dahil sa anak by julian cruz balmaceda

Upload: jram-esperida

Post on 30-Oct-2015

1.748 views

Category:

Documents


6 download

DESCRIPTION

One Act play. I do not own anything.

TRANSCRIPT

DAHIL SA ANAK ni Julian Cruz Balmaceda

Mga Tauhan ng Dula ARKIMEDES -Baki CRISTOBAL - Jeffry MANUEL- Chester

RITA Chen SIDORA - Marj NANAY NI RITA - Johna

INDAY- Pebs DUDUNG - Vic PARI

Narrator Iego

Unang Tagpo

PAGDADALAGA NI RITA.

*Lights off* *Enter props*Props: palanggana, table, cups, sampayan ng damit

On stage: Mama; props; banner; 2 banner peopleNARRATOR : Inihahandog ng sekyon Tau ang kanilang bersyon ng dulang Dahil Sa Anak ni Julian Cruz Balmaceda

*Lights on: white light, spotlight on banner* *MOVE BANNER**lights off, tapos biglang on yung yellow light sa stage**sounds: soft music, bahala ka na Sierra* /naglalaba si Mama; after a few seconds, ENTER KUMARE SA LEFT/

KUMARE Mare, pasensya kung ngayon ko lang nadala ito.

MAMA Sus, ok lang. Wag ka mag-alala tatapusin ko yan at nang makuha mo sa Linggo.

KUMARE Salamat ha, napakasipag mo talaga!MAMA: O, magkapage ka muna bago ka umalis. /ENTER CHEN SA LEFT, nakauniform/

RITA Ma, alis na po ako. /mano sa nanay/MAMA O sige, mag-ingat. Eto ang baon mo. /magpupunas ng kamay at kukuha ng pera sa bulsa at ibibigay kay Rita/

RITA Salamat po. Babye. /EXIT Rita sa LEFT /KUMARE Anong grade na si Rita?

MAMA Grade 6. Makakagraduate na rin siya.

KUMARE Hanga talaga ako sayo. Nairaraos mo ang pamilya mo sa paglalabada. /SMILE Mama/ Mauna na ako ha, paalam! MAMA Sige ho, ingat ho kayo! /patuloy na naglalaba at nagsasampay//EXIT KUMARE SA LEFT/

NARRATOR: Makalipas ang ilang taon*Change of light: yellow *

/ENTER Chen LEFT, nakachange costume na/

RITA Mama! Mama!

MAMA - /magpupunas ng kamay sa damit/ Rita! O kumusta ang interview?

RITA Magsisimula na raw po ako sa lunes! /magyayakapan ang mag-ina/

MAMA Buti naman. Salamat sa Diyos! /yakapan/*Lights off* *Exit props* IKA-II na Tagpo

PAGKIKITA NI MANUEL AT RITA

*Enter props*

Props: 3 table, 6 chairs, paper plates, cups, utensils, plants sa bgOn stage: Rita; 5 extras (pisay uniform and civilian)

*Lights on: flouresecnt light sa stage*

/Enter Manuel RIGHT/

MANUEL- Excuse me, miss?

RITA: Hmm? *HAIR FLIP*

MANUEL: May kasama ka ba?

RITA: Wala naman.

MANUEL: Ok lang bang..?

RITA - Sige lang.

MANUEL - Salamat.

RITA - Rinig kong may bagong guro, ikaw ba yun?

MANUEL - Ay hindi.. Enhinyero ako, namumuno dyan sa ginagawang bagong building. RITA- Ah yung bagong library. Buti at naisipan nila magtayo ng bago, para naman ma-enganyo ang mga bata na mag-aral.

MANUEL- Eh, ikaw, guro ka ba dito?

RITA- Oo, Filipino.

MANUEL- Talaga? Paborito kong subject yun!

RITA- Binobola mo ata ako eh. Patunayan mo nga.

MANUEL- Pag-ibig, 'pag na'sok sa puso nino man, hahamakin ang lahat masunod ka lamang

RITA- Franciso Balatgas.. *malalaglag yung fork!*RITA - AY! *sabay kukunin ang fork, maghahawak kamay**SOUND: BELL RINGS*RITA - Mauna na ako at may klase pa.

MANUEL - Ah, Manuel pala.

RITA - Rita naman.MANUEL Sa muling pagkikita. /EXIT MANUEL SA RIGHT, RITA SA LEFT/*Lights off**Exit props*IKA-III na Tagpo

PAGKAMATAY NG MAMA NI RITA

*Enter props*

Props: bed, kumot, pillow, 2 chairs

On stage: Mama, Sidora

*Lights on: Red light and emo light*

*Sound: Sad instrumental sound*

MAMA - Tinawagan mo na ba si Rita? Eh yung pari malapit na raw ba?

SIDORA - Wag ka namang magsalita ng ganyan./ENTER RITA SA LEFT/

RITA - Ma! Ma! Anung nangyari Tiya Sidora?

SIDORA - Etong mother dear mo, magba-byebye na.

RITA - Tumawag ba ng doctor? Sandali lang ma..MAMA - Rita anak wag na.. /Cough/,/Rita napaluha/ Sa tingin ko ay hindi na ako gagaling pa, nauubos lang ang pera natin sa gamot. Wag na. /ubo/

RITA - pero ma. /iyak iyak/MAMA - Shh. Tahan na anak. /Yayakapin ni rita si mama hagulhol/

/KNOCK KNOCK. SIDORA PUNTA SA LEFT SIDE PARA SA PARI/

MAMA Shh, okay lang ako. Huwag mong pababayaan ang sarili mo. /cough with blood/ /ENTER SIDORA AND FATHER SA LEFT /MAMA - Sidora ikaw na ang bahala sa anak ko..

