dinastiya sa japan
TRANSCRIPT
![Page 1: Dinastiya sa japan](https://reader033.vdocuments.us/reader033/viewer/2022061311/55645be2d8b42a951e8b4af3/html5/thumbnails/1.jpg)
ARALIN 2: MGA SINAUNANG
PAMUMUHAY SA ASYA
Yugto: Linangin/ Firm-up
![Page 2: Dinastiya sa japan](https://reader033.vdocuments.us/reader033/viewer/2022061311/55645be2d8b42a951e8b4af3/html5/thumbnails/2.jpg)
1. Flag Identification
![Page 3: Dinastiya sa japan](https://reader033.vdocuments.us/reader033/viewer/2022061311/55645be2d8b42a951e8b4af3/html5/thumbnails/3.jpg)
2.
![Page 4: Dinastiya sa japan](https://reader033.vdocuments.us/reader033/viewer/2022061311/55645be2d8b42a951e8b4af3/html5/thumbnails/4.jpg)
3. This flag consists of a white
background with a red circle in the middle. The circle in the middle of the flag represents the sun. Its name translates to "The land of the rising sun." The white represents honesty and purity and the red disc is a sun symbol meaning brightness, sincerity and warmth.
![Page 5: Dinastiya sa japan](https://reader033.vdocuments.us/reader033/viewer/2022061311/55645be2d8b42a951e8b4af3/html5/thumbnails/5.jpg)
PAKSA: MGA DINASTIYA SA JAPAN
![Page 6: Dinastiya sa japan](https://reader033.vdocuments.us/reader033/viewer/2022061311/55645be2d8b42a951e8b4af3/html5/thumbnails/6.jpg)
Grapikong Pantulong sa Gawain
![Page 7: Dinastiya sa japan](https://reader033.vdocuments.us/reader033/viewer/2022061311/55645be2d8b42a951e8b4af3/html5/thumbnails/7.jpg)
FOCUS QUESTIONPaano nakatulong ang
kabihasnan sa pagbabago, pag-unlad
at pagpapatuloy ng kabihasnan tungo sa
pagkakakilanlang Asyano?
![Page 8: Dinastiya sa japan](https://reader033.vdocuments.us/reader033/viewer/2022061311/55645be2d8b42a951e8b4af3/html5/thumbnails/8.jpg)
Proseso ng Gawain 1. Basahin ang sipi ng aralin mula sa Batayang Aklat: Ang Asya sa Sinaunang Panahon: Silangan at Hilagang Asya pp.172-188 2.Gawin ang Flow Chart tungkol sa daloy ng mga Mahahalagang Pangyayari sa Silangan at Hilagang Asya. Itala kung kailan naganap ang pangyayari. 3. Itala ang mahahalagang pangyayari sa Flow Chart. Itala din kung anong aspeto ito ng pangyayari. (tulad ng kabuhayan, lipunan, edukasyon, paniniwala, sining at kultura,pagpapahalaga at iba pa). 4. Magkaroon ng pag- uulat pagkatapos masagutan ang chart upang masuri ng lubos ang bawat pangyayari sa bawat rehiyon. 5. Katulong sa pagsagot ng mga gawain ay ang kasunod na mahahalagang sipi na babasahin.6. Sagutin ang Pamprosesong Tanong.
Task Card 2: Silangang Asya
TASK NEEDS
![Page 9: Dinastiya sa japan](https://reader033.vdocuments.us/reader033/viewer/2022061311/55645be2d8b42a951e8b4af3/html5/thumbnails/9.jpg)
Pamprosesong Tanong (LM- ph. 140) 5. Ano ang mga mahalagang pangyayari sa
panahon ng Hapones? 6. Ilarawan ang Minamoto at Ashikaga ?
ano ang mahalagang ambag nila sa pamumuhay at lipunang Hapones ?
7. Paano naka impluwensiya ang kulturang hapones sa paghubog ng pamumuhay ng mga Silangang Asyano ?
8. Paano nakatulong ang heograpiya ng hilagang Asya sa pag-usbong ng kanilang kabihasnan?
I
II
III
IVPAGBIBIGAY REAKSYON
![Page 10: Dinastiya sa japan](https://reader033.vdocuments.us/reader033/viewer/2022061311/55645be2d8b42a951e8b4af3/html5/thumbnails/10.jpg)
Pre-view to Japan..... Tulad ng Korea, nababalot sa alamat ang
pinagmulan ng Japan. Ayon sa alamat, ang unang emperador ng Japan ay si JimmuTenno. Sinakop niya ang mga Kalabangangkan na nasa kapatagan ng Kyushu at Honshu noong 600 B.C.E. Banal si Jimmu Tenno dahil siya ay apo ni Amaterasu o ang diyosa ng araw. Lumawak ang kontrol ngYamato na angkan ni Jimmu Tenno saJapan. Kalaban din ng Yamato ang mga Ainu mas naunang nanirahan sa Japan kaysa mga tinatawag na Hapones ngayon. Unti unting itinaboy tungo sa hilagang islang Hokkaido ang mga Ainu.
