50 marriage tips by ed lapiz

12

Click here to load reader

Upload: hanna-roxette-aquino-zulueta

Post on 11-Apr-2015

1.204 views

Category:

Documents


18 download

DESCRIPTION

50 Marriage Tips by Ed Lapiz

TRANSCRIPT

Page 1: 50 Marriage Tips by Ed Lapiz

50 Marriage Tips (by Ed Lapiz)

Written by Francis FrancoTuesday, 18 August 2009 08:32

50 Payo for Mag-Asawa ....from the book of Ptr. Ed Lapiz of Day by Day church  

1.  LAGING TANDAAN  NA KAYO AY REGALO NG DIOS PARA SA ISA’T ISA

Remembering that your spouse is a gift from God is a healthy thing to do. It will somehow helpyou avoid thinking that your spouse is just a chance; worst, a mistake. Totoo naman talaga naang asawa ay regalo ng Dios. Ang asawa ay hindi lang napulot kung saan. Ang asawa ay hindigaling sa impakto. Lalong hindi siya hulog ng impiyerno. Ang asawa ay regalo ng Dios. Lagingtandaan na ang mga regalo ng Dios ay mabuti. Ang asawa mo ay isa sa mga mabubutingregalo ng Dios sa iyo.

 

 2. IPAKITA  AT IPADAMA ANG PAG-IBIG SA PARAAN GUSTO NIYA. May mgamag-asawang nagsabing:             “Hindi ko ,maramdamang mahal ako ng aking asawa.” Angdahilan- hindi siya minamahal sa paraang gusto niya. Baka naman  kasi hindi sinasabi saasawa kung paano niya gustong mahalin. Hindi masama at lalong hindi nakakahiya na sabihinsa iyong asawa kung paano mo ibig mahalin. Malaking tulong din kung tatanungin mo angiyong asawa kung paano niya gustong mahalin. Lalo kang mamahalin ng asawa  mo kungmamahalin mo siya sa paraang gusto niya.

3. SA ARI-ARIAN AT PERA HUWAG MAG KANYA-KANYA Sa mag-asawa, ang ari-arian ngisa ay ari-arian ng dalawa. Walang “akin, akin.” Walang “sa’yo, sa’yo”. Lahat “atin ito.” Angperang kinita ng isa ay pera ng mag-asawa.  If in marriage the man and the woman were oneflesh, then what is owned by one is owned by the other. Kaya huwag nang magtaguan pa.Ilabas na ang perang pinaakaka-ipit- ipit sa pitaka.

4. SHOWER EACH OTHER WITH LOVE. Diligin ninyo ng pag-ibig ang isa’t-isa para sumagana

1 / 12

Page 2: 50 Marriage Tips by Ed Lapiz

50 Marriage Tips (by Ed Lapiz)

Written by Francis FrancoTuesday, 18 August 2009 08:32

ang pagsasama. Ang maayos at matatag na pagsasama ng mag-asawa ay hindi nagaganapnang basta basta ito ay parang halaman na inaalagaan at dindiligan. Pag-ibig ang ipandilig,hindi masamang hinala, paninira, o pangungutya.

5. MAGING CREATIVE SA PAGPAPAKITA AT PAGPAPADAMA NG PAG-IBIG Ang pagigingcreative sa pagpapadama ng pag-ibig ay napakalaking tulong sa pagpapanatili ng init ngpagsasama ng mag-asawa. Kung nag-iisip para maging creative, may thrill, may excitement!Therefore hindi boring. Nakasasawa kung paulit-ulit lang. paminsan-minsan dapat mayrongkonting pagbabago sa pagpapahayag at pagpappadam ng pag-ibig.  Halimbawa: Kung lagi molang sinasabi sa asawa mo “ I love you, “ ngayon isulat mo sa magandang papel at ilagay mosa magandang frame. O di ba creative?Kung laging papel at ballpen ang ginagamit mo to say “I  love you” to your spouse, ngayon kung kaya mong magrent ng jet plane ipasulat mo sa ulap sa pamamagitan ng usok ang “ Ilove you” addressed to your spouse.  From paper and pen. Tosky and usok. Wow!  Di ba creative? Maging creative, OK!