/HUG SI SIDORA AND RITA HABANG SI PARI PUPUNTA SA MAMA AT BLESSING/

SIDORA - Promise mother.

RITA MAMA! /malakas na iyak tapos matagal/

MAMA Wait lang. May isa pa akong hiling. Yung sinampay /pipikit na forever/

RITA MAMA! /malakas na iyak/*Lights off maliban sa center yellow light after 5 seconds.*

*Exit props and people* Ika-IV na Tagpo

LAMPUNGAN

*Enter props*

Props: Balcony setting

On stage: Manuel; Rita;

*Lights on: minimal light kasi gabi, spot light on manuel&rita**sounds: kuliglig and nature sounds pag gabi, mahina lang*

RITA- Ang ganda ng gabi, ang daming bituin.

MANUEL- /nakatingin kay Rita/ Oo ang ganda.

RITA- Hindi ka naman nakatingin eh.

MANUEL Namamangha kasi ako sa ganda mo. Alam mo ba, hindi ko makakalimutan ang gabing ito.

RITA- Bakit naman?

MANUEL- Dahil nandito ka, kasama ko. Ikaw ang bituin sa aking buhay na nagbibigay liwanag sa aking puso.

RITA- Ayan ka naman. Pinapahanga mo ako sa mga salita mo. Mas magaling ka pa ata sa akin sa Filipino.

MANUEL Inspired lang talaga ako.

/lalayo si Rita at mag-eemote/MANUEL Oh may gumugulo ba sa isip mo?

RITA- Wala, wala.

MANUEL May iniisip ka eh. Naka-kunot ang noo mo oh. Ano iniisip mo?

RITA - Manuel, seryoso ka ba talaga sa akin?

MANUEL - Oo naman. Hanggang ngayon ay nagdududa ka pa rin ba?

RITA Wala na si mama. Nag-iisa na lang ako. MANUEL - Tumingin ka nga sakin. Mahal na mahal kita, Rita. Ngayon lang, tumibok ang puso ko ng ganito. Kailanman, pangako ko, hindi kita iiwan.

RITA- Mahal din kita Manuel. Inaasahan kong tutuparin mo ang iyong pangako.

MANUEL Gabing-gabi na. Nilalamig ka na. Mabuti pa at pumasok na tayo sa loob at magpa-init./EXIT/*dim the lights*

*sounds- secret sexy music or something like that na implied message*

*Exit props* IkaV na Tagpo

Si Don Arkimedes ( suot pambahay) at Si Don Cristobal ( suot panlakad). NARRATOR: Sampung buwan nang nakalipas

*No Sounds*

*ENTER PROPS*

*Lights on : spotlight on actors, flourescent light on stage*CRISTOBAL-/start agad pagbukas ng ilaw/ Pare, Linawin mo nga ang pinag-uusapan natin at baka magbago pa ang isip mo.

ARKIMEDES- Nandito ka ba para ipagtanggol ang walang hiyang iyan?

CRISTOBAL- Mag-isip ka nga, ang tinatawag mong walang-hiya ay ang iyong unico hijo.ARKIMEDES- Mula nang gumawa siya ng kabalaastugan kasama ng hampaslupang iyon ay hindi ko na siya anak. Hindi siya karapat-dapat na magtaglay ng apelyido ko. Isa siyang malaking kahihiyan sa lahi ng mga Lakambayan. Walang patawad ang ginawa niya, walang pinag-aralan! Bastos!

CRISTOBAL- Dahan- dahan, baka kung ano isipin ng mga kapitbahay.

ARKIMEDES- Wala akong pakielam. Hindi bat ngayoy pinagtatawanan na rin ako ng mga tsismosang pangit iyan?

CRISTOBAL- Hindi kita sinisisi kung bakit ka galit. Naiintindihan ko, ngunit sadyang gawain ng mga kabataan iyan. Hindi kasi nila iniisip ang kanilang kinabukasan. Hay, mga kabataan talaga oo!ARKIMEDES- Kung ayaw mong masira ang ating pagkakaibigan, huwag muna natin itong pag-usapan. (palipas) Makakaya mo bang ang apo mo ay dulot ng panandaliang aliw?

Sayang! Sayang ang pagpapaaral ko sa hayop na iyan!

CRISTOBAL- Hindi lang ang anak mo ang may kasalanan. Pinalaki mo kasi sa sobrang layaw ang anak mo.

ARKIMEDES- Nakita mo na? Pati ikaw, ako ang sinisisi. Ngayon, ikaw na ang kumausap.

CRISTOBAL-Dapat mong malaman, na ako rin ay nadismaya, kayat kinausap ko si Manoling at sinabi ko sa kaniya na napakapangit ng ginawa niya, napakapangit!

ARKIMEDES-Pangit talaga! CRISTOBAL-Alam mo ba ang sinabi niya sa akin?Tito Cristobal, past is past.

ARKIMEDES-Past is past... talagang matatamaan ko yang batang yan eh.

CRISTOBAL- Ngayon ay ama na siya at lolo ka na.

ARKIMEDES- Lolo ba kamo?

CRISTOBAL- May apo ka na isang tunay na apong magdadala ng iyong pangalan. Arkimedes Lakambayan. Junior

ARKIMEDES- Ayaw kong ipamana sa kanya ang aking ngalan at apelyido.

CRISTOBAL-Diyan ka nagkakamali, Ark. Karapatan yan ng apo mo. Kasalanan ba ng iyong apo na ang ama niya ay si Manuel at ikaw ang kanyang lolo? Medyo may hawig rin sayo ang bata. ARKIMEDES- Ano??

CRISTOBAL- Namana niya ang lakas ng sigaw mo, na abot sa kapitbahay.

