52 mw chico run of river hydropower project -...

21
9/21/2017 52 MW CHICO RUN OF RIVER HYDROPOWER PROJECT: Buod ng Environmental Impact Statement para sa Publiko Kompanya: KARAYAN HYDROPOWER CORPORATION

Upload: others

Post on 26-Oct-2019

7 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: 52 MW CHICO RUN OF RIVER HYDROPOWER PROJECT - …eia.emb.gov.ph/wp-content/uploads/2016/06/ESP_Tagalog_52MW-Chico-RRHPP… · KAHALAGAHAN NG PROYEKTO Ayon sa Department of Energy

9/21/2017

52 MW CHICO

RUN OF RIVER

HYDROPOWER

PROJECT: Buod ng Environmental Impact Statement para sa Publiko

Kompanya: KARAYAN HYDROPOWER CORPORATION

Page 2: 52 MW CHICO RUN OF RIVER HYDROPOWER PROJECT - …eia.emb.gov.ph/wp-content/uploads/2016/06/ESP_Tagalog_52MW-Chico-RRHPP… · KAHALAGAHAN NG PROYEKTO Ayon sa Department of Energy

EIS Summary for the Public (ESP) 52MW Chico Run of River Hydropower Project Barangays Lucog, Naneng, and Bagumbayan, Tabuk City, Kalinga

2

TABLE OF CONTENT

I. Impormasyon sa Proyekto ........................................................................................ 3

II. Lokasyon ng Proyekto .............................................................................................. 3

Iii. Paglalarawan sa Proyekto ...................................................................................... 5 III.1. Kahalagahan ng Proyekto .......................................................................................... 5 III.2. Layunin ng Proyekto .................................................................................................... 6 Iii.3. Laki ng Proyekto ........................................................................................................... 6 III.4. Gagastusin sa Proyekto ............................................................................................... 6 III.5. KInakailangang tauhan para sa proyekto ................................................................ 6 III.6. Mga Alternatibo sa Proyekto ...................................................................................... 7

III.6.1. Pagpili ng Lokasyon .................................................................................................... 7 III.6.2. Pagpili ng Teknolohiya ............................................................................................... 9 III.6.3. Pagpili ng Uri ng Weir ................................................................................................. 9

IV. Mga Bahagi ng 52 MW Chico Run of River Hydropower Plant .......................... 10

V. Mga Maapektuhan ng Proyekto .......................................................................... 11

VI. Buod ng mga Maaring Maging Epekto ng Proyekto ......................................... 12

VII. Inaasahang Tagal ng Proyekto ........................................................................... 19

VIII. Pahayag ng Kompanya Ukol sa Kinakailangan Kompromiso ....................... 20

IX. Para Sa Karagdagang Impormasyon ................................................................. 21

Page 3: 52 MW CHICO RUN OF RIVER HYDROPOWER PROJECT - …eia.emb.gov.ph/wp-content/uploads/2016/06/ESP_Tagalog_52MW-Chico-RRHPP… · KAHALAGAHAN NG PROYEKTO Ayon sa Department of Energy

EIS Summary for the Public (ESP) 52MW Chico Run of River Hydropower Project Barangays Lucog, Naneng, and Bagumbayan, Tabuk City, Kalinga

3

I. IMPORMASYON SA PROYEKTO

Impormasyon sa Proyetkto

Pangalan ng Proyekto 52MW Chico Run of River Hydropower Project

(dating tinatawag na 45MW Chico River Hydropower Project)

Uri ng Proyekto Hydroelectric Power Project

Lokasyon Barangays Lucog, Naneng, and Bagumbayan, Tabuk City, Kalinga

Kapasidad 52MW

Reservoir Storage 14 million m3

Lawak ng Proyekto 99.3 hectares

Halaga ng proyekto 5.18 Billion pesos

Detalye ng Kompanya

Pangalan ng kompanyang

magsasagawa ng proyekto: Karayan Hydropower Corporation

Kinikilalang kinatawan Oscar I. Violago

Chairman

Kinaroroonan ng kompanya 14th Flr., One Magnificent Mile Bldg., San Miguel Ave., Ortigas

Center, Pasig City

Telepono L (02) 910-7888

Noong 2016, nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ng San Lorenzo Ruiz Builders and Developers Group (SLRB), Inc. at Union Energy Corporation na nagresulta sa pagkabuo ng Karayan Hydropower Corporation na naglalayong makapagpatayo ng isang 52-megawatt (MW) Chico Run of River Hydropower project.

Ang isang hydropower plant ay nakagagawa ng kuryente sa pamamagitan ng pagkuha ng enerhiya mula sa umaagos na tubig tulad ng isang ilog. Sa proyektong ito, ang isang weir malaking harang ay itatayo sa Chico River upang makagawa ng isang water reservoir na mahahalintulad sa isang lawa kung saan ang tubig ay hindi gumagalaw. Ang tubig na mula sa reservoir ay papakawalan sa weir at dadaloy sa isang turbine na magdudulot ng pag-ikot nito. Ang patuloy na pag-ikot ng turbine ay papagalawin ang generator na makakalikha ng enerhiyang magagamit bilang kuryente. Bukod pa rito, ang pinapakawalang tubig mula sa reservoir ay magsisilbing patubig sa malalapit na mga taniman.

II. LOKASYON NG PROYEKTO

Ang proyekto ay sinasangguning itayo sa Brgy. Lucog, Tabuk City, Kalinga tulad ng makikita sa mapa sa baba. Ang pangalan ng proyekto ay galing sa lokasyon nito sa Chico River na sampung (10) kilometro kanluran ng mismong siyudad at halos 5.5 kilometro pababa ng Chico River. Ang weir at power plant ay

Page 4: 52 MW CHICO RUN OF RIVER HYDROPOWER PROJECT - …eia.emb.gov.ph/wp-content/uploads/2016/06/ESP_Tagalog_52MW-Chico-RRHPP… · KAHALAGAHAN NG PROYEKTO Ayon sa Department of Energy

EIS Summary for the Public (ESP) 52MW Chico Run of River Hydropower Project Barangays Lucog, Naneng, and Bagumbayan, Tabuk City, Kalinga

4

matatagpuan sa bandang 17° 24’ 03” North Latitude and 121° 18’ 05” East Longitude sa taas na halos 260 metro lagpas ng mean sea level o pantay na level ng karagatan.