6. SHOW CONCERN ON THE INTERESTS OF YOUR SPOUSE. Huwag lang himukin ang asawa na magpakita ng concern sa kung anung interests mayroon ka.Magkusa ka rin naman magpakita ng concern sa interests ng iyong asawa. Suportahan mosiya. Alamin ang paboritong sports ng iyong asawa at makipaglaro kung kaya mo rin lang.Makipag-usap sa asawa tungkol sa mga paksang gusto niya. Samahan ang asawa kung gustoniyang isama sa  panood ng mga pelikulang gusto niya. Malaking tulong sa masayangpagsasama ang maging concern sa interests ng isat-isa

7. SATISFY THE SEXUAL NEED OF YOUR SPOUSE Attend not only to your personal sexualsatisfaction but also to the satisfaction  of  your spouse. Pag hindi mo sinikap na i-satisfy angiyong asawa baka humanap siya ng ibang mag-sasatisfy sa kanya. Misis: ·                    ihandaang sarili para sa asawa. ·                    Maligo! Magpaganda! Magpabango! ·                    Huwagparang patay pag nakikipag “do.” Mister: ·Huwag tratuhing sex object ang asawa mo. ·Be gentleat huwag gawing pang-akrobatik ang misis mo. ·Magtootbrush ka! Maligo! Magpabango · Paanogaganahan ang misis mo kung mabaho anbg hininga mo, amoy lansangan ang ulo mo; amoygrasa ang katawan mo. Mahiya ka naman sa misis mo, no! ·Sikaping huwang maiwang bitinang misis pag nakikipa “do.”

8. AVOID RETIRING TO BED WITH UNSETTLED ILL FEELING Ang paminsan-minsang

2 / 12

Page 3: 50 Marriage Tips by Ed Lapiz

50 Marriage Tips (by Ed Lapiz)

Written by Francis FrancoTuesday, 18 August 2009 08:32

ma-offend ng asawa o maka-offend ng asawa ay bahagi  na ng buhay mag-asawa. Kungsakaling ma-offend ka muli ng iyong asawa, huwag mong hayaang makatulog ka ng may samang loob sa kanya. Huwag hayaang makatulugan ang galit sa asawa, baka kasi pag pagising mopatay ka na. Pangit mamatay na may kimkim na sama ng loob sa asawa. Kung balak mongbukas ay alisin saiyong dibdib ang samang dulot ng iyong asawa, gawin mo na ngayon bakabukas ay huli na.

9. BE GENTLE AND TACTFUL IN CORRECTING AN ERROR COMMITTED BY YOURSPOUSE  Walang asawang perfect. Lahat nagkakamali. If you need to correct an error committed by yourspouse, be specific. Attack an error committed by your spouse not his “being”. Approach yourspouse gently and tactfully. Kung hindi ka magiging maingat at matalino sa pagtutuwid sapagkakamali ng iyong asawa, ang pagtutuwid mo ay magiging sanhi pa ng lalong ikagugulo nginyong pagsasama. Dapat lang na ituwid ang pag kakamali o kasalanan ng asawa. But makesure to do it intelligently, tactfully, and cautiously.  Remember:  In making corrections, don’tforget to offer solutions.

10. MANALANGING MAGKASAMA Sikaping huwag lumipas ang isang araw na hindi kayonakapanalanging mag-asawa. Manalangin pakagising sa umaga at bago matulog sa gabi. Angmagkasamang pananalangin ay napakalaking tulong hindi lang sa “bonding” ng mag-asawakundi maging sa pagharap rin nila sa problema. May mga problemang ang hirap lutasin ng“patayo”. Subalit walang  problema na hindi malulutas kung ang mag-asawa ay “paluhod” namananalanging magkasama.  Tandaan: Ang isang buong araw ng mag-asawa aymaaapektuhan ng ilang minutong magkasamang panalangin nila.

  11. RESPECT YOUR SPOUSE’S NEED FOR PRIVACY.

Natural sa tao na minsan ay gustong mag-isa. Totoo ito maging sa mag-asawa. Recognize yourspouse’s need for privacy and honor it. Dapat ring tanggapin ang katotohanang may mga bagayna para lang sa asawa at hindi dapat pakialaman ng kahit sino pa. At mayron din naming mgapagkakataon na may gagawin ang asawa na hindi dapat pakialaman o panghimasukan dahilinsulto sa kakayahan pag siya ay pinakialaman. Kahit pa ng asawa niya.

3 / 12

Page 4: 50 Marriage Tips by Ed Lapiz

50 Marriage Tips (by Ed Lapiz)

Written by Francis FrancoTuesday, 18 August 2009 08:32

12. TUMUPAD SA PANGAKO Ang pangko galing sa asawa ay nagdudulot ng saya. Pero higitna ligaya ang madarama kung ang asawa ay tumutupad sa pangako niya. Huwag lang puropangako. Tumupad ka! Liligaya ang iyong asawa, titibay ang pasasama, kung sa pangakotumutupad ka! POGI points at BEAUTY points ang pagtupad sa pangako sa asawa.

