ap exam reviewer (no commonwealth and wwii)

Upload: manoli-montinola

Post on 06-Apr-2018

250 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

  • 8/2/2019 AP Exam Reviewer (No Commonwealth and WWII)

    1/8

    Ang mga pagbabagong pang-ekonomiya at ang pagsilang ng

    Nasyonalismo sa Pilipinas

    Nasyonalismo

    - pagkakaalam na ang mga tao ay nabibilang sa isang pangkat (ng tao, bansa, o nasyon)

    - dahil mayroon silang pagkakatulad, nagkaroon ng nasyonalismo (pagkakatulad = pinanggagalingan,

    karanasan, kasaysayan, katangian, kultura, lahi, atbp.)

    - kaya naging autonomous ang mga Muslim sapagkat iba ang kanilang kasaysayan sa mga Katoliko

    Pangkalahatang Daloy

    1. Wala pang bansa

    2. Kaganapang nagdulot ng pagbabago

    3. Pagkakaroon ng mga pagkakatulad ng mga mamamayan (karanasan, katangian)

    4. Pagpasok ng ideya ng Nasyonalismo (noong 1800s) (galing sa Europa)

    5. Pagbuo ng Nasyonalismo

    6. Pagkakabuo na ng isang bansang estado/nation-state

    Mga pagbabaong naganap/Sanhi ng Nasyonalismo

    A. Gob. Hen. Jose Basco

    - nagpatupad ng repormang pang-ekonomiya (palay, tabako, atbp.)

    B. Pagbukas ng mga daungan/port

    - Maynila, Cebu, Iloilo, Sual (Pangasinan)

    C. Pagbukas ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan

    - World Trade

    - nangyari dahil sa mga pangangailangan ng ibang mga bansa sa mga produkto ng Pilipinas katulad ng

    asukal, abaka, tabako, atbp.

  • 8/2/2019 AP Exam Reviewer (No Commonwealth and WWII)

    2/8

    D. Pagkaroon ng Gitnang Uri

    - media clase , middle class

    - mahalaga sapagkat ang gitnang uri ang kadalasang nagpapasimuno ng pagbabago

    - mabuti para sa ekonomiya

    E. Pagbukas ng Suez Canal

    - pinabilis ang transportasyon mula Europa patungong Pilipinas

    F. Pagdating ng maraming Espanyol sa Pilipinas (Peninsulares)

    - maraming Peninsulares ay pumunta sa Pilipinas sapagkat nagkaroon ng gulo sa Espanya kung saan

    naging delikado ang estado ng bansa

    Kilusang Sekularisasyon

    *Sa pagdating ng Peninsulares, lumakas ang 3 institusyon: 1 Simbahan, 2 Hukbong Sandatahan, 3

    Pamahalaan. Dahil sa paglakas ng Simbahan, naganap ang Kilusang Sekularisasyon.*

    - pagkakapantay-pantay ng Pilipino sa Espanyol

    - isa sa mga bunga ng Nasyonalismo

    - laban para sa karapatang humawak ng mga parokya

    - Padre Pedro Pablo Pelaez (unang pinuno), Padre Jose Burgos (successor)

    - secular na pari ang mga namuno- parokya (sekular + regular)

    - pag-aalsa sa Cavite

    2 uri ng Pari

    1. Regular/Relihiyoso Orden (order)/Grupo/Pangkat

    - may regala/rules

    - misyonero (pinapalaganap ang Kristiyanismo sa ibang lugar)

    - Hal: Heswita, Dominikano, Agostino, Rekoleto, atbp

    2. Sekular/Diyosesisan Diyosesis (Diocese)

    - walang rules

    - pinamumunuan ng Obispo (Bishop)

    - bahala sa parokya o parishes

    Napaalis ang mga Heswita kaya naging kulang ang mga pari sa bansa.