ARKIMEDES-Demonyo! Indaay! /ENTER SI INDAY SA LEFT HABANG NAGWAWALIS/

INDAY- Koya! Hano poh yon?

ARKIMEDES Pahingi nga ng Green-Chamomile-Lavender Tea, at yung caviar at mountain dew para kay Cristobal.

INDAY- Hokay. Wait lang poh. /INDAY NAGWAWALIS-WALIS PA RIN, EAVESDROPPING/CRISTOBAL- At kung tumawa, manang-mana sa kanyang lola sa ina. ARKIMEDES- Ang labandera?! Hindi ko matanggap na papasok sa aking pamamahay ay anak ng isang hamak na labandera!

INDAY- Diyan ka nagkakamali, KOYA! Kilala ko ang ina ni Rita. Siya ay kahanga-hanga, nagsikap at nagtiis siya upang makapagtapos ang kanyang anak. Naging guro si Rita sa Normal School at doon sila nagkakilala ni Manuel. Nung namatay ang kanyang ina, naiwan siya sa piling ng kanyang tiya Sidora.

ARKIMEDES -At tapos?INDAY Wala lang. /EXIT SA LEFT/ CRISTOBAL Nalaman rin ng principal ang kalagayan ni Rita kaya siya naalis sa pagtuturo

ARKIMEDES- Anak pa rin siya ng labandera

CRISTOBAL- Siya ay isang babaeng malinis, maypuri at maydangal. Nagkaroon lang siya ng isang munting batik na nilikha ng kalikutan at kagandahang lalaki ng iyong anak. /ENTER SI INDAY SA LEFT WITH DRINKS AND STUFF/

CRISTOBAL- Mag-iisang buwan at tatlong araw na ang bata. Hindi pa rin siya nabibinyagan.

ARKIMEDES- At bakit hindi?

CRISTOBAL- Balak nilang makasal muna bago pabinyagan ang iyong apo.

ARKIMEDES-O, bakit di pa sila magpakasal para mabinyagan ang bata?

CRISTOBAL- Hinihintay ni Manuel na patawarin mo na siya at pahintulutan.

ARKIMEDES- Pahintulot? Hindi niya kinailangan ng aking pahintulot nang gumawa siya ng kalokohan.

Pumapayag na akong siyay mag-asawa, upang maligtas sa kasalanan ang kanyang walang malay na anak at upang matapos na ang kwento. /palipas/ Maski isang libong beses pa sila magpakasal wala akong paki!!!. Sapagkat sinabi ko na wala akong anak! CRISTOBAL- Pinaaalalahanan na kita. Wala na akong magagawa kung iyan ang gusto mo. ARKIMEDES- Salamat, pre. Pakisabi na gusto ko siyang makausap. Kapag sa unang tanong ay di siya sumagot ng tama

CRISTOBAL- Nariyan lamang si Manolo . Tatawagin ko. (tutungo sa may pinto at babalik) Paalala ko lang sa iyo Huwag mong kalilimutang anak mo iyon.

ARKIMEDES- Oo, di ko kalilimutan.

CRISTOBAL- At wag mong pagbuhatan ng kamay

ARKIMEDES-At bakit ko gagawin yun?

CRISTOBAL- Kilala kita. Kapag nandidilim ang iyong paningin, hindi mo na alam ang iyong ginagawa.

ARKIMEDES- Oo, nalalaman ko.

CRISTOBAL- Isaisip mo rin na dumaan rin tayo sa kabataan.

ARKIMEDES- Tatawagin mo ba, o ako ang tatawag?

CRISTOBAL- Oo, tatawagin ko na.*walang lights off*

Ika-VI Tagpo

Si Arkimedes at si Manuel *Light: spotlight sa pagpasok ni manuel**sierra, bahala ka na sa sound, short and dramatic pero not through out. * /enter si Inday with Manuel sa RIGHT/

INDAY Koya, eto na po si Koya Manuel!MANUEL- Papa! (Mano) Pinatawag niyo daw po ako.

ARKIMEDES-Tinawag pa kitang walang hiya, hindi ba niya sinabi yun! O, ngayon, kamusta na ang bata? Akala mo ba tamang bigyan mo ako ng apo sa edad kong ito? Naghintay ako ng tatlumpong taon bago ko bigyan ng apo ang aking ama. Ngunit ikaw! Bente anyos ka pa lang at binigyan mo na apo, apong galing sa karumihan!

MANUEL- Papa ang aking anak ay.

ARKIMEDES- Oo, walang kasalanan.

MANUEL- At di anak sa tabing bakod. ARKIMEDES- Ganyan ang tawag sa mga anak ng di pa kasal. MANUEL-Hindi po ako papayag na tawagin niyo ang aking anak ng ganyan.

ARKIMEDES - Aba, porket padre de familia ka na eh, marunong ka nang tumutol! Kaya pala di mo man lang ipinagtapat sa akin. Akala ko pa naman ay napakabait mo. Ipinagmamalaki kita at sinabi ko pa na ikaw ay na nagmana ka sakin. Hindi ka ba nahihiyang magpakasal nang may anak?MANUEL_ Papa (Akmang sasagot)

ARKIMEDES- Huwag kang sasagot! Ano na lang ang sasabihin ng tao kung ang anak niyo pa ang magdadala ng singsing sa inyong kasal?MANUEL- Hayaan ninyo muna ako magsalita! ARKIMEDES- Sabi kong huwag kang sasagot! Nasa loob ka ng aking pamamahay kaya ako ang masusunod! Di mo man lamang naisip na ama mo akong dapat sundin, (pause), ngayon ay wala ka nang ama! Mula ngayon ay sarili mo na ang sundin mo! (Palipas. Si Manuel. Ay di makakibo.) Bat di ka magsalita ngayon? Magsalita ka!MANUEL-Wagas ang pag-iibigan namin ni Rita. ARKIMEDES- ngunit labag sa mabuting kaugalian

