.
Lungsod ng Pasig.
____________________. (2002). Basic Education Curriculum (Philippine
Elementary Reading Competencies). Lungsod ng Pasig.
Wolf Margaux at Barzillai. (2009). ______________________________.
Educational Leadership Magazine. New York.
Hindi nalalathalang tesis at disertasyon
De Vera, Maria Cristy R. (2008). Reading difficulties of the grade VI pupils of
Lucena South District. Lucena City: Sacred Heart College.
Gonzales, Emmanuel Signo. (2002). Isang mungkahing suplemental na modyul sa
pagdevelop ng mga kasanayan sa pakikinig at pagbasa para sa mga
dayuhang mag-aaral sa Filipino sa Far Eastern University – Maynila.
Maynila: De La Salle University.
Sadorra, Ma. Luisa C. (2000). Reading in English and Filipino: a study of self-
reported strategy use and reading performance. Maynila: De La Salle
University.
Tiangco, Rosalina S. (1984). A descriptive study of underachieving grades III and
IV pupils in selected public elementary schools in Tondo, Manila, 1983-
1984. Maynila: De La Salle University.
Villamater, Flordelyn O. (2005). Kakayahang Pangkomunikatibo sa Pagbasa at
Pagsulat ng mga Mag-aaral sa Unang Taon ng Paaralan ng Edukasyon sa
Pahina 49 ng 68
Southern Luzon Polytechnic College Taong Panuruan 2003-2004. Lucban,
Quezon: Southern Luzon Polytechnic College.
Internet
Almario, Virgilio S. “Nagbabasa ka ba?”
http://groups.yahoo.com/group/thefilipinowriter/message/1812
http://www.sil.org/lingualinks/LANGUAGELEARNINGS
http://www.nbstores.com/nbsfoundation.asp/h
Pahina 50 ng 68
APENDIKS
TALATANUNGAN
Pangalan (Opsiyonal) ______________________________________________________
Kasarian ______ Edad _______ Ilang taon nang nagtuturo _________ Petsa __________
Paaralang pinagtuturuan ___________________________________________________
Kinabibilangang Distrito ____________________________________________________
Ang mga talatanungang matrix sa ibaba ay tutukoy sa ilang mga suliraning nararanasan
ng mga mag-aaral. Lagyan ng tsek ang karampatang kahon na naglalarawan ng pagsang-
ayon o hindi pagsang-ayon sa bawat bilang. Isang tsek lamang ang maaaring isagot sa
bawat row. Samantala, inaalam ng ikalawang bahagi ng talatanungan ang pangunahing
pamamaraan na isinagawa upang matugunan ang mga suliranin batay sa unang
talatanungan.
Legend: 5- Lubos na Sumasang-ayon
4- Sumasang-ayon
3- Depende
2- Hindi Sumasang-ayon
1- Lubos na Hindi Sumasang-ayon
5 4 3 2 1
I. Suliranin sa pagbasa
Maling basa
1. Maling bigkas sa salita.
2. Pagpapalit ng salita sa isa pang salita na hindi naman taglay ng tekstong binabasa.
3. Ayaw bigkasin ang salita.
4. Pagsisingit ng ibang salita, titik, o pantig na hindi naman kasama sa tekstong binabasa.
5. Pagtatanggal ng salita na nasa teksto.
Pahina 51 ng 68
6. Pag-uulit sa pagbigkas ng salita.
7. Pagbabaligtad ng pagbasa, i.e. patalon-talon at pagbalik-balik sa pagbasa ng salita na taglay ng teksto.
Suliranin sa pag-unawa o komprehensiyon1. Hirap sa pagsagot sa mga detalyeng katanungang sumasagot sa sino, ano, saan, at kailan na malinaw na nakalagay sa tekstong binabasa. 2. Hirap sa pagsagot katanungang paano na mahihiwatigan o implicit na nakalagay sa tekstong binasa. 3. Hirap sa pagtukoy sa pinapatungkulan ng panghalip panao.