![Page 11: Dinastiya sa japan](https://reader033.vdocuments.us/reader033/viewer/2022061311/55645be2d8b42a951e8b4af3/html5/thumbnails/11.jpg)
Mga Dinastiya sa Japan
Ang Liping Yamato at Nara. Ito ang paglaganap ng impluwensyang Tsino at Japan. Naging
tulay ang Korea sa pagdating ng Buddhism at Confiucianism. Itinayo ang lunsod ng Nara noong 710 C.E. Itinayo ang kapital ng Japan sa Heian. Si Fujiwara Kamatari ang batang emperador na naging regent. Ang regent ang siyang namamahala sa ngalan ng emperador. Namayani ang eleganteng pagsusulat ng tula, sining ng calligraphy, at pananamit. Naisulat sa panahong ito ang dakilang nobela na “The Tale of Genji” ni Murasaki Shikibu o Lady Murasaki. Nagkaroon ng labanan ng mga angkang aristokratiko sa huling bahagi ng panahong Heian, Lumitaw ang grupong bushi at samurai. Nabuo ang tradisyong military na nakapaloob sa Bushido. Pagkatapos ng Heian ay sumunod ang bakufu.
![Page 12: Dinastiya sa japan](https://reader033.vdocuments.us/reader033/viewer/2022061311/55645be2d8b42a951e8b4af3/html5/thumbnails/12.jpg)
Gawain 7: Flowchart ng mga Pangyayari (LM- ph.139)
Itala sa flowchart ang mahahalagang pangyayari sa Silangang Asya (Japan)
![Page 13: Dinastiya sa japan](https://reader033.vdocuments.us/reader033/viewer/2022061311/55645be2d8b42a951e8b4af3/html5/thumbnails/13.jpg)
Si Fujiwara Kamatari
Panahon ng YamatoAt Nara
![Page 14: Dinastiya sa japan](https://reader033.vdocuments.us/reader033/viewer/2022061311/55645be2d8b42a951e8b4af3/html5/thumbnails/14.jpg)
Ang Panahon ng Yamato at Nara
Ang panahon ng Yamato noong circa 300-720 C.E. at Nara noong 710-794 C.E. ay panahon ng paglalaganap ng impluwensiyang Tsino at Japan. Naging tulay ang Korea sa pagdating ng Buddhism at Confucianism. Kaakibat nito ang pamahalaan, batas, pagkain, arkitektura, at sistema ng pagsulat ng mga Tsino. Nagsimulang lumawak ang kapangyarihan ng emperador sa pamamagitan ng Repormang Taika at binuo ang isang sentralisadong pamahalaang halaw sa China. Itinayo ang lungsod ng Nara noong 710 C.E. Ito ang pinakaunang permanenteng lungsod sa Japan na kinopya sa lungsod ng Chang An sa China.
![Page 15: Dinastiya sa japan](https://reader033.vdocuments.us/reader033/viewer/2022061311/55645be2d8b42a951e8b4af3/html5/thumbnails/15.jpg)
Ang Fujiwara ( 794-1185 C.E.)
Itinayo ang bagong kabisera ng Japan sa Heian (Kyoto sa kasalaukuyan) noong 794 natapos noong1185 C.E. Nagpatuloy ang paghihiram ng kulturang Tsino at sentralisasyon ng estado sa panahong ito. Ngunit maisasantabi ang emperador ng makapangyarihang angkan ng Fujiwara. Nagsimula ito nang maging regent si Fujiwara Kamatari ng batang emperador. Ang regent ang siyang namamahala sa ngalan ng emperador. Namahagi ang Fujiwara ng lupa sa mga angkang aristokratiko. Ngunit unti unting nawala ang kontrol ng pamahalaan sa mga pribadong lupain ng mga aristokratiko at mula rito, lumitaw ang mga independenteng han o lupain na kontrolado ng mga daimyo o pinunong piyudal.