Figure 1. Mapang nagpapakita kung saan itatayo ang 52 MW Chico Run of River Hydropower Plant

Ang proyekto ay mararating mula sa Maynila kung biyabiyahe ng sampung oras patungong Tabuk City, Kalinga na dadaan sa North Luzon Expressway (NLEX), Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX), Gerona-Guimba Road, Nueva Ecija-Pangasinan Road at Maharlika Highway. Mula naman sa Tabuk City, 16 kilometro ang layo ng proyekto kung dadaan sa Tabuk – Bontoc Road. Ang pinakamalapit na paliparan mula sa 52 MW Chico Run of River hydropower plant ay nasa Tuguegarao City, 53 kilometro silangan ng Tabuk. Mula sa main highway, ang project site ay mapupuntahan kung dadaan sa dirt road patungong hanging foot bridge na tinatayang aabutin ng 1.3 kilometro lamang ang layo.

Page 5: 52 MW CHICO RUN OF RIVER HYDROPOWER PROJECT - …eia.emb.gov.ph/wp-content/uploads/2016/06/ESP_Tagalog_52MW-Chico-RRHPP… · KAHALAGAHAN NG PROYEKTO Ayon sa Department of Energy

EIS Summary for the Public (ESP) 52MW Chico Run of River Hydropower Project Barangays Lucog, Naneng, and Bagumbayan, Tabuk City, Kalinga

5

Figure 2. Mapang nagpapakita ng project area

III. PAGLALARAWAN SA PROYEKTO

III.1. KAHALAGAHAN NG PROYEKTO

Ayon sa Department of Energy (DOE), ang pangangailangan sa kuryente ng Pilipinas ay inaasahang tumaas ng 4.5% bawat taon. Ito ay dahil sa patuloy na pagdami ng populasyon ng mga Pilipino at pagdami ng mga pinapatayong gusali at iba’t iba pang mga imprastaktura na patuloy na itinatayo sa Pilipinas. Ang bar graph sa baba ay nagpapakita ng inaasahang pagtaas ng konsumo ng kuryente ng bansa mula sa taong 2016 hanggang 2021. Dito makikita na sa susunod na taon, ang Pilipinas ay inaasahang kokonsumo ng 4100 MW na kuryente.

Figure 3. Bar graph na nagpapakita ng inaasang pagtaas ng pangangailangan sa kuryente (sukat ay nasa Megawatts(MW)) sa Pilipinas mula 2016 hanggang 2021

Page 6: 52 MW CHICO RUN OF RIVER HYDROPOWER PROJECT - …eia.emb.gov.ph/wp-content/uploads/2016/06/ESP_Tagalog_52MW-Chico-RRHPP… · KAHALAGAHAN NG PROYEKTO Ayon sa Department of Energy

EIS Summary for the Public (ESP) 52MW Chico Run of River Hydropower Project Barangays Lucog, Naneng, and Bagumbayan, Tabuk City, Kalinga

6

Figure 4. Pie graph na nagpapakita kung saan nanggaling ang energy sa Pilipinas

Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay kumukuha ng 41% ng taunang pangangailangan sa kuryente mula sa mga renewable energy sources at isang halimbawa nito ay ang mga proyektong tulad ng hydropower plant. Sa patuloy na pagtaas ng konsumo sa kuryente, ang Karayan, Inc. ay naglalayon na magbukas ng isang 52 MW Chico Run of River hydropower plant na makakagawa ng malaking halaga ng kuryente bawat taon upang mapunan ang malaking pangangailangan ng bansa sa kuryente.

III.2. LAYUNIN NG PROYEKTO

Na magpatayo at mangasiwa ng isang 52MW Chico Run of River Hydropower Project sa paraan na mapapalawak ang mga oportunidad sa isang renewable energy production na mura, mababa ang nalalabas na Carbon, at pinangangalagaan ang kalikasan upang makapagdulot ng mga benepisyo para sa mga tao at para sa bayan.

III.3. LAKI NG PROYEKTO

Ang pinapalagay na magiging kapasidad ng proyekto ay 52 MW ng kuryente kada taon at makakapag imbak ng 14 million m3 na tubig sa reservoir.

III.4. GAGASTUSIN SA PROYEKTO

Ang halaga ng pagpapatayo at pagpapagawa ng hydropower facility ay tinatayang aabot sa 5.18 Billion Pesos

III.5. KINAKAILANGANG TAUHAN PARA SA PROYEKTO

Ang daming ng tauhan na kakailanganin para sa pagpapagawa ng embankment, spillway powerhouse, at iba pang bahagi ng proyekto kasama na rin ang pagpapakabit ng turbine at iba pang electromechanical components ay tinatayang aabot sa 2,000 katao.

Page 7: 52 MW CHICO RUN OF RIVER HYDROPOWER PROJECT - …eia.emb.gov.ph/wp-content/uploads/2016/06/ESP_Tagalog_52MW-Chico-RRHPP… · KAHALAGAHAN NG PROYEKTO Ayon sa Department of Energy

EIS Summary for the Public (ESP) 52MW Chico Run of River Hydropower Project Barangays Lucog, Naneng, and Bagumbayan, Tabuk City, Kalinga

7

Karamihan ng mga kukuhanin para sa trabaho ay mga lalaking manggagawa dahil sa pisikal na pangangailangan sa trabaho. Ngunit pagdating na sa operation ng proyekto, hindi na mamimili ayon sa kasarian ang kompanya.

Habang isinasagawa ang operation phase, mangangailangan ang kompanya ng 19 na katao upang mangasiwa sa pang-araw araw na takbo ng proyekto

Table 1. Dami ng mga tauhan

Development Phase

Trabaho Tauhan na kakailanganin

Construction Pagpapagawa , pagkakabit, at pagpapatayo ng bahagi ng proyekto

2,000

Operation Araw-araw na operasyon ng planta 19

TOTAL 2,019

III.6. MGA ALTERNATIBO SA PROYEKTO

III.6.1. PAGPILI NG LOKASYON

Tulad ng makikita sa mapa sa ibaba, mayroong tatlong lokasyon na pinagpipilian para sa pagpapagawa ng weir: 450 metro pataas ng ulog (location 1), sa baseline o kung saan matatagpuan ang hanging foot bridge (location 2), o 300 metro pababa ng ilog(location 3). Maraming mga bagay ang isinangalang-alang sa pagpili kung saan itatayo ang weir.