13. PAG NAGALIT, SIKAPING TUMAHIMIK MUNA.  Matalinong pagpapasya ang tumatahimikmuna pag nagalit sa asawa. Ang tao pag galit ay may tendensya na makapanakit. Sino mangnasaktan ay may tendensyang manlaban at manakit din naman. Makatutulong na maiwasanang away at pananakit, kung sa panahong ikaw ay galit, manahimik muna, MANALANGIN atmag-isip-isip.

14. IWASAN ANG PAGSIGAW  SA ASAWA LALO SA HARAP NG IBA. Ang pagsisigaw saasawa lalo na  harap ng iba ay isang tanda ng kakulangan o kawalan ng paggalang sa asawa.Pwera na lang  kung bingi ang asawa, hindi tamang sinisigawan siya. Nababastos atnamumukhang tanga ang iyong asawa kung sisigawan mo siya lalo sa harap ng iba. Siguronaman ayaw mong nababastos at nagmumukhang tanga ang iyong asawa. Kaya huwag mongsisigawan ang iyong asawa.

15. BE APPRECIATIVE OF YOUR SPOUSE’S TALENTS ANG ABILITIES. Congratulations samga gumagawa nito.  At ‘yong hindi gumagawa nito, magbago na kayo!  Make your respectivespouses happy and be an encouragement to them, help develop your spouse’s  talents andabilities. Malaking kagalakan at  encouragement sa iyong asawa kung isa ka sa mga taongnag-a-appreciate sa kanya. Marami ang nagtatampo o nagagalit sa asawa dahil hindiina-appreciate ang kanilang talento at abilidad ng kani-kanilang asawa. Appreciate the talentsand abilities of your spouse. But more importantly, appreciate your spouse. DO IT NOW.   16. IWASANG PINTASAN ANG ASAWA. Hindi madaling tanggapin ang pintas galing sa ibang tao. Lalong mahirap tanggapin kung angpintas ay galing aasawa mo. Napakasakit nito lalo pa kung  naririnig ng ibang tao. Imbis napintasan ang asawa mo tulungan na lang siyang magbago. At kung may sasabihin ka  sa ibangtao tungkol sa asawa, magagandang bagay na lang ang ikuwento, huwag ang kapintasan niya.

17. TULUNGAN SIYANG HUWAG MAGKASALA.  Mas madaling makaiiwas sa pagkakasalaang iyong asawa kung tutulungan mo siya. Sa paglaban sa tukso suportahan ang asawa.Laging alalahanin na ang pagbagsak ng asawa ay pagbagsak ng pamilya. Alamin kung ano anglaban ng iyong asawa. Laban mo rin ang laban ng iyong asawa kaya lubos na tulungan siya.

4 / 12

Page 5: 50 Marriage Tips by Ed Lapiz

50 Marriage Tips (by Ed Lapiz)

Written by Francis FrancoTuesday, 18 August 2009 08:32

 Hindi-“BAHALAKA.”    Ang kailangan –“SUPORTAHAN TA KA.”

18. ANG GALIT SA IBA AY HUWAG IBALING SA ASAWA. Kung sakaling nagalit ka sa ibang tao, halimbawa sa presidente ng kompanyangpinagtatrabahuhan mo, sa boss mo, o sa kanino mang tao na tinitingala mo na hindi mo kayangipakita ang galit mo, huwag mong ibaling sa iyong asawa ang galit mo. Maging aware ka ditodahil pwedeng mangyari ito nang hindi mo namamalayan. Unconsciously you might transferyour anger with someone else to your spouse. It happens to some.I pray it won’t happen to you.

19. WHEN YOU HAVE OFFENDED YOUR SPOUSE, LEARN TO SHOW YOU’RE SORRY. Pag na-offend mo ang iyong asawa, kung talagang sorry ka, ipakita mo na totoong sorry ka.When  you realized that you have wronged your spouse, don’t just say “I’m sorry.” Show thatyou are really are sorry. Show it with your face and show it with your action. May mganagsosorry sa asawa na habang sinasabi ang “I’m sorry” ay nakangisi. Lalo tuloy nabubuwisitang asawa niya sa kanya. May mga nagsasabing “I’m sorry” sa asawa na wala namangpagbabagong makita sa pakikitungo sa asawa.  When you say you’re sorry, mean it. And showthat you really are sorry.

