2 basic literacy learning material - lrmds.depedldn.com
TRANSCRIPT
B a s i c L i t e r a c y L e a r n i n g M a t e r i a l
B u r e a u o f A l t e r n a t i v e L e a r n i n g S y s t e m
D E P A R T M E N T O F E D U C A T I O N
2Basic Literacy Learning Material
Ako’y Pilipino, Ipinagmamalaki Ko Ito!
Karapatang-Ari 2013
Bureau of Alternative Learning System
DEPARTMENT OF EDUCATION
Pag-aari ng Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa Pagkatuto, Kagawaran ng Edukasyon ang modyul na ito. Ang alinmang
bahagi nito ay hindi maaaring ilathala o kopyahin sa anumang paraan o anyo nang walang nakasulat na pahintulot mula sa
organisasyon o ahensiya ng pamahalaang naglathala.
Inilathala sa Pilipinas ng:
Bureau of Alternative Learning System
Department of Education
3/F Mabini Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines
Tel No.: (02) 635-5188 Fax No.: (02) 635-5189
Ako’y Pilipino,
Ipinagmamalaki Ko Ito!
i
Tungkol saan ang modyul na ito?
Pag-aaralan sa modyul na ito ang mga bagay na magpapakilala sa atin bilang
Pilipino. Makikilala tayo dahil sa ating wika, mga kaugalian, at tradisyon. Bilang Pilipino, ating
minamahal, pinahahalagahan, at itinatangi ang mga ito.
Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang (2) aralin:
Aralin 1 - Filipino…Pambansang Wika ng Pilipinas
Aralin 2 - Mga Kaugalian at Tradisyong Tunay na Pilipino.
Ano-ano ang matututuhan mo sa modyul na ito?
Matapos pag-aralan ang modyul na ito, maisasagawa mo na ang sumusunod:
• natatalakay ang mga pinagmulan ng wikang Filipino;
• nasasabi ang mga kahalagahan ng wikang gamit natin sa pamayanan;
• naipamamalas ang mga pagpapahalaga sa pambansang wika;
• nakababasa nang wasto ng mga salita ukol sa wika at magagandang
kaugalian;
• naipakikita ang paggalang sa wika, mga kaugalian, at tradisyong Pilipino; at
• nakapagbibigay ng mga kahulugan ng mga payak na pangungusap na
mayroong kaugnayan sa wika at mga kaugaliang Pilipino.
ii
Ano-ano na ang alam mo?
Bago magsimula sa pag-aaral ng modyul na ito, alamin natin kung ano-ano ang
mga pagkakakilanlan sa mga Pilipino.
Panuto: Basahin ang mga pahayag na sumusunod. Punan ang mga patlang ng titik ng
tamang sagot.
______ 1. Ang pambansang wika ng Pilipinas ay _____________ .
a. Ingles b. Filipino c. Italyano d. Espanyol
______ 2. Ang kawikaang “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa mabaho
at malansang isda” ay mula sa mga panulat ni _______________ .
a. Jose Taruc b. Juan Luna c. Jose Rizal d. Rafael Recto
______ 3. Ang salitang kabisera ay tumutukoy sa ________________ .
a. sentro ng negosyo b. parke c. munisipyo d. sulat
______ 4. Sa kulturang Pilipino, sinasabing ang mga matatanda ay dapat na __________.
a. pabayaan b. alagaan at igalang c. pahirapan d. sigawan
______ 5. Ang salitang bayanihan ay kasing-kahulugan ng ________________ .
a. masarap na ulam b. tahanan c. tawiran d. pagtutulungan
1
Aralin 1
Filipino…Pambansang Wika ng Pilipinas
Kilala ang mga Pilipino bilang masisipag, matitiyaga, at matiisin. Dahil dito,
napapamahal sila sa ibang lahi. Bukod pa rito, magaling magsalita ang mga Pilipino ng
wikang Ingles.
Ang Ingles ay wikang pandaigdig kaya mahalagang matutuhan natin ito. May wikang
pambansa naman tayo na dapat nating matutuhan bago ang wikang banyaga.
Alamin natin ang kabutihang dulot ng sariling wika natin at sa bansa.