![Page 16: Dinastiya sa japan](https://reader033.vdocuments.us/reader033/viewer/2022061311/55645be2d8b42a951e8b4af3/html5/thumbnails/16.jpg)
Si Fujiwara Kamatari
Panahon ng YamatoAt Nara
Murasaki Shikibu o
Lady Murasaki
![Page 17: Dinastiya sa japan](https://reader033.vdocuments.us/reader033/viewer/2022061311/55645be2d8b42a951e8b4af3/html5/thumbnails/17.jpg)
Murasaki Shikibu o Lady Murasaki
Nagkaroon ng labanan ng mga angkang aristokratiko sa huling bahagi ng panahon ng Heian. Nabuo ang mga pribadong hukbo o puwersang militar dahil sa pagtindi ng labanan. Lumitaw ang grupong bushi (mandirigma) at samurai (nangangahulugang “ang mga naglilingkod”) mula sa aristokrasya. Sila ang mandirigma na nagtatanggol sa mga daimyo. Kasabay nito ang pagbubuo ng tradisyong militar na nakapaloob sa Bushido o “Alituntunin ng Karangalan”. Mahalaga sa tradisyong ito ang katapatan, karangalan, at katapangan. Naging mahusay sa paggamit ng espada at pana, at pagsakay sa kabayo ang mga samurai. Kaugnay sa tradisyon ng Bushido ang ritwal ng seppuku o harakiri na nangangahulugang marangal na pagpapatiwakal.
![Page 18: Dinastiya sa japan](https://reader033.vdocuments.us/reader033/viewer/2022061311/55645be2d8b42a951e8b4af3/html5/thumbnails/18.jpg)
Si Fujiwara Kamatari
Panahon ng YamatoAt Nara
Murasaki Shikibu o
Lady Murasaki
Panahonng
Heain
![Page 19: Dinastiya sa japan](https://reader033.vdocuments.us/reader033/viewer/2022061311/55645be2d8b42a951e8b4af3/html5/thumbnails/19.jpg)
Panahong Heian
Ang pagtatapos ng panahong Heian ay hudyat ng pagbubuo ng bakufu o pamahalaang militar sa Japan. Sa pamahalaang militar, iisang angkan ang naging dominanteng makapangyarihang politikal ayon sa dami ng kontroladong samurai at malawak na lupain. Isang shogun o dakilang heneral ang namumuno sa pamahalaan kung kaysa kilala rin ito sa pangalang shogunato. May tatlong shogunato na nabuo sa Japan. Ito ang shogunato ng Minamoto, Ashikaga, at Tokugawa. Sa panahon ng shogunato, nawalan ng politikal na kapangyarihan sa pamahalaan ang emperador bagama’t nanatili siya bilang simbolo at para gampanan ang mahahalagang ritwal ng Shinto.
![Page 20: Dinastiya sa japan](https://reader033.vdocuments.us/reader033/viewer/2022061311/55645be2d8b42a951e8b4af3/html5/thumbnails/20.jpg)
Mga Shogunatong Minamoto,
Ashikaga, at Tokugawa.
Panahonng
Heain
Si Fujiwara Kamatari
Panahon ng YamatoAt Nara
Murasaki Shikibu o
Lady Murasaki
![Page 21: Dinastiya sa japan](https://reader033.vdocuments.us/reader033/viewer/2022061311/55645be2d8b42a951e8b4af3/html5/thumbnails/21.jpg)
Ang Minamoto (1185-1333 C.E.)
Unang shogunato sa Japan ang Minamoto. Natalo ng angkang Taira. Itinayo ang lungsod ng Kamakura bilang sentro ng pamahalaan. Sa panahong ito nangibabaw ang aristokratikong bushi at samurai. Namayani ang sistemang piyudal kung saan ang mga daimyo ay kailangang sumunod sa shogun. Ngunit ang mga daimyo ay nanatiling makapangyarihan sa sariling sakop na teritoryo.
![Page 22: Dinastiya sa japan](https://reader033.vdocuments.us/reader033/viewer/2022061311/55645be2d8b42a951e8b4af3/html5/thumbnails/22.jpg)
Sa panahong ito naganap ang dalawang beses na paglusob ng mga Mongol sa Japan noong 1274 at 1281. Ngunit sinalubong ng malalakas na bagyo ang pagsalakay na ito ng Mongol kung kaya nasalanta ng malakas na ulan at alon ang mga barko na sinasakyan ng sumasalakay na Mongol. Tinawag na kamikaze o banal na hangin ang mga bagyong ito na simbolo ng proteksiyon ng mga kami o espiritu sa mga Hapones.