MANUEL- Labag man ito sa inyong mabuting kaugalian subalit ang katotohanan ay nagmamahalan kami. Hindi man tanggapin ng buong mundo ang aming anak, sa harap ng Diyos, siyay anak pa rin namin. Malaki po ang utang na loob ko sa pagpapalaki niyo sakin. (pause) Alam ko kung gaano kabigat ang responsibilidad ko.*** Hindi ko ikahihiyang tawagin si Rita bilang aking asawa sa harap ng taot sa harap ng Diyos, at di ko ipagkakait ang aking pangalan sa anak ko. Para wala na kayong problema, lalayas na lang ako at bubuhayin ko ang aking mag-ina!

ARKIMEDES- Manuel! Hindi ka pwedeng umalis. Di ako papayag na magpakasal ka sa babaeng yan! MANUEL- Pakakasalan ko si Rita sa ayaw at sa gusto mo!ARKIMEDES- Anong sinabi mo?

MANUEL- Narinig mo ako. Tutuparin ko ang aking pangako na pakasalan ang aking mahal.

ARKIMEDES- Huwag mo akong pagtataasan ng boses, Manuel. Ako ang iyong ama!MANUEL- Opo, at ang ipinaglalaban ko ang karapatan ng aking anak.ARKIMEDES- Ako lang ang masusunod!MANUEL- Papa, ipagpatawad ninyo na ito ang kauna-unahang pagsuway ko sa inyo, gawin niyo na po ang gusto niyong gawin sa akin. Hindi niyo mababago ang aking isipan. ARKIMEDES- Manuel! (Galit na galit) (Biglang susulpot si Cristobal.)*light becomes red*

*sound: DUNDUNDUN*

Ika-VII Tagpo

Sila rin at si Cristobal

*spotlight on cristobal*

*stop music*

CRISTOBAL- Wala na ba kayong hiya? Gusto ninyo bang malaman ng lahat ang nangyayari rito? MANUEL- Nasabi ko na lahat ng dapat kong sabihin.(Mauupo sa isang sulok)ARKIMEDES- Ngunit ako marami pa! Pero ayoko na magsalita. Magpakasal ka kung yan ang gusto mo. Pero tandaan mo, mula ngayon, wala na akong anak at wala ka na ring ama! /aalis lang si Arkimedes/*walang lights off*Ika-VIII na tagpo

Si Cristobal at si Manuel

MANUEL- Tio Cristobal.

CRISTOBAL- Ano, Manuel.

MANUEL- Narinig niyo ba ang sagutan namin? CRISTOBAL- Oo, rinig na rinig sa labas. MANUEL Tinupad ko po ang bilin niyo pero walang nangyari. Akala koy mapapalambot ko ang bakal niyang puso. Para sa kaniya, siya lang dapat ang masusunod. Ubos na ang pasensya ko sa ugali niya. Kayo rin, lahat ng pakiusap niyoy hindi rin tumalab.

CRISTOBAL- Nasaan nga pala si Rita?

MANUEL- Nariyan po sa kabilang bahay.CRISTOBAL-Tawagin mo siya.

MANUEL- Tawagin si Rita?! Hindi mo ba kilala si Papa? Mumurahin at sasaktan lang niya si Rita sa harap ko. Hindi ako papaya. CRISTOBAL- Kung hindi mo ako susundin, hindi kita tutulungan. Alam ko ang ginagawa ko. Tawagin mo. Ako ang bahala.

MANUEL- Tio Cristobal, kasama pala ni Rita ang kaniyang Tiya Sidora. Kilala ninyo naman yun diba, pati pulis ay nilalabanan. Malaking gulo kung magsagutan sila ni Papa. CRISTOBAL- Bueno, nakaisip na ako ng paraan para maayos ang gusot na ito. Basta tawagin mo si Rita, pati ang kanyang tiya. MANUEL- Pero (atubili)CRISTOBAL- Tawagin mo, o ako ang tatawag?

MANUEL- Sige po tatawagin ko na. *Walang lights off*/EXIT MANUEL SA RIGHT EXIT/ Ika IX tagpo

Si Cristobal, si Manuel , at si Rita na halos itulak na sa pinto upang pumasok si Sidora, at tatlong batang lalaki na sunod sunod ang laki.

/ENTER MANUEL sa RIGHT/

MANUEL Tiyo Cristobal, narito na sila. Simula na ang malaking skandalo. /ENTER SI SIDORA AND RITA SA RIGHT/

*Light: spotlight kay sidora at rita*

SIDORA- Pumasok ka bat ka natatakot? Kasama mo ako Akin na ang bata! (Kukunin ang bata.)RITA- Magandang araw po.SIDORA- Magandang araw sa inyong lahat. Narito ka pala mang Tobal!CRISTOBAL- Opo, aling Sidora. Kamusta na Rita?Ano nararamdaman mo?RITA- Narinig ko ang mga sinabi ni Mang Arkimedes. sa loob ng tahanang itoy hindi mapapayagan tumuntong ang anak ng isang labandera. Kasalanan po ba ng aking inang matutong mairaos kami sa tulong ng paglalabada? Baka napakababa ng tingin niya sa akin (iiyak)

CRISTOBAL- Huwag kang umiyak.