Pagkatapos pag-aralan ang araling ito, makakaya mo nang gawin ang sumusunod:
• nasasabi ang pinagmulan ng pambansang wika;
• nasasagot ang mga payak na tanong tungkol sa wika;
• nakasusulat ng payak na pangungusap;
• naipahahayag ang kahalagahan ng wikang pambansa at kung paano ito
pahahalagahan; at
• nakalulutas ng suliraning pamilang sa paraang pagbabawas.
2
Pakinggan Natin
Ako’y Isang Pinoyni Florante de Leon
Ako’y isang Pinoy Si Gat Jose Rizal
sa puso’t diwa noo’y nagwika
Pinoy na isinilang Siya’y nagpangaral
sa ating bansa sa ating bansa
Ako’y hindi sanay sa “Ang hindi raw magmahal
wikang mga banyaga sa sariling wika
Ako’y Pinoy na mayroong Ay higit pa ang amoy
sariling wika. ng malansang isda”.
Koro:
Wikang pambansa
Ang gamit kong salita
Bayan kong sinilangan
Hangad kong lagi ang kalayaan.
3
Pag-usapan Natin
Sagutin ang sumusunod:
1. Ano ang lahi ng nagsasalita?
2. Bakit niya sinasabi na Pinoy siya sa puso’t diwa?
3. Bakit kaya hindi siya sanay magsalita ng wikang banyaga?
4. Ano ang sabi ni Jose Rizal sa taong hindi nagmamahal sa sariling wika?
5. Ano ang hangad ng bawat Pilipino para sa kanyang bansa?
4
Basahin Natin
Ako’y Pilipino
Filipino ang wika ko
Pilipinas ang bansa ko
Tayo’y Pilipino
May sariling wika
Ito ay ang Filipino
Taas noo, kahit kanino
Ipinagmamalaki ko
Ang pambansang wikang Filipino.
5
Subukin Natin
Sipiin ang mga pangungusap sa sagutang papel.
1. Ang wikang pambansa ay Filipino.
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
2. Mahal ko ang aking wika.
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
6
Alamin Natin
Filipino ang ating wikang pambansa. Tagalog ang naging batayan nito.
Ito ay dahil sa pagkakahawig ng istruktura nito sa ibang wika sa Pilipinas. Bukod
dito, Tagalog ang gamit sa Maynila. Maynila ang kabisera ng Pilipinas. Kabisera
ito dahil dito ang sentro ng kalakalan at pamahalaan.
Idineklara ni Manuel L. Quezon ang Tagalog bilang wikang pambansa
noong ika-30 ng Disyembre 1937 na naging batas noong Mayo, 1946. Pinagtibay
ito ng Saligang Batas 1973. Ang Wikang Filipino ay isa sa mga sagisag ng bansa.
Dahil dito, sinikap nating makapagsalita, makasulat, at makipagtalastasan
sa wikang Filipino.
7
Subukin Natin
A. Isulat sa sagutang papel ang letra ng wastong sagot.
1. Ang ating wikang pambansa ay .
a. Ingles b. Filipino c. Cebuano
2. Ang kabisera ay ang sentro ng pamahalaan at .
a. kalakalan b. kabayan c. kababayan
3. Pinagbatayan ng wikang pambansa ay .
a. Filipino b. Cebuano c. Tagalog
4. Ang nagdeklara na Filipino ang magiging wikang pambansa ay si .
a. Quezon b. Aquino c. Osmeña
8
Kwentahin Natin
1. Si Edna ay isang OFW sa Dubai. Tuwing Sabado ay naglalaan siya ng oras
upang makapagturo sa mga batang Pilipino. Itinuturo niya ang wikang Filipino.
Kung mayroong 25 bata ang nakatala at 15 lamang ang pumapasok, ilan
ang bilang ng mga batang hindi pumapasok?
a. Ilan ang nagpatala? Ilan ang pumasok? Ilan ang hindi dumalo?
- =
b. Anong katangian ang taglay ni Edna?
c. Kung ikaw ay nasa ibang bansa, paano mo pahahalagahan ang sariling
wika?
9
2. Nagdaraos ng 2 misa tuwing Linggo si Father John sa Filipino Community sa
Italy. Sa unang misa, ginagamit niya ang Ingles na dinadaluhan ng 12
pamilya. Samantalang wikang Filipino sa pangalawang misa na 30 pamilya
naman ang dumadalo.
a. Ilan ang dumadalo sa unang misa? sa pangalawa? Aling misa ang may
mas maraming dumalo? Ilan ang higit nito?