4. Hirap sa paghusga batay sa personal na karanasan at obserbasyon.
5. Hirap sa paglikha ng konklusyon batay sa ibinigay na obserbasyon.
II. Solusyon upang tugunan ang mga suliranin sa pagbasa
1. Pagsasagawa ng remedial na gawain sa pagbabasa na may tuon sa mababagal o hindi nakakabasa.2. Each-One, Teach-One upang mabigyan ang bawat isa ng ka-partner sa pagbabasa na makatutulong sa mga gawaing pagbabasa.3. Araw-araw na pagsulat sa dyornal upang maensayo ang mga mag-aaral sa kasanayan sa paglikha ng mga pangungusap o talata.4. Indibidwal na pagtu-tutor upang mabigyan ng dagdag na panahon at atensiyon ang mga mababagal magbasa.5. Ginabayang pagbasa ng malakas o guided oral reading upang malinang ang galing at kasanayan ng mag-aaral sa pagbabasa.6. Directed Reading Thinking Activity (DRTA) upang ang aktibong proseso sa pagbabasa ay makapagbigay ng hinuha hinggil sa binabasa.7. Know What Learn (KWL) upang malinang ang kakayahan ng mag-aaral na magtakda ng layunin sa pagbabasa, makakalap ng impormasyon mula sa teksto, maiorganisa ang impormasyon sa grapikong awtlayn, at makapagbuod mula sa mga grapikong awtlayn. 8.May tuon pareho sa mambabasa at binabasa ang Interaktibong Modelo.
Pahina 52 ng 68
9. Relasyong tanong-sagot upang malinang ang kakayahan ng mag-aaral sa pagsagot sa mga tanong na may kinalaman sa nilalaman ng teksto.10. Pinagsaluhang pagbasa o shared reading upang masanay ang mga mag-aaral sa pagbabahagi ng kanilang ideya hinggil sa binasa.11. Pagbuo ng reading corner/ center sa loob ng silid-aralan. 12. Magkapares na pagbasa o paired reading na magbibigay ng pagkakataong mag-ensayo sa mga may suliranin sa pagbasa sa isang mapanghikayat na kapaligiran kasama ang isang mayroon nang kasanayan sa pagbasa.13. Pagbabasa nang malakas upang makapagbahagi ng karanasan sa pagbasa. Magiging modelo ang guro sa tamang pagkikipil ng pangungusap, tamang pagbigkas, at kasanayan na maaaring gayahin ng mga mag-aaral.14. Pagtunghay sa mga salita o sight word study sa Ingles, upang makilala nang madali at mabilis ng mga mag-aaral ang mga salitang madalas gamitin sa teksto. 15. Pag-uulit sa pagbasa o repeated reading upang mapataas ang kasanayan at pagkukusa para sa mabagal at pahinto-hintong mambabasa, at upang higit na makapagpokus sa binabasa ang mag-aaral.16. Dulog na wikang dinanas o Language Experienced Approach (LEA) upang malinang ang kakayahan ng mag-aaral sa pagbubuo ng konsepto at pagpapalawak ng bokabularyo habang naghahain ng makahulugang karanasan sa pagbabasa. 17. Semantic word map upang makapagtamo nang mas malinaw na kahulugan ng isang konsepto sa pamamagitan ng pag-aaral sa ilang magkakaugnay na salita.18. Predict, locate, add note o PLAN upang matulungan ang mga may suliranin sa pagbabasa na maging mapanuri sa pagbabasa bilang aktibong proseso, at malinang ang kakayahan sa pagpili ng epektibong estratehiya sa pagbasa para sa isang tiyak na gawain.19. Mga gawain sa pagkilala ng mga salita gamit ang mga palatandaang konfigurasyon at gawain sa pagbabaybay ng salita. 20. Mga flexi-group o mga grupo sa pagbasang mag-iiba-iba batay sa kasanayan sa pagbasa ng mga kasapi upang maihanda sila sa mga gawain sa pagbasa na itatalaga ng guro.