Noong simula, ang weir ay dapat ilalagay sa baseline kung saan matatagpuan ang hanging foot bridge, ngunit matapos ang maraming mga pagsusuri, napili na ang location 3 ang pinakamainam na lugar na pagpatayuan ng weir. Ang pagpapagawa ng weir sa location 3 ang pinakamahal sa construction ngunit ito rin ang pinili sapagkat ito ang lokasyon na magbibigay ng pinakamalaking kita. Bukod pa rito, ang paglalagay ng weir sa location 3 ay magreresulta sa pinakamalawak na lugar o pinakamaraming panananim na madadaanan ng patubig kumpara sa location 1 at location 2.

Page 8: 52 MW CHICO RUN OF RIVER HYDROPOWER PROJECT - …eia.emb.gov.ph/wp-content/uploads/2016/06/ESP_Tagalog_52MW-Chico-RRHPP… · KAHALAGAHAN NG PROYEKTO Ayon sa Department of Energy

EIS Summary for the Public (ESP) 52MW Chico Run of River Hydropower Project Barangays Lucog, Naneng, and Bagumbayan, Tabuk City, Kalinga

8

Figure 5. Mapang nagpapakita ng tatlong lokasyon na pinagpipilia para sa pagpapawa ng planta

Batayan Location 1:

Hanging Bridge Location 2:

450m pataas ng ilog Location 3:

300m pababa ng ilog

Power rating 45 MW 45 MW 52 MW (due to higher dam)

Production 203.7 million KWH 203.7 million KWH 231.6 million KWH

Dam height 22m 22m 25m

Impoundment size 55 ha 55 ha 55 ha

Geotechnical condition Baseline Parehas Parehas

Accessibility Baseline Parehas Parehas

Electrical transmission 16 km 16 km 15.7 km

Epekto sa lipunan Baseline Parehas Parehas

Benepisyo sa lipunan 200 ha na bukiran ang mapapatubigan

200 ha bukiran ang mapapatubigan

556 ha bukiran ang mapapatubigan

Constructability

1: Mahirap: magkakaroon ng hamon upang malihis ang ilog dahil sa maiksing distansiya sa pagitan ng banks (95m) 2: masyadong makitid para sa spillway

Mabuti: maraming lugar para mailihis ang ilog at sapat ang espayo para sa spillway (134m)

Makatwiran: Mayroong sapat na espayong para mailihis ang ilog at para sa spillway

Halagang gagastusin sa pagpapatayo

Baseline Parehas ( mas mahal ang weir ngunit mas mura ang pagpapatayo)

Mas mahal ngunit mas Malaki ang kikitain

Epekto sa kalikasan Baseline Parehas Parehas

Page 9: 52 MW CHICO RUN OF RIVER HYDROPOWER PROJECT - …eia.emb.gov.ph/wp-content/uploads/2016/06/ESP_Tagalog_52MW-Chico-RRHPP… · KAHALAGAHAN NG PROYEKTO Ayon sa Department of Energy

EIS Summary for the Public (ESP) 52MW Chico Run of River Hydropower Project Barangays Lucog, Naneng, and Bagumbayan, Tabuk City, Kalinga

9

III.6.2. PAGPILI NG TEKNOLOHIYA

Tatlong uri ng turbines ang pinagpilian ng kompanya upang gamitin sa pagkuha ng enerhiya mula weir, ang mga ito ay ang vertical Kaplan turbine, horizontal Kaplan turbine (SAM), at ang Francis turbines. Ang pangkaraniwan na solusyon sa disenyo ng hydropower plant ay ang maglagay ng dalawang (2) vertical Kaplan turbines. Ang paggamit ng horizontal Kaplan turbine (SAM) at Francis turbines ay mangangailangan ng paglalagay ng tatlong (3) turbines sa halip na dalawa (2) lamang. Bukod pa rito, ang SAM at Francis turbines ay mas mahal ipagawa kaya naman ang napili ay ang karaniwang solusyon na maglagay ng dalawang (2) vertical Kaplan Turbines.

III.6.3. PAGPILI NG URI NG WEIR

Ang uri ng weir na ipapatayo ay isang Roller Compacted Concrete weir (RCC). Ito ay may lamang sa ibang uri ng weir sapagkat ito ay mas mabuti para sa kalikasan kumpara sa mga fill embankments weir at ang RCC din ay mas simpleng ipatayo kumpara sa mga weir na may arch structures. Ang ipapatayong weir din ay ligtas mula sa posibleng pag-apaw ng tubig sa panahon ng baha.

Page 10: 52 MW CHICO RUN OF RIVER HYDROPOWER PROJECT - …eia.emb.gov.ph/wp-content/uploads/2016/06/ESP_Tagalog_52MW-Chico-RRHPP… · KAHALAGAHAN NG PROYEKTO Ayon sa Department of Energy

EIS Summary for the Public (ESP) 52MW Chico Run of River Hydropower Project Barangays Lucog, Naneng, and Bagumbayan, Tabuk City, Kalinga

10

IV. MGA BAHAGI NG 52 MW CHICO RUN OF RIVER HYDROPOWER PLANT

Figure 6. 3-Dimensyonal na pagsasalarawan ng 52 MW Chico Run of River Hydropower Plant

Mga Simbolo:

1= Tulay, 6m ang lapad para sa mga motorsikl. Ito ang tulay na papalit sa kasalukuyang tulay

2= Ogee spillway, 134m ang lapad, 25m ang taas

3=gated spillways, 4 gates of 8x8 m

4= Power house at turbines

5= Tailrace

Table 2. Mga bahagi ng proyekto

Bahagi Laki

Area o Lawak (m2)

Paglalarawan

Reservoir

25m high weir, sa

Normal Water Level

534,000

1) Artificial na lawa dahil sa pagpapatayo ng Weir sa Chico River. 2) Ito ang kabuuang reservoir area. Bago ang proyekto, kalahit ng area na ito ay sakop ng Chico River. 3) Sa panahon ng matinding pagbabaha, ang tubig ay maaring umabot sa taas na 8 metro at ang lawak ng surface ay aabot sa 972,000 m2.