MANUEL- Rita! (Lalapitan)

SIDORA- Ano ang iniiyak mo? Nandito naman ako. Hindi ko hahayaang apihin tayo. Kahit ako ay isang manggugulay, hindi pwede sa akin ang ere ng mga mayayaman! Hindi kayo, Mang Tobal ang tinutukoy ko ah. Pasensya na, kumukulo lang talaga ang dugo ko! At lalo nang di ko papayagan na mag-isa lang si Rita at walang ama ang apo ko!

CRISTOBAL- Alam ko Aling Sidora.

SIDORA- Salamat po Mang Tobal. Anung gagawin natin ngayon ? Bakit kami naparito?

MANUEL- Tia SidoraSIDORA- Tse! Tiya ka diyan! Di pa kita manugang hanggat di pa kayo kasal! Kapag ang iyong amang si Don Kimedes ay umasta-astang gawin sa akin ang ginawa niya sa iba, tandaaan mo ito: Hahawakan ko siya sa petserang ganito(Ang hahawakan ay si CRISTOBAL) at pag sa isang tanong ko ay nagkamali siya ng sagot, makapagtitirik ka na ng kandila kay San Sebastiyan at makapagpapadasal ka na ng siyam na gabi.MANUEL- (kay CRISTOBAL) Nakita niyo na?

CRISTOBAL- Huwag kayong mag-alala. Maayos din natin ito.SIDORA- Basta! Kung gusto niya ng gulo ay di ko siya uurungan. May lumapit ngang pulis sa akin sa palengke at sinabing wala raw ako sa lugar. Ayun, kinuha ko ang batuta... Pwes ang pulis na yon ay di na nakilala ng kanyang asawa.

RITA- Tia, tumahimik kayo, nakakahiya!

SIDORA- At bakit ako tatahimik? Binigyan ba ako ng Diyos ng bibig para manahimik? Hindi ako naparito upang making lang ng kwento. Gusto kong malinaw ang kasunduan bago tayo umalis!

CRISTOBAL-Aling Sidora, may naiisip po akong paraan at sanay gumana. Gagawa tayo ng palabas. Babaguhin natin ang isip ni Arkimedes sa ibang paraan. Pero kailangan ko ang tulong niyo.

RITA- Kayo po ang bahala, akoy susunod sa lahat ng iyong ipagagawa.

SIDORA- Sige, sabihin mo na ang gusto mong mangyari.

CRISTOBAL- Ganito lang ang gagawin niyo; Hindi ka muna magpapakita Manuel. Kayo naman, pagdating ni Arkimedes ay matigas niyong sasabihin sa kanya na ayaw mong ipakasal si Rita kay Manuel.

RITA- Ano? Ano ho ang sinabi ninyo?!

MANUEL- Tio Cristobal?!

SIDORA- Ah, ganun pala ang nais niyo ha. Lagot ka sa akin Mang Cristobal ah!

CRISTOBAL- Relax lang. Alam ko ginagawa ko. Basta sumunod lang kayo. Manuel kapag tingin mo ay nakapag-usap na sila ay bumalik ka na at sabihin mo na ayaw mo na pakasal kay Rita.

SIDORA- Demonyo! Anong klaseng chorvang pag-aayos yan?

MANUEL- Bakit ko naman gagawin yun? Hindi pa ako nasisiraan ng bait!

RITA- Don Cristobal.

SIDORA- Iyan ay hindi maaari! Matatamaan kayo sa akin!

CRISTOBAL- Matigas ang ulo ni Arkimedes. Hindi talaga kayo magkakasundo kapag kinontra niyo siya. Sang-ayunan niyo at nang magkasundo kayo.

SIDORA- Magkakasundo nga, ngunit sino naman ang talo?

CRISTOBAL- Sino pa kundi siya rin Umalis ka na Manuel.

MANUEL-Nauunawaan ko na.

SIDORA- Hmm, Reverse psychology pala ang drama! Pwes, kapag pumalpak, maghanda ka na ng dalawang kabaong.... MANUEL- Sige po, aalis na ako. Toto anak ko. Maniwala ka sa Lolo Tobal . (EXIT SA RIGHT) Ika-X na Tagpo Sila rin , maliban lamang kay Manuel *walang lights off, change of lights lang * SIDORA- Ngayon, ano naman ang gagawin namin, direk?

CRISTOBAL- Walang kayong dapat gawin. Ikaw Rita, huwag kangmagpapahalata ng kalungkutan. Ipakita mo na hindi ka nalulungkot sa kanyang pagtangi, kundi ipamukha mo sa kanya na ayaw mong maging biyanan ang katulad niya.

SIDORA- At sasabihin ko pa naman sa kanya na kung ang pagmumukha lamang niyang iyon ang balae ko, ay hindi ko na babalaihin hindi ba?

CRISTOBAL- Tama, tamang tama. Iyan ang ibig ko sa babae!

SIDORA- At sasabihin ko pa, kung ayaw niya sa akin, eh ayaw ko rin sa kanya..

CRISTOBAL- Ito ang sinasabi kong komedya Lahat kayoy lalabas sa komedyang iyan kayo, Aling Sidora ang Kontrabida

SIDORA- Best actress yata ako dati!

RITA- Ngunithindi ako siguradong magagagawa ko ito nang maayos.

CRISTOBAL- Kaya mo yan, Alang-alang sa iyong anak.

SIDORA-Kapag tinapakan ka ng taong iyan, ay tapakan mo rin.

RITA- Bahala na! Panginoon, patnubayan mo po ako, alang-alang sa aking anak

CRISTOBAL- (lalapit sa may pinto). Lakasan mo ang iyong loob, Rita... Alisto, aling Sidora Alam niyo na ba ang gagawin?

RITA- opo.

SIDORA-Memorized ko na.

