collection

Download Collection

If you can't read please download the document

Upload: jeny

Post on 06-Nov-2015

233 views

Category:

Documents


11 download

DESCRIPTION

must read

TRANSCRIPT

I Won't Give Up (ONE-SHOT) Copyright 2012 OhKaye ALL RIGHTS RESERVED *The characters names are fictional, so is the story. Don't redistribute and copy my idea. *************** "Sa laro ng pag-ibig, uso ang shit na injury. Kaya kung magmamahal ka, ingat ka. Dahil bukod sa sobrang hirap na ng lecheng therapy, sobrang tagal pa ng punyetang recovery." Aray naman oh! Tagos! Nagbabasa kasi ako ngayon ng Wattpad sa phone ko, at ang binabasa ko ay ang "Dirty Fairytale" ni Grei, aka Zivheart ng Creative corner. "Ven! Di pa ba tayo bababa?" Ha? Napaangat naman yung ulo ko mula sa pagcecellphone, at nakita ko ang mga mukha ng aking dalawang kaibigan sa harap ko. "Bakit? Tapos na ba ang dinner break?" Tanong ko sa kanila. "Oo, like crazy! Leggo! Mabibigyan pa tayo ng minus nan!" Ang pagsagot ni Lala, isa dun sa dalawa. Nasa retreat nga pala kami ngayon, 3 days 2 nights. At eto na ang last night namin dito. Wait, di pa pala ako nagpapakilala. Ako nga pala si Raven Velasco also called as Ven. At ang dalawa ko namang kaibigan na 'to ay sila Lala at Noee (no-wee). Fourth year high school na kami. Then bumaba na kaming tatlo muna sa room namin, umupo na kami sa kanya-kanya naming group at nakita ko siya. SINO SIYA? Ang taong dahilan ng nyetang injury ng puso ko. Siya lang naman ang 'perfect' person para sakin noon. Dahil sa kanyang undeniably handsome looks, sa kanyang katalinuhan, katangkaran, pagiging talented at pagiging great leader. Maraming nag aadmire sa kanya noon hanggang ngayon, including the unfortunate me. Pero nagbago ang perspective ko sa kanya nung sinaktan nya ko. Nung freshmen pa lang kami, may gusto na ako sa kanya, hindi pa sya masyadong sikat noon, hindi kasi sya masyadong nakikisocialize noon eh. At actually, ako unang nakapansin sa kanya. Naging friends kami at ewan ko pero nafall na lang ako sa kanya. Naging mabuti relasyon namin, hindi man kami committed, pero alam kong mutual ang feelings namin para sa isa't isa. Pero dumating yung araw na lumabo kaming dalawa, at yon ay noong second year kami. Anong nangyari? Ewan ko, parang isang araw, okay kami tapos isang iglap, nagbago siya. At nalaman ko na lang na nililigawan na nya pala ang kaibigan kong si Noee. Syempre, masakit para sakin yon. Parang natapakan yung puso ko at nasagasaan yung pride ko. Nagalit ako, pati kay Noee. Ewan ko, ang selfish ko. Pero lalo akong nasaktan nung kinausap nya ako tungkol sa relasyon nila ni Noee. Tanda ko pa nga yung sinabi nya sakin non eh. "Nahihirapan kasi si Noee sa aming dalawa, gawa mo." Bumagsak ang mundo ko non, hindi lang luha. Pati katawan ko. Muntik na akong mahulog sa kinakatayuan ko nun. Masakit! Noon lang ako nakaramdam ng ganung kirot sa puso ko. Gusto ko sanang isigaw sa kanya na, "Eh tanga pala kayo eh! Mahal kita! Inagaw ka nya! Tapos ako pa ang nagpapahirap?! Ay tangina!" Pero imbis na yan ang sinabi ko ay tumungo lang ako at nagsorry. Iniwan ko siya don kasi baka hindi ko mapigilan ang mga luha kong una-unahan nang bumabagsak sa mata ko. Unti-unti, sinubukan kong mag move on. Pero patagal nang patagal, naapektuhan nito ang pagkakaibigan namin ni Noee. Nagkagulo kaming dalawa na nauwi sa hindi pagpapansinan hanggang matapos ang second year namin. Nung nalaman kong magiging kaklase ko si Noee nung third year, hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Pero nakaramdam ako ng kaba. Kaba kasi nandyan sya, natatakot ako sa mangyayari. Kasi hanggang nung panahong yun ay sila pa. Dumating ang third year, hindi ko alam kung pano kami nagpansinan ni Noee, siguro impluwensya na rin nung iba pa naming kaibigan. Lagi silang tumatambay sa classroom namin, at nasasanay na yung mga mata ko sa kung anong ginagawa nila. Mabigat parin para sakin, pero kung tutuusin, kaibigan ko pa rin naman silang dalawa. At nakikita ko namang masaya sila. Pero hindi rin sila