Weir

300 x 50 150,000

1) Magsisilbing 25 metro na harang sa reservoir. Layunin ng mga project developer na walang mga kabahayan ang mababaha at walang tao ang kinakailangan malipat ng tirahan. Kaya naman ang kondisyong ito ay naglilimita sa pagpapatayo ng isang weir na

Page 11: 52 MW CHICO RUN OF RIVER HYDROPOWER PROJECT - …eia.emb.gov.ph/wp-content/uploads/2016/06/ESP_Tagalog_52MW-Chico-RRHPP… · KAHALAGAHAN NG PROYEKTO Ayon sa Department of Energy

EIS Summary for the Public (ESP) 52MW Chico Run of River Hydropower Project Barangays Lucog, Naneng, and Bagumbayan, Tabuk City, Kalinga

11

Bahagi Laki

Area o Lawak (m2)

Paglalarawan

hanggang 25 metro lamang ang taas 2) Ang lokasyon ay nasa Chico River

Power house including yard etc

90 x 200 m 18,000

1) Kasama sa site plan 2) Naglalaman ng turbines, lahat ng electrical components (generators, panels, transformers), control room, workshop at may iba natitirang pang espasyo para sa mga tools at spare parts. Dito rin matatagpuan ang spare parts operator facilities at opisina nito

Tailrace 100x 250m 25,000

Road (new location) 1000 m x 10m 10,000 Gagamitin ang kasalukuyang kalsada

Construction camp 100 x 50m 5,000 Pansamantala lamang

Irrigation canals 10,000 x 10 10,000

Ito ay hindi bahagi ng main project ngunit kasama sa social project

Substation Tabuk 20 x 40 m 800

Ito ay magkakaroon ng bukod na ECC Application

ROW transmission, 69 KV

16 km x 15m 240,000 Ito ay magkakaroon ng bukod na ECC Application

KABUOANG FOOTPRINT

992,800 99.3 na hektarya

V. MGA MAAPEKTUHAN NG PROYEKTO

Ang mga Direct Impact Areas (DIA) ay mga barangay kung saan ang mismong weir at powerhouse ay itatayo. Ito rin ay mga lugar na maapektuhan ng inundation o pag-apaw ng tubig at bahagyang pagbaha. Ang mga barangay na matuturing na DIA ay ang barangay Lucog, Bagumbayan, at Naneng.

Sa kabilang bahagi, ang ilang mga barangay sa Tabuk na nasa downstream na bahagi ng Chico River ay matuturing na kabilang sa Indirect Impact Areas (IIA).

Page 12: 52 MW CHICO RUN OF RIVER HYDROPOWER PROJECT - …eia.emb.gov.ph/wp-content/uploads/2016/06/ESP_Tagalog_52MW-Chico-RRHPP… · KAHALAGAHAN NG PROYEKTO Ayon sa Department of Energy

VI. BUOD NG MGA MAARING MAGING EPEKTO NG PROYEKTO

Modyul Mga isyu/Maaring epekto Pagpapagaan/ pagpapabuting mga aksyon

Heolohiya at ukol sa lupa

Pagtaas ng soil erosion dahil sa mga clearing operation o land preparation

Ang striktong pagpapatupad ng Catchment Area Treatment Plan ay gagawin upang makontrol ang maaring soil erosion

Maaring epekto dahil sa quarrying at excavation ng mga materyales sa kontsruksyon/ Mga pisikal na pagbabago sa lupa, tubig, at hangin na maaring dahil sa excavation.

• Ang paghakot ng mga materylaes ay dapat isagawa sa mga kinikilalang borrow and quarry na mga lokasyon

• Kung kinakailangan ng mga bagong borrow and quarry sites, kailangan muna ang pahintulot mula sa mga may-ari

• Ang mga quarry and borrow sites ay dapat makuha muli. Ang mga nagawang hukay ay dapat malagyan o matapalan ng mga labis mula sa materyales sa konstruksyon. Dapat din mapatibay ang mga quarry and borrow sites.

• Ang topsoil o lupa na kinakailangan sa pagpapataba ng mga pananim ay isasantabi sa mga stockpile. Ang mga stockpiles na ito ay gagamitin sa muling pagsasaayos at pagpapaganda ng mga borrow and quarry areas.

• Ang mga damo at palumpong ay dapat itanim

Pagtatapon ng mga pataba sa lupa • Magkakaroon ng mga disposal sites o tanging lugar na maaring magtapon upang mabawasan at mapaliit ang mga panganib na kasama sa mga taong naninirahan malapit dito dahil sa pagkakaroon ng mga alikabok at palagiang paggalaw ng mga heavy equipment tulad ng mga trak at sasakyan.

• Pagpapagawa ng mga retention wall sa base upang mapanatili ang mga pataba sa lupa sakaling ang lokasyon nito ay sa mas mataas kaysa sa ilog

Panlupang palahayupan

Pagkatanggal ng mga pananim at pakawala ng

mga tirahan ng mga hayop

Ang pagkawala ng mga tirahan ng mga hayop dahil sa pagtanggal ng ibang mga paninim ay hindi maiiwasan habang konstruksyon ng proyekto. Ang pagbabaha sa mga pananim na matatagpuan sa mataas na bahagi ng ilog sa Brgy Lucog, Brgy. Bagumbayan and Brgy Naneng habang umaandar ang proyekto ay isa ring hindi maiiwasang epekto. Karamihan sa mga uri ng halaman na maapektuhan ng proyekto habang konstruksyon ay mula sa riparian zone at agroforestry ecosystem na ang

Pagpapagawa ng mga daanan kung saan may mas kakaunting puno na masisira, pagkuha ng permit o pahintulot sa pagpuputol ng puno at iba pang kinakailangan permit mula sa DENR, City Agricultural office, PCA at pagsunod sa mga kinakailangan kondisyon ng mga nakuhang mga pahintulot ay ang mga isinasangguning hakbang upang mabawasan at mapaliit ang mga negatibong epekto. Gagamitin din ang off set planting ng mga indigeneous species sa mga watershed pati na rin ang pag-iwas sa pagkakaroon ng mga halaman na invasive o yung nakasisira ay kasama rin sa mga hakbang upang mabawasan ang mga negatibong epekto.