![Page 23: Dinastiya sa japan](https://reader033.vdocuments.us/reader033/viewer/2022061311/55645be2d8b42a951e8b4af3/html5/thumbnails/23.jpg)
Ang Ashikaga (1333-1568 C.E.) Napalitan ng angkang Ashikaga ang
Minamoto noong 1333. Inilipat din ang sentro ng pamahalaan sa Muromachi. Sa panahong ito, hindi lubusang nakontrol ang mga hiwa-hiwalay na daimyo kung kaya nagpatuloy ang labanan hanggang sa tuluyang sumiklab ang digmaang sibil noong 1573. Nagtapos ang pamumunong Ashikaga noong 1568.
![Page 24: Dinastiya sa japan](https://reader033.vdocuments.us/reader033/viewer/2022061311/55645be2d8b42a951e8b4af3/html5/thumbnails/24.jpg)
Ang Shogunato ng Tokugawa
(1600-1868 C.E.) Ang pagkakaisa sa Japan ay naibalik
sapamamagitan ng tatlong dakilang mandirigma sina Oda Nobunaga, Toyotomi Hideyoshi, at Tokugawa Ieyasu. Si Oda Nobunaga (1534-1582) ay isang makapangyarihang daimyo.Sinimulan ni Nobunaga ang paggapi sa iba pang daimyo at pagkontrol sa mga Buddhist. Pinatay siya ng sarili nitong vassal noong 1852 at pinalitan naman ni Toyotomi Hideyoshi(1536-1598).
![Page 25: Dinastiya sa japan](https://reader033.vdocuments.us/reader033/viewer/2022061311/55645be2d8b42a951e8b4af3/html5/thumbnails/25.jpg)
Toyotomi Hideyoshi
![Page 26: Dinastiya sa japan](https://reader033.vdocuments.us/reader033/viewer/2022061311/55645be2d8b42a951e8b4af3/html5/thumbnails/26.jpg)
o Upang lalong maging matatag ang kanyang pamamahala, ipinag-utos ni Hideyoshi ang direktang pagbubuwis sa mga magsasaka at ipinagbawal ang Kristiyanismo sa Japan.Ipinag-utos din niya ang pagsalakay sa Korea. Nang mamatay siya noong 1598, si Tokugawa Ieyasu (1542-1616) ang pumalit matapos matalo ang iba pang karibal sa digmaan ng Sekigahara. Tokugawa Ieyasu
![Page 27: Dinastiya sa japan](https://reader033.vdocuments.us/reader033/viewer/2022061311/55645be2d8b42a951e8b4af3/html5/thumbnails/27.jpg)
Ang mga
Daimyo at
Bakufu
Mga Shogunatong Minamoto, Ashikaga,
at Tokugawa.
Panahonng
Heain
Si Fujiwara Kamatari
Panahon ng YamatoAt Nara
Murasaki Shikibu o
Lady Murasaki
![Page 28: Dinastiya sa japan](https://reader033.vdocuments.us/reader033/viewer/2022061311/55645be2d8b42a951e8b4af3/html5/thumbnails/28.jpg)
Ang Digmaan ng Sekigahara
Itinatag ni Ieyasu ang isang sentralisadong
pamahalaang militar batay pa rin sa sistemang piyudal. Hinati sa tatlong uri ang mga daimyo:
ang shimpan daimyo o mga kaugnay na angkan;
ang fudai daimyo o kasaping angkan; at tozama daimyo o tagalabas na angkan.
Ang mga tozama ay dating kalaban ng Tokugawa nanapasailalim sa kanila. Upang mangyari ito, ipinatupad ng Tokugawa ang sistema ng sankin kotai o pagbisita ng mga daimyo sa Edo(ngayon ay Tokyo) bawat dalawang taon. Samantala habang sila ay nasa kanilang lupain, ang asawa at anak ng mga daimyo ay sapilitang pinanatili sa Edo.
![Page 29: Dinastiya sa japan](https://reader033.vdocuments.us/reader033/viewer/2022061311/55645be2d8b42a951e8b4af3/html5/thumbnails/29.jpg)
The samurai were not just warriors. Their lives were governed by Bushido in battle and also in their normal life. Bushido is rules of conduct which are followed by the samurai. This explains why Bushido is also called “The way of the Samurai.”
