dole car kasama sa buhay ng mga kasambahay
DESCRIPTION
DOLE CARTRANSCRIPT
GOOD NEWS
Department of Labor and Employment
Cordillera Administrative Region
January 29, 2015
DOLE-CAR, KASAMA SA BUHAY NG MGA KASAMBAHAY
Ako si Helen Calub, 49 taong gulang, tubong Southern Leyte dating kasambahay,
ngayon ay barangay kagawad at tumutulong na mapaunlad ang buhay ng mga
kasambahay.
Sa tulong ng Department of Labor and Employment- Cordillera Administrative Region,
sa ilalim ng programang Kasambahay Law, ako at ang ibang miyembro ng Barangay
Officials ay nangangako na dapat ang South Drive ay maging Kasambahay Friendly
Barangay.
At isang paraan para makamit namin ito ay ang pagbabahagi ng kaalaman sa aming
mga kasama sa bahay patungkol sa kanilang benepisyo, karapatan at responsibilidad.
Akala namin noong una, na kapag nalaman ng kasambahay kung anu-ano ang
kanyang karapatan ay baka magbago ang kanyang pakikitungo sa kanyang mga
pinagsisilbihan. Pero dahil sa Forum at Orientation na naganap noong linggo (January
18,2015) sa DSWD Training Center, nag-iba ang aming pananaw sa kung ano ba nga
talaga ang nilalaman ng Kasambahay Law.
Dati ang alam lang namin sa DOLE ay tungkol sa mga empleyado ng mga pribadong
sector, pero dahil dito sa programang ito, mas nakilala namin ang Department of Labor
and Employment na kasama sa pagpapabuti ng relasyon ng mga kasama sa bahay at
ng mga tinatawag nilang mga Ate at Kuya.
Naaalala ko ang hirap ng isang kasambahay, bilang naging kasambahay din ako ng
halos 30 taon, una ang malayo sa pamilya, lumaki sa ibang lugar, at iyong ideya na
napagsisilbihan mo ang iba pero ang sariling pamilya hindi mo man lang magawang
mapagtimpla ng kape at maipagluto.
Mapalad ako, dahil napakabait at buti ng mga naging mga Ate at Kuya ko. Kaya naisip
ko ang sitwasyon ng iba nating kasambahay na ginagamit ng iba ang kanilang pagiging
inosente sa maraming bagay.
Marami sa mga kasama natin sa bahay ang galing sa mga probinsiya, marami sa kanila
sunud-sunuran na lamang sa lahat ng ipinag-uutos sa kanila kahit kung minsan ay hindi
na makatarungan.
Napakaraming bagong kaalaman ang aking nalaman: a) Sa edad ng pagiging
kasambahay- kung 15 years old ang kasama sa bahay, siya ay hindi maaring
magtrabaho ng hihigit sa walong oras, kumpara sa 18 years na kasama sa bahay na
pwedeng magtrabaho ng higit sa walong oras pero ang karagdagang oras na
pagtratrabaho ay may overtime pay. b) Ang mga kasambahay ay dapat na nakarehistro
sa Barangay bilang proteksyon nila at nang mailagda na sila ay residente sa isang
lugar, c) Mandatory benefits- kagaya ng isang araw ng pahinga, limang araw na service
incentives leave with pay kung ang kasama sa bahay ay mag isang taon ng
naninilbihan, sila rin ay entitled sa 13 month pay, kailangan siya rin ay may PhilHealth,
Pag IBIG at Social Security Services(SSS), sagot ng employer ang buwang hulog kung
ang kanyang sahod ay bababa sa limang libo at kung ito naman ay sobra ng limang
libo, ang kasambahay ay dapat na may hati sa pagbabayad ng kanyang mga benefits.
At higit sa lahat, ang ating mga kasama sa bahay ay kagaya rin ng sinumang tao na
naghahangad na mapabuti ang estado sa buhay.
End/juliennefortunato
More than 50 participants of the Forum and Orientation actively participates on the workshop regarding Kasambahay benefits, rights and responsibilities.