20. FORGIVE. Patawarin mo ang iyong asawa. Kailan? Pagnagkasala! Kahit pa gaano katindiang kasalanang nagawa sa iyo ng asawa mo, patawarin mo siya para wala kang bigat nadinadala. Ang di-pagpapatawad ay nakasasakit ng ulo. Nakakapangit pa ito! Talo ang dinagpapatawad. Panalo ka kung magpapatawad ka. Ang pagpapanatili ng galit ay nagdudulot nghinagpis at karaniwang humahantong sa pananakit. May galit ka pa ba sa asawa mo?Patawarin mo na siya.  The earlier you forgive when you get offended by your spouse, is betterthan best. Tandaan: Hindi optional ang magpatawad. Ang magpatawad ay utos ng Dios.  

21. AVOID NAGGING

 Nakakainis ang asawang nagger. Ayon sa ilang asawa ng nakausap ko:  “Lalo akongnagtatampo pag nina-nag ako ng asawa ko.”   “Gusto kong  sungangain ang bibig ng asawa ko  “Nanliliit ako and I feel stupid  pag nina-nag ako sa asawa ko.”  Ikaw, ano ang pakiramdam mopag nina-nag ka ng asawa  mo? Kung may nagawang pagkakamali ang iyong asawa at gusto

5 / 12

Page 6: 50 Marriage Tips by Ed Lapiz

50 Marriage Tips (by Ed Lapiz)

Written by Francis FrancoTuesday, 18 August 2009 08:32

mong sabihin sa kanya, minsan lang itong sabihin sa kanya. At huwag idagdag pa dito ang mgadati pang mali na nagawa niya. Sa pagsasalita sikaping maging mahinahon, huwag pagalit,hindi nang-iinis o nanlalait.

22. HAVE A SENSE OF HUMOR. Nakakapangit ang laging nakakunot ang noo. Sa mag-asawa kailangan ang ngiti at tawa. Canyou imagine a couple without a sense of humor? Boring di ba? Ang lungkot ng buhay ngmag-asawa pag walang sense of humor. Parang laging may patay. It’s nice to make peoplehappy especially your spouse. Have a sense of humor. Patawanin mo ang iyong asawa. Learnto crack good funny jokes. Dagdag ligaya kung ang asawa ay marunong magpatawa.

23. MANGARAP! MAGTIYAGA! MATALINONG GUMAWA. Libreng mangarap. Mangarapkayong mag-asawa at magkasamang magplano tungo sa katuparan ng inyong pangarap.Walang challenge ang buhay kung walang pangarap sa buhay ang mag-asawa. Magkaroonkayo ng kaisahan sa inyong pangarap. Mahirap para sa mag-asawa ang walang isangpangarap. Walang tagumpay kung walang pangarap. Pero huwag lang puro pangarap. Bakabangungutin kayo kung puro pangarap lang. Maging masipag, at matiyaga. Magtrabaho nanghusto, gumawa, at maging matalino sa paggawa.

24. MORE THAN WINNING THE ARGUMENT, AIM TO WIN YOUR SPOUSE. Natural sa mag-asawa ang paminsan-minsan ay magkaroon ng argumento. Kung sakalingmanyari ito sa inyo, aim on winning your spouse, more than winning the argument against yourspouse. Aanhin mo ang manalo sa argumento kung mawawala naman sa’yo ang asawa mo.Sige, isipin mo.

25. MAGING ATTRACTIVE SA IYONG ASAWA. Maraming asawa ang nahulog sa kandugan ng iba kasi hindi na attractive para sa kanya angkanyang asawa. Huwag kayong magpabaya sa inyong itsura. Mag-exercise at iwasana angwalang pakundangang pagkain nang sobra para di masira ang inyong pigura. At sikapin na rinna maging mabango para sa asawa. Tanungin din ang asawa kung anong amoy at itsura anggusto niya. Sundin ang gusto ng asawa para maging attractive sa kanya. I-attract mo ang iyongasawa baka kasi iba pa ang umattract sa kanya. Sige ikaw rin. Baka magsisi ka.

