2nd quarter of 2016

7
DREAM COME TRUE “Dream come true!”. Ito ang bukang-bibig ng 600 na pamilya sa isang lugar sa Lungsod ng Parañaque. Mahigit na 35 taon na ang nakaraan mula nang sila’y makatira sa isang liblib na squatter area sa may Bgy. Marcelo Subdivision. Ang mga bahay ay gawa sa tagpi-tagping plywood at nakapatong sa bato. Ang mga bubong ay mga lumang alulod na pinitpit. Walang tubig at walang ilaw ang lugar sa panahon na iyon. Kapag tag-ulan, lalabas ang mga tao para makasahod ng tubig para may panluto at panlaba. Sabay-sabay maligo sa ulan kahit hangting-gabi. Kapag naglalakad sila sa eskinita ay makapal na putik ang natatapakan. Wala ring paaralan at ibang mga amenidad sa lugar. Karamihan sa mga kababaihan ay nagtatrabo bilang labandera. Ang mga kalalakihan nama’y construction worker sa kalapit na subdibisyon. Taong 1994 nang kami ay nagtatag ng samahang magkakapitbahay para lang sa kasayahan ng Pasko. Habang tumatagal, nagkaisip kami na baka paalisin kami ng may-ari ng lupa na aming tinitirikan. Doon na nag-umpisa ang aming pangamba. Kaya’t ang aming samahan ay ipinarehistro sa Security and Exchange Commission (SEC) upang magkaroon kami ng ligal na personalidad. Kaming mga opisyales ay nagbuhos ng oras sa paglilingkod. Boluntaryo naming inalam ang estado ng lupa, nagtanong-tanong sa mga abogado. Ngunit isang umaga, dumating ang aming pinangangamba. Nakatanggap kami ng sulat mula sa may-ari ng lupa at kami ay pinaalis sa loob ng 20 na araw mula sa pagtanggap. Parang gumuho ang aming mundo. Lahat kami ay natakot, walang mapupuntahan. Nagka-isa kaming mga opisyales na makipag-ugnayan sa NHA. At dito nagsimula ang aming pangarap. Taong 2004 nang pumunta ang may-ari ng lupa sa NHA para humingi ng tulong para kami’y mapaalis. Ngunit inimungkahi ng NHA na magkaroon ng usapin na ibenta na lang

Upload: duongcong

Post on 04-Feb-2017

241 views

Category:

Documents


3 download

TRANSCRIPT

Page 1: 2nd Quarter of 2016

DREAM COME TRUE

“Dream come true!”. Ito ang bukang-bibig ng 600 na pamilya sa isang lugar sa Lungsod ng Parañaque. Mahigit na 35 taon na ang nakaraan mula nang sila’y makatira sa isang liblib na squatter area sa may Bgy. Marcelo Subdivision. Ang mga bahay ay gawa sa tagpi-tagping plywood at nakapatong sa bato. Ang mga bubong ay mga lumang alulod na pinitpit. Walang tubig at walang ilaw ang lugar sa panahon na iyon. Kapag tag-ulan, lalabas ang mga tao para makasahod ng tubig para may panluto at panlaba. Sabay-sabay maligo sa ulan kahit hangting-gabi. Kapag naglalakad sila sa eskinita ay makapal na putik ang natatapakan. Wala ring paaralan at ibang mga amenidad sa lugar. Karamihan sa mga kababaihan ay nagtatrabo bilang labandera. Ang mga kalalakihan nama’y construction worker sa kalapit na subdibisyon. Taong 1994 nang kami ay nagtatag ng samahang magkakapitbahay para lang sa kasayahan ng Pasko. Habang tumatagal, nagkaisip kami na baka paalisin kami ng may-ari ng lupa na aming tinitirikan. Doon na nag-umpisa ang aming pangamba. Kaya’t ang aming samahan ay ipinarehistro sa Security and Exchange Commission (SEC) upang magkaroon kami ng ligal na personalidad. Kaming mga opisyales ay nagbuhos ng oras sa paglilingkod. Boluntaryo naming inalam ang estado ng lupa, nagtanong-tanong sa mga abogado.