Page 13: 52 MW CHICO RUN OF RIVER HYDROPOWER PROJECT - …eia.emb.gov.ph/wp-content/uploads/2016/06/ESP_Tagalog_52MW-Chico-RRHPP… · KAHALAGAHAN NG PROYEKTO Ayon sa Department of Energy

EIS Summary for the Public (ESP) 52MW Chico Run of River Hydropower Project Barangays Lucog, Naneng, and Bagumbayan, Tabuk City, Kalinga

13

Modyul Mga isyu/Maaring epekto Pagpapagaan/ pagpapabuting mga aksyon

karamihan ay tulad ng mga halamang dinala sa bansa tulad ng acacia, gmelina, at ipil-ipil Banta sa pananatili at/o pagkawala ng mga mahalagang uri ng mga local na halaman, banta sa dami, kadalasan, at pamamahagi ng mga mahahalagang uri ng halaman Ang pagkawala ng mga indibidwal na

mahahalagawang uri ng halaman ay hindi

maiiwasan habang konstruksyon at

pagpapaandar ng proyekto. Ngunit, ang

pagkawala ng uri ng halaman na ito ay hindi

maasahang magresulta sa pagkamatay ng uri ng

halaman. Ang tatlong nangangambang uri ng

halaman na nataguan sa direct impact area ay

maayos ang pagkakabaha bahagi sa buong

bansa at ngayon ay kasalukuyang ginagamit

bilang reforestration species ng gobyerno sa

National Greening Program (NGP). Ang dalawa

namang endemic species o mga halaman na sa

pilipinas lang matatagpuan ay marami pa rin sa

ibang bahagi ng bansa.

Pagdami ng mga invasive na uri ng halaman o

yung mga nakagugulo sa kapaligiran

Hindi bababa sa siyam na uri ng invasive na

halaman ang natalaga sa loob ng lawak ng

proyekto. Ang posibleng pagdami ng mga

invasive species ay maaring maganap sa mga

lugar na makakaingin at mabubuksan habang

konstruksyon ng planta at sa pagaabandona

nito.

Pagpapagawa ng mga daanan kung saan may mas kakaunting puno na masisira. Kung ang opsyon na ito ay hindi possible, permiso sa pagpuputol ng mga puno ay kukuhanin mula sa DENR bago magkaroon ng kahit anong pagputol ng puno. Lahat ng kondisyon sa permiso ng pagpuputol ng puno (tulad ng pagtatanim ng 100 puno sa bawat isang mapuputol) ay susundin. Ang kaperehas na uri ng tatanggaling puno o mga indigenous na uri ng halaman na karaniwang matatagpuan sa lugar ang gagamitin uri ng halaman upang palitan ang mga matatanggal. Ang pagtatanim ng mga kapalit na halaman ay gagawin, hangga’t maari, sa loob ng Chico River Basin kung saan walang konstrusyon na magaganap. Matapos ang pagtatanim ng mga kapalit na halaman, palagiang pagsusubaybay ay gagawin upang masigurado ang pagtubo at pagkabuhay ng mga halaman. Agarang muling pagtatanim na mga nais na indigenous plant species sa mga nakaingin at binuksan ng mga lupa ay gagawin. Ang listahan ng mga invasive species ay ihahanda upang maiwasan ang muling pagtatanim ng mga ito. Ang pagsusubaybay at pagpapanatili ng mga natanimang lupain ay gagawin upang masigurado ang pagtubo at pagkabuhay ng mga halaman.

Page 14: 52 MW CHICO RUN OF RIVER HYDROPOWER PROJECT - …eia.emb.gov.ph/wp-content/uploads/2016/06/ESP_Tagalog_52MW-Chico-RRHPP… · KAHALAGAHAN NG PROYEKTO Ayon sa Department of Energy

EIS Summary for the Public (ESP) 52MW Chico Run of River Hydropower Project Barangays Lucog, Naneng, and Bagumbayan, Tabuk City, Kalinga

14

Modyul Mga isyu/Maaring epekto Pagpapagaan/ pagpapabuting mga aksyon

Panlupang palahayupan

Pagkawala ng tahanan ng mga hayop

Ang pagkakatanggal ng mga pananim upang magbigay daan sa pagpapatayo ng weir at ang pagbabaha sa mataas na bahagi ng ilog ay hindi maiiwasan at maasahang magresulta sa pagkawala ng tirahan ng mga hayop sa mga lugar na ito.

• Ang mga aktibidad ukol sa pagkakaingin ng lupain ay dapat malimita sa mga lugar na tanging kailangan lamang

• Ang mga panandaliang mga pasilidad at daan ay dapat ilagay sa mga lugar na kakaunti lamang ang mga puno at halaman

• Ang mga naputol na puno ay papalitan ayon sa DMO 2012-02 • Pagpapalago ng pagtatanim sa maagang bahagi ng second growth vegetation at sa

mga apektadong mga lugar malapit at katabi ng proyekto

Banta sa pagkakaroon at/o pagkawala ng mga

mahahalagang lokal na mga hayop.

Hindi maasahang ang konstruksyon at

pagpapaandar ng proyekto ay magreresulta sa

pagkawala ng mga mahalagang lokal na uri ng

mga hayop.

Ang mga uri ng mga hayop ay nakagagalaw at nakakikilos at maasahang lilipat sa mga katabing mga lupain na maaring magsilbi na kanilang tahanan sa panahon na magsimula na ang proyekto.

• “No Hunting” na polisiya o ang pagbabawal sa pangangaso na naayon sa Philippine Wildlife Resources Conservation at Protection Act of 2001 (Republic Act 9147) ay striktong ipapatupad. Ito ay magiging bahagi ng site induction na pagdadaanan ng lahat ng mga empleyado sa planta. Lahat ng lalabag sa polisiyang ito ay mabibigyan ng karampatang paruso. Ang pagsusubaybay sa mga posibleng pangangaso ng mga empleyado at tauhan sa loob ng lawak ng proyekto ay magiging bahagi ng trabaho ng mga safety at environmental officers lalo sa panahon ng konstruksyon ng proyekto.

• Pagpapalago ng taniman at muling pagtatanim ng mga natitirang halaman sa mga apektadong mga lugar sa loob ng proyekto at mga katabing lugar nito.