Ang talatanungang matrix sa ibaba ay tumutugon sa pagkilala ng mga guro sa pagbasa sa
Phil-IRI bilang epektibong kagamitan sa pagtataya ng antas ng pagbasa ng mag-aaral sa
Pahina 53 ng 68
ikaanim na baitang. Lagyan ng tsek ang karampatang kahon na naglalarawan ng
pagsang-ayon o hindi pagsang-ayon sa bawat bilang. Isang tsek lamang ang maaaring
isagot sa bawat row.
5 4 3 2 11. Nakatutulong ang resulta ng Phil-IRI sa paghahanda ng mga programang magpapahusay sa pagbasa ng mga mag-aaral.
2. Nakatutulong sa pagkilala ng antas ng pagbasa ng mga mag-aaral.
3. Nakatutulong sa pagtataya ng antas ng potensiyal at kapasidad ng mga mag-aaral sa pag-unawa o komprehensiyon.
4. Nakatutulong sa pag-alam sa tamang pangkat sa pagbasa na maaaring kabilangan ng mag-aaral.5. Kumikilala sa kakayahan ng mag-aaral sa pagkilala sa mga salita, kasanayan sa pagbasa nang malakas, at pag-unawa o komprehensiyon.6. Nagpapahintulot sa guro na magsagawa ng malapitang obserbasyon sa mga mag-aaral na nagbabasa sa ilalim ng iba’t ibang sitwasyon at pangangailangan.7. Higit na accurate o eksakto ang antas ng pagbasa ng mag-aaral na tinutukoy ng Phil-IRI kompara sa iba pang gawaing pagpapabasa sa mga mag-aaral na isinasagawa ng iba’t ibang sektor gaya ng standardized reading survey at reading achievement test.
8. Nagpapahintulot sa mga guro na mag-obserba sa mga mag-aaral habang nagbabasa nang tahimik o malakas.
9. Ito ay subok na sa silid-aralan, maaasahan, at idinisenyo nang mabuti upang malaman ang antas ng pagbasa ng mga mag-aaral. 10. Nagtataglay ito ng mga katanungan sa pag-unawa o komprehensiyon sa parehong literal at pahiwatig o implicit na antas upang masukat ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbasa.11. Nakatutulong sa mga guro upang matukoy ang padron ng pagkakamali o pattern of error sa pagbasa ng isang mag-aaral.12. Nakatutulong ito sa paghikayat sa mga mag-aaral na gamitin ang kanilang unang kaalaman o prior knowledge at paghihinuha sa pagbasa.13. Nagtataglay ito ng mahalaga, interesante, at makabuluhang materyal-babasahin.
14. Wala itong bias sa kultura at kasarian na maaaring makaapekto sa interes ng mag-aaral.
Pahina 54 ng 68
Pahina 55 ng 68
MGA HAKBANG SA PAGSASAGAWA NG MGA MUNGKAHING
SOLUSYON SA SULIRANIN SA PAGBASA
Pahina 56 ng 68
Ang mga labindalawang mungkahing solusyon ay batay sa resulta ng pag-aaral na
ito, kung aling solusyon ang nararapat isagawa sa mga mag-aaral na may suliranin
sa pagbasa. Inilalahad lamang ng mananaliksik ang mga mungkahing solusyon na
Lubos na Sinasang-ayunan ng mga respondent. Partikular na bibigyang pansin
ang gawain ng guro sa pagsasagawa ng solusyon.