CRISTOBAL-At ako manonood lang ako. (baba ng stage sa right) *walang lights off*

Ika-XI Tagpo

Si Rita, si Sidora at si Arkimedes *pagpasok ni Arkimedes, red light. Tapos spotlight sa kanya.* ARKIMEDES- (Pagkakita sa dalawa.) Aba Rita AlingSidora, narito kayo?

RITA- Opo, kami ngay naririto.

SIDORA- At ito man,

ARKIMEDES- Ano ba iyan. Lalaki o babae?

SIDORA- Lalaki, ngunit hindi magmamana sa kaniyang lolo, pagkat walang siyang pagmamanahan.

ARKIMEDES- At bakit naman po kayo naparito?

RITA- Upang makipag-usap sa inyo.

ARKIMEDES- At tila po, kung di ako namamali , ay may hinahanap kayo sa bahay na ito Maaari ko po bang malaman kung ano at kung sino?

SIDORA- Ito(Si Rita) ay naghahanap ng isang asawa. At ito (ang bata) ay naghahanap ng isang ama.

ARKIMEDES- Pwes, ang asawang sinasabi ninyo, at ang amang inyong binabanggit ay hindi dito nakatira. Hindi ko siya nakikilala. Kung ang ibig ninyong sabihin ay ang aking anak, pwes, akoy walang anak! Kamamatay lamang.

RITA- Kami poy.

ARKIMEDES- (Hahadlangan) Namatay na nga sabi. Sinabi ko nang namatay na. Wala na akong anak. Tapos.

SIDORA- Napapansin ko na talo pa pala ninyo ang babae. Ibig ninyoy pakyawing lahat ang pagsasalita. Pwes NO NO NO! Habang naririto ako, ako lang ang magsasalita at sa akin ay walang makakapigil sa akin.

ARKIMEDES- Baka nalilimutan ninyong kayoy naririto sa loob ng aking pamamahay?

SIDORA- Baka nalilimutan ninyong ang bibig koy naririto aking mukha. Pwes, maupo kayo at kayoy mapapagod sa pakikinig. Maupo kayo. Sinabi nang maupo!(Anyong lalapitan) ARKIMEDES-Pwes, mauupo ako, ngunit akoy maraming gagawin. Hindi ako makapagtatagal.

SIDORA- Magtatagal kayo, at makatatagal kayo . Umupo ka rin Rita. (Mauupo si Rita)

ARKIMEDES- Alam niyo bang mahalaga sa akin ang aking panahon?

SIDORA- At ano sa palagay ninyo, na walang halaga sa amin an gaming panahon? Naiinip ka na ba? Pwes, hinihiling ko na ipunin mo na ang maraming pasensya sa pakikinig sa akin. Hangga ngayoy di pa ako nagsisimula. SIDORA- Kung sa tingin niyo Don Kimedes, na ang mga hampaslupang ito ay naparito upang lumuhod sa inyo at umiyak-iyak huhuhuh, pwes, YOU ARE WRONG! Kamiy mahirap, ngunit kamiy di nanlilimos ng asawa at ng ama. Alam naman namin na para sa inyo, kaming mga mahihirap ay hindi mga tao, kundi mga yagit lamang na titisud-tisurin sa daan. Pwes, ang yagit ay sumasama sa alikabok, at pag-ihip ng hangin ay siyang makakapuwing sayo!

ARKIMEDES- Pero . (Anyong sasagot)

SIDORA- WAIT lang, hindi pa ako nagsisimula! Bakit niyo naman naisip na si Rita, ang ulilang anak lamang ng isang labandera, ay mag-aasawa sa anak ng mayamang si Don Kimedes? Sino naman ang nagpasok niyan sa iyong isipan?

ARKIMEDES- (Akmang titindig at sasagot)

SIDORA- Huwag kang tatayo. Sinabi ko nang maupo ka lang at makinig. Hindi lang ito chika. Nang malaman naming ayaw na ayaw mong maging balae ng isang nasirang labandera at ng isang maggugulay lamang sa palengke, ay sinusumpa na namin na kahit ibigay niyo pa si Manuel ay hindi namain tatanggapin1 Inyo na ang inyong anak at wala kayong manugang na aalalahanin.

ARKIMEDES-Ngunit.(ituturo ang bata)

SIDORA- Ito? Itoy huwag niyo nang alalahanin . Palalakihin ko. Tuturuan ko ng edukasyong bagay sa kaniya. Itoy isang batang walang ama at sa akala ba ninyo ay kasalanan ng batang ito ang siyay magkaroon ng isang lolo na sa halip na lagyan sa dibdib ng isang puso, eh ang napalagay ay isang bato?

ARKIMEDES- (Hindi na makatiis) , Pues, aling Sidora ako naman ang magsasalita.

SIDORA- Hindi pa ako tapos..

ARKIMEDES- (Parang hindi pansin ang sagot sa kanya) kanina ka pa ah! Kaninang-kanina pa ako nagpapasensya sayo ah.

SIDORA- Pwes huli ka na. Nabalitaan naming ayaw pakasal ni Manuel kay Rita, pwes, kami rin!

ARKIMEDES- (kay Rita, sarcastic) Tunay nga bang ayaw mo nang pakasalan si Manuel?

SIDORA- Sumagot ka.(kay Rita)

RITA- Tunay po.

ARKIMEDES- Maaari ko bang malaman kung bakit?

SIDORA- Bakit ba gusto niyo pang malaman? ECHOSERA. Itago niyo na lang ang inyong anak, isilid sa baul, lagyan ninyo ng apog, asinan ninyo at nang hindi mabulok!