- =
b. Sa palagay mo, bakit mas marami ang dumadalo sa misang gamit ang
wikang Filipino?
10
Tandaan Natin
Filipino - pambansang wika ng Pilipinas
Tagalog - batayang wika ng Filipino
- ginagamit na salita sa kabisera
kabisera - sentro ng pamahalaan, kalakalan o negosyo
wikang Filipino - ginagamit sa pagsalita, pagsulat, sa mga pormal na
komunikasyon at sa iba pang uri ng pakikipagtalastasan
- pagkakakilanlan bilang Pilipino
Manuel L. Quezon - Ama ng Wikang Pambansa
11
Alamin natin ang iyong natutuhan
A. Sagutin ang puzzle na nasa ibaba.
Pababa
1. Ayon sa awit, “ang hindi magmahal
sa sariling ______ ay higit pa ang
amoy sa malansang isda.
2. wikang pambansa
3. batayang wika ng Filipino
Pahalang
4. bansang ginagamit ang wikang
Filipino
5. sentro ng pamahalaan at kalakalan
6. Ama ng Wikang Pambansa
1 2 3
4
5
6
12
B. Sagutin.
1. Si Edward ay inhinyero sa Saudi. Hilig niya ang musika. Siya ay may 45 CD.
Ang 35 sa mga ito ay musikang Pilipino, samantalang ang iba naman ay
awiting banyaga.
a. Ilan lahat ang mga CD ni Edward? Ilang ang musikang Pilipino?
Ilan ang banyaga?
- =
b. Anong katangian mayroon si Edward?
c. Ikaw, aling musika ang kinahihiligan mo? Bakit?
13
Aralin 2
Mga Kaugalian at Tradisyong Tunay na Pilipino
Ang pagiging Pilipino ay hindi lamang maipakikita sa paggamit ng sariling wika sa
lahat nang pagkakataon. May mga natatangi tayong mga kaugalian at tradisyon na
tatak Pilipino talaga. Kilalang-kilala tayo sa pagkamatulungin, mapagmahal sa
kasambahay at maasikaso sa mga kaibigan.
Ngunit naipakikita nga ba natin ang pagiging Pilipino? Ito ba ay nagagawa natin
araw-araw. Maaaring sa pamamagitan ng pagtanggap natin sa opinyon ng iba. O kaya
nama’y sa pagiging mapagpakumbaba. Ito ba ay makikita sa paraan ng ating pagsasalita
o sa pakikitungo natin sa ating kapwa?
Pagkatapos pag-aralan ang araling ito, makakaya mo nang isagawa ang sumusunod:
• naipahahayag ang saloobin ukol sa larawang nakita;
• nabibigkas nang maayos ang awit ukol sa ugaling Pinoy;
• nakasusulat ng payak na pangungusap;
• nakalulutas ng suliraning pamilang gamit ang paraang pagbabawas; at
• naipahahayag ang mga paraan upang mapagyaman ang mga gawi at
kaugaliang Pilipino.
14
Pag-aralan Natin
Ganito sila noon…Ganito pa rin ba tayo ngayon?
15
Pag-usapan Natin
Mga Ugaling Pinoy
(Himig: Paruparong Bukid)
Sa aki’y pamana Tanggaping magiliw
Ng ama at ina Mga paumanhin
Susing mahalaga Ang gawang mabuti
Katulong sa tuwina. Laging ugaliin.
Susi ng paggalang Kapwa natin tao
Po, opo, salamat Ay pangalagaan
Laging gagamitin Nang maging tahimik
Sa lahat ng oras. Itong pamayanan.
Koro :
Kung tayo’y nagkulang Ang masamang gawi
Paumanhi’y hingin Iwasan, itakwil
Kung hirap ang buhay Pag-ibig sa kapwa
Huwag itong damdamin. Ang panatilihin.
16
Basahin Natin
Dito tayo kikita,
pagbutihin
natin.
O, anak, ibig mo
rin bang maging
sapatero ?
Opo, Itay. Hindi po
basta sapatero,
mahusay pong
sapatero.
Pare, marami
ka palang suki.
Aba, oo. Kasi
pinagbubuti ko
ang aking
trabaho.
Dito tayo kikita,
kailangang
pagbutihin natin.
O, anak, big mo rin
bang maging
sapatero?
17
Subukin Natin
A. Basahin ang mga pangungusap na sumusunod.
Isulat ang mga ito sa mga inihandang guhit.