nagtagal, 4 months lang tinagal nila. Ang dahilan ng paghihiwalay ay pareho silang nainvolve sa ibang tao. Na nawala na daw yung feelings nila sa isa't isa. Isn't that pointless?! Walangya, matapos nila akong saktan, maghihiwalay sila sa ganung dahilan? You would say that I should be happy, but mind you, I AM NOT. Kari pinaglaruan lang nila ang isa't isa. Ewan ko, nakakainis. Dumating sa point na nagkagusto ulit ako sakanya kasi medyo naging close ulit kami. Kasi, magkaibigan naman kami eh. Dun naman nagsimula yun eh. Kaya ang tangang ako, nafall ulit. Di nagtagal nagkaroon sya ng bagong love interest. But this time, taga ibang school, at nagkakilala sila sa isang interschool program. Nawala na naman yung 1% closeness namin. Pinapalaki ko na nga, lalo pang nawala. At feeling ko may isang malaking pader na humaharang saming dalawa. Ilang buwan ang nakalipas, malapit na yung prom namin, nawalan siya ng karelasyon kaya wala syang mai-ask bilang date. Nagkaron naman ako ng 1% hope na kahit papano, sumagi sa isip nya na i-ask ako. Pero isang araw, boom! Nagkaron sya ng date at ako nagkaron ng bagong bestfriend, which is iisang tao lang, at yon si Lala. Bestfriend nya si Lala nung second year, pero higit pa don ang tingin ni Lala para sakanya. At aware sya na gusto sya ni Lala. Kahit nung mismong prom ay umasa ako sa mga tingin nya sakin na isasayaw nya ko, pero hindi. Nag assume lang ako. Ang masaklap pa don ay yung dadaan sya sakin, pero lalampas lang pala para kunin ang kamay ng katabi ko, si Lala. "Oy! Ikaw na! Ano bang iniisip mo't lutang ka?" May nagsnap sa mukha ko, kaibigan ko rin. "Ha? A-anong gagawin?" bulong ko sa kanya. Hindi naman ako nakikinig kanina eh. Sorry. "Pumunta ka dun sa unahan, bubunot ng buddy." Napatingin ako sa unahan, may isang parang balot box dun. Tumayo na ako at bumunot. Sana naman hindi mabaho o kaya abnormal. Oh please, sana kaibigan ko. "So, sinong buddy mo?" tanong nung speaker. Pagkabuklat ko nung papel ay nabitawan ko ito. O________O ARE YOU EFFIN' KIDDING ME?! "S-si... Alexander Chai po." Mabulol-bulol kong sagot. "So taken na pala si Mr. Chai." Napatingin ako sa mga tao, nakangisi sila sakin. Alam ko na ang ibig nilang sabihin. Inaasar or more like binabalik nila yung nakaraan namin ni X. Yes, the one I'm talking about is Alexander Chai, aka X. Ang 'perfect' person ng buhay ko. Tumingin ako sa kanya, he's also looking at me. Napatungo ako at naglakad papunta sa kanya. Kahit labag sa loob ko, umupo ako sa tabi nya since kailangan daw na magkatabi ang partners. Harujusko, nananadya ba sila? Konting skin contact lang namin, nakukuryente na ako eh. Baka gusto nila akong mamatay ng maaga? "Ang buddy system na 'to ay makakatulong sa pagbubuild nyo ng relationship. So ang una nyong activity is called, 'Do you know each other already?', isa tong getting to know each other." Eh kilala na naman namin isa't isa eh. Walang problema. "WITH A TWIST." What?! "Ang twist ay magjujumprope kayo mula sa starting line hanggang don, at may papel kayong sasagutan tungkol sa partner nyo. Remember, hindi kayo pwdeng magtanungan. At, isang jumping rope lang ang gagamitin nyo." O_____O SERIOUSLY?! Patayin na lang kaya nila ako? Dahil malaki yung session hall, 10 pairs per round, nasa 5th round kami, which is dulo. Tahimik lang naming pinapanood maglaro yung mga batchmates namin. Yung iba magkahawak kamay, magkayakap. Pero as if gawin namin yun diba?! At eto na, turn na namin. Hinawakan na namin yung dalawang dulo ng jumping rope. Di ko alam kung pano kami magkakasabay, kasi matangkad sya, maliit ako. Nang bigla akong makaramdam ng kuryente sa kamay ko. I froye at napatingin, hawak nya kamay ko!!! Napatingin ako sakanya, pero di sya nakatingin. "Sumabay ka lang sakin." yan ang una nyang sinabi sakin ngayon. Tapos di ko na alam kung pano kami nakarating sa dulo. #1 Your partner's name: Alexander Chai #2 Your partner's strength: Ano? Eh madami eh! Perfect sya eh! =____= #3 Your partner's weakness: He's not aware of other people's feelings. MANHID! MANHID SYA! #4 You and your partner's relationship: What the heck? Wala! Pwede bang no comment?! I wrote, 'Cannot be determined'. #5 What do you like the most in your partner: What the heck again?! 