Ngunit isang umaga, dumating ang aming pinangangamba. Nakatanggap kami ng sulat mula sa may-ari ng lupa at kami ay pinaalis sa loob ng 20 na araw mula sa pagtanggap. Parang gumuho ang aming mundo. Lahat kami ay natakot, walang mapupuntahan. Nagka-isa kaming mga opisyales na makipag-ugnayan sa NHA. At dito nagsimula ang aming pangarap.

Taong 2004 nang pumunta ang may-ari ng lupa sa NHA para humingi ng tulong para kami’y mapaalis. Ngunit inimungkahi ng NHA na magkaroon ng usapin na ibenta na lang

Page 2: 2nd Quarter of 2016

sa amin ang lupa. Namagitan ang NHA sa presyo upang makagaan sa mga tao. Tumayo ang NHA na originator namin sa ilalim ng Community Mortgage Program (CMP) at sa mga pag-uusap at konsultasyon, nakuha namin ang mababang presyo. Nagsadya ang aming samahan sa Social Housing Finance Corporation (SHFC) upang makakuha ng mga rekisito.

Sa gabay ng NHA at iba pang ahensya ng pamahalaan, nabili namin ang lupa sa loob ng halos walong taon at naisalin ang titulo mula sa may-ari sa aming samahan. Ang lupang 28,570 metro kuwadrado ang sukat ay nakatitulo na sa Manggahan Kawayanan Homeowners’ Association (MKHA). At sa tulong ng Gawad Kalinga, nagkaroon kami ng mga housing component. Ngayo’y may tubig na sa aming lugar, may kuryente, may drainage na maayos at mga linya ng telepono.

Sa ngayon, puwede na naming sabihin na amin na ang aming tinitirhan at ipanagmamalaki na kami rin ay mga taxpayer. Muli, ang sigaw namin ay “Dream come true!”.

EVA D. ABEJERO Pangulo, MKHA Barangay Kagawad, Bgy. Marcelo Subdivision, Parañaque

Page 3: 2nd Quarter of 2016

Ang lahat ay nag-umpisa sa isang “pangarap”… Pangarap na sana, katulad ng iba, ay mayroon din kaming maayos at disenteng tahanan - konkreto, malinis, may pintura at maayos na dingding, magandang bubong katulad

ng nakikita namin sa katabi naming subdibisyon, malinis at maaliwalas na kapaligiran at may lugar na ligtas at malayang makakapaglaro ang mga bata.

Ngayon nga ay nagkaroon na ito ng katuparan. Ang dating imposible ay naging posible na… Sa haba ng aming nilakbay, anim na taon ang lumipas, ay unti-unting naging konkreto ang mga pangarap na iyon. Hindi lamang sa aming sarili o sariling pamilya kundi ng buong pamayanan namin na nagnanais ng pabahay sa siyudad dahil na rin sa mga oportunidad na dito lamang matatagpuan.

Buong puso kaming nagpapasalamat sa Maykapal sapagkat biniyayaan kami ng mga taong nakatagpo namin na siyang nagdala sa amin sa aming mga “pangarap”. Isa sa kanila ay ang ka-partner naming Non-Government Organization, ang Community Organizers Multiversity na mas kilala na CO Multiversity o COM. Sila ang nagturo at nagmulat sa amin ng aming karapatan at halaga sa lipunan, nakinig sa aming hinaing at kakulitan, nagtaas ng aming moral at higit sa lahat ay naghubog sa aming kakayahan. Sa madaling salita, bahagi sila ng aming pagkatao.

Kung babalikan ko ang anim na taong pinagdaanan namin, masalimuot ang aming pakikibaka at ang mga karanasang iyon ang nagturo upang kami’y maging mahusay na lider at mamamayan.