• Pagkakaroon ng Information, Education and communication (IEC) na mga programa lalo na tungkol sa pagpapanatili ng kaligtasan ng mga hayop

Banta sa dami, dalas, at pagkakabahagi ng

mga mahahalang uri ng hayop

Maasahan pero hindi malaki ang epekto, na ang

iilang hayop sa isang uri lalo na sa yaong mga

mababagal, mga batang hayop o kakapanganak

pa lamang, inaakay ay maapektuhan ng

aktibidad sa konstruksyon ng proyekto. Ito ay

maaring makaapekto sa dami,dalas, at

pamamahagi ng mga uri ng hayop na ito ngunit

hindi malaki ang magiging epekto.

• Mabilis na paghahanap at paglilipat sa lokasyon ng mga uri ng hayop na medaling maapektukhan sa loob ng lawak ng proyekto na kailangan makaingin bago ang anumang aktibidad.

• Polisiya na magbabawal sa pangangaso, mga aksyon para pagpapabuti ng mga tahanan ng mga hayop tulad ng pagtataning, at pagkakaroon ng mga IEC na programa ukol sa kaligtasan ng mga hayop ay ipapatupad.

Hadlang para makapunta sa mga hayop.

Ang hadlang para makapunta sa mga hayop ay maliit at hindi malaki ang epekto. Ang konstruksyon ng proyekto ay magkakaroon ng maliit na result sa pagkakahati ng tahanan ng mga hayop na maari namang magresulta sa

• Limitahan ang pagkakaingin at/o pagkakasira sa mga lugar na dapat kaingin • Magkaroon ng mga programang ukol sa pagpapabuti ng pagtatanin sa mga lugar na

apektado • Kung magagawa, magkaroon ng reforestration sa mga lugar sa pagitan ng mga

tahanan ng mga hayop upang magkaroon ng daanan sa pagitan ng mga tahanan

Page 15: 52 MW CHICO RUN OF RIVER HYDROPOWER PROJECT - …eia.emb.gov.ph/wp-content/uploads/2016/06/ESP_Tagalog_52MW-Chico-RRHPP… · KAHALAGAHAN NG PROYEKTO Ayon sa Department of Energy

EIS Summary for the Public (ESP) 52MW Chico Run of River Hydropower Project Barangays Lucog, Naneng, and Bagumbayan, Tabuk City, Kalinga

15

Modyul Mga isyu/Maaring epekto Pagpapagaan/ pagpapabuting mga aksyon

pagkakaroon ng pagdami ng mga uri ng hayop sa hangganan/dulong bahagi ng lugar o tinatawag ding edge effect at sa pagkasira ng genetic flow o pagkakaproblema sa angkan ng mga uri ng hayop. Ang konstruksyon ng weir ay magreresulto sa pagkakabawas ng mga lugar na maaring maging tirahan ng mga hayop sa itaas at ibabang bahagi ng ilog.

Hydrology Maliit na pagtaas ng pagguho ng lupa at paglabo ng agos ng ilog partikular na habang konstruksyon ng proyekto.

• Maayos na pagplaplano at masusing pangangasiwa sa mga aktibidad na bago ang konstruksyon mismo.

• Magkaroon ng mga paran upang makontrol ang pagguho ng lupa tulad ng paggamit ng coconet

Pagbabaho ng flow pattern downstream o agos ng tubig sa ibabang bahagi ng ilog dahil sa pag-iiba ng daan ng tubig para sa power generation o paglabas ng elektrsidad sa planta pati na rin para sa pagpapatubig Pagbilis ng pagdami ng latak sa tubig o pagdami ng mga naimbak na lupa sa dulong bahagi ng ilog.

• Maayos na paglalagay ng diversion/coffer weir at siguraduhin ang makakalikasang pag-agos ng tubig sa ibabang bahagi ng ilog

• Pagpapagawa ng sediment settling ponds at pagsusuri sa weir • Pagkakaroon ng tamang pagplaplano sa pamamahala ng watershed tulad ng mga

rehabilitasyon at proteksyon

Maliit na pagbabago sa pana-panahong agos ng ilog

• Siguruhin ang paglalabas ng tubig mula sa turbine sa pamamagitan ng tailrace papunta sa diversion sa NIA na papunta sa mga lupa na itinalagang mapapatubigan

• Sigurudahin ang paglalabas ng riparian/environmental flow na sumusunod at naayon sa Philippine Water Code

• Pagkakaroon ng tamang pagplaplano sa pamamahala ng watershed

Kalidad ng tubig Pagkakaroon ng mga maiimbak na lupa sa

ibabang bahagi ng ilog

Ang mga sibil na gawain sa panahon ng

konstruksyon ng proyekto ay maglalabas ng

mga latak na lupa at ilang mga lantad na bahagi

na maaring medaling gumuho kung hindi

maayos na masosolusyunan. Ang guguhong

lupa ay maaring maging sanhi ng pagkakaimbak

• Pagkakaroon ng mga sediment traps habang konstruksyon; sapat na paglilihis ng tubig mula sa lugar sa konstruksyon

• Pagsasaalang-alang sa pangwakas na desenyo ng weir na ang mga sediments ay mananatili sa fluvial cycle

Page 16: 52 MW CHICO RUN OF RIVER HYDROPOWER PROJECT - …eia.emb.gov.ph/wp-content/uploads/2016/06/ESP_Tagalog_52MW-Chico-RRHPP… · KAHALAGAHAN NG PROYEKTO Ayon sa Department of Energy

EIS Summary for the Public (ESP) 52MW Chico Run of River Hydropower Project Barangays Lucog, Naneng, and Bagumbayan, Tabuk City, Kalinga

16

Modyul Mga isyu/Maaring epekto Pagpapagaan/ pagpapabuting mga aksyon

ng lupa sa ibabang bahagi ng ilog na

magreresulta pagdami ng latak o

sedimentation. Ang aksyon na “flushing the

reservoir” o paglalabas ng tubig mula sa

reservoir sa panahon ng pag-papaandar ng

proyekto ay maaring magdulot ng pagdaloy ng

mga latak na lupa at pagtaas ng kapasidad ng

ilog para sa pagguho na kaugnay sa pagbaba ng

paglabas ng mga latak bilang resulta ng

reservoir sedimentation.