6 / 12

Page 7: 50 Marriage Tips by Ed Lapiz

50 Marriage Tips (by Ed Lapiz)

Written by Francis FrancoTuesday, 18 August 2009 08:32

26. MAGING KONTENTO KAYO. Delikado ang maaaring kahinatnan ng mag-asawang walang kakuntentuhan sa kung ano’ngmayron sila. Gulo ang kasasadlakan. Ano ba ang kailangan para maging kontento ang tao?Ang kasapatan ba ng lahat ng pangangailangan? Kung dito nakabase ang kakuntentuhanwalang mag-asawang mauubusan ng pangangailan. Therefore, walang mag-asawangmakukuntento. Hindi masama ang maghangad ng karagdagan para sa kinabukasan. Peromaging  kuntento  muna at magpakaligaya sa kung ano ang mayron kayo ngayon. Baka kasihindi dumating ang bukas. Pag dumating ang “bukas,” ang “bukas” ay naging “ngaun.” Kayakung ano mayron kayo, magpakaligaya at maging kuntento. Kung kuntento ka sakalingmamatay ka ngayon, maluwag ang iyong dibdib na ikaw ay papanaw at marahil nakangiti ka pahanggang kabaong.

26. UMIWAS SA MGA SITWASYON NA MAARING MAGBUNGA NG MASASAMANGHINALA Para hindi ka mapagbintangan na may ginagawang masama,iwasan ang mga sitwasyongkanina-hinala. Huwag kang magasasama o sasama sa hindi mo asawa sa isang lugar namakukwestiyon ang iyong pagsasama.  Halimbawa:         Sa loob ng pribadong sasakyan(dalawa lang kayo sa loob ng kotse);                   Sa park ng pang magnobyo o pangmag-asawa; Sa loob ng hotel.  Mahirap paniwalan na ang isang lalake at isang babaeng galingsa loob ng hotel  ay nagprayer meeting, nagkwentuhan, nagjack en poy lang. Mag-ingat!Umiwas!

 28. BE GENTLE.  Gentleness to your spouse can be best exemplified by being considerate ofyour spouse’s feeling and thoughts. Bago mo gawin ang isang bagay o bago mo sabihin anggusto mong sabihin isipin mo muna kung ano ang maaring bunga nito sa isip at damdamin ngiyong asawa. Hindi komo’t gusto mo ay gagawin mo na lang basta-basta. I-kunsidera monaman ang isip at damdamin ng iyong asawa. Sa pagsasalita, sa gawa, maging sa paghipo atpaghawak, maging gentle sa asawa.

29. BE PROUD OF YOUR SPOUSE  Ipinagmamalaki mo ba ang iyong asawa? Dapat lang! Proud ka bang nakikita ang itsura ngasawa mo o gusto mong takpan siya ng dyaryo habang ipinakikilala mo siya sa ibang tao?Huwag mong ikahiya ang iyong asawa. Be proud of your spouse. Huwag mong ikahiya nagiyong asawa.

7 / 12

Page 8: 50 Marriage Tips by Ed Lapiz

50 Marriage Tips (by Ed Lapiz)

Written by Francis FrancoTuesday, 18 August 2009 08:32

30. IGALANG ANG OPINION NG ASAWA. Ang lahat ay may karapatang magpahayg ngkanyang sariling opinion. Ito man ay mali o tama. Igalang ang opinion ng asawa. Kahit di kasumang-ayon sa opinion ng iyong asawa ipakita mong iginagalang mo ito. Ang hindipagkakapareho ng opinion ng iyong  asawa sa iyo ay hindi nangangahuluganng mali siya. Hindilahat ng naiiba ay mali. Pero kahit pa hindi ka sang-ayon sa opinion ng asawa, dapat pa rin naigalang ang opinion niya. Ang hindi pagsangayon ay hindi nangagngahulugan ng kawalan ngpaggalang. Ang mahalaga, igalang ang opinion ng asawa. Tanda kasi ito ng paggalang sakanya. Igalang ang asawa.  

31. HUWAG MAGING  “BOSSY”.

Sa mag-asawa walang “amo.” Walang boss. Dapat parehong naglilingkod sa isa’t-isa. Thehusband being appointed by God as head of the wife is not taken as “Lord over the wife.” Hindirin naman tama na ang wife ay hindi nagpapasakop sa husband. Huwag mong tratuhing alilaang iyong asawa. Pumarehas ka kahit pa mas malaki ang kinikita mo kumpara sa kanya. Kunguutusan ang asawa don’t forget the magic word-“PLEASE.” At kung wala kang ginagawa at mayginagawa ang iyong asawa, huwag mo na siyang abalahin pa. kung kaya mo rin lang anggagawin, huwag mo nang iasa pa sa asawa.