Nagsimula ang aming engagement o ugnayan sa ahensyang ito nuong taong 2013 para sa proyektong pabahay sa lugar ng MMDA Depot Motorpool. Sapagkat ng mga panahong ito, ang samahang Alliance of People’s Organization Along Manggahan

APOAMF Journey - Ang Pakikipag-Ugnayan sa NHA

Ka ra n a s a n g A P OA M F

Page 4: 2nd Quarter of 2016

Floodway (APOAMF), ay nagsagawa ng “people’s planning” at nakitaan namin ang nasabing lugar ng potensyal para pagtayuan ng proyektong pabahay sa loob ng lungsod ng Pasig. Maraming pulong ang nangyari sa pagitan namin at ng NHA. Kahit mas madalas na hindi kami komportable sa isa’t isa dahil mas madalas ay hindi kami nagkakaintindihan.

Subalit sa kabila ng lahat ng iyon, pinili naming magpatuloy para sa aming pangarap na pabahay, gayundin para sa kapakanan ng mga kasapi ng aming samahan at komunidad. Kami’y makikipagtulungan sa NHA dahil naniniwala kami na walang masama sa aming mga pangarap at naniniwala kami na iyon ay mangyayari kung iyon ay kanilang matutugunan.

Sa kasalukuyan nga ay unti-unti nang nagbunga ang aming mga pangarap. Napapayag namin ang NHA na maitayo ang housing project sa nasabing lugar. Tunay nga na walang hindi nakukuha sa patuloy at seryosong pakikipag-usap, na siyang daan upang ang bawat isa sa amin ay maging bukas at matutong magbigay at magsaalang-alang.

Walang imposibleng pangarap sa taong kumikilos, nagtitiwala, naniniwala sa sariling kakayahan, nagtitiyaga at higit sa lahat tumatawag sa Maykapal!

JENILYN C. DAVIDSecretary-General

APOAMF

Page 5: 2nd Quarter of 2016

Sa sama-samang pagkilos at tulong ng gobyernong lokal at nasyonal at sa gabay na rin ng Community Organizers Multiversity (COM), isang matagumpay at ligtas na pabahay ang naisakatuparan. Ito ang pabahay para sa APOAMF na kinabibilangan ng labing-

isa (11) organisasyon mula sa tatlong barangay ng Rosario, Maybunga at Sta. Lucia sa Pasig City na nakikipagtulungan upang makamtan ng grupo ang in-city at near-city housing.

Ang Peoples Initiative na itinaguyod ng APOAMF ay talagang bottom to top approach to development. Hindi lamang ito teknikal na aspeto ng pabahay, hindi lamang pagsasaayos ng kapaligiran, kundi pagbuo nito ng isang komunidad. Sa Peoples Initiative binubuo kung paano pangangalagaan ng mga pamilya ang kanilang kaligtasan, seguridad at kabuhayan. Parang blueprint na hindi lang lupa ang pinag-uusapan. Ito ay ang kabubuang pamumuhay ng urban poor sa isang lugar.

Isang-daan at dalawampung pamilya ang nakalipat na sa dalawang Low-Rise Building (LRB) ng NHA sa MMDA Depot, ang Manggahan Residences 1. Nakatakdang ilipat ang ibang pamilya matapos maitayo ang lahat ng 15 gusali ng proyekto. Sa kasalukuyan, patuloy na pinapalakas ng iba’t-ibang Civil Society Organizations (CSOs) ang APOAMF sa pagbibigay pa nito ng mga iba’t ibang pagsasanay at training- workshops.

Ang APOAMF, ang mga benepisyaryo ng Manggahan Residences ay lubos na nagpapasalamat sa NHA sa kanilang pagtugon sa mithiin ng grupo upang ganap na maisakatuparan ang kaniling people’s plan. Sila rin ay nagagalak sa malaking tulong ng COM sa gabay na ipinaabot nito sa pag-oorganisa - mga leadership training, estate management, community planning, re� ection, advocacy. Dahil dito, nakilala ang kanilang grupo ng iba pang organisasyong sarado sa pakikipag-usap at negosasyon sa pamahalaan.