1. Alagaan at igalang ang matatanda.
______________________________________
______________________________________
______________________________________
2. Magandang kaugalian ng mga
Pilipino ang bayanihan.
______________________________________
______________________________________
______________________________________
17
18
B. Basahin ang mga salita sa kahon. Piliin ang mga salitang nagpapakita ng mga
mabubuting gawing Pilipino. Kopyahin ang mga ito sa patlang.
bayanihan nagtutulungan sigawan matiisin sa hirap
nagmamano nagpapasalamat malikhain
Magiliw na pagtanggap ng panauhin. Walang galang sa matatanda.
Minamadali ang trabaho.
1. 5.
2. 6.
3. 7.
4.
19
Kwentahin Natin
Suriing mabuti ang larawan sa ibaba. Isulat ang sagot sa bawat patlang.
A. Nag-anyaya si Mang Andres ng apatnapu’t dalawang kalalakihan sa kanilang
baranggay para sa paglilipat ng kanilang tahanan. Tatlumpu’t dalawa lamang
ang dumating sa araw ng paglilipat.
1. Ilan ang dumating sa araw ng paglilipat?
2. Ilan ang hindi dumating?
20
3. Kung isa ka sa inanyayahan, darating ka ba? Bakit?
4. Anong kaugalian ang ipinakikita ng mga dumating? Makabubuti ba ito o
makasasama? Bakit?
B. Naglunsad ng programang pangkalinisan ang Baranggay Aurora na may temang
“Kapit-Bisig Kapamilya”. Inaasahan ng kapitan na dadalo ang animnapu’t walong
pamilya subalit dalawampu’t isa ang hindi dumalo.
1. Ilan ang pamilyang nakiisa sa programa?
2. Ilan ang hindi dumalo?
3. Kung isa ka sa mamamayan ng Aurora, dadalo ka ba? Bakit?
4. Anong kaugalian ang ipinakikita ng mga dumalo? Makabubuti ba o
makasasama ba ito sa kalagayan ng samahan ng mamamayan?
21
Tandaan Natin
Mahalagang isaisip, isapuso ang pagpapahalaga sa ating wikang pambansa,
kaugalian, at tradisyong Pilipino.
• Pambansang wika natin ang Filipino. Isa ito sa ating mga pagkakakilanlan bilang
isang malayang bansa na may pagkakaisa.
• Tagalog ang batayang wika na pinagmulan ng wikang Filipino. Ito ang salita sa
kabisera mula noon hanggang ngayon.
• Dapat mahalin ang wikang Filipino. Gamitin ito sa pagsasalita, pagsusulat at sa
mga komunikasyon o pakikipagtalastasan.
• May iba’t ibang kaugalian, tradisyon at saloobin na katangi-tangi sa mga Pilipino
tulad ng pagiging:
o magalang at mapag-alaga sa mga matatanda
o matulungin at mapagmahal sa kasambahay
o maasikaso at magiliw sa pagtanggap sa mga kaibigan
o malikhain at masinop sa mga gawain at trabaho
o matatag ang loob at matiisin sa hirap
o may magandang ugali katulad ng pagiging magaling makisama sa kapwa
o mapagpahalaga sa mga magagandang kaugalian at tradisyon ng ating
lahi
o makatao at higit sa lahat ay maka-Diyos
22
Ano-ano ang natutuhan mo?
A. Isulat sa sagutang papel ang angkop na salitang angkop sa larawan. Piliin ang sagot
sa loob ng kahon.
bayanihan pagmamano malikhain
magiliw sa mga bisita maka-Diyos mapag-alaga
1. 2.
23
3. 5.
4. 6.
24
B. Pumili ng isang tradisyon o kaugalian na nais mo. Ipaliwanag sa 3-4 na pangungusap.
Isulat sa sagutang papel.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
C. Sagutin ang sumusunod na tanong ayon sa sitwasyon.
Ayon sa panayam na isinagawa sa limampu’t walong kabataan, tatlumpu’t
anim sa kanila ang nagmamano.
1. Ilan lahat ang mga nakapanayam?
_______________________________________________________________________
2. Ilan ang mga nagmamano?
_______________________________________________________________________
3. Ilan ang mga hindi nagmamano?
_______________________________________________________________________
4. Bilang Pilipino, ano ang gagawin mong aksyon sa resulta ng panayam?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________