  • 8/2/2019 AP Exam Reviewer (No Commonwealth and WWII)

    3/8

    ang solusyon dito ay pinabilis ang training ng mga pari at naging palpak ang resulta

    ngunit inayos ang training, at mas maganda na ang naging resulta ng pagtraining ng mga pari

    Bumalik ang mga Heswita sa Pilipinas na may kasama pang Peninsulares

    sumobra na ang bilang ng mga pari

    karamihan sa mga parokya ay ibinigay sa mga paring regular (isa rito ay ang nasa Antipolo na isa sa

    mga mayayaman)

    umalma ang mga paring sekular at naganap ang Kilusang Sekularisasyon

    Jose Burgos

    - successor ni Pelaez

    - matalino sa pag-aaral, parating nag-excel

    - pinamunuan ang mga rally at protesta

    - nalaman niya ang totoong dahilan kung bakit napunta sa mga paring regular ang mga parokya, na hindi

    dahil sa pagiging mas magaling na pari, kundi dahil sa LAHI o pagiging Pilipino.

    Gomburza

    - nagbigay ng testimonya si Francisco Zaldua kung saan nasangkot sina Mariano Gomez, Jacinto Zamora,

    at Jose Burgos

    - ngunit si Jose Zamora ang hinahanap, sa pagkamalas ni Jacinto Zamora, siya na lang ang nasangkot

    - si Mariano Gomez at kasama ni Pedro Pelaez sa pangangalap ng pondo para sa sekularisasyon

    - ginarrote rin si Francisco Zaldua

    - ang pangyayaring ito ang nagtanim ng seeds ng Nasyonalismo sa bansa

    Kilusang Propaganda (Kilusang Repormista)

    (Propaganda isang pamamaraan na naglalayon hubugin o i-influence ang reaksiyon o damdamin ng

    mga tao. Isang halimbawa ay ang mga advertisements.)

    - ang pagpapatuloy ng mga Gawaing Nasyonalista ng mga Pilipino

    - ang pagsubok ng mga Pilipino na maabot ang mga pagbabago sa Pilipinas

    - Mga Layunin:

    1. Ang pagtatanggal sa mga prayle at ang sekularisasyon ng mga parokya

    2. Aktibong pakikisangkot sa mga usapin ng pamamahala

    3. Kalayaan at karapatan sa pananalita, pamamahayag, at pagtitipon

    4. Pagkakapantay-pantay sa batas

    5. Ang pagturing sa Pilipinas bilang lalawigan at hindi kolonya (asimilasyon)

    6. Ang pagpayag na magkaroon ang Pilipinas ng kinatawan sa Cortes ng Espanya

  • 8/2/2019 AP Exam Reviewer (No Commonwealth and WWII)

    4/8

    - La Solidaridad

    - big 3: Jose Rizal, Marcelo H. Del Pilar, Graciano Lopez-Jaena

    - HINDI MATAGUMPAY

    Ang Katipunan

    Himagsikan = Rebolusyon

    malakihang pagbabago (halos lahat ng aspekto ang papalitan)

    vs.

    Pag-aalsa/Rebelyon = Revolt

    limitadong pagbabago

    KKK - Katastaasang Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan

    - itinatag noong ika-7 ng Hulyo, 1892. Sa Avenido Recto- itinatag nina: Deodato Arellano, Valentin Diaz, Ladislao Diwa, Andres Bonifacio, Teodoro Plata

    Himagsikang Pilipino

    Ang Pagsisimula

    - unang sigaw ng Pugadlawin

    -labanan sa San Juan

    - mga pagkatalo ni Andres Bonifacio

    - mga labanan sa Maynila, Cavite, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Batangas, Laguna (8

    rays of the sun on the Philippine flag)

    Mga Pagkapanalo as Cavite

    - Emilio Aguinaldo

    - Magdiwang (relatives of Gregoria De Jesus; Bonifacios wife) at Magdalo (Aguinaldo)