BRYANN DE MESACommunity Organizer

Page 6: 2nd Quarter of 2016

HALAW SA MENSAHE NG PAGTUGON

Pasinaya ng Manggahan Residences 1 LRB Project Eastbank Road, Bgy. Sta.Lucia, Pasig City

Agosto 27, 2015

Inulat ni Madeline A. Suarez

Isang mapagpalang umaga ang aking pagbati sa inyong lahat!

Ako po ay isang karaniwang maybahay na naninirahan noon sa isang maliit na tahanan

na nasa Manggahan Floodway. Kami ay nangungupahan lamang at piniling tumira dito sa

kadahilanang ito lamang ang aming kakayaning upahan. Ang lugar na ito ay nauunang bahain

sa panahon ng tag-ulan o sa tuwing may bagyo. Kaya naman, kami ay nangarap ng isang

maayos, disente at permanenteng tirahan dito sa loob ng Lungsod Pasig.

Inilipat po

kami sa

kasalukuyang

tirahang ito

upang maging

ligtas at mailayo

sa panganib na

dulot ng baha.

At ito po naman

ay aming

buong pusong

t i n a n g g a p

dahil batid

namin na ito

Page 7: 2nd Quarter of 2016

po ay makakabuti sa amin gayundin sa ating mga kababayan dito sa Lungsod Pasig.

Makakatulong ito upang maibsan ang matinding pagbaha sa mga karatig na lugar. Ang

aming pagtanggap ay bunga ng aming mga pinagdaanang proseso ng “people’s plan”.

At noong Hunyo 24, 2015, ang pangarap pong ito ay nagkaroon ng kaganapan. Nai-award

po sa amin ang pabahay na aming inasam-asam. Ngayon, masasabi kong panatag na

kami. Tapos na ang panahon ng aming pangamba sa tuwing sasapit ang mga bagyo’t pag-

ulan, tapos na ang isang kabanata ng buhay na lumulusong sa baha.

Masasabi ko po na kami ay nakatulong nang malaki sa ating pamahalaan sapagkat ang

malaking pondo na inilalaan para sa mga relief goods taon-taon sa panahon ng kalamidad

tulad ng bagyo ay mailalaan na sa mas magandang proyekto kung saan maraming

kababayan natin ang makikinabang. Ang problema sa pagdami ng pamilyang ISF ay mababawasan na rin nang tuluyan sapagkat ang In-City Relocation ay siyang akmang solusyong-pabahay na aming nakikita dahil hindi na kailangan pang lumayo ang mga pamilya sa kanilang kabuhayan. Kasama na kaming uunlad sapagkat malapit sa amin ang lahat ng oportunidad na sa lungsod lamang ito matatagpuan.

Napakasaya pong makita ang mga ngiti ng mga kapwa ko benepisyaryo, ang mga ngiti ng mga kabataan sa tuwing sila ay naglalaro ng may kapanatagan sapagkat sila ay ligtas na sa mga sasakyang nasa labas ng compound na ito. Ilan lamang po ito sa mga pagbabagong naidulot sa amin ng proyektong ito.

Kaya sa ngalan ng (120) benepisyaryo ng proyektong ito, kami ay taos-pusong nagpapasalamat kay Pangulong Aquino at sa kanyang administrasyon para sa isang pambihirang oportunidad na ibinigay niya sa katulad naming Informal Settler Families at Urban Poor … Salamat sa inilaan po ninyong pondo na P50 bilyon para sa In-City Relocation ng mga pamilyang nasa danger areas na katulad namin. Salamat sa pagkakataong mangarap, kumilos at magtagumpay. Ngayon ay mayroon na po kaming maayos at disenteng tahanan na hindi nalalayo sa aming trabaho at nakasanayan. Maraming, maraming salamat sa lahat ng sangay ng pamahalaan at institusyon at mga indibiduwal na naging katuwang upang maisakatuparan ang aming pangarap na tahanan.