32. MAGING MAUNAWAIN. Kung gusto mong lalo kang mahalin ng iyong asawa ipakita mong inuunawa mo siya. Totoongkailangan mo ang pang-unawa. Pero higit sa hanapin mo sa asawa ang unawain ka, masunahin mo ang unawain siya. Sa bandang huli ang hinahanap mong pang-unawa galing saiyong asawa ay ibibigay din niya. Ang pagpapkita ng pang-unawa ay malinaw na ebidensya ngpagmamahal sa asawa.

33. KEEP COMMUNICATION LINES OPEN. Dapat lang sa mag-asawa na alamin at ipaalamang kalagayan ng isa’t-isa. This will not happen if the couple will not keep their communicationopen. Basic indicators of good communication between a husband and wife:  Cleartransmission of message- be it thoughts or feelings. Listening- Don’t just butt in. Understanding-seeing from the perspective of the one who speaks. Empathy-feeling with. Maraming problemaang maiiwasan ng mag-asawa kung laging bukas ang komunikasyon nila para sa isa’t-isa.

8 / 12

Page 9: 50 Marriage Tips by Ed Lapiz

50 Marriage Tips (by Ed Lapiz)

Written by Francis FrancoTuesday, 18 August 2009 08:32

34. MAGING MAHINAHON SA PAG-UUSAP PAG MAY PROBLEMANG NILUULUTAS.  Walang problemang di malulutas sa mahinahong pag-uusap. Sa totoo lang, maramingproblema ang hindi na sana lumala pa kung sa pag-uusap ay naging mahinahon angmag-asawa. Hindi makakatulong sa paglutas ng problema kung nagsisisihan ang mag-asawa.Magpokus sa solusyon huwag sa pagkakamali o sa problema ng isa’t-isa. Iwasan din angpangungutya at magtaas na tono pag nagsasalita. Bahagi rin ng pagiging mahinahon angpaggamit ng mga tamang salita.

35. LET YOUR SPOUSE KNOW YOUR FEELINGS AND THE PREDICAMENT YOU ARE IN.Tell your spouse not only your thoughts but also your feelings. Letting your spouse know yourfeelings and the predicament you are in will somehow help your  spouse act accordingly. Ewanko lang kung nakakabasa ng isip ang asawa mo, hindi naman manghuhula ang asawa mo paramalaman niya ang iniisip at nararamdaman mo. Sa panahong nanghihina o nagdaramdam ka,magandang sabihin ito sa asawa. Huwag sarilinin ang pagdurusa. Dahil ang mag-asawa dapatmagkasama sa hirap at ginhawa. Walang silbi ang asawa kung sa panahon ng pagdurusa ayhindi nakikiisa. Pero mahirap malaman ng iyong asawa ang lagay mo kung hindi mo itosasabihin sa kanya. Huwag mahiya. Huwag mag-alala. Magsabi ka sa asawa.

36. IWASANG ISUMBAT ANG MGA NAKALIPAS NA PAGKAKAMALING NAGAWA NIYA. May mga taong pag nagalit sa asawa ay binabalik-balikan ang matagal ng pagkakamalingnagawa ng asawa.  At pauli-ulit na isinusumbat ito sa kanya. Pag ganito ng ganito, sisikip angmundo ng iyong asawa at baka marapatin pang iwan ka niya. Ang kasalanang pinagsisisihanna ay hindi na dapat isumbat pa. pag may bagong nagawang pagkakamali ang iyong asawa,huwag mong isama iyong mga luma na. walang kahihinatnang maganda ang isumbat sa asawaang pagkakamaling lipas na.

37. IWASANG GAWIN ANG ANO MANG BAGAY NA ALAM MONG IGAGALIT NIYA. Maymga asawa na talagang nananadya. Tahasang ginagawa ang mga bagay na alam na ikagagalitng kanyang asawa. HUWAG GUMAYA SA KANILA.    Yon naman eh… kung ayaw mongmasira ang pamilya. Hindi lang asawa ang masamang epekto pagtahasang ginagawa mo angalam mong nakasasakit sa iyong asawa. Maaaring gantihan ka ng iyong asawa at pati ang anakmo, maaaring gayahin ka at tahasan ring saktan ka. Huwag gawin sa asawa ang mga bagay naayaw mong sa iyo ay gawin niya.