'I LIKE HIM BEFORE!!' yan sinulat ko. Tapos binigay ko na yung papel, tapos na daw kasi yung allotted time. Nagjumping rope na kami pabalik, hawak kamay parin. Ano kayang mga sinagot nya? ** "Your second activity is called 'Build an Outcome', you'll have 30 minutes to practice for a 2 to 3 minutes presentation. This will reflect to your cooperation with each other. Your time starts now." "Anong gagawin natin?" I asked him. Lumingon sya pero saglit lang. "You'll sing, I'll play the guitar." Oo nga pala, magaling syang mag gitara. Hindi sya mahihirapan dito, pero ako? Shit lang. "H-hindi ako marunong." Sabi ko as he was tuning his guitar. "I know you can." Tumingin sya sakin tapos binalik nya na sa pagtotono. ** After practice time... "Now let's give it up for, X and Ven!" Maraming nang aasar habang naakyat kami sa stage. Kinakabahan ako. When I look into your eyes It's like watching the night sky Or a beautiful sunrise There's so much they hold And just like them old stars I see that you've come so far To be right where you are How old is your soul? Siya nagsuggest nung song. Medyo alam ko naman 'to, di ko lang saulo. He gave me his phone for the lyrics. I won't give up on us Even if the skies get rough I'm giving you all my love I'm still looking up I looked at him while playing his guitar, damang dama nya yung kanta. Bakit kaya? Anong meron? And when you're needing your space To do some navigating I'll be here patiently waiting To see what you find Yes, sa tingin ko, I agree with the song. I won't give up kahit alam kong kahit yung 1% chance ko ay naglaho na. What's wrong with hoping? 'Cause even the stars they burn Some even fall to the earth We've got a lot to learn God knows we're worth it No, I won't give up He looked at me, at saktong nakatingin ako sa kanya. Umiwas naman ako ng tingin. I don't wanna be someone who walks away so easily I'm here to stay and make the difference that I can make Our differences they do a lot to teach us how to use The tools and gifts we got yeah, we got a lot at stake And in the end, you're still my friend at least we did intend For us to work we didn't break, we didn't burn We had to learn how to bend without the world caving in I had to learn what I've got, and what I'm not And who I am Gusto kong maibalik yung dating 'kami'. Ayokong mawalan ng hope. Di ako susuko. Ayokong magsisi sa huli. Mahal ko sya, oo, hanggang ngayon. I won't give up on us Even if the skies get rough I'm giving you all my love I'm still looking up Still looking up. I won't give up on us (no I'm not giving up) God knows I'm tough enough (I am tough, I am loved) We've got a lot to learn (we're alive, we are loved) God knows we're worth it (and we're worth it) I won't give up on us Even if the skies get rough I'm giving you all my love I'm still looking up After nung song, umupo na kami. Medyo gabi na at inaantok na ko, dahil na rin siguro sa pagod. *yawn* Zzzzz... ** *poke* May nasundot sa may pisngi ko. *plook* May tumapik sa mukha ko. "Oy last activity na." May cold voice na bumulong sakin. " Ven, gising. Ven!" Naalimpungatan ako at nagmulat. Kinusot-kusot ko mata ko, then may nakita akong isang gwapong nilalang sa tabi ko't nakasandal ako sa kanya. And later did I realize na... "Shit!" Napaayos ako ng upo. Nasandalan ko si X!!! "So-sorry." Sambit ko with halong kahihiyan. "Don't mind." Malamig na sabi nya. "Our third and last activity is called, 'Closing the gap'. You'll be alone with your partner in 2 hours. This is like an open forum. Kung may gusto kayong sabihin, or pagkwentuhan or whatever. And this..." Open forum? Not a good idea! Two hours?! What a shit! HANDCUFF?!! Kill me now. ** Magkasama kami, at kaming dalawa lang, nakaupo kami, magkatabi. Obviously, gawa nung FOOTCUFF. Yes, hindi sya handcuff. =___= "Alexander." Tawag ko sakanya. Ang