Pagbabawas ng mga nutrients o pampalusog

na nadadala sa ibabang bahagi ng ilog

Decrease of nutrient transported downstream

Ang mga sediments o latak na lupa ay

karaniwang naglalaman ng mga nutrients o

pampalusog dahil sa adsorption. Ang weir ay

maaring makaapekto sa pana-panahong

floodplains sa ibabang bahagi ng ilog na

makakaapekto sa mga nutrients na mailalagay

sa mga lugar na ito

Pagsasangalang-alang sa pangwakas na desenyo ng weir ang pagkakaroon ng maayos na paglipat ng mga sediments o latak na lupa sa pamamagitan ng reservoir o sediment flushing

Pagbabago sa temperature ng tubig

Pagkakaroon ng iba’t ibang temperature sa reservoir o thermal stratification na maaring makaapekto sa mga hayop at halaman na nasa ibabang bahagi ng ilog

Maayos na pagdedesenyo sa weir upang mapaliit ang thermal stratification at maiwasan ang pagbaba ng lebel ng oxygen sa tubig o anoxic condition.

Pagpapabalik at pagpapagalaw ng mga nutrients, mga metal, at organic contaminants mula sa mga latak na lupa o sediments na nagbibigay daan upang ito ay magamit ng mga organism dahil sa pagbaba ng lebel ng oxygen sa pamamagitan ng oxidation of dissolved organic carbon na maaring magdulot ng kawalan ng oxygen o anoxic conditions sa reservoir tulad ng pagdami ng naimbak na

Palagiang pagsusubaybay sa kalidad ng tubig

Page 17: 52 MW CHICO RUN OF RIVER HYDROPOWER PROJECT - …eia.emb.gov.ph/wp-content/uploads/2016/06/ESP_Tagalog_52MW-Chico-RRHPP… · KAHALAGAHAN NG PROYEKTO Ayon sa Department of Energy

EIS Summary for the Public (ESP) 52MW Chico Run of River Hydropower Project Barangays Lucog, Naneng, and Bagumbayan, Tabuk City, Kalinga

17

Modyul Mga isyu/Maaring epekto Pagpapagaan/ pagpapabuting mga aksyon

mercury sa reservoir

Paglusot ng mga pore water na may kontaminado at may lamang natunay na organic carbon papunta sa mga tubig bukal lalo na sa panahon ng weir filling

Palagiang pagsusubaybay sa kalidad ng tubig

Ekolohiya

ng tubig

tabang

Pagpapatayo ng weir o mga aktibidad na nakakapagpagalaw sa lupa (tulad ng pagpapaandar ng trak) ay maaring magtaas ng paglabo ng tubig, kaya nababawasan ang sari-saring uri ng algae. Ang paglabo ng tubig ay binabawasan ang pumapasok ng ilaw at dahil dito ay nababawasan ay photosynthetic na kakayahan ng mga algae.

Ang paglilinis ng mga latak na lupa habang konstruksyon ng weir ay maaring maging nakapipinsala para sa mga benthic macroinvertebrates. Ang pagkaunti ng mga benthic macroinvertebrates ay maaring magkaroon ng mga negatibong epekto sa mga tubig tabang na mga uri ng isda. Ang trophic na istruktura at mga interaksyon ay maapektuhan dahil ang mga biological communities ay magkakarugtong. Sa pangkalahatan, ang pangunahin at pangalawang productivity ng sistema ng ilog ay mababawasan.

• Pagkakaroon ng mga aksyon upang makontrol ang pagguho ng lupa tulad ng pagpapatibay ng mga nakadalisdis na lupa at pagkakaroon ng mga siltation/sedimentation ponds na may silt traps

• Mga sistemang pagagusan ng tubig ay ipapagawa • Mga imbakan ng kemikal at gasolina at mga motorpool ay dapat itayo malayo sa

mga anyong tubig • Ang pinakamalapit na gasolinahan ang magiging prioridad na pagkukunan ng

gasolina • Ang mga pangalawang paglagyanan ng mga kemikal at gasoline ay ipapatupad • Pagkakaroon ng mga Oil/chemical spill kits • Ang mga trak at sasakyan ay palagiang susuriin upang maiwasan ang anumang uri

ng leaks o pagtulo • Magkakaroon ng sistema sa pamamahala at pagsubaybay ng mga dumi at basura

na naayon sa RA9003, RA6969 at RA9275 • Nararapat na fish ladder ay isasama sa desenyo ng weir • An appropriate fish ladder will be included in the design of the dam • Ang muling paglalagay ng mga elvers at fingerlings ng mga uri ng isa na

matatagpuan sa ilog • Ang kompanya ay dapat na sumunog sa ecological or environmental flow

requirement na inihanda ng NWRB • Paggawa at pagpapatupad ng Watershed Management Plan (WMP) kung wala

pang umiiral na WMP o kaya ay makipagkoordina at maging kasosyo sa pagpapatupad ng umiiral na WMP (kung meron)

Panglipunan at pangkabuhayan

Mga trabahong magbubukas sa 52 MW Chico Run of River hydropower plant para sa mga resident ng mga barangay na maapektuhan ng proyekto

• Unahin ang mga lokal na residente sa mga tatanggapin sa trabaho • Ituro sa mga local na residente sa pamimigitan ng Information and Education

Campaign (IEC) ang tungkol sa mga polisiya sa mga nagbukas na trabaho • Magsagawa ng mga programang magsasanay at magtuturo ng mga angkop na

kakayahan sa mga lokal na residente para sa mga bagong bukas na trabaho sa proyekto

Page 18: 52 MW CHICO RUN OF RIVER HYDROPOWER PROJECT - …eia.emb.gov.ph/wp-content/uploads/2016/06/ESP_Tagalog_52MW-Chico-RRHPP… · KAHALAGAHAN NG PROYEKTO Ayon sa Department of Energy

EIS Summary for the Public (ESP) 52MW Chico Run of River Hydropower Project Barangays Lucog, Naneng, and Bagumbayan, Tabuk City, Kalinga

18

Modyul Mga isyu/Maaring epekto Pagpapagaan/ pagpapabuting mga aksyon

Maaring pagkawala ng pangkabuhayan ng mga taong may pinagkakakitaan sa loob ng lawak na masasakop ng reservoir at ng mga nasa lugar katabi nito.