1. Pagsasagawa ng remedial na pagbasa
Paraan ng pagsasagawa
a. Pumili ng karampatang ipababasang materyal sa mag-aaral.
b. Maglaan ng higit sa karaniwang panahon para sa pagbabasa nang malakas ng
bata kasama ang guro. Itatama ng guro sa pagbasa ang mga maling bigkas, ang
pagpapalit, ang pag-uulit ng salita, at pagbabaligtad ng mga salita sa mismong
oras na marinig ang maling pagbasa.
c. Magkakaroon ng ilang tanong ang guro para sa mag-aaral hinggil sa materyal
na binasa upang masukat kung mayroong naunawaan ang mag-aaral.
d. Uulitin ang estratehiyang ito hanggang sa makapag-iisa nang magbasa ang
mag-aaral.
2. Each-one, Teach-one
Paraan ng pagsasagawa
a. Tukuyin ang mga mag-aaral batay sa kakayahang bumasa.
Pahina 57 ng 68
b. Kilalanin kung sino ang mag-aaral na higit na angat sa lebel ng pagbasa.
Kausapin ang mag-aaral na ito at ipaliwanag ang kahgalagahan ng pagtulong
bumasa sa kaniyang kaklase.
c. Alamin ang kakayahan sa pagbasa ng mag-aaral na papatnubayan ng
estratehiyang Each-one, Teach-one.
d. Matapos matukoy ang lebel ng kakayahan sa pagbasa, bigyan siya ng ka-
partner sa pagbasa.
e. Maglaan ng panahon upang maisagawa ang estratehiyang Each-one, Teach-
one sa loob ng silid aralan, kung hindi man sa isang lugar sa paaralan na
conducive sa pagbabasa nang malakas.
f. Ulitin ang proseso kung kinakailangan hanggang sa makapag-iisa na ang mag-
aaral na may suliranin sa pagbasa.
3. Ginabayang pagbasa nang malakas o guided oral reading
Paraan ng pagsasagawa
a. Matapos matukoy ang mag-aaral na may suliranin sa pagbasa, maghanda ng
isang tekstong babasahin na nagtataglay ng mga palaisipan.
b. Ihanda na agad ang mga katanungan bago pa man simulan ng mag-aaral ang
pagbasa nang malakas.
c. Habang nagbabasa ang mag-aaral, maaari nang isa-isang itanong ang mga
inihandang tanong kung madaraanan ng pagbasa ang kasagutan.
Pahina 58 ng 68
d. Matapos basahin ang teksto, hikayatin ang kaniyang mga kaklase na
magtanong na ang kasagutan ay pawang matatagpuan sa teksto upang mabalikan
ng mag-aaral ang tekstong kaniyang binasa.
e. Sa kahabaan ng proseso, magsisilbi lamang tagapamagitan ang guro sa
pagpapalitan ng tanong at sagot ng klase. Lilinawin niya ang mga malabong
katanungan samantalang ginagabayan ang nagbasang mag-aaral kung paano
makikita ang sagot sa teksto.
4. Directed Reading Thinking Activity (DRTA)
Paraan ng pagsasagawa
a. Ihayag sa mga mag-aaral sa klase ang paksa ng babasahing teksto.
b. Tanungin ang mga mag-aaral hinggil sa maaaring kalabasan ng kuwentong
nilalaman ng teksto.
c. Magbabasa nang malakas at dahan-dahan ang guro samantalang sumusunod
ang kaniyang mag-aaral sa pagbasa mula sa kani-kanilang kopya ng teksto.
d. Sa kalagitnaan ng pagbasa, muling itanong sa mag-aaral kung naaalala pa nila
ang iniisip nilang kalalabasan ng kuwento.
e. Magtanong muli kung mayroong pagbabago silang nais gawin tungkol sa
kanilang iniisip mangyari sa kuwento. At kung bakit nila ito binago. Maaasahan na
ang pagbabagong kanilang sasabihin ay mula sa tekstong sinimulan na nilang
basahin. Itanong kung saan matatagpuan sa teksto ang mga ebidensiya kung
bakit nagbago ang kanilang iniisip sa kalalabasan ng kuwento.