awkward kasi. "Bakit Raven?" Ang pangit, buong pangalan? "Shit, this is awkward." bulong ko. "So let's not make this awkward." narinig nya ko?! Napatingin ako sa kanya, nakatingin pala sya sakin. "Uhm, g-galit ka pa ba sakin?" tanong ko as I was looking into his eyes. "Bakit naman ako magagalit sayo?" "Gawa noon." I looked away. "Let baygons be baygons." Silence. Marami pa akong gustong sabihin sa kanya pero umurong yung mga salita ko. "Ven, ako pa rin ba? I know it's a rude question pero I just want to know." Nagulat ako sa sinabi nya, napaka straight forward eh! Will I be honest to him? "X, I kow it's stupid for me... to wait for you. But every time I try to move on, this *points to my heart* keeps on insisting that... You're still the one." Sabi ko habang nakatungo. Yes, it'll be better for me to be honest. Open forum naman eh. Diba? "Apat na taon na. Nasaktan na kita't lahat..." sabi niya. Alam ko, pero tanga ako eh! "Bakit ako parin?! Bakit ako pa?" Di ko namalayan, tumulo na luha ko. Agad ko namang pinunasan. Ayoko na syang iyakan, as much as possible. Pero ito, traydor na luha. Crap! Hinawakan nya mukha ko at iniharap sa kanya. "Ayokong umiiyak ka gawa ko. Ayokong saktan ka kaya kalimutan mo na ko." "Kala mo madali? Hindi, X! Hindi madali!" Umiiyak na ako. Kumikirot na naman kasi puso ko. Ayokong pigilan, baka kasi mamatay ako pag pinigilan ko ang nararamdaman ko. "Saktan mo ko ngayon, Ven." Hinawakan nya kamay ko tapos ginamit nyang pansakit sa sarili nya. "Sampalin mo ko, suntukin. Para makabawi ka." "Tama na!" Kinuha ko kamay ko sakanya. "Hindi naman pisikal na pananakit ang ginawa mo sakin eh. Sinaktan mo ko dito! Dito sa lecheng pusong to!" Sabi ko habang dinuduro yung dibdib nya. "Ven... V-ven." Nagcrack yung boses nya, umiiyak ba sya? Bakit? Anong iniisip nya? "X... Ma-ma...sakit eh." Iyak parin ako nang iyak. Hindi parin kasi ako nakakamove on sakanya kahit 4 na taon na. Masakit talaga. Yung feeling na pinaasa ka. Yung feeling na ipagpalit ka sa iba. Masakit! Hinigit nya ako at niyakap. Niyakap nang mahigpit. Umiyak lang ako sa dibdib nya. "Ikaw pa rin naman eh. Hindi naman nag iba." Sabi nya. Napahiwalay ako nang yakap. Tiningnan ko sya, naiyak rin pala sya. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. Naguguluhan ako. "Matagal na kitang mahal, di naman nagbago yun sa apat na taon eh. Ikaw lang. Sorry, naduwag ako. Sorry, nasaktan kita. Alam kong sa sorry ko, hindi ko mapapawi ang sakit na ginawa ko sayo. Nasasaktan kasi ako eh, kasi di ko nasabi sayong mahal kita. Sinubukan kong kalimutan ka, pero di ko natiis. Di ko makontrol ang puso ko. Ikaw parin ang tinitibok nito." Lalo akong napaiyak. Si Alexander Chai ba talaga to?! Nagcoconfess sakin? ** The past can't be changed, forgotten, edited or erased. It can only be accepted even if it's a hurtful and a bad memory, malay mo dahil sa past na yan maging maganda ang future mo. And sometimes, second chances work out better than the first, because we learn from our mistakes. And yes, I'm inlove with him when he's inlove with someone else. But it didn't stop me from loving him and maybe that's the reason why destiny brought us back together. ** #1 Your partner's name: Raven Velasco #2 Your partner's strength: She's undeniably strong, emotionally. #3 Your partner's weakness: She can't control her emotions. #4 You and your partner's relationship: I just want 'us' back. #5 What do you like most about your partner: I like all about her. "Ang sweet!" "Mas sweet ka naman. I like him before? Before lang?" He pouted. Ang cute! "Ahh... Ewan!" "I love you too!" Can you believe it? We're together in the end. And it's because we didn't give up. :) Take A Look At Me Now (ONE SHOT) Copyright 2012 OhKaye ALL RIGHTS RESERVED *The characters in this story are fictional so is the story. Ginamit ko lang ang Brain Train as the setting and also my school. Bwahaha! XD Please do not copy my idea. It's free to feedback! :) --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- 'So long to electric fences Not