SAMURAI AT BUSHIDO
![Page 30: Dinastiya sa japan](https://reader033.vdocuments.us/reader033/viewer/2022061311/55645be2d8b42a951e8b4af3/html5/thumbnails/30.jpg)
7 VIRTUE OF
![Page 31: Dinastiya sa japan](https://reader033.vdocuments.us/reader033/viewer/2022061311/55645be2d8b42a951e8b4af3/html5/thumbnails/31.jpg)
Talasalitaan:
Benevolence- pantay na pamamalakad ng isang autoridad.
Rectitude- pag-uugali na nagpapakita ng pagiging tapat, at may mataas na moral sa lipunan.
Courage- pagpapakita ng pagiging matapang na pagharap sa ano mang pagsubok.
Politeness- kaasalan sa paggawa ng tama o mabuti. Loyalty- pagiging tapat at pagpapakita ng suporta sa tao
o bagay/bansa. Honesty- pagsasabi ng katotohanan o pagiging totoo,
pagsunod sa batas at taliwas sa salitang panloloko. Honour- mataas na pananaw sa pagtitiwala sarili sa
paggawa at pagdesisyon ng tama o mabuti.
![Page 32: Dinastiya sa japan](https://reader033.vdocuments.us/reader033/viewer/2022061311/55645be2d8b42a951e8b4af3/html5/thumbnails/32.jpg)
Ang mga
Daimyo at Bakufu
Mga Shogunatong Minamoto, Ashikaga,
at Tokugawa.
Panahonng
Heain
Ang Digmaan ng Sekigahara
Si Fujiwara Kamatari
Panahon ng YamatoAt Nara
Murasaki Shikibu o
Lady Murasaki
![Page 33: Dinastiya sa japan](https://reader033.vdocuments.us/reader033/viewer/2022061311/55645be2d8b42a951e8b4af3/html5/thumbnails/33.jpg)
Sa larangan ng kultura, naging sikat sa hanay ng mga samurai ang Zen Buddhism. Nagbago ang sining sa paglitaw ng kabuki na isang uring teatro at ng haiku na isang uri ng tula. Sa kabilang banda, bumuti ang agrikultura at lumaki ang populasyon sa Japan dahil sa kapayapaan sa loob ng panahong Tokugawa.
![Page 34: Dinastiya sa japan](https://reader033.vdocuments.us/reader033/viewer/2022061311/55645be2d8b42a951e8b4af3/html5/thumbnails/34.jpg)
Apat na Uring Panlipunan
Malakas ang kalakalan at lumitaw ang uring mangangalakal. Ang tradisyonal na lipunang Hapones ay nahahati sa apat na uring panlipunan: ang samurai, magsasaka, artisano, at mangangalakal. Marami sa mga Hapones ang marunong sumulat at magbasa dahil laganap ang paggamit ng sistema ng pagsulat na tinatawag na katakana at hiragana.
![Page 35: Dinastiya sa japan](https://reader033.vdocuments.us/reader033/viewer/2022061311/55645be2d8b42a951e8b4af3/html5/thumbnails/35.jpg)
Ang mga
Daimyo at Bakufu
Mga Shogunatong Minamoto, Ashikaga,
at Tokugawa.
Panahonng
Heain
Ang Digmaan ng Sekigahara
Si Fujiwara Kamatari
Panahon ng YamatoAt Nara
Murasaki Shikibu o
Lady Murasaki
Ang mga Bushido
at Samurai
![Page 36: Dinastiya sa japan](https://reader033.vdocuments.us/reader033/viewer/2022061311/55645be2d8b42a951e8b4af3/html5/thumbnails/36.jpg)
_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Reaksyon sa daloy ng mga Pangyayari sa Silangang Asya
(Mga Dinastiya sa Japan)
PangkatangGawain
![Page 37: Dinastiya sa japan](https://reader033.vdocuments.us/reader033/viewer/2022061311/55645be2d8b42a951e8b4af3/html5/thumbnails/37.jpg)
Pamprosesong Tanong (LM- ph. 140) 5. Ano ang mga mahalagang pangyayari sa
panahon ng Hapones? 6. Ilarawan ang Minamoto at Ashikaga ? ano
ang mahalagang ambag nila sa pamumuhay at lipunang Hapones ?