9 / 12

Page 10: 50 Marriage Tips by Ed Lapiz

50 Marriage Tips (by Ed Lapiz)

Written by Francis FrancoTuesday, 18 August 2009 08:32

38. SA PANAHONG NANGHIHINA ANG LOOB NG ASAWA, MAGING SOURCE OFENCOURAGEMENT PARA SA KANYA. May mga panahon maaaring manghina ang iyong asawa gawa ng kinakaharap na problema.Maging katuwang ka sa pagresolba ng problema at huwag na maging pabigat pa. Kungkailangang magsakripisyo para makatulong-magsakri pisyo! Kung kailangang tumahimik paramakatulong- manahimik! Gawin mo ang magagawa mo para matulungang malutas angproblema ng asawa. Be a source of encouragement .

39. IWASAN ANG PAKIKIALAM SA MGA BAGAY NA INAARING PERSONAL NG IYONG ASAWA. Personal letters, text messages, bag at pitaka, at iba pang mga bagay na inaaringpersonal ng iyong asawa, huwag mong basta-basta babasahin, kakalkalin, at pakikialaman.

40. MAGTIWALA  Ang pagpapakita ng pagtitiwala sa asawa ay malaking tulong tungo sa magandangpagsasama. Kung noon ay niloloko ka ng iyong asawa ang magtiwala sa kanya ay maaringmaging tulong tungo sa pagbabago niya. Para sa isang naglolokong asawa hindi madalinggawin ang magbago lalo kung walang tulong na manggagaling sa kanyang asawa. Kungsakaling sa kabila ng ipinakita mong pagtitiwala sa iyong asawa ay niloko ka pa rin niya,alalahanin mong sa iyo ay walang nawala. Sa iyong asawa ay marami ang nawala. Sapagtitiwala, walang nawawala. Sa manloloko, marami ang nawawala.  

41. MAGING BEST FRIEND KA NG ASAWA MO.

 “Ako ng asawa mo.”  Yes!” tinuturing ka bang kaibigan ng iyong asawa? Sagot pls._________________ ______ Sa  hanay ng mga kaibigan ng iyong asawa, “Ikaw ba ay kinikilala ng iyongasawa ng kanyang matalik na kaibigan?” Sagot pls.________ _________ _________ “Asawamo, best friend ka ba?” sagot pls.________ _________ _________ _ Dapat matalik na kaibiganka ng iyong asawa. Mas dapat…PINAKAMATALIK.

42. HUWAG GAWING KATATAWANAN ANG KAMALIAN, KAKULANGAN, AT KAIBAHANNG IYONG ASAWA. Lahat ay nakakamali, lahat ay nagkukulang. Lahat ay may kaibahan.Walang taong matutuwa pag pinagtatawanan ang kanyang kakulangan, kamalian, o kaibahan.

10 / 12

Page 11: 50 Marriage Tips by Ed Lapiz

50 Marriage Tips (by Ed Lapiz)

Written by Francis FrancoTuesday, 18 August 2009 08:32

Tahasang pangungutya sa asawa ang pagtawanan ang kaibahan o pagkakamali niya. Hinditama na ginagawang biro ang pagkukulang, o mga bagay na hindi pangkaraniwan sa asawa. Gaya ng:             Kuntil sa tenga,             Putol na daliri o sobra sa sampu ang daliri,            Ilong na parang tapon,             Kulay ng balat,             Butas ng ilong na mukhang garapon,            At iba pa.  Huwag pagtawanan ang kamalian, kaibahan at kahinaan ng asawa. Iwasangpagtawanan ang asawa. Baka gulpihin ka o kaya baka mawalan ka ng asawa.

43. MAGING MAKA-DIOS.  Sa pagsasama ng mag-asawa ang pagiging maka-Dios angpinakamahalaga. Ang pagiging maka-Dios ang siyang magdadala sa mag-asawa sa isangmatibay na pagsasama at totoong pagkakaisa. Natural sa mag-asawa ang datnan ngiba’t-ibang problema. Pagka maka-Dios ang mag-asawa mananatiling matatag ang kanilangpagsasama kahit gaano katindi ang problemang kinakaharap nila. Ang ikinatatag ng ugnayanng mag-asawa ay hindi nakadepende sa dami ng pera o sariling kakayahan ng mag-asawa.Ang ikinatatatag ng relasyon ng mag-asawa ay nakadepende sa Dios na siyang pundasyon ngpagsasama. Sa panahong tahimik o may kaguluhan, panahong tag-init o tag-ulan, magingmaka-Dios ka at ang iyong asawa.