Pahina 59 ng 68
f. Itutuloy ng guro ang kaniyang pagbasa sa kuwento hanggang sa matapos.
g. Sukatin ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa pmamagitan ng pagtatanong na
ang sagot ay matatagpuan sa kabuuan ng teksto.
5. Know What Learn (KWL)
Paraan ng pagsasagawa
a. Buhat sa matutukoy na babasahin, ibibigay ng guro ang paksa ng teksto.
Halimbawa: Pangangalaga sa kalikasan. Buhat sa paksa, tatanungin ng guro ang
mga mag-aaral kung ano pang konsepto ang kanilang naiisip kapag binabanggit
ang paksang “pangangalaga sa kalikasan.”
b. Bawat konseptong ipahahayag ng bata ay isusulat sa blackboard.
c. Gagabayan ng guro ang mga mag-aaral sa pagkakategorya ng konsepto sa
ilalim ng “pangangalaga ng kalikasan.” Inaasahang isasagot ng mga bata ay nasa
ilalim ng mga kategoryang “lugar” gaya ng bundok at gubat, “gawain”, “kalaban ng
kalikasan”, “kinabukasan”, atbp.
d. Mula sa mga kategorya, bubuo ang guro ng mga katanungan na nilalaman ng
teksto ang kasagutan.
e. Habang nagbabasa, ipasasagot ng guro ang mga nabuong katanungan.
f. Matapos ang pagbasa, magkakaroon ng talakayan hinggil sa nangyari sa
kuwento.
g. Muling babalikan ang mga konseptong inilahad ng mga mag-aaral at muli itong
iuugnay sa naunang paksa, ang “pangangalaga sa kalikasan.’
Pahina 60 ng 68
h. Bilang huling gawain sa estratehiyang ito, gagabayan ng guro ang mga mag-
aaral sa pagsulat ng buod ng kuwento, at ang kanilang magagawa pa para sa
pangangalaga ng kalikasan.
6. Relasyong tanong-sagot
Paraan ng pagsasagawa
a. Pipili ang guro ng apat (o higit pang) maiikling babasahing may magkakatulad
na paksa.
b. Ipapangkat ng guro ang kaniyang mga mag-aaral batay sa dami ng babasahin.
Kung apat ang babasahin, apat na pangkat.
c. Ipababasa ng guro ang teksto, at bawat isang pangkat ay maghahanda ng
katanungan na makikita ang sagot sa kanilang binasang teksto.
d. Magpapalit-palit ng teksto ang bawat pangkat ngunit sa pagkakataong ito,
maliban sa gagawa sila ng tanong buhat sa teksto, sasagutin nilang ang naunang
katanungan na nagmula sa unang pinaggalingang pangkat.
e. Matapos maikutan ang lahat ng pangkat ng parehong bilang ng babasahin,
itatanong ng guro ang pagkakaugnay-ugnay ng bawat babasahin.
f. Sa susunod na pagkakataon, maghahanda na ang guro ng higit na mahaba at
kompleks na babasahin hanggang sa masanay ang mga mag-aaral sa pagbasa at
pag-unawa sa kanilang binasa.
7. Pagbuo ng reading corner/ center sa loob ng paaralan
Paraan ng pagsasagawa
Pahina 61 ng 68
a. Lubos na magagamit ang aklatan kung magkakaroon ng iba’t ibang gawain dito.
b. Magbibigay ng gawain ang guro tungkol sa isang tekstong matatagpuan sa loob
ng aklatan. Isasagawa ang paghahanap gamit lamang ang mga conceptual clues
na tatalakayin ng guro bago matapos ang kaniyang ioras ng pagtuturo.
c. Bawat conceptual clues ay dapat na matagpuan hindi lamang sa isang
babasahin kung hindi sa isang serye ng babasahin.
d. Dapat maghanda uli ang guro ng isang serye ng babasahin na may kaugnyan
sa naunang serye upang lumabas itong isang malaking serye ng pagbasa sa loob
ng mas matagal na panahon.