• Sapat na kapalit na bayad at pagkakaroon ng plano para sa paglipat o relocation sa mga taong maapektuhan

• Pagbibigay at paggawa ng mga alternatibong pangkabuhayan sa mga residenteng maapektuhan

• Pagkakaroon ng program para sa mabawi at magamit ang mga apektadong yamang lupa tulad ng mga pananim, bato, lupa, at iba pa.

Kaligtasan at kalusugang pangtrabaho ng mga manggagawa sa loob ng planta

• Pagkakaroon ng mga polisiya at pamamalakad para sa kaligtasan at kalusugan na ukol sa konstruksyon

• Pagbibigay ng mga paraan upang makontrol ang mga panganib sa kaligtasan • Pagbibigay ng PPE o tamang kasuotan habang nasa planta na meron ding mga

safety vests at harness para sa mga nagtratrabaho sa konstruksyon • Pagkakaroon ng mga safety seminars o pagaaral ukol sa kaligtasan at pagsasanay

sa mga mangagagawa sa konstruksyon • Pagbanghay ng programa ukol sa kaligtasan at kalusugang pangtrabaho pati na rin

ng emergency response plan

Page 19: 52 MW CHICO RUN OF RIVER HYDROPOWER PROJECT - …eia.emb.gov.ph/wp-content/uploads/2016/06/ESP_Tagalog_52MW-Chico-RRHPP… · KAHALAGAHAN NG PROYEKTO Ayon sa Department of Energy

VII. INAASAHANG TAGAL NG PROYEKTO

Figure 7. Pagsasalarawan ng inaasahang tagal ng bawat bahagi ng proyekto

Ang unang bahagi ay binubuo ng mga gawain na kailangan bago makapagpatayo ng isang 52 MW Chico River hydropower power plant. Ang mga aktibidad na bumubuo dito ay ang pagdidisenyo ng planta, pag-iinhinyero ng planta, at pagkuha ng lahat ng kailangangang mga dokumento at papelas upang maipatayo ang proyekto. Ang unang bahagi ay nagsimula noong Marso 2016 at matatapos sa Oktubre 2017.

Ang pangalawang bahagi o ang mismong pagpapatayo ay sinasakop ang lahat ng mga kailangan ipagawa at ipatayo sa planta tulad ng mga daan, ang weir mismo, at iba pang mga bahagi. Ito ay masisimula sa Oktubre 2017 at magtatagal hanggang Oktuber 2019. Matapos nito, inaasahang maari nang magsimula ang ikatlong bahagi ng proyekto kung saan paaandarin na ang planta. Ngunit bago ito makapaghatid ng serbisyo sa publiko, magkakaroon muna ng tinatawag na commissioning kung saan ang planta ay papaandarin muna sa loob ng 44 araw upang makita kung maayos na ang lahat ng bahagi at handa ng magsimula ng produksyon. Ang commissioning ay magsisimula sa Oktubre 2019 at magtatapos sa Disyembre 2019.

Page 20: 52 MW CHICO RUN OF RIVER HYDROPOWER PROJECT - …eia.emb.gov.ph/wp-content/uploads/2016/06/ESP_Tagalog_52MW-Chico-RRHPP… · KAHALAGAHAN NG PROYEKTO Ayon sa Department of Energy

EIS Summary for the Public (ESP) 52MW Chico Run of River Hydropower Project Barangays Lucog, Naneng, and Bagumbayan, Tabuk City, Kalinga

20

VIII. PAHAYAG NG KOMPANYA UKOL SA KINAKAILANGAN KOMPROMISO

Ito ay nagpapatunay na ang kompanya ng Karayan Hydropower Corporation ay may

kakayanang at makakagawa ng mga kinakailangangan hakbang upang mabawasan at mapaliit ang mga negatibong epekto habang lalo pang ipinagpapabuti ang mga positibong epektong dulot ng 52 MW Chico Run of River Project na matatagpuan sa Barangay Lucog, Naneng, at Bagumbayan, Tabuk City, Kalinga.

Sa patotoo tungkol dito, kami ay itatakda ang aming mga kamay ngayong ______ araw ng ______________ taong 2017 sa ____________________________________________, Pilipinas.

Oscar I. Violago Chairman

Karayan Hydropower Corporation

Nangangako ngayong ika- ____ na araw ng __________ 2017, na may Community Taxt Certificate No. ___________________ na inilabas noong ______________ sa _________________.

Page 21: 52 MW CHICO RUN OF RIVER HYDROPOWER PROJECT - …eia.emb.gov.ph/wp-content/uploads/2016/06/ESP_Tagalog_52MW-Chico-RRHPP… · KAHALAGAHAN NG PROYEKTO Ayon sa Department of Energy

EIS Summary for the Public (ESP) 52MW Chico Run of River Hydropower Project Barangays Lucog, Naneng, and Bagumbayan, Tabuk City, Kalinga

21

IX. PARA SA KARAGDAGANG IMPORMASYON

Ang kabuoan ng Environmental Impact Statement at ang buod na ito ay ialagay sa DENR-EMB Website (www.emb.gov.ph) ng hindi kukulangin ng 20 araw bago ang public hearing. Sa pagtatapos ng review, ang mga kopya ng buod na ito ay matatagpuan sa ilang ahensiya ng gobyerno na nakasulat sa ibaba:

Ahensiya Kinaroroonan

DENR – EMB DENR Compound, Visayas Avenue, Diliman, 1100 Quezon City, Philippines Telephone number: 927-15-17, 928-37-42 EMB Website: http://www.emb.gov.ph

Department of Energy Department of Energy, 2F PNOC Building V. Energy Center, Rizal Drive, 34th St. Taguig, 1632 Metro Manila

Provincial Government of Kalinga

Kalinga Provincial Capitol, Bulanao, Tabuk City, Kalinga

City Government of Tabuk

City Hall, Tabuk City, Kalinga

Barangay office of Lucog Brgy. Hall, Brgy. Lucog, Tabuk City, Kalinga

Barangay office of Bagumbayan

Brgy. Hall, Brgy. Bagumbayan, Tabuk City, Kalinga

Barangay office of Naneng

Brgy. Hall, Brgy. Naneng, Tabuk City, Kalinga