44. BE ATTENTIVE PAG MAY SINASABI SIYA SA IYO.  Di ba pag kinakausap mo ang iyong asawa gusto mo nakikinig siya? Gusto rin ng asawa mo napakinggan mo siya pag kinakausap ka niya. Di ba ayaw mo na may ginagawang kung anu-anoang iyong asawa pag kinakausap mo siya? O di ganon din ang gawin mo. Huwag kanggumagawa ng kung anu-ano pag kinausap ka ng asawa mo. May mag-asawang mukhangmagkausap silang dalawa. Mukha lang pala. Dahil ang kausap nila ay sari-sarili pala at hindiang isa’t-isa. Nakakabanas! Di ba? Babala:      Huwag silang tularan.

45. IPAKITA AT IPADAMA NA MAHALAGA ANG IYONG ASAWA. Sarap ng pakiramdamkung feeling important ka di ba? Ang asawang nakadama na siya ay di mahalaga sa kanyangasawa ay nag-mumukhang aba, nahahabag sa sarili, at nagiging madrama. Ipakita at ipadamana mahalaga sa iyo ang iyong asawa. Masarap kasama ang taong sa iyo ay nagpapahalaga.marami ng mag-asawa ang naghiwalay dahil sa kawalan ng pagpapahalaga sa isa’t-isa. Ipakitaat ipadama na mahalaga sa iyo ang iyong asawa.

46. IIWAS SA SELOS ANG ASAWA. Maraming mag-asawa ang nag-away at nasira angbuhay dahil sa selos. Marami ang nasiraan ng bait, pumatay at napatay dala ng matindingpagseselos. Natural na magselos kung kaselos-selos. magtaka ka kung may dapat pagselosan

11 / 12

Page 12: 50 Marriage Tips by Ed Lapiz

50 Marriage Tips (by Ed Lapiz)

Written by Francis FrancoTuesday, 18 August 2009 08:32

sa’yo ang iyong asawa tapos hindi siya nagseselos. Ang pinakamaganda, iiwas sa selos ngasawa. Kung sakaling hindi sinasadya may nagawa ka o kaya may nagawa ang iba nanapansin mong ipinagseselos sa iyo ng iyong asawa, ayusin agad. Huwag patagalin pa. linawinito at sikaping huwag maulit pa. Tandaan:  Ang selos ay parang lason. Naninira, nakamamatay.

47. HUWAG SABAT NANG SABAT KUNG ASAWA MO  ANG KAUSAP NG IBA. May mgaasawang sabat ng sabat kahit hindi siya ang kinakausap.Turn off ka ba sa asawang sabat ngsabat? Correct ka diyan! Nakakaturn-off talaga ang asawang sabat nang sabat kahit hindikinakausap. Kaya ikaw, iwasan ang pagsasabat-sabat kung asawa mo ang kausap.Kahanga-hanga ang asawang di palasabat.

48. MAGSAMA AT MAGKAISA SA PAGGAWA NG DESISYON. Sa paggawa ng desisyondapat lang na magkasama at nakakaisa ang mag-asawa. Sa mag-asawa, hindi tamang isa langang gagawa ng desisyon lalo pa kung maselan o major decision ang gagawin. Kagaya ng:            Paglipat ng bahay,             Pagbili at pagbebenta ng ari-arian,             Pagdisiplina samga anak,             At iba pa. Bago gumawa ng desisyon dapat lang na ang mag-asawa aynag-uusap muna at nananalanging magkasama. Daan ito tungo sa pagkakaisa.

49. HUWAG KALIMUTAN ANG MGA ARAW NA PINAHAHALAGAHAN NG IYONG ASAWA.Hindi dapat makalimutan ang mga araw na pinahahalagahan ng iyong asawa lalo na angbirthday at wedding anniversary. Give your spouse a special greetings on special occasions.Better still, give your spouse a treat on special occasions. Gawin mo ito sa asawa mo. Siguradoako, LOVE points ang bunga nito.  Remember: Don’t forget!

50. BE RESOLVED TO LIVE WITH YOUR SPOUSE ALL YOUR LIFE. Ang relasyon ngmag-asawa ay panghabambuhay. May kasabihan: “Ang pag-aasawa ay hindi parang kaningisusubo at iluluwa pag napaso.” In solving marital problems, lot of solutions can be consideredas the options. God hates divorce. God intends marriage to be for life. Maraming mag-asawaang naghiwalay na. Marami na sila. Hindi na kayo dapat dumagdag pa. Magsama kayongmag-asawa sa lungkot at ligaya, sa hirap o ginhawa, meron o walang pera, hanggang mayhininga.  Remember:             What God has joins together, Let no man separate.

12 / 12