8. Magkapares na pagbasa o paired reading
Paraan ng pagsasagawa
a. Magdedesisyon ang guro kung ano-anong teksto ang ipababasa. Mga tekstong
may iba’t ibang lebel ng dali. Pagpaparesin ng guro ang mga mag-aaral batay sa
kakayahang bumasa sa paraang ang pinakamahina ay kapares ng pinamagaling
bumasa.
b. Tatalakayin ng guro sa klase ang kahalagahan ng magkapares na pagbasa at
ang layunin kung bakit ito isinasagawa.
c. Maglalaan ng sampu hanggang labinlimang minuto ang guro para sa
pagbabasa ng mga mag-aaral, araw-araw, na maaaring tumagal ng ilang buwan.
d. Aanyayahan ng guro ang mag-aaral na pumili ng babasahin mula sa maraming
tekstong inihanda ng guro.
Pahina 62 ng 68
e. Babasahin ng magkapares na mag-aaral nang sabay ang teksto.
f. Dapat na sabay bumasa ang magkapares, aalalayan ng higit namabilis bumasa
ang mahinang bumasa lalo na sa mga salitang hirap mabigkas ng mahinang
mambabasa.
g. Sa magkapares na pagbasa, nadadala ng higit na magaling bumasa ang
mahinang bumasa, dahilan upang higit magti8wala sa sarili ang huli sa kaniyang
kakayahang bumasa. Sa tuwing makababasa nang tuwid ang mahinang
mambabasa, maaaring bigyan ng pagbati ng guro ang mambabasang ito upang
lalong mag-ibayo ang kaniyang tiwala sa sarili.
9. Pagtunghay sa mga salita o sight word study
Paraan ng pagsasagawa
a. Tatalakayin ng guro sa klase ang kahalagahan ng pagtunghay sa mga salita o
sight word study at ang layunin kung bakit ito isinasagawa.
b. Ipaliliwanag ng guro ang kahulugan ng mga salitang madalas na makikita sa
tekstong babasahin.
c. Iuutos ng guro na i-highlight sa pamamagitan ng pagguhit sa salita sa tuwing
mababasa ito nang malakas sa teksto.
d. Habang binabasa, isusulat ng guro sa blackboard ang mga salitang nakita sa
teksto sa paraang nakahanay.
Pahina 63 ng 68
e. Maliban sa mga ipinahanap na salitang madalas na ginamit sa teksto,
magtatanong ang guro ng kung ano pang salita ang madalas na lumitaw sa teksto.
Ipasusulat ito ng guro sa blackboard.
f. Maaaring pagsama-samahin ng guro ang mga salitang pamilyar na sa mga
mambabasa.
g. Hihikayatin ng guro na bumuo ng pangungusap ang mga mag-aaral gamit ang
mga salitang madalas nakita sa teksto.
h. Hihikayatin ng guro na gamitin sa pahayag sa paraang diyalogo ang mga
salitang madalas makita sa teksto.
i. Muli itong uulitin sa kahabaan ng taong pampanuruan lalo na’t mag-iiba ng
paksang tatalakayin. Sa ganitong paraang, higit na dinaramdam ng mag-aaral ang
teksto dahil mayroon silang hinahanap na partikular na mga salita.
10. Pag-uulit sa pagbasa o repeated reading
Paraan sa pagsasagawa
a. Ipaliwanag sa mag-aaral na ang layunin ng pag-uulit sa pagbasa o repeated
reading ay upang maging mabilis at maayos sa pagbasa.
b. Hayaang mamili ng babasahin buhat sa ilang tinipong babasahin na inihanda ng
guro. Tatanungin ng guro kung bakit interesado sa paksa ng babasahing napili ang
mag-aaral.
c. Hayaang basahin ang teksto. Kung mayroong hindi hihigit sa 85% na accuracy
sa kawastuhan ng pagbasa, masyadong mahirap ang teksto, palitan ito.