ARKIMEDES- Ano bang apog ang sinasabi ninyo Kung di ka lang babae aling Sidora (May pagbabala)

SIDORA- At kung kayo lamang ay (May pagbabala rin)

RITA- Tia Sidora /May pagsamo/

ARKIMEDES- Pues, hindi mangyayari ang sinasabi ninyo. Sa aming lahi ay ang padre de familia ang sinusunod. Hindi maaari ang kagustuhan ng aking anak. Ano ang palagay ninyo? Matitiis ko bang magkaroon ako ng isang anak na binatang ama , at ng isang apong walang nuno.? Ano ang palagay ninyo sa akin? At ito? (Si Rita)

SIDORA- At ito, single mom for short?

ARKIMEDES- Iyan ay sa inyong palagay lamang. SIDORA- Pues, sa lahi naman namin ay ang kaibigan ko lamang ang masusunod. Mabuti pang, Ipakasal iyo na lang ang inyong anak kahit sa anak ng tupa. Ngunit hinding hindi. NO. NEVER. Never kay Rita.

ARKIMEDES- Maaari

SIDORA- Hindi!

ARKIMEDES- Ako ang nagsasabing maaari.

SIDORA- Ako ang nagsasabing hindi! ARKIMEDES- Pasalamat kayoy lumambot ang iyong pagkalalaki.

SIDORA- At kung akoy naging tunay na lalaki. Tarantado din ang labas kong gaya ng maraming lalaki riyan

ARKIMEDES- Eh hindi naman kayo ang pakakasal, Aling Sidora. Siya nga ang pasagutin niyo. (kay Rita)

RITA- Sinabi ko na po (Matigas) Hindi nga ako nanlilimos ng asawa!

SIDORA- Nakita na ninyo? Pues, ito ay aking pamangkin. At kayo, kayo (Lalapit na parang dadakmain si ARKIMEDES. Ibibigay ang bata kay Rita, at tila naglililis pa ng manggas.)

RITA-Tia Sidora (May pagsamo)

ARKIMEDES- Umalis na kayo sa aking pamamahay!

SIDORA- Ako, aalis? O eto ang iyo. (sabunot tapos faint kay baki) RITA- Tia Sidora. (Lalapit) kaunting tubig.

Ika-XII Tagpo

Sila rin at si Cristobal na may dalang tubig sa isang bote. *ENTER INDAY*

INDAY- KOYA! Whats the happening here?! Eto po water on the rocks!

*ENTER CRISTOBAL*CRISTOBAL- Ano ang nangyari?

ARKIMEDES- Kami ay nagkakaroon ng isang mainitang pag-uusap. Kinukumbinsi kong pakasal si Manuel at si Rita ngunit ayaw nilang pumayag. Sa akala mo ba Cristobal, ay maaatim kong magkaroon ng isang manugang sa labas at isang apong hindi nabasbasan ng Simbahan?

RITA- Tia Sidora

SIDORA- (Pasigaw) Walang hiya oo walang hiyaaaa!

ARKIMEDES- Mabuti pay dalhin mo sandali roon sa kwarto at nang maginha-ginhawahan. Paamuyin mo rin ng eter (Lalapitan ang bata at kukunin kay Rita, at ibibigay naman nito upang maalalayan si Sidora. Si Sidoray ititindig ni Rita at Don Cristobal, upang ipasok sa silid.) *Exit sila Cristobal, Inday, Rita at Sidora sa LEFT SIDE*

*lights off* Ika-XIII na tagpo

Si Arkimedes na hawak ang bata

*Lights: SPOTLIGHT KAY ARKIMEDES*

ARKIMEDES- /BAKI BAHALA KA NA DITO/ Sabi ni Cristobal, hindi ko raw kamukha (Lalapit sa isang salamin) Pwes, parang walang iniwan! Ang mata, ang ilong, ang bibig, ang tainga, pwes, kamukhang kamukha ko nga. Parang carbon copy lang eh. Pues, hindi maipagkakaila. Siguradong paglaki nito ay kikilalanin siyang may malaking nunal sa batok, gaya ng lahat ng Lakambayang lalaki. (Itataob ang bata sa kaniyang mga hita at titingnan ang batok. Darating si Manuel)

Ika-XIV Tagpo

Si Arkimedes at si Manuel at maya-mayay sina Rita, Sidora at Cristobal

*spotlight on Manuel*

MANUEL- Papa

ARKIMEDES- Ang ama

MANUEL- Ano ang inyong ginagawa?

ARKIMEDES- Wala, tinitingnan ko lamang kung itoy may nunal sa batok.

MANUEL- Opo meron yan. Narito ba ang ina niyan?

ARKIMEDES- At ano ang palagay mo Makakalakad ba ito nang nag-iisa?

MANUEL- Nakausap ba ninyo?

ARKIMEDES- At pati ang kanyang tia si Sidora.

MANUEL- At ano ang sinabi ninyo, at ano naman ang sinabi nila sa inyo?

ARKIMEDES- Pues,gaya ng dapat kong sabihin, datapwat ang iyong magiging tiyang-biyenan ay walang ginawa kundi dumaldal nang dumaldal na parang wala nang bukas.

MANUEL- Huwag na po kayong mag-alala. Napagisip-isip ko na rin po na huwag nang pakasal kay Rita. Para sa akin, mas mahalaga ang aking ama kaysa ilan mang asawa.

ARKIMEDES- (Buong pagtataka) Ano ang sinabi mo?

MANUEL- Tama po ang inyong narinig, hindi na po ako pakakasal kay Rita. Mula ngayoy hindi ko na kayo bibigyan ng sama ng loob. Ang inyong kalooban lang po ang masusunod sa loob ng pamamahay na ito. Napagisip-isip ko na rin po na, magpapari na lang ako. ARKIMEDES- Magpapari ka? Nababaliw ka na ba? Bakit mo puputulin ang pangalan ng ating lahi? Wala nang magmamana ng aking pangalan!