    - Edilberto Evangelista, Crispulo Aguinaldo, Candido Tirona

    - Kalayaan ng Cavite

    Pagkakahati ng Katipunan

    - Pagdating ni Bonifacio

    - Pulong sa Tejeros

    - Pagkakahati ng Katipunan

    Pagbitay kay Bonifacio

    - ayaw ni Aguinaldo ngunit napilit siya ng mga heneral

  • 8/2/2019 AP Exam Reviewer (No Commonwealth and WWII)

    5/8

    - nangyari sa Maragondon, Cavite

    - natalo ang mga manghihimagsik, pagkatapos

    Republika ng Biak na Bato

    - sa San Miguel, Bulakan- tumungo si Aguinaldo

    - hindi matalo ng mga Espanyol

    - Kasunduan ng Biak na Bato

    Himagsikng Pilipino Ikalawang Yugto

    Biak na Bato

    - Republika

    - Saligang Batas (Konstitusyon)

    - Kasunduan

    pagsuko ng armas

    pagbabayad sa mga maghihimagsik

    pagpapatapon nina Aguinaldo sa Hong Kong

    Habang nasa Hong Kong

    - paghahanda sa pagpapasimula muli ng paghihimagsik

    - may mga hindi sumunod sa kasunduan (mga Pilipinong nagrebelde , mga abuso ng Espanyol)

    - may humingi ng kanyang hati sa ibinayad

    Pagtakas ni Aguinaldo patungong Singapore

    - nakausap ang mga Amerikano

    - sumikab ang digmaang Espanyol-Amerikano

    Pagbalik ni Aguinaldo sa Pilipinas

    - muling pagsiklab ng himagsikan

    - maramihang pagkapanalo ng mga Pilipino

    - Deklarasyon ng Kalayaan ng Pilipinas- pagdating ng mga Amerikano

    - pagkubkob sa Maynila

    - pagkubkob sa Baler

  • 8/2/2019 AP Exam Reviewer (No Commonwealth and WWII)

    6/8

    Digmaang Pilipino-Amerikano

    Kasunduan sa Paris

    - binili ng Amerika ang Pilipinas mula sa Espanya sa halagang 20 milyong dolyar

    - inasahan ng mga Pilipino na hindi mangyari para iwasan ang gulo

    Si Emilio Aguinaldo and Pangulo ng Pilipinas noong panahong ito.

    Mga 1st Generals ni Aguinaldo:

    - Artiemio Ricarte (umayaw maging loyal sa mga Amerikano)

    - Jose Paua (sumaksak kay Bonifacio)

    Sumiklab ang digmaang Pilipino-Amerikano sa tulay ng San Juan/Sta. Mesa kung saan binaril ni

    Private William Greyson ang isang Pilipino.

    Nais ng mga Amerikano sakupin ang Pilipinas dahil sa mga resources na nasa bansa.

    Andres Bonifacio

    - isa sa mga nagtatag ng Katipunan

    - hinirang na Supremo ng Katipunan

    - naging asawa ni Gregoria de Jesus

    Emilio Jacinto

    - tinawagang "utak ng Katipunan" dahil sa kanyang katalinuhan

    - bata pa noong sumali sa Katipunan

    Emilio Aguinaldo

    - naging unang Pangulo ng Pilipinas- kabilang sa pangkat na Magdalo ng KKK

    - namuno ng maraming mga matagumpay na labanan

    Antonio Luna

    - isang heneral noong Digmaang Pilipino-Amerikano

    - itinatag at pinamatnugutan ang La Independencia

    - matindi na tinuro ang disiplina sa mga sundalo

    Gregorio del Pilar

    - isa sa pinakabatang heneral ng hukbong rebolusyonaryo

    - punong komandante ng Bulacan

    Miguel Malvar

    - isang heneral ng hukbong rebolusyonaryo na determinadong lumaban sa mga Amerikano

    Macario Sakay

    - kinilalang bayani noong panahon ng pananakop ng Amerikano

  • 8/2/2019 AP Exam Reviewer (No Commonwealth and WWII)

    7/8

    - pumunta sa iba't ibang lalawigan para hikayatin ang mga Pilipino na sumali sa Katipunan