Pahina 64 ng 68
d. Ipaulit ang pagbasa upang makamit ang sandaang salita bawat minutong
pagbasa.
11. Dulog na wikang dinanas o Language Experienced Approach
Paraan ng pagsasagawa
a. Bago simulan ang pagbabasa, magtatanong muna ang guro hinggil sa mga
kaaranasan ng mag-aaral na may kaugnayan sa paksang babasahin.
b. Maghanda ng tanong na kagyat matatagpuan ang sagot sa teksto.
c. Matapos magbasa, ihambing ang karanasan ng mag-aaral sa dinanas na
karanasan buhat sa nabasa.
d. Kung hindi masagot, ipaulit ang pagbasa sa teksto subalit may tuon na ngayon
sa sagot na makikita sa teksto.
e. Matapos makita ang sagot, ihanda ang susunod na katanungan. Uulitin ang
proseso ng paghanap sa kasagutan.
12. Semantic word map
Paraan ng pagsasagawa
a. Buhat sa isang tiyak na tekstong ihahanda ng guro, ipapahayag niya sa klase
ang katanungan na ang mag sagot ay makikita sa teksto, gayundin ang mga
tanong na ang sagot ay weala sa teksto at nakabatay sa opinyon ng mga mag-
aaral.
b. Mataopos basahin, ipasasagot ng guro ang mga tanong na may tiyak na sagot.
Pahina 65 ng 68
c. Samantala, magtatanong ang mga guro ng susing salita na kakatawan sa iba’t
ibang konsepto na may kinalaman sa paksa ng teksto.
d. Papangkatin ng guro ang klase.
e. Pagbubukud-bukurin ng mga mag-aaral ang mga susing salita batay sa kani-
kanilang kategorisasyon ng salita. Hindi manggagaling sa guro ang
pagkakategorya, hahayaan itong gawin ng bawat pangkat.
g. Magkakaroon ng talakayan sa kung paano ikinategorya ng bawat pangkat ang
mga susing salita.
h. Magpapabuo ng isang mahabang pahayag ang pangkat na magtataglay ng
salitang kanilang ginamit na kakatawa sa higit na malawak na konseptong kanilang
nabuo.
Pahina 66 ng 68
M I N E R V A M. N A V E L AM I N E R V A M. N A V E L A237 Dalahican Road, Lungsod ng Lucena, Quezon
(+63-922) 846-7998
E D U K A S Y O N
M.A. in Education major in Filipino, Manuel S. Enverga University Foundation, Lungsod ng Lucena, 2007—M.A. in School Administration, Manuel S. Enverga University Foundation, Lungsod ng Lucena (units) BEEd, Pablo Borbon Memorial Institute of Technology, Lungsod ng Batangas, 1985Sekondarya, Lobo Institute, 1980Elementarya, Mababang Paaralan ng Sulok, 1976
Licensure Examinations for Teachers, Oktubre 2009
T R A B A H O
Elementary Grade Teacher III, Dalahican Elementary School, Marso 2008 - Kasalukuyan
Elementary Grade Teacher II, Dalahican Elementary School, Agosto 2006 – Marso 2008
Elementary Grade Teacher I, Dalahican Elementary School, Hunyo 1985 – Agosto 2006
S E M I N A R A T W O R K S Y A P N A N A D A L U H A N
1st National Educators’ Congress on Human Rights EducationMga Isyu at Kalakararan sa Bagong Kurikulum sa Tatlong Antas ng Pagkatuto sa FilipinoTeacher Effectiveness: A Learning Achievement Key Result Area
P E R S O N A L
Petsa ng kapanganakan: 23 Enero 1963Lugar ng kapanganakan: Lobo, Batangas
Estadong sibil: May asawa Pangalan ng asawa: Ronaldo C. NavelaPangalan ng mga anak: Ron Paolo M. Navela
Race Ronald M. NavelaMica Marie M. Navela
Pahina 67 ng 68