much left for me to run from now Guess I'll turn myself around' Isa lang akong normal na high school student. Incoming fourth year, specifically. At ngayong summer ay nagrereview ako sa Brain Train (isang review center dito samin) para sa UPCAT. Sa mga di po nakakaalam ng UPCAT, ay yun po yung test na kinukuha para makapasok sa UP. Kailangan kong makapasa don kasi nakakahiya sa madlang people pag hindi ako nakapasa! Teka, ako nga pala si Ariana Bautista, simpleng tao lang. Makulit, madaldal, tamad mag-aral pero matalino naman! Hahaha! Nag-aaral sa isang - sabihin na nating magaling na university. Isa siyang UP High School. [a/n: school ko po yan! Hehehe :3] 'I'm putting down my defense These wings are gonna take me off the ground It's freedom's sweetest sound' "Good morning Ariana!" bati ng mga batchmates ko na schoolmates sakin pagkapasok ko. Binati ko naman sila. Sa baba lang ang section ko pero nakita ko ang mga kaibigan ko sa taas kaya umakyat din ako. Nagkwekwentuhan sila pagdating ko. Matagal pa naman bago magtime kaya ang dami naming napag usapan. Tungkol sa school, sa online world, sa mga tao sa paligid, sa PBB, sa mga crush nila, etc. 'And I'll admit that I was wrong and it's obvious that I'm finally taking my fist down' Nang may biglang lumabas sa dulong room. Yung 'crush' ko. Di ko naman sya ganun kacrush. Nagwapuhan lang ako sa kanya nung una ko syang nakita. Pero sabi nila pangit daw, makapanglait eh. =___= 'Would you stop and take a look at me now Could you stop and take a look at me now' "Oh, Ariana! Ayan na crush mo!" ang pang aasar ni Anika, kaibigan ko. Napaatras naman ako at nagtago sa side ni Diana. "Ano ba? Di ko nga crush yun!" Tanggi ko. Eh rinig kasi nya yung sinasabi ni Anika eh. Makapagparinig talaga 'tong kaibigan ko! "Eh yon? Nag iba na ba taste mo?" Straight forward talaga si Leah. Sanay na kami. 'When you're standing right infront of me You're looking at the positive that was negative Would you stop and take a look at me now' Actually, hindi naman talaga sya pangit. Mapanglait lang talaga yung mga yan. Hindi ko alam pangalan nung crush ko na yon. Pero lagi ko syang nakikita tuwing may review. Una ko syang nakita nung nag enroll ako dito sa review. Bakit nga ba di ko naisipang silipin yung form nya non? Para nalaman ko pangalan nya. No? Too late!! Nasa huli talaga pagsisisi. :( 'Don't know what you get tomorrow Not sure I wanna go too well Isn't that what's life about' Nang may biglang lumabas na babae at nakipag usap sakanya. Eto rin ang isa pang dahilan kung bakit ko tinatangging crush ko sya. Gusto ko mang kunin yung atensyon nya, eh may girlfriend na ata sya eh. Baka mapahiya ako. Tsk! Ang saklap lang. Ang sweet kasi nilang tingnan. Ano ba yun? Di ako nagseselos no! Mas maganda ako dun! Hahaha! Yabang ko lang. XD 'So long for the fear and worry Let's go and you won't be sorry I'll be the one that gets you out' "Ayiee! Bakit ka pinagpapawisan, Ariana?" Asar naman ni Diane. Leche kayo! Tinuring nyo pa akong kaibigan! "Ang init kaya! Ayan ang araw oh, nakatapat sakin!" Totoo yung sinasabi ko. Nakakairita nga eh! Pawis na pawis ako, baka makita nya ko tapos maturn off sya. Argh! Pero di naman nya ako nakikita eh. Tsh. Last day na nga pala ng review. Pero di ko parin alam pangalan nya. Gusto ko ipagtanungan, pero asa akong gawin ko yun. Nasa matinong pag iisip pa naman ako. Haha! 'Chase the demons out tonight You can see how fast they run When you turn the light switch on' ** Lunch break. Dahil bawal nang lumabas, nagpadeliver na lang kami sa KFC. Kaming magkakaibigan. Halos lahat pala ng schoolmates ko na batchmates ay kaibigan ko. XD 'Would you stop and take a look at me now Could you stop and take a look at me now' Tapos nagulat ako nung napatingin ako sa kanan ko. Nandun siya. Nakatingin sa direksyon namin. Di ko alam pero gusto kong makuha atensyon nya, gusto kong tumingin sya sakin. Pero dahil nahihiya ako, umatras na lang ako at nagtago. Sa classroom kami kumain. Tapos after namin kumain, napag isipan naming umakyat. Paglabas namin, nakita ko sya, nagbabasketball kasama yung mga kaibigan nya. Nung padaan na kami tumgungo ako pero bigla na lang na may lumipad na bola sa likod ko. Whew!! MUNTIK NA KO DUN! 