    - itinatag ang Republika ng Katalugan, na naaayon sa mga layunin ng KKK

    - huling heneral na sumuko sa mga Amerikano

    Jacob Smith

    - heneral na namuno sa masaker sa Balangiga

    Macabebe Scouts

    - mga katutubong kasabwat ng mga Amerikano na taga-Macabebe, Pampanga

    - tumulong sa pagkahuli ni Emilio Aguinaldo

    Labanan sa Tulay ng Sta. Mesa

    - lugar kung saan nagsimula ang digmaang Pilipino-Amerikano

    - binaril ni Robert Grayson, isang sundalong Amerikano, ang isang Pilipinong naglalakad sa tulay

    Away sa pagitan nina Luna at ng Kawit Company

    - hindi gusto ng Kawit Company si Luna at galit sila sa kanya dahil sa kanyang pagpaparusa sa sinumang

    sumuway sa batas-militar

    Away sa pagitan nina Luna at Mascardo

    - si Tomas Mascardo ay isa sa mga sundalong kabilang kay Heneral Luna. Sinabi ni Luna kay Mascardo na

    magpadala ng sundalo sa kanya para lumakas ang kanilang depensa subalit hindi nakinig si Mascardo

    dahil sa kanyang galit kay Luna. Nakapasok ang mga Amerikano at kinailangang mag-retreat ang mga

    Pilipino; ito ay ang Fall of Calumpit

    Pagpatay kay Luna

    - naganap noong Hunyo 5, 1899

    - pinapunta si Luna sa Cabanatuan, Nueva Ecija, dahil akala niya'y tinawagan siya ni Aguinaldo, ngunit ito

    pala'y isang "trap"

    - pinagbarilan at pinagsaksakan si Luna, at ang kanyang kasamang si Paco Roman

    Labanan sa Pasong Tirad

    -labanan na pinamunuan ni Gregorio Del Pilar noong Disyembre 2, 1899 sa Hilagang Luzon, kung saan ay

    60 na Pilipino ay natalo sa 500 na Amerikano na pinamunuan ni Major Peyton C. March, para

    siguraduhin makatakas si Aguinaldo

    Pagtakas at Pagkahuli kay Aguinaldo

    - naganap ang pagkahuli ni Aguinaldo dahil sa tulong ng mga Macabebe Scouts

    - noong nasa Isabela si Aguinaldo, nahuli siya ni Heneral Frederick Funston dahil sa paghuli ng isang

    mensahero ni Aguinaldo kung saan kinuha ang kanyang kinaroroonan

    Labanan sa Balangiga

    - masaker kung saan maraming mga Pilipino ay namatay dahil sa kamay ni Heneral Jacob Smith at ang

    kanyang mga sundalo

    Pang-aabuso ng mga Amerikano

    - pagpapahirap na ginawa ng mga sundalong Amerikano sa mga Pilipino katulad ng water cure, pagtatali

    sa puno at pagbabarilin, pagtatali sa punong may pulang langgam, at iba pa

    - isa sa mga resulta nito ay ang pagkamatay ng maraming mga Pilipino

  • 8/2/2019 AP Exam Reviewer (No Commonwealth and WWII)

    8/8

    USAFFE

    - ito ay ang United States Armed Forces in the Far East

    - pinag-isa ang mga hukbo ng Estados Unidos at Pilipinas

    Labanan sa Corregidor

    - araw-araw binomba ang USAFFE ng Hapones

    - sumuko sa Hapones sa pamumuno ni Hen. Jonathan Mainwright

    Labanan sa Bataan

    - natalo ang USAFFE sa Hapones

    - natalo dahil sa pagkulang ng armas

    Heneral Douglas MacArthur

    - pinuno ng USAFFE

    Liberasyon ng Maynila

    - naganap noong Okt. 14, 1943

    - dito nagsimula ang Ikalawang Republika ng Pilipinas

    Gerilyang Pilipino

    - mga grupong lumalaban sa mga Hapon (maliban sa USAFFE)

    - HUKBALAHAP