7. Paano naka impluwensiya ang kulturang hapones sa paghubog ng pamumuhay ng mga Silangang Asyano ?
8. Paano nakatulong ang heograpiya ng hilagang Asya sa pag-usbong ng kanilang kabihasnan?
I
II
III
IVPAGBIBIGAY REAKSYON
![Page 38: Dinastiya sa japan](https://reader033.vdocuments.us/reader033/viewer/2022061311/55645be2d8b42a951e8b4af3/html5/thumbnails/38.jpg)
Mag TRI-Question Tayo!(LM ph. 140-141)Mga Pangyayari Ano ang bahaging ginampanan ng
pangyayaring ito sa kanilang bansa na kinabibilangan ?
Bakit mahalaga ang mga pangyayaring
ito sa kanilang bansa ?
Paano nakatulong sa pagbuo at
paghubog ang mga pangyayaring
ito sa kanilang pamumuhay ?
( JAPAN) Naisulat sa
panahong ito ang dakilang
nobela na The Tale of Genji ni
Murasaki Shikibu o Lady
Murasaki. Nagkaroon ng
labanan ng mga angkang
aristokratiko sa huling bahagi ng panahong
Heian.
May tatlong shogunato na nabuo
sa Japan. Ito ang shogunato ng
Minamoto, Ashikaga, at Tokugawa. Sa
panahon ng shogunato, nawalan
ng politikal na kapangyarihan sa pamahalaan ang
emperador bagama’t nanatili siya bilang
simbolo at para gampanan ang
mahahalagang ritwal ng Shinto.
Ang pagkakaisa sa Japan ay naibalik
sapamamagitan ng tatlong dakilang mandirigma sina Oda Nobunaga,
Toyotomi Hideyoshi, at
Tokugawa Ieyasu. Si Oda Nobunaga
(1534-1582) ay isang
makapangyarihang daimyo.
Namayani ang eleganteng
pagsusulat ng tula, sining ng
calligraphy, at pananamit. Naisulat sa
panahong ito ang dakilang nobela na “The Tale of Genji”
ni Murasaki Shikibu o Lady
Murasaki.
![Page 39: Dinastiya sa japan](https://reader033.vdocuments.us/reader033/viewer/2022061311/55645be2d8b42a951e8b4af3/html5/thumbnails/39.jpg)
Mga Pangyayari Ano ang bahaging ginampanan ng
pangyayaring ito sa kanilang bansa na kinabibilangan ?
Bakit mahalaga ang mga pangyayaring
ito sa kanilang bansa ?
Paano nakatulong sa pagbuo at
paghubog ang mga pangyayaring
ito sa kanilang pamumuhay ?
( JAPAN) Lumitaw ang
grupong samurai. Nabuo ang tradisyong
military na nakapaloob sa
Bushido. Pagkatapos ng
Heian ay sumunod ang
bakufu.
Itinatag ni Ieyasu ang isang sentralisadongpamahalaang militar batay pa rin sa sistemang piyudal. Hinati sa tatlong uri ang mga daimyo: ang shimpan daimyo o mga kaugnay na angkan; ang fudai daimyo o kasaping angkan; at tozama daimyo o tagalabas na angkan.
Malakas ang kalakalan at lumitaw
ang uring mangangalakal. Ang
tradisyonal na lipunang Hapones ay nahahati sa apat na
uring panlipunan. Marami sa mga Hapones ang
marunong sumulat at magbasa dahil laganap ang
paggamit ng sistema ng pagsulat na tinatawag na
katakana at hiragana.
Sa larangan ng kultura, naging sikat
sa hanay ng mga samurai ang Zen
Buddhism. Nagbago ang sining sa
paglitaw ng kabuki na isang uring teatro at ng haiku na isang
uri ng tula. Sa kabilang banda,
bumuti ang agrikultura at lumaki ang populasyon sa
Japan dahil sa kapayapaan sa loob
ng panahong Tokugawa
![Page 40: Dinastiya sa japan](https://reader033.vdocuments.us/reader033/viewer/2022061311/55645be2d8b42a951e8b4af3/html5/thumbnails/40.jpg)
Note: Maaaring sagutin ang takda at iba pang mga katanungan sa https://www.edmodo.com/homeCode: 8-4 (cwh3xf), 8-5 (93pb66), 8-6 (7nrm8e), 8-12 (tvdghw), 8-14 (t2mnjt), 8-17 (2tmcfr)
TAKDA/GAWAING
BAHAY
![Page 41: Dinastiya sa japan](https://reader033.vdocuments.us/reader033/viewer/2022061311/55645be2d8b42a951e8b4af3/html5/thumbnails/41.jpg)
SALAMAT PO!
MR. LAWRENCE B. DUQUEA.P TEACHER TONDO H.S