MANUEL- Kanina po ay parang baliw nga ako. Ngunit ngayon ay maliwanag na ang isip ko.

ARKIMEDES-Na hindi mo na pakakasalansi Rita? Na ikaw ay magpapari? Saan na napunta ang iyong bait? Magagawa mo bang iwan sa lansangan ang isang sawimpalad na babae at ang isang walang malay na anak? Iyan ba ang mga halimbawang nakita mo at natutuhan sa tahanang ito? Sa iyo bay ginawa ko ang bagay na iyan? Mag-isip ka nga. Kung iniwan at pinabayaan kitang walang ama, ano ang sasabihin sa iyo ng mga tao?

MANUEL-Pues, anak sa ligaw

ARKIMEDES- Oo, iyan anak sa ligawpues, sa akin ay hindi yan maaari. Sa loob ng tahanang ito ay walang masusunod kundi ang aking kalooban. Pakakasal ka kay Rita, bibinyagan/papangalanan ito ng Arkimedes din, at itoy hindi na aalis sa pamamahay na ito.

MANUEL- Iyan po ang hindi maaari

ARKIMEDES- Maaari, at. Maaari ako ang may sabi

MANUEL- Papa (kunwariy nagmamakaamo)

ARKIMEDES- Tse (Titingnan ang bata) Arkimedito.! (Susungaw sa pinto si Sidora)

SIDORA- Isidorito. Na miss mo ba si lola!

ARKIMEDES- Sinasabi ko nang ang pangalan nito ay Arkimedito at sa loob ng tahanang ito ay ang kalooban ko lamang ang masusunod!

SIDORA- Isidorito. /tries to get the baby/

ARKIMEDES- Aha ang nerbiyos, kumare baka atakihin ka na naman Arkimedito Pues, kumare kailangan kong sabihin sa inyo na si Manuel at si Rita ay ipakakasal ko sa lalong madaling panahon, sa ayaw niyot sa gusto, at dito, sa pamamahay na ito ay hindi na siya aalis. Ito ang nag-iisang tagapagmana ng lahat ng aking kayamanang dumating na, dumarating at darating pa

SIDORA- At ako.?

ARKIMEDES- Kayo ay kailangang-kailangan ko. Sa bahay na ito ay walang maingay sapagkat walang mga babae

SIDORA- Maingay rin naman ako ah. At babae sa isang banda. Babae rin naman ang aking puso? *spotlight on Cristobal at Rita*(Lalabas na parang akay ni Don Cristobal si Rita)

CRISTOBAL- Arkimedes, ano ang iyong pasya?

ARKIMEDES- Tapos na. Ang kailangan na lamang ay ang pagsang-ayon ni Rita. CRISTOBAL-Naayos ko na rin. Napapayag ko na siyang pakasal kay Manuel. Dahil sa Anak. ARKIMEDES- Siyanga ba? Dahil sa Anak? RITA- Opo

ARKIMEDES- Mabait kang bata karapatdapat kang maging ina

CRISTOBAL- Cristobalito! Pues, ako ang inaama sa kasal SIDORA- At ako ang madrina, ISIDORITO!

ARKIMEDES- O . (Kay Rita) Oh eto na si Arkimedito!

SIDORA- Kung babae ang susunod nilang anak, pangangalanan ko ng Sidora.

CRISTOBAL- Nakita na ninyo ang bisa ng drama (kay Sidora)

SIDORA- At ano naman ang masasabi ninyo sa pagkakaganap ko sa aking papel? Ayos ba? May himatay effects pang nalalaman. =))

CRISTOBAL-HAI KNOW RIGHT =))

ARKIMEDES- (Kay Manuel) Hoy Manuel! (Imumustrang lapitan siRita)

MANUEL-Rita RITA- Manuel (magtitinginan)

MANUEL Rita

RITA- Manuel.. (Yakap) SIDORA- Sidora!

CRISTOBAL Cristobal!

ARKIMEDES Arkimedes!

INDAY- Inday!!

ARKIMEDES- INDAAY! pakikuha mo nga yung DSLR natin.

INDAY Alin po, yung *D90 with prime lens * o yung *d5000 with 18-55mm*? ARKIMEDES kahit ano. Yung paborito mo na langINDAY Ah sige yung Polaroid!ARKIMEDES pakikuhaan mo na rin kami ng picture.

*spotlight on everybody*INDAY Ay ang cute naman! First family picture!

Compress, compress.

Formal shot! Smile say cheese! *SHOT! LIGHT: FLASH EFFECT KAYA*

O, wacky naman, energy! Energy! Smile say inday! *shot! Flash effect uli*

Jumpshot!* 1, 2, 3, jump si Inday!*

*Fade lights*

*exit lahat ng tao*

*exit props*

Narrator: Dahil sa anak, masaya na ang pamilya Lakambayan.

DIRECTORS CUT: INDAY AND DUDUNG*emo light* *sounds na malandi**on stage na si Vic with gardening props*

*Inday enter sa left, with walis*

*bungguan*

INDAY: Ay.

DUDUNG: Uy, Inday. *slaps on the butt*

INDAY: Dudung *hair fix*

DUDUNG: o, tapos na problema nila, date na tayo.INDAY: hokie. *akbayan, pa-exit na*

INDAY: *looks at the audience*WOW, ULAM. *LIGHTS OUT*

Narrator: Abangan ang mga susunod na pangyayari sa Dahil sa Walis. Maraming salamat sa panonood.

*sounds: play modern fun music, sierra bahala ka na uli*

*enter lahat ng actors and props*

Bukas ko na aayusin yung arrangement.

Basta si narrator yung magsasabi ng names ng mga tao.

1