'When you're standing right infront of me You're looking at the positive that was negative Would you stop and take a look at me now' Nagsorry sila samin. At napatingin ako sa kanya. Bigla ko rin namang iniwas yung tingin ko. Eh hindi naman sya nakatingin sakin eh. Umakyat na kami. Pagkatingin ko sa baba, di na sya nagbabasketball, at nakita kong kasama nya yung babaeng lagi nyang kasama. Aray lang, pero di naman talaga ako nasasaktan, naiinggit lang. ** After class... Lagi kasing hatid sundo si Diane ng driver nila kaya nakikisabay kami ni Anika. Nakita namin siya, naglalakad na may kasamang tatlong babae. Isa na don ay yung lagi nyang kasama. Hindi kaya... Bakla sya? Erg! HINDE! "Oy kasama nung crush mo si Joy oh." sabi ni Anika. "Sino si Joy?" Tanong ko. "Yung dati kong kaklase sa Brain Train nung grade 6. Tawagin natin!" Sabi nya. Binuksan ko naman ng onti yung bintana ng sasakyan, tinted naman eh. "JOY!!!" sigaw namin tapos tumungo. Haha! Matrip talaga kami eh. XD Tumingin ako sa likod at nakita kong nakatingin sila. "Close kayo nung Joy?" tanong ko. "Hindi." sagot ni Anika. Patawa lang. ** Simulations na. Last na talaga 'to! Parang final exam kumbaga. Hay... Isang araw ko na lang syang makikita. T____T Di ko muna sya inintindi nung oras ng exam. Aba! Kailangan kong magsagot ng mabuti no! Kailangan kong magtop! Hohoho! Mataas self-esteem ko eh! After nung test, lumabas na ako ng classroom... Nakita ko naman syang kakababa lang. Kasama nya yung babae. 'And it gets more beautiful As the sun turns into rain And the hurt turns into shame' "Ariana!" nagulat ako kasi tinawag ako nung isa nya pang kasama. Kaklase ko yun nung elem. Close pala sila? Bigla naman akong kinabahan. Lumalapit kasi sila sakin. Si Martin - yung kaklase ko nung elem na may kasamang babae, tapos si crush at yung babaeng lagi nyang kasama. "Oh? Martin?" Di ako mapakali. Nakatingin kasi sya sakin. "May gusto kasi -- Aray!" Ha? Bigla kasi syang siniko nung tatlo nyang kasama. Naguluhan ako. "May ipapakilala ako sayo." Yun naman sabi nya. "Ako si Belle! Bestfriend ni Martin." Tapos nakipagkamay sakin yung Belle. "Ako naman si Chary!" Sabi nung kasama ni crush. Nakipagkamay sya. Inintay kong magpakilala si crush pero, nakatulala lang sya't tahimik. Siniko sya ni Chary. 'And it gets more wonderful it gets more wonderful Can you get this through your brain That you cannot lose again' "Ah, eh... Ako si Gabriel." Gabriel pala pangalan nya. Waaa... Sa wakas, alam ko na! Inilahad nya kamay nya, hindi ko alam ang gagawin ko! Dahan dahan kong inabot kamay ko at nakipagshake hands. Aaaah! Finally! Magkakilala na kami! *u* "May boyfriend ka na ba?" Tanong ni Chary. Bat naman nya tinanong? "Ah, wala... Bakit?" Sabi ko naman. "Oh?" Ngumiti naman sila. Weird. "Bakit?" tanong ko ulit. "Kasi si ----" di natuloy ni Chary kasi tinakpan ni Gabriel yung bibig nya at inakbayan. "Ang FC nitong girlfriend ko no? Pasensya ka na." BOOM! Girlfriend nya nga... "Ayan! Better!" kantyaw nung tatlo. Niyakap nya pa ako nang mahigpit na ikinagulat ko. "Good job." binulong nya sa tenga ko. Whaaaa. :"> ** Nandito kami ngayon sa bahay nila Ken. May mini celebration kami. Kasi... NANALO KAMI! 2nd place nga lang, pero okay lang, at least. XD "Iha, di ka ba naman inaapi nitong mga lalaking 'to?" tanong sakin nung mommy ni Ken. "Ah, hindi naman po." sabay ngiti ko. Kakatapos lang naming mag lunch. "Ken, why won't you show Althea our garden?" sabi ni Tita. "Oo nga, dre!" yung tatlo naman. Hinigit naman ako ni Ken palabas. Nang makarating na kami sa garden nila. Wow lang ha? Ang daming bulaklak. "Pasensya na dun sa nanay ko ah." "Okay lang. Nakakatuwa nga mommy mo eh. Bagets na bagets." sabi ko. Napatawa naman sya. Haaay. Kung ganito ba naman lagi eh. Yung effortless ko syang napapatawa. Pero feeling ko, hanggang dito na lang eh. Tapos na ang maganda kong panaginip. "Salamat ah." simula ko. Tumingin sya sakin. "Sobrang eto yung pinakamemorable na tatlong buwan ng buhay ko." sabay ngiti. Tumungo sya. Nanahimik kami. Bakit ba ako nawawalan ng sasabihin? "Oh, para sayo." tapos may binigay sya saking bulaklak. Makukulay. Pinitas nya lang ha. XD haha! Nagtaka naman ako pero... Syempre, kinilig! :"> "Dahil binigyan mo ng kulay ang buhay ko." Nagulat ako dun. Nakatingin lang sya sa langit. Tumingala ako sa kanya. Nakakakilig talaga ang kagwapuhan nito, isama mo pa yung sinabi nya. :"> "Sorry kung iniiwasan kita. Hindi sa ayoko sayo. Yun lang kasi, natatakot akong suklian ang pagmamahal mo... Baka magkulang... O baka masaktan kita. Ayoko namang mangyari yun." Blink blink. Gulat na gulat parin ako. "Oy, magsalita ka naman." "Anong sasabihin ko?" tanong ko. "Sabihin mong mahal mo ko." O___O "Hoy, OA ka!" sabi ko sabay hampas sa may braso nya. Kinuha nya kamay ko tapos hinalikan nya ko sa pisngi. "Mahal din kita." Carlo: "Pak na pak! Pang telenovela!" Mommy ni Ken: "Sa wakas! Binata ka na!" Frank: "Agang valentines day!" Justine: "Kinikilig si bestfriend!" Naisip ko dati, na susukuan ko na sya. Pero, I think tama tong ginawa kong pag iintay sa kanya. Natupad tuloy ang panaginip ko. Ang makasama sya sa buhay ko. :"> We Found Love (ONE SHOT) Copyright 2012 OhKaye ALL RIGHTS RESERVED *dahil inabot ako ng ulan at wala akong payong, bigla ko na lang 'tong naisip. XD Fictional lang po ito. Pakiusap, don't copy my idea. Libre bumoto at magcomment :) *** 'Nak naman ng tinapa oh. Pag ka nga naman malas! Doble, triple malas! Bakit? Nasa computer shop kasi ako, kasi sira laptop ko. Tapos inabot pa ko ng ulan at wala akong payong. Tapos wala na kong pamasahe pauwi. Tapos naka rubber slippers pa ako. Baka madulas ako sa kakatakbo pauwi neto. Haay... Malas. Nagsimula na ang kalbaryo ni Rhian. Yun nga pala pangalan ko. Mahina pa naman yung ulan kaya pwede ko pa 'tong takbuhin. Siguro mga 700 meters ang layo nito sa bahay namin. Seryoso yun. Lakad lakad muna, kalma pa. "Hay, magdadala na nga ako ng payong sa susunod." singhal ko. Grabe, para akong tangang natakbo sa ulanan. Nung medyo lumakas yung ulan, sumilong muna ako. Brr, ang lamig. Niyakap ko yung sarili ko. "Bakit naman kasi ang tanga mo, Rhian eh." kinausap ko na ang sarili ko. Tapos bigla na lang dumilim sa kinatatayuan ko, at nawala yung mga tumutulo sa ulo ko. Pagtingala ko, may... Payong? Nalutang na payong? Hala paranoid na ko. De, baliw lang. Tumingin ako sa tabi ko, may tao. Malamang Rhian, alangang hayop. "Uh? Excuse me." sabi ko, lumingon naman sya. "San ka ba, Miss?" sabay ngiti nya. Hala! Ang gwapong nilalang! Ang tangkad! Slim pero hot! :""> "Bakit?" tanong ko. "Sabay na kita, eh ang lakas ng ulan oh." oo nga, ang lakas. Pero, ano daw? Isasabay nya ko? :""> "Ako nga pala si Noel." tapos ngumiti na naman sya. Hala! Ang gwapo! :""> "Ah, ako si Rhian." sagot ko with a flat voice. Para hindi halata na kinikilig ako. :""> "Uh, taga UPLB ka rin?" tanong nya tapos nakatingin sa shirt ko. Ah, naka UP shirt nga pala ako! "Uh, no. Taga UPRHS ako. High school pa lang." sagot ko. "Ah, freshman ako dito eh." tapos ngumiti na naman sya. Ohh. Ang gwapo! "Oh? Anong course mo?" tanong ko, nagsimula na kaming maglakad under sa isang payong. :""> "Civ. Eng." Sagot nya habang naglalakad na kami side by side. Hay. Ang gentleman naman nya. Nagkwentuhan pa kami hanggang... "Ah, nandito na ako." sabi ko, grabe, ang bilis eh. Nasa harap na agad ako ng bahay namin. Gusto ko pa syang makasama eh. "Uh, Rhian... Okay lang ba kung kunin ko ang number mo?" Agad agad?! Pero... Okay lang! ^u^ Binigay ko naman ang number ko. Tapos nagpaalam na syang umalis. *** "We found love in a hopeless place We found love in a hopeless place..." Nasa kwarto na ako, medyo gabi na, tapos ayan, may tumatawag sakin. Naalala ko tuloy yung nangyari kanina, naulan, kasama ko si Noel... Anong gusto kong i-imply? We found love in a hopeless place. Hahaha! Di naman, crush lang muna. XD Calling... Mr.Payong :"> +63917******* Tumatawag na si Noel. (Gawin mong light!) Hahaha, adik na naman ako. Teka? Bakit naman sya tumatawag? Naexcite naman ako! "Hello?" ("Hi Rhian. Naistorbo ba kita?") "Hindi naman, bakit ka napatawag?" ("Eh, hindi ako mahilig magtext eh.") "Ah, ganon?" ("Oo, hehe.") Tapos nag usap pa kami. Ang dami naming napagkwentuhan. Sobra! Ang daldal naming pareho. Tapos ang dami naming interests na pareho. Grabe, kakilig naman! Hanggang inabot na kami ng 1AM. ("Tulog ka na, Rhi.") "Wow, Rhi? Haha, okay Noel. Ikaw rin." Tapos nagpaalam na kami. *** Ilang araw na rin ang nakalipas at lagi lang kaming ganun, text at tawag. Pero mostly, tawag kasi nga di sya mahilig magtext. Hahaha! At ngayon, magdadate kami! Joke. Lilibot lang kami sa campus. "Rhi!" salubong nya sakin, paglabas ko ng compound namin. Dun ko lang sya pinag-intay kasi baka mahuli kami. Eh kasi strict parents ko. XD "Noel!" tapos ngumiti sya. Grabe, mas lalo ata syang naging gwapo? "Tara?" tumango ako. Naglakad lang kami, I insist. Haha! Tipid na sa pamasahe, makakasama ko pa sya nang matagal. O diba? "Rhi, may bibigay ako sayo." "Ano yun?" Hala naexcite naman ako! "Tara, upo tayo." tapos umupo kami sa isang cement bench sa Freedom Park. Nandito na nga kami sa campus. "Uh, talikod ka." utos nya. "Oy, baka takbuhan mo ko!" sabi ko. "Hindi, bilis, talikod na." wala na kong nagawa kundi tumalikod. Tapos may naramdaman akong malamig na bagay sa may leeg ko. Tiningnan ko naman. O___O Silver necklace?! "Noel, para san 'to?" tanong ko. "Ah, nagSM kasi kami kahapon, eh nakita ko yan, naisip kita." Naisip nya ko?! OMG! :""> Aamin na ba sya? Pag umamin sya at pag tinanong nya ko kung pwede akong ligawan, hala, mahihimatay ako sa tuwa dito!! "RHI! Di ka naman nakikinig." "Ha? Ah, eh. Ano yun?" "Wala man lang bang thank you?" "Hala, thank you, Noel." sabi ko sabay tungo. Ang bastos ko naman, nakalimutan ko pa talagang magpasalamat. "Regalong pasasalamat ko yan." sabi nya tapos ngumiti ulit. Grabe, eto na! :""> "Ha? Para san?" patay malisya ang peg ko. "Sa pagiging una kong kaibigan dito." "OH SURE." WAIT? Loading... 100% What?! Unang kaibigan?! 'Nak ng tilapia! Kala ko kung ano na! Kaibigan lang pala! Wasak. T___T *** "Ang tamlay mo ata Rhi?" naglalakad na kami pauwi. Ihahatid nya daw ako. Mula nung sinabi nyang kaibigan chever na yun, medyo tumamlay ako. "Ah, wala 'to. Pagod lang." sabi ko. "Oh? Gusto mong magjeep na tayo?" sabi nya, na medyo may concern voice. "Uh, wag na." binilisan ko maglakad, kaya he was left behind. Baka naweweirdohan na sya sakin. Pero nadisappoint lang talaga ako kanina. Kaya... Matamlay ako. *crack* "RHIAN!" "ARAY KO. POTA." napatid lang naman yung paa ko sa paglalakad. Nagsideways yung paa ko. Alam nyo na yun, basta! "Shit, di ka kasi nag iingat eh!" sigaw sakin ni Noel habang inaalalayan ako. "Kasalanan ko pa?! Aray ko! Wag mo naman akong kaladkarin! Masakit ang paa ko!" sigaw ko. Kinakaladkad kasi ako. Tapos bigla syang tumigil sa unahan ko. Tapos umupo. "Sumakay ka sa likod ko." sabi nya na kinagulat ko. "What? Ayaw! Mabigat ako." sabi ko. Nakakaconcious. "Ang daming arte!" tapos hinigit nya ako at napasakay ako sa likod nya. Egh. "Baba mo na ko, mabigat sabi ako eh." patuloy kong pangungulit sakanya. "So what? Macho ako. At, baka mamaya kung anong mangyari pa sayo. Palayo layo pa kasi sakin eh." Napatahimik naman ako. Eh kasi naman, kasalanan mo eh. Ikaw kasi ang iniisip ko eh. Medyo malayo yung nilakad namin, pero tahimik lang kaming parehas. Siguro, naramdaman nyang wala ako sa mood. Nung nasa harap na kami ng bahay namin. Bumaba na ko sa likod nya. "Uh, sorry, mabigat ako." sabi ko. Nakakahiya. "Pwede namang mag thank you eh." "Thank you. Sige, pasok na ko." sabi ko. Patalikod na ko, pero hinawakan nya kamay ko. What now. "Mag iingat ka palagi. Kung pwede lang kitang samahan araw araw eh." O____O "Pwede naman eh." sagot ko. Nagulat sya, kahit naman ako nagulat sa sagot ko eh. "Sige, pasok ka na, Rhi. Madilim na." Yun lang? Di nya man lang pinansin